By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com
Hindi bago ang
tagpong ito kay Ryan. Bago pa man sila magkakilala ni Ryan nung unang umaga na
magkita sila nito sa sala ng kanilang apartment at nagising ito na nakadungaw
silang dalawang magkapatid ay halos tumalon ito palayo sa kanila at sumandal sa
pader, takot na takot at nagdadasal na wag nila itong sasaktan. Akala niya
noong una ay umaarte lamang ito pero nang makita niya ang aktwal na panginginig
nito ay hindi na siya nagdalawang isip na totoo nga ang takot na iyon at
maaaring may masamang nangyari dito noon kaya ito nagkakaganoon.
Ang inisyal na gulat
ay tuluyan nang kumawala sa katawan ni Ryan kaya naman bago pa dumami ang
umuusiyoso sa nangyayari kay Dan ay agad na niya itong nilapitan, pinatayo at
binuhat palabas ng bar na iyon habang paulit ulit itong sinisigurado na
magiging maayos ang lahat.
“You're OK.
Everything is going to be OK. I'm here.” nagaalalang pagpapanatag ni Ryan sa
loob ni Dan habang karga-karga niya ito palabas ng bar.
0000oo0000
Pinagtitinginan man
sila ng ibang tao na palabas at papasok ng bar na iyon ay walang pakielam si
Ryan ang gusto niya lang ay mailayo si Dan sa lugar na iyon upang huwag na
itong matakot. Nang masigurong sapat na silang nakalayo sa bar at nang makakita
siya ng isang bench sa hindi kalayuan ay agad niya itong tinungo.
“I'm sorry.” bulong
ulit ni Ryan sabay baba sa nanlalambot paring si Dan sa isang bench at niyakap
ito ng mahigpit. Habang ipinapangako niya sa kaniyang sarili na gagawin niya
ang lahat, wag lang itong matakot ulit ng ganon, ipinangako niya na aalamin
niya ang rason sa likod ng pagkakaganoon nito dahil alam niyang hindi normal
ang ganong reaksyon sa mga bagay na normal naman para sa iba at ipinapangako
niya na gagawin niya ang lahat matulungan lang si Dan na kalimutan na ang mga
panic attacks na iyon at mamuhay ng normal at malayo sa takot.
“Everything is going
to be fine.” bulong ulit ni Ryan kay Dan habang mahigpit paring nakayakap dito.
0000oo0000
“Hey.” marahang bati
ni Ryan kay Dan nang makita niyang dumilat ito matapos ang mahaba-habang
pagtulog nito.
Nangawit man ang
kaniyang kaliwang kamay at balikat kung saan nakasandal si Dan habang
natutulog, pagtawanan at pagtinginan man siya ng taong nakakakita sa kanila sa
ganoong pusisyon ay walang pakielam si Ryan ang tanging importante sa kaniya ay
kumalma si Dan at maging kumportable ito.
Saglit na isinalubong
ni Dan ang kaniyang titig kay Ryan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila ba
ang titig na isinusukli sa kaniya ni Ryan ay nakakapagpakalma sa kaniya, na
tila ba ang mga titig na iyon ay nagtutulak pa sa kaniya na kumportableng
sumandal sa mga malalaki nitong braso at balikat at ipagpatuloy na lang ang
pagpapahinga.
Pero ipinaalala ulit
ng tadhana kay Dan na may boyfriend na si Ryan at hindi siya papayag na
masangkot nanaman siya sa panibagong gulo dahil lang sa pakikipagmabutihan kay
Ryan. Agad na umupo ng daretso si Dan na ikinataka naman ni Ryan.
“Dahan-dahan lang,
Dan.” awat dito ni Ryan sabay akbay ulit dito at pilit na ihinihiga ulit si Dan
sa kaniyang matipunong balikat.
“I-I'm OK.”
pagpupumilit ni Dan sabay upo ulit ng daretso.
“No you're not.”
balik naman ni Ryan sabay awat ulit kay Dan sa pagupo ng daretso.
“I said I'm OK!”
pasinghal na pagpuumilit ni Dan na nakapagpatameme naman kay Ryan.
“I-I'm sorry.”
paghingi ng paumanhin ni Ryan na siya namang nakapagpalambot ng puso ni Dan.
“No, ako dapat ang
mag-sorry. Sorry for shouting at you like that and sorry for ruining the
night.” paghingi naman ng paumanhin ni Dan matapos magpakawala ng isang buntong
hininga.
“The night isn't
ruined, Dan---” umiiling na simula ni Ryan, hindi makapaniwala na kahi pa
nanghihina na ito ay nakuwa parin ni Dan na alalahanin ang gabi na ito para sa
kanila. “--Remember the first time we met? You were having a panic attack also,
I know that you were not just acting up. Something made you that scared, I wish
I could know the story behind that but I totally understand. You can't help
when you're going to have those attacks and I can't blame you for that.”
paniniguro ni Ryan kay Dan sabay wala sa sariling inilapat ang kaniyang
malaking kamay sa balikat nito bilang pagpapakita ng suporta.
Ramdam na ramdam ni
Dan ang init ng palad ni Ryan na nakalapat sa kaniyang balikat. Ang init ng
palad na iyon ay nagbibigay sa kaniya ng kakaibang suporta na siyang lalong
nakakapagpakalma sa kaniya. Wala tuloy sa sarili niyang hiniling na sana
nakasandal parin siya sa matipuno nitong balikat at naka-akbay parin ang
malatrosong braso ni Ryan na iyon sa kaniyang balikat.
“So---uhmm--- gusto
mo na bang umuwi?” nagaalangang tanong ni Ryan kay Dan nang hindi na ito
sumagot.
“Ikaw, gusto mo na
bang umuwi o may gusto ka pang puntahan?” nanghihinang balik tanong ni Dan.
“Uhmm actually,
nagugutom ako--- pero---” nahihiya na simulang pagamin ni Ryan.
Sa simulang iyon ni
Ryan ay tila naman kumuryente kay Dan. Tila ba may bumubulong sa kaniya na
bumawi kay Ryan, di pa man nakakalipas ang ilang segundo ay may naisip na agad
siyang ideya kung pano makakabawi. Magsasalita pa sana si Ryan ulit pero hindi
na siya hinayaan pa ni Dan, agad kasi itong tumayo sa kabila ng nanghihina
paring katawan at hinila si Ryan patayo mula sa bench at pumara ng isang taxi,
walang kahit na anong ideya si Ryan kung ano ang binabalak ni Dan.
0000oo0000
“Stay here!” pautos
na saad ni Dan saka itinulak si Ryan paupo sa isang bench ulit sa isang park sa
gitna ng nagtatayugang mga building ng siyudad na iyon.
“This is not how I
picture our first date!” nangingiting saad ni Ryan saka umiling, walang
pakielam kung narinig man ito ni Dan na mabilis ng naglalakad palayo at sa mga
tao sa paligid na nakarinig sa sinabi niyang iyon.
“What were you
thinking bringing him to a bar?!” singhal ni Ryan sa sarili nang maaalala ang
tagpo kanikanina lang sa bar pero sumagi din sa isip ni Ryan na hindi niya rin
naman alam na mangyayari pala iyon kay Dan.
“I should've known.”
umiiling na sabi ulit ni Ryan sa sarili lalo pa siyang napailing nang maisip
niyang wala pa siyang alam kay Dan.
“Maybe I should know
everything there is to know about him first before going out with him on a
date.” saad ulit ni Ryan sa sarili.
0000oo0000
Naabutan ni Dan si
Ryan na nakatulala habang naka-kunot ang noo at nakasimangot na tila ba
nagiisip ng malalim. Sumaglit kasi siya sa Gustav's at bumili ng shawarma para
sa nagugutom na si Ryan. Hindi niya mapigilang mapangiti lalo pa nang maisip
niya kung gaano ka-cute na damulag ni Ryan. Mukha itong bata na nagmumukmok
matapos hindi ibili ng nanay niya ng laruan.
Dahil sa malalim na
pag-iisip ay hindi napansin ang kararating lang na si Dan galing Gustav's na
may dalang shawarma. Nagulat na lang siya nang biglang bumulaga sa kaniyang
harap ang isang paper bag na hawak hawak ng nangingiti-ngiting si Dan.
“Shawarma. My treat.”
nakangiting bungad ni Dan sabay bagsak ng paper bag sa kandungan ni Ryan.
“Maybe there's hope
for this first date after all.” wala sa sariling malakas na naibigkas ni Ryan.
Hindi alintana na naibigkas niya ng malakas ang sinabing iyon ay nagpatuloy
lang siya sa paggalugad ng laman ng paper bag at parang batang nanlaki ang mga
mata nang makita ang masasarap na shawarma.
Habang si Dan ay
nanlalaki ang mga mata sa itinuring na iyon ni Ryan. Paulit ulit na tumatakbo
ang mga salitang sinabi ni Ryan na... “first date”... ngunit hindi niya rin
mapigilan ang sarili na mapangiti lalo pa ng makita niya ang parang bata si
Ryan na takam na takam sa pasalubong ng kaniyang ina.
“What? You're not
going to eat?” nagtatakang tanong ni Ryan nang mapansin niyang hindi umuupo si
Dan sa kaniyang tabi para kumain. Hindi naman paigilan ni Dan ang mapailing at
habang umuupo sa tabi ni Ryan at kumuwa ng shawarma sa loob ng paper bag.
0000oo0000
“So---are you going
to tell me about what happened kaya ka may mga panic attacks gaya kanina?”
nagaalala at nagiingat na tanong ni Ryan kay Dan na noon ay hindi pa tapos sa
kaniyang kinakain na shawarma.
Saglit na natigilan
si Dan at sinalubong ang mga tingin ni Ryan. Umiling lang siya na minasama naman
ni Ryan.
“What? You don't
trust me but you can trust Bryan?” may tonong balik ni Ryan.
Wala sa sariling
napapikit si Dan nang magtaas ng boses si Ryan at inabot ang kamay nito at
pinisil ng mariin na siyang nakapagpakalma kay Ryan na siyang nagdulot dito na
magsisi dahil sa pagtataas ng boses.
“It's not that I
don't trust you, Ry. I-I'm not ready to tell you yet. I didn't tell Bryan about
my past. He asked somebody about it.” malumanay na sagot ni Dan na lalong
ikinahiya ni Ryan sa kaniyang pagsigaw.
“OK. I---I'm sorry.”
malumanay din na saad ni Ryan atsaka ipinagpatuloy ang panood kay Dan kumain at
pagnamnam ng nakahawak na malalambot na kamay parin ni Dan sa kaniyang kamay.
0000oo0000
“---Then he keeps on
telling our Aunt how much he loves her and that he would marry her someday!”
patuloy na pagkukuwento ni Ryan kay Dan tungkol sa nakakatawang batang si Bryan
sa pagitan ng malalakas na tawa. Wala paring pakielam kung asa isang pampubliko
parin silang lugar.
“He said that?!”
balik naman ni Dan sa pagitan din ng malalakas na tawa habang nababalot parin
ng malaking kamay ni Ryan ang kaniyang kamay. Hindi na niya nagawa pang alisin
ito doon simula nung ginawa niya ito upang masiguro niya si Ryan na
pinagkakatiwalaan niya ito at dahil narin sa tuwing babawiin na niya ang
kaniyang kamay ay lalo lamang hihigpitan ni Ryan ang pagkakahawak nito sa
kaniyang kamay. Hindi nagtagal ay hindi na rin nag-aksaya ng panahon si Dan
upang ihiling kay Ryan na pakawalan ito dahil alam naman niyang gusto niya rin
na nababalutan ang kaniyang mga kamay ng malalaking kamay ni Ryan.
“Yes he did!”
masayang saad ni Ryan. Sabay sulyap sa hawak hawak niyang makinis na kamay ni
Dan at namula ang mga pisngi.
Pinapangako na kung
maaari ay hindi na niya ito pakakawalan pa.
“Na-i-imagine ko.
Cute ni Bry.” natatawang wala sa sariling saad ni Dan. Naramdaman ni Dan ang
pag-tense ng katawan ni Ryan at tatanungin na sana niya kung bakit nang unahan
siyang tanungin nito.
“You do know that
Bryan is straight, right?” halos pabulong na may tonong tanong ni Ryan sabay
pakawala ng kamay ni Dan na agad namang binawi ng huli.
“Yes, why?”
“Then why are you so
infatuated with him?!” lumalakas muling boses na tanong ni Ryan.
“What?! Who said
about me being infatuated with Bryan?!” pasinghal na ding simula ni Dan. “All I
said was na-i-imagine ko kung ganong ka-cute ni Bryan nung maliit siya habang
kinukulit niya yung aunt niyo! Geesh, Ryan, you're acting like a jealous over protective
husband!” naiiritang pagtatapos ni Dan na tila naman sumampal kay Ryan,
pinaalala dito na wala pa siyang karapatan na magselos o mag-demand kay Dan
sapagkat hindi naman niya ito karelasyon.
“I'm just jealous
because you seem to like Bryan more than me.” bulong ni Ryan.
“What?” namumulang
pisngi na tanong ni Dan.
“Sabi ko maybe we
should go home. I don't trust Bryan being left alone in the apartment.”
pagpapalusot ni Ryan sabay tayo at naglakad papunta sa sakayan ng taxi at
naiwan si Dan na kunot noo lang na nakatingin dito. Iniisip mabuti na mukhang
hindi talaga magiging maganda ang gabing iyon para sa kanila.
0000oo0000
“Anong maibibigay
mong payo sa ating mga tagapakinig, Cha?”
Ito ang tanging ingay
na maririnig sa loob ng taxi na sinasakyan nila Ryan at Dan. Hindi nagkikibuan
ang mga ito, hindi maikakaila ni Ryan na nairita si Dan sa kaniya kanina kaya
naman ngayon ay nahihiya pa siya na kausapin ito at humingi ng paumanhin. Si
Dan naman ay naiirita parin kay Ryan kaya naman hindi niya parin ito kinikibo
hanggang sa ngayon.
Nakarinig si Dan,
Ryan at ang driver ng taxi ng isang tawa, tawa na tila ba galing sa isang
instrumentong pang musika dahil sa ganda nito sa pandinig. Ang tawang ito ay
pagmamay-ari ni Charity Sandoval na isang ganap na nurse, psychologist at
writer.
“I don't think
kailangan pa ng mga tagapakinig mo o ng kahit na sino pa man ang aking mga
payo, Jobert”
“Bakit naman, Cha?”
“You see, lahat tayo
alam natin ang mga gagawin natin sa mga sitwasyon na kadalasan kailangan pa
nating isangguni o ihingi ng advise, ang kailangan lang nating gawin ay i-isang
tabi ang katangahan at gawin ang alam naman natin ay dapat gawin.”
Mahabang natahimik
ang radyo, halatang natameme ang nag-i-interview kay Cha sa mga sinabing ito.
“Gosh, guys are so
daft sometimes! Kailangan niyo pa ng example just to understand what I'm
saying!”
Hindi mapigilan ni
Dan ang mapangiti lalo pa nang marinig niyang humagikgik si Ryan.
“For example there's
this guy who is better in showing his feelings to the one he likes pero ang
resulta ay laging disaster, andyan yung laging lumalabas na kontrabida siya o
kaya naman ay nagseselos na boyfriend gayong wala pa naman silang relasyon
nitong taong gusto nito.”
Ang sinabing ito ni
Cha ang nagtulak kay Ryan na tumigil sa paghagikgik na siya ring ikinakuwa
naman ng atensyon ni Dan sabay hindi napigilan ang sarili na tignan si Ryan.
Dala ng kaputian ni Ryan ay hindi nakaligtas kay Dan ang pamumula ng mga pisngi
nito sa kabila ng madilim na loob ng taxi.
“Alam niyang dapat
niyang tigilan ang mga nakakairitang gawain na 'to or else mawawala ng tuluyan
sa kaniya yung taong gusto niya. Pero hindi, mas pipiliin ng karamihan ang
katangahan, ipagpapatuloy parin ang ganitong gawain at kailangan pa ng taong
magbibigay ng payo sa kanila para tigilan ito.”
Sa sinabing ito ni
Cha ay tila hinigop ang lahat ng hangin sa baga ni Ryan, muli ang kakaibang
kinikilos na ito ni Ryan ay hindi nakaligtas kay Dan na nagsisimula ng
magaalala kung masama ba ang pakiramdam ng kaniyang kasama dahil sa biglaang
pag-iiba ng kinikilos nito.
“Isa pang example---
Andyan din naman yung taong itinatali ng takot. Takot na magmahal muli dahil sa
mga nangyari sa kaniyang nakaraan. Karaniwan sa mga taong ganito ay dapat
iniintindi pero kung ramdam na ramdam mo naman na panahon na ulit para magmahal
bakit hahayaan mo ang takot na pigilan ka na makaramdam ng kaligayahan, diba?
Alam niyang hindi niya kailanman maipagpapalit ang kaligayahan sa takot at alam
niyang balang araw ay ha-hanap hanapin niya ang kaligayahan pero katulad ng
nauna kong example ka-kailanganin niya pa ng mag a-advise sa kaniya para
talikuran lahat ng takot na iyon.”
Sa puntong ito, si
Dan naman ang natamaan. Katawan naman niya ang nagtense at hininga naman niya
ang biglaang bumabaw at hindi rin to nakaligtas kay Ryan na wala sa sariling
inabot ang kamay ni Dan at pinisil. Saglit itong tinignan ni Dan saka
ipinagpatuloy ang malalim na pagiisip patungkol sa sinabi ni Cha.
“Bullshit!” pabulong
na singhal ng driver ng taxi at inilipat ang stasyon. Tila nagising ang dalawa
sa isang sumpa na siyang dala ng mga sinabi ni Cha dahil sabay na napabuntong
hininga ang mga ito, matapos ang malalim na hininga na ito ay nagkatinginan ang
dalawa. Hindi napigilan ni Ryan ang mapangiti lalo pa nang makita niyang
namumula ang pisngi ni Dan na sa palagay ni Ryan ay lalong nagpatingkad sa
pagiging gwapo nito. Ang ngiting ito ay nagtulak din kay Dan na ngumiti pero sa
kabila ng pagngiti nilang iyon ay isinasaisip parin nila ang mga sinabi ng
babae kanina sa radyo.
0000oo0000
Magkahawak parin ang
kamay nila Ryan at Dan maski nang bumaba na sila ng taxi sa tapat ng kanilang
apartment. Parehong asa isip parin ang mga sinabi kanina sa radyo. Dahil sa
malalim parin ang iniisip, hindi napansin ni Dan na may isang malaking bato sa
kaniyang nilalakaran at natalisod siya dito.
“Whoa! Easy there!”
nagulat na saad ni Ryan sabay salo kay Dan bago pa ito bumagsak sa lupa.
Ini-angkla ni Dan ang
kaniyang libreng kamay sa matipunong balikat ni Ryan upang suportahan ang
sarili. Ang pusisyon na ito ay nagbibigay ng maliit na espasyo sa pagitan ng
mga katawan nilang dalawa ni Ryan at ilang pulgada sa mukha nilang dalawa.
Tila sasabog ang
dibdib ng dalawa habang nagtititigan na miya mo sinasaulo ang bawat sulok ng
mukha ng bawa't isa. Hindi nagtagal ay hindi narin napigilan ni Ryan na ilapit
pa ang kaniyang mukha sa mukha ni Dan at isalubong ang mga labi sa labi ng
huli, pero agad ini-iwas ni Dan ang kaniyang mga labi mula sa labi ni Ryan at
hinila ang sarili patayo.
“C'mon. Maybe Bryan
is about to die of hunger.” kinakabahan at nagaalangang aya ni Dan kay Ryan na
nagpakawala muna ng isang buntong hininga saka ngumiti at nanguna palapit sa
pinto ng kanilang apartment at buksan ito habang si Dan ay naiwan sa labas ng
apartment at pinanood si Ryan na mawala sa likod ng kanilang front door.
0000oo0000
Matapos makipag
kulitan kay Bryan at sagutin ang bawat tanong nito tungkol sa paglabas nila ni
Ryan ng magkasama ay humiga na si Dan sa kaniyang sariling kama at habang
pinakikinggan ang malakas na paghilik ni Bryan sa kabilang kama ay hindi
mapigilan ni Dan na isipin si Ryan. Ang paghawak ng kamay nito sa kaniyang
kamay at ang halos pagdampi ng mga mapupula nitong labi sa kaniyang labi.
Pero sa kabila noon
ay hindi niya rin mapigilang isipin ang kaniyang nasaksihang tagpo kung saan
nakikipaghalikan si Ryan sa isa pang lalaki. Ito ang bagay na pumipigil kay Dan
sa kaniyang atraksyon kay Ryan dahil natatakot siya na kapag hinayaan niya ang
kaniyang sarili na mahulog ang loob kay Ryan ay lilikha ito ng gulo.
“---Alam niyang hindi
niya kailanman maipagpapalit ang kaligayahan sa takot at alam niyang balang
araw ay ha-hanap hanapin niya ang kaligayahan--”
Nang maalala ni Dan
ang mga linyang ito mula sa mga sinabi kanina sa radyo ay wala sa sarili siyang
tumayo mula sa kinahihigaan at tinawid ang makitid na hallway papunta sa tapat
ng pinto ni Ryan at kumatok dito.
“Please be my
happiness.” bulong ni Dan sa sarili saka pinihit ang door knob ng pinto ni
Ryan.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment