By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta
-------------------------------
Jinx
Point of View
-------------------------------
Sampung oras ang naging
biyahe namin mula Manila hanggang Tuguegarao. Napakabigat ng nararamdaman ko na
kahit nakapatay na ang ilaw sa buong bus ay hindi parin ako mapakali o kahit
ipikit lang sana ang aking mga mata.
“Hindi ka din
makatulog?” tanong sa akin ng katabi kong nagpakilalang si Aris.
“Hindi ho. Nakaparami
kasing nangyari sa Linggong ito. Hindi ko alam kung paano ko lulusutan ang
lahat ng pinagdadaanan ko ngayon.” Napabuntong- hininga ako.
“Gusto mo bang
ikuwento sa akin. Minsan nakakatulong sa iyo na sabihin sa iba ang
pinagdadaanan mo.”
At dahil doon ay
parang matagal ko na siyang kilala. Nagawa kong ikuwento ang lahat ng nangyari.
Tanging malalim na hininga ang naisukli niya sa akin sa tuwing humihinto ako at
punasan ang aking mga luha.
“Ganoon talaga ang buhay.
Kailangan mong tibayan ang iyong kalooban. Masasaktan ka ngunit kung malagpasan
mo ang lahat ng iyan ay mas magiging matibay ka. Bata ka pa, marami ka pang
pagdadaanan at sabihin ko sa’yo lahat ng mga nangyari ngayon ay isang pilat na
lang sa’yo sa pagdating ng panahon. Sana ang mga sugat na iyan ay hayaan mo
munang gumaling at kailangan mong tulungan ang iyong sarili. Hindi lang ikaw
ang nasasaktan sa mundo. Marami tayo. Hindi lang ikaw ang nawalan, kasama din
ako doon ngunit kailangan nating ipagpatuloy ang buhay at lumaban para sa
kanilang pumanaw na.”






