Saturday, January 12, 2013

Gitara (Complete Story)

By: El Cuentacuentos
Blog: silver3yes.blogspot.com
Source: darkkenstories.blogspot.com


[01]
Before anything else, I would like to thank Mr Kenji Oya for the opportunity he has given me to share this story I authored in his blog. “Sir Ken, I really am so grateful for this!”

To all the readers, I hope you would enjoy this story. Any reaction and hopefully constructive criticism are welcome.


Disclaimer: The names of the characters have been intentionally changed to protect their privacy. Any similarities on the names, characters and incidents in this story are purely coincidental.

The author reserves all rights to this work and requests that any use of this material his right will be respected including but not limited to distribution, copying and sharing in any manner unless permission is granted.

This is my life and here is my story. A story of love, passion and devotion. A story about brokenness. A story that I wish I could just bury into the deep recesses of my mind.
-----o0o-----


2008 noong ako ay nangibang bayan at nagtrabaho sa Singapore bilang isang billing specialist sa isang malaking international company. Dito ko rin nakilala ang taong mamahalin ko ng lubusan na siya ring magdudulot sa akin ng matinding pasakit.
Ako si Zach. 31 years old. 5'6" ang height at may mala-Adonis na katawan (hahaha… wish ko lang yan). Pero di nga, ang katawan ko’y bumabagay lang sa aking angking tangkad. Proportionate kumbaga. May kaputian ang aking balat dahil na rin siguro sa dugong kastila na aking namana mula sa aking ina. Ang papa ko naman ay maputi rin at sa panahon ng sya'y bata pa, marahil ay mas higit pa ang kagwapuhan niya sa mga artistang nangningning sa kanyang kapanahunan. Sabi nila, kamukha ko raw si Polo Ravales. Mayroon din namang nagsasabing kamukha ko daw si Billy Crawford. At marami namang nagsasabing kamukha ko si Piolo Pascual. Hahaha, hirap talaga pagkagwapo ano? Hahaha. Pero, hindi sa pagmamayabang, nakikita ko rin naman sa sarili ko na may angkin akong mukha na maituturing na lamang sa nakararami. Hahahaha. Yabang ano?
Mahirap lang kami. Sa katunayan nakapagtapos ako ng aking pag-aaral dahil sa pagwo-working student. I completed my Bachelor of Science in Mathematics in one of the universities in my province dahil sa pagiging scholar ko at the same time sa pagwo-working student nga. Grade 4 o 5 ng may naramdaman na akong kakaiba sa aking pagkatao. May crush na akong lalaki noon. Oo, batang-bata ako noong mag-umpisang sumibol ang di ko inaasahang klase ng pagkatao ko. Mas napatunayan ko pang ganoon nga ang aking sekswalidad nang magkaroon uli ako ng isang pang crush pagtungtong ko ng high school. Matangkad siya, katamtaman lang ang puti ng balat, gwapo at magaling sumayaw. Pero walang nangyari sa akin noong elementary or high school. Puro pagkakabighani lang sa angking kagwapuhan ng kapwa ko lalaki. Pasalamat na rin siguro ako na lumaki ako sa bukid. Nagsaka, nagtanim ng mais at kung anu-ano pang gawain pambukid dahil yun ang nagpatikas sa akin at nagbigay ng pag-asang pwede ko pa mabago ang aking pagkatao.
Pagtungtong ko ng college, doon ko nakilala ang first boyfriend ko na si Alexander. Kasama ko sya sa isang youth organization at dahil mas matanda ako sa kanya ng konti ay kuya ang tawag sa akin. Ang sabi nya, crush na nya ako noong high school pa lang kami at sa tuwing break time niya, pupunta sya sa classroom namin para lang makita ako. Buong-buo na raw ang araw nya pagnasilayan niya ang kagwapohan ko. Hahahaha. Isang gabi, habang nakitulog ako sa kuwarto niya, bigla na lang niya akong hinalikan. Sa panahon yun, di ko maintindihan ang naramdaman ko. Pinanggigigilan nya ang aking mga labi hanggang napunta na siya sa aking leeg. Sinipsip niya ang magkabila kong utong at doon na rin ako naalipin sa makamundong kaligayahan. Mga halinghing lang at ungol ang maririnig sa buong paligid habang pinagsasaluhan namin ang sarap ng bawal na kaligayahan. Matapos kong marating ang rurok at maipalabas ang dagta ng aking pagkalalaki, nanginig ang buo kong katawan na hindi ko maintindihan. That was my first sexual experience. Yes, it was Alexander who de-virginized me. Tumagal ng mga 15 minutes ang panginginig ng buo kong katawan habang yakap-yakap naman niya ako. Doon na ipinagtapat ni Alexander ang kanyang lihim na pagtingin at pagmamahal sa akin. At mula noon, naging kami na.
After I finished my degree, I went to Manila to look for a job para makatulong sana sa aking mga magulang. Maswerte rin naman akong natanggap agad ng trabaho after a week of job hunting. At dahil malayo kami sa isa’t isa, nagkahiwalay kami ni Alexander. Ako ang may kasalanan dahil naging marupok ako. Umibig na naman ako sa kasamahan ko rin sa isang church choir. Siya si Alvin. Naging kami for almost 3 years. We lived together and we were open to his family. Ako uli ang naging dahilan sa aming break-up dahil sa third party. Sino ba naman kasing hihindi sa napakagwapong si Mico. 5’10 ang tangkad, maputi, naka-braces ang ipin, napakabait at mahinahon magsalita at active sa isang church organization din. Well-known sya sa aming choir dahil nga sa angking kagwapohan niya at karamihang member ng choir naming ay may gusto sa kanya. Subalit ako ang kanyang nakita. Sinabi rin niyang madalas niya akong pinapakinggan tuwing nagso-solo ako sa church. Masarap kausap, maalalahanin at nakakabighani. Ganoon si Mico. Hindi rin naman naging kami dahil pumasok na siya sa seminaryo. Kahit nagsakripisyo na ako at nawasak pa ang relasyon ko kay Alvin ay OK lang para sa akin. Hindi ako pwedeng makipag-compete sa tawag ng bokasyon. Nagpatuloy ang buhay ko sa Manila. Nagkaroon pa uli ako ng dalawa pang boyfriends na tumagal din ng ilang taon. I stayed in Manila for 8 long years, but my monthly income was never enough to help my poor family at wala rin akong ipon. "I need to do something" ang sabi ko sa sarili ko. Matanda na kasi ang aking mga magulang at kailangan kong ako na dapat ang magsusuporta sa kanila. At dahil nga sa kulang ang aking kita buwan-buwan, napagpasyahan kong mangibang bansa. At swerte rin naman na natanggap nga akong magtrabaho sa Singapore. Medyo mahal ang placement fee na binayad ko pero sulit na rin dahil di hamak na mas malaki ang sweldo at ang kikitain ko.
Bago pa man ako nangibang bansa, mayroon akong boyfriend for more than 2 years. Siya si JR. 2006 ng naging kami. Gwapo rin naman siya ngunit mayroon pagka-malamya lang minsan na naging turn off sa akin. Minsan nasa trabaho ako, nagsusuot pa sila ng gowns kasama ang parlorista kong kaibigan rin at nalalaman ko na lang ito pagpinapakita na nila sa aking ang mga pictures nila. Hehehe. Kakadiri ano? Pero mahal ko siya (yun ang alam ko. lol.) Magmula nang naging kami, wala siyang trabaho at ako ang tumutulong sa kanya sa araw-araw na pangangailangan. Pati pang-yosi ako. Hahahaha. Martir ano? Pero, ganoon kasi ako magmahal. Kung ano ang akin ay sa kanya na rin, h’wag lang akong lolokohin dahil maghahalo talaga ang balat sa tinalupan. Hahahaha. Siguro, ganoon nga ako kabait at kamapagbigay. Ginagawa din naman ni JR ang kanyang tungkulin bilang partner ko ngunit may mga panahong nag-aaway kami na alam kong parte naman talaga sa isang relasyon. Pinagluluto ako, pinagpaplantsa ng damit ko pang-opisina, laba at kahit anu-ano pa. In short, siya ang naging maybahay ko. Hahaha. Minsan pagnagpapadala ako ng pera sa amin, nararamdaman kong nagagalit o di niya gusto ang ginagawa ko. Di ko na rin pinapansin pag-umasta sya ng ganoon dahil madalas ayokong makipag-away sa kanya. Pagod na nga ako sa trabaho tapos ganoon pa pagdating sa bahay. Madali din kasi uminit ang ulo ko lalo na pagmaraming problema ang iniisip o kaya kung inaantok ako. Hahahaha. Oo totoo, mainitin talaga ulo ko pag-inaantok ako. Anyway, I had encouraged him to look for a job, but I don't know whether he was really interested to work or he just didn't care at all. Hindi daw siya pumapasa sa exam. Kung pwede lang sana na ako na mag-exam para sa kanya gagawin ko para makapag-work lang sya. Nag-tutorial pa ako sa kanya para lang talaga magkaroon siya ang confianza sa sarili, pero wala pa ring nangyari. Di rin naman kasi mayaman ang kanyang pamilya at humihiram pa nga ng pera sa akin para sa pang-araw araw na gastusin. Ginawa ko talaga ang lahat para matulungan siya. Minsan, binigyan ko ng pangnegosyo para magkaroon naman siya ng gagawin tuwing nasa trabaho ako o kung nagpapahinga ako sa bahay. Sa araw kasi usually tulog ako dahil gabi ang work ko. Pero pati yun, nawalang saysay. Capital ko nga di na nabawi. Napapadalas na ang aming pag-aaway noon. Punong-puno na rin ako at gusto ko na actually na makipagkalas ngunit isa pa yan sa di ko kayang gawin. Mahina ang loob kong makipaghiwalay at mas gusto ko pang ako ang hihiwalayan dahil alam ko kaya ko ang sakit. Ganoon ako kabobo, katanga at kahina when it comes to love and relationship. At siguro blessing in disguise na rin sa akin ang napipintong pag-alis ko papuntang Singapore dahil alam ko yun ang magiging daan para matapos ko ang aming relasyon.
It was April 2008 when I arrived in Singapore. Medyo mahirap sa unang mga araw dahil nakaka-miss ang Pilipinas, ang pamilya ko at si JR. Oo, namimiss ko rin naman siya kahit papano kasi mahigit dalawang taon din naman kaming magkasama sa iisang bobong. Mahirap mag-adjust at ibahin ang nakagawian nang pamumuhay. Mahirap makisalamuha sa iba't ibang taong iba-iba din ang lahi. At lalo nang nagpahirap sa akin ang sobrang pagtitipid dahil wala pa namang sweldo at konti lang ang aking dalang pocket money. In fact, pagpunta ko dito, may dala-dala pa akong asukal, asin, mga de lata, plato, kutsara, noodles, sabon panlaba at panligo, shampoo at kung anu-ano pang kailangan ko sa araw-araw. Kulang na nga lang na magdala ako ng kaldero at kawali. Hahahaha. Nakakatawa talaga dahil sobrang bigat nang dala-dala kong bagahe, pero wala naman akong magawa dahil kung hindi ko gagawin ay ako naman ang magugutom at maghihirap. Wala din naman akong kamag-anak o kaibigan dito maliban sa mga kasama ko sa agency na kasabay ko rin dito dumating. Sobrang mahal din ng mga bilihin dito at kada bili ko, palagi ko muna itong kino-convert at pagmahal sa pesos, tatalikod na lang dahil ayaw gumastos. Ganoon nga ang naging unang karanasan ko dito.
After 2 weeks from arrival and of doing basically nothing, our training began. And after 1 month of training, sinabak na ako sa aking trabaho. May kahirapan ang aking reponsibility dahil sa nabanggit ko nga na sa billing department ang assignment ko. 90% of the calls I received everday was billing dispute. Nandyan na yung sisigawan ka over the phone. Mumurahin ka at yung iba ay kung makapanlait ay parang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahoan ko. Mayroon namang customers na racist at ayaw makipag-usap sa pinoy na katulad ko. Ang mas matindi ay yung hindi mo sila maintindihan dahil sa iba ang kanilang English pronunciation o di kaya’y hindi talaga sila sanay na mag-english. Lalo na pagka-Bangla o indian ang kausap mo ay talagang mahihirapan kang intindihin sila dahil karamihan sa kanila ay mga construction workers lang naman at konting English lang alam. Isang beses nga ay ganitong tawag ang natanggap ko. "Kring! Kring!!! " ang pagtunog ng telepono. "Thank you for calling blah blah, how may I assist you today?" ang sabi ko pagka-picked up ko sa phone. "Ei, sir ah, why ah, my phone ah, incoming only coming. Out going no going" ang sabi ng kausap ko. Hahahaha. Di ko mapigilan ang tawa ko kaya pinindot ko agad ang mute button sabay halakhak ng malakas. Di ko alam kung anong ibig sabihin nya sa tanong na yun. "May I have your NRIC or FIN number please?" ang tanong ko sa customer matapos ma-control ang gigil ko sa kakatawa. "Yep" ang sagot naman nya. "Sir, may I have you NRIC please?" tanong ko uli. "Yep" sabi naman uli nya. "Punyeta! Bakit ba yep ng yep tong gonggong na to?" ang sabi ko sa sarili ko. Pinakalma ko uli sarili ko at tinanong uli ang customer, "Sir, may I have your Foreigner's Identification Number first please? That's the number on your work permit card". "Ya lah. Tell you oredi. Yep seven too yeyt foor jiro jiro yeyt yehm " ang sabi nya. "Ay, puta yun pala lang pala yun" sabi ko sa sarili ko sabay tawa uli. Puzzled din ba kayo kung anong ibig nyang sabihin? Ito yun o, F7284008M. O di ba, sinong di mababaliw pagkaganyan ang kausap mo araw-araw. Hahahaha. At doon sa tanong nya, saka ko lang naintindihan na ang ibig sabihin pala nya ng "incoming only coming, outgoing no going e dahil "barred" yung line nya dahil may overdue amount kaya di pwedeng mag-out-going voice call at incoming call lang ang pwede. Hahahaha.
Marami ding pinoy ang nakakausap ko sa telepono at karamihan kung di maangas e bastos din. May isang beses na minura-mura ako at nag-request pang makipag-usap sa manager ko. Buti na lang kinampihan ako ng manager kong indiano at pinagsabihan yung pinoy na "uncalled for" yung mga pagmumura niya sa telepono. Biruin mo naman, ginamit ang internet sa pinas kaya ang laki ng bill, tapos tumawag nang-aaway dahil di nya daw niya alam na chargeable ang internet connection overseas sa phone nya at gusto niyang i-waive ko ang buong charge. E, katangahan nya tapos ako ang aawayin sa kabobohan nya. Maraming pinoy dito na ganyan ang ugali. Porket nakapag-singapore na ay akala nila pwede na silang magtaas ng boses kahit sa kalahi nila.
Minsan masaya sa trabaho, pero kadalasan ay nakakapanghina dahil nga sa stress na dala nito. Sobrang demanding kasi ang karamihan sa mga tao at lalo na sa trabaho ko. Talagang babalatan ka ng mga kausap mo lalo na pag-alam nilang pwede ka nilang i-bully over the phone para makuha nila gusto nila.
Magkahalong lungkot at pagod ang nararamdaman ko sa sarili ko ng mga panahong iyon. Hanggang sa dumating ang taong magpapabago ng direksyon na buhay.
Si Derek….


[02]
Magkahalong lungkot at pagod ang nararamdaman ko sa sarili ko ng mga panahong iyon. Hanggang sa dumating ang taong magpapabago ng direksyon na buhay.

Si Derek….

Nasa ganoon akong kalagayan ng makilala ko si Derek. Mga June 2008 yun ng magkasalubong ang mga landas namin. Isa din siyang pinoy at manager sya sa ibang department. Dalawang taon ang tanda niya sa akin. May taas na 5'5" di naman kagwapohan sa katunayan ang dami nyang pimple scars sa mukha. Hahahaha. Pinoy na pinoy ang hitsura, maganda at mapuputi ang mga ngipin na nakakapagbighani at tikas na talagang sobra ang dating para sa akin. Ang gusto ko kasi sa isang lalaki ay yung "manly" at walang bahid na kabadingan (hahahaha!) kasi sexually appealing para sa akin ang ganun. Kahit naman ako, di mo rin mahahalatang kabilang sa 3rd sex dahil wala rin namang akong bahid. Sa katunayan, dati (dati yun ha), asar na asar ako pag may nakikita akong nagdadamit babae dahil sa wari ko ay sila ang nagpapababa sa tingin ng mga tao sa mga bading. Na sila ang dahilan kung bakit kinakantyawan ng mga tao ang mga bading. At talagang ayoko nang nakikitaan ako o yung partner ko nang lamya. Ito yung preference ko at ito nga ang nakita ko kay Derek. Lubos na humanga ako sa kanya. Pala-kaibigan din kasi at masayang kasama. Mas matangkad ako ng konti sa kanya pero tamang-tama lang ang katawan niya sa height nya.

Isang hapon, paalis na ako ng office at papuntang gym para magpapawis nang bigla siyang sumabay sa akin.

"Bro, san ka punta" ang biglang tanong niya sa akin pagkalabas na pagkalabas sa elevator.

"Ah… mag-gy-gym lang bro dyan sa may California Fitness" ang sagot ko naman sa kanya habang dala-dala ko ang aking backpack na may laman na gamit pang-gym.

"Akala ko may kasabay ako uuwi e." ang nasambit niya sabay pakawala ng isang nakakabighaning ngiti na nagpakita ng kanyang mapuputing mga ngipin.

"Ah, ganoon ba? Sayang naka-schedule ako ngayon e." ang sabi ko sa kanya sabay ngiti rin.

Sumabay na ako sa kanya palabas ng building naming at papuntang MRT station. We talked a lot of things while walking towards na MRT station. At dahil naengganyo ako sa aming pag-uusap at pagbibiruan, nagdesisyon akong di na tumuloy sa aking lakad at sasabay na lang sa kanya pauwi. Doon ko rin nalaman na magkalapit lang pala ang aming inuuwian. Habang sakay kami sa tren, ang dami-daming bagay ang aming napag-usapan. Anim na taon na siya sa Singapore at permanent resident na sya dito. Sya'y taga-Visayas. Doon ko rin nalaman na mayroon siyang girlfriend na Malay, mas matanda sa kanya ng dalawang taon at malapit na syang ikasal. "Ay sayang!" ang sabi ko sa sarili. Nakaramdam ako ng paghihinayang at lungkot pero sino ba naman ako para makaramdam ngganoon. Kakikila ko lang sa kanya at malay ko kung mayroon din siyang pagtingin para sa akin. "Kahit konti man lang sana" ang nasabi ko sa sarili ko. Nagkapalitan kami ng contact number at nagkapasahan ng mga kanta sa phone. Tandang-tanda ko pa ang Spanish song na pinasa nya sa akin "Amigos por Siempre". "Friends forever" daw kami. Nagbigay naman iyon ng galak sa aking puso. Doon na nag-umpisa ang aming pagkakaibigan. Nagpapalitan kami ng email kahit busy kaming dalawa sa aming mga trabaho. Nakakawala ng stress para sa akin pagkakausap ko siya kahit sa email lang. Nagtatawanan na parang mga baliw kahit napakababaw na usapin lang.

"Bbro"minsang text niya sa akin.

"Bbro? ano yun?" ang reply ko sa kanya.

"Bbro. Short for baby bro! kasi ikaw ang baby bro ko." ang sagot naman niya sa sms ko. Galak ang nag-uumapaw sa puso ko ng mga panahong iyon. Abot tenga ang ngiti sa aking mga labi.

"Pero, ikakasal na sya" ang sabi ko sa sarili ko. Kaya imbis na sumaya, nalungkot na naman ako bigla.

"O, bat di na sumagot ang bbro ko?" ang text nya uli sa akin.

"Ah e.... cute naman ng tawag mo sa kin. hehehe. Sige, bbro na rin ang tawag ko sa 'yo. Short for 'big bro'. " ang sagot ko sa sms nya. Sa totoo lang, nakakailang para sa akin yung mga tawagan na "honey ko", "loves ko", "kuya ko" at kung anu-ano pang may mga "ko" na endearment. Siguro di lang ako sanay kasi naman sa mga past relationship ko, ang mga tawagan namin na natatandaan ko ay "ga" short for palangga; ang overused na "bhe" for baby at "cuor" naman ang tawag ko kay JR. Cuor short for "cuore" which is an Italian word for heart. At yun na nga, bbro na ang tawagan namin ni Derek. Sobrang lambing talaga nya at napakaalalahanin.

Makalipas ang ilang araw, binigay niya sa akin ang invitation letter para sa kanilang kasal. Doon ko uli naramdaman ang hinagpis sa sarili ko. Buong araw akong down at di makapagtrabaho ng maayos dahil sa kirot sa aking puso.

"Bbro,punta ka sa kasal ko" ang sabi niya.

"Sige po, check ko kung pwede akong mag-leave pero I doubt na papayagan ako dahil kakaumpipsa ko lang sa trabaho." ang sagot ko naman sa kanya.

"Oo nga e. Sayang, gusto ko pa naman na andoon ka" ang pahiwatig niya.

"I'll be on leave starting next week. My parents will be arriving in Malaysia a day before the wedding kaya kailangang andoon na ako para maasikaso sila." ang dagdag pa niya.

"Sino pala pupunta sa inyo?" I asked him.

"Si mama, papa at ang pinsan ko na mag-aalaga kay mama. Yung kuya ko rin at yung kapatid ko na kasama ko sa bahay." ang sagot nya.

"Ah, ok. Sige ingat ka na lang." ang sabi ko. Parang dinurog ang puso ko sa tagpong iyon. Di ko maintindihan ang sarili ko dahil parang nahuhulog ang loob o sa kanya at nanghihinayang ako sa pwede sanang mangyaring pagmamahal naming dalawa ngunit... "di pwede" ang bulong ko sa sarili ko. "at isa pa, wala syang gusto sa akin" ang nabanggit ko pa sa sarili ko. Kaya pilit kong kinalimutan at winaglit ang namumuong pagtingin ko sa kanya.

The night before his wedding, habang naglalakad ako mga alas nueve ng gabi pauwi ng bahay, nag-uusap kami sa pamamagitan ng SMS.
Zach: "Musta po kayo?"

Derek: "Ate Guy, ikaw ba yan? Hahaha" ang pang-asar na sagot nya sa akin.

Zach: "Bakit?"

Derek: "Nagpo-po ka kasi e."

Zach: "Ah, yun ba? Ganun lang talaga ako sa mga nakakatanda. Hehehe"

Derek: "OK lang naman ako bbro. Ikaw, musta ka naman? Andito ako ngayon sa hotel kasama ng parents ko. Si tatay, naghahanap ng lambanog. Ahihihi!"

Zach: "Ganon? Hehehehe. Ok naman po ako kaya lang hirap pala kung may nararamdaman sa isang tao na di mo masabi ano?"

Derek: "Ako ba yan? lol"

Zach: "Kapal mo naman. Di no!" Pero, di ko lang masabi na siya nga ang tinutukoy ko. Syempre, dahil ikakasal na sya at wala naman talagang pag-asa na magiging kami pa. Asa pa talaga ako no? "Di ba binanggit ko na sa 'yo yun. May crush ako sa billing yung intsik na maganda na kasama ko." ang dagdag ko pa sa text ko.

Derek: "Ah, ganon ba. Akala ko ako na e. hehehe"

Zach: "Asa ka pa. Hahaha. Akala ko mag-iinuman tayo, so kailan?

Derek: "Sa pagbalik ko na lang"

Zach: "Ah ok, sige. O sige, malapit na ako sa bahay."

Derek: "Okay. Ingat ikaw at kain ka na pagdating mo, bbro"

Zach: "Salamat po!"

Zach: "I wish you happiness and a fulfilling and fruitful married life. May you be blessed with children who will give you joy and care for you when you're already old. May God bless you always! Best wishes to you and your wife!" ang pahabol kong text sa kanya.
Derek: "Salamat, bbro!"

Lumipas ang ilang mga araw at unti-unti ko na ngang nakalimutan ang nararamdaman ko kay
Derek. Inuubos ko rin ang oras ko sa pagta-trabaho at di ko hinayaan na lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya. Samantala, patuloy naman ang pagsusuporta ko kay JR. Nagpapadala ako ng pera buwan-buwan para sa pagkain nya at para sa bahay na inuupahan namin. Oo, andoon pa rin siya sa apartment na tinitirhan ko kasama ang kaibigan ko na taga-amin din. Napagkasunduan kasi namin na patuloy akong magre-rent dahil karamihan sa mga gamit ko ay andoon pa. Sa katunayan, lahat ata ng gamit ng bahay ay sa akin pero iniwan ko na lang dahil gastos pa kung iuuwi ko sa probinsya. Pati pang-yosi ni JR naka-budget pa rin sa pinapadala ko sa kanya.

"Hello, cuor! Kamusta ka dyan?" ang tanong ko ng minsang tumatawag ako sa kanya.

"Hicuor! OK naman po ako. Ikaw, ok ka lang ba dyan?" ang sagot nya.

"Ah, opo, ok naman. Nakapaghanap ka ba ng trabaho?" ang tanong ko.

"Opo, pero di ako pumasa e." ang malungkot nyang sabi sa akin.

"So, paano yan? Di naman pwedeng di ka mag-work. Sana kahit para man lang sa panggastos mo sa sarili mo at para makatulong ka rin sa inyo kahit papano." ang sabi ko sa kanya.

At yun nga ang takbo ng pag-uusap namin. Parati ko siyang tinutulak at ini-encourage mag-work, but I really don't know what the problem was. Bago naman naging kami, he was working at one of the call centers in Ortigas. But he said, it was his ex-boyfriend who backed him up and recommended him to his HR friend. Still, mayroon pa rin naman siyang ibang trabaho kahit noon pa. Mayaman sila dati dahil OFW din ang tatay niya at galing talaga sila sa mayamang angkan ngunit bumagsak ang kabuhayan nila noong di na pwedeng bumalik sa ibang bansa ang tatay niya dahil sa sakit. Iniisip ko baka di pa rin sanay sa hirap at akala pa rin nya siguro na nasa antas pa sila ng mayamang pamumuhay.

Pagkatapos naming mag-usap ni JR ay biglang tumunog ang cellphone ko.

"Bbro?" ang text na natanggap ko mula kay Derek.

"O, bakit po?" ang tanong ko sa kanya.

"Nakabalik na ako. Inuman tayo mamaya?" ang tanong nya.

"O ba! Saan ba? O, punta ka na lang kaya sa bahay, ayain ko rin si Dwight para may kasama tayo." Ang sagot ko sa kanya. Si Dwight pala ang kasama ko sa tinitirhan kong bahay. Sa kabilang kwarto sya at sa master's bedroom ay isa pang pinoy na kasama rin namin sa agency na may kakapalan ang mukha at kakupalan ang ugali. Hahaha. Batchmate ko talaga si Dwight sa kumpanyang pinagtatrabahoan ko. Mula sa agency pa sa Pilipinas ay kasama ko na siya. Mas bata si Dwight sa akin at may asawa na rin. Maputi at may pagkabata pa mag-isip at tawa lang ng tawa pagkinakausap mo. Siya ang unang naging ka-close ko sa lahat ng mga batchmates ko pero di kami magkasama sa isang department dahil nasa technical department sya.

"O sige, punta na lang ako mamaya sa inyo. Paano ba pumunta dyan?" ang sagot ni Derek sa huli kong text.

"Susunduin na lang kita sa bus station sa may MRT." ang sabi ko.

"OK. 8PM tayo kita." ang reply nya.

"Alright, see you!" ang huli kong text sa kanya.

Around 8 PM, I was on my way to our rendezvous. When I arrived, he was already there waiting with bottles of beer and some chips para pulutan.

"O, kamusta?" ang tanong niya sabay nakipagkamay.

"Ah, ok lang naman. Ikaw musta?" ang sagot ko namansa kanya. Inakbayan nya ako tapos naglakad na kami papunta ng bahay. Panay tawanan at kwentuhan naman ang ginawa naming habang naglalakad.

"So, musta ang kasal?" tanong ko sa kanya.

"OK naman!" ang sagot nya.

"Asan na asawa mo, bakit andito ka ngayon para makikipag-inuman?" ang balik ko sa kanya.

"Ah, andoon pa sya sa kanila sa Malaysia. Kasama ko ngayon sina mama at papa. Andoon
sila sa bahay." ang salaysay niya sa akin.

"Ah, ok" ang tangi kong sagot.

Pagdating namin sa bahay, andoon na si Dwight naghihintay. Inumpisahan na rin namin ang inuman session. Tawanan, asaran at kwentuhan sa buhay-buhay ang aming ginawa. At dahil marunong akong mag-gitara, nagkantahan din kami. Doon ko nalaman na magaling kumanta si Derek. At nabanggit pa nya na sumali siya dati sa singing contest sa dating company na pinagtatrabahuan niya.

"Uy, congratz pala pare ha." ang biglang sambit ni Dwight.

"Thank you!" ang sagot naman ni Derek sabay ngiti.

"May picture ka ba dyan ng asawa mo? Patingin naman." ang sabi uli ni Dwight.

Binuksan naman ni Derek ang wallet niya sabay kuha ng 2x2 picture ng asawa nya at pinakita kay Dwight.

"Mga pinoy talaga o, pagdating sa babae, magaganda talaga ang napipili!" ang biglang sambit ni Dwight.

Tiningnan ko naman ang picture na hawak-hawak ni Dwight. "Ano ba yan? Kamukha naman to ni Kiray" ang naibulong ko sa sarili ko. "Hahaha! Paano naging maganda yan?" dagdag protesta ng utak ko. Pero syempre di ko naman pwedeng sabihin yun harap-harapan di ba? kaya sinarili ko na lang lahat. Di ako mapanlait at di ko sinabi yun dahil may gusto ako kay Derek, yun lang talaga ang nakita ko sa picture. Pawang katotohanan lamang ang sinabi at assessment ng utak ko.

Medyo bangag na kaming tatlo pagdating ng mga alas onse ng gabi. Nagpaalam na rin si Dwight na mauuna na siyang matutulog dahil may trabaho pa raw siya kinabukasan. Naiwan na lang kami ni Derek sa sala. At nagpatuloy kami sa aming pag-uusap at pagtutungga ng alak.

"O sino naman yung taong gusto mo na di mo maipagtapat sa kanya?" ang biglang tanong niya sa akin. Natahimik naman ako.

"Ah, yun ba? Kasama ko sa billing. H'wag mo nang intindihin yun, wala na yun. OK na ako." ang sagot ko sa kanya sabay tawa. Wala na kaming mapag-usapan kaya nag-umpisa uli akong mag-gitara't kumanta ng:

ALL MY LIFE (by America)
http://www.youtube.com/watch?v=KY3qObeLvHo

All my life, without a
doubt I give you
All my life, now and forever till the
Day I die, you and I will share
All the things this changing world can offer
So I sing, I'd be happy just to
Stay this way, spend each day, with you
There was a time, that I just thought
That I would lose my mind
You came along and then the sun did shine
We started on our way
I do recall that every moment spent
Was wasted time but then I chose to lay it on the line

I put the past away
I put the past away
I put the past away
All my life, I will carry you through
All my life, between each hour of the passing days
I will stay with you
There was a time, that I just thought
That I would lose my mind
You came along and then the sun did shine
We started on our way
I do recall that every moment spent
Was wasted time then I chose to lay it on the line
I want this all my life
I want this all my life
I want this all my life
I want this all my life
I want this all my life
I wanted this all my life

Alas dos na ng madaling araw ng matapos kami. Lasing na ako at pasuray-suray na kung maglakad. Pinigilan ko si Derek na sa bahay ko na matulog dahil gabing-gabi na. Ngunit di sya nagpapigil dahil baka hanapin daw siya ng parents nya. At yun nga, umuwi si Derek at naiwan ako sa bahay na sobrang saya. Doon ko rin nalaman sa sarili ko na wala na akong pagtingin sa kanya at baka naghahanap lang talaga ako ng kausap at kaibigan at karamay at kapatid. Masaya akong nakasama sya uli. Masaya akong kapiling ko sya kahit sandali lang.nAlam ko ring mahirap na muling mangyari yung inuman namin. Pero napaisip din ako, kung hindi ako importante sa kanya, bakit umalis sa sa bahay nila at pinili ako na maging kasama nya sa gabing iyon, instead na pamilya niya. O dili kaya'y, bakit ako ang uunahin nya samantalang kakakasal lang niya at malamang mas gusto ng asawa nya na maging kasama siya. Hmmm, pero malayong mangyaring ang iniisip ko. Malamang gusto lang niyang tuparin ang pangako nyang mag-iinuman kami.

Makalipasang isang lingo, "Ei, bbro punta pala kami ng asawa ko sa Bintan. Doon kami magho-honeymoon." ang text na natanggap ko kay Derek. Biglang parang sinaksak ng patalim ang dibdib ko. Ang sakit ng naramdaman ko at nagseselos ako. "Ano ba tong nararamdaman ko? Hindi pwede." ang nasabi ko na lang sa sarili ko. Gusto ko syang pigilan pero wala naman akong karapatan. Isa pa hindi naman niya alam na mayroon akong pagtingin sa kanya.

"Ah, OK po. Sige, ingat na lang" ang sagot ko sa kanya sabay patay ng cellphone ko. Ayoko na kasing makatanggap pa ng kahit anong sms o balita patungkol sa kanilang honeymoon. Dalawang gabi lang sila sa Bintan dahil mayroon din naman silang kanya-kanyang trabaho. Binalita uli agad niya sa akin pagkabalik niya. Noong hapon na yon, nagkita kami sa may bus stop uli para mag-jogging.

"Kamusta honeymoon mo" ang tanong ko sa kanya kahit masama sa loob ko.

"Heto ang hapdi ng etits ko!" ang biro nya sabay pakawala ng nakakalokong ngiti.

"Putang ina!" ang pagmumura ng utak ko. Sakit sa puso. Nakakapanghina ang selos na wala namang kabuluhan. Isa pa walang-wala naman akong karapatan. Nakitawa na lang ako sa kanya at nagpatuloy kami sa pagjo-jogging.

Isang araw, Sunday ng gabi habang sakay kami ng train pauwi sa amin.

"Bbro, pwede magpaturo sa 'yo ng paggigitara?" ang biglang tanong nya sa akin.

"O ba!" ang excited ko namang sagot sa kanya.

"Kailan natin uumpisahan?" ang tanong ko sa kanya.

"Off ko Wednesday, next week." sagot niya sa akin.

"Uy, off ko rin sa araw na yun." ang naibulalas ko naman.

"Ayos!" ang sabi nya sabay nakipag-high five sa kin.

"So, saan kita tuturuan?" ang muling tanong ko kay Derek.

"Punta ka na lang sa bahay. Sunduin kita sa may MRT station" ang sabi nya.

"O sige po." At yun na nga ang aming napagkasunduan.


[03]
Tuesday pa lang excited na ako sa session namin bukas. "Bbro, yung bukas ha, wag mo kalimutan" ang sabi nya gamit ang email namin sa opisina. "Opo. Basta sunduin mo na lang ako, ha? Mga anong oras pala?" ang response ko naman sa kanya. "Mga 9AM sa MRT station. Antayin mo ako sa Mc Donalds." ang sagot naman nya sa email ko. "OK, bbro. See tomorrow." ang sabi ko naman. "See you tomorrow bbro. Excited na akong matuto." ang huling reply nya.

Gabi pa lang, inihanda ko na ang guitar chords. At dahil kaliwete sya, sinulat ko ang mga ito sa isang bond paper kung saan mas madali nyang maintindihan. Inihanda ko na rin ang mga kantang nakuha ko sa internet at naka-print na. Kasama na doon syempre ang "All my Life" at sobrang dami pang mga kanta. Kinabukasan, ang aga-aga kong nagising. Hindi nga halatang excited ako. Hahahaha. At first time ko rin pumunta sa kanila. Kinakabahan din naman ako dahil baka andoon yong asawa niya. Hindi ko alam paano makisama kung sakali, isa pa di rin naman marunong magtagalog yon kaya naku, mapapalaban ako nito sa englisan. Hahahaha.

Impunto alas 9 ng umaga, andoon na ako sa pinag-usapan naming lugar sa Mc Donalds, sa pinakamalapit na MRT station mula sa amin. At ilang sandali pa ay nakita ko na rin siya. May bitbit na grocery. Malapit kasi ang wet market doon at parang may dala-dala siyang karneng baka. Muslim na rin kasi sya kaya di na kumakain ng baboy at syempre bawal na magluto ng baboy sa kanila dahil pagka-muslim, dapat pati mga gamit ay hindi napaglutuan o hindi napaglagyan ng bawal na pagkain katulad nga ng baboy. Nakalimutan ko kung anong tawag doon, basta sa pagkain, "Halal" ang tawag sa pwedeng kainin ng mga muslim at ito dapat ay approved ng isang muslim board. Hehehe. Di ko rin alam anong tawag doon. At yun na nga, dumiretso kami sa bahay nila. Mga 10 minutes walk from the MRT station. At dahil first time kong pumunta sa lugar na yon, napahanga ako sa mga buildings na kung tawagan ay HDB dito sa Singapore. Ang ganda kasi ng mga mini-park nila, di mo akalaing HDB yun. Dito kasi, pag-HDB parang tirahan lang siya ng mga pangkaraniwang tao. Pagmayaman ka dito, doon ka nakatira sa condominium at pag-sobrang yaman mo na ay landed na dapat tinitirha mo. Landed ibig sabihin bahay at lupa na and it will cost you millions of dollars pagbumili ka nang isa noon. At yun na nga, habang naglalakad kami panay puri ko naman sa lugar na nadadaanan namin. Mayroon pang secondary school na malapit sa kanila. Pagdating namin sa unit nila, naka-lock ito. Ibig sabihin, wala asawa niya. "Yehey!" ang pagsang-ayon ng utak ko. Hehehehe. Mas maiigi para hindi ako mailang. Wala na yung pagnanasa ko, i mean, meron pa pala pero konti na lang. Hahahaha.

Maganda ang unit nila. Bahay na bahay ang dating. Di katulad nung sa amin na parang puro basura ang andoon. Mantakin mo ba naman na pati sofa ay pinulot na lang ata yon sa basurahan. $1800 ang upa namin sa bahay na yun at yun ang napala naming mga gamit. Pero, okay na rin kasi yun dahil hindi naman kami nagbayad ng agent fee. Dito kasi pagdumaan ka sa agent (at kelangan din naman talaga dahil bawal ang hindi), may bayad na equivalent to 1 month rental fee for every year of occupancy. So kung 2 taon ang upa mo, equivalent to 2 months din yung babayaran mo sa agent. Though hati naman kayo noong may-ari, malaki pa rin kasi. Yung sa amin, nakipagsundo lang kasi kami sa may-ari at pumayag naman kaya ayun, naka-save kami sa agent fee at kaya ganoon din, di kami makapag-demand sa may-ari na palitan ang mga gamit sa bahay. Maganda nga ang bahay nina Derek. Maaliwalas. Ang kusina, napakalinis. Tatlo ang kuwarto ngunit dalawa lang ang bukas at pinapagamit ng may-ari dahil isa pa sa patakaran dito na kung ikaw may-ari ng bahay at papaupahan mo ang unit mo at kung less than 3 or 5 years ata ang pagmamay-ari mo sa tirahan na yun, dapat may isang kwarto na para sa 'yo (o sa may-ari). Ibig sabihin, kahit di sya doon nakatira, dapat hindi gamitin ang kwartong yun dahil bawal at pagnahuli, may multa sa HDB. At yun nga ang set up sa bahay nina Derek.

Bago kami nag-umpisa, sinalang muna nya ang pananghalian namin. Beef nilaga ang niluto nya. Habang pinapalambot ang karne ay nag-umpisa na akong magturo sa kanya. Basic chords at strumming lang muna. Di naman talaga ako magaling mag-gitara pero at least nakakatugtog ako ng 'OK' naman sa pandinig ko. Ewan ko lang sa iba. Hahahaha. Tinuruan ko siya ng C, G, D, A chords muna. Tapos tinuro ko na rin ang mga minor chords na usual na ginagamit sa simpleng kanta. Dahil madali naman syang matuto sa mga chords, tinuro ko sa kanya ang Visayan song na "Baleleng" dahil 3 chords lang ang involved dito. Nagtatawanan din kami pagkawala sa tono ang ginagawa nyang tugtog at nagkakantyawan din. Pagka di naman nya makuha ang tinuturo ko ay sinusungitan ko rin sya para matuto. May pagkamasungit kasi ako pag-ako ang nagtuturo dahil ayoko ng paulit ulit na ituro ang isang bagay. Siguro kung natuloy ako sa pagtuturo ko ay baka isa ako sa mga terror teachers ng mathematics. Hahahaha. Nang sumakit na kamay niya ay nagpahinga muna kami. Tamang-tama rin na luto na ang pagkain kaya kumain na rin kami. Tinanong niya ako kung ano gusto kong inumin at syempre coke ang masarap pampares ng mainit na nilaga, kaya coke ang sinabi ko sa kanya. Sarap pala kumain sa bahay na may kasama at kausap. Ang tagal ko na kasing kumakain sa bahay na mag-isa. Hahaha. Masarap din naman kasi ang luto nya kaya napadami talaga kain ko. Syempre, kwentuhan at kulitan uli. Pagkatapos naming kumain, ako na ang naghugas ng mga kubyertos. Naglinis na rin ako ng kusina nila. At pagkatapos ng ginagawa ko ay nanuod naman kami ng TFC. Wowowee ang palabas at kahit di ko ito masyadong gusto dahil sa mga hosts na di ko rin gusto ay pinagtyagaan ko na. OK lang naman kasi dahil nag-uusap at nag-aasaran pa rin naman kami ni Derek kaya hindi talaga ako na-bored. Alas kwatro ng hapon, nagpaalam na akong umalis dahil baka dumating na ang asawa nya. Napagkasunduan nameng next off day namin ang next session. Umuwi na ako nang bahay pagkatapos noon. Hinatid niya uli ako sa McDonalds.

Habang pauwi ako ng bahay ay biglang nag-vibrate ang phone ko.

"Cuor? Bakit di ka nagtetex o tumatawag sa akin? Nakauwi ka na ba sa trabaho?" ang sabi sa text na mula kay JR. Kaya tumawag ako agad sa kanya. Ayoko kasing magtext pa uli siya sa akin dahil mahal ang text galing sa pinas at ako pa rin naman ang magbabayad.

"Hello cuor! Bakit ngayon ka lang tumawag? Bakit di ka nagtetex? Bakit di ka nagpaparamdam? Kung anu-ano na iniisip ko dito baka kung napano ka at wala man lang balita sa 'yo" sabay-sabay na tanong ni JR pagkasagot na pagkasagot nya sa tawag ko, ni di pa nga ako nakapag-hello na akala mo siya nagbabayad ng call ko. Ito pa naman talaga ang pinaka-ayoko sa lahat. Yung binubungangaan ako kahit wala akong kasalanan o wala akong ginawang mali. At ganoon si JR. Mahilig magsayang ng laway na ikanasisira talaga ng araw ko.

"Ano ka ba? Pwede bang makipag-usap ka ng maayos at pagod ako!" ang pagsagot ko naman sa kanya sa medyo mataas na boses.

"Anong akala mo sa 'kin namumulot ng pera dito para makatawag at makatext sa'yo parati? Buti ka nga dyan e, naghihintay ka lang padala. Magtrabaho ka kasi para may magawa ka at hindi lang text ko ang inaantay mo." ang sunod-sunod ko namang litanya sa kanya. Di pa rin kami naghihiwalay at patuloy pa rin akong nagpapadala ng pera sa kanya. Mas malaki pa nga ang naipapadala kong pera sa kanya kay sa nanay ko e.

"E nag-aalala lang naman ako cuor e. Sorry na." ang sagot naman nya sa mahinahong boses.

"Ayun naman pala e, pwede namang makipag-usap ng maayos bakit kailangan pagtaasan ako ng boses." ang sabi ko na lang sa sarili ko. "O ano, nakuha nyo na ba ang last pay ko?" Binigyan ko kasi siya ng authorization para kunin ang last pay ko sa dati kong kumpanya. "Makakatulong yon sa pagbabayad ng utang ko" ang nasa isip ko.

"Ah opo, nakuha ko na. P28,000++ po" ang sagot niya sa akin. "Cuor, may magandang tuta na nakita ako. Gusto ko sana bilhin." ang sabi nya.

"Magkano ba yan?" ang tanong ko naman. "Binibigay sa akin ng P2500" ang sagot sa akin.

"O sige, kunin mo na. Ang sobra ng pera itabi mo na muna para sa pambayad ng utang tsaka para sa upa ng bahay." ang sabi ko naman.

"Opo. Sige po." ang huling sagot nya at nagba-bye na ako dahil mahaba-haba na ang aming pag-uusap.


Pagkababa ko ng call ko kay JR ay bigla naman may pumasok na text. "Nakauwi ka na bbro?" ang text mula kay Derek.

"Opo. Andito na ako sa bahay." ang sagot ko naman.

"Salamat kanina bbro ha. You made my day!" ang reply naman nya.

"Ah wala yun bbro. Salamat din sa masarap na lunch kanina. I also enjoyed your company a lot" ang sagot ko naman.

"OK, bbro. Next week uli ha. Kita na lang tayo sa office bukas. Good night, bbro!" ang sabi nya.

"OK bbro. See you tomorrow. Good night!" ang huling reply ko sa kanya.

Akala ko hanggang doon na lang ang lahat sa amin. Wala naman talagang problema din sa akin dahil kapatid na rin talaga ang turing ko sa kanya. Lahat ng problema ko nasasabi ko sa kanya. Pati mga hirap na pinagdadaanan ko sa trabaho, lahat sinasabi ko sa kanya. Kaya, OK na OK na ako sa aming kalagayan at pagkakaibigan. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Dumating ang araw for our second guitar lesson. That was a week after we had the first one. Ako ang nag-present na magluto ng pananghalian namin habang iniwanan ko siyang nag-eensayo. Mahilig din kasi ako magluto at lahat ng taong nakakatikim ng luto ko at napapa- "WOW" sa sarap. Hahahaha. Ang inihanda kong pagkain ay beef caldereta. Wala rin ang asawa niya dahil nasa trabaho. Habang patuloy ang pagluluto ko ay papunta-punta naman siya sa kusina at tinitingnan ako. Nakaupo ako malapit sa may mesa ng biglang lumapit sya sa akin. "O bakit?" ang tanong ko sa kanya na may pagtataka. "Wala! Halikan kita dyan e!" ang biglang sabi nya sabay lapit sa likuran ko at singhot sa ulo ko. Nakatayo kasi sya. Nagtaka naman ako sa inasta niya. Dahil alam ko biro lang naman yun ay tumawa lang ako.

Natapos na kaming kumain. Sarap na sarap naman siya sa niluto kong beef caldereta. Dahil di pwede ang pork liver, chicken liver ang nilagay ko. Nilagyan ko pati ng cheese na mas lalong nagpasarap nito. Puring-puri naman ito ni Derek. Matapos naming kumain ay nagligpit na ako. Naghugas ng pinggan at naglinis ng kusina. Matapos lahat yun, bumalik ako sa sala kung saan andoon si Derek nag-eensayo. Binuksan naman niya ang kanilang 40" flat screen TV para makapanood. Hininto niya ang kanyang paggigitara at humiga sa may gilid ko. Matapos ang ilang sandali ay nabigla na lang ako ng may nakatutok aking likuran. Hindi ko alam kung bakit tinitigasan sya. Wala naman kaming pinag-uusapang makakapag-init sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang katigasan na nakadikit sa aking likuran. Ayaw ko rin namang pansinin dahil baka di ko mapigilan ang aking sarili. Nakatitig siya sa akin at nakangiti. Iyong ngiting gustong gusto ko sa kanya.

"Bbro, chupain mo ako" ang biglang sambit niya sa akin.

Nagulantang naman ako sa kanya mga sinabi. Di ko alam ano isasagot ko. Alam ko namang may gusto pa rin ako sa kanya pero hindi pwedeng may mangyari dahil malaking kasalanan ang pakikiapid. Kung kasalanan ang pakikiniig sa kapwa lalaki mas lalong malaking kasalanan kung makikipagniig ako sa lalaking may asawa. Gulong-gulo ang utak ko kahit sa kabila noon ang gusto kong dakmain at tikman ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki na nakatutok sa aking likuran. Di ko rin alam kung dapat ba akong mabastos sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi pinapakita sa kanya na bakla ako o kaya naman na may gusto ako sa kanya kaya di ko maintindihang lubusan kong bakit nasabi niya ang ganoon. Nasa ganoon pag-iisip ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay at dinala iyon sa kanyang harapan. Ramdam na ramdam ko ang pintig ng kanyang tigas na tigas na ari. Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko nang pinahimas-himas niya ito sa kanyang katigasan. Parang gusto ko manginig. Parang gusto kong bumigay sa tawag ng laman.

"Gusto mo ba talaga?" ang naitanong ko sa kanya.

Tango lang ang sinagot niya sa akin habang nakatitig sa akin ang kanyang mga mata na parang gusto akong lamunin at isailalim sa kanyang kapangyarihan.

"Siguro naman pwede kong pagbigyan ngayon ang sarili ko." ang nasabi ko bigla.

Naalipin na rin kasi ako sa matinding libog ko sa katawan. Sobrang tigas na tigas na rin ang aking alaga.

"San mo gusto?" ang tanong ko sa kanya. "Ayoko sana dito kasi baka may makakita sa atin." ang dagdag ko pa.

Dinala niya ako sa kanilang silid at wala kaming sinayang na panahon. Pareho na kaming hubad at nakahiga sa kama. Patuloy ang pagro-romansa ko sa kanyang katawan. Hinahalikan ko siya sa kanyang mga labi ngunit ayaw niya itong ibuka. Nakatikom lamang ang mga ito. Ramdam kong ayaw niyang makipaghalikan kaya ang magkabilang utong na lang niya ang aking sinunggaban. Palit-palitan kong sinipsip ang mga iyon habang patuloy naman ang pag-ungol ni Derek.

"Ahhhhhh! Ang sarap baby bro! Ang sarap mo baby bro! Sige paaaaaahhhh baby bro!"

Libog na libog na rin ako. Dinilaan ko ang kanyang tenga na nagpaigtad sa kanya at mas lalong nagbigay sa kanya ng matinding pagnanasa. Muling dinilaan at sinipsip ko ang kanyang magkabilang dede. Pagiling-giling ang kanyang puwet habang ginagawa ko iyon. Sarap na sarap siya sa ginagawa ko. Binaba ko na sa kanyang pusod ang aking mainit na dila at ito naman ang aking sinipsip, dinilaan at hinigop habang ang aking kanang kamay naman ay busy sa paglalaro sa magkabilaang utong niya. Nagdedeliryo na si Derek sa sarap.

"Ahhhhhhhhh…..! Ahhhhhhhh! Bbro ang sarapppppp! Sige pa bbro! Isubo mo na pleasssseee." ang pagsusumamo ni Derek. Nakataas na ang kanyang balakang sa sobrang sarap.

Binaba ko na sa kanyang bayag ang aking nag-aalab na dila. Paisa-isa ko itong hinigop at dinilaan – pinaglaruan ng aking mga dila.

"Ahhhhhhhhhh…..baby bro ang ggggallllliiinnnnngggg mo!!! Ahhhhhhhh! Sarap moooooo!" Ungol at halinghing na dulot ng matinding sarap ang maririnig ko kay Derek. Para siyang nababaliw. Di niya alam kung saan ibaling ang kanyang ulo sa tindi ng sarap. Napakadyot siya sa tuwing pinapasok ko sa kanyang butas ang aking nagbabagang dila.

"Bbro please isubo mo na… di ko na kaya ang sarappppp… ang sarapppp mo! Ahhhhhhhhh!!!!" Sinubo ko bigla ang kanyang tigas na tigas na ari. Matinding sarap ang namayani sa kanyang mga mukha at nakikita sa kanyang mga mata. Kinakadyot-kadyot at binabaon pa niya lalo ang kanyang naghuhumindig na alaga sa lalamunan ko. Habang sinususo ko siya ay hawak ko naman ang aking tigas na tigas na rin na ari at binabate ko ito.

"Bbroooooo!!!!! Ahhhhhhhhhh!!! Shit, ang sarap mooooo!!!! Ahhhhhhhhhh!!!! Wag mong tigilan please!!! Subo mo paaaaa!!!!"

Nilaro-laro ko sa loob ng aking bibig ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki. Pinadama ko sa kanya ang sarap na ako lang ang pwedeng magbigay. Hanggang sa malapit na niyang maabot ang rurok ng makamundong kaligayahan. Subo-subo ko pa rin ang kanyang ari ng maramdaman kong lumubo na ang ulo nito.

"Baby brooooooo!!!! Malapit na akoooo!!!! Ahh! Ahh! Ahh! Ang sarappppp mo!!! Ahh! Ahh! Ahh! Ayan nah! ayan nah! Ayan naaaaaaahhhhhh!!!!!!! Ahhhhhhhhhhh!!!!!!"

Bigla siyang kumadyot at diniin sa aking lalamunan ang kanyang malaking titi sabay pakawala ng mainit na likido na dumaloy hanggang sa kalaliman ng aking bibig. Manamis-namis ito at malapot. Habang nilalabasan siya ay tumalsik naman sa kama ang aking masaganang katas. Pareho kaming nanlupaypay sa sarap na aming pinagsaluhan.

Di ako makapaniwalang matikman ko ang lalaking minsan nang nagbigay ng matinding init sa aking katawan. Di ako makapaniwalang tinikman ko ang laman na pagmamay-ari na ng iba. Ngunit, tikim nga lang ba iyon? Ramdam ko ang init at pagmamahal ni Derek habang pinagsasaluhan naming ang makamundong ligaya. Bakit nagpaalipin ako sa bugso ng init ng katawan? Bakit hinayaan ko kamtin ang hindi naman talaga magiging akin. Magkayakap kami ni Derek habang ako ay nag-iisip. Ang init ng kanyang katawan ay sadyang nagbibigay sa akin ng pagnanasa na sanay akin na lamang siya. Ang init na ito ay siya ring nagpatunaw at nagpadaloy muli ng aking dugo sa aking alaga. Tumigas uli ito at ramdam ko rin na lumalaki uli ang kay Derek. Kapwa hubo’t hubad pa kami. Muli, aming pinagsaluhan ang ligaya. Hinalikan ko muli siya at sa panahong ito, hindi na niya tinikom ang kanyang bibig datapuwat hinayaan na niyang maalipin ang mga ito ng aking mga labi. Nakikipagpalitan na ng halik si Derek at di kalauna’y sya na mismo ang naglabas masok ng kanyang dila habang hinahalikan ako at sapo ang magkabila kong pisngi. Ramdam ko na halik iyon ng taos-pusong pagmamahal. Alam kong ang pinagsasaluhan namin ngayon ay ang ligaya ng pagmamahal at hindi ng init ng katawan. Sa unang pagkakataon, pinagsaluhan namin ang ligaya na dulot ng pag-ibig. Ang sarap ng pakiramdam ng marating namin ang rurok ng kaligayan. Muli nagpalabas kami ng saksi sa ligayang iyon. Ang init ng likidong parte ng aming mga katawan ay syang naging tali na tila ba nagbigkis sa aming dalawang pusong gustong lumaya sa pagkakagapos. Ang sarap pala kung ang makamundong kaligayahan ay pinagsasaluhan ng dalawang taong nagmamahalan. Hindi ko rin naman talaga alam kung mahal ako ni Derek, pero sa mga hawak niya sa aking katawan, sa mga haplos ng kamay niya sa aking mga pisngi, sa init ng kanyang mga labi habang ako ay hinahalikan alam kong mayroon din siyang lihim na pagtingin sa akin. Ramdam kong pareho kaming pilit iniwawaglit sa sarili ang nararamdaman sa isa’t isa.


[04]
Sabay kaming naligo at naglinis ng aming mga katawan. Matapos kaming maglinis ay nagpahinga kami sandali. Muli kaming humiga sa kanilang kama. Pinailalim niya ang kanyang braso sa aking leeg na para bang unan ito. Muli ko siyang niyakap at pinatong sa kanyang dibdib ang aking ulo. Hinalikan naman niya ang aking noo. Sa pagkakataon yun, mas lalong naramdaman ko ang pagmamahal na galing sa kaibuturan ng kanyang puso. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Alam kong mali ang sinusuong kong sitwasyon ngayon, pero bakit nagpapaalipin ako? Alam kong walang patutunguhan ang namamagitan sa amin, kung mayroon man, pero bakit hinahayaan kong lamunin ang sarili ko pagnanasang hindi naman matutugunan? Tahimik lamang kami ni Derek na nakahiga. Pinakikinggan lamang namin ang mga pintig ng aming mga pusong nagsusumigaw ng kalayaan.

"Bbro?" ang pagbasag niya ng katahimikan.

"Bakit po" ang sagot ko naman.

"Salamat ha. Sobrang saya ako ngayon. Walang paglagyan ang nadarama na kaligayan ng aking puso. Nararamdaman kong natagpuan na ng aking puso ang matagal na niyang hinahanap na kaligayan at alam kong ikaw ang dahilan nito. Alam kong ikaw ang nagpapaligaya nito. Ramdam kong tanging sa ‘yo lamang mapapalagay at mararamdaman ang kaligayahang matagal ko nang hinahanap. Sa ‘yo ko lang naramdaman ang kabuuan ng aking pagkatao. Bakit huli ka nang dumating, bbro? Matagal nang naghintay ang aking puso ng taong magpupuno nito. Bakit ngayon ka lang kung kailan hindi na malaya ang aking puso na magamahal? Bakit ngayon ka lang kung kailan hindi na ako pwedeng maging sa iyo?"

Ramdam na ramdam ko ang hirap na nadadarama ni Derek ngayon. Tumutulo ang kanyang mga luha habang sinasabi sa akin ang mga katagang iyon.

"Mahal mo ba ako?" ang biglang tanong ko sa kanya. Gusto ko kasing malaman at marinig mula sa kanya kung mayroon ba siyang nararamdaman sa akin. Gusto ko ring mapatunayan na hindi saying ang panahon na ginugol ko para sa kanya.

"Oo, matagal na kitang gusto. Una palang kitang nakita sa opisina, naramdaman ko na ang kakaibang damdamin para sa ‘yo" ang sagot ni Derek sa tanong ko.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? E di sana, nakagawa pa tayo ng paraan?" ang nasabi ko naman.

"Alam ko. Gulong-gulo ang utak ko noong gabi bago ang kasal ko. Gusto kong umatras, pero hindi ko rin naman alam kung may pagtingin ka rin sa akin. At isa pa, andoon na rin ang aking mga magulang at may sakit si inay sa puso baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sakaling hindi ko itinuloy ang pagpapakasal." Paraang dinurog ang aking puso ng marinig koi yon. Naaawa ako sa kanya pero huli na ang lahat. Ramdam kong mahal niya ako, pero wala nang pag-asa na yumabong pa ang aming pagmamahalan. Dumaloy na rin ang aking mga luha. Ang sakit ng aking nararamdaman. Ang sakit pagkaitan ng taong mahal mo. Sadyang mapaglaro ang tadhana.

Sumunod uli ang katahimikan. Walang ni isa sa amin ang gustong bumasag nito. Probably because we are overwhelmed with the fact that although we know we have feelings for each other, we both know as well that everything will be futile and nothing deep and fruitful will happen if ever we continue with this illicit relationship. "Oh, how truly unfair life is!" my mind protested. Suddenly, Derek uttered "papel lang yun!" "Ano kamo?" ang tanong ko sa kanya. "Papel lang yung kasal na yun. Pwedeng punitin. Pwedeng burahin." Hindi ko alam kung ano ang kanyang gustong ipahiwatig sa mga katagang yun. Pero bahala na.

"Bbro, may pasok pa pala ako ng alas dos ng hapon." ang biglang sabi niya.

"Ah, ok. So, alis na ba tayo?" ang tanong ko naman.

"Sige po. Bihis lang ako sandali tapos alis na tayo."

"OK"

Habang nagbibihis si Derek, abala naman ako sa pagliligpit ng aking gitara at mga gamit. Di ko naman mapigilan ang sarili ko na mag-isip sa mga nangyari kani-kanina lang. "Ang sarap sanang magmahal ngunit..." ang nasambit ng utak ko nang biglang nagsalita si Derek.

"Bbro, tayo na! Mali-late na po ako." Kaya, nagmamadali kaming lumabas ng bahay at naglakad palabas. Ang gwapo ni Derek sa suot niyang white long sleeves na nakatupi hanggang siko na tinernohan nya ng blue buffalo maong pants. Dala-dala nya ang kanyang brown leather sling bag. Nakaakbay naman ito habang kami ay naglalakad.

"Bbro?" ang pagtawag ng pansin nya sa akin.

"Yup?" ang tanong ko naman.

"Salamat ha. Sobrang saya ko talaga ngayon. Walang pagsidlan ang kasiyahang nadadarama ko ngayon." ang sabi nya sa akin sabay pakawala ng kanyang matamis na ngiti.

"Ako rin. Ang saya-saya ko ngayon. Salamat din sayo at dumating din ang araw na ito para matikman ko kung ano ang pakiramdaman ng totoong saya." ngumiti naman ako sa kanya habang sinasabi ko ito. Hindi ko rin lubos maintindihan ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko siya ngayong malunod sa bawal na galak.

"Bbro, magka-cab na ako kasi mali-late na talaga ako e." nag-antay kami ng taxi ng mga ilang minutos ngunit walang dumadaan sa kung saan kami naghihintay. Oras din kasi yun ng change shift ng mga taxi drivers kung kaya mahirap makakuha.

"Bbro, dito ka na maghintay, ako naman doon sa kabila. Tawagan kita pag mayroon na akong nakuha para takbo ka na lang papunta doon" ang suhestiyon ko sa kanya na kanya namang sinang-ayunan. Kaya humiwalay ako agad sa kanya at nag-antay ng taxi sa kabilang kalsada. Bago pa man ako nakakuha ng isa ay tumawag na sa akin si Derek at binalitang nakasakay na siya at papunta na ng opisina. Ako naman ay naglakad na pauwi ng bahay pagkatapos naming mag-usap. Wala kasi akong pasok sa araw na yon.

"Bbro, salamat uli ha." ang sms na natanggap ko mula kay Derek

"Wala yon. Salamat rin." ang sagot ko naman

"Ang saya ko talaga, baby! Parang nasa alapaap ako ngayon. Langit na yata ito." ang sagot naman niya.

"Baby ka dyan! Akala ko baby bro? Bakit naging baby na ngayon?" ang protesta ko naman sa kanya. Kahit sa kaloob-looban ko ay nag-uumapaw ang saya na aking nadarama pagkabasa ng katagang iyon.

"Ayaw mo ba kitang maging baby?" ang tanong naman niya.

Ayoko na ring magpaligoy-ligoy pa. Gusto ko rin si Derek kaya bakit ko kailangang pigilan ang sarili ko? Oo, noong mga nakaraang araw lang ay sabi ko na pagkakaibigan na lang ang pagtingin ko sa kanya, pero mula noong nag-umpisa akong magturo ng gitara sa kanya ay mas lalong lumalim ang pagkakaibigan namin at sa di inaasahan ay bumalik uli ang damdaming pilit kong ibaon sa limot. Mahal ko rin siya at gusto kong ipadama sa kanya yon. Kaya mali man, hinayaan ko na ang sarili kong maalipin sa damdamin ko para sa kanya.

"Gusto" ang matipid na sagot ko sa kanya.

"Yun naman pala e. Pakipot ka pa! Hehehehe. Mwah!" ang sagot naman nya.

"May mwah pa talaga ha? hehehe" ang sagot ko naman.

"Oo naman! Para lang yan sa pinakamamahal kong bbro. " ang sabi naman nya.

"Sige bbro, text text na lang uli tayo mamaya. Kararating ko lang sa office." ang dagdag pa niya.

"OK bbro. Ingat ikaw!" ang may lambing na reply ko naman sa text.

Nakauwi na ako sa mga oras na yun. Nagpahinga at nag-isip ng mga nangyayari sa akin. Pagtapos ng mga isang oras ay nag-umpisa akong magsalang ng labahin sa washing machine. At habang naghihintay matapos ang aking nilalabhan ay naglinis naman ako ng bahay. Mga alas sais na ang hapon ng matapos ako sa aking mga gawain. Pagluluto naman ng aking magiging hapunan ang aking pinagkaabalahan. Habang naghihintay maluto ang aking pagkain ay bigla na mang tumunog ang aking cellphone. Text iyon galing kay JR.

"Cuor, tawagan mo naman ako please." ang sabi sa text mula kay JR. Kaya agad-agad akong tumawag sa kanya.

"O bakit?" ang tanong ko pagkasagot na pagsagot niya.

"Si mama kasi nakagat nang tuta. Kailangan niyang magpa-injection ng anti-rabbies."

"Shit!" ang bulong ko sa sarili ko. Di pa nga ako tapos sa mga utang ko, problema na naman. "Magkano daw ang bayad sa injection?" ang tanong ko sa kanya.

"4K po per injection." ang sagot naman nya.

"Ano?!? Bat ang mahal?" ang gulat kong pagtanong. Sinabi naman ni JR kung bakit. Mayron pang mga gamot na dapat bilhin at kung anu-ano pa. "Putcha naman talaga o!" ang protesta ng utak ko. "Sige, gumamit ka na lang doon sa last pay ko. Magbayad ka na rin ng bahay at maggrocery ka na rin para sa pagkain mo dyan." Sa totoo lang, pagod na pagod na ako sa ginagawa ko, pero hangga't maaari sana ay ayokong iwanan si JR na wala namang trabaho at naaawa rin naman ako sa kanya. Alam ko wala na akong pagmamahal, pero dahil sa awa, di ko pa rin sya maiwan.

Hindi ko na rin pinahaba ang aming usapan. Matapos ibaba ko ang tawag,tiningnan ko muna ang niluluto ko at pinatay na ang apoy dahil sa overcooked na ang gulay sa niluluto kong pinakbet. Patuloy naman ang aking pagninilay-nilay sa mga nangyayari sa buhay ko. Una, kailangan kong matulungan ang pamilya ko, pero paano ko gagawin iyon ngayon kung marami pa akong utang na binabayaran. Naghihirap din sila lalo na si mama ngunit konti lang ang naipapadala kong pera. Andyan si JR na dagdag pasanin ko pa. Pati pagkain at bisyo ako pa ang nagtutustos. Siguro kasalanan ko ang mga nangyayari sa amin. Hinayaan ko din kasi syang maging spoiled dahil sa pagmamahal kaya't naging tamad at dependent na lang siya sa akin. Sa kay Derek naman, problema sa puso ang binibigay. Mahal ko sya pero hindi tama. Kung tama man, wala rin naman patutunguhan dahil nakatali na sya. Ang buhay nga naman.

Dahil sa pag-iisip, di ko namalayang nakatulog na pala ako. Pati pagkain ko ng hapunan ay nakalimutan ko na rin. Bigla akong nagising pagdating ng alas onse nang tumunog ang aking telepono.

"Hi baby, tulog na ikaw?" ang text sa akin ni Derek.

"Uhm, naggising ako sa text mo. hehe" ang sagot ko naman.

"Aw, sorry po." ang sagot naman niya makalipas ang trenta segundo.

"OK lang bbro kasi nagutom din ako. Di pala ako nakapaghapunan."

"Kawawa naman ang baby ko. Gusto mo kita tayo sa Mc Donalds? Pauwi pa lang kasi ako e. Gusto rin kitang makita." ang reply nya. 24 hours kasing bukas yun. Sa totoo lang, medyo malayo-layo rin siya sa bahay ko. Ngunit, OK lang naman na maglakad palabas kasi maliwanag naman ang daan at sobrang safe naman dito sa Singapore. Walang hold-up o panggagahasa o patayan na nangyayari. Kung mayroon man ay talagang napakamalas na talaga ng biktima dahil sa kanya pa talaga nangyari. At dahil gutom na rin ako at hapon pa ang pasok ko bukas, kaya nagdesisyon akong lumabas.

"O sige bbro, kita tayo doon. Saan ka na ba? ang sagot ko naman uli sa kanya.

"Malapit na ako. Labas ka na at kita na lang tayo doon." ang natanggap kong sagot mula sa kanya.

Kaya agad-agad akong naghilamos at nagbihis. Naka-kakhi shorts ako tapos medyo hapit na white t-shirt at white snickers. Ang lamig-lamig ng hangin paglabas na paglabas ko ng bahay. Naisipan kong pumasok uli ng bahat at kumuha ng sweat shirt ngunit naisip ko ring baka mawala din ang lamig ko pagpinagpawisan na ko sa paglalakad. Kaya dumiretso na akong naglakad palabas ng building namin. Bilog na bilog ang buwan na animoy gising na gising sa pagmamasid sa dalawang pares ng magsing-irog na nakaupo sa may mini park sa labas ng building namin. Dumaan ako sa basketball court at may mga tatlong kabataan lalaki ang nag-uusap at nagtatawanan pa doon. Mayroon namang mangilan-ngilang sasakyan ang nagpapaharurot sa daan. May bukas pa na TV sa ika-anim na palapag sa HDB na aking natatanaw. Pagdating ko sa bus stop kung saan madalas kaming doon nagtatagpo ni Derek ay inakyat ko na ang overpass para makatawid sa kabilang ibayo papuntang Mc Donalds. Nasa ilalim iyon ng MRT station. May mga tao pang kumakain ng hamburger at marami naman ang nakikiupo lang kaharap ang kanilang mga laptop o di kaya's tablet at nakiki-access ng free wireless internet connection. "Mga tao talaga dito, ang hilig-hilig sa libre" ang comment ng utak ko. At nandoon na nga si Derek nag-aantay sa akin. Sinalubong niya akong nakangiti pareho noong ngiting gustong-gusto ko sa kanya. "Ang lakas talaga ng dating ng lalaking to" ang biglang pagsamba ng aking utak sa nakikita kong kakisigan na kaharap ko.

"Anong gusto mo?" ang nangiting pagtatanong niya sa akin.

"Yung double-cheese burger na lang at coke" ang sagot ko naman.

"Two double-cheese burger please, 1 coke and 1 iced tea" ang biglang sabi ni Derek sa counter girl sabay bigya ng $10 pambayad ng inorder namin.

"Gusto mong uminom?" ang tanong nya sa akin.

"Ha? San naman tayo iinom?" ang balik na tanong ko naman sa kanya.

"Doon sa basketball court na malapit sa amin." ang sagot niya.

"OK" ang matipid na sagot ko.

Kaya pagkatapos naming makuha ang inorder naming pagkain ay pumunta na kami sa 7-11 para makabili ng maiinom. Kailangan na agad kaming makabili ng alak kasi di na sila pwede magbenta after 12 midnight.

Matapos makabili ng alak, tinahak naming ang daan papuntang basketball court malapit kina Derek. Nang makarating kami doon, hangang-hanga naman ako sa paligid nito. Kapag ikaý nakaupo sa bleacher, kaharap mo ang nakahilirang HDB buildings kung saan andoon din kabilang ang tinitirhan niya. Sa kanan naman ay ang likuran ng isang eskwelahan na kung hindi ako nagkakamali ay pang-sekundarya at ang anim na palapag na istraktura na parking area. Sa kaliwa at likuran naman ay open space kung saan matatanaw mo ang mga HDB at condominium buildings na para bagang malalaking lampara dahil sa dilaw na liwanag na dala nila. Nakahilera naman ang mga ilaw ng poste na nagbibigay liwanag sa gitna ng kadiliman na dala ng gabi. “Ang ganda pala dito”ang biglang sabi ko kay Derek na kanya namang sinang-ayunan. Kinain na naming ang aming nabiling hamburger mula sa McDonalds. Matapos nito ang inumpisan na rin naming inumin ang apat na 500mL na beer in can. Nakahawak si Derek sa aking kamay. Ang sarap talaga sa pakiramdam. No words can ever describe the happiness I feel and no one can ever fathom the depth of that same joy brought about by the warmth of Derek’s palm. I can feel his pulse. It was jumping with joy.

“Baby? Anong plano mo sa atin?”ang biglang tanong ko kay Derek. Di ko na rin kasi mapigil ang sarili ko and as early as possible, I want to know kung me pag-asa ba kami o di kaya’s laro lang ito para sa kanya.

“Baby, antayin mo ako. Magkakasama tayo, baby. Bigyan mo ako ng six months para maayos ko ang buhay ko.” Ang sagot naman ni Derek sa akin.

“Paano ang asawa mo?”

“Bahala siya sa buhay niya.”

“Di mo ba siya mahal?”

“Minahal ko siya dati, pero noong dumating ka, nagbago na ang lahat.”

“”Paano kung mabubuntis mo sya?”

“Hindi mangyayari ýan. Please trust me and wait for me. Mahal na mahal kita, baby.”

“O sige, maghihintay ako. Six months ha.”

“Oo, baby please.”

“Paano mo pala ako napansin?”

“Pinakilala tayo ni Ate Rose. Nandoon tayo sa pantry that time.”

“Ah, oo naalala ko na. Dami mo pimples that time. Namumula mukha mo dahil doon. Hahahaha.”

“Sama mo naman, baby. Yun lang talaga nagpapaalala sa ýo?”

“Hindi naman. Hehehe. Cute kaya ng ngiti mo noon. I mean, pa-cute. Hehehe.”

“Hmmm, ayoko na nga saýo. Nang-aasar ka naman e.” Sabay bitaw ng yakap sa akin.
“Hehehe. Sorry na baby! Biro lang naman yun e.”

Patuloy ang pag-ubos naming ng iniinom naming beer. Di naman nakakalasing pero ang pait sa lalamunan. Di rin kasi ako mahilig uminom nito. Mas gugustuhin ko pang uminom ng vodka. Siguro napansin ito ni Derek kaya nung naubos na nya ang sa kanya, kinuha niya yung isa pang para dapat sa akin at tinungga na rin. Natapos kaming uminom ng mga 2 AM na.

“Baby, uwi na tayo.” Ang sabi ko sa kanya.

“Sige, baby kasi may pasok pa rin tayo bukas”ang sagot naman niya.

Hinalikan muna niya ako sa labi at niyakap uli ng mahigpit saka kami naghiwalay. Malayo-layo pa rin ang uuwian ko.


[05]
Nakatulog ako ng sobrang himbing pagkauwi ko sa bahay. Ang gaan-gaan at ang sarap ng pakiramdam na mayroon taong totoong nagmamahal sa akin o yun ang alam ko sa ngayon. Alas nueve na ng umaga ng ako'y magising. OK lang naman kasi 11:30 pa ang pasok ko at may oras pa ako para magluto. Sabi naman ni Derek kahapon ay 1:30 pa ang pasok niya kaya di kami pwedeng magsabay sa pagpasok. Naghanda na ako ng aking almusal. Di na lang ako magbabaon today kasi baka kulangin ako sa oras. Umalis ako ng bahay ng alas dies ng umaga.

"Baby, dinalhan kita ng mee goreng at iced tea andoon sa loob ng non-halal refrigerator. Kunin mo na lang" ang natanggap ko na email kay Derek mga 1:45 ng hapon.

"Wow! Ang bait naman ng baby ko! Mahal mo talaga ako noh? hehehe. Salamat baby!" ang sagot ko naman.

"Oo naman! Mahal na mahal kita kaya wag mo akong iwanan, ha!"

"Hindi mangyayari yon, basta wag mo akong saktan."

"Hinding-hindi kita sasaktan baby. Pangako!"

"Salamat baby at salamat uli sa food!" ang sagot ko uli.

"Ei baby, anong schedule mo for next week?" ang tanong niya.

"Mon- 1130, Tue-1130, Wed-off, Thurs-0930, Fri-0930, Sat-1130, Sun - RD" ang reply ko sa email niya. Magkahiwalay yung off ko dahil nga nasa hotline ako. RD ibig sabihin rest day. Sa kumpanya kasi namin, off day ang tawag sa first off for the whole week and rest day naman for the second off. Wala naman talagang pinagkaiba pero pagdating sa OT mas malaki ang bayad pagnag-OT ka on your RD. For RD OTs, we only work for 6 hours and we are paid for 8.5 hours times 2. So, that's 17 hours for an RD OT. While for off day OT, the number of hours work times 1.5. Ibig sabihin kung 6 hours ako nag-OT, 9 hours lang ang bayad sa akin. Kaya yan ang reason kung bakit may off day at may rest day sa company na pinapasukan ko.

"Wow, sabay off day natin baby! Sa Wednesday." ang sagot naman ni Derek sa email ko.

"Talaga? Punta ako sa inyo?" ang tanong ko naman.

"Opo. Agahan mo para makarami tayo. Hehehehe."

"Makarami ka dyan! Ang libog mo!"

"Bastos naman ng iniisip ng baby ko, pero ok rin yon. Hehehe."

"Bakit? Ano ba gusto mong sabihin? hehehe"

"Para makarami tayo ng chords na matutunan. Ikaw talaga. hehehe"

"Hmmmm, kung alam ko lang. Nami-miss mo lang kasi ako kaya ganoon. Hehehe"

"Oo naman, kasama na rin yon. Wahihihi. I miss you, baby!"

"Kita mo? hehehe. I miss you too, baby! O sige na, trabaho muna tayo ha. Queueing kami ngayon, baby e. Dami na naman bwisit. hehehe"

"O sige, baby. kaya mo yan, ikaw pa? Best new hire. hehe" ang sagot naman nya. Nakakuha kasi ang ng award as best new hire ng company. "Baby, aalis pala ko mamaya, may pupuntahan akong VIP customer." ang habol pa nya.

"O sige, baby. Ingat sa daan."

Pagkatapos ng duty ko, umuwi na ako mag-isa. Hanggang 11 kasi ang pasok ni Derek at noong umalis ako, di pa siya nakakabalik galing sa customer nya.

Dumating ang Wednesday kung kelan pupunta uli ako sa bahay nina Derek. Alas otso pa lang ng umaga umalis na ako sa bahay. Dumiretso na rin ako sa kanila kasi alam ko na rin naman kung paano pumunta. Dala-dala ko uli ang gitara ko at ang mga chords na pag-aaralan namin. Mga 8:30 andoon na ako sa kanila. Nakaalis na rin ang asawa nya kaya libre kami kung anuman ang pwedeng gawin.

"Good morning, baby!" ang sabi ko kay Derek na nasa pintuan, nakangiti. Pumasok ako at sinarado niya ang pinto. Tapos, niyakap niya ako ng sobrang higpit at siniil ako ng halik. Yung halik na nagbabadya na may mangyayaring mas matindi pa nito. Ang sarap ng halik ni Derek. Ang init ng kanyang labi ay sadyang napapadaloy ng dugo sa buo kung katawan at nagbibigay ng ibayong pagnanasa sa kamundohang ligaya. Pero bago pa man mangyari ang inaasahan na naming dalawa, pareho kaming kumalas sa pagkakayakap namin kahit matinding libog na ang dumadaloy sa aming mga katawan. Kitang-kita na rin ang tigas ng bukol sa harapan ni Derek.

"Kumain ka na baby? ang tanong niya.

"Hindi pa po. Ang aga ko kaya umalis na bahay. Tsaka alam ko naman pakakainin mo ako. Hehehe." ang sagot ko.

"Oo naman, gusto mo? Sabay hawak sa kanyang matigas pa rin na bukol sa kanyang pantalon.

"Hahahaha. Alam ko na yan, pero gusto ko ng kanin muna at kape."

"Aw! Kala ko, gusto mo na ako kainin e. Hehehehe."

"Ikaw ang libog mo talaga. Di ka ba naka-score kagabi?" bigla naman ako natauhan sa tanong ko. Parang nagliyab bigla ang puso ko sa selos na aking naradama. "Tang-ina nitong utak na 'to, di marunong mag-isip. Ako pa rin naman ang nasasaktan." ang bulong ko sa sarili ko.

"Ayoko sa kanya! Mas gusto kitang ka-lovemaking baby" ang sabi naman niya. Bigla namang nabawi ang sakit sa aking puso. Kahit alam ko kasinungalingan lang lahat, at least nakakapawi ito ng sakit.

Nagtimpla na si Derek ng kape. 3-in-1 though mas gusto ko ang black coffee, wala kasi sila nito. Bumili na lang siya ng siomai at chicken pao sa tindahan sa baba. Pagkatapos namin kumain, tinuruan ko siyang maggitara uli. Pero mas marami ang panahon na naglalampungan at naghaharutan kaming dalawa na nauwi nga sa kama.

Sa unang pagkakataon na naging kami ni Derek, handa na akong ibigay sa kanya ang buo kong pagkatao. Habang naghahalikan kami, kinarga niya ako mula sa sala hanggang sa kama. Iba na ang takbo ng aming pagtatalik ngayon. Kung dati ako ang gumagawa, ngayon siya na. Nakapatong siya sa akin at pinagsasaluhan namin ang mainit na paghahalikan. Bumaba ang mga labi nya papuntang leeg ko at pinuno ito ng mga masusuyong halik. Dumapo siya sa aking mga utong at ang mga ito naman ang kanyang pinagpapasasaan. "Ahhhhhh.....Ahhhhhh....!!!" ang tanging namumutawi sa bibig ko. Ang sarap ng ginagawa niya sa aking. Pumuntang sa pusod ko ang kanyang nagbabagang labi at hinigop ito, tapos ang magkabilang beywang ko naman ang kanyang pinaghahalikan na nagbigay sa akin ng ibayong kiliti at sarap. Sinubo na niya ang aking kahindigan hanggang sa siya'y nagsawa. Hinila ko naman siya pataas hanggang mapag-abot ang aming mga labi. Muli, pinasaluhan namin ang mga halik na tanging mga labi lang namin ang nakakaalam sa galaw ng bawat isa. Para kaming nagsasayaw sa tugtugin na ang aming mga puso labang ang nagbibigay ng musika at mga pulso namin ang siyang naging kumpas. Maalab, makapangyarihan at nakakagapos na pagmamahalan ang muling ipinadama namin sa isa't isa. Ako naman ang pumatong sa kanya at sya naman ang pinuno ko ng aking mga halik. Mula sa kanyang mga labi, naglakbay ako pababa sa kanyang mga leeg. Para akong uhaw na uhaw na bampira na gusto nang kagatin sa leeg ang aking biktima habang si Derek naman na syang biktima ko ay nagpapaubaya at handa nang tikman ang lason na magmumula sa aking mga pangil. Mula sa kanyang leeg ay sinuyod ko naman ang kanyang mga tenga. Umuungol sya sa sarap habang ang aking dila at mga labi ay nagbubuga ng makamandag na init na syang nagpapakiliti sa kanya. Sa mukha pa lang ni Derek, kitang kita na ang tindi ng sarap na kanyang nararamdaman.

"Ahhhhhhh....!!! Ahhhhhhhhh......!!! Baby......!!! ang sarap....!!! sige pa......!!!!" ang tanging namumutawi sa kanyang mga bibig.

Pinag-igihan ko pa lalo ang aking ginagawang pagpapasaya sa kanya. Binaba ko na sa dalawang utong nya ang aking mga labi at palitan kong sinipsip ang mga ito. Bawat sipsip na aking ginagawa ay ungol naman ang katumbas nito. Pinatalikod ko sya at ang buong likuran naman nya ang pinaliguan ko ng aking mga halik. Matapos nito ay pinahiga ko naman siya ulit at hinagod ko naman ang kanyang mga dibdib habang hinigop ko ang kanyang pusod.

"Ahhhh, baby bakit ang galing-galing mooooo?!? Sa 'yo ko lang naramdaman ang ganitong ligaya. Ahhhhhh!!!!! Shit ang sarap! Ahhhhhhhh...!!! Baby! Ahhhhhh!!!!"

Gusto ko muna syang pasabikin ng matindi kaya ang dalawang hita naman nya ang aking pinagtuunan. Pati ang kanyang mga daliri sa paa ay hindi ko pinaglagpas at dinaanan ang mga ito ng mga halik. Sarap na sarap si Derek sa mga mumunting kiliti na dinudulot nito. Pagkatapos nito, pinaglakbay ko uli ang aking dila pataas hanggan sa paanan ng kanyang kahindigan. Dinilaan ko ang kanyang dalawang bola na parang gusto na ng mga ito na kumawala sa balat na sumasapo sa kanila. Kinain ko ang mga ito at sinipsip paisa-isa. Kitang kita sa mukha ni Derek na sarap na sarap sya sa aking ginagawa. Pati ulo nya ang parang hindi nito alam kung saan nya ibaling. Hawak naman niya ang aking ulo at diniin pa ito lalo. Binuka ko naman ang kanyang dalawang hita at pinagtuunan ang kanyang puwet. Matambok ang mga ito at pinatikim ko rin sila ng makamandag kong halik. Parang nasasapian na si Derek lalo na noong dinilaan ako ang butas ng kanyang pwet.

"Ahhhhhhhhh!!!!!! Baby.........!!!! Ahhhhhh!!!! Sige pa, baby. Sige pahhhhh!!!!"

Bawat sundot ng dila ko sa kanyang butas ay ungol naman ang sinusukli nito. Pinatuwad ko sya para mas lalong mahagod ng dila ko ang kanyang bukana.

"Baby, isubo mo na ako pleasssssseeee!!!!" ang pagmamakaawa ni Derek sa akin.

Ngunitdi ako nakinig sa kanya. Binalikan kong susuhin uli ang dalawa niyang bola. Pinaglalakbay ko ang dila ko mula sa kanyang bayag papunta sa kanyang butas ng pwet. Palitan ang pagdila ko ko sa mga ito. Hindi na maipinta sa mukha niya ang ibayong sarap na kanyang natitikman ngayon. Hindi na rin ako nakapigil, isinubo ko bigla ang kanyang naghuhumindig na sandata.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!" ang sigaw ni Derek dahil sa sarap.

Sinuso ko sya ng maigi. Sinaid ang katas sa dulo ng ulo ng kanyang ahas. Paulit-ulit, patuloy ang pagkain at pagsipsip ko sa kanya.

Hininto ko bigla ang aking ginagawa at bigla ko namang siniil siya uli ng halik sabay bulong ko sa kanya, "Baby, gusto mo bang mag-makelove tayo?"

"Paano?" ang natanong niya. Ako kasi ang unang boyfriend ni Derek. Naikwento na niyang may karanasan na siya sa bakla noon nasa Maynila pa siya. Lasing na lasing daw siya noon at pinagsamantalahan siya ng kaibigan niyang bakla. Pero hindi daw siya nasiyahan dahil lasing naman siya.

"Pasukin mo ako baby" ang sabi ko sa kanya na may lambing. "May condom ka ba dyan?" ang tanong ko pa.

Tumayo si Derek ang kumuha ng condom. Hindi naman kami handa sa ganitong pagkakataon kaya wala kaming lubricant. Kaya humingi rin ako sa kanya ng lotion.

Muling sinubo ko ang kanyang matigas na matigas pa rin na ari pagkatapos ay sinuot ko nito ang condom at nilagyan ko ito ng lotion. Nilagyan ko rin ang aking pwet ng lotion para pampadulas. Pinahiga ko si Derek at pagkatapos ay umupo ako sabay tutok ng kanyang naghuhumindig na pagkalalaki sa aking butas. Dahan-dahan ko itong pinasok. Sobrang sakit, hindi naman ako virgin pero sobrang tagal na rin ng huli kong pagpapatira sa pwet.

"Ahhhhh......!!!" ang tanging nasambit ko.

Hirap na hirap si Derek na ipasok ang kanyang alaga dahil sa malaki rin ito at mahaba. Kaya nagpalit kami ng pwesto. Humiga ako at sya naman ang pumaibabaw sa akin. Dinagdagan namin ng lotion ang kanyang alaga at pati na rin ang aking butas. Tinutok niyang muli ang kanyang junior sa butas ko at dahan-dahan itong pinasok.

"Ahhhhhh!!!! Sandali, baby ang sakit!!!" ang sabi ko bigla. Hindi ko mailarawan ang tindi ng sakit na dulot ng pagpasok niya sa aking butas. Huminto naman si Derek saba'y sabing, "baby, di naman natin to kailangan gawin ngayong kung nasasaktan ka."

"Ok lang ako baby. Gusto ko maibigay sa yo buo kung pagkatao." ang sagot ko sa kanya.

Dahan-dahan uling pinasok ni Derek ang kanyang alaga hanggang lahat ng ito ay naglaho na. Buong-buo kong naramdaman si Derek sa aking kaloob-looban. Ang sarap na aking naramdaman ay mas matindi pa sa sakit na kani-kanina lang.

"Ahhhhhh!!!!! Ahhhhhhh!!!! Ahhhhhhh!!!!" Magkahalong sarap at sakit ang nadarama ko.

"Baby, lalabasan na ako!!!" ang biglang sabi ni niya. "Ahhhhhhhhhhhhh!!!!"

Di na naigalaw ni Derek ang kanyang pwet. Halos ilang segundo lang nanatili ang kanyang sandata sa aking loob at nilabasan na siya agad.


[06]
Bago ang lahat, muli ay nagpapasalamat ako kay Kenji sa kanyang pagsang-ayon na makapag-post ako dito sa blog niya. Thank you, sir!

At kahit di ako makapaniwala, may mga nagbabasa din pala sa kwento ko. hehehehe. So now, I would like to take this opportunity to thank each one of them, especially to Red, Migs, Monty and Kiero143. Please stay with me until the end of this story. hahaha.


-o0o-


Inaya niya ang maligo at maglinis ng katawan. Pumasok kami sa banyo at naligo. At dahil hindi pa naman ako nilalabasan ang matigas pa rin ang aking junior. Sinabon ni Derek ang aking buong katawan tapos hinawakan naman niya ang aking sandata. Sinubo niya ito hanggang mangalay ang kanyang panga. Tumigas uli ang kanyang ari habang sinususo niya ako. Tumayo sya at pinatalikod ako habang hinahalikan ang aking leeg at likod.

"Baby, gusto kong pasukin kita uli. Ang sarap mo kasi e. Ang sikip ng butas mi kaya kanina nilabasan ako agad. Di ko napigilan." ang bulong niya sa kin.

Nakatutok na sa aking likuran ang kanyang tigas na tigas na naman na alaga. Tumango ako kanya. Kumuha uli siya ng condom at pagkatapos niyang isuot ito ay kinuha nya ang bote ng conditioner sabay lagay nito sa kanyang titi. Nilagyan naman niya ang aking pwet at pagkatapos nito at pinasok muli ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki sa aking likuran.

"Ahhhhhhh!!!! Babyyyyyy!!!!!! Sarappppp!!!" ang sigaw ko. May sakit pa rin akong nararamdaman pero wala yun sa sarap na dulot ng aming pagniniig.

Binabayo na niya ang pwet ko at sarap na sarap na rin si Derek.

"Ahhh! Ahhh!! Ahhh!!! Ang sarap mo babyyyy!!!!" ang sambit niya.

"Sige pa baby!!!! Ahhhh!!! Pasok mo pahhh!!!! Ahhhh!!! Ang sarap mo! Ahhhh!"

"Masarap ba baby ha?!? Masarap ba ako?!?"

"Opo baby ang sarap moooo!!! Putang ina! Sarappppp! Ahhhhh! Baby, malapit na akong labasan! Shit!!!!"

"Sabay tayo baby! Ahhh! Ahhh! Ahhh!"

"Ayan na! Ayan na! Ayan na! Ahhhhhh!!!" ang huli kong sigaw at sabay kaming nilabasan ni Derek. Hingal kabayo at nanlulupaypay kami sa pagod. Siniil uli niya ako ng halik. Pagkatapos ay pinagpatuloy namin ang paliligo.

Matapos ang pagligo at matapos kaming mananghalian, nagpahinga kami ni Derek. Nakaupo ako sa carpeted floor habang nakasandal sa sofa. Siya naman ay nakahiga at ang ulo ay nakaunan sa aking mga hita.

"Kwentuhan mo naman ako baby ng buhay mo" ang biglang hiling niya sa akin.

"Nahihiya ako e. Hehehe. Ano ba dapat? San ba ko mag-uumpisa? " ang balik na tanong ko sa kanya.

"Ilan kayong magkakapatid?"

"Ah, walo kami lahat. Tatlo kaming lalaki at 5 babae. Pampito ako at bunsong lalaki."

"Dami nyo pala. May mga work na silang lahat?

"Ako lang ang merong maayos na trabaho e. Yong panganay namin na lalaki farmer. Yong mga babae may kani-kanilang mga tinda-tindahan - kakanin at kung anu-ano pa para lang makaraos sa pang-araw araw. Dalawa lang kaming nakatapos ng pag-aaral. Yung panganay na babae at ako lang. Pero yong kapatid kong babae hindi nagtrabaho kasi naging dependent sa asawa nya na OK ang trabaho dati kaya ngayon hirap na hirap na rin sila at di na rin sya pwedeng mamasukan kasi matanda na."

"Paano ka nakapagtapos ng pag-aaral?"

"Nag- working student ako sa isang kaibigan ng brother-in-law ko. First year high school pa lang ako, wala na ako sa amin kasi tumira ako sa kapatid kong babae kasama ang kanyang pamilya. Pagkatapos ko ng first year, pinag-aral naman ako ng pari sa lugar namin. Sa convent nila ako nakatira. Doon ako natutong magluto, mamalengke at magbudget ng pera. Binibigay kasi sa akin noong pari ang budget for the whole week tapos ako na ang bahalang bumili at magplano ng kakainin namin. Marami kami sa kumbento. Pagdi naman ako nagluluto ay kung anu-anong gawaing bahay ang ginagawa ko. Naglilinis, nagdadamo at kung anu-ano pa.

"Tapos?"

"After 2nd year high school, nag-offer sa kin yong friend ng borther-in-law ko na doon tumira sa kanya dahil tapos na siyang magpaaral ng pamangkin nya at wala na siyang kasama sa bahay. Mga early forties na ang edad nya, lalaki at walang asawa. Taga-luto, taga-laba, taga-plantsa, taga-linis ng bahay ako. In short, katulong ako sa bahay. Mabait naman siya sa akin. Sagot niya pag-aaral ko, baon at mga damit. Sa katunayan, sa kanya lang ako nagkaroon ng magagandang damit at nagkaroon ng sapatos. Alam mo baby, noong first year high school ako, walang-wala akong mga damit o sapatos. Dumating ang panahon na kailangan ko na talagang magsapatos dahil kung hindi, hindi ako papasukin sa school. Tandang-tanda ko pa ang pinahiram sa akin na sapatos ng ate ko. Yellow green na shoes na may tatak na barbie. Nakakahiyang gamitin pero wala naman ako magawa. Paano naman ako mabibilhan nina mama e kahit nga pagkain namin wala. Si papa nagtatrabaho lang bukid at wala naman talagang stable na kita, kung meron man nauubos lang din nya sa alak at bisyo niya. Sobrang iresponsable ng tatay ko. Buti sana kung ganoon lang ngunit pagkalasing sya ay sinasaktan pa niya nanay ko. Minsan, hinabol pa niya ito ng itak, buti na lang nahawakan siya ng kapatid at tiyuhin niya at ang mama ko ay nagtatatakbong dumiretso doon sa kapitbahay namin at doon nagtago. Paglasing si papa, wala nang mapagsidlan ang takot namin at madalas nagtatago na kami sa ilalim ng maisan (corn farm). Si mama naman sa simbahan kung saan binibigyan lang siya ng honorarium linggo-linggo at ito lang ang aming inaasahan sa pang-araw-araw na gastusin. Minsan 2 beses lang kami kumakain sa isang araw, swerte na yun kasi kung minsan, wala talaga. Pagwala kaming makain naghahanap na lang kami ng bayabas o kaya santol o guyabano o kahit anong prutas pantawid gutom man lang. Ganoon kami kahirap. Kaya nga noong inoffer sa akin na pag-aralin ako, tinanggap ko na agad dahil gustong-gusto kong makapagtapos." Maiging nakikinig si Derek sa kwento ng aking buhay. Pinisil-pisil pa nya ang aking kamay siguro para ipadama sa akin ang pagmamahal nya at ang pagdamay niya sa kalungkutan at kahirapan na nadarama ko. Patuloy naman ako sa pagkwento.

"Okay na sana lahat ang kalagayan ko doon sa tinitirhan kong bahay. Wala rin naman akong angal sa trabaho sa bahay dahil sanay naman ako. Hanggang isang gabi nirequest sa akin ni Manong Robert na doon ako matulog uli sa kwarto nya dahil natatakot siya na bangungutin na naman siya. Madalas na nya akong pinapatulog katabi nya dahil sa rason na yon. At dahil bata pa ako at wala namang pagdududa sa isip ko, doon nga ako natutulog sa kwarto nya. Nagpapamasahe pa sya sa akin bago kami matulog. Madaling araw noon nang mapansin kong gumagalaw ang aking saluwal. At napansin ko na lang na nakapasok na ang kanyang kanan kamay sa short pants ko at hawak-hawak nito ang aking ari. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nag-uumapaw ako sa galit ng mga panahong yon. Dahil sa takot ko, hindi na ako muling natulog sa kwarto niya at doon na ako sa sarili kong kwarto ngunit hindi double lock ang kwarto ko kaya kahit nakasarado ito, nabubuksan pa rin niya ang aking kwarto gamit ang kanyang susi. Isang gabi, para lang hindi niya mahawakan ang ari ko ay nagsuot ako ng shorts na merong tali at tinali ko ito ng sobrang higpit at padapa ako natulog. Gayunpaman, nahubad pa rin niya ito at dahil nakadapa ako ay pumatong siya sa aking at nilagay sa gitna ng mga binti ko ang kanyang tarugo. Pagkatapos niyang labasan ay bumalik naman siya sa kanyang sariling kwarto. Poot at galit ang namayani sa aking puso ng mga panahong yon. Gusto kong magrebelde pero wala naman akong kakayahan. Mahirap pa rin naman ako so anong laban ko sa kanya?" Nakita kong naiiyak si Derek sa kwento ko.

"So anong nangyari pagkatapos baby?" habang pinapahid ang luha nya.

"Wala rin. Walang pampaaral mga magulang ko sa akin, kaya wala akong nagawa. Tiniis ko na lang ang hirap ng kalooban ko. Nakapagtapos ako ng pag-aaral na sya ang sumuporta sa akin. Maliban nito ay scholar din ako sa universty na pinasukan ko. Sobrang hirap ng buhay namin na OK lang sa akin na maging alipin para lang makaahon kami sa hirap."

"Pagkatapos na pagkatapos ko ng college, nakipagsapalaran na ako sa Maynila. Nagkaroon naman ako agad ng trabaho. Assistant Manager ako sa isang malaking printing company. Actually, pang-industrial engineer ang work na yon pero ako ang napili dahil mathematics graduate naman ako. Nakailang lipat din ako ng company hanggang napunta ako sa call center na nagbigay naman ng daan para makapunta ako dito sa Singapore kasi customer service ang hinahanap nila."

"Saan na mga papa at mama mo ngayon baby?" ang tanong niya.

"Andoon sa amin, sa probinsya. Matatanda na sila. Si papa may sakit pa sa prostate. Hindi na rin nagsasama sila ni mama matagal na. Si papa nasa bukid namin nakatira o minsan naman pupunta doon sa kapatid nya sa kabilang bayan. At kahit nasa bahay sila, di na sila magkatabing matulog. Si mama naman, sa bahay namin kasama ang bunso kong kapatid na may pamilya na rin."

"Sino nagsusuporta sa kanila?"

"Ako. Lahat-lahat ako ang nagbibigay sa kanila. Yong asawa kasi ng kapatid kong bunso nag-retire na sa pagiging sundalo. Konti lang natatanggap niya sa pension nya dahil daming bawas na loan payment kaya kadalasan, pati gatas ang mama ko pa nagbibigay at sa akin din naman nanggagaling ang pera na yon kaya parang ako na rin nagsusuporta."

"Hayaan mo baby, makakaahon ka rin at magiging okay rin pamilya mo." Umupo sya sabay yakap sa akin.

Ang sarap pala ng pakiramdam pagkamaynapagsasabihan ka nang problema. Iyon ang naramdaman ko ng mga oras na yon.

Mga alas kuwatro ng hapon ay umalis na ako sa bahay nina Derek. Pagkadating ko sa bahay ay nagpahinga muna ako at natulog. Nagising na lang ako ng mga ala una ng madaling araw. Di na ako kumain. Nagbihis na lang uli ako ng damit at natulog muli.


[07]
“Baby, free ka ba mamayang gabi?” ang text na nareceive ko mula kay Derek.

“Opo mamaya after work. Bakit po?” ang reply ko sa kanya.

“Dinner sana tayo sa Clarke Quay. Wala ka bang natatandaan?”

“Wala e. Bakit nga?”

“26 kaya ngayon. Di mo ba ako babatiin?”

"Aw! Happy 1st month, baby!" isang buwan na pala ang nakalipas nang kami ay maging magboyfriend. September 26, 2008. It was just over after after his marriage.

"Happy 1st monthsary, baby! Dinner tayo maya ha." ang sagot naman niya.

"Sige po. Antayin mo na lang ako sa baba ng office. 7:30PM ang labas ko.

"OK baby."

Pagkatapos ng work ko ay agad-agad akong lumabas. Andun na nga si Derek naghihintay sa labas habang nagyoyosi. Agad naman kaming naglakad papuntang Clarke Quay. Malapit lang kasi sa opisina ang lugar na yun. Ilang buwan na rin ako sa Singapore pero first time kung pumunta dito. Ang daming mga tao, halos puno ang lahat ng bars na nadadaanan namin. Halo-halo ang mga taong makikita mo sa paligid. Maraming mga puti at marami ring mga itim.

Pumunta kami sa isang bar na konti lang ang tao at puwesto kami sa isang table sa labas. Nag-order na kami ng dinner namin at pati na rin alak. Ang sarap sa pakiramdam ng mga oras na yun. Nagtatawanan at nagkukulitan lang kami ni Derek. Walang pakialam sa kung sinuman ang nakatingin sa amin o naiingayan. Matapos kaming magdinner at uminom, linisan na namin ang lugar at nagdesisyong dumiretso sa basketball court na malapit sa kanila. Doon namin tinuloy ang inuman. Ang saya-saya ko talaga sa mga oras na yon. Ilang beses na nagtext at tumawag ang asawa ni Derek para tanungin kung bakit wala pa siya sa bahay nila pero di ko na pinansin. Di na ako nag-isip ng kung anu-ano pa man ang importante, pareho kaming masaya ng iniirog ko. Mga alas dos na ng umaga ng kami ay umuwi sa aming mga bahay.

Ang bilis dumaan ng mga araw. Patuloy pa rin ang pag-eensayo namin ng gitara sa bahay nila kada walang pasok. Ilang beses na rin namin pinagsaluhan ang aming pagmamahalan. At patuloy pa rin akong naniniwala na tutuparin ni Derek ang kanyang pangako na in 6 months, magkakasama na kami. Marami na rin kaming naging problema, mga tampohan at bangayan.

Isang gabi, habang busy ako sa aking ginagawa sa opisina dahil alas ocho pa ang alis ko ay nakatanggap ako ng email kay Derek.

"Baby, punta pala kaming Malaysia bukas."

"Ha? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?"

"Nakalimutan ko e."

"Ganyan ka naman talaga e. Bakit lahat ng plano mo pagka-asawa mo ang kasama mo ay di mo sinasabi sa akin? Magsama nga kayo!!!"

"Baby naman, wag naman ganyan."

"E ganyan ka naman parati e. May nagbago ba? Ayoko na. Kung plano mo talagang hiwalayan asawa mo pagdating ng March, di ka na dapat sumasama sa kanya sa mga lakad nya lalo na pagpunta doon sa biyenan mo."

"Baby, ngayon lang to."

"Ayoko na! Nararamdaman mo ba ang selos at paghihirap na nararamdaman ko? Gabi-gabi na lang kung anu-ano naiisip ko sa tuwing kayo ng asawa mo magkasama, tapos ganyan pa? Mga plano mo di mo sinasabi sa akin?"

"Mag-usap tayo. Maya after office. Antayin kita."

Pagkalabas ko ng opisina ay andoon ka si Derek nag-aantay. Parang Viernes santo ang mukha at makikita mong nag-aalala at malalim ang iniisip. Ang mga mata nyay nagmamakaawa na intindhin ko.

"O san tayo punta?" ang biglang tanong ko sa kanya habang nakasimagot.

Lumakad siya at sumunod naman ako. Umakyat kami sa isang park na nasa tuktok ng burol. Ang ganda ng lugar na yon. Sobrang liwanag dahil sa dami ng ilaw. Ang dami ding iba't ibang klase ng bulaklak na makikita at mga puno na nagpapalamig pa lalo ng simoy ng napaka-preskong hangin. May mangilan-ngilang nagjo-jogging at mayroon ding mga magsing-irog na naghaharutan. At dahil nasa tuktok nga ito, makikita naman sa ibaba ng mga kabahayan na napapaliwanagan ng malaapoy na kulay ng liwanag. Medyo madilim ang kalangitan sa mga oras nga yaon na para bagang nakikidalamhati sa pighati na aking nadarama. Inaya ako ni Derek na pumunta sa isang bakante upuan at umupo kami.

"Baby?" sabay hawak niya sa kamay ko.

"O, ano na naman ang explanation mo sa ngayon? Pagod na pagod na ako sa sitwasyon natin. Alam ko wala akong karapatan, pero ang sakit ng nararamdaman ko at ayokong sarilinin lang lahat to."

"Baby, dalawang araw lang naman kami doon. Nangako na kasi ako na sasama e."

"So, kasalanan ko pa ngayon na nangako ka?"

"Hindi naman sa ganoon, pero sana maintindihan mo ako."

"Yun na nga ang mahirap e. Ako na lang parati ang kailangan umintindi sa 'yo. Bakit kasi may asawa ka at alam kong kabit lang ako? Ayoko na. Pagod na ako. Sana sa simula pa lang alam ko nang ito ang magiging bunga ng relasyon na to. Sana'y di na ako naniwala sa mga pangako mo. Di sana ako nahihirapan."

"H'wag ka namang ganyan, please?!?"

"Magsama kayo ng asawa mo!!!" sabay tayo ko at aalis na sana ngunit hinablot niya kamay ko at pinigilan ako.

"Baby, please, wag naman ganyan. Alam mo namang mahal na mahal kita e. Di ako papayag. Patawarin mo na ako, please. Ngayon lang baby." Tumulo naman ang luha niya ang nagsusumamo na patawarin at intindihin sya.

Hindi ko na rin nakayang magmatigasan pa sa kanya. Mahal na mahal ko rin si Derek kaya nga tinitiis ko ang mga sakit at selos na pumipiga sa aking puso para lang makasama siya. Hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili ko. Ito nga pa ang sinasabing tunay na pagmamahal? Pero mayroon naman akong naaapakang tao.

Ngunit sa mga luha niya, alam kong ayaw rin niya akong mawala. At dahil doon, pinayagan ko sya kahit mabigat sa loob ko.

"Baby, promise babawi ako sa yo." ang binitiwan niyang pangako.

Lumipas uli ang ilang mga isang buwan na patuloy ang aming bawal na pag-ibig. Marami ang saya, marami din ang sakit. Mostly pagseselos ko ang dahilan ng aming away. Alam na rin ni Derek ang relasyon ko kay JR at sinabi ko na rin sa kanya na tatapusin ko na ito. Hindi ko na rin kaya ang pagpabaya lang ni JR. Wala pa rin syang trabaho hanggang ngayon. At isa pa, wala na akong pagmamahal sa kanya. Matagal nang wala. Awa na lang ang namamayani pero sobra na rin ang pagiging independent niya. Pati yung last pay ko na pinakuha sa kanya ay di ko na alam kung saan napunta dahil binalita niyang wala na at naubos na lang bigla. BInigyan ko pa uli sya ng puhunan pangnegosyo pero nawala din lahat. Kinausap ko ang mga kaibigan namin pero ayaw naman nilang magsalita. Kung kaya nagdesisyon na akong makipagkalas na talaga sa kanya. Pero di ko alam kung paano. Mahirap makipaghiwalay.

"Cuor, ilang beses na ako nagmiss-call sa 'yo, bakit di ka tumatawag sa akin? Ano bang nangyayari sa 'yo dyan?" ang natanggap kong sms mula kay JR.

"Di ba kakatext ko lang sa 'yo kahapon? Ano bang pag-aalala sinasabi mo? Kailangan bang lahat ng ginagawa ko dito sasabihin ko sa 'yo? Alam mo, nakakapagod ka na. Nakakasakal na."

"Nakakasakal? Nakakapagod? Bakit?"

"Tinatanong mo ba dapat yan? Di ba dapat alam mo na? Hanggang ngayon wala kang trabaho at nakadepende ka pa rin sa akin. Di mo ba naiisip na may pamilya din naman ako sinusuportahan at lalo nang may pamilya ka na dapat mong tustusan. Alam mo di ko na kaya. Maghiwalay na lang tayo. Kasalanan kong naging dependent ka at mas lalong magiging kasalanan ko kung hahayaan ko na lang na magiging dependent ka habambuhay. Kaya ito na pinaka-dapat nating gawin gawin. Tapusin na natin to."

Mga ilang minuto lang pagkatapos kong ma-send ang last message ko ay nag-ring ang phone ko. Nakita kong si JR ang tumatawag. Ayoko sanang sagutin pero kelangan sa ngayon.

"Hello!"

"Cuor, bakit ka naman ganyan. Wag naman please." basag ang kanyang boses habang nagsasalita at alam ko umiiyak siya.

"Ayoko na. Suko na ako sayo. Mas malaking kasalanan ko kung pagpapatuloy natin tong relasyon na to at patuloy ka ring nakadepende sa akin. Higit na ikaw ang kawawa, hindi ako dahil paano kung mawala nga ako at di ka pa rin marunong tumayo sa sarili mo? Kaya kailangan natin tong gawin. Sorry kung masasaktan ka." Kailangan kong manindigan.

Di ko na rin pinahaba ang usapan namin. Pinutol ko na ang tawag habang naririnig ko naman ang hikbi ni JR. Masakit para sa akin ang ginawa ko pero kailangan. Hindi dahil mayroon na akong iba kundi para matuto siya.


[08]
Paumanhin po sa lahat kung ngayon lang na-post ang Chapter 8. Sobrang busy kasi sa work dahil sa release ng iphone 5 at talagang ubos oras ko sa trabaho.

Muli, nagpapasalamat ako kay Kenji sa opportunity na makapag-post dito. At sa lahat na mambabasa, maraming salamat.

Meron po akong in-attached na song (video) sa kalagitnaan ng chapter na 'to. Pasensya na sa lahat kung hindi maganda boses ko. Hahahaha.

                                                                      -o0o-

Patuloy ang relasyon ko kay Derek. Isang araw, inaya niya akong ipakilala sa asawa niya.

“Baby, punta ka sa bahay sa Saturday. Turuan mo uli ako maggitara. Andoon si misis at gusto ka rin niya makilala dahil kinwento ko sa kanya yung mga pinagdaanan mo. Awa nga siya sa ‘yo e. Sabi niya doon ka na lang daw tumira sa bahay kung gusto mo.” Ang sabi niya sa akin.

“Ano bhe?!? Sinabi mo sa kanya? E pano yun, baka malaman niya ang kung anuman mayroon tayo?”
“Hindi niya malalaman yon. Di naman natin sasabihin e.”
“Basta mahirap pa rin e.”
“Ako bahala baby. Basta punta ka sa Sabado ha.”
At yun na nga ang naging usapan naming. Dumating ang araw ng Sabado at pumunta nga ako sa kanila. Naghanda naman sila dahil kakatapos lang ng Ramadan noon.
“So, how’s your stay here in Singapore Zach” ang tanong ng asawa ni Derek.
“Good! Im enjoying it!” ang sagot ko sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay nagpatuloy naman ang pagtuturo ko ng gitara kay Derek. Nagrequest pa ang misis niya na tugtugin ko ang Vincent in Don McLean. Nang mapagod na kami ay videoke naman ang sunod naming pinagtripan. Pagktapos kong kumanta ng Ngayon at Kailaman ni Basil Valdez ay si Derek naman ang sumunod. Pinili niya ang Say that You Love Me ni Martin Nievera. Bigla naman akong nakaramdaman ng matinding selos. Habang kumakanta kasi siya ay nakatingin at nakangiti pa siyang kaharap ang asawa niya. Feeling ko sobrang tinapakan ni Derek ang aking pagkatao. Alam na alam niyang andoon ako at sumumpa pa siyang ako na ang magiging kasama niya in 4-month time pero heto siya ngayon kalambingan ang asawa niya. Durog na durog ang puso ko habang pinapanuod silang dalawa. Animoy sinaksak ako ng paulit-ulit habang nakangiti naman ang gumagawa nito sa akin na para bagang tuwang-tuwa siya na makita akong namimilipit sa sakit.
Matapos siyang kumanta ay pumasok na ang asawa niya sa kanilang kwarto para maghanda at pupunta daw silang East Coast. Wala siyang sinabi sa akin na may plano sila. Saka palang ako sinabihan at inaya na sumama noong mabanggit ito ng asawa niya. Nanlulumo man sa sakit ay tinanggap ko ang aking pagkatalo. Sinabi k okay Derek na hindi na ako sasama at may sakit ako. Pagdadahilan ko na lang ang bagay na yun dahil baka mas matindi pa ang sakit na maibigay nila sa akin kung sasama pa ako sa kanila. Inayos ko ang aking mga dalahin at umalis na ako bigla. Sinigurado kong hindi pa tapos ang asawa niyang mag-ayos sa pag-alis ko para hindi ako masabihang bastos.
“Baby, bakit umalis ka na?” ang sms na natanggapko mula kay Derek.
“Bakit? Masaya ka bang nakikita mong nasasaktan ako habang naglalampungan kayo ng asawa mo? Ang sagot ko naman sa kanya.
“Ha? Anong naglalampungan?”
“Ano ba akala mo sa akin, bulag para di ko makita ang ginawa mo sa kanya habang kumakanta ka?”
“Bakit ano ba ginawa ko?”
“Pwede bang hwag mo akong gawing tanga? Nilakasan ko na nga ang loob ko na pumunta dyan dahil mahal kita kahit alam ko masasaktan ako. Pero kailangan mo bang ipamukha sa akin na siya ang mahal mo at pinipili mo? Saan na yung pangako mo na magkakasama tayo makalipas?”
“Baby naman. Dahil lang sa kanya magkakaganyan ka?”
“Hindi lang dahil sa kanta. Kundi, dahil sa ginawa mo habang kumakanta ka.”
“Ang hirap mo namang kausap. Akala mob a ikaw lang ang nahihirapan sa sitwasyon natin?”ang sumbat naman niya sa akin.
“At bakit? Ako ba ang nagtulak sa sarili ko sa’yo para ligawan at paibigin mo? Ako ba ang nag-umpisa nitong lahat?” umiiyak na ako habang nagtetext sa kanya sa sobrang sakit na nadarama ko. Oo, more than 2 months pa lang kami pero hindi naman basehan sa kung gaano na kayo katagal para ganoon sakit lang dapat ang pwede mong madama. Mahal ko si Derek at yun lang ang alam ko sa panahong yun. Tanging puso ko lang ang makakasugat ng pagmamahal ko sa kanya.
“Kung ganito na lang tayo parati ay tapusin na lang natin tong relasyon na to. Hindi ko na rin kaya. Pagod na pagod na rin ako sa mga pagseselos mo.”
“OK kung yan ang gusto mo. Salamat sa lahat!” ang huling text ko sa kanya sabay patay ng phone ko.
Umuwi ako sa bahay na umiiyak pa rin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Malaya na akong makahanap ng taong magmamahal sa akin ng tunay. Yong taong wala akong kahati. Yong taong magiging tapat sa akin. Pero bakit ang sakit-sakit pa rin? Parang nauubusan ako ng hininga. Parang ikamamatay ko ang sakit na dulot nito sa akin. Mahirap nga bang lumimot sa taong mahal mo na syang nagbibigay sa ‘yo ng totoong ligaya sa buhay? Paano nga ba turuan ang puso na hwag masaktan?
Habang nakahiga ako sa sahig ay bigla na lang may pumasok na melodiya sa aking utak. Dahan-dahan kong kinuha ang aking gitara at kinapa ang kords ng awiting gustong isatinig ng aking puso. Alam kong ito nga ang totoong harangin ng puso ko sa ngayon. Nilagyan ko ng titik ang melodiyang iyon at nabuo ko ang isang kanta na para kay Derek:
Pagsusumamo
(Composed by: Zach, 2008)




(http://www.youtube.com/watch?v=ugIWmglVhUQ&feature=youtu.be)
Pinilit kong limutin ka
At tanggaping ika’y wala na
O bakit ganito ika’y hanap pa rin ng puso
Nais pa ring ika’y makapiling ko.
Maaari bang ibalik ang init ng ating pagmamahalan
Sinta ko, ikaw pa rin ang s’yang mahal
O bakit ganito ika’y hanap pa rin ng puso
Nais pa ring ika’y makapiling ko.
Ako ba’y mahal mo pa?
O tanggaping muli pag-ibig ko sinta
Puso ko’y nagsusumamo
Ako’y patawarin mo.
O bakit ganito ika’y hanap pa rin ng puso
Nais pa rin ika’y makapiling ko.
Pinilit kong limutin ka
Ngunit di ko kaya….

Isang kanta na nagsasalarawan ng aking buong pusong pagmamahal sa kanya at pagsusumamo na sana’y bumalik siya sa akin. Oo, mahal na mahal ko pa rin siya at sa ngayon, hindi ko pa kayang mawala siya sa akin.
Natapos kong gawin ang kantang ito sa panahong ako’y nagdadalamhati dahil sa aming paghihiwalay. Hindi ko alam kong magkakaroon pa ba ako ng panahon para maiparinig ko sa kanya ang awiting ito. Hindi ko rin alam kong itong himig na ito ang magiging dahilan para bumalik siya sa akin o tuluyan nang mawala siya.
“Baby?” hindi ko na natiis ang sarili ko. at nauna na akong magtext sa kanya makalipas ang tatlong araw.
“Hay salamat at nagtext ka na.” ang sagot naman niya sa text ko.
“Ilang araw na rin akong naghihintay sa text mo dahil miss na miss na kita.”ang dagdag pa niya.
“Bakit naghintay ka pa? Sana ikaw na ang naunang magtext.”ang sagot ko naman.
“E parati na lang kasi akong ang una nanunuyo sayo e. Gusto kong maramdaman na ako naman ang susuyuin mo.”
“Kasalanan mo naman kasi e, so bakit ako ang manunuyo sa ‘yo?”
“O sige na, ako naman parati ang may kasalanan e.”
Hindi na ako sumagot pa sa text niya sa halip at tumawag na ako habang hawak-hawak ko ang gitara ko. Gamit ko ang aking headset para malaya ang aking mga kamay sa pagkapa ng gitara. Pagkasagot na pagkasagot ni Derek ay agad ko ng tinugtog ang kanta ko para sa kanya.
Ramdam ko naman ang taos-pusong pakikinig ni Derek sa kanta ko.
“Para sa akin yun baby?” pagkatapos kong kumanta.
“Oo”ang matipid kong sagot sa kanya.
“Ang ganda baby” ang malambing at basag na boses na sagot niya sa akin. Alam ko naiiyak siya.
“Talaga baby? Para syo yun. Nagawa ko yun nung nag-away tayo.”
“Ay sige baby, away pa tayo uli para makagawa ka uli ng kanta para sa akin.” ang biglang biro niya.
“Loko ka! Gusto mo pahirapan ko sarili ko para lang makagawa ng kanta?”
“Hehehe. Biro lang baby. Miss na miss na kita. I love you!”
“I miss you too, baby! And, I love you more!” ang sagot ko sa kanya.
Nagkabati nga kami ni Derek dahil sa awiting nagawa ko para sa kanya. Madalas itong pinapakanta niya sa akin at humingi pa sya nga kopya sa phone niya.

Dumating ang pasko 2008. Ang saya-saya naming noon. Pumunta ako sa bahay nila 22 ng Disyembre para mag-celebrate kami. Pareho kaming walang pasok noon samatanlang ang kanyang asawa ay may pasok naman. Hindi na kami naghanda ng pagkain bagkus ay pinagsaluhan naming ang pinakamasarap na handa sa araw na iyon – ang aming mga sarili. Muli ay pinag-isa namin ang aming mga katawan para tikman ang makamundong ligaya na sa kami lang dalawa ang makakapagbigay para sa isa’t isa. Narating namin ang kadulu-duluhang bahagi ng sarap at sabay naming pinalabas ang mga likidong naging bigkis sa aming pagmamahalan. Ito rin ang unang pagkakataon binigay sa akin ni Derek ang kanyang sarili – buong buo at walang labis, walang kulang. Nasaktan man siya habang pinapasok ko ang bahagi ng aking sarili sa kanya ay tiniis niya ito. Sinabi ko sa kanyang pwede namang di ituloy pero ang sinagot nya akong okay lamang sa kanya dahil gusto niyang masaya din ako. Walang pagsidlan ang kaligayahan namin pagkatapos ng aming pagniig. Masaya kaming nagyayakapan na puno ng pagmamahalan.
“Baby, may regalo ako sa ‘yo” ang sabi ni Derek matapos kaming makapagpahinga. Bumangon siya at kinuha ang isang supot at binigay ito sa akin.
Binuksan ko ang regalo nya at isang relos ang andoon sa kahon na yon.
“Wow! Ang ganda naman nito baby!” ang puri ko sa relos na hawak-hawak ko na. Sinuot ko ito at sobrang paghanga ko talaga dito.
“Ngayon lang ako nakatanggap ng mamahalin na regalo sa tanang buhay ko” ang sabi ko sa kanya. Kulang-kulang P20,000.00 ang halaga noon.
“Talaga baby? Ako lang ang una?” ang tanong naman niya.
“Opo, ikaw lang lang. Maraming salamat baby ha. Di ko talaga akalain na bibigyan mo ako nito.”
“Dalawa nga pinagpipilian ko e, pero ito ang mas nagustuhan ko.” sa sabi naman niya.
“Hwag mo nang suotin yung pangit mong relos ha. Libre lang yata sa beer yun e”ang dagdag pa niya sabay tawa ng malakas na may halong pang-asar. Mayroon kasi akong isa pang relos na binigay naman sa akin ng kasama ko sa bahay na nagtatrabaho sa bar. Yung pangalan ng relos ay pareho sa pangalan ng isang sikat na beer dito sa Singapore at sa palagay ko nga give-away yun ng produktong yun.
“Hehehe. Napansin mo yun? Bigay ni Maverick yun e.” ang sagot ko naman. Si Maverick ang nasa kabilang kwarto na may kakupalan ang ugali.
“Ahhhh! Yung katabi mong natulog dahil nalasing kayo sa kwarto niya? Siguro pinagsamantalahan ka noon” ang sabi naman niya.
“Baliw! Lalaki yun ano?” ang gulat ko naman na sagot sa kanya.
“Hmp! Lalaki ka dyan. Lalaki gusto noon at alam ko gusto ka noon” ang sabi naman niya.
“Hwag mo nang ulitin yun baby ha. Nagseselos ako” ang dagdag pa niya uli.
“Opo. Hindi na po. Promise” sabay ngiti at halik ko sa kanyang mga labi.
Naglambingan kami maghapon. At dalawang ulit pa naming pinagsaluhan ang kaligayahan ng pagniniig.
Mga alas kwatro ng hapon ng magdesisyon akong umuwi na. Hinatid ako ni Derek sa bahay at doon naman uli siya tumambay. Nagkatahan uli kami. At syempre, kinanta ko uli ang awiting naging parte na sa aming relasyon ang”Pagsusumamo”. Palagi kasi itong nire-request ni Derek na kantahin ko.
Nag-inuman kami sa kwarto ko. Bago kasi kami dumiretso ng bahay ay dumaan muna kami sa isang supermarket. Bumili kami ng alak at iba-ibang makakain namin sa bahay na siyang magiging handa na rin namin.
“Kring! Kringggggg!” ang syang nagpagising sa amin ni Derek. Mga alas dos na ng umaga iyon. Nakatulog pala kami. Oo, nakatulog kaming magkayakap matapos ang muli naming pagniniig.
“Sino yan baby?” ang tanong ko.
“Si misis” ang sagot naman niya na parang malalim ang iniisip.
Nakasampung missed calls na pala ang asawa nya at ng bienteng text messages. Hinahanap siya nito.
Pagtingin ko sa phone ko ay may missed call din ako. At may dalawang message din.
“Is this Don?” ang tanong niya sa first message.
“I know Derek is with you. I have already reported this to the police just in case something happens to him – Mrs Derek Morales” ang laman naman ng isa pang text niya sa akin.
Kabang-kaba ako pagkabasa ng pagkabasa ko ng text. Si Derek naman ay nagsusuot na rin ng damit nya.
“Baby, uwi na ako ha?” ang paalam niya sa akin.
“Opo, sige po.” At naglapat muli ang aming mga labi.
Christmas 2008. Simula noong isang araw, di pa nagtetext uli si Derek sa akin. Ilang beses na akong nag-message sa kanya pero wala naman siyang sagot. Nagalit na rin ako, kaya di ko na siya inabala uli.
12 midnight, 25 December 2008.
“Baby, Merry Christmas!” ang text niya sa akin na hindi ko naman sinagot dahil nagtatampo pa rin ako sa kanya.
“Saan ka ngayon, baby? Sino kasama mo?” ang text pa niya uli.
“Andito ako sa kaibigan ko sa East Coast.” Ang matipid na sagot ko sa kanya.
“Bakit ka andyan? Anong ginagawa nyo?” ang reply naman niya.
“Anong gusto mo? Magmukmok ako sa bahay at hintayin kung kalian mo ako kakausapin?” ang pabalang kong sagot.
“Bahala ka na nga!” ang huli niyang sms na di ko naman sinagot.
Hapon na akong umuwi galing sa kaibigan ko. Hindi na rin nagparamdam si Derek sa akin.
28 December na siyang magtext uli.
“Baby? Bakit di ka nagte-text sa akin?” ang sms nya.
“Di ba sinabi mong bahala na ako. O di bahala nga ako. Ikaw nga tong walang pakialam kung ano na nangyayari sa akin e.” ang sagot ko naman.
“Anong walang pakialam? Pano ako naging walang pakialam sa ‘yo?”
“Mayron nga ba? Ni walang ka ngang explanation doon sa text ng asawa mo sa akin e. Daramdaman mo ba yung takot ko?”
“I’m sorry baby! Di ko alam na kinuha niya yung number mo sa phone ko. Nabasa kasi niya yung mga SMSes natin. Tapos, pina-translate niya doon sa kasamahan niya sa trabaho. May hinala na siya sa atin kaya medyo lie-low muna tayo, baby. Sorry po talaga”
Hindi naman ako makapaniwala sa text sa akin ni Derek. Kaya naman pala ganoon ang natanggap kong mensahe galing sa asawa niya.
Pagdating ng New Year ay hindi kami magkasama. Masaya, I mean, napakasaya ng Christmas ko na kasama sya, pero kung anong saya noon, sya namang lungkot ang nadarama ko ngayon. Sinabi niya sa akin pupunta silang Marina Bay at doon mag-aabang ng alas dose ng gabi. Kakabili lang kasi nila ng sasakyan kaya malaya silang magliwaliw kahit saan nila gusto.
Nag-away din kami noong bago sila bumili ng sasakyan na yon.
“Bakit bibili ka ng sasakyan kung tutuparin mo ang pangako mong magkakasama na tayo?” ang sigaw ko sa kanya noong binalita niya ito sa akin.
“Siguro nga lahat ng sinasabi mo walang katotohanan at puro bola lang lahat. Gusto mo lang bilugin ang ulo ko. Leche ka!” di ko mapigilan ang galit ko. Kung sa dati kong mga relasyon tahimik ako pag-inaway ako, ibang-iba ako sa relasyon namin ni Derek. Hindi ako mapakali kong di ko nalalabas lahat ng saloobin ko at lahat ng nasa utak ko.
“Baby naman! Hwag ka namang ganyan” ang sagot naman niya sa mga sinabi ko.
“Anong hwag akong ganito? Sige nga explain mo sa akin kung paano mo tutuparin ang mga pangako mo kung nagpa-plano ka para sa inyo at kung nagpupundar ka para sa asawa mo?” ang balik ko namang tanong sa kanya pero hindi na sya umimik. Para biyakin ang puso ko sa selos at sa galit na aking nadarama sa mga oras na yun pero wala rin naman akong magagawa. Kabit lang ako at walang karapatan para magkaganito. Pero hindi pala hanggang doon lang ang sakit na idudulot niya sa akin.


[09]
Two weeks after New Year ay muli kaming nagkasama ni Derek sa bahay nila. Pinagsaluhan uli naman  ang pagmamahalang at kaligayahang alam naming mali.

“Baby, pupunta kami sa Europe ngayon March” ang biglang sabi niya sa akin.
Nagpanting naman ang tainga ko sa narinig ko sa kanya.
“Ano?!?” ang biglang pagtaas ng boses ko.


“Bago pa lang kasi kami kinasal ay plano na namin na doon kami magbabakasyon” ang sagot naman niya na para bang asong nakababa ang buntot.

“Ah, so dahil plano nyo, itutuloy nyo? Paano na lang ako ha? Anong plano mo sa atin?”
“Baby, itutuloy natin yun baby. Magkakasama na tayo. Bigyan mo ako hanggang July.”
“Putang-inang pangako yan! Ang sabi mo 6 months at dapat ngayon March na yun pero mas pinili mo ang asawa mong mukha namang unggoy!” nanginginig ako sa galit habang nagsasalita ako.

“Hwag namang ganyan baby”

“Ay putang-ina mo!!!! Ang kapal mong sabihin sa akin yan samatalang ang dami-dami mong pangako na ni isa wala pang natutupad! Magsama kayo ng asawa mong mukhang paa! At sana sumabog yung eroplanong sasakyan nyo mga leche kayo!” ang sigaw ko sa kanya.

“Baby, huminahon ka naman please. Wala namang ganyanan please…” ang pagsusumamo niya sa akin.

“At ano gagawin nyo doon? Gumawa ng bata?!?”

“Hindi mangyayari yan bhe!”

“Bolahin mo lelong mo!!! I wasn’t born yesterday! I’m not an idiot to just believe everything you say!”

“Anyway, wala naman talaga rin akong magagawa e dahil nakapagdesisyon ka na. Pwes, magdedesisyon na rin ako para sa atin. Tapos na tayo! Magsama kayo ng mukhang paa mong asawa!” ang dagdag ko pa sabay alis ko sa bahay nila. Hinabol pa ako ni Derek at pinigilang umalis ngunit hindi ako nagpaawat.

Dumiretso akong umuwi sa bahay. At para makalimutan ko kahit sandali ang sakit na aking nadarama at ang galit sa puso ko, lumabas ako ulit at bumili ng alak. Nagpakalasing ako sa gabing yun. Wala naman akong mapagsasabihang kaibigan dahil hindi naman ako open sa aking sekswalidad sa mga kaibigan ko. Kung magsasabi man ako ay lahat nakakubli sa pangalan ng babae para hindi malamang bakla ako. At isa pa, mahirap rin naman na mag-open sa mga kaibigan ko dahil karamihan sa kanila ay kasama naming  ni Derek sa trabahon at ayoko namang masira ang pangalan niya dahil lang  sa walang kwentang pagmamahal na nagdulot pa ng matinding pasakit sa akin.

Ngunit dumating ang panahon na hindi ko na ma-contain sa sarili ko ang nararamdaman ko. Para bagang sasabog ang dibdib ko kung wala akong mapagsabihan. Mayroon akong isang matalik na kaibigan na kasama ko mismo sa departamento kung saan ako nabibilang. Siya si Chloe. Isang magandang babae ngunit baklang-bakla kung magsalita. Si Chloe naman ay open sa kanyang pagkatao. Naikwento pa niya sa akin na nagkaroon siya ng relasyon sa isang tomboy for ten years. Nagkahiwalay sila dahil pinagpalit siya ng partner niya.

Dahil naman sa kwento ni Chloe sa akin ay mas nabigyan ako ng lakas para i-open ko ang sarili ko sa kanya. Doon ko na inumpisahan at dinahan-dahan na ikwento ang buhay ko sa kanya hanggang masabi ko na rin ang tungkol sa amin ni Derek. Sobrang gulat na gulat siya sa kwento ko dahil hindi niya inakala na bakla si Derek. Ang sabi pa nga niya ay bisexual daw, pero kinontra ko tong haka-haka niya. Personally, I don’t believe in bisexuality. Some men call themselves bisexual just to separate or segregate themselves from the society’s connotatation and perception on homosexuality, gays in particular. Sinasabi lang nilang bisexual sila para masabing mas angat sila sa karamihang bading. Akala kasi nila na dahil nakipagkangkangan na sila sa babae ay bisexual na ang tawag sa kanila. Minsan kung sino pa yung nagbro-broadcast na bisexual siya ay siya pa yung mas malamya at mas titili pa kung nahagisan ng ipis sa paa.

At yun na nga, na-open ko na kay Chloe ang aking buong pagkatao kalakip na ang relasyon ko kay Derek. Si Chloe naman ay puro payo ang ginawa. Sabi niya kung saan ako masaya ay doon muna ako dahil alam niya at nararamdaman  niyang mahal ko pa talaga si Derek. Pinayuhan niya rin akong kung di ko pa kaya ay hwag na muna akong magdesisyon.

Naging maging malaking tulong ang pagbukas ko ng sarili ko kay Chloe. Siya ang naging takbuhan ko sa tuwing hirap na hirap na ako sa kalagayan ko.

Matapos kaming mag-away ni Derek ay wala naman siyang tigil sa pagsuyo sa akin. Andyan na yung dadalhan ako ng pagkain sa opisina o kaya naman maiinom. Parati rin niyang sinasabi sa office email man o sa text na mahal na mahal niya ako at sana bumalik  na ako sa kanya.  Dahil ditto, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Alam ko sa kaloob-looban ng aking puso na mahal na mahal ko pa rin siya. At alam ko rin na titiisin ko pa uli ang sakit para lang mapasaakin siyang muli. At muli nga kaming nagbati kami ni Derek.

Dumating ang araw ng mga puso, February 14, 2009. Umaga pa lang selos na ang aking inalmusal. Pinapunta kasi ako ni Derek sa kanila dahil pareho kaming panghapon pa ang pasok. Pagpasok  ko sa kanilang bahay ay nakita ko ang isang bouquet ng pulang mga rosas. Alam kong bigay niya sa asawa niya yun. Oo, kabit lang ako at karapatan pa rin niyang bigyan ang asawa niya ng kung anumang gusto niya, pero para sa akin, taliwas lahat ito sa mga pinangako niya sa akin. Hindi ko matanggap na sasabihin niyang ako ang pipiliin niya at magkakasama na kami sa July pero bininigyan pa rin niya ng halaga ang asawa niya.

Nasuyo naman ako agad ni Derek. Alam na niya kung saan ang kiliti ko at kung paano ako  mapapangiti para mawala ang galit ko.

Noong araw na yun, binigyan niya akong ng bracelet na ikinatuwa ko naman ng sobra. At muli, pinagsaluhan namin ang sarap ng aming pagmamahalan. Hindi namin inisip pa ang problema na pwede pa naming makaharap. Ang importante sa ngayon ay masaya kaming pinagsasaluhan ang aming pagmamahalan.

Dumating ang araw na aalis na sila papuntang Europe.  Though they’ll be there for just over 2 weeks, it still pains me a lot knowing that anything can happen between him and his wife. Baka pag-uwi nila ay nabuntis na niya yung asawa nya. Iniisip ko pa lang ay ibayong sakit na ang hatid nito sa akin.

“Baby, aalis na kami mamaya” ang paalam niya sa akin habang nasa opisina kami.

“Yun naman pala e, bakit andito ka pa?”ang sagot ko naman.

“Regular schedule ko talaga to. Dadaanan nalang ako mamaya ni misis dito dala mga bagahe namin.”

“OK.”

“Wala bang ‘take care’ dyan?”

“You wish! Magsama kayo ng asawa mo” hindi ko talaga mapigilan ang asar at ang selos ko.

“Kiss naman tayo baby.”

“Gago ka ba?”

“Sige na please.”

“O sige mamaya” ang gatol ko naman sa kanya.

A day after they left, umuwi rin ako sa Pilipinas. Actually, naplano na rin naming yun na uuwi ako para  hindi  ako mabato sa kakaantay sa kanya. Si Derek pa mismo ang nag-book ng aking plane tickets.

Kung tutuusin, sobrang bait niya at sa palagay ko ay mahal niya talaga ako. Naging kami nga after a month na kinasal siya so sa palagay ko patunay ito na talagang gusto niya ako kasi bakit hahayaan niyang masira ang relasyon niya sa kanyang asawa kung libog lang naman lahat. Pero hindi ba nga sadyang malibog ang mga lalaki? Oo,marami nga akong topak sa ulo at nanghihingi ako ng mas higit pa sa kaya niyang ibigay. Sa umpisa pa lang alam ko nang may asawa na siya pero hinayaan ko pa rin na yumabong ang aming relasyon. Pero kasalanan bang magmahal? Mahal na mahal naman naming ang isa’t isa. Ito nga ba ang tinatawag na ‘right love at the wrong time’? Well, I guess it is.

Dumating sila Derek 4 days matapos akong nakabalik rin. At dito na uli nag-umpisa ang kalbaryo ko.

“Hello baby, andito na po ako!” ang bati niya sa akin sa text.

“Welcome back bhe.”

“Punta ako dyan sa inyo ngayon na.”

At dumating nga si Derek.

Pagpasok pa lang niya ay alam ko nangmay problema na akong haharapin.

“Baby, mga pasalubong mo o” sabay abot sa akin.

“Salamat baby.”

Nang binuksan ko ang supot ay mayroon akong sweat shirt na grey galing UK, rosary na galing Rome, Italy, at isa pang religious memento.

“O kumusta ang honeymoon? “ ang tanong ko sa kanya para mabasag ang aming katahimikan.

“OK lang.” ang matipid niyang sagot pero alam ko may laman.

“Paanong OK lang? Nag-sex kayo ng asawa mo ano?”

At dito na umiyak si Derek.

“Di ko maintindihan. Bat ka umiiyak?” ang tanong ko.

“May nangyari sa amin. Nalasing ako tapos yun.”

“Putang ina mo!!! Ang sabi mo sa akin, walang mangyayari pero dahil nalasing ka kinalimutan mo pangako mo sa akin?!?” ang biglang sabog ng galit ko.

“Baby, di ko sinasadya” Patuloy ang kanyang pag-iyak.

“Natatakot ako baka mabuntis sya” ang dagdag pa nya na mas lalong nagsiglab ng aking galit.

“Ei, animal ka pa lang putang-ina mo ka e! Akala ko may mararating ang relasyon natin pero ikaw mismo ang sumira nito. Leche ka. Magsama kayo ng peste mong asawa!!! Pagbabayaran mo tong ginawa mo sa akin! Sinumpa kita at ang buong pamilya mo!!!” umiiyak na ako habang patuloy ang pagmura at pagmaliit ko sa kanya.

“Baby, patawarin mo na ako. Natatakot ako” ang pagsusumamo sa akin ni Derek habang umiiyak.

“Kagustuhan mo yan! Wag mo akong idamay sa kagaguhan mo! Maghiwalay na tayo!”

“Baby, wag naman ganyan please.”

“At paano pagnabuntis mo siya?!?” ang pagtaas bigla ng boses ko. Di naman nakapagsalita si Derek.

“Panindigan mo na yan. Ayoko na! At ayokong maging dahilan para masira ang kinabukasan ng bata!” dagdag ko pa. “Magkanya-kanya na tayo. Pinasukan mo yan, resolve mo ma-isa. At wala na akong pakialam sa ‘yo anuman ang gusto mong gawin sa buhay mong putang-ina mo!!!”

Pinaalis ko na si Derek sa bahay. Para naman siyang basing sisiw na di alam kung saan sisilong. Magdamag akong umiyak dahil sa sakit na binigay niya sa akin. Naniwala akong tutuparin niya lahat ng mga pangako niya pero ang pangako ay sadyang sinasabi para ipako. Wala nang kabuluhan sa akin lahat ng mga pinag-usapan namin ni Derek. Suko na ako sa kanya. Wala naman din talaga akong laban dahil kasal siya at wala akong karapatan para maghabol sa kanya.

Ang tindi ng pinagdaanan ko sa panahong yun. Hindi ko lubos maisip bakit kailangan kong maranasan ang sakit dahil wala naman akong kaarantaduhang ginawa sa kanya. O kaya naman sadyang mapaglaro lang ang tadhana.

Pinilit kong bumangon sa sarili ko.Pinilit kong magtrabaho pa rin kahit ibayong sakit ang dulot sa akin sa tuwing nakikita ko siya sa opisina.

“Kailangan ipagpatuloy ko ang buhay ko. Nabuhay akong mag-isa ng matagal, bakit kailangan sirain ko ito ngayon dahil lang sa walang kwentang taong dumating sa buhay ko na hindi marunong magpahalaga sa pagmamahal.”ang sabi ko sa sarili ko.


[10]
Pinilit kong bumangon sa sarili ko.Pinilit kong magtrabaho pa rin kahit ibayong sakit ang dulot sa akin sa tuwing nakikita ko siya sa opisina.


“Kailangan ipagpatuloy ko ang buhay ko. Nabuhay akong mag-isa ng matagal, bakit kailangan sirain ko ito ngayon dahil lang sa walang kwentang taong dumating sa buhay ko na hindi marunong magpahalaga sa pagmamahal.”ang sabi ko sa sarili ko.



Nag-umpisa  akong mag-chat sa MIRC.Nagkaroon ako ng account sa G4M na naging Planet Romeo naman makalipas ang ilang buwan. Nagkaroon ako ng accounts sa iba’t ibang sites para lang matakasan ko ang sakit sa aking puso. Hindi naman natatapos ang isang linggo na wala akong ka-meet up na natutuloy naman sa kama. I was totally a wreck during those times. I became promiscuous and all was because of him.

Dito ko naman nakilala si Phyo. Isang Burmese. Matangos ang ilong, matipuno ang pangangatawan dahil sa regular na pag-gy-gym, singkit at mapungay na mga mata, kayumanggi ang balat, mapuputi at magagandang mga ngipin. Pagngumingiti naman ay may dalawang dimples sa magkabilaang bahagi ng kanyang pisngi. Lalaking-lalaki kung tingnan siya at hindi mo rin talaga makita sa kanya ang pagiging bading. Mga 5’5” lang ang kanyang tangkad. Magaling sumayaw at nakakabighani pagkangumiti. Isa siyang engineer at nagtatrabaho sa isang malaking manufacturing company. Mayaman din ang pamilya niya sa Myanmar kaya kahit anong gastos na lang ang ginagawa. 

Naging magkasundo kami Phyo. Mahilig din kasi syang kumain at gustong-gusto niya mga luto ko. At sobrang unfair ko man, talagang naghahanap ako ng taong magpapasaya sa akin ngayon at maghihilom ng lahat ng sugat na binigay ni Derek sa akin. Gusto ko rin kasing saktan si Derek. Gusto kong bumawi sa lahat ng sakit na binigay niya sa akin.

Naging kami ni Phyo makalipas ang ilang linggo. Masarap din kasi talaga siyang kausap. At talaga din namang nakatulong siya sa akin par asana magmove-on. Halos kada-weekend ay gumagala kami kasama mga kaibigan niya na naging kaibigan ko na rin. Usually, bar hopping ang ginagawa naming dahil sobrang hilig kasi talaga niyang sumayaw. Tuwang-tuwa rin ako sa kanya dahil kapagnasa loob kami ng bar at nakikita niyang may tumitingin sa akin ay hihilahin na ako palapit sa kanya para halikan ako sa labi. Kung security lang ang pag-uusapan ay talagang maibibigay ni Phyo sa akin yun.  Ang hindi ko lang gusto sa kanya ay ang pagiging childish niya. 28 years old lang sya at bunso sa tatlong magkakapatid kung kaya mayroon syang ugali na kung ano ang guston niya at makukuha niya. Ito naman ang dahilan ng madalas naming hindi pagkakaunawaan.

Isang araw habang naglalakad kami ni Phyo pauwi ng bahay ay nakasalubong namin si Derek sa kanyang pagjo-jogging. Nakasingamot ang mukha habang papalapit sa amin. At ang kanyang mga titig at para bagang kakainin akong buhay. Nginitian naman niya si Phyo na kabaliktaran ng ginawa niya sa akin. Pero alam ko selos ang namayani sa kanyang damdamin sa mga oras na yun.

“Who was that?” ang tanong ni Phyo pagkalagpas ni Derek.

“Oh, that’s Derek. A friend. He’s married” ang detalye kung sagot sa kanya para sana hindi ako pagdudahan.

“He seems gay by the way he looked at me” ang kumpisal naman sa akin ni Phyo. “Are you sure he is not?” ang tanong pa nya.

“How would I know? He’s just a friend and I really don’t care about him” ang sagot ko na may pagkaasar na. Pero ngumiti sa akin si Phyo. Yung ngiti na may ibig ipahiwatig. At alam ko naramdaman na niyang mayroon kaming nakaraan ni Derek.

“Sino yun? Lalaki mo ano?” ang sms naman na natanggap ko mula kay Derek.
“Ano naman ang pakialam mo?” ang balik ko naman  na tanong sa kanya.
“May pakialam ako dahil mahal kita at  di pa ako sumusuko sa ‘yo!” ang sagot naman niya.
“Huh!?! Matapos mo akong lokohin at saktan may gana ka pang sabihin sa akin yan?!? Tantanan mo na ako dahil wala na akong pakialam sa ‘yo!!!” At oo, boyfriend ko sya!” ang kutya kong sagot sa kanya.

Oo mahal ko pa rin si Derek at alam kong matutunaw uli ang puso ko sa kanya sinuyo na naman niya ako. Ang hirap ng kalagayan ko ngayon. Tinanggap ko na si Phyo pero heto na naman ako, magulo pa rin ang utak dahil kay Derek.

“Baby?” ang email na nareceived ko kay Derek gamit ang office email namin na hindi ko naman sinagot.

“Baby, patawarin mo na ako please?” ang email uli niya makalipas ang isang oras pero hindi ko pa rin ito sinagot.

“Baby, sige na, kausapin mo na ako. Hirap na hirap na ako. Di ako nakakatulog sa gabi. At di na rin ako tumatabi sa kanya” dagdag pa uli nya na di ko pa rin sinagot.

“Pupunta ako mamaya gabi sa inyo” ang huling email nya sa akin.

Pagkatapos ng trabaho ay umuwi na ako agad. Pagdating ng bahay ay agad naman akong nakatanggap ng text kay Phyo.

“Hon, can I go to your place please? I’m heading home now. I won’t stay long as I need to attend a gathering later this evening.”

“Alright, hon! Can you buy me something to eat please?”

“Sure honey! What do you wanna eat?”

“Seafoods fried rice. The one you brought me before.”

“And your drinks?”

“Just a can of nestea, please. Thank you, honey!”

“You’re welcome! I’ll be there in 30 minutes” ang huling text nya.

Dumating nga si Phyo makalipas ang 30 minutes. Nakabihis na ito. Ang gwapo niya. Sobrang swerte na ako sa kanya dahil maliban sa kagwapohan ay sobrang sweet pa nito. Minsan pagkanatulog siya sa bahay, pagkagising ng umaga ay bigla na lang ako hahalikan niyan sa mga labi ko tapos ngingiti na pagdilat ng mga mata ko. Ngunit, di ko pa rin maibigay ang pagmamahal ko sa kanya ng buo ng dahil kay Derek.

“Hi honey!” sabay kiss sa akin.

“Hello hon. How’s your day?” ang tanong ko naman sa kanya.

“Exhausted. So much work to do. And you?”

“Uhm, just fine” sabay ngiti ko sa kanya.

“Oh, here’s your food!” sabay bigay sa akin ng supot na dala-dala niya.

“Just for me? Have you eaten?”

“Not yet. I’ll just eat at the party.”

“Ah, ok!”

Matapos akong kumain ay sinundan ko na si Phyo sa kwarto. Nakahiga siya pagpasok ko. And after 1 hour, nagpaalam naman ito sa akin na aalis na siya.

“Hon, what time are you going home?” ang tanong ko sa kanya.

“I’m not really sure” ang sagot naman niya.

After 15 minutes matapos umalis ni Phyo ay bigla naman nag-ring ang phone ko. Si Derek.

“Andito na ako sa labas ng pintuan.”

“Ay punyeta, tinutuo pala ng gonggong na to na pumunta dito” ang sabi ko sa sarili ko.

Wala na rin akong nagawa kasi alam naman niyang nakauwi na rin ako. Nasabi ko kasi ang schedule ko bago pa kami nag-away. Kaya pinapasok ko na siya.

Tahimik  naman kaming dalawa. Walang gustong magsalita. Ako naman ay ayoko rin talaga magsalita dahil galit na galit pa rin ako sa kanya. Alam kong nakatingin na man sya sa akin. Nakikita kong ang pagmamakaawa sa kanyang mga mata.

“Baby, please patawarin mo na ako” sabay luhod sa harapan ko. Tumulo naman ang ilang butil ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi ako umimik.

Hinawakan niya ang mga kamay ko pagkatapos ay tumayo siya at hinalikan ako sa mga labi. Gusto kong pigilan ang sarili ko na hwag tumugon sa kanyang mga halik, ngunit nadala na rin ako ng init sa kanyang katawan at sa sobrang pagka-miss ko na rin sa kanya. Mali man, pinagsaluhan uli namin  ni Derek ang mas bawal na kaligayahan ngayon. Mas bawal dahil may asawa siya, may bagong boyfriend naman ako.

Ang hirap pala talaga ng nagmamahal ka sa taong alam mong hinding-hindi mapapasaiyo.

Nagkabati kami ni Derek sa gabing yun. Hindi ko na rin kinontra pa ang gusto ng saloobin ko. Nakahiga kaming magkayakap at nakahubad. Ang init ng aming mga katawan ang nagsilbing panangga naming sa lamig na binibuga ang aircon. Ang kanyang kaliwang braso ang gamit kong unan. Tulad ng dati. Oo, tulad uli ng dati.

“Ano ang plano mo ngayon sa atin?” ang tanong ko sa kanya.

“Pagpatuloy natin ang relasyon natin, pwede ba?” ang sagot naman niya.

“May boyfriend na ako si Phyo.”

“Alam ko. Pero pwede pa rin naman tayo di ba?”

“Hahaha! Kabit mo ako at gagawin din kitang kabit?” ang sabi ko.

“Sabagay, kung nakikipag-sex ka sa asawa mo, pwedeng pwede ko na rin palang gawin. Patas lang tayo kung ganon.” Ang kutya ko pa sa kanya.

“Hindi ako susuko sa ‘yo bhe! Mahal na mahal pa rin kita!”

“Ay punyetang pagmamahal yan!!!” ang pagtaas naman ng boses ko. Bigla kasing pumasok lang ng kagaguhan na ginawa niya sa akin.

“At paano naman ang buntis mong asawa?” ang tanong ko pa.

“Hindi po siya buntis! Nagkaroon siya the other day”

“Ah so kaya andito ka dahil hindi siya buntis at gusto mong bumalik uli sa akin? At ano mag-aantay kung kailan mangyari yun? Ang swerte mo naman!!!”

“Hindi mangyayari yun baby! Hindi ko hahayaan.”

“Aba e ginawa mo na nga e dahil nalasing ka at tumigas titi mo at kinangkang mo na siya” ang pang-aasar ko pa sa kanya. Alam ko below na belt na mga tirada ko sa kanya pero hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko sa galit.

“Baby, tama na po! Hindi ko hahayaan na mangyari yun. Oo dati gusto kong magkaanak, pero noong dumating ka, nagbago na lahat ang plano ko. Kasama ka na sa plano ko. Please patawarin mo na ako.”

Bigla namang tumunog ang cellphone ko.

“Shit! Si Phyo!” hindi ko sinagot ang tawag niya. Makalipas ang ilang minuto ay nagtext ito.

“Hon, I’m outside your door.”

Di ko alam ang gagawin ko. Di naming natuloy ang pag-uusap namin ni Derek. Bigla akong nagbihis at lumabas. Pagkabukas ko ng pintuan ay nagkunwari akong masakit ang tiyan ko at pupunta ako ng doctor para magpa-check up. Pero hindi ito kinagat ni Phyo. Bigla siyang pumasok sa bahay at dumiretso sa kwarto. At doon nadatnan niya si Derek na bigla naman lumabas agad ng kwarto at dire-diretsong umalis.

Pumasok ako ng kwarto. Nadatnan ko si Phyo na nag-aayos ng mga gamit niya.

“You know what? I didn’t stay long at the party because I want to spend the night with you. I’ve already met a lot of pinoys who just want to play around. I thought you are different from them” umiiyak naman siya ng sinasabi ang mga ito.

“I’m sorry Phyo! Please don’t leave! We have not done anything wrong!”

“Oh, so you want me to believe your lies when your mouth smells like you just eaten his cum!”

“Putang-ina!” ang pagmura ko sa sarili ko. Para namang inuntog ang ulo ko sa pader na semento. Hindi pala ako nakapag-toothbrush or mouth wash man lang bago ako lumabas. Pero huling-huli na ako.

“I’m leaving! And don’t bother to call or sms me anymore!” ang huling sinabi niya sabay bitbit ng kanyang gym bag at dumiretsong lumabas.

Magkahalong galit kay Derek at awa kay Phyo at hiya sa sarili ko ang naramdam ko matapos umalis si Phyo. Nakaupo ako sa sala ng magtext naman si Derek.
“Lumabas ka, andito ako sa may mini park malapit sa bahay niyo”

Lumabas nga ako ng bahay at pumunta sa minipark na malapit sa amin. Andoon nakaupo si Derek.

“I’m sorry baby! Nakita ko si Phyo na umalis” ang sabi nya sa akin. Umiyak naman ako dahil sa halo-halong emosyon na gustong sumabog sa loob ko.

“Mahal mo talaga siya ano?” ang tanong sa akin ni Derek.

“Gusto mong habulin ko sya at ako na mag-explain sa kanya?” ang dagdag pa niya. Hindi na ako umimik.

At dahil mag-aala una na ng gabi ay umuwi na si Derek. Naiwan ako sa minipark na nagdadalamhati pa rin.

Alam ko ang laki ng kasalanan ko kay Phyo. Minahal niya ako ng totoo na pero sinayang ko lang.

Alam ko ring nasaktan ko si Derek. Alam kong malalim ang sugat na iniwan ko rin sa kanya. Pero, dapat lang sa kanya yun. Buo ako magmahal at buo rin ang galit ko pagsinaktan ako. Alam ko rin kong paano makabawi at hinding-hindi ko hahayaan na hindi ako makakaganti kong ginawa akong isang tanga sa isang relasyon.

Pero, taliwas lahat ngayon ang mga nangyayari. Ako ang nakasakit and too bad, I hurt someone who loved me at my worst, si Phyo.

Kinabukasan sa opisina, sinabi sa akin ni Derek na nadatnan pa niya si Phyo sa may basket ball court na malapit sa amin. Kinausap daw niya ito. Pero hindi na niya sinabi ang detalye ng kanilang pinag-usapan.

Ilang beses kong tinawagan at nag-sms kay Phyo, pero hindi niya sinasagot mga tawag ko at hindi rin nagre-reply sa sms. Masakit pa rin sa akin ang nangyari. Subalit, may konti din namang saya sa puso ko dahil medyo naging OK na kami uli ni Derek.

Lumipas ang isang buwan at nagtagpo uli ang mga landas namin ni Phyo. Mukhang napatawad na niya ako. Sumasama uli siya sa bahay at doon natutulog hanggang naging kami uli.

Kumplekado uli ang buhay ko ngayon. Si Phyo at si Derek. Dalawa silang nasa puso ko. Sinabi ko ito kay Chloe at binatukan naman ako sa ginagawa ko. Dapat daw maging patas ako kay Phyo. Kay Derek walang problema kasi nakatali din siya, pero si Phyo daw ang biktima sa mga ginagawa kong katarantaduhan. Alam ko rin talaga ang mga kasalanan ko. Pero ayokong bitiwan si Phyo dahil siya lang ang taong makakatulong sa akin pagsakaling hiwalayan uli ako ni Derek o kaya naman kung mangyari na ang kinakatakutan ko sa relasyon namin ni Derek. Hindi ko talaga maikakaila na ginagamit ko lang syang panakip butas. Ang sama-sama ko talaga. Ganunpaman, ginagawa ko ang lahat para mapunan ko ang pagkukulang na yun. At sa kaibuturan ng aking puso, alam kong may pagmamahal din ako sa kanya hindi nga lang kasinglakas at kasingtatag ng kay Derek.

Dumating ang birthday ko. May celebration sa bahay at syempre dahil marunong ako magluto ay ako lahat ang naghanda ng pagkain sa party.

Dumating mga kaibigan ko sa bahay. Andoon din si Phyo. Si Derek naman, text ng text kung pwedeng pumunta siya, pero di ko siya sinagot. Gustuhin ko man na andoon siya ay hindi pwede dahil tiyak na magkakagulo uli kami at magugulo uli buhay ko.


[11]
September 26, 2009. Anniversary namin ni Derek. Isang taon na kaming nagmamahalan na bangayan at awayan. Pareho kaming walang pasok ng araw na yun kaya nagdesisyon kaming pumunta ng Johor Bahru sa Malaysia. Doon kami ng celebrate ng aming first year anniversary. Pagkabalik namin ay dumiretso kami sa bahay para ituloy ay selebrasyon. Minsanan na rin kasi na matulog si Phyo sa bahay dahil pagod na raw ito galing sa trabaho at mas gusto niyang umuwi sa kanila para magpahinga. Kaya, malaya kami ni Derek. Tinanong ko uli si Derek ng plano niya sa amin at nag-promise uli siyang sa April na lang next year dahil hindi pa raw niya alam ang kanyang gagawin. Takot din daw siya baka kung ano mangyari sa mama niyang may sakit sa puso kung sakaling makipaghiwalay siya sa asawa niya. Ayoko na rin na pahabain pa ang issue kaya nanahimik na lang ako.


Samantala, nag-away naman kami ng kasama ko sa bahay kaya napilitan akong lumipat. Nakakuha naman ako ng mas magandang lugar sa may Ang Mo Kio. Buong kwarto uli ang inupahan ko dahil ayoko rin kasi ng may kasama. Tatlong kwarto ang meron sa bahay at ang nakakatuwa ang puro kami gays. Sa master bedroom ay ang may-ari ng bahay na Chinese na si James at ang kanyang partner na si Justine, chinese din. Sa kabila naman ay si Michael, isang Canadian na nagtatrabaho sa isang publication company. Isa rin siyang kauri.
Pinakilala ko si Phyo as my boyfriend noong nag-sign ako ng contract. Si Derek naman ang tumulong sa akin sa paglilipat.

Christmas 2010.
Nag-celebrate na kami ni Derek ng Christmas namin 23 pa lang. Mahirap kasi sa biente quatro dahil baka wala na kaming oras.


“Hon, I’ll just see you tomorrow because I need to be at work tonight” ang sms sa akin ni Phyo.

“Alright, hon!” ang sagot ko naman.

“Merry Christmas, honey! I love you!” ang pagbati niya.

“Merry Christmas, hon! Take care! I love you, too!” ang sagot ko naman.


“Baby, daan ako dyan sa ‘yo later ha. Andito pa ako sa work” ang SMS naman ni Derek sa akin.

“OK bhe. Aantayin kita” ang sagot ko sa kanya.


Nagluto ako ng pang-Noche Buena ko. Yung mga kasama ko sa bahay ay di ko naman alam kung anong plano nila kaya nagprepare lang ako para sa akin.


“Hon, change of plan. My colleague decided to be on the night shift, so I can meet you up later” ang SMS ni Phyo.

“Oh really? I’m going for the mass later at a church in Ang Mo Kio. Why don’t we just meet up tomorrow?” ang textback ko sa kanya.

“I can go with you for the mass. Tell me where the church is and I’ll meet you up there.” Nagtaka naman ako dahil Buddhist siya. Pilit ko mang ayaw siyang isama ay di ko na rin nagawa dahil mapilit talaga.

“Baby, hwag ka na lang pumunta later kasi paparito si Phyo” message ko kay Derek.

“OK” ang matipid niyang sagot.

“Hon, I won’t attend the mass anymore” ang text ko naman kay Phyo.


Nawawala na naman ako sa huwesyo sa ginagawa ko. Ayoko na kasing mangyari uli ang nangyari dati. Nasa labas na ako nang magtext sa akin si Phyo at alam ko may mga ginamit akong kahapon sa amin ni Derek na hindi ko naligpit. Away na naman kung makita nya kaya kailangan kong mauna sa bahay.


“Hon, I’ll just see you at home”  ang text ko uli sa kanya.

Nagmadali akong umuwi sa bahay at tinapon ang mga hindi dapat niyang makita.
Matapos kung malinisan ang aking kwarto ay dumating si Phyo. Alam ko may pagdududa sa kanyang mga titig.


"Merry Christmas, honey!" ang bati ko sa kanya sabay halik.

"Someone was here, right?" ang tanong niya sa akin.

"Huh?!?" ang gulat kong tanong sa kanya.

"Nevermind. Anyway, I'll just go home tonight. I'll come back tomorrow afternoon and i'll spend the night here." ang sabi sa akin na ikinaasar ko naman.

"Ah, ok!" at tumalikod ako sa kanya.


Umalis naman siya agad ng di nga nagpaalam sa akin.

Kinabukasan, katulad nga ng sabi niya ay doon siya natulog sa bahay. Hindi naman kasi siya Kristiyano kaya walang celebration o kung anuman para sa kanya.

Hindi naman kami nagkausap ni Derek matapos ko siyang hindi papuntahin sa bahay. Alam ko galit o di kaya'y nagtatampo sa akin dahil sa pagbago ng plano ko. Pero OK lang sa akin dahil kailangang paminsan-minsan ang maramdaman niya na hindi na siya sentro ng buhay ko.

December 26 nagkaayaan kami ni Phyo na pumunta ng mall. Kumain muna kami sa isang Burmese restaurant sa may City Hall, pagkatapos ay naglakad-lakad na. Pumunta kami sa isang department store at nagsukat ng mga damit. May isa siyang nakita na hawak-hawak ko na at handa ko nang isukat na t-shirt.


“Hon, can I have that shirt you’re holding?” ang sabi nya sa akin.

“After I try it hon” ang sagot ko.

Bigla na lang di na sya kumibo at nakasimangot na. Ramdam kong nagalit sya dahil hindi ko sya pinagbigyan. Ganoon nga kasi siya. Gusto niyang makuha lahat ng kanyang gusto dahil sanay sa kanila na spoiled. Umalis na lang ito nang di nagpapaalam sa akin. Hinanap ko ngunit di ko sya mahagilap. Nagalit na rin ako.


“Where are you hon?” ang sms ko sa kanya.


Lumipas na ang 30 minutes ngunit wala pa rin syang sagot sa akin.


“OK! If this is what you want then so be it!” ang galit na message ko sa kanya.

"Let's just stop this ridiculous relationship. You have never changed. You are still that bratty person that I've known. Do you think our relationship will work with you being so childish?" ang dagdag ko pang text sa kanya dahil sa asar ko

Sa nasabi ko na kasi, sobrang spoiled nya sa pamilya nya kaya pati sa relasyon dala-dala niya nito. Pangalawa pa lang akong naging boyfriend niya, naiisip ko rin na baka di pa siya sanay mag-adjust, pero alam na niya dapat ito dahil di na rin naman siya bata. Kahit nga pagdating sa sex e kailangan masunod ang gusto niya, kung hindi e magkakagulo lang kami.


"I'm going home now. You can drop by at my place to get all your things. I'll meet you up downstairs and hand you over whatever is yours" ang huli kong sms.

"OK. I will be there at 5:30PM" ang sagot niya.

At nagkahiwalay nga kami ni Phyo a day after Christmas. Maliit lang naman talaga ang bagay na aming pinag-awayan, pero dahil may pangako si Derek na magiging magkasama na kami next year ay hiniwalayan ko na siya dahil alam kong mas mahihirapan ako kung saka ko na lang gagawin pagmalapit na ang yun. Di ko rin inakala na magawa ko kay Phyo yun dahil sa totoo lang at mas marami ang maganda sa kanya kay sa pangit na ugali. Ginawa ko nga lang itong paraan para makipagkalas sa kanya.

Malungkot man ang sumunod na mga araw ay kinaya ko rin lahat. Umiyak ako at binuhos ko lahat ng lungkot ko kay Chloe. Alam niya kasi lahat ang pinagdadaanan ko mula kay Derek hanggang kay Phyo at tungkol sa isan k pang ex.

Marami akong kasalanan din lalo na sa pagiging unfaithful ko kay Phyo, pero nangyari na ang nangyari. Alam kong ginamit ko lang naman din talaga siya para saktan si Derek. Oo, masama ako at sobrang nga siguro, pero di ko rin maikakailang minahal ko rin si Phyo kahit papaano.

Lumipas ang ilang buwan at naging okay na rin ako. Naging mas maganda din ang aming relasyon ni Derek kahit maraming away at tampuhan. Hindi naman din siya nagkulang na suyuin ako. Pagmay-sakit ako, kung may pasok siya ay pupunta talaga siya sa bahay during his 1-hour lunch break para lang tingnan at makasama ako. Ganoon din talaga ka sweet siya sa akin kaya muli na namang nahulog ng sobra ang damdamin ko sa kanya.

Plano naming pumunta sa Canada pagkahiwalay niya sa asawa niya. Kaya nag-umpisa akong maghanap ng paraan para sa gagawin naming pangingimbangbansang muli

"Baby, uwi tayo sa pinas" ang biglang aya niya sa akin.

"Kailan po?"

"July 5"

"Bakit? Ano gagawin natin doon?"

"Di ba marami ako utang sa 'yo? E di panahon na para makapagbayad ako." sabay tawa sa akin.

"O sige ba!"

"Book na ikaw ng ticket mo. Gamitin mo credit card ko at sabihin mo sa akin ang details para sabay tayo sa eroplano."

"Oo naman ano. Akala ko ba uuwi tayo e bakit parang sinasabi mo na pwedeng hindi tayo magkakasabay?"

"Syempre, alam mo naman ang problema di ba?"

"O sya sige"


At nagbook nga ako ng flight ko. Matapos kung gawin at sinabi ko ito agad agad sa kanya para siya naman ang makapagbook. Nalaman ko rin na kailangan din niyang mag-renew ng international driver's lincense niya kaya kailangan din talaga niyang umuwi. Imbes na mabwisit ako dahil alam ko hindi talaga pagbabakasyon namin ang pakay niya, ay inintindi ko na rin siya. Alam ko namang hinding-hindi mangyayari na makakapagbakasyon kami na wala siyang ibang dahilan habang magkasama pa sila ng asawa niya.

Dumating ang araw na pauwi na kami sa Pilipinas.

"Baby, asan ka na? Di to na ako sa airport." ang text ko sa kanya. Hindi kasi sya pwedeng tawagan dahil baka malaman ng asawa niya at ma-unsyame pa ang aming plano.

"Papunta na po. Antayin mo na lang ako sa loob kasi kasama ko si paa." ang sagot naman niya sa akin.

Nagselos naman ako bigla sa natanggap kong mensahe. Di pa rin talaga sanay ang puso ko na tanggapin na may kahati ako sa pagmamahal niya.

Hindi ko na sinagot si Derek bagkus ay inantay ko na lang siya sa may departures area. After 30 minutes ay nakita ko nang siyang nakangiti ng pagkatamis-tamis. Naglaway ako bigla nang makita ko siyang sobrang gwapo sa paningin ko.

Bumili naman kami ng mga pasalubong sa airport. Chocolates at mga alak. Pagkatapos ay nagkape muna kami habang nag-aantay ng flight namin.
Nang mag-boarding na, pumila na rin kami ni Derek at akala ko hindi kami magkatabi sa upuan matapos naming makaakyat pero nagawan pala ni niya ng paraan sa check-in pa lang. Ang saya-saya ko sa panahon na yun. Walang mapaglagyan ang galak na aking nadarama.

Nagselos naman ulit ako nung makita ko ang status na nilagay niya sa arrival information sheet na binibigay sa immigration. Kaasar talaga tong puso ko hindi marunong umunawa at umintindi pero ano nga ba magagawa ko? Seloso talaga ako at gusto ko lang talaga na akin lang siya. Nang makita niya akong tahimik ay alam na niya agad ang nasa isip ko.

"Baby naman hwag ka na magselos, papel lang naman yan e. Saka, kailangan ko i-declare yan dahil legal papers yan e baka ano pa ang mangyari kung magsinungaling ako." ang pag-e-explain niya.
Alam ko naman talaga di na kailangan yun, pero sadyang seloso lang talaga ako.

Pagdating namin sa Maynila ay dumiretso na kami sa isang hotel sa Makati. Nag-almusal kami at pagkatapos ay sinundo na kami ng kapatid ko. Hinatid muna namin sya papuntang LTO sa may Quezon City at pagkatapos ay dumiretso kami ng kapatid ko pauwe ng Marikina.

"Baby, san ka na?" ang pag-sms ko sa kanya. Wala naman akong natanggap na sagot mula dito.

"Sana ka na bhe? Sagot ka naman." ang muli kong text sa kanya pagkatapos ng 30 minutes ngunit wala pa rin itong sagot. At dahil malayo pa ako ay nagdesisyon akong pumunta na ng Gateway Mall para doon nalang siya antayin.

Dumating ako ng mall na wala pa ring sagot mula sa kanya. Mag-aalas otso na ng gabi at di ko alam kong ano ang plano niya.

"Ano ba? Kanina pa ako text ng text s'yo wala ka man lang sagot. Tumatawag ako sa' yo di mo rin sinasagot. Kung ayaw mong makipagkita e bahala ka sa buhay mo!!! Uuwi na ako sa kapatid ko. Magpakasaya ka kung nasaan ka mang impyerno!" ang galit na galit kong pag-sms muli sa kanya. Nakakaasar kasi dahil hindi ako nagschedule ng mga lakad ko dahil akala ko magiging magkasama kami maghapon.

Pasakay na sana ako ng taxi ng matanggap ko text niya.

"Baby, sorry naubusan ako ng battery at sobrang daming tao sa LTO. Di na nga ako nakakain ng pananghalian e. Pasensya na po. Asan na kaw?"

"Pauwi!" ang matipid na reply ko sa kanya.

"Baby naman. Punta ka na dito sa hotel. Andito na ako antay kita. Pleassseee!"

Hindi ko na sinagot si Derek. Sinabi ko na lang sa taxi driver ang hotel kung saan kami nakatuloy.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa room namin at bigla niya akong siniil ng halik. Maalab. Nakakapanghina. Nakakatunaw ng galit. Nakakabuhay kalamnan. Hindi ko matiis na hindi gumanti sa mainit niyang mga labi. At  nagulat na lang ako sa sarili ko ng gumanti na rin ako sa mga halik niya sa akin.

Hingal kabayo kaming dalawa matapos maghiwalay ang aming mga labi. Nakita ko sa kangyang mga mata ang saya na hindi maarok ng kahit ninuman. Malamang ito na nga ang hinihintay naming kalayaan para sa aming dalawa. Ito na ang panahon na hinihintay ng aming mga puso at damdamin para kumawala sa kani-kanilang mga kulungan.

"Baby, kain muna tayo sa baba!" ang pag-anyaya ni Derek sa akin.

Kaya naman bumaba na kami ni Derek sa restaurant ng hotel.
Matapos kaming kumain ay uminum muna kami ng beer. Pampainit ng katawan. nakailang bote din kami bago muling umakyat sa kwarto.

"Ei baby, di pa pala tayo nakapag-book ng reservation sa resort." ang biglang sabi niya sa akin.

"Saan mo ba balak pumunta baby?" ang tanong ko naman.

"Sa Batangas na lang tayo."

"May nakita ka na bang resort?"

"Opo. Yung Acuatico sa may Lian, Batangas"

Kinuha ni Derek ang kanyang telepono at tinawagan ang resort na kanyang nahanap. Bago pa lang kami umalis ay nag-research na talaga siya ng magandang resort para sa kauna-unahang bakasyon namin.

Nakontak naman agad ang resort at nakapagpa-book kami ng room. Matapos nito ay muli kaming nag-order ng alak na pina-deliver namin sa kwarto.

May tama na kami pareho ng matapos namin ang aming iniinom. Naligo at naglinis ako ng aking katawan. Matapos ay si Derek naman.


[12]
Pagkalabas niya ng banyo at diretso na akong niyakap at siniil ng halik pagkatapos. Mamasa-masa pa ang katawan ni Derek na nagbigay ng kiliti sa aking  mainit na katawan. Maalab. Mapusok. Napakatamis ng aming paghahalikan na nagpabuhay ng aming mga dugong nananalaytay sa lahat ng mga ugat sa aming katawan. Naramdaman ko na rin ang tigas na tigas nang pagkalalaki ni Derek.


Hiniga niya ako at muling pinaulanan ng halik ang buo kong katawan umpisa sa aking mga labi hanggang sa napunta ito sa aking leeg. Ungol naman ang naisasagot ko sa bawat init ng kanyang labi na dumadampi sa aking katawan. Matapos nito ay ang aking dalawang utong naman ang kanyang pinagpapasahang sipsipin. Napapaliyad ako sa sarap na aking nadarama lalo na ng bumaba na ang kanyang mga labi sa aking pusod.

"Ahhhhhh, baby sige pa" ang namumutawi lamang sa aking bibig.

Matapos mahalikan ang buo kong kahubdan ang ang dalawang bola ko naman ang kanyang sinipsip. Hanggang bigla na lamang nitong sinubo ang aking tigas na tigas na na sandata. Hindi ako magkamayaw sa ligaya at libog na aking nadarama.

"Ahhhhhhhh baby ang sarap. Sige pa bhe!"

Habang subo-subo niya ang aking armas ay hinila ko naman ang kanyang hita para mag-69 kami. Sinubo ko naman ang kanyang malaking tarugo at sinuso ito na parang uhaw na uhaw na bata. Puro ungol na ang naririnig sa buong kwarto namin.

Matapos naming magkainan ay pinahiga ko naman siya at inumisahan ko namang paligayahin sya. Dinilaan ko ang kanyang magkabilang taenga hanggang sa bumaba ako papunta sa kanyang leeg. Sinuso ko naman ang kanyang dalawang utong, palit-palitan habang ungol ng pagdedeliryo ang naririnig ko kay Derek.

"Ahhhhh, baby ang galing-galing mo talaga!"

Mas lalo naman akong ginanahan dahil sa ungol na animoy naging musika sa pandinig ko at naging kumpas ng bawal paghalik at pagdila ko sa kanyang buong katawan.

Kinalikot ko ang kanyang pusod gamit ang aking dila na nagpaigtad sa kanya. Kinagat-kagat ko ang kanyang tagiliran na mas lalo pang nagpaungol kay Derek. Sobrang tigas na tigas na ang kanyang tarugo pero hindi ko pa ito sinunggabang. Sinubo ko muna ang kanyang dalawang bolang nag-aantay lamang malawayan. Sinipsip ko ang mga ito habang patuloy ang ungol ni Derek.

"Ahhhhhhhh!!!! Baby, ang galing mo talaga! Ikaw lang nakakapagpaligaya sa akin ng ganito. Sige pa bhe!"

"Ahhhhh!!!! Subo mo na tarugo ko baby! Ang sarap! Ahhhhh!!! Hindi ko na kaya bhe!"

Hindi ko pa rin pinansin ang kanyang pagkiusap. Pinaglaruan ko naman ang kanyang butas sa puwet at dinilaan ito habang ang aking kaliwang kamay ay hinahalipirot ang kanyang magkabilaang utong. Kitang-kita sa mukha ni Derek ang sarap. Napapapikit ito at patuloy ang ungol na lumalabas sa kanyang mga bibig. Kinakagat pa nito ang kanyang mga labi ang dinidilaan ang kanyang mga labi. Mas lalo naman akong ginaganahan sa naririnig ko sa kanya kaya patuloy ang paglaro ko sa kanyang butas. Bigla ko namang sinubo ang kanyang kargada na nagpahiyaw sa kanya sa sobrang sarap.

“Baby, ang galing mo talaga. Sige pa bhe, subo mo pa. Hwag mo tigilan. Ahhhhhhh!!!!”
Mas lalo ko naman ginalingan ang aking pagpapaligaya sa kanya. Ramdam kong parang nauubusan si Derek ng hininga sa sarap na kanyang nararamdaman. Hinila naman nya ako pataas at muling nagtagpo ang aming mga labi. RAmdam na ramdam ko ang pagmamahal sa bawat dampi ng aming mga labi sa isa’t isa.

Handa na uli akong ibigay sa kanya ang buo kong katawan. Pumaibabaw siya sa akin at dahan-dahan na itinarak ang kanyang nag-aapoy na sandata. Tinanggap naman ng buo ito ng aking butas. Dahan siyang umindayog hanggang bigla itong bumilis at binaon sa akin ng buo ang kanyang pagkalalaki. Pagkatapos nito ay binuhat naman niya ako habang patuloy na nakabaon ang kanyang ari sa akin. Lahat ng sulok ng hotel room ay naging saksi ng aming pagniniig.

Binalik ako ni Derek sa kama at doon naming pinagpatuloy ang napipintong pagtatapos ng aming lovemaking. Sarap na sarap kami pareho sa makamundong ligaya na aming pinagsasaluhan hanggang sa pabilis na pabilis ang kanyang pag-iindayog na alam kong malapit na siyang labas.
“Baby, ayan na akooooo!!!!” ang bigla niyang naisigaw.
“Baby, lalabasan na rin akoooo!!! Ahhhhhhh!” ang sagot ko naman sa kanya na may dalang ungol.

Halos magkasabay kami ni Derek na nagpalabas ng aming mga likidong nag-uugnay at nag tatali muli n gaming pagmamahalan. Sobrang saya ko sa mga oras nay un. Ang sarap ng pakiramdam habang nanlulupaypay siyang nakapa-ibabaw sa akin at nakatarak pa ang kanyang pagkalalaki sa aking butas. Naghalikan kaming muli at doon nagtatapos ang aming masarap at puno na pagmamahalan na pagniniig.

Maagang-maaga kami nagising ni Derek kinabukasan. Nag-almusal muna kami at pagkatapos ay naghanda na para sa biyahe namin papuntang Batangas.

Habang nasa biyahe kami sakay ng bus ay walang mapagsidlan ang kaligayahan na aking nadarama. Magkatabi kami syempre sa upuuan. Ang dami namang pictures ang aking kinuha na magkasama kami. Lahat ng ngiti naming ay alam kong dahil yun sa magkasama kami at pinagsasaluhan namin ang kung anong pagmamahalan mayron kami.

Malayo-layo din ang byahe. Mula Lipa City ay sumakay pa uli kami ng van papunta sa resort na aming pupuntahan. Ang saya ko talaga sa mga oras nay un. Alam kong pagbalik naming sa Singapore ay marami na namang pagsubok an gaming mararanasan pero alam kong hindi magiging hadlang yun para sa amin. Alam kong kakayanin ko lahat ang sakit makasama ko lang ng matagal si Derek. Iniisip ko pa lang na babalik na si Derek sa Singapore sa makalawa ay nasasaktan na ako. Ayaw ko mang isipin at gusto ko mang paniwalaan ang sinasabi niyang walang nangyayari sa kanila sa asawa niya at hindi talaga matanggap ng aking isip at patuloy pa rin akong nasasaktan at nagseselos pagnaiisip ko ang mga bagay nay un. Paano kaya kung isang araw ay sasabihin na lang niya sa akin na buntis na ang asawa niya? Paano ko kaya kakayanin ang sakit at paano ko ipaglalaban ang aming pagmamahalan na alam kong mali mula’t sapol.

Nasa ganito akong pag-iisip ng huminto ang van na aming sinasakyan. Nakarating na pala kami sa bayan. Sasakay na lang uli kami ng tricycle at nasa resort na kami. Naghanap nga kami agad ng masasakyan pagkatapos naming bumaba.

Dumating kami sa Acuatico. Ang ganda-ganda ng lugar kahit hindi pa ito natatapos. Matapos kaming mag-register ay hinatid na kami sa aming kwarto. Isang itong bungalow type na accommodation na nakaharap sa isang infinity pool. Makikita mula dito ang asul na asul na dagat na alam mong wala pang polusyon na nakakaabot.

Pagpasok namin sa kwarto ay namangha naman ako sa desinyo nito. Glass wall ang harap naming pader na nalulukupan ang puti at abot sahig na kurtina. Puti naman  lahat ang pintura sa buong kwarto. Sobrang engrade nitong tingnan at napakalinis talaga. Ang lamig pa ng aircon na parang bang nag-eengganyong humiga muna kami ni Derek at pagsaluhan muli ang aming pagmamahalan.

Bago kami lumabas uli ay nagpahinga muna kami ni Derek. Matapos magpahinga ay nagpalit na kami ng swimming trunks. Bago kami maligo ay konting photo shoot muna para at least may remembrance ako sa aming dalawa. Alam ko wala siyang interest sa ganoon at kung mayroon man ay saan naman niya itatago ang mga yun.

Naligo na kami ni Derek. Sa swimming pool muna kami dahil medyo mainit pa sa dagat. Hindi rin ako kasi mahilig sa tubig dagat dahil ayoko ng lagkit sa katawan pagkatapos maligo. Pero syempre dahil kasama ko ang pinakamamahal ko ay okay lang sa akin kung gusto niyang maligo doon. Tamang tama naman at konti lang ang tao sa resort, kaya malaya kaming gumawa ng mga bagay na sweet para sa aming dalawa.

Pagdating ng alas kwatro ng hapon ay nag-kayaking  naman kami. Sobra-sobra talaga ang saya na aking nadarama sa mga oras na yun. Walang pagsidlan ang kasayahan na yun. Ang lambing pa ni Derek sa akin. At kahit may lambing ito ay lalaking lalaki pa rin ang asta at hindi talaga mapagkakamalang mayroon kaming relasyon.

Natapos ang maghapon na yun na puno ng kulitan, tawanan at asaran. Walang makakapantay na kaligayahan ang dulot nito sa akin. Ang sarap talaga sa pakiramdam na alam mong may taong nagmamahal sa iyo na mahal mo rin. Gabing gabi na nang maghapunan kami ni Derek sa labas ng resort. Uminom na rin kami ng beer bago bumalik sa aming kwarto. Pagod pa rin kami sa byahe at sa kulitan kanina kaya nagpasya kaming maagang magpapahinga. Bukas din kasi ay babalik na kami ng Maynila.

Pagdating namin sa kwarto ary naglinis muna kami ng katawan. Alam kong pagsasaluhan na naman uli namin ang ligayang kami lang ang nakakapagbigay sa isa’t isa. Hinanda ko na rin ang sarili ko para dito.

At di nga ako nagkamali, nakahiga na si Derek nang matapos akong maligo. Nauna kasi siyang maligo sa akin dahil medyo maliit ang bathroom sa loob ng kwarto namin. Hindi na siya nag-aksaya pa nang panahon dahil paghigang-paghiga ko pa lang ay diretso na nitong hinanap ang aking mga labi at hinalikan na ako ng matindi. Naghinang ang aming mga labi na para bang wala na kaming bukas. At ewan ko ba kung ano naisip ko sa panahon yun, dahil kinuha ko ang aking cellphone at in-on ko ang videocamera nito na walang alam si Derek. Bawat haplos at halik niya sa katawan ko ay kitang-kita sa video na kinukuha ko. Hindi niya alam ang ginagawa ko. Alam ko kasing nalaman na nang asawa ang tungkol sa amin at sa isip ko, kung anuman ang mangyayari dahil hindi ko rin naman alam kung sasaluhin ako ni Derek, ay may pruweba ako na hindi ako ang naghahabol sa asawa nya at hindi lang ako ang may gusto sa ginagawa namin. Alam kong mali ang ginagawa ko pero sa panahon ngayon at lalo na na nasa Singapore kami kung saan sobrang higpit ng mga laws nila at kung saan karamihan ay muslim ay kailangan kong mag-ingat at kailangan kong tangpan ang sarili ko sa kung ano mang mangyari. Kung makukulong ako ay dapat kasama ko si Derek at hindi pwedeng maiwan sya sa labas kasama ng asawa niya. Ramdam kong sobrang sama ko dahil hindi ko pa rin pinagkakatiwalaan si Derek sa mga panahong yun at ay duda pa rin ako, pero wala naman akong magagawa dahil nga sa komplikadong relasyon namin. Kinakabahan man ay pinagpatuloy ko ang pagkuha ng video hanggang sa hindi ko na rin makayanan ang libog sa aking sarili kung kayat tinigil ko na ito at nilagay sa ulunan ko.

Muli nga kaming nagniig pero sa panahong to, siya muna ang aking tinira. Sarap na sarap din si Derek sa bawat ulos na ginagawa ko. Ungol lang ang kanyang naisasatinig at sa bawat halinghing na kanyang ginagawa at matinding libog naman ang dala nito sa aking katawan. Habang nakatarak ang aking sandata sa kanyang puwet ay sinisipsip ko naman ang kanyang magkabilaang utong at pamin-minsan ay pinipilit kong abutin ng aking bibig ang kanyang tigas na tigas din na alaga para isubo ito. Hindi maipinta ang mukha ni Derek sa mga oras na yun. Habang patuloy ang akong pagiindayog at pagpapaligaya sa kanya at kinuha ko naman ang lubricant at niulagyan ang tarugo ni Derek nito. Nang malapit na akong labasan ay hinugot ko bigla ang aking ari sa kanyang loob. Bigla ko naman inupuan ang kanyang galit na galit na na alaga at dire-diretso ito sa aking loob. Mas lalong napahalinghing si Derek sa init at sarap na dala nito. Gustuhin ko mang magpalabas na habang nasa looba pa ako niya ay gusto kong sabay kaming datnin ang tuktok ng ligaya.

Nag-umpisa na ngang umindayog si Derek habang nakaupo pa rin ako sa kanyang ibabaw. Yumuko naman ako at naghalikan kaming muli. Patuloy ang kanyang pagkakadyot habang bumaba naman sa kanyang mga utong aking mga labi. Lumakas ng lumakas ang mga ungol namin sa bawat sarap na aking tinatamasa. Nag-iba kami ng pwesto pagkatapos nito. Tumayo si Derek at kinarga naman niya ako. Pinasok niyang muli ang kanyang ari habang nakalambitin naman ako sa kanyang leeg. Grabe ang sarap-sarap pala talaga kung ang taong gumagawa nun sa’yo ay ang taong mahal mo. Mawawala lahat ng hiya, ng sakit, ng takot at puro sarap na lang at pagkakuntento ang mararamdaman mo. At ito nga ang aking nararamdaman habang patuloy ang pagpapaligaya naming ni Derek sa isa’t isa.

Muli niya akong binalik sa kama. At makalipas ang iba’t iba posisyon pa ay malapit na namin  muling marating ang rurok ng makamundong kaligayahan. Sarap na sarap ako habang pabilis ng pabilis ang kanyang pag-indayog. Hindi rin maipinta ang libog at sarap ni Derek na nakikita ko sa kanyang mga mata at mukha. Nag-uusap kami mata sa mata at nang malapit na nga ang sukdulan…
“Ahhhh! Ahhh! Ahhh! Baby, ayan na ako!, Ayan na ako!” ang naisigaw ni Derek habang tumutulo ang kanyang laway. Parang siyang ulol na aso sa oras nay un. Hindi naman humupa ang kanyang pag-indayog at patuloy ang kanyang malakas na pagkadyot sa akin habang nararamdaman ko ang mainit na likidong dumaloy sa aking loob.
“Sige pa baby! Sige pa! Ayan na rin ako! Ahhhhhhhhh!!!” ang huli kong sigaw habang patuloy ang aking paghingal at habang naglalabas-masok pa rin si Derek sa akin. Mas lalo naman siyang napaungol ng sumikip bigla ang aking butas dala ng paglabas ng aking dagta.

Bumagsak naman si Derek sa aking ibabaw habang yakap-yakap pa rin ako. Ang kayang matigas pa rin na ari ay nasa loob ko pa rin. Hingal kabayo kaming dalawa matapos namin pagsaluhan muli ang kaligayahan ng aming pagmamahalan.


[Finale]
Muli ay ang taos-puso kong pagpapasalamat kay Mr. Kenji Oya sa pagbibigay sa akin ng tsansa para mailathala sa kanyang blogsite ang aking akda.

At nagpapasalamat ako sa lahat ng mga mambabasa at nagsubaybay sa kwentong ito.
Maraming-maraming salamat sa inyong lahat!


- o 0 o -


Natapos ang maliligayang araw namin Pilipinas. Naunang umuwi si Derek sa Singapore at ako naman ay matapos ang dalawang araw pa. Sobrang lungkot ko habang hinahatid namin siya ng kapatid ko sa airport. Masakit man, kailangan kong tanggapin na may hangganan ang lahat ng kasayahan sa buhay.


Pagbalik ko ng Singapore ay dito na nag-umpisa uli ang aking pagdurusa. Parati na kaming nag-aaway ni Derek. Hanggang ngayon kasi wala pa rin akong nakukuhang sagot sa kanya kung ano ba talaga ang plano niya sa amin.

“Baby, matutuloy ba ang pagsasama natin next month?” ang tanong ko sa kanya. Nag-promise kasi uli siya sa akin ng August na lang kami tutuloy.

“Baby, di ko pa alam ang gagawin e. Litong-lito pa rin ako.” Ang sagot naman niya.

“E, ang tagal nang pangako na yan. Dalawang taon na, wala ka pa ring plano? Nag-antay ako sa ‘yo dahil nangako ka, tapos hanggang ngayon wala pa rin?”
“Sa palagay mo ba madali lang sa akin?”

“Sino ba nagsabi sa ‘yong mangako ka? Sino ba nagsabi sa ‘yong madali? Nag-antay ako dahil sa pangako mo. Mahal kita, oo, pero sobra-sobra naman ata ang pagpapahirap mo sa akin. Halos gabi-gabi na lang iniisip ko kung ano nangyayari sa inyo ng asawa mo. Halos araw-araw punong-puno ako sa pesteng selos na ‘yan. Tapos sasabihin mo sa akin ngayon na hindi mo pa rin alam? Ano ba ‘to laro lang?”

“Baby, hindi naman sa ganyan. Di ko lang talaga alam ang gagawin ko.”

“Putang-ina na yan! Ang tanda-tanda mo na di mo pa rin alam ang gagawin mo? O sadyang wala kang bayag para panindigan ang mga pangako mo?”

“H’wag na muna tayong mag-usap. Masyadong mainit na naman ang ulo mo.”

“E ganyan ka naman parati e. Parati ka na lang umiiwas kesyo hindi kita naiintindihan. Na sinasakal kita. Na puro selos na lang ang alam ko. Ano ba gusto mong mangyari matuwa ako dahil lahat ng pangako mo napapako? Kailangan ko bang magpakasaya dahil sa katangahan ko na hanggang ngayon naniniwala pa rin ako sa mga pesteng pangako mo?”

“Ano ba gusto mo? Iwan ko na lang agad ang asawa ko?”

“Aba! Sino ba nagsabi sa’yong mangako ka? Hindi ba sabi mo papel lang yan? Hindi ba ikaw ang nagsabing antayin kita? Una, isang taon. Tapos naging April. Tapos naging July, at naging August. Tapos ngayon, tatanungin mo ako kung ano gagawin mo? Wala ka rin talagang kwentang kausap ano?”

“Saka na nga tayo mag-uusap. Wala na naman patutunguhan ‘to e.”

Iniwan naman ako agad ni Derek na hindi man lang naipapalabas ang lahat ng hinanakit ko. Hindi ko kasi talagang maintindihan kung bakit kailangan niyang mangako kung hindi naman talaga niya tutuparin. Ang hirap ng umaasa ka sa wala naman pala talaga. Hindi ako nakikipaglaro sa isang relasyon. Nagpakatanga na nga ako dahil pumatol ako sa may asawa, sobrang tanga ko pa ngayon dahil naniwala ako sa mga pangakong walang naman talagang patutunguhan. Ganito nga ba talaga ang magmahal? Handa akong isakripisyo lahat sa sarili ko matuloy lang sana ang plano naming magsasama pero lahat nga yata ng kaligayahan sa mundo ay may hangganan. Does good thing really never last or is it because we choose to end it ourselves? I guess, I have opted for it to last and I wish it could last forever, but too bad, the person I wished to share this with is no longer interested. I continued loving him while I also continuously believe that his promises were written on stones and not in waters. Still, too bad for me because what I believed were just actually dreams that I created in the deep recesses of my mind. Everything that I kept precious was starting to shatter including myself and I wish I could just bury myself in its rubbles until I could redeem myself again.

Bakit nga ba ganito ang buhay ng katulad ko? Wala ba akong katangian para mahalin at para makasama ng panghabambuhay? Hanggang pangako lang ba talaga lahat ang para sa kin? Sadya nga bang pinanganak ako para pagdusahan ang pagiging ganito ko na hindi ko naman naging kasalanan? Bakit kailangang magmahal ako ng taong hindi naman alam kung paano ako suklian sa pagmamahal na inaalay ko? O sadya nga lang malas ako pagdating sa pag-ibig. O dili kaya’y bunga at karma ito sa ginawa ko sa ibang taong nagmahal sa ‘kin katulad ni Phyo?

Ang dami-daming pumasok sa utak ko matapos kaming magkausap ni Derek. Para akong baliw na nagsasalita at nagagalit na lang bigla. Para akong isang bata na pinangakuan ng isang laruan ngunit hindi natupad ng kanyang magulang. Pero may magagawa pa nga ba ako? Hindi ko naman talaga maipipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin.

Dumating ang second anniversary naming na parang wala lang. Nag-celebrate kuno kami pero alam ko malapit na ang katapusan ng lahat. Pinagkakasya ko na lang ang sarili ko sa kaligayahang naidudulot ni Derek sa akin sa tuwing pupunta sya na bahay at sa pagkikita namin na sobrang dalang na. Pinipilit ko na ang sarili ko na matanggap ang katotohanang wala na talagang pag-asa pa ang mga pangakong binitiwan nya sa akin pero ang puso ko ay sadyang marupok at makakapagpaniwala dahil pilit pa rin nitong ipadama sa akin na mayroon pang pag-asa. Na magiging kami pa sa huli. Na magiging masaya ang istorya ng buhay namin ni Derek.

Umuwi ako ng Pilipinas sa birthday ng mama ko. Hinatid ako ni Derek sa airport at binigyan nya ako ng pera pa-birthday daw kay “mama” ika nga niya. Ang saya-saya ko sa mga oras na yun. Akala ko tuloy-tuloy na ulit ang naudlot na kasayahan sa buhay ko. Pero, hindi ko alam na may mas malaki pa akong susuungin pagbalik ko ng Singapore.

Habang nasa Pilipinas ako ay tumatawag si Derek sa akin.

“Hello?” ang pagsagot ko sa tawag. Ngunit walang sumasagot sa kabilang linya bagkus parang nakikinig lamang ito. Kinutuban na ako agad na asawa ni Derek ang tumawag sa akin. Pinutol ko agad ang tawag nya at nag-antay na lang ng susunod na mangyayari.

Kinagabihan ay nagtext sa akin si Derek at alam kong siya yun kaya naitanong ko sa kanya ang nangyari.

“Baby, tumawag ka ba sa akin kanina?” ang sabi ko.

“Hindi po. Bakit?”

“May tumawag kasi sa akin e. Hindi kaya si mukhang-paa yun?”

“Baka nga dahil hawak niya ang telepono ko kanina habang naliligo ako.”

“Ah, ok!” ang huling sagot ko sa kanya.

Maghapon akong nag-iisip tungkol sa nangyari. Alam ko rin naman na alam na ng asawa nya ang tungkol sa amin. Siguro gusto lang talaga nyang kumpirmahin kung ano man ang hinala di kung di pa rin sya naniniwala. Alam ko kasing nababasa pa rin nya ang mga text messages namin ni Derek. Anyway, bahala na! More than two years na kami ni Derek, ngayon pa ba ako susuko? Ang dami-dami na naming pinagdaaanan, ngayon pa ba? Pero di ko rin talaga alam kung may patutunguhan pa rin ang relasyon namin lalo na ngayon na hindi na stable ito. Ang hirap! Naalala ko tuloy noong bago pa lang kami. Everytime na off ko at off din niya, doon ako tatambay sa bahay nila. Maghapon akong may ginagawa. Naglilinis ng bahay nila, magluluto para sa amin ni Derek at kung anu-ano pa. Ilang beses ko rin pinagplantsa siya ng kanyang mga damit pang-trabaho. Mukha man akong gago sa ginawa ko, ganoon talaga pagnagmahal ako e. Ginagawa ko lahat para sa taong mahal ko para lang mapasaya siya o mapakita sa kanya na I care for him wholly. And that’s the reason why I don’t just show it through making love with him, but also through other means, i.e. pagluluto, plantsa, masahe, etc. At oo, magaling din pala akong magmasahe. Minsan nga biniro ko sya na nagmamasahe ako dati sa Greenhills, aba’y nagalit ba naman sa akin. Hahahaha! Pero mga alaala na lang yun ngayon dahil sa ngayon marami nang lamat sa pagmamahalan namin. Siguro gusto na rin nyang magkaanak. Naiisip ko pa lang na magkakaanak na siya, para dinudurog ang aking puso. Di ko maarok ang sakit na aking nadarama. Ewan ko ba, pero alam ko kasing iiwanan ko talaga siya pagnangyari yun. Hindi ko kayang sumira ng isang munting buhay dahil lang sa pagmamahal na itinatatwa din ng sociodad at syempre hindi ko maatim na lumaki ang bata na walang makikilalang ama o dili kaya’s sasabihin sa kanya na lumayas ang kanyang tatay kasama ang isang lalaki. Kung kasalanan man ang magmahal sa kapwa lalaki, mas patitindiin ko pa ang kasalanang yun kung may maiiwang sanggol na walang muwang sa mundong nag-aantay sa kanya. Ewan ko ba kasi kung bakit ganito ako mag-isip. Hindi ko ba kayang ipaglaban an gaming pagmamahalan o takot lang talaga ako? Ipaglaban? Takot? Hindi naman siguro. Gusto ko lang wala akong naaapakang tao. Naapakan? Hindi ba’t may naaapakan na ako ngayon? Ang asawa ni Derek. Pero di ko naman ginusto yun. Hindi ako ang nang-agaw. Si Derek ang lumapit sa akin para magpaturo nga gitara which later on he confessed that it was only his way to be closer to me. (Well, too bad, he didn’t learn how to play the guitar, but rather how to play the flute instead. Hahahaha!) He liked me already way before we spoke. When he saw me in the office, he already liked me and he already wanted me to love him in the same way that he loved me. So I don’t think I was to be blamed with this. A month after he got married, he courted me. Hahaha. Gago din naman kasi talaga ako para patulan ang may asawa na. Pero ganoon nga yata ang pagmamahal e. Naalala ko pa noong bago pa lang kami. Halos gabi-gabi kaming nagkikita sa kung saan-saang parks na malapit sa amin. We talked, hugged and caressed each other until 1 or 2 in the morning. Kung hindi pa sunod-sunod ang text ng asawa niya, hindi pa kami uuwi. Often, we would drink and talked about life and what would be the future for us. That’s where his promises started. That’s where I opened my heart to his promises meant to be broken and meant to break my heart into pieces. That’s where I embraced the future knowing that there is something waiting for us (?) Doon ko naranasang makipaghalikan sa park at kung anu-ano pang kababalaghan. Buti na lang walang nagmamasid sa amin, kundi matagal na siguro akong nakulong dito for indecent public behaviour. Hahahaha. Pero yung mga bagay na yun ang nagbigay ng excitement sa relasyon naming. Siguro nagustuhan din ni Derek dahil ako nga ang first boyfriend niya. At alam niyang ibibigay ko buong sarili ko sa kanya dahil mahal na mahal ko sya.

Bumalik ako ng Singapore na may agam-agam kung ano ang mangyayari sa amin. At di nga ako nagkamali dahil ang dami nang problema ang sumalubong sa akin. Para nang barko ang relasyon naming na pilit pataubin ng hanging habagat. Malakas pa ako, pero hindi na si Derek. Wala siyang lakas na ipaglaban ang relasyon namin.

Dumating ang Christmas Party naming mga pinoy sa company. Magkasama kami ngunit parang hindi magkakilala. Mas malamig pa sa yelo ang nararamdaman kung pagmamahal niya sa akin. Wala na. Wala na akong pag-asang matutupad pa ang mga pangarap na binuo naming dalawa. Akala ko magwo-work out ang relasyon namin, pero puro akala lang pala lahat. Sabagay, kasalanan ko naman lahat ng ito. Pinaniwala ko kasi ang sarili kong may magmamahal sa akin ng totoo. Na ang pag-ibig namin ni Derek ay pangwalang hanggan. Ang sakit-sakit ng makita ang taong mahal mo na lumalayo. Pilit ko man siyang abutin pero hindi-hindi ko sya nahahawakan at kailanma’y di na maaangkin. Naalala ko noong isang gabi lang. Galing kami sa videoke kasama mga agents nyang pinoy na kabarkada ko rin. Hinatid niya ako sa bahay at tumuloy naman sandali sa kwarto. Nag-sex kami at matapos na malabasan sya ay nagbihis na agad at nagpaalam na uuwi na. He’s no longer the same person I made love with and slept with after sharing our passion. He’s a totally different person now. He no longer cares about me. He no longer cares about our dreams and his promises. He seems to forget everything that happened to us. The story of our love. The lyrics of our song.

Pinilit kong limutin ka
At tanggaping ika’y wala na

O bakit ganito ika’y hanap pa rin ng puso
Nais pa ring ika’y makapiling ko.

Maaari bang ibalik ang init ng ating pagmamahalan
Sinta ko, ikaw pa rin ang s’yang mahal

O bakit ganito ika’y hanap pa rin ng puso
Nais pa ring ika’y makapiling ko.

Ako ba’y mahal mo pa?
O tanggaping muli pag-ibig ko sinta
Puso ko’y nagsusumamo
Ako’y patawarin mo.

O bakit ganito ika’y hanap pa rin ng  puso
Nais pa rin ika’y makapiling ko.

Pinilit kong limutin ka
Ngunit di ko kaya….


(http://www.youtube.com/watch?v=ugIWmglVhUQ)

Pilitin ko mang manatili siya sa akin at mananatili man siya sa akin, pero hindi na buo ang pagmamahalan na magbubuklod sa aming dalawa.

December 25, 2010. I was having a Christmas dinner with my Filipino friends at Orchard Road when I suddenly received a text message from him.

“Kailangan nating mag-usap.”

“Ano ba dapat nating pag-usapan?” ang sagot ko naman na kinakabahan at parang may mga dagang nagsisitakbuhan sa aking kaloob-looban. Alam kong dumating na ang panahon.

“Ang tungkol sa atin.”

“Sabihin mo na lang dito.”

“Cool off muna tayo.”

Biglang nanlamig ang buo kong katawan. Gusto kong umiyak ngunit di ko magawa. Kasama ko si Chloe sa dinner at alam na alam niya ang pinagdadaanan ko ngayon dahil kinikwento ko lahat sa kanya. Hindi ako naniniwala sa salitang cool-off. Para sa akin, this is the most subtle way to say goodbye to someone you love or loved.

Lumabas ako sa restaurant at sinubukang tawagan siya. Sabay ng ulan sa labas ay ang pag-agos ng mga luha kong hindi ko na napigilan. Ilang beses ko rin siyang sinubukang tawagan bago niya sinagot ito.

“Baby…” ang tawag ko sa kanya habang patuloy ang pagluha ko.

“Wala na tayong pag-asa. Punong-puno na ako sa ‘yo. Lahat ng mga selos mo. Lahat ng mga awayan natin. Gusto ko nang matahimik ngayon.” ang sagot naman niya sa akin agad.
“Baby, pag-usapan mo na natin ng maayos. Hwag ka munang sumuko please. Maawa ka naman sa akin.” Kulang na lang humagulgol ako sa sakit na aking nadarama sa mga oras na yun. Ngunit hindi nagpapigil sa Derek sa kanyang gusto. Nanindigan siya.

“Nakikipaghiwalay ka sa akin dahil ba magpaparty ka sa inyo?” ang biglang bawi ko. Nalaman ko kasi kanina na magpapa-party siya sa bahay nila at alam na alam ni Derek na hindi ko gusto ang mga ganoon gathering para sa kanya at sa asawa niya. My reason is if he indeed wants to leave his wife for me, then he won’t be holding any parties at his house at all. What is it for? What’s the use of gathering friends around and after few days leaving his wife for good? Hindi naman ako nasagot ni Derek. Siguro nga ito ang naging mitsa para humingi siya ng panahon. Cool off? Ano ako basahan na iiwanan na lang kahit saan pagkatapos gamitin at babalikan kung kailangan uli?

“OK!” ang matigas kung sabi. “If that’s what you want, then so be it! I also don’t think this relationship will work out, because you never have a ball to fight for us. You’re always afraid of what people may say. Ang kapal kasi ng mukha mong mamakla at manligaw ngunit wala ka namang bayag para panindigan ang pesteng pagmamahal na ‘to!”

“Tama na! Sige bye!” at biglang pinutol ni Derek ang call. Sunod-sunod naman na SMS ang aking pinadala sa kanya.

“Putang-ina mo!!! Magsama kayo ng mukha mong unggoy na asawa. Sinusumpa ko pamilya niyo! Sabagay, bagay nga kayo dahil dami mong lubak-lubak sa mukha, wala ka pang bayag tapos asawa mo mukhang paa! Mabangga sana kayo at mamatay na kayong pareho para mawala na ang problema! Mga peste kayo sa buhay ko! Hinding-hindi ko makakalimutan tong araw na to Derek. At sisiguraduhin ko sa ‘yong doble ang sakit na ibabalik ko sa ‘yo para malaman mo kung gaano kasakit ang ginawa mo sa akin. Hinding-hindi kita mapapatawad at ibabaon ko hanggang hukay ang sakit at galit na dinulot mo sa akin. Sinira mo ang katahimikan sa buhay ko. Walang kapatawaran ang sakit na dinulot mo sa akin. Pagdudusahan mo tong lahat. Itaga mo yan sa bato animal ka!”

Umuwi ako sa bahay na hindi ko alam ang gagawin ko. Pasko ngayon dapat masaya ako, pero bakit ipinagkait sa akin ang kaligayahan ko. Hindi naman kalakihan ang hinihiling ko sa buhay ko, makasama lang sana ang taong mahal ko lalo na sa espesyal na panahon na ito, pero bakit ang sama ng tadhana sa akin? Bakit ako pa? Nagmahal ako ng tunay, hindi man sa tamang tao o paraan, pero alam ko sa kaibuturan ng aking puso, nagmamahal ako ng higit pa sa buhay ko. Pwedeng-pwede at handang handa akong ibigay ang buhay ko para lang sa kanya, pero bakit balewala lang sa kanya lahat ng paghihirap, lahat ng mga pasakit na nadaanan ko, lahat ng sakripisyo ko para lang tumagal kami ng mahigit dalawang taon.

Ngunit, marami din naman akong kasalanan. Sobrang seloso ko. Konting bagay lang na di ko gusto at pumuputok na agad ang butchi ko. At pagnagalit ako, kung ang pagmumura ay nakakalason lang ay matagal na sigurong namatay si Derek dahil halos lahat ng panlalait sasabihin ko para lang mawala ang sakit na aking nararamdaman. Mali, oo mali pero ito lamang ang paraan ko para masabi ko lahat ng galit ko sa puso. Awang-awa ako sa kanya pero mas matimbang ang pagkaawa ko sa sarili ko sa tuwing nakikita kong nawawalan na ako ng lugar sa puso niya. Pero hindi ba nga’t alam ko namang me responsibilidad siya bago pa naging kami? Oo, alam ko nga! Masasabi ko ngang sobrang tanga lang talaga ako para magbigay ng isang daang porsyento sa pag-ibig sa kanya na alam ko namang walang mangyayari at walang kahahantungan.

We were almost there! We have planned our future. We have planned to live our love together and cherish every moment that it will render us. Yes, we were almost there, but fate is not for us. Fate is not for our happiness. Fate is our separation.

Almost There
(by Tom Baxter)

(http://www.youtube.com/watch?v=ox-z_PZPJW4)

If you're listening now
I hope that I make more sense,
'Cause now I'm not quite so young,
I'm not quite so foolish in my defence,
Pictures that I hid in my room, they now come out
And those places we used to go, I talk about,
And now I'm not the man of your dreams
I took you almost there, I'll be damned if I care
Now if I'm not your man
We were almost there
Looks like I've lost you somewhere
And now I'm not the man in your life

NO! Well ok, maybe it hurts; maybe I still see my lips brush your face,
No! What the hell girl, I'm not fool enough to claim that I'm over you as yet!
No...oh no, no... and though I've still got some way to go
Lately I'm almost there, I'll be damned if I care
Now if I'm not your man,
We were almost there
Watch me someday, Yeah somehow I will make it somewhere
I'm going higher, I'll rise so much higher and I'll hold my head higher
Almost there, I still smell that perfume you wear
Although I'm not your man,
We were almost there...!
Almost there...
It looks like it's almost over,
It's almost over
It's almost over..... now If you're listening now
I hope that I make more sense,
'Cause now I'm not quite so young,
I'm not quite so foolish in my defence,
Pictures that I hid in my room, they now come out
And those places we used to go, I talk about,
And now I'm not the man of your dreams
I took you almost there, I'll be damned if I care
Now if I'm not your man
We were almost there
Looks like I've lost you somewhere
And now I'm not the man in your life

NO! Well ok, maybe it hurts; maybe I still see my lips brush your face,
No! What the hell girl, I'm not fool enough to claim that I'm over you as yet!
No...oh no, no... and though I've still got some way to go
Lately I'm almost there, I'll be damned if I care
Now if I'm not your man,
We were almost there
Watch me someday, Yeah somehow I will make it somewhere
I'm going higher, I'll rise so much higher and I'll hold my head higher
Almost there, I still smell that perfume you wear
Although I'm not your man,
We were almost there...!
Almost there...
It looks like it's almost over,
It's almost over
It's almost over..... now




Lumipas ang ilang mga araw at ang lamig ng pasko, ngunit sa wari ko’y sobrang lamig pa rin ng mundo ko dahil nga sa paghihiwalay namin ni Derek. At dumating ako sa puntong hindi ko na talaga kaya. “Isang beses na lang” ang sabi ko sa sarili ko. Itataya ko ang huling tsansa para magkabalikan pa kami. Panggabi ako sa araw na yun kaya’t hanggang alas onse y media ng gabi ang trabaho ko samantalang si Derek naman ay alam kong pang-umaga sya.

Pagkatapos na pagkatapos ng shift ko ay sumakay ako ng taxi papunta sa lugar na kung saan kami nagkikita parati, sa basketball court malapit sa kanila. Eleven-thirty ng gabi at dumating ako doon ng twelve ng hating gabi. Oo, ganoon kalayo ang work ko papunta sa dati kong lugar dahil nakalipat na ako ngayon nga sa Ang Mo Kio. Wala pang traffic sa mga oras na yun dahil gabi nga.

“Pwede ba tayo magkita ngayon sa court?” ang text ko sa kanya habang nasa byahe ako. Ngunit wala  akong natanggap na sagot.

“Bhe, kitain mo naman ako sa basketball court ngayon po. On the way na ako” ang text ko uli sa kanya pero wala pa ring sagot uli.

Dumating ako sa lugar nang wala pa rin sagot mula kay Derek. Sinubukan kung tawagan ang kanyang cellphone pero out of coverage ito. Wala na akong ibang paraan kundi yung common friend namin na kasama din sa work at alam ang kung ano mayron kami. Pinakiusapan ko  ito na tingnan kung naka-online si Derek sa facebook at nakisuyo akong i-message sya para sabihin naghihintay ako. Nang sumagot na ang kaibigan ko ay sinabi nitong offline siya pero kani-kanilang lang ay naka-online ito at nagkausap pa sila. Pinakiusapan ko uli siyang mag-send uli ng message at ipaalam nga na nag-aantay ako.

12.30 AM, 1 AM wala pa rin akong nakukuhang sagot kay Derek at nakapatay pa rin ang telepono nya. Hindi kami friend sa facebook pero nagbakasakali akong mag-send sa kanya ng message ngunit wala pa rin. Nakaupo lang ako sa bleacher at nanginginig na sa lamig pero wala  pa ring anino o kahit reply man lang sa mga messages ko sa kanya. Kahit yung kaibigan namin ay hindi na nagparamdam. Nahiya na rin akong makisusyo uli dahil pare-pareho pa kaming me pasok pa bukas.

2 AM.

“Umuwi ka na, hindi ako makakapunta dyan dahil nakabantay siya” ang biglang pumasok na SMS sa akin.

“Baby, please pumunta ka dito. Sandaling-sandali lang po. Gusto lang kitang makita at makausap kahit saglit lang. Please!!!” ang sagot ko naman.

“Hindi pwede. Umuwi ka na!” ang may diin niyang sagot.

“Maghihintay ako hanggang 2:30 AM. Please sandaling-sandali lang.”

Hindi na siya sumagot sa text ko kaya medyo umasa akong makikipagkita siya sa akin. Pero pagdating ng alas dos y media ay muling tumunog ang cellphone ko at siya uli ang nagtext sa akin nagsasabing hindi siya makakarating dahilan nga ng nakabantay daw ang asawa niya. Wala na akong nagawa kundi umuwi uli.

Umiiyak ako sa taxi habang bumabyahe. Wala na akong pakialam kung nakikita ng driver ang mga luhang tila’y napapaligsahan sa pagbaba sa aking mga pisngi. Sobrang sakit ang nadarama ko sa mga oras na yun. Animo’y isa pang saksak ang natanggap ko mula kay Derek. Saksak na hindi lang sugat ang dulot kundi pighating hindi ko mailarawan. Wala na akong pag-asa pang magkakabalikan pa kami. Siguro nga ito na ang panahon na kinakatakutan ko at pilit iniwasang dumating, pero kung tadhana na ang magdedesisyon ay wala na akong magagawa kundi magpatangay na lang sa agos kung saan man ako nito balak dalhin.

Kapag ang  isang gitara’y wala na sa tono ay pwede uling i-tune up ito o di kaya’y palitan ang mga sirang kwerdas para tumunog uli sa tamang tono. Sana ang relasyon ay katulad nito. Na pwedeng i-tune up uli kung medyo nawawalan na ng gana ang bawat isa. Na pwedeng palitan at itapon ang mga sira at mga masasamang pangyayari na nagiging anay at pilit sinisira ang hiblang nagdudugtong sa dalawang taong nagmamahalan. Pero, ibang-iba ito sa isang gitara dahil hindi kayang palitan at kalimutan na lang ang mga sakit na alaala na dinulot ng bawat isa.

Ang gitara ang siyang naging tulay sa aming pagmamahalan. Ang gitara ang nagbuklod sa amin ni Derek. At ngayon, tanging isang awitin na lamang na nalikha ng dahil sa isang gitara ang magpapaalala sa akin at sa pagmamahalang aking pinaglaban na sa kahuli-huliha’y natalo ako.


PAGSUSUMAMO


(http://www.youtube.com/watch?v=ugIWmglVhUQ)

Pinilit kong limutin ka
At tanggaping ika’y wala na

O bakit ganito ika’y hanap pa rin ng puso
Nais pa ring ika’y makapiling ko.

Maaari bang ibalik ang init ng ating pagmamahalan
Sinta ko, ikaw pa rin ang s’yang mahal

O bakit ganito ika’y hanap pa rin ng puso
Nais pa ring ika’y makapiling ko.

Ako ba’y mahal mo pa?
O tanggaping muli pag-ibig ko sinta
Puso ko’y nagsusumamo
Ako’y patawarin mo.

O bakit ganito ika’y hanap pa rin ng  puso
Nais pa rin ika’y makapiling ko.

Pinilit kong limutin ka
Ngunit di ko kaya….



W-A-K-A-S !

No comments:

Post a Comment