By: Chris Li
Blog: mydenoflions.blogspot.com
May mga pangyayari
talaga sa ating buhay na ni sa hinuha ay hindi mo man lang maiisip - those too
good to be true moments. Kadalasan pa nga ay sa sobrang saya at sarap sa
pakiramdam ng mga ito ay ayaw natin panghawakan o yakapin. Sapagkat natatakot
tayo, na ito ay mawawala din agad, at higit na masakit kung pananatiliin natin
ang ating sarili sa galak na hindi naman pala kailanman mananatili.
Ngunit iba ako...
Pinili kong samyuin at yakapin ang bawat sandaling nakasama ko siya. At ngayon,
nagdurusa ako sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang mga araw na iyon. Mga araw na
sana ay maibalik kong muli.
"Ang sarap
talaga pagmasdan ng langit 'no?"
Bumangon ako sa
pagkakahiga ko sa pinong buhangin, at nilingon ang taong ngayon ay nakangiting
inaaabot sa akin ang dala niyang buko. Umupo ito sa aking tabi at hindi pa rin
naalis ang kanyang mga ngiti.
"Sana palagi na
lang tayong ganito Mikael, yung masaya, kalmado. Walang iniisip kundi yung kung
ano ang kasalukuyan.", sabay inom nito mula sa buko na hawak niya at
huminga ng malalim.
Sana huwag ka na rin
maging mabait sakin, para mas madali sakin na kalimutan ang nararamdaman ko
para sayo...
Dalawang araw na din
ang lumipas simula ng dumating kami sa resort na ito. Hindi ganoon kadami ang
tao kaya naman tamang-tama ito para sa mga taong gusto makapagpahinga. Sa mga
araw na ito ay hindi rin pumalya ang pagiging maasikaso at malambing ni Jaime
sa akin. Pinabayaan ko siyang gawin ng malaya ang lahat.
Kung noong una ay
marami akong tanong para sa kanya, nawala lahat ng iyon, para kasing walang
nang saysay para magtanong pa ako. Mas pinili kong maniwala na lang sa mga
bagay na ipinapakita niya sa akin. At sapat na iyon para sa akin, sa ngayon.
Words are not enough
for me to fully express what I am feeling for you,Jaime. I hope someday ay
mapalaya ko na ang sarili ko at tanggapin na hanggang magkapatid na lang ang
ating magiging samahan.
Nakatitig lang ako sa
dagat at hindi na sumagot pa sa kanyang sinabi dahil alam naman niya na
sumasang-ayon ako. Bukas nandito na sila Jun at ang mama niya pati na rin ang
bestfriend kong si Coleen. And the day after tomorrow,babalik na kami sa amin
at tulad ng plano uuwi na si Jaime sa kanila para ayusin ang gusot nilang
pamilya.
"Mikael?"
"Hmmmm?
"Ah eh..gusto ko
sana malaman mo na...",pagtigil niya, marahil ay iniisip kung itutuloy ang
kanyang sasabihin.
"Na ano?",
kalmado kong tanong.
"Na...
masayang-masaya ako kapag kasama kita... At alam mo ba kung sakali mang
mabubuhay ulit ako, gusto kong makilala kang muli at gagawin ulit natin itong
ganito. You have changed me more than what you can think of, Mikael.",
sabi niya habang ito ay nakatingin sa mga alon ng dagat.
"Kuya
Jaime...masaya din ako.", ang tanging nasambit ko at mula doon ay muli
kaming nanahimik. Gusto ko siyang yakapin ngunit ayoko din kumilos dahil baka
konting galaw ko lang ay hindi ko na mapigilan at maiyak na naman ako sa
kanyang sinabi. Ang hirap... Sobrang hirap na palagi akong nasa puntong bibigay
na ako, susuko...
Can you at least stop
it Jaime? Stop making me fall for you even more. Mas lalo lang ako nababaliw
sayo.
-----Jaime
Tanghali na ng
nagising ako at wala siya sa tabi ko, marahil naglalakad-lakad ito palibot sa
resort. Lately, napansin kong malalim ang kanyang iniisip at madalas itong
tahimik. Wala na rin tanong ang dumating, na parang naiintindihan na niya ang
lahat o ayaw na lang din magtanong pa.
Mangilang beses ko na
rin gustong aminin sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya, ngunit inuunahan
ako ng takot.
Tok!tok!tok!
"Jaime!Pre,
nandito na kami! Gising!"
Pinagbuksan ko ang
ubod ng kulit kong kaibigan na si Jun. Tulad ng dati, masigla at happy-go-lucky
person pa rin ito.
"Tanga kanina pa
ko gising. Kailangan ba talaga sumigaw? Nakakahiya ka!, sabay batok ko kay
Jun.Kahit kailan talaga ang ingay talaga nitong taong ito.
"Oh, teka wala
siya?", tanong niya habang nililibot ang kwarto namin ni Mikael.
"Oo, di ko alam
saan siya nagpunta. Pag-gising ko wala na siya sa tabi ko."
"May LQ
kayo?",nakangisi nitong sabi.
"WALA! Doon ka
na nga lang sa labas kung mang-aasar ka lang.", inis kong balik sa kanya.
"Easy lang pre,
ito naman hindi na mabiro. Tara na nga at ng makapag-tanghalian na tayo."
"Lakas mo kasi
mang-asar eh nag-aalala na nga yung tao. Hindi ko nga alam kung nasaan na
siya,tapos nangaasar ka pa. Sinong hindi maiinis nun Jun?!"
"OK!OK!Hands up
na ko. Baka nandyan lang din yun sa tabi-tabi, may kasama nang iba.
Hahahaha!", at itinaas nga nito ang dalawa niyang kamay na nagpapakita ng
pagsuko. Pang-asar talaga!
Nasa hapag-kainan na
kami ng maalala ko na tawagan ko na lang siya pero naiwan ko pala yung phone
ko.
"Jun, babalik
ako sa kwarto, naiwan ko yung phone. Tatawagan ko lang si Mikael."
'Wag na, heto at ako
na tatawag sa lokong yun.
"Hello Mikael.
Nasan ka na pare? Kanina pa kami inuugat dito kakahintay sayo."
"Jun pasensya na
,naliligaw kasi ako pero pabalik na ko sa main road. Sorry talaga."
"Ano ba naman
yan Mikael! Anlaki laki mo na pre naliligaw ka pa?Tang..."
"Bunso,saan ka
ba banda? Puntahan kita.", pag-agaw ko sa phone ni Jun.
"Kuya Jaime ok
lang po ako, kaya kong pumunta dyan sa resort, mali lang ako nang nilikuan
kanina from the toll gate."
"Wag ngang
matigas ang ulo mo Jan Mikael, nagugutom na kami kaya kung hinintayin pa namin
matunton mo 'tong resort, baka abutin pa ng bukas bago pa kami makakain.",
yamot kong sagot sa kanya.
"Hay naku Jaime!
Ikaw lang naman 'tong nagsabi na wag tayo kumain hanggang wala iyang si Mikael
eh. Hahahaha!", sabat pa ni Coleen.
"Ah, basta nasan
kana?"
Napagpasyahan namin
na maghintay na lang siya sa bayan na malapit sa resort at hintayin kami sa
isang kainan doon.
Agad kaming pumunta
ni Jun sa reception para makapagtanong kung may sasakyan kaming pwedeng
gamitin.
Loko talaga yun,
hindi man lang sinabi na lalabas siya ng resort. Kainis di man lang nag-isip na
may mag-aalala sa kanya.
Kung hindi lang kita
mahal eh, hahayaan kitang maghanap ng way mo pabalik dito. Kainis!
----Mikael
Kahit kailan talaga,
hindi ako maalam sa mga direksyon. Kaya madali akong maligaw,haaay...
Nakakahiya ka Mikael.
Habang naghihintay ay
inilabas ko sa aking bulsa ang munting regalo ko para sa taong mahal ko.
Kaninang umaga pagka-gising ko ay agad kong naisipan na bigyan siya ng isang
bagay na magpapa-alala sa kanya sa akin. Simple lang naman itong nakuha ko at
sana magustuhan niya.
Tinignan kong mabuti
ito at binusisi ang bawat detalye nito. Isang handmade bracelet ang kinuha ko para sa kanya, na may dalawang
maliit na palawit sa dulo.
Kahit sana sa
ganitong bagay ay maiparating ko kung gaano ako nagpapasalamat at masaya sa
pagdating niya sa buhay ko. Hanggang sa napagnilaynilayan ko ang unang
pagku-krus ng aming landas. Ang bilis ng panahon, ni hindi ko naisip na ilang
buwan lang pala ang lumipas pero parang taon na kaming magkakilala.
Things seems to be
perfect that day. Lahat kami ay masaya at hindi maalis ang mga ngiti sa aming
mga labi. Ngunit lahat ay nagbago sa isang iglap lang...
The changes are
unbearable. Kung dati ay hindi na ako loner,
NGAYON ...ganoon na
ulit ako.
Hindi ko akalain na
maiiba ang lahat sa pag-uwi ni Jaime sa kanilang bahay. Ang masaklap pa noon ay hindi ko na nagawang
ibigay ang bracelet na pinili ko para sa kanya.
Ngayon heto ako at naghihintay sa kanya. Sa
lugar kung saan kami ay nagsimula magkakilanlan.
Ang huling
natatandaan kong sinabi niya sa akin bago siya umalis ng bahay ay ang mga
katagang, mahalaga ka sakin Mikael.
Ngunit para saan na
iyon ngayon. Pagdating sa school ay hindi man lang niya ko pinapansin at
madalas ay iniiwasan niya ako o walang imik kapag kinakausap ko siya. Madalas
na rin itong hindi pumapasok at ang nakakapagtaka pa nito ay parang walang
naghahanap sa kanya maliban sa akin.
Sinubukan kong
tanungin si Jun ngunit ang sabi nito ay wala siyang ideya kung ano nangyayari
sa kanyang matalik na kaibigan, pero ramdam ko na may itinatago siya sa akin.
Subalit anumang pilit ko kay Jun na sabihin sa akin kung ano ang problema ay
hindi niya ito sinasagot.
Napaka-gulo ng lahat.
Hindi ko akalain na maging ang bestfriend ko ay tatalikuran ako sa panahong
ito.
"Whaaaat?! Anong
ibig mong sabihin na mahal mo si Jaime??"
"Mahal ko siya
Bes... Mahal ko si Jaime", nakayuko kong pag-amin sa aking kaibigan.
Hindi ito nagsalitang
muli at nakatayo lang siyang nakatingin na parang gulat na gulat sa sinabi ko.
Akala ko maiintindihan niya pero mukhang isa pa ito sa po-problemahin ko.
"Sorry Mikael, I
can't do this. I can't believe you are gay. Nakakadiri.", she walked out
on me and did not even bother looking back, to see how hard I cried that night.
Helpless... Ganyan
ang pakiramdam na naiwan ng mga kaibigan kung kelan kailangan mo sila. Ang
meron ka na lang ay ang sarili mo para kapitan. Parang araw-araw gigising ka na
lang for the sake of kailangan mong tapusin ang pag-aaral mo. Ngunit sa bawat
gising na iyon ay maaalala mo na mag-isa ka, dahil nasanay ka na nasa tabi mo ang
taong pinakama-mahal mo.
"Ano bang
nangyari Jaime?", sambit ko habang nasa kama at kinakausap ang aking
sarili. Tumulo ang aking luha sapagkat wala man lang akong makuhang sagot. Kung
sana ay kausapin man lang niya ako ng maayos na kung ayaw na niya akong maging
kaibigan. Na malaman ko man lang ang dahilan ng mga pagbabago niya ay sisikapin kong doon magsimulang ayusin ang
sarili ko.
Ngunit wala, ang
meron lang ako ay mga hula lamang. At hindi sapat ang lahat ng iyon para masabi
ko sa sarili ko na tama na. Higit akong nasasaktan dahil wala naman akong
ginawang masama sa kanya... Sa kanilang lahat, para ganituhin nila ako.
"Mikael... Anak,
narito ako oh. Pakikinggan kita anak... Kahit ano pa yan... Ramdam ko ang bigat
ng dinadala mo anak. Kaya sana hayaan mo akong kunin ang mga ito para sayo.
Nahihirapan akong nakikita kang ganyan.",lumuluhang sambit ni Inay ng
makita niya akong umiiyak pagpasok niya ng kwarto.
Halos nakalimutan ko
na may Ina pa pala akong pwedeng lapitan. Noong narinig ko ang kanyang tinig ay
agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Doon ko na ibinuhos
ang lahat ng sama ng loob ko na kinimkim ko mula nang makauwi ako.
"Bakit ganoon
Inay??Bakit sa isang iglap iniwan na lang nila ako na wala man lang pasabi kung
ano ang dahilan. Naging masama ba ako sa kanila??",humihikbi kong
pagsusumbong sa kanya.
"Wala kang
ginawang masama anak. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nangyayari dahil
nakita ko naman kung gaano ka pahalagahan ni Jaime.Ang mabuti pa anak ay
tawagan mo siya sa kanila at pag-usapan niyo na itong mabuti."
"Pero Inay, baka
hindi niya rin sagutin ang tawag ko."
"Subukan mo muna
anak, kung hindi niya sagutin eh tama na rin siguro iyon. Ginawa mo na ang
parte mo para malaman kung bakit naging ganyan, kung ayaw ka niyang harapin ay
kailangan na natin tanggapin yun at magpatuloy nalang ulit at kalimutan ang mga
nangyari.
Pinalaki kitang
mabuting tao anak, kaya alam ko na wala kang ginagawang mali sa kanila to
deserve this. Minsan lang talaga anak, kung sino pa yung totoong tao sila pa
yung nakakaranas ng ganitong pighati. Dahil na rin ang mga totoong tao lang ang
may alam kung paano magpahalaga sa damdamin ng iba. Basta anak, narito ako,
hinding hindi kita tatalikuran. Mahal na mahal kita...", sabay halik nito
sa aking noo.
Niyakap ko siya ng
mahigpit at tumango sa kanyang mga sinabi. Tama ang inay, kailangan ko nang
tapusin ang mga tanong sa isipan ko. Sana nga lang ay harapin niya ako.
"Heto ang number
nila sa bahay, nakuha ko yan kay Mr.Anthony. Nag-aalala na kasi talaga ako sayo
at kakausapin ko na sana si Jaime. Mahal kita anak, magiging ok din ang lahat
ha."
"Opo Inay. Mahal
din kita, maraming salamat po at nariyan kayo sa panahon na akala ko wala na
akong matatakbuhan. Sorry din po kasi halos nakalimutan kong may magulang pa
ako na pwede kong hingahan, na pwede kong hingan ng tulong.", at mula doon
ay bumuhos na naman ang aking mga luha.
Tumango lang si Inay
noon at maluluha ding hinaplos ang aking buhok. Alam kong mas masakit para sa
mga ina ang makitang nasasaktan ang kanilang anak. Dahil minsan na rin
nagbigkis ang mga ito sa kanilang sinapupunan. Alam lang nila kung kailan
masaya ang kanilang anak at kailan hindi. Mothers really knows how to give
unconditional love to their children. Nagpapasalamat ako ng malaki sa Panginoon
na ang relasyon namin ng aking ina ay maganda at nagagawa kong magsabi sa kanya
ng kahit ano.
Jaime... Harapin mo
sana ako kahit sa huling pagkakataon pero sana hindi. Sana maayos na natin ang
lahat. Hindi ko kaya... Hindi ko kayang mawalay ka sakin. Akala ko dati kapag
sinimulan mo akong layuan ay makakalimutan ko itong nararamdaman ko para sayo,
ngunit hindi ko inasahan na ganito pa ang mangyayari. Nangungulila ako sayo...
Gusto na kitang marinig tumawa. Gusto na kitang mayakap nang muli...
------Jaime
Mikael ko... Sana
patawarin mo ako sa gagawin kong ito. Patawarin mo ako at kailangan kitang
saktan. Patawarin mo ako mahal ko... Gagawin ko ito para sayo, balang araw
maiintindihan mo din kung bakit ko ito nangyari.
Dahan-dahan akong
pumanhik sa Tree House at tila iyon na ata ang pinaka-mahabang hagdan na
aakyatin ko. Gusto kong tumalikod at kumaripas ng takbo dahil maisip ko pa lang
na sasaktan ko ang taong pinakamamahal ko ay hindi na kinakaya ng aking dibdib
at konsensya. Bakit kailangan ganito ang kahantungan ng lahat?! BAKIT!
Sa inis ko ay padabog
kong inakyat ang mga huling baitang nito.
At naroon siya
nakaupo at nakayuko. Hindi nito inangat ang kanyang ulo kaagad at himbis ay
pinunasan niya muna ang kanyang mukha. Umiiyak siya... Mas lalo ako nanlumo at
gustong tumakbo sa kanyang tabi at tapusin na ang kahibangan ko at yakapin siya
at sabihin sa kanya na mahal na mahal na mahal ko siya.
Ngunit... Iba ang
dapat kong gawin. Naglakad ako papuntang balkonahe para itago ang pighati sa
aking mukha. Hindi ko siya kayang harapin.
Ang ilang sandali na
kami ay tahimik ay parang ilang oras na pahirap para sa aming dalawa. Parehas
yata kami nakikiramdam kung sino ang unang magsasalita. Noong mapagpasyahan
kong magsalita ay siya naman itong isinatinig ang mga salitang nagpabagsak ng
mga nangingilid kong luha.
"I miss you so
much, Jaime."
Hindi ako sumagot
dahil alam ko na kapag nagsalita ako ay ibubuko ako ng aking boses. It will
crack and I might not be able to supress my feelings.
"Ano bang
nangyari at nagbago ang lahat? Bakit bigla mo akong iniwasan? May nagawa ba
akong masama?", sunod-sunod niyang tanong.
"Dahil kailangan
ko nang itigil ang pagpapanggap ko."
"Anong ibig mong
sabihin?"
"Nagkaayos na
kami ng pamilya ko. Hindi na kita ... Hindi na kita kailangan." God! I'm
so sorry Mikael, to say these words to you. Sana mapatawad mo ako... You'll be
fine without me...
Katahimikan ulit ang
bumalot sa aming dalawa. Tama na Mikael, don't make me say foul things to you.
It's better for you to leave. Ayoko nang masaktan pa kita lalo. Tanggapin mo na
sana na hindi na tayo magkakasama pang muli. Kung kaya ko lang ay babaguhin ko
ang lahat ngunit wala akong kakayahan para gawin iyon.
"Hindi ako
naniniwala sa sinasabi mo. Sabihin mo ang totoo, pakiusap."
You ask for it...
Wala na ako magagawa.
"Alam mo, kahit
bali-baliktarin mo pa ang mundo, kung ano ang sinabi ko yun ang TOTOO! Leave
with it! Do you really BELIEVE that someone like me will hang out with
SOMETHING like you?? Oh yes! You heard me right. Something. Kasi para sakin isa
ka lang bagay na kinailangan ko lang pero ngayon na ayos na ang lahat, all I
need to do is to dispose you. Oo nga pala, heto pala yung pinahiram mong panyo.
I had it washed several times so you don't have to worry."
Hinagis ko ang puting
panyo na galing sa kanyang ama na hindi man lang lumilingon sa kanya.
"What else do
you want to hear? Siguro naman Mikael hindi mo na hahayaan na mas lalo ko pang
pababain ang pagkatao mo. And please, huwag kang magpaawa pa riyan. Sasayangin
mo lang ang effort mo because I won't give a damn, kahit pa umiyak ka pa ng dugo
ay hindi na nun mababago ang katotohanan sa mga sinabi ko. You are nothing to
me.Kung ok na lahat. I will go then."
"Kung wala lang
ako sayo, para saan lahat ng ginawa mo para sakin? At bakit ka pa nagpunta
rito?!", madiin niyang salita sa akin.
"Lahat yun ay
pagpapanggap lang Mikael. At pumunta ako dito para tigilan mo na ako at
nahihiya na ako na panay sunod mo sa akin. Kaya simula ngayon huwag na huwag ka
na lalapit sa akin." nagtuloy tuloy na ako sa hagdan para umalis.
Hindi ko na kayang
marinig ang kanyang paghikbi. Nasasaktan ako ng doble dahil ako ang dahilan ng
hinagpis niya. Patawarin mo ako mahal ko. Patawarin mo sana ako...
Unti-unti kong
nilisan ang Tree House, ang saksi ng pagkabuo at pagtatapos ng aming
pagkakaibigan.
I wish you well my love.
Don't dwell too much in the pain that I had caused you. Strive for your dreams
and be happy... Paalam, Mikael ko.
-----Mikael
"Bakit… ",
retorikang kong tanong sa aking sarili.
Patuloy ang
paglalakad sa hindi malaman patutunguhan. Hindi alintana ang panganib sa
paglalakad sa dis oras ng gabi. Walang pakialam sa lamig at gutom. Ang alam
lang niya ay ang sakit na dulot nang hindi mapaniwalaang pangyayari.
Mahigit isang oras na
simula nung iwan ko sa aking paborito lugar ang taong sobra kong pinahalagahan.
Pagod. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko na alam kung anong lugar
itong aking napuntahan. Naawa ako sa aking sarili kapag naaalala ko ang kanyang
mga sinabi pilitin ko mang iwinawaksi ang mga ito ay patuloy itong
umaalingawngaw sa bawat sulok ng aking isipan. Hindi ako makapaniwala sa aking
mga narinig at wala na akong naisatinig ng mga oras na iyon.
Marahil hanggang dito
na lang talaga ang kwento naming dalawa. Love is really strange. Hindi mo alam
kung kailan at kanino mo ito mararamdaman. Kung nariyan na wala rin
makakapagsabi kung hanggang kailan. At kadalasan, ikaw lang ang nagmamahal at
ikaw lang ang nasasaktan. Tulad ko ngayon, pinili ko ito at kailangan kong
harapin ang mga consequences ng naging desisyon ko. Ang desisyon na papasukin
siya sa buhay ko...
Hinding hindi mo
maaalis sa sarili mo yung pakiramdam kahit pa ilang beses mong kalimutan.
Magiging parte mo na iyon, you may forget the feelings but still you will not
forget what happened.
At basta nagmamahal
ka, wala ng ibang dahilan. You can't resist it. You just have to deal with it
lalo na kung hindi ito masusuklian ng napili ng puso mo.
Wakas...
Hi po, sorry super
tagal ng updates ng kwento ko. MAraming maraming salamat po sa mga sumubaybay
sa aking unang kwento. I hope you like it. Maraming salamat din sa mga kaibigan
ko na palaging nariyan to support me and to push me whenever tinatamad na akong
ituloy itong kwentong ito.
There are still a lot
of questions to be answered so ibig sabihin po ay....may book 2 po ito.(Sana
lang sipagin ako hahahahaha!)
Maraming salamat po
ulit sa inyongmga nagbabasa ng aking gawa at salamat din sa mga magagandang
feedbacks po ninyo.
Chris Li
No comments:
Post a Comment