Wednesday, January 2, 2013

MRT (01-03)

by: unbroken

“Same time. Dun sa parke na lagi nating pinupuntahan. Sa may swing.”

Lagi na namang nageecho sa aking mga tainga ang mga salitang yan. Sa tuwing naalala ko yan,hindi ko maiwasan na hindi masaktan. Nakita ng parkeng iyon kung paano ako lumuha, nasaksihan ng swing ang matitinding emosyon na pinakawalan namin, piping tagamasid ang mga puno sa paligid nito. Makalipas ang ilang taon ay nandun pa rin ang sakit,iniinda ko pa rin ang tila kutsilyong nakatarak sa puso ko ang mga salitang sumira at bumago ng buhay ko.

“I can’t be with you anymore.”

“Sorry.”


“If fate permits, we’ll meet again. That’s the time we’ll have to realize we’re meant.”

Tangina. Sorry? Yun nalang yun? Lahat ng pinagdaanan mawawala para sa isang di malaman na dahilan. After all of the trainwreck? After all of the tears? After all of the years? Ganito nalang mawawala lahat? Bakit may mga taong mahilig magpahula ng dahilan? Hindi ba nila alam na nakakapraning magisip ng dahilan why relationships didn’t work out? Hindi ba nila alam na unfair yun? Hindi ba nila alam na masakit?

Sa pagmumuni-muni ko na yun narealize ko na pumatak na pala ang aking luha. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga na nakaagaw pansin sa mga kasabay kong pasahero ng MRT.

“Are you okay?” sabi ng isang lalaking katabi ko.

“Ahh. Yeah. I’m okay. Thanks.” Sabi ko sa estrangherong pakialamero.

“It’s just weird for me to see a cute guy cry.” Sabi nito sabay kindat.

Nakaramdam ako ng kakaiba sa lalaking ito. Pero dahil sa overwhelmed ako ng sadness na nararamdaman ko ay nginitian ko lang sya. Nagpakawala ako ng buntong hininga at sumandal sa may pinto ng operator ng train sa last coaster. Mayugyog ang pagpapaandar ng MRT,medyo may karamihan ang tao sa dito pero hindi pa naman gaano kasiksikan. Nakakaramdam ako na ito’y magiging blockbuster na naman pagdating naming ng Quezon Avenue or even sa Cubao Station. Sinalpak ko nalang ang headset ko sa tenga para kahit papaano madivert ang dapat madivert.

“Quezon Avenue Station. Quezon Avenue Station.” Bruskong sabi ng operator.

Alright. Here we go. Natanaw ko na na may karamihan ang sasakay ng Quezon Avenue Station kaya hinanda ko na ang sarili kong mapipi sa kung ano mang sitwasyon. Nilagay ko na rin ang aking cellphone sa may bulsa sa harap ng aking polo ganun din ang aking coin purse. Pagbukas na pagbukas palang ng train ay excited ng nagtutulakan ang mga atat at walang disiplinang pasahero. Akala mo ay mauubos ang train ng MRT. Ilang Segundo lang ay pipi na ako,maging ang plantsado kong itim na polo ay gusot na rin.

Dikit na dikit na rin ako sa lalaking pumuna sa aking pagiyak. Ngayon ko lang napansin ang itsura nya,nothing much,pero pwede na sa “lonely nights”. Mas mataas sya sa akin,siguro mga 5’8 or 5’9,may hubog naman ang katawaan,malapad yung likod nya,maganda yung balikat,pointed naman ang ilong,bilugan at brown ang mga mata at higit sa lahat may facial hair at ang ganda ng side burns. Hindi ko napansin na nakatitig pala sya sa akin habang sinusuri ko sya. Nagtama ang mga mata namin at nakita kong ngumiti sya,nakaramdam ako ng pagkapahiya.

“Enjoying the view?” malanding sabi nito habang nakalapit ang kanyang bibig sa aking tenga.

Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha. Hindi agad ako nakaimik,tila naparalisa ang aking 52mb na utak. Binigyan ko sya ng isang nagmamagandang tingin pero wala akong salitang sinabi. Nang masilayan nya ang tingin ko ay napangiti sya. Nakakaloko. Patuloy ang pakikipagbuno ko sa twists and sways ng MRT,yugyog dito,yugyog doon,I love it. Bawat station ay mas nagiging sardinas. Siksik na siksik. Jam-packed. Mas naging magkadikit kami ng mayabang kong katabi.

“Cubao Station. Cubao Station.” Umeepal na sabi ng operator.

Tulad ng inaasahan excited na naman makasakay ang mga bwisit na tao. Todo tulak. Naiirita na ako sa sikip. Sa loob ng 10 segundo sobrang dami nang nangyari. Ang alam ko nalang ay nasa gilid na gilid na ako at napunta sa harap ko ang mayabang na nasa gilid ko lang kanina. Side by side kami kanina,ngayon,face to face na. Naramdaman kong nakatitig sya sa akin,tila ba sinusuri ako ng husto habang sobrang magkadikit ang aming mga katawan. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan,maging ang kanyang paghinga,take note,ramdam ko din ang bulge na di ko alam kung kinikiskis ba nya intentionally. Hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sya sa akin.

“Enjoying the view?”pabalik kong tanong sa kanya. Pabiro kong sabing may halong sarkasmo.

Ngumiti ito.

“Yeah. Enjoying it a lot. You really remind me of someone.” Mahinang sabi nito.

Nagulat ako sa narinig. Nahuli ko nalang ang aking sariling nakatitig sa kanya. At ganoon din sya sa akin. Nilagay nya ang kanyang dalawang kamay sa tabi ng aking mga tenga. Sobrang dikit ang aming mga katawan ganoon din ang aking mukha. Abala ang mga tao sa MRT,malamang hindi kami halata dahil sa sobrang siksikan. Tinginan at ngitian ang aming usapan,habang nadidikit ang kanyang katawan sa akin ay may naalala akong isang kakaibang pabango. Naging mabagal ang aking paghinga. Nangingilid ang aking mga luha.

“Jovan black?” naiiyak kong tanong sa kanya.

“My perfume?” nagtataka nyang tanong.

“Yep. Jovan black?” mahina at naiiyak kong sabi.

“Marunong ka pala magsalita eh,yep. Jovan Black,mabaho ba? Papalitan ko if you want.”nagpapacute nitong sabi.

“Ha? Nope. May naalala lang ako. Sorry.” Sabi ko sabay bagsak ng isang mainit na butyl ng luha.

Nakita nya akong lumuha at nahalata sa kanyang mukha ang gulat at pagkabagabag. Nanatili syang nakatitig sa akin habang parang bata akong humihikbi. Nakita ko ang kanyang malalim na pagbuntong-hininga.

“Remembering an ex?” tanong nito.

Malungkot na ngiti lang ang sinagot ko. Naramdaman ko ang pagkataranta sa kanya.

“Ahhh I’m sorry. Sorry talaga. Can I wipe your tears?”

Hindi ko alam kung bakit pero tumango ako.

Dahan dahan nyang pinunasan ang aking luha gamit ang kanyang kamay. Nakaramdam ako ng sinseridad sa kanyang ginawa pero ayoko magexpect. Maybe this is just a fling. He’s just a flirt and I’m just a hopeless romantic.

“Ortigas Station. Ortigas Station.”

“Pababa na ako ng Boni. I want to get in touch with you.” Sabi nito habang nakatitig pa rin sa akin.

“Seryoso ka?” nalilito at kinikilig kong tanong.

“Mukha ba kong nagbibiro?” sabi nito sabay ngiti.

“Ha? Hindi naman.” Natataranta kong sabi.

“Shaw Station. Shaw station.”

“Bilisan mo na. Malapit na ko bumaba.” Sabi nito.

“Kukunin mo ba number ko?” sabi ko.

“Oo. Sulat mo na bilis. Susunduin kita mamaya sa work. Dinner tayo.” Sabi nito sabay ngiti.

“Ha?”

“Di ka ba nakakaintindi ng tagalog? English ba gusto mo o Spanish?” pabiro nitong sabi.

“Ewan ko sayo.” Sabi ko sabay ngiti.

“Quiero besar tus labios.” Sabi nito sabay ngiti.

“Why do you want to kiss my lips?” sabi ko sa kanya.

Halatang nagulat sya na naintindihan ko ang sinabi nya.

“Entiendo Espanol Senor. Lo Siento. Puedo hablar Espanol tambien.” Sabi ko sabay tawa.

“Fine. You’re interesting.” Sabi nito sabay tawa.

“Boni Station. Boni Station.”

“Hey. Hey. Hala bababa na ako. How can I call you later? Let’s have dinner.”

Bumukas na ang pinto ng train at nagtutulakan na palabas ang mga tao. Halata sa mukha naming ang pagkataranta dahil we haven’t established a connection yet. Tinutulak na sya palabas ng isang lalaki,agad syang dumukot sa bulsa nya. Mabilis nyang inabot sa akin ang papel at nilagay ko agad sa bulsa at inayos ang sarili. Wow. I think okay ang araw ko. May lalaking nagpakita ng interes sa akin. Sana tulungan nya akong makamove on.

Bago sya tuluyang makaalis ay ngumiti sya muna sa akin.

“See you later.” Pahabol na sigaw nito.

Whew. That was a bummer. Mayabang pero may ibubuga naman. Sana makasama ko sya later. Kahit papaano ay nawala sa isip ko si Oel. Ako’y muling napabuntong-hininga. Tinignan ko ang calling card ng mokong. Mukhang sa isang law firm nagtatrabaho,Rex San Diego ang name. Let's see kung paano ba matatapos ang story namin ni Rex.

Nakababa na ng Boni Station ang mga tao at kahit papaano ay lumuwag ang place. Hindi naman karamihan ang sumakay kaya hindi rin kami nasiksik. Nasa isip ko pa ang moment namin ni Rex,ang angas nya,yung manly scent nya,yung init ng katawan nya,shit.

“Guadalupe Station,Guadalupe Station.”

Guadalupe? Shit!!! Lumagpas akooo. Ortigas lang ako. Wahhh. Lumabas agad ako ng train na parang naghahabol ng flight sa eroplano. Hindi ako pwedeng malate ngayon,yari ako. Kung kailan cut-off na saka pa ko malelate. Hindi ako pwedeng malate. Malaki mawawala sa sahod ko. Agad agad akong lumabas ng train at nagmadali para makalabas ng train station. Para akong tangang nagmamadali sa paglabas sa pila. Singit dito,singit doon. Ilang segundo pa ay nagbunga na din ang paghihintay. Makakahabol ako sa trabaho nito. Magtetrain ako ulit. I just have to transfer papunta sa north bound.

Ako na ang susunod na magpapasok ng ticket para makalabas. Excitement,kaba at malamang adrenaline rush na ang bumabalot sa aking pagkatao. Okay. Here I go. Tinapat ko na ang ticket ng train nang biglang may isang pamilyar na boses na tumawag sa aking pangalan.

“Rob!”

Nanginig ako sa boses na ito. Pamilyar. Nandun pa din ang gaspang nito. Bruskong brusko,ilang taon na din nang huli kong marinig ang boses na ito. Nakaramdam ako ng kakaiba. Hindi ko mawari,saya?lungkot?galit? Ano ba? Hindi ko na alam. Natagpuan ko nalang ang sarili kong lumuluha.

“Kuya,bababa ka na ba? Kung hindi,pwede kami muna? Nakaharang ka eh? Nagmamadali kami.” masungit na turan ng babae sa likod ko.

Hindi ko sya pinansin, gumilid nalang ako at nagbigay daan sa mga kasabayan kong pasahero. Nanatili akong nakatalikod sa kung sino mang tumawag sa aking pangalan. Naninigas ang aking mga kalamnan sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga labi. Nakikinita ko ang aking sariling humihikbi na parang bata. Ilang segundo pa,naramdaman kong muli ang bigat ng kanyang mga palad sa aking kanang balikat. Ang akbay na hindi ko naramdaman sa loob ng ilang taon.

“Rob?” sabi nito.

Humarap ako at naiyak sa aking nakita. Si Oel. Walang pinagbago. Mas pumuti pa. Ganoon pa rin sya,matangkad,bilog na bilog pa din ang mga mapupungay na mga mata. Bakas sa kanyang mga mata ang excitement at kita din sa kanyang nangungusap na mga mata na masaya sya at nakita nya ako. Pero hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Yayakapin ko ba sya?

Hindi ako makapagisip ng maayos. Naparalisa ako sa kinatatayuan ko. Napuna ko nalang na para kaming mga artistang umaarte sa isang soap opera. Nakatingin ang mga tao sa station na parang mga fans,rumorolyo ang tape,walang script,pakiramdaman sa eksena. Ilang segundo pa ay nararamdaman kong bubuhos na ang emosyong matagal ng naipon. Humikbi ako na parang bata kasabay nito ang kanyang malalaking brasong inangkla nya sa aking leeg para maisubsob nya ako sa kanyang matipunong dibdib.

Iyak Rob. Iyak. Umiyak ka na parang walang bukas. Umiyak ka.

Nandoon pa rin yung init ng kanyang mga yakap. Kuryente pa rin ang dulot ng init ng kanyang katawan. Pagmamahal pa rin ang pahiwatig ng kanyang mga haplos. Walang nagbago. Mahal pa ba nya ko o nagiilusyon lang ako? Ano ba?

Nagyakap kami na parang walang bukas. Ilang segundo pa ay kumalas sya mula sa pagkakatagpi ng aming mga katawan. Tumingin ito sa aking mga mata at ngumiti.

“It was nice seeing you again. Ang tagal nating di nagkita.” sabi nito.

“6 na taon?” naiiyak kong tanong.

“Oo. 6 na mahabang taon.” sagot nito.

Tahimik.

“Ano nang balita? Kamusta ka na? Bihis na bihis ka ah? San ka pupunta?” sunod sunod na tanong nito.

“Sa trabaho.”

“Late ka na ba? Sandali lang may papakilala ako sayo.” sabi nito.

“Ha?” tila wala sa sarili kong sagot.

“Ah eh sino?” nangangatal kong tanong.

“Asawa ko.” nagaalangang sagot nito.

Tumingin sya sa akin. Guilty. Nagulat ako sa narinig. Iniwan ako dahil nagasawa sya? Ano ba? Hindi ko alam. Parang tinarakan ng kinakalawang na kutsilyo ang dibdib ko. Ang sakit. Ang tagal kong hinantay ang pagkakataong ito para lang malaman na may asawa na sya. I tried to manage a fake,cold smile. I did. Kasabay nito ang pagtulo ng kanina pang umeepal na mga luha. Di ko pa rin pala kaya. Masakit pa rin. Hindi pa rin ako nakakamove on sa loob ng 6 na taon.

Then there's an awkward silence.

“Padating na sila in a few minutes. Kasama yung anak ko.”

Ouch. May anak na rin pala.

“I don't think makikita ko sila ngayon. I really have to go to work. Malelate na ako.” naiiyak kong sagot.

“Please? Kahit 5 more minutes.” pakikiusap nito.

“Oel I can't. Can't you see? Tanga ka ba? I'm hurt. After 6 years? You left me like a trash tapos now you're expecting that nothing has changed? Na parang isang araw lang tayong di nagkita tapos okay na? Fuck you Oel. Shame on you.” parang rmachine gun kong banat sa kanya.

Natahimik ang gago. Nagitla sa nangyari. Bull's eye. Bigla kong nabulaslas ang matagal ko ng kinikimkim na sakit. Tumalikod ako sa kanya at lumakad papalayo.

“Rob! Sorry.”

Humarap akong muli sa kanya. Tumitig sa kanyang mga mata at ngumiti ng mapait.

“You're sorry. I know. That's all you can say. After all these years Oel. Shame on you.” galit at naiiyak kong sabi.

Agad akong lumabas ng station ng train. Nagtakang humabol si Oel pero nakalabas na ako. Wala syang nagawa kundi sumigaw.

“ROB!“Bukas! Same time. Dun sa parke na lagi nating pinupuntahan. Sa may swing!Please!”

Umiyak ako pagkarinig nito. Same time. Same park. Same spot. At tumakbo ako pababa ng Guadalupe Station ng MRT. Nagtaxi papunta ng office. Bongga. I was 20 minutes late. Pag kinantot ka talaga ng malas.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


strangersandunbrokenangels.blogspot.com



by: unbroken

Late for work. For the first time sa aking 2 taong pagtatrabaho dito sa lintik na opisinang ito. Agad agad kong nilapag ang aking bag sa table at umupo sa office chair na doble pa sa akin ang size. Haggard na kung haggard. Halata sa aking mga officemate ang malaking pagkagulat nang makita nila ako sa kung ano mang estado ko. Pawisan. Lukot ang damit. Mukhang stressed. Pero dedma lang.

“Shit. I'm late.” sabi ko.

“First time.” sabi ni Choi na katapat ko ng station.

“Yun nga tol. Kinantot ng malas eh.” sabi ko sabay ngiti.

“Bakit bro?” sabi nito habang abala sa pagtatype ng kung ano ano sa kanyang computer.

“May nakitang di kaaya-aya. Ayun,nalate.” sabi ko habang nagpupunas ng pawis gamit ang aking Armando Carusong panyo.

“Sino bro? Ex mo ba?” sabi nito.

“Ha?” nabigla kong sagot.


Napatingin sa akin si Choi na halatang nagaantay ng sagot. Para akong gagong napako sa pagtitig sa kanya. Si Choi ay FilChi. May kagwapuhan,maputi at pantay ang mga ngipin. Matangos naman ang ilong at matangkad. Award na award sya pag nakaformal attire,makikita mo talaga ang hubog ng kanayang katawan. Lalo na sa slacks,umbok na umbok ang dakota harrison plaza nyang nutribun. Alaga nya ang kanyang built sa pagygym kaya asahan mo na maganda at walang fats ang kanyang tiyan.

“Uy? Rob? Ano na?” pagputol nito sa aking namumuong daydream.

“Ah? Sorry. Ano ulit yon?” tanong kong wala sa sarili.

“Ngek. Sabi ko kung sino yung nakita mo? Ex mo ba?” sabi nito sabay kamot sa ulo. Halatang naguluhan.

“Ahh,Sorry Choi. Medyo preoccupied.” sabi ko sabay buntong hininga.

“Rob,not enough vitamins ka na naman. Lagi kang ganyan. Nagdadrugs ka ba?” sabi nito sabay ngiti.

“Gago. Lutang lang talaga. Yeah. I saw an ex na hindi ko nakita for 6 years.” sabi ko.

“Wow. Tapos ano? Yung feeling na gusto syang habulin at yakapin ulit? Like what you did sa Luneta? Hehe.” pabiro nitong sabi.

“Kinda.” maiksi kong tugon.

“Awwww. Ayy nagreminisce ka naman bigla. Kaya nga “X” diba? Problema ang dala. Parang sa Math lang,laging problema ang X. Move on tol.” nangiinis na sabi nito.

“Okay na naman ako no.” defensive kong sabi.

“Okay eh bakit haggard na haggard ka? Tapos mukha ka pang upset.” sabi nito.

“Hayaan mo na. Magiging okay naman din ako Choi.” sabi ko.

“Hay. Ganito gawin mo,Text M-O-V-E Space ON send mo sa 4627.” sabi nito.

“Gago.”

“Fine. Get back to work. I mean,magumpisa ka na.” sabi nito sabay kurot sa aking pisngi.

Hindi ko malaman kung ano ba si Choi,straight ba o hindi? Minsan ay malambing,minsan naman ay halos hindi ka kibuin,kahit ano pa sya kebs ko ba. Kung magout sya eh iwewelcome ko sya with matching “I'm coming out” na tugtog ni Ate Diana Ross. Pero paano? Di din pala ako out. Shit.
Napakamot ako sa ulo dahil sa napakamisteryosong si Choi. Paano kung bakla din to? Sadyang paminta lang? Ano ba?

I owe Choi one. He made me forget Oel for a moment.

Back to business. Work.

Mabilis na lumipad ang mga oras. Nasubsob ako sa pagtatrabaho. Natapos ng walang kaeffort effort ang mga deadlines. Malaya ng makalipad mula sa sandamakmak na papel,files,at kung ano ano pa. Sumapit ang 6 ng gabi at oras na para magbreak.

“Rob,dinner tayo?” tanong ni Choi.

“Ha?” nagulat kong sabi.

“Dinner. Dinner? Do you need a dictionary pa ba para maintindihan mo?”

“Ang sungit mo.” sagot ko. Iritado.

“Ano ka ba? I'm asking you to go with me. I'm asking you to eat dinner with me.” napataas ang boses nitong turan.

“Ayy? Kailangan sumisigaw? Wag mo ko sigawan babangasan ko mukha mo.” nainis kong sabi.

“Sorry Rob,gutom lang ako. Ano na? Sasama ka ba sa akin?”

“Di na. May baon ako.” pagpapalusot ko.

“Di ka nagbabaon Rob. I've been watching you ever since.”mahina at nakangisi nitong sabi.

Nagulat ako sa narinig. Mukhang alam ko na ang dugo ng mokong na to.

“Really? At bakit mo ko iniistalk kupal ka.” sabi kong may halo ng pagtataray ang boses.

“Wala lang. I just want to be close to you. I mean parang kapatid or kaibigan.” sabi nito mahina at malungkot ang boses.

“Hmmm. Okay. Fine.”

“Sama ka na please?” pakiusap nito.

Tumitig ako sa kanyang mga mata at nakakita ng sinseridad sa kanyang sinasabi. Weird,kung gaano kasungit ang mukha ni Choi pag nagagalit ay ganoong amo naman nito kapag nakikusap. Nakaramdam ako ng pagbablush. Pero hindi dapat ako kumiri ng ganito dahil di ko pa nga confirmed kung berde ba itong mokong na ito.

“Rob please?” pagputol nya sa moment ko.

“Please?” dagdag pa nito.

“Saan ba tayo kakain? 50 lang budget ko.” sabi ko.

“No worries,my treat.” sabi nito sabay ngiti.

“Ay,yun naman pala eh,sana sinabi mo kaagad para di na tayo nagtalo pa ng matagal.” sabi ko sabay
lapit sa kanya na parang batang aabutan ng pasalubong.

“Sus,libre lang pala katapat.” sabay tawa.

“Naman.”

Tawanan.

Mabilis na kaming nagkapalagayan ng loob ni Choi. Dati ay sakto lang. Hindi ko alam kung anong nakain nito kaya nakipagclose sa akin at nilibre pa ako ng dinner. Umorder sya ng pagkain sa KFC. Okay naman at nabusog kami,parang magkakilala na kami ng pagkatagal tagal. Habang kumakain kami ng mashed potato ay bigla syang nagsalita.

“Rob,can I ask you a question?”

“Sure Choi. Ano yun?”

“Pangit ba ako?” sabi nito sabay wink

“Ha? Hindi ah. Sino may sabi?” sagot ko.

“Wala naman.” sabi nito sabay buntong-hininga.

“Weh? Di nga?” sabi ko.

“Oo nga adik ka.”

“Choi,sino mas magaling? Si Mariah o si Regine?” tanong ko.

Napatingin sya sa akin. Halatang nagulat sa tanong ko. Nakita ko rin ang pamumula ng kanyang mukha.

“Mariah.kasi nagwhiwhistle eh. Ang taas ng boses.” sabi nito habang ngumingisi.

“Ayy ako kasi Regine. Pag bumirit boses pekpek.” sabi ko.

Tumitig ito sa akin at ngumiti.

“Okay. Alam ko na kung bakit mo tinatanong si Mariah at Regine. You are trying to tell if I'm gay.”

Shoot sa banga ang sinabi ni Choi. Tumpak. Naalala ko ang sinabi ng aking Psychology professor na pag gusto ng isang lalaki si Mariah o si Regine malamang sa alamang ay baklita yan. Lalo na pag ang dahilan ang whistle ni Mariah o ang tili ni Regine? Confirmed.

Natawa ako dahil natumbok nya. Ngumiti ako sa kanya at nakipageye to eye contact.

“Yes. I want to know if you're gay.” pranka kong sabi.

“If I am?” tanong nito alangan.

“Walang problema,yayakapin kita at sasabihan ng “Welcome to the pink world.” sabi ko sabay bungisngis.

“So that means you're gay too?” tanong nito.

“With your question,alam ko ng kadugo kita. Welcome home sis.” sabi ko sabay apir sa kanya.

Tawanan. Ngayon nakahinga na ako ng maluwag nang malaman kong hindi sya straight. Crush ko pa naman sya,medyo lang. Nagkwentuhan pa kami na parang walang bukas. Lumipas ang oras at kailangan naming bumalik ulit sa office para magtrabaho. Nanlaki ang mata ng mga kaopisina ko nang marinig nilang nagtatawanan kami ni Choi. Sa tagal tagal kasing namalagi ni Choi sa office ay hindi pa yan narinig tumawa,ngayon lang.

Bumalik kami sa aming mga station na parang wala lang. Ngayon alam ko na ang kanyang dirty little secret. Pero nagtataka pa rin ako all of a sudden ay nakipagclose sya with matching “I'm coming out” drama pa. Nakakalito. Nasa ganong effect ako ng bigla kong naisip si Rex. OMG? I have to call him. Nice catch yung mokong na yun. Kailangan kong hanapin ang calling card.
Ilang segundo pa ay nakapa ko ang kapirasong parihabang papel sa bulsa ng aking pantalon. Dali dali ko itong nilabas.

Excited kong pinindot ang buradong number ng landline. Nagring. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.

“Hello.” sabi ng boses sa kabilang linya.

“Ahh,Hi.” nanginginig kong sabi.

“Hello Good Evening,this is San Diego Law Associates,how may I help you?”

“Yeah.Hi! Good Evening,pwede bang makausap si Rex?”

Lubdub. Lubdub. Lubdub. Tunog ng aking pumuputok na puso.

“Sir may appointment po ba kayo kay Mr.San Diego?”

“Ahh,wala naman, Kaibigan nya ako.”

“Ganoon po ba Sir,pwede ko po bang malaman ang pangalan nila?”

“Pakisabi si Rob to.” nauutal kong sabi.

“Sir Rex,Rob daw po.” Pasigaw na usal ng babae sa mga tao sa kanilang opisina.

Ilang segundo pa ay may lalaking nagsalita.

“Hello? Rex here,speaking.”

“Ahhh hi,do you still remember me?” patweetums kong sabi.

“I'm afraid not.” masungit na sabi nito. “If you don't mind,I have a lot of paperworks to do. I am damn pressured and I don't need a phone pal now.” dagdag pa nito.

“Ayy ang sungit.” sabi ko,halata ang lungkot sa boses.

“Wait. Rob Rob Rob.Yung sa MRT ba?” nabigla nitong sabi.

“Oo. Oh Sige na. Mukhang busy ka na at susungitan mo lang ako.” nagiinarte kong sabi.

“Hey Hey wait.” natataranta nitong sabi.

“Sige na. Do your fucking paperworks na.” arte mode on.

“Sorry Rob. I didn't recognize you. Sorry ha? Medyo stressed lang dito sa office.” sabi nito.

“Okay.” inarte kong sagot.

“Hey,hala. Tampo na ang baby ah. Hmmm wait,I'll pick you up later? Dinner?” naglalambing na sabi nito.

“Ewan.” paeffect kong sabi.

“Sorry please? Hmmm. Babawi ako later okay? Text mo ko including your office address. Sunduin kita? I know a place.” sabi nito.

“Sige na nga. Bye na.” sabi ko.

“Bati na tayo? Please? Sorry ulit ha? Aantayin ko message mo ha?”

“Opo. Bati na tayo.”

“Okay. I have to go now ha? Nasa card naman yung number ko. SMS me.”

The line got disconnected.

After the phone call parang iba na naman ang nararamdam ko. Para na namang akong 15 years old na nakita ang campus heartthrob. Para na naman akong dalaginding na kumikire at gusto ibuyangyang ang flower sa mga bubuyog. Naexcite ako sa pwedeng mangyari mamaya,will he ask me out? Ano gagawin nya? I mean may flowers ba syang dala? May chocolates ba? OMG. I am so excited. Para akong matatae sa excitement.

“Rob,nagdedaydream ka na naman?” pagpigil ni Choi sa ngisi ko.

“Taena naman Choi nagmomoment na ako no? Kaasar to.”

“Rob,I need your help?” seryosong sabi nito.

“Anong tulong Choi? Pag pera wala ha.” pabiro kong sabi.

“Dyahe. Pero I need your help.” sabi nito sabay kamot ng ulo.

“Okay,ano ba yan? Kinakabahan ako sa'yo.” sabi kong nalilito.

“Eh I want my ex back.”

“What do you mean?”

“Gusto kong magustuhan nya ako ulit.” sabi nito sa akin.

“Mahirap yun Choi. Kung talagang wala na eh bakit mo pa ipipilit?” sabi ko.

“Please Rob? Tulungan mo ako?”

“Hindi ko sure. Ano ba gagawin?” nalilito kong sabi

“Can we pretend that we're a couple?”

“What?” napataas kilay kong tanong.

“Please?” nakikiusap na sabi nito.

“Bro,text M O V E space ON sa 4627. Bakit ako pa?”

“Please Rob? You're the best I've got.

Muli,Choi brought me to a state of confusion.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


strangersandunbrokenangels.blogspot.com



by: unbroken

Natulala ako for a moment. Tumulo ang laway. Nagdedaydream. Lumipad ang kilay sa kisame.

“So ano na Rob? Papayag ka bang maging Fake Bf ko?”

“Ha? Choi ano ba? Wala namang ganyanan oh” pagtanggi ko.

“Sige na please. Eto naman oh.”

“Akala mo naman madali yun. Hindi madali yun.” sagot ko.

“Bakit naman naging mahirap? I mean paano?” pangungulit pa nito.

“Ano ka ba? Kala mo naman ganun kadali lahat. Di ko nga maimagine na hinahawakan ko ang kamay mo. Yucckkyy ha? Hahaha.” sabi kong nangiinis.


“Ayyy arte much Rob? Pasalamat ka pa nga at Mr.United Nation ang nagpopropose sayo eh. Ayaw mo pa?” nagyayabang nitong sagot.

“Anong bansa naman nirerepresent mo? Africa?”

“May African bang singkit,maputi,matangkad,matangos ilong,mabango,manipis labi,in short “PERFECT” na kagaya ko?” mahaba at nagyayabang na sabi nito.

“Ayy ayos. Spell CONFIDENCE. Yan ang masama pag nasosobrahan ang pasok ng lamig ang ulo Choi,kumakapal ang mukha. Hahaha.” pangaasar ko pa.

Nasa ganoon kaming pagaasaran ng tumayo ang isa naming kasama sa area.

“Mga Tol,tapos ko na yung report ko. Mauuna na ako sa inyo. Di pa ba kayo tapos?” inaantok na tanong nito.

“Di pa eh,sige mauna ka na. We have to finish our files pa.” nakangiting sabi ni Choi.

“Actually ako tapos na kanina pa Choi,ikaw nalang ang hindi. Kuya Bert tara na sabay na tayo umuwi.”

“Tara.” maiksi at nakangiting sagot ni Kuya Bert sa amin.

Dali dali kong ipinasok ang mga papel sa loob ng aking folder,ipinasok ang folder sa plastic envelope,ipinasok ang plastic envelope sa attache case. Sinara ko ang aking bag at binitbit ito.
Tumayo ako at ipinagpag ang aking damit. Tumingin kay Choi at ngumiti.

“Ready na ako Kuya Bert.” sabi ko sabay ngiti.

“Tara na. Inaantok na ako Rob. Oh paano Choi mauuna na kami ha? Ikaw na ang magsara ng opisina.”

“Huh? Hindi pwede. Wag mo ko iwan dito Rob.” naiinis na sabi ni Choi.

“Choi para ka na namang ewan.” sabi ko sabay lakad.

Lumakad kami ni Kuya Bert papunta ng pinto nang biglang..

“Uuwi ka ba Rob?” pasigaw na sabi ni Choi.

“Oo. Bakit?”

“Sabay tayong uuwi.” Sigaw ni Choi.

Bakas sa mukha ni Kuya Bert ang malaking pagtataka. Mababanaag mo naman sa mukha ni Choi ang malaking inis at disappointment sa kanyang tono. Nakapako ang kanyang mga mata sa akin. Ibinato ko ang aking mga titig sa kanya at kitang-kita ang frustrations rito. Nakatayo kaming papalabas na ng pinto,napahinto kami na tila bang nagaantay ng mga susunod na linya.

“Wag kang uuwi Rob.” gigil na sabi ni Choi.

“Rob,ano bang problema ni Choi?” pabulong na sabi sa akin ng nagtatakang si Kuya Bert.

“Hindi ko alam kuya. Ano ba to. Pasensya na sa abala kuya. Tara na po.”

Akmang palabas na kami ni Kuya Bert nang muli na namang binaltik an tinotoyong si Choi.

“Subukan mong umuwi Rob,ipagkakalat ko ang sikreto mo.” matigas at pasigaw na sabi nito.

WTF. Ano daw?

Nagulat ako sa narinig. Maging si Kuya Bert ay napahinto. Tumitig ako kay Choi at kita ko ang ngiting demonyon nagtatago sa kanyang galit na mukha.

Fine.

“Sige Kuya Bert,mauna na po kayo.” sabi kong mahina.

“Sigurado ka ba?” sabi nito sa akin.

“Opo Kuya. Mauna na kayo.” sabi kong nahihiya.

“Oh sige. Ingat kayo.” sabi nito sa akin.

Tumalikod na si Kuya Bert at tuluyan ng nawala sa aking paningin. Nanatili akong nakatitig sa nakabukas na pintuan at tila nabigla sa mga pangyayari. Pakiramdam ko ay desperado talaga si Choi sa balak nya. Bakit nga naman nya ako pagbabantaan kung di sya seryoso?

Pasensya naman,ganito talaga pag 52mb ang utak.

Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Napapikit ako dala na marahil ng pagod at inis na nararamdaman sa inasal ni Choi. Nagulat nalang ako ng makaramdam ako ng init na nagmumula sa isang tao. Naramdaman ko ang pagdikit ng kanyang dibdib sa aking likod. Naramdaman ko ang paglock ng kanyang mga bisig sa aking mga dibdib. Naramdaman ko ang pagpatong ng kanyang mukha sa aking kanang balikat. Naamoy ko ang init ng kanyang hininga. na. Dama ko ang init. Dama ko ang pagyakap ni Choi mula sa aking likod.

Choi? Wag. Tukso layuan mo ako.

Nanatili kaming walang kibo. Sinara ni Choi ang pinto ng office ng hindi kumakalas sa pagkakayakap sa akin mula sa likod. Mas nagiging mahigpit ang yakap ni Choi. Ramdam ko ang pangungulila sa mga yapos nito.

At syempre ramdam ko din ang notang kanina pa tumutusok sa bubble butt ko. Tukso layuan mo ako.

“Sorry.” mahina at maamong sabi ni Choi.

“Naiinis ako sayo Choi.” sabi kong parang bata.

“Sorry na Rob. Please po?” sabi nitong malambing ang tono.

“Sorry naman saan?” sabi ko sa kanya na nagpapavirgin ang effect.

“Wala. Kasi parang tinakot kita. Eh hindi naman dapat,sorry kung parang desperate ako.” sabi nito.

“Yes. Ang desperate mo nga.” sabi kong pabiro.

“Sorry talaga. Sorry Rob.” sabi nito na parang nanunukso ang boses.

“Oo na nga. Umuwi na tayo. Tayong dalawa nalang dito oh? Baka may mawala at tayo pa ang madali ng management.” sabi ko.

Tahimik.

Nanatili akong tahimik. Nagaantay ng susunod na mga mangyayari habang patuloy parang magkadikit ang aming mga katawan na parang bato-balani. Makalipas ang ilan pang hinga, nagulat nalang ako nang pinihit ni Choi ang aking katawan paharap sa kanya. Hindi ako makapalag dahil hamak na mas malaki ang frame ng kanyang katawan sa akin. Sinandal nya ako sa pinto at hinawakan ng mahigpit ang aking mga balikat. Wala na akong kawala.

Sisigaw na ba ako ng Rape?

“Choi? Anong ginagawa mo?” nangangatal kong tanong.

Ngiti lang ang isinagot sa akin ni Choi. Isang seryoso at sabik na ngiti.

Bitawan mo ako. Pero parang nagugustuhan ko ang ginagawa mo. More. More. More.

Hawak ako ni Choi. Di ako makagalaw. Kung makatitig sya ay parang bwitreng dadagit ng patay na hayop. Wala akong magawa kundi tumitig din pabalik. Napansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata,di ko maiwasang magtaka kung bakit. Iniisip ko kung ano ba ang nasa isip ni Choi, kung ano tong ginagawa nyang kagaguhan sa akin. Iniisip ko kung bakit ako ang napili nya na magpanggap na BF nya. Nakakalito.

Ha? Ha? Shit. Eto na. Shit. Wag Choi. Wag.

At naramdaman ko nalang ang pagsibasib ng labi ni Choi sa aking mga labi. Tila isa itong batis na pumukaw sa uhaw na aking nararamdaman. Ang mga labi ni Choi ay parang tsokolate. Hindi ko alam pero nakita ko nalang ang sarili kong lumalaban sa bawat hagod ng kanyang labi sa akin. Tila ba may gyerang kinasangkutan ang aming mga dila. Tila sila'y nageeskrima sa saliw ng isang mapanuksong musika. Sa bawat lapat ng aming mga labi ay nasusunog ako sa apoy ng kamunduhan.

Choi is such a great kisser. He turns me on. He makes me fucking hard.

Ilang segundo pa ay kumalas sya sa mainit na pagtutuos ng aming mga labi. Kita namin sa mukha ng isa't isa ang paghabol sa mga tumatakbong hininga. Mababanaag mo sa aming mga mukha ang kakaibang pakiramdam. Kita ko sa mukha ni Choi ang saya na lalong nagpagulo ng aking nararamdaman.

“Rob.” mahinang sabi ni Choi habang nakatapat ang kanyang bibig sa aking tenga.

Pwede na ba kong kiligin?

“Uh-huh?” tangi kong nausal.

“Ang sarap.” sabi nito.

“Masarap alin?” nagtatanga tangahan kong sabi.

“Alam mo na yun.” nahihiya nitong sabi.

“Ano nga?” nagiinarte kong sabi.

Tumitig sya sa akin. Mata sa mata. Dahan dahan nyang kinuha ang aking mga kamay. Para kaming magsyotang nawalay sa isa't isa ng napakatagal. Ramdam ko ang kung ano mang ewang pinaparamdam nya sakin.

Ako lang ba ang nagassume? Or flirt lang talaga sya?

Sa pangalawang pagkakataon,muling nagtama ang aming mga labi. Nalasahan ko ang labi ni Choi. Matamis ito. Malambot. Napakalikot din ng kanyang dila. Lasap ko ang kanyang mabangong hininga. Hindi ko maipaliwanag.

Pwede bang maglaplapan nalang tayo lagi? Please?

Bumitaw muli si Choi at ngumiti.

“Masarap ba?” nakangiting sabi nito.

Jesus Christ. Nanlalambot akong naninigas.

“Oo.” maiksi at pakikay kong sagot.

“Nadadala ako sa halikan natin Rob. I might look for this everyday.” seryosong tono nito.

“Ha?” nagulat kong tanong.

“Sabi ko hahalikan kita ng ganito everyday.” sabi nitong nakatitig sa akin.

“At bakit?” bumalik ang katauhan ni Celia Rodriguez sa akin.

“Ayaw mo ba?”nangaakit na sabi nito.

Susmiyo.

“Ewan.” sabi ko sabay kalas sa paghawak nya sa aking kamay.

“Sorry Rob. Nadala lang ako.” sabi ni Choi. Apologetically.

“I don't know what you're after Choi. I really don't know.” sabi ko.

“Rob. Please? Pumayag ka na?” sabi nito.

“Pumayag ba saan Choi?”

“Na magpanggap tayo? Please?” sabi nito.

“Bakit mo ko hinalikan?” bigla kong nasabi.

“Wala. Basta. Ewan.” sagot nito sabay kamot ng ulo.

Ano yun? Trip lang nya kong laplapin?

“Impossibleng walang dahilan.” giit ko.

“Rob. Sorry. Wag ka na magalit. Gusto ko lang naman na ano eh.”

“Ano?”

“Gusto ko lang naman na pumayag ka. Kaya kita hinalikan.” mahinang sabi nito.

“So makukuha ako sa kiss lang ganun?” nagtataray kong sabi.

“Hindi naman sa ganun yun Rob. I mean I want to kiss you din naman.”

Ay! Kinilig naman ako.

“At bakit nga?” nagiinarte kong sagot.

“Kasi I want you to be comfortable sa akin. Para pag nagpanggap na tayo parang wala lang. I mean makakapagkiss tayo ng walang hirap.” paliwanag nito sa akin.

“Ay? At sigurado ka talagang mapapaOO mo ako no? Kapal.” sabi ko.

“Please Rob?Kahit ano gagawin ko pumayag ka lang?” desperado nitong sabi.

“Kahit ano?” tanong ko.

“Oo. Sabihin mo at gagawin ko. Kahit ano. Please?” desperado nitong tugon.

Ramdam ako ang despair sa kanyang tono.

“Okay. Fine.” sagot kong malamig.

“So pumapayag ka na?” nangingiti nitong tanong.

“Just make sure na gagawin mo lahat mg iuutos ko.” ngiting demonyo.

“Oo Rob. Promise.” seryosong sabi nito.

“Sige. May ipapagawa ako sayo. Pero hindi pa ngayon. Let's save it pag tapos na ang palabas natin.”

Kung may game plan ka,meron din ako. Akala mo ha.

“Deal?” sabi nya.

“Deal.”

At kami'y nashake hands. Ngumiti sa isa't isa. Simula na ng palabas. Simula na ng laban.

“So paanong set up natin?” tanong ko.

“Ha? May set up pa ba?” tanong nito sa akin.

“Kailan tayo magpapanggap? Paano?” tanong ko.

“Ahh. Oo. Sige. Sasabihin ko sayo kung kailan. Pero alam ko may gathering kaming magkakabarkada at pupunta si Ex. Dun kita isasama.” sabi nito.

“Sure. Basta sagot mong lahat ha?” pabiro kong sabi.

“Oo naman. Sagot ko lahat,wala kang poproblemahin.” nakangiti nitong sabi.

Bigla kaming natahimik pareho. Ngumiti sya,ganun din ako. Lumapit na sya sa table nya at inayos ang mga gamit. Ilang segundo pa ay bitbit na nya ang kanyang bag at lumabas na kami ng opisina. Walang kibuan. Nagantay ng elevator. Pumasok. Kaming dalawa lang ang tao.

Nagitla ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pero dahil sa hindi ako maramot.ako ay nagpaubaya.

Lubdub. Lubdub. Lubdub.

Hawak nya ang aking kamay at wala kaming kibuan. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Kung ano man ito? Alam kong nagugustuhan ko. Alam kong hindi tama,alam kong may posibilidad na.. Ewan. Basta.

“Ang sweet mo. Baka mamihasa ako.” sabi ko

“Wag kang magalala. Bibigyan kita lagi ng tubig para di ka masuya.” pabiro nitong sabi.

Ilang segundo pa ay narating na namin ang ground floor. Bumaba na kami. Kinuha ako ang aking cellphone at tinext ang address ng office namin. Mali ang diskarte ko. I should have texted Rex earlier para di ako magantay ng matagal. Napatingin ako sa relo ko unconsciosuly.

“May inaantay ka ba?” putol ni Choi sa katahimikan.

“Ha? Oo eh. Sige na mauna ka na Choi.” sabi ko.

“Saan ba manggagaling yung inaantay mo?” tanong nito.

“Sa work din. Di ko alam kung saang place ba eh.” sagot ko.

“Sige. Samahan kita antayin na natin po.” malambing na sabi ni Choi.

“Sure ka?” sagot ko.

“Oo. Sure. Sure na sure po.” masayang sabi ni Choi.

Nagtext si Rex na on the way na daw sya. I can't help but to giggle. Nahalata ata ito ni Choi at nagreact.

“Sino bang imemeet mo? Bakit parang ang saya saya mo ha?” sabi nitong parang ewan.

“Secret.” nangaasar kong sabi.

“Ano ba?Sino nga eh?” naiiritang sabi ni Choi.

Ayyy? Bakit ka nagmamaasim?

“Bakit ba Choi? Iwanan mo na nga ako. Kaya ko na. Naiirita ka na eh.” sabi ko kay Choi.

“Sorry Babe.” sabi nito.

Did I hear it right? Babe? Babe daw oh? Biik ako?

“Choi? Did you just say Babe?” tanong ko.

Namula si Choi. Bulls eye.

“Ha? Hindi. Nevermind.”

“Sus. Okay.”

Ilang segundo pa ay nagtext na si Rex. Nasa may entrance na daw sya ng building namin. Agad agad kaming pumunta ni Choi at nakita ko si Rex. Suot pa rin nya ang suot nya kanina sa MRT. Agad ko syang nilapitan at isang akbay ang ibinati nya sa akin.

“Uy,sorry kanina ha? Ang tanga tanga kasi talaga nung secretary ko eh.” pagpapaliwanag nito.

“Wala yun. So saan tayo?” sabi ko.

Nasaan na si Choi? Wait.

“Choi. Tara rito.” sigaw ko kay Choi na parang di maipinta ang mukha.

Dahan dahang lumapit si Choi sa amin ni Rex at parang pareho silang nagulat nang makita ang isa't isa. Hindi ako makaimik sa labis na pagtataka.

“Ikaw?” sabi ni Choi kay Rex.

“Magkakilala kayo?” sabat kong nalilito.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


strangersandunbrokenangels.blogspot.com


No comments:

Post a Comment