Sunday, January 27, 2013

Nabuko Ako ng Kaibigan Ko

Nabuko Ako ng Kaibigan ko
By: Jack Kulit
Part 1 at Part 2 (Las Part)


[Part 01]
Nasa third year high school pa lamang ako nang malaman ko na hindi ako isang ganap na lalaki. Nalaman ko noon na bi pala ang tawag sa mga katulad ko. Aminado naman akong may mga naging girlfriends ako sa high school at nang simula kong maramdaman ang pagkaakit ko sa kapwa ko lalaki ay may nakarelasyon akong isa. Pero walang sex na nagyari sa amin. Puro kissing lang at nagbabatian lang kami ng burat. Takot kasi akong makipagsex sa kapwa ko lalaki ng mga panahong iyon.

 Fourth year high school na ako nang makilala ko si Xander na kabilang sa ibang section sa aming school. Foundation day namin noon nang maging magka-team kami sa basketball. Bumuo kasi kami ng isang team ng mga fourth year na lalaban sa mga third year. Naging team mates kami ni Xander at dun nag-umpisa ang aming pagiging magkaibigan kahit di kami magkaklase.

Si Xander ay solong anak at di mayabang kahit medyo may kaya sila sa buhay. Madalas ay siya lang mag-isa sa bahay nila at ang tiyahin niya na kapitbahay nila ang tumitingin sa kanya sa tuwing wala ang kanyang mga magulang. May maliit na business kasi ang mga magulang niya sa Novaliches dahil taga roon ang kanyang ama. Kalimitan ay weekly na kung umuwi ang kanyang mga magulang at kung minsan ay mas madalang pa. Kaya si Xander ay sanay sa buhay na walang kasama…walang magulang at walang kapatid. Kaya nang maging magkaibigan kami ay nagkaroon siya ng parang kapatid na rin dahil halos araw-araw ay nandoon ako sa kanila. Nadadaanan kasi namin sa pag-uwi ang bahay nila at mga tatlong bloke mula doon ay ang bahay naman namin.
Kung ikukumpara ako kay Xander ay di hamak na lamang siya…sa itsura, sa height, sa katayuan sa buhay, sa kulay ng balat. Masasabing gwapo si Xander at matangkad sa height na 5’11”. Matangos ang kanyang ilong, medyo may pagka-singkit ng kaunti ang mata, clean cut ang buhok, mamula-mula ang pisngi at kutis. Para nga siyang Koreano eh. Kasi nga naman ay di naman siya napapabayaan pagdating sa mga pangangailangan nya sa kanyang sarili dahil may kaya sila.
Hindi naman sa pagyayabang ay may isang bagay lang ata na lamang ako sa kanya…sa talino. Kabilang kasi ako sa cream section sa fourth year. Hindi man ako ka-gwapuhan gaya ni Xander ay hindi naman ako pangit. Hindi rin naman kami mayaman pero nakakaraos naman kami. May trabaho naman kasi ang aking tatay at may maliit na tindahan sa harap ng aming bahay ang aking nanay. Sapat na ito upang makapag-aral kaming tatlong magkakapatid. Ako kasi ang panganay at ang dalawa kong mga kapatid ay nasa elementary pa lamang.
“Vincent! Saan ka pupunta?” tanong ni Xander sa akin nang makita akong napadaan sa harap nila. “Pupunta lang ako ng bayan sandali at may pinapabili si nanay,” sagot ko. “Daan ka mamaya dito ha at dito ka magmeryenda at may sasabihin ako sa iyo,” pahabol pa niya. Tumango lang ako at umalis na rin.
Kumatok ako sa gate nina Xander para nga maki-meryenda at alamin kung ano ang sasabihin niya sa akin. Binuksan niya ang gate at doon ako sa veranda naupo habang inihahanda ang meryendang pansit na niluto daw ng kanyang tita. Habang kumakain ay tinanong ako ni Xander kung tuloy daw ba na Engineering ang kukunin kong kurso. Napagkwentuhan na kasi namin noon na parehong Engineering ang gusto naming kuning kurso sa kolehiyo. Malapit na kasing magtapos ang klase kaya natanong niya ako. “Hindi ko pa alam eh. Tatanungin ko muna sina nanay at tatay tungkol diyan,” ang sabi ko. “O sige pero sana ay pumayag sila para naman magkapareho tayo ng school,” ang sabi niya habang nagkakamot ng ulo. Ang ibig siguro niyang sabihin ay sayang naman kung di ako matutuloy sa plano namin. Maganda rin naman kasi kung magkasama kami para hindi kami mahirapan. Iba rin kasi kung may kaibigan ka na kasama mo sa kolehiyo.
Ang saya ko nang pumayag ang mga magulang ko na kunin ko ang kursong gusto ko. Natuwa rin si Xander nang malaman niya ito. Kaya’t pagka-graduate ay pinlano namin kung kailan kami mag-eenrol sa kolehiyo.
Umupa kami ni Xander ng isang kuwarto malapit sa aming school para di na kami mahirapan pa sa pamasahe. Naghati rin kami sa upa sa kuwarto. Mas lalo kaming naging close ng aking kaibigan lalu pa’t araw-araw na kaming magkasama. Minsan ay lumalabas kami para gumimik. Nagpupunta sa mga bar, nanonood ng sine at minsan ay umiinom ng kaunti sa aming kuwarto. Kahit na bi ako ay hindi ko kailanman pinagnasaan ang kaibigan ko. Siguro mas nagingibabaw sa akin ang pagkakaibigan namin. Kahit ngayong magkasama kami sa kuwarto ay di ko pa rin iyon iniisip. Isa pa, wala siyang kaalam-alam sa pagkatao ko. Natatakot akong iwasan niya ako kung malaman niya. Mas masasaktan ako siguro kung ganun.
Masaya ang naging buhay namin ni Xander bilang mga estudyante. Hanggang umabot kami ng third year college ay di pa rin kami nagkasawaan sa mga ginagawa namin ng paulit-ulit. Oo at nagkaroon kami ng iba pang mga kaibigan at barkada ngunit di pa rin nagbabago ang pagkakaibigan namin. Nagsasabihan kami ng sama ng loob, ng mga problema, ng mga gawain sa school, ng mga babae na naging girlfriend namin, at kung anu-ano pa. Sa kasalukuyan ay may girlfriend si Xander at nakilala ko na siya. Minsan ay isinasama pa niya ito sa tinitirhan namin. Ako naman ay walang grlfriend sa kasalukuyan dahil kaka-break lang namin mga isang buwan na ang nakakaraan.
Hanggang isang araw ay may nakilala akong estudyante rin sa school. Nang minsan kasing magpunta ako ng library ay may nakitabi sa akin dahil wala ng ibang maupuan. Umupo siya sa bandang harapan ko at nung una ay hindi ko siya tinignan. Nang iangat ko ang aking ulo ay napansin kong isang guwapong lalaki. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Mas lalong lumutang ang kanyang kaguwapuhan nang ngumiti siya dahil sa kanyang kambal na dimples.
“Ang hirap mag-research no?” wika ng lalaki. Sumagot naman ako at sinabing, “oo at ang dami pang pinapagawa ng professor ko”. Pagkatapos noon ay iniabot niya ang kanyang kamay at nagpakilala sa akin. Siya daw ay si Zedrick, fourth year sa kursong HRM. Nagkasabay kaming lumabas ni Zedrick sa library at doo’y nagkakwentuhan kami habang pababa sa first floor. “O sige Vincent mauuna na ako. Nice meeting you,” pagpapaalam ni Zedrick. Muli niyang inabot ang kamay ko upang makipagkamay. Nang mahawakan niya ang kamay ko ay hinawakan niya ito ng mahigpit at waring tinusok ng isa niyang daliri ang palad ko ng ilang beses. Nagulat ako dahil alam ko naman ang ibig sabihin ng ginawa niya. Tumalikod na siya at umalis.
Hindi maalis sa isip ko ang ipinahiwatig ni Zerick sa akin. Bakla kaya siya or bi din? Sa totoo lang ay may itsura siya. May pagkahawig nga siya kay Joko Diaz. Ang ganda ng kanyang kilay, ilong at ang kulay ng balat nito ay kayumanggi.
Isang araw habang naglalakad ako sa may pathway ay may tumawag sa akin. Si Zedrick pala. “Saan ka pupunta?” tanong niya. Sabi ko ay uuwi na ako. Ang gwapo nga ni Zedrick lalu na bagay sa kanya ang suot niyang uniporme na kulay puti at may lining na kulay grey sa leeg at braso. “Gusto mo kain muna tayo sa canteen? Don’t worry it’s my treat,” sabi niya. Pumayag naman ako dahil maaga pa naman at isa pa ay wala pa naman si Xander sa bahay. Sigurado ako na pinuntahan pa niya ang kanyang girlfriend.
Madami kaming napagkwentuhan ni Zedrick lalu na tungkol sa kanya. Nasa edad 21 na daw siya at may tangkad na 5’7”. Halos magsingtangkad lang pala kami. Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya ay nabuo sa akin ang paghanga. Siguro ay type ko siya.
Nasundan pa ng ilang beses ang pag-uusap namin ni Zedrick at naging magkaibigan na rin kami. Hindi pa nga lang ako nabibigyan ng pagkakataon na ipakilala siya kay Xander dahil hindi pa nag-krus ang kanilang landas.
Minsan habang pauwi na naman ako ay tinawag ako ni Zedrick. As usual magku-kwentuhan muna daw kami bago umuwi. Sabi ko kung pwedeng habang naglalakad na lang kami ay doon na kami magkwentuhan para maaga kami makauwi. Hindi rin naman kasi kalayuan ang tinitirhang boarding haouse ni Zedrick mula sa tinitirhan namin. Yun nga lang ay apat daw sila sa isang kwarto di gaya sa amin na dalawa lang kami. Sa aming paglalakad ay napansin kong balisa si Zedrick at mukhang may gusto siyang ipahiwatig. “May gusto ka bang sabihin tol?” pag-uusisa ko. “Oo sana tol eh kaso nahihiya ako,” mahina niyang tugon. “Sige na huwag ka ng mahiya at kung kaya ko naman ay tutulungan kita,” sabi ko.
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan bago nagsalita si Zedrick. “Tol wag ka sanang magalit sa sasabihin ko ha. Gusto kong malaman mo na gusto kita. Oh wag kang magtaka kasi bi ako. Huwag ka sanang magalit,” ang pagtatapat niya habang nakayuko at di makatingin sa akin. Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko. Ang hindi niya alam ay tuwa ang naramdaman ko sa sinabi niya. “Tol alam mo bang may gusto rin ako sa iyo? Matagal ko na itong nararamdaman kaso kagaya mo natakot akong sabihin sa iyo baka magalit ka. Yup bi din ako,” ang buong tapang kong sinabi. Tumingin siya sa akin at pigil ang ngiti na nagsabing, “ha?! you mean pareho pala tayo ng nararamdaman? Hahaha para pala tayong sira na hind nagsasabi ng nararamdaman gayong gusto pala natin ang isa’t isa”.
Malapit na kami sa gate ng aming tinitirhan at nagpaalam na ako sa kanya. “Hindi mo ba ako papapasukin man lang?” ang tanong niya. Kinabahan ako baka kung ano ang magawa ko gayong alam na namin ang nararamdaman namin sa isa’t isa. Pinapasok ko siya sa kuwarto namin at inalok ng softdrfinks. Aktong lalabas ako para bumili ng softdrinks ay hinawakan niya ako sa balikat. Natigilan ako at nakiramdam sa susunod niyang gagawin. Walang kaming kibuan at naghihintay sa susunod na mangyayari. Hinila niya ako paharap sa kanya at tinitigan ang buo kong mukha. “Gusto mong try natin?” ang diretso niyang tanong. Yumuko lang ako at di nakasagot. Iniangat niya ang ulo ko at dahan-dahang inilapat ang kanyang mga labi sa mga labi ko. Napapikit ako nang magdampi ang maiinit naming mga labi. Ginantihan ko ang kanyang halik na lalong nagpaliyab sa aming mga nag-iinit na kalamnan. Nagsimulang mag-away ang aming mga dila. Dinilaan niya ang aking tenga at batok. Ang sarap ng ginagawa niya. Hinubad niya ang aking damit at hinimas ang aking dibdib. Inumpisahan niyang dilaan ang aking mga utong at napaliyad ako sa sarap. “Oooohh shit! Sige paaaahh Zedrick…wag mong tigilan,” pagsusumamo ko sa kanya. Lalu niyang pinagbuti ang kanyang ginagawa hanggang bumaba siya hanggang sa aking puson. Sabi ko sa sarili ko ay malapit na siya sa pinaka-gusto kong mangyari…ang isubo niya ang aking burat. Ibinaba niya ang aking pantalon at itinira ang brief. Halatang tigas na tigas na ang aking burat at bakat na bakat ito. Inamoy-amoy niya ito at kinagat ang gilid. Nang hindi na makapgpigil si Zedrick ay hinubad na rin niya ang brief ko at walang habas na isinubo ang aking batuta. Para akong mababaliw sa ginagawa niya. Ang sarap pala ng pakiramdam ng tsinutsupa. Napasigaw ako ng ungol ng isagad niya ang burat ko sa lalamunan niya. Hindi naman sa nagyayabang ako ay medyo may kalakihan kasi ang sandata ko. Ngunit nakaya ni Zedrick na i-deep throat ako nang hindi man lang siya nahirapan. Naisip ko tuloy na sanay na siya sa pag-bj. Dinilaan niya ang mga balls ko paakyat sa ulo ng aking burat. Tiyak ko na nalalasahan na niya ng precum ko ahil kanina pa may lumalabas nito.
Bigla siyang tumayo at sinabing siya naman daw ang i-bj ko. Kahit di ako sanay sa ganun ay tumalima naman ako at lumuhod na ako sa kanyang harapan. Ibinaba na niya lahat ng suot niya at isinampal sa magkabila kong pisngi ang naghuhumindig niyang alaga. Malaki-laki rin pala ang sa kanya sabi ko sa sarili ko. Inumpisahan ko itong susuhin at laruin ng aking dila. Pati ang pinaka butas nito ay dinilaan ko na siya namang nagustuhan niya. Di ko kayang mag-deep throat kaya’t kung hanggang saan lang ang kaya ko ay iyon ang ginawa ko. Mahaba ang pagblow job na ginawa ko dahil gustong-gusto ko na nasa bibig ko lang ang burat niya.
Hinawakan niya ako sa ulo at sinabing malapit na daw siyang labasan. “Sige isubo mo paaahhh…malapit naaahhh…oooohhhh ayan naaaahhhh,” ang mga ungol niya. At pumulandit nga sa loob ng aking bunganga ang kanyang tamod na napakalapot at napakasarap. Wala akong nagawa kungdi lunukin ito at walang itira. Parang gusto kong masuka ngunit kinaya ko iyon. Nagtaka si Zedrick kung bakit ko raw nakayang lunukin ang katas niya. Di ako sumagot at sa halip ay ako naman ang tumayo at nagbati sa harap niya. Pinaupo ko siya sa kama sa harapan ko at sinuso niyang muli ang burat ko. Nang maramdaman kong malapit na rin akong sumabog ay hinila ko ang aking burat at pinalabas ang katas ko sa mukha niya. Tumalsik ito sa kanyang labi, sa noo, sa ilong at maging ang talukap ng mata niya ay nalagyan. Dinilaan niya ang tamod na natapon sa kanyang labi at nilasahan ito. Isinubo niyang muli ang aking burat upang simutin ang tamod pang natitira sa ulo nito.
Nakasubo pa sa kanyang bibig ang tarugo ko nang biglang bumukas ang pinto. Tang-ina!!! si Xander! Nagulat ako sa nangyari. Nakita niya kami ni Zedrick sa malaswa naming ginagawa. Nabigla si Xander sa kanyang nakita at di nakapagsalita. Isinarado niyang muli ang pinto at lumabas siya. Nagbihis kami ng mabilis ni Zedrick at tinangka kong habulin si Xander ngunit di ko na siya inabutan.
Nakaalis na si Zedrick ngunit di pa rin ako mapakali. Ano ba itong nagawa ko at nagkaganito? Hiyang-hiya ako sa kaibigan ko. Ano na ngayon ang mangyayari sa samahan namin? Lalayuan kaya niya ako? pandidirihan? iiwanan? Gulong-gulo ang isipan ko. Ang isa pang inaalala ko ay baka isumbong niya ako sa amin. Patay ako pag nagkaganoon. Oh no ano itong nangyari sa akin?
Malalim na ang gabi ay wala pa rin si Xander. Nakaupo lang ako sa gilid ng higaan ko at nag-iisip…hinihintay ang pag-uwi niya. Narinig ko na may paparating at agad kong binuksan ang pinto. Si Xander nga iyon. Tuloy-tuloy lang siya sa kanyang higaan at di man lang ako pinansin. Umupo siya sa kanyang higaan ng nakatalikod sa akin. Parang naghihintay ng sasabihin ko. Hindi ko maibuka ang aking bibig at di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Nilakasan ko ang aking loob at nagsalita na rin ako, “tol pasensiya ka na sa nakita mo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito sa iyo. Pasensiya ka na rin kung bakit dito pa namin ginawa. Matagal ko na sanang gustong sabihin sa iyo na bi ako pero di ko magawa dahil baka iwasan mo ako”. Di pa rin siya umiimik pero alam kong nakikinig siya. “Sana lang ay huwag mo akong isusumbong sa atin dahil ikamamatay ko iyon. Sana tol ay matanggap mo pa rin ako kahit ganito ako. Hindi ko ginustong maglihim sa iyo ngunit napilitan ako dahil baka mawala ang friendship natin,” ang paulit-ulit kong sinabi. Humiga si Xander at di pa rin ako pinansin. Wala siyang sinabi ni isang salita at di man lang ako tiningnan.
Halos magdamag akong di nakatulog dahil sa nangyari. Pasulyap kong tinitignan ang kaibigan ko sa kanyang higaan at baka nakatingin din sa akin. Ngunit tiniis talaga ni Xander na hindi ako kausapin. Mababaliw ata ako sa nangyari. Ano ang gagawin ko? Matatapos na kaya ang aming pagkakaibigan? Huwag naman sana dahil iyon ang pinaka ayaw kong mangyari. Mapatawad at maintindihan sana ako ni Xander… (Abangan ang Part2)


[Part 02]
Ilang araw na akong malungkot, balisa at nagtatanong ng mga bagay-bagay tungkol sa nangyari sa pagkakaibigan namin ni Xander.  Masakit isipin na ang kaisa-isa kong bestfriend ay hindi ako kinikibo ng mga ilang araw na ngayon.  Batid kong galit sa akin si Xander.  Ramdam ko iyon dahil sa tagal na naming magkakilala, alam ko na ang ugali nya.  Ano ba ang gagawin ko ngayong sa tingin ko ay winasak ko ang aming magandang samahan?  Kung maibabalik ko lamang ang panahon ay hindi ko sana ginawa ang nangyari sa amin ni Zedrick.  Mas nanaisin kong maging maganda ang samahan namin ng kaibigan ko kaysa mapagbigyan ang tawag ng aking laman.
Nakaupo ako malapit sa aking kama at gumagawa ng aking assignment nang biglang dumating si Xander.  "Kumain ka na ba, Xander?" tanong ko.  Di sya sumagot at sa halip ay tinungo ang kanyang cabinet at naglabas ng damit para magbihis.  Nabigla ako nang bigla syang maghubad sa harapan ko at tanging brief lang ang kanyang itinira.  Napatingin ako sa mukha nya at nakita ko ang galit at panlilisik ng mga mata nya.  Noon ko lang nakita na nagalit ng ganon ang kaibigan ko.  Isa pa, hindi nya dating ginagawa ang maghubad sa harap ko.  Hindi kasi namin iyon gawain dahil hindi namin nakasanayan.

            Itinuloy ko ang paggawa ng aking assignment pero hindi doon nakatuon ang aking isipan.  Sa halip ay pinakikiramdaman ko ang bawat kilos ni Xander.  Lumabas sya ng kwarto pagkatapos magbihis.  Naisip ko na may pupuntahan sya dahil nakabihis syang panlakad.  Wala pa ring binitiwang salita si Xander hanggang sa sya ay makaalis.  Gusto kong maiyak sa sitwasyon namin ng kaibigan ko.  Magsisi man ako ay wala na akong magagawa.  Hindi ko mapigilang sisihin ang aking sarili dahil sa mga nangyayari.

            Kinaumagahan, wala pa rin sa kanyang higaan si Xander.  Hindi sya umuwi magdamag.  Nag-alala akong bigla sa kaibigan ko.  Tinext ko sya upang tanungin kung nasaan sya.  As usual, wala akong sagot na nakuha.

            Maging sa loob ng klase ay natutulala ako.  Nag-iisip at nakatingin sa kawalan.  Isang linggo na akong di kinikibo ni Xander.  Hindi ko na ito kaya.  Napagdesisyunan ko na kausapin ko sya pag-uwi ko.

            Nang hapong iyon ay nagkasabay kami ni Zedrick sa paglabas sa gate.  Halatang nahihiya sya sa akin.  "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong nya sa akin.  Niyaya ko sya sa isang parke na malapit lang sa aming unibersidad.  Naupo kami sa isang park bench... tahimik at naghihintay sa sasabihin ng bawat isa.  Nagtagal ang katahimikan hanggang ako na ang bumasag nito, "Ano ang pag-uusapan natin?"  Isang mahabang buntong-hininga ang kanyang binitawan bago nagsalita, "Gusto ko sanang mag-sorry. Alam kong nagkalabuan kayo ng kaibigan mo dahil sa akin. Kasalanan ko ito, kung di sana ako naging mapusok ay di ito mangyayari."

            Hindi ako kumibo at hindi ko rin sya tiningnan... nag-iisip ng aking sasabihin.  Humarap ako kay Zedrick at sinabing, "kasalanan ko rin naman eh. Kung di ako pumayag edi hindi sana nagkaganito. Pero nangyari na 'to eh, wala na tayong magagawa."  Ipinatong ni Zedrick ang kanyang kanang kamay sa kaliwa kong kamay na nakahawak sa aking hita at sinabing, "hiling ko na magkaayos na kayo ni Xander para maging ok na rin tayo."  Tiningnan ko ang mga mata ni Zedrick at hinahagilap ang sinseridad sa mga ito.  Alam kong totoo ang kanyang mga sinabi.  "Batid mo na mahal din kita. Nung una pa lang tayong nagkita ay naramdaman ko na iyon ngunit sa tingin ko ay hindi tama na ipagpatuloy pa natin ito," paliwanag ko sa kanya.

            Matagal ang naging pag-uusap namin ni Zedrick.  Sinabi ko sa kanya na mas gugustuhin kong maging maayos kami ni Xander kaysa ipagpatuloy namin ang aming relasyon.  Alin man ang piliin ko, tiyak na masasaktan ako.  Ngunit mas matimbang sa akin ang aking bestfriend.  Handa kong isakripisyo ang nararamdaman ko kay Zedrick bumalik lang ang dating samahan namin ni Xander.

            Mapilit si Zedrick.  Sinabi nyang tutulungan pa nya akong kausapin si Xander upang magkaayos kami.  Hindi ako pumayag.  Buo na ang desisyon ko na i-give-up sya.  Paulit-ulit ang naging dahilan ko sa kanya.  Hindi nya nakuhang baguhin ang aking pasiya.  Malungkot ang aming paghihiwalay ngunit alam kong ito ang nararapat.

            Matagal kong hinintay sa mesa si Xander upang kumain.  Alas-otso na ay hindi pa sya dumarating.  Nawalan na rin ako ng ganang kumain.  Itatabi ko na sana ang pagkain nang bigla syang dumating.  "Xander halika kain na tayo. Eto bumili ako ng paborito mong ulam, kare-kare," anyaya ko sa kanya.  Tumingin lamang sya sa akin ng saglit at tumuloy na sa kwarto.  Hinabol ko sya sa pagpasok at lakas loob kong sinabi, "Xander please naman kausapin mo ako. Kaibigan mo pa rin naman ako di ba? Kung galit ka sa akin sabihin mo. Ipagsigawan mo sa mukha ko ang galit mo at tatanggapin ko ito. Hindi yung ganito na basta mo na lamang ako tinatalikuran at hindi kinakausap. Alam kong kasalanan ko ang lahat. Pero gusto kong malaman mo na pinagsisisihan ko ang nangyari. Hindi ko ginusto na magkaganito tayo. Patawarin mo ako kung hindi ko inamin sa iyo ang totoo kong pagkatao. Patawarin mo rin ako kung dito ko pa ginawa ang kalaswaan namin. Pero sa maniwala ka at sa hindi, mas gugustuhin kong maging maayos tayo gaya ng dati kaysa kami ni Zedrick. Tinangka kong ipakilala sya sa iyo noon ngunit hindi ako nabigyan ng pagkakataon," paliwanag ko. "Bakit?! Kung nagkaroon ka ba ng pagkakataon ay ipakikilala mo sya sa akin bilang karelasyon mo?" galit nyang tanong.

            Natigilan ako sa kanyang sinabi.  Oo nga't tama sya.  Binalak ko lang syang ipakilala bilang isang kaibigan.  Umiling lang ako habang nakayuko.  "Kita mo na? At balak mo pang lokohin ako? Ako na kaibigan mo!" galit pa rin nyang nasabi.  Mahaba ang aming naging paliwanagan.  Hindi ko alam kung paliwanagan pa yun o nag-aaway na kami.  Mataas ang kanyang boses sa bawat sagot nya sa mga sinasabi ko.  Hindi ko namalayang nagsimula ng pumatak ang aking luha.  Luhang hindi dulot ng pagsigaw nya sa akin kundi ng katotohanang nadarama ko na parang wala ng pag-asang magkaayos kami.

            Hindi ko inaasahan ang mga sumunod nyang sinabi, "Kapag nandito tayo sa bahay hindi mo ba ako pinagpapantasyahan? Kaibigan ba ang tingin mo talaga sa akin o may bahid ng kalaswaan? Paano ako nakakasiguro na hindi mo ako sinisilipan? Ito ba? Ito lang ba ang hanap mo?"  Kasabay ng galit na iyon ay pwersahan nyang binuksan ang kanyang suot na uniporme hanggang malaglag sa sahig ang ilang butones nito.  Itinambad nya sa harapan ko ang kanyang katawan at sabay pang ibinaba ang kanyang suot na pantalon hanggang ang brief na lamang nya ang naiwan.  "O ayan masaya ka na? Ito lang ang gusto mo di ba?" habang itinuturo ang kahubdan ng kanyang katwan.

            Mas lalong umagos mula sa mga mata ko ang luha dahil sa ginawa nya.  Bakas sa mga nagngangalit nyang mata ang pangingilid ng luha.  Patunay lang ito na labis ang sakit na naidulot ko sa kanya.  Hindi lang dahil sa doon ko ginawa ang kalaswaan ko ngunit higit sa lahat ay ang pagsisinungaling ko sa kanya.  Alam kong masakit sa isang kaibigan na malaman mong may inilihim sya sa iyo.

            "Oo!!! Inaamin ko mahal kita!!! Ano ang magagawa ko kung bi ako? Hindi ko ito ginusto at hindi ito isang sakit na pwedeng mawala kapag uminom ako ng gamot! Ang malaking pagkakamali ko lang ay hindi ko ito sinabi sa iyo. Hindi ko man ito sinabi sa iyo ay di dahil ginusto kong maglihim sa iyo kundi dahil natakot ako... natakot akong lumayo ka sa akin... natakot akong pandirihan mo ako... natakot akong mawala ang bestfriend ko. Matagal na kitang mahal ngunit mas pinili kong isantabi ito kasi mas mahalaga ka sa akin bilang isang kaibigan," bulalas ko sa kanya.

            Umupo ako sa gilid ng kama at tinakpan ng aking mga palad ang aking mukha habang patuloy ang aking pag-iyak.  Nakaupo na rin sya sa kabilang gilid ng kama at marahang nagsalita, "nasaktan ako... galit ang naramdaman ko. Alam mo bang nung makita ko kayo sa ginagawa nyo ni Zedrick ay gusto kong sumigaw sa sakit na naramdaman ng kalooban ko. Ang sakit pala na makita mong may ibang kasalo sa ligaya't sarap ang taong mahal mo."

            Napabaling ang tingin ko sa kanya at sya naman palang pagbaling din nya sa akin. Wala akong ibang naibulalas kundi, "ang ibig mong sabihin..."  Agad nyang pinutol ang aking sinasabi, "Oo Vincent, mahal kita. Kaibigan kita pero batid kong may higit pa akong nararamdaman bukod doon. Itinago ko ito dahil kagaya mo natakot akong baka masira ang pagkakaibigan natin. Ayaw kong mawala sa akin ang taong naging karamay ko sa maraming bagay... sa maraming problema... sa bawat saya... sa lahat ng aking tagumpay at kabiguan."

            Lumapit sya sa akin at itinayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama.  Niyakap nya ako.  Isang mahigpit at mainit na yakap.  Ginantihan ko ang kanyang ginawa.  Muli akong lumuha.  Ngunit sa pagkakataong ito ay luha ng galak na dulot ng pagkakaayos naming magkaibigan.  Kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na babaligtad ang lahat ng bagay tungkol sa amin ni Xander.  Sinong mag-aakala na sa ilang taon na naming magkaibigan ay pilit naming ikinukubli ang aming nararamdaman dahil sa takot na mawala ang isa't isa.

            Kasunod ng mga mahigpit na yakap ay ang pagdadampi ng aming mga labi.  Halik na nagpapahiwatig ng pagsang-ayon namin sa init ng damdamin na bigla naming naramdaman.  Ngunit para sa akin ay hindi lamang ito puro pagnanasa ng katawan kundi alab ng pagmamahal.  Ngayong batid namin na mahal namin ang isa't isa, sino ang makakapigil sa amin.

            Mainit ang mga sumunod na tagpo sa loob ng aming silid.  Dahan-dahan nyang hinubad ang aking suot na damit hanggang underwear na lang ang natitira naming saplot sa katawan.  Inihiga nya ako sa kama at pumatong sya sa akin.  Patuloy ang aming halikan.  Walang paglagyan ang ligayang nadarama ko sa mga sandaling iyon.

            "Mahal kita Vincent, mahal kita," ang paulit-ulit nyang ibinubulong sa akin.  "Mahal din kita Xander," ganti kong sagot sa kanya.  Bumaba ang kanyang ulo sa aking leeg papunta sa aking dibdib.  Parang gusto nyang basain ng kanyang laway ang buo kong katawan.  Ibinuka nya ang aking mga hita at hinimod ang aking singit.  "Aahhh sige. Ang sarap Xander," tangi kong naiungol.  Umikot sya ng posisyon at nakuha ko ang ibig nyang mangyari.  Pareho naming isinubo ang sandata ng bawat isa.  Nagtaas-baba ang puwit nya sa akng bibig habang patuloy pa rin nyang nilalaro ng kanyang dila ang aking tarugo. Napuno ng ungol ang kabuuan ng aming silid, "Ang sarap moohh. Ooohh, shit ang sarap!"

            Ilang indayog pa ng aming mga balakang sa aming mga bibig ay sabay kaming nagpalabas ng aming tamod.  Bumulwak ang aming mga katas sa buo kong puson at dibdib hanggang manlupaypay ang aming mga katawan.  Kapwa kami nakatingin sa kisame at walang imik.  Bigla akong kumilos at pumatong sa kanya.  Wala akong pakialam kung umagos lahat sa higaan ko ang aming katas na naipon sa hubad kong katawan.  "Mahal kita Xander... mahal na mahal. Ang saya ko sa mga sandaling ito. Maligaya ako dahil sa wakas ay nalaman natin ang tunay nating nararamdaman sa bawat isa," wika ko ng may ngiti sa labi.  Isang mainit na halik at mahigpit na yakap ang kanyang iginanti at sinabing, "I love you, too,Vincent."

            Hindi namin maiwasang mapag-usapan kung ano ang magiging bukas namin ngayong iba na ang pagtingin namin sa isa't isa.  Ngayong malaya na naming naipahayag ang aming damdamin, sumang-ayon din kaya ang tadhana sa pag-iibigang namamagitan sa amin?  Ah basta, ang alam ko ay maligaya kami sa desisyong aming ginawa. Sino ang may karapatang humusga sa dalawang taong nagtiis ng mahabang panahon at kinimkim ang pag-ibig na nararamdaman?  Sinong tao ang walang bahid ng pagkakamali ang magsasabing mali ang aming naging pasiya?

            Sa ngayon ay masaya naming tinatahak ng aking kaibigan ang bawat hakbang ng aming buhay... buhay na masaya... buhay na masalimuot... buhay na puno ng pag-asa... at buhay na nagdudulot sa amin ng ganap na ligaya.

            Hindi man namin tahasang ipinapakita sa iba ang aming relasyon, masaya naman naming naipadarama sa loob ng aming tirahan ang aming pagmamahalan.  Paano na kaya kung matapos kami ng pag-aaral, makapagtrabaho o kaya'y makauwi sa aming mga pamilya?  Gayong alam naming kailanman ay hindi namin ito maaaring sabihin sa kanila.  Ayaw kong isipin ang panahon na darating.  Higit na mahalaga ang ngayon.  Masaya kami ni Xander... ng aking bestfriend... ng aking iniibig na kaibigan... at sapat ng dahilan iyon.

WAKAS

1 comment:

  1. Credits to the author, ang ganda ng kwento, somehow nakakarelate ako, dahil i have the same situation, pero malabo ata na maging magkapareho kami ng ending ng kwentong to, well, how i wish ganyan din kami ni pards.

    ReplyDelete