By: Dylan Kyle
Blog: dylankylesdiary.blogspot.com
E-mail: dylan.kyle.santos@gmail.com
Author's Note:
BASAHIN NINYO TO
(hahaha):
"We can only
learn to love by loving..."
- Iris Murdoch
Hi Guys! Gulat kayo
no? hahaha Ang ganda ng kanta.... Kapag hindi nagplay yung "A thousand
Years" ni Christina Perri, basata humanap kayo ng way para mabasa ninyo
ito ng natugtog tong A thousand years.
Last na tong Chapter
na to. At this time ay totoo na siya. Haixt. This is Farewell na talaga.I will
miss you guys...
Sa lahat po ng walang
sawang tumangkilik ng Bullets for my Valentines, ako po ay taos pusong
nagpapasalamat sa inyo. Sa mga commentator... maraming salamat. Wag ninyong
kalimutang mag comment dito.... Kundi... magtatampo ako... hahaha
Naalala ko way back
there, habang isinusulat ko tong kwentong ito, iniisip ko na baka ganito ang
mangyari sa akin someday. hahaha. Pero kwento lang to. ILan sa mga scene dito
nangyari sa akin pero di naman lahat, yung iba Mga kalokohan or what.
Di ko akalain na
hahaba tong kwentong ito. Humihingi ako ng sorry kung minsan late na ako mag
update, aba naman. hahahah. Joke. Kadalasan kasi isang linggo ako mag update.
Yun naman talaga eh. Parang manga lang.hahaha. Pero nakakainis dun sa manga,
minsan kasi ang tagal nila mag update. hahaha.
Naka schedule pa tong
post na to. Oh diba. From Chapter 51 hanggang sa last Chapter na to, tiniyaga
ko na ipost. Kanina pa akong 1 dito. hahaha.. sakit na ng mata ko. haixr.
Pero ayos lang, para
sa inyo naman eh. You know, dahil sa mga comments ninyo, nawawala stress ko.
Minsan natatakot akng tignan ang comments ninyo, pero naisip ko lang, bakit ako
natatakot eh sila yung nagbabasa at nagsusulat lang ako. Alam ninyo na
nakatulong lahat nung sinabi ninyo sa akin. Paano kamo? Well, naimprove yung
pagsusulat ko at nakikita ko kung paano ko kayo i-aapproach.
Alam ko minsan di
nagkakaunawaan ang mga commentators ko, pero for the sake of the story,
everyone united. hahaha. Welll ang haba na ng speech ko.
Bago ako magtapos ng
speech, nais ko lang pong i[pabatid na NATUTUWA AKO AT NAGAGALAK at naibahagi
ko ang talento ko sa pagsusulat. Itong kwentong ito ang nagsisimbulo ng mga
katangian na minsan naaquire ko.
Sa mga writers out
there, sana pagbutihan natin ang pagsusulat para sa readers natin...
May next nga pala
akong story....
"Less Than
Three..."
Hope na subaybayan
ninyo.... Alam ko naman na sinusuportahan ninyo ako...
Sa mga followers ko,
maraming salamat po sa inyo.. I love you guys... do follow my blog....
please.... try ko mag gawa ng twitter... hahahaha
Again, maraming
salamat.... God Bless you....
Like my page pala
para may connection parin tayo.... Love you guys....
I would like to thank
God, for giving me this opportunity to write... and also for being there
whenever I need.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[James’ POV]
Birthday ngayon ni
AJ. Haixt.
Bukas na yung
operation niya.
Nag request siya na
gusto niyang bumalik sa dating bahay nila.
Doon kami nag
celebrate ng birthday niya.
Sabi ko wag na siyang
mag kikilos.
Naramdaman ko kasi na
parang nanghihina na siya.
Kung ako lang talaga
ang masusunod, di ko napatatagalin pa yung operation.
“Dhie... gutom na
ako.” Sabi niya
“Papakainin na kita.”
Sabi ko.
“Nasaan ang pagkain?”
“Nasa harapan mo.”
“Umay na ako jan.”
“Ouch ah.”
“Joke lang.”
“Sige na nga... pasalamat
ka birthday mo...”
“Di mo pa ako na
greet.”
“Happy Birthday Mahal
ko.”
“Grabe ah kundi pa
sasabihan.”
“May surprise kasi
ako sayo.”
“Ano yun?”
Naglabas ako ng isang
box. May singsing doon. Lumuhod ako sa harap niya. Napatakip siya ng bibig.
“Arwin Jake
Montederamos... will you.. take me... James Arkin Ramos as your husband... will
you marry me?” and I am hoping for a yes.
Na speechless ata siya
kasi napatitig lang siya.
“Yes or no?”
“No...” sabi niya.
Ouch ah
“Este Yes pala... I
do.. I love you!” sinuot niya yung ring at hinalikan ako sa lips.
Our lips met and our
kiss became deeper and deeper.
Hanggang may kumatok,
bumungad naman sila mama na nakangiti.
Mukhang alam na nila
ang nangyayari ah?
“Congrats.” Sabi ni
mama.
“Mommy oh.... nag
alok ng kasal si James.” Sabi ni AJ na sobrang saya.
“Well... it means
wedding kaya dapat palakas ka para bukas.”
“Opo.” Sabi niya
Pero bakit ganun, may halong kalungkutan sa
mga mata niya. HIndi tuloy ako mapakali.
Masaya ako na makita
siyang ganyan.
Hindi niya
ipinapakita na hindi siya okay pero deep inside alam kong nasasaktan siya,
nahihirapan.
Habang nag prepare
sila sa party ni AJ, naiwan ako sa kwarto.
Inihabilin ko na muna
si AJ kay Rizza.
May nahalikwat kasi
akong diary ni AJ.
Pinakialaman ko na
ito.
Dati pa to ah,
highschool pa.
Binasa ko ito.
Dear Diary,
Ang corny grabe, nag
di-diary pa ako. Haixt. Wala lang naisip ko lang. Di ko na kasi mapigilan itong
nararamdaman ko eh. Alam mo ba na si Rizza naman ay kinokontra ako lagi. Haixt.
Pero may sasabihin ako sayo. Haixt. Na develop na ako dun sa mayabang na si
James. Yeah. Di ko alam kung bakit pero i think... no.. I feel that mahal ko na
siya. Di ko alam kung bakit pero mahal ko na siya eh.
Napangiti naman ako.
Nilipat ko yung page tapos nag turn ako dun sa araw na sinagot niya ako.
Dear Diary,
Kami na ni James... akala mo yun nahulog siya
sa alindog ko... hahah.. and we had that thing called... tooot.... grabe.. ang
hot ng body niya tapos ang laki nga... ng... ng muscles.... hahaha....
nahirapan ako... hahahah.. first time ko yun kaya di ako nag sisisi..... alam
mo ba na masaya ako... sobrang saya.. kasi kami na.... and, his lips, ang
lambot... Ang hot talaga ng body... di ko mapigilangng makaramdam ng hard....
hahaha... I love him!!
Napatawa na ako dito.
Nilikdangan ko na yung ibang page at nilagay doon sa may current. Marami akong
nakitang notes.
Dear Diary,
Masaya naman ako ngayon sa piling
ni James, pero prino-problema ko yung kay Chad. I think Chad likes my James. Di
anman ako papayag na maagaw siya pero ang hirap din eh kasi best friend ko si
Chad. Mahal naman namin ni James ang isa’t-isa.nga pala, today nagkausap kami
ni papa. Tinatanong niya ako about dun sa sakit ko. Napapadalas na kasi yung
sakit eh. Di ko na iniinom yung gamot ko, wala ring epekto. alam ko mawawala
din tong sakit ko. Yung love kasi ni James ay okay na para sa akin. Ang swerte
ko talaga sa kanya.
Sabi ni doc kailangan daw mag
pasurgery na ako. Haixt ayoko nga. Bakit ba? Natatakot ako! Pwede ba! Sabi kong
ayaw ko kaya di nila ako mapipilit. Natatakot ako. Ayokong mamatay pa! Baka
kasi di na ako magising. Paano na si mama, si papa, si baby, si ate, sila
bunso... si rizza, marami pang iba.... lalo na ang pinakamamahal ko? Paano na
si James pag namatay ako? Ayoko ngang iwan sila.... Basta di ako mag
papaopera..... Mabubuhay ako alam ko yan....
Naiiyak ako sa
nababasa ko.
Mahal na mahal talaga
ako ni AJ at di ko ma question yun.
Pero, paano na ako
pag nawala siya?
Hindi ko kakayanin
promise.
Hindi ko alam ang
gagawin ko kapag nawala siya.
Binasa ko pa yung
ibang diary niya.
Doon ako lalong
naiyak sa nabasa ko.
Doon ko naramdaman na
napakasama kong tao at iniwan siya.
Dear Diary,
Heto ako at nagkukulong sa kwarto.
New hairstyle na nga pala ako.kakauwi ko lang din galing dun sa vacation namin
na nagpa stress lang sa akin. Una, ang sakit. Heto ako at umiiyak na naman ako.
Bakit ba kasi ipinanganak ako na mahina? Ang tanga tanga ko kasi, pabaya ako sa
sarili ko? Lagi na lang akong umiiyak. Nag dadalawang isip na rin akong mag
pa-opera. Nag decide na kasi akong mag paopera, pero nung nawala si James,
nawala na ulit yung willingness ko. Ayoko na.
Dapat kasi di mo na
ako hinintay.
Alam mo ba na nagpagupit ako para
kay James. Para naman mapansin niya ako. Mas gwapo naman ako kay Chad, pero
bakit ganun, siya pa rin ang pinili niya? Nakakainis nga eh. Haixt. Sa rest
house nila Johan, sobrang nasaktan lang ako sa nangyari. Lalo na nung gamitin
niya yung nangyari sa amin at sabihan ako na “Sino ang mas magaling sa amin ni
Kuya?”. Daig ko pa ang nasabugan ng bomba sa tanong niya. Ang alam niya kasi ay
kami ng kuya niya pero pinagseslos lang namin siya. Yung halikan pa lang niya
ako masaya na ako, pero yung ginawa niya, lalong nag pakasakit noon. Akala ko
mamatay na ako after nun kasi inatake na naman ako noon. Haixt.
Grabe pala ang ginawa
ko. Nakuyom ko ang mga kamay ko.
Tapos yung moment na mas
pinagtanggol pa niya si Chad, ang sakit sobra. Daig ko pa ang nasunugan.
Sobrang sakit kasi eh. Haixt. Mas masakit yung sinabi niya sa akin na sana
magkasakit ako sa puso para maramdaan ko yung nararamdaman ni Chad. Gusto kong
ipamukha sa kanya noon na wag siyang mag alala kasi may sakit na ako sa puso.
Na nararamdaman ko ang triple sa nararamdaman ni Chad. Gusto ko ng mamatay
noong panahong yun. Pero naisip ko sila mama at papa, paano na lang sila.
Ano bang nagawa ko at nagkaganito
ako? Bakit kasi may sakit pa ako? Bakit pa ako pinaasa ni James? Bakit? kung
alam ko lang na iiwan lang niya ako, sana di ko na siya binalikan. Pero mahal
ko pa rin siya eh kaya kahit anong manyari di ko pa rin magawang di siya
mahalin.mahal kita James kahit na nasasaktan ako.
Tumulo na ang luha ko
sa nangyayari.
Ang sakit sakit na
eh.
Ganito pala ang
pasakit na ibinigay ko sa kanya.
Masasabi ko na ako
ang isa sa pinaka dakilang manhid sa mundo.
Pero naagaw ang
atensyon ko sa last page.
Ito yung entry niya 3
days ago. Matamtam kong binasa ito.
Dear Diary,
Pwede na akong mamatay. Haixt.
Kasama ko na si James ngayon. Happy na ako. Okay na rin naman kami ni Chad.
Yung moment na nag kaayos kami ni James, naramdaman ko na for a moment nawala
yung sakit ko. Pero kahit anong tanggi ko, feeling ko anytime mamatay na ako.
Nanghihina ako, halos dinodoble ko na yung pag inom ng gamot para lang mabuhay
pero wala pa rin eh. Umaasa pa rin ako na mabubuhay ako. Pero sa kalagayan kong
ito, unt-unti akong nanghihina.
Patago akong umiiyak sa gabi. Ayaw
kong makita si James na nag aalala para sa akin.tinatago ko lahat ng sakit na
nararamdaman ko. Gusto ko pang umabot sa birthday ko. Ilang araw na lang at
oopearahan na ako. Malapit na ang judgement day. Nag pauwi ako sa amin, bakit
kamo? Gusto ko kasi kung sakali man na hindi ako umabot, gusto kong mamatay sa
bahay namin. Pero mas gusto ko ang mamatay sa yakap ni James.
Mas mapapayapa ang kaluluwa ko kung
ganun. Nag jojoke ako ngayon sa sarili ko pero sa totoo lang natatakot ako. Ano
nga ba ang pakiramdam ng mamatay? Yun ba yung wala ka lang maihinga? Saan ba
ako pupunta pag namatay ako? Ayoko pang mamatay, kaya nga lumalaban ako, pero
kahit anong laban ko, yung katawan ko sumusuko na. Ayoko na, nahihirapan na
ako. Ang sakit, ang sakit-sakit na sobra. Feeling ko nga kapag nanjan si James
ay okay ako. Gusto ko ng magpahinga pero paano na lang sila?
Paano na si mama? Lalo siyang
malulungkot. Paano na si Papa? Lalo siyang maghihinagpis. Mahal na mahal ko
sila sobra. Paano na lang si ate, wala na siyang makakaasaran? Paano na lang si
Rizza? Wala na siyang best friend na tapat. Eh si Khail, kawawa naan ang baby
ko. Wala ng mag aalaga sa kanya kundi ang asawa ko. Eh si James, ayokong iwan
siya. Paano siya? Kung pwede lang na makasama ko pa siya.
Pwede kaya na makasama ko siya doon
sa kabilang buhay? Siguro matatagalan pa yun. Pero kung sakaling mamatay ako,
sana wag na siyang humanap ng iba. Mumultuhin ko siya kung sakali. Haixt. Kung
mamatay man ako, gusto ko lumigaya si james kaya kung ang kaligayahan niya ay
ang humanap ng iba, okay sige, papanoorin ko na lang siya habang nasasaktan
ako. Sige ako ang selfish. Akin ka lang James. Haixt.
Sana wag niyang mabasa to. Haixt.
Nakakahiya lang. Joke lang yun, kung sakaling mawala na ako, sana humanap ka ng
taong magpapasaya sayo. Haixt. Ano ba to, daig ko pa ang naghahabilin. Nga
pala, lahat ng accounts ko, e-mail at kung anu-ano pa nandun sa blue na
notebook. Yung binigay mo sa akin dati. Lahat yun nadun. Bakit ganun?
Pinapalagay ko na si james ang nagbabasa neto?
James ko, ayokong masaktan ka kaya
lumalaban ako. Mabubuhay naman ako diba God? Gusto ko pang mabuhay kaya konting
araw pa. Kahit isang taon pa... mabuhay lang ako. Di pa ako ready eh.
Masasaktan lang sila. Si mama, si papa lalo na si James. Ayaw kong magdusa sila
ng dahil sa akin.
Birthday ko na nga pala.kinakabahan
ako sa araw na yun, feeling ko yun na yung time para mag pahinga. Haixt. Wag
naman sana. Sana sa araw na yun, buong gabi magkasama kami ni James. Gusto kong
marinig ang boses niya. Gusto kong maramdaman ang mga yakap niya... kahit na sa
huling sandali lang...
Napahagulgol na ako
sa pag iyak.
Wag muna AJ please.
God, please po.
Naniniwala naman po
ako sa inyo eh.
Please po, wag muna.
Nakarinig ako ng
sunod-sunod na katok.
“Dhie... bakit nanjan
ka pa?”
“Ah eh maliligo lang
ako.” Sabi ko.
“Wag na.. tara na...”
“Wait...” pinahid ko
muna yung luha ko. Itinabi ko yung diary.
“Ang gwapo mo
ngayon.” Sabi iya sa akin pagkabukas ko ng pinto.
“Kaya mahal na mahal
kita eh, ang galing mong mambola.”
“Teka, umiyak ka ba?”
“Hindi po ah...”
“Weh?”
“Mahal na mahal
kita... kapag may masakit sabihin mo agad sa akin ha? Please sabihin mo sa
akin....”
“Bakit ka ba ganyan?”
“Please.... makikinig
ka lang sa akin ha.. promise me...”
“Opo promise...”
“Kaya tara na bumaba
na tayo..” sabi ko.
Habang nasa baba
kami, isang masayahing AJ ang nakita ko.
Hindi mo makikita sa
kanya yung malungkot na AJ, yung nasasaktan ba.
We dance, party at
kung anu-ano pa.
Habang nagsasayaw
kami,
I hug him so tightly.
“Kanina pa kita
napapasin na kakaiba kinikilos mo.” Sabi niya
“Gusto lang kitang
yakapin ng sobra...”
“Weh... may ginawa
kang kalokohan no? nambabae ka? Nanlalaki ka?”
“Etong mukhang to
manlalaki?”
“Aysus...”
“I love you....”
“I love you too...”
Di ko mapigilan ang
mapaluha tuwing makikita ko yung mukha niya. Napasigaw na lang ako sa sobrang
sakit na nararmdaman ko.
“AJ! MAHAL NA MAHAL
KITA! KAYA KONG TAWIRIN ANG DAGAT PARA SAYO! KAYA KONG MAGLANGOY SA BULKAN
MAHANAP KA LANG! KASING LAWAK NG KARAGATAN, KASING TIBAY NG PUNO NG NARRA,
KASING TAAS NG KALAWAKAN AT KASING NINGNING NG BITUIN ANG HANGARIN KO NA
MAKASAMA KA HABANG BUHAY! MAHAL NA MAHAL KITA AT WALA NG IBA PANG TAO ANG
MINAHAL KO NG GANITO! AKO AY SAYO LANG AT IKAW AY AKIN LANG. HINDI KO KAYANG
MAWALA KA AJ! MAHAL NA MAHAL KITA! IF YOU FEEL SAD, LEAN ON MY SOULDER. IF YOU
WANT TO CRY, ETO PANYO. PERO PAG DI MO NA TALAGA KAYA, YAYAKAPIN KITA PARA
MARAMDAMAN MO NA HINDI KA NAG IISA. NANDITO LANG AKO LAGI PARA SAYO. GANYAN
KITA KAMAHAL!”
Nakita kong napatakip
siya ng bibig at tumulo ang luha.
Umiiyak siya. Natouch
siguro sa sinabi ko.
Niyakap ko siya ng
mahigpit.
Tinitigan nila kaming
dalawa at nakita ko na nag lingid sa kanilang mga mata ang mga luha.
“Mahal na mahal kita
James...” sabi niya sa akin.
Hinawakan ko ang
mukha niya at hinalikan siya sa labi.
Ang tagal ng halik na
yun, habang hinahalikan ko siya, nagsanib ang aming mga luha.
Di ko pa kaya. God,
eto ba yung kukunin mo? Isang mabuting tao? Isang mabuting bata? Ang saya-saya
niya ngayon. Birthday pa niya ngayon. Ilang beses na siyang nawala sa akin at
hindi ko na kaya pang mawala ulit siya sa akin. God please nakikiusap ako sa
inyo.
Isang oras lang
matapos ang kaganapan, nakarinig na lang ako ng kaguluhan.
Kumuha kasi ako ng
tubig para kay AJ pero nagulat na lang ako ng marinig ang mga boses nila.
“James!!!! SI AJ!!!!”
sigaw nila
Nabitawan ko yung
baso ko at nagtatakbo sa kanila.
Nakita ko si AJ na
nakahandusay sa baba at walang malay.
Lalo akong kinabahan ng sinabi nila nahindi
nahinga si AJ.
Inihiga namin siya sa
may kwarto niya at kinuha ko yung inhaler niya.
Umiiyak na ako sa
tabi habang pinapanood siya.
Hinawakan ko yung
kamay niya.
“AJ PLEASE!” sigaw
ko.
Lahat sila nag iyakan
narin.
God, ngayon na ba
yun? Ngayon ninyo na po ba kukunin ang mahal ko? Bakit ang bilis? Wag muna!
Please! Birthday pa niya.
Naramdaman ko na
pinisil niya yung kamay ko.
“AJ... anong pakiramdam
mo?” nakita ko ang pagsimangot niya
“Dalhin na natin siya
sa ospital.” Sabi ni mama.
“Ay... ayoko..
ayoko....” sabi niya
“Mahal... mas okay ka
doon.”
“Gusto ko dito....”
“Mahal ko.. please..
wag ngayon...”
Ngumiti siya.
“Tubig.”
Agad naman kumuha
sila ng tubig at uminom si AJ.
“Ayoko sa ospital...
bukas pa ako pupunta doon.” Sabi niya
“Bakit ka ba
nahimatay?”
“Acting lang yun..
para ma prepare kayo...” pagbibiro niya
Kinurot ko ang braso
niya. “Aray naman.” Sabi niya
“Di nakakatuwa yung
joke mo.”
“Halika nga dito...”
niyakap niya ako.
"Mahal, gusto
kong mayakap sila mama." unti-unti lumapit sila. Si mama, papa, Rizza, si
mama at marami pang iba.
“Pahinga na tayo..
pagod na ako eh..” sabi niya.
Nagsi-alisan na sila.
Alam nila ang gustong
mangyari ni AJ, gusto niyang maiwan kaming dalawa.
Nagbihis na muna ako
at binihisan ko siya.
“Kamusta ang
pakiramdam mo?” tanong ko.
“Ayos lang?”
“Yung totoo? Anong
masakit?”
“Wala na... manhid na
ako mahal ko. Lahat naman kinaya ko na eh, eto pa kaya?”
Tumabi ako sa kanya
at niyakap ng mahigpit. “Sana pwedeng ipasa yan.. kukunin ko lahat yan.. ayaw
kitang nasasaktan eh.” Sabi ko.
“Ayoko namang
nahihirapan ka sa akin... kaya nga gusto kong magpahinga na eh... pero
natatakot lang talaga ako...”
“Masakit eh.” Sabi
ko.
“Kaya nga eh... ayaw
kitang masaktan kaya nagtitiis ako... Gusto pa kitang makasama.”
“Pero... pero kung di
mo kaya.... okay lang.. kakayanin ko na lang.. kaysa sa nahihirapan ka..” sabi
ko.
Kahit
nagsisinungaling ako, alam kong alam niya na hindi ko kaya na mawala siya.
Niyakap niya ako ng
mahigpit.
“Ayaw kong nasasaktan
ka. Pero paano? Darating din naman ako doon? Di ako natatakot mamatay, ang sa
akin lang, natatakot akong iwanan ka kasi feeling ko di ko kayang mahiwalay
sayo.”
“Gusto ko after
nating mag graduate ikasal na tayo.” Sabi ko.
“Ang tagal naman
nun.... baka wala na ako noon.”
"Bakit iiwan mo
na ba ako?"
"DI ko
alam..."
“Shhh..” sabi ko.
“Totoo naman eh.
Malay ba natin.”
“Gusto ko dito ka
lang sa tabi ko.” Niyakap niya lang ako ng mahigpit.
“Umamin ka sa akin,
nabasa mo diary ko no?” tanong niya
“Sorry...”
“Tutulog na ako...”
pag-iiba niya ng usapan.
“Mamaya na..
please... konting oras lang hinihingi ko...”
Ngumiti lang siya.
Lord, konting oras
pa, ihahanda ko lang ang sarili ko. Hindi pa ako handa eh. Kahit konting oras
na lang. Pag bigyan na po ninyo ako. Please.Gusto ko pang marinig yung boses
niya. Gusto kong namnamin ang mga sandaling kasama ko siya.
“Kapag nawala ako...
maghahanap ka pa ba ng iba?” tanong niya sa akin.
“Hindi na.. ikaw lang
para sa akin. Wala nang makakapalit sayo. Ako ay sayo lamang.”
“Woah.. feeling ko di
yan matutupad.”
“Lagi mo na lang
akong pinagdududhan.” Sabi ko.
“Joke lang... wag
mong intindihin yung sinasabi ko dun sa diary.” Sabi niya
“Bakit ganyan ka?
Lagi mong binabawi lahat ng sinasabi mo? Haixt.”
“Di ka pa ba nasanay
sa akin? Si Arwin Jake Montederamos to eh...”
“Sanay na nga eh.
Haixt. Mahal na mahal kita...”
“Mahal na mahal din
po kita... Basta kung sakali man na makahanap ka, yung mas gwapo sa akin o kaya
maganda siya ha. Piliin mo yung mabait, wag kang hahanap na kamukha ko,
maooffend ako kasi nag iisa lang ako sa mundo.” Sabi niya
“Hindi na ako
maghahanap. Seryoso ako.” Sabi ko.
“Si Khail ingatan mo
ha.. please....”
“Oo mamahalin ko
siya... at magsasama tayo habang buhay...” sinasabi ko pa rin yun
Tama naman God diba,
think positve. Pwede ba bukas na lang po siyang kunin sa akin? Gusto ko pa
siyang makasama ng buong magdamag.
“Onting oras na
lang.” Sabi niya
“Ayaw mo na ba akong
makasama ng mas matagal?”
“Gusto pa... if time
wll permits...”
“Be strong...” sabi
ko
“Kinakaya ko naman
eh. Para sayo...”
“Konting oras na lang
eh.. bukas na naman operasyon mo diba? Hintayin mo na. Tatagan mo, para sa
akin. Di ko ata kaya mawala ka ngayon...”
Ngumiti siya at
hinawakan ang kamay ko.
“Tanda mo ba yung una
tayong nagkakilala?” tanong niya. Alam kong nagiiwas na siya.
“Yeah... noon nga di
pa tayo nag iimikan.. mag kaaway pa tayo at hindi magkasundo.”
“Di ko akalain na
mahuhulog ako sayo...”
“Ako pa... kilala mo
naman ako.... lahat nahuhulog sa akin..”
“Aysus... kaya
pala...”
“Oo na... kaya ako
nahulog sayo....” sabi ko.
“Wag ka ng magtaka.”
“Oo na... iba kasi
alindog mo.. hahah” saib ko.
“Haixt. Masaya ako
ngayon.” Sabi niya
“mas masaya ako...”
“Sana habang buhay
kasama kita....” sabi niya
“Nasa sa iyo yun...”
“Inaantok na ako
mahal.. gusto ko ng matulog...” niyakap ko siya ng mahigpit.
Shit! Damn, ngayon na
ba yun? Taena ang sakit, kinakabahan ako. Feeling ko hindi ko kaya. God, ngayon
na ba yun?
Hinawakan ko ang
kamay niya ng mahigpit.
Niyakap ko siya sabay
halik sa noo.
“Mahal na mahal kita
AJ.... kahit ilang bala pa ang kailngan kong tanggapin... di mawawala ang
pagmamahal ko sayo...” napangiti siya at nakita ko ang pagtulo ng luha niya.
“I love you too... di
ka mawaala sa akin... mahal na mahal kita... Inaantok na ako... good night
sweet dreams. Alam ko magkakasama pa tayo...”
nakita ko ang pait sa kanyang mga mata. Nakita ko ang sakit at
paghihirap na nararamdaman niya.
God, willing akong
maging carrier. Ako na lang please. O kaya, isama mo na rin ako, gusto ko
siyang makasama.
“Gusto ko wag kang
iiyak ha...” sabi niya
“Di ko alam.”
“Papanget ka eh...”
"Di ko
alam..."
"Mag promise ka
na di ka iiyak..."
"Promise breaker
ako..."
"KAsi naman
eh..."
"Oo na..."
“Mahal na mahal
kita....”
“Mahal na mahal din
kita...”
“Tulog ka na... sweet
dreams.. andito lang ako sa tabi mo...” hinawakan niya ang kamay ko ng sobrang
higpit at namalayan ko na lang na tumulo ang aking mga luha.
Ikaw ang nagiisang
mahal ko AJ. Ikaw lang. Alam ko, magkakasama tayo. Kung di man dito sa lupa,
alam ko sa langit magkakasama tayo... A thousand Years...
......
.....
....
...
..
.
“Daddy...”
“Urgsh...”
“Daddy...”
“oh...”
“Gising na po...”
“Antok pa ako baby
eh...”
“Daddy.. dadalawin pa
natin si lolo... pati si daddy gusto ko siyang makita...”
“Okay na.. sige
na....”
Naligo na ako. Haixt.
Tong batang ito talaga.
Sila mama kasi nauna
na doon.
Ako at si Khail ay
susunod na lang.
Isang taon na rin
mula nangyari yung moment na yun. Kapag naaalala ko yun, naiiyak na lang ako.
Ang sakit din maalala
yung moment na yun.
Ilang balde ng luha
ang ibinuhos ko doon.
Hinding-hindi ko
makakalimutan yung pagkakataong iyon.
After 1 hour, umalis
na kami. Dumaan muna kami sa may SM para bumili ng brownies at bibingka.
Nagmadali naman
kaming bumili saka dumeretso sa may sementeryo.
Tumawag si mama.
“Anak nasaan na kayo?”
“Papunta na po..
sorry nakatulog po ako..”
“Sige bilisan ninyo
na... nandito na kaming lahat... Baka dalawin kayo ng mga patay sige ka.”
“Opo...”
At nagmadali na akong
mag drive.
“Daddy... malapit na
ba tayo?” tanong sa akin ni Khail.
“Yeah... eto na tayo
oh...”
“Gusto ko ng makita
si Daddy... miss ko na siya eh...”
“Yeah...” ngumiti
lang ako.
Kakapark ko lang sa
Holy Angel Memorial Herritage.
Magkikita kita kami
nila tita dito.
Death anniversary
kasi ng isa sa pinakamamahal ko sa buhay.
“1...2...3...” pag
bibilang ni Khail.
“Oh baby ano yang
ginagawa mo?”
“Nagbibilang po...
daddy bumili ka ba nung favorite ni daddy?”
“Oo naman anak....
baka magalit pa sa akin yun kapag di ko dinala yun.”
Binunot ko ang
cellphone ko at nginitian ang wall paper.
Ang gwapo talaga ni
AJ.
Namutawi na naman
yung luha sa aking mga mata.
Bakit ba ganito ang
epekto ng picture niya sa akin?
Habang naglalakad
ako, unti-unti naalala ko yung nangyari noon.
Yung sandaling kasama
ko siya sa sakit na nararamdaman niya.
Habang papalapit ako
sa may puntod, di ko maiwasan ang malungkot.
Masaya kaya si AJ
ngayon?
Eh si papa kaya?
“Oh anak nanjan na
pala kayo... kanina pa namin kayo inaantay.” Sabi ni mama.
“Oo nga naman. Kayong
dalawa talaga.” Sabi ni Kuya.
“Haixt.” Sabi ko na
lang.
Lumapit ako sa puntod
ni papa at kinausap ito.
“Pa... kamusta na?
Eto ako malungkot pa rin. Pero kahit papaano masaya. Si Khail nga po pala, apo
ninyo.. anak namin ni AJ....” at tumulo na naman ang luha ko.
“Napaka iyakin mo
talaga.” Sabi ni Jaysen.
“Walang pakialamanan
tol.” Sagot ko
Si Jaysen at Bianca
nagkatuluyan na.
Next year mag
pro-propose si Jaysen kay Bianca.
Eto naman ang gusto
ni AJ eh, sila ang magkatuluyan.
Si Rizza naman ayon
may boy friend na.
Masaya siya sa piling
neto.
Remember si Steven?
Yung best friend ni Jaysen, siya yung boyfriend ni Rizza.
Si Chad naman, ayon
scholar sa ibang bansa. Balita ko nga may manliligaw daw.
Last summer binisita
niya kami dito.
Nabalitaan niya yung
nangyari noong birthday ni AJ.
Pero okay na rin
naman ang lahat.
Samantalang ako, eto,
masaya.
Kasama ko ang baby ko
na cute na cute at mahal na mahal ang DADDY AJ, niya.
Masaya kami... pero
mas masaya kung narito yung...
“HOY!” narinig ko na
naman ang boses niya.
Namiss ko tong boses
na to. Sana lang pagmulat ng mata ko nandyan lang siya.
Namiss ko yung boses
niyang nagsasabing
“MAHAL KITA!” o kaya
“NAMBABAE KA NO?” haixt.
“AJ mahal kita...”
nasabi ko na lang.
“Mahal din naman
kita....” namuo ang ngiti sa aking mga labi sa aking narinig.
Tumayo ako at hinanap
kung saan galing ang boses na yun.
Nakita ko ang isang
lalaki na nakangiti.
Ang amo ng kanyang
mukha, tila anghel na lumilipad.
Nasa langit na ba
ako?
Bakit nakakakita ako
ng isang anghel?
“Hoy lalaki, sino ba
yang iniisip mo? Daig mo pa nag iimagine ng isang anghel ah?” sabi niya
“Iniimagine kasi
kita.. halika nga.. namiss kita eh...”
“Aysus...” niyakap ko
siya at hinalikan sa labi.
“Kamusta ka?”
“Okay naman ako...
ako pa.. mas malakas pa ako sa kabayo..” sabi niya
“Pero last year lang
akala mo kung sinong bibigay na...”
“Ayaw mo ba?”
“Siyempre gusto ko..
kaw talaga.. pasalamat ko nga at di ka Niya kinuha sa akin...”
Akala ko katapusan na
ni AJ. Pero umabot siya.
Sa tulong ng
panalangin, naging maayos ang operasyon niya.
Maayos na ngayon yung
puso niya at wala na siyang sakit.
Kailangan lang
talagang magpagaling siya ng dalawang taon.
Sobrang saya ko noong
nalaman ko na okay pa siya.
Yung moment na akala
ko mamamatay siya, kala ko magugunaw na yung mundo ko.
Pero pasalamat ako,
hindi siya bumitaw.
Mahal na mahal ko
tong taong ito.
Lahat ng bala sinalo
ko para lang sa pagmamahal niya.
Kahit pa sabihin niya
na BULLETS FOR MY VALENTINES, tatanggapin ko makasama lang siya habang buhay.
Lahat ng bala
sasaluhin ko para lang sa pinakamamahal ko.
T H
E E N D
© 2012
by DylanKyleSantos
***********************************************************************
Maraming
salamat muli sa pagtangkilik ng aking istorya... :))
***********************************************************************
Napakaganda nakakaiyak sobra!!! I love this story... s lahat ng mga nabasa q this is the best!!!!
ReplyDelete