http://zildjianstories.blogspot.com
“Salamat ah.” Ang pabulong ko na sabi kay Rome.
“Para saan?” balik na bulong nya sa
akin..
“Dahil kung hindi dahil sayo.
Malamang nasa Computer shop nanaman ako ngayon para aliwin lang sarili ko.
Salamat talaga.” Ang sinsero kung sabi sa kanya.
“Hoy! Anu binubulong bulong nyo jan?
Ang daya nyo ah.” Reklamo agad ni Red ng makita kaming nag bubulungan ni Rome.
“Hah? Wala no! sabi ko lang kay Rome
na babaero ka talaga.” Ang sabi ko na agad naman nyang binara.
“Babaero? Maniwala ka dyan kay Carlo.
Wala akong girlfriend noh! akala lang nila na girlfriend ko sila.” Ang
mayabang na depensa ni Red.
“YABANG!” sabay sabay naming
komentong tatlo na pinagtawanan lang ni Red.
Nag dinner kaming anim sa Jollibee. Puro kwentohan, tawanan at kung anu-anu pang kalokohan. Don ko lang ulit na ramdaman ang ganung saya. Bigla ko ulet naalala ang dawalang taon ko sa STEFTI ganito kami mag harutan ng mga ka barkada ko doon. Hiling ko nalang na sana di na maulit ang nang yari noon. buong akala ko mag tatapos ako nang high school na walang kaibigan man lang.
6 months ang lumipas at lalong
naging mas matatag pa ang samahan naming pito. Pero ang mas naging close sa
akin ay sina Antonet, Red at Rome. Yung iba naman close ko rin naman pero hindi
ganun ka close sa tatlo.
Favorite day of the week Friday.
Maaga akong nagising dahil sa isang tawag sa cp ko.
“Hello?” ang bati ko sa tumawag sa
akin di na inabala ang sariling tingnan sa screen kung sino ang tumatawag.
“Supah Ace gising na!!” malakas na
sabi sa kabilang linya.
“Dapat talaga sumisigaw ka? Ang aga
aga!” ang maktol kung sagot sa kanya.
“Oo! Para di kana matulog ulit. Dali
bangon kana dyan pupunta ako dyan sabay tayo punta ng school.” Si Rome.
“Huh? Bakit kailangan pa nating mag
sabay? Di mo naba alam daan papuntang school at kailangan mo pa akong
disturbohin? Galit ko paring sabi sa kanya sa inis na ginising nya ako.
“Eh kasi po nag txt sa akin si Carlo
hihintayin nila tayo sa tambayan dahil may sasabihin daw sya.” Si Rome
“Ayon naman pala. Sayo naman pala
nag txt eh bakit nadamay ako?” sagot ko sa kanya.
“Ang init naman ng ulo mo Supah Ace.
Cge na please bangon kana maliligo na ako. See you after 30 mins!!” end call
Wala na ako nagawa kung hindi maligo
at mag bihis. Ligong ibon lang ginawa ko dahil baka dumating na si loko at
mangulit nanaman.
“MANAG LETH DON NALANG AKO SA
CANTEEN NAMIN MAG BREBREAKFAST WAG NA PO KAYO MAG ABALA MAG HANDA!” Ang Pasigaw
kung sabi kay Manag leth mula sa aking kwarto habang nag lalagay ng wax sa
aking buhok.
Pag kababa ko nagulat ako nang
makita ko si Rome na nasa hapag na at lumalamon. Agad naman syang lumingon sa
akin at ngumiti sabay sabing “Good morning Supah Ace!tara breakfast tayo ang
sarap ng luto ni nanay.”
“Akala ko ba nag mamadali tayo? Bakit
nakuha mo pang lumamon dyan.” Ang nakangiti ko nang sabi sa kanya sabay upo sa
harapan nya para kumain na rin. Nagutom nga ako sa amoy nang niluto ni Manang.
As usual wala sina mama at papa nasa Singapore for business trip.
“Sabi ko pa naman kay Manang na wag
nalang mag handa kasi di ako kakain.” Sabi ko ulit.
“Nagutom ako sa amoy ng sinangag at
hot dog eh kaya nang ayain ako ni Nanay na kumain, di na ako humindi. Di rin
kasi ako nag almusal sa bahay sawa na ako sa luto nila doon.”
Di na lang ako sumagot at kumain na
rin. Pogi talaga ni kolokoy at ang bango bango. Isama mo pa ang ayus ng buhok
na bagay sa mukha nya.
After naming kumain ay deretso agad
kami sa school. Nag pahatid kami sa driver namin tulad ng lagi kung ginagawa sa
tuwing papasok ako. Hindi pa kasi ako pinapayagan mag drive ng dad ko kasi wala
pa akong drivers license.
Lumakad na kami ni Rome papunta sa
Tambayan namin para makausap at malaman kung anu ang sasabihin ni Carlo.
Halatang maraming may crush kay kolokoy lahat sila napapalingon pag dumadaan
kami. yung iba naman napapatigil sa kanilang morning chikahan at nag
bubulungan. Sya na ngayon ang Campus Crush pangalawa nalang si Red. Yung
favorite spot ko nung mga panahon na mag isa lang akong kumakain tuwing recess
at lunch break, yon ang ginawa naming tambayan. Maganda ang tambayan namin
dahil nasa likod sya ng buong campus kaya di kami ma iisturbo at di rin kami
makaka sturbo ng iba. Maraming mga puno ang nakapaligid kaya mahangin at presko
ang dating. Gumawa kami ng upuan sa ilalim ng malaking puno ng Manga para lahat
kami maka upo since na nadagdagan kami ng lima.
“Ang tagal nyo naman 20 minutes
nalang at flag ceremony na my geyyd!!.” ang reklamo agad ni Angela di paman
kami masyadong nakakalapit sa kanila.
“Good morning too.” Ang sarcastic
kung sagot kay Angela.
“Sorry naman. Lumamon pa kasi itong
monster na kasama ko kaya kami natagalan.” Biro kung sabi sa kanila. Kamot lang
ng ulo ang sinagot ni Rome halatang nahiya.
“Good morning Arl and Ervin.” Ang
nakangiting bati sa amin ni Antonet.
“Guys punta tayo sa Resort namin sa
Kuting tutal Friday naman ngayon walang pasok bukas don natin celebrate
ang Christmas party ng barkada. Ok na sa kanila nasabihan ko na, tagal nyo kasi
eh kayo nalang ang hinihintay namin. Mamaya tayo aalis after class don tayo
hangang Sunday.” Ang singit agad ni Carlo di pa man kami nakakapag Good morning
too kay Antonet.
“Kuting?” ang magkasabay naming
tanong ni Rome.
“Yep. Isang small island na binili
ni mommy para gawing private resort. Para sa mga honeymooners at kagaya nating
mag babarkada. May bahay kami don at ang source ng electricity doon is
generator kaya di kayo ma bobored.”
“OHHH YEAHH!!Sakto kasi hindi ako
aattend sa Christmas Party natin next week.” banat agad ni Mina.
“Ako rin! Sure naman kasi ako na
boring ang Christmas Party natin kaya sama nalang ako sa parents ko puntang
bohol! Bongga diva??!” si Angela
Natatawa talaga ako dito kay Angela
sobrang epal lang.
“Hmmmm ask Supah Ace. Pag go sya go
din ako.” Sabi naman ni Rome.
“Bat ako? Wala ka bang sariling
desisyon? Adik ka talaga.” Angal ko naman sa sinabi niya. Pero deep inside
kinilig ako.. ayay!!!
“Coz you’re the boss!” Sabay pisil
sa pisngi ko na lalong nag pakilig sa akin.
“Ang cheesy!! Kaloka!!” epal na sabi
ni Angela at Mina.
Tiningnan ko ang reaction ng iba
naming barkada pero nakangiti lang sila except kay Red na blanko ang expression
ng mukha.
“Ok cge sama kami.” nakangiti kong
sabi sa kanila. I don’t want to disappoint them. Specially Rome alam ko kasi na
gustong gusto nya pumunta ng dagat para makapag surfing ang kaso sa lugar namin
hindi malalakas ang alon. Kaya di nya magawa ang sport nya.
“ALRIGHT!!!” sigaw nilang lahat.
Hindi na kami pumasok nung
hapon since na busy naman ang buong school for Christmas Party Preperation.
Agad kaming nag si uwian para makapag pack-up at makapag handa. Napag
desisyonan ng barkada na 500 each kada isa para sa aming pagkain, Finger Foods
para pantawid gutom at para sa pulutan. Si tonet naman daw ang bahala para sa
mallow na pag tritripan namin sa bonfire at softdrinks since na may
grocery store sila ambagan nalang kasi kami sa kung anu ang pwedi naming dalhin
pang dagdag. Aside sa 500 each. Kada isa sa amin kailangang mag bigay ng
300 para sa rerentahan naming Van na mag hahatid sa amin sa area kung saan
malapit ang resort nila Carlo. Ang nakaka excite pa eh sasakay pa daw kami ng
Bangka para ma rating namin ang Island resort nila.
Dumating kami sa Island Resort nila
Carlo 4.30pm. Kahit na takot pa rin ang tatlong babae naming kasama dahil sa
malakas na alon bigla silang nabuhayan pagkakita sa resort. White sand ito at
sobrang ganda. Wala mang swimming pool bawi naman sa view at sa blue na
tubig dagat. Kita ko rin ang saya sa mata ni Rome ng makita ang malalakas
na alon. Alam ko na kung anu nasa isip ng lokong yon kaya agad ko syang
binulungan.
“Satisfied?”
“Super duper satisfied!Di nga nag
sisinungaling si Carlo nung sabihin nyang malakas ang alon dito.” naka ngisi
nyang sagot sa akin.
“Guys ipasok na muna natin ang mga
dala natin sa bahay. The Rest house has 5 rooms. Girls, u stay on one room at
kaming apat naman eh sa isang room. One more thing Girls, you will be the one
in charge of the kitchen. Kami namang mga boys ang mga masunuring alalay nyo. Kami
rin ang mag huhugas para patas.” Ang naka ngising sabi ni Carlo.
“Fair enough.” Sagot naman ni Tonet.
Pumasok na kami sa Rest House nila
Carlo. Namangha kami sa ganda nito. Simple lang ang mga appliances pero
halatang eligante pang mayaman talaga. Sa first floor is sala at kusina na
walang divider. Sa gitna naman nito ang hagdan papunta sa second floor kung
saan nan doon ang Limang kwarto.
“Yang kwarto na nasa gitna ay ang
personal room ni Mommy at daddy kung nan dito sila. ” Pag bibigay impormasyon
sa amin ni Carlo.
“Ang ganda naman dito Carlo! This is
simply amazing! Yung rest house namin sa Batangas di ganito ka ganda.” ang
manghang sabi ni tonet.
“TAMA!!” pag sangayon nina Mina at
Angela.
“Pang sosyal talaga ang dating”
Dagdag pa ni Angela.
“Simula ng mabili ni mommy itong
Island. Agad nila itong denivelop ni daddy para pagkaperahan at the same time
para may mapag bakasyunan kami.” ang nakangiting wika ni Carlo.
Sinimulan na namin ang 2 nights at 3
days Christmas vacation namin. After naming kumain ng dinner at mag hugas, agad
kaming lumabas para mag inuman at simulan ang bonding namin. May mga tama na
kami at nag sisimula na ang kulitan at harutan.
“Guys Cheers para sa ating pito!
Sana kahit hiwa- hiwalay na tayo sa college patuloy parin ang ating samahan and
when time comes na pare-pareho na tayong successful sa mga careers na pinili
natin, sana magkita kita ulit tayo at ipag patuloy ang samahan nating ito!
Cheers!!” ang may tama nang sabi ni Tonet.
“Cheers!!”
“May suggestion ako! To make this
night more exciting mag spin the bottle tayo pero puro truth lang. that way
matatanong natin lahat ang gusto nating itanong sa isat isa. Kung sinu ang
matapatan ng bottle sya ang nasa hot seat. Tatanungin sya isa-isa. Anu game? Sa
lahat ng idea ni Angela ito ang pinaka pangit!
“Even personal questions?”
naniniguradong tanong ni Tonet.
“But of course!! Barkada tayo. Dapat
walang secret. Maganda ngayon eh para ma open natin sa isat isa ang mga bagay
na kinikimkim natin. Anu deal?” lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sinabi ni
Angela. Halatang seryoso ito sa naisip na laro. Ang iba naman naming kasama ay
di rin maitatangi ang mag excite.
“Game ako dyan!” sagot agad nina
Mina at Tonet.
“Ako rin! Game ako dyan!” si Carlo
Tumingin naman ako kay Red at Rome
sila nalang kasing dalawa ang hindi pa nag bibigay ng reaction sa naisip ni
Angela. Pareho silang nasa gilid ko. Si Rome sa left side at si Red sa right
side.
“Hoy! Kayong tatlo anu game ba
kayo?” pangungulit pa ni Carlo.
“Ahh..ehh..” nag aalangan kung sagot
pero biglang pinutol ni Red.
“Game kaming tatlo! Umpisahan na
yan!” na kina bigla ko akal ko kasi di nya papatulan ang idea ni Angela.Abat!! bakit
na damay kami ni Rome sa desisyon nya? Anu kaya nasa isip nitong lokong to.
“HOY ARL!” ang sigaw ni Angela.
“Oh!?” nabigla kung sagot dahil busy
ang utak ko. Nararamdaman ko kasi na may masamang binabalak ang mga lokong to.
“Game na daw! Lasing ka naba? Bakit
bigla kang natahimik dyan?” Si Angela ulit.
“Ah eh.. Oo parang may tama na nga
ako. cge cge game.” Ang wala sa isip kung pag payag.
Pinaikot na nga nila ang lalagyan ng
Mineral water. Sa kasamaang palad sa akin pa talaga huminto. Nakita ko silang
nag sipag ngisihan sa isat isa. Parang naka planu na talaga ang lahat. Patay
ako nito!!Siguro it’s about time na malaman nila ang past ko. Bahala na si
batman!
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment