Friday, February 8, 2013

Bakal at Bulaklak (COMPLETE)

Bakal at Bulaklak
(Complete)


Lason.

Iyon ang unang pumasok sa isip ko habang feeling disoriented na naglalakad pauwi ng inuupahan kong apartment.

Pumainlanlang ang isang malakas na kulog sa maitim na langit halos kasabay ng pagguhit ng isang matalim na kidlat na nagpaliwanag saglit sa gitna ng madilim na gabi. Mukhang nakikiramay ang langit sa aking pighati.

Bakit nga ba hindi? Lason ang pinakamagandang paraan para wakasan ko na ang buhay kong ito na puro na lang problema at pasakit. Wala naman na akong iba pang maiiwan na tiyak na magdadalamhati sa aking pagpanaw.

Namatay ang mga magulang ko sa isang road accident na ako lang ang tanging survivor nang ako ay sanggol pa lamang. Lumaki sa isang bahay ampunan na pinamamahalaan ng mga Madre. Tumakas sa ampunan sa edad na dose. Nagpalaboy-laboy sa kalsada. Nagpahada sa mga baklang naghahanap ng panandaliang aliw sa may harapan ng simbahan kapalit ng halagang bente pesos na kulang pa na pambili ng pagkain para sa kumakalam na sikmura. Nakaranas ng kaunting ginhawa nang ibahay ng isang gay benefactor sa edad na katorse. Nag-ipon ako at nagpumilit makapag-aral para man lang maiba ang daloy ng buhay. Nakatapos ng Education at naging malaya nang mamatay ang benefactor pero ang lahat ng pinagdaan ay nanatiling nakaukit na sa aking pagkatao.


Naging malaya man ako pero hindi ko na rin matakasan ang pagkagusto sa relasyong kinasuungan ko ng mahabang panahon. Kaya chest out at chin up kong hinarap ang aking pagkatao. Nagsubok na umibig. Nabigo. Umibig ulit. Niloko. Nagmahal na naman pero ginamit.

Halos manginig ang laman ko sa galit kaninang maabutan ko si Nicco, ang lalaking karelasyon ko sa kasalukuyan na mas bata sa akin ng limang taon sa edad kong bente-singko, sa kaniyang apartment na inuupahan ko para sa kaniya, na nasa aktong nakikipagsex sa kaniyang ex-boyfriend at dalawa pang lalaki na ipinakilala na rin niya sa akin dati na naging friends niya sa pagcha-chat. Ilang beses na niya itong ginawa at sa tingin ko ito na ang huli. Bahala na siya sa buhay niya. Tambay lang naman siya nang pulutin ko sa kalye. Pinakain, binihisan, ibinigay ang lahat ng luho dahil akala ko magiging kagaya ko siya na magtitino at magpupumilit ding mag-aral. Pero nabigo ako sa kaniya, pati na ang puso ko.

Pumasok ako sa loob ng apartment na ilang taon ko na ring tinirahan na malapit nang ilitin ng bangkong napagsanglaan ko nang minsang mangailangan si Nicco ng pera. As usual, wala na rin sa loob ang mga naipundar kong mga gamit na unti-unting naibenta tuwing uungot si Nicco ng pera na hindi ko naman mapahindian sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya.

Hindi ko maramdaman ang gutom kahit wala naman akong kain mula kaninang tanghali.

Sa labas ng bahay ay nagsimula ng bumuhos ang malakas na ulan. Nag brown out sa buong paligid.

Gamit ang flashlight sa cell phone ko, tumuloy ako sa loob ng aking silid at kinuha ang isang botelya ng lason na nabili ko na dati sa first suicide attempt ko na hindi natuloy dahil pinigilan ni Nicco. Kasama nito ang isang kwintas na pinilit ibenta sa akin ng isang matandang lalaki nang araw na bilhin ko ang lason. Gawa iyon sa ugat ng puno na nakatirintas at may pendant na parang anito. Imbes na pera, pagkain ang ibinayad ko sa kaniya.

Lumabas ako ng bahay pagkatapos maghubad ng t-shirt at wala sa sariling isinuot ang kwintas. Gusto kong sa ilalim ng buhos ng ulan ko gawin ang ritwal na tatapos sa aking buhay.

Sobrang dilim ang paligid. Ramdam kong parang tusok ng karayom ang patak ng ulan sa aking katawan habang walang puknat ang pagdaloy ng luha sa aking mga pisngi. Hindi na ako gagawa pa ng suicide letter, tutal wala namang magkakainteres pa na magbasa niyon. Pinihit ko ang takip ng botelya para buksan saka basta na lang inihagis sa kawalan. Itinaas ko ang botelya na para bang makikikampay pa ako sa humahagupit na ulan.

“Paalam Nicco!” Tatlong beses ko iyong isinigaw bago tunggain ang lason.

Ngunit hindi yata naging pabor ang langit dahil sa ikatlong sigaw ko gumuhit ang isang kidlat mula sa langit pababa sa kinaroroonan ko at diretsong tumama sa botelya ng lason.

Ramdam ko ang paglukob ng kakaibang lamig sa aking katawan pagkatapos ay binalot ako ng dilim.

***

NASA LANGIT NA ba ako?

Iyon ang naitanong ko sa aking sarili sa pagkaaninag ng liwanag sa nakapikit ko pa ring mga mata. Pero kung langit ito, bakit hindi pantay at matigas ang hinihigaan ko. May mga naririnig din akong huni ng mga ibon at agos ng tubig. Nasa paraiso ba ako? Dito ba napupunta ang mga tao initially after death?

Bigla akong nagmulat nang maramdaman ang pagsaboy ng medyo malamig na tubig sa aking mukha na nagpasinghap din sa akin.

“Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa tabi ng ilog?” tinig ng isang lalaki hawak ang kalahating bao ng niyog na ginamit sa pansalok ng tubig na ibinuhos sa aking mukha. Dark handsome. Iyon ang akmang description niya. Expressive eyes, pointed nose, thin lips at ang buhok ay bagsak na maitim at hanggang balikat. Wala itong suot na tshirt kaya kita agad ang sculpted chest, flat at lean ang six-pack abs at maskulado ang mga braso at hita. Imbes na shorts at brief, ang suot nito’y parang batang nakalampin na tinakpan ng maiksing parihabang tela sa harap at sa likod.

Umupo muna ako mula sa pagkakahiga, ini-expect na makikita ko ang apartment sa aking likuran. Ang nakakapagtaka, wala ang bahay ko, wala din ang gate pati na ang aking naka-landscape na garden.

Tama si Kuyang Pogi sa tanong niya, dahil nasa tabing ilog nga ako at nakahiga kanina sa mga bato at puro mga punongkahoy at mga bulaklak ang nasa paligid. Malamang kagabing tamaan ng kidlat ang botelya ng lason ay nakatulog ako at hanggang ngayon nananaginip pa rin ako.

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata pero wala pa ring pagbabago. Pero kagaya kagabi wala rin akong suot na t-shirt, naka-maong pants pa rin na dark blue na stone washed. Tama, isa lang itong panaginip!

Pero kung isa naman itong panaginip parang ayoko munang magising para harapin ang buhay na gusto kong takasan.

“Ako si Zaldy,” pakilala ko sa kaniya sabay abot ng kanang kamay. “Ka-birthday ko si Jose Rizal kaya sa kaniya ibinase ang pangalan ko. Ikaw ba si Tarzan?” nagbibirong tanong ko nang mangawit na ang kamay kong hindi pa rin niya inaabot kaya muli ko ng binawi. Naka-bahag kasi siya at hindi gomang tsinelas ang suot kundi bakyang kahoy na walang takong.

Parang out of this world naman ang reaksiyon niya. “Hindi ko kilala ang iyong mga binabanggit. Ngayon lang kita nakita dito. Sa hitsura mo ay mukha kang isang Maharlika pero kakaiba ang iyong damit at ngayon lang ako nakakita ng katulad niyan. Sigurado naman akong hindi ka isang alipin sagigilid o isang namamahay. Kung isa kang timawa kagaya ko at mga magulang ko, dapat ay kilala rin kita. Maliban na lang kung galing ka sa ibang barangay na pinamumunuan ng ibang Datu at inianod ka lang ng ilog dito.”

Hallerrrr! Adik ba ito? Ano kayang nahithit niya? Kakaibang trip. At ang mga words at terms na binabanggit niya, OMG!, pang 16th Century sa kasaysayan ng Pilipinas!

To review, ayon sa itinuturo kong History subject sa eskwelahan, ang mga Maharlika ay iyong mga noblemen, ang timawa naman ay freemen at iyong dalawang uri ng slaves ay tinatawag na alipin namamahay o serfs at alipin sagigilid o slaves. Pinakamataas naman sa Barangay ay ang Datu.

Kaloka ang lalaking ito. Sabagay, I’m only dreaming kaya kailangang ma-keri ko ito.

“Ako si Zaldy, ikaw anong pangalan mo?”

Nalilito pa rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha. “Pati ang pangalan mo ay naiiba. Ngayon lang ako nakarinig ng ganiyang pangalan, kahit nga ang mga mangangalakal na mula sa malayo ay hindi ganyan ang pangalan nila.” Nanahimik siya saglit. “Ang pangalan ko ay Bakal.”

Hahaha! Siya si Bakal, patawa talaga itong Mamang ito. Sabagay panaginip lang ito, wala akong karapatang mamili. Wait na lang ako sa aking paggising at habang nandito ako, sakyan ko na lang ang trip ni Bakal. Dapat pala sinabi ko na lang na ako si Bulaklak. Ahihihi.

“O sige,” pagkuwa’y sabi ko. “Huwag ng Zaldy, Bulaklak na lang ang itawag mo sa akin.”

Napatawa siya at lumabas ang mga pantay-pantay na mga ngipin. “Iyon ay para sa babae…sige bahala ka.”

Napansin ko naman ang bahagyang takot na gumuhit sa kaniyang mukha nang makita ang suot kong kwintas. “Saan mo nakuha ang kwintas na iyan?”

Nagtaka naman ako. “Binili ko ito sa isang matandang lalaki. Pagkain ang ibinayad ko.”

“Iyan ang imahe ng Anitong Manlalakbay.”

Gusto ko ng humagalpak ng tawa. Anitong Manlalakbay daw o! Whatever!

Iniabot ni Bakal ang kaniyang kamay para tulungan akong tumayo. Napatingin ako sa harap ng bahag niya at medyo pinamulahan ang aking pisngi nang maisip ang natatakpan ng bahag na prominente ang pagkakaumbok. Napangiti siya nang mapansin ang pagkatutok ng aking mga mata sa bahaging iyon ng kaniyang nakakaakit na katawan. Inalalayan niya ako sa pagtayo, ramdam ko pa rin ang pananakit ng aking likod at ibang bahagi ng katawan.

“Kailangan na nating umalis, hindi ka kabilang sa nasasakupan ng barangay namin. Kailangan ka munang magtago dahil baka makita ka ng ibang maharlika na nasa pamamahala ng Datu ay gawin kang bihag.”


Kahit papaano’y nagdulot din naman ng pag-aalala ang sinabi ni Bakal sa akin. Pakiramdam ko tuloy hindi na ito isang panaginip. “Ano bang ginagawa sa mga bihag?” tanong ko kahit alam ko na iyon kung ibabase sa itinuturo ko.

“Ginagawang alipin sagigilid.”

Magaan ang loob ko sa kaniya at mukhang the feeling is mutual. Sinundan ko siya sa paglakad palayo ng ilog papasok sa gubat na bahagyang nasisilayan ng liwanag ng araw dahil sa malalaking puno. Tahimik ang paligid maliban sa huni ng mga ibon, iyak ng mga insekto at ang kuskos ng mga nahulog na dahon na aming natatapakan.

Pasan ni Bakal sa kanang balikat ang isang tapayan na gawa sa clay at puno ng tubig. Kita ko ang nakaka-turn on niyang likuran, light caramel na kulay ng balat at ang malapad na balikat na kumipot pababa ng baywang pati matambok na mga pisngi ng kaniyang puwet na natatakpan ng bahag.

Hayyy. Iyon pa lang…ulam na.

Medyo ilang minuto din kaming naglakad hanggang makalabas kami sa gubat at bumungad sa akin ang isang Nipa Hut sa malawak na bukirin. Paglapit namin ay nakita kong hindi naman kalakihan ang kubong gawa sa kawayang dingding at pawid na bubong na nahahati sa dalawa. Sabi ni Bakal nang tanungin ko, ang kalahati daw na tinatawag niyang bulwagan ay siyang nagsisilbing higaan at kainan na rin at ang isa pang kalahati ay batalan.

Sa may labas ng nipa hut ang pinakakusina. Doon sa may lababo na gawa din sa kawayan niya ipinatong ang dalang tapayan. May nakita naman ako doon parang bench na kawayan na siya kong inupuan.

“Inumin mo ito,” sabay abot ng baso na porselana na may Chinese design sa palibot.

Salabat. Iyon ang kaagad na nasabi ko nang maamoy ko ang usok sa baso na amoy dinikdik na luya. “Salamat,” sabi ko saka hinigop ang salabat na nagpainit sa aking nilalamig na tiyan.

Lumangitngit ng bahagya ang upuan nang tumabi siya sa akin. Ramdam ko ang aura ng lalaking ito. Nakakakaba at parang may mga paru-parong winawagayway ang mga pakpak sa loob ng aking tiyan. Iba ang epekto ng nearness niya sa akin.  Feeling uneasy ako.

“Saang barangay ka ba kabilang Saldi?” tanong niya.

Napansin ko ang pagbigkas niya ng aking pangalan, parang sa baybayin. Bigla tuloy akong nag-alala na baka hindi ako nananaginip at lahat ng nangyayari ngayon ay totoo. Pero kung ganoon paano ako nakarating dito?

“Bulaklak na lang,” nagbibirong giit ko. Natawa siya pero saglit lang at bumalik doon sa mukhang naghihintay ng sagot sa kaniyang tanong. “Wala akong kinabibilangang barangay. Hindi rin ako alinman sa mga taong binanggit mo. Taga-Manila ako.”

“Saan ang lugar na iyon?”

Bakit ganon? Hindi naman siya mukhang nagbibiro pero imposible naman na hindi niya alam ang Manila at kung nasaan ito sa mapa ng Pilipinas! “Nasa Luzon iyon.”

Napatango-tango si Bakal. “Mukhang sa ibang panahon ka galing.”

Ako naman ang natigagal. “Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi ko alam ang sinasabi mong lugar pati mga pangalan. Pati iyang suot mong pang-ibabang damit ay kakaiba din. Kahit mukha namang tinatanggap mo ang lahat ng nakikita sa paligid pero nakikita pa rin sa iyo ang pagtataka. Saang panahon ka nanggaling?”

“Hindi ba 21st century na tayo ngayon?”

“Kagaya niyang tanong mo, hindi ko maintindihan.”

Saglit akong nag-isip. “Anong taon na ngayon?” Nang hindi siya sumagot binago ko ang tanong, “Anong panahong ngayon?”

“Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Basta dito sa amin, ang pinagbabasehan namin ng panahon ay ang pagsikat at paglubog ng araw pati na ang panahon ng tag-init at tag-ulan.”

“Nandito na ba ang mga Kastila?” Naisip ko na kung wala pa at-least kung totoong nag-time travel man ako, malalaman ko kahit papaano kung saang taon ako napadpad.

“Sino ang mga iyon? Mga dayuhang mangangalakal din ba sila gaya ng mga Intsik, Indones at Malayo?”

“Sila iyong – ,” hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko. Naisip ko na kung tinawid ko ang panahong ito, baka hindi ko pwedeng sabihin ang mangyayari sa hinaharap. Baka magkaroon ng pagbabago ang kasaysayan ng Pilipinas kung sakali. Kung hindi kilala ni Bakal ang mga Kastila, ibig sabihin ako ay nasa panahong hindi lalampas sa taong 1521 o 1565 kung saan nagsimulang sakupin ang Pilipinas ng mga Kastila. “Bakit mo nasabing sa ibang panahon ako nanggaling?”

Tumingin si Bakal sa suot kong kwintas. “Suot mo kasi ang Anitong Manlalakbay. Ayon sa matandang alamat, kung sinoman ang magsuot ng kwintas na iyan at malagay sa panganib ay ililigtas ng anito. Dadalhin ng anito sa ibang panahon. Sa isang panahon na ligtas siya sa panganib. Iyon ang kwento ng Bayogin ng barangay.”

That’s ridiculous, sigaw ng utak ko. Pero kung totoo man ang sinasabi ni Bakal may punto naman siya dahil suot ko ang kwintas kagabi nang tangkain kong lasunin ang aking sarili. Ibig sabihin iniligtas ako ng anito sa sarili kong kapahamakan.

“Paano ako makakabalik sa panahong kasalukuyan?”

Umiling siya. “Hindi ko alam. Si Bayogin Orang baka alam niya. Sasamahan kita bukas sa kanila.”

Para akong nakaramdam ng pagkahilo kaya nakiusap ako sa kaniya na kung maaring magpahinga. Pumasok kami sa kubo. Kinuha niya ang nakarolyong banig sa isang sulok ng silid saka inilatag sa sahig na kawayan.

“Humiga ka muna dito para makapagpahinga,” sabi niya sa masayang tinig. “Ito ang isuot mo para kung sakaling may ibang timawa o alipin ang makakita sa ‘yo hindi sila magtataka,” sabi niya na may inilapag na nakafold na damit sa tabi ng banig bago lumabas ng silid at nagtungo sa batalan.

Gustong kong matulog para paggising ko nasa apartment na ako at malayo sa mga nakikita ko dito. Pero nakapagtataka na sa isang sulok ng puso ko ay parang ayaw kong mahiwalay kay Bakal.

Nakatulog naman ako kaagad. Nang magising ay saka ko pa lang tinanggap ang katotohanang tumawid na nga ako mula sa kasalukuyan papunta sa panahong ito.

Kinuha ko ang damit na bigay niya. Nagulat naman ako na bahag pala iyon. OMG! Keri ko bang isuot ito? Pero nang maisip ko ang sinabi niyang mga maharlika na bibihag sa akin, mabilis ko nang tinanggal ang aking pantalon at brief saka isinuot ang bahag.

Kahit hindi ko nakikita ang aking sarili, palagay ko naman ay hindi naman ako paiiwan sa hitsura ni Bakal. Pero siyempre mas gwapo si Bakal at lalaking-lalaki siya lalo na sa kulay kumpara sa akin na maganda rin naman ang katawan ko, maputi nga lang ang balat ko.

Hindi ko alam kung bakit parang may nagising na pagnanasa sa akin sa pagtingin ko sa aking bahag at maalala si Bakal sa bahag niya kaninang nasa tabi ng ilog. Pinilit kong labanan iyon at nang medyo lumambot na ang naninigas na laman ay lumabas na ako ng kubo. Naabutan ko naman si Bakal sa may tungko, mukhang nagluluto ng sinaing sa isang palayok gamit ang sinibak na kahoy.

“Mag-isa ka lang ba dito?”

Medyo nagulat siyang tumingin sa akin. “Gising ka na pala,” nakangiting sabi niya na biglang lumuwang nang makitang suot ko na ang bahag.

Para naman akong teenager na babagong mangangandi sa hiya. Muntik ko pa ngang itakip ang dalawa kong kamay sa aking harapan na semi-erect pa rin. Iba ang nakita ko sa tingin niyang iyon, mukhang impress siya sa hitsura ko at kung nasa panahong kasalukuyan ako, iyon ang tipo ng magparamdam ka lang, posibleng makukuha mo na. Pero siyempre nandito ako sa panahong ito. Ni hindi ko nga alam kung anong klaseng pagtanggap nila sa mga kagaya ko. Isa pa, baka I’m just imagining things. Baka nga si Bakal ay straight guy at baka pag nagparamdam ako’y baka ipakain niya ako sa mababangis na hayop sa gubat.

“Ako na lang mag-isa dito. Namatay sina Ina at Ama noong nagdaang tag-ulan. Wala na rin ang mga kasama naming alipin sagigilid na siyang ibinayad ko kay Datu Matikas sa sinasabi niyang naiwang pagkakautang sa kaniya nina Ina at Ama. Buti na nga lang at nagkaganoon dahil kung sakali baka isa na rin akong alipin sagigilid ngayon ng Datu.”

Bigla ay gusto ko siyang yakapin para iparamdam sa kaniya na nandito lang ako. Naalala ko ang aking History class. “Paano iyong obligasyon mo sa Datu na magtrabaho sa kaniyang lupain?”

“Bakit alam mo iyon?”

Napangiti ako. “Sa aking panahon, isa akong titser,” sabi ko na hindi niya naintindihan kaya, “Isang Maestro,” base sa kaniyang mukha hindi pa rin kaya, “Nagtuturo ako ng tungkol sa mga pangyayari sa nagdaan,” sabi ko na medyo naintindihan na rin niya.

Napatango siya. “Nagagawa ko parin naman iyon para kay Datu Matikas basta ipinakiusap niya. Hindi na iyon gaanong malaki ang epekto sa akin kahit ako na lamang mag-isa ngayon ang nagsasaka sa aming bukirin. Mahal ko ang lupang ito. Ito na lamang ang tanging alaalang iniwan ng aking mga magulang. Kung magpapabaya ako, baka mapunta ito kay Datu Matikas at baka maging alipin ako sa bandang huli.”

Tumingin ako sa malawak na bukirin. “Mukhang malawak pa ang lupa ninyo.”

“Oo, kahit hatiin pa iyan sa dalawa malaki pa rin ang pwedeng pagtamnan. Iyong kalahati sana ang ibabayad ko kay Datu Matikas pero nanghinayang naman ako kaya iyong dalawang alipin sagigilid na lang namin ang ibinigay ko. Kahit mag-isa lang ako kaya ko naman itong paglinangin.”

Napatitig ako sa kaniya. May bumubukal na paghanga akong nararamdaman. Isang malalim na paghanga na nagdudulot ng kiliti sa aking puso. Daig ko pa ang natuka ng ahas sa pagkatitig sa mukha niya.
“Nasaan ang ibang timawa?”

“Pagkalampas mo ng lupain namin naroon nakatirik ang ibang kubo ng ibang mga timawa. Mga ilang kubo pa, naroon naman ang dalam, iyon ang tawag sa pinakamalaking bahay sa barangay kung saan nakatira si Datu Matikas.”

Tinanggal niya ang palayok sa tungko. Pumasok siya sa batalan at paglabas ay may dalang tuyo na inihagis sa baga. Nang naihaw na ay muling kinuha at inilagay sa isang porselanang plato na ang disenyo ay kagaya ng sa baso.

Sumunod ako sa kaniya sa loob ng kubo. NIrolyo niya ulit ang banig saka inilagay sa isang sulok ng silid. Kinuha niya ang isang mababang mesa na tawag daw ay dulang at inilagay sa pinakagitna ng silid. Umupo ako sa isang gilid na parang Indian sit. Lumabas siya ulit ng silid at sa pagbalik ay may dalang dahon ng saging na inilapag sa dulang. Doon niya inilagay ang kanin galing sa palayok at ang inihaw na tuyo. Meron ding ilang pirasong saging na inilagay niya sa isang tabi ng platong porselana.

“Mananghalian na tayo,” masaya ang mukhang yaya niya. Kumuha ng isang plato saka kinamay ang pagkuha ng kanin at tuyo.

Maghahanap sana ako ng kutsara pero naisip kong nandito ako sa lumang panahon at hindi nga ako sigurado kung uso na ang kutsara. Kumuha na rin ako ng plato at naglagay ng pagkain.

Nakakatuwa naman na magaling talaga siyang magkamay sa pagkain. Ako nama’y medyo nahirapan dahil hindi na kasi ako sanay magkamay.

Masarap ang kanin at ang tuyo kaya naging ganado akong kumain. Isa na rin siguro iyong wala pang laman ang sikmura ko mula kahapon. At iyong kasama kong kumakain si Bakal na hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang epekto niya sa aking pagkatao.

Natawa pa ako sa sarili nang tapusin ang pagkain sa pagbalat ko ng saging. Pilyong nilaro-laro ko pa ang pagsubo nito sa aking bibig na palihim namang tinawanan ni Bakal.

Hindi iyon nakaligtas sa aking paningin. “Bakit ka natatawa?”

Hindi na niya napigilan at napabunghalit na siya ng tawa. “May naalala lang ako Sal—Bulaklak pala.” Nangingislap ang mga mata sa biglang pumukaw sa kaniyang isip. “Si Bayogin Orang kasi, ganyan din siya kumain ng saging kapag nakikita ako.”

“Sino iyon?” Bigla ang kaba ng dibdib ko, parang may rabbit sa loob na gustong kumawala sa hawla.

“Siya ang pinuno sa pag-aanito.”

Binalikan ko sa isip ang aking History class lalo na ang relihiyon ng mga Pilipino noong ikalabing-anim na siglo. “Hindi ba Catalonan ang tawag doon?” Iyon kasi ang tanda kong tawag sa kanilang Spiritual Leader. Ang pag-aanito naman ay similar sa pagsisimba.

Natawa naman siya. “Catalonan kapag babae, bayogin kapag binabae at nagsusuot ng damit pambabae.”

Bull’s eye ako! Nag-init tuloy ang aking mga pisngi. Kung ganoon din ang estilo ng pagkain ng saging ng bayogin ibig sabihin alam na niya na nangse-seduce ako at magkalahi kami ng bayogin. Pareho ang kulay ng aming dugo at amoy ng pagkatao.

Sa hiya ay bigla kong nilunok lahat ang saging. Nagtungo ako ng ulo, saka ko minura ang sarili. Hoy Zaldy..este Bulaklak pala, ngayon ka pa ba magpapaka-demure? Samantalang sa kasalukuyang panahon, grab the opportunity ang motto mo!

Natawa naman siya sa ginawa ko. “Huwag kang mahiya, walang problema iyon sa akin. Sanay naman ako sa mga pagbibiro ni Bayogin Orang. Pero siyempre iwas pa rin ako dahil sabi nina Ama at Ina, pag nahuli, pinaparusahan daw ng Datu ang ganoong tipo ng relasyon at pati na pakikipagtalik.”

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Ooppss! Open-minded. May potential. Hehehe.

Hindi ko na binuklat pa ang usapan tungkol sa aking pagkatao. Pagkaimis ng kinainan niyaya niya ako sa isang parte ng bukirin na may mga tanim na gabi. Ginaya ko lang ang ginawa niyang pagtanggal ng mga weeds sa mga tanim.

Dahil kami lang dalawa naisip ko tuloy na para kaming nasa paraiso, siya si Adan at ako naman si Eban.

Hindi ko alam pero sa totoo lang sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganito katiwasay. Parang masarap ng mabuhay. Simple lang naman ang ginagawa namin ni Bakal pero sobrang saya ko naman at kompleto ang pakiramdam ko.

“Kumuha na rin tayo ng gabi para mamayang hapunan,” sabi niya, pakiwari ko’y masaya din siyang kasama ako.

Nahirapan naman ako sa paghukay sa laman ng gabi. Napansin niya yata kaya umupo din siya sa tabi ko at hinawakan ang peg na hawak ko din at gamit sa paghukay.

Para namang may kuryenteng dulot sa akin ang paghawak ng kaniyang kamay sa kamay ko. Nang tapunan ko siya ng tingin ay nakatingin din pala siya sa akin. Matagal kaming nagkatitigan, parang mga manyikang nawalang ng baterya at hindi na makakibot pa.

Nang hindi ko na mapigilan ang sobrang pagtambol ng puso ko at sa isiping baka mauwi iyon sa halikan, binitawan ko ang peg, dumakot ng basang lupa saka natatawang ipinahid iyon sa isa niyang pisngi. Tumakbo naman ako palayo nang makita kong dumakot din siya pero hindi lupa kundi putik saka akmang ipapahid sa aking mukha.

“Bakal, habulin mo ako!” panunukso kong sigaw sa kaniya. Hindi ko naisip na magagawa kong mag-feeling bata at instantly super close sa kaniya.

Tatawa-tawa naman siya habang hawak pa rin ang putik na pumapatak pa sa pagkakasakmal sa kanyang palad. “Humanda ka Bulaklak, pag naabutan kita, mawawala na iyang kaputian mo. Sa putik na dala ko magiging mas maitim ka pa sa uling.”

Naghabulan kami hanggang sa hingalin na ako pero parang sa kaniya’y balewala lang. Parang hindi man lang nababawasan ang lakas niya mula kanina.

Finally naabutan na niya ako. Niyakap ng mula sa aking likuran. Natumba kami pareho sa may putikan at mabilis siyang kumubabaw paupo sa aking tiyan habang patuloy sa pagtawa na ipinapahid ang putik sa aking mukha.

Kumuha naman ako ng putik na siya ko namang ipinahid sa kaniyang matipunong dibdib pababa sa kaniyang six-pack abs. Habang nagpapahiran kami, ramdam ko naman ang pagbangon ng laman sa pagitan ng aking mga mga hita. Kumuha ako ulit ng putik saka pabirong ipinahid sa kaniyang harapan. Nagulat naman ako nang mahipo ko ang kaniya na kasintigas na yata ng pangalan niya at nasalat kong malaki. Pilyong sinakmal ko iyon saka hinimas-himas na unti-unting nagpatigil sa kaniyang ginagawang pagpahid ng putik sa aking dibdib.

Halos sabay kaming napasinghap sa pamumuo ng sexual tension sa aming paligid. At para humupa pinilit kong tumagilid na ikinatumba niya. Mabilis akong tumayo saka inilahad ang aking kamay para tulungan siya sa pagbangon. Natatawa naman ako ng pareho na kaming nakatayo ay pareho ding nakatayo at nagtuturuan ang aming mga ari sa loob ng bahag.

Nang mapansin iyon ni Bakal ay nahihiya siyang tumalikod saka nagsalita. “Tayo nang maligo at maghugas ng katawan sa ilog,” yaya niya.

Binalikan ni Bakal ang ilang piraso ng gabi na nahukay na niya at nagtuloy sa ilog na sinundan ko naman.
Wala kaming imikan habang naglalakad. Hindi ko alam ang iniisip niya pero kanina ko pa naman ramdam ang kakaibang atraksiyon namin sa isa’t-isa.

Pagdating namin sa ilog ay ramdam ko pa rin ang animo’y pader na binuo ng hiya sa pagitan naming dalawa. Naghugas siya ng katawan na medyo malayo ang disyansiya sa akin. Nakatulong naman ang malamig na tubig ng ilog para tuluyang mawala ang init na nararamdaman namin at ng paglambot ng aming mga ari.

Tapos na sa paliligo si Bakal nang makita kong kumuha siya ng isang sibat sa may taguan niya. Napilitan naman akong lumapit para tingnan ang gagawin niya. Hindi pa ako nakakalapit ng husto nang ihagis niya ang sibat sa ilog at nang bunutin ulit ay may naningisay na hito sa pinakadulo. Simpleng bagay lang iyon pero napasigaw pa rin ako sa tuwa. Wow, ang galing!

Nagpaturo ako sa kaniyang manibat ng isda pero hindi talaga ako makahuli kaya para hindi na kami abutan ng paglubog ng araw, siya na lang ulit ang nanghuli. Kumuha na rin siya ng ilang pirasong sampalok sa punong nadaanan namin bago kami bumalik sa kubo.

Sinigang na hito ang iniluto niya at iyong iba ay iniihaw niya sa baga. Papadilim na nang matapos kaming kumain. Busog na busog ako. Napakasarap ng sabaw kasi babagong huli ang isda. Isa pa, dahil luto iyon ni Bakal at sinerve pa sa akin. Feeling ko tuloy humaba ang buhok ko ng ilang metro.

Nang kagatin na ng dilim ang buong paligid, sinindihan niya ang isang gasera na may langis yata ng niyog na ayon sa kaniya ang tawag nila ay kingke.

Lumiwanag ng bahagya ang silid, sapat para mailadlad ulit ang banig.

“Matulog na tayo,” sabi niya saka humiga sa isang kalahating parte ng banig. “Higa ka na habang hindi pa nauubos ang langis ng kingke, madilim na mamaya.”

Gusto ko namang matawa nang maisip na hindi malaking issue ang dilim sa akin dahil sa kasalukuyang panahon, sanay na ako sa dilim dahil mas gusto ko nga sa dilim at maraming nangyayari. Naroon na ang pakiramdaman, kiskisan ng braso o binti, hipuan, yakapan at hadaan.

“Salamat pala dumating ka,” seryosong sabi ni Bakal.

“Para saan? Ako nga ang dapat magpasalamat kahit hindi mo ako kilala, tinulungan mo ako at pinatuloy dito sa iyong kubo.”

“Wala iyon sa akin. Kaya ako nagpapasalamat sa iyo dahil mula nang mamatay sina Ama at Ina, ngayon ko lang naramdaman ulit ang maging masaya at ang muling tumawa.”

Gusto kong kiligin sa sinabi niya. Isang bahagi naman ng utak ko ang gustong kumontra: Ayan ka naman, napakabilis mag-fall in love, hindi ka na natuto.

Pero hindi ko rin naman maitatangging pareho lang kami ni Bakal dahil sa pagkakaalalam ko, ngayon lang ako naging ganito kasaya at nakatawa ng walang pait. Ngayon ko rin lang naramdaman na masarap pala ang mabuhay.

Humiga ako sa banig bago namatay ang liwanag ng kingke, nag-iwan ako ng espasyo sa pagitan namin. Natatakot kasi ako na baka magising na naman ang pagnanasa sa aking katauhan. Ayoko muna kasing magparamdam kay Bakal ng tungkol sa sex. Unang araw pa lang namin, gusto kong gawin namin iyon na may feelings na kami para sa isa’t isa.

Base naman sa reaksiyon niya sa mga nangyari sa amin kanina alam kong hindi iyon imposibleng mangyari. Alam ko, we’re going to that direction at walang kokontra!

Sawa na ako sa anonymous sex, sa cruising sex sa mga sinehan, comfort room, parke, simbahan, elevator, roof top, MRT, LRT at kung saan pang pwedeng maglabas ng init. Gusto ko maiba naman, gusto ko umusbong ang pag-ibig sa puso ko at sa puso ni Bakal. Gusto ko ng fairy tale….


***

MUKHA LANG BAKLANG albularyo si Bayogin Orang habang nakaupo sa kaniyang mesang gawa sa kawayan nang puntahan namin kinabukasan. Tingin ko pa nga’y parang baklang cros-dresser at trying hard na magpaka-girl sa suot nitong baro at kung ilang kulay ng malong na itinapis sa baywang. May suot itong parang turban sa ulo na may disenyong iba’t ibang kulay at makikislap na bato bukod pa sa mga patong-patong na kwintas at pulseras na suot. Ang kubo niya ay puno ng iba’t-ibang imahen at anito at kung ano-ano pang gamit sa kaniyang pagiging spiritual leader.

“Ano ang sadya ninyo?” tanong niya sa namamaos na boses. Saglit na ngumiti nang makita si Bakal.

At ang beki, daig pa ang haliparot sa pagkakangiti kay Bakal. Kainis!

Iniharap ako ni Bakal kay Bayogin Orang saka itinuro ang suot kong kwintas. “Siya po si Bulaklak, galing po siya sa ibang panahon. Dinala po siya ng Anitong Manlalakbay dito sa atin.”

 Nahintakutan naman ang reaksiyon nito. Lumapit sa akin saka sinipat na mabuti ang pendant sa aking dibdib. “Sa tinagal-tagal ko sa pagiging bayogin, ngayon ko lang napatunayan na totoo pala ang alamat ng Anitong Manlalakbay.” Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, mukha namang natuwa siya sa nakita dahil nang ngumiti sa akin ay katulad na ng ipinukol niya kay Bakal kanina.

“Paano po ako makakabalik sa panahon ko?” Kakatwa naman na may isang bahagi ng utak ko ang pumipigil malaman ang sagot at gusto na lamang manatili ako sa piling ni Bakal.

Pumikit si Bayogin Orang na parang hinuhukay sa memorya ang sagot sa aking tanong. Ilang segundong nanahimik bago nagmulat ng mata at nagsalita. “Ikaw ay iniligtas ng Anitong Manlalakbay sa tiyak na panganib sa iyong panahon. Dinala ka niya dito at mananatili ka dito hanggang hindi niya napapatunayan na ligtas ka na sa iyong panahon.”

“Paano ko malalaman na pwede na akong bumalik?”

Huminga siya ng malalim. “Ilagay mo ang kwintas sa dingding ng iyong silid. Hintayin mo ang kaniyang pagliwanag kaparehas nang dalhin ka niya dito. Liwanag na nakakasilaw na hindi rin magtatagal. Kaya kung gusto mong makabalik pa sa iyong panahon, kailangang maisuot mo ang kwintas habang hindi pa nauubos ang liwanag.”

Hati na rin ang loob ko sa pagbabalik sa kasalukuyan nang umuwi kami ni Bakal sa kaniyang kubo. Isinabit ko ang kwintas sa dingding ng silid. Kalahati ng puso ko ang umusal, Huwag ka ng magliwanag!


***


NAGPATURO AKO KAY BAKAL sa lahat ng gawain sa kubo pati na sa bukirin nang mga sumunod na araw at linggo. Natutunan ko naman ang magbayo ng palay sa tinatawag niyang lusong na parang malaking mortar and pestle para humiwalay ang bigas sa ipa. Natuto rin akong magluto sa tungko gamit ang kahoy na kinasanayan ko ng gawin sa LPG stove. Pati na ang magsibak ng kahoy at umakyat sa mga puno para kumuha ng mga prutas at pati na rin saging.

May mga pagkakataon na ako na ang nagsisilbi sa kaniya sa pagkain gamit ang mga kasangkapang porselana na nalaman kong nakuha pala ng kaniyang Ama at Ina sa pakikipagkalakalan sa mga dayuhang Instik. Natutunan ko na rin kung paano mangisda, magtanim ng palay at gabi pati na ang mag-harvest. Tinuruan din ako ni Bakal na maghabi ng bahag para sa aming dalawa gamit ang habihan.

Pagkaraan ng tatlong buwan na binibilang ko gamit ang buto ng sampalok na inilalagay ko sa isang palayok tuwing umaga, ang dating maputi kong balat ay halos kasing-kulay na ng kay Bakal, parehong light caramel. Pati na ang katawan ko’y nagbago na din, nagkaroon na ng porma kagaya rin ng sa kaniya.

Kung susumahin, nahirapan man ako sa umpisa pero nakapag-adjust pa rin ako sa simple at payak na pamumuhay na malayong-malayo sa city life na nakasanayan ko. Naging madali sa akin dahil palagi kong kasama si Bakal sa lahat ng oras, nakagaanan na ng loob at itanggi ko man, alam kong mahal ko na siya ng mas higit sa pagmamahal na iniukol ko sa mga lalaking minahal ko sa kasalukuyang panahon. Higit pa ng pagmamahal na ibinigay ko kay Nicco.

Si Bakal naman, ramdam ko rin na masaya siya at feeling kumpleto ang buhay na kasama ako. Pareho nga lang kaming naghihintay kung sino ang maunang aamin.

Sa gabi, magkatabi pa rin kami ni Bakal pero hindi na namin iniintindi pa kung may espasyo sa pagitan namin o magkadikit na ang aming mga katawan. Magkaganoon man, nanatili pa rin ako sa aking prinsipiyo na magse-sex lang kami ni Bakal kapag may formal ng namamagitan sa amin.

Palagi ko pa ring tinitingnan ang kwintas na nakasabit sa dingding. Para kasing natatakot ako na baka bigla na lang lumiwanag. Sa totoo lang hindi ko pa alam ang magiging desisyon ko kung sakali. Babalik ba ako sa kasalukuyang panahon o mananatili na lang dito sa 16th century kasama si Bakal.

Maaga akong nagising isang umaga kaya naisipan ko ng magluto. Walang tubig sa tapayan kaya imbes na gisingin ko si Bakal para sumalok, ako na mismo ang nagpunta sa ilog. Umupo ako sa may batuhan sa tabi ng ilog, saglit na yuyuko para isalok ng tubig ang kalahating bao ng niyog na ginawa kong tabo saka isasalin sa tapayan. Malapit ng mapuno ang tapayan nang pagyuko ko ay may naramdaman akong pumalo sa aking batok na ikinabagsak ko sa lupa. Bago tuluyang magdilim ang aking paningin naisigaw ko pa, “Bakal, tulungan mo ako!”


***


NANANAKIT PA ANG PARTE ng batok kong napalo ng kung anomang bagay nang mahimasmasan akong muli. Laking gulat ko dahil wala na ako sa tabing ilog bagkus ay mag-isa akong nasa isang kulungan na gawa sa mga kawayan at tinalian ng lubid na binabantayan ng isang alipin na nakabahag din gaya ko. Palubog na rin ang araw, ibig sabihin matagal akong nawalan ng malay at siguradong kanina pa ako hinahanap ni Bakal.

Nang makita akong gising ng alipin ay saka ito umalis at pumasok sa isang malaking kubo. Pagbalik niya ay may kasamang isang lalaki. Hindi katulad namin, ang lalaki ay nakasuot ng long sleeved collarless na baro. Mukha ding naka-bahag pero natatakpan iyon ng malong na itinapi sa baywang at naka-putong o headdress na scarf din na itinapi paikot sa ulo.

Seryoso at may air of authority nang magsalita ang lalaki. “Ako si Datu Matikas. Hindi kita kilala kaya sigurado akong hindi ka kabilang sa barangay na ito kaya ikaw ay binihag. Kung hindi ka tubusin ng iyong barangay, ikaw ay magiging alipin sagigilid o maaring ipagbili sa ibang nagnanais na magkaroon ng alipin.”

Tahimik lang ako, ang takot ay hindi mawala-wala sa aking pagkatao.

Pero bakit nga ba ako matatakot? Natatakot ba akong baka patayin nila? Bakit naman kung sa present time nga twice ko ng binalak mag-suicide? Dapat nga magpasalamat ako dahil tutulungan nila ako sa gusto kong mangyari.

Sabi naman ng puso ko, Noon iyon nang wala pang direksiyon ang buha mo, iba na ngayon may Bakal ka na at masarap ng mabuhay kasama niya.

Nainis tuloy ako sa sitwasyon. Hindi ko kasi pwedeng sabihin kay Datu Matikas na wala akong barangay na kinabibilangan dahil ako ay time traveller. Si Bakal na lang ang tanging pag-asa ko hangga’t hindi pa ako nabibili ng kung sino.

Umalis si Datu Matikas. Naiwan pa rin ang alipin na nagbabantay sa akin.

Habang nasa loob ako ng kulungan, naisip ko si Bakal. Hindi ko alam kung nakahanda siyang bilhin ako kay Datu Matikas. Iyong parte ng lupain na lang naman ang pwede niyang ipantubos sa akin. Ang tanong ay kung gagawin ba niya iyon kahit na mahalaga sa kaniya iyon na pamana ng kaniyang Ama at Ina. Hindi ba’t dati’y imbes na lupa ay iyong dalawang alipin sagigilid ang ibinayad niya sa pagkakautang ng mga magulang?

Sa naisip ay napaiyak na lang ako. Mukhang hopeless na talaga ako nito. Malamang magiging alipin na ako ng ibang tao nito. Naisip ko tuloy ang kasalukuyang panahon, bigla kong na-miss ang mga ilaw sa gabi, ang TV, ang sinehan, ang MRT at LRT, ang mga shopping malls, ang music player, ang computer, ang internet, ang pakikipag-chat at eyeball at higit sa lahat ang pakikipag-sex. Naiusal kong sana ay makabalik na lang ako sa present time. Gusto ko ng bumalik sa kasalukuyan.

Inabot na ako ng gabi sa kulungan hanggang mag-umaga na ay wala pa ring Bakal na dumating.

Magtatanghali na nang may dumating na katutubo na tumingin sa akin na sinundan pa ng tatlo pa. Bawat tingin sa akin ay ramdam ko ang resentment sa aking kalooban. Naiinis ako doon sa feeling na para lang akong isang estatwa na pinipresyuhan saka tatawaran at kung sino ang highest bidder sa kaniya ako mapupunta.

Nang pahapon na, sinubukan ko ng tanungin iyong alipin na nagbabantay sa akin sa hawla. “May nakabili na ba sa akin?”

Pasinghal siyang sumagot. “Kung meron, dapat ay wala ka na diyan. Hindi kayanin ang presyo mo noong apat na tumingin. Masyado kasing mataas ang gusto ni Datu Matikas.”

Sa sagot na iyon ng bantay, lalo tuloy nawalan ako ng pag-asang tubusin ni Bakal. “Magkano ba ang hinihingi ni Datu Matikas?”

“Bakit ka nagtatanong, may ibabayad ka ba?”

Natameme naman ako sa tanong niya. Nanghihina akong napaupo sa sahig ng hawla. Naisip ko tuloy ang kwintas sa dingding. Paano kung kagabi ay nagliwanag na iyon at wala naman ako? That means I’ve lost my only chance to return to the future which is the present time and I will be trap here for the rest of my life.

Kinabukasan may sumunod pang apat na katutubong tumingin sa akin na katulad kahapon ay hindi rin kinaya ang presyong nakapatong sa akin.

Dalawang araw na akong nakakulong dito. Imposible namang hindi pa iyon nakarating sa kaalaman ni Bakal. O baka naman nakarating na sa kaniya kaya lang mas pinili niya ang kaniyang lupain kesa ipantubos sa akin? Siyempre mahalaga sa kaniya ang bukirin at sino nga ba naman ako?

Naiyak tuloy ako nang maisip ko na baka isang bisita lang ang turing sa akin ni Bakal. Na baka ako lang itong nag-assume na may gusto rin siya sa akin. That there is something like a bond between us so strong that it turns to love when in fact it’s pure wishful thinking.

Hindi nga ba’t wala naman siyang inamin sa akin na may gusto rin siya o kaya’y mahal niya ako maliban lang doon sa inamin niya nang dumating ako ay muli siyang sumaya at tumawa?

Sa sobrang stress, pagod, gutom na rin at hindi pa ako gaanong makatulog, late na ako nagising nang ikatlong araw. Nandoon pa rin ang aliping bantay na sinubukan ko ulit tanungin. “Paano kung walang bumili sa akin? Anong gagawin ni Datu Matikas sa akin?”

“Magiging isa ka sa alipin sagigilid ni Datu Matikas.”

Naisip ko naman na mukhang okay na rin sa akin iyon kung sa Datu ako maninilbihan kesa naman sa isang katutubong hindi ko alam ang pag-uugali.

“Pero hindi na mangyayari iyon.”

Naguguluhan akong tumingin sa kaniya.

“May nakabili na sa iyo.”

“Pero wala pa akong nakitang nagpunta dito.”

“Tulog ka pa kaya hindi mo nakita.”

Sa narinig ay tuluyan ng gumuho ang pag-asa kong mailigtas ni Bakal dito sa kinasadlakan ko.

Ang mga sumunod na nangyari ay tinalian ang aking mga kamay na binigkis ng magkasama sa aking harapan saka nilagyan ng piring ang aking mga mata. Hinila ng aliping bantay ang sobrang lubid sa aking mga kamay kaya ako napalakad sa direksiyon ng kaniyang paghatak.

Ayon sa kaniya ay pupuntahan namin ang timawang nakabili sa akin. Naiiyak naman ako sa sarili ko na sa panahong ito ay para lang akong isang hayop kung ituring. Nakakainis, nakakagalit at nagpapaba ng self-worth. Hindi ko maramdaman ang pagiging tao ko at ang malaking pagkakaiba sa mga hayop.

“Magkano ang bili sa akin?” tanong ko sa alipin na sana ang isagot niya ay lupain ang ibinayad sa pag-asang si Bakal ang nakabili sa akin.

“Sampung tael na ginto,” tugon niya na ikinalaglag ng mga balikat ko. Halos dalawang gold bar iyon kung 5 tael ang isa base sa Chinese unit na 1 tael ay nasa 38 gramo ang timbang.

Tumigil kami sa paglakad at naramdaman kong may ibang tao na sa paligid.

“Heto na siya. Simula ngayon, siya ay iyo ng alipin sagigilid at kasama na sa nasasakupan ng barangay na ito,” tinig iyon ni Datu Matikas.

Hinihintay kong sumagot ang magiging panginoon ko pero wala akong narinig mula sa kaniya. Naramdaman ko na lamang ang muling paghatak ng lubid at para hindi ako matumba, sinundan ko na lang ang pwersa ng tali.

Pinigilan ko ang pamumuo ng luha sa aking mga matang nakapiring. Naisip ko kasi na hindi ko dapat ipakita sa bagong panginoon ko ang pagluha na tanda ng kahinaan.

Kahit wala namang orasan, sa tantiya ko lang ay mahigit isang oras kaming naglalakad sa kainitan ng araw. Tagaktak ang aking pawis mula ulo hanggang paa. Ramdam ko nga’y basa na rin ang suot kong bahag bukod pa sa dumi nito sa tatlong araw na hindi napalitan. Pinipilit ko na lang maglakad pero malapit na talaga akong magcollapse. Pagkuwa’y nawala ang araw nang sa tingin ko’y pumasok kami sa kagubatan gawa ng mga halaman sa paligid na nadikit sa akin at mga kaluskos ng tuyong dahon na naapakan ko.

Akala ko’y hindi na matatapos ang paglalakad na iyon pero nang makalabas ulit kami sa gubat ay saka kami tumigil. Dinig ko naman ngayon ang agos ng tubig.

Naramdaman kong kinakalagan niya ang pagkakagapos ng aking mga kamay saka isinunod ang piring sa aking mga mata. Naidalangin ko na sana pagmulat ko nag-travel back na ako sa present time at nasa harapan na sana ako ng aking apartment para makatakas na ako sa napipintong pagiging alipin.

“Buksan mo ang mga mata mo.”

Kinabahan ako sa boses niya. “Bakal?!”

Maluwang ang pagkakangiti niya.

Hindi na ako nakapagpigil, niyakap ko siya ng mahigpit habang naghabulan sa pag-agos ang luha ko sa magkabilang pisngi. Matagal bago ako bumitaw sa takot na baka nag-iimagine lang ako na siya ang kaharap ko ngayon. “Ikaw ang tumubos sa akin…pero paano?”

Pinahid niya ang aking mga luha gamit ang kaniyang mga daliri. “Maglinis ka muna ng iyong sarili diyan sa ilog. Sa kubo ko na sasagutin lahat ng tanong mo.”

Walang mapagsidlan ang kaligayahan sa aking puso. Lahat ng pagod at hirap na ramdam ko kanina’y biglang naglaho. Feeling ko’y battery na bagong charge. Mabilis akong naglinis ng katawan sa malamig na tubig ng ilog.

Pagbalik namin sa kubo, nagpalit lang ako ng malinis na bahag at magkatabi kaming umupo sa sahig ng bulwagan. Pumihit ako paharap sa kaniya.

“Ang dami kong gustong itanong sa ‘yo—“

“Makinig ka sa sasabihin ko. Nang magising ako at wala ka sa tabi ko ay sobra ang pag-alala ko. Hinanap kita sa tungkuan at napansin ko ngang nawawala ang tapayan. Sinundan kita sa ilog pero pagdating ko iyong tapayan na lang ang naabutan ko. Naisip ko na baka umalis ka na, nagbalik ka na sa panahon mo kaya nagtatakbo akong bumalik ulit dito sa bulwagan. Kinabahan na talaga ako nang makita kong nakasabit pa iyang kwintas sa dingding,” itinuro niya ang Anitong Manlalakbay. “Alam kong may nangyaring hindi maganda sa ‘yo.”

“Paano mo ako natunton?”

“Naisip ko na baka nahuli ka ng mga maharlikang pinamumunuan ni Datu Matikas kaya nagpunta ako doon. Nakita nga kita sa kulungan na walang malay pero hindi ako nagpahalata na magkakilala tayo dahil baka ako ang pagbalingan ng Datu sa pagkupkop ng taga-ibang barangay ng hindi niya nalalaman. Nalaman ko din na sampung tael na ginto ang hinihingi ni Datu Matikas kapalit mo. Wala naman akong dalang ginto kaya umuwi muna ako.”

Hiyang-hiya ako nang maisip na baka ipinagbili niya ang bukirin para makakuha ng ginto. “Saan mo galing ang ibinayad mo?”

“Ipinagpalit ko ang kalahati ng lupa ng  sampung tael na ginto.”

Gusto kong maluha, hindi ko alam kung dahil sa hiya, o sa awa sa kaniya na kinailangan niyang gawin iyon sa akin kahit alam kong napakahalaga ng lupa sa kaniya.

Nagpatuloy siya, “Pagbalik ko naman doon, may mga ibang timawa ng nauna sa akin at ako ay sinabihan na ngayong araw bumalik at magbakasakali kung hindi ka pa nabibili.”

Sobrang touched ako sa gesture niyang iyon. Nagpaka-effort pa talaga siyang maghintay at balikan ako.

“Bakit hindi ka kaagad nagpakilala at hinintay mo pang makarating tayo sa ilog?”

“Hindi kasi pwedeng malaman ni Datu Matikas na kilala kita dahil sa barangay na ito, bawal kumupkop ng taga-ibang barangay nang hindi nalalaman ng Datu. Kung alam mo lang na pagkakita ko pa lang sa ‘yo nang papalapit ka’t nakapiring, gusto na kitang pakawalan at yakapin pero nagpigil nga ako. Sa ilog ko naisipan na kalagan ka na dahil malayo na iyon sa dalam para may makakita pa sa tin.”

Tuluyan na akong umiyak. “Paano ang lupain mo?”

“May kalahati pa naman,” sabi niyang puno ng sinseridad.

“Hindi mo na dapat ginawa iyon.”

“Mangyari man muli sa ‘yo iyan, tutubusin pa rin kita maubos man ang lahat ng meron ako.”

“Kahit na galing ako sa ibang panahon?”

“Kahit saan ka pa galing.”

“Bakit?”

“Dahil hindi ko na kayang muling mag-isa. Nasanay na akong laging nandiyan ka. Dahil ikaw ang kumumpleto ng buhay ko. Dahil—“

“Dahil mahal mo ako?”

Natigilan siya. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. “Mahirap man ipaliwanag…bawal mang ituring, iyon ang nararamdaman ko para sa ‘yo. Mahal na kita, Bulaklak.”

Feeling ko naman ay iniangat ako sa sahig at dinala na sa langit. “Mahal na mahal din kita Bakal, matagal na. Mula pa noong unang makita ka.”

Pinagsalikop ko ang aking mga kamay sa kaniyang batok saka ko siya hinila para maglapat ang aming mga labi. Bago sa kaniya ang ganoon, estranghero ang pakiramdam kaya naging masuyo ang pagkamkam ko ng kaniyang bibig. Hindi siya kumibot pero nakiramdam hanggang ang damdamin na rin niya ang nag-utos sa mga labi niya na tumugon sa aking mga halik. Dinunggol ko ng aking dila ang pagitan ng kaniyang mga labi. Nang awtomatiko itong bumukas, ipinasok ko ang aking dila sa loob ng kaniyang bibig. Tinudyo ko ang kaniyang dila saka ginalugad ang lahat ng maabutan nito hanggang maramdaman ko na ring lumalaban na rin ang dila niya at ginaya naman ang lahat ng ginawa ko sa kaniya.

Ako ang naging pastol niya sa mga sumunod na nangyari. Inihiga ko siya sa sahig ng bulwagan, ramdam ang mumunting hangin na lampasan sa siwang ng kawayang sahig. Pansin ko pa ang pagsunod niya nang lisanin ng bibig ko ang kaniyang mga labi.

“Ang sarap mong humalik Bulaklak,” halos pabulong niyang sabi.

Hinalikan ko siya sa ilong, sa pisngi na parang paro-paro ang aking bibig na humahalik sa bawat daanan. Napaungol siya nang sa isang tenga ko siya halikan saka binugahan ng mainit kong hininga. Mula doon ibinaba ko ang paghalik sa kaniyang leeg, pababa sa collarbone, pababa pa hanggang sa matagpuan ng aking bibig ang isa niyang utong na inikot –ikutan ng aking dila. Nilamas ng isang kamay ko ang dibdib na iyon habang ang isa ay bumaba para damhin ang kaniyang katigasan na natatakpan ng kaniyang bahag. Nagmistula akong sanggol sa kaniyang dibdib pagkuwa’y sa kabila naman. Ang pinagsamang init ng aming katawan ang siyang nagudyok sa amin sa kakaibang pangangailangan na tanging kami lang dalawa ang makakapuno.

Iniwanan ko ang kaniyang dibdib para harapin ang umigkas niyang pagkalalaki nang hilahin ng isa kong kamay ang bahag niya pababa. Napasigaw siya nang isubo ko ang ulo ng malaking sandata.

Daig pa niya ang nagdedeliryo nang biglang hawakan ang noo ko para pigilan. “Anong ginagawa mo Bulaklak…bakit ang sarap?”

Napangiti naman ako sa kaniyang reaksiyon. Pakiramdam ko’y parang nagsisimula ng masunog ang kubo namin sa init. “Hayaan mo lang ako, Bakal. Paliligayahin kita.”

Itinuloy ko ang pagsubo sa kaniyang sandata, una’y marahan ang hagod, tataas, bababa. Nang bilisan ko ang ritmo, natutunan na rin niyang sabayan hanggang ang bawat subok kong isubo siya ng buo ay tinutugunan niya ng malakas na ulos. Paulit – ulit naming ginawa ang animo’y kakaibang sayaw sa apoy hanggang sa maramdaman ko ang lalong paglaki at pagtigas niya sa loob ng aking bibig. Kasabay ng paimpit niyang halinghing ang paglabas at pag-agos ng katas ng pag-ibig na malayang tinanggap ng aking bibig.

Nang maubos ang huling patak sa kaniyang sandata, nagbalik ako sa guwapo niyang mukha saka ko siya hinalikan sa kanyang bibig at niyakap na mahigpit.

“Mahal na mahal kita Bakal.”

Naghahabol pa rin siya ng hininga sa kakaibang kaligayahang kaniyang tinamasa. “Mahal din kita Bulaklak, mahal na mahal,” paanas niyang tugon.

Akala ko’y tapos na kami pero nang matagpuan muli ng aking kamay ang sandata sa pagitan ng kaniyang mga hita ay daig pa nito ang isang kawal na handang sumugod sa panibagong labanan.

Muling haharapin sana iyon ng aking bibig nang pigilan ako ni Bakal. “Ako naman Bulaklak.”

Hindi ko iyon inaasahan. “Sigurado ka?”

Siya naman ang umupo saka ako marahang itinulak pahiga sa sahig. “Naging sigurado na ako sa lahat ng gusto ko mula nang makilala kita.”

Gusto kong kiligin sa sinabi niya pero mas malakas ang libog na bumabalot sa aking katawan. Ang apoy na ramdam kong sumusunog kanina sa kubo ay lalong nagliyab lalo na nang mag-umpisa siyang ipalasap sa akin ang ligaya sa abot ng kaniyang makakaya.

Parehong ritmo kagaya kanina ang ginawa namin. Mula sa banayad ay bumilis ng bumilis hanggang halos tumirik na ang mga mata ko sa sarap ng pagpapala niya. Hinila ko palabas ang aking paghuhumindig nang maramdaman ko na ang paglabas ng katas ng pag-ibig pero mabilis na sinundan ng kaniyang bibig ang aking paggalaw kaya sa loob pa rin niya narating ko ang langit.

At para lubusin ang pagkaka-selyado ng aming pag-ibig, hinawakan ko ang kaniyang sandata gamit ang aking kanang kamay saka ako maingat na dumapa sa sahig. Napapantastikuhan siya sa ikinilos ko pero nawala din nang makuha niya ang ibig kong mangyari nang itutok ko sa aking lagusan ang hawak ko pa ring pumipintig niyang pagkalalaki saka marahan at maingat na tinulungan sa papasok sa loob.

Tiniis ko ang sakit kahit gusto kong pumalahaw sa sobrang laki ng sandata niyang pumupunit sa bawat daanang laman sa unang pasok sa aking lagusan. Nang maisagad niya ang sandata ay pinigilan muna ng isa kong kamay ang kaniyang pang-upo para hindi makagalaw. Huminga muna ako ng malalim saka hinintay na makapag-adjust ako sa nakapasok sa akin. Maya-maya lang binitawan ko na ang kaniyang pang-upo saka ko sinimulang ikiwal-kiwal ang aking pang-upo na nang matutunan niya ay tinugon niya ng malalim pero banayad na mga ulos. Ipinihit ko ang aking mukha para hanapin ang kaniyang bibig. Awtomatiko namang sumalubong siya at naglapat ang aming mga labi. Maya-maya ang banayad na pag-ulos ay bumilis. Habang papainit nang papainit ang aming pakiramdam ay pabilis din ng pabilis ang pagkibot ng aming magkapatong na mga katawan. Palakas din ang aming mga daing at halinghing. Ang aming mga katawan ay tuluyan ng nagningas hanggang sumabog ang mainit niyang likido sa loob ng aking lagusan kasabay na rin ng pagsabog ng likido ko sa sahig at kapwa namin narating ang langit.


***


PARANG MAG-ASAWA ang naging turingan namin ni Bakal ng mga sumunod na araw. Alam kong ibang level na ang aming relasyon. May namuong commitment na kami sa isa’t-isa. Naging masaya kami pareho at naging makulay ang lahat ng nasa paligid.

May mga gabi lang na bumabalik sa akin ang mga ill feelings na naranasan ko sa hawla ni Datu Matikas. Sa mga ganoong pagkakataon, binabalutan ako ng takot at pangamba.

Binigyan naman ako ng assurance ni Bakal na hindi na ako muling bibihagin ng mga tauhan ng Datu dahil ako ay lehitimo nang mamamayan ng barangay pero hindi pa rin mawala-wala basta ang trauma ko. At kahit pa sabihing nakapag-adjust ako sa way of living, hindi maitatatwang may isang bahagi pa rin ng utak ko ang natatakot sa mga posibleng kapahamakan na pwedeng mangyari pa sa akin sa pananatili sa panahong ito.

May mga pagkakataon din na nami-miss ko ang buhay ko sa present time. Hindi nga ba’t naidalangin ko dati nang nasa hawla ako na sana bumalik na lang ako sa kasalukuyan? Namimiss ko na ang lahat ng bagay na wala dito. Lalo na’t nagiging routinary na ang ginagawa ko sa kubo at sa bukirin.

May isa namang bahagi din ng utak ko ang pinipilit ipaunawa sa akin na meron namang isang Bakal dito na wala sa kasalukuyan. Isang lalaking mahal ako ng totoo at hindi kasinghuwad ng pag-ibig ni Nicco.

Sa mga ganoong pagkakataon, nagbabago ang mood ko na hindi nalilingid kay Bakal.

“Napapansin ko, may pagbabago sa iyo, mukhang hindi ka na ganoon kasaya katulad ng dati. Kung naiisip mong bumalik sa iyong panahon kapag dumating na ang pagkakataon…hindi kita pipigilan. Tatanggapin kong maluwag sa puso ko na hayaan ka, kahit alam kong masasaktan ako dahil mahal na mahal kita.”

Hindi ako nakaimik. I’m running out of words to say. Nang sasagutin ko na siya, naubos na ang liwanag ng kingke. Nabalutan na ng dilim ang buong silid.

“Matulog na tayo Bulaklak,” huling sabi niya saka tumagilid ng higa patalikod sa akin.

Iyon lang at tuluyan na akong nanahimik.

Nang magising ako kinabukasan, wala na si Bakal sa tabi ko. Paglabas ko ng tungkuan, luto na ang almusal. Sa unang pagkakataon, kumain akong mag-isa sa bulwagan.

Sa isiping gusto niyang mapag-isa dahil marahil sa sinabi niya kagabi ay minabuti kong huwag na siyang sundan pa sa bukid. Maghapon ko na lang pinalipas ang oras sa pag-iisip kung ano ba talaga ang gagawin ko sakaling dumating ang takdang panahon na kailangan ko nang mamili. Ang buhay ba na puno ng high-tech gadgets at maraming gimikan na nami-miss ko na o ang manatili dito sa panahong papausbong pa lang ang pag-unlad sa piling ni Bakal.

Kung babalik man ako sa kasalukuyang panahon, nakahanda na akong harapin anomang pagsubok na dumating at hinding-hindi na ako mag-attempt na mag-suicide. Natutunan ko na kay Bakal na kahit anoman ang mangyari, kalungkutan man o kaligayahan, kailangang magpatuloy ang buhay. Hindi man ako pahalagahan ng mga taong minahal ko gaya ni Nicco, kailangang pahalagahan ko naman ang sarili ko.

Tahimik si Bakal nang kumain kami ng hapunan. Hindi rin ako makaimik, hindi ko alam kung ano ang sasabihin o anong topic ang bubuksan. Natatakot din akong matanong niya kung ano ang magiging desisyon ko kung sakali dahil sa totoo lang naglalaban ang aking isip at kalooban. Naisip ko na lang ang kasabihan na: I’ll just cross the bridge when I get there.

Si Bakal na ang nag-imis ng pinagkainan at nagtabi ng dulang. Lumabas siya ng bulwagan para lagyan ng langis ang kingke at sindihan. Kinuha ko naman ang banig saka inilatag sa sahig.

Inuunat ko ang ibang bahagi ng banig nang pumasok si Bakal saka biglang nagliwanag. Buong akala ko ay sa mismong kingke nanggaling ang liwanag kung hindi pa siya nagsalita.

“Bulaklak…ang anito!”

Nang mag-angat ako ng ulo, sumalubong sa mukha ko ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa kwintas na nakasabit sa dingding. Saka ko napansin na patay pa pala ang kingke na hawak ni Bakal.

Kinabahan ako nang maisip na ilang segundo lang ang nalalabing oras para makabalik na ako sa present time. Nakatingin lang naman sa akin si Bakal na parang gustong tumakbo palapit sa akin para kahit man lang sa huling pagkakataon ay mayakap niya akong muli.

Gusto ko rin siyang lapitan para halikan at yakapin ng mahigpit bilang pamamaalam.

Pero wala ng oras.

Pareho na kaming nawalan ng pagkakataon para gawin iyon. Ngayon pa naman nagliwanag ang kwintas kung kelan may cold war sa pagitan namin. Kung kelan buong maghapon kaming hindi man lang nag-usap ng tungkol sa aming dalawa.

Huling rumehistro sa akin ang malungkot na mukha ni Bakal bago tuluyang nag-panic ang utak ko nang magsimulang mabawasan ang liwanag ng kwintas. Hudyat na patapos na ang oras at pagkakataon para ako makaalis.

Bago pa maubos ang liwanag, nagpikit ako ng mga mata at nilapitan ang Anitong Manlalakbay.

“Bulaklak!” sigaw ni Bakal nang maubos na ang liwanag at balutin ng dilim ang bulwagan. Sa hindi mapigilang emosyon na gustong sumabog sa kaniyang dibdib ay lumabas siya ng kubo saka patakbong nagtungo sa ilog.

Sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ni Bakal ang lungkot ng pag-iisa…


***


DALA KO ANG LIWANAG na nagsilbing ilaw sa madilim na paligid. Nang masilaw siya ng liwanag ay awtomatikong iniharang ang kamay sa kaniyang mga matang puno ng kawalang pag-asa. Nang makilala niya ako ay bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa batuhan sa tabi ng ilog saka hindi makapaniwalang nagsalita.

“Bulaklak! Hindi ka umalis? Hindi ka nagbalik sa panahon mo?”

Ipinatong ko ang kingke sa isang bato saka ako patakbong lumapit sa kaniya. Ikinulong niya ako ng mahigpit sa kaniyang mga bisig na parang ayaw ng pakawalan pa.

“Nandito pa ako.”

“Pero nakita kitang lumapit sa Anitong Manlalakbay.”

“Nilapitan ko ang Anitong Manlalakbay para ibulong na hindi na ako babalik sa panahon ko dahil nandito na ang buhay ko,” halos maiyak kong tugon sa kaniya.

“Sigurado ka sa naging desisyon mo?” puno ng ligayang tanong niya.

“Naging sigurado na ako sa lahat ng gusto ko mula nang makilala kita.”

Nagkatawanan kami pareho nang maalala niyang sinabi rin niya iyon sa akin dati at hiniram ko naman ngayon para sabihin sa kaniya.

Yumakap na rin ako sa kaniya ng mahigpit. Sa gitna ng karimlan ay muling naghinang ang aming mga labi.

Alam kong mahihirapan ako na mag-adapt sa buhay sa panahong ito pero balewala sa akin iyon. Alam ko namang mas kakayanin kong nandito ako kahit mahirap kaysa naman nasa kasalukuyang panahon ako pero wala naman si Bakal sa tabi ko.

Si Bakal ang huling lalaking mamahalin ko hanggang saan man kami abutin sa hinaharap.


***


Present Time.

Buo na ang loob ni Enso nang bumaba siya ng MRT-Guadalupe Station. Aakyat siya sa higanteng billboard na naroon sa may cloverleaf na nakaharap sa maitim na tubig ng Ilog Pasig.

Abangan na lang ni Xander sa mga diyaryo at sa news cast sa telebisyon ang kaniyang pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon sa billboard.

Usigin siya ng konsensiya niya sa ginawa niyang panloloko sa akin, saloob-loob ni Enso.

Pababa na siya ng hagdan nang salubungin siya ng isang matandang lalaki. Umiwas siya pero sinadya siyang harangan nito.

“Anak, bilhin mo na ang kwintas na ito. Pambili lang ng pagkain. Dalawang araw na kasi akong hindi kumakain.”

Naawa naman si Enso sa matanda. Ibinigay niya ang lahat ng natitirang pera sa kaniyang bulsa. Naisip niya kasi na hindi na niya kakailanganin pa iyon pagkatapos ng gagawin niya ngayon.

Hahayaan na lang sana niya ang kwintas nang magpumilit ang matanda at ito pa mismo ang nagsuot sa kaniyang leeg.

Whatever! Sabi ng isip niya. Anyway it won’t matter kung suot man niya ang kwintas sa kaniyang kamatayan.

Ilang sandali lang ay nakapasok na siya sa loob ng bakod ng billboard saka nagmamadaling umakyat.

Kailangang makaakyat siya bago pa may makapansin sa kaniya at pigilan siya sa kaniyang plano. Hindi naman siya napansin ninoman maliban sa matandang lalaki na pinanonood lamang siya hanggang marating niya ang pinakamataas na bahagi ng structure. Tumayo siya saka sa huling pagkakataon ay muli niyang nilanghap ang polluted na hangin. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa bakal, ipinikit ang mga mata saka itinaas ang dalawang kamay at sumigaw, “Paalam Xander!”

Nakamasid lang mula sa baba ang matandang lalaking siyang bantay ng Anitong Manlalakbay nang tumalon si Enso sa billboard at nang nasa ere na ay biglang naglaho bago pa man bumagsak sa lupa.

Hihintayin ko na lang ang muling pagbabalik ng Anitong Manlalakbay, nakangiting sabi ng matanda sa kaniyang sarili saka nagpatuloy sa paglakad sa kahabaan ng EDSA.


Wakas

No comments:

Post a Comment