Sunday, February 10, 2013

May Nagmamahal

May Nagmamahal


Sa edad kong 22, nakatapos na ako ng kursong Engineering at nakapasa na rin sa board examination. Ito marahil ang naging dahilan kaya kinuha ako ng university kung saan din ako natapos upang magturo. Maganda ang records ko sa school ko pati na sa extra-curricular activities na marahil ang naging basehan nila upang kunin ang serbisyo ko sa school. Hindi naman ako nagdalawang isip at tinanggap ko ang trabahong iyon. Sa mga panahong iyon ay mahirap ang humanap ng trabaho kaya naman agad ko na itong tinanggap.
Naging practice na sa College of Engineering na ibigay sa bagong pasok ng instructor ang mga subjects at klase na tinatanggihan ng mga beteranong instructors. Ako, bilang bagong instructor, ay nabigyan ng special class na pawang 5th year irregular students. Pito lamang sila sa klase at ang ilan pa sa kanila ay naging classmates ko pa sa ilang subjects ng ako ay estudyante pa. Sa pitong estudyante ko, si Bobby ang pinakatahimik samantalang si Val naman ang pinakamaingay at pinakamagulo. Halos makakasing-edad lang kami kaya naman parang barkadahan ang naging turingan namin sa isa’t isa. Subalit may limitasyon pa rin akong ibinigay sa kanila na sa oras ng klase ay instructor pa rin nila ako at dapat pumasa sila sila sa mga pagsusulit kung nais nilang pumasa.

Nang matapos ang isang semester ay nakapasa naman lahat ng aking mga estudyante. Laking pasasalamat nila sa akin kasi halos lahat sila ay repeaters na ng subject na iyon at sa akin lang daw nila lubos naintindihan ang importansya ng subject na iyon sa kanilang kurso. Kahit hindi ko na naging estudyante sina Bobby at Val ay panay ang lapit pa rin nila sa akin lalo na kung may gustong itanong tungkol sa iba nilang subjects. Graduating na silang dalawa kaya naman kailangan nilang maipasa lahat ng naiiwan nilang subjects. Halos araw-araw ay laman sila ng faculty room namin at naghihintay sa bakanteng oras ko. Hindi ko naman sila binibigo at patuloy pa rin ang free tutorial na ginagawa ko sa kanila.


Lalo kaming naging malapit sa isa’t isa sa mga sumunod pang mga araw. Naiimbitahan na rin ako sa kanilang mga gimik at doon ko lubos na nakilala ang magkaibigan. Hindi ko rin mapaliwanag sa aking sarili ng bigla akong humanga sa kakisigan at kagwapuhan ni Bobby ng una ko siyang nakitang hindi nakasuot ng uniporme. Palibhasa nasanay akong makita sila na naka-uniporme. Sa porma ni Bobby ay halata na galing sa mayamang pamilya. Makinis ang moreno niyang balat at mga mata parang laging nakangiti. Kahit sa gimikan ay tahimik pa rin si Bobby. Pero kung ngumiti na siya ay sulit na ang hindi niya pagsasalita. Si Val naman ay komikero pa rin, maingay at siya ang nagdadala ng saya sa aming tatlo.

Sa tuwing gigimik kami at aabutin kami ng madaling araw ay sa apartment ko na sila nagpapalipas ng gabi. Ako lang naman ang nakatira sa inuupahan kong studio-type na apartment. Dahil lalaki naman kaming lahat doon ay natutulog kaming naka-brief lamang. Siguro sa kalasingan namin ay kung saan-saan na kami humihilata. Maliit lang kasi ang kama ko, kaya kung sino ang nauna doon ay pinagbibiyan na namin. Pero madalas ay iyong pinakalasing sa amin. Sa tuwing nakikita ko ang katawan ni Bobby na tanging brief lamang ang suot ay lalo akong humahanga sa kanya. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman kay Bobby.

Nahihiya man ako ay nilakasan ko ang loob ko na ipagtapat iyon kay Val. Hindi naman nagtaka si Val dahil noon pa man daw ay napapansin na niya na may pagtingin ako kay Bobby. Nagpatulong ako kay Val sabihin iyon kay Bobby upang hindi na maghirap ang kalooban ko. Sa isang gimik naming tatlo sinimulang sabihin ni Val ang tungkol sa nararamdaman ko kay Bobby. Nagulat si Bobby sa kanyang nalaman.

“Pare naman, walang ganyanan. Makakaibigan tayo tapos papatusin mo pa ako.” ang biglang naibulalas ni Bobby sa akin.

“Nais ko lang kasing malaman mo kung ano ang nararamdaman ko. Mahirap naman na itago ko ito habang buhay.” ang naging tugon ko naman sa kanya.

Biglang umentra si Val at nagsabing “Ano ba kayo? Kung hindi pwede, di ‘wag. Ang mahalaga nalaman natin ang totoong damdamin ng isa’t isa. Kalimutan nyo na muna yan at inom na lang tayo”.

Nagpatuloy kami sa inuman pero hindi na namin pinag-usapan ang topic na iyon. Halos hating gabi na kami natapos uminom pero hindi na sila natulog sa apartment ko. Iyon na rin pala ang huling gimik naming tatlo. Kahit sa school ay umiiwas na sa akin si Bobby. Si Val naman ay ganoon pa rin ang turing sa akin. Hanggang sa dumating ang kanilang graduation. Lalong hindi ko na nakita si Bobby. Kahit may trabaho na si Val, paminsan minsan ay dumadalaw pa rin siya sa school o sa apartment kung may panahon siya. Subalit si Bobby ay tuluyan na yatang nakalimutan ako. Kahit ganoon pa man, panay pagtatakip ni Val sa kaibigan.

Si Val ang naging hingahan ko ng sama ng loob tungkol kay Bobby at pati na rin ang tungkol sa trabaho ko. Kaya alam ni Val kung gaano ko kamahal si Bobby. Nang dumating ang birthday ko, naging sorpresa ni Val ang pagdating ni Bobby. Sa apartment lang ako naghanda kasama ang mga co-teachers ko at ilang estudyante na tumulong sa pagpreprepare ng lahat. Nang mag-uwian na ang aking mga bisita ay naiwan sina Bobby at Val. Medyo nakainom na kami sa mga oras na iyon kaya naman nabanggit ko muli kay Bobby ang nararamdaman ko at ang lubos na galak na dulot ng kanyang pagdalo sa aking kaarawan.

“Di lang iyang ang sorpresa ko sa iyo. Bahala na si Bobby ang magsabi.” ang biglang ibinulong sa akin ni Val sabay labas ng apartment na nagpaalam na magpapalamig lang muna.

“Sa iyo ako ngayong gabi.” biglang sinabi ni Booby sa akin nang makalabas ng apartment si Val.

Nagulat ako sa sinabi ni Bobby. Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa labi. Parang tinaman ako ng kidlat sa mga sandaling iyon. Biglang nag-init ang buong katawan ko at ginantihan ko na rin ang ginagawa sa aking ni Bobby. Ibinigay ni Bobby sa akin ang kanyang sarili subalit ng matapos na kami ay naramdaman ko na parang napilitan lang si Bobby sa kanyang ginawa. Ang masakit pa noon ay ang sinabi niya na katawan lang niya ang ibinigay sa akin, hindi ang kanyang pagmamahal. At ang pinakamasakit pa doon ay ang nasabi niya na kabayaran lang iyon ng kabutihang ipinagkaloob ko sa kanila na kung hindi dahil sa akin ay hindi sila makakapagtapos.

Ang ligaya at tuwa na naramdaman ko sa pagbabaubaya sa akin ni Bobby ay parang isang iglap na naglaho. Napalitan ito ng lungkot at hinanakit sa taong aking kasiping sa mga oras na iyon. Halos maiyak ako pero pinilit kong huwag tumulo ang aking mga luha. Napukaw lamang ang katahimikan ng kumatok sa pinto si Val. Dali-daling nagbihis kaming dalawa ni Bobby bago ko binuksan ang pinto. Hindi na nagtagal ang magkaibigan at nagpaalam na rin sila.

Nang muli kaming magkita ni Val ay inamin niyang pinilit niya si Bobby na gawin iyon dahil ipinamukha niya sa kanyang kaibigan na labis-labis ang aking naging sakripisyo upang makatapos sila sa kanilang pag-aaral. Nagdamdam din ako kay Val ng malaman ko iyon. Pati siya ay halos ayaw ko na ring makita. Pero naging makulit pa rin si Val sa pagsuyo sa akin. Lagi pa rin siyang dumadalaw. Minsan pa nga ay sinusundo ako sa school lalo na ng makabili siya ng kanyang kotse. Pinilit kong kalimutan si Bobby at iniwasan ko na ring magkagusto sa kapwa ko lalaki. Sa tulong na rin ni Val ay nagkaroon din ako ng ilang girlfriends. Pero halos hindi nagtatagal ang aming relasyon. Matagal na ang dalawang buwang relasyon. Kahit ganoon pa man ay panay hanap pa rin si Val ng babaeng magugustuhan ko.

Siguro sa dami na ng naireto ni Val sa akin ay napagod na rin siya sa kahahanap ng paraan para mapaligaya ako. Kaya naman minsan ng gumimik kami ay ginulat niya ako sa kanyang ipinahayag.

“Pare, ako ba ay di papasa sa standard na hinahanap mo sa isang lalaki?” ang tanong ni Val.

“He he he… Pare naman, magkaibigan tayo kaya walang ganyanan.” ang naging tugon ko naman.

“Parang naaalala ko ang mga katagang iyan. ‘Yan di nasabi ni Bobby noon. ‘Di ba?” ang nasabi muli ni Val.

“Ay naku pare, huwag na nating pag-usapan iyan. Magkakasamaan lang na naman tayo ng loob.” ang sabi ko naman.

“Ok, fine, whatever. Basta kung kailangan mo ‘yun sabihin mo lang at pagbibigyan kita.” ang pabirong nasabi ni Val sabay turo sa bukol niya sa harapan.

Naging masaya ang usapan namin ng gabing iyon. Nang makarating kami sa apartment ay biglang sinabi ni Val na doon na siya matutulog kasi mahihirapan na siyang magneho papauwi sa kanila. Pumayag naman ako. Nahiga ako sa kama ko at siya naman ay sa sopa. Hindi pa ako nakakatulog ng magreklamo siyang malamok daw. Hindi kasi siya naabutan ng buga ng electri fan. Bigla na lamang siyang tumabi sa akin. Wala akong magawa kaya pinabayaan ko na lamang siya. Ilang minuto lang ang nakalilipas ng bigla niya akong niyakap sabay halik sa aking batok. Nakatalikod kasi ako sa kanya. Naramdaman ko rin ni ikikiskis niya ang naninigas niyang sandata sa aking likuran.

Dahil sa ginagawa sa akin ni Val ay nakaramdam ako ng pag-iinit ng buong katawan ko. Pero pinigilan ko pa rin ang aking sarili at hinayaan ko lang siya sa susunod pa niyang gagawin sa akin. Hinalikan niya ang aking leeg habang pinipihit niya ang katawan ko na humarap sa kanya. Hanggang sa tuluyan na niyang mahalikan ang aking mga labi. Gumanti rin ako ng halik sa kanya hanggang sa tuluyan ko na rin matikman ang pagkalalaki ni Val. Bigay na bigay sa akin si Val. Hindi ko man lang naramdaman na napipilitan lang siya. Hindi tulad noong kami ni Bobby ang nagsiping.

Kinaumagahan, masayang masaya si Val. Kaya naman panay usisa niya sa akin.

“Masaya ka ba sa nangyari sa atin?” ang tanong ni Val sa akin.

“Medyo.” ang maikling tugon ko sa kanya.

Bigla niya akong kiniliti sa tagiliran ko sabay tanong muli “Masaya ka ba o hindi?”.

“Ah…… ewan.” ang naging tugon ko sa kanya.

“Ang daya mo naman. Ang tagal tagal ko hinintay ang pagkakataon iyon para masabi ko rin ang nararamdaman ko sa iyo at magawa ang gusto gustong kong gawin sa iyo. Tapos ganoon lang ang isasagot mo sa akin.” ang naisabi ni Val sa akin.

“Mahal mo ba ako tulad ng pagmamahal mo kay Bobby?” ang kagulat gulat na tanong ni Val sa akin.

“Hindi.” ang aking naging tugon sa katanungan ni Val.

Napansin ko na biglang nabalutan ng lungkot ang mukha ni Val ng sabihin ko ang katagang iyon.

“Ikaw naman, hindi ka na mabiro. Ang ibig kong sabihin ay hindi magkatulad ang pagmamahal ko kay Bobby at ang pagmamahal ko sa iyo.” dugtong ko pa.

“Ibig sabihin mahal mo rin ako.” ang masayang nasabi ni Val.

“Alisin mo ang rin. Mahal na mahal kita. Ikaw lang pala ang hinihintay ko. Kung sinu-sino pa ang napagtuunan ko ng pagmamahal. Ikaw lang pala ang karapat-dapat kong mahalin.” ang buong pagmamalaki kong naisabi kay Val.

- WAKAS -

No comments:

Post a Comment