By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta
----------------------------------------------
Clyde’s
Point of View
----------------------------------------------
Kinabukasan ay ginising ako ng
malakas na tapik sa pisngi. Agad kong naramdaman ang kirot ng aking ulo at
pagbukas ko ng aking mga mata ay nakita ko ang mukha ng lalaking pinakamamahal
ko sa kabila ng sakit na ginawa niya sa akin. Napangiti ako. Pagkatapos ng
hindi magandang nangyari kagabi ay nasa harapan ko siya.
“Heto ang susi ng bahay mo at
lahat ng mga binigay mo na gamit sa akin.”
“Ano ‘to? Bakit?” naguguluhan kong
tanong lalo pa’t parang naalimpungatan parin ako.
“ Yung pera na
inibigay mo sa akin, bayad mo na iyon sa paggamit mo sa katawan ko. Siguro
naman wala ka ng hahabulin sa akin mula ngayon.”
“Sandali nga!
Mag-usap tayo. Pag-usapan natin ito beybs! Please?” pakiusap ko sa kaniya.
Hindi ko yata kakayanin na mawala siya sa akin.
“Wala na tayong
pag-uusapan. Huwag na huwag ka nang magpapakita sa amin ng girlfriend ko. Wala
kang kuwentang kausap. Wala kang kuwentang tao.” Pagkasabi niya niyon ay
tumalikod na siya.
Parang bigla ay
nawala ang sakit ng ulo ko. Napabalikwas ako at hinabol ko siya. Palabas na
siya noon sa pintuan ng kuwarto ko at mahigpit ko siyang niyakap.
“Huwag ka namang
ganyan beybs. Huwag mo naman akong iwan. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka.
Ikaw na lang ang kasama ko sa buhay ta’s iiwanan mo pa ako.”
“Bitiwan mo ako. Dahil sa iyo
ay muntik na kaming nagkahiwalay ng girlfriend ko. Ayaw kong mawala siya sa
akin.” Pilit niyang tinanggal ang kamay kong nakapulupot sa kaniya.
“Hindi. Ayaw ko! Tayo parin!”
“Sinong nagbigay sa’yo ng
karapatang magdesisyon para sa ating dalawa? Tapos na tayo sa ayaw mo’t sa
gusto!”
“Patawarin mo na ako. Hindi ko na
uulitin pa. Pangako ‘yan. Huwag mo lang naman akong iwan beybs!” Pilit kong
inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
“Sama ng hininga mo! Huh!”
nilayo niya ang mukha niya. “Magmumog ka nga!”
“Sorry, pero pangako Mark, hindi ko
na talaga uulitin pa iyon.
“Talagang hindi na
kita hahayaang ulitin mo pa ang ginawa mo kagabi dahil wala ka ng karapatan
pang gawin iyon ngayon dahil hinihiwalayan na kita. Pasensiya na pero di ko
kayang ikompromiso ang pagmamahalan namin ng girlfriend ko.”
“Ayaw ko. Please huwag mo akong
iwan. Lahat gagawin ko huwag mo lang akong iwan. Nagmamakaawa na ako sa iyo.”
“Para namang may magagawa ka pa
kung talagang ayaw ko na.”
“Luluhod ako. Kahit anong hilingin
mo gagawin ko. Huwag mo lang akong iwan please!”
“Ayaw ko na nga. Huwag mo akong
galitin dahil kagabi pa ako nanggagalaiti sa’yo.”
Pilit niyang tinanggal ang
kamay kong nakayakap sa kaniya ngunit sadyang ayaw ko siyang pakawalan. Lalo ko
pang nilakasan ang pagkakayakap ko sa kaniya. Ngunit lalo din siyang pilit
kumakawala.
“Bitiwan mo ako Clyde!
Makakatikim ka na sa akin!”
“Di ba nga sabi mo mahal mo din
ako. Sabi mo masaya ka din sa akin?”
“Mahal?” tumawa siya. “Mahal
kita? Ulol! Sinasabi ko lang ‘yun kasi mahal ang sustentong binibigay mo.
Masaya ako dahil mula nang dumating ka naging magaan ang buhay sa akin ngunit
sana huwag mong kalimutang lalaki parin ako at kahit kailan, hindi mo kayang
ibigay ang tunay na ligayang maibigay ng girlfriend ko. Nadinig mo na ang dapat
mong marinig. Ano, di ka pa susuko?”
Isang malakas na sampal ang
pinakawalan ko sa mukha niya. Oo naisip ko naman iyon. Ngunit walang kasinsakit
kapag ipinamukha sa iyong kasinungalingan lang pala ang sinasabing mahal ka.
Lalo pa’t tuluyan kang pinaniwala. Kinalimutan ko ang dating takot ko na
niloloko lang niya ako. Nagpakatanga ako. Nagpakamanhid ngunit iba pa din
talaga kung ipinapamukha na ang katotohanan. Ngunit sandali ko lang naramdaman
ang galit na iyon lalo na nang makita ko siyang binubuksan na niya ang pintuan
ng bahay. Mabilis kong pinigilan at paluhod kong niyakap ang kaniyang baywang.
“Ayaw ko beybs! Hindi ko kaya!
Ayaw ko…ayaw ko…please..huwag mo akong iwan!” humahagulgol na ako. Mahal na
mahal ko siya at hindi ko alam kung paano ko buuing muli ang buhay ko nang wala
siya.
“Nasampal mo na ako, pinahiya
mo na ako sa girlfriend ko na muntik naming ipinagkahiwalay. Ano pa ba ang
gusto mo ha! Hindi ka ba talaga nakukuha sa magandang pakiusap!” Malakas niyang
tinanggal ang pagkayakap ko sa kaniyang baywang ngunit kahit anong mangyari ay
ayaw ko siyang pakawalan.
Lahat ng pagsusumamo
ay sinabi ko na at tagaktak na ang pawis namin. Ako sa pamimigil ko sa kaniyang
lumabas ng apartment at siya sa pilit pagtanggal sa pagkakayakap ko sa kaniya
at nang naubos na siguro ang kaniyang pasensiya ay naging marahas na siya.
Nandiyang sipain niya ako, suntukin sa mukha, sabunutan sa buhok ngunit
hinding-hindi ko siya binitiwan. Hanggang sa ubod ng lakas niyang tinadyakan
ang aking sikmura dahilan para tumigas iyon na para ko nang ikamatay dahil
nahihirapan akong huminga. Nang matanggal niya ang kamay ko ay nagmamadali na
siyang lumabas. Sapo ko ang aking sikmura at pilit ko siyang sinundan. Hanggang
sa nakasakay na siya ng trysikel.
Bumalik ako sa kuwarto kong
pinagmasdan ang duguan kong labi. Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko alam ang
gagawin ko noon. Laging siya ang nasa isip ko. Mabilis akong nagbihis at
pinuntahan ko siya sa inaabangan niyang kuwarto. Ngunit papasok pa lamang ako
ng sinabihan ako ng mga nagsusugal niyang mga kasama sa apartment na wala si
Mark doon. Hindi ako naniwala kaya pilit akong pumasok. Nakita ko sila ng
girlfriend niya sa loob ng kaniyang kuwarto. Walang pang itaas na damit si Mark
at nakakandong ang girlfriend niya sa kaniya. Naglalambingan silang dalawa.
“Tang-ina, anong ginagawa mo dito!”
gulat na sambit ni Mark.
“Akala ko ba
hiniwalayan mo na ‘yang baklang ‘yan! Ano pang ginagawa niya rito?” saad
ng girlfriend niya. Tumayo ito mula sa
pagkakandong niya kay Mark. Masakit ang tingin niya sa akin.
“Nagkalinawan na nga
tayo kahapon di ba? Anong bang gusto mong mangyari ha! Puwede ba Clyde! Tigilan
mo na ako! Utang na loob dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa’yo.”
“Huwag mo naman gawin
sa akin ito, Mark. Please? Nakikiusap ako.”
“Umalis ka na dito!”
tinulak niya ako.
“Mark, di ko alam
kung paano ako hihingi ng tawad sa’yo. Patawarin mo na ako!”
“Honey,” tawag niya sa girlfriend niya.
“Tumawag ka nga sa barangay. Dahil kung ako ang maglalabas nito ay baka bugbog
sarado ang aabutin niya sa akin.” Marahas akong itinulak palabas ng apartment
nila. Pinilit kong humawak sa lahat ng puwede kong mahawakan ngunit malakas
niya akong itunulak na may kasama sipa. Narinig ko ang tawanan ng mga kasamahan
niya sa apartment. Pinagtatawanan nila ako. Noon ko sinimulang nagsisigaw. Wala
na ako noong pakialam pa. Ang tanging alam ko ay hindi ko kayang mawala si Mark
sa akin. Hanggang sa mga tanod na ng
baryo ang humila sa akin at pilit pinauwi.
Halos araw-araw akong bumabalik
doon sa loob ng isang Linggo at paulit-ulit ding sinasabi nang mga kasamahan
niyang lumipat na si Mark kasama ng girlfriend niya. Hanggang sa sumuko na ako
at naniwalang lumipat na nga siya ng tinitirhan dahil sa gabi-gabi ko ding
pagmamanman. Hindi ko na siya nakita pa doon. Tuluyan na akong iniwasan ng
lalaking unang minahal ko. Mahirap, masakit at halos para kong ikamatay. Bumaba
ang timbang ko. Napabayaan ko ang pagtuturo ko hanggang tuluyan akong
natanggal. Ilang buwan din bago ko sinikap na muling bumangon. Hindi na nga ako
babalikan pa ni Mark.
Nag-aaply ako nang trabaho
noong may nakita akong umagaw sa aking atensiyon. Sa Cr ng mall ko siya
nakilala. Para siyang lango sa alak noon dahil nakalabas nga ari niya na
nakatutok sa urinal pero medyo nakaharap sa akin. Nakapikit siya. Napatitig ako
noon sa alaga niya. Bigla siyang dumilat at huli na nang ibaling ko sa iba ang
aking paningin. Nakikiramdam siya dahil ang namumungay niyang mata ay
nakatingin sa akin. Hindi ko na siya noon maiwan lalo pa’t nakita ko na ang
alaga niya, patay na patay pa ako sa lalaking-lalaki niyang tindig. Nang mga
sandaling iyon ay gusto kong tuluyan nang makalimot kay Mark. Ang payo ng mga
kaibigan ko ay makakalimutan ko daw ang dating minahal ko ng sobra kung may
darating ng bago. Makakalimutan ang lahat ng masasayang alaala kung may bago ng
pupuno sa malungkot kong kasalukuyan. Dahil may hitsura ako ay pihikan din ako
sa pagpili ng magugustuhan. Ang sa akin noon ay basta guwapo at lalaking-lalaki
iyon ang patok sa akin.
Humarap ako sa salamin at inayos ko
ang buhok ko. Sumunod siya habang inaayos niya ang kaniyang pantalon. Tinignan
ko siya sa salamin. Tumingin din siya sa akin. Ako ang unang nagbaba ng tingin
dahil kahit papaano ay nakaramdam din ako ng hiya at takot. Mukha kasing lasing
pa siya. Ngunit sadya yatang may kapusukan talaga ako. Naghugas ako ng aking
kamay at pasimple ko siyang tinignan ngunit nasa tabi ko na siya.
“Pasensiya ka na sa nakita mo
kanina tol. Medyo hilong-hilo pa ako galing sa party.” Buo ang boses.
Lalaking-lalaki. Kinilig ako.
“Ayos lang.” matipid kong sagot.
“Di bale, pareho naman tayong lalaki
ano?” binuksan niya ang faucet sa harap niya at naghugas ng kamay. Patapos na
din ako noon kaya tinungo ko ang lagayan ng tissue na malapit sa kaniya. Ngunit
halos nagkasabay pa ang mga kamay namin.
“Sige, ikaw na muna.” Magalang
niyang sambit.
“Salamat.” Sagot ko.
Pagkatapos naming mapunasan ang
aming mga kamay at tatalikod na sana ako.
“Raymond nga pala pangalan ko tol.
Ikaw?” nakangiti siya. Nakita kong nakalahad ang kaniyang kamay.
“Clyde.” Inabot ko ang palad niya.
Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil.
Lumabas na ako ng CR ngunit sumabay
siya sa akin.
“May place ka?” diretsuhan niyang
sagot.
“Ha? Anong place?” hindi sa hindi
ko alam ang tinutumbok niya. Nagulat lang ako na diretsuhan niyang magsasabi ng
ganoon sa akin.
“Room? Sorry, baka nagkakamali ako
ng akala pero nakita ko kasi kung paano ka tumingin kanina.”
Napakunot ako ng noo. Hindi ko kasi
alam kung kailangan ko siyang pagkatiwalaan.
“Okey. Sorry. Mali nga ako ng
akala. Nice meeting you.”
Umiba na siya ng direksiyon. Parang
bigla na naman ako nataranta. Paano kung siya na nga at ito lang yung chance na
magkrus ang aming landas?
“Sandali.” Tawag ko. Hindi siya lumingon.
“Raymond! Wait!”
sigaw ko. Huminto siya sa paghakbang. Lumingon at ngumiti at kinindatan niya
ako. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Niyaya ko siya sa bahay. Our sex
was great. Nagawa niya ang hindi nagawa ni Mark sa akin noon. Niroromansa niya
akong parang babae. Hinahalikan niya ako sa buong katawan maliban sa isubo ako.
Hindi daw niya muna kaya pero sapat na sa akin na pinaliliguan niya ang buo
kong katawan ng nakakakiliti at masarap niyang halik. Iyon para bang sinasamba
niya ang buong katawan ko habang niroromansa niya ako. Hindi ko alam kung
kababawan ngunit dahil doon ay nakuha niya ang kiliti ko.
Iba ang kuwento ng buhay ni
Raymond. Pinag-aral siya sa Maynila ngunit nabarkada hanggang tuluyang
nadrop-out sa pinapasukang university. Nalaman iyon ng kaniyang mga magulang
kaya itinigil ang pagpapadala sa kaniya ng allowance niya dahil sa inuman lang
naman nauuwi. Nang araw na nakilala ko siya ayon sa kaniya ay pinalayas siya ng
kaniyang inuupahang kuwarto dahil wala na siyang maibayad.
“Could I stay here for a couple of
days? Maghahanap muna ako ng trabaho?”
“Sure. Hindi naman kita pinaalis
ah. Lalo na’t wala din naman akong kasama dito sa bahay.”
“Thanks. Ayaw ko lang munang uuwi
sa probinsiya.”
“E, di dumito ka na muna habang
naghahanap ka ng trabaho.”
“Salamat Cylde.” Niyakap niya ako.
Nagsimula na naman siyang halikan ako. Nilalabas niya ang kaniyang dila na para
bang kinikiliti nito ang pang-itaas kong labi hanggang sa maglalakbay ang
kaniyang dila sa aking leeg at magagawi sa aking dibdib. Didila-dilaan niya ang
aking utong habang nilalaro niya ang aking alaga. At kung tuluyan na akong
tinitigasan ay saka bababa ang kaniyang dila sa aking tiyan hanggang dadaan ito
sa aking mga hita. Muli niyang idadaan ang kaniyang dila sa aking tagiliran
hanggang sa muli niyang lalaruin ang aking utong. At pagkatapos noon ay ako na
ang parang nagwawala sa kakaibang sarap na pinalalasap niya. Ako ang magiging
agresibo. Ako ang iibabaw sa kaniya at gagawin ko naman sa kania ang kaniyang
ginagawa. Isusubo ko siya ng buum-buo habang nilalaro niya ang aking alaga.
Saka niya ako sasabihan kung malapit na niyang marating ang tugatog ng sarap
para sabay naming itong mararating habang matiyaga niyang hintayin ang aking
pagsuko. Siya sa aking bunganga at ako sa kaniyang mga kamay.
Naging masaya kami sa
mga sumunod na araw. Nakahanap ako ng trabaho bilang Call center agent. Malaki ang sahod dahil kilalang call center
ang aking napasukan. Iyon nga lamang ay sa gabi ako pumapasok. Maiiwan ko siya
sa gabi at sa madaling araw na ako nakakauwi. Nang unang mga Linggo ay puwede
ko lang siyang gisingin para ipaghain niya ako. Pagkatapos niya akong ihainan
ng pagkain ay katawan niya naman ang kaniyang inihahain sa akin. Nakakaya ko pa
namang gawin iyon dahil mas mabilis na akong makatulog dahil sa pagod sa
trabaho at sarap ng aming pagtatalik.
Pangatlong buwan na
nang sa madaling araw ay umuuwi akong naabutan ko siyang lasing na lasing at sa
sofa na lamang siya nakakatulog. Inaakay ko na lamang siya sa kama. Bumabawi
din naman siya bago ako pumasok sa trabaho sa gabi. Hindi ko na siya naringgan
na naghahanap siya ng trabaho. Hindi ko alam kung balak ba niya talaga magtrabaho
o nasasarapan na siya sa buhay na ibinibigay ko. Sa akin, wala naman akong
problema sa ganoon basta ba ibigay din niya ang hilig ng katawan kong tanging
siya lamang ang nakapagbibigay. Sa ilang buwan naming pagsasama ay alam kong
minahal ko siya. Tuluyan nang nawaglit sa isip ko si Mark. Nandito na si
Raymond. Wala akong kahati, wala akong kinatatakutan na kasiping o kasama niya
sa tuwing hindi kami magkasama. Naniwala ako noon na dumating na nga ang taong
para sa akin. Hindi man siya nagtratrabaho, hindi ko man siya maipagmamalaki sa
aking mga kaibigan ngunit sapat na na masaya ako sa piling niya.
“Mako, pwede bang
dito na lang kami mag-inuman ng mga tropa ko mamaya?” tanong niya sa akin bago
ako pumasok sa trabaho. Siya ang namili ng tawagan namin. Mako. Shortcut daw ng
Mahal Ko. Kinikilig pa din ako sa tuwing tinatawag ako ng ganoon. Sweet kaya.
“Sige, dito na lang
kayo basta behave lang Mako ha?”
“Oo naman. Mag-aapat
na buwan na tayo Mako. Wala ka pa bang tiwala sa akin?”
“Nagtitiwala naman
ako sa’yo pero syempre hindi ko pa naman ganoon kakilala ang mga kaibigan mo.”
“Basta Mako. Ako ang
bahala. Wala kang dapat ikatakot. Pahalik nga ako sa Mako ko?”
“Mwah! Sarap!” saka
niya ako kikilitiin hanggang sa hindi ako makahinga.
Hanggang parang
naging palagian na ang pagtambay ng kaniyang mga tropa sa aking bahay. Hindi
ako nagreklamo. Wala siyang narinig sa akin. Lalo pa’t nililinis naman niya ang
kanilang mga pinag-inuman. Basta ang mahalaga sa akin ay ako lang ang
karelasyon niya at wala ng iba pa. Nag-iiwan ako ng pantoma nila pati
pampulutan basta huwag na huwag siyang aalis ng bahay.
Dahil sa kaniyang
pagmamahal ay ipinagkatiwala ko ang lahat-lahat sa kaniya. Alam niya din kung
saan ko inilalagay ang aking kaperahan, atm at iba pang mga mamahaling gadget
ko. Dahil ni singko naman ay hindi niya ginagalaw ay nagiging kampante ako.
Minsan nga dahil sa pagod ko at wala na din akong oras na maggrocery at
mamalengke ay siya na din lang ang naglalabas ng pera sa atm ko. Naibibigay
niya sa akin ang pera na walang kulang kasama ng resibo ng kaniyang mga
pinamili. Noon ay alam kong siya na nga ang lalaking para sa akin. Ang lalaking
siya kong mamahalin habang buhay.
Hanggang isang
madaling araw na umuwi ako galing sa trabaho ay nakabukas na ang bahay. Hindi pa din ako naniniwala noon na nagawa sa
akin ni Raymond ang bagay na iyon sa akin. Nalimas na lahat ng gamit ko, lahat
ng naiwang cash sa aking pinaglalagyan at pati ang atm ko na iniwan ko sa
kaniya dahil sinabi niyang kailangan niyang maggrocery para sa pagkain namin ng
buong Linggo ay tuluyan na din niyang nilimas. Hindi na niya pinatawad pati ang
mamahalin kong mga damit, sapatos at gadgets. Nilimas ng pangalawang lalaking
minahal ko at pinagkatiwalaan ang aking mga gamit. Nanghina ako noon. Nang una
ay hindi ko magawang umiyak dahil sa pagkabigla. Naupo ako sa sahig. Nanginig ang tuhod ko at nanlamig ang buo
kong katawan. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang luhang umagos sa aking
pisngi. Umiyak ako dahil ganoon ang sukli niya sa tiwalang ipinagkaloob ko sa
kaniya. Tiwala at pagmamahal ang isinugal ko pero iyon pa ang ganti niya sa
akin. Nasaktan ako ng sobra-sobra at ipinangako ko sa aking sariling hindi ko
na hahayaang mahulog pa sa isang straight. Mahirap ngunit sinikap kong muling
tumayo sa sarili kong mga paa.
Dahil sa mga
nangyaring iyon ay natutunan kong umiwas na muli pang magkagusto sa mga
straight. Madami naman ang nagkakagusto sa akin lalo na sa mga katrabaho ko
ngunit pihikan lang siguro talaga ako lalo na kung mas bakla pa sa akin ang nagkakagusto.
Turn-off ako sa kilos beki o kaya ay boses kiki. Kahit pa gaano kaguwapo kung
halatang-halata ang kaniyang kabaklaan ay hindi ko talaga mapilit ang sarili
kong magustuhan. Ngunit nakikipaglaro ako. Naghahanap ng por-kilo. Puwedeng
makipag- one night stand pero huwag muna sa relasyon. Hindi na muna ako
nangmahal ng basta-basta. Iwas ako sa straight. Gusto kong masubukan sa mga
paminta. At higit isang taon mula nang nagawan akong pagnakawan ni Raymond ay
may dumating na namang bago sa buhay ko.
No comments:
Post a Comment