Friday, January 11, 2013

In Love with Brando (06-10)

By: joshX
Source: m2m-bromance.blogspot.com


[06]
“Here comes your knight in shining armor, oh dear damsel in distress,” may halong pagkainis na sabi ni Kuya Brando na ang tinutukoy ay si Harry. Binitawan niya ang magkabila kong balikat saka humakbang palayo sa akin. Nanatiling nakatayo sa may likuran ko habang nakatitig pa rin kay Harry.


Si Harry naman ay palipat-lipat ang tingin kay Kuya Brando at sa akin. Hawak sa isang kamay ang CD. Parang naghihintay ng sagot sa tanong niya.
 
Ako naman ay gulat pa din sa paglitaw ni Harry sa pintuan. Masyado kasi akong na-carried away sa sitwasyon kaya ang tanging focus ko lang ay ang ina-anticipate ko na mangyayari sana…malapit na sana…andoon na…napurnada pa. Kaya naman kagaya ni Kuya Brando medyo nainis din ako kay Harry.
 
“Anong nangyayari? Naghihilamos lang ako,” defensive kong sabi kay Harry sa medyo mataas na tinig.
 
Tumingin muli sa akin si Kuya Brando saka pabulong na sinabi, “I better go. See you.” Humakbang na ito papuntang pintuan.
 
Sinundan ko siya ng tingin. Kita ko si Harry na nakaharang pa rin sa pintuan nakatingin sa papalapit na si Kuya Brando. Kinabahan tuloy ako na baka sila magpang-abot. Naka-chin up naman si Kuya Brando at saka tumigil sa harapan ni Harry.
 
Ilang Segundo silang nagkatitigan hanggang si Harry na mismo ang nagbigay ng daan para makalabas ng tuluyan si Kuya Brando.
 
Kinuha ko ang aking panyo saka nagpunas ng mukha, leeg pati na ang tubig na umagos sa aking katawan. Lumapit naman sa aking tabi si Harry habang isinusuot ko ang aking t-shirt.

“Kaya pala gusto mo mag-isa ka lang mag-CR, kaya pala ayaw mong sabay na tayo, dahil pala magkikita kayo dito,” sabi ni Harry nang maisuot ko na ang aking damit. Parang mababasag na ang tinig.

“Hindi ko naman alam na nandito siya,” mabilis na tugon ko. Iyon naman kasi talaga ang totoo.
 
“Nag-pramis ka pa kanina na hindi ka maglilihim…wala pa yung isang oras.” Garalgal na parang maiiyak na siya.
 
Bigla naman akong naawa sa kaniya. “Hindi ko pa naman sinira ang pramis ko sa ‘yo kanina. Nagkataon lang talaga na nandito pala siya noong pumasok ako.”

Hindi siya umimik. Marahil ay naisip niya na wala din naman siyang magagawa kung hindi tanggapin na lamang ang rason ko.

“Tayo na ngang umuwi, malapait na tayong masarhan nitong mall,” yaya ko sa kaniya saka inakbayan palabas ng comfort room.
 
 
“KAAALIS LANG ni Eunice, muntik ninyo nang maabutan,” sabi ni Tiya Beng pagpasok namin sa sala. Tumingin lang saglit sa amin saka muling itinutok ang tingin sa kaniyang listahan pati na sa mga produktong pampaganda na malamang ay babagong deliver lang dahil nasa mga plastic bag pa ang iba at ang iba nama’y kalat pa sa mesita at upuan.
  
Humalik si Harry sa pisngi nito tanda ng paggalang. Parang lalong nainis nang marinig ang pangalang Eunice kaya minabuting tumuloy na sa kuwarto niya sa taas.
 
Umupo muna ako sa parte ng sopa na walang produkto, ipinatong sa sidetable ang biniling CD saka naghubad ng sapatos at medyas. “Ano daw ho ang pakay, twice na siyang nagpunta?” tanong ko.
 
Nag-angat ng tingin si Tiya Beng, ilang strands ng puting buhok na hanggang balikat ang nalaglag sa pisngi mula sa sentido. “Ewan ko lang. Wala pa ring sinabi basta hinahanap ka.”
 
Bakit nga kaya? Saka naisip kong, “Baka ho nasiraan na naman ng computer iyon o baka nagkaproblema sa desktop niya. Baka magpapatulong.” Sa tuwing may problema kasi si Eunice sa kaniyang desktop computer ay sa akin palagi ang takbo niya. Minsan nga kahit simpleng problema lang hihingi na agad ‘yan ng tulong saka ire-request na isama ko si Harry. Siyempre hindi naman ako mapahindian ni Harry kaya sasama iyan at habang ginagawa ko ang computer, si Eunice naman ang todo kwento kay Harry kahit wala namang interes sa pinag-uusapan ang huli.
 
Dapat talaga Computer Engineering ang kukunin kong kurso kasi nawili ako sa computer hardware maging sa software mula pa 4th year high school. Kaya lang Electrical Engineering ang kurso ni Kuya Brando kaya ganun na rin kinuha ko. Pero nandoon pa rin ang passion ko sa computer kaya nagtry akong pag-aralan. Natuto naman ako simula nang masira ko ang unang laptop na padala ni Kuya Rhon sa akin galing Korea.
 
Bigla ko tuloy naisip si Kuya Rhon. Ang tagal na rin niya sa Korea. Dalawang buwan matapos pumisan sa amin si Harry ay nakakuha siya ng scholarship sa Korea sa tulong na rin ng isang kakilala ni Mommy. Inabsorb din siya ng kumpanyang nagbigay ng scholarship pagkatapos at ngayon ay Vice President for Accounting and Finace na ang posisyon niya. Maganda na rin na ganoon ang nangyari kay Kuya Rhon kesa naman noong nandito pa siya na muntik pa ngang hindi gumradweyt ng college. Sabi sa akin ni Tiya Beng, nasa state of depression daw ito noon kaya napabayaan ang pag-aaral. Buti na lang naging considerate ang mga propesor niya kaya binigyan siya ng chance. Hindi na nga lang siya naka-akyat ng stage na isang Cum Laude at minabuti na rin niyang hindi sumipot sa graduation.
 
“Baka nga,” tugon ni Tiya Beng na hindi na ako tinapunan ng tingin.
 
 

LUNES NG umaga. Wala pang alas-otso nasa project site na kami. Sinabihan na kasi kami ni Kuya Brando pagkatapos ng interview na doon na kami dumiretso sa site imbes na sa opisina.
 
Malaki ang project site na tatayuan ng isa sa mga sikat na shopping mall sa bansa. Katabi ito mismo ng Batangas Pier. Nababakuran ang mahigit labinlimang hektaryang lupa ng mga coco lumber na poste at long span na yerong kulay asul. Sa pinakagate ay nakasabit ang isang malaking streamer at naroon ang picture ng magiging hitsura ng gusali. May mga nakalagay ring karatula na SAFETY FIRST, NO VACANCY, at yung building permit ng site. Sa may maliit na gate kami nagpunta ni Harry at nilapitan naman kami ng guwardiya na galing sa may bundy clock at hilera ng mga time card sa lalagyan. Pagkakuha ng mga pangalan namin, pinapasok kami saka itinuro kung saan kami pupunta.
 
Napakalawak ng bakanteng lupa sa loob. Medyo putik pa ang ‘di sementadong daan gawa ng umulan kagabi. Limang closed container van na tinanggal sa truck saka pinagdidikit pahaba ang pinuntahan namin na nagsilbing site office ng SJR Construction Corporation. Ang pinakaunang opisina ay naroon ang site Accounting and Admin Office, ang sumunod ay sa Civil Engineering Office, sinundan ng Mechanical Engineering Office, tapos ay Electrical Engineering Office at pinakahuli ay opisina para sa Project Manager.
 
Tumingin ako sa mga hilera ng kotse na nakaparada paharap sa mga opisina pero hindi ko nakita yung puting kotse na minamaneho ni Kuya Brando. May lungkot na bumalot sa puso ko. Akala ko pa naman siya ang una kong makikita pagdating. Super excited pa naman ako na pumasok ngayong first day namin.
 
Parehong leather shoes na black, maong pants at college shirt na itim at may tatak ng UBEE ang suot namin ni Harry. Medyo maliit nga ang size ng napabigay na t-shirt sa amin kaya humakab ito sa aming katawan.

Guwardiya din ang nagpapasok sa amin sa Admin Office. Air conditioned ang opisina. May divider na de-salamin sa gitna. May dalawang mesa na parehong may desktop computer at may nakalagay na Admin Staff sa isa at Accounting Staff naman sa isa pa. Katabi ng mesa ng Admin staff ang isa pang table na may nakalagay na First Aid Kit. Tinungo namin ang kalahating bahagi ng opisina na ginawang conference o training room na may mahabang mesa na sa isang gilid ay may nakapatong na projector paharap sa patag na dingding na pininturahahn ng puti. Umupo kaming magkatabi ni Harry sinamahan ang tatlong lalaki na mukhang malayo ang agwat ng edad sa amin na kasabay din namin sa orientation.
 
“Ganito pala ang feeling pag first day,” bulong ni Harry. “Parang kinakabahan na ewan. Parang nakakatakot. Buti na lang magkasama tayo.”

Pinilit kong ngumiti kahit ganoon din ang pakiramdam ko. “Kaya natin ‘yan,” sabi ko saka hinawakan ang kamay niya at pinisil. Nakasanayan na namin ni Harry na maghawakan ng kamay kaya medyo nagulat lang ako sa reaksiyon nung isang lalaking kasama namin na parang napa – Eewww.
 
Napansin din pala siya ni Harry kaya sabay kaming nagngitian ng palihim.
 
Tinext ko siya, “ung normal sa tin, ndi s knla, ingatz tau pra d mbuking. Jejeje!”
  
Nag-reply si Harry, “Uo…constraxon i2…it’s a MAN’S WORLD..we bter beehave as 1.”
 
“svi nila d2 dw graveh tsismax f saan puro guys.”
 
Tumango ako sa kaniya saka muling nagtext, “Okie lng bsta mgpka str8 lng tau pra d tau ma-brodcast!”
 
“Mismo!”
 
Bumukas ang pinto ng kuwarto saka parehong napaawang ang mga labi namin ni Harry nang lumabas doon ang magbibigay ng orientation.
 
“Good morning, I am the site Admin Staff here. I will be giving the orientation pertaining to construction site rules and regulations. Aside from me, two others will give the orientation on Pollution Control and Construction Safety.”
 
Tumingin siya sa akin saka ngumiti. Sinuklian ko din naman ng ngti saka sinabi, “What a small world Ma’am.”
 
“Yes, indeed,” tugon nito saka ngumiti ng pagkatamis-tamis kay Harry.
 
Tinapik ko sa hita si Harry, napilitan itong ngumiti saka muling sumeryoso ang mukha.
 
Parang napa-puzzle naman yung isang lalaking napa-Eewww kanina sa ikinikilos namin. Nagtaas ito ng kanang kamay saka nagtanong, “Ano pong pangalan nyo Ma’am.”
 
“Sorry for skipping the introductions, by the way I’m Ms. Eunice Alegre.”
 
Maliit nga talaga ang mundo, biruin mo si Eunice pala ang Admin Staff dito. Sabagay mas okay para sa amin iyon ni Harry dahil pag mas maraming kakilala, mas magiging magaan ang first day of work.
 
Gaya ng sabi ni Eunice kanina, isang oras yata naming tinake-up ang rules and regulations. Pumalit naman sa kaniya yung PCO Officer ng site na siya din palang Accounting Staff at kulang-kulang isang oras nag-discuss mostly tungkol sa waste segregation o paghiwa-hiwalay ng basura. Susunod sana yung sa Safety orientation kaya lang ay on-break yung magbibigay.
 
Pagkalabas ng Pollution Control Officer pumasok ulit si Eunice. “The Construction Safety Officer will be ready after thirty minutes. You may leave the room as you wish and be back later,” sabi nito.
 
Mukha namang magkakakilala din yung tatlo naming kasamahan na sabay-sabay na tumayo at lumabas ng training room.
 
“Tara, meryenda tayo,”nakangiting yaya ni Eunice.
 
“Busog pa ako eh,” tugon ko naman. “Etong si Harry na lang yayain mo,” dagdag ko pang umasta na parang kinikilig na tumingin kay Harry.
 
Pinandilatan naman ako ng mga mata ni Harry na para bang sinabi, “Shut up!”
 
“Harry…” sabi naman ni Eunice na parang nakikiusap na tumango si Harry sa paanyaya niya.
 
“Busog pa rin ako eh,” wika ni Harry.
 
“Uuyyy, gusto naman niyan, nagpapakipot lang,” sabi ko sabay itinulak siya sa upuan na muntik na niyang ikahulog.

Gumanti rin siya pero mabilis akong nakatayo sa upuan. “Sige sasama na nga ako para sumama ka na rin,” sabay hatak ng kamay niya para kaladkarin palapit kay Eunice.
 
Naglalakad kami papunta sa canteen ay todo kwento na naman si Eunice kay Harry. Ako naman ay binagalan ang lakad para maiwan ng dalawang hakbang sa likod nila. Napagmasdan ko ang paligid. Malawak talaga ang bakanteng lupa sa ngayon, may mga nahukay na pero lahat ay mga pundasyon pa lang. Mostly civil works pa ang ginagawa. Madami ring trabahador na nakasuot ng pulang t-shirt na mahaba ang manggas na may tatak na puting SJR sa ilalim ng sikat ng mainit na araw.

Ang canteen na pinuntahan namin ay pansamantala din lang. Gawa sa kahoy na dingding at yerong mukhang pinaggamitan na sa sinundan ng project na ito. Pagkatapos kumuha ng softdrinks at burger sa counter na charge kay Eunice ay umupo na kami sa apatang monoblock table at chairs, magkaharap sina Eunice at Harry. Bubuksan pa sana ni Harry ang wrapper ng burger ko na nakagawian na niya nang unahan ko siya at tiningnan na parang sinabihan kong, “Straight acting muna tayo.”

“Ano nga pala sadya mo sa bahay last week?” naalala kong itanong kay Eunice.

“Ah, iyon ba? Yung una kong punta gusto ko sanang sabihin sa inyo na open ang SJR for OJTs. Sabi naman ni Tiya Beng ay nag-apply na nga daw kayo. Late na pala ako ng pagbabalita. Nung i-check ko nga sa HR Department, tapos na nga kayo ng application at for final interview na lang. Yung huli kong punta sasabihin ko nga sana sa iyo na nakita ko na siya, si Engr. Brando Ramirez.”

“Siya ang nag-interview sa amin,” sabi ko.

“Ganun lang..?” parang nahihiwagaan siya.

“Ano ba dapat?” sabad naman ni Harry na ang tinutukoy ay ang reaksiyon ko sa sinabi ni Eunice.

Ang ini-expect siguro ni Eunice ay yung sobrang saya at kinikilig. Masaya rin naman ako nung unang meeting namin pero ngayon nabawasan na marahil ay dahil na rin sa naging treatment sa akin ni Kuya Brando. Pero ganunpaman, mahal ko pa rin iyon. In-love pa rin ako sa kaniya.
 
“Dapat iyong abot-tainga ang ngiti at parang heaven ang ekspresyon ng mukha,” sabi niya na sa tingin ko’y siya itong talagang kinikilig. “Parang ngayon…” dagdag niya na ibinaling ang tingin sa may pintuan ng canteen.
 
Papasok pala si Kuya Brando at may dalawang kasama. Ang guwapo niya sa suot niyang light green na polo na tinernuhan ng itim na pantalon at safety shoes. Naka- safety hard hat siya na kulay puti samantalang blue naman yung kasama niyang dalawa. Heto na naman ako, papabilis na naman ang tibok ng aking puso.
 
“Kailan ka pa ba dito? Dito lang pala ‘yan nagtatrabaho pero bakit last week mo lang siya nakita?” may halong inis ang tanong ni Harry kay Eunice.
 
Ako naman’y super interesado sa isasagot ni Eunice. Siyempre gusto kong malaman kung saan siyang lupalop nagtago at hindi ko siya nakita all these years.
 
Kahit halos pasimangot na si Harry sa kaniya, parang balewala naman kay Eunice iyon. Ubod tamis pa rin siyang ngumiti kay Harry para sagutin ito. “Dito ako nag-OJT after ini-hire na nila ako. ‘Yang si Sir Brando early last week din lang iyan dumating galing Northern Luzon, pinalitan niya yung dating Electrical Project Engineer na inilipat naman sa ibang site. Grabe ang guwapo niya talaga. Hindi kita masisisi Rhett kung hanggang ngayon ay siya pa rin ang tanging sigaw ng puso mo,” sinundan pa nito ng kinikilig na pagtawa.
 
Hinintay ko pa ang iba pang sasabihin ni Eunice pero wala ng karugtong. Nahiya naman akong magtanong ng iba pang detalye at isa pa baka iyon din lang ang alam ni Eunice.
 
“Bakit kaya ganoon?”
 
“Ang alin?” taong ko kay Eunice.
 
“Bakit may mga guwapong kagaya ninyo na wala ngang girlfriend, pero boyfriend naman ang hanap?”
 
Natawa kami ni Harry sa sinabi niya. “Ganoon talaga,” sabi ko na lang. Ako nga’y hindi ko rin alam kung bakit si Kuya Brando ang mahal ko.
 
“Di bale wala pa naman kayong boyfriend kaya pwede pa ako,” nagpapa-cute pa siya kay Harry.
 
Tumingin ako kay Harry, parang nabasa ko sa mukha niya ang Eewww!
  
 
PAGBALIK NAMIN ng training room ay nag-umpisa na ang orientation sa Construction Safety. Maganda ang topic kaya mataman akong nakinig. Nasa question ang answer na nang magtaas ako ng kamay para magtanong.
 
“Sir, pag may naaksidente po ano ang unang gagawin?”
 
“Good question,” sabi ng Safety Officer. “May mga certified first aiders tayo dito na pwede ninyong tawagin. Nakapaskil ang larawan nila sa may bulletin board. Sa kanila kayo hihingi ng tulong kaagad. Alam na nila ang gagawin. Isa pa may First Aid Kit naman tayo dito sa site na pwedeng gamitin.”
 
“Hindi ho ba kami pwedeng kami ang sumaklolo?”
 
“Mas alam kasi nila ang gagawin. Sila kasi ay may training bigay ng Philippine Red Cross at pasado sila kaya mas makabubuting sila ang mag-rescue. Ang sa inyo lang ay hanggang doon lang sa hihingi kayo ng tulong sa kanila.”

“Paano ho kung nakuryente ang biktima?” si Harry ang nagtanong.

“Iba naman ang ganoong kaso kapag electrocution. Nasabi ko nga earlier na sa ganoong sitwasyon ganito ang pwedeng gawin. First, check if the circuit still energized. If yes, switch off the source of power. Kung iyan ay breaker, fuse box, knife switch, ibaba ninyo to disconnect. Basta kailangan maide-energized ninyo ang source. Second, check if the victim is contacting the circuit. If yes, kailangan ninyo siyang matanggal sa pagkakadikit sa wire o anomang may power na kumuryente sa kaniya. Be sure na hindi kayo ang makukuryente. Baka instinctively hawakan ninyo siya pag nagkagayon pareho na kayong biktima. Usually pwede ang kahoy o anomang material na insulator ang gamitin para i-disconnect ang biktima sa source. Third, check for gases or material that may cause injury or presence or possibility of fire, kasi baka pag lumapit kayo sa biktima, kayo naman ang masugatan dahil doon. Lastly, because you are not qualified first aiders, immediately summon for help.”
 
Ilang tanong pa ang sinagot ng trainor bago natapos ang safety orientation. Dahil malapit na ang lunch time, pinababalik na lang kami ng ala-una ng hapon.
 
 

LAHAT KAMI’Y binigyan ni Eunice ng kulay pulang long sleeved na t-shirt, pares ng itim na steel toe shoes, blue na hard hat at safety spectacles o eyeglasses na itim ang frame at clear iyong lenses. Binigyan din kami ng earplug na pwede naming isuot kung kinakailangan.
 
Pagkasuot ng mga safety paraphernalias maliban sa earplug, tinungo na namin ang mismong site sa pangunguna ni Eunice. Nadaanan namin ang mga workers na ang suot ay pareho ng sa amin sa kainitan ng araw. May mga naglalakihan ding traktora na kulay dark yellow na ang tawag pala ay Backhoe, ayon na rin kay Eunice na siyang naghuhukay para sa mga pundisyon ng gusali. Ang ibang manggagawa naman ay nagbe-bend ng mga bakal sa mga porma at yung bakal na iyon ay siya namang ina-assemble ng iba pa, binubuo sa pamamagitan ng pagtali gamit ang GI wire. Bubuhusan naman iyon ng halong semento pag natapos.
 
Malayo pa lang ay nakita ko na si Kuya Brando na nakasuot ng hard hat na puti kasama yung isang lalaki kanina sa canteen. Parang nag-uusap sila tungkol sa kasalukuyang ginagawa ng mga taong naroroon.
 
“Doon tayo,” sabi ni Eunice kung saan naroon sina Kuya Brando. “Naroon yung magiging Supervisor ninyo, si Engr. Clyde.”
 
Papalapit pa lang kami ay ramdam ko na ang papabilis na tibok ng aking puso. Kasabay pa naman namin ni Harry si Eunice sa harapan at yung tatlong lalaki kanina ay sa likuran kaya kitang-kita ko nang bumaling sa amin si Kuya Brando. Ngumiti kay Eunice. “Yes, Ms. Alegre?”
 
“Sir, I will just turn over the three new employees and two trainees under Engr. Clyde’s group,” magalang na sabi ni Eunice.
  
Tumango si Kuya Brando saka tumingin muli sa katabi niya, “So, ok na yung pinag-usapan natin Clyde?”
 
Sumagot naman ang tinawag na Clyde, “Yes Sir, tapos na po ‘yan maya-maya,” sabi nito saka itinuro yung malaking kable na parang anaconda hila ng tatlong lalaki at may tigdadalawa pang lalaki kada sampung metro ng haba.
  
“Iwanan ko na kayo,” paalam ni Kuya Brando kay Engr. Clyde. Ngumiti saglit kay Eunice at nang mapadako ang tingin sa akin ay tumitig ng diretso sa mga mata ko ngunit blangko ang ekspresyon ng mukha.
 
Ice cream ba ako? Bakit para akong matutunaw sa pagkatitig niya sa akin?

“Uhhmm…” si Eunice na parang may sore throat at kinikilig.
 
Parang nahiya naman si Kuya Brando na tumalikod saka umalis.
 
Sa tantiya ko nasa late 30s na si Engr. Clyde, nasa 5’5” ang height, maganda naman ang katawan maliban lang sa medyo malaki ang waistline. Umalis din si Eunice pagkatapos kaming ipakilala sa kaniya. Pinasama ni Engr. Clyde yung tatlo sa mga naghihila ng mala-sawang kable samantalang kami naman ni Harry ay pinasunod sa kaniya papuntang Generator Room. Ayon na rin sa kaniya, yung malaking kable na iyon ay gagawing power supply sa lahat ng mga gagamiting welding machine sa site. At dahil babago pa ng simula ng project, on-going pa ang paglalagay ng permanenteng supply ng kuryente ng Meralco papasok sa entrance ng itinatayong gusali kaya naka-Generator muna sa kasalukuyan.
 
Maingay sa labas ng generator room dahil sa andar ng makina. Kapwa kami napatda ni Harry nang pagtapat namin sa pinto ay mamukhaan kung sino ang naroon sa loob ng generator room. Hawak nito ang isang clipboard paharap sa mga switches at mga metro sa generator panel ay bumaling sa amin saka lumabas ng room at lumapit sa kinatatayuan namin. Nagtanggal ng earplug at nang masino kami ay rumehistro ang nakakalokong ngisi. Pakiramdam ko’y nagbalik ang galit kay Harry nang makita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao at biglaang pagtagis ng mga panga. Ako nama’y nagpigil ng galit na umusbong sa aking puso.
 
“Ikaw…” narinig kong lumabas sa aking labi.
 
“Ako nga,” sabi niya.
 
“Magkakilala kayo?” tanong naman ni Engr. Clyde.
 
“Yes, Sir…we’re old friends,” nakangising sabi nito.
 
Tiningnan ko si Harry, hinawakan ang isang balikat na parang sinabing, “Easy ka lang, this is not the right time and place to rekindle old angers.”
 
“If that’s the case, no need for introductions,” sabi ni Engr. Clyde saka tumingin sa akin. Napilitan tuloy akong ngumiti just to assure him na everything is ok. Pinisil ko din ang balikat ni Harry kaya napilitan din siyang makipagplastikan. “Sila ang mga bago nating trainees from University of Batangas. Ikaw ang magiging pinaka-leader nila dito, magga-guide sa kanila para matuto ng mga trabaho natin. OJT sila kaya hindi sila pwedeng magtrabaho o gumawa mag-isa kung walang kasama.”
 
“Yes Sir, I will be very happy na turuan sila.”
 
“Alam mo na ang gagawin?”
 
“Opo.”
 
Tumingin ng salitan sa amin si Engr. Clyde saka ngumiti, “Rhett, Harry maiwan ko na kayo, si Jimson Landicho na ang bahala sa inyo.”
  
Itutuloy


[07]
“It is a pleasant surprise that all of us are here, isn’t it? It is so nice to see you…again,” parang nang-iinis si Jimson nang makaalis na si Engr. Clyde.
 
Ibang Jimson na ang nasa harapan namin ngayon. Wala na ang tabain at malaking bata bagama’t naroon pa rin ang features ng mukha kaya makikilala mo siya instantly. Mas matangkad na kami ni Harry sa kaniya ngayon sa height niyang 5’8”. In fairness, maganda ang katawan, yung tipo ng banat sa trabaho at bilad sa araw. Black handsome, yun ang description ko sa kaniya.
  
Napaisip ako ng mabilis. Hindi na kami mga grade three ngayon at wala na kami sa UB Annex. Kung papatulan namin siya ni Harry, siguradong kami ang talo. Una, kasasabi lang kanina sa discussion ng construction rules na bawal makipag-away sa loob ng construction site premises. Second, nauna siya sa amin dito at base na rin sa pagkakahabilin ni Engr. Clyde, siya ay mas mataas sa amin, kaya wala kami sa posisyon para pagmulan ng away. Third baka ma-terminate pa kami pag nagkataon, masisira na ang pangalan ng UB, hindi pa kami makaka-graduate at siguradong hindi ko na makukuha ang Cum Laude ko. Mabuti na lang at nakuha din ni Harry ang ibig kong sabihin sa pagkakahawak ko sa kaniyang balikat. Medyo nag-subside ang pagkainis nito.
 
“Yes Sir Jimson, nagagalak din kaming makita ka,” iyon na lang ang naisip kong sabihin. Address the man as if he is a King, give him the satisfaction he wanted. Let him feel he’s more powerful than you. Let him feel that he is important. It’s no cowardice after all.
 
Mukha namang epektibo nang sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. A triumphant smile! “Mabuti naman habang maaga, alam na ninyo kung saan kayo lulugar,” sabi nito sa nagyayabang na tinig.

Palihim din akong ngumiti dahil nakuha ko ang gusto kong mangyari. Pero si Harry ay nanatiling tahimik, parang naghihintay lang na makanti ay sasabog muli.
 
“Wear your earplugs and follow me,” sabi ni Jimson.
 
Pagpasok namin sa generator room tumambad ang maraming circuit breaker at fuse boxes na may mga label kung alin ang sinuplayan ng kuryente. Nakinig naman kami kay Jimson habang binibigyan niya kami ng overview ng mga iyon. Kung kay Harry ay parang parusa ang makipagplastikan kay Jimson, parang sa huli naman ay very proud pa ito na animo’y titser na nagtuturo sa mga bagong pasok pa lang na estudyante. Naidasal ko na lang na sana, hindi ma-trigger ang galit ni Harry kahit man lang habang hindi ko pa siya nakakausap.
 
“Inis ka pa ba?” tanong ko kay Harry. Nasa may generator panel na noon si Jimson, kami nama’y pinaupo niya sa may mesa malapit sa pinto at ibinigay ang santambak na mga manual at compilation ng mga electrical drawings.
 
“Medyo,” sabi niya sa mas malakas na tinig. Maingay pa rin kasi ang andar ng makina.
 
“Hindi tayo dapat magpadala sa bugso ng damdamin. Wala tayong mapapala kung aawayin natin siya.”

“Tama ka, kaya nga kahit kaninang makita ko pa lang siya at biglang bumalik sa akin ang ginawa niya sa ‘yo dati, inipon ko ang buong lakas ko para makapagtimpi.”
 
Ngumiti ako sa kaniya tanda ng kagalakan sa kaniyang sinabi. “Tiisin na lang natin Harry kung anoman ang mangyari sa pakikitungo natin kay Jimson, kailangan natin ang OJT na ito.Alam ko hindi ito ang una’t huli. Alam ko ipo-provoke pa niya tayo sometime later kaya dapat handa tayo na dedmahin lang ang mga susunod pa niyang attempts na parang wala lang.”
 
“Kaya ko kaya iyon?”
 
“Kayanin mo,” sabi ko sa kaniya. Alam ko naman kasi na medyo mainitin talaga ang ulo ni Harry. Hindi siya ganoon kapasensiyosong gaya ko. Kung iisipin mo nga, hindi ka maniniwala na may pagka-pusong babae si Harry. Lalaking-lalaki kasi siyang tingnan pati umasta.
 
“Basta walang makikipag-away,” utos-pakiusap ko sa kaniya.
 
Parang nagdadalawang isip siyang sumagot.
 
“Harry, ipangako mo.”
 
“Okay.”
 
“Pramis?”

“Pramis. So help me God,” nakangiting sabi na niya na itinaas pa ang kanang kamay.

Nakakunot-noo naman si Jimson nang mapatingin sa amin. Dinedma na lang namin siya at itinutok ang aming atensiyon sa binabasa.
 
 
“TALAGA BANG inilihim mo sa amin na nandito rin si Jimson Landicho?” tanong iyon ni Harry kay Eunice nang makita namin sa canteen nang mag-break kami ng alas-tres na hapon. Tumabi siya ng upo sa aming mesa.
 
Bagamat mahininahon naman ang pagkakatanong ni Harry, kita kong medyo nasindak si Eunice, akala mo’y batang may ginawang hindi maganda at nahuli sa akto. “Sasabihin ko rin naman sa inyo eh, nakalimutan ko lang. Isa pa malalaman niyo rin naman.”
 
“Kailan pa siya dito?” tanong ko.
 
“Inabutan ko na siya nung OJT pa lang ako,” tugon niya.
 
“Ganoon katagal? Bakit hindi mo man lang nabanggit?” si Harry.
 
“Hindi naman kayo nagtatanong. Isa pa, kelan ba natin napag-usapan ang tungkol sa work ko? Kelan ba kayo nagtanong ng tungkol sa akin? Ako nga lang palagi ang kwento ng kwento sa inyo,” sagot niya na may halong pagtatampo. “Pangalawa, wala namang magandang idudulot sa inyo kung nandito man si Jimson. Baka mapaaway lang kayo. Pangatlo, baka hindi na kayo dito nag-OJT kung sa una pa lang nalaman na ninyong nandito siya.”
 
May punto naman talaga si Eunice. Magkakaibigan nga kami pero wala kaming masyadong alam tungkol sa kaniya. Marahil ay dahil sa kay Kuya Brando naka-focus ang buhay ko, samantalang si Harry naman ay sa akin umiikot ang mundo. Kaya ayun hindi namin masyadong nabibigyang-pansin si Eunice.
 
“Graduate ba iyon?” tanong ko.
 
“Ang alam ko’y tapos siya ng 2 years na Technical Course na Industrial Electrician.”
 
“Ah..kaya pala, nagwo-work na siya.”
 
“Galit ka ba?” tanong ni Eunice kay Harry sabay hawak sa isang braso nito.
 
Umiling lang si Harry.
 
Tapos na kaming kumain nang maalalang ibigay sa amin ni Eunice ang susi ng locker. Dahil wala pa daw bakante, share muna kami sa isang locker. Palabas na kami ng canteen nang sabihin ni Eunice, “Papasama pala ako sa inyo mamaya sa SM, may bibilhin lang ako.”
 
Alam ko namang hindi siya sasagutin ni Harry kaya, “Okay sige, sasamahan ka naming dalawa ni Harry,” binigyan diin ko pa ang salitang dalawa saka tumingin ako kay Harry na parang sinabi sa akin, “Bahala ka.”
 
“Kita-kits na lang tayo mayang 5PM,” abot-tainga naman ang ngiting sabi ni Eunice sa amin.


Magkatabi lang ang CR at locker room, pareho sa pagkakagawa ng canteen. Pumasok ako sa CR samantalang sa locker room naman dumiretso si Harry para tingnan ang locker namin.
 
Walang urinals sa CR. Ang naroon ay sementadong canal na pahaba sa gilid ng dingding katabi ng lababo paharap sa tatlong cubicle at may tubo na binutasan isang pulgada ang pagitan at tuloy-tuloy na sinisiritan ng tubig. May isang lalaki sa huling cubicle at may isa pang umiihi sa may bandang dulo ng canal. Doon ako sa parte ng canal na malapit sa lababo tumayo para umihi.
 
Hindi ko sinasadyang mapatingin sa lalaking kahilera ko. Kilala ko pala siya, iyong lalaking sa tingin ko’y napa-Eewww kanina sa orientation. Mas matangkad ako sa kaniya ng tatlong pulgada pero well developed ang kaniyang muscles at matured na siyang tingnan. May kaitiman ang balat pero malinis namang tingnan, karaniwang kulay ng mga construction worker na laging bilad sa araw.

Lumabas yung lalaki sa cubicle at tumabi sa kaniya. Nagulat ako nang hawakan nung kalalabas na lalaki ang ari ni Mr. Eewww saka pinihit ito paharap sa akin. Si Jimson ang lalaki, sakmal ng kamay niya ang ari nito na semi-erect na noon at sadyang may ipagmamalaki. Nakangisi naman si Mr. Eewww na parang tuwang-tuwa pa na ibinabandera ang ari niya ni Jimson.
  
“Gusto mo?” tanong ni Jimson sa akin.
 
Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa aking ulo sa harapang pambabastos ni Jimson. Kung isa ito sa pag-provoke niya para patulan ko siya, nagkakamali siya.
 
“Sa iyo na lang ‘yan, tutal hawak mo na,” sabi ni Harry na nasa may likuran ko na pala kasabay ng nakakalokong pagtawa.
 
Pinamulahan naman ng mukha si Jimson sa hindi inaasahang pagbalik sa kaniya ng pang-iinis. Binitawan ang ari ni Mr. Eewww pero nanatili na itong nakatayo sa hangin. “Kunwari pa kayo, ito rin naman talaga ang gusto ninyo. Mga bakla kayo!”
 
“Sino kaya ang mas bakla, iyong nakatingin sa titi o iyong nakasakmal sa titi?” maagap na sabi ni Harry.
 
“Hindi ako bakla!” galit na si Jimson, mas mataas na ang boses niya ngayon.

“Then don’t act like one!” si Harry.
 
“Sa labas na lang tayo,” hamon na ni Jimson. Lumakad na ilang hakbang palapit kay Harry, nasa likuran na niya ngayon si Mr. Eewww, lumambot na ang aring pumaling sa kaliwa at nagmamasid sa susunod na mangyayari.
 
Nang makita kong humakbang din si Harry palapit, nagmamadaling itinaas ko na ang aking zipper at humarang na sa harapan niya. “Sige!” pagtanggap sa hamon ni Harry na anumang oras ay handa nang lusubin si Jimson. “Ano bang problema mo sa amin, ha? Bakit parang gusto mo ng away? Kung tutuusin kami nga ang dapat na magalit sa iyo sa naging atraso mo sa amin.”
 
Sumilay ang nangungutyang ngiti kay Jimson saka sinabing, “At ako pa ngayon ang may atraso? Mula kaninang makita ko kayo, lahat ng galit na inipon ko ng mahigit sampung taon ay biglang bumalik. Kung hindi dahil sa inyo, malamang mas maayos ang buhay ko. At hindi ako ipapa-kick out sa eskwelahan ng sarili kong ama.”

Kami pa pala ngayon ang sinisisi ni Jimson sa hindi na niya pagbalik sa eskwelahan pagkatapos ng dalawang linggong suspension niya noon. Pero bakit kami? Hindi ba parusa lang naman iyon sa kaniya sa mga ginawa niyang kabulastugan hindi lang sa amin ni Harry maging sa ibang mga mag-aaral. Kung sarili man niyang ama ang naghigpit sa kaniya, bakit sa amin niya iyon isisisi? Mas maayos ang buhay niya? Ang tinutukoy kaya niya ay dahil imbes na four or five years course ay two years na technical course ang binagsakan niya? Maaari nga sigurong ganoon.
 
“At kung hindi dahil sa baklang kagaya ninyo na bumaboy sa akin, hindi ako magiging ganito,” halos umapoy na siya sa galit sa panduduro sa amin. Bakas sa mukha nito ang pait nang alalahanin ang kaniyang masakit na nakaraan. Para ngang nagsisimula ng pangiliran ng luha ang kaniyang mga mata. “Tara sa labas…huwag kang magtago diyan sa dyowa mo, tapusin na natin ito!”

Para namang isang malaking bombang sumabog ang huling tinuran niya. Si Jimson biktima ng abuso? Kahit galit ako ay medyo lumambot ang puso ko. Pero sana nama’y huwag niyang lahatin, hindi naman lahat ng kagaya namin ay ganoon ang ugali, maaring may mangilan-ngilan lamang pero hindi lahat ay mapang-abuso.
 
Sa narinig ko, halos yakapin ko na si Harry. “Tama na, napag-usapan na natin ito di ba, hindi tayo papatol,” mariing sabi ko sa kaniya, pinipilit kong mag-sink in sa kaniya ang sinasabi ko.
 
Salamat naman at napahinahon ko si Harry. Hinila ko na siya palabas ng CR bago pa siya makasagot muli kay Jimson.

Dinig ko naman ang pahabol na sabi ni Jimson, “Mag-ingat kayo sa mga ginagawa ninyo at gagawin ninyo pa sa trabaho, ACCIDENTS HAPPEN ALL THE TIME. Curse you all faggots!”

Binalewala ko ang pagbabantang iyon ni Jimson sa kagustuhan kong mailayo na agad si Harry.

Isang pagbabanta…isang nakaambang panganib…
 
 
“HINDI KO ALAM kung kaya ko pang palampasin sa susunod na hamunin ako ni Jimson,” sabi ni Harry sa akin. Nakabalik na kami sa mesa noon sa may generator room.
 
Alam kong seryoso siya sa kaniyang sinabi na medyo ikinababahala ko. “Halos pareho lang tayo ng nararamdaman,” iyon na lang ang naisip kong sabihin. Hindi ko naman siya pwedeng kontrahin dahil ang taong galit mahirap tumanggap ng suhestiyon. Kailangan pang hintaying lumamig ang ulo bago makapag-isip ng maayos at tama. “Gusto ko rin siyang suntukin pero nagpigil ako, naalala ko kasi ang usapan natin kanina. Hindi tayo makikipag-away, anoman ang gawin niya, hindi tayo papatol.”

“Hindi ko lang kasi kayang makita iyong saktan ka pa niya kagaya noon.”
 
Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata.
 
“Ako na lang ang saktan niya, huwag lang ikaw. Ako, kaya ko kahit bugbugin pa niya ako. Sanay na naman akong masaktan kahit noong bata pa ako, physical man o emotional. Ang tagal kitang iningatan at inalagaan kaya habang buhay ako walang makakapanakit sa ‘yo.”
  
Naniniwala ako sa kaniya dahil ganoon naman talaga si Harry sa akin. Kung natuturuan nga lang ang puso, siguro’y si Harry na lang ang minahal ko. Pero iba eh…sabi nga sa isang kanta ‘Nakakalito ang mundo…Kung sinong mahal mo, siyang ayaw sa ‘yo’. Bakit nga ba ganoon? Si Eunice mahal niya si Harry, Si Harry naman ako ang mahal niya, samantalang ako si Kuya Brando naman ang mahal ko.
  
“Salamat at laging nandiyan ka Harry. Sana nga lang huwag tayong padadala sa pangbubuyo ni Jimson. Dahil siguradong talo tayo.”
 
Napabuntong-hininga siya ng malalim. Nakuha niya ang punto ko.
 
“Sige na,” paglalambing ko sa kaniya sabay hawak ng kaniyang kamay na nasa ibabaw ng manual. Masuyo ko itong pinisil, “kahit hindi na para sa school o kaya’y para kay Tiya Beng…kahit alang-alang na lang sa akin,” dagdag ko pa. Alam ko naman kasing iyon ang kahinaan ni Harry, pag ako na ang kumausap, kapag para sa akin siguradong hindi pwedeng hindi.
 
Marahan siyang tumango saka ngumiti.
 
Nasa ganoon kami nang tumapat sa aming mesa si Engr. Clyde. Bigla ko tuloy kinabig ang kamay kong nakahawak sa kamay ni Harry. Pero imbes na pagkadisgusto ang nakita ko kay Engr. Clyde gaya ng ibang mga nakakakita sa amin, nakangiti lang ito na parang okay lang sa kaniya ang ganoong uri ng gestures kahit pa parehong lalaki. Bakit kaya?
 
Sinenyasan kami ni Engr. Clyde na lumabas ng room. Nang nasa labas na bumaling siya sa akin, “Rhett, punta ka muna sa Electrical Engineering Office.”
 
Naunahan pa akong magtanong ni Harry, “Bakit po Sir?”
 
“May kailangan yata sa ‘yo si Sir Brando,” maikling tugon nito.
 
Nagkatinginan kami ni Harry. Naisip ko na baka pag iniwan ko siya at hamunin siya ulit ni Jimson ay baka patulan na niya ito. Nakita ko rin sa mukha niya ang pagtatanong ng, “Paano ako?”

Napangiti si Engr. Clyde, “Kayo talagang mga bagong OJT, palagi na lang gustong nakabuntot sa isa’t-isa.”
 
“Hindi naman ho,” depensa ko. Paano ko naman sasabihin ang tungkol sa hidwaan namin nina Jimson?
 
“Pwede ho bang sumama na lang ako sa mga trabahador sa labas?” mungkahi ni Harry.
 
“Oo nga po,” segunda ko naman.
 
“Okay kung ‘yan ang gusto mo.” Pag-ayon naman ni Engr. Clyde. Iniwan kami sandali para pumasok sa loob. Pagkatapos kausapin si Jimson saka bumalik sa kinatatayuan namin.

Gusto ko namang matawa nang makita ko ang reaksiyon ni Jimson na nakatingin sa amin na parang sa isang batang naisahan ng mga kalaro.
 
 
PAPALAPIT PA lang ako sa opisina ni Kuya Brando ay kung ano-ano na ang naiisip ko. Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Tungkol saan? Hindi kaya nagsumbong si Jimson ng kung ano-anong pinagtapi-tagpi kasinungalingan kaya heto ngayon at kakausapin ako? Halos manghina ang tuhod ko sa kaba. Mas malakas pa ang kabog ng dibdib ko kaysa pagkatok ko sa pinto. Nang marinig ko ang tinig niya na pinapapasok ako, pakiramdam ko’y mapapatiran na ako ng hininga.
 
Nahahati din sa dalawa ang opisina kagaya ng sa Admin. Pagpasok sa pintuan ay langhap ko ang mabangong amoy ng peras at banilya. Sa unang hati ay may nakahilerang tatlong mesa na wala namang umookupa, pero napansin ko ang pangalan ni Engr. Clyde dun sa panghuli. Sa isa pang hati naman ay naroon ang mesa ni Kuya Brando nakaharap sa may bintana at may dalawang silya sa magkabilang tabi. Malapit naman sa bintanang may light blue na Venetian blind na half open ay may sofa na kulay light blue din at babasaging center table na may oval clay pot sa gitna, natatamnan ng assorted mini cactus. May cactus din sa kaniyang mesa na kung hindi ako nagkakamali ay isang Easter Lily.
 
Sa laptop na nasa ibabaw ng mesa niya ang atensiyon ni Kuya Brando nang lumapit ako. Kuya sana ang itatawag ko sa kaniya pero mas mabuti nang ngayon pa lang sanayin ko na ang sarili ko na tawaging siyang, “Sir…”
 
Nag-angat siya ng mukha. Nakita ko na naman ang mga brown eyes niyang iyon na kulang na lang ay tunawin ako sa aking kinatatayuan. “What took you so long Mr. Santillan?” pormal ang tono nito.
 
Hayyy…ang gwapo talaga ni Kuya Brando. “Sorry po,” paumanhin ko na lang kahit sa tingin ko’y hindi naman ako matagal dahil halos kahihiwalay lang namin nina Harry at Engr. Clyde. Pero siyempre boss siya kaya to end the topic of being late, mag-sorry na lang para tapos na.
 
“I want you--,” sabi niya na ikinaawang ng mga labi ko. Para tuloy akong maiihi sa excitement.
 
Totoo ba itong naririnig ko? He wants me? As in wanting for sex? Super kinikilig naman ako. OMG! Heavens help me!
 
Pero nalaman ko na masyado lang pala akong mabilis mag-isip as if putting words in his mouth dahil hindi pa siya tapos magsalita, may kasunod pa pala iyon na, “I want you to help me with my laptop. Kanina pa ako dito, ayaw niyang mag-start.”

Laglag naman ang balikat ko sa narinig. Hayyy…akala ko pa naman iyon na. Pero nagtaka rin naman ako kung bakit ako? Paano niya nalaman na may alam ako sa computer. Sa pagkakatanda ko’y hindi ko naman nailagay sa resume ko under special skills yung sa pc repair.
 
“Ano ho bang problema Sir?”
 
“Ayaw mag-start,” naiinis na sabi niya. Tumayo ito sa kaniyang upuan saka nag-give way sa akin. “Ayan check mo naman. Ikaw muna umupo dito.”

Nahihiya pa akong umupo sa kaniyang silya at tiningnan ang kaniyang laptop. Wow, latest model at pang-mayaman ang brand. Pinindot ko ang Start button.
 
Kinuha ni Kuya Brando ang isang silya sa harap ng mesa niya, inilagay sa kaliwang tabi ko saka umupo. Ipinatong pa ang kanang kamay niya sa may armrest ng inuupuan ko kaya napadikit tuloy ang braso ko sa kaniya. Parang wala lang naman sa kaniya iyon na tutok sa screen ang mga mata inaabangan ang gagawin ko.

“Sana nama’y maayos mo na. Tatapusin ko pa yung progress report ko for presentation bukas ng umaga.”
 
Kung sa kaniya ay balewala ang pagdikit ng mga braso namin, sa akin ay iba, para akong kinukoryente. Masarap sa balat na ewan, na lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.
 
Nag-start naman iyong sa BIOS kaya lang ay nung Starting Windows na para itong nag-hang tapos ay black out ng screen at nagre-start na naman. Paulit-ulit lang na ganoon.
 
“’Yan ganyan siya, paulit-ulit.”

“Dalawa po ba ang partition nito?” tanong ko sa kaniya. Hindi ako makapihit ng mukha dahil sa kaba ng dibdib ko. Nasa may kaliwa ko siya at sobrang lapit niya paano na lang na baka pagharap ko maglapat na pala ang aming mga labi?
 
“Ano ‘yon?”
  
Napilitan tuloy akong harapin siya. Tama naman ang kalkulasyon ko dahil eksaktong pagharap ko ay halos dalawang pulgada na lang ang layo ng mukha ko sa mukha niya. Nagtama ang aming mga mata. “Kung bukod sa drive C po ay may drive D din.”
 
Hayyy…mamamatay na yata ako Lord!
 
“Meron,” sabi niya. Hindi man lang siya nag-attempt na ilayo ang mukha niya. Pakiramdam ko nga’y inilapit pa niya lalo. Super bango ng hininga niyang dumampi sa aking ilong at mga labi.
 
Ako naman ay hindi alam ang gagawin kung ilalayo ko ba ang mukha ko o ilapit na rin lang gaya ng ginawa niya. “Yung files nyo po…lahat ba nasa drive D?” nagawa ko pa ring itanong kahit parang dinaanan ng El Nino ang lalamunan ko sa pagkatuyo.
 
“Naroon lahat,” pabulong na niyang sagot saka muling inilapit ang mukha.
 
OMG! Ano ba ito? Hindi ko na kaya…hindi na ako makapagpigil… konti pa hahalikan ko na ang lalaking ito!
 
“Try ko pong irestore…from the…emergency backup.” Nagsisimula ko ng maramdaman ang pangangatal sa aking katawan. OMG! Bakit? Ganito ba talaga kagrabe ang excitement ng First Kiss?

“Do what pleases you…and I’ll do mine,” sabi niya na nang muling ilapit ang kaniyang mukha naramdaman ko na ang paglapat ng kaniyang mga labi sa akin.
 
Napapikit na ako. Pakiramdam ko ay nag-freeze ang buong paligid. Tumigil sa paggalaw ang buong mundo maliban sa aming dalawa. Ramdam ko ang lambot ng kaniyang mga labi na kinamkam ang sa akin. Ang sarap pala, kakaiba na hindi maipaliwanag. Masarap pala talagang halikan ka ng taong mahal mo. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko, kakagatin ko ba siya? Sisipsipin ko ba? Ewan, basta ang alam ko’y bigla na lang nagkaroon ng sariling pag-iisip ang aking mga labi na bawat gawin ni Kuya Brando ay siya ko ring ginagawa sa kaniya. Nagpaubaya ako nang magtangka ang kaniyang dila na pasukin ang aking bibig. Bumukas ito ng kusa para hayaan sa kaniyang ginagawa. Para itong scuba diver na sinisid ang bawat sulok ng dagat. At natuto akong sumabay sa pagsisid, tinudyo ko din ng aking dila ang kaniyang dila. Para akong mapapatiran ng hininga at mawawala sa katinuan.
 
Pati na rin ang aking mga kamay ay nagka-isip nang kusa itong pumulupot sa kaniyang batok. At nang yakapin ako ni Kuya Brando, pakiramdam ko’y daig ko pa ang tsokolateng ipinasok sa microwave oven na natunaw sa kaniyang dibdib at mga bisig.
 
Ang halik na habang tumatagal ay lalong nagiging maalab at mainit.
 
Ganoon pala katamis ang unang halik.
 
Pero sa lahat ng moment ay lagi na lang may panira. Pero buti na lang bago pa tumunog ang cell phone ni Kuya Brando ay nalasap na namin pareho ang tamis. Pareho kaming habol-hininga nang maghiwalay ang pagkakahinang ng aming mga labi. Saka muling gumalaw ang buong paligid.
 
Tumayo si Kuya Brando, nagpunta malapit sa may bintana saka sinagot ang kaniyang cell phone. Ako naman ay hindi pa rin nakakabawi sa nangyari. Nag-uumapaw ang tuwa sa aking puso habang nakatingin ako sa kaniya. Mahal ko talaga si Kuya Brando, mahal na mahal.

Pagkababa ng telepono ay lumapit siya sa akin.
 
“May emergency meeting lang ako sa main office. Dumating si Chairman. Babalikan kita. Do what you can to make my laptop running. I just need it badly.”
 
Tinapunan ko siya ng ngiti na nagmumula sa aking puso. “Sige Kuya.”
 
Umupo siyang muli sa aking tabi. “Will you wait for me?”
 
Of course. I have waited my whole life for you. Ngayon pa na oras lang Kuya Brando? Ngayon pa?
 
Nangingislap ang aking mga mata, “Yes, I will.”
 
Dinampian niya akong muli ng halik sa aking mga labi saka mabilis na lumabas ng silid.
 
Para naman akong namatanda na hindi halos makagalaw. OMG! Totoo ba ang nangyari kani-kanina lang? Paulit-ulit na binalikan ko sa aking isip ang paghalik sa aki ni Kuya Brando. Gusto kong matandaan ang buong pangyayari pati na ang bawat detalye. Ilang minuto din akong animo’y tulala bago ako tuluyang nakabawi.
 
Masayang-masaya ako nang simulang ayusin ang laptop ni Kuya Brando. At dahil sa sobrang inspired ako mabilis ko lang siyang naayos gamit ang emergency backup na nasa hard drive din ng laptop.
 
Habang naghihintay, nagpatugtog muna ako ng kanta sa laptop ni Kuya Brando. Eksakto naman na swak sa nararamdaman ko ang kanta.
 
'Sang saglit ng ubod-tagal
Unang halik ng 'yong mahal
Isang saglit lang nang matikman
Isang saglit lang parang walang hanggan
'Yan ang iyong unang halik….
 
Nang mapatingin ako sa Easter Lily cactus, napansin ko malapit na malapit dito ay iyong calling card holder ni Kuya Brando. Mabilis akong kumuha ako ng isa saka tiningnan ang kaniyang contact number at isinave sa aking cellphone.
  
Iyong unang halik
Unang tibok ng pusong sabik
Isang saglit lang nang matikman
Isang saglit lang, parang walang hanggan
Limutin mo man, mahirap gawin
Dahil damdamin mo sumisigaw
Mapipi man ang 'yong bibig
Kay tamis ng una mong halik…
 
Patapos na ang kanta nang marinig ko ang pagkatok sa may pinto. Nataranta ako nang maisip na hindi si Kuya Brando ang nasa labas ng pintuan. Eksaktong pagtayo ko para umalis sa may mesa nang bumukas na ang pinto. Iniluwa ang isang babae.
 
Maganda.
 
Iyon ang unang description na pumasok sa isip ko. Parang artista o mas appropriate sabihing parang ramp model sa hitsura, sa tindig at sa bihis. She looks familiar, sabi ng isang bahagi ng utak ko.
 
Where is Brando?” nagtatakang tanong nito nang makita na akong nakaupo sa mesa imbes na ang hinahanap niya.
 
Sorry, Ma’am,” magalang kong sabi. “He’s out of the office.”
 
“Where is he?”
 
“I heard he’s on emergency meeting with the Chairman.”
 
Tumingin siya sa akin mula ulo pababa. Mukha namang satisfied siya sa nakitang kaguwapuhan ko. “Who are you then? The new flavour of the month I guess?”
 
Flavour of the month? Ano ako Ice Cream? Bakit ganoon ang statement niya, mukhang alam niya ang tungkol sa pagkatao ni Kuya Brando.
  
Bigla tuloy akong na-consious. “I’m an OJT Ma’am, He asks me to fix his laptop.”
 
Parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Duda ang ekspresyon ng mukha. “Pwede ko po bang malaman kung sino sila?”
 
“Me? I’m Yzah Elizalde…his fiancee.”
 
Itutuloy


[08]
Halos mapanganga ako sa tinuran niya. Totoo ba ang narinig ko? Si Kuya Brando engaged to be married sa babaeng ito? Kaytagal akong naghintay kay Kuya Brando tapos ngayong nakita ko na siya ulit at nahalikan pa for the first time, may bigla na lamang lilitaw na aangkin sa kaniya! OMG! Kakayanin ko ba ito?
 
Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata. Pilit inaaninaw kung nagsasabi ba siya ng totoo. Pero wala akong mabakas sa mga matang iyon maging sa ekspresyon ng magandang mukha. Saka ko biglang naalala na kaya pala she looks familiar ay dahil siya nga pala iyong babaeng kasama ni Kuya Brando sa puting kotse sa SM last week.
 
Gusto kong manlumo sa naisip. Siya nga iyong babaeng iyon. Hindi ako nagkakamali. Siya iyon. So malaki ang posibilidad na nagsasabi siya ng totoo. Gusto ko tuloy maiyak nang maramdaman ko ang animo’y isanlibong karayom na itinusok sa aking dibdib.
 
“Tell him I just dropped by,” sabi nitong may ngiti sa labi saka walang lingon-likod na umalis.
 
  
“DITO BA NANGGALING si Yzah Elizalde?” halos hindi makapaniwalang tanong ni Eunice sa akin. Kapapasok lang nila sa opisina ni Kuya Brando kasama si Harry na kagaya ko’y nagulat din sa tanong.
 
“Kilala mo siya?” balik-tanong ko sa kaniya habang isinisilid ko ang laptop ni Kuya Brando sa black cotton case nito.
 
“Bakit hindi ninyo siya kilala?”
 
“Magtatanungan na lang ba kayong dalawa diyan?” sabad ni Harry.
 
Tumingin sa akin si Eunice tapos kay Harry saka sinabi, “Palibhasa ay hindi kayo nanonood ng TV kaya hindi ninyo siya kilala. Si Yzah Elizalde ay naging isa sa contestant ng isang reality show five months ago. Hindi nga lang siya ang tinanghal na winner. Sikat na sikat siya sa fashion world dito sa atin.”
 
Okay fine, sabi naman ng utak ko. Hindi ako makaramdam ng paghanga, bagkus ay pagkainis. Inis nga ba o selos? Ewan. Wala naman siyang ginawang hindi maganda sa akin para ikainis ko kaya malamang selos nga itong nararamdaman ko.
 
“Dito nga ba siya galing?” muling tanong ni Eunice.
 
“Oo, at hinahanap si Ku— Sir Brando, ” tugon ko.
 
“Talaga, hindi man lang nakapagpa-autograph,” may himig panghihinayang si Eunice. “Ano daw kailangan niya kay Sir Brando?”
 
“Walang sinabi, nagpakilala lang naman na fiancée daw siya ni Sir.”
 
“What?” halos mamilog pa ang mga mata ni Eunice.
 
“Talaga?” pakli naman ni Harry. “That’s good news,” sabi pa niya na lalong ikinainis ko. Napansin naman ni Harry ang pagbabago ng ekspresyon ko kaya bigla na rin siyang tumahimik.
 
“Naku, paano ba ‘yan Rhett, may kaagaw kana kay Sir.” Sabi ni Eunice.
 
Sabagay kahit saang anggulo naman tingnan kapag babae na ang karibal palagi namang wala nang magagawa unless mahal ka talaga ng mahal mo. Pero sa akin, mahal ba ako ni Kuya Brando? Oo nga’t nag-kiss kami kanina, pero iyon na ba iyon? Pwede na bang pagbasihan iyon na mahal niya ako kahit na pagkatapos ng masarap na halik na iyon ay wala man lamang siyang sinabi ng kahit ano? Kung kami na ba? May relasyon na ba kami? Mahirap naman mag-assume ng ganoon dahil siyempre iba pa rin iyong sinabi mismo na mahal niya ako o kahit man lang may pagtingin siya sa akin.
 
“Hindi bale, mas maganda ka sa Yzah Elizalde na iyon,” pagbibiro pa ni Eunice para pasiglahin ako.
 
“Tange,” sabi ko sa kaniya, “Guwapo ako hindi maganda.” Kahit naman kasi aminado akong bisexual, uneasy pa rin ako kapag tinatawag na maganda. Iyong iba siguro preferred nila iyon, pero sa akin kahit pabiro ayoko. Pananaw ko lang naman iyon at hindi ako against sa mga kalahi kong gustong tawaging maganda.
 
“Tayo na ngang umalis,” yaya ni Harry. Lampas na kasing alas-singko ng hapon. Tumingin siya sa akin. “Tulungan na natin itong si Eunice sa anomang bibilhin niya sa SM para maaga na rin tayong makauwi.”
 
“Nagpapahintay si Kuya Brando,” sabi ko. Pagtingin ko kay Harry ay medyo dumilim ang mukha sa selos.
 
“Past 5PM na ah, tapos na ang oras mo kaya pwede nang umuwi,” sabi ni Harry.
 
“Hindi ka pa ba tapos?” si Eunice.
 
“Tapos na, naayos ko na itong laptop,” tugon ko sabay turo sa laptop na isinilid ko sa case nito.
 
“Iyon naman pala, tara na,” yaya ni Harry.
 
“Mauna na lang kaya kayo, baka kasi magalit iyon kapag hindi niya ako inabutan.”
 
“Nagpapahintay ba talaga o ikaw lang itong gustong maghintay?”
 
Hindi ko nagustuhan iyong tono ng pananalita ni Harry, pero inintindi ko pa rin. Kung ako man ang nasa katayuan niya, malaki din ang posibilidad na ganoon ang iasta ko. Kaya minabuti ko na lang huwag pansinin.
 
“Kasalanan ko,” sabi ni Eunice.
 
Nagtatanong naman ang mukha kong tumingin sa kaniya.
 
“Kanina kasi nagpapatawag ng mag-aayos ng laptop si Sir, tumawag ako sa main office, absent daw yung computer technician namin kaya nabanggit ko sa kanya na may alam ka sa pag-aayos ng computer.”
 
Iyon pala ang sagot kung bakit nalaman ni Kuya Brando. Si Eunice pala ang salarin.
 
“Lumuwang pa nga ang pagkakangiti niya nang sabihin kong marunong ka. Tapos iyon pinatawag si Engr. Clyde para puntahan ka. Sorry Rhett, hindi ko naman kasi alam na magtatagal ka.”
 
Bakit naman luluwang ang ngiti niya? Para saan ‘yon?
 
“Ikaw pala ang maysala,” pabirong sabi ni Harry kay Eunice. “At dahil diyan, mag-isa kang pumunta ng mall. Iyan ang parusang ihahatol ko sa ‘yo. Hihintayin na lang kita Rhett.”
 
“Wala namang ganyanan…Pumayag na kayo kaninang sasamahan niyo ako, wala ng bawian iyon.”
 
“Ganito na lang,” mungkahi ko sa kanila, “Mauna na lang kayo sa SM. Susunod na lang ako.”
 
Abot-tainga naman ang ngiti ni Eunice na humawak sa kanang braso ni Harry. “Oo nga Harry, mauna na tayo sa SM. Hintayin na lang natin si Rhett doon.” Nag-angat pa siya ng mukha para tumitig sa mukha ni Harry.

Lihim naman akong natawa. Nagpapa-cute na naman itong si Eunice.
 
Tumingin naman sa akin si Harry na parang nagpapatulong. Pero imbes na tulungan ko’y itinulak ko pa siya palapit kay Eunice. “Sige na, una na kayo.”
  
No choice na si Harry kaya nagpatangay na lamang nang itulak ko silang palabas ng opisina, ayaw pa ring bumitaw sa braso niya si Eunice.
 
Tuwang-tuwa naman si Eunice sa ginawa ko at palihim na kumindat pa sa akin bago tuluyang umalis.

Masasarili nga naman niya si Harry. Go go girl!
 
 
AN HOUR LATER, wala pa rin si Kuya Brando. Pero wala naman akong maramdamang pagkainis kahit siguro abutan pa ako ng magdamag sa paghihintay dahil siyempre si Kuya Brando ang hinihintay ko. May mga tanong ako sa aking isip tungkol sa status namin pagkatapos ng unang halik at kung totoo ba ang sinabi ni Yzah Elizalde, mga tanong na hindi rin ako sigurado kung kaya kong itanong sa kaniya pagdating.
 
Paano kung hindi ko magustuhan ang isasagot ni Kuya Brando? May kasabihan nga na ‘What you don’t know won’t hurt you’, hindi kaya mas maganda na lang muna ang ganoon?
 
Narinig ko ang marahang katok sa pinto. Nang buksan ko ang pinto, isang delivery man ang nasa labas. Nagtaka naman ako at para daw sa akin iyon. Pagkatanggap ko ng pagkain ay inilapag ko yon sa mesita saka inilabas sa plastic bag. Extra large french fries, large na pineapple juice at burger. Eksakto pa namang kumakalam na ang aking sikmura sa gutom. Kinuha ko ang aking cell phone at nag-text, “Harry…tnx.”
 
Mabilis naman itong nag-reply, “tnx 4 wat?”
 
Ibig sabihin hindi pala sina Harry at Eunice ang nagpadala ng pagkain. Eh sino?
 
Sobrang saya naman ang naramdaman ko nang maisip ang posibilidad na si Kuya Brando ang nagpa-deliver. Wow, wow, wow at isa pang wow! Siya nga kaya? O baka naman nagkamali lang yung delivery man. Pero pangalan ko talaga ang nasa resibo.

“tnx 4 wat?” ulit ni Harry.

“4 being a frend 2me,” palusot ko na lang sa kaniya.

Kung si Kuya Brando nga ang nagpadala, nakakakilig naman ang gesture niyang ito sa akin. Ibig bang sabihin nito’y sa papaganda na ang realasyon namin sa isa’t-isa? Relasyon? Bakit meron ba noon? Pangongontra naman ng utak ko.
 
Naalala ko pa noong huli akong dalhan ni Kuya Brando ng fries at juice sa school. Iyon ‘yung pinakiusapan siya ni Kuya Rhon na iabot sa akin ang pera dahil nawala ang coin purse ko. Kahit papunta noon si Kuya Brando sa Maynila, ay inuna pa rin niya ako. Tapos noong papalayo na ako, tinawag niya akong ‘Utoy’. Nami-miss ko na talaga ang ganoong pagtawag niya sa akin. Para kasing very close ako sa kaniya, iyon bang parang walang pader na nakaharang sa pagitan namin. Ang luwang ng ngiti niya at sobrang guwapo nang iabot niya sa akin ang isang plastic bag sabay sabing ‘Binili ko ‘yan para sa’yo. Alam ko paborito mo ‘yan.’ Halos maiyak naman ako sa tuwa nang makita ko ang laman sa loob: French fries at pineapple juice. Hinila ko pa nga siya sa braso noon at nang yumuko siya, bigla ko siyang hinalikan sa pisngi. ‘Salamat Kuya Brando, salamat talaga dito. Love na talaga kita!’ sabi ko pa. ‘Love naman din kita. Lahat naman ng love ni Rhon ay love ko rin. Basta kapag may mang-aaway sa’yo isumbong mo sa akin. Ako ang magtatanggol sa’yo’ iyon ang tugon niya sabay ginulo ang buhok ko. At imbes na mainis ay natawa na lang ako sa ginawa niya.

Ang sarap balikan ng kahapon, lalo na yung masasaya at yung tungkol sa kaniya.

Sampung minuto na ang nagdaan pero hindi ko pa rin sinimulang kainin ang pagkain. Nagda-dalawang isip ako dahil baka hindi naman si Kuya Brando ang nagpadala noon. Baka wrong delivery. Kinuha ko ang cell phone ko saka huminga ng malalim at nagsimulang mag-type, “tnx sa fud, Sir. ;-)”

Kinakabahan ako habang naghihintay ng reply galing kay Kuya Brando.
 
Limang minuto na walang reply.

Sampung minuto, wala pa rin.

Labinlima, wala talaga.
 
Natutunaw na ang yelo sa pineapple juice. Pakunat na ang French fries at lumamig na ang burger ay wala pa rin. Nagpasya akong lantakan na ito. Kung wrong delivery man, babayaran ko na lang kung sakali. Gutom na ako eh.

Alas-siyete y medya na nang magtext ako ulit kina Harry at Eunice. “Harry, wala pa si Kuya Brando, ihatid mo na si Eunice sa kanila. Uuwi na lang akong mag-isa maya-maya.”
 
“Okay, ihahatid ko lang si Eunice. Hintayin mo ako diyan at susunduin kita.”
 
“Huwag na, kaya ko namang umuwi ng mag-isa.”
 
“Basta. Maganda nang nandiyan ako. Baka kung ano pang gawin sa ‘yo ni Sir Brando.”
 
Anong gagawin sa akin ang sinasabi niya? “Okay,” reply ko to end the conversation.

Pero muling tumunog ang phone ko. Nang basahin ko ang message, “Rhett, thanks for being nice. Binigyan mo ako ng pagkakataong masolo ko siya. Bwahahaha!” Galing kay Eunice.

Natawa ako at nag-reply, “anong iskor na? naka-first base ka ba?” as if siya itong lalaki at si Harry ang babae.

“Negative, masyado kasing pakipot itong kaibigan mo.”
 
“Mahina ka pala, mabagal ka pa sa pagong. Hehehe.”

“Ganun? Hamunin ba…sige mamaya makakatikim ito sa akin ng first kiss. Bwahahaha!”
 
“Go Girl! Goodluck!” Natatawa na natutuwa talaga ako kay Eunice. Alam ko namang hanggang text lang iyon at hindi niya kayang gawin. Matinong babae pa rin naman si Eunice, hanggang pangungulit lang naman kay Harry ang kaya niya. Baka nga kung kunwaring patulan siya ni Harry, baka magtatakbo rin iyong palayo sa takot.
 

ANG LAHAT NG gusto kong itanong kay Kuya Brando ay nawalang lahat nang wala man lamang katok sa pinto ay pumasok siya ng opisina. Parang nalulon ko yata ang dila ko nang makita ko siya. Ang amoy ng peras at banilya ang umalingasaw na muli sa boung paligid. Kahit maghapon na siyang nagtrabaho, mukhang fresh at nananatiling neat looking pa rin si Kuya Brando, iyon bang parang laging bagong paligo. Tumingin siya saglit sa akin saka dumiretso ng upo sa kaniyang mesa.
 
Tumayo ako sa aking pagkakaupo sa sofa saka lumapit sa kaniya. Buti na lang at naimis ko na ang pinagkainan bago pa siya dumating.

“O-okay na ‘yan Ku—Sir,” sabi ko. Hindi man lang siya tumingin sa akin. Inilabas niya sa case ang laptop, binuksan saka pinindot ang power ON button.
 
Bakit ganoon? Iba-iba na kanina after the kiss, magaan na ang atmosphere lalo na nang dampian niya ulit ako ng last kiss bago siya umalis. Bakit ngayon parang balik na naman sa dati? Kagaya noong interview sa akin. Ano iyong kanina na parang okay na kami? Wala ba talaga ibig sabihin iyong kiss? Wala lang, ganun lang? Ako lang ba ang nagbibigay ng iba pang pakahulugan samantalang sa kaniya, it’s just a plain and simple kiss. Bahagi lang ng init ng katawan niya.

Naisip ko tuloy kung ilan na kayang kagaya ko ang nahalikan niya isang segundo at sa susunod na segundo, balewala lang? Posibleng marami na kung ibabatay na rin sa tanong ni Yzah Elizalde na ako daw ba ang flavour of the month. Ibig sabihin iba-iba ang lalaki ni Kuya Brando at malamang ay hindi na mabilang. Malamang marami din siyang fling at napakasakit isipin kung isa pala ako sa mga iyon.
 
Para tuloy bigla akong napagod ng sobra-sobra. Nawala ako sa kundisyon. Iyong feeling na parang nawalan ng pag-asa at direksiyon. Parang ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan.
 
“Okay, now it’s working.” Sabi niya na tutok pa rin ang atensiyon sa laptop nang masiguro na ayos na nga ito at magagamit na niya sa paggawa ng nakabinbing trabaho niya.

Wala man lang bang ‘thank you’?

“I’ll go ahead Sir,” paalam ko. Kailangan ko ng makalabas. Namumuo na ang luha sa gilid ng aking mga mata. Baka pag nagtagal pa ako kahit ilang segundo, hindi ko na malalabanan pa ang pagdaloy nito sa aking pisngi. Ayoko namang makita niya akong umiiyak. Baka tanungin niya ako kung bakit. Alangan namang sabihin ko dahil sa kaniya. Kung pagtawanan niya ako e ‘di lalong nasaktan ako, ‘ika nga ‘Adding insult to injury.’
 
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot, tumalikod na ako at mabilis na lumabas ng pinto. Dinig ko pa ang tawag niya sa akin pagkasara ko ng pinto, “Wait, Mr. Santillan…”

Gusto ng puso kong buksan muli ang pintuan para alamin kung bakit niya ako tinawag pero mas nanaig ang sabi ng utak kong umalis na lamang. Ilang hakbang palayo hindi ko na napigilan ang mga luha kong naghabulan sa pagdaloy sa aking mga pisngi.
 

“ANONG GINAWA niya sa ‘yo, sinaktan ka ba niya?” pambungad na tanong ni Harry nang masalubong ko siyang naghihintay sa labas ng gate ng construction site. “Bakit ka umiiyak, anong ginawa niya sa ‘yo Rhett, sabihin mo.”
 
Medyo nakapukaw sa atensiyon ng guwardiya sa gate ang malakas niyang boses kaya nagmamadali ko siyang nilapitan, hinawakan sa isang braso saka iginiya palayo sa gate. “Wala. Wala siyang ginawa,” paniniguro ko sa kaniya.

“Bakit ka umiiyak, sabihin mo ang totoo. Papasukin ko iyang Brandong ‘yan sa loob nang makatikim siya sa akin,” galit pa rin siya at medyo duda sa sinabi ko.
 
“Mag-relax ka nga,” sinadya kong itaas ang tono ko para matahimik siya. “Walang ginawa sa akin si Kuya Brando na anoman. Napuwing lang ako paglabas ng pinto kaya ganito.”
 
“Sige, pagtakpan mo siya kung gusto mo,” sabi niya na ang tono ay parang sa isang sundalong natalo sa labanan. “Ang sa akin lang, huwag ko lang malalaman na sinaktan ka niya, dahil kapag nangyari iyon…hahanapin ko siya saan man siya magtago.”

“Masyado kang madrama, para na tuloy telenovela ang nangyayari sa atin. Tayo na ngang umuwi,” pagbabago ko ng topic. Kapag kasi ganoon na ang tono ni Harry, iba na ang pakiramdam ko, parang may takot na sa loob ko na baka nga totohanin niya ang sinasabi. Ano na lang ang mangyayari sa kaniya kung sakali? Mapapayagan ko bang saktan niya si Kuya Brando?
 

LAMPAS ALAS-ONSE na ng gabi ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Tulog na si Tiya Beng dahil sa malalakas na pagharok mula sa kaniyang silid. Naiisip ko si Harry na alam kong tulog na rin sa kabilang kuwarto. Simula nang magkita kami ulit ni Kuya Brando, may ilang pagbabago na sa aming dalawa. Ramdam ko na parang biglang nagkaroon ng pader sa pagitan namin.

Dati-rati’y kwentuhan pa kami niyan bago matulog sa gabi. Kahit na anong topic. Anything under the sun. Pero lately lagi na lang siyang nauunang umakyat sa silid para matulog. Nami-miss ko na tuloy ang dating Harry.
 
Naisip ko din si Yzah Elizalde. Kung totoo ngang fiancée siya ni Kuya Brando, ibig sabihin ay kinukunsinti niya si Kuya na manlalaki? Kung ganoon, hindi lang pala nag-iisa sa Eunice sa mundong ito at baka marami pang katulad nila. Maganda si Yzah at hindi maitatatwang perfect match sila ni Kuya Brando. Malamang mayaman din ang babaeng iyon, kita naman sa ganda ng kutis at postura. Pero bakit kaya si Kuya Brando na isang bisexual ang ginusto niya samantalang napakarami namang straight guys na mayaman pa na pwede? Sabagay guwapo naman kasi talaga itong si Kuya Brando kahit hindi mayaman. Ako nga bata pa lang umibig na sa kaniya.
 
Hindi ba talaga mayaman si Kuya Brando? Ewan. Parang ngayon ko lang naisip na napakakonti pala ng nalalaman ko tungkol sa kaniya. Siya si Kuya Brando, ex ni Kuya Rhon, nagbo-board noong mga panahong okay pa sila ni Kuya Rhon at nag-aaral sa UB. Umalis sa boarding house nang maghiwalay sila ni Kuya. Muling nagbalik after ten years, isa ng electrical project engineer. Father? Hindi ko kilala. Mother? Ewan. Permanent address? Hindi ko rin alam. May kapatid? Hindi ko na matandaan. Pabango? Hindi ko alam ang brand, basta gusto ko kasi amoy peras at banilya.
 
Ibig sabihin madami pa pala akong dapat malaman tungkol sa kaniya. Isa pa palang misteryo si Kuya Brando. Sabagay ang rason nga ng hiwalayan nila ni Kuya Rhon ay isa pa ring misteryo. Si Kuya Rhon naman, ayaw na niyang balikan pa ang nakaraan. Ayaw na niyang pag-usapan.
 
Nakaidlip na ako ng halos limang minuto nang tumunog ang aking cell phone. Sino kaya ang magte-text sa ganitong malapit na ang hatinggabi? Tiningnan ko kung sino.

1 message
Kua Brando
11:45:23 pm
 
OMG! May nag-text! Si Kuya Brando may text! Pakiramdam ko tuloy ay biglang nahulog sa kama ang puso ko at nagpagulong-gulong sa sahig. Bigla akong na-excite. Halos mangatal pa ang daliri ko nang pindutin ang keypad para basahin.
 
“Come with me.”
 
Nagmamadali akong nagpunta sa may bintana, sumilip ng palihim. Nakita ko sa may kalsada sa harapan namin nakaparada ang puting kotse ni Kuya Brando. Nasa baba nga siya? Ano kayang kailangan niya?
 
Pagbalik ko sa kama, naglalaban ang aking puso at isip. Bulong ng isip ko na huwag bumaba at tama na ang nangyari kanina. Anoman ang kailangan niya, bukas na lang at huwag ngayon na dis-oras na ng gabi. Isa pa tulog na si Tiya Beng at never in my life na lumabas ako ng bahay na hindi man lang nagpaalam sa kaniya lalo na’t gabi pa. Sigaw naman ng puso ko, opportunity knocks only once grab it!
 
At sa labanang isip at puso, ang huli ang nanaig.
 
Isang body fit na collared shirt na kulay red na may stripes na black at black denim jeans ang isinuot ko saka pumasok sa kuwarto ni Tiya Beng. Mahimbing ang tulog niya kaya halos ibulong ko na sa hangin ang pagpapaalam ko.
 
Sa may kusina na ako dumaan at inilapat ko lang ang pinto pero iniwan ko na siyang hindi nakasusi para pagbalik doon na rin ako dadaan. Pagdating ko naman sa gate, nakapadlock nga pala ito at na kay Tiya Beng ang susi.

Patay, ano ngayon ang gagawin ko?
  
Puso na rin ang nagbulong sa akin. Inakyat ko ang gate saka tumalon sa labas. OMG! Never in my imagination na magagawa ko pala ang ganito. Ganito pala ang nagagawa ng pag-ibig!
 
“Sakay na,” sabi ni Kuya Brando mula sa half-open na windshield nang makita akong nakalapit na sa kaniya.
 
Binaybay namin ang kalsada palabas ng subdivision, saka kumaliwa papuntang plaza. Kakaunti na ang mga sasakyang kasabay namin dahil alas-dose na.
 
Nanatiling tahimik si Kuya Brando habang nagda-drive. Manaka-naka’y nahuhuli ko siya sa head mirror na nakatingin sa akin at biglang ibabalik sa kalsada ang tingin. Hindi rin naman ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Kinakabahan pati ako na baka kapag nagtanong ako’y bigla siyang magalit sa akin. Baka magbago ang mood niya at ibalik niya ako sa bahay. Anoman ang maging trip niya ngayon, sasakyan ko na lang. Sigurado naman akong hindi niya ako ipapahamak.
 
Sa pamamagitan ng mga ilaw ng dinadanan naming poste na lampasan sa windshield ng kotse, nagawa kong pagmasdan si Kuya Brando. Bagay na bagay sa kaniya ang suot na de-kwelyong tshirt na kulay puti na medyo fit sa katawan at jeans na dark blue. Nadaanan namin ang mga grupo ng kabataang babae at lalaki sa may Highway, ang iba’y mga pawang estudyante na naghahanap ng customer na pipikap sa kanila. May mga bugaw pa ngang napara sa amin para makipag-negotiate na hindi naman pinapansin ni Kuya Brando. Binaybay pa namin ang kahabaan ng Highway at kumaliwa nang makarating sa dulo sa may simbahan. Dumiretso ito ng tawid sa tulay ng Calumpang at bumagal nang makarating sa isang bar katabi na ng SM.
 
Nakakapagtaka na kahit lunes ay puno ang bar. Nang mapansin iyon ni Kuya Brando tahimik pa rin itong pinaandar muli ang kotse at tinahak namin ang kalsada papuntang Balagtas. At halos lahat ng puntahan namin ay puno ng tao.
 
“Kuya saan tayo?” sabi ko na hindi na nakatiis sa pananahimik niya habang nagmamaneho.
 
“May alam ka pwedeng puntahan?” sagot-tanong niya sa akin.
 
Nakangiti akong umiling sa kaniya. Wala naman akong maisagot dahil hindi pa naman ako nag-bar kahit minsan. SM lang ang pinupuntahan namin ni Harry at ngayon pa nga lang ako nakalabas sa bahay ng ganitong disoras ng gabi.
 
“Kung sa Lipa City okay sa ‘yo?”
 
Ala-una na ng madaling araw. Kung mabilis magmaneho si Kuya Brando kakayanin ng trenta minutos ang papuntang Lipa at trenta minutos din pabalik. Ibig sabihin alas-tres o alas-kuwatro na ako makakauwi. Kung 4am, by that time, gising na si Tiya Beng at siguradong huli ako sa ginawa kong pagpuslit.
 
“Malayo Kuya, pwede bang sa malapit na lang…o kaya’y kahit huwag na lang tayong mag-bar. Kahit saan na lang yung tahimik at presko,” sabi ko.
 
“Sure ka?”
 
“Yup.”
 
Binalikan namin ulit ang daan kanina pero ngayon bago pa kami makarating sa simbahan, tumigil na ang kotse sa may tapat ng 7-Eleven bago ang City Hall. Bumaba na rin ako kahit pa sinabihan ako ni Kuya Brando na hintayin na lang siya.
 
Halos lahat naman ng daanan ni Kuya Brando ay napapalingon sa kaniya. Paano naman’y kita-kita ang kaguwapuhan niya sa maliwanag na ilaw sa loob ng convenience store. Pati na yung babae sa cashier ay halos kiligin sa pagpapa-cute sa kaniya. Proud naman ako na ako ang kasama niya.
 
Nagtaka naman ako na imbes na alak ang kunin niya ay flavoured green tea sa plastic bottle ang kinuha niya at potato chips.
 
“Alak gusto mo?” tanong niya sa akin.
 
Umiling ako. Hindi naman kasi talaga ako umiinom unless may okasyon at nakorner na ako. Pero sinisiguro kong konti lang dahil madali akong malasing.
 
Dinoble na lang niya ang bilang ng green tea saka binayaran sa counter. Palabas na kami nang maulinigan ko ang dalawang kahera na nag-uusap. “Ang popogi naman ng dalawang iyon, mga artistahin ang dating,” sabi ng isa.

“Baka nga artista ang mga iyon,” kinikilig na sabi naman ng isa.
 
Mula sa pagkakaparada, kumaliwa kami sa Panganiban Street saka dumiretso hanggang makarating kami sa may dulo. Pinatay ni Kuya Brando ang makina ng kotse saka kinuha ang plastic bag ng pinamili sa 7-Eleven. Bumaba na rin ako. May mga tahol ng aso nanggagaling sa mga kabahayan doon.
 
Ilang hakbang lang nasa gilid na kami ng breakwater. Umupo kami sa bench na naroroon mga isang metro ang layo sa gilid. Nasa pagitan namin ang plastic bag. Kita ko sa may bandang kanan ang tulay ng Calumpang na dinaanan namin kanina. Wala na halos dumadaang mga sasakyan kaya sa katahimikan mas nangibabaw na ang tunog ng umaagos na tubig sa baba, sa ilog ng Calumpang. Wala na ring ibang taong dumadaan kaya naging solo namin ang riverside. Medyo maliwanang din ang kalangitan sa nagkikislapang mga bituin at eksaktong full moon ng gabing iyon.
 
Matagal ko ng nakikita ang lugar na ito noon pa pero hindi ko akalaing ganito pala kaganda rito sa gabi. Napaka romantic ng lugar. Feeling ko sarili namin ni Kuya Brando ang paligid. At sa kailaliman ng gabi, tanging kami na lang dalawa ang gising.
 
Binuksan ni Kuya Brando ang dalawang bote ng green tea saka iniabot sa akin ang isa. Binuksan ko naman ang isang potato chips. Nilagok ni Kuya Brando ang sa kaniya habang nakatitig sa umaagos na tubig.
 
Naalala ko ang maraming bagay na gusto kong itanong sa kaniya. Sisimulan ko na ba? Ito na ba ang oras para makilala ko siya ng tuluyan? Unmask the mystery and unfold his real identity?
 
Ininom ko na rin ang sa akin saka dumampot ng ilang potato chips. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Kuya Brando ngayon. Kung bakit niya ako dinala dito ay hindi ko rin alam. Wala pa rin siyang imik kahit na nang alukin siya ng potato chips ay kumuha rin lang ito saka bumalik ang tingin sa agos ng tubig.
 
Hinayaan ko na lang siya sa trip niya. Sa taong nagmamahal na kagaya ko, enough na nga siguro ang ganito basta kasama ko siya. Kahit hindi kami nag-uusap, nagkakaintindihan na rin kami.
 
Ubos na ang green tea. Ubos na rin ang potato chips. Patuloy pa rin sa pag-agos ang tubig sa ilog.

Kinuha ni Kuya Brando ang mga basyong plastic bottle pati na ang wrapper ng potato chips at isinilid muli sa plastic bag. Tumayo siya at nagtungo sa pinakamalapit na trash can na may nakalagay na tag na PLASTIC saka itinapon doon.
 
Pagbalik niya ay umupo sa aking tabi, sa may kaliwa ko, wala ng plastic bag pang nakapagitan sa amin. Nagsimula na namang tumalbog-talbog ang puso ko. Kahit kaiinom ko lang ay ramdam ko ang biglang panunuyo ng aking lalamunan. Nang maamoy ko ang pabango niya ay lalong bumilis ang agos ng dugo ko sa aking mga ugat.
 
Inakbayan niya ako ng kaniyang kanang kamay. Hinapit papalapit sa kaniya. Napahilig ang aking ulo at ang pisngi ko’y lumapat sa kaniyang dibdib. Hinawakan naman ng kaliwang kamay niya ang kamay kong nangangatal na sa excitement. Ginagap ko naman ang kaniyang kamay, inilagay sa pagitan ng dalawa kong palad.
 
Sa gitna ng karimlan, narinig ko ang tibok ng kaniyang puso. Halos kasingbilis ng sa akin. Hindi ako makapagsalita. Nanatili din siyang tahimik.
 
Tumunog ang aking cell phone, may nagtext. Hindi ko pinansin. Ayaw kong kumawala sa pagkakaakbay niya sa akin. Ayaw kong bitawan ang kamay niyang ikinulong ko sa akin. Ayaw kong masira ang moment na ito dahil baka hindi na maulit.
 
“May message ka,” halos pabulong na sabi ni Kuya Brando.
  
Hawak ng kaliwang kamay ko ang sa kaniya, napilitan akong kunin ang aking cell phone sa kanang bulsa. Binasa ko ang message mula pala kay Kuya Brando, “your welcome.”
 
Ipinakita ko iyon sa kaniya, “Para saan ito Kuya?”
 
“Kanina pa ‘yan, ngayon lang pala dumating.”
 
“Bakit?”
 
“Reply ko ‘yan nung magtext ka ng ‘tnx sa fud, Sir. ;-)’”
 
Bigla naman ang pagbulusok ng kaligayahan sa aking dibdib. Si Kuya Brando nga ang nagpadala sa akin ng fries at pineapple juice. “Hindi mo pa rin pala nakakalimutan Kuya.”
 
Hindi siya tumugon. Hinigpitan lang niya ang paghapit sa akin sa kaniyang dibdib na parang nanggigigil saka pinisil ang kamay kong nakahawak sa kamay niya.
 
Pakiramdam ko’y nalulunod na ako sa kaligayahan ng mga oras na iyon. Naidalangin kong sana’y hindi na matapos ang ganito. Ngayon ko rin lang naranasan muli ang maramdamang safe ako, na walang makakapanakit sa akin, ngayong halos matunaw na ako sa kaniyang yakap at pagkahilig sa kaniyang dibdib.
 
Nang maalala ko ang mga tanong na gumugulo kanina sa aking isip ay humugot ako ng malalim na hininga saka nag-angat ng mukha. “Kuya Brando, marami sana akong gustong malaman, mga bagay na gustong itanong --,” hindi ko na naituloy nang itakip niya ang kaliwang hintuturo sa aking bibig para patahimikin ako.
 
“Kung anoman ang meron tayo ngayon, i-enjoy na lang natin. Kung masaya man tayong pareho, lasapin na lang natin while it lasts. Hindi na mahalaga pa ang ibang mga bagay, ang mahalaga kasama mo ako at kasama kita,” sabi niya saka pinalitan ang kaniyang daliri ng kaniyang mga labing muling kinamkam ang mga labi kong naghihintay ng kaniyang halik.
 
At kagaya kanina, naging maalab ang kaniyang mga halik, naging mainit at mapangamkam. Nakatutunaw ng agam-agam sa aking pag-iisip. Nakapagpapalimot ng mga tanong at ang naiiwan ay tanging paniniwala na ang lahat sa aming dalawa ay maayos, walang problema at walang dapat ipangamba.
 
Hindi man sabihin ng kaniyang bibig, ipinagkakanulo naman siya ng kaniyang mga halik, ramdam kong mahal niya ako at mahal na mahal ko naman siya.
 
At pagkatapos ng makalagot-hiningang pagkakahinang ng aming mga labi, inihilig kong muli ang aking pisngi sa kaniyang dibdib. Sa ilalim ng maliwanang na buwan at nakapagpapahinahon na agos ng tubig sa ilog ay tuluyan akong nakaidlip.
 
Nang magmulat ako ng mga mata at iangat ang mukha, nakita ko si Kuya Brando na nakatingin sa akin at may mga luhang dumaloy sa kaniyang magkabilang pisngi.

“Bakit ka umiiyak Kuya?” nahihiwagaang tanong ko.
 
Umiling lang siya bilang tugon sa akin. Nagpahid ng luha saka nagyayang umuwi.
 
Tears of joy ba iyon? Sana…
 
Kagaya kanina, muli akong umakyat sa gate saka tumalon papasok ng bakuran habang nakatingin sa akin si Kuya Brando. Inilapit niya sa grills ang kaniyang labi na ginawaran ko naman ng isang masuyong halik.
 
Inihatid ko pa ng tanaw ang kaniyang puting kotse hanggang mawala ito sa aking paningin.
 
Sa nag-uumapaw na saya na aking nararamdaman hindi ko na tuloy napansin ang halos maiiyak na si Harry na nakadungaw pala sa bintana ng kaniyang kuwarto mula pa kaninang pagdating namin.
 
Sa loob ng mahigit sampung taon, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasaya at nakatulog ng may ngiti sa mga labi.
  
Itutuloy


[09]
Expected ko pa naman pagkatapos ng gabing iyon ay magiging maayos na ang lahat sa amin ni Kuya Brando. Nag-level up na kumbaga ang aming relasyon kung meron man. Pero taliwas sa naisip ko dahil hindi ko siya nakita kinabukasan. Nagsend ako ng text messages sa kaniya pero hindi naman siya nag-reply. Nagtry na din akong tawagan siya pero ring lang ng ring ang telepono niya hanggang sa magregister sa screen ng cell phone ko ang No Answer.
 
Field work na ang ibinigay na assignment sa amin ni Engr. Clyde. Natuwa naman ako kahit papaano dahil maiiwasan muna namin pansamantala na makabangga si Jimson. Paminsan-minsa’y natatanaw ko si Kuya Brando sa malayo habang nagsu-supervise ng kaniyang mga tauhan. Nang minsang magkasalubong kami ay hindi man lang niya ako pinansin. Parang wala lang, parang hindi ako nage-exists.
 
Bakit kaya ganoon? May nagawa kaya akong mali? Hindi ko siya ma-gets. Ang hirap niyang ispelingin. Ang hirap pala ng ganitong sitwasyon. Hindi mo alam kung paano magre-react. Hindi mo alam kung paano at saan ka lulugar. Ang hirap-hirap sa loob. Gusto ko man siyang makausap, mukhang ayaw naman niya. Parang abot-kamay ko siya pero ang layo-layo niya. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa mga ipinagagawa sa amin ni Engr. Clyde.
 
“Mali ‘yan. Ano ka ba Rhett?” naiinis na sabi ni Harry sa akin.
 
Nang itsek ko ang ginagawa, muntik ko na palang napasabog ang metrong gagamitin ko sana sa pagsusukat ng boltahe sa inaayos naming saksakan. Nasa maling setting yung rotary selector. Imbes na nasa volts, nakalagay ito sa Resistance.
 
“Si Sir Brando ba ang dahilan kaya lumilipad ‘yang isip mo?”
 
Hindi ako umimik. Nahiya tuloy ako maging sa aking sarili. Napaka-basic lang noon pero bakit hindi ko napansin? Muntik na akong makasira ng tools na napakamahal pa naman. Parang sinampal ako bigla at na-realize na kaya ako nandito para mag-OJT, tapusin ng maayos ang OJT para maka-gradweyt. Para makuha ang Cum Laude. Dapat matuto akong ihiwalay ang personal na bagay sa aking trabaho. Kailangan ang focus ko pag nandito ako ay trabaho at isantabi muna ang tungkol kay Kuya Brando.
 
“Pasensiya na,” nahihiyang sabi ko kay Harry. “Salamat pala, nandiyan ka at nagpapaalala.”
 
“Focus kasi ang kailangan. Focus.”
 
“Tama ka Harry,” ayon ko saka muling ipinagpatuloy ang ginagawa.
 
Naging mas maingat na ako nang mga sumunod na araw. Pinilit kong huwag munang isipin ang tungkol sa amin ni Kuya Brando habang nagtatrabaho. Naging mahirap lang lalo na tuwing makikita ko siya sa di kalayuan pero kinaya ko. May mga pagkakataon ding gusto ko siyang lapitan pero pinigilan ko ang aking sarili maging ang sadyain siya sa kaniyang opisina.
 
Lumipas ang dalawang linggong wala kaming naging komunikasyon o encounter man lang ni Kuya Brando. Pati ang pagsend ng text messages ay itinigil ko na at pagtawag sa kaniyang telepono. Para mas maging magaan para sa akin, inisip ko muna na kunwari ay kagaya lang noon na hindi ko pa siya ulit nami-meet. Kunwari ay nasa school lang kami at ang trabaho dito sa construction field ay bahagi lamang ng assignment sa aming laboratory subject. Pati si Jimson ay iniwasan naming makasagupa ni Harry.
 
Isang lunes ng umaga pagpasok namin ni Harry ay nilapitan ako ng isang Security Guard at pinapapunta raw ako sa opisina ni Kuya Brando. Napag-alaman namin sa ibang kasamahan na on-leave pala nang araw na iyon si Engr. Clyde kaya iyong sekyu ang lumapit sa akin.
 
Sa kabila ng aking pagtatampo kay Kuya Brando sa pag-dedma niya sa akin, hindi ko pa rin napigilan ang makaramdam ng excitement sa muling pagkikita namin. Isang excitement na mabilis ding mapalitan ng pagka-dismaya nang si Eunice naman ang abutan ko sa opisina niya.
 
“Uyyy, disappointed ang gwapo,” nanunuksong sabi nito. “Si Sir Brando ang ini-expect mo noh?”
 
Pinilit kong itago kay Eunice ang disappointment ko kaya kunwari’y naiinis ako. “Siya ba ang nagpatawag sa akin dito o ikaw lang para pag-tripan ako?”
 
“Abah, galit-galitan si gwapo. Tumigil ka nga diyan Rhett, hindi ako ang nagpatawag sa ‘yo at lalong hindi kita kayang pag-tripan, ikaw kaya ang kakuntsaba ko kay Harry, ikaw ang kasangga ko kaya hindi ko magagawa ‘yon sa ‘yo.” Pa-over acting pa niyang sabi. “Si Sir Brando ang nagpatawag sa ‘yo, hindi ka na nga lang niya nahintay kasi kailangan na niyang umattend sa meeting nila kaya ibinilin ka na lang sa akin.”

“Anong meron?” kunwa’y walang interes kong tanong sa kaniya.

“May naiwan yatang papeles kaya ipinapakuha sa bahay nila.”
 
“Bakit ako?” takang tanong ko. Sa totoo lang na-excite ako lalo sa isiping makikita ko na ang bahay ni Kuya Brando, malalaman ko na kung saan siya nakatira. Isa sa mga nakatagong misteryo ang mabubuklat at tuluyan ng mahahayag.
 
“’Yan nga din ang tanong ko, ‘bakit ikaw?’ Ang sagot: absent iyong messenger natin. Kaya walang ibang mauutusan kundi mga OJT. Dalawa lang naman kayo ni Harry at ikaw ang pinili ni Kuya Brando.”
 
Pagkatapos sabihin sa akin ni Eunice ang bilin ni Kuya Brando ay inihatid na ako ng service car ng construction site patungo sa bahay nila.
 
Ang ini-expect kong bahay na pupuntahan namin ay simple lang o kagaya ng sa amin o mas maganda ng kaunti. Kaya naman nagtaka ako nang pumasok sa Nueva Villa Subdivision ang sinasakyan kong kotse. Kilala kasi na puro mayayaman ang mga nakatira dito. Na-amaze lalo ako nang tumigil ito sa tapat ng isang malaki at magandang bahay.
 
Pagkapindot ko ng doorbell ay bumukas ang pedestrian gate at dumungaw ang isang guwardiya. Sinabi ko sa kaniya ang aking pakay, pumasok muli ito at nag-dial ng numero sa intercom. May kinausap saglit saka pinapasok na ako sa loob. Inihatid niya ako sa may terrace, umupo sa isang mamahaling couch na naroon saka sinabihang maghintay.
 
Kung ito ang bahay nila Kuya Brando, ibig sabihin mayaman pala siya. Nakakapagtaka naman na kung ito ang bahay nila, bakit kailangan pa niyang mag-boarding house dati? Mas malapit naman kaya ang subdivision na ito sa University of Batangas kumpara doon sa inuupahan niya. Kung masipag – sipag ka nga lang ay maaari na itong lakarin. At base sa napansin ko kaninang nasa labas, fully air conditioned ang mga kuwarto. Kung ganoon, bakit kailangan ni Kuya Brando magtiis doon sa boarding house niya na isang bentilador lang sa kisame ang pinagtitiyagaan ng walong katao sa isang kuwartong masikip at mainit? Hayyy! Akala ko pa nama’y mababawasan na ang tanong ko sa isip sa pagkaalam ng bahay nila pero napalitan naman ng ibang bakit.
 
Lalo akong humanga nang mabaling ang tingin ko sa hardin nila Kuya Brando. Grabe sa ganda. Kakaiba dahil ang hardin ay naka-landscape at imbes na mga ordinaryong halaman, ang ginamit dito ay iba’t-ibang uri ng cactus. At meron ding kagaya nung ibinigay niya sa akin na mataas na rin at halos dalawang metro na ang height. Gustong-gusto ko ang arrangement at kumbinasyon ng mga kulay. Gusto ko sanang lapitan pero nag-atubili ako at baka bawalan ako ng guard kaya nagkasya na lang ako sa kakatingin habang nakatayo sa may terrace.
 
Sa may bandang gilid naman ng magarbong bahay ay may napansin akong swimming pool na hugis gitara. Wala itong katubig-tubig. Sa tingin ko’y hindi naman siya tinanggalan ng tubig para linisin. Sa hitsura nito’y parang matagal na itong hindi ginagamit.
 
“Maraming taon na ‘yang walang tubig,” sabi ng pamilyar na tinig mula sa aking likuran.
 
“Engr. Clyde?” takang tanong ko. Bakit nandito siya?
 
Para namang natukoy nito ang gusto kong itanong sa kaniya. Tumango siya, “Dito ako tumutuloy kapag dito sa Southern Luzon ang project ko. Magkaibigan kami ni Sir Brando. Actually Brando nga lang ang gusto niyang itawag ko sa kaniya, ako nga lang itong makulit.”
 
Napatango na lang ako kahit marami pa ring tanong ang biglang pumuno sa aking isip. “Sira po ba ‘yan kaya walang tubig?” bumaling akong muli sa swimming pool.
 
“Inabutan ko na ‘yang walang tubig. Ayos pa ‘yan pati mga pipings pero hindi na lang ginamit?
 
“Bakit po?”
 
“Hindi ko rin masyadong alam ang kwento, at hindi rin naman ako nagtanong kay Sir Brando. Ang alam ko lang base na rin sa pagkakakwento nung katiwala dito, may aksidenteng nangyari daw diyan at mula noon hindi na ito nilagyan pa ng tubig at ginamit.”
 
Ano kayang aksidente iyon? Sayang naman ang swimming pool at hindi na ginagamit.
 
“Tara sa loob,” aya ni Engr. Clyde at sumunod ako sa kaniya papasok sa loob ng bahay.
 
“Sabi ho sa site naka-leave daw kayo?” naalala kong itanong.
 
“Oo. Pauwi ako ng Maynila. Birthday kasi ni Misis ngayon. Buti na nga lang inabutan mo pa ako, katatawag lang din ngayon ni Sir Brando. Sabi ko nga’y idadaan ko na lang sa kaniya iyong mga naiwan niyang papeles, sabi naman niya, on the way ka na daw. Wait lang Rhett kukunin ko lang, maupo ka muna diyan.”
 
Mas maganda ang loob ng bahay. Parang iyong mga bahay ng mayaman na ginagamit sa shooting ng mga teleserye. Mataas ang kisame at puro mamahalin ang mga kagamitan. Sa tingin ko nga’y iyong presyo ng sofa baka kalahati na ng presyo ng bahay namin.
 
Hindi naman ako umupo sa sofa nang makaalis si Engr. Clyde dahil napatingin ako sa isang family portrait na nakasabit sa dingding. Nilapitan ko para sipating maigi. Apat katao ang nasa larawan. Mag-asawa at dalawang batang lalaki. Mukhang don at donya ang mag-asawa base na rin sa ayos at postura. Isa naman sa batang lalaki ay hindi maipagkakailang si Kuya Brando. Hayyy, ang guwapo talaga niya kahit noong bata pa lang. Sino kaya iyong isa? Kapatid kaya siya ni Kuya Brando? Malamang dahil nasa family portrait siya.

“Heto na iyong mga papeles,” sabay abot sa akin ni Engr. Clyde.
 
Ang dami ko pa sanang gustong itanong kay Engr. Clyde gaya ng: Paano sila nagkakilala ni Kuya Brando at naging magkaibigan? Bakit dito siya pinatutuloy? Nasaan ang mga magulang ni Kuya Brando? Sino iyong isang bata sa larawan at nasaan siya? Pero naunahan ako ng hiya dahil kita kong nagmamadali din siyang makauwi sa kanila.
 
“Happy birthday na lang po sa misis ninyo,” nakangiting sabi ko kay Engr. Clyde bago ako sumakay ng kotse pabalik ng site.
 
Hindi ko rin nakita si Kuya Brando pagdating ko sa site. Nasa closed door meeting pa rin ito. Si Eunice na ang kumuha sa papeles at siya na rin daw ang mag-aabot kay Kuya Brando. Lalo akong nalungkot.
 
 
MIYERKULES NG HAPON bago umuwi ay ipinatawag kami ni Engr. Clyde. Naabutan namin siya sa labas ng opisina ni Kuya Brando.
 
“Gusto ko palang itanong sa inyo kung makakasama kayo sa Biyernes ng hapon sa Nasugbu,” sabi ni Engr. Clyde na ang tinutukoy niya ay Nasugbu, Batangas. Isa sa mga municipality ng lalawigan na kilala sa mga naggagandahang beach resorts.
 
“Ano hong meron?” tanong ni Harry.
 
“Birthday ng PM natin, overnight sa beach, wala ng gagastusin libre na lahat,” tugon niya. PM for Project Manager.

Excited na tumingin sa akin si Harry na parang kinukuha kung ano ang isasagot ko: kung sasama ba kami o hindi.
 
“Ano?” si Engr. Clyde.
 
“Kasama ho ba si Sir Brando?” naisipan kong itanong.
 
Umiling si Engr. Clyde. “Malamang sa hindi,” tugon nito na nagpasaya sa mukha ni Harry at nagpalungkot naman sa akin. “Okay lang ang outing kay Sir Brando na hiking, mountain climbing, picnic o kahit ano basta ‘wag lang swimming. Kaya lang swimming itong treat ni PM kaya sigurado akong hindi siya sasama. Isa pa hindi rin naman siya nag-iinom kaya nabo-bore lang siya sa swimming na hindi mawala-wala ang inuman.”
 
Bakit kaya ayaw ni Kuya Brando ng swimming? Alam ko nama’y marunong siyang maglangoy dahil naging PE nila ang swimming ni Kuya Rhon dati. May kinalaman kaya iyon sa swimming pool sa bahay nila na walang tubig?
 
“Sama na tayo,” masayang sabi ni Harry.

“Sige ho Sir, sasama kami.”
 
 
BIYERNES NG HAPON. Alas dos pa lang itinigil na ang trabaho sa constructon site para sa preparasyon sa pag-alis papuntang Nasugbu. Kami naman ni Harry ay handa na ang lahat ng gamit. Nakasilid lahat iyon sa malaking backpack na karga ni Harry. Ganoon naman kasi palagi si Harry, hindi lang sa pagkain lagi niya akong pinagsisilbihan, pati na rin sa gaya nito na gusto niya siya ang magdadala ng gamit namin. Ayaw daw niya akong nakikitang nabibigatan o nahihirapan.
 
May preparadong seating arrangement sa mga inarkilang bus na sasakyan patungong Nasugbu. Kinuha ko muna iyong backpack kay Harry para tingnan niya kung saang bus kami sasakay at kung anong seat number ang naka-reserve sa amin.
 
“Wala sa listahan ang mga pangalan natin,” sabi niya nang makabalik.
  
Napakunot-noo naman ako sa tinuran niya, “Bakit ganoon? Nag-confirm naman tayo kay Engr. Clyde na sasama tayo.”
 
“Puntahan kaya natin siya.”
 
“Mas mabuti pa,” sang-ayon ko. Kinuha ulit ni Harry sa akin ang backpack at kinarga sa likuran niya.
 
Sa may mga Admin at Accounting personnel namin naabutan si Engr. Clyde. Pasakay na nga siya ng kaniyang kotse nang makita kaming parating.
 
“Sir, wala ho kaming bus assignment,” mahinahong sabi ni Harry.
 
Napatutop ng noo si Engr. Clyde, “Naku, pasensiya na. Nakalimutan ko nga palang sabihin sa inyo na hindi kayo sa bus sasakay kaya wala kayo sa listahan.”
 
“Saan ho kami sasakay?” tanong ko.
 
Tumingin siya kay Harry. “Ikaw Harry, sasama ka sa sasakyang Van ng Admin. Puntahan mo na lang si Miss Alegre.”
 
“Ho?” napamaang si Harry sa narinig. Parang lumatay sa mukha niya ang pagkainis. Wala naman akong alam tungkol dito at ako man ay nabigla. Sana ay hindi plano ito ni Eunice para masarili niya si Harry, dahil pag nagkataon lalong maiinis lang sa kaniya si Harry.
 
“Magkahiwalay kami?” si Harry.
 
“Sa biyahe lang naman. May problema ba?”
 
Natahimik si Harry. Alangan nga namang sabihin niya kay Engr. Clyde na dahil lang sa hindi kami magkatabi sa biyahe ay hindi na kami sasama. Napakababaw na dahilan iyon sa mga hindi nakakaalam ng feelings ni Harry para sa akin na gaya ni Engr. Clyde.
 
“Wala po. Okay lang po.”
 
“Ako ho, saan sasakay?” tanong ko.
 
“Doon sa nakaparadang kotse,” sagot ni Engr. Clyde sa akin na nang tingnan ko ang itinuro ay ang putting kotse ni Kuya Brando.
 
“Kasama ko si Ku—Sir Brando?”
 
Tumango lang si Engr. Clyde. Bigla namang nabahiran ng lungkot at selos ang mukha ni Harry sa narinig.
 
“Alis na tayo,” yaya ni Engr. Clyde. Lahat naman ay nagsisakay na maliban sa aming dalawa ni Harry.
 
“Huwag na lang tayong sumama,” pakiusap ni Harry.
 
Naiintindihan ko siya. Alam ko ang nararamdaman niya. Kahit naman sino na ini-expect na katabi mo ang taong mahal mo sa biyahe tapos bigla na lang nagbago at ang masakit, magiging kasama mo ngayon ang isang babaeng nangungulit sa ‘yo kahit wala ka namang pagtingin at ang siste pa, ‘yong taong mahal mo, ang kasama niya ay ang taong alam mong mahal niya.
 
Hinawakan ko siya sa kamay at marahang pinisil. “Sa biyahe lang naman Harry. Let’s go and get over it.”
 
Mabigat ang mga paa ni Harry na tinungo ang van na sasakyan nila. Nakita kong magkatabi pa sila ni Eunice sa may bandang likuran ng sasakyan bago ako nagpunta sa kotse ni Kuya Brando para hintayin siya.
 
Nakaalis na ang lahat ng bus at mga van ay hindi pa rin lumalabas sa kaniyang opisina si Kuya Brando. Habang hinihintay ko ang paglabas niya ay lalo namang patindi ang naramramdaman kong kaba. Unang pagkakataon ko siyang makakasamang muli mula ng gabing nagpunta kami sa breakwater ng Calumpang River. Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung ano ang magiging reaksiyon ko lalo na pag nagkasama kami sa loob ng kaniyang kotse.
 
Tatanungin ko ba siya kung bakit hindi siya nagre-reply sa text messages ko at maging sa mga tawag sa telepono? Am I in the right position to do so? Isang OJT, nagde-demand ng answer sa superior ng supervisor niya?

Pagkatapos ng tatlumpung minuto lumabas din si Kuya Brando. Para naman akong kikiligin nang makita ko siyang muli. Ang gwapo talaga niya sa suot ng puting t-shirt na may stripes na black at jeans na hapit sa kaniya.
 
“Tayo na,” sabi niya nang mapansing nakatayo lang ako sa may pintuan ng kotse at titig na titig sa kaniya.
 
Nahihiya naman akong sumakay sa kotse at umupo sa kaniyang tabi. Amoy peras at banilya ang hanging inilalabas ng aircon ng kotse na dumadampi sa aking mga pisngi. Kagaya noong lunes ng gabi, diretso lang ng pagda-drive si Kuya Brando at walang kaimik-imik. Tutok sa daan ang atensiyon. Hindi ako tuloy makahanap ng tiyempo kung kalian magsasalita. Kungkailan uumpisahan ang mga tanong na umaapaw na yata sa aking isip.
 
Dahil hindi siya nagsasalita, ibinaling ko na lang ang tingin ko sa dinaraanan naming tanawin. Sa pagkakasandal ko sa malambot na upuan, hindi ko napigilan ang antok at ako’y nakatulog.
 
Nang magising ako’y nakaparada na ang kotse sa isang gasolinahan na may mga fast food stores and restuarants. Wala sa driver’s seat si Kuya Brando. Pagtingin ko sa labas nakita ko siyang paparating at may mga dalang plastic bag na malamang ay itinake-out niya.
 
Pagpasok niya sa kotse, iniabot sa akin ang isang plastic na may lamang burger, fries at pineapple juice. Iyong isang plastic naman ay binuksan niya at inilabas doon ang isang gogo sandwhich at fresh salad sa Styro na itim.
 
“Kain muna tayo at mahaba pa ang biyahe,” at long last ay narinig ko rin siyang nagsalita.
 
Ngumiti ako sa kaniya bilang pasasalamat. Inuna kong kainin ang burger. Siya naman ay binuksan ng bahagya sa pagkakabilot ang gogo sandwhich saka tinanggal ang chicken fillet strips sa loob at pagkatapos kunin sa akin ang burger ko ay inilagay iyon sa loob nito saka muling iniabot sa akin.
 
Vegetarian si Kuya Brando? Isa siguro ito sa sikreto niya kaya parang hindi siya tumatanda.
 
Habang kinakain ko ang fries, siya naman ay nilalantakan ang fresh salad. Nauna siyang natapos samantalang ako’y isa-isang ninanamnam ang sarap ng fries na nilagyan ng ketsup.
 
“Akala ko Kuya hindi ka sasama?” naglakas loob kong tanong.
 
Kumuha siya ng wet wipes at nagpunas ng kaniyang kamay. Tumingin siya sa akin sabay ngiti, “Hindi nga kaya lang, sabi ni Clyde, kasama ka daw kaya pinilit kong sumama.”
 
Tinitigan ko ang mga kulay brown na mga matang iyon para sukatin kung gaano katotoo sa loob niya ang sinabi. Seryoso siya sa kaniyang sinabi. Gusto ko tuloy mapatalon sa tuwa.
 
“Bakit Kuya?” Gusto kong malaman sana kung bakit niya pinilit? Naidalangin ko na sana’y magiging pabor sa akin ang kaniyang isasagot.
 
“Gusto ko lang,” sabi niya na pinipigil ang ngiti sa mga labi.
  
“Bakit nga?” pangungulit ko naman. Malay mo mapaamin ko siyang bigla na love niya ako.
  
Kumuha siya ng isang stick ng fries at ketsup. Kinagat niya ang isang sulok ng pakete ng ketsup para buksan at ini-squeeze sa isang gilid ng fries. “Gusto kitang bantayan habang nasa beach ka.”
 
Wahhhh…nagsisimula na akong kiligin sa nagiging daloy ng usapan namin. Akala ko’y kakainin niya ang fries pero nagulat ako nang isubo niya iyon sa aking bibig na buong puso ko namang tinanggap. Ang sweet naman ni Kuya Brando!
 
“Bakit gusto mo akong bantayan?” Sige pa Rhett, push harder!
 
“Bakit ba ang kulit mo?”

“Bakit kasi ayaw mong sagutin?”

Isang pang try Rhett, isa pa. “Bakit nga Kuya? Tsaka bakit dito mo ako sa kotse mo pinasakay at – ” hindi ko na naituloy pa ang pangungulit nang bigla niyang hinalikan ang aking mga labi. Nasa halik ba niya ang sagot sa aking tanong?
 
“Bakit ba hindi mo ‘ko nirereplayan at yung tawag ko sa ‘yo hindi mo sinasagot?” tanong ko ulit pagkatapos maghiwalay ang aming mga labi.
 
Nanahimik lang siya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya pero ramdam kong gusto niyang sagutin ang tanong pero may kung anong pumipigil sa kaniya.
 
“Masyado lang komplikado ang lahat. Pasensiya ka na.”
 
Clueless ako sa sinasabi niya. Anong komplikado? Paano naging komplikado?
 
Pagkaraan ng ilang minutong pananahimik ay naisipan kong itanong, “Bakit pala kasama sa van ng admin si Harry?”
 
Tumingin siya sa akin at kaswal na sumagot, “Gusto ko namang mapasaya si Miss Alegre kaya hindi ko na siya isinama dito sa kotse. Halata ko naman si Miss Alegre na die hard sa kaibigan mo. Noong humingi ako ng tulong para magawa ang laptop, imbes na ikaw ang ikwento, si Mr. Escobio ang ikinwento ng ikinwento sa akin.”
 
Natahimik ako at saglit na nag-isip. Hayyy, buti naman at hindi pala si Eunice ang dahilan. Pinagdudahan ko pa naman siya. I owe her an apology.
 
Iba pala ang naging dating kay Kuya Brando ng pananahimik ko nang muli siyang magsalita, “I guess you prefer to be with the young man on this trip rather than me.”
 
No! malakas na sigaw ng isip ko pero hindi ko na nakuhang sabihin nang paandarin niyang muli ang kotse at mabilis na patakbuhin.
 
Balik na naman kami sa pananahimik.
 

“WHAT TOOK YOU so long?” pambungad na tanong iyon ni Yzah Elizalde pagkababa ni Kuya Brando sa kotse. Maganda talaga si Yzah. Bagay sa kaniya ang suot na floral dress na akala mo’y rarampa sa stage ng isang fashion show.
 
Takipsilim na nang kami’y dumating. Nakababa na rin ako sa kotseng ipinarada namin sa parking area na naiilawan ng high pressure sodium lights sa nakapalibot na mga poste pero nanatili muna ako sa may gilid inaabangan ang gagawin ni Yzah.
  
Pakiramdam ko nama’y pinagsusugat ng isanlibong blade ang puso ko nang makita ko pa si Yzah na ipinulupot ang mga kamay sa batok ni Kuya Brando para hilahin ng bahagya sabay halik sa labi nito. Kita ko rin sa dulo ng mata ni Kuya Brando na nakatingin siya sa akin tapos ay sinuklian niya ng yakap si Yzah.
 
“Kumain pa kami,” tugon ni Kuya Brando nang at last ay pakawalan siya ni Yzah.
 
Nagtaas naman ng isang kilay si Yzah saka tinapunan ako ng tingin. Hindi ko alam ang iniisip niya pero isa lang ang sigurado ako, naiinis ako sa kaniya lalo na nang ismiran niya ako at parang pinaramdam na balewala lang ako nang mga oras na iyon.
 
“I miss you so much Baby. Tara na sa cottage, we have a lot of things to make up.”
 
Tumingin sa akin si Kuya Brando. “What’s the rush?”
 
Pinisil siya ni Yzah sa ilong saka kumindat ng pagkalandi-landi ang babae. “Every second counts,” tugon nito saka kinaladkad si Kuya Brando palayo sa akin.
 
Gustong mangilid ng mga luha ko pero huminga ako ng malalim para pigilan. Ang sakit pala ng ganito, kasama ko lang si Kuya Brando kanina, sinubuan pa niya ako ng fries, nag-kiss pa kami tapos sabi pa niya gusto niya akong bantayan, pero ngayon hinatak lang siya nung Yzah’ng iyon, nakalimutan na niya kung bakit siya nagpilit na sumama dito. Nakalimutan na ang bantayan ako. At iniwan pa akong mag-isa.
 
“Tayo na Rhett,” sabi ni Engr. Clyde na sa aking page-emote, hindi ko napansin na kanina pa pala siya sumalubong sa amin ni Kuya Brando. Nakuha na rin niya ang bag ni Kuya Brando sa likod ng kotse.
  
Pinilit kong ngumiti. “Nasaan na ho si Harry?”
 
“Naroon siya sa may dalampasigan.”
  
Magkasabay kaming pumasok sa gate ng resort. Dahil papagabi na, naiilawan na ng mga flood lights ang tabi ng dagat para maliwanag pa rin sa mga gustong mag-night swimming. Exclusive sa amin ang resort kaya puro mga construction workers na hindi ko man kilala sa pangalan, kilala ko naman lahat sa mukha ang makikita sa buong paligid. Kalat na ang mga tao palibhasa huli na kami ni Kuya Brando dumating. Meron sa labas ng mga cottage rooms at huts, meron sa animo’y pavilion na kinalalagyan ng mga pagkain, meron ding kumakanta sa videoke at meron ding nag-iinom sa tabi ng dagat nakapalibot sa sinigaang kahoy habang may naggigitara.
 
“Puntahan ko po muna si Harry,” paalam ko kay Engr. Clyde na tumango naman tanda ng pagpayag.
  
Nadaanan ko ang grupo ng mga construction worker na may sariling grupo na nag-iinom na rin. Naulinigan kong sabi nung isa, “Namputsa, sa ganda naman nung Yzah Elizalde’ng iyon, kahit ako mas gugustuhin ko ng magkulong sa cottage kesa dito sa labas.”
 
“Oo nga. Kung ako si Sir, patay sa akin iyon. Siguradong jingle lang ang pahinga niya,” sabad ng isa pa.
 
“’Langhiya kayo, huwag ninyo namang bastusin ang fiancée ni Sir Brando,” sabi ng pangatlo sabay bawi, “Sa akin kahit jingle, wala na.”

Tawanan ang lahat sa grupo. Tuwang-tuwa sila sa pinag-uusapan samantalang ako kulang na lang ay masunog na sa pag-iinit ang aking mga pisngi sa sobrang inis at selos.
  
Mabilis kong tinungo ang dalampasigan. Malayo pa lang ako’y nakita ko na si Harry nakaupo sa buhangin, nakasuot na lang siya ng shorts na panligo pero wala ng pang-itaas. Abot pa rin sa kinaroroonan niya ang ilaw ng flood lights na nagpakinang sa moreno niyang balat at semi-kalbong buhok.
  
Nang makalapit ako’y kita kong nilalagok niya ang hawak na beer. Sa tabi niya ay may anim na boteng wala ng laman na nakatumba sa buhangin at lima pang may takip pa ng tansan. Patuloy sa paghampas ang alon sa isa niyang paang nakaunat sa pagkakaupo. Umupo ako sa kaniyang tabi kahit hindi pa ko nakakabihis ng pampaligo.
 
“Mukhang nakarami ka na. Lasing ka na,” marahang sabi ko.
  
Hindi siya tumingin sa akin, nanatili sa paparating na alon nakapako ang kaniyang mga mata. “Maganda pala sa dalampasigan, habang nakikita mo ang alon, nare-relax ka. Nakakapag-isip ng maraming bagay. Nakakapag-reflect sa sarili.”
 
“Tama ka, idina-drive ka nito na mag-isip maigi, magdesisyon din ng tama,” ayon ko.
 
“At mas maganda kapag nag-iisa,” sabi pa ni Harry.
 
Nakuha ko ang gusto niyang mangyari. Gusto niyang iwanan ko muna siya. Pero nakainom na siya, lasing na. Paano kung makaisip siya ng hindi maganda?
  
Namayani ang katahimikan, tanging hampas lang ng alon ang aking naririnig. Hinihintay ko na sana’y magbago ang isip niya. Kahit hindi niya na lang ako kausapin basta pabayaan na lang niya akong samahan siya.
 
“Pakiusap Rhett, ibigay mo muna ang sandaling ito sa akin lang.”
 
Naiintindihan ko siya. Paano nga naman siya mag-iisip ng maayos kung nasa tabi naman niya ako. Mabigat ang loob kong tumayo saka lumakad palayo kay Harry.
 
Nakasalubong ko naman si Eunice.
 
“Rhett, nasaan si Harry?”
 
Itinuro ko sa kaniya saka sinabing, “Puntahan mo siya Eunice, kailangan ka niya. Huwag mo siyang iiwan. Medyo nakainom na siya.”
 
“Saan ka pupunta?”

“Magbibihis lang,” sabi ko na lang saka nagpatuloy sa paglakad.
 
Para akong maiiyak sa daloy ng mga pangyayari. Para tuloy gusto ko ng umuwi. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano kalungkot mag-isa. Kaya pala may mga ibang tao na nagpapatiwakal kapag hindi nakayanan ang ganitong pakiramdam. Wala si Kuya Brando at busy sa fiancée niya at wala rin si Harry na itinaboy ako palayo at wala din si Eunice na kasama ni Harry.
 
Madaming nakahain na pagkain sa may Pavilion pero hindi ako makaramdam ng gutom. Hindi naman ako nag-iinom dahil aminado akong mahina ang tolerance ko sa alcohol. Pero kung isang bote lang siguro, bakit hindi ko subukan?
 
Lumapit ako dun sa mesa na itinakdang liquor station. Humingi ako ng isa pero tatlo agad na Colt 45 in can ang ibinigay sa akin. Pinili kong umupo sa mesa sa labas ng pavilion sa may bandang likuran at medyo malayo sa karamihan. Binuksan ko ang isang lata saka nilagok ng diretso. Iba pala ang lasa ng beer kapag ininom mo ng nage-emote ka kaysa normal ka. Mas masarap, parang walang sabit sa lalamunan lalo na’t malamig na malamig. Walang pait. O kaya hindi ko malasahan ang pait dahil mas mapait ang nararamdaman ko sa aking kalooban?
 
Nang maubos ko ang isa, lumukob agad sa akin ang init, kumalat sa lahat ng parte ng aking balat. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha lalo na ang mga pisngi. Nang mapatingin ako sa may Pavilion parang nakita ko si Kuya Brando at mukhang may hinahanap na kung ano o sino.
 
Siguradong si Yzah Elizalde ang hinahanap niya, sigaw ng utak ko. Binuksan ko ang pangalawang bote. Nilagok ang kalahati. Naroon pa rin si Kuya Brando, pumasok sa pavilion tapos ay lumabas, naglakad ng paikot at pumasok ulit.
 
Tatayo sana ako para puntahan na sana siya nang may isang lalaking tumayo sa aking harapan. Kahit tinamaan na ako ng alak, napagmasdan ko pa rin siya.
 
Guwapo. Moreno at matangkad. Iyon ang description ko sa kaniya. Semi-kalbo din ang buhok pero mas mahaba ng ilang milimetro kumpara sa buhok ni Harry na halos skin head na.
  
“May I join you?” tanong nito. Lalaking-lalaki ang boses.
 
Tumango lang ako sabay lagok ang natitirang kalahati ng Colt 45.
 
Umupo ang lalaki sa aking tabi. May dala itong de-boteng fruit soda. “Ikaw ba yung OJT?” tanong niya sa akin.
 
Mukha naman siyang mabait kaya iniabot ko ang aking kamay. “Ako nga. Rhett Santillan pare,” pakilala ko.
 
Ngumiti siya at inabot ang kamay ko. “Ako naman si Eunso Lee.”
 
“Unique name,” sabi ko.
 
Binuksan ko ulit ang pangatlong lata ng beer. Pero nag-lie low muna ako sa pagtungga. Sa pagitan ng usapan namin ay may itinitext siya sa kaniyang cell phone. May tama na talaga ako ng alak kaya ‘iyong mga pinagkwentuhan namin ni Eunso ay hindi na nakuhang rumehistro sa aking utak. Basta ang tanda ko lang isa si Eunso sa mga Certified First Aiders sa site. Isa siya sa mga binabanggit noong Safety Officer during the orientation na hihingan ng tulong kapag may naaksidente.
 
May itinitext ulit si Eunso nang magpaalam ako na magsi-CR muna. Tumango naman siya at sinabi pang hihintayin niya raw ako. Out of order ang malapit na CR sa pavilion kaya naghanap ako ng iba. May karatulang nakaturo na may CR na malapit sa swimming pool ng resort kaya iyon ang tinahak ko. Naglalakad ako sa may tabi ng swimming pool nang makita ko na naman si Kuya Brando na parang may hinahanap pa rin na hindi naman makita. Nagtago muna ako sa puno ng niyog nang makita ko siyang palapit sa kinaroroonan ko. Lumabas lang ako nang makalampas na siya at medyo malayo na. Isang pamilyar na mukha naman ang sumalubong sa akin.
 
“Mukhang solb ka na Rhett? Nasaan ang sidekick mo?” tanong ni Jimson. Kasama nito si Mr. Eewww na nakangiting-aso.
 
May inom ako kaya hindi ko kontrolado ang reflexes ko. Bago pa ako may magawang pagsisisihan ko sa bandang huli ay tumalikod na lang ako kina Jimson. At sa pagtalikod kong iyon, naramdaman ko na lang ang isang hampas sa aking likod. Na-out balance ako at sa pagkakatumba ay gumulong ako at nahulog ng diretso sa swimming pool.
 
Sa kakaibang sakit sa aking likod gawa ng paghampas ng kung anong matigas na bagay ay hindi ko magawang lumangoy pataas. Bigla ang pagpasok ng tubig sa aking bibig at maging sa aking ilong na mabilis na pinupuno ang aking lalamunan. Pinapalitan nito ang espasyong dadaanan ng hangin para ako makahinga. Kahit masakit ang aking katawan, nagpumilit pa rin akong makagalaw para kahit man lang sa ganoong paraan makalikha ako ng alon sa ibabaw ng tubig at makita ng kung sino mang pwedeng magligtas sa akin.
 
Nasa ganoon akong sitwasyon nang biglang nag-flashback ang nagdaan sa buhay ko.
 
Nasa gitna ako ng kalsada habang umuulan, umiiyak habang tinatawag ko si Kuya Brando...
 
Napalitan ng pangyayari kung saan buhat-buhat ako ni Kuya Brando, duguan ang aking ilong…
 
Pumalit iyong nasa CR ako ng SM nakapikit akong hinihintay halikan ni Kuya Brando na nasa likuran ko…
 
Pinalitan agad ng nasa may tabing ilog ako, nakakulong sa mga bisig ni Kuya Brando at marahang nakaidlip…
 
Pagkatapos noon ay wala na. Tuluyan na akong nilukob ng dilim.
  
Itutuloy


[10]
RJ - hawak lang maigi sa cliff para hindi mahulog. Sige sarilinn mo muna speculations para pag tumama ka masasabi mong, "Sabi ko na nga ba eh!"
 
Eunsolee may part ka pa rin dito. Buti naman nagustuhan mo. Alam mo bang for posting na sana ang part 9 nang makita ko ang request mo so I have to make some editings and think it over para hindi magmukhang idinagdag lang talaga ang character mo? trivia lang. Hehehe.
 
gaz - salamat sa pag-marathon reading at sa comment. Hindi ko lang sigurado kung mapagbibigyan kita sa third person viewpoint. baka kasi mawala sa flow ang kwento saka hindi ko pa nasubukan gumawa sa ganoong viewpoint.
 
Chris - nakakataba naman ng puso iyongsinabi mong pede pang movie ang kuwento at iyong pede akong maging writer. you made my day brighter.

wastedpup - salamat at na hooked ka sa kwento. Sana huwag kang bibitaw hanggang sa katapusan.
 
enso - salamat sa story review, nakakatuwa ang mga nasa isip mo. keep reading.
 
Salamat din sa mga comments ninyo sa BiOutLoud.

Heto na ang Part 10, sana magustuhan ninyo pa rin.

----------o0O0o----------
 
Mula sa bumabalot na dilim ay nagliwanag. Ibang klaseng liwanag. Sobrang nakakasilaw. Saka biglang naulinigan ko ang mga tawag. Nagpalingon-lingon ako pero hindi ko makita kung saan nanggagaling ang mga tinig. Hindi ko man mawawaan ang mga sinasabi nila, pero ramdam kong ang mga tinig na iyon ay animo’y mga pwersang humahatak sa akin patungo sa kung saan. Ang pwersa ay mas lumakas, mas tumindi, pilit kong nilabanan pero wala naman akong makapitan kaya wala akong nagawa kung hindi ang magpatangay sa pwersa ng mga tinig hanggang maramdaman ko ang kakaibang sakit na unti-unting kumakalat sa aking baga. Sa pagkalat ay may kung anong namuo saka naramdaman ko na lamang na pwersahang lumabas sa aking bibig.
 
Napaubo ako sa sobrang sakit ng pagluwa ko ng tubig. Saka nagkaroon ng mukha ang mga tinig kanina. Galing sa mga taong nakapalibot sa aking pagkakahiga sa tiles sa tabi ng swimming pool na nang makita akong nagkamalay na ay nagpalakpakan pa ang iba.
 
“Are you okay?” tanong ni Eunso na nasa may bandang kanan ko at nakaluhod paharap sa aking dibdib. Ang kaliwang palad na nakasalikop ang mga daliri sa nakapatong na kanang kamay ay nasa aking kaliwang dibdib. Halos katatapos pa lang niyang magbigay ng chest compressions sa akin.
 
Tuliro naman ang aking isip. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nagpumilit akong tumagilid nang maramdaman ko na naman ang pagluwa ko ng tubig. Saka nagbalik sa akin ang mga pangyayari.
 
“Okay ka na ba?” ulit na tanong ni Eunso nang bumalik ako sa pagkakahiga.
 
Napansin ko na hindi basa ang suot ni Eunso. Ibig sabihin hindi siya ang nagligtas sa akin. Siya lang ang nagbigay ng CPR sa akin, kung gayon eh sino ang aking tagapagligtas?
 
Nang ilibot ko ang paningin, saka ko napansin ang basang-basang si Kuya Brando, nakatayo sa may bandang kaliwa ko. Kahit nananakit pa rin ang aking likod ay pinilit kong magsalita, “Okay na ‘ko.”
 
Pero iba ang ekpresyon ng mukha ni Kuya Brando. Kahit alam kong na-relieve siya sa pagka-revive sa akin ni Eunso, ay bakas pa rin dito ang sobrang inis at galit. Nang maiupo ako ni Eunso, saka ko pa siya narinig magsalita, “Iinom-inom kasi hindi naman kaya tapos ay maliligo pa ng lasing. Buti na lang nakita ka ni Vlad, kung hindi siguradong paglalamayan ka na mamaya.” Patuloy sa pagpatak ang tubig sa suot niyang shorts.
 
Paano nalaman ni Kuya Brando na nag-inom ako ng alak? Psychic ba siya?
 
Mas masakit pa sa pakiramdam ko ang epekto ng comment niya kaysa sa muntikanan ko ng pagkalunod. Gusto ko sanang isigaw sa kaniya na siya ang dahilan kung bakit ako uminom. Sa sobrang selos ko kaya ko nagawa iyon. Gusto ko rin sabihin sa kaniya na wala akong balak maligo sa pool. Gusto kong magsumbong na sa ikalawang pagkakataon may nagtangka na naman ng buhay ko. At gusto ko ring sabihin sa kaniya na salamat sa pagliligtas niya ulit sa buhay ko.
  
Bakit hindi man lamang niya itinanong sa akin kung anong nangyari? Nag-jump into conclusion na siya na sinadya ko lang talaga na maligo ng nakainom.
 
Sino naman si Vlad na nakakita pala sa akin kaya na-save ako ni Kuya Brando?
 
Hindi ko na napigilan ang pangingilid ng luha ko. Buti na lang at hindi iyon gaanong napansin dahil gabi na at basa rin naman ang aking mukha ng tubig. Nagpikit ako ng mga mata. Gusto ko sanang lamunin na lang ako ng lupa nang oras na iyon. Nahihiya ako sa mga tao sa paligid. Naiinis ako kay Kuya Brando. Galit ako kay Jimson pati na sa alalay niyang si Mr. Eewww.
 
“Ano ba talagang nangyari?” tanong ni Eunso nang imulat kong muli ang aking mga mata.
 
Sasabihin ko na sana ang tungkol kay Jimson nang biglang may umagaw ng eksena.
 
“I’ve been looking for you, nandito ka lang pala,” boses ni Yzah Elizalde na yumakap mula sa likuran ni Kuya Brando. Nag-angat ng kilay nang makita akong nakaupo sa semento habang inaalalayan ni Eunso. Umismid muli, “Tara na, balik na tayo sa kuwarto,” pag-aaya pa niya kay Kuya Brando. “Nagsasayang lang tayo ng oras dito.”
 
Halos magluwaan naman ang mga mata ng ibang mga naroroon sa kakatingin kay Yzah na naka-two piece lang ang suot. Si Kuya Brando naman ay nakatingin sa akin at hindi ko alam kung naghihintay ba ng isasagot ko sa tanong ni Eunso o kung ano.
 
Umiling lang ako at muling pumikit. Ano pa ba ang silbi ng sasabihin ko? Paniwala na si Kuya Brando na uminom ako ng sobra saka naligo sa pool kaya muntik ng malunod. Sa pagkakapikit na iyon ay hindi ko na tuloy napansin ang biglang pagkalas pala ni Kuya Brando sa pagkakayakap ni Yzah saka mabilis na umalis. Nagtatakbo rin naman ang babae na humabol sa kaniya.
  
“Tutulungan kita Rhett,” pagkuway narinig kong sabi ni Eunso nang akalain niya ay masama pa rin ang aking pakiramdam dahil sa ginawa kong pagpikit at pananahimik. Saka isa-isang binanggit ni Eunso ang steps ng kaniyang gagawin at nagbibilang pa ito ng hanggang tatlo bago mag-execute hanggang makarga na niya ako sa kaniyang mga bisig. Ganoon pala ang mga First Aiders, lahat ng steps ay sinsabi para well informed ang nire-rescue sa susunod na mangyayari.
 
 
“MAGREKLAMO TAYO Rhett, hindi pwedeng manahimik na lang,” nagalit na rin si Eunso nang ikwento ko sa kaniya ang mga nangyari.
 
Nakahiga ako noon sa isa sa mga kama sa kanilang silid kung saan niya ako dinala. Pinahiram na rin muna niya ako ng damit na pampalit. Nakaupo naman siya sa gilid ng katabing kama. Ang mga damit ko kasi ay nasa backpack namin ni Harry. Wala naman daw doon sa assigned room namin si Harry. Nasaan na nga kaya iyon? Muntik na nga akong mamatay ay wala pa rin siyang kaalam-alam hanggang ngayon. “Naisip ko huwag na lang.”
 
“Bakit naman? Bida ka ba ng telenovela na kahit anong gawing kasamaan ng mga kontrabida ay hindi man lamang lumalaban at sa bandang huli ay nagpapatawad pa?”
 
“Hindi naman,” tugon ko at pilit na ngumiti sa pagjo-joke niya. “Naisip ko kasi baka wala namang maniwala sa akin. Isipin mo na lang, may inom ako. Medyo may tama. Oo nga’t nakasalubong ko sila Jimson pero nakatalikod naman ako nang mangyari ang paghampas sa likod ko. Hindi ko sila mismong nakita. Pwedeng iba. Pwedeng hindi sila. Pwedeng isipin ng iba na halusinasyon ko lamang iyon dahil lasing ako at wala naman talagang pumalo sa akin. Wala pating korte ang maniniwala sa akin at sa mga sasabihin kong puro circumstantial evidences lang.”
 
Napatango si Eunso nang makuha ang punto ko. Ako man ay tuluyan na ring napaniwala ang aking sarili sa aking sinabi.
 
Naisip ko na lang na may hangganan din ang kasamaan ni Jimson.
 
“Sino pala si Vlad?” naisipan kong itanong. Siyempre gusto ko ding malaman kung sino ang isa sa mga taong pinagkakautangan ko ng loob. Kung hindi dahil sa kaniya baka nga tuluyan na akong nalunod.
 
“Kilala mo ‘yun sa mukha, baka hindi mo lang kilala sa pangalan.”
 
Totoo naman na marami nga sa mga construction workers ang kilala ko lang sa mukha.
 
“Nakita daw niya na may nalulunod sa swimming pool kaya humingi siya ng saklolo sa mga tao sa malapit. Hindi yata marunong lumangoy iyon tao kaya ganoon. Magkasalubong na kami noon ni Sir Brando nang marinig namin ang sigaw ni Vlad. Sa narinig muling tumalikod si Sir saka nagmamadaling tumalon sa pool. Ako nama’y sumunod sa kaniya.
 
Nagulat pa nga siya nang ikaw pala ang nalulunod. Inilapag ka niya sa sahig at medyo nag-atubili siyang magbigay ng first aid dahil kasama niya ako. Kaya nagbigay siya ng daan at ako na ang nagbigay sa’yo ng mouth to mouth at chest compressions.”
 
“Gusto kong makita si Vlad para makapagpasalamat na din.”
 
“Hayaan mo, ituturo ko siya sa ‘yo pag nakita ko.”
 
Kahit paano’y na-relived naman ako at natuwa na si Kuya Brando pala talaga ang nagligtas sa akin. Halos pabulong ko lang nasabi, “Galit si Kuya Brando sa akin.”
 
Malakas pala ang pandinig ni Eunso, “Hindi galit sa ‘yo si Sir. Nag-alala lang. Kung nakita mo lang siya kung gaano siya naging kadisturbed at nagmukhang devastated habang binibigyan kita ng CPR, tiyak maawa ka rin sa kaniya. Para bang ang nangyari sa ‘yo ay gusto niyang isisi sa sarili at kagagawan niya na hindi naman.”
 
May haplos na namang tuwa sa aking puso ang rebelasyon na iyon ni Eunso. Saka siya nagpatuloy, “Bago nga iyong pangyayari, hinahanap ka niya sa may tabing dagat.”
 
Hmmmm. Bakit naman niya ako hahanapin, eh di ba iniwan nga niya ako at sumama sa Yzah’ng iyon?
 
“Nang masalubong ko siya, tinanong ka niya sa akin. Buti na lang kilala naman kita sa mukha dahil nakita na kita dati.”
 
“Saan?” sabad ko.
 
“Sa canteen noong first day mo. Kasama ko sina Sir Brando at Engr. Clyde, nakita kita sa kabilang table kasama mo ‘iyong isa pang OJT saka si Miss Alegre.”

“Ah, okay,” sabi ko. Natatandaan ko na iyong sinasabi niya.
 
Nagpatuloy pa siya, “Sabi ko nga ‘iyong kasama mo at hindi ikaw ang nakita ko sa dalampasigan kasama ni Miss Alegre. Nang puntahan namin, sila pa ring dalawa ang naroroon kaya nagpatulong na lang siya sa akin para hanapin ka. At para mas mabilis, naghiwalay kami ng paghahanap sa ‘yo.”
 
Kaya pala… “Si Ku—Sir Brando ang itinitext mo habang magkausap tayo?”
 
Marahang tango ang isinagot niya. “Sabi ko nga’y nakita na kita. Unfortunately nakorner siya ulit ni Miss Elizalde kaya nag-reply siya to keep an eye on you. Nang dumating siya, wala ka naman at hindi ka na bumalik kaya hinanap ka na naman namin ulit.”
 
“Ano bang kailangan niya sa akin at bakit niya ako hinhanap?”

Ngumiti siya ng nakakaloko. “Simple lang. Tinamaan yata sa ‘yo.”
 
Kahit tuwang-tuwa ako sa narinig, medyo napakunot-noo pa rin ako kay Eunso. “Parang kilalang-kilala mo si Sir Brando,” sabi ko sa kaniya.

“Hindi naman, nakasama ko lang siya sa isang project sa Quezon City dati. Tapos ngayon ulit sa Batangas City. Open naman siya sa mga tao niyang medyo close sa kaniya.”
 
“Bakit mo naman nasabing tinamaan siya?” tanong ko na nakahiyaan ko pang idugtong ang ‘sa akin’. Gusto ko na tuloy kiligin sa kung anomang isasagot ni Eunso.
  
“Basta, ramdam ko. Simula nang makilala ko ‘yan, sa dinami-daming lalaki at babaeng naghahabol sa kaniya, sa ‘yo lang siya naging ganito ka-apektado. Basing from his reactions a while ago, I would say, he’s starting to fall for you.”

Hayyy, parang biglang humaba ang hair ko. Mas mahaba pa ng kay Rapunzel.
 
Totoo kaya ang sinasabi ni Eunso o hindi? Parang mas gusto ko namang paniwalaan na totoo nga.

Bias ka! kontra na naman ng isang bahagi ng utak ko.

“So totoo na may mga flavour of the month?”
 
“Partly true partly myth. Sabi ko nga maraming naghahabol sa kaniya. Kung patulan man niya iyon, desisyon niya iyon at ginusto din nila. Hindi naman siya namimilit at alam kong hindi na niya kailangang mamilit. Sa hitsura pa lang, daig pa sa kakisigan at kaguwapuhan ang ibang artista. At kaya naman partly myth dahil kahit ako noong bago pa kami nagkakilala, binansagan din akong flavour of the month. Siyempre hindi totoo iyon.”

“Si Yzah…sila ba?”
 
“Sabi-sabi. Wala pa naman si Miss Elizalde noong nakasama ko si Sir sa QC project kaya hindi ko masasabi sa’yo kung sila nga o hindi.”


DOON NA RIN ako nakatulog sa silid nina Eunso. Paggising ko kinaumahagan, mag-isa na lang ako sa silid. Malamang nagsisipagligo na sa dagat ang karamihan kasama na si Eunso.
 
Lumabas ako ng silid at kahit na medyo hilo pa ako ng kaunti sa hang-over ng ininom kong beer kagabi, hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng beach. Puting-puti ang malinis na buhangin na hinahampas ng mapipinong alon. Kulay blue green naman ang tubig sa malapit at nagiging matingkad na asul habang papalayo. At sa pinagsalubungan ng dagat at ng langit ay ang papasikat na araw na unti-unting nagbibigay ng liwanag sa halos walang ulap na kalangitan. Halos lahat ng mga kasamahan namin ay naliligo na sa dagat, may ilan lamang na nasa mga cottages, kumakain at nagkukuwentuhan at mayroon ding kumakanta pa rin ng non-stop sa videoke.

Nasaan na kaya si Harry? Ano na kayang nangyari sa kaniya? Gusto ko na tuloy magtampo sa kaniya.
 
“Rhett…Rhett..!”

Si Engr. Clyde pala ang tumatawag sa akin. Nakaupo siyang mag-isa sa malapit na cottage, umiinom sa hawak na tasa. Nilapitan ko.
 
“Kumusta ka na?” tanong niya nang makiupo na rin ako sa cottage. Kapeng barako ang iniinom pala niya at sa mesa ay naroon sa may plato niya ang suman na tinanggalan na ng balat at binuhusan ng syrup na parang coco jam na malabnaw.
 
“Okay na po,” tugon ko sa kanya. Nakikuha na rin ako ng kape at tinikman na rin ang suman. Naramdaman ko kasi ang sobrang gutom. Hindi na nga pala ako nakakain kagabi.
 
“Nakaalis na si Sir Brando kaninang alas-kwatro,” sabi niya kahit hindi ko naman tinatanong.
 
Nalungot akong bigla. Ang masarap na kape ay parang biglang nawalan ng lasa. Hindi ko na tuloy magagawa ang balak kong kausapin siya at humingi ng paumanhin sa nangyari kagabi. Tumango lang ako.
 
“Nakulitan yata kay Miss Elizalde,” sabi niya na ang mukha ay parang sa matatawa.
 
“Baka ho dahil sa nagalit siya sa akin.”
 
“Hindi iyon. Hindi siya galit sa ‘yo. Nag-alala pa siguro. Sobrang nag-alala.”
 
Pareho sila ng sinasabi ni Eunso.
 
“Kasama ho niya si Miss Elizalde?”
 
“Hindi. Pero umalis na rin siya, humabol yata,” tugon ni Engr. Clyde saka tumitig maigi sa aking mga mata. Parang may inaaninag na reaksiyon galing sa akin. Nang wala siyang mabakas na anoman sa akin ay nagpatuloy, “Ex-girlfriend lang iyon ni Sir.”
 
Wow! Hanggang ngayon dire-diretso pa rin ang mga pasabog. Ang dami ko ng nalaman mula pa kagabi kay Eunso at tuloy pa rin pala hanggang ngayon. Bumalik ang sarap ng kape at lalong tumamis ang syrup sa suman.
 
“Bakit ho ganoon siya kung makalingkis kay Sir Brando?” Pinilit kong tanggalin ang selos sa tono ng pagkakatanong ko.
 
“She wants to win him back.”

“Bakit ho?”
 
“Simple. Iyon ang gusto ng mga magulang ni Miss Elizalde.”
 
“Gusto nila si Sir Brando? Hindi ba nila alam na bisexual siya?”
 
Humigop muna ng kape si Engr. Clyde saka ibinaba sa mesa ang tasa. “Alam nila, alam din ng anak nila. Pero sa mga mayayaman, hindi naman importante ang ganoon. Isa pa si Yzah, may mga lover din naman ‘yan even noong sila pa ni Sir Brando. At kung sila man ang magkatuluyan, siguradong hindi naman iyon titigil sa panlalalaki. Kaya balewala sa kaniya even sa parents niya kung bisexual man o gay o straight si Sir Brando. Ang mahalaga matuloy ang merging ng SJR Construction Corporation at ng Global Construction Corporation na company nila.”
 
“Merging?” nahihiwagaan kong tanong.
 
“Oo. Merging ng SJR at Global.”
 
Hindi ko pa rin makuha. Ano bang kinalaman ni Kuya Brando sa merging na iyon?
 
“Hindi mo ba alam na si Sir Brando ang nag-iisang anak ng may-ari ng SJR Construction Corporation? Sila ang may-ari ng SJR. Iyon ay SJ Ramirez Construction Corporation.”
 
Iyon na yata ang pinakamalaking pasabog na narinig ko. Si Kuya Brando na inakala kong mahirap o nasa middle class ay isa pa lang mayaman. At hindi lang basta mayaman, kung hindi sobrang yaman!
 
 
PAPASOK NA AKO sa silid namin ni Harry ay parang umaalingawngaw pa rin sa akin ang sinabi ni Engr. Clyde. Si Kuya Brando ay nag-iisang anak ng may-ari ng kumpanya. Marami man ang mga tanong na nasagot pero marami pa rin ang natitira.
 
Kung siya ay nag-iisang anak, sino iyong isang batang nasa larawan sa sala ng bahay nila? Bakit siya nagtiis sa boarding house gayong sobrang yaman naman nito? Ang dami pang tanong na kailan kaya masasagot?
 
Ang silid namin ni Harry ay replica din ng silid nina Eunso. Kakatok sana ako sa pinto nang maisipan kong pihitin muna ang door knob. Baka kasi tulog pa si Harry dahil hindi ko siya namataan kanina sa mga naliligo sa beach. Isa pa kung gising na iyon, imposible namang hindi niya ako puntahan at alamin ang nangyari kagabi. Eksakto namang hindi nakalock ang pinto kaya nabuksan ko ito ng dahan-dahan.
 
Nakakailang hakbang pa lang ako pagpasok sa silid nang biglang matigilan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa nakita ko. Matutuwa ba ako? Maiinis? Magagalit? Magwo-worry? Papalakpak ba? Sisigaw ng Yes! Sisigaw ng Oh No! Kukunin ko ba ang kamay niya at sasabihing ‘Congratulations!’, O mapapa-Eewww! O sisigaw ng Yuckkk!
 
Finally alam ko na ang dahilan kung bakit wala si Harry kagabi nang atakihin ako nina Jimson, kung bakit wala pa rin siya habang nasa ilalim ako ng tubig at nalulunod. Kung bakit wala pa rin siya nang ako ay ma-revive ni Eunso at dalhin sa kanilang kuwarto. At bakit nandito pa rin siya sa silid na ito kahit lahat kami ay gising na.
 
Nagkalat ang basyo ng bote ng beer sa sahig. Ang kobrekama ay gusot-gusot. Nakahiga ng patihaya si Harry sa kama. Walang suot na t-shirt kaya kitang-kita ang nilikok na dibdib at mga pandesal sa tiyan. Ang kanang kamay niya ay nasa may gilid habang ang kaliwa ay nakapatong sa taas ng semi-kalbo niyang ulo. Ang ganda niyang pagmasdan habang natutulog o mas tamang sabihin ang sarap niyang pagmasdan lalo na’t wala rin siyang suot na brief. Kitang-kitang ang flawless niyang morenong balat at mapapahanga ka dahil pantay-pantay ang kulay niya all-over his body. Unlike other men na may maputi na parte ng balat, may maitim na bahagi tapos may kayumanggi.
 
Kahit wala siyang brief, hindi pa rin lumitaw ang kaniyang ari dahil natatakpan ito ng kaliwang hita ng kaniyang katabi na nakahilig din ang ulo sa kaliwa niyang dibdib. Hubo’t hubad din ang kaniyang katabi maliban sa isang parte ng puting kumot na naitakip sa may balakang nito na napansin kong may mga patak pa ng sariwang dugo.
 
Nanatili lang akong nakatingin sa kanila nang magmulat si Harry. Dahil ako ang una niyang nakita, nginitian niya ako. Itinulis ko naman ang nguso ko para ituro sa kaniya ang katabi.
 
Daig pa ni Harry ang nakakita ng multo nang makita niya ang sarili. Hubo’t-hubad silang pareho ng katabi. Sa bigla niyang paggalaw para umupo at kumuha ng anomang pwedeng itakip sa kaniyang katawan ay nagising na rin ang katabi niya. Mas grabe ang reaksiyon nito kesa kay Harry. Halos mawalan na ito ng dugo sa mukha. Umupo rin ito saka nagmamadaling itinakip sa kaniyang kahubdan ang puting kumot na nakatakip kanina sa kaniyang pang-upo. Eksakto naman na sa pagitan ng magkabila niyang dibdib tumakip ang parte ng kumot na may patak ng dugo.
 
Si Harry naman ay tuluyan ng umupo pasandal sa may headboard.
 
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman nang marinig ko silang nagsalita.
 
“Anong nangyari, bakit nandito ka?” tanong ni Harry.
 
“Anong ginawa mo sa akin? Walanghiya ka!” halos maiiyak na si Eunice saka iniangat ang kumot para tingnan ang sarili. Nang maka-cope up na siya sa kinasadlakang kalagayan, halos mag-histerya na siya lalo na nang makita ang dugo sa kumot na naggaling sa kaniyang iniingat-ingatang hiyas. “Bakit ganito? Bakit mo ako pinagsamantalahan?”
 
“Pinagsamantalahan? Ano ka ba Eunice, ako nga rin, hindi ko alam kung paano ako nakarating dito at kasama pa kita,” sabi ni Harry saka sinalo ang mga pagkabog ng isang kamay ni Eunice sa kaniya habang hawak ng isa ang kumot na nakatakip sa katawan. “Ang tanda ko lang, nasa dalampasigan ako, dumating ka Rhett…itinaboy kita palayo,” patuloy niya saka saglit na tumingin sa akin at muling ibinaling ang tingin kay Eunice. “Lumapit ka Eunice, uminom ka rin tapos…” tinutop niya ang noo na parang pilit inaalala ang mga nangyari pero pananakit lang at pagkahilo ang naramdaman niya. Hanggang sa may naalala siyang mga mumunting detalye… “tapos naligo tayo sa dagat…uminom tayo ulit..itinuloy natin dito sa silid ang pag-inom…” biglang nahintakutan ang mukha niya sa sumunod na naalala. “May nangyari nga sa atin Eunice…pero hindi kita pnilit…pareho nating ginusto.” Laylay balikat siyang itinungo ang ulo.
 
Para namang lumiwanag din kay Eunice ang nangyari sa sinabing iyon ni Harry. “Paano ito Harry, nakuha mo na ako. Hindi na ako virgin, ikaw na ang nakauna sa akin.” Walang tigil ang pagluha ni Eunice.
 
Sumabad na ako sa usapan nila. “Iiwanan ko muna kayo, kailangan ninyong mag-usap. Pakilinis na rin ang kalat pagkatapos.”
 
 
NANG SUMUNOD NA linggo ay hindi pa rin ako nagkaroon ng pagkakataon na mag-sori kay Kuya Brando. Wala kasi siya sa site sabi ni Engr. Clyde at nasa main office daw ito sa Manila at mananatili doon ng ilang araw. May mahalagang meeting yata sa Chairman ng kumpanya na siya ring tatay niya. Hindi ko na siya itinext o tinawagan dahil gusto ko personal ko siyang makausap.
 
Tuluyan ng naging malamig ang pakikitungo sa akin ni Harry. Umiiwas pati ito na pag-usapan namin ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Eunice sa outing. Maging si Eunice ay nanahimik din. Pati mga text ko at tawag sa kaniya ay hindi niya sinasagot. Hindi ko rin siya matiyempuhan sa canteen at palaging mas maaga siyang umuwi kesa sa amin ni Harry.
 
Pati si Tiya Beng ay napansin ang biglang pagbabago ni Harry. Sa gabi lagi itong nauunang matapos sa pagkain ng hapunan at didiretso na agad ng kaniyang silid. Wala na ang nakaugalian naming kwentuhan ng kahit ano bilang bonding time naming tatlo.
 
“May problema ba kayo ni Harry?” tanong ni Tiya Beng.
 
Saglit akong natigilan sa pagsubo. Matamang nag-isip kung sasabihin ko ba o hindi. Umiling na lang ako.
 
“Kung wala, baka may problema siya sa OJT ninyo?”
 
“Wala po,” sabi ko dahil iyon naman ang totoo.
 
“E bakit ganoon siya lately? Ibang-iba kaysa dati.”
 
Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata ni Tiya Beng dahil baka mahuli niya akong may inililihim sa kaniya. “Hindi ko po alam. Baka napapagod lang masyado sa trabaho sa OJT namin. Napapasama kasi siya palagi sa mga nagtatrabaho sa labas at medyo mabibigat ang ginagawa.”
 
Ayokong pangunahan si Harry. Hihintayin ko na lang na siya mismo ang magsabi kay Tiya Beng.
 
Pinuntahan ko si Harry sa silid niya kinagabihan. Nakahiga siyang patihaya, walang suot na pang-itaas at natatakpan ng kumot hanggang baywang. Umupo ako sa gilid ng kama.
 
“Kumusta ka na? Nag-aalala na sa iyo si Tiya Beng,” marahan kong tanong.

“Okay lang ako. Pasensiya na hindi man lang kita nasaklolohan nung nasa beach tayo.”
 
“Walang problema iyon. Okay naman ako.”
 
Ibinaling niya ang tingin sa akin, “May kinalaman ba si Jimson sa nangyari?”
 
Medyo kinabahan ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo. Sa huli naisip kong baka ipaghiganti niya ako kagaya noong bata pa kami kapag sinabi ko ang totoo. “Wala.”
 
Napatango siya saka ibinaling ang tingin sa may bintana.
 
“Kumusta kayo ni Eunice,” lakas-loob kong tanong.
 
“Hindi pa kami nakakapag-usap mula nang umagang maghiwalay kami. Pareho naman naming ginusto ang nangyari,” may lungkot ang kaniyang tinig.

“Pananagutan mo ba siya?”
 
“Oo,” maiksi niyang tugon.
 
“Kahit hindi mo siya mahal?”
 
“Hindi na mahalaga iyon. Kung hihilingin niya sa akin iyon, iyon ang ibibigay ko sa kaniya. Hindi na pinag-uusapan dito kung mahal ko siya o hindi. Usapin na ito ng prinsipyo at paninindigan. Bisexual man ako o tayo, hindi ibig sabihin noon na hindi na natin kaya ang magpakalalaki at tatakas na lang tayo. Hindi ko tatalikuran ang responsibilidad ko sa kaniya.”
 
Napahanga ako ni Harry sa kaniyang mga sinabi.
 
 
LUNES NG SUMUNOD na linggo ay hiwalay pa rin kami ni Harry ng assignment sa trabaho. Napasama siya sa pagbe-bend ng mga RSC pipes na siyang paglalagyan ng mga kawad ng kuryente. Ako naman ay parang sa general electrical works. Parang naging support ako sa mga nangangailangan ng supply ng kuryente para sa mga tools o equipment na ginagamit sa trabaho ng mga manggagawa.
 
May isang welder ang lumapit sa akin para humingi ng supply para sa kaniyang welding machine. Nakahanap ako ng pinakamalapit na pwedeng pagsaksakan pero mga limang metro ang layo. Hindi aabot ang welding machine at kakailanganin ko ng extension wire. Nagpunta ako sa may electrical stock room na katabi ng generator room kung saan nakaimbak ang mga electrical supplies namin.
 
“Rhett, anong kailangan mo?” bungad ni Eunso nang makita ko.
 
“Dito ka pala?” nakangiting sabi ko sa kaniya.
 
“Oo, matagal na. Hehehe.”
 
“Meron ba tayong kable diyan mga anim o pitong metro ang haba? Gagamitin ko lang na extension sa pang-supply sa welding machine.”
 
May kinuha siyang kable at pagkatapos makapirma doon sa iniabot niyang form ay ibinigay na niya sa akin ang kable na naka-rolyo at nakabalot pa ng plastic na manipis.
 
Paglabas ko ng stock room at pagdaan sa generator room ay napansin kong wala si Jimson sa loob. Sa kaniya ko kasi ire-request ang pagbababa ng breaker para tuluyan ng mawalan ng supply iyong breaker na pagkakabitan ko ng welding machine.
 
Napagpasiyahan kong ako na lang ang magbababa. Nagsuot muna ako ng earplug bago ako pumasok saka binuklat iyong mga electrical diagram doon. Natukoy ko naman kung saang circuit breaker sa loob ng generator kumuha ng supply iyong breaker na nasa labas. Ibinaba ko iyong lever sa pinakagitna ng breaker saka kumuha ng TAG, sinulatan ko ng Do Not Switch On at finilapan ko iyong iba pang data saka isinabit doon sa mismong breaker. Para siguradong wala na talagang boltahe, kinuha ko ang metro saka sinukatan ang magkabilang kawad sa ibaba ng breaker. Zero volts AC ang nakuha ko, ibig sabihin wala ng boltahe.
 
Pagkalabas ko ng Generator room nasalubong ko si Jimson kasama na naman ang sidekick niyang si Mr. Eewww. Pero this time, wala na ang ngising-aso kay Mr. Eewww. Basta iba na ang ekspresyon ng mukha niya, para na siyang demonyong natanggalan ng sungay at nilagyan na ng halo kapalit ng dati niyang sungay. Demonyong anghel, parang ganoon. Hehehe.
 
Nagbalik sa aking isipan ang ginawa ni Jimson na muntik ko ng ikamatay. Bigla ang pagsulak ng galit sa aking dibdib. Pero I have come this far na nakontrol ko ang sarili ko. Lahat ng pagtitimpi ko mawawalan ng saysay kapag pinatulan ko siya ngayon. Sa tingin ko nama’y hindi kaduwagan ang umiwas sa kaniya kaya iyon ang ginawa ko.
 
Sa kabila ng paglihis ko ng dadaanan, sinadya pa rin niyang harangan ako. Si Mr. Eeww naman ay nanatili lang sa kinatatauan kanina. Nagbago na ba si Mr. Eewww? Dapat sana nasa likuran na rin siya ni Jimson ngayon.
 
“Not so fast Rhett,” nanunudyong sabi ni Jimson. “You’re always running away from me.”
 
Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. Pilit ipinaramdam ang galit sa aking dibdib. “I’m not running away. Umiiwas lang ako sa gulo.”
 
“Makakaiwas lang tayo sa gulo kung isa sa atin mawala dito. Dahil natahimik naman talaga dito until you two came,” matigas ang pagkakasabi niya.
 
“Sorry Jimson, pero hindi ako o si Harry ang mawawala dito. We need this OJT badly. I suggest just bear with the situation while we’re here.”
 
Gumuhit ang galit sa kaniyang mukha. “We’ll see. Siyam man ang buhay ng isang pusa ay nauubos din at finally namamatay din.”
 
Gusto ko ng matakot sa sinabi niya pero nagpakatatag ako. “Alam ko na ikaw ang pumalo sa likuran ko noong outing.”
 
Nang-iinis ang kaniyang pagngiti. “Ang alam ko’y tinalikuran mo kami. Paano mo nalaman na ako nga ang punalo sa ‘yo?”
 
“Wala akong pruweba ngayon, pero pag nagkaroon ako ng ebidensiya, humanda ka.”
 
“I’m scared…” sabi niya na kunwari ay natatakot siya sa sinabi ko pero nang-iinis naman talaga.
 
“You should be. So get out of my way.”
 
“Accident happens all the time,” muling paalala ni Jimson bago siya tumabi para ako makadaan.
 
Kung wala lang kami sa loob ng site, baka ipinalo ko na din sa pagmumukha niya ang dala kong kable. Nang tingnan ko naman si Mr. Eewww, hindi ko alam kung tama ang tingin ko pero parang ayaw niya sa ginagawa ni Jimson. Para pa ngang sympathetic pa siya sa akin.
 
Nakalimutan ko na tuloy sabihin kay Jimson ang breaker na ibinaba ko. Pero meron naman iyong TAG at marunong naman siyang magbasa kaya malalaman na rin niya sometime later.
 
Binilisan ko ang paglakad dahil baka mainip na iyong welder at magreklamo na kay Engr. Clyde. Pagdating ko doon ay muli kong sinukatan ang dalawang kable sa taas naman ngayon ng breaker dahil iyon iyong galing sa loob ng generator room na sinukatan ko rin kanina. Zero volts pa rin ang nasukat ko.
 
Tinulungan naman ako ni Mamang Welder sa laying ng kable mula sa breaker papunta doon sa welding machine niya. Idinugtong ko muna iyong kable sa welding machine niya saka ako nagpunta doon sa may circuit breaker para i-tap naman ang kabilang dulo ng kable sa ilalim ng breaker.
 
Pagkatapos kong maikabit ay bumalik ulit ako sa generator room para itaas na ulit ang breaker na pinanggalingan nung ginagawa ko at tanggalin ang Tag. Pagbalik ko ay itinaas ko na ang breaker na pinagkabitan ko saka sinenyasan si Mamang Welder na i-try switch on ang welding machine at subukan. Pagkatapos ng ilang segundo, sumenyas siya na wala pa rin daw supply. Ayaw pa ring gumana ng welding machine.
 
Kinuha ko ang metro at nagsukat. May supply na 220 volts sa taas ng breaker iyong galing sa generator room pero wala sa baba na papuntang welding machine. Pinagmasdan kong maigi ang breaker, napansin kong parang luwag ang isang tornilyo para mahigpitan ang kable sa taas.
 
Bumalik ako sa generator room para ibaba ulit ang breaker at isabit iyong Tag.
  
Sa pagmamadali kong lumabas, hindi ko na napansin si Jimson na nakatayo malapit sa generator, nakangiti na daig pa ang demonyo at nangingislap ang mata sa iniisip habang si Mr. Eewww naman ay kabadong-kabado sa tuwing maiisip ang susunod na mangyayari…
 
Pagbalik ko sa site, sinukatan ko ulit iyong taas ng breaker. Zero volts pa rin.
 
Kumuha ako ng screwdriver saka ko sinimulang higpitan ang tornilyo. Nahirapan ako sa paghigpit, ayaw umikot ng tornilyo mapa-clockwise o counter-clockwise man ang direksiyon ng pagpihit ko. Dahil sa may kataasan na ang araw at medyo mainit na ang paligid ay ramdam ko ang pamumuo ng aking pawis sa aking katawan at pag-agos sa aking balat. Tumagaktak na rin ang pawis ko mula ulo at noo pababa sa aking mukha. Sa tingin ko’y naghinang na yata iyong tornilyo sa terminal block o maaaring lose thread na.
 
“Hirap na hirap ka diyan,” sabi ng pamilyar na tinig mula sa aking likuran.
 
Pumihit ako patalikod. Naamoy ko ang peras at banilya sa hangin. Bigla tuloy akong na-consious sa hitsura ko. Pawisan pa naman ako. “Kuya Brando…”
 
Tumabi siya sa akin saka sinipat ang tornilyo sa breaker. Kakaiba naman ang pakiramdam ko sa pagkakadaiti ng braso ko sa braso niya. Parang mahuhulog ang puso ko sa lupa. Tuwang-tuwa ako na hindi maipaliwanag sa muling pagkakita ko sa kaniya. Nawala sa kasalukuyang ginagawa ang aking isip. Nagbalik doon sa beach sa Nasugbu, sa mga rebelasyon ni Eunso at ni Engr. Clyde. Parang gusto ko nang mag-sorry sa kaniya sa nangyari at itanong na rin kung totoo nga ang lahat ng mga sinabi nina Eunso at Engr. Clyde. Pero pinigilan ko ang aking sarili. May panahon para sa mga tanong ko. Baka pati mainip na si Mamang Welder sa kahihintay ng supply.
 
“Lose thread na yata,” sabi niya na bahagyang ngumiti kaya tuluyan ng nalaglag sa lupa ang puso ko saka nagpatalbog –talbog. Kinuha niya sa akin ang screwdriver saka sinubukan ding pihitin ang tornilyo pero ayaw talaga. “Kumuha ka ng socket wrench, subukan natin baka makuha pa.”
  
Iniwan ko siya sa may harap ng circuit breaker para pumunta ulit sa stock room at humiram ng socket wrench kay Eunso. Pagkabigay ni Eunso ay lumabas na rin ako ng stock room. Nadaanan ko naman sina Jimson at Mr. Eewww na nasa loob ng generator room na parang nagtatalo. Nakita pa nga ako ni Jimson na hawak ang socket wrench. Hindi ko na naman sila pinansin sa pagmamadali kong balikan si Kuya Brando.
 
“Kuya, heto na,” sabi ko sa kaniya sabay abot nang pumihit siya para tumingin sa akin.
 
Kung kanina’y bahagya lang ang ngiti niya, ngayon ay mas maluwang na. Hayyy, in love talaga ako sa Kuya Brando ko. Ang guwapo talaga niya. Parang laging bagong paligo.
 
Kinuha niya ang socket wrench sa akin saka muling humarap sa breaker. Nagpunta naman ako sa may gilid, halos dalawang talampakan ang layo sa kaniya para tingnan ang kaniyang gagawin.
   
“Wait Kuya, sukatan muna natin ulit,” sabi ko saka kinuha iyong metro habang iyong dalawang test leads sa mukhang stick ay iniabot ko sa kaniya.
  
Idinikit niya ang test leads sa magkabilang kable sa taas ng circuit breaker saka tumingin sa screen ng hawak kong metro. “Zero,” sabi niya.
 
Maganda na iyong sigurado, sabi ko naman sa isip ko kahit alam kong wala na talagang boltahe iyon dahil sa ilang beses ko ng nasukatan. Kinuha ko na ulit sa kaniya ang test leads.
  
Hawak niya sa dalawang kamay ang socket wrench nang itutok niya ito sa butas. Nang nasa tapat na ito ng butas, itinulak niya pababa ang tip ng wrench papasok at padikit sa tornilyo.
 
Sa isang kisapmata, nakita ko ang biglang pag-spark ng butas na pinasukan ng wrench. Mula doon ay lumabas ang usok. Wala pang kalahating segundo, nakita ko si Kuya Brando na biglang nakabitaw sa socket wrench at napahandusay sa lupa. Unconsious at mukhang hindi na humihinga.
  
Saka nag-sink in sa akin ang nangyari: nakuryente si Kuya Brando.
  
Itutuloy

No comments:

Post a Comment