By:
bx_35
E-mail:
bx_35 (Yahoo)
Source:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
[06]
Capítulo
Seis – El Acontecimiento
“Congrats
sa success ng University Week”
“Sobrang
enjoy ako sa mga booths”
“Ang
ganda ng choices sa movie booth kaya kahit pinanood ko na dati ay pinanood ko
pa rin ngayon”
“Parang
professional ang mga shots ng mga kasama sa contest”
“Nakakapagod
yung marathon kaninang umaga pero enjoy”
“Na-inspired
naman ako sa Tree Planting at Feeding Program”
“Ang
hirap ng mga tanong sa quiz bee, kaya kahit matatalino ang mga contestants ay
pinagpawisan din sa pagsagot”
“Excited
na akong manood sa Mr. and Ms. University mamayang gabi”
“This
is the best University Week ever”
Yan
ang mga pagbati at papuri na naririnig ni Chigo mula sa mga estudyante at
faculty na nakakasalubong niya.
“Salamat,
pero hindi ko kayang solohin ang mga papuri ninyo. In behalf of the Student
Council body, maraming salamat ulit” ang pa-humble na sagot ni Chigo sa mga
estudyante at faculty members.
Kitang-kita
talaga ni Chigo na masaya ang mga estudyante at faculty na patunay lang noon na
naging successful ang mga programs at events na pinagpaguran ng mga kasama
niya, at siempre sa pamumuno niya.
At
sa huling araw ay gaganapin ang final event, ang Socilization Night.
“Self
Expression” yan ang theme na naisip ng grupo ni Chigo sa huling gabi ng
University Week nila. Naglagay sila ng isang banner na pwedeng sulatan ng mga
estudyante kung ano ang kanilang saloobin at kung ano man ang gusto nilang
isulat. At kagaya ng theme, hinikayat nila na magbihis ang mga estudyante kung
saan sila magiging komportable, pwedeng formal, semi-formal, casual, Hawaiian,
anime inspired, naka-maskara, kahit ano basta ma-express nila ang sarili nila
sa pamamagitan ng kanilang kasuotan.
Naka-assign
na magbigay ng Welcome Address si Chigo bago ang simula ng event, hindi katulad
ng iba na natatakot magsalita sa harap ng maraming tao, sanay na siya sa
ganitong eksena.
“Ladies
and gentlemen, let’s welcome Mr. Chigo Jimenez for his speech” pagtawag ng host
kay Chigo.
“Sa
mga panungkulan ng Unibersidad na ito, sa pamumuno ang ating pinakamamahal na
Presidente, kasama ang mga guro, estudyante, at mga panauhin, isang mapayapang
gabi sa lahat.
Maraming
salamat sa mga faculty, sa mga kasamahan kong officers, volunteers at sponsors,
dahil kung hindi sa kanila ay hindi magiging successful ang buong Foundation
Week natin. Marami akong nakakasalubong na bumabati sa akin, pero ayaw kong
solohin ang papuri dahil alam kong marami rin ang naghirap, nagpawis, at nagpakapagod
para maging maganda ang lahat ng events.
Siguro
maraming nagtatanong kung bakit “Self Expression” ang naging theme ng gabing
ito, simple lang, gusto namin na maging malaya kayong mamili kung ano ang
isusuot at magiging ayos ninyo. Hindi katulad kung nag-set kami ng dress code,
halimbawa formal o masquerade, siguradong merong hindi komportable o
mahihirapang maghanap pa ng isusuot. Gusto naming maging komportable kayo,
katulad ko, aaminin ko nahirapan akong naghapan sa Egyptian Emperor inspired costume
na suot ko ngayon, pero dito ako komportable at ito ang gusto kong isuot, kaya
ito ang napili ko.
Masaya
akong makakita ngayon ng iba-ibang klase ng kasuotan, merong naka-formal,
sports uniforms, anime, fairy, national dress, at kung anu-ano pa. Pero bukod
sa costume, gusto rin naming mangyari sa gabing ito ay i-express ang sarili
natin, naglagay kami ng banner para maisulat o mas maiigi kung masabi natin sa
mga kaibigan o kakilala natin kung ano man ang gusto nating sabihin. Sa atin
ang gabing ito, ang gabi kung saan pwede tayong maging malaya sa pamamagitan ng
pag-express ng ating sarili.
Hindi
ko na hahabaan ang sasabihin ko para masimulan na natin ang gabing ito”,
pagtatapos ni Chigo sa kanyang talumpati, na puno ng kasiyahan sa mukha.
“Let’
give Mr. Chigo a round of applause” pasigaw na sabi ng host.
Dahil
doon, dumagundong ang ingay sa buong gymnasium na dulot ng masiglang
palakpakan.
“Bading,
bading. Kaya ka nanalo bilang Presidente ng Student Council dahil nagkalat na
ang lahi ninyo” sigaw ng ilang estudyante na matapos ang palakpakan.
Paalis
na sana ni Chigo sa stage pero dahil sa narinig ay nagpasya siyang manatili
doon, nagdadalawang isip pa sana siya kung sasagutin niya iyon o papabayaan na
lang. At nanaig ang una pagkatapos niyang mag-isip. Kinuha niya ang mic sa host
at muling nagsalita.
“Salamat
sa pag-express ng iyong sarili.
Naghangad
akong tumakbo dati sa Student Council last year, pero ni-reject ang application
ko dahil bisexual ako. Hindi raw ako magiging magandang halimbawa sa mga
estudyante. Ngayong nanalo ako, sasabihin din ninyo na dahil iyon sa pagiging
bisexual ko. Kung minsan ay hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko,
pero naiisip ko, hindi dapat husgahan ang kakayanan ng isang tao dahil sa
kanyang sekswalidad. Kung ano man ang pwedeng maabot at mga naging achievements
ng isang tao, iyon ay dahil sa kakayahan, talino at abilidad niya, hindi iyon
dahil sa bisexual, bading, tomboy o straight, o kung meron mang kinalaman ang
sekswalidad, maliit na porsiyento lang siguro iyon.
Hindi
ibig sabihin na straight ka ay mas malaya kang kumilos sa lipunan, mas marami
kang magagawa, at mas magandang halimbawa ka. At ang pagiging bisexual ay
parang nakakahawang sakit sa lipunan, walang kwenta, at masamang halimbawa.
Sana baguhin natin ang ganoong paniniwala. Sana huwag husgahan ang tao base sa
kanyang sekwalidad, maliit lang na bahagi ng pagkatao natin iyon.
Self
Expression – siguro isa pang kailangan nating i-express ay ang ating naging
desisyon sa buhay, partikular na ang pagpili ng sekswalidad. Sa kaso ko, masaya
ako sa pagiging bisexual ko, kahit na alam kong maraming mapaghusgang mata na
laging nakatingin sa akin. Dito ako masaya, kagaya ng pagiging masaya ninyo sa
pagiging straight na lalake at babae.
Sa
gabing ito, masaya akong i-express sa inyong lahat na isa akong bisexual, ito
ang pinili ko, paninindigan ko ito, dito ako masaya.
Muli,
magandang gabi at maraming salamat sa lahat” pagtatapos ni Chigo, sabay alis sa
stage. At kahit hindi sinabi ng host, dumagundong muli ang ingay sa buong
gymnasium, sa pagkakataong ito, mas malakas.
“Chigo,
isang kampay para sa napakaganda at sobrang inspiring sa speech mo kanina”
pagbati ni Timber.
“Isang
kampay din para sa pagkapanalo ni Timber sa Quiz Bee” sabay taas ng shot glass
ni Patsy.
“Siempre
kailangan din nating i-celebrate ang pagkapanalo ni Patsy sa contest” masayang
bati ni Chigo.
Pagkatapos
ng event sa gymnasium, nagpasyang magpunta sa isang bar ang magka-kaibigan para
ipagdiwang ang kani-kanilang naging success sa nagdaang Foundation Week.
“Hindi
nga ako nanalo, 1st runner-up lang ako” malungkot na sabi ni Patsy pagkatapos
niyang inumin ang isang shot ng vodka.
“Ok
lang iyon, para sa amin ikaw ang panalo. Mukhang niluto nga yung resulta, ikaw
ang crowd favorite pero yung isa yung nanalo” sabi ni Timber.
“Salamat,
friend talaga kita” sabay ngiti ni Patsy kay Timber.
“Bakit
kasi tinagalog mo ang sagot mo, ang lahat ng finalist English ang pag-sagot
nila?” tanong ni Chigo.
“Ay,
excuse me. Ano ba ang theme na naisip mo, di ba “Self Expression”? Kaya
nag-express lang ako ng sarili ko, mas komportable akong sumagot sa Tagalog, at
gusto ko ring ipahiwatig sa lahat ng dapat talaga Tagalog ang gamitin nating
lengwahe. Hindi naman ibig sabihin na kapag nag-English ka ay mas matalino ka o
mas magandang pakinggan ang sinasabi mo. Huwag pakinggan ang lengwahe,
pakinggan yung laman ng sagot” mahabang paliwanag ni Patsy.
“Sabagay
tama ka. At bigla tuloy akong nahiya, hindi ko napansin ang point mo” malungkot
na sabi ni Chigo.
“Ok
lang iyon, bati tayo ngayon, hindi kita aawayin, it’s your night, Chigo”
masayang sabi ni Patsy.
“Yes
indeed, isa pang kampay para kay Chigo, para sa success ng Foundation Week”
sabay taas ng shot glass ni Timber na sinundan ng dalawa niyang kaibigan.
“Salamat,
kahit kayong dalawa lang ang nakapansin sa effort ko, masayang masaya na ako,
walang halong kaplastikan” seryosong sabi ni Chigo.
“Walang
ganyanan, ayokong magdrama dito” sabi ni Patsy.
“Oo
nga naman, after all you deserve all the praises, isa ka talagang magaling na
leader” papuri ni Timber.
“Guys,
padating na si Migui ko, after 48 years ay nakapag-park din siya ng kotse niya.
Kayo ang dadaya ninyo, hindi nyo sinasama ang mga partners ninyo, hindi ko
naman sila aagawin sa inyo” biro ni Patsy.
“Hindi
kasi pwede si Mitos, masyadong mahiyain” sabi ni Timber.
“Parang
si Milton, mahiyain din” malungkot na sabi ni Chigo.
Taong
mil ochocientos noventa uno (1891).
“Bakit
kailangan nating ilihim ang nararamdaman natin?” tanong ni Yago kay Miguel.
“Yon
ang nararapat nating gawin sa ngayon” sagot ni Miguel.
“Di
ba mas maganda kung ilahad natin ang ating pagmamahalan para maging masaya at
mas malaya tayong maka-kilos” pangungulit ni Yago.
“Kasi,
merong mga bagay na nararapat munang itago, hindi lahat ng bagay ay kailangang
isiwalat sa buong katauhan” medyo naiinis na paliwanag ni Miguel.
“Paano
kung hilingin ko sa’yo na gusto kong umakyat ng ligaw sa inyo?” tanong ni Yago.
“Bakit
mo naman gagawin iyon?” balik tanong ni Miguel.
“Nais
kong makilala ang pamilya mo at para mahingi na sa kanila ang kamay ng
pinakakamamahal ko” seryosong sagot ni Yago.
“Pinapakaba
mo naman ako ng husto sa nais mong gawin” balisang tugon ni Miguel.
“Irog
ko, gusto na talaga kitang masolo, matagal ko ng ninanais na makasama ka sa
isang bubong, kahit na maliit lang na tirahan sapat na sa akin iyon, basta
kasama kita” pangungulit ni Yago.
“Nais
rin ng puso ko na makasama ka, pero paano tayo mabubuhay kung pareho tayong
itatakwil ng mga magulang natin?” tanong ni Miguel.
“Pwede
tayong magtanim ng gulay, mag-alala ng manok, mamitas ng prutas sa gubat, at
mamingwit ng isda para may makain tayo. At kung merong mga natira, maaari
nating ilako sa bayan” paliwanag ni Yago.
“Irog
ko, payag ako sa nais mong mangyari, pero…..” naputol ang dapat na sabihin ni
Miguel ng marinig niyang tumatawa si Yago. “Anong tinatawa mo?” tanong ni
Miguel.
“Irog
ko, patawarin mo ako, nagbibiro lang ako. Alam ko naman na mahal na mahal mo
ako” panimula ni Yago na medyo natatawa pa. “Sang-ayon ako sa mga tinuran mo,
hindi lahat ng bagay ay kailangan nating ipagsabi, at mas maigi kung ilihim
ito. Kagaya ng pagmamahalan natin, siguradong itatakwil tayo ng mga pamilya
natin at ng mapanghusgang lipunan kapag nalaman nila ang namamagitan sa atin.
Sa ngayon, kuntento na akong madalang lang tayong magkita at sa burol na ito
tayo nagkikita. Sa ganitong paraan, alam ko, mas tatagal ang relasyon natin”
seryosong paliwanag ni Yago.
“Salamat,
irog ko” malambing na tugon ni Miguel, sabay halik sa labi ni Yago.
“Irog
ko, kailan ko nang umalis sa ngayon, gusto man kitang makasama ng mas matagal
pero malayo pa ang lalakarin ko at baka abutan ako ng gabi sa daan” paalam ni
Yago.
“Ako
rin naman, kailangan ko ng umuwi, panigurado ko kanina pa ako hinahanap ng
magulang ko” sabi ni Miguel.
Tumayo
ang magkatipan mula sa pagkaka-upo sa tuktok ng burol, ang burol na madalas na
tagpuan nila. Bago sila bumaba, nagyakapan sila ng sobrang higpit, tila ba iyon
ang nagsilbing pabaon nila sa isa’t isa hanggang sa muli nilang pagkikita.
Kasabay noon ang unti-unting paglubog ng araw.
Nang
maghiwalay sila ng landas, nakita ni Miguel na pumasok si Yago sa loob ng
kamalig kung saan sila unang nagniig. Nagtaka siya kaya minarapat niyang sundan
si Yago, hindi naman sa pagdududa pero gusto niyang malaman kung anong gagawin
ng katipan niya sa loob ng kamalig.
Akmang
papasok na si Yago ng marinig niya ang paghagulgol ng isang tao sa likod niya,
at nang humarap siya dito nakita niya ang luhaang si Miguel. Nabigla man siya
sa pangyayari pero pinilit niyang maging kalmado para makapagpaliwanag kay
Miguel. Lalapit na sana si Yago kay Miguel pero lumayo ang huli.
“Irog
ko, magpapaliwanag ako” matigas na sabi ni Yago.
“Sino
ka ba talaga? Saan ka nanggaling?” mga tanong ni Miguel.
“Irog
ko, pakinggan mo ako, please” pagpupumilit ni Yago.
Dahil
sa sobrang pagkabigla sa nakita, tila hindi naririnig ni Miguel si Yago kahit
handa na siyang magpaliwanag sa totoo niyang katauhan.
“Irog
ko, kumalma ka muna para makapag-usap tayo ng maayos. Hindi ko ninais na
lokohin ka, sasabihin ko naman talaga sa’yo pero hindi ko alam kung paano ako
magsisimula” pagpapatuloy ni Yago.
“Ayaw
kong makinig sa’yo, hindi kita lubusang kilala kaya hindi ko alam kung
mapapaniwalan ko ang lahat ng sasabihin mo” pagtuloy pa rin sa pag-iyak sa
Miguel. Yayakap ulit si Yago pero tuluyan na itong tumakbo
Chapter
Six – The Event
[07]
Capítulo
Seite – La Verdad
Dahil
sa galit ay sobrang bilis ang ginawang pagtakbo ni Miguel, pero kahit anong
bilis niyang tumakbo alam ni Yago na maabutan pa rin niya ang katipan. Hindi
mapapalagpas ni Yago ang araw na iyon na hindi nakaka-usap ang katipang si
Miguel.
Habang
abala sa pagtakbo ang dalawa tsaka naman bumuhos ang malakas na ulan, kasabay
ng tuluyang paglubog ng araw. Dahil sa dilim ay nahirapang hanapin ni Yago si
Miguel, pero nagpatuloy pa rin siya.
“Miguel?”
pagkakita ni Yago sa isang tao na naka-upo sa mga ugat ng isang malaking puno.
“Tulong”
mahinang sabi ni Miguel.
“Anong
nangyari sa’yo?” tanong ni Yago.
“Hindi
mo ba nakikita, dahil sa basa ang daanan ay nadulas ako dahilan upang mapilay
ang paa ko” masungit na sagot ni Miguel.
“Tulungan
na kita” sabi ni Yago.
“Huwag
kang lalapit sa akin” sigaw ni Miguel.
“Irog
ko, kailangan matignan ko ang pilay mo, dadalhin kita sa kamalig” pagpupumilit
ni Yago.
“Ayaw
ko, hindi kita kilala kaya hindi ako hihingi ng tulong sa’yo” patuloy na
pagtanggi ni Miguel, kahit na sobrang sakit ang nararamdaman dulot ng pilay
niya.
“Irog
ko, isipin mo na lang na isa akong estranghero na napadaan dito at tutulungan
ka” pangungulit ni Yago.
“Pareho
lang iyon, paki-usap huwag ka ng magpumilit dahil mas nararagdagan lang ang
sakit na nararamdaman ko” pilit pa ring pagtanggi ni Miguel.
“Irog
ko, kung ganyan ang nais mo, mamarapatin ko pa ring samahan kita dito. Hindi ko
maatim na iwanan kita dito na ganyan ang sitwasyon mo” panunuyo ni Yago, umupo
na siya sa tabi ni Miguel.
“Sadyang
makulit ka talaga. Kung nais mo talagang tulungan ako, sige, papayag na akong
dalhin mo ako sa kamalig pero iwanan mo na ako doon” pagsuko ni Miguel, alam
kasi niya na hindi niya matatalo ang kakulitan ni Yago.
Binuhat
ni Yago si Miguel, kahit nahihirapan siya ay pinilit niyang makarating sila sa
kamalig para hindi na sila mabasa ng ulan at pakapag-patuyo na rin sila ng
damit at katawan.
“Ano
pang ginagawa mo dito?’’ masungit na tanong ni Miguel.
“Irog
ko, naghahanap ako ng lampara para mainitan at magkaroon tayo ng liwanag dito”
sagot ni Yago.
“Sa
pagkakatanda ko kasi, ang usapan natin kanina ay iiwanan mo na ako dito. Wala
sa usapan natin na sasamahan mo pa ako. Makaka-alis ka na, kaya ko na dito”
pagsusungit ni Miguel.
“Irog
ko, hindi ko kayang gawin iyon” patuloy pa rin si Yago sa paghahanap ng lampara
at posporo.
“Ihinto
mo na nga ang pagtawag sa akin ng irog, simula ngayon ay tinatapos ko na kung
ano man ang namamagitan sa atin” seryosong sabi ni Miguel.
“Tatanggapin
ko lahat ng gusto mong mangyari, pero hindi ko kayang iwanan ka dito na ganyan
ang sitwasyon mo. Sasamahan kita dito hanggang hindi tumitila ang ulan at
ihahatid pa kita sa inyo para alam kong ligtas ang pag-uwi mo” malungkot na
sabi ni Yago.
“Yan
ang huwag na huwag mong gagawin, kahit kailan ay hindi ko ipapa-alam sa’yo kung
saan ako nakatira” pagtanggi ni Miguel.
Malungkot
na tinanggap ni Yago ang lahat ng masasakit na salita at desisyon ni Miguel,
alam niya na malaki ang nagawa niyang kasalanan sa katipan at wala siya sa
posisyon para tumanggi kay Miguel. Ang alam niyang gawin ngayon ay ang
magpaliwanag kay Miguel, kahit na mag-sungit pa ito. Matapos ang ilang minuto,
ay nakahanap din ng lampara at posporo si Yago.
“Miguel,
hubarin mo muna ang kamiseta mo para hindi lamigin ang likod mo. Eto, may
nakita rin akong kapirasong tela doon, ibalabal mo sa katawan mo para hindi ka
rin tuluyang lamigin” panunuyo ni Yago.
Walang
magawa si Miguel kung hindi sumunod, alam niya na para rin sa ikakabuti niya
iyon. Pagkasindi na lampara, siya namang tanggal ng kamiseta ni Miguel, dahilan
upang maaninag ni Yago ang hubad na katawan ng kasama. Nais niyang yakapin si
Miguel para maiinitan pero alam niyang tatanggi siya, kaya minabuti niyang
huwag na lang kulitin at bilang respeto na rin.
“Miguel,
akin na ang paa mo. Hihilutin ko ng bahagya para mabawasan ang pamamaga at ang
sakit” pag-alok ng tulong ni Yago.
Akmang
tatanggi sana si Miguel pero dahil na rin sa sakit na dulot ng pilay niya ay
pumayag na rin siya.
“Alam
mo….” hindi pa man tuluyang nagsisimula si Yago sa sasabihin niya ay pinutol na
ni Miguel yon.
“Paki-usap,
pumayag na akong samahan ako dito sa kamalig, kaya sana huwag ka ng mag-aksaya
ng panahon para magpaliwanag, hindi ako makikinig sa’yo” muling pagsusungit ni
Miguel.
Tila
walang narinig si Yago, gusto niya talagang magpaliwanag kay Miguel.
“Noong
una akong nakarating sa bayan ninyo, sobrang natuwa ako dahil ibang-iba ito sa
lugar namin, mayapa at tahimik. Nagmasid-masid muna ako sa lugar ninyo,
naglibot at pinag-aralan kung paano kumilos at magsalita ang mga tao. Ginawa ko
iyon para hindi ako mapag-kamalang galing sa ibang lugar” panimula ni Yago.
Wala
ng magawa si Miguel kung hindi makinig, nakita niya sa mga mata ni Yago na
seryoso siya kaya naman hinayaan na niya itong magsalita.
“Isang
araw habang naglalakad ako sa plaza ay nakita kita, unang kita ko pa lang sa’yo
ay magaan na ang loob ko. Lalapitan na sana kita ng bigla naman lumapit ang mga
kapatid mo sa’yo. Kung dati ay dalawang beses sa isang buwan lang ako magpunta
dito, dumalas iyon ng makita kita. Hindi ako mapakali noon hangga’t hindi kita
nakikilala” kwento ni Yago.
Sa
mga sandaling iyon ay panandaliang nakalimutan ni Miguel ang galit na
nararamdaman kay Yago, tila ba mas ninais niyang balikan na rin ang mga ala-ala
nila noong bago pa lang silang magkakilala.
“Tanda
mo pa ba noong una tayong magkakilala?” tanong ni Yago.
“Oo,
sa harap ng simbahan, nabunggo mo ako” sagot ni Miguel.
“Sinadya
ko iyon, wala na kasi akong maiisip na dahilan para makilala ka. Bawat linggo
na pagpunta ko dito, nasasabik akong makita ka. Masaya ako kapag kasama ka,
tila ba nawawala ang lahat ng mga suliranin ko sa buhay. Noong una pa lang ay
gusto ko ng ipagtapat sa’yo ang lihim ko, kaya lang inunahan ako ng takot, takot
na hindi mo ako paniwalaan at layuan mo ako, kaya pansamantala ko munang itago
sa’yo yon” pagpapatuloy ni Yago.
Inayos
niya ang lampara para mas lalong mainitan ang pakiramdam ni Miguel.
“Hindi
ko sinadyang umibig sa’yo, gusto na kitang layuan noon dahil alam kong
masasaktan kita. Pero malakas ang pagtawag ng puso ko sa pangalan mo. Kahit na
alam kong komplikado ang lahat, nagtapat pa rin ako ng pag-ibig sa’yo. Mas
lalong sumaya ang buhay ko ng dahil sa’yo, binigyan ng panibagong sigla ng
pagmamahalan natin ang buhay ko. Sa bawat lundag ng puso ko dahil sa sayang
nararamdaman ko kapag kasama kita, ganoon naman ang sakit na dulot ng pagbagsak
nito dahil sa paglilihim ko sa’yo. Miguel, maniwala ka, wala akong intensyong
maglihim at saktan ka, aaminin ko rin sa’yo, kumukuha lang ako ng tamang
pagkakataon” pagtatapos ni Yago.
“Sino
ka ba talaga at saan ka nanggaling?” seryosong tanong ni Miguel.
“Ako
si Timothy Bermudez, mula sa panahong 2010” sagot ni Yago.
Taong
2010. Internet Café.
“Ano?”
sigaw ni Patsy.
“Anong
ibig mong sabihing galing sa ibang panahon si Mitos?” tulalang tanong ni Chigo.
“Oo,
nagkikita kami sa taong 1891” masayang sagot ni Timber.
“Timber,
hindi mo naman kailangang mag-imbento ng kwento, mga kaibigan mo kami kaya
naiintidihan ka namin kung bakit hindi mo pinapakilala si Mitos sa amin, kung
bakit hindi siya nakakasama sa mga gimik natin at kung bakit wala kang
pinapakitang pictures niya” paliwanag ni Patsy.
“Hindi
ako nag-sisinungaling” pagpapatuloy ni Timber.
“Ok,
sige, aaminin ko na rin, taga-ibang planeta ni Milton ko kaya hindi ko rin siya
maiharap sa inyo. Pumapara ako ng space ship sa may kanto namin para may
masakyan ako papuntang Jupiter, doon kami madalas mag-date. At iyong mga
picture niya na pinakita ko sa inyo, edited lang ang mga iyon. Oo, isang alien
si Milton” panimula ni Chigo.
“Seryoso?”
nalilitong tanong ni Patsy.
“Eto
naman, kaagad naniwala, nakikisakay lang ako sa biro ni Timber” natatawang sabi
ni Chigo.
“Guys,
hindi ako nagbibiro, seryoso ako” pangungumbinsi ni Timber.
“Noong
una, gusto kong magtampo sa’yo, kasi hindi mo kaagad sinabi sa amin na bisexual
ka at nagkaroon ng relasyon kay Javvy. Pero dahil kaibigan ka namin, tinanggap
namin iyon, pero sa pagkakataong ito ang hirap tanggapin at paniwalaan” naguguluhang
sabi ni Patsy.
“Ano
ito, sort of time travel?” tanong ni Chigo.
“Oo,
ako ang nakaka-balik sa panahon nila, sa nakaraan” pag-amin ni Timber.
“Ano
ang susunod mong aaminin sa amin, pinsan mo Spider-man?” tanong ni Chigo.
“At
kinakapatid mo sina Aquaman at The Flash?” panggagatong ni Patsy.
“Ang
totoo mong mga magulang ay sina Superman at Wonderwoman na sakay ng Invisible
Plane kaya hanggang ngayon ay hindi pa namin sila nakikita” pagpapatuloy ni
Chigo.
“Hala,
issue yan” patawang sabi ni Patsy.
“Baka
naman magkasalubong tayo sa susunod kong pagpunta sa Jupiter?” tanong ni Chigo.
“Baka
sa susunod ay aminin mo sa amin na kaya mo ring magpalit ng anyo o nakakabasa
ng isip” si Patsy.
“Ano
pa kaya ang susunod mong aaminin sa amin, alam ko na, baka sabihin mo sa amin
na nasa Atlantis ang resthouse ninyo?” pangungutya ni Chigo.
“Hindi,
OA naman iyon, pwede pa na nagkikita rin sila ni Peter Pan sa Neverland” sabi
si Patsy sabay tawa.
“Siguro
isa kang Mutant?” tanong ni Chigo kay Timber.
“Hindi,
malamang Gremlins, baka ibang Timothy ang kasama natin noong nagpalit siya ng
pangalan tapos ngayon ibang Timothy na naman ang kasama natin. Maawa ka, ibalik
mo na sa amin ang kaibigan namin” paki-usap ni Patsy kay Timber, sabay tawa.
“Alam
ko na, isa siyang bampira at kinukwento lang niya sa atin ang karanasan niya
noong 1891” sabi ni Chigo sabay tawa ng malakas.
Dahil
sa tawanan nina Patsy at Chigo, lumapit sa kanila ang isang waiter para bawalan
sila.
“Sir,
Mam, pasensya na po, kung pwede po pakihinaan ang tawanan ninyo nakaka-istorbo
po kasi sa ibang customers” magalang na sabi ng waiter.
“Sorry,
hindi na mauulit. Don’t worry, behave na kami” sabi ni Patsy.
“Yan,
kayo kasi kung ano-ano ang pinagsasabi ninyo” sermon ni Timber sa dalawang
kaibigan.
“Ikaw
nga diyan, kung hindi dahil sa biro mo hindi kami nakakapag-isip ng ganoon”
sabi ni Chigo.
“Seryoso,
totoo ang mga sinabi ko” muling pangungumbinsi ni Timber sa mga kaibigan.
“Assuming
na totoo ang mga sinasabi mo, buti naiisipan mong ipagtapat sa amin ngayon
ito?” tanong ni Patsy.
“Ok
sige, hindi ko aalisin sa inyo ang pagdududa kasi alam kong mahirap talagang
paniwalaan. Nagka-problema kasi kami ni Mitos, nalaman kasi niya ang sikreto ko
kaya hindi niya ako kinakausap ngayon. Kailangan ko kayong mga kaibigan ko para
may mapag-sabihin ako ng problema ko ngayon” panimula ni Timber.
“So,
kung hindi pala kayo magkaka-problema ay hindi mo pa sasabihin sa amin?”
pagtatampo ni Chigo.
“Hindi
sa ganoon, alam kong mahirap paniwalaan at kagaya kay Mitos ay kumukuha ako ng
tiempo para sabihin din sa inyo. Alam ko mali ako na hindi agad sabihin sa inyo
ito, aaminin ko ang mali ko at pangako sa susunod ay hindi na ako maglilihim sa
inyo. Kung kailangan i-text ko sa inyo ang bawat ginagawa ko kapag hindi tayo
magkakasama ay gagawin ko para patunayan sa inyo na seryoso ako” panigurado ni
Timber.
“Ok,
I’ll expect that. Simula bukas kailangan i-text mo sa amin kung anong oras kang
nagising at kung ano-ano pa ang ginagawa mo hanggang sa pagtulog mo”
panggagatong ni Patsy.
“Bakit
Mitos ang pangalan niya? Di ba masyado namang moderno iyon para sa panahon
nila?” tanong ni Chigo.
“Ang
totoo niyang pangalang ay Miguel Tomas Chavez, pina-ikli ko lang na Mitos para
mag-mukha namang modern ang dating. At sa katunayan ang pakilala ko sa kanya ay
Yago Martinez, para naman bagay ang pangalan sa panahon nila” paliwanag ni
Timber.
“Sa
mga pangalan pa lang pala nag-sinungaling ka na …..” sabi ni Patsy.
“Sorry,
kailangan ko lang kasing gawin iyon para babagay naman sa mga panahon ang mga
pangalan namin” pagputol ni Timber sa sasabihin ni Patsy.
“Eto
ang importanteng tanong, paano ka naman nakakapunta sa taong 1891, sa sinasabi
mong nakaraan?” tanong ni Chigo.
Chapter
Seven – The Truth
[08]
Capítulo
Ocho – Espejo
Summer
Vacation 2010
Simula
na ng bakasyon nina Timothy at katulad noong nakaraang taon, naiwan siya kasama
ang lolo at lola niya. Ang mga kaibigang sina Patsy at Chigo ay merong
kanya-kanyang lakad sa ibang lugar kasama ang mga pamilya nila.
Maagang
gumising si Timber noong araw na iyon, pagkatapos niyang magligpit ng higaan ay
dumiretso siya sa kusina para mag-almusal. Kagaya ng dati, meron ng nakahandang
pagkain sa mesa pero sa madalas na pagkakataon ay mag-isa lang siyang kumakain
dahil abala sa pag-eehersisyo ang lolo’t lola niya. Pagkatapos niyang kumain ay
naligo at nagbihis na siya.
“Dude,
paalis na kami going to Palawan” text ni Chigo kay Timothy.
Pagkabasa
ng text ay tiempo naman ang pagtawag ni Patsy sa kanya.
“Hello”
bungad ni Timothy.
“Tim,
iwan muna kita, paalis na kami papuntahang Hong Kong at pagkatapos ng ilang
lingo didiretso naman kami sa Singapore” malungkot na sabi ni Patsy sa kabilang
linya.
“Huwag
ka ng malungkot, dapat nga masaya ka dahil kamasa mong magbabakasyon ang
pamilya mo” sabi ni Timothy.
“Sayang
kasi, ito sana ang unang bakasyon natin nina Chigo tapos di man tayo
magkakasama” si Patsy, sa kabilang linya.
“Hayaan
mo na, mas maraming oras naman ang pagsasamahan natin sa school pagpasok natin,
for now, enjoy your time with your family” panunuyo ni Timothy.
“Paano
ka? Wala kang kasama, pati si Chigo aalis din” nalulungkot pa ring sabi ni
Patsy.
“Huwag
mo akong alalahanin, sanay akong mag-isa tuwing bakasyon. Meron namang ibang paraan
para mag-enjoy ako, kaya ko naman mag-mall mag-isa, mag-laro ng online games,
at mag-aral na rin” paliwanag ni Timothy.
“Ikaw
talaga, bigyan mo naman ng panahon na magpahinga ang utak mo. Huwag yung puro
aral na lang, mag-relax ka muna” pangungumbinsi ni Patsy.
“Opo,
ako ng bahala sa sarili ko dito, kung may time ka, magpadala ka ang message sa
akin” paki-usap ni Timothy.
“Oo
naman, ako pa. Kahit na magkakalayo tayo at gagawa pa rin ako ng paraan para
magkaka-usap pa rin tayo nina Chigo. Sige, I’ll call you when we reach Hong
Kong” paalam ni Patsy.
“Ok,
ingat. And regards sa family mo” paalam ni Timothy.
Pagkaputol
ng tawag ay nag-reply naman si Timothy kay Chigo.
“Kakatawag
lang ni Patsy, paalis na rin daw sila” text ni Timothy.
“Oo,
nasabihan niya ako kanina. Ingat ka diyan, ha. Pag-uwi namin ikaw ang una kong
pupuntahan” reply ni Chigo.
“Ang
kulit nyong dalawa, kaya ko ang sarili ko dito. Enjoy your vacation with your
family, huwag mo akong intindihin” text ulit ni Timothy.
“Ok,
ingat ka diyan, paalis na kami” reply ni Chigo.
“Kayo
rin, ingat, enjoy and have fun. Regards pala sa family mo” paalam ni Timothy.
Nakaramdam
din ng lungkot si Timothy dahil sabay pa ang pag-alis ng kanyang mga kaibigan,
pero ayaw niyang magpakita ng kalungkutan sa kanila para hindi maapektuhan ang
pag-alis nila.
Alam
ni Timothy ang gagawin kapag nalulungkot siya, makagpagbasa lang siya ng libro
siguradong sasaya na siya. Naalala ni Timothy na sa susunod na semester ay
magkakaroon sila ng Philippine History na subject at dahil alam niyang hindi
niya gamay iyon kaya minabuti niyang magsimula ng magbasa ng mga aklat tungkol
sa nakaraan ng bansa.
Mas
gugustuhing magbasa ng libro ni Timothy kaysa magbasa ng mga articles sa
internet kaya nagpunta siya sa library sa bahay nila upang maghanap ng libro.
Makalipas ang ilang oras ay wala pa rin siyang nakikita kahit isang libro kaya
nagpasya siyang pumunta sa bodega nila kung saan nakatago ang mga antique
collection ng Papa niya, naisip ni Timothy na baka pati ang mga libro tungkol
sa kasaysayan ay doon din niya nilagay.
Nagtungo
si Timothy sa ibaba ng kanilang bahay, papunta sa bodega. Nakakatakot ang
hitsura ng bodega dahil na rin sa mga lumang kagamitan na nakatago doon
dagdagan pa ng isang pupundit-pundit na ilaw na nagbibigay ng bahagyang liwanag
sa buong kwarto. Nakakatakot man pero malinis naman iyon, kapag umuuwi ang Papa
niya ay naglalaan siya ng oras para magtanggal ng mga alikabok sa mga koleksyon
niya. Ayaw na ayaw niyang ipalinis ito sa iba, kahit pa kay Timothy, dahil baka
makasira sila.
Pagpasok
ni Timothy sa bodega ay isa-isa niyang binuksan ang mga lumang aparador at tama
siya sa kanyang hinala, doon tinatago ng Papa niya ang mga libro. Noong una ay
nawirduhan din si Timothy kasi bakit kailangan ding isama ng Papa niya ang mga
History books sa antique collections niya, pero hinayaan na lang niya iyon, ang
importante ay may nakita siya at makakapag-simula na siyang mag-aral.
Palabas
na ng bodega si Timothy ng bigla siyang napahinto, tila merong isang kakaibang
pwersa na tumatawag sa kanya. Minabuti ni Timothy na ilagay muna ang mga hawak
niya libro sa pinakamalapit na lumang mesa na nakita niya.
Hindi
niya rin maipaliwanag ang mga nangyayari sa loob ng bodega sa mga oras na iyon.
Alam niyang wala siyang ibang kasama sa bodega kaya mas naging masigasig siya
sa paghahanap ng kung ano man ang tumatawag sa kanya. Inisa-isa niya ulit
tignan ang mga lumang kagamitan hanggang sa isang bagay na lang ang natitira.
Isang
malaking bagay na naka-pwesto sa dulo ng bodega na nakabalot ng itim na tela.
Pagkalapit niya sa bagay na iyon ay naramdaman niyang doon nanggagaling ang
pwersang tumatawag sa kanya, ang pwersa na halos humila na sa kanya papunta sa
bagay na iyon, ang pwersa na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan,
ang pwersang nangungulit sa kanya na tanggalin ang telang nakabalot sa bagay na
iyon.
Pagtanggal
ng tela, ang susunod niyang nakita ay nasa loob siya ng isang kamalig na
imbakan ng sako-sakong bigas.
Second
Semester 2010, Waiting Shed sa labas ng campus
“Malapit
na ang Christmas break” panimula ni Patsy.
“Anong
plano nyo?” tanong ni Chigo.
“Baka
pupunta kami ng Thailand, doon kami magse-celebrate ng Pasko at Bagong Taon”
sagot ni Patsy.
“As
usual, sa bahay lang ako. Swerte na ako kapag naka-uwi ang magulang ko bago
mag-Pasko” malungkot na sabi ni Timber.
“Sama
ka na lang sa amin sa Bohol, doon kami magse-celebrate ng pamilya ko”
pag-anyaya ni Chigo kay Timber.
“Naku,
tama na iyong nakikita ang pagmumukha ko sa inyo kapag merong birthday at kung
ano pang okasyon, iba ito, Pasko ito kaya dapat kayong magpa-pamilya lang ang
magkakasama” paliwanag ni Timber.
“Sabagay
mainit naman ang Pasko ni Timber kasi mapupuntahan niya sa Mitos, or should I
call him Miguel?” tanong ni Patsy.
“Mitos
na lang para hindi halata” natatawang sabi ni Chigo.
“Sige
na, I’ll call him Mitos na lang kahit walang koneksyon ang mga sinabi ni Chigo”
biro ni Patsy.
“Iyon
pa ang ang problema ko, hanggang ngayon di pa rin kasi nagpapakita si Mitos
kapag pinupuntahan ko” malungkot na sabi ni Timber.
“Ganito
lang iyan, kahit naman ako sa posisyon ni Mitos, di rin kita kaagad kakausapin.
Sa katunayan nga hanggang ngayon hindi pa rin ma-absorve ng utak ko kung paano
kayo nagkikita” panimula ni Chigo.
“Tama
siya, tayo nga nasa modern era na tayo pero nahihirapan pa ring maniwala sa
time travelling mo, si Mitos pa kaya na nasa nakaraan. Kahit magpakita ka lang
ng Gameboy sa kanya ay matatakot na sa’yo” paliwanag ni Patsy.
“Bakit
naman siya matatakot sa Gameboy?” natutuwang tanong ni Chigo.
“Ang
ibig kong sabihin, ikaw na nasa nakaraan, tapos magpapakita ka sa kanya ng
isang modernong bagay na wala sa panahong iyon, siempre matatakot ako sa’yo
kasi di ko alam kung saan nanggaling yung bagay na iyon” muling paliwanag ni
Patsy.
“Ano
ang magandang gawin ko?” nalilitong tanong ni Timber.
“Hayaan
mo muna siya, bigyan mo siya ng panahon para makapag-isip. Alalahanin mo na
nasaktan siya at hindi simpleng insidente ang nangyari sa inyo” sagot ni Patsy.
“Kung
ako sa kanya parang mas madali ko pang tatanggapin na nabugbog ako ng mga
Kastila” natutuwang sabi ni Chigo. “But on a serious note, you’ve done your
part, nakapag-explain ka na sa kanya. Hintayin mong maintindihan niya ang mga
pangyayari, huwag mong pilitin ang sarili mo na maayos na ang sitwasyon ninyo
ni Mitos” si Chigo.
“Salamat.
Pero gaano ako katagal maghihintay?” tanong ulit ni Timber.
“Ang
kulit mo rin, si Mitos lang ang nakaka-alam kung kailan ka niya kakausapin. Sa
ngayon ay ihanda mo ang sarili mo sa susunod ninyong pagkikita” pabirong sabi
ni Chigo.
Pero
kita pa rin sa mukha ni Timber ang pagkalito sa kabila ng maraming paliwanag ng
mga kaibigan niya.
“Timber,
ganito lang iyon. Ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon ni Mitos” panimula ni
Patsy.
“Paano?”
tanong ni Timber.
“Halimbawa
si Mitos naman ang nakakapunta dito, sa hinaharap niya. After weeks of
friendship merong namagitan sa inyo at naging kayo …” nang biglang putulin ni
Timber ang sasahibin ni Patsy.
“Ayos
lang sa akin iyon, hindi naman importante sa akin kung saang panahon at lugar
siya nanggaling” sabi ni Timber.
“Mukhang
di pa tapos si Patsy sa sasabihin niya” pagsaway naman ni Chigo kay Timber.
“Andoon
na ako, it’s easy for you kasi naranasan mo na iyan. Ang point ko, pagkatapos
mong mahalin siya ng sobra-sobra, as in malalim na talaga ang emotional
attachement mo sa kanya, tsaka mo malalamang meron pala siyang tinatagong
sikreto. Sabihin na nating hindi mo nga concerned kung saang lumapot ng mundo
siya nanggaling, ang concern ko, the fact na nagsinungaling siya sa iyo, na
hindi niya sinabi kung sino talaga siya. Anong mararamdaman mo?” tanong ni
Patsy.
Muling
nanahimik si Timber.
“Alam
namin matalino ka, kung nakaya mong ipasa ang Philippine History na
kinakatakutan mo dati, kaya mo ring lampasan ito” pampalakas ng loob ni Chigo
kay Timber.
“Hindi
pala ganoon kadali, hindi pala lahat nadadaan sa pagbabasa ng aklat” panimula
ni Timber.
“Alam
mo, madali lang naman solusyunan yan, nagiging mahirap lang dahil may
time-travel element na kasama, yung lang naman ang pampagulo” si Patsy.
“Maraming
salamat talaga sa inyo, kung wala kayo malamang hindi ko makakayanan ito”
masayang sabi ni Timber.
“Basta,
hayaan mo lang. Kung sa susunod na pagbalik mo doon ay hindi mo pa rin siya
makita, subukan mo ulit sa susunod na araw. Panigurado ko, kaka-usapin ka rin
niya dahil meron naman kayong pinagsamahan” paliwanag ni Chigo.
“Change
topic naman tayo, how is it there, I mean anong hitsura ng lugar natin noong
panahong iyon?” tanong ni Patsy.
“Maganda
ang lugar natin noon, walang polusyon, wala kang maririnig na ingay na dala ng
tsismisan at mga sasakyan, walang nagtataasang gusali. Sa panahong iyon,
malalanghap mo ang sariwang hangin kahit saan ka magpunta, ang tubig sa ilog ay
sobrang linaw, ang mga lumang simbahan at bahay na bato ngayon ay kakagawa pa
lang noon. Ibang-iba talaga ang panahon noon, mas maganda pa sa mga pinapakita
sa mga pelikulang ganoon ang tema” kwento ni Timber.
“Ibig
sabihin hindi talaga naipapakita ng mga ganoong pelikula kung ano ang hitsura
noon?” tanong ni Chigo.
“Actually,
hindi. Masyado pang moderno ang mga pinapakita kumpara noong panahong iyon. Pero
masasabi ko na rin na talagang nag-eeffort sila para makuha ang hitsura ng
lugar natin noon” paliwanag ni Timber.
“Bakit
hindi mo kunan ng picture o kaya video ang nakaraan?” tanong ni Patsy.
“Hindi
pwede, sinubukan ko na dati pero hindi ako makatawid” sagot ni Timber.
“Sayang
naman. Ang ganda siguro noon, meron kang sariling kuha ng lugar noong panahon
na iyon. Pero siguro hindi talaga pwedeng magdala ng modernong kagamitan sa
nakaraan, kasi kung makikita ito ng mga tao ay siguradong pagkakaguluhan nila
at baka maka-apekto pa sa kasaysayan natin” paliwanag ni Chigo.
“Well
said, di ko alam na kaya mo palang sabihin iyon” natutuwang sabi ni Patsy.
Nagsimula
na ang maikling bakasyon nina Timber para makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon
at kagaya ng dati makakasama na naman niya ang lolo’t lola sa pagdiriwang.
Halos
araw-araw kung tumawid si Timber sa nakaraan at umaasang makikita at
makaka-usap ulit si Miguel, at kagaya ng mga nakaraang araw ay muling pumasok
si Timber sa bodega nila. Pumunta sa pinakadulong bahagi para alisin ang itim
na telang bumabalot sa malaking salamin na nagiging pinto niya para makabalik
sa nakaraan.
Chapter
Eight – Mirror
[09]
Capítulo
Nueve – Lucha
Pagkatawid
ni Timber sa salamin ay narating niya ang nakaraan, sa kamalig na isa sa mga
naging saksi na mga maiinit na tagpo sa buhay nilang dalawa ni Miguel. Tinakpan
ni Timber ang salamin ng isang malaking sako para hindi makita ng kung sino man
ang posibleng makapasok sa kamalig. Maya-maya pa ay nagpalit na siya ng damit,
mula sa suot niyang polo shirt at shorts ay pinalitan niya ito ng kamiseta at
salawal.
Muling
nag-ikot-ikot si Timber sa mga lugar na madalas nilang puntahan ni Miguel.
Sa
plaza kung saan una niyang nakita si Miguel at muntikan ng makipag-away sa mga
kabataang Kastila ang nanglalait sa mga lokal na nakatira sa lugar na iyon.
Sa
harapan ng simbahan kung saan niya sinadyang binangga si Miguel para makilala
ito at kung saan madalis niyang marinig ang pang-aalipusta ng mga prayle sa mga
nasasakupan nila.
Sa
kampanaryo kung saan niya sana ipagtatapat ang kaniyang pag-ibig.
Sa
malinis na ilog kung saan lagi silang namimingwit ng isda para meron silang
makain at sa kabilang bahagi ay ang gubat na kinukuhanan nila ng prutas.
Sa
burol kung saan siya nagtapat ng pag-ibig kay Miguel, iyon din ang lugar na
nabibigay ng magandang tanawin ng buong nayon.
At
sa katapusan ng araw ay muling magbabalik sa Timber sa kamalig kung saan
naganap ang unang pagni-niig nila ni Miguel.
Habang
papasok siya sa kamalig ay sumasabay ang agos ng luha sa magkabilang mata sa
bawat hakbang niya. Tanda na lubos siyang nagsisisi sa nagawang paglilihim na
naging dahilan upang mawala si Miguel sa piling niya. Ngunit kahit anong pilit
niya, alam ni Timber na hindi niya pa rin mapipilit ang kapalaran para
magpakita sa kanya si Miguel.
Sa
pagtawid ni Timber sa salamin papunta sa kasalukuyan ay naalala niya ang
nangyari sa kanila ni Javvy, pakiramdam niya ay magkatulad na sila ni Javvy,
parehong nakasakit ng tao. Dahil doon ay mas tumindi pa ang naramdamang galit
ni Timber kay Javvy, ang galit na akala niya ay matagal ng nawala pero muli
itong pumasok sa pagkatao niya ng muling nagbalik ang taong nanakit sa kanya.
Pagkatapos
ng maikling bakasyon ay muli na naman nagkita-kita ang mga magka-kaibigan.
“Timber,
musta na?” masayang tanong ni Patsy pagkakita sa kanya pagpasok nila.
“Ayos
lang” maikli at malungkot na sagot ni Timber.
“Shocks,
bagong taon tapos nakasimangot ka. I have something here to cheer you up” sabi
ni Patsy sabay bigay sa paper bag na kanina pa niya hawak-hawak.
“Eto
pala ang sinasabi mong surprise. Maraming salamat talaga” masayang sabi ni
Timber pagkabukas niya ng paper bag na naglalaman ng isang Mickey Mouse stuffed
toy na galing sa Hong Kong Disneyland.
“Alam
kong matagal mo ng gustong magkaroon ng ganyan, kaya hindi na ako nagdalawang
isip na bilhin yan pagkakita ko doon” paliwanag ni Patsy.
“Mararagdagan
na naman ang collections ko ng Mickey Mouse. Nasaan na pala si Chigo?” tanong
ni Timber kay Patsy.
“Andito
na ako” sigaw ni Chigo mula sa likod nila.
“Kumusta
ang bakasyon ninyo?” tanong ni Patsy sa kanya.
“Ayos
lang, ang saya talaga ng pakiramdam kapag kasama sa bakasyon ang buong pamilya”
magiliw na sagot ni Chigo na bigla namang kinalungkot ni Timber.
“Anong
regalo mo sa amin?” pag-iiba ng usapan ni Patsy, sabay turo niya sa nakayukong
si Timber kay Chigo.
“Nakalimutan
kong bumili” sagot ni Chigo. “Bawi na lang ako, labas tayo ngayon at sagot ko
ang lahat ng gastos” pagyaya niya sa mga kaibigan.
“Di
tayo papasok?” tanong ni Timber.
“Hindi,
sigurado naman akong hindi pa papasok ang mga prof natin” sagot ni Chigo.
“Paano
kung dumating sila?” tanong ulit ni Timber.
“Ok
lang iyan, maiintindihan nila iyan, at kahit dumating pa sila, sigurado namang
wala tayong gagawin. At isa pa, manlilibre si Chigo, kailangan nating sulitin
yan. Sige na, alis na tayo” pangungulit ni Patsy kay Timber.
“Oo
na, sige na, payag na ako” masayang sabi ni Timber.
Kagaya
ng usapan nila, namasyal ang tatlong magka-kaibigan. Nagpunta sa mall, kumain
ng tanghalian, nanood ng sine at namili ng bagong damit at ibang mga gamit.
“Salamat”
naka-ngiting sabi ni Chigo bago maghiwa-hiwalay ang magka-kaibigan.
“Para
saan? Ikaw nga ang naglibre sa amin” tanong ni Timber.
“Akala
ko kasi ako rin ang magbabayad ng mga pinamili ninyong damit” natatawang sabi
ni Chigo.
“Hindi
naman kami ganoon ka-abusado ni Timber para ipabayad pati ang personal naming
mga gamit, pero kung gusto mong bayaran, ok lang, eto ang resibo” sabi ni Patsy
sabay abot ng mga resibo ng mga pinamili nilang damit ni Timber.
“Kayo
talaga, sige, Timber ingat ka sa pag-uwi. Ako na ang maghahatid kay Patsy,
mukhang hindi na naman siya sisiputin ng boyfriend niya” biro ni Chigo.
Nang
malapit na Timber sa kanila ay naramdaman niyang merong sumusunod sa kanya kaya
binilisan ang paglakad. Sobrang kaba ang nararamdaman niya dahil unang
pagkakataon pa lang na nangyari sa kanya ito. Mas matindi pa ang nararamdaman
niyang kaba ngayon kumpara sa kaba na nararamdaman niya tuwing naghihintay sa
pag-uwi ng mga magulang niya sa mga espesyal na okasyon sa buhay niya.
“Timber”
sigaw sa kanya ng isang pamilyar na boses mula sa likod.
“Javvy”
mahinang usal ni Timber, kahit matagal niyang hindi naririnig ang boses na iyon
alam niyang kay Javvy boses iyon.
“Kumusta
na?” tanong niya kay Timber.
Hindi
maintindihan ni Timber kung bakit niya nilapitan si Javvy kahit na nakakaramdam
ito ng matinding galit sa kanya.
“Kanina
masaya, pero nang makita kita ay bigla na lang nag-iba ang paligid ko,
pakiramdam ko nasa palengke ako na napapalibutan ng mga isda, ang sangsang ng
amoy” nanggagalaiting sabi ni Timber.
“Para
naman wala tayong pinagsamahan niyan. Ganyan na ba talaga kasama ang tingin mo
sa akin?” tanong ni Javvy.
“Pasalamat
ka pa nga at hinarap kita” asar na sabi ni Timber.
“Timber,
nagmamaka-awa ako, kausapin mo ako kahit sandali lang” paki-usap ni Javvy.
“Hindi
bagay sa’yo ang magmaka-awa” sabi ni Timber, pero alam niya na konti na lang ay
bibigay na siya at kakausapin si Javvy, kahit na puno ng galit at poot ang isip
niya, hindi naman kayang magalit ng puso niya kahit sa taong nanggamit sa
kanya.
“Please,
kailangan kitang kausapin. Mahal kita” seryosong sabi ni Javvy.
“Mahal
mo ako, bakit, kailan?” tanong ni Javvy.
“Sa
maniwala ka at hindi minahal talaga kita. Ayaw na ayaw ko ang makipag-relasyon
sa kapwa lalaki noon pero ng dahil sa’yo, nagbago ang pananaw ko. Hindi ko na
inisip iyon, ang importante ay maramdaman ko ang pagmamahal” pag-amin ni Javvy.
“Kailan
nangyari iyon, bago o pagtapos mo akong gamitin?” muling tanong ni Timber,
habang namumuo ang mga luha sa mata niya.
“Tim,
kaya umalis ako ng walang paalam kasi ayaw kong masaktan ka” paliwanag ni
Javvy.
“Sa
palagay mo hindi ako nasaktan sa ginawa mo” galit na sabi ni Timber habang
tumutulo na ang luha niya, biglang nanumbalik ang sakit na naramdaman niya
dati.
“Pinagsisihan
ko ang pag-iwan ko sa’yo, di ko sinasadya” si Javvy.
“Sira-ulo
ka pala, pagkatapos ng ginawa mo sa akin sasabihin mo ngayon na hindi mo
sinasadya” naiiyak pa ring sabi ni Timber.
“I
want you back, na-realize ko na hindi ko kaya na mawala ka sa piling ko”
patuloy pa ring pagmamaka-awa ni Javvy.
“Tigilan
mo na ako, I’ve learned my lesson, ayaw ko ng magtiwala sa’yo at ikaw ang klase
ng tao na hindi na dapat pa binibigyan ng pangalawang pagkakataon” galit na
sabi ni Timber, akmang tatalikod na siya para iwanan si Javvy ng biglang hinablot
ng huli ang mga kamay ni Timber. Nipalit ang mukha ni Javvy ang mukha niya kay
Timber, sa ganoong posisyon ay dama nila pareho ang mainit nilang hininga.
“Ako
na nga itong nakiki-usap sa’yo, tatanggi ka pa. Alam ko naman na hindi mo ako
matitiis, kung hindi kita makuha sa matinong paki-usap, idadaan ko sa santong
paspasan” pagkatapos ng huling kataga ay sinunggaban ng halik ni Javvy si
Timber, noong una ay lumalaban pa ang huli pero matapos ang ilang segundo ay
bumigay din siya. Siya namang pagtawa ng maitim na parte ng utak ni Javvy, alam
niya ang halik na iyon ang susi para muli niyang magamit si Timber. Muli niya
itong peperahan para masustentuhan niya ang mga luho nya, na isang dahilan ng
mga awayan nila noon, imbes na ipadala sa pamilya niya na nasa probinsiya ay
mas gusto pa niyang gamitin sa personal na interest.
Natulala
si Timber sa nangyari, ganoon pa man ay nakita niya ang ngiti sa labi ni Javvy
na simbolo ng kanyang tagumpay sa masamang balak niya kay Timber, ang ngiting
mas nagpa-dagdag ng galit kay Timber.
“Bakit
mo ginawa iyon?” galit at sigaw na tanong ni Javvy pagkatapos niyang matumba
dahil sa malakas na suntok na ginawad ni Timber sa kanya.
“Kung
sa palagay mo nakuha mo ako sa isang halik lang, nagkakamali ka” sigaw ni
Timber sabay talikod para iwanan na si Javvy.
Ngunit
mabilis na nakatayo si Javvy at muli niyang hinablot ang kamay ni Timber.
Pagkadampi pa lang ng palad ni Javvy ay kaagad namang bumitaw si Timber at
ginawaran ulit ng isang malakas na suntok si Javvy na naging dahilan ng muli
niyang pagkatumba.
“Ganyan
pala ang gusto mo, kung hindi rin kita muling makukuha mas maganda siguro kung
ipagkalat ko na lang ang sikreto mo” nang-aasar na babala ni Javvy kay Timber
habang tumatayo siya.
“Pa-a-ano
mong na-la-man?” nauutal na tanong ni Timber.
Pagkatayo
ni Javvy ay pinagmasdan niyang maigi ang mukha ni Timber, nakita niya dito na
sobrang pag-aalala.
“Ayan,
nahuli kita. Ang totoo niyan ay wala naman akong nalalaman tungkol sa’yo, pero
base sa ekspresyon ng mukha mo, meron kang tinatagong malaking sikreto. Isang
sikreto na kapag nalaman ko ay gagamitin ko laban sa’yo” paliwanag ni Javvy
sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti. “Alam mo, ikaw kasi ang tao na hindi
nawawalan ng sikreto, salamat sa mga suntok mo na nag-alog sa utak ko kaya
bigla kong naalala. Huwag kang mag-alala, malalaman ko rin ang tinatago mong
sikreto at kapag nalaman ko na, mag-ingat ka” pagbabanta ni Javvy kay Timber.
Pagkatapos magsalita ay siya na ang mismong umalis habang pinupunasan ang dugo
sa labi niya.
Samantala
si Timber ay pinagpatuloy ang naudlot na paglalakad pauwi sa kanila. Sa ilang
suntok na dinampi niya sa mukha ni Javvy, mas lalong lumaki ang galit na naramramdaman.
Galit na hindi alam kung kanino, galit ba kay Javvy o galit sa sarili niya.
Nalilito, hindi niya alam kung nawala na ba talaga ang galit niya kay Javvy o
ginagamit lang niyang dahilan iyon para piliting mawala ang galit sa sarili.
Pagkauwi
ni Timber ay kaagad siyang pumasok sa kwarto niya, hindi pinansin ang mga
kasambahay na nagtatanong kung kumain na siya. Pagkatapos niyang maligo ay
nagbihis na ng pantulog pero makalipas ang ilang oras ng pagkahiga sa kama ay
muli siyang nagbihis.
Lumabas
siya ng kwarto at isang lugar lang ang alam niyang puntahan noong oras na iyon,
ang bodega. Ang bodega na naglululan ng mahiwagang salamin na daanan niya
patungo sa nakaraan. Ang salamin na naging dahilan ng kanyang pinakatatagong
lihim, ang lihim na naging dahilan para makilala niya sa Miguel, ang lihim na
siya ring dahilan kung bakit hindi niya nakaka-usap si Miguel ngayon, ang lihim
na naging dahilan ng labis na kalungkutan niya, ang lihim na nagbago sa pananaw
niya sa buhay, at ang lihim na nangangambang malaman ni Javvy, na pagnagkataon
ay maaaring sumira sa buhay niya.
Sa
maraming minutong pagkatitig ni Timber sa salamin ay naramdaman na naman niya
ang pwersa na naramdaman niya noong una niya itong makita kaya hindi na siya
nagdalawang isip na pumasok pa dito.
“Miguel”
mahinang usal niya pagpakita niya sa isang lalaki paglabas niya ng kamalig.
“Miguel”
muling niyang turan at sinundan niya ang lalaki sa gitna ng madilim na paligid.
Patuloy
pa rin ang pagtakbo niya, habol, takbo, habol, takbo, habol pa rin siya pero
patuloy pa rin sa pagtakbo ang lalaki. Sa bawat tapak ng mga paa niya sa lupa
ay mas lalong tumitindi ang pagnanasa na muling makita, mahagkan, at mahalikan
ang iniirog niya.
Ang
poot at galit ay unti-unting napalitan ng saya na nagdulot ng liwanag sa
kanyang puso.
Huminto
sa pagtakbo ang lalaki nang marating niya ang ilog.
“Miguel”
tawag ni Timber sa lalaki.
Sa
unti-unting pagharap ng lalaki sa kanya ay unti-unti ring gumuguhit ang isang
napakatamis na ngiti sa labi ni Timber.
Chapter
Nine – The Fight
[10]
Capítulo
Diez – Cárcel
Bago
pa tuluyang makita ni Timber ang mukha ng lalaking nasa kanyang harapan ay
bigla na lang bumagsak ang katawan niya sa lupa.
Pinalo
ng kahoy si Timber kaya siya nawalan ng malay. Pagkabagsak niya ay dinampot
siya ng dalawang lalaki at dinala sa isang lugar na malayo sa kamalig. Kinulong
siya sa isang selda dahil napagkamalan siyang kasama ng lalaki na hinahabol
nila kanina. Ang lalaking iyon na kangawis ni Miguel ay napag-alamang espiya ng
mga Kastila sa mga lokal na grupo na nagbabalak ng himagsikan laban sa bansang
Espanya.
Nagising
si Timber dahil sa lamig ng tubig na binuhos sa kanya. Kung makikita niya ang
sarili niya ay siguradong maaawa din siya sa kanyang hitsura. Kahit na wala
siyang malay ay binugbog pa rin siya ng mga kalalakihang miyembro ng grupo para
siguradong manghina siya at hindi makatakas paggising niya.
Bago
siya nilabas sa selda ay piniringan muna siya, pagkatapos ay dinala sa isang
mas malaking kwarto. Pina-upo siya sa isang silya sa gitna ng kwarto, tinali
ang mga kamay at paa para hindi siya makawala.
“Tanggalin
ang piring” pasigaw na utos ng pinuno ng grupo sa mga lalaking naka-tayo sa
magkabilang gilid ng upuan ni Timber.
Pangkatanggal
ng piring ay pupungas-pungas pa ang mga mata ni Timber, nahihirapan siyang
idilat ang mga ito dala ng matagal na pagtulog at pagkapiring sa kanyang mata.
Gusto niyang punasan ang magkahalong tubig at pawis na tumutulo sa kanyang noo
para hindi tuluyang tumagos sa kanyang mata pero huli na ng naramdaman niyang
naka-tali ang mga kamay niya.
Umabot
ng ilang minuto bago naging komportable ang patingin ni Timber sa kanyang
paligid. Sa harap niya ay tatlong lalaki na naka-upo sa harap ng mesa kung saan
nakapatong ang lampara na nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto. Nilingon ni
Timber ang buong kwarto at kahit konting liwanag lang ang dulot ng lampara ay alam
niyang maraming tao ang nakapalibot sa kanya.
Hindi
sukat akalain ni Timber na hahantong siya sa ganitong pangyayari. Mula sa hindi
pakiki-usap ni Miguel sa kanya, hanggang sa galit niya kay Javvy, ngayon nasa
ibang oras siya at bihag nga mga taong gustong maghimagsik.
“Pangalan?”
tanong ng pinuno.
Hindi
makasagot si Timber dahil na rin sa iniindang sakit sa katawan at sobrang
gutom.
“Sagot”
sigaw na utos ng lalaki sa tabi niya sabay suntok sa sikmura ni Timber.
Kitang-kita
ng lahat ng tao sa kwarto kung paano mamilipit sa sakit si Timber pero hindi
awa ang nararamdaman nila sa para kanya kungdi pagkamuhi, galit sila sa mga
kalahi na gusto silang ipagkanulo sa mga Kastila na umaapi sa kanila. Pero ang
hindi nila alam ay walang kinalaman si Timber dito, isa lang siyang hamak na
tao na galing sa ibang panahon na napagkamalan lang nila.
“Yago”
mahinang sagot ni Timber.
“Pinuno,
Yago daw po ang pangalan” pag-uulit ng isang lalaki sa tabi niya, halos hindi
na kasi marinig ang pagsasalita ni Timber.
“Tila
ngayon pa lang kita nakita dito. Saan bayan ka nanggaling?” matigas na tanong
ng pinuno kay Timber. Nagbulung-bulungan din ang mga tao sa loob ng kwarto
senyales na sang-ayos sila sa pinuno nila dahil wala kahit isa sa kanila ang
nakakita kay Timber sa lugar na iyon. Tuwing magkikita sila ni Miguel ay
madalang lang kung makisalamuha sila sa mga lokal doon, madalas sa mga tagong
lugar o mga lugar na hindi madalas puntahan ng mga tao sila nagkikita.
Hindi
pa rin makasagot si Timber sa mga tanong dahil sa sakit ng kanyang katawan, at
dahil doon ay isang suntok na naman ang tumama sa kanyang sikmura.
“Sagot”
sigaw ng isang lalaki sa tabi niya pagkatapos siyang sikmurain.
Dahil
sa suntok ay pinilit pa rin ni Timber na sumagot dahil ayaw na niyang
magkatanggap pa ng isang suntok.
“Sa
ka-bi-lang ba-yan po” paputol-putol sa sagot ni Timber.
“Sino
ang nag-utos sa’yo upang mag-espiya sa aming samahan?” muling tanong ng pinuno
nila.
Pinilit
pa ring sumagot ni Timber kahit na namimilipit sa sakit ang katawan niya.
Tahimik.
Umaasta na ang isang lalaki upang suntukin ulit si Timber ng kusa na siyang
magsalita.
“Wala
po akong kinalaman, hindi po ako espiya. Bumibisita lang ako sa bayan ninyo”
sagot ni Timber.
“Huwag
ka ng magkaila pa. Merong mga nakakita na sa iyo kasama ng iba pang espiya.
Saan kayo nagtatago? Sino ang nag-uutos sa inyo?” sunod-sunod na tanong ng
pinuno.
“Hindi
ko po sila kilala. Yung lalaking hinahabol ko po kagabi malamang napagkamalan
kong siya ang kaibigan ko. Matagal ko na po siyang hindi nakikita at dahil sa
kagustuhan kong maka-usap siya sa inakala ko na yung lalaki kagabi ay ang
kaibigan ko” paliwanag ni Timber. Sa sakit ng pakiramdam niya ay pinilit pa rin
niyang makapagsalita para mawala ang pagsususpetsa sa kanya bilang espiya.
“Sino
naman ang kaibigan mo dito?” takang tanong ni pinuno. “Halos lahat ng mga
kabataan dito ay magkakakilala at sila lang ang nagsasama-sama dito” dugtong ng
pinuno.
Hindi
sumagot si Timber dahil ayaw niyang mapahamak si Miguel, naisip niya na baka
madamay pa ang katipan kung ipagtatapat niya sa pinuno na siya ang tinutukoy na
kaibigan.
Muling
umaasta ang isang lalaki sa tabi ni Timber ng sumenyas ang pinuno na hayaan
lang siya.
“Ipatawag
si Miguel” utos ng pinuno sa mensahero ng grupo.
Laking
pagtataka ni Timber kung bakit alam ng pinuno na si Miguel ang kaibigan nito
gayong hindi naman niya sinagot ang huling katanungan sa kanya.
Samantala,
hindi mapakali ang magkaibigang Patsy at Chigo dahil hindi pumasok si Timber sa
klase nila ng buong araw.
“Nasaan
na kaya si Timber? Ngayon pa lang ako nag-alala ng ganito sa kanya”
nababalisang sabi ni Patsy.
“Oo
nga, dati tumatawag o nagte-text siya kung hindi papasok” sagot ni Chigo.
“Anong
oras siya huling nagtext sa’yo kagabi?” tanong ni Patsy.
“Alas
nuebe ng gabi ng huli siyang mag-text. Sa’yo, anong oras huling nag-text?”
balik tanong ni Chigo.
“Ganoong
oras din siya huling nag-text sa akin. Tinawagan ko siya pagkatapos pero hindi
na sumasagot. Nahiya naman akong tumawag sa landline nila kasi gabi na” sagot
ni Patsy.
“Sa
palagay mo ano ang nangyari sa kanya?” muling tanong ni Chigo.
“Ewan
ko rin, clueless ako. Hindi nga ako makapag-concentrate sa klase kanina kasi
iniisip ko siya” sagot ni Patsy.
Habang
naglalakad sila ay nakita nila si Javvy na pasalubong sa direksyon nila at
nagkatinginan ang mag-kaibigan, pareho nilang naisip na malamang merong
kinalaman si Javvy sa hindi pagpaparamdam ni Timber sa araw na iyon.
“Javvy,
anong ginawa mo kay Timber?” masungit sa salubong ni Patsy sa kanya.
“Pagkatapos
niya akong bugbugin ako pa ngayon ang may ginawang masama sa kanya” matapang na
sabi ni Javvy sabay turo sa mga marka ng bugbog niya sa mukha.
“Kilala
namin si Timber, alam naming hindi niya magagawa iyan kahit kanino”
pagtatanggol ni Chigo.
“Anong
hindi, eto na nga ang ebidensya, oh. Kung gusto ninyo kausapin ninyo ang mga
security guard sa subdivision nina Timber, kung hindi lang sila dumating
malamang hindi lang ganito ang aabutin ko sa kaibigan ninyo” paliwanag ni
Javvy.
“Siguro
may ginawa kang masama sa kanya kaya ka niya binugbog?” masungit pa ring tanong
ni Patsy.
“Kinausap
ko lang naman siya, gusto ko sanang makipagbalikan sa kanya” sagot ni Javvy.
“Makipagbalikan?”
takang tanong ni Chigo.
“Pagkatapos
mong gamitin at iwan ng walang paalam si Timber ngayon makikipagbalikan ka sa
kanya” tugon ni Patsy na sa tono ng pagsasalita ay parang sa kanya ginawa iyon.
“Ok,
aaminin ko, makikipagbalikan ako sa kanya para gamitin siyang muli. Siya lang
ang makakatulong sa akin sa muli kong pag-aaral dito” paliwanag ni Javvy.
“Tignan
mo, ang kapal talaga ng mukha mo” galit na sabi ni Chigo, umaasta siyang
susuntuhin si Javvy pero pinigilan lang siya ni Patsy.
“Chigo,
huwag. Hindi siya karapat-dapat para sa suntok mo. Ang kapal ng mukha mo na
ipagtapat sa amin iyan ….” pinutol ni Javvy ang dapat na sasabihin pa ni Patsy.
“Sandali,
let me explain, please” paki-usap ni Javvy sa dalawa.
Tumahimik
ang magkaibigan dahil na rin sa pakiusap ni Javvy. Sa kabila ng rebelasyon niya
ay naramdaman ng dalawa ang sinseridad sa paki-usap ni Javvy.
“Oo,
dahil sa nasabi kong iyon ay nabugbog ako ni Timber. Hindi ko sinasadya na
muling masaktan si Timber sa muli naming pagkikita. Nabigla rin ako ng
magpakita siya ng galit, galit na noon ko pa lang nakita sa kanya kaya
nataranta ako. Hindi ko na rin nga namalayan na ganoon ang mga lalabas na
salita sa bibig ko” panimula ni Javvy.
Kita
ng dalawang magkaibigan ang pangingilid ng luha ni Javvy at kung paano niya ito
punasan.
“Ang
gulo mo rin, no? Akala ko ba gusto mo lang siyang gamitin?” sunod-sunod na
tanong ni Patsy, gusto niyang ipakita kay Javvy na hindi siya naaapektuhan sa
drama niya.
“Ganoon
na rin ang nasabi ko kay Timber kahapon kaya gusto ko na sanang panindigan na
gagamitin ko lang siya. Pero kahit anong pilit ko sa sarili ko, nangingibabaw
pa rin ang pagmamahal ko sa kanya” pag-amin ni Javvy.
“Mahal?
Ikaw, mahal mo si Timber?” sarkastikong tanong ni Chigo.
“Sabi
ko na nga ba hindi kayo maniniwala” hula ni Javvy, sabay punas ng huling patak
ng luha niya. “Kahit sa sarili ko nahirapan kong aminin na mahal ko pa rin si
Timber. Noong una hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako nagbalik dito, pero
nang makita ko siya muli noon ko lang na-realize na siya pala ang binalikan ko
dito. Alam ko mahirap para sa kanya ang patawarin ako, pero gusto ko pa ring
humingi ng tawad” pagpapatuloy ni Javvy.
Tahimik.
“Alam
kong maling-mali ang ginawa ko kahapon dahil mas lalo pang nagalit si Timber sa
mga sinabi ko. Ngayon ay hindi ko na alam kung paano pa ako makakabawi sa
kanya, mas mahirap ngayon na ipa-alam at ipadama na mahal ko siya” pagtatapos
ni Javvy.
Pagkatapos
magsalita ay iniwan ni Javvy ang dalawa, hindi rin siya makapaniwala na
naipagtapat niya iyon kina Patsy at Chigo na galit din sa kanya. Pero bukod kay
Timber ay silang dalawa lang ang pwede niyang pagsabihan.
Nagulat
ang magkaibigan sa mga narinig mula sa taong nanakit kay Timber. Ayaw nilang
maniwala pero kita sa mukha ni Javvy ang sinseridad niya. Naiwan silang tulala
dahil sa mga rebelasyon ni Javvy.
“Sa
palagay mo ba totoo ang mga sinabi ni Javvy?” pagbasag sa katahimikan ni Chigo.
“Kahit
na totoo pa ang mga iyon, mukhang matatagalan bago maniwala si Timber. Siempre
mas uunahin niya ang pag-ayos sa problema nila ni Miguel” sagot ni Patsy.
“Speaking
of Miguel, baka naman pumunta doon si Timber, nag-usap na sila at dahil sa
sobrang saya ay hindi pa siya bumabalik” suhestyon ni Chigo.
“Ano
ka ba? Hindi pa uso ang pakikitulog sa mga kaibigan noong panahong iyon, sa
pagkaka-alam ko mahigpit na pinagbabawal iyon kahit sa mga anak na lalaki”
paliwanag ni Patsy.
“Oo
nga pala, naalala ko rin yung kwento ni Timber dati na kahit gusto niyang
magpalipas ng gabi doon ay hindi pwede. Dapat daw bago gumabi ay maka-uwi na si
Miguel sa kanila at kahit gustuhin ni Timber na matulog doon ay wala naman
siyang makakasama” kwento ni Chigo.
“Paano
kaya kung puntahan natin siya?” tanong ni Patsy.
“Sa
kanila?” balik tanong ni Chigo.
“Sa
nakaraan. Tatawid din tayo sa salamin” sagot ni Patsy.
“Nababaliw
ka na ba? Di ba sabi ni Timber walang kasiguraduhan na doon din sa panahon na
iyon tayo makakapunta. Kasi dadalhin lang tayo ng salamin sa lugar na gusto ng
puso natin. Ikaw, nakakasigurado ka ba na gusto ng puso mo ang magpunta sa
panahon na iyon?” tanong ni Chigo kay Patsy.
“Tama
ka nga. Mas mabuti siguro kung hintayin na lang natin si Timber, sigurado ako
may dahilan siya kung bakit hindi nagparamdam ngayon” pagsang-ayon ni Patsy.
“Oo
naman, baka dalhin lang tayo ng salamin sa ibang lugar o panahon dahil iba-iba
ang gusto natin. At isa pa, hindi ko kasing tapang si Timber para tumawid sa
salamin” pagtatapos ni Chigo.
“Gising”
sigaw ng isang lalaki kay Timber. Umagang-umaga ay inistorbo ang mahimbing na
tulog ni Timber sa kanyang kulungan. Hindi pa man siya nakakabawi ng lakas mula
sa gutom at pampupugbog na ginawa sa kanya ngayon ang ginigising na siya.
Hindi
pa handang bumangon si Timber ngunit napilitan siya ng makita ang isang piraso
ng tinapay at isang basong tubig na nasa harapan niya. Daig pa ni Timber ang
hindi nakakain ng isang linggo dahil sa kasabikan niya sa pagkain. Alam niya
kulang pa ang mga binigay sa kanya pero pwede na iyon para pangtawid gutom.
Pagkatapos niyang kumain ay muli na naman niyang narinig ang boses ng pinuno ng
grupong dumakip sa kanya.
“Palayain
ang bihag” utos nito sa mga lalaking nagpapabantay kay Timber. Laking
pasasalamat ni Timber lalo na ng makita niya ang pamilyar na mukha na kasama ng
pinuno.
Chapter
Ten – Prison Cell
No comments:
Post a Comment