by: Zildjian
“Dave, anak halika muna sa loob
ipapakilala kita sa isa sa mga kapatid ko.” Ang wika ni nanay Marta habang nasa
labas kami nang bahay kasama ang bayaw ni Alex at ang ibang kaibigan nito’t
nagiinuman na naman.
“Sandali lang mga pare inum lang kayo
diyan babalik ako agad.” Wika ko naman sa mga kainuman ko saka sumunod kay
nanay Marta sa loob ng bahay.
Kakaiba talaga ang mga tao sa
probinsya hindi man kasing yaman ng mga tao sa syudad pero kung mag-handa daig
pa ang may maraming ipon. Bespiras palang ng pista ay may mga kamag-anakan at
kaibigan nang pumunta na taga kabilang baryo at ang iba pa nga ay galing sa
malalayong lugar para lang dumalo at makipista.
“Ito ang sinasabi ko sayong boss ni
Alex ko Emelda, si Dave, kasama siya ni Alex na nagbakasyon rito para sa
pista.” Ang pagpapakilala ni nanay Marta sa isa sa mga kapatid niya.
Para talaga akong kapamilya nila kung
ituring halos lahat na siguro nang kaibigan at kamaganak nila na pumunta sa
araw na iyon ay ipinakilala nito sa akin. Kakaiba talaga ang hospitality ng
nanay ni Alex, napakabait nito taliwas sa kapatid nitong nakilala ko sa lugar
namin na pangit na nga ang ugali pangit pa ang pigura nang katawan.
“Dave, ang bunso namin si Emelda.”
Pakilala naman nito sa kapatid niya na tulad rin ni nanay Marta ay maamo ang
mukha nito’t walang kasungitang ma-babakas.
“Magandang gabi po. Kapatid lang po
ako nang asawa ng boss ni Alex” Magalang ko namang pagbati at pagtatama sa
sinabi ng nanay ni Alex.
“Tama ka nga Ate, ka gwapong bata nga
nitong bisita niyo.” Nakangiting wika nito sa akin na sinangayunan naman ng mga
kasama nito sa lamesa nila.
Napakamot nalang ako sa ulo dahil
medyo nakaramdam ako nang hiya sa ginawang pagbibida sa akin ni nanay Marta.
Proud na proud ako nitong ipinapakilala sa mga kaibigan nito’t ibang malalayong
kamaganak.
“Mabuti naman iho at napadpad ka sa
lugar na ito bihira lang kaming mag-karoon ng dayo sa mumunting baryo naming
ito na bukod sa makisig na mayaman pa.” Ani naman ng isang may edad nang lalaki.
“Siya naman si Domeng ang kapatid nang
asawa ko at ang tatay ni Aloda.” Sabat ni nanay Marta para ipakilala sa akin
ang lalaking nagsalita.
“Magandang gabi po.” Ang mahiya-hiya
kong sabi. Hindi ako komportable na mga may edad na tao ang mga kausap ko
lalo’t hindi naman ako sanay na makipagusap sa mga Titas, at Tito’s ko tanging
si papa lang kasi ang nakakatiis ng sayad ko.
“Nay, ibinida niyo na naman si Dave.”
Ang boses ni Alex na nasa likuran ko na pala. Marahil napansin nitong hindi na
ako komportable sa mga tiyuhin at tiyahin nito.
Nagmano muna ito sa mga ito at bumati
bago humarap ulit sa akin.
“Hindi ka pa daw kumain. Tara sa
kusina at nang makakain ka muna bago ka makipag lasingan sa mga kabarkada ni
kuya Drigo.”
Simula nang makapagusap kami kanina at
makahingi ako nang tawad sa kalokohan ko ay naging mabait na ito sa akin. Hindi
lang normal na pagiging mabait kung hindi may kasama na itong lambing. Hindi ko
man maintindihan kong ano ang nangyari sa kanyang mabilisang pagbabago ay
ikinatutuwa ko naman ito.
“Siya nga pala anak.” Singit naman ni
nanay Marta. “Mag-tabi nalang ulit kayo nitong si Dave sa kwarto dahil dito
matutulog sina tiya Marta mo.
Sa narinig ay agad na gumuhit ang
ngiti sa aking mga labi at napalingon ako kay Alex na sa akin rin pala
nakatingin. Kita ko ang pamumula ng mag-kabilang pisngi nito na lihim ko namang
ikinahagikhik. Halata kasing apektado parin ito sa nangyari sa huling pagtatabi
namin na wala naman talaga siyang ibang ginawa kung hindi ang gawin akong unan
na sa hindi malamang dahilan ay nagustohan ko.
“Si Wil nalang po nay ang patabihin
niyo kay Dave.” Pasimpleng protesta nito.
Nagpapakipot ang loko. Ang malokong
wika ko naman sa aking isip. Kahit kasi umalma ito sa ideya nang kanyang ina
may pakiramdam akong hindi naman talaga siya seryoso sa protesta niya kung
hindi nagpapakipot lang.
Bilib na bilib ka talaga sa sarili mo
noh? Kontra agad nang maligalig kong isip.
“Alam mo namang malikot matulog ang
kapatid mong yon anak, nakakahiya kay Dave. May kaliitan pa naman ang kama mo.”
Pagpapaliwanag naman ng ina nito.
“Iyon na nga nay….”
“Sige nay, tabi nalang ulit kami ni
Alex.” Putol ko sa iba pang sasabihin niya sabay akbay sa kanya. “Di ba
papakainin mo pa ako?” Nakangiting abot tenga kong sabi.
May kakaiba talaga sa mga kinikilos ng
Malditang ito hindi ko alam kung anong magandang hangin ang nasinghot nito
kanina para biglaan itong bumait sa akin. Siya pa mismo ang kumuha nang pagkain
para sa akin habang ako ay nakaupo lang sa mesa at takang-taka sa mga
ikinikilos niya. Gayon pa man, natutuwa ako sa nangyayari kung pwedi nga lang
akong tumalon sa tuwa ay gagawin ko.
Hindi ko naman maiwasang mailang
habang kumakain. Kanina pa kasi ito nakatingin sa akin na para bang may kung
anong sinusuri ito na isang maling kilos ko lang biglang mag-iiba ang ihip nang
hangin.
“Matutunaw ako niyan.” Ang nakangiti
kong wika sa kanya.
“Ha?” Untag nito na di manlang inalis
ang tingin niya. At some point may kakaiba talaga sa mga tingin niyang iyon
parang may iniisip. Parang may tinitimbang.
“Whats wrong?” Seryoso ko nang tanong
dahil sa nakaramdam ako nang takot. The way he looks at me, it’s as if I am
being judge. Nakakatakot, dahilan para maging uneasy ako sa harap niya. Parang
conscious ako na hindi ko alam kung para saan.
Hindi muna ako nito sinagot bagkus ay
muli ako nitong binigyan ng kanyang nanunuring tingin bago ko marinig ang
mahinang buntong hininga nito.
“Para saan ang buntong hiningang yon?
May nagawa na naman ba akong hindi mo nagustohan?” Ang di ko maiwasang
maitanong.
Hindi pa man ito nakakasagot nang
sumulpot ang isa sa mga pinsan nito na una ko nang nakilala sa unang araw ko sa
baryo nila, si Aloda. Hapit ang damit nito’t sobrang iksi nang short . Bilang
isang lalaki masasabi kong maganda ang katawan nito pasok sa standards ko ang
kaso wala akong makapang interes para sa kanya which is something new. Weakness
ko kasi ang mga babaeng matatangkad, maumbok ang dibdib at higit salahat magaganda
at masasabi kong swak na swak si Aloda sa mga babaeng kinahuhumalingan ko noon.
Noon? Bakit noon? Iba na ba ang tipo
mo ngayon Renzell Dave? Isang reyalisasyon na biglang pumasok sa isip ko saka
napatingin kay Alex. Maamo ang mukha nito kahit laging nakakunot ang noo,
hanggang baikat ko lang siya, sakto lang ang katawan nito’t pati ang gupit
nitong bagay sa hugis nang kanyang mukha.
Ngayon ko lang nabigyan ng panahong
matitigan at ma obserbahan ang hitsura nito dahil noon naman ang maasar lamang
siya at makaganti sa pang-iignora niya sa akin ang tanging habol ko. Masasabi kong ang mga mata nito’t makakapal
na kilay ang una mong mapapansin kapag tumingin ka sa kanya. Alex has these
charming eyes. Ang mga mata nitong punong puno nang ka-inosentehan.
“Ganun? Hindi ako pinansin?” Basag ni
Aldo sa lumipad kong isip. Doon ko lang napagtanong nakatingin pala kami ni
Alex sa isa’t isa. Ito ang unang bumawi nang tingin at hinarap ang pinsan niya.
“Anong masamang hangin ang nagdala
sayo rito?” Wika nito sa pinsan niya.
“At bakit? Nagpunta ako rito para
sunduin ang tatay ko’t para narin makita ang prince charming ng buhay ko.”
Tugon naman nito sabay hila nang upuan sa tabi ko at walang anu-anong
inilingkis nito sa kanang braso ko ang kanyang mga kamay.
“Kamusta kana Dave? Alam mo, na miss
kita nang sobra. Sa sobrang pagka-miss ko sayo pati panaginip ko ikaw na ang
laman. Destiny ba ang tawag doon?” Sunod sunod nitong sabi.
Nginitian ko nalang ito pero hindi ko
rin naman inalis ang kamay nitong nakalingkis sa akin baka kasi ma offend ito
sa akin.
“Ate Aloda, kumakain si Dave alisan mo
nga yang kamay mo.” Nakakunot noo na namang wika ni Alex.
Hindi ko alam kung tama ang nakikita
ko sa mga mata nito para kasing may selos akong nababakas sa kanyang mga mata.
“Dave, gusto mo bang subuan nalang
kita para hindi kana mahirapang kumain?” Pambabaliwala nito sa sinabi nang
kanyang pinsan.
Gusto kong matawa sa pagiging forward
masyado nang nitong si Aloda. Akala ko ang mga city girls lang ang capable sa
mga ganitong lantarang paglalandi hindi pala. Updated narin pala ang probinsya
sa mga ganitong klaseng kalakaran.
“Hindi na, nakakahiya naman sayo Aloda
at matatapos na rin ako.” Nakangiti kong wika sa kanya. Ang totoo gusto ko lang
talagang makita kung paano mag-rereact si Alex at nang ibaling ko sa kanya ang
aking tingin wala na naman akong makitang ekspresyon sa mukha nito.
“Since nandito naman si Ate Aloda
balik na ako sa kwarto. Kailangan ko pang ayusin ang hihigaan natin.” Wika nito
kapag kuan saka tumayo at walang anu-anong kami nitong iniwan.
“Wag mo nang pansinin ang isang iyon
natural lang sa kanya ang pagiging masungit.” Nakangiti namang wika sa akin ni
Aloda pero wala sa kanya ang isip ko kung hindi nasa inasal ni Alex.
What the hell was that? Kanina lang
nagtransform sa pagiging Anghel ang malditang yon tapos ngayon biglang balik sa
pagiging masungit? Nagseselos ba yon o talagang badtrip lang siya sa madaldal
na pinsan niya?
Nakabalik na ako sa inuman pero hindi
ko na magawang makisaya sa mga kaibigan ni Rodrigo. Hindi ko talaga maiwasang
hindi isipin kung ano ang dahilan nang pagbabago nang mood nito kanina kung
selos ba iyon o pagkaasar lamang sa pinsan niya. Hindi ko tuloy napansin na
sunod-sunod na ang paginum ko sa sobrang pagkalito.
“Sir, hinay-hinay lang po marami-rami
pa ang tutumbahin natin.” Wika nang isa sa mga kaibigan ni Rodrigo o Drigo kung
tawagin ni Alex.
“Pareng Randy, baka kayo ang tumaob
diyan, kami nga ni tatay napataob niyan eh.” Wika ngingisi-ngisi namang wika ni
Drigo halatang may tama na ito marahil ay dahil narin sa pagod ang katawan nito
sa pagiihaw namin kanina.
“Magaling pala itong si sir Dave,
akalain mong pinataob ang hari ng emperador na si Drigo.” Wika naman ng isa na
ikinatawa namin.
Taliwas sa mga tao sa syudad mababait
at maganang kainuman pala ang mga taong simple lang. Isang baso ang lang ang
tinatagayan ng mga ito pero kahit anong pilit kong makitagay sa baso nila ay
ipinilit parin nang mga ito na mag-iba ako nang baso at lalagyan ng ice. Iyon
daw ang paraan nila nang pagpapakita nang respeto sa mga bisita nila.
“Iba ka talaga sir. Kakaiba ka sa
mayayaman at may mga kayang taga rito sa amin marunong kang makisama.” Wika
nang isa na tangero namin nang matapos kung i-isang lagok ang tagay nito sa
akin.
“At hindi pihikan sa inumin si sir.”
Dagdag pang wika nang isa.
“Sunog baga kasi ako.” Nakangiti kong
wika na kanila namang tinawanan.
May ilang oras narin ang nakakalipas
at halatang may mga tama na ang mga kainuman ko. Ang dalawa nga ay nakatulog na
sa mesa habang ang natitira naman ay kanina pa suka nang suka. Tanging si Drigo
nalang at ako ang medyo may katinuan pa.
“Mahihina talaga sa inuman itong mga
kumpare ko.” Tatawa-tawang wika nito.
“Kaya pa ba nilang umuwi?”
“Hayaan mo lang sila diyan sir Dave,
uuwi rin ang mga yan kapag nahimasmasan.” Sabay tayo nito. “Paano sir, tumba na
ang mga kainuman natin at paniguradong ako na ang susunod kaya mauna na ako
sayo sa kwarto namin ng asawa ko.” Nakangisi nitong wika halatang may pinaplato
ito ngayong gabi.
Natawa nalang ako nang makuha ko ang
ibig sabihin niyang iyon saka tumayo na rin para tunguhin ang kwarto namin ni
Alex.
Matapos makapag hilamos at makapag
sipilyo ay pumasok na ako sa loob ng kwarto. Alam kong sa mga oras na iyon ay
tulog na si Alex kaya hindi na ako nagabala pang i-on ang ilaw para hindi ito
magising. Laking gulat ko nang mag-salita ito.
“Doon ka sa may gilid. Maaga akong
babangon bukas para tulungan sina nanay sa paghahanda.”
Kinuha ko ang pagkakataong iyon para
makausap ito tungkol sa biglaang pagbabago nito nang mood kanina. Mabuti na yon
dahil matutulungan ako nang tama nang alak para makapagtanong sa kanya nang
walang pagaalinlangan.
Imbes na agad na tumabi sa kanya ay
naupo ako sa gilid ng kama. Dahil na rin sa tahimik na ang buong bahay rinig ko
ang mahinang paghinga nito.
“Galit ka nanaman ba sa akin?” May
bahid nang paglalambing kong sabi.
“Hindi. Sige na matulog kana.” Mabilis
nitong sagot.
Napabuntong hindi nga ako. Alam ko
kasing badtrip na naman ito sa akin sa tono palang nang boses nito.
“Pweding mag-tanong?”
“Inaantok na ako.”
“Are you jealous of Aloda?” Walang
ka-abug-abog kong sabi. “Kaya ba bigla ka nalang ulit naging masungit dahil kay
nagseselos ka kay Aloda?”
Alam kong hindi maganda ang tanong
kong iyon sa kanya.Pwedi kasing lalong magalit ito sa akin dahil sa pagiging
feeling ko ayaw pa naman nito ang ganung ugali ko. Kaya inihanda ko na ang sarili ko na masinghalan nito pero hindi
iyon nangyari. Wala itong naging pagtugon sa tanong ko.
“Alex?” Mahina kong pagtawag sa kanya.
Parang ako pa itong kinapos ng hangin sa sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko.
Hindi ko mawari kung kinakabahan ba ako o natatakot baka kasi layuan na naman
niya ako dahil sa tanong kong iyon.
“What if I am?” Maya-maya’y wika nito.
I was caught off guard sa tanong
niyang iyon. Hindi ko inaasahan ang ganong klaseng tanong na iyon galing sa
kanya. Alex is the kind of person who would choose to hide his feeling rather
than showing it. Gusto niyang hindi siya kinaawaan ng iba dahil sa tayog nang
pride nito.
“Don’t ask question na hindi ka handa
sa sagot.” Wika pa nito nang matahimik ako saka naramdaman ko ang paggalaw nito
patalikod sa akin.
Does his question mean he was jealous?
Did he just admit to me that he was? Ano nga ba sa akin kung nagseselos siya?
Ano nga ba ang pwedi kong magawa kung nagseselos siya eh wala naman ata akong
ibang ginawa kung hindi ang guluhin ang tahimik niyang mundo. At ang
pinakamalaking tanong ano nga ba siya sa akin? Am I falling for him? Iyon ba
ang rason kung bakit ganito ako ka apektado pagdating sa kanya?
Kinapa ko sa sarili ko ang mga tanong
na iyon at doon hinanap ang sagot. Alam kung may kakaiba akong nararamdaman
para kay Alex at alam kong habang tumagal, habang nakikilala ko ang tunay niya
siya ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya.
“Alex?” Muli kong tawag sa kanya.
“This feeling is something new to me. I can’t even decipher this feeling I have
for you basta’t ang alam ko ayaw kitang nasasaktan. Ayaw kitang nakikitang
malungkot.” Lakas loob kung sabi dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko.
Sinabi ko lang ang totoo.
Hindi ito sumasagot sa akin kaya naman
pinihit ko siya paharam sa akin. Hindi ko alam pero kakaibang lungkot ang
naramdaman ko nang makita kong umiiyak ito. Kung hindi ako nagkakamali huling
naramdaman ko ang ganung klaseng lungkot ng kunin sa amin ang mama ko.
Agad kong pinunasan ang luhang
dumadaloy sa kanyang mga mata.
“Please wag kang umiyak.” Nang aalu
kong sabi. Seeing him cry makes my heart melt like a chocolate.
Hindi ko alam kung paano ko siya
aaluin hindi kasi tumitigil ang pagdaloy ng mga luha nito sa kanyang
mag-kabilang pisngi. Hanggang sa namalayan ko na lang ang mag-kahugpong na
naming labi. Ewan ko kung bakit ko nagawa iyon hanggang sa maramdaman ko ang
pagganti nito sa mga halik ko at doon ko nakuha ang sagot. His kisses were
different from the other girls that I’ve kissed. Malambot tulad ng marshmallow
ang mga labi nito at kasing tamis ng candy ang mga halik nito. No wonder na
nagawa ko iyon at hinding hindi ko pinagsisihan ang halikan siya.
Naging malalim ang halikan namin
hanggang sa makita ko nalang ang sarili kong katabi na siya sa maliit niyang
kama. Nakayakap ang isang kamay ko sa kanyang ulo at isa naman ay nakayakap sa
kanyang bewang. It’s as if I was caressing him.
Nang humiwalay ito sa halikan namin ay
para akong ninakawan ng kaligayahan. I thought tapos na ang kaligayahan ko pero
nang makita ko itong humihingal ay napangiti ako sa kanya.
“That was a bit intense woud you
agree?” Ang malambing kong wika at muling inangkin ang nakakaadik nitong mga
labi.
First time kong makipaghalikan sa
kapwa ko lalaki at ang masasabi ko it wasn’t that bad after all. Siguro dahil
ang kahalikan ko ngayon ay may malaking puwang sa aking puso na hindi ko
mabigyan ng pangalan.
Lalong lumalaim ang halikan naming
iyon and I can say that Alex is a very good kisser indeed. Di ko mapigilang
mapayakap nang mahigpit sa kanya nang bumaba ang mga halik nito sa leeg ko. No
women ever make me want for more by just kissing me. Kaya naman sinuklian ko
rin siya nang kaparehong halik na tinugon naman niya nang impit na mga ungol na
lalong nagpapaulol sa akin.
Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko
nang mag-simulang harugin ni Alex ang likod ko. I would admit na sa simpleng
hagud nito ay sobrang nagugustohan ko. Ramdam ko ang init ng mga palad nitong
nasa loob na nang t-shirt ko kaya para mas lalo ko pang maramdaman iyon ay agad
kong hinubad ang damit ko.
Nakita ko sa mga mata ni Alex ang
paghanga nang matanggal ko ang pangitaas kong saplot. At nagugustohan ko ang
paraan ng pagtitig nito sa aking katawan kaya naman lalo ko pa siyang tinukso.
Binigyan ko siya nang aking mapagpalang ngiti na sinamahan ko pa nang pagkagat-kagat
sa aking pang-ibabang labi.
Natawa ito sa ginawa ko.
“You’re such a teaser. Why did you
remove your shirt?” Nakangiti nitong sabi.
“So I can fully entertain you.” Maloko
kong sabi at muling inangkin ang mga labi nito.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment