Bakal at Bulaklak
(Complete)
Lason.
Iyon ang unang
pumasok sa isip ko habang feeling disoriented na naglalakad pauwi ng inuupahan
kong apartment.
Pumainlanlang ang
isang malakas na kulog sa maitim na langit halos kasabay ng pagguhit ng isang
matalim na kidlat na nagpaliwanag saglit sa gitna ng madilim na gabi. Mukhang
nakikiramay ang langit sa aking pighati.
Bakit nga ba hindi?
Lason ang pinakamagandang paraan para wakasan ko na ang buhay kong ito na puro
na lang problema at pasakit. Wala naman na akong iba pang maiiwan na tiyak na
magdadalamhati sa aking pagpanaw.
Namatay ang mga
magulang ko sa isang road accident na ako lang ang tanging survivor nang ako ay
sanggol pa lamang. Lumaki sa isang bahay ampunan na pinamamahalaan ng mga
Madre. Tumakas sa ampunan sa edad na dose. Nagpalaboy-laboy sa kalsada.
Nagpahada sa mga baklang naghahanap ng panandaliang aliw sa may harapan ng
simbahan kapalit ng halagang bente pesos na kulang pa na pambili ng pagkain
para sa kumakalam na sikmura. Nakaranas ng kaunting ginhawa nang ibahay ng
isang gay benefactor sa edad na katorse. Nag-ipon ako at nagpumilit
makapag-aral para man lang maiba ang daloy ng buhay. Nakatapos ng Education at
naging malaya nang mamatay ang benefactor pero ang lahat ng pinagdaan ay
nanatiling nakaukit na sa aking pagkatao.






