Saturday, January 12, 2013

When A Gay Man Loves (01-05)

By: George Castillo
Source: darkkenstories.blogspot.com


[01]
I'm Brian Anthony Lacuna Nicholls, 27 years of age. Isa akong Values Teacher sa isang public High School dito sa Cebu. I am married to Edward Harold Ravena Kiefer. May dalawa na aming anak, sina Daniel Rana Nicholls Kiefer,10, at Michael Frederick Nicholls Kiefer, 6 years old. Paano ba kami nagkaanak kung wala naman akong matres? Haha! Well, you will know it here in my story.


Forgive and foret. My gosh! Isa 'to sa mga bagay na sobrang hirap gawin, lalo na para sa akin. Isa kasi 'to sa mga paraan para sa mga taong nasaktan. Sa mga niloko at pinaasa. O kaya, biktima lang ng maling tao. Isang desisyon na sobrang hirap gawin to the highest level, lalo na ang tanggapin. Let me take you back to the past, back when I'm still a Freshman student sa isang University dito.

Nag-aaral ako sa isa sa mga pinaka-sikat na kolehiyo dito sa Cebu. Pribado ito kaya halos lahat ng nag-aaral dito ay mayayaman, 'yung iba naman, iskolar ng bayan. I'm taking up Education, Major in Values Education. Hindi naman sa nagmamayabang, pero mayaman talaga ako. Half-Pinoy, Half-American. Tatay ko ang hilaw. Siya ay isang eksperto pagdating sa kalawakan. Stars, planets, nebulae, galaxies, name it. Alam niya 'yan. Ang nanay ko naman ay isang Author at Journalist. She loves to write stories. Actually, madami na siyang nai-publish na novels na siya din mismo ang nag-sulat. Mostly, about Romance 'to. "yung iba naman, about Responsible Parenting. Siya din ang Editor-in-Chief ng isang kilalang Newspaper Publisher Company dito sa lugar namin.

About my self? Uhm, let me describe. Maputi ako. 5'9 ang height. Teenager na ako pero halos wala paring tumutubong kung anu-anong hair sa katawan ko (except sa buhok sa ulo siyempre :D) 'Yan ang mga namana  ko sa tatay ko. Ang best asset ko naman eh 'yung mga mata ko. Mapungay daw kasi eh, mahaba ang pilik mata. at Hazel pa ang kulay. I also have a red and thin lips. Matangos din ang ilong ko. 'Yan naman ang contribution ng nanay ko.

Matalino din ako at charitable. Sa school, ako lagi ang Valedictorian. May Institution din kami na laging tumutulong sa mga tao, lalo na sa mga nangangailangan. This thing runs in our blood. Bunso ako sa tatlong magkakapatid. Si Ate Sarah Jean Lacuna Nicholls ang panganay at si Kuya Francis Walter Lacuna Nicholls naman ang sumunod. Open kaming pamilya sa isa't-isa. Alam din nila. ang tunay 'kong pagkatao. 'Yun ang pagiging Bisexual ko.

First day of school.

As I have said, Freshman student palang ako. Si Kuya Francis naman ay second year college at si Ate Sarah ay Junior. Nasa iisang school lang kami. You may think na parang ang KJ nung mga kapatid ko, pero hindi. We decided to go in a same school to keep our bond together. Varsity player si Kuya sa Basketball Team dito at si Ate naman ay ksali sa Pep Squad nito.

Halos magkamukha lang kami ng Kuya ko. "Head-Turner" kumbaga. Tinitilian talaga siya sa school. Babae, bakla. Nako. Nagkakagulo talaga dahil sa kanya. Eh pano ba naman kasi, single parin si Kuya hanggang ngayon. Virgin na virgin pagdating sa lovelife. NGSB. Hindi naman siya ka-Fed-Ex (ka-federasyon). Naniniwala ksai siya na true love will come in the right situation.

Si Ate naman, nako. Sooooooooooooooooooooooooooooooooooooobrang ganda! Sexy, matalino, mabait pa! As in total package! Ms. Friendly pa ga eh. Kung pwede lang siguro siya sumali sa Ms. World, Ms, Earth at Ms. Universe, baka siya na nag-uwi lahat ng award. Oo, eksaherada. Eh ganun naman kasi talaga siya kaganda. Nagka-boyfriend na siya, pero niloko at pinerahan lang siya. Sa ganda niyan 'yun, siya pa niloko?! Gosh!

"Kuya Francis, pera ko?" sabi ko kay Kuya habang nasa Cafeteria kami ng school. Binigyan niya naman ako ng 200 pesos.

"Oy Walter, akin na din yung pera ko.." sabat naman ni Ate nung nakita niyang binigyan ako ng pera ni Kuya.

"Ha?! Wala naman Ate eh!" dipensa naman ng Kuya ko.

"Tigilan mo ko Francisco ha.. Nakita ko kanina, inabot sayo ni Mommy..."

""To namang si Ate, 'di na mabiro! Oh eto na.." sabay abot ng pera.

"Good boy..." sabay gulo ng buhok niya.

"Magkukulitan nalang po ba kayo 'jan or papasok na tayo?" sabat ko naman. Para kasing di sila titgil sa pagaasaran eh!

"Papasok na po..." sabay nilang sabi habang nagpapa-cute.

We parted ways. Galing talaga kapag kasama mo ang mga kapatid mo. For sure, may poprotekta sayo. Pero kahit na ganun, worried parin ako. Wala kasi dito yung mga kaibigan ko. Siguradong mahihirapan akong makahanap ng mga bago at tunay na kaibigan. Kung pwede lang kasi silang ilibre ng tuition fee dito eh, ginawa ko na.

Nag-simula na ang klase. Sakto lang ang dami namin. As usual, getting to know each other.

"Okay good morning everyone! I'm Mr. Ronald Gutierrez. I'll be your teacher in Values Education. Pero 'wag kayong mag-alala, wala pa tayong lesson for this day." sabi ni Sir.

"Since Freshmen kayong lahat, alam kong hindi pa kayo magkakakilala, although may mga buddy-buddy na dito, gusto kong makipagsocialize parin kayo sa iba. I'll cal you one by one, then go in front, introduce yourself..." dugtong pa niya. Kumabog naman dibdib ko.

Gosh! Expected ko na 'to pero, bakit ganito?!

"Hmmmm... I think I found one... Let's start with Mr. Buenaventura." sabi nito sabay tago ulit ng class cards namin.

Tumayo naman agad ang isang lalaki. Pumunta sa harapan at nagsalita. Napa nganga naman ako.

"Hello everyone. Ako po pala si Carl Matthew S. Buenaventura. I'm 17. I love to sing and play basketball..." sabi ni Matthew.

Grabe! Ang gwapo niya! Sobrang puti. Naka-brace pa na blue. Matangos ang ilong. Medyo bluish yung mata niya. Sobrangred ng lips niya. Halos magkasing-tangkad lang kami. Hayyy...

Siguro, may lahi 'to?

"May I ask you Mr. Buenaventura... may lahi ka ba?  I mean, half-half or something?" tumpak! Buti naman nabasa niya utak ko!

"Meron po sir... Halh-Pinoy, 25% Isrish, 25% Danes..." sagot naman nito agad.

"Kuya ano pu yung Danes? Saang bansa po 'yun?" tanong nung isang babae.

"Ah... 'yun po yung tawag sa mga nakatira sa Denmark."

"Ahhhhhhhh... Okaaaaaaaaaayy..." sabay-sabay na sagot namin.

"Okay Mr. Buenaventura, you may take your seat..." sabi ni Sir Gutierrez.

Nagsunod-sunod na nga. Madami ding gwapo. Pero kay Matthew lang talaga ako nakatingin. Nakatulala lang talaga ako sa kanya. Nasa second row siya, sa may right wing. Ako naman, nasa likod niya lang mismo. Perfect! Perfect view! Naririnig ko silang nagsasalita, pero wala akong naiintindihan ni isa sa kanila.

Tumingin, Tumingin. MAYGAWD! Lumingon siya!!!

Patay ka! Huli ka balbon! sabi ng utak ko. Oo. Nagsasalita siya.

Nginitian niya ako. It was a very beautiful smile. Tae. Ang gwapooooooooo! Wait. Dapat di ka niya mahalata! At para hindi niya nga mahalata, nginitian ko nalang din siya.

HAHAHA! Uyyyyyyyyyy! Nagba-blush!

"Ikaw na..." sabi niya sa akin.

To be continued :)



[02]
"Ikaw na..." sabi niya sa akin.

Huwaaaaaaaaaaat?! Ako na daw?! Ako na daw! Ako na daw ang forever niya! Ay weyt, tama ba? Haha! Ilusyonada lang!

"Ehem ehem eheemm... Mr. Nicholls, can you P.L.E.A.S.E introduce your self?" ,edyo sarcastic na sabi ng Prof namin. Nakanaman! Daydream kasi ng daydream eh! Pahiya tuloy. Pinagtitiniginan pa ako ng mga kaklase ko.

"Ah...eh... so-sorry po Sir. Sige po..." utal kong sagot.

Eh bakit ka namumula jan? HAHAHA! sabi ng malandi kong utak.

Pumunta na ako sa harapan. I can still feel na namumula ako. Kasi naman eh! Wrong timing!

"Hello everyone! I'm Brian Anthony Lacuna Nicholls. I'm 15. Half-Pinoy, Half-American. I love to sing. Player din po ako ng Volleyball, in fact, ako po yung captain dati sa school..."

"So you're only 15?!" gulat na tanong ni Sir. Ako din eh, madyo nagulat. Isigaw daw ba?!

"Opo Sir. Grade school na po kasi ako agad at the age of 4. Accelerated po kumbaga." sagot ko naman. Halos mapanganga naman silang lahat.

"If that's what you say, then okay. I'll expect much from you Mr. Nicholls." sabi naman ni Sir. Kinabahan ako dun ah? Argghhh! Hirap naman ng maging matalino!

"So, ayan, I guess, kilala niyo na ang isa't isa sa subject ko. Now, you may take your break. and guys, half day lang pala tayo ngayon. I'll give you the list of materials that you'll need for this semester..." dagdag pa ni Sir. Everyone seems to be happy that time. Aga naman kasi ng break time! Sakto naman, paglabas namin eh nag-ring na ung bell.

Yehey! Confirmed! Lunch time na...or I should say, break time lang talaga. Di pa naman kasi tanghali eh! I headed to the Cafeteria. Buti wala pang masydaong tao. Mostly, nandun yung isa sa quadrangle, palakad-lakad. O kaya naman, nasa mini park. Yung ibang super sossy, pupunta pa sa malapit na mall para lang sa break time. Arte!

"Hmmmmmmmmm... Ano kayang masarap?" sabi ko sa sarili ko.

Si Matthew! HAHAHA! sabi ng utak kong impakta.

Good thing may chips dito. 'Di ko kasi type yung ibang food eh. Tapos yung tipong wala ding gana? At dahil nga puro junk foods, Piattos nalang binili ko. Favorite ever! Since I was a kid, favorite snack ko na 'to.

"Piattos nga po... 'yung green..." sabi ko sa tindera saboy abot ng bayad. Hayyy grabe. Na-miss ko 'to...Naghahanap pa ako ng makakain or anything na mangunguya and suddenly...

TEKA. Sandali! Wait! Saglit lang!!! TIGIIIIIIIIILLLLL!

Hany ba 'to?! Gosh! Hany nga! One of my favorites! Sobrang childish ng feeling ko ngayon. Ito kasi yung kinakain ko when I feel down or lonely. Napapagaan niya yung loob ko. Sumsaya ako. Kaso, badtrip. Isa nalang! Kung madami lang 'to, binili ko na lahat. I am still deciding if I will buy this chocolate or not nung biglang may nagsalita.

"Ate, Hany nga po..." sabi nung lalaki sa likod ko. Seems familiar. Familiar yung voice niya. Nagkasabay pa kami ng pagkakasabi.

"Ate! ako nauna eh!" sabi ko.

Parang batang inagawan ng candy?! Ganun yung feeling! Nilingon ko yung lalaking inuunahan ako sa isang piasong Hany. Maygawd! Sa dinami dami ng lalaki dito sa campus, si Matthew pa?! Gosh!

"Ako nauna Ate eh! Eto na bayad oh!" sabay abot niya ng pera. Badtrip! Food trip! Field trip! Lahat ng may TRIP! Ugh!

"Ang daya neto! Ako nauna eh!" sabay pout ng lips na may kasama pang stomp. Pa-cute ika nga. Pero, grabe talaga eh. Favorite ko yun and ako nauna!
"Oy Baby bro! Bakit ka nagta-tantrums jan?" sabi ni Kuya Walter. Break na din pala nila.

"Eh kasi yung Hany eh!" sabi ko naman na parang nagsusumbong na bata. Wala akong pake kung sino makakita. Importante, yung Hany!

"Ate, wala na po ba kayong stock jan?" baling ko sa tindera.

"Wala na po eh. Bukas pa po ulit kami bibili." sabi naman ni Ateng Tindera

"Hayaan mo na! Bibili nalang kita mamaya. Ilan ba gusto mo? Promise, kahit ilan" sabi naman ni Kuya.

"Ehhhh... Kuyaaa... I'm craving for Hany eh!" konyo 'no? HAHA! May pa-pout-pout pa ng lips.

"Oh Bry.. sayo nalang 'to..." sabat naman ni Matthew. Kanina niya pa pala kami pinapanood. Gosh!

"Ah...Eh... Sige 'wag na... Bibili nalang kami ni Kuya mamaya... Diba Kuya?" sabay siko sa kapatid ko na parang sinasabing 'um-oo ka!'

"Sabi mo, 'I'm craving for Hany eh!' tapos di mo tatanggapin?" sabi ni Matthew. Gayang gaya niya. Mas malandi nga lang ng konti.

"Oo nga Baby Bro! Kakasabi mo lang eh!" ginatungan pa ni Kuya. Talaga naman!

"Sige na... tanggapin mo na 'to. Dadami pa yan bukas..." sabi ni Matthew with that stunning smile!

"Dadami?" takang tanong ko.

"Oo. Dadami!" sabi ni Matthew ko.. este kaklase ko.

"Sige na nga.. Thank you ha? Bawi nalang kao sayo..." sabi ko. Oo! Di na ako nagpakyeme!

Lalagay ko yung wrapper nito sa scrapbook. Haha!

"Tara na Baby Bro... pupuntahan pa natin si Ate Sarah..." biglang epal ni Kuya. Nasira tuloy yung momentum!

"Wait Kuya! Uhm, Matthew, Kuya ko pala.. Kuya, si Matthew..." pagpapakilala ko sa dalawa.

"Francis pre..." sabay abot ng kamay ni Kuya

"Matthew po.." kinamayan naman ni Matthew.

"Uhm, Matt... una na kami ha? Kitakits nalang mamaya...Thank you ulet" sabay pa-cute

"Sige...no problem..." gosh! Again! That smile! It melts me!

Pumunta na kami ni Kuya sa park ng school. May chael din dito. May multi-purpose hall. Maganda ang ambiance. May mga tables and benches. Madami ding puno kaya presko. Madami ding lovers. May loner din. Yung iba, magkakatropa. Luminga-linga kami ni Kuya. Alas! Nakita namin si Ate. Gosh! Daming pagkain! Parang picnic lang!

"Game! Kainan na!" sabi ko sa kanila. Dinagdag ko na din dun yung Piattos ko kanina.

"Nako Ate! Yang si Antonio, (Anthony talaga yan. Pinapapanget lang namin minsan) may kalandian agad!" Maka-sigaw naman 'tong si Kuya oh! Daig pa mga chismosa sa kapitbahay!

"Gwapo ba 'yan?" tanong ni Ate

"HUY! Gwapo ba yan?!" sigaw niya. Nakatingin lang kasi ako duns a Hany. Napapangiti pa. Baliw lang?

"Ay gwapo!" nasabi ko bigla. Nagulat eh!

"Oo naman Ate! May taste naman ako 'no!" sabi ko. Aba! Kung panget ba naman 'yun, ewan ko nalang. Chos!

"Ano pangalan?" with her flirty voice.

"Matthew... Carl Matthew Solis Buenaventura..." sabi ko. Tapos yung tipong yung mata mo eh nagdedaydream pa?

"Manloloko at paasa yan!" sabi naman ni Ate. Grabi! Si Kuya naman, lamon lang ng lamon.

"Ay ganon?! May hinanakit sa puso? Pano mo naman nasabi?"  sabi ni Kuya.

"Oo nga! I second the motion!" taas pa ng kamay.

"Yan yung pangalan ng ex ko eh! Si Carl na niloko ako ng tatlong ulit at si Matthew na ilang beses akong pinaasa!" sagot ni Ate. May hinanakit nga. Confirmed xD

"Ate, it's your past... It will not be my future..." sabi ko na medyo mataray.

Napatahimik kaming lahat. Ewan. Natameme kami bigla. Sana naman, hindi totoo yung sinasabi niya. First time ko lang ma-inlove ng ganito tapos ganun pa outcome? Grabe naman.

"KRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGGGG!" Tumili na yung malanding bell.

Bumalik na ulit kami sa kanya-kanyang naming classroom. Tahimik parin. Sana naman, dumaldal na ulit yung dalawa mamaya.

Narating ko na yung classroom namin. Muntik pa nga akong maligaw eh. Ngayon ko lang na-realize, nawaglit pala si Matthew sa isipan ko kahit saglit lang. Pero nung nakita ko siya sa room, bumalik nanamna lahat. Pumunta na ako sa upuan ko. I acted like a normal person, baka kasi mamaya, mahalata nila na kinikilig ako dahil sa isa jan,

"Okay guys, I guess everyone was here. I've listed all the materials that you'll need for the semester. Paki-kopya nalang. Mag-advance reading na din kayo." sabi ni Mr. Gutierrez. Kinopya ko agad. Nagfocus nalang muna ako sa pagkopya then may tumabi.

"HEY!" pasulat na sabi sakin.

"Ay poging kabayo!" grabeng gulat 'yan!

"Grabe ka naman. Makikitabi lang eh." sabi niya. Si Matt pala 'yun! Nag-sad face siya bigla. Yung tipong nagpapa-awa?!

"Eh kasi naman! Nagulat po kaya ako!" sabi ko naman.

"Sorry po :) " Ayan. May smiley na talaga.

"Pwede ko ba makuha number mo?" tanong naman niya. He grabbed a pen and a tissue paper. Dun talaga nagsulat eh 'no?

"Sure" sabay smile then sulat. Kinikilig na talaga ako! *Himatay*

Beep. Beep.

 Nag-vibrate phone ko.

"Hey :) Save my number... It's me.. the Poging Kabayo :D" Poging kabayo? Ah gets!

To be continued...


[03]
I saved his number. MK nilagay kong contact name. MK? M stands for Matthew and K for Ko. Matthew Ko. Haha! May type of ownership agad eh 'no? Well, pagbigyan na. Hindi naman niya malalaman. Unless, kung nanakawin niya yung phone ko. Pero di naman siguro siya ganun.

Ako yung tipo ng taong mahilig mag-text. Almost everyday eh may load ako. Ewan ko ba. Naging part na 'to ng daily routine ko. Actually, parang necessity na nga eh. Para sa akin. Lagi kong hawak yung phone ko kahit wala naman akong ka-text. I usually send GMs (group messages). Three to five times in a day yan. Umaga, tanghali, gabi. Yung dalawa, depende sa situation.

"Manang Fe, dumating na po ba sila Kuya?" tanong ko kay Yaya Fe, kasambahay namin, when I arrived home.

"Wala pa anak... baka gumala pa 'yun. Kumain ka muna hijo." sagot ni Manang Fe.

She's been our maid for almost 17 years. She's my personal yaya back then. Pero nung lumaki na ako, naging all around yaya na siya. Sobrang bait at sipag ni Yaya. Hindi din malikot ang kamay niya tulad ng ibang yaya around there, kaya hindi namin siya pinapalitan.

"No yaya. Thank you. I'm still full." sagot ko naman.

"Sige hijo. Maglalaba lang ako sa likod..." sabay bitbit ng basket ng mga damit

I made my way to my room. I'm so tired. Boring pa dito. Wala kasi yung mga kapatid ko. Sumalampak na ako sa kama. Rest rest rest! I grabbed my phone then started composing my group message.

      "No one can change a person, but someone can be a reason for a person to change."

Good afternoon fellas! Home safe :)

Had fun in our first day in school :D

Tuesday, be good to me...

Text na po :D

Group
#MK ;*

Send to many:

"Hmmmmm... should I send this to him? Sige na nga!" Yes, I'm referring to Matthew. Kausap nanaman ang sarili.

Message sent!

Tumayo muna ako. Nagpunta sa CR at nagpalit ng damit. Naghilamos na din ako. Ayan! Fresh na!

"Ay wait!" nasabi ko out loud. May naalala bigla.

"Yung Hany! Yung bigay niya!" dugtong ko pa.

Kinuha ko ulit yung polo ko. Wala! Sa bulsa ng pantalon, wala din!

"S**t! San napunta yun?!" I searched everywhere, wala! Even sa bag. Then nakita ko yung pouch dun sa bag ko.

"Ay tange. Nandito lang pala... HAHAHA!" parang baliw lang eh 'no? Importante kasi sakin yun eh, kaya hindi pwedeng mawala.

Kinuha ko na yung Hany. Kinuha ko din pati yung Digital Sing;e-Lens Reflex Camera ko. Para masaya, DSLR for short :D Pinicturan ko in any angles I want. As I have said, ganito talaga ako. Kung may something na binigay sa akin from a special person, I'll make sure na may remembrance. Pipicturan ko talaga. Memories kumbaga.

Beep. Beep.

Oo nga pala... yung phone ko!

May 4 messages na dun. Dalawa kay Matthew, isa kay Chriatian, isa kay Robby. Inuna ko muna yung kay Christian.

Christian: Uy! Musta first day mo Bes?

Naalala ko tuloy lahat ng memories ko with him...

Siya ang pinaka best friend ko. Since grade one, kasangga ko na yan. Lagi niya akong pinagtatanggol. Siguro, I can say na weak talaga ako 'nung bata. Pero dahil kay Christian, natuto ako, sa lahat ng bagay. I learned how to be strong. Alam din niya ang tunay kong pagkatao. Dahil dun, mas naging secure siya sa akin. Dahil din dun, na-inlove ako sa kanya.

We spent a lot of time together during those days. Vacations, Christmas, New Year, Halloween, Birthdays, Everyday! Magkasama kami niyan. Our friends thought na we have a deeper relationship, jowa ika nga. Pero, we clear things out, I don't expect that much.

One time, I decided to say what I really feel for him. Ready na ako. Ready masaktan o matuwa sa magiging outcome. Nasa tambayan kami nun. Sa likod ng isang chapel. Kakatapos lang namin maglakad-lakad sa buong village. Medyo gabi na, lumalamig na din ang hangin. Naupo kami sa isang bench doon. Ito mismo ang isa sa mga piping saksi sa mga nagaganap sa buhay ko. Maganda talaga ang scenery dito. May playground, chapel. basketball court, multi-pupose hall, madaming puno! Perfect landscape!

"Ian, can we talk?" bungad ko sa kanya. Dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko. It's like, it will explode in anytime.

"Sige ba..." seryoso niyang sagot. Ganyan talaga siya when it comes to being serious.

"May sasabihin kasi ako sayo eh..." eto na. This is really is it.

"Ano 'yun? Bakit parang di ka matae jan?" he said

"Ian, I-I love you...more than as a best friend..." sabi ko.

Naging speechless siya for a while. He broke first the silence between us.

"Matagal ko ng alam yan..." sabi niya... nagulat naman ako dun...

"Bakit hindi ka luma--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"We can't be lovers... But I can still love you... Kahit hindi ko mapapantayan..." he said. I can feel na tutulo na ang luha ko. His words melts me! It weakens my bones...

"Okay lang... All I need to do is masabi ko sayo..." sabi ko naman then nagbigay ng isang pilit na ngiti.

End of Flashback...

Reply: Ayos naman ako Bes... May nakilala din na bago...

Sunod kay Robby.

Robby: Good luck! Ingat jan ha?

Si Robby, best friend ko din. He's a very caring person. Straight siya at may girlfriend. Pero kung wala lang GF yun, naging crush ko na siya. Ganun kasi ako. Pinipigilan kong magka-gusto sa isang tao lalo na kapag may syota siya, Baka kasi sa huli, di ko mapigilan ang sarili ko. Baka masira ko pa ang relasyon nila.

Di ko na siya nireplyan, bagkus, binasa ko nalang yung message ni Matthew.

MK: Oy! Kumain ka muna :)

MK: Sino pala yung "MK" sa dulo?

Ako: Tapos na po akong kumain. Secret ko na yung MK!

MK: Asus. Naglihim pa...

Yung feeling na kinikilig ka kasi katext mo yung crush mo?! Ehmehgehd!

We exchanged messages. Sweet nothings, quotes, random thoughts, kahit nga mismong ginagawa, sinasabi eh. He's very caring. He always reminds me to eat or when to sleep. He even greets me when I wake up or before sleeping, and take note, personal message yun.

Grabe. I knew lot of things about him. Lahat ng favorites, personal info's, lahat! Pati ex's niya. Sobrang kilig. Lagi pa siyang nagpapapansin.

"Pwede ka bang maging best friend?" tumawag siya one time. Sinagot ko naman agad

"Pwedeng pwede po..." sabi ko naman. I laughed slightly sa sinabi niya

"Yes! Woooooooo! Finally! May best friend na ako!" sigaw niya sa phone. Tuwang tuwa! Parang ngayon lang nagkaroon ng kaibigan! I can hear his screams and he's like jumping. Habol ang hininga niya.

Childish we may think. Pero hindi. Ganyan ang feeling when you had your first best friend. Yes, FIRST.

Kinabukasan...

"Oh Bri, Hany gusto mo?" alok niya sakin.

Ano daw?! Tinawag niya akong HONEY?! Ehmehgehd! *himatay*

Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko nakita yung Hany. Iba tuloy pumasok sa isip ko :D

Ayan! namumula ka ulit!

"A...a...ano? Honey?" sabi ko sabay harap sa kanya.

"HANY po..hindi HONEY... HANY..." at talagang pinagdiinan yung A

"A... aaahhhhh... oo nga pala... yung HANY..."

HAHA! Pahiya! Bleh!

"Uy ano? Mamumula ka nalang jan o kakain ka pa? Bahala ka...uubusin ko 'to..."

"Wag! Akin na! Thank you!" sabi ko. Kilig!

"Oy hati tayo jan!" sabi niya

Weeks passed. Mas madami pa akong nalaman sa kanya. Mas lumalim naman ang friendship namin. Ako? Lalo akong na-in love sa kanya. Pero, ayokong umamin. If I have to choose between love and friendship, I would prefer to be a friend of him. Baka kasi pag sinabi ko, mag-iba ang turing niya sa akin. Ayos na para sa akin ang ganito. Best Friends lang. Hanggang doon lang... siguro. But I know time will come.

---------------------------------------------------------------------------------------------------


[04]
Beep. Beep.

From: MK

Message: Papunta na po ako jan... San ka po banda?

                  One Saturday, I decided na dalhin siya sa bahay. Sakto! Nandun ang buong family. Why? Wala lang. I just want them to meet my bestfriend. It has been a very long time nung nag-dala ako ng bestfriend ko dito. Si Ian pa nga yun eh.

Damn! I miss that guy so much!

                 Magkikita kami sa McDo. Nauna na ako sa place. NAkakahiya naman kasi kung ako ang hihintayin eh ako 'tong nagyaya...

Me: Malapit ako sa My Play Place...
MK: Turn around...

Turn around, every now and thenI get a little bit lonely and you're never coming roundTurn around, every now and thenI get a little bit tired of listening to the sound of my tears


Ayan! Napakanta tuloy ng Total Eclipse of the Heart! HAHA! Chos!

                 Ako naman si uto-uto, umikot. Nilibot ko ang paningin ko. Wala naman eh! Nakatalikod lang ako sa table namin, still trying to find him. I kept on searching... kulang nalang ipa-blotter ko eh, pero wala talaga!

 Urgh! That guy got me!

"Who are you looking for?" bumalik ako sa dating pwesto.

"Tae ka! Nakakagulat ka naman!" si Matthew lang pala. Whew!

"And teka, pano ka napunta jan eh ang sabi mo 'turn around?'" tanong ko pa with matching mataray mode.

"Magtatanong ka nalang ba o aalis na tayo?" sabi niya

"Aalis na po..." sabi ko.

"Wait! Take out muna tayo! Samahan mo ko sa counter..." sabi ko pa

"Osige na..." sabi niya

                   We reached the counter. I ordered Coffee Vanilla Float and Strawberry Sundae. Favorite ko ever! Tapos Crispy Chicken Sandwich. I asked Matthew, and ang gusto niya lang eh Coke Float, Large Fries and Caramel Sundae. Gusto niya daw kasi na ginagawang ketchup yung ice cream nung Sundae. Weird. Pareho sila ni Ian ng gusto.

                   Lumabas na kami after. I was waiting for a cab but suddenly...

"Hoy! Anong ginagawa mo jan?! Eto kotse oh!" sabi niya. Aba! Sossy din ang mokong ha!

"Hanep! May kotse ka pala?!" sabi ko

"Did you asked me?" masungit niyang sagot

"Hindi... Eh bakit ang init ng ulo mo? Meron ka?!"

"Ang init kasi eh! Nakakayamot!"

                   Ilang minutes lang, nakarating na kami sa bahay. Malapit lang naman kasi yung village namin sa McDo kaya mabilis. Bumaba na siya nung nasa tapat na kami ng bahay.I was shocked on what he did next. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse! Feeling ko, umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at namula. Parang nalusaw lahat ng yelo at ice cream ng binili namin dahil sa init. Feeling ko, taob pa si Rapunzel sa buhok ko, isama pa yung bida sa Tangled.

Mygawd! Gurl na gurl ang peg! Napaka-gentleman! *himatay*

                   Akala ko aalalayan niya pa ako pababa. Yung tipong hahawakan pa yung kamay? Hindi pala. Assuming lang teh!

"Hoy ano pang hinihintay mo? New year?" tanong niya. Nayayamot na nga siguro 'to

"Eto na nga po... bababa na..." sagot ko naman at agad na bumaba

Sayang...

                  Nag-doorbell naman ako agad at sinalubong kami ni Yaya Flor...

"Anak, nandun sila sa sala..." sabi ni Manang

"Ah sige po... Salamat po!" magiliw ko naman tugon

                  Grabe! Sobrang saya ko! Ewan ko kung bakit. 'Yung tipong kinikilig ka kahit walang dahilan?! Gosh! Ang dating pa eh, parang may ipapakilala o ile-legal na boyfriend. Haha!

"Ma, Pa, si Matthew po...my boy--- boy na bestfriend..." palusot ko.

 Whew! Baliw ka talaga!

"Good Afternoon po :D" bati naman ni Matthew. Buti naman at naisipan niyang ngumiti.

"So now, pwede na po ba tayong kumain?" sabi ni Ate Sarah

"Oo nga! Kainan na!" sabi naman ng kuya kong matakaw.

                    Then, we proceeded to the dining area. Daming pagkain! Parang fiesta at matataba ang kakain! Ang sasarap pa! Eto namang si Matthew, sobrang cloe agad sa pamilya ko. Na-hot seat pa nga siya dahil sa mga tanong nila! Kulang nalang eh tanungin kung virgin pa siya, anong kulay ng brief niya, kung 'mahaba' ba? HAHA! Puro random things! Bago pa man mangyari yan, tinapos na namin ang pagkain. Niyaya ko naman si Matthew sa kwarto ko.

Bwahaha! Re-rapin ko 'to! Ay mali, magpapa-rape ako dito! Bwahahahahaha!

Hay nako...ang malaswang utak, bow

"Grabe naman 'tong kwarto mo! Di halatang matalino ka huh?!" sabi niya bigla. Halatang namangha ito

"Ha? Hindi naman ah?"

"Ano ka?! Tignan mo nga! Book shelves na puno ng different volumes ng Encyclopedia, at take note! Complete set pa ha! Text books, Almanacs, Atlas, puro trophies and medals pa! May mga certificates pa! Kahit ribbons hindi mo pinlampas!" sunod-sunod na sabi ni Matthew. Hingal na hingla naman 'to kasi halos hindi na humionga sa kaka-describe.

"Compared naman sa kwarto ko, parang tambakan lang ng basura" dagdag pa nito

"Wala ba kayong maid?" tanong ko

"Meron naman... Ayoko alng kasi na may ibang gumagalaw ng gamit ko dun... except kung pinayagan ko" paliwanag niya

                      We entered my room. Agad akong sumalampak na parang palaka sa kama ko. SI Matthew naman, pumasok na ni-lock ang pinto. Naglibot libot naman siya sa kwarto ko. Parang taga-bundok lang na kakababa lang...

"Pwede ka ba hanggang gabi?" tanong ko

"Oo namna... Kahit nga dito na ako matulog eh..."

"Ganun? Sige... Bar tayo mamaya ha?"

"May alam ka?"

"Oo naman! Ako pa!"

"Sige ba!"

"Sige... text ko nalang din yung ibang tropa..."

"Sige..."

"Tulog muna ako ha? Mag-online ka nalang jan kung gusto mo..."


Matthew's P.O.V

                      I have a best friend. Siya si Brian Anthony Lacuna Nicholls. He's cute. Sobrang puti. He has been my best friend since our first day of school. From that day, I want to know him more. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Yung tipong gusto ko siyang kasama araw-araw? Hay nako... Can it be that I'm falling for my best friend? But it can't be... Straight ako...

                     I'm in his room right now. Grabe! Sobrang ganda ng kwarto niya! Ang daming libro, trophies, medals, certificates, ribbons. Hay nako. Talino grabe. May sarili pang desktop at laptop! I glanced at him, tulog na siya. He’s so cute!

Picturan ko kaya? Tama! Dala ko pala yung DSLR ko!


                    I grabbed my camera. Picturan na! Haha! Sinulit ko na yung pagkakataon. Merong picture na siya lang, minsan, tinatabihan ko. Grabe siya matulog! Naka-pout pa yung lips! At dahil dun, pinicturan ko na parang iki-kiss ko siya sa lips. Haha! Evil! After nun, bored nanaman kao. Pinakialaman ko nalang yung gamit niya.

Hmmm… where should I start? Alam ko na! Sa drawer!

                   Drawer. Oo. Dun kasi madalas nilalagay ang personal stuffs eh. Tinignan ko yung cabinet niya na may drawer, wala. Puro damit! At take note! May table pa siya dun na may napakalaking salamin. Yung parang pang mayaman? O kaya sa dressing room ng artista? Haha! I ties another drawer. Eto na. Ang mga abubot, bow.

                   May dalawang bagay doon na napukaw ang atensyon ko. Diary at Scrapbook. I’m so curious of this stuffs. I looked his diary first. I sat down sa chair na part nung table. I started flipping and reading the pages.




June 6, 2010
Hi there my diary! Puno na yung isa eh kaya dito nalang. First day of school na bukas! Nervous! Sana it will turn out fine. Sana may bagong friends :) This will be for now J Good night!

 Ano kaya yung isa pa?

June 7, 2012
A very great day! May bagong friend? Friend nga ba? Or what? Haha! Miss ko na yung friends ko dati L Yung bagong friend ko si MK… Matthew ko. Haha! Joke lang :)

“Okaayyy… Enough for this… ako ng si MK niya…” sabi ko sa sarili ko.

“WAIT.. so it means…” My gawd!My heart beats fast! Pero, sure ba ‘to? I closed his diary and returned it. Next one, scrapbook.

Grabe. Nakakamangha! Parang babae ang gumawa. Sobrang organized at malinis. Hindi naman masyadong girly and design pero maayos. Kapag ako nga ang gumawa ng ganito, parang grade two ang gumawa sa sobrang gulo at dumi. Well, that’s why I hate making such stuffs like this.

“Everything here was special for me… from those special persons…”

I started flipping pages. Iba-iba ang laman. May pictures, tissue papers na may notres, candy wrappers, etc,. Naka-label din kung sino ang nagbigay sakanya at kelan. Ganito ka-valuable ang tao sa kanya. Even single things like this, tinatago at pinapahalagahan niya. Nakaka-in love tuloy lalo.

Hany ba ‘to?

May nakita kasi akong Hany wrapper. And yes. Hany nga talaga.

Carl Matthew S. Buenaventura gave this to me J June 7, 2012


Yun na ang isa pang proof. In lovbe nga ‘to sakin. I don’t want to hurt him kasi I’m trying to fight this weird feeling. I am straight. I just want to know him more, that’s what I know. Yun lang… siguro. Bahala na if may ‘something na mangyari. Kung ma-fall man ako or what. That’s destiny.

It’s already 5:30 in the afternoon. Boredom kills me. I decided to sleep. But, I don’t feel very comfortable. Not because of Brian. I can’t stop thinking of this strange feeling.

“Nababakla na ba ako?” tanong ko sa sarili ko.

No. It can’t be. Kelangan ko pa magpadami ng lahi. Gumawa ng mga colony. Tapos. Tapos. Yun lang.

Grabe. Sobrang lamig dito. Humiga nalnag kao sa tabi niya. He’s shiverring. I can feel it. Wala namang comforter ‘tong mokong na ‘to. Instead na magpagod pa ako sa pagahahanap, I just decided to hug him.Di naman niya malalaman. He will just think na I accidentally placed my arms in his. Medyo di na siya nilalamig. Sobrang cute talaga nito. He’s like a sleeping angel.

I want to kiss you…  sabi ng utak ko.

No way dude! Hell to the no! sabi nung isa ko pang utak. Oo, dalawa utak ko. Isang bakla at isang hindi.

Kiss him! Again.

*smooch* sa tip lang ng ilong niya. It was a friendly kiss. Medyo kumunot yung noo niya. Naramdaman niya siguro.

*smooch* sa noo naman niya. Bigla namang nawala yung kunot ng noo niya. He’s smiling. I also smiled beacause of what I saw. I hugged him tighter. I drew nearer to him.

“Kung magiging bakla man ako, it’ll be for you… bacause of what I’m feeling right now for you.” Sabi ko sa kanya before closing my eyes.

I felt him moving closer to my chest. It’s like he found strength and a fortress. I just let him. I hugged him much tighter, like ‘I will never hurt you’. I will learn to love this man, someday.

Eto na talaga. Matutulog na talaga ako :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
To be continued...


[05]
Brian's P.O.V

I am crying.

Also, running as fast as I could.

It felt like the whole world was chasing and being mad at me. I am crying very loud and hard. Sobrang labo na ng paningin ko dahil sa luha.

*BLAGGG!* I bumped into a guy who sounded a very familiar voice

"Are you okay?" the guy asked seriously. Hindi ko maaininag ang mukha niya dahil sa setting namin, against the light ang effect.

But that voice.

That very voice sounded very familiar. I just can't remember who he was.

I quietly stood habang inaalalayan niya ako. I want to say, "No, I'm not okay... Please help me..." but not a single voice came out. Para akong naputulan ng dila. I tried again, but failed. Instead of trying again, I looked back. The mob keeps on chasing me. They are like devils who starves for a sinner.

I continued running.

I've been very tired. Naalala ko yung nabangga ko. Nilingon ko siya. I can sense na he's staring at me. From a distance, nakikita ko ang mukha niya,. pero hindi ko makilala. He looks like he wants to say something. Nakipagsabayan siya sa mga taong humahabol sakin. He tried to follow me pero nilamon lang siya ng libu-libong tao humahabol sa akin, hanggang nawala na siya ng tuluyan.



The road gets darker and darker. Kanina, may araw pa, nakakasilaw pa nga. Pero ngayon, wala man lang liwanag. Feeling ko, ako si Snow White na pinatakas bago tuluyang patayin, tapos tumakbo sa gubat na walang katiyakang direksyon. Ganun ang pakiramdam.

*BLAGGG!*

I accidentally bumped again into another guy. He caught ,e with his muscled arms.Sobrang secured ang pakiramdam ko. I hugged him tightly. I want to be with him.I want him to protect me from those who are running after me.

"Come with me..." sabi niya

Nagliwanag ang lahat.

He held my hand to make sure that I am secured. Like the first guy, I can't see his face because of the sunlight. Pero kahit na ganun, I trusted him. He might bring danger to my life, but the hell, I don't care. He's the only person I could trust this time. Lumingon ako sa likod. Konti nalang ang mga humahabol. Wala din doon yung lalake kanina. Siguro, napagod o kaya wala talaga siyang care.

We reached a huge castle. It was very colorful and lively. Sobrang ganda. Engrande lahat. Feeling ko tuloy, isa ako sa Disney Princesses. I searched for my hanky para punasan ang mga luha ko, pero wala. Nag-iba na din ang suot namin, Naging tux pareho na white.

Pumasok kami sa kastilyo. There's  red carpet laid on the floor. And again, madaming tao sa paligid. Kaiba sa mga tao kanina, they seemed to be very happy.There are rose petals everywhere.We walked slowly. I can hear the bell clingiong. Sa dulo, nagkaroon ng altar. Sa isang iglap, nasa unahan na kami. At bigla itong naging isang kasal. I'm still crying, but this time, because of endless joy. I was about to wipe my tears when the man,  who am about to marry, kissed me. He wiped my tears too.

While kissing him, I felt a very strong force. Para akong vinavacuum. Parang portal. I can feel like flying and floating. It was a different feeling. I opened my eyes hoping to see the face of the guy, But, instead na siya, si Matthew ang nakita ko.

Panaginip lang pala...

But the another thing shocked me. Naka-sando and briefs nalang siya.

Ehmehged... May nangyari ba?! Nakuuuuuuuu...

At eto pa, nakayapos pa sakin. Sobrang higpit. Iba eh, hindi gigil. Parang soldier lang nag peg. Ewan! At sa di malamang dahilan, I'm hugging him back. Ang gwapo niya! Parang mag-jowa lang ang peg! At take note, naka-dantay pa ako sa matipuno niyang dibdib!

Ayiiieeeee! Pahawi naman ng 10ft na bangs! Chos!

Time check: 9:56 P.M.

It's already time...  I realized. Pupunta pa pala kami sa bar.

"Uhmmm... Uy Matt..." kumalas ako sa pagkakayakap, kahit sobrang labag sa kalooban ko. Chos! Niyugyog ko siya, ayaw talaga.

"Ayaw mo gumising ah... Magka- Carino Brutal tayo dito..." Kiniliti ko siya. Wala tutcha.

Sinimulan kong hanapin kung nasan ang kiliti niya. Sa tagiliran, wala.

"Baka 'di na virgin 'to..." sabi ko sa isip ko. Saba kasi nila, kapag daw di na nakikiliti, di na virgin

I tried again. City Hunter lang ang peg. Chos!

Where should I start?

His chest! I rolled my fingers from his chest, down to his stomach, period. Dun lang. Mamaya, matuklaw pa ko ng ahas eh. Pakshat! Wala talaga!

"Huyyy! Guymising ka na kasi!" sabi ko habang niyuyugyog parin siya. Halos lindulin na yung bahay, wala pa rin! Kahit anong ingay, wala!

Pinatay ko lahat ng ilaw para takutin siya, wala parin

Kinumutan ko siya para mainitan at magising. Sinara ang aircon. Toltec. Ako ang nainitan.

"Last try na 'to..." sa batok. Kiniliti ko yung batok niya. Dahan-dahang hinawakan. Napaigtad siya.

"Huli ka balbon!" Nyahaha! Nahuli ko na kiliti niya.

"Tama na please! HAHAHAHAHAHAHAHA! Tamahahahahahahaha! Na!!!!!!!!" sabi nito habang tumatawa

Damn... He's so cute!

"Tumayo ka na jan!" sabi ko. Tinigilan ko na yung pag-kiliti sa kanya

"Ayoko nga! Bleeehh!!" sabay belat. Stubborn! Parang bata!

"Ah ayaw mo ha..." kiniliti ko ulit siya sa batok

"HAHAHAHAHAHA! Bri-ahahahahaha! Tama naaaaaa!" Ang cute talaga.. Ang kulet pa ng mukha.. Parang natataeng ewan

"Tumayo ka na kas---" He pulled me. I now it was accidentally, pero kinikilig ako! Sakto kasi sa labi niya!

Ilang sandali kaming natahimik. Our lips are still locked with each other's. Sobrang lambot ng labi niya! But what shocked me most, gumagalaw na ang mga labi namin, creating a rhythm that only me and Matthew can understand. It lasted for just a few seconds. How I wish it could last forever...

"Sorry..." sabay naming nasabi pagkatapos ng nangyari.

Naging awkward ang situation. I can feel the silence creating a barrier between us. Pero bago yun, binasag ko na ang katahimikan.

"Fix yourself... Aalis pa tayo.." sabi ko sa kanya na parang walang nagyari.

"You can borrow my clothes... May briefs naman ako na di pa nagagamit jan..." dugtong ko pa

Hinayaan ko na siyang pumili ng gusto niya. Kumuha na ako ng damit at naligo sa baba, si Matthew naman, sa  banyo ng kwarto ko.

--------------------------------------------------------------------------------------------
To be continued...

No comments:

Post a Comment