Tuesday, January 8, 2013

Dos Tiempos (01-05)

By: bx_35
E-mail: bx_35 (Yahoo)
Blog: theimmaculatedalisay.blogspot.com


[Prologue 1]
Prólogo - Moderno y Antiguo

Sa kikilalaning modernong mundo ng makalumang panahon …..

Makikita ang mga nagtataasang gusali, nagsisikipang kalsada dahil sa traffic na dulot ng dami ng sasakyan, mga taong nag-uunahan sa pagpasok sa trabaho, mga batang abala sa paggawa ng mga homeworks, magkakadikit na kable ng kuryente at telepono, nangingitim sa kulay ng tubig at hangin dahil sa polusyon, gabundok na basura, mga magka-kapitbahay na abala sa pagtsitsismisan pagsikat pa lang ng araw, dumaraming populasyon ng tao, iba’t ibang klase ng mga sasakyang pribado at pampasahero, mga nagkalat na sakit na hindi malaman kung ano ang lunas, pagkaing puno ng preserbatibo, mga bar at disco na nagpapatugtog ng malalakas na musika, nauusong electronic gadgets, iba’t ibang klase ng pelikula, magulong mundo ng pulitika, mga nagsisigandahang hotels at resorts, nagkikislapang mga alahas na iba’t iba ang hugis at anyo, mga hayop na ginagawang alaga, mga kabataang abala sa paglalaro ng PSP, mga taong madalang na lang pumunta sa simbahan, ang pakikipag-relasyon sa pamamagitan ng palitan ng text at private messages, sa gitna ng modernong mundo makikita si Timothy.


Lumaki si Timothy sa piling ng mga lolo’t lola niya, palaging wala sa bahay ang mga magulang niya dahil laging abala sa negosyo nila. Pina-intindi ng mga matanda kay Timothy na para sa kanyang hinaharap ang ginagawa ng mga magulang niya, para na rin makaranas siya ng magandang pamumuhay habang lumalaki siya. Kulang man ang nilalaang oras ng mga magulang, sinisugurado naman nila na naibibigay ang lahat ng pangangailangan ng nag-iisa nilang anak, binibili ang lahat ng gusto niya at pinag-aral sa pribadong paaralan.

Ang laki ng pasamalat ng mga magulang ni Timothy dahil lumaking ang anak nila na maganda ang asal, dahil na rin siguro sa impluwensiya ng kanyang lolo’t lola. Marangya man ang pamumuhay nila, hindi siya marunong mag-aksaya ng mga gamit at pagkain, at kung madalas ay pinapamigay kung ano man ang sobra.

“Timothy, congratulations, as expected ikaw valedictorian ng batch natin” pagbati ng isang kaklase niya sa high school.

“Salamat” maikling tugon niya.

“Nag-alala nga ako sa’yo kasi muntikan ka ng malampasan” pag-aalala naman ng isa niyang kaklase.

“Oo nga, ng dahil sa History Subject natin ay muntikan na akong malaglag sa pagka-valedictorian” sabi ni Timothy.

“Ano ba kasing nangyari sa iyo, talaga bang nahihirapan ka sa subject o pinagtripan ka lang ng teacher natin. Baka type ka kaya pinahirapan ka ng husto” biro ng isa niyang kaklase.

“Pareho. Ewan ko, bakit nahihirapan ako, siguro hindi ako interesado sa History, ayokong pag-ukulan na panahon ang nakaraan na at sinabayan pa ng silahis na teacher na walang ginawa kungdi batuhin ako ng napakaraming tanong para lagi niya akong nakaka-usap” kwento ni Timothy.

“Tapos ang baba pa ng ibinigay na grades sa’yo, baka gusto niyang ulitin mo ang subject niya para makasama ka niyang muli” biro ng mga kaklase niya.

“Buti na lang at matataas ang grades ko sa ibang subjects at marami akong ECA kaya nakabawi sa mababang grade na binigay niya” dugtong ni Timothy.

“Tama na nga yan, importante ga-graduate na tayo bukas ng high school” pag-iiba ng usapan ng kaklase niya.

“Timothy, saan nga pala ang party mo?” tanong ng kaklase niya.

“Sa bahay lang, konting salo-salo lang at kayo lang ang imbitado ko” sagot ni Timothy.

“Ikaw talaga, napaka-humble mo, kung tutuusin pwede kang mag-organize ng house party sa buong batch natin o kaya out-of-town tayong magbabakarda” papuri at mungkahi ng katabi niya.

“Alam niyo namang ayoko ng party, at kung sa bahay naman maaabala naman ang mga kasama namin, ayokong mahirapan sila ng dahil lang sa akin” si Timothy.

“Ang bait mo talaga, pati kalagayan ng mga kasambahay ninyo ay iniisip mo rin” sabi ng isa.

“Kahit na binabayaran sila, hindi ko naman sila pwedeng abusuhin o bigyan ng maraming trabaho. Alam niyo naman na masaya na akong kayo ang kasama ko, gusto kong kayo lang ang paglaanan ko ng oras bago tayo mag-college. Siguradong madalang na lang tayong makita-kita noon kasi iba-iba tayo ng papasukang kolehiyo. Basta sulitin natin ang bakasyong ito na wala tayong naaabusong ibang tao” mungkahi ni Timothy.

“Siempre sabi ni Good Boy kaya dapat sundin natin” biro ng isa.

“Anong Good Boy, parang gusto mo na akong makuha ni Lord?” tila pagtatampo ni Timothy.

“Hindi ganoon ang ibig kong sabihin, ang bait mo kasing kaibigan, kahit na medyo siga-siga ka. Parang kapag ikaw ang nagsalita yung tipong kailangan naming sumunod sa bawat sasabihin mo” paliwanag niya.

“Tama na nga iyan, baka maniwala ako sa inyo” pa-simpleng sabi ni Timothy.

“Pupunta ba ang mga magulang mo sa graduation natin?” tanong ng isa niyang kaklase.

“Hindi” maikli at malungkot na sagot ni Timothy.

“Bakit naman? Sino ang magsasabit ng mga medalya mo?” tanong ulit sa kanya.

“May business trip daw sila sa Paris. Sinubukan nila na kahit isa lang ang maka-dalo, kaya lang di talaga pwede, kailangan doon ang presensya nilang dalawa. Katulad ng dati, lolo’t lola ko ang kasama kong aakyat sa entablado” sagot ni Timothy.

“Di ka ba nalulungkot?” susunod na tanong sa kanya.

“Kung minsan nakakalungkot din, pero iniisip ko na lang na kung hindi dahil sa ginagawa nila, hindi ko mararating ito. Imbis na magtampo ako sa kanila, nagpapasalamat na lang ako dahil maginhawa ang buhay ko” sagot ulit ni Timothy.

“Ibang-iba talaga ang ugali mo sa pangkaraniwang mayaman, napakababa ng kalooban mo at napakabait mo pa, meron nga lang halong konting pagka-siga” biro sa kanya.

“Loko-loko talaga kayo, ako na naman ang pinagtripan ninyo” si Timothy.

“Maglaro na lang kaya tayo” mungkahi ng isa.

“Taguan?” patanong na mungkahi ng isa sa kanila.

“Masyado na tayong matanda para doon. Kung mag-patintero na lang tayo” susunod na mungkahi.

“Marurumihan ang mga damit natin, at wala tayong pwedeng pagguhitan dito” tanggi ni Timothy.

“Alam ko na, yung paborito nating laro noong unang taon pa lang natin dito” mungkahi ng isa at sabay-sabay silang nagtakbuhan.

Bago sila mag-graduate ng high school, ninamnam nila ang huling sandali sa paaralan nila at sa mga oras na iyon ay naglalaro sila ng batuhan ng buto ng sampalok.




Sa kinikilalang lumang panahon ng modernong mundo …..

Makikita ang mga batong-bahay, mga kalsadang pinagsasaluhan ng transportasyon at tao, mga taong abala sa pagdidilig ng mga tanim na halaman sa hardin nila, mga batang masayang naglalaro sa labas ng bahay nila, mga lampara na nagbibigaw ng liwanag sa mga bahay tuwing gabi, sariwang lasa ng tubig at preskong simoy ng hangin, bulto ng mga tuyong dahon sa bakuran ng mga bahay, mga magkakapitbahay na nagbabayanihan, mga magkakakilalang tao dahil sa konti pa lang ang mga naninirahan, ingay ng yapak ng kabayo dulot ng paghila ng kalesa, malulusog na pangangatawan ng mga tao, sariwang prutas at gulay, huni ng ibon at musika dulot ng paghampas ng hangin sa mga puno, paglalaro ng sungka, palabas na sarsuwela sa plasa, simpleng pamumuno ng alkalde, natural na ganda ng ilog at dagat, simpleng palamuti sa katawan na gawa sa mga nagkalat na kabibe sa dalampasigan, mga hayop na malayang natitirahan sa kanilang likas na tirahan, mga kabataang masayang naghabulan sa burol, sabay-sabay na nagsisimba ang mga magkakapitbahay tuwing araw ng Linggo, ang panghaharana para mapasagot ang kanyan iniirog, sa gitna ng makalumang panahon makikita si Javier.

Si Javier na lumaki sa payak na pamumuhay. Natutong umasa sa sarili dahil na rin sa kulang na atensyon at pagkalinga ng mga magulang dahil sa dami nilang magkakapatid. Maparaan kung mag-isip at puno ng diskarte kung kumilos, yang ang tamang paglalarawan sa kanya. Imbes na maiingit siya sa atensyon na binibigay ng mga magulang sa ibang kapatid, nilaan niya ang kanyang oras para kumita at makapag-ipon para matupad ang mga pangarap sa buhay.

Sa kabila ng simpleng pamumuhay ay punong-puno ng pangarap si Javier para sa sarili niya. Gusto niyang makatikim ng kaginhawaan na tinatamasa ng mga makapangyarihang tao sa lugar nila. Umaasa na tumigil na siya sa pagtatrabaho para mabuhay, nais niyang siya naman ang pagsilbihan ng ibang tao.

“Javier, mukhang malayo na naman ang narating ng utak mo” pagkantsaw sa kanya ng isang kabaryo.

“Hindi naman, naiisip ko lang kung paano mabuhay ng maginhawa” tugon ni Javier.

“Huwag ka ng umasa na makakahaon tayo sa payak nating pamumuhay, pinanganak tayo dito at dito rin tayo mamatay” paliwanag sa kanya.

“Sa ganyang pag-iisip natin kaya hindi tayo umaasenso” si Javier.

“Anong nais mong ipahiwatig?” tanong sa kanya.

“Karamihan sa atin ay kuntento na sa ganitong pamumuhay, masaya na sa kakarampot na kinikita. Dapat matuto tayong mangarap, at gumawa ng paraan para matupad ito para makalawa tayo sa simpleng pamumuhay. Kung alam mo lang kung paano mamuhay ng maginhawa?” si Javier.

“Tila ba naranasan mo na ang matiwasay na pamumuhay?” tanong sa kanya.

“Pinagmamasadan ko kasi ang pamumuhay ng mga pakapangyarihang tao sa lugar natin, napagtanto ko lang na ang gaan ng pamumuhay nila, di na nila kailangan magtrabaho at meron pang mga taong naninilbihan sa kanila para tugunan ang ibang pangangailangan” paliwanag ni Javier.

“Napakataas ng pangarap mo. Malamang aabutin ka pa ng maraming taon para mangyari iyan, o kaya ay kailangan mo ng isang matinding himala” tugon ng kasama niya.

“Isa pa yan, kaagad kasi kayong sumusuko, kailangan lang na maniwala sa pangarap mo” sagot ni Javier.

“Ibaon mo na lang sa bukid ang pangarap mo at baka sakaling mamunga ng maraming palay, at sa ganoon ay marami tayong aanihin” muling kantsaw sa kanya.

“Paano mo makukuha ang kamay ng babaeng iniirog mo kung palagi ka na lang dito sa bukid. Gugustuhin ng mga babae dito ang mga lalaking maykaya sa buhay para gumaan ang kanilang pamumuhay” si Javier.

“Ikaw talaga babae na naman ang nasa isip mo. Kaya nga wala kang napapasagot kasi kung sino-sinong babae ang pinapasyal mo sa plasa” biro ng kasama niya.

“Hindi naman sa ganoon, sayang naman ang taglay kong kagwapuhan kung isang babae lang ang makikinabang” pagmamayabang ni Javier.

“Ang swerte mo nga, kahit ilang araw kang magbabad sa ilalim ng araw tila ba hindi nasusunog ang balat mo, hindi katulad namin na halos magmukha na kaming uling dahil sa itim” papuri niya kay Javier.


“Alam ko naman iyon, kaya nga nararapat akong makisalamuha sa mundo ng mga mayayaman para may pakinabang naman ang hitsura ko, hindi itong nakatambak lang ako sa bukid” pagmamayabang ni Javier.

“Magpigil ka nga sa mga pinagsasabi mo at baka may makarinig sa’yo, isipin na inaalipusta mo ang katayuan natin sa buhay” pagsaway sa kanya.

“Hayaan mo silang marinig ng buong bukid na ito kung paano mangarap ang isang Javier” pasigaw na sabi niya sa gitna ng bukid.

“Sige ka, baka mapahamak ka sa mga ginagawa mo” sabi ng kasama niya.

“Ikaw ba, hindi nagsasawa sa buhay dito sa nayon?” tanong ni Javier sa kasama.

“Siguro tama ka nga, kuntento na ako sa pamumuhay ko dito. Ang hirap naman kasing mangarap, tila ba imposible na tayong maka-alis dito” sagot niya.

“Basta ako, naniniwala na balang araw makaka-alis din ako dito sa lugar natin” pagmamataas na sabi ni Javier.

“Kung sakaling mangyari iyon sana ay huwag mo akong kalimutan” paki-usap ng kasama niya.

Dalawang tao.

Galing sa magka-ibang lugar.

Iba ang kinikilalang oras.

Nagmula sa gitna ng magkabilang mundo.

Namuhay sa magka-ibang panahon.

Magka-iba ang kinalakihang kultura.

Pagtatagpuin ng tadhana.

Prologue. Modern and Antique.


[Prologue 2]
Prólogo Dos: Reunión

Year 2008

Sa isang sikat na unibersidad sa Maynila.

“Ako po si Timothy Bermudez, labing pitong taong gulang” pagpapakilala niya sa kanilang Filipino I na subject nila.

“Maraming salamat Ginoog Bermudez. Talaga ngang nababagay ang iyong hitsura sa klaseng ito dahil isa kang moreno, taglay mo ang mga pisikal na katangian ng isang natural na Pilipino” pagpansin ng propesor kay Timothy.

Pagkatapos niya ay isa-isa pang nagpakilala ang iba pa niyang kaklase, hanggang sa makarating sa pinadulo ng klase.

“Javier Hernandez po, labing walong taong gulang. Galing po ng Vigan” nahihiyang pagpapakilala ng pinakahuli sa kanilang klase.

“Ginoong Hernandez, kahanga-hanga na ang isang katulad mo na mala-Kastila ang kaanyuan ay nanggaling din sa Vigan. Maaari ka nang umupo” utos ng propesor.

“Hinahangaan ko ang lugar na iyon, nakarating na ako doon ng ilang beses. Sobrang namangha ako sa lugar, talagang iisipin mong bumalik ka sa panahon ng mga Kastila at panandalian mong makakalimutan ang modernong lugar na ito. Sana nga ay mapanatili ng gobyerno natin ang pag-preserba sa nasabing lugar para maranasan din ng mga susunod na henerasyon kung paano mamuhay ang mga Pilipino noong sakop pa tayo ng mga Kastila. Ito yung lugar na hanggang ngayon ay kinikilala nating makalumang panahon sa modernong mundo.” patuloy na pagpuri ng propesor sa lugar.

“Sa ngayon ay ipapaliwanag ko muna sa inyo kung paano ang proseso ng pagkalkula ko ng inyong mga grado at iba pang dapat ninyong malaman sa klaseng ito” paliwanag ng propesor.

Natapos ang klase nila, at nagsilabasan na ang mga magkakaklase. Saktong pananghalian na kaya nagpasya silang kumain. Habang papunta sa school canteen si Timothy, nakita niya ang isa sa mga kaklase niyang lalake na mag-isang naka-upo sa bench sa labas ng kanilang gusali. Nagpasya siyang lapitan ito dahil wala naman siyang kakilala sa ibang mga kaklasi. Karamihan sa mga kabarkada niya ay sa ibang kolehiyo nag-aral at yung kokonting kakilala niya na nag-aaral din doon ay ibang kurso naman ang kinuha.

“Di ba kaklasi kita?” naglakas loob na tanong ni Timothy.

“Oo” maikling tugon ng lalaki.

“Brads, Timothy ng pala” sabay abot ng kamay.

“Javier, pare, Javvy na lang, para hindi halatang galing sa probinsya” nahihiyang pakilala niya sabay nakipagkamay kay Timothy.

“Ano pa bang ginagawa mo dito, di ka pa ba kakain?” tanong ni Timothy.

“Sige, mauuna ka na, mamaya na lang ako kakain” sabi ni Javvy.

“Sabay na tayong pumunta ng canteen, wala rin kasi akong kasabay kakain” pangungulit ni Timothy.

“Hindi pa kasi ako gutom, mamaya pa naman ang susunod na klase natin kaya marami pang oras para kumain” paliwanag ni Javvy.

“Kung hindi ka kakain ngayon, pwede bang samahan na lang kita dito?” pangungulit pa rin ni Timothy.

“Baka naman magutom ka kapag sinamahan mo ako dito?” tanong niya.

“Ayos lang ako at isa pa wala pa rin akong kakilala sa mga kaklase natin, pwede ba kitang maging kaibigan?” balik na tanong ni Timothy.

“Oo naman. Sa totoo nga rin nahihiya akong makipagkaibigan sa iba kasi galing akong probinsiya, baka walang gustong makipag-kaibigan sa akin” si Javvy.

“Huwag mong isipin yan, di porke’t galing ka sa probinsiya ay iiwasan ka nila. Kailangan mo lang lakasan ang loob mo at isa pa, hindi ka nga mukhang probinsiyano, tama nga ang propesor natin kanina, mukha kang Kastila” pagkumbisi ni Timothy.

“Salamat” maikling sagot ni Javvy.

“Ano, di ka pa ba nagugutom?” tanong ulit ni Timothy.

“Ang totoo niyan, kulang kasi yung pera ko, kailangan ko talagang magtipid” nahihiyang sabi ni Javvy.

“Huwag kang mag-alala, ililibre kita na muna kita ngayon” sabi ni Timothy.

“Naku, di ba nakakahiya yan, ngayon pa lang tayo nagkakilala tapos ililibre mo na ako” nahihiya pa ring sabi ni Javvy.

“Di ba mag-kaibigan na tayo? Dapat wala ng hiya-hiya pa. Kung ayaw mong magpa-libre, ikaw na lang sasamahan kong maupo dito habang naghihintay tayo ng susunod na klase” pagtatampo ni Timothy.

“Paano akong hindi sasama sa’yo kung kinokonsenya mo ako. Sige na, sasama na ako sa’yo at kumain na tayo” pagpayag ni Javvy.

“Tara na, baka dumami na ang mga tao sa canteen at mahirapan tayong maghanap ng pwesto” pagyaya ni Timothy.

Lumipas ang mga araw na silang dalawa ang laging magkasama. Madalang lang kung makihalubilo sila sa iba nilang mga kaklase. Pareho silang naging komportable sa isa’t isa. Laging nagtutulungan sa kanilang mga takdang aralin at iba pang proyekto.

“Javvy, may tanong pala ako sa’yo?” si Timothy.

“Ano iyon?” tanong ni Javvy.

“Bakit pala nahinto ka ng isang taon sa pag-aaral? Siguro naman wala kang naibagsak na mga grado mo dati kasi matalino ka naman?” pag-usisa ni Timothy.

“Ang totoo niyan, hindi na dapat ako tutuloy ng kolehiyo. Dahil sa kahirapan, di kaya ng magulang ko ang tustusan ang matrikula ko kaya nagpasya na lang sila na makipagtrabaho rin ako sa bukid. Pero dahil sa nangarap akong makatapos ng kolehiyo, himalang sinuwerte ako at may tumulong sa akin” kwento ni Javvy.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ulit ni Timothy.

“Nag-alok kasi ng scholarship ang munisipyo namin sa tulong ng ibang maykayang pamilya, at pinalad naman akong mapili. Yung nga lang di na ako nakahabol sa pagrerehistro noong nakaraang taon. Pero masaya naman ako kasi nakilala kita” sabay tingin ni Javvy kay Timothy.

“Masaya rin ako na kasama ka, una pa lang na pagkakita ko sa’yo magaan na ang loob ko kaya hindi ako nagdalawang isip na magpakilala sa’yo” paliwanag ni Timothy.

“Salamat, napaka-swerte ko sa’yo. Hindi ko aakalain na makakatagpo ako ng isang kaibigang tulad mo” si Javvy.

“Salamat din kasi tinanggap mo ang pakikipag-kaibigan ko” si Timothy.

Lumipas naman ang mga buwan na mas lalong lumalim ang pagsasamahan nila. Tuwing katapusan ng linggo o kapag nakaluwag sa pag-aaral, pinapasyal ni Timothy si Javvy sa mga sikat na pasyalan at tanawin sa Lungsod.

“Ang laki talaga ng MOA, nakakahilo naman kung lilibutin natin ito ngayong araw” pagkamangha ni Javvy.

“Sinong nagsabing tatapusin natin ikutin ang MOA ngayong araw na ito? Di naman ito nawawala at pwede tayong bumalik dito kahit anong araw, basta nakaluwag tayo” si Timothy.

“Kain muna tayo, ako naman ang manlilibre sa’yo ngayon, meron kasing sobra sa pera ko” pagyaya ni Javvy.

“Huwag na, ipunin mo na lang iyan, malay mo bigla kang mangailangan, para may huhugutin ka” patanggi ni Timothy.

“Sige ka, kapag di ka pumayag magtatampo ako sa’yo” sabay kunwaring hikbi ni Javvy.

“Ang kulit mo talaga, huwag ka ng mag-drama dyan. Darating din ang araw na pagpapalibre ako sa’yo. Huwag muna ngayon, mas kailangan mo yan” pagtutol pa rin ni Timothy.

“Sige, uwi na lang ako kung ayaw mo talaga” sabay alis ni Javvy.

“Eto naman, para ganoong bagay lang. Huwag ka ng umiyak” paghabol ni Timothy kay Javvy sa gitna ng maraming tao sa pamilihan.

“Sinong nagsabing umiiyak ako?” pagtatampo pa rin ni Javvy.

“Ako” si Timothy sabay kiliti sa beywang ni Javvy.

“Ano ka ba? May kiliti ako dyan, tigilan mo na nga iyan at nakakahiya sa mga tao” pagpigil ni Javvy sa pangingiliti ni Timothy.

“Hindi ako titigil hanggang di ka pumapayag na ako ang manlibre ngayon” pangungulit pa rin ni Timothy.

“Ang kulit mo talaga, sige na, payag na ako, ikaw na naman ang manlilibre” pagpayag ni Javvy.

Dahil sa harutan nila ay di sinasadyang matumba silang pareho, at sa gitna ng maraming tao, ay di sinasadyang maglapat ang kanilang mga labi.

“Ang kulit mo kasi” pagsaway ni Javvy.

“Kung una pa lang pumayag ka na, di sana di mangyayari ito” si Timothy.

Tahimik.

“Nagustuhan mo naman” biro ni Javvy.

“Ikaw rin naman, alam ko naman matagal mo ng gustong matikman ang labi ko kaya sinadya mong magpahabol sa akin at kunwari nagpatumba ka” pagsabay sa biro ni Timothy.

“Ah ganoon pala, maghanda ka sa akin” paghamon ni Javvy.

“Huwag po, maawa ka sa akin, huwag dito, maraming tao” si Timothy.

Piningot ni Javvy ang tenga ni Timothy, di nya ito tinigilan hanggang makarating sila sa food court.

“Ayan, namula tuloy ang tenga ko” pagmamaktol ni Timothy.

“Ikaw kasi ang kulit mo, kung ano ang pinagsasabi mo ang dami pa namang tao” si Javvy.

“Di naman nila tayo mapapansin dahil abala sila sa maraming bagay, sige na nga kain na tayo” pagyaya ni Timothy.

Lumipas pa ang ilang buwan, mas lalo pang lumalim ang pagsasamahan ng dalawang magkaibigan, halos nga hindi na sila mapaghiwalay. Madalas ay tinutukso rin sila ng mga kaklase nila bilang bagong magkatipan, pero di na nila binibigyan ng importansya iyon, ang mahalaga ang masaya silang magkasama. Mas dumami pa ang napasyalang lugar at masasayang karanasan nila.

Isang araw nagyayayang mamasyal si Javvy sa Manila Bay.

“Bakit dito ka pala nagyaya?” tanong ni Timothy.

“Gusto ko kasing makita ang paglubog ng araw sa baybayin ng Maynila” sagot ni Javvy.

“Ang lalim naman. Oo pala, nanggaling ka ng probinsiya, walang ganito doon” pabirong sabi ni Timothy.

“Ikaw talaga, lagi mo na lang akong inaasar” sabi ni Javvy sabay kurot sa pisngi ni Timothy.

“Araw ko, masakit yon” pagtatampo ni Timothy.

“Sorry kung nasobrahan ang kurot, ikaw kasi umandar na naman ang kakulitan mo” si Javvy.

“Ikaw naman ang bilis ng mga kamay, at dahil kinurot mo ang pisngi ko, eto ang sa’yo” si Timothy sabay pisil sa ilong ni Javvy.

Bigla na lang tumahimik si Javvy.

“Sorry na, alam mo namang nagbibiro lang ako, gumanti lang naman ako sa’yo” nababahalang sabi ni Timothy.

“Gusto ko lang kumalma ang pakiramdam ko kaya nagyaya ako dito, gusto kong panoorin ang paglubog ng araw at ang sabi nila dito daw ang pinakamagandang pwesto” seryosong sabi ni Javvy.

“Uy, emote” biro ni Timothy.

“Eto naman, seryoso na nga ako, at may sasabihin pala ako sa’yo” sabi ni Javvy.

“Ano yon?” tanong ni Timothy.

“Tim, mahal kita” sabi ni Javvy.

“Anong sinabi mo?” gulat ng tanong ni Timothy.

“Mahal kita” sigaw ni Javvy.

“Huwag ka ngang sumigaw, nakakahiya sa mga tao. Sige na, naniniwala na ako” sabi ni Timothy.

“Ibig sabihin mahal mo rin ako?” tanong ni Javvy.


At dahil doon, nagbakasyon sila sa Vigan.

Prologue Two: The Meeting


[Prologue 3]
Prólogo Tres – Camino

Taong mil ochocientos noventa uno (1891), tag-init.

“Yago, kanina ka pa naghihintay?” tanong ni Miguel sa binatang kaibigan.

“Hindi, kadarating ko lang, nauuna lang ako sa’yo ng ilang minuto” sagot ni Yago sa labing walong taong gulang na kaibigan.

“Nag-alala ako ng husto, baka naiinip ka sa paghihintay” nahihiyang turan ni Miguel.

“Huwag mo ng pansinin yon, ayos lang ako. Saan nga pala tayo pupunta?” tanong ni Yago.

“Maaliwalas ang panahon ngayon, gusto mo bang mamangka sa ilog?” tanong naman ni Miguel sa kasama.

“Sige, sobra akong natutuwa sa ideya mo” sabik na sabik na pagpayag ni Yago.

Naglakad ang mag-kaibigan papuntang ilog. Dumaan sila sa isang kalye kung saan nakahelera ang mga malalaking puno magkabilang gilid na nagbibigay lilim sa dinadaan ng mag-kaibigan. Napaka-payapa at tahimik ng lugar, sa tuwing tumitigil sa pag-uusap ang magkaibigan, ang musika ng huni ng mga ibon ang naririnig nila.

“Tila tuwang-tuwa ka sa pamamangka natin?” tanong ni Miguel.

“Ang totoo niyan ngayon ko pa lang mararanasang makasakay ng bangka, wala kasing ilog sa amin” paliwanag ni Yago.

“Huwag kang mag-alala, magaling akong mag-sagwan kaya walang mangyayaring hindi maganda sa atin sa ilog” paninigurado ni Miguel.

“Kampante naman ako kapag ikaw ang kasama ko” sabi ni Yago sabay tingin kay Miguel.

“Bakit nakatitig ka sa akin?” tanong ni Miguel.

“Ang sarap kasing tignan ng mukha mo, ang kisig” paghanga ni Yago.

“Ganoon ba?” nahihiyang sabi ni Miguel.

“Naniwala ka naman” sabi ni Yago sabay tapon ng isang mahinang suntok sa braso ni Miguel.

“Aray ko, ang sakit, humanda ka, gaganti ako” sigaw ni Miguel na nabulabog ang mga ibon.

“Habulin mo ako” hamon ni Yago.

“Sige, maghanda ka” sigaw ulit ni Miguel.

Naghabulan ang magkaibigan, binulabog ng mga yapak at sigawan nila ang tahimik, malawak, payapa, at mahabang daanan papuntang ilog. Kahit na pagod sa habulan ay ramdam pa rin nila ang sariwang samyo ng hangin at ang lilim na dulot ng mga naglalakihan puno.

“Ayan na ako” sigaw ni Miguel.

“Habol ka pa, ang layo pa kaya ng agwat mo” pangungutya ni Yago.

Patuloy pa rin ang habulan nila.

“Sandali lang, suko na ako, hindi na kita maabutan” pagsusumamo ni Miguel.

“Takbo ka lang, malapit na tayo sa ilog” patuloy na pangungutya ni Yago.

“Mauna ka na, hinihingal na talaga ako” pagsuko ni Miguel sa habulan.

“Ang hina mo pala, sige kita na lang tayo sa ilog” sabay takbo ng mabilis ni Yago.

Nakarating na sa ilog si Yago, pagkahilamos at pagkainom ng sariwang tubig ay nagpasya muna siyang maupo para hintayin ang kaibigang humahabol sa kanya. Makalipas ang ilang minuto ay wala pa rin si Miguel, dahil sa pag-alala ay nagpasya siyang balikan ang kaibigan, at natagpuan niya itong nakahiga sa daan.

“Miguel” sigaw ni Yago habang tumatakbo sa nakahandusay na kaibigan.

“Miguel, Miguel, gising, nagmamaka-awa ako” pagsusumamo ni Yago.

Palapit ang tenga ni Yago sa ilong ng kaibigan para tignan kung humihinga pa ito ng saktong bumangon naman si Miguel kaya hindi maiwasang mabunggo si Yago at aksidenteng pumatong ang katawan ni Yago kay Miguel. Ang bilis ng pangyayari at sa huli ay naramdaman na lang nilang magkalapat ang kanilang labi. Dahil sa pagkakabigla ay kaagad kumawala si Yago sa pagkakapatong.

“Pasensya na” sabi ni Yago sabay abot ng kamay kay Miguel para tulungan siyang bumangon.

“Ayos lang iyon, kasalanan ko naman” si Miguel.

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Yago.

“Wala naman talagang nangyari sa akin, ginawa ko lang iyon para makaganti sa’yo” paliwanag ni Miguel.

“Sinadya mong humandusay sa daan para mag-alala ako, at kapag nakalapit na ako ay susuntok ka naman sa akin?” tanong ni Yago.

“Oo” nahihiyang tugon ni Miguel.

Tahimik.

“Aray ko” sigaw ni Miguel matapos dumapo ang kamao ni Yago sa kabilang braso niya.

“Ikaw kasi, pinag-alala mo ako ng sobra-sobra. Tayo na nga sa ilog para makapa-mangka na tayo” naiinis na sabi ni Yago.

“Patawad na, gusto ko lang naman makaganti sa’yo” pagsusumamo pa rin ni Miguel sa kaibigan.

“Sige na nga, sagutin mo na lang ang tanong ko” si Yago.

“Ano?” tanong ni Miguel.

“Nagustuhan mo ba yung halik natin?” pabirong tanong ni Yago.

“Di natin sinadya ang nangyari at di maganda yon, dapat babae at lalake lang ang naghahalikan” sagot ni Miguel.

“Sabagay tama ka. Pabayaan mo na lang iyon” sabi ni Yago.

“Hindi ka na ba galit?” tanong ni Miguel.

“Sinong nagsabing galit ako?” tanong ni Yago.

“Akala ko galit ka sa ginawa ko kanina” sabi ni Miguel.

“Yung paghalik mo?” tanong ni Yago sabay ngisi.

“Nakaka-asar ka talaga, hindi iyon, yung pagbibiro ko?” tanong ulit ni Miguel.

“Ang kulit mo rin, sinabi ko na ngang hindi ako galit” sabi ni Yago.

“Bakit malungkot pa rin ang mukha mo?” tanong ni Miguel.

“Para makuha ko ang atensyon para dito” sabi ni Yago sabay suntok ulit sa braso ni Miguel.

“Araw ko, nakakatatlo ka na. Ayaw ko na, masakit na” paki-usap ni Miguel.

“Pasensya na, nakakatawa ka lang kasing pagmasdan” sabi ni Yago.

“Ngayon ginawa mo namang nakakatuwa ang hitsura ko” pagtatampo ni Miguel.

“Hindi iyon ang nais kong ipahiwatig. Ang kulit mo din” asar na sabi ni Yago.

“Ihinto na nga natin ito, tayo na at sumakay na tayo ng bangka” pagyaya ni Miguel kay Yago ng marating ang tabing ilog kung saan naroon ang bangka nila.

“Meron palang paminggwit dito. Maminggwit din tayo ng isda” pagyaya ni Yago.

“Bitawan mo nga ang mga iyan, hindi sa amin yan, meron sigurong mga mangingisda na naka-iwan dito” pagpigil ni Miguel.

“Isasauli rin natin pagkatapos nating gamitin, ako ang bahala sa’yo” paninigurado ni Yago.

“Kung ano-anong kalokohan ang nalalaman mo. Sige, kung gusto mong mamingwit, magkuhay ka na ng mga bulate” utos si Miguel.

“Maaaring ikaw na lang ang maghanap ng bulate, natatakot kasi ako” pagtanggi ni Yago.

“Ang lakas ng loob mong mamingwit, takot ka naman pala sa mga bulate. Sige, habang kumukuha ako ng bulate, ayusin mo ang mga pamingwit” muling uto ni Miguel sa kaibigan.

“Sige, basta huwag mong ilapit sa akin ang mga bulate” paki-usap ni Yago.

Gusto sanang ihagis ni Miguel ang mga bulateng nakuha niya kay Yago para makaganti ito sa mga mahinang suntok na inabot ng mga braso niya, pero ninais niyang huwag ituloy ang plano para makabawi naman ito sa ginawang niyang paghiga sa daan na naging dahilan ng sobrang pag-alala ng kaibigan niya.

“Ang ganda palang mamangka” sabi ni Yago.

“Tila ba ngayon ka pa lang nakasakay ng bangka?” tanong ni Miguel.

“Naranasan ko na dati sa ibang lugar, pero iba dito sa lugar ninyo, sobrang payapa at langhap pa ang sariwang hangin” paliwanag ni Yago.

“Ihanda mo na ang mga pamingwit at kapag nakarating tayo sa parteng iyon ng ilog ay pwede ka ng mamingwit” sabi ni Miguel.

“Miguel, bukod sa akin, sino pa ang mga kaibigan mo?” tanong ni Yago.

“Ang totoo niyan, ikaw lang ang kaibigan ko” sagot ni Miguel.

“Wala ka bang ibang kakilala?” muling tanong ni Yago.

“Ayaw kasi ng papang ko ng lumalabas ako ng bahay” sagot ni Miguel.

“Anong maaaring dahilan ng papang mo bakit ayaw ka niyang palabasin?” tanong ulit ni Yago.

“Gusto niya lagi akong nasa bahay para bantayan ang mamang ko” sagot ni Miguel.

“Ano bang nangyari sa mamang mo?” tanong ulit ni Yago.

“Wala naman, gusto lang ni papang na laging merong kasama si mamang sa bahay. Si papang kasi laging nasa labas para maghanapbuhay, at tuwing ganitong araw lang ako nakakalabas kasi nasa bahay naman si papang. Pinapayagan naman niya ako para kahit wala akong kaibigan ay makapasyal naman ako” paliwanag ni Miguel.

“Buti na lang at laging nagkakataon na nagkikita tayo kapag lumalabas ka” sabi ni Yago.

“Masaya nga ako at nakilala kita” sabi ni Miguel.

“Ako rin masaya ako kapag kasama ka” si Yago, sabay tingin kay Miguel.

Napatingin din sa Miguel kay Yago, matagal, tila ba huminto ang oras para sa kanilang dalawa.

Huni ng ibon, mahinhing pagaspas ng mga dahon, at mayapang daloy ng tubig ang maririnig habang patuloy ang patitinginan nila.

Sabayan pa ng maamong sikat ng araw, berdeng paligid at mga nagkalat na ulap sa bughaw na langit.

Tahimik.

“Yago, mukang meron ka ng nahuling isda” panira ni Miguel sa katahimikan ng paligid.

“Oo nga, mukhang malaki ito, ang hirap hilain” sabi ni Yago.

“Gusto mo bang tulungan kitang humila?” pag-alok ng tulong ni Miguel.

“Hindi, ayos lang ako dito, huwag mo akong alaalahanin” pagmamayabang ni Yago.

“Sige pa, konti na lang at mahihila mo rin” sa Miguel.

“Ayan na, nahuli ko na. Ang laking isda nito, ihawin natin mamaya” masayang sabi ni Yago.

“Sang-ayon ako diyan, pagdating natin sa pampang ay gagawa ako ng baga para makapag-ihaw” pag-alok ni Miguel.

“Ayan, nahuli ko na. Sandali, parang merong gumagalaw sa paa ko” ninenerbiyos na sabi ni Yago.

“Sandali tignan ko” si Miguel.

Pero bago pa makagalaw ni Miguel ay nakita na ni Yago ang mga nakatakas na bulate na nagkalat sa bangka at ang ilan ay gumagapang na sa paa niya. Biglang naglulundag si Yago sa bangka dahilan upang matumba siya at di sinasadyang muling madaganan si Miguel at naglapat na muli ang kanilang labi, sa pagkakataong ito, mas madiin at matagal.

Nakalimutan ang mga bulate, nabitiwan ang pamingwit, nakawala ang malaking isda, muntik na silang mahulog sa bangka, mas lumakas pa ang huni ng mga ibon tila ba nasasayahan sa nangyari sa dalawang magkaibigan.

Prologue Three – Walkway


[01]
Capítulo Uno – Amigos

First Semester, AY 2010

Nasa isang Internet Café si Timothy, hinihintay ang mga kaibigan niya, napagpasyahang huwag munang pumasok sa unang araw nila sa ikatlong taon nila sa kolehiyo, tatambay muna sila doon tapos papasyal sa mall. Literal na Internet Café, kasi hindi ka pwedeng pumunta doon kung gagamit ka lang ng internet o kung magkakape ka lang, dapat sabay, habang nag-iinternet ka dapat ka ring umorder ng kape sa kanila, at kung iinom ka ng kape obligado ka ring gumamit ng internet. Kung grupo naman kayong pupunta doon, dapat sa bill nyo, makikita na gumamit ng internet at uminom ng kape.

Kung hilig mong mag-browse ng internet para mag-upload ng pictures, mag-check ng mail, makisali sa mga social networks, mag-post ng tanong at maghintay ng sagot, mag-aral ng iba’t-ibang language, mag-download ng kahit ano basta libre, maghanap ng recipe na matagal mo ng gustong iluto, mag online shopping kasi tinatamad magpunta sa mall, makipag chat sa mga kaibigan at para makahanap din ng makaka-date, maghanap ng mga source codes, gumawa ng blog o website, magbasa ng balita at tsismis, mag post ng comments at shoutout, mag share ng file, mag-advertise, maghintay ng update sa mga inaabangang kwento, mag-save ng mga paboritong pictures, maghanap ng trabaho, manood ng videos, manghagilap ng advise, makibalita sa inaabangang reality show at serye sa TV (locat at international), maghanap ng mga translation ng mga salitang hindi naiintindihan, magpost ng review sa bagong produkto o pelikula, maglaro ng DOTA at online Poker game, tignan ang bahay sa pamamagitan ng GPS, hanapin ang kahulugan ng pangalan, tignan ang sinasabi ng iyong zodiac sign, mag-back-up at mag-share ng music at video files, maki-update sa mga bagong uso sa mundo ng fashion at technology, tumingin ng picture at interesting facts tungkol sa ibang bansa para alam kung saan pupunta kapag gusto mong magbakasyon habang uminom ng iba’t ibang klase ng kape, tulad ng Affogato, Caffè Americano, Café au lait, Café Bombon, Caffè latte, Café mélange, Espresso, Romano, Cafe mocha, Ca phe sua da, Cappuccino, Cortado, Eiskaffee, Flat white, Frappuccino, Galão, Greek frappé coffee, Iced coffee, Indian filter coffee, Instant coffee, Irish Coffee, Kopi susu, Liqueur coffee, Macchiato, Mochasippi, Naked Coffee, Turkish coffee, Vienna coffee, Yuanyang at sabayan mo na rin ng iba’t ibang klase ng cake slice, crêpe, sandwhich, cookies, tarts, burger, salad (vegetable at fruit), at ice cream ay pwede kang tumambay dito.

Makalipas ang isang minutong paghihintay ni Timothy ay dumating din ang isa sa mga kaibigan niya, si Chigo. Kasing edad niya, 19 years old din, 5’10 ang taas, medyo singkit ang mata, tama lang ang tangos ng ilong, maputi, laging nakabukas ang pang-itaas na butones ng school uniform nilang polo na maluwag sa kanya yung tipong napilitan lang siyang pumasok hindi talaga siya mukhang estudyante, at kung civilian naman ay para siyang miyembro ng isang hip-hop group kung pumorma. Pagpasok pa lang niya sa “Internet Café” ay isa-isa ng bumati sa kanya ang ibang mga naka-tambay doon na kapwa estudyante rin nila.

“Chigo, musta na?” tanong ng isang babaeng malapit sa pintuan, gusto sanang makipag-beso beso kaya lang iniwasan lang niya.

“Eto, ok lang. Sa susunod, kung hahalik ka, bilisan mo ng konti ang kilos” pabiro niyang sagot.

“Chigo, anong update sa Clean and Green Campaign Project?” tanong ng isang lalaking nadaanan niya na ninakawan ng halik sa pisngi.

“Open pa ang registration kung sino ang gustong sumamang mag-linis ng school grounds sa susunod na Sabado. Salamat sa halik” sagot ni Chigo.

“Bakit siya pinagbigyan mong makahalik sa’yo?” protesta ng babaeng malapit sa pinto.

“Sorry, mabilis siya, sabi ko naman sa’yo kailangang bilisan mo” sagot ni Chigo.

“Mr. President, kailan ang socialization nights natin?” tanong ng isang freshman na di mawari kung ano ang sekswalidad.

“After two weeks, kaya dapat maghanda ka ng isusuot mo, basta magmukha kang babae o lalake, pwede na iyon” pabirong sagot ni Chigo.

“Na-approve na ba ang Plan of Actions natin for this School Year?” tanong ng isa pang lalaking ka-officer niya sa Student Council.

“Last summer pa po, nabigyan ka ba ng kopya o sinadya mong hindi basahin?” balik na tanong ni Chigo.

“Ito naman, masyado kang masungit, nagbibiro lang ako, eto na, kiss na lang kita” sabi ng huli niyang kausap, sabay halik sa pisngi ni Chigo.

“Ayan, edi kung lagi kang ganyan di ako nagsusungit” masayang sabi ni Chigo.

“Chigo, ang daya mo, ako ang unang dinaanan mo pero hindi mo ako pinahalik” protesta ulit ng babae sa pintuan.

“Bawi ka na lang sa susunod na pagdaan ko dyan” sigaw ni Chigo sa kanya.

Sabay alis ng babae dahil sa pagkadismaya na siya namang ikinatuwa ni Chigo.

“Timyong” bati ni Chigo kay Timothy.

“Santiago, umayos ka dyan” pagbabanta ni Timothy.

“Sorry, nagbibigo lang” sabi ni Chigo.

“Nakita mo ba si Patsy?” tanong ni Timothy.

“Di nga, di pa ba nag-text sa’yo?” tanong naman ni Chigo.

“Hindi rin, pero on the way na siguro yon” sagot naman ni Timothy.

“Gusto ko ng magbrowse sa internet, ganyan naman kasi ang rules ng shop na ito, hindi ka pwedeng mag-internet kung hindi ka o-order ng kape” reklamo ni Chigo.

“Pasalamat ka na lang at pwede tayong umarkila ng isang table dito, na pinapayagan nila na kahit isa sa atin ang iinom ng kape at isa naman ang nag-iinternet” paliwanag ni Timothy.

“Ewan, ang arte kasi nila, pero atleast pasok pa rin tayo sa rules nila. Eto na pala si Patsy” sabi ni Chigo.

Pagkabukas ng pinto ni Patsy, merong mahinang hangin na bumuga sa maputing mukha niya dahilan upang magalaw ang buhok niya. Hinayaan nalang niya iyon kasi alam naman niyang babalik sa ayos ang malambot niyang buhok. Pag-apak ng 19 anyos na magandang dalaga, huminto ang lahat, tumigil ang barista sa pagtimpla ng kape, tumigil ang pagtulo ng tubig sa faucet, nag-hang ang lahat ng screen ng computers at POS, hindi mahigop ang kape mula sa tasa at baso, hindi rin bumuga ng malamig na hangin ang aircon, nanahimik ang mga babae sa pagpapalitan ng updates sa mga paborito nilang artista, tumigil din ang mga lalake sa pag-uusap tungkol sa mga crush nilang babae at lalake, habang si Patsy ay diretso pa rin sa paglalakad patungo sa mesa ng mga kaibigan niya, ilang hakbang na lang ay malapit sa siya sa kanila ng bigla siyang matapilok, buti na lang at nakahawak sa posteng malapit sa kanya kaya naagapan ang pagbagsak niya. At dahil doon, bumalik na ang lahat sa pagkilos.

Samantalang si Patsy, diretso lang sa paglalakad, deadma lang, di naman kasing laki ng problema ng paglala ng populasyon at polusyon ng Pilipinas, palalang traffic sa kalsada, kaka-isip ng mga contestants ng iba’t ibang beauty pageants kung paano makakamit ang “World Peace”, nagkalat na mga basura sa mga lansangan at ilog, pataas na presyo ng mga bilihin at hindi pagtaas ng sahod ng mga empleyado, corruption sa gobyerno, nakakalbong kagubatan na sanhi ng matinding baha tuwing may bagyo, nagkalat na snatcher at holdaper sa paligid, kakulangan ng mga classroom at libro kaya nahihirapan sa pag-aaral ang mga bata, iba’t ibang uri ng bisyo na sumisira sa buhay ng mga kabataan, paghahanap ng pagkain ng mga nahihirapan nating mga kababayan, problema sa pabahay ng gobyerno, coup de etat, pagtaas ng unemployment rate, problema sa lovelife ni Kris Aquino, o kung paano ipapa-alam ng isang tao ang kanyang sexual preference. Kahit na maraming beses ng nabigo si Patsy na kanyang “Grand Entrace”, tuloy lang kasi alam niyang darating din ang araw na mape-perfect din niya iyon.

“Timi Boy, Chigo, kanina pa ba kayo naghihintay?” tanong ni Patsy na hindi talaga inintindi ang pagkatapilok niya.

“Hindi naman, halos kadarating ko lang din” sagot ni Chigo.

“Isa ka pa, Patricia, kapag hindi ako nakapag-pigil, mayayari kayong dalawa ni Santiago” pagbabanta ni Timothy.

“Sige na, Timber” sabi ni Chigo.

“Ikaw kasi, ano pang alam mong effect, at talagang nagpalit ka ng pangalan” medyo nakukunsuming sabi ni Patsy.

“Oo nga, naalala mo pa ba ng magpalit siya ng pangalan?” tanong ni Chigo kay Patsy.

“Oo naman, siguro pag-gising niya isang umaga, nagsawa na siya sa kakatawag na kanya ng “Tim” kaya bigla niyang kinuha ang cellphone niya at nagtext sa lahat ng nasa phonebook niya “simula ngayon Timber na ang itawag nyo sa akin” kwento ni Patsy.

“Di pa nakuntento, nag-shout-out pa sa social networking ng “From now onwards, you can call me Timber” dugtong na kwento ni Chigo sabay tawa.

“Oo nga, tapos meron pa, pagpasok sa school noong second year tayo, namigay pa ng leaflefts na may nakalagay na “My name is Timber” at naka-post pa ang picture niya, pero sosyal, colored print-out yon kaya naman wala kang nakitang nagkalat na papel sa school ground, di gaya kapag eleksyon na binabasura ang mga leaflefts na binibigay ng mga kandidato” patuloy na pagku-kwento ni Patsy.

“Exaggerated naman kayo kung mag-kwento, nagtext lang naman ako, yung mga kasunod di ko na ginawa” nahihiya at naasar na sabi ni Timber.

“Ikaw kasi, ano pang naisipan mong palitan ng pangalan mo?” tanong ni Patsy.

“Wala lang, trip lang, para maiba naman, di ba astig pakinggan?” tanong ni Timber sa kanila.

“Oo nga, astig na astig pakinggan, TIMBER” pang-aasar ni Chigo na sinabayan ng tawa ni Patsy.

“Santiago Jimenez, Patricia Ramirez, kapag hindi kayo tumigil, hindi ko babayaran ang bill natin para sa kape at internet” babala ni Timber.

“Hala, kumusta naman iyon, magkano mong nabili ang kumpletong pangalan namin at kung makatawag ka ay parang inarkila lang namin sa’yo” biro ni Patsy.

“Tama na yan, baka mapikon na si Timyong, este Timi Boy, este Timber pala. Patsy yung laptop mo, labas mo na para maka-connect na ako sa Wi-fi nila at para makapag-kape ka naman. Aray” sigaw ni Chigo.

“Ikaw kasi, ang kulit mo” asar pa rin si Timber pagkatapos pingutin sa tenga si Chigo.

“Hihinto na ako, Timber, Timber, Timber, Timber, Timber, hindi na kita tatawagin sa ibang pangalan katulad ng ….. aray” sigaw ulit ni Chigo.

“Kapag tinuloy mo iyan, hindi ko bibitawan ang magkabilang tenga mo, wala akong pakialam kahit mangawit ako sa pagtayo ko dito sa likuran mo” si Timber.

“Timber, Timber, Timber, Timber, Timber, tama na po, masakit na po” pagmamaka-awa ni Chigo.

“Timi Boy, tama na yan, namumula na ang tenga ni Chigo” paki-usap ni Patsy.

“Anong sabi mo?” galit na sabi ni Timber at lumapit kay Patsy.

“Kuya, huwag po ang tenga ko, baka mamula rin at hindi babagay sa gintong hikaw ko” pagmamaka-awa ni Patsy sabay takip sa tenga niya.

“Sino naman ang nagsabing tenga mo ang pipingutin ko?” tanong ni Timber.

“Salamat po, kuya Timber, akala ko pipingutin mo rin ang tenga ko” maginhawang sabi ni Patsy.

“Kung pwede ko namang gawin ito” sabay tusok ni Timber sa magkabilang beywang ni Patsy.

“Timber, tama na, Timber, tama na, hihinto na kami ni Santiago” paki-usap ni Patsy.

“Patricia, tumigil ka dyan, pati ako dinadamay mo” pagsaway ni Chigo.

Tumigil na si Timber sa pangungulit sa dalawa at umupo na sa pwesto niya. Konting katahimikan.

“Na-miss ko kayo, kumusta ang summer ninyo?” tanong ni Timber.

“Ok lang, enjoy naman ang bakasyon namin sa Bohol ng family ko” sagot ni Patsy.

“Mas enjoy ang Asian Cruise namin ng mga pinsan ko. Ikaw Timber, anong ginawa mo?” tanong ni Chigo.

“Sa bahay lang, nakakatamad kasing lumabas, alam nyo naman na laging wala ang parents ko at kayong dalawa ang close friends ko” malungkot na sabi ni Timber.

“Sana pala sinama ka na lang namin” sabay na sabi nina Chigo at Patsy.

“Ok lang iyon, ayaw ko naman ma-istorbo ang bakasyon nyo with your family. Tawagin ko na ang waiter, ano ang order nyo?” tanong ni Timber sabay kaway sa waiter.

“Isang fondante crêpe at hot chocolate” sagot ni Chigo habang busy na sa pagharap sa laptop ni Patsy, nasa harapan na nila ang waiter.

“Chocolate cake at java chip chocolate frapuccino” si Patsy.

“Hindi ka naman kayo mahilig sa chocolate?” tanong ni Timber.

“Ok lang yan, diet naman ako last summer, ngayon lang babawi” sagot ni Patsy.

“Clubhouse at iced caffee mocha” si Timber.

Habang naghihintay sa order nila ay naging abala ang tatlo sa kwentuhan nila kung ano ang iba pa nilang ginawa noong summer. Madalang lang kasi ang communication nila para daw ma-miss naman nila ang isa’t isa at para mas maraming oras ang maibigay sa pamilya nila, siempre si Timber ang mga lolo’t lola pa rin ang kasama niya sa buong bakasyon. Pagkatapos ng kalahating oras ay dumating na ang order nila, pero patuloy pa rin sila sa kwentuhan.

“OMG, is that Javvy?” tanong ni Patsy.

“Oo nga, Timber di ba close kayo ni Javvy noong first year?” tanong ni Chigo.

“Uy, mukhang papalapit sa atin” kinikilig na sabi ni Patsy.

“Siya nga, bakit pa siya bumalik?” tanong naman ni Timber.



Chapter One – Friends


[02]
Capítulo Dos – Oferta


Taong mil ochocientos noventa uno (1891), tag-init.


“Kaibigang Yago, magandang araw sa’yo” bati ni Miguel sa kaibigan.

“Buenas tardes, amigo” sagot ni Yago.

“Kanina pa ako naghahanap, andito ka lang pala sa plaza” sabi ni Miguel.

“Patawad aking kaibigan, nalibang kasi ako sa paglalakad at hindi ko namalayan na nakalayo na pala ako sa ating tagpuan” paliwanag ni Yago.

“Huwag mong bigyan ng pansin iyon, hindi naman ako nahirapan sa paghahanap sa’yo. Saan mo gustong magtungo ngayon?” tanong ni Miguel.

“Gusto kong pumunta sa isang lugar na makikita ko ang buong nayon” sagot ni Yago.

“Meron akong alam na perpektong lugar para sa iyo” magiliw na tugon ni Miguel.

Nilisan ng magkaibigan ang plaza, masaya silang naglakad patungo sa lugar na sinasabi ni Miguel. Nadaanan nila ang simbahan kung saan makikita ang mga prayle na nagmamasid sa mga dumadaan na tao, at merong mga iilang Mestizo at Kastila na lumalapit sa kanila para magbigay galang.

“Miguel, dito tayo dumaan” pagyaya ni Yago ng makita ang isang kalye na puno ng mga nakahelerang bahay na bato sa magkabilang gilid at mga kalesa na bumabaybay sa batong kalye.

“Hindi pwede dyan” pagsaway ni Miguel.

“Bakit hindi pwede o ayaw mo lang?” tanong Yago.

“Tignan mo nga ang hitsura natin kumpara sa kanila” paliwanag ni Miguel.

“Ano namang masama sa hitsura natin, makisig naman tayo at maayos naman ang suot nating kamiseta at salawal” sabi ni Yago.

“Yun na nga ang problema, kapag nakipaghalubilo tayo sa kanila, magmumukha tayong mga alipin. Tignan mo naman ang mga kababaihan, ang gagara ng mga kasuotan nilang gawa sa pinya at seda, na dinagdagan din ng mga naglalakihang alahas” patuloy sa pagsaway ni Miguel.

“Ano bang masama doon, hindi nila pagmamay-ari ang kalsadang ito, kahit tayo ay may karapatang dumaan dito” sabi ni Yago at tuluyan ng nakipagsabayang naglakad sa mga Mestizo at Kastila sa kalsada, at wala ng nagawa si Miguel kungdi sundan ang kaibigan sa paglalakad.

“Sa susunod nga ay mag-dahan-dahan ka naman sa mga kilos at desisyon mo, kapag napahamak tayo sa ginawa mong ito …..” di na natapos ni Miguel ang sasabihin nang sumabat si Yago.

“Ano, hahalikan mo na naman ako?” mapang-asar sa sabi ni Yago.

“Wala akong sinabing ganyan, baka ikaw ang nagkagusto sa paghalik sa akin. Mamaya na nga natin pag-usapan ito, baka meron pang ibang makarinig sa atin. Naalala ko, meron ka palang sasabihin sa akin?” pagpapa-alala ni Miguel kay Yago.

“Amigo, meron ng iniirog ang puso ko” nahihiyang sabi ni Yago, dahil sa kahinaan ng boses niya ay hindi narinig ng kaibigan ang kanyang sinabi.

“Ano? Hindi ko narinig, ang hina kasi ng boses mo. Pwedeng paki-ulit naman” paki-usap ni Miguel.

“Uulitin ko kung mahahabol mo ako” natutuwang sabi ni Yago sabay takbo.

“Huwag mong dalhin ang kakulitan mo dito ….” muli, di na natuloy pa ni Miguel ang sasabihin dahil tuluyan ng tumakbo ang kaibigan.

Parehong nag-ingat sa pagtakbo ang mag-kaibigan, kahit nagkukulitan ay ayaw nilang maka-istorbo sa mga Kastila, sa mga nagpapanggap na mga Kastila, at sa mga Pilipino na merong katayuan sa buhay. Bahagyang lumingon si Yago para tignan kung malayo ang agwat ng kaibigan niya ng biglang natumba dahil meron siyang nabangga.

“Lo siento, señor” paghingi ng paumanhin ni Yago sa nabanggang lalaki na nakasuot ng barong tagalog.

“Señor, patawad po, di po sinasadya ng kaibigan ko ang mabangga kayo” si Miguel na mabilis na nakahabol.

“Nakaka-aliw naman kayong dalawa” natutuwang sabi ng lalaki.

“Pasensya na po talaga” muling pagsusumamo ni Miguel.

“Walang anuman yon, mga iho. Mabuti ako ang nabangga ninyo, kung yung ibang mga kabayan natin na nag-aastang mayaman ang naiistorbo ninyo, siguradong makakadinig kayo ng mga hindi kanais-nais na salita. Nakakatuwa nga, pinapakita nilang relihiyoso sila dahil sa nalakihang rosaryong ornamento na suot nila sa kanilang leeg, pero mas daig pa nila ang mga Kastila kung mang-alipusta ng mga kapwa nila” mahabang paliwanag ng lalaki.

“Maraming salamat po sa paalala” si Miguel.

“Mas maiigi kung umiwas kayo sa lugar na ito, hindi ko sinasabing hindi kayo nababagay dito pero para huwag kayong mapahamak” paalala ng lalaki.

“Salamat po, at hayaan po ninyo na pagsasabihan ko itong kaibigan ko” sabi ni Miguel sa lalaki.

“Gracias, señor” pasasalamat ni Yago sa lalaki.

“Walang anuman mga iho, mag-ingat kayo. Adios” paalam ng lalaki.

“Adios, señor” sabay na wika ng mag-kaibigan sabay kaway ng kamay sa lalaki.

Nang makalayo ang lalaki ay hinila ni Miguel ang kaibigan sa isang makipot na pasilyo para pagsabihan at maka-iwas na sa mga dumadaang tao.

“Ang kulit mo kasi, sinabi ko naman sa iyo na huwag tayong dumaan sa kalyeng ito” napipikong sabi ni Miguel.

“Wala namang masama na dumaan sa kalyeng ito, ang masama ay ang pagmamataas ng mga kababayan natin at ang pagpipilit nilang magpanggap na mayaman para mapansin ng mga Kastila. At sa ginagawa nilang iyon, para na rin nilang binasura ang katauhan nila” paliwanag ni Yago, na merong halong galit sa boses niya.

“Mag-dahan-dahan ka nga, baka meron makarinig sa atin dito” pagbabawal ni Miguel.

“Bakit ako matatakot sa kanila? Mas gugustuhin ko pang lumabas sa kalye na ganito ang suot ko, simpleng tela ang gamit at walang sinusuot na kahit ano mang ornamento sa katawan, dahil sa hitsura kong ito, makikilala ako ng ibang tao na meron pagmamahal sa bayan” pagpapatuloy ni Yago.

“Masyado ng nagiging seryoso ang usapan natin, tayo na nga at magtungo muna tayo sa ilog at uminom ng sariwang tubig para kumalma ang pakiramdam mo” pagyaya ni Miguel.

“Hindi naman maiinit ang ulo ko, ang sa akin lang naman, dapat ay huwag nating ipagkanulo ang ating pagkatao kapalit ng karangyaan sa buhay. Mas magandang matamasa ang karangyaan kung pinagpaguran ito” pagtatapos ni Yago.

Parehong tahimik na tinahak ng magkaibigan ang daan papunta sa ilog. Sa pagkakataong ito, hindi muna nangulit sa Yago at hindi na rin nagsalita si Miguel para walang masabi ang kaibigan. Makaraan ang ilang minuto ay narating nila ang ilog at sabay na uminom ng sariwang tubig.

“Patawad sa inasal ko kanina. Hindi ko lang kasi maatim ang ginagawa ng ating mga kababayan” panimula ni Yago.

“Hindi mo naman kailangan bigyan ng pansin yon, at kagaya nga ng sinabi mo, dapat tanggapin natin kung anong meron tayo” sabi ni Miguel.

“Malamang na tama ang tinuran mo, siguro nga ay masyado lang akong nagpa-apekto. Hayaan mo, sa susunod huwag na tayong dumaan doon” si Yago.

“Di ba meron kang sasabihin sa akin?” muling tanong ni Miguel.

“Mamaya na, kailangan ko ulit kumuha ng lakas ng loob. Saan nga pala tayo tutungo?” tanong naman ni Yago.

“Pupunta tayo sa burol, di ba gusto mong makita ang kabuuan ng bayan” sagot ni Miguel.

“Tayo na at baka gabihin tayo. Malayo pa ba ang burol mula dito?” muling tanong ni Yago.

“Malapit na lang, kalahating oras pa ang lalakarin natin” sagot ni Miguel.

Hindi na nagreklamo si Yago, basta na lang siya sumabay sa paglalakad kay Miguel, at patuloy siyang nanahimik.

Hindi mawari ni Miguel ang katahimikan ng kaibigan, kung dala pa ba ito ng pagkainit ng ulo niya o sadyang kumukuha lang talaga siya ng lakas ng loob para sa sasabihin. Nang mapansin ni Yago na walang tao sa paligid nila ay hinawakan niya ang kamay ng kaibigan habang naglalakad sila.

“Kailangan pa bang hawakan mo ang kamay ko?” tanong ni Miguel.

“Oo, baka kasi maligaw ako” sagot ni Yago.

“Ganoon ka pala kapag maiinit ang ulo, di ka pala maka-usap. Dapat pala sa’yo ay kinukulit” natutuwang sabi ni Miguel.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Yago.

“Habulin mo ako” sigaw ni Miguel at bumitiw sa pagkakahawak ng kamay kay Yago.

“Ang daya mo talaga, hindi ako handa” pagtatampo ni Yago, pero wala na siyang magawa kungdi habulin ang kaibigan sa dahilang ayaw niyang mawala sa paningin nito kasi hindi niya alam ang daan papunta ng burol.

Lumipas din ng ilang minuto ang habulan nila. Kahit na pagod ay presko pa rin ang pakiramdam dala ng sariwang simoy ng hangin sa paligid.

“Yago, bilisan mo, ang bagal mo naman” pangungutya ni Miguel sa kaibigan, siempre una siyang nakarating sa taas ng burol.

“Dinaya mo kasi ako” sagot ni Yago.

“Maupo muna tayo sa paanan ng malaking puno para makapagpahinga tayo” pagyaya ni Miguel sa kaibigan.

“Ang ganda ng tanawin dito, ang gandang pagmasdan ng bayan mula sa taas ng burol” namamanghang sabi ni Yago.

“Oo naman, maswerte tayo kasi sinabayan pa ng pagpapakita ng bahaghari, tignan mo” sabi ni Miguel sabay turo sa makulay na bahaghari.

“Napakagandang tanawin, at mukhang nakikisabay pa ang mga paru-paro sa pagsasaya natin” masayang sabi ni Yago.

Tahimik. Parehong ninamnam ng magkaibigan ang pagtanaw sa magandang tanawin na sinabayan din ng musika na dulot ng huni ng mga ibon.

“Salamat sa pagdala mo sa akin dito. Ngayon pa lang ako nakakita ng ganitong kagandang tanawin” seryosong sabi ni Yago sabay tingin sa mukha ni Miguel.

“Madalang lang kasi akong makapunta dito, may kalayuan kasi at tinatamad akong maglakad na mag-isa. Bakit nakatingin ka sa mukha ko?” tanong ni Miguel.

“Mas magandang tignan ang paligid kung meron ka ring tinitignan na makisig na kaibigan” paglalambing ni Yago.

“Tumigil ka nga diyan, ako na naman ang napagtuunan mo ng pansin” sabi ni Miguel sabay tayo at kumuha ng ilang piraso ng maliliit na bato.

“Miguel, hindi ako nagbibiro, gustong-gusto ko talaga na pagmasdan ang mukha mo. Kapag hindi tayo magkasama, lagi kong hinahanap ang makisig na mukha ng kaibigan ko” paliwanag ni Yago.

“Hindi ako naniniwala sa’yo. Ano nga pala ang sasabihin mo?” tanong ni Miguel.

“Nahihiya pa rin ako, pwedeng sa susunod na lang na pagkikita natin” pabirong sabi ni Yago, tumayo na rin siya mula sa pagkaka-upo sa paanan ng malaking puno, tumabi siya sa kaibigan na patuloy pa rin ang paghagis ng mga bato sa hangin.

“Sige na, sabihin mo na” pangungulit ni Miguel.

“May tinitibok na ang puso ko” nahihiyang sabi ni Yago.

“Bakit namumula ang pisngi mo? Wala namang masama kung ipagkalat mo ang nilalaman ng iyong puso. Ikaw talaga ang lakas ng loob mo pagdating sa kulitan, pero naduduwag ka pala pagdating sa pag-ibig” panunukso ni Miguel sa kaibigan.

“Hindi kasi ako sanay, hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Kung bubuksan mo ang puso ko, mas maganda pa sa tanawing ito ang makikita mo” malambing na sabi ni Yago.

“Sino naman ang mapalad na dilag na nakabighani sa puso ng aking kaibigan?” tanong ni Miguel.

Tahimik.

“May nasabi ba akong hindi maganda?” muling tanong ni Miguel.

“Hindi isang dilag ang iniirog ko” lakas loob na pag-amin ni Yago at pumuwesto sa likod ni Miguel, yumakap siya sa bewyang at nilagay ang baba sa balikat ng kaibigan.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Miguel, parang merong sariling utak ang mga kamay niya na humawak sa magkabigkis na kamay ng kaibigan niya.

“Miguel, ikaw ang tinitibok ng puso ko” pag-amin ni Yago, sabay tingin niya kay Miguel at dahil sa pagkabigla ay tumingin si Miguel sa likod dahilan upang magtama na naman ang kanilang mga labi.



Chapter Two – Proposal


[03]
Capítulo Tres – Separación


Year 2008 – Sembreak

“Salamat” sabi ni Timothy kay Javvy.

“Para saan?” tanong ni Javvy.

“Para dito, sa bakasyon na ito” sagot ni Timothy.

“Wala iyon, ako nga ang dapat magpasalamat kasi naka-uwi ako ng walang gastos. Salamat sa libre, I love you” sabi ni Javvy.

“I love you, too” sagot ni Timothy.

“Sana na-enjoy mo ang bakasyon mo sa lugar namin” tanong ni Javvy.

“Oo naman, alam mo naman na matagal ko ng gustong magpunta dito, salamat at pinagbigyan mo ako” sagot ni Timothy.

“Pasasalamat ko na rin sa’yo dahil sa lahat ng naitulong mo sa akin” sabi ni Javvy.

“Sayang lang kasi hindi ko nakilala ang pamilya mo” panghihinayang ni Timothy.

“Kung sa amin kasi tayo natulog, siguradong mahihirapan ka lang doon, sabi ko naman sa’yo na maliit lang ang bahay namin, at isa pa baka maubos lang ang pera mo” paliwanag ni Javvy.

“Ayos lang iyon, gumastos din naman ako sa tinutuluyan nating kwarto” sabi ni Timothy.

“Sige, hintayin mo ako dito, sunduin kita kapag merong tao sa amin para makilala mo sila” pagbawi ni Javvy.

“Sana nga hindi sila busy sa bukid ngayon para makilala ko naman sila. Mag-ingat ka, hintayin kita dito” sabi ni Timothy sabay halik kay Javvy.

“Sige, magpahinga ka muna dito, siguradong mapapagod tayo sa biyahe mamaya” paalam ni Javvy.

Pag-alis ni Javvy, naalala ni Timothy na bumili ng pasalubong para sa lolo’t lola niya kaya lumabas muna ng hotel na tinutuluyan nila. Nag-lakad-lakad siya hanggang nakakita siya ng bilihan ng empanada. Habang naghihintay siya ay meron isang lalaki na kasing edad niya ang lumapit sa kanya.

“Pare, ikaw ba yung kaibigan ni Javier?” tanong ng lalaki.

“Oo, ako nga” sagot ni Timothy.

“Mag-ingat ka sa kanya, manggagamit ang taong iyan” babala ng lalaki.

“Anong ibig mong sabihin?” nalilitong tanong ni Timothy.

“Ganito yan, nang mabalitaan niya na nag-aalok ng scholarship ang mayor, niligawan ni Javier ang babaeng anak ng mayor. Siempre sinagot siya ng babae dahil patay na patay siya kay Javier. Ang daming naghahangad sa scholarship na iyon, pero dahil sa paki-usap ng anak sa mayor at sa pinakitang kunwaring kabaitan ni Javier sa pamilya nila, sa kanya napunta iyon” kwento ng lalaki.

“Parang imposible naman ang sinasabi mo. Matalino si Javvy kaya niya nakuha iyon” pagtatanggol ni Timothy.

“Oo, kaya nga niya nagawa iyon dahil sa talino at diskarte niya, alam niyang marami siyang kaagaw kaya kinailangan niyang gumawa ng paraan, at nagtagumpay siya. Nang makuha ang gusto niya, halos hindi na niya kausapin ang anak ng mayor, nagdadahilan siya na marami daw pinagkaka-abalahan sa pag-aaral niya. Sa madalang na pagkakataon, tinatawagan niya si Mayor para kunwaring kumustahin sila at ang anak niya, pero ang totoo, pakitang-tao lang niya iyon para hindi mawala ang scholarship sa kanya” pagpapatuloy ng lalaki.

“Nasaan yung anak ng mayor ngayon?” tanong Timothy.

“Sa ibang bansa siya nag-aaralan. Isa nga iyon sa mga nagamit na dahilan ni Javier para hindi na niya maka-usap ang anak ng mayor. Bago iyon, marami pa siyang ginamit na tao dito pero dahil sa madiskarte siya, lahat nalulusutan niya iyon. Tignan mo ngayon, alam mo ba kung nasaan siya?” tanong ng lalaki.

“Hindi” maikling sagot ni Timothy.

“Ayon, nagpunta kay Mayor. Napag-alaman kasi ni Mayor na ilang araw na kayong nandito, at sigurado akong nagdadahilan na si Javier ngayon kung bakit hindi siya kaagad naka-bisita” pagpapatuloy ng lalaki.

“Ganoon ba?” tanong ni Timothy.

“Pare, sigurado akong hindi ka naniniwala sa akin, pero mag-ingat ka sa kanya” pagtatapos ng lalaki at tuluyan ng lumayo kay Timothy.

Hindi naniwala si Timothy sa mga sinabi ng lalaki, inisip niya na na-inggit lang siguro yon kay Javvy. Minabuti na rin niyang huwag sabihin sa katipan ang nangyari para hindi masira ang huling araw ng bakasyon nila.



Year 2010, Internet Café

“Timber, mag-iisang linggo na ng muling magpakita Javvy” sabi ni Patsy.

“Anong gusto ninyong gawin ko?” tanong ni Timber.

“Mag-tumbling ka sa harap namin” sarkastikong sagot ni Chigo.

“Ano pong order ninyo?” tanong ng waiter.

“Dating order namin” sagot ni Patsy, sabay pa-cute sa gwapong waiter.

“Sorry po, bago pa lang ako dito” sabi ng waiter.

“Isang fondante crêpe at hot chocolate” sagot ni Chigo, sabay kindat sa waiter.

“Chocolate cake at java chip chocolate frapuccino” si Patsy, na pinanlakihan ng mata sa Chigo.

“Clubhouse at iced caffee mocha” si Timber, natawa na lang sa kanyang mga kaibigan.

“Ok po, I’ll serve your order after twenty minutes” sabi ng waiter sabay tingin kay Chigo.

Muli na namang kinulit ng dalawa si Timber pagka-alis ng waiter.

“Timber, ganito lang yan, gusto lang namin malaman kung bakit ganoon ang naging reaction mo sa pagdating ni Javvy” panimula ni Chigo.

“Sa pagkaka-alam kasi namin, sobrang close kayo noong first year tayo, talagang hindi kayo mapaghiwalay, as in” pagpapatuloy ni Patsy.

“Ang daming nag-iintriga sa inyo dati, at marami rin ang nakakakita sa sweetness ninyo” si Chigo.

“Hindi naman sa nangingi-alam kami, curious lang kami sa nangyari sa inyo, gusto lang naming malaman kung bakit hindi mo pa siya kinaka-usap simula ng dumating siya” si Patsy.

“Ok, maybe it’s about time na sabihin ko na sa inyo ang nangyari sa amin” panimula ni Timber.

“Makikinig kami” sabi ni Chigo, sabay lapit ng dalawa kay Timber.

“Alam nyo naman na simula pa lang ng klase noong first year tayo, kaming dalawa na ni Javvy ang magkasama. Tama kayo, hindi talaga kami mapag-hiwalay kasi parehong nag-eenjoy kami sa isa’t isa. Kahit sa grouping dati pinipilit namin na kaming dalawa pa rin ang magkasama. Kahit nga kapag weekend nagkikita pa rin kami, kung minsan pumupunta sa amin, pero madalas pinapasyal ko siya” pagpapatuloy ni Timber.

“Pakiramdam mo na bata siya na kailangang ipasyal ng magulang niya?” tanong ni Chigo.

“Hindi iyon, alam niyo naman na galing siya sa probinsya at gusto ko na maging familiar siya sa Maynila” sagot ni Timber.

“Tapos?” tanong ni Patsy.

“Sa araw-araw na pagsasama namin at sa pagiging malambing niya, di ko naiwasang mapamahal sa kanya” pag-amin ulit ni Timber.

“OMG, ibig sabihin kalahi mo si Chigo, isa ka ring bisexual” nabiglang sabi ni Patsy.

“Huwag kang maingay baka merong maka-rinig sa’yo” pagsaway ni Timber.

“Brads, welcome to the club, ikaw ha, di ka nagsasabi. Bakit ka nahihiya, kailangan nga maging proud ka pa” masayang sabi ni Chigo.

“Hindi naman sa kinakahiya ko” sabi ni Timber.

“Hindi ka pa handang ipagsabi na bi ka?” tanong ni Patsy.

“Hindi rin, pero hindi naman kailangang ipagkalat pa, masaya na ako sa tanggap ko sa sarili ko kung ano ako” sagot ni Timber.

“Anyway, masaya ako kasi kahit sa amin lang ay inamin mo. Tuloy ang kwento” utos ni Chigo.

“Pero pinipilit ko ang sarili ko na pigilan ang nararamdaman ko sa kanya, kasi alam ko straight siya at kapag umamin ako baka masira lang ang magandang samahan namin. Ayaw ko naman umiwas sa kanya kaya pinagpatuloy ko na lang na itago ang nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang isang araw, niyaya niya ako sa Manila Bay, ang sabi gusto niyang makita ang sunset. Habang pinagmamasdan namin ang paglubog ng araw, sinabi niya sa akin na mahal niya ako” kwento ni Timber.

“Ang sweet, and another OMG, bi din si Javvy” kinikilig at nabiglang sabi ni Patsy.

“Oo” maikling sagot ni Timber.

“Bakit ganyan kayo, hindi naman kayo nanganganak, pero dumadami kayo. Daig nyo pa nga ang mga bampira at gremlins kung magpadami ng population” natatawang sabi ni Patsy.

“At least ang mga bampira nangangagat at ang gremlins ay nababasa ng tubig kaya sila dumadami, pero kayo wala namang ginagawa pero patuloy pa ring ang pagtaas ng bilang ninyo, isama nyo na itong waiter na ito” sabay tingin ni Patsy sa waiter na naghahatid ng order nila.

Tumigil lang sa pagtawa si Patsy ng subuan siya ng chocolate cake ni Chigo.

“Eto naman, nasira tuloy ang lipstick ko. Pwede mo naman akong subuan, hindi ako tatanggi, huwag mo lang akong bibiglain” kunwaring pagtatampo ni Patsy.

“Ang ingay mo kasi, kung makatawa ka parang sa iyo ang lugar na ito” sagot ni Chigo.

“Sige, behave na ako” sabi ni Patsy.

“Anong sinagot mo kay Javvy?” tanong ni Chigo.

“Sinagot ko siya. Tutal mahal ko na rin siya kaya wala ng dahilan pa para tanggihan ko ang alok niya. Iyon ang isa sa mga pinakamasayang araw ko. Mas lalo akong ginanahan sa pag-aaral at mas naging masigla ang buhay ko. Masaya kami sa piling ng isa’t isa kaya wala kaming pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Alam namin na merong naaasiwa kapag nakikita kami, pero hindi namin inintindi iyon. Umikot ang mundo ko sa kanya, lahat ng oras na pwede kaming magsama susulitin namin” kwento ni Timber.

“Kaya pala hindi namin kayo maka-usap dati, pagkatapos ng klase ay sisibat na kayo” sabi ni Chigo.

“Sayang, ang dami pa namang mga babae na gustong magpakilala sa inyo pero hindi nyo binigyan ng pagkakataon” si Patsy.

“Matalino si Javvy, lagi kaming mag-kasamang nagre-review, nagpapalitan ng notes, kung minsan nag-aadvance study pa kami sa mga subjects natin. Kaya kahit na kami, ay hindi napabayaan ang pag-aaral namin” pagpapatuloy ni Timber.

“Mukhang okay naman ang samahan ninyo pero bakit …..” sabi ni Patsy.

“Mahintay ka, di pa tapos ang kwento ni Timber” pagpigil ni Chigo kay Patsy.

“Minahal ko siya ng husto, ang dami ko rin binigay sa kanya, cellphone, iPod, mga damit at sapatos. Ako rin ang gumagastos sa mga lakad namin, kung minsan gusto niya siya naman ang manlibre pero tumatanggi ako kasi alam kong mas kailangan niyang ipunin ang pera niya. Nakapag-aral siya dito dahil sa scholarship project ng mayor nila at sakto lang ang binibigay na allowance sa kanya. Ang mga magulang niya ay hindi nakakapagbigay ng pera sa kanya kasi kulang din ang kinikita nila para sa pamilya nila” pagpapatuloy ni Timber.

“Ayos na ang lahat, sana, nagsimula lang kaming nagkaproblema noong kalagitnaan ng second semester. Bigla na lang siyang nag-iba, nawala ang paglalambing niya, unti-unti na ring nabawasan ang oras niya sa akin. Kinausap ko siya at ang sinabi ay meron daw problema ang pamilya niya, nag-alok ako ng tulong pero tumanggi siya. Sa halip, naki-usap siya sa akin na bigyan ko muna siya ng panahon para mapag-isa. Dahil sa pag-mamahal ko sa kanya, ginawa ko ang gusto niyang mangyari at ako naman ay binuhos ko ang oras sa pag-aaral” kwento ni Timber.

“Hanggang matapos ang second semester, nakita ko siya na merong kasamang babae, mayaman daw. Inisip ko na pinagpalit na ako ni Javvy at noon ko lang pinaniwalaan ang sinabi ng lalaki na lumapit sa akin sa Vigan, masakit mang isipin pero ginamit ako ni Javvy. Hindi na rin ako gumawa ng paraan para kausapin siya” pagtatapos ni Timber.

“Bakit nanahimik kayo?” tanong ni Timber sa dalawa.

“Di ko expected na ganoon pala ang nangyari sa inyo. Paano ka naka-recover?” tanong ni Patsy.

“Wala, nag-kunwari akong ayos ang lahat, parang normal lang, nakipagkita sa mga kabarkada ko noong bakasyon at sinulit ko ang oras sa bahay na kasama ang lolo’t lola ko. Hinayaan ko na ang oras ang humilom sa sugat ng puso ko” sagot ni Timber.

“Ngayon, kumusta ka naman?” tanong ni Chigo.

“Ok lang, sabi ko naman sa inyo na wala na iyon, kaya lang bakit ngayon pa siya dumating, kung kailan masaya na ako” sagot ni Timber.


Chapter Three – Break-up


[04]
Capítulo Cuatro – Respuesta

“Saan kaya magandang magtungo ngayon?” tanong ni Yago kay Miguel, habang naglalakad sa parke.

“Dito na lang muna tayo sa parke” sagot ni Miguel.

“Huwag dito, tignan mo naman ang mga kabataang Kastila, ang yayabang nilang umasta, pakiwari nila ay sa kanila ang lugar na ito” sabi ni Yago.

“Mukhang natatakot ka sa kanila?” tanong ni Miguel.

“Ako mananakot, gusto ko lang silang iiwas sa mga suntok ko” ang mayabang na sabi ni Yago.

“Ano?” takang tanong ni Miguel.

“Baka kapag nagtagal tayo dito ay di ko mapigil na makipag-buno sa kanila, siguradong kawawa sila kapag natikman nila ang mga suntok ko” patuloy na pagmamayabang ni Yago.

“Masyado ka naman yatang bilib sa sarili mo?” biro ni Miguel.

“Gusto mo patunayan ko sa’yo” akmang tatayo na si Yago para lapitan ang mga kinaiinisang Kastila.

“Huwag na, sige naniniwala na ako sa’yo. Masyado lang maiinit ang ulo mo, wala naman silang ginagawa sa atin” pagkalma ni Miguel sa kaibigan.

“Anong wala? Tignan mo naman kung paano sila umasta, nasa lugar natin sila pero tayo ang walang lugar na mapaglibangan. Kung makikihalubilo tayo sa kanila ay siguradong itataboy lang tayo” naiinis na sabi ni Yago.

“Umalis na tayo dito at baka mapa-away ka ng wala sa oras, marami pa naman naglilibot na gwardiya sibil” pagyaya ni Miguel.

“Saan mo naman ako dadalhin?” tanong ni Yago.

“Gusto mo bang bumalik sa burol?” balik-tanong ni Miguel sa kaibigan.

“Ayaw ko munang magtungo doon” kunwaring pagtatampo ni Yago.

“Bakit?” tanong ni Miguel.

“Gusto ko kapag bumalik ako doon ay masagot mo muna ang tanong ko” biro ni Yago.

Nanahimik na lang si Miguel dahil sa pag-aalalang kukulitin na naman siya ni Yago sa inaalok na pag-ibig ng kaibigan. Sinabayan naman ni Yago ang pananahimik ni Miguel habang naglalakad sila.

“Aray ko” sigaw ni Miguel.

Pero patuloy pa rin ang paghila ni Yago sa kamay ni Miguel.

“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ni Miguel.

“Sa kampanaryo” sagot ni Yago, sabaw ngisi sa kaibigan.

“Baka makita tayo ng mga prayle” pagsaway ni Miguel.

“Abala sila sa misa” sagot ni Yago.

“Baka mapahamak na naman tayo sa gagawin natin” pag-aalala ni Miguel, pero hindi siya makapaglag dahil mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Yago sa kamay niya.

“Akong bahala sa’yo, dapat maka-akyat na tayo bago pa man matapos ang misa para walang makakita sa atin” paliwanag ni Yago.

“Ikaw ang bahala, lagot ka sa akin kapag napahamak na naman tayo” pagbabanta ni Miguel sa kaibigan.

Nakarating sila sa taas ng kampanaryo ng sampung taong gulang na simbahan na bato na kapwa humihingal. Pero napawi ang pagod nila ng malanghap sa sariwang hanging sumalubong sa kanila at ang magandang tanawin sa ibaba nila.

“Ang ganda din pala ng tanawin dito” masayang sabi ni Miguel.

“Mas maganda sa paningin ang nakikita ko ngayon” sabi ni Yago habang nakatingin sa mukha ni Miguel.

“Huwag mo akong titigan ng ganyan, alam mo naman na naiilang ako” kunwaring pagtanggi ni Miguel.

Tahimik.

“Bakit pala di na lang tayo magsimba?” tanong ni Miguel kay Yago.

“Ayaw ko” matigas na sagot ni Yago.

“Dahil ba sa suot natin?” tanong ni Miguel.

“Alam mo naman na hindi ko kinakahiya ang suot natin, mas gusto ko pa nga ang suot nating kamiseta at salawal kaysa sa magarang kasuotan na tumatakip din sa pagkatao nila” paliwanag ni Yago.

“Bakit ayaw mong magsimba?” pangungulit ni Miguel.

“Paano ako maniniwala sa sermon ng mga prayle kung taliwas naman ang tinuturo sa mga kinikilos nila” panimula ni Yago.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Miguel.

“Hindi mo ba nakikita. Kunwari ang babait nila kapag nagmi-misa, pakinggan mo, kunwari mahinahon pang magsalita. Kung pakapangaral parang totoo silang mabait pero paglabas ng simbahan kahit nakasuot ng abito ay amoy na amoy ang kasamaan nila” pagpapatuloy ni Yago.

“Ano bang nangyari sa tatlong Pilipinong pari?” tanong ni Miguel.

“Simple lang naman ang hinihiling nila, gusto lang nila ng pantay na paningin kagaya ng mga Kastilang prayle, pero pinaghinalaang sila na nag-uudyok ng rebolusyon laban sa Espanya at dahil doon ay pinatawan sila ng kamatayan sa pamamagitan ng pag-garote sa kanila” matigas na paliwanag ni Yago.

“Ganoon sila kabilis mambintang?” tanong ni Miguel.

“Oo, dahil ayaw nila na mapantayan sila ng mga kabayan natin, gusto nila sila lang ang may hawak sa kapangyarihan” pagpapatuloy ni Yago.

“Kung ganoon naman pala ang ginagawa ng mga prayle, bakit ang dami pa ring pumupunta sa simbahan para pakinggan ang sermon nila” tanong ni Miguel.

“Karamihan sa kanila ay mapagkunwari din, mga kabayan natin na pilit tinatakwil ang lahi natin, sa kabila ng magarang damit at naglalakihang alahas, nakaka-awa lang silang tignan. Akala siguro nila ay kapanalig na nila ang mga Kastila, pero ang totoo ay pinagtatawanan lang sila ng mga banyagang mananakop” paliwanag ni Yago.

“Bakit naman sila pinagatatawanan ng mga Kastila?” tanong ni Miguel.

“Dahil alam ng mga Kastila na kontrolado nila ang mga pobreng kabayan natin” sagot ni Yago.

“Mukhang seryoso na ang kaibigan ko” paglihis ni Miguel sa usapan.

“Pasensya na, alam mo naman na kapag ganyang usapan ay madaling mag-init ang ulo ko” paliwanag ni Yago.

Hinayaan muna ni Miguel na kumalma ang pakiramdam ni Yago. Kahit naman siya ay ayaw niya ang mga ginagawa ng mga dayuhan sa lugar nila, pero wala itong lakas ng loob na maglabas ng saloobin kahit sa kaibigan niya. Madalas ay nananahimik na lang ito o di kaya ay nakukuntento na lang sa pagtatanong at pakikinig.

Maya-maya pa ay bumalik na ang kakulitan ni Yago.

“Ano ka ba?” pasigaw na sabi ni Miguel pagkatapos siyang itulak ng mahina ni Yago habang seryoso itong nagmamasid sa paligid sa bintana ng kampanaryo.

“Masyado ka naman kinabahan, di ka naman mahuhulog diyan” pagkalma ni Yago sa kaibigan.

“Ikaw kaya ang itulak ko diyan?” pagbabanta ni Miguel.

Akmang lalapit na si Miguel ng salubungin siya ni Yago na yumakap sa beywang niya.

“Ano na?” tanong ni Yago.

“Ano?” balik tanong ni Miguel.

“Ano ng sagot mo sa tanong ko?” tanong ulit ni Yago.

“Ano ba ang tanong mo?” si Miguel.

“Isang lingo ko ng tinatanong sa’yo” naiiritang sabi ni Yago.

“Ulitin mo, di ko kasi maalala” pabirong sabi ni Miguel.

“Meron ka rin bang nararamdaman para sa akin?” tanong ni Yago, habang namumula ang pisngi niya.

“%#$&*@#$” sagot ni Miguel, na sabay naman sa pagkalembang ng kampana.

“Ano?” pasigaw na tanong ni Yago habang nakatakip ang tenga para mabawasang ang ingay na pumapasok sa tenga niya.

“Sabi ko, baba na tayo, masyadong malakas ang tunog ng kampana, baka mabingi tayo” halos matuyo na ang lalamunan ni Miguel sa pagsigaw.

“Tayo na, mas maiigi nga kung bumaba na tayo” pagpayag ni Yago.

Pagkababa nila sa kampanaryo ay nakisabay sila sa mga taong kakagaling lang sa misa para lumabas ng simbahan. Naglakad-lakad ang mag-kaibigan hanggang sa makarating sila sa ilog.

“Bakit kasi ako ang napili mong paglaanan ng pag-ibig mo?” tanong ni Miguel.

“Hindi ko rin alam ang sagot, ang alam ko, pag-ibig itong nararamdaman ko para sa’yo” kinikilig na sagot ni Yago.

“Ang dami-daming babae diyan na pwede mong ibigin” si Miguel.

“Anong magagawa ko kung sa’yo tumibok ang puso ko” namumulang sabi ni Yago.

Biglang nanahimik si Miguel sa mga tinuran ni Yago. Kaya gumawa siya ng paraan para malihis ang usapan nila.

“Tara, ligo tayo sa ilog” pagyaya ni Miguel.

“Wala naman tayong dalang ibang damit” sabi ni Yago.

“Maghubad tayo, wala namang ibang nagpupunta dito” sabi ni Miguel sabay hubad ng lahat ng saplot niya.

“Isuot mo nga ang salawal mo, baka merong dumating at makita kang hubo’t hubad dito” utos ni Yago.

“Tila ba naduduwag kang mag-alis ng mga saplot mo sa katawan” paghamon ni Miguel kay Yago habang nakababad na siya sa ilog.

“Ako pa, sige maghuhubad na rin ako” sabi ni Yago sabay alis ng lahat ng damit.

“Huwag kang mag-alala, walang magnanasa sa katawan mo dahil walang nagpupunta dito ng ganitong oras” panigurado ni Miguel.

Tila ba sarili nila ang mundo habang kapwa silang hubo’t hubad na naliligo, naghahabulan at naghaharutan sa ilog.

“Ano yung sagot mo kanina?” tanong ni Yago habang nakaharap siya kay Miguel.

“Hindi mo ba ako sasaktan?” balik tanong Miguel habang ipinatong ang dalawang kamay sa balikat ni Yago.

“Hinding-hindi kita sasaktan” nasasabik na sagot ni Yago, at humawak sa magkabilang beywang ni Miguel.

“Hanggang kailan mo ako mamahalin?” tanong ulit ni Miguel.

“Hanggang tumitibok ang puso ko” sagot ni Yago.

“Takot ako” sabi ni Miguel.

“Saan? Kanino?” tanong ni Yago.

“Sa lipunan, paano kung malaman ang tungkol sa atin?” balik tanong ni Miguel.

“Hindi naman natin kailangang isigaw sa harap ng mga tao, tama na yung masaya tayong magkasama” sagot ni Yago.

Biglang napatigil si Yago sa sasabihin.

“Teka, ibig bang sabihin ng mga tanong mo sa akin ay tinatanggpap mo na ang pag-ibig ko?” tanong ni Yago.

Tumango lang si Miguel bilang tugon sa sagot ni Yago.

“Mahal kita, pangako ko iingatan kita” bulong ni Yago kay Miguel habang magkayakap na sila.

“Mahal din kita, dati pa, natatakot lang ako, sana huwag mo akong papabayaan” sagot ni Miguel, at mas humigpit pa ang yakap niya kay Yago.

Tila ba hindi nila wari ang malamig na hangin na dumadapo sa hubad nilang katawan sa gitna ng ilog, at sa muling pagkakataon ay naghalikan sila, mas maiinit, mas mapusok, mas maalab.



Chapter Four – The Answer


[05]
Capítulo Cinco – Lluvia

Year 2009 – First semester

“Eto ang panyo” sabay abot nito ni Timothy kay Patsy.

“Timothy, maraming salamat” sabi ni Patsy.

“Timber na lang, para maiba naman” seryosong sabi ni Tim.

“At kailangan sabayan ng name change ang malakas na ulan” biro ni Patsy kay Timber kahit na umiiyak ito.

“Ikaw nga sinabayan mo rin ng paghagulgol mo ang ulan” biro ni Timber sa umiiyak na si Patsy.

“Ano ba yan?” sigaw ni Timber. Merong isang lalaki na biglang sumugod sa waiting shed na kinatatayuan nila ni Patsy.

“Timothy, Patsy, sorry” paghingi ng tawad ni Chigo dahil sa muntikan na niyang matulak ang dalawa palabas ng waiting shed.

“Ok lang iyon, alam ko namang di mo sinasadya. Gusto mo rin namang kaagad makasilong dito para hindi ka mabasa ng ulan” mahabang sabi ni Timber.

“Salamat, Timothy” tugon ni Chigo.

“Update lang kita, nagpalit na siya ng pangalan, Timber” paliwanag ng umiiyak na si Patsy.

“Nice name bro, initial ng pangalan mo, Timothy Bermudez” paghanga ni Chigo.

“Salamat” maikling tugon ni Timber.

“Patsy, bakit ka ba umiiyak?” diretsong tanong ni Chigo.

“Hindi kasi ako nakasali sa mga finalist for Ms. University” naiiyak na sagot ni Patsy.

“Bakit daw, you deserved to be on the contest” pagpapalakas ng loob na sabi ni Chigo.

“Yun nga, after all the effort hindi man nila ako napansin, mas pinili pa nila yung mga graduating students na dinadaan lang sa make-up ang face value nila” naaasiwang paliwanag ni Patsy.

“Malay mo hindi mo pa time, kung ikaw gusto mo bang makipag-compete sa kanila?” tanong ni Timber.

“Sabagay, walang effort ang pagkapanalo ko kung sila ang makakalaban ko” pagmamayabang ni Patsy.

“Mukhang napalakas yata ang hangin?” biro ni Chigo.

“Chigo, pero in fairness naman kay Patsy, mukhang may point siya. At isa pa, siguradong mananalo siya sa Best in Talent dahil sa pagbubuhat niya ng sariling bangko” panggagatong ni Timber sa biro ni Chigo, at sabay silang nagtawanan.

“Hindi na ba kayo naawa sa akin, na-reject na nga ako tapos pinagtatawanan niyo pa ako” malungkot na sabi ni Patsy.

“Pinapasaya ka lang namin, tama na ang pag-iyak. Darating din ang oras para makasali ka sa contest” si Timber.

“Salamat, Timber. Mukhang malungkot ka din?” tanong ni Patsy kay Chigo.

“Ako, malungkot, hindi ah. Kailan nyo ba ako nakitang nalungkot sa klase natin?” pagtanggi ni Chigo.

“Chigo, kita ko sa mga mata mo ang kalungkutan” pagpapatuloy ni Patsy.

“Ok, maglalakas loob na akong sabihin sa inyo. They removed me from the list of candidates running for Student Council Officer” malungkot na sagot ni Chigo.

“Bakit daw? Ikaw na yata ang pinaka-active na Class President sa College natin tapos hindi ka nila isasali” takang sabi ni Timber.

“Because of my sexual preference, because I’m bisexual. Hindi daw ako magiging magandang halimbawa sa mga kapwa natin estudyante” pagpapatuloy ni Chigo.

“Hindi naman pwede iyon, hindi dapat gawing grounds yon para i-reject ka nila from list of candidates. Mas deserving ka pa nga compared sa ibang candidates” naiinis na sabi ni Patsy.

“Unfair sila, hindi ibig sabihin na straight sila they can perform better or be a good model to other students” matigas na sabi ni Timber.

“Hayaan na muna natin sila, it’s they’re last year sa college at ako, meron pang ibang pagkakataon” mahinahong sabi ni Chigo.

“That’s good, salamat at naka-relate ako” sabay yakap ni Patsy kay Chigo.


Year 2010, Internet Café.

“Lagi ko talagang naaalala ang pagkabuo ng friendship natin tuwing umuulan” sabi ni Patsy habang umiinom ng maiinit na kape, habang nakatingin sa pagpatak ng ulan sa labas ng shop.

“Senti mode?” tanong ni Chigo habang busy sa pagharap sa laptop.

“Tama si Patsy, ako rin lagi kong naaalala yung nagsisiksikan tayo sa maliit na waiting shed habang sinasabayan ninyo ng pagsasabi ng mga problema ninyo ang pagbuhos ng ulan” kwento ni Timber.

“Sandali lang, ibig sabihin kaya nandoon ka rin kasi may problema ka kay Javvy?” tanong ni Chigo.

“Ang hina talalga ng pick-up mo, oo naman pero hindi lang siya nagsalita noon” biro ni Patsy.

“Eto naman, kung makapang-husga parang perpekto na, kahit na maganda ka lagi ka na namang natatapilok kapag may grand entrance ka” pagganti ni Chigo kay Patsy.

“Sige na, quits na tayo. Timber, bakit hindi mo kina-usap si Javvy after ka nyang iwan?” tanong ni Patsy.

“What’s the point, yung mga kilos niya, yung pag-iwan sa akin, at yung pinagpalit niya ako ay sapat ng dahilan para malaman kong tinapos na niya kung ano man ang namamagitan sa amin. That’s the least thing I can do, ako na nga ang iniwan ako pa ang gagawa ng paraan to talk to him” paliwanag ni Timber.

“Sabagay tama ka. Kumusta ka naman ngayon?” tanong ni Chigo.

“Masaya, kasi meron na akong Mitos sa buhay ko” masayang sabi ni Timber.

“Akala mo ikaw lang, kami na ni Migui” pagbubulgar ni Patsy.

“Siempre hindi ako papahuli dyan, sinagot na ako ni Milton” kinikilig na sabi ni Chigo.




Taong mil ochocientos noventa uno (1891).

“Irog ko, maraming salamat sa pagmamahal at panahon na nilalaan mo sa akin” maaliwas na sabi ni Yago.

“Salamat din sa pagdala mo sa akin sa kakaibang mundo ng pag-ibig, hindi ko inakala na posible tayong magmahalan” sagot ni Miguel.

“Wala naman pinipiling kasarian ang pag-ibig, ang dapat naging gawin ngayon ay ang mag-ingat sa mapagmasid na mata ng lipunan. Gusto ko mang isigaw sa buong mundo na mahal kita ngunit mas nais kong ingatan ka laban sa sasabihin ng ibang tao” malungkot na sabi ni Yago.

“Nararapat lamang na ganyan ang gawin natin, ako rin naman ay hindi pa handa na ipakilala kita sa mga magulang ko” si Miguel.

“Ang importante masaya tayong magkasama, kung paglalaanan natin ng panahon ang posibleng masabi sa atin ng ibang tao, tayo lang ang mahihirapan” paliwanag ni Yago.

“Sobrang mahal kita, ayokong mawala ka sa akin kaya mas nanaisin kong ilihim ang pagmamahalan natin para mas matagal kitang makasama” si Miguel.

“Wasto ang iyong tinuran. Irog ko, sobrang saya ko sa mga nagdaang buwan na kasama kita. Kahit na hindi madalas ang pagkikita natin, sapat na iyon para mapasaya mo ako ng labis” masayang sabi ni Yago.

“Irog ko” tawag ni Miguel.

“Ano iyon, irog ko?” tanong ni Yago.

“Mukhang masungit ang panahon, nararapat sigurong lisanin muna natin itong burol para hindi tayo mabasa ng ulan” pagyaya ni Miguel.

“Tayo na at baka abutin tayo ng malakas na ulan” sabay takbo ni Yago.

“Ang daya mo talaga” sigaw ni Miguel, pero wala na siyang magawa kungdi tumakbo na rin para abutan si Yago.

Pero kahit anong bilis sa pagtakbo ng magkasintahan, ay naabutan pa rin sila ng malakas na ulan.

“Ayos ka lang ba, irog ko?” tanong ni Yago.

“Giniginaw lang ako, maki-silong muna tayo sa kamalig na iyon” pagyaya ni Miguel.

“Huwag doon, sa iba na lang tayo sumilong, baka kasi magalit ang may-ari” pagtanggi ni Yago.

“Iyon na ang pinakamalapit na pwede nating silungan, wala naman siguro diyan ang may-ari, ang lakas ng ulan para pumunta diyan” pagpipilit ni Miguel.

Wala ng nagawa si Yago kundi sundin ang nais ng kasintahan. Pagdating nila sa loob ng kamalig, hindi pa rin tumigil ang panginginaw ni Miguel.

“Bakit ganyan ka na naman makatitig, nakita mo na ngang giniginaw ako” pagtatampo ni Miguel.

“Irog ko, huwag kang mag-alala, paiinitin kita” seryosong sabi ni Yago.

Hinalikan ni Yago si Miguel at kahit sobrang init ng salubong ng mga labi ng katipan ay nagawa niya iyong sabayan. Hinawakan ni Yago ang magkabilang pisngi ni Miguel, samantalang ang huli ay abala ang mga kamay sa pagkapa ng katawan ng kahalikan niya.

“Irog ko, patawad” malumanay na sabi ni Yago.

“Huwag kang mag-alala, handa na ako” sabi ni Miguel, muli ay ginawaran niya ng isang maiinit na halik sa labi si Yago, pababa patungo sa leeg.

Inalis ni Miguel ang kamiseta ni Yago para mapasadahan din ng mga labi niya ang dibdib ng katipan. Kahit na malakas ang tunog na dulot ng pagbagsak ng ulan, puro mga ulos ni Yago ang nangingibabaw sa pandinig ni Miguel, lalo na ng ibaba na nito ang salawal ng iniirog niya. Sinadya niyang huwag munang pansinin ang mala-kahoy sa tigas na nasa harap niya, para mas lalong manabik si Yago. Sinibasib niya ng halik ang paligid nito at hinayaan niyang tumama ito sa leeg niya.

Nang hindi na nakatiis si Yago, hinila niya pataas si Miguel para muli niya itong mahalikan, hindi niya binigyang pansin ang pambibitin na ginawa ng katipan, bagkus mas nanabik siya sa paglapat ng labi niya sa hubad na katawan ng kasama niya. Para magawa iyon, inalis niya ang kamiseta ni Miguel, hinalikan sa labi, pababa sa leeg, hanggang sa makarating sa dibdib nito. Habang nagpapakasawa ang labi niya sa isang dibdib, abala naman ang isang kamay nito sa pagpisil sa kabilang dibdib. Salitang ginawa iyon na Yago na dahilan upang humiway sa sarap si Miguel.

“Yagoooo” bulalas ni Miguel.

“Irog ko, ibababa ko na” paghingi ng permiso ni Yago.

Ibinaba ni Yago ang suot na salawal ni Miguel matapos pumayag ang huli. Nabigla si Yago sa nakita pero hindi niya iyon pinahalata, at kagaya ng ginawa ng katipan niya ay hinalikan muna niya ang paligid nito. Makalipas ang ilang minuto, hindi na napigilan ni Yago ang sarili, dinilaan ang ulo ng naghuhumindig sa tigas na nasa harap niya.

“Yagoooooooo” sigaw ni Miguel.

At tuluyan ng nilukuban ng bibig ni Yago ang ari ng katipan. Kasabay ng ulan ay ang pagtaas-baba ng bibig ni Yago at kasabay ng ingay ng bagsak ng ulan ay ang paghuhumiway sa sarap ni Miguel. Tumagal din ng ilang minuto ang si Yago sa ginagawa niya bago sila nagpalit ng pwesto Miguel.

“Kaya mo ba?” tanong ni Yago.

“Para sa irog ko, kakayanin ko” panigurado ni Miguel.

Sa unang pagkakataon, natikman ni Miguel ang kanina pang nasasabik na alaga ng katipan. At sa bawat galaw ng bibig niya siya namang dahilan para humiway si Yago.

“Irog kooooooooo” si Yago.

Hindi nila ang lamig na dulot ng ulat, hindi naging hadlang iyon para tumigil sila sa ginagawa nila, bagkus, sinabayan nila ng indayog ang bawat hampas ng hangin, at bawat bagsak ng patak ng ulan sa bubong na kamalig ay maririnig din ang ulong ng magkatipan.

Sa unang pagkakataon ay napag-isa nila ang kanilang katawan, naglalabas ng sobrang init ang mga halik, ang mga yakap, ang mga indayog ng katawan nila, ang mga pisil sa katawan ng bawat isa. Dahil sa pagniniig nila, napatuyanan nila kung paano nila kamahal ang bawat isa, kung paano kainit ang dulot ng pagmamahal nila.

“Irog ko” malambing na pagtawag ni Miguel sa katipan.

“Malapit na” sagot ni Yago.

Isang matamis na ngiti ang ginawad nila sa isa’t isa bilang pagtatapos ng kanilang pagniniig.

At kasabay ng pagtatapos nila ay ang pagtila ng ulan.



Chapter Five – Rain

No comments:

Post a Comment