Sunday, January 27, 2013

Open Relationship 01

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


------------------------------------------
Clyde’s Point of View
------------------------------------------

            Ulila na akong lubos. Nag-iisa akong anak. Namatay si papa noong nasa Elementary ako at sumunod si Mama noong High School na ako. Lumaki ako sa lola kong biyuda ngunit noong nasa huling taon ako ng kolehiyo ay sumunod na din siya sa aking mga magulang. May kapatid ang papa ko ngunit sa Canada na siya nakatira. Ang kapatid naman ni Mama ay sa malayong probinsiya sa bahagi ng Samar.
            Lumaki ako sa Makati. Hindi kami mayaman pero hindi din naman sobrang mahirap. Dahil lang sa sipag at tiyaga ay nakapag-aral ako at nakatapos. Wala naman akong mga nakaraang hindi maganda lalo pa’t dalawa lang namin kami ni lola sa buhay at nang pumanaw siya ay mag-isa na lamang ako. Kaya siguro dahil sa pag-iisang iyon ay ginusto kong maghanap ng mga makakasama sa buhay.
                Batikan na akong maituturing sa mga relasyong hindi nagtatagal. Relasyong tanging pagluha lang aking mga dinanas. Kapag daw nagmahal ka, dapat handa kang masaktan. Kung ayaw mong masaktan, huwag kang magmahal. Ngunit minsan kahit pilitin huwag magmahal, dumadating talaga yung puntong nahuhulog ka na lang nang hindi mo sinasadya. Okey lang kung may sasalo sa’yo.

Nang una, sa straight ako unang nagpakatanga. Nangyari ito noong nagturo ako sa isang hindi gaano kilalang College School. Computer instructor ako dahil nga nakatapos ako ng Computer Science. Istudiyante si Mark ngunit magkaedad lang kami, 22 years old. Kumukuha siya ng earning units niya sa programming. Unang trabaho ko noon iyon at dahil bata ay mabilis akong nahuhulog sa kagaya ni Mark na guwapo, maputi hindi man katangkaran ay akma naman sa kaniya ang katamtamang hubog ng pangkamang katawan. Allergic lang siguro ako sa mga matatangkad dahil hindi naman din ako katangkaran. Hindi man ako kaputian ngunit taglay ko naman ang maamong mukha. Matangos na ilong, magandang hulma ng labi, nangungusap na mapungay na mga mata at may kakapalang kilay. Hindi din naman ako binigyan ng magandang pangangatawan ngunit hindi din naman ako mataba at hindi naman payat. Tama lang din lang na pangkama.
Nang unang araw ng klase namin ay napansin ko na siya. Hindi lang dahil sa kakaibang karisma niya na pumukaw sa akin kundi dahil sa kakaibang mga titig niya sa akin. Nang matapos ang klase namin ay siya pa ang lumapit sa akin at inimbitahang magmiryenda sa aming school canteen. Siguro dahil alam niyang magkasing-edad lang kami kaya hindi diya nahiyang ituring akong parang kaklase o barakda lang niya.
“Tara Sir, miryenda tayo.”
“Ikaw ang taya? Ikaw ang nag-aaya e.”
“Ikaw ah. Ikaw nga diyan ang kumikita na.”
“Unang trabaho ko palang ‘to, habang naghahanap at naghihintay ng iba pang trabaho.”
“E, di sige, ako muna ngayon ta’s ikaw na sa susunod. Bonding lang.”
Habang kumakain kami ay panay ang tingin ko sa kaniya. Kinikilig kasi akong makita siya sa malapitan. Noong nag-aaral ako, may mga naging crush din naman ako, may mga sobrang natipuhang mga kasama sa trabaho sa mga fast food o kaya sa mga kasamahan kong sales representative sa mga mall ngunit hindi ko minsan pinagbigyan ang sarili ko. Pinagtuunan ko ng masyado ang aking pag-aaral at ang lola kong mahina na din noon. Kaya ngayong medyo nagkaluwag-luwag na ay parang gusto ko yung idea na magkaroon at maranasan na ding makipagrelasyon.
“May girlfriend ka, Sir?” casual niyang tanong.
“Wala.” Matipid kong sagot. God, gwapo talaga niya. Idagdag pa ang lalaking-lalaki niyang boses at kilos.
“E, kung wala, boyfriend sigurado meron?”
Nagulat ako sa tanong. Ngunit pansin kong alam niya. Siguro, kabisado niya ang tulad ko lalo pa’t mula nang nagsimula ang klase namin kanina ay napansin niyang malagkit ang aking mga tingin sa kaniya. Nahuhuli niyang nakatitig ako kaya siguro naglakas loob na imbitahan ako sa isang miryenda.
“Wala din e. Maliban kung mag-apply ka.” Diretsuhan kong tanong.
Ngumiti siya. Kinindatan ako. “Okey ang trip mo sir ah”
“Hinahamon mo ako sa mga tanong mo, e.” sagot ko,
“Paano ‘yan, I still have a class.” Simpleng pamamaalam ko.
“Sige sir. Kunin ko na lang number mo.”
“Aanhin mo ang number ko?” tanong ko kahit medyo kinilig ako sa idea nab aka siya na nga!
“E di sige, huwag na lang.”
“Di ka na mabiro. Basta kung magtext ka magpakilala ka ha.”

Kinagabihan habang abala akong gumawa ng aking module para sa mga subjects na ituturo ko ay biglang may nagtext.
“Kita tayo sir! Mark ‘to.”
“Saan ka? Busy kasi ako ngayon.”
“Sayang naman. Isang beer lang. Wala akong kasama. Kung busy ka, puntahan kita diyan sa inyo. Sa’n ka ba nakatira sir? Diyan na lang tayo uminom ng beer kahit tig-isa lang.”
“Busy nga ako.” Sagot ko.
“Sige na nga. Next time.”
Ngunit dahil sa text na iyon ay ako na ang hindi mapakali. Parang nawala na ang concentration ko sa ginagawa ko. Mas lalo kasi ako na-excite na makasama siya sa bahay kaysa sa tapusin ang paggawa ko ng module. Kinuha ko ang cellphone ko.
“Sige, puntahan mo ako dito sa may Cembo malapit sa may Guadalupe station. Kung nandoon ka na sa may Jollibee sa may tulay, sabihan mo ako at susunduin kita.”
“Sige ba! Ayos!” sagot niya.
Nang sinundo ko siya ay naka-short lang siya at nakasando ng itim at sumbrero ngunit napakalakas na ng tama niya sa akin. Bumagay sa maputi niyang kutis at magandang hubog ng katawan ang itim na sando. Napalunok ako.
Dumaan kami ng apat na beer sa malapit na store sa bahay.
“Mag-isa ka lang ba dito, sir?” tanong niya nang nagsisimula na kaming uminom.
“Oo, hindi lang mag-isa dito sa bahay. Mag isa na din ako sa buhay.”
“Hindi ba malungkot ang mag-isa niyan?”
“Malungkot pero sanayan na lang din siguro. Pero umaasa pa din ako na may makakasama din ako balang araw.”
Lumalim ang gabi at ang tig-isang bote na beer na usapan namin ay dumami ng dumami. Hanggang sa pakiramdam ko ay lumakas ang loob kong magpalipat hangin. Sa sandaling iyon, alam kong gusting-gusto ko na talaga siya.
“May naging karanasan ka na sa relasyong lalaki sa lalaki?” pasakalye ko.
“Wala pa, pero gusto kong subukan. Pero sa ngayon kasi may girlfriend na ako.” Seryosong sagot niya.
Nakaramdam ako ng pagkadismaya. Oo nga naman. Bakit ko iisiping single ang katulad niyang guwapo na’t malakas pa ang karisma.
“Kung wala ka bang girlfriend, puwede mo ba sa akin subukan?”
“ Bakit hindi. Mabait ka naman sir e. Pwede naman nating subukan kahit may girlfriend ako. Kung papayag ka sa set-up na gano’n.”
“Pwede ba ‘yun? Baka masasaktan lang ako.” Sagot ko.
“Ikaw kung ayaw mo, wala naman problemang maging tropa tayo, di ba sir?”
“Oo, naman. Kaso, sana mas higit pa do’n. Kung pwede sana.”
“Pwede nga, ikaw lang nga itong may ayaw ng set up na gano’n. Sa akin, ayos lang basta huwag na huwag malalaman ng girlfried ko at sa labas ay parang magtropa lang tayo.”
“Pag-isipan ko muna.” Sagot ko.
“Magpatugtog nga tayo, Sir. Antahimik. Okey lang?” hindi siya humihingi ng permiso. Sinasabi lang niya iyon kasi mabilis niyang kinuha ang mouse ng computer at binuksan ang winamp. Dahil sa tabi ko lang ang mouse ay parang sinadya niyang ang kaniyang ari ay tuluyang maidampi sa aking tiyan. Nakatihaya kasi ako at nakasandal at siya naman ay dumapa para maabot ang mouse na nasa tabi ko. Biglang nagising ang dati ko nang pananabik. At nang naglapat ang katawan niya sa aking katawan ay tuluyan na akong tinupok ng aking pagpipigil. Kaya bago siya bumalik sa kaniyang pagkakaupo ay pinigilan ko siya. Nagsalubong an gaming mga mata at lumapit ang aking mukha sa kaniyang mukha. Naamoy ko ang amoy beer niyang hininga ngunit mas lalong nakadagdag iyon ng pagkalibog. Nang madampian ng labi ko ang malambot niyang labi ay bigla niya akong itunulak sa dibdib. Ngunit huli na iyon. Kahit saglit lang ang pagkakadampi ng labi ko sa labi niya ay naikintal na sa aking isipan ang sarap n gaming unang halik.
“Bilis ah. Di ka pa nga nakakapagdesisyon kung tayo na, naka-score ka na agad ng halik.” Nangingiti niyang biro sa akin.
Ngunit hindi ako nakuntento. Sinubukan kong lumapit sa kaniya. Niyakap siya at naramdaman ko ang kakaibang init ng kaniyang katawan. Muli kong tinangkang ilapit ang aking labi sa kaniyang labi at hindi din naman siya tumanggi. Hindi man siya lumalaban sa aking halik ay alam kong nagpapaubaya siya. Nagsimulang lumikot ang aking mga kamay. Pumasok ito sa kaniyang sando. Inapuhap ko ang matigas-tigas niyang katawan at nang papasok na sa loob ng kaniyang brief ang nanginginig kong kamay ay tumunog ang cellphone niya. May tumatawag.
“Sandali lang. Kailangan ko ng umalis. Next time na lang natin gagawin. Maghanda muna ako. Saka may lalakarin pa kasi ako. Mag-aalas diyes na din pala.”
Nabitin ako. Tumayo siya. Inayos niya ang kaniyang sando at short. Sinilip niya ang mukha sa salamin at isinuot niya ang sumbrerong ipinatong niya sa aking kama.
“Kita na lang tayo bukas ano, sir.”
“Huwag mo na akong tawaging sir. Beybs na lang kung tayo lang dalawa.”
“Beybs? Bakit tayo na ba? Akala ko ba pag-iisipan mo muna?”
“Hindi na. Sigurado na ako beybs.” napapatawa pa din ako sa tawagan namin.
“Sige beybs. Bukas na lang.” nangingiti din niyang paalam.
Hinatid ko siya sa pintuan.
“Saan ang halik ko?” nakangiti kong biro.
HInawakan niya ang baba ko at hinalikan niya ng smack ang aking labi. “Gano’n lang?”
“E, sige ‘kaw na lang humalik sa akin.” Saad niya. Napakamot.
Hindi lang smack ang ginawa ko. Isang mainit na halik hanggang sa tinulak niya muli ako sa dibdib. “Tama na. Next time na ha? Ba-bye. ” Pamamaalam niya.
Dahil sobrang mahal ko si Mark ay tinanggap ko ang katotohanang kabit lang ako. Sa mga sumunod na araw ay binigay naman niya ang lahat-lahat niya sa akin. Ngunit ako lang ang nagpeperform. Ako lang ang parang gumagawa ng lahat sa kama. Naroon lang siya. Nakatihaya. Nagpapakasarap sa ginagawa ko ngunit hindi ko siya mapilit na gawin niya sa akin ang ginagawa ko sa kaniya. Hindi raw niya kaya. Para hindi kami mag-away ay hindi ko na din lang siya pinilit. Ngunit dahil ako ang may trabaho at siya ay patambay-tambay lang, natural na sa akin galing ang pandate nila o nireregalo niya sa girlfriend niya tuwing monthsary nila. Nang una, tanggap ko iyon, parang wala lang sa akin lalo pa’t ako naman ang lagi niyang kasama sa loob n gaming campus hanggang sa pag-uwi. Kung tutuusin ay mas marami siyang oras sa akin kaysa doon sa girlfriend niya.
 Sa mga unang buwan ay nakaya ko naman. Ngunit dumadating din pala sa puntong makakalimutan mong kabit ka lang. nawawala ka sa katinuan at mawawala sa isip mong ikaw ang nagpumilit isiksik ang sarili para mabahagian ka ng kapipiranggot na saya. Masaya na ako sa kapipiranggot na ambon ng saya sa piling niya. Hanggang sa nang lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya ay biglang hindi ko na mapigilan ang sarili kong kunin o kaya tuluyan siyang agawin sa girlfriend niya ng buung-buo. Doon na nagsimula ang aming pag-aaway dahil nagbubunganga na ako sa tuwing nakikita ko sa Mall na magkasama silang dalawa. Susuyuin naman niya ako. Muling pagbibigyan sa sarap ng kaniyang pagkalalaki at kahit hindi siya humihingi ng katapat na pera ay kusa ko siyang binibigyan. Lalaki siya, walang trabaho. Maraming pangangailangan.
                Hanggang sa biglang napapansin ko na lamang na mas madalas na silang magkasama ng girlfriend niya. Kapag tinatawagan ko siya ay pinapatayan na niya ako ng celphone. Kapag naman magtetex ako ay hating-gabi na kung siya ay magreply. Hanggang sa.. “Good night na lamang ang reply niya na may kasamang muwahh.” Iyon ay bayad lang ng mga pasaload o load na pinadadala ko sa kaniya. Sa tuwing hindi kasi nagrereply at masigurong may panreply siyang load sa akin ay ako na kusa ang nagpapaload sa cellphone niya ngunit …“Salamat sa load. Lav u.” iyon na lang ang sagot niya kahit sangkatutak pa ang aking mga tinatanong.
            Hindi na din kami halos magkasabay magmiryenda sa tuwing natatapos ang klase namin. Minsan nagmamadali siyang lumabas para hindi ko na siya maabutan. Hindi ko naman kasi puwedeng ipahalata sa ibang mga students ko na hinahabol ko siya. Kahit alam nilang palagi kaming magkasama bilang tropa ay hindi nila alam na mas higit pang namamagitan sa aming dalawa. Minsan nga hindi na niya pinapasukan ang klase ko. Magtetex sa akin ng, “Ikaw na bahala sa grade ko beybs ko ha? Lav yu! Mwah!” kung magrereply ako at tatanungin kung nasaan siya ay swerte na kung replyan pa ako. Kapag magkita naman kami at tanungin ko kung bakit hindi siya pumasok sa klase namin ay sasabihing napuyat siya, nalasing siya, masakit ang ulo niya… mauubusan ba naman ang irarason ang isang taong ayaw magpahuli?
Masakit tanggapin ang mga pagbabagong iyon lalo pa’t nang second semester ay hindi ko na siya nagiging istudiyante pa. Pinupuntahan pa din naman niya ako sa bahay lalo na kapag nagugutom o kaya walang pantoma. Mahal ko siya e. Tanga lang! Pero mahal ko siya.
Sa tuwing hindi kami ang magkasama ay nasasaktan ako. Alam ko kasing sila ng girlfriend niya ang magkasama pero kaya ko pa namang tiisin noon ang lahat huwag lang siyang mawala sa akin. Said ang sahod ko, nagkakautang-utang pa ako hanggang dumating ang isang taon. Usapan namin na magdidinner siya sa bahay kaya naghanda ako ng makakain ngunit ang usapang six ng hapon ay naging alas-otso na ngunit wala paring Mark ang kumatok sa pintuan.
                Biglang tumunog ang celphone ko.
                “Bespren, huwag kang masasaktan ha, pero ang Mark mo, nandito sa bar kasama ng isang babae at sweet na sweet sila. Akala ko ba Anniversary niyo ngayon kaya di ka sumama sa amin?” Iyon ang text ng kaibigan at kapitbahay kong alam ang tungkol sa amin ni Mark.
               Huminga ako ng malalim. Dinibdib ko ang lahat. Nilihim ko sa mga kaibigan ko na may girlfriend ang boyfriend ko pero heto at sila na mismo ang nakakita. Parang sasabog na ang dibdib ko. Pagkatapos kong iniligpit ang mga inihanda ko para sa anniversary sana naming ay nagmamadali akong nagpalit at tinawagan ang kaibigan ko kung nasaan silang bar para susunod na lamang ako. May isa akong gustong patunayan. Ngayon ko malalaman kung totoo ang sinasabi niyang mahal din niya ako sa text at paminsan-minsan sa tuwing nasa bahay kami. Kahit hirap paniwalaang mamahalin ako ng straight na lalaki ngunit pinaniwala ko angs arili kong mahal niya ako. Lalo pa’t kahit nagbubunganga ako ay tanging halik sa labi at yakap ang ginaganti niya sa akin. Kaya nga naniniwala akong mahal niya nga ako.
                Pagpasok ko pa lamang sa bar ay sinadya kong dumaan sa harapan nila ng girlfriend niya. Malas ng babae dahil alam kong dalawa kami sa buhay ng lalaking kaharap niya pero tanga siya kasi siya mismo ay hindi niya alam na may kahati siya sa jumbo hotdog ng boyfriend niya. Ngunit hindi kaya mas tanga ako dahil alam kong may girlfriend na ang ang binoyfriend ko ay pumasok pa din ako sa gulo?
Sobrang nagselos ako. Sobrang galit ako. Alam kong nadama niya iyon. Alam kong nakita niya iyon. Kaya pagkaupo ko sa mesa ng mga kaibigan ko ay bigla akong tumungga ng alak. Pagkatapos ng isa ay isa pa uli hanggang naging sunud-sunod ang aking pagtungga.
                Nang lumapit si Mark na parang barkada ang turing sa akin at sa mga kaibigan ko ay may sinabi sa barkada ko.
                “Iuwi niyo na siya. Susunod ako. Baka gagawa lang iyan ng katarantaduhan dito.” Pakiusap niya sa mga kasama ko. Hindi ko siya tinitignan pero matalim ang mga mata kong nakikipagtitigan sa girlfriend niyang nakalingon sa amin.
“Clyde, akala ko ba malinaw na ito sa atin. Huwag kang magsimula ng gulo tarantado ka lalo pa’t sa harap ng girlfriend ko.”
                Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko. Tumayo ako. Mabilis ang hakbang ng aking mga paa. Naramdaman ko ang tama ng alak. Nahihilo ako ngunit kaya kong kontrolin ang aking sarili. Wala akong naririnig sa paligid. Wala akong tanging nakikita kundi ang mukha ng babaeng noon ko pa gustong mawala sa buhay namin ni Mark.
                “Iwasan mo ang boyfriend ko kung ayaw mong masira ang buhay mo!” panduduro ko sa mukha niya. Buhos-buhos ang pagbulwak ng naipon sa dibdib kong galit. Wala akong matandaan na expression sa mukha ng girlfriend niya. Dahil sa isang iglap ay isang malakas na suntok sa panga ko ang dumapo na dahilan para mapaupo ako dahil sa lakas at dala na rin ng aking pagkalango. Aambaan pa sana ako ni Mark ng sipa ngunit mabilis na umawat ang mga guwardiya at ako naman ay pinagtulungang ilayo ng aking mga kaibigan. Ngunit tuluy tuloy ang aking pagsisigaw. Kahit pa tinakpan ang aking bunganga ay hindi nila mapigilan ang talas ng aking dila. Minura ko sila. Paulit-ulit. Hanggang tuluyan na akong naiuwi sa bahay.
            Kinabukasan ng araw na iyon ay nagsimula na din ang pagguho ng dati ay tahimik kong buhay. At dahil doon ay natuto akong magmakaawa para huwag lang tuluyang iwan. Dahil sa nangyaring iyon ay nagiging simula ng masalimuot kong buhay pag-ibig. Sana nga hindi na lang ako sumubok pang magmahal.

No comments:

Post a Comment