http://rantstoriesetc.blogspot.com
Part 28
Ryan. Ryan.', ang pagkatok ni Mama
sa aking pinto.
Agad naman akong bumangon at hinarap
ang ina.
'Hmm?', ang sabi ko habang
nagkakamot ng mata.
'Nandyan si Gino sa baba. Mukhang
hindi maganda ang lagay.', ang sabi ni Mama na may tono ng pag-aalala.
Para namang na-jumpstart ang buong
sistema ko. Nagising ako bigla at bumaba ng hagdan. Si Mama naman ay sumunod
agad sa akin. Nakita ko si Gino na nakaupo sa sala at nakayuko.
'G. Ano nangyari?', ang tanong ko sa
kanya.
Kumakabog ang dibdib ko dahil kahit
hindi ko na siya tanungin ay alam ko na ang nangyari. Nagtaas ng mukha si Gino.
Ang pilit niyang pagpipigil ng iyak ay hindi umubra. Umiling lang siya at
nagsimula nang umiyak. Agad naman akong umupo sa kanyang tabi at sinubukan
siyang patahanin.
'Ano bang nangyari, hijo?', ang
tanong ni Mama.
Nagkatinginan kami ni Gino sa tanong
na ito ni Mama. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Parang hinihintay ko si
Gino na magsalita pero alam kong sobra-sobra na ang mga nangyayari sa kanya.
'Pinalayas po ako sa amin.', ang
sabi ni Gino sa pagitan ng mga paghikbi.
'O bakit naman? Ano bang ginawa mo?
Nasaan ang mga gamit mo?', ang pag-aalala ni Mama.
'Nasa labas po. Tita, nahihiya po
ako at kayo pa ang naistorbo ko. Pasensya na po kayo.', ang sabi ni Gino.
'Hindi iyon problema. Para na rin
kitang anak. Pero bakit ka ba pinalayas?', ang tanong ni Mama.
Papalit-palit lang ang tingin ko kay
Gino at kay Mama. Hindi ko na alam ang gagawin.
'Ry?', ang pagbaling sa akin ni
Gino.
Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko
muna ang aking ina at pinakiramdaman siya. Paulit-ulit kong sinasabi sa aking
sarili na sana ay maintindihan niya ang sitwasyon namin ni Gino.
'Ma.', ang pagsisimula ko.
Mga nangungusap na mata ang tumingin
sa akin. Hindi ko alam kung tama ba na ngayon ko sabihin kay Mama. Paano kung
mapalayas din ako? Saan na kami pupulutin nito?
'Ryan?', ang pagtawag sa akin ni
Mama nang mapansing hindi na ako nagsalita.
'Ma, hindi ko alam kung paano mo
matatanggap. Pero gusto kong malaman mo na may namamagitan sa amin ni Gino.',
ang diretsong sabi ko kay Mama.
Para namang walang naintindihan si
Mama sa aking sinabi at nanatili lang itong nakatingin sa akin. Nangingilid ang
luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Mama ng
mga oras na ito.
'Tita, nahuli po kasi kami ni Mama
kanina kaya niya ako pinalayas. Hindi ko po sinasadyang mahalin ang anak niyo
pero ipagtatanggol ko po siya. Ipaglalaban ko po kung ano man itong namamagitan
sa amin.', ang matapang na sabi ni Gino.
Hindi pa rin umiimik si Mama.
Nakatingin lang siya sa amin ni Gino na blanko ang mukha.
'Ma. Say something.', ang umiiyak
kong sabi sa kanya.
'Ehem. Ryan. Matagal ko nang
tinanggap sa sarili ko. Ako ang nagsilang sa'yo. Alam ko ang lahat sa'yo kahit
hindi ka magsabi sa akin. Dalawa lang tayo na nag-aalaga sa isa't isa. Simula
pa lang nang naging magkaibigan kayo ni Gino, nakita ko na ang kakaibang tingin
mo sa kanya. Ayokong aminin sa sarili ko nung una. Mahirap. Kasi gusto kong
magkaapo...', at doon na nagsimulang umiyak si Mama.
'...pero unti-unti ko namang
natanggap iyon. Nakikita kitang masaya ka sa kanya. Wala na akong karapatang
pahirapan ka. Sobra na ang paghihirap mo sa paglaki mo na iisa lang ang
magulang mo. Mahal kita, anak. Tanggap kita. Tanggap ko kayo.', ang pagpapatuloy
ni Mama.
Para naman akong nabunutan ng tinik
sa mga narinig ko. Niyakap ko ng mahigpit si Mama at nagpasalamat ng
sobra-sobra. Siya naman ay walang tigil sa pag-iyak. Tumayo na rin si Gino at
yumakap kay Mama.
'Salamat po, Tita.', ang sabi ni
Gino.
'Sshhh. Magiging okay din ang lahat.
Maging matapang ka lang sa pagharap ng mga problema mo.', ang sabi ni Mama.
'Ay, shoot. Yung maleta ko!', ang
biglang sigaw ni Gino at agad na tumakbo sa labas.
Natawa naman kami parehas ni Mama.
Gumaan ang pakiramdam sa loob ng bahay. Parang lumiwanag lahat.
'Bakit hindi ko nakitang may dala
ka?', ang tanong ni Mama nang makapasok si Gino dala ang malaking gamit.
'E. Nahiya po ako. Kaya pasimple ko
lang pong pinasok nung nakatalikod kayo.', ang sabi niya habang nagkakamot ng
ulo.
'Ikaw talagang bata ka. O siya,
matutulog na ako. Magpahinga na rin kayo ah.', ang paalam ni Mama.
'Opo.', ang sagot ko.
'Thank you po ulit, Tita.', ang sabi
naman ni Gino.
0*0*0*0
Kinabukasan ay maagang nagising si
Gino. Nakataklob siya ng kumot habang malalim na nag-iisip. Nakatingin lang
siya sa akin.
'Don't try to seduce me.', ang sabi
ko sa kanya pagmulat ko.
'I'm not! Nag-iisip ako kung paano
ako makikipag-usap kay Mama.', ang seryoso niyang sabi.
'Oh. Sorry.', ang maikli kong
paghingi ng tawad.
'Buti pa si Tita tinanggap tayo.
Bakit kaya hindi iyon magawa ni Mama sa atin?', ang tanong ni Gino.
'O, agang-aga nagda-drama ka.', ang
sabi ko sa kanya.
'E kasi naman...', ang pag-iyak niya
bigla.
Umupo ako mula sa pagkakahiga at
ikinulong siya sa aking mga braso.
'Ang sakit sakit na mapalayas ng
sariling magulang. Lalo na at hindi niya tanggap ang pagkatao ko. Masaya ako sa
ating dalawa. Bakit hindi niya kayang maging masaya para sa akin?', ang
pagtangis ni Gino.
'Shhhh. Maiintindihan din tayo ng
mommy mo. Someday.', ang sabi ko sa kanya.
Patuloy lang sa paghikbi si Gino
habang ako naman ay tahimik lang na pinapatahan siya. Nagdesisyon siyang
puntahan ang ina ngayon upang ipaliwanag ang sarili matapos maiiyak ang lahat
ng umagang iyon.
'Bahala na.', ang sabi niya bago
magtungo sa CR at maligo.
0*0*0*0
Minabuti kong samahan si Gino sa
pagbalik sa kanilang bahay. May basbas din ito ni Mama nang magpaalam kami at
sinabi niyang she is hoping for the best. Pilit kong pinapakalma ang sarili
upang hindi na mahirapan si Gino kahit na halos dumadagundong na ang puso ko sa
kaba.
'Anong ginagawa niyo dito?', ang
masungit na bati sa amin ng mommy ni Gino.
'Ma, pakinggan niyo naman ako.
Please? Nagmamakaawa na ako.', ang sabi ni Gino sa ina.
Pinagsarahan lang sila nito ng gate.
Kinatok pa ni Gino ang gate at tinatawag ang ina ngunit hindi na talaga ito
nagpatinag. Pinigilan ko na si Gino sa kanyang ginagawa.
'Tara na. May klase pa tayo.', ang
sabi ko sa kanya.
Sobrang nadudurog ang puso ko habang
nakikita si Gino na nahihirapan. Halos hindi ako makapag-concentrate sa klase
dahil tinitingnan ko lagi ang lagay niya.
'Ry, are you and Gino okay?', ang
tanong ni Alicia sa akin nang matapos ang huling klase namin.
'Honestly, hindi. Nalaman na ng mom
niya ang about sa amin. Pinalayas siya. Please, don't tell anyone.', ang sabi
ko.
'Oh. I'm so sorry to hear that. Saan
siya ngayon nagse-stay?', ang pag-aalala ni Alicia.
'Sa bahay. Alam na rin ni Mama pero
tinanggap niya kami. Thank God.', ang sabi ko sa kanya.
'Buti naman. Ry, worried lang ako
kasi finals na next week and graduating tayo. Baka maapektuhan ang pag-aaral
niyo. So, if there's anything I could do, just let me know. Okay?', ang sabi ni
Alicia.
'Sure, thanks a lot!', ang sabi ko
sa kanya bago lumapit kay Gino.
'Tara na. Uwi na tayo.', ang yaya ko
sa kanya.
Hindi na nagsalita si Gino at
nagpauna na palabas ng room. Nauuna siya sa akin sa paglalakad hanggang sa
makarating kami sa parking.
'Where's my car?', ang mahinang
tanong ni Gino.
Wala naman akong nasabi nang makita
kong bakante na ang space kung saan namin iniwan ang sasakyan kanina bago
magpunta sa klase.
'DAMN IT, WHERE IS MY CAR??', ang
sigaw ni Gino.
Sinuntok niya ng malakas ang
pinakamalapit na poste at umupo matapos gawin ito. Agad naman akong lumapit sa
kanya at tiningnan ang kamay. Nagdudugo ito.
'Gino. Hindi mo dapat ginawa yun.
Ayan tuloy...', ang sabi ko.
'HUWAG MO AKONG HAWAKAN!!!', ang
sigaw niya sa akin.
Itinulak niya ako palayo kaya naman dumausdos
ako sa lapag. Pinipigilan ko ang sarili ko na patulan siya o maiyak dahil alam
kong tuliro lang siya ngayon at kailangan lang niya mailabas ang nararamdaman.
Kahit na masakit sa dibdib ang pagkakatulak niyang iyon ay lumapit pa rin ako
sa kanya at sinubukan siyang itayo.
'Tara na, uwi na tayo.', ang
mahinahon kong sabi sa kanya.
'Sobrang mali ba na minahal kita?
Bakit kasi ikaw pa? Bakit kasi sa'yo pa?', ang tanong sa akin ni Gino habang
hawak niya ang kamay ko.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya para
tulungan siyang tumayo pero hinawakan lang niya ito ng mahigpit habang
nakayuko. Naiyak ako sa mga tanong na kanyang binanggit. Kahit na masakit ang
mga sinabi niya, hindi ko na ito pinakita sa kanya. Tinulungan ko siyang
tumayo. Agad na akong pumara ng taxi nang makalabas kami ng school.
'Akin na nga 'yang kamay mo.', ang
sabi ko sa kanya.
Kinuha ko ang kamay niyang nagdudugo
at binalutan muna ito ng panyo.
'Ow.', ang daing niya.
Nang makarating kami sa bahay ay
wala pang tao. Marahil ay nasa trabaho pa si Mama.
'Akyat na ako.', ang malamig niyang
sabi sa akin.
Tiningnan ko lang siya bago ako
magtungo sa kusina para kumuha ng panglinis ng sugat. Umakyat din naman agad
ako at dinatnan siyang nakadapa sa kama. Nakatanggal lang ang sapatos at polo pero
naka-pantalon pa rin at t-shirt.
'Gino. Halika, lilinisin ko yung
sugat mo sa kamay.', ang sabi ko matapos maipatong ang kinuha kong batya na may
tubig at betadine sa baba. Agad naman siyang umupo mula sa pagkakahiga. Hindi
kami nag-uusap pero hinayaan niya akong gamutin ang sugat niya sa kamay.
Tahimik lang kami.
'Okay na.', ang sabi ko sa kanya
matapos mabalot ang kamay niya sa benda.
'Matutulog na ako.', ang paalam
niya.
'Hindi ka ba muna kakain?', ang
tanong ko sa kanya.
'Hindi ako nagugutom.', ang malamig
niyang sagot sa akin.
0*0*0*0
Ganon ang lagay namin hanggang
finals week. Magkasabay kaming papasok, sabay kakain, pati sa pag-uwi pero
halos hindi kami nag-uusap. Tuwing susubukan ko siyang lambingin ay lumalayo
siya.
'Gino, ano nang balita sa mommy
mo?', ang tanong ko sa kanya nang matapos ang pinakahuli naming exam.
'Hindi ko alam.', ang sagot niya sa
akin.
'Kausapin mo naman ako ng matino.',
ang mahina kong sabi sa kanya.
'Sinasagot ko naman lahat ng tanong
mo ah! Ang kulit-kulit mo. Araw-araw na lang, tanong ka ng tanong!', ang sigaw
niya sa akin.
Napatingin ang ilan sa mga kaklase
kong nasa loob pa ng room ng sigawan ako ni Gino. Tumakbo ako palabas dahil na
rin siguro sa pagkapahiya.
'Ry!', ang pagtawag sa akin ni
Alicia.
Napatingin naman ako sa
pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Alicia na tumatakbo palapit sa
akin.
'Tara.', ang yaya niya sa akin.
Hinatak niya ako papunta sa park.
Kakaunti na lang ang mga tao marahil nag-eexam pa ang iba. Pagkaupo namin ay
hindi na nagsalita si Alicia. Tiningnan lang niya ako at alam ko na na pwede na
akong mag-rant.
'Feeling ko gusto na niyang sumuko
sa aming dalawa. Ang cold niya sa akin simula last week pa. Nasasaktan na ako.
Pilit ko siyang iniintindi pero parang ayaw na niyang magpaintindi sa akin. Ano
bang dapat gawin ko? Mahal na mahal ko siya pero it's killing me kapag nakikita
ko siyang nahihirapan ng husto. Kailangan ko na ba siyang i-let go para maging
maayos na sila ng mom niya? Pero parang hindi ko kaya mabuhay na hindi siya
kasama. Feeling ko unti-unti na siyang nawawala sa akin.', ang pag-iyak ko kay
Alicia.
'Ry, sa tingin ko, hindi na option
ang pagsuko dito. Bakit sa tingin mo ba kapag iniwan ka ni Gino ay mababawi na
sa mommy niya yung idea na sa same gender siya nagkakagusto? Hindi naman diba?
Pag naghiwalay ba kayo, magiging okay ka ba? Magiging okay ba siya? Hindi naman
diba? Giving up is not an option here! You just gotta fight for it! Yun lang
ang dapat mong gawin. Ang dapat mong sabihin kay Gino na gawin. Hindi 'yang
ganyang hinahayaan mo siyang malunod sa nararamdaman niya. Ga-graduate na tayo
in one week, sana naman bago tayo magkahiwa-hiwalay ay makita ko kayong masaya
ni Gino. You love him. Fight for him!', ang sabi ni Alicia sa akin.
0*0*0*0
Daig ko pa yata ang na-enlighten sa
sinabi na iyon ni Alicia. Maganda ang point niya. Dapat ko lang na makausap na
si Gino para harapin na itong problema namin.
'Kamusta exams?', ang tanong ko sa
kanya nang nakahiga na kami para matulog.
'Okay naman.', ang sagot niya.
Yumakap ako sa kanya.
'Ga-graduate na tayo next week.
Parang ang bilis no?', ang paglalambing ko sa kanya.
Tinanggal niya ang kamay ko na
nakayakap sa kanya.
'Mainit.', ang reklamo niya.
'G naman. Kelan mo ba ako kakausapin
ng matino?', ang tanong ko sa kanya.
Hindi na siya sumagot. Bumalikwas
siya at ngayon ay nakatalikod na sa akin. Humiga ako ng diretso at tumingin sa
ceiling. Pinakiramdaman ko ang paligid. Alam kong gising pa siya.
'Sumusuko ka na ba? Sa atin?', ang
tanong ko sa kanya.
Nakatalikod si Gino nang marinig
niya ang tanong ko. Para siyang napako sa pagkakahiga nang mga oras na iyon.
Walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata at pigil na pigil ang
kanyang paghikbi upang hindi ko marinig.
Naghihintay ako ng sagot. Ngunit
parang naghihintay lang ako sa wala. Magkasama nga kami sa isang kama pero
parang ang layo-layo naman niya sa akin. Bumalikwas ako at tumalikod sa kanya.
Niyakap ko ang aking sarili at tahimik na umiyak.
Nakatulugan ko na ang pag-iyak. Si
Gino naman ay mulat pa din at halos hindi dinadalaw ng antok. Magulo ang
kanyang isip.
0*0*0*0
Paggising ko kinabukasan ay wala na
siya sa aking tabi. Agad kong tiningnan ang aking phone at nakita ang isang
unread message.
One Message Received: Gino Villaflor
Gino: I'm in school already. Didn't
wanna wake you up.
Mabigat kong dinala ang aking sarili
sa CR para maligo at sa school para um-attend ng graduation. Tapos na ang lahat
ng kelangang gawin. Hinihintay na lang namin ang araw ng aming pagtatapos at welcome
to the real world na.
Dumating ako sa room na halos lahat
ay naghahanda na papunta sa auditorium kung saan gaganapin ang practice. Nakita
ko si Gino na nakaupo lang sa isang tabi at tahimik. Nakapasak ang headset sa
magkabilang tenga.
'Hey.', ang sabi ko sa kanya nang
makita niya ako.
'Hey.', ang pag-ulit lang niya sa
sinabi ko.
'Guys, follow me! We need to be in
the auditorium in 15 minutes! Let's go! C'mon!', ang sigaw ng isang professor.
Agad namang tumayo si Gino at
nilampasan ako na para bang wala ako sa kanyang harapan. Sinundan ko lang siya
ng tingin.
'Tara.', ang yaya sa akin ni Alicia
na nakatayo malapit sa akin.
Hindi na ako nagsalita at sumunod na
lang ako sa kanya.
0*0*0*0
'Uy. Bakit parang kanina ka pa wala
sa sarili mo?', ang tanong ni Ken kay Patrick habang naglalakad papunta sa
auditorium.
'Ha? Hindi. Ang init kasi.', ang
excuse ni Patrick.
'Talaga? Ang lamig kaya sa room
kanina. May problema ba?', ang tanong ni Ken.
'Wala, wala. Okay lang ako.
Kinakabahan lang siguro ako. Ga-graduate na tayo.', ang sabi ni Patrick.
'Practice pa lang naman 'to e.', ang
sabi ni Ken bago umakbay kay Patrick.
'Wag ka ngang umakbay sa akin. Baka
isipin nila.', ang pag-aalis ni Patrick sa braso ni Ken.
'Ano?', ang tanong ni Ken.
'Na may something sa atin. Alam mo
naman 'yang mga 'yan.', ang bulong ni Patrick.
'Bakit? Wala ba?', ang tanong ni
Ken.
'Ha?', ang bingi-bingihang sabi ni
Patrick.
'Labo mo rin e no? Nung nasa
hospital pa ako, akala ko we're going there already. Tapos ngayon parang ewan.
Where do we stand, really? Ano na ba tayo?', ang tanong ni Ken.
Lumingon naman si Patrick sa kanyang
likuran.
'C'mon, Pat! Ano bang meron at
kanina ka pa hindi mapakali?', ang naiinis nang sabi ni Ken.
'Nothing, sorry. Let's just talk
later, okay?', ang sabi ni Patrick bago unahan si Ken sa paglalakad.
0*0*0*0
Sobrang nakakabagot ang practice na
'to. Bakit kasi kelangan pang mag-practice? Bakit kasi kelangan pang mag-check
ng attendance? Nakakainis lang.
'Okay. Lunch break! See you in an
hour!', ang sigaw ng organizer matapos ang morning session.
Agad akong lumapit kay Gino at
niyaya siyang kumain.
'Saan mo gusto? Tara, sagot ko na.',
ang sabi ko sa kanya.
'Don't treat me like I'm a beggar!',
ang sabi niya sa akin.
'What the hell, G?', ang naiinis
kong tanong sa kanya pagtapos hablutin ang kanyang braso.
'You know that my mom cut my credit
card at hindi na niya ako binibigyan ng allowance! Pwede ba? Wag mo akong
kaawaan!', ang sigaw ni Gino sa akin.
Buti na lang at halos lahat ng aming
mga kasama ay nakalabas na.
'What? Hindi naman kita kinaawaan. I
just care about you! Wala naman akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko! FINE!
Kung ayaw mong ako ang magbayad ng kinain natin, magutom ka dyan! Ako na 'tong
nagmamagandang loob, ako pa 'tong napapasama! Lecheng buhay to!', ang sigaw ko
sa kanya.
Padabog akong lumabas ng auditorium.
Halos ibalibag ko sa pagsara ang main entrance door. Ayokong pabigatin lalo ang
nararamdaman ni Gino pero parang sa lahat ng gagawin kong pagtulong sa kanya,
lalo ko lang siyang napapahirapan.
'Hey.', ang paglapit ni Patrick kay
Gino.
Tumingin lang si Gino sa kanya.
'I'm quite worried. Last week pa
kitang napapansing wala sa sarili. What's up?', ang pagpapatuloy ni Patrick.
'Nothing much. Medyo di lang kami
nagkakaintindihan ni Ry lately.', ang sabi ni Gino.
'Because?', ang tanong ni Patrick.
'Basta. I don't wanna bore you with
details. Why aren't you with Ken? I thought you two are dating?', ang tanong ni
Gino.
'Medyo nag-away din kami. And we're
not official. Yet. C'mon, bore me.', ang sabi ni Patrick.
'No. It's alright. I'm good.
Mag-lunch ka na.', ang pagtanggi ni Gino.
Tumalikod na ito at naglakad
palabas.
'Gino-ball. I know you. It's not
alright. And you're not okay.', ang sigaw ni Patrick.
Napatigil naman si Gino sa
paglalakad. Humarap siya kay Patrick nang nakayuko.
'Pat, ang sakit sakit na.', ang
pag-iyak ni Gino.
Halos patakbo namang lumapit si
Patrick sa kanya.
'Tell me about it. I'll listen.',
ang sabi ni Patrick.
'Mahal ko si Ryan! God knows how
much I love him! Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin ngayon. Hindi ako
tanggap ng sarili kong ina. Kina Ryan ako nakatira. Nakikita ko kung paano niya
ako alagaan, kung paano niya ako asikasuhin. Hindi ko alam kung magiging
matatanggap pa ako ni Mama. Gusto kong ipaglaban si Ryan. Hindi ko kayang
mawala siya. Pero wala akong lakas na gawin yun. Hindi ko alam kung saan ako
magsisimula. Ang sakit sakit para sa akin na nasasaktan ko siya araw-araw.
Hindi ko siya kayang iwan, Pat. Pero paano? Paano ko ipapakita sa kanya na
magiging okay ang lahat kung sarili ko mismo hindi ko makumbinsi?', ang
pag-iyak ni Gino.
'Shhh. Mahal ka rin ni Ryan, Gino.
Bigyan mo siya ng chance na tulungan ka sa problema mo ngayon. Naniniwala akong
magiging okay ang lahat. You two need to stick together. Pagsubok lang 'to.
Hindi ba dapat sa mga ganitong panahon mo ipinapakita sa kanya na mahalaga siya
sa'yo? Kung talagang mahal mo siya kahit ipagtabuyan kayo ng buong mundo,
ipaglalaban mo siya. Po-protektahan mo siya. Ipakita mo sa kanya iyon. Huwag
kang duwag! Hindi ito ang Gino na kilala ko. At malamang, hindi rin ito ang
Gino na kilala ni Ryan.', ang sabi ni Patrick.
Kinumbinsi ni Patrick na
makipag-ayos na kay Ryan at harapin ang pagsubok na ito na magkasama sila.
Nagtagumpay naman siya.
'O, gusto ko bago mag-graduation,
balitaan mo ako ah.', ang nakangiting sabi ni Patrick.
'Sure. Will do.', ang sagot ni Gino.
'O, una na ako at hahanapin ko pa si
Ken.', ang paalam ni Patrick.
'Salamat.', ang sabi ni Gino.
Nakangiti si Patrick na umalis sa
harap ni Gino ngunit hindi na nito naitago ang tunay na nararamdaman nang
tumalikod na ito sa kanya. Tumulo ang mga luha nito sa magkabilang mata pero
agad din naman niya itong pinunasan.
'Whew!', ang sabi ni Patrick bago
lumabas ng auditorium.
0*0*0*0
Hindi ko na kinaya ang bigat ng
sitwasyon kaya naman hindi na ako bumalik sa practice. Dumiretso na ako pauwi
at nagkulong na lang sa kwarto.
'Alicia, nasaan si Ryan?', ang
tanong ni Gino.
'Ay. Hindi ko alam. Akala ko sabay
kayong nag-lunch?', ang sabi ni Alicia.
'Hindi. Nag-away kasi kami e.', ang
sabi ni Gino.
'O, namumugto na 'yang mata mo.
Magpahinga ka na kaya muna. Magkasama naman kayo ni Ryan sa bahay diba? Mamaya
na lang kayo mag-usap.', ang suggestion ni Alicia.
'Sobrang halata ba sa mata ko?', ang
tanong ni Gino.
'Sige na. I'll cover for you. Ako na
bahalang mag-alibi kay Ma'am.', ang sabi ni Alicia.
'O sige. Salamat, A.', ang sabi ni
Gino bago lumabas ng auditorium.
Napagdesisyunan ni Gino na umuwi na
lang. Gutom na siya at wala na siyang pangkain. Nag-jeep na lang siya para
makamura sa pamasahe. Halos maluha-luha si Gino habang nasa biyahe dahil
nami-miss niya ang marangyang buhay niya noon. Oo, ilang araw pa lang niya
itong nararanasan pero ang hirap pala. Hindi niya lubos maisip na darating siya
sa ganitong sitwasyon.
Pagdating ni Gino sa bahay ay
diretso siya agad sa kusina. Walang lutong pagkain dahil nasa trabaho si Mama
at ako naman ay nasa school. Kumuha na lang siya ng tinapay at peanut butter at
tahimik na kumain sa dining table.
Matapos kumain ay naramdaman niya
ang pagsakit ng mata dahil sa sobrang iyak. Inisip niyang umakyat na lang muna
at matulog para mamaya kapag nag-usap kami ay maayos siya. Ngunit hindi niya
inaasahan na pagbukas niya ng kwarto ko ay naroon ako at nakahiga.
'Anong ginagawa mo dito?', ang
tanong ko sa kanya.
'Bakit, papalayasin mo na rin ako?',
ang tanong niya sa akin.
'Di ba dapat nasa practice ka?', ang
hindi ko pagpansin sa tanong niya.
'Wala ka dun e. Hinahanap kita.
Tsaka nagutom ako. Wala na ako pera pangkain.', ang malungkot na sabi ni Gino.
'Kumain ka na?', ang tanong ko sa
kanya.
'Oo, gumawa lang ako ng PB sandwich
sa baba.', ang sabi ni Gino.
Hindi na ako sumagot at bumalik na
lang ako sa pagbabasa ng libro. Hindi ko naman inaasahan ang sumunod na ginawa
ni Gino. Lumuhod siya sa harapan ko dahil nakaupo ako sa kama noon. Inalis niya
ang hawak kong libro.
'I'm sorry, Ry. I'm very, very
sorry.', ang sabi ni Gino sa akin habang hawak niya ng mahigpit ang kamay ko.
'Ayokong sumuko sa atin, Gino.
Ayokong mawala ka. Hindi ko kaya.', ang sabi ko sa kanya.
'Ako din naman. Natatakot lang ako.
Naduduwag ako. At nahihiya lang ako sa'yo dahil sobra sobra na 'tong
nararanasan mo dahil sa akin! I can't convince myself na magiging okay ang
lahat. Hindi ko matulungan ang sarili ko.', ang sabi ni Gino.
'Hindi ka nag-iisa, Gino. Tayong
dalawa ang nasa laban na'to. Hindi ko naman sinabing iiwan kita diba? Nandito
lang naman ako. Huwag na huwag mong isipin na mag-isa ka. Kasi ako hindi ako
mapapagod sa'yo kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan at itulak. Hangga't alam
ko na mahal mo ako at mahal kita, nandito lang ako para sa'yo.', ang patuloy
kong sabi sa kanya.
Naiyak na nang tuluyan si Gino sa
aking lap. Naghalo na siguro ang tuwa at sakit na nararamdaman niya.
'G. Hey. Listen. We can do this,
alright? Malalampasan natin 'to. We'll go to your mom. And I will talk to her.
Narinig mo? Ako na ang kakausap sa kanya.', ang sabi ko kay Gino.
'No need.', ang pagsabat ni Mama na
kanina pa pala nakamasid sa amin at nangingilid na ang luha.
Parehas naman kaming napatingin sa
kanya at nagtataka sa bigla niyang pagsulpot sa eksena.
'I took care of that already. She's
here, Gino.', ang sabi ni Mama na nakangiti sa aming dalawa.
Agad na tumayo si Gino mula sa
pagkakaupo sa sahig at lumabas ng kwarto.
'Thanks, Ma! I love you. Thanks so
much!', ang pagyakap ko sa sariling ina.
'Gusto ko lang na maging masaya ka,
anak.', ang sabi ni Mama.
0*0*0*0
Halos madapa naman si Gino sa
pag-uunahan ng mga paa niya sa pagbaba sa hagdan upang makita ang sariling ina.
'Ma!', ang sigaw niya nang makita
niya ito na nakaupo sa sofa.
'Gino, anak. I'm so sorry!', ang
mahigpit na pagyakap ng ina sa kanyang anak.
'Ako ang dapat mag-sorry sa iyo, Ma.
Hindi ako nagpakatotoo sa'yo. Pero hindi ako magso-sorry na si Ryan ang minahal
ko kasi hindi ko nakikitang mali iyon.', ang sabi ni Gino sa ina matapos silang
magyakap.
'Naiintindihan ko na, Gino. Love
knows no boundaries. Ilang beses akong pinuntahan ng mommy ni Ryan sa bahay
para makipag-usap sa akin. Mahirap tanggapin, oo. Pero nasa process na ako.
Bigyan mo lang ako ng konting time. Okay ba yun, hijo?', ang nangingiyak na
sabi ng mommy ni Gino.
'Opo, Ma. Salamat!', ang sabi ni
Gino.
Sabay naman kami ni Mama na bumaba
sa hagdan at nakita namin ang dalawa na magkayakap. Laking tuwa ko at hindi ko
na napigilan ang pag-iyak dahil sa biglaang pagiging okay ng lahat. Hindi ko
inaasahan na si Mama pa ang gagawa ng paraan para magkaayos sila.
'Maraming, maraming salamat!', ang
sabi ng ina ni Gino kay Mama.
'Salamat din. Kampante na ako na
magiging ayos ang anak ko dahil sa anak mo.', ang sabi ni Mama.
'Ako din.', ang sabi naman ng ina ni
Gino.
Nagulat kaming dalawa ni Gino sa
biglaang pag-iyak ng dalawa.
'O bakit kayo umiiyak?', ang tanong
ko.
'Kasi gusto pa rin namin magkaapo.',
ang halos sabay na sabi ng mga ina namin.
Hinawakan ko ang kamay ni Gino at
niyaya siya paakyat ng kwarto.
'Saan kayo pupunta?', ang tanong ng
ina ni Gino.
'Gusto niyo kako ng apo e. Eto na,
gagawa na kami.', ang nakangiting sabi ko.
'Loko! Wag na wag ulit kayong
magpapahuli sa'min. Nako!', ang sabi ng ina ni Gino.
'Joke lang. Mama naman.', ang
pag-akbay ni Gino sa ina.
0*0*0*0
'It was an awesome college ride with
you, guys! I'll miss this!', ang sabi ni Katie.
'Yeah. Congrats sa atin! At last!',
ang sabi naman ni Gino.
Kakatapos lang ng graduation
ceremonies at busy ang lahat para sa photo opportunity. Magkakasama kami nina
Gino, Doris at Katie.Nakita ko si Alicia na dumaan kasama si Mona.
'Ish!', ang pagtawag ko sa kanya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya
ng mahigpit.
'Thank you very much!
Napaka-instrumental mo sa pagiging okay namin ni Gino.', ang sabi ko sa kanya.
'Welcome. I'm happy na okay na
kayo.', ang sabi ni Alicia.
'Salamat talaga. See you around?',
ang paalam ko sa kanya.
'Sure. I'll always be around', ang
sabi niya sa akin.
Niyakap ko din si Mona at nag-joke
ako sa kanya na makipagbati na kay Liz. Tinawanan lang niya ako at nagpaalam na
ako sa dalawa.
'Ry. Si Patrick.', ang sabi ni Gino.
Tiningnan ko ang direksyon kung saan
nakatingin si Gino.
'Pat!', ang sigaw ko.
Tumingin naman siya. Kasama niya si
Ken. Lumapit ako sa kanya. Hindi ko naman inaasahang susunod sa akin si Katie at
Doris.Pati na rin si Gino.
'Congrats, Ryan.', ang sabi niya sa
akin.
Inilahad ko ang kanang kamay ko sa
pagitan naming dalawa. Tanda na nakikipag-ayos na ako sa kanya. Kinuha naman
niya ito at nag-shake hands kami.
'Congrats, Pat! And Ken. Good luck sa
inyo!', ang sabi ko.
Lumapit si Gino sa aming dalawa.
Tumingin muna siya sa akin. Tumango ako sa kanya. Niyakap niya si Patrick ng
mahigpit.
'Thank you! Sobra-sobra. Thank you
talaga.', ang sabi ni Gino sa kanya.
Nagpaalam na kaming dalawa ni Gino matapos
ang pakikipag-ayos kay Patrick dahil naghihntay na ang mga magulang namin.
Iti-treat nila kami. Surprise daw. Paglingon ko sa kanila ay nakita kong
nagkaayos narin sina Katie, Doris at Patrick.
Masaya. Magaan ang feeling. Patungo
na kami ni Gino sa panibagong mundo. Magkasama kami. Pero alam kong hindi kami
laging magiging masaya. Basta, sa ngayon, ang mahalaga lang ay mahal namin ang
isa't isa.
WAKAS.
WAKAS.
.nice :>, very touching , mejo nabitin lng ng konti but you made it ! Thumbs up you guys , sana my happily ever after naman. Keep in touch guys .
ReplyDelete