Tuesday, January 8, 2013

Earl and the Grumpy Flirt named Ronnie (06-10)

By: Dalisay
Blog: theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com


[06]
Chapter 6 (Toni Gonzaga)


"Anak... dumating ka na pala."

Masayang salubong sa kanya ng inang si Louella. Para silang pinagbiyak na bunga nito. Maputi at makinis rin ang balat nito katulad ng sa kanya. At mukhang sa pag-ibig ay may pagkakatulad din sila. Nakipaghiwalay na ito sa kanyang lasengerong amain. Nito kasing huling araw ay napapadalas ang pagiinom nito at ang pambubugbog sa ina.


"Kamusta po kayo 'Ma?" salat sa kagalakan na sabi niya.

Tiningnan siya nito.

"Malungkot ka na naman. Hanggang kailan ka malulungkot? Kung ayaw ka niyang kausapin, e di huwag. Maraming isda sa dagat, bakit iyong hindi mo mahuli ang pagtitiyagaan mo?"

Naisip niya ang punto ng ina. Bakit nga nitong makalipas na siyam na araw ay para siyang tanga sa paghihintay at panghaharang kay Ronnie sa bawat sulok ng SBU. Nakakahiya na minsan ang ginagawa niya ay dinededma lang niya dahil nga mahal niya ito.

Napabuntong-hininga siya.

"Ang kaso 'ma, iyong partikular na isda lang na iyon ang gusto kong hulihin."

Tama iyon.

Kahit saan kasi naroroon si Ronnie ay nagpupunta siya.

Minsan ay naglalaro ito ng basketball na mag-isa sa gym ay hinikayat niya itong makausap pero dinedma lang siya nito. Inabutan na lang siya ng mga varsity players ay sige lang siya sa paghihintay na lumabas ito sa locker room. Hindi siya makasunod doon kasi bawal ang hindi player. Naawa lang siguro sa kanya ang isang estudyante at sinabing nakalabas na si Ronnie gamit ang ibang labasan.

May isang pagkakataon pa na nakita niya ito sa canteen. Sinubukan niya itong kausapin pero hindi pa rin ito natinag. Napahiya lang siya ng husto.

"Ronnie... I said I'm sorry. Bakit ba hindi mo ako pakinggan?"

Malamig lang ang tingin na ibinigay nito sa kanya.

"Ronnie please..."

Aware siya na pinagtitinginan na sila pero wala siyang paki-alam. Nagkamali naman siya eh, at gusto lang niyang malaman nitong sincere siya. Kesohodang hindi na ituloy ang napagusapan nilang pagpapanggap. Okay lang sa kanya iyon.

Ayaw lang kasi niyang ang kaisa-isang taong gusto niya ay may galit sa kanya. Hindi niya ma-take iyon.

"Ronnie..."

"Earl..., tigilan mo na ako. Tigilan mo na ito."

Napapikit siya sa sakit ng sinabi nito. Pero kakayanin niya. At least, nakuha na niyang pagsalitain ito. Improvement na iyon.

"No. Not until you say you have forgiven me."

Hindi ito umimik.

"See." mahinang sambit niya. "You can't even say it."

"Because there's no need for it."

Natameme siya. Hindi na raw kailangan iyon? Ang labo. Napatawad na ba siya o hindi pa?

"Yes or no lang Ronnie, kapag No, aalis na ako. Kapag yes, its up to you. If you still want to keep me and our deal o hindi na."

"So gusto mong patawarin kita para sa estupidong deal na iyon? Ganoon ba? Bakit? Gusto mo bang totohanin na lang iyon?" mapanganib nitong tugon.

Hindi agad siya nakahuma.

"N-no... Ronnie..."

"Yes Earl. Iyon ang gusto mo. Huwag mo ng dagdagan ang kasalanan mo sa akin sa pamamagitan ng pagsisinungaling."

"No. Maniwala ka. Gusto ko lang na mapatawad mo ako. Forget about the deal. Just forgive me."

"I'll think about it."

Iyon ang huling paguusap nila. Pagkatapos noon ay hindi na sila nagkita pa. Hindi niya alam kung iniiwasan na talaga siya ni Ronnie ng tuluyan dahil nababalitaan naman niyang pumapasok pa ito sa eskwelahan.

"Pero anak. Hindi rin masama kung magtitira ka ng kaunting respeto para sa sarili mo. Hindi sapat na mahal mo siya. Dapat, mahalin mo rin ang sarili mo."

The words hit home.

Napatingin siya sa ina. Tama ito. Nagmahal rin ito. Lasenggo pa nga at nambubugbog, pero nakayanan nitong hiwalayan ang pasaway niyang amain. Ngayon, wala na itong masyadong pasa. Maaliwalas na rin ang bakas ng mukha. Mababanaag mo lang ang kaunting bahid ng lungkot at pag-aalala na malamang ay para sa kanya.

"Mama..." aniyang nag-crack na ng tuluyan ang boses.

"Okay lang yun anak. Nagkakamali tayong lahat. Nagmamahal. Nasasaktan. Pero hindi ibig sabihin nun eh katapusan na ng lahat. Kaya nga nauso ang salitang move-on di ba? Samantalahin mo ang pagkakataon na hindi pa naging kayo. Mas masakit kasi kung naging kayo talaga kahit alam mong hindi naman niya nasusuklian ang damdamin mo sa kanya. Masakit lang talaga sa una, lalo pa at ang ganyang uri ng pag-ibig ang pinakamasakit sa lahat. Ang hindi nasukliang pagmamahal."

Pinahid niya ang namamasang pisngi. Isang nakakaunawang tango ang isinukli niya sa ina. Wala siyang inilihim rito. Alam nito ang lahat ng nangyayari sa kanya kahit malayo ito.

"Susubukan ko po Mama. Hindi ko alam kung paano magsisimula pero kakayanin ko. Mana ako sa iyo eh."

"May alam akong pwede mong gawin..."


MASARAP sa pakiramdam ang araw na iyon. Mainit-init ang klima pero sinasalungat iyon ng malamig na simoy ng hanging amihan. Suot ang kanyang shades at ang bagong plantsang uniporme ay tinahak na niya ang papasok ng San Bartolome University College of Nursing.

Nakangiti siya sa lahat. Binabati ang lahat. Nagtataka naman ang tinging isinusukli sa kanya ng mga ito. Huwebes iyon. At maaga siya ng tatlumpong-minuto sa kanyang klase. Nakita niya si Freia na papalapit sa kanya. Kinawayan niya agad ito.

"Friend!" masayang tili niya.

Napapantastikuhan naman ang hitsura nito ng lumapit sa kanya.

"Uy mukhang masaya ka ngayon friend." sabi nito pagkatapos bumeso sa kanya.

"Oo naman." nakangiti pa ring wika niya.

"Buti naman. So, paano kayo nagkaayos ni Ronnie?"

Biglang tumabingi ang ngiti niya sa sinabi nito.

"Ah... eh... friend... hinaan mo lang ang boses mo pwede?"

"Ha?" nagtatakang sagot ni Freia.

Sa halip na magpaliwanag doon eh hinila na lang niya ito sa medyo walang estudyanteng bahagi ng school. Nalilitong nakatingin naman sa kanya ito.

"Bakit ba?" tanong nito.

"Kasi..." saka niya ipinaliwanag ang dahilan rito.

Nanlalaki ang mata na napapatango-tango na lang ito sa bawat sinasabi niya.


"NASAAN ka Althea, naririto na ako. Ang mortal na umiibig sa iyo. Si Coco Marvin ang iniirog mo." litanya ng mortal na si Coco ng makalabas siya sa lagusan na nagdudugtong sa mundo ng mga mortal at mga dyosa."

"Mahal kong Althea. Ang dyosa ng mga halaman at bulaklak."

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang Batis ng Katotohanan. Batis na walang pinoprotektahan. Serbisyong totoo lamang.

"Althea..."

Biglang lumamig ang paligid. Naging yelo ng paunti-unti ang mga bagay na nakapaligid sa kanya. Pero kakatwa noon ay nanatiling tubig ang Batis ng Katotohanan. Batis na Walang Pinoprotektahan. Serbisyong Totoo Lamang.

"Sino kang pangahas ka na naglalamyerda sa banal na lugar na ito. Sagot!"

Anang isang tinig na nagmumula pala sa isang napakagandang nilalang paglingon niya...

"Dyosa Yasilad... ang diyosa ng Yelo."

"Parang di naman makatarungan ang ganda ni Dalisay sa stage. Spotlight pa lang parang gawang-gawa ang ganda niya. Nakakaloka." pagkausap ni Earl sa sarili.

Nasa rehearsal siya nila Freia ng sequel ng Dyosabog. Ang Fantasy-Comedy play na pinaghihirapan ng tropang teatro. Dahil sa success ng Dyosabog, gumawa naman ang mga ito ng Dyosawi... sa Pag-ibig.

Natapatan na naman ng ilaw ang naka-harness na si Dalisay na gumaganap bilang Dyosa Yasilad. Kaharap nito ang mortal na iniibig ng kapatid nitong isa ring Dyosa. Si Althea. Parehas silang mga transgendered na Dyosa. Ewan niya kung paanong nakapasa ang ganitong klaseng play pero naaaliw siya.

"Anong ginagawa mo rito mortal. At bakit kilala mo ako?" mataray na sambit ng Dyosa ng Yelo habang naglalakbay ang mata sa kabuuan ng gwapong lalaki sa harapan niya.

Namula agad ang hasang niya sa pagkakita sa gwapong lalaki. Minsan lang mangyari ang ganitong eksena kaya naman alertus benedictus ang drama ng libido niya. Kumbaga kasi sa ulam, main dish ang isang ito.

"Ako si Coco Marvin. At hinahanap ko si Dyosa Althea, ang iyong kaiibig-ibig na kapatid." magiting na sabi ng pangahas na lalaki.

Nagpanting ang tainga ng dyosa ng yelo. Paanong nangyari na ang kanyang kapatid na push-over ay nagkaroon ng ganitong ka-gwapo na boylet. Napag-iiwanan na yata siya. Una, si Reyna Melai-lai na kakambal niyang babae, ngayon naman, si Althea ang may boyfriend? Hindi pwede ito.

Namutla lalo ang kulay ni Dyosa Yasilad sa inis pero hindi siya nagpahalata. Bilang Dyosa, may kapangyarihan siyang mang-hipnotismo. Gagamitin niya iyon sa boylet na ito. Kailangang matikman niya ito.

"Coco Marvin, ikaw nga ang sinasabi ng kapatid kong dyosa ng halaman at bulaklak na iniibig niya." nagbabait-baitan na sabi ni Dyosa Yasilad.

Ang uto-uto namang si Coco Marvin ay natuwa sa sinabi ng dyosa ng yelo.

"Talaga po? Naikukuwento niya ako sa iyo?"

"Hindi. Kaya nga kilala kita eh." Napa-irap ang dyosa sa pahayag na iyon.

"Pasensiya na po. Kung hindi niya ako naikukwento ay bakit niyo ako kilala?"

"Ay slow..." sabi na lang sa sarili ni Dyosa Yasilad.

Pinagmasdan niya ang gwapong lalaki. Ang maganda nitong pangangatawan. At lalong naging mas malisyosa ang mata niya sa umbok na iyon sa pagitan ng mga hita nito. Hindi daya. At bilang dyosa, may x-ray vision din siya. At natakam siya ng husto sa nakikita niya.

Panalo!!!

"Huwag mo ng intindihin iyon Coco." sambit ng dyosa.

Unti-unti siyang lumapit sa lalaki at tinitigan ito sa mata. Nakititig din ang lalaki sa kanya kaya napangiti siya.

"Gusto mo ang makita siya?"

"Oo. Mahal na Dyosa."

"Nasa langit siya."

"Saan doon?" nahihipnotismong sabi ni Coco.

Isang matagumpay na ngiti ang sumilay sa labi ni Yasilad saka hinalikan ang mortal na si Coco Marvin.

"And... CUT!"

Sigaw ng direktor ng play. Namatay ang mga ilaw sa stage at bumukas ang ilaw sa auditorium. Napapalakpak siya mula sa kinauupuan. Naghintay siya sa kaibigang si Freia na kinawayan siya.

Nananahimik na tiningnan niya ang cp ng makarinig ng mga pag-uusap sa likuran niya.

"Hay nako, nandito pala ang isang taong bitter."

Kilala niya ang mga boses na iyon kaya hindi siya lumingon.

"Oo nga. Ayaw na sa kanya, naghahabol pa."

"Oo nga friend."

Saka nagtawanan ang dalawang nag-uusap. Napatiim-bagang siya.

Maya-maya ay may naupo sa tabi niya. Nakumapirma niya ang hinala niya na sila Daphne at Panky ang nag-uusap kanina. Kinalabit pa siya ng mga ito para lang mapatingin talaga siya. Isang naka-kunot noong mukha ang iniharap niya sa mga ito.

"Hi Earl." nakangiti pa ang mga hitad. Well, it's showtime!

"Hello. Sino kayo?"

Napatawa pa ang dalawang orangutan.

"Ikaw talaga, hindi mo ba kami naaalala? We are the fabulous sisters na si Daph..."

"Sorry I have to go. Nice to meet you girls. Though I really can't remember you." nakangiting sabi niya saka bira ng alis.

Naiwang nakanganga ang dalawang feelingerang babae.

Nakahinga ng maluwag si Earl ng makalayo siya sa dalawang babae. Pagliko niya sa hallway palabas ng auditorium ay nabangga siya sa isang malaking bulto.

Para siyang nahilo sa lakas ng pagkakabangga pero hindi naman siya natumba. Napakapit lang siya sa balikat ng nabangga niya.

"Sorry..." mahilo-hilong saùbit niya.

"Same old lines Earl."

Nanigas ang likod niya  ng malaman kung sino ang may-ari ng matigas na katawan na iyon.

"S-sorry... pero b-bakit kilala mo ako?"

Naningkit ang mata ng nakabanggaan niya pero he stood his ground.

"What now, hindi mo na ako naaalala?"

Hindi birong pakikipaglaban para huwag dukwangin ng halik ang kaharap niya pero nagawa niyang umalis sa kabila ng katakot-takot na kaba at pananabik niya.

"Sorry... but I don't remember you."

Sabay talilis ng takbo palayo rito.


ITUTULOY...


[07]
Chapter 7 (The New Guy)

Hingal-kabayo si Earl pagkatapos niyang tumakbo ng matulin para makalayo lang kay Ronnie. Hindi niya akalaing sa ganoong sitwasyon sila magkakaharap na dalawa ulit. Naisip niya, pwede naman silang magkita halimbawa sa pathway ng San Bartolome, sa canteen, sa gate ng campus, sa library o kung saan mang lupalop ng mundo na ipapahintulot ang kanilang pagtatagpo para magawa niya ng maayos ang pagpapanggap na hindi ito naaalala ay hindi pa siya napagbigyan.

Anak naman ng tinamaan ng magaling na buhay ito oh!

Nahahapong napaupo siya sa isang bench na nakapwesto sa tagong bahagi ng soccer field. Secluded ang lugar na iyon at balita niya ay maraming kababalaghan ang nagaganap doon. Ewan niya kung paano siyang napadpad sa lugar na iyon pero malaking pasalamat na rin siya dahil doon.

Naisip niya ang plano nila ng ina na na-share na niya sa kaibigang si Friea. Naiirita siya sa kalokohang pinasok. Kung bakit kasi nakinig pa siya sa nanay niya, ayun tuloy, siya ang nahihirapan.

Mapangatawanan ko kaya ang panibagong kagagahang pinasok ko?

Napabugha siya ng malakas na hangin at wala sa loob na napasandal sa inuupuan. Napatingala siya at nasilaw sa sinag ng panghapong araw. Napapikit siya.

Parang ang bilis ng araw. Parang kailan lang ay hindi pa sila close ni Ronnie, tapos naging pseudo-boyfriend niya ito for a day, tapos hinabol-habol niya ito ng siyam na araw, tapos ngayon? Hindi niya na ito naaalala at nakikilala?

Nakakaloka!

Ang nanay niya kasi ang naka-isip na makukuha niya ang atensiyon ni Ronnie na hindi siya pinapansin kung magpapanggap siyang hindi ito kilala. Maging ang mga taong involved sa paligid nila na hindi naman niya dati ka-close.

Skeptical siya noong una. Paanong mangyayari iyon? Eh sa mga pelikula lang at telenovela nangyayari ang mga ganoong kaganapan. Pero napahinuhod siya ng ina ng sabihin nito sa kanyang hindi siya papansinin ni Ronnie kung ipagpapatuloy niya ang paghabol dito.

She also said "Men are naturally stupid. Iyong mga tao at bagay na kinasanayan nila ay mas madalas na dinedis-regard lang nila. Pero kapag iniwan na sila ng mga ito o hindi na sila inintindi ay para lang silang babaeng lukaret na hindi titigil hangga't hindi ito nakukuha ulit."

And he thought his mom was right. Pero mukhang nagalit lang sa kanya ng husto si Ronnie dahil sinabi niyang hindi niya kilala ito. Kaya nga napatakbo siya ng wala sa oras sa lugar na iyon eh.

Humugot siya ng malalim na hininga. And slowly, he released it to make his system calm. He did that repetitively and the trick seemed to work. Ang hindi niya lang namalayan ay unti-unti na siyang hinila ng antok at ng payapang pag-iisip.

Nagulat pa siya ng makarinig ng malamyos na tinig na sinasabayan ng mahinang strums ng gitara. The music and the voice was so soft as if it was shy. As if it was afraid to wake him. Whoever is the owner of that voice must be very handsome for he have a good baritone voice. It was so deep. Husky. Soothing his very soul. Parang nais niyang matulog na lang ng husto habang pinapakinggan ito.

Subalit ang tila napakagandang awit at tugtugin na humehele sa kanya at iginigiya siya sa mas payapang panaginip ay biglang naglaho. Parang taong nakaramdam na mayroon ditong nagmamasid. Unti-unti siyang nagmulat ng mata.

Awtomatikong hinanap ang pinanggalingan ng tugtog. Ngunit wala siyang nakita. Napilitan siyang lumingon sa kanyang likuran at doon ay nakita niya ang isang lalaking may hawak ng gitara.

Naka-leather jacket ito. Malapad ang balikat. Mukhang matipuno. The back of his hair was tousled like he just got out of his bed.

Naka-informal rin ang damit nito sa halip na uniporme. Napatuwid tuloy siya ng upo. Mukhang estudyante ito ng Conservatory of Music. Iyon lang naman ang kurso sa buong San Bartolome na hindi required mag-uniform.

Nagulat pa siya ng magsalita ito habang nakatalikod sa kanya.

"Hi... did I wake you up?" said his baritone voice.

Ha? May mata ba ito sa likod? Paano nito nalaman na nagising siya?

"I'm sorry... Akala ko kasi noong una walang tao. But I when I heard someone snoring, I decided to play a soft song." explain pa rin nito habang nakatalikod.

Bahagya siyang napahiya sa sinabi nito. Narinig pala siya nitong humihilik. Napilitan tuloy siyang magsalita na.

"A-ah... malakas ba?"

The man chuckled.

"No. It was actually fine. Hindi pa ako nakakarinig ng hilik ng pagod na pagod na nursing student."

Namula siyang bigla. Buti na lang nakatalikod ito at hindi nakikita ang reaksiyon niya. Kahit gusto pa sana niyang asarin ito dahil sa pakikipag-usap habang nakatalikod ay di na siya nagtangka pa. Naunahan na siyang ipahiya nito eh.

"M-medyo lang naman. Sana di ka naistorbo sa pag-gitara mo ng dahil sa hilik ko." nilagyan niya ng banayad na sarkasmo ang boses para makabawi kahit paano.

"Hindi naman. Promise. Okay lang talaga." reassuring ang boses nito pero halatang nakangiti base sa timbre niyon.

"Thank God." mahinang bulong niya saka tumayo para pagpagan ang uniporme.

Habang busy siya sa pagpapagpag ng katawan ay namalayan niya na lang na may pares na ng black Nike rubber shoes sa harapan niya. Nang bahagya pa niyang itaas ang paningin ay naloka siya sa description ng lower body nito.

He's wearing an old faded jeans na medyo butas sa bandang tuhod dala na marahil ng madalas na paggamit. It hugged his legs like a second skin at halos mapagod siya sa dahan-dahang pagtaas ng paningin dahil sa iisang kapuri-puring bagay.

Ang binti nito ay tila napakahaba. Earl felt like he was actually surveying this stranger's legs forever. It was an endless pair. At ang bulge. Well, hindi siya binigo. It turned him on. Instantly.

Itinaas niya agad ang mata para hindi masabing tumititig siya sa crotch area ng may crotch area. Nang dumako sa bandang tiyan ang paningin niya ay katulad ng inaasahan, hindi iyon malaki.

Kahit hindi pa ito nakahubad ay alam na niyang flat iyon. He was welcomed by a muscled chest beneath the black shirt. Likey! At ng dumako siya sa mukha nito ay hindi na siya nakaapuhap ng anumang magandang sasabihin.

He was momentarily at a loss for words. Nakatitig lang siya rito at nabatubalani. Paano ba naman, parang may demigod na nakaharap sa kanya ngayon! At nakangiti sa kanya.

Napansin niya ang mata nito. Wow! Blue!

I was actually pale blue na tila kumikinang sa ilalim ng makulimlim na bahaging iyon ng SBU. He had thick eyelashes and a not so furry eyebrows. Match din ang ilong nitong tama lang ang tangos. Slightly upturned but cute. Pero ang pinaka-nakaagaw ng pansin niya ay ang natural na pagkapula ng labi nito.

Some guys uses lip balm or shiner to maintain their lips moist but Earl can bet his last penny in his pocket that this man doesn't need any of those.

And he was literally towering him. Ano ba ang height nito?

"I'm Russ." nakangiti itong naglahad ng kamay sa kanya.

Napatitig siya kamay nito. It looked big. Baka mapisa siya ng grip nito.

"Ah-hhh... I'm E-earl." bantulot niyang sabi. Hindi pa rin niya magawang abutin ang kamay nito.

"Nice meeting you Earl." nakalahad pa rin ang kamay nito.

Hindi sa ayaw niyang makipagkamay dito, ang kaso lang, nalilito siya sa nararamdaman niya. Paano nangyaring may atraksiyon siya kaagad na nararamdaman para dito samantalang kay Ronnie ay hindi ganoon ang eksena niya. Saka bakit ngayon niya lang ito nakita rito sa SBU?

"Ah... madumi ba ang kamay ko?" nakangiti nitong tanong kahit bakas ang kaunting pagkapahiya sa mukha.

"Ha? H-hindi sa ganoon." nahihiya niyang tugon dito.

"Eh ano?"

"Ah..."

Sasabihin ba niya?

"Go on..." himok ni Russ sa kanya.

"Ah... kuwan kasi..."

Nakangiti lang itong naghintay ng susunod niyang sasabihin.

Napabuntong-hininga siya.

"Fine. Nalalakihan kasi ako sa kamay mo." pikit-mata niyang sabi.

Wala ang inaasahan niyang halakhak mula rito kaya naman i-n-expect na niyang na-wirduhan ito sa kanya kaya malamang ay nakakunot na ang noo nito. Pero nagkakamali pala siya.

Nakangiti pa rin ito but there was a glint of amusement that flickered in his blue eyes. And the corner of his lips twitched in a facsimile of a suppressed smile. Bigla tuloy siyang na-cute-an na naman dito.

"Itawa mo na iyan. Baka bumaho dito." natatawa nang sambit ni Earl sa bagong kakilala.

Tila iyon lang din ang kinakailangan nitong clue at pinakawalan na nito ang tawang pinipigilan. Natuwa siyang pagmasdan ang mukha nito. Napakaaliwalas. Pinagsawa niya ang sarili sa kakisigan nito. Kahit ngayon lang rumehistro sa kanya ang porma nito.

Rocker?

He loved rock music for he had this huge crush over Bon Jovi. He always make it a point to listen to his favorite rockstar and dream that one day, someone like Bon Jovi would sweep him off his feet.

Could it be that Russ is that guy?

Ambisyosa!

"Akala ko kapag nakilala na kita ng personal ay okay na sa akin, yun pala, hindi ko akalain na ganito kasaya kapag kasama ka. Swerte ng boyfriend mo sa'yo." wika nito kapagdaka.

Natigilan siya.

Ano daw? Pakiulit nga. Wala bang rewind? Para kasing nabingi lang siya sa sinabi nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

"Pardon?" naguguluhang sabi niya.

Ngumiti si Russ. "I said, its nice to finally meet you Earl."

Again, he was speechless.

"Finally?" tanong niya.

"I've been in this school for about two months na rin. I just transfered this semester." pag-eesplika ni Russ.

"Two months?" nabibiglang-tanong niya.

"Yep."

"Paanong di kita nakikita rito?"

"Dahil madalas lang naman na dito ako sa spot na ito. Mas trip ko kasing mag-isa. Minsan naman ka-share ko sa spot na ito sila Orly."

Bigla siyang naging alerto. Kung ganoon ay kilala na ito ng captain ng football team. Nasaan kaya siya ng mga oras na naglalagalag ito sa paligid ng SBU.

"Saka isa pa, malayo ang building ng department namin sa Nursing Department kaya hindi tayo nagpapang-abot." sabi pa nito na tila nabasa ang isip niya.

Napatitig siya rito sa sobrang coolness nito sa harap niya. Never pa siyang nakasalamuha ng bagong kakilala na suave lang ang dating. Hindi siya sanay sa casual at relax na ugali nito.

Ayaw mo na sa suplado? Akala ko ba mas gusto mo ng arrogant type na guy?

Agad niyang iwinaksi sa hangin ang patutsada ng kontrabidang bahagi ng isip niya.

"So, sa kamay ko lang ikaw nalalakihan?" tanong nito sa kanya sabay kindat pagkatapos.

Marahan siyang napasinghap sa simpleng flirtation na iyon. Russ is very rugged-looking. May day-old stubbles ito pero sa halip na makasira ay lalong nagpadagdag lang ng appeal nito iyon.

And his suave moves are like that of a rock star. Earl can't help but think that Russ may be his Bon Jovi, personified. Actually, he looked like his favorite rockstar.

"Bakit may iba pa bang malaki sa'yo?" balik-tukso niya rito. Kampante na kasi siya sa company nito.

"Ah... kung tinagalan mo pa yung titig mo kanina sa akin, baka na-assess mo ng husto kung ano yung mga na-miss mong malalaki rin." Russ said grinning mischievously.

"Pilyo." naiiling na sabi niya.

"Biro lang."

"Ay hindi. Gusto ko nga yung ganyan. Yung mga may malisyang biruan." pilyo ring turan niya.

"Uy, game ako diyan!"

"Sira-ulo."

At tuluyan na niyang tinanggap ang "malaki" nitong kamay ng muli nitong ilahad sa kanya iyon. Parang sakto na naman sa cue, may kumislap na naman na kung ano at sumunod na lang na nakita niya ay ang tumatakbong likod ng kaibigan niyang si Jay.

"Sino iyon?" takang-tanong ni Russ.

"My friend, Jay." palatak niya.

"Bakit siya tumakbo pagkatapos tayong kuhanan?"

"I think I know the answer to that." napapangiwing sabi niya.

"Care to tell me?"

"He's obsessed in making Ronnie Alfonso down at nang hindi ko siya tulungan ay nagalit siya sa akin lalo na ng malaman niyang naging boyfriend ko ito. Feeling niya siguro ay trinaydor ko siya at ang pagkakaibigan namin. Kung alam lang niya." tuloy-tuloy niyang bulalas ng totoong dahilan dito.

Nagtataka din siya kasi it takes time before he could open up sa isang bagong kakilala. But with Russ, mukhang napakadali lang gawin nun. Isang ngiti lang nito, ang gaan na ng pakiramdam niya.

"Ah okay. Mukhang complicated nga iyan. I think you two should talk." sabi lang nito.

"Tell me something I don't know Russ." tila nanghihinang sabi niya.

"Silly. I know you know that already. Pero siguro sa mas madaling panahon bago pa kayo magkasakitan ng loob ng husto."

Napangiti siya sa sinabi ni Russ kaya nilingon niya ito.

"Thanks." aniya.

"You're welcome." nakangiting sabi rin nito.

Napansin niya na kapag ngumingiti ito ay nagiging darker ang kulay ng asul na mata nito. Something he'd never seen before. Actually, to know someone who has blue eyes is already something, but knowing  that those eyes turn a shade darker when he's laughing is another different matter.

Ngunit bago pa niya maisatinig ang nasa isip ay nagsalita na ito.

"So... how's he?"

"Huh?" maang na tanong niya.

"How's your boyfriend? Is he sweet?"

"Ah..." bigla siyang naging conscious.

"Does he make you laugh like we did a while ago?" dugtong pa nito.

"Ah..." wala pa rin siyang masabi.

"Is he faithful?"

Napamaang na siya.

"What's with the questions, Russ?"

"N-nothing." tila natatauhan ring sabi nito.

Nagtataka man si Earl ay ipinagkibit balikat na lamang niya ang nagaganap. Inalala niya na lang ang unang tanong nito.

"He is your exact opposite, Russ."

Napatingin ito sa kanya.

"He's grumpy and all that." naiiling na sabi niya. Nanatili lang tahimik si Russ sa tapat niya.

"He's a man of many contradiction. Sweet siya ngayon, another minute he's not. Nakakalito. Nakakaloka. Nakakawala ng katinuan ang pabago-bago ng mood ni Ronnie..."

"But?" putol sa kanya ni Russ na nagpa-angat ng tingi niya.

"I can hear a but coming, Earl." pagpapatuloy pa nito.

Napatango siya.

"Yeah..." mahinang sambit niya.

"But... I love him so much. So damn much it hurts."

Nagulat siya ng maramdaman niya ang paglapat ng daliri nito sa mukha niya, pero mas magulat siya ng malamang basa na pala ang pisngi niya ng luha.

Gosh! Ang dyahe. Umiyak siya sa harap ng isang estranghero.

"Don't cry Earl."

"I'm not." pagkakaila niya. "Umambon lang sa mata ko kaya ganyan. Ay hindi, pawis pala yan. Pawisin kasi ang mata ko."

"You want me to beat that guy?"

Napatingin na naman siya rito at sinalubong siya ng mas matingkad na kulay ng blue eyes nito. Wala sa loob na napahawak siya mukha nito na maagap nitong sinalo sa pag-aakala sigurong sasampalin niya ito.

"Ang mata mo..." namamanghang sabi niya.

"Huh?"

"It went another shade darker. Napansin ko na yan kaninang tumatawa ka. Ngayon mas matingkad na ang pagka-blue niya."

Tila natauhan naman ito. Tuluyan nang na-divert ang kanilang mga isip at emosyon ng dahil sa pagkakapansin niya sa mata nito.

"Ah... iyan ba?" he smiled coyly. Lalo itong naging cute sa paningin niya ng mamula ito.

"Oh my god! You're blushing!" napatakip pa siya sa bibig ng isang kamay sa kabiglaanan.

"Geez! Don't over-react Earl!" natatawang saway nito at lalo pang namula.

"Uy! Binata na siya, nagba-blush na." marahan pa niyang sinundot ito sa tagiliran.

"Whoa!" sigaw nito.

"Ahah! May kiliti ka pala diyan ah."

"Stop it Earl." natatawa pa ring wika nito. "Kung hindi hahalikan kita."

Napatigil siya at tiningnan kung nagbibiro ito. Nakangiti si Russ pero may impresyon ng kaseryosohan ang matang kulay asul. Napangiwi siya bigla.

"Was it a bad idea?" tanong ni Russ.

"What?" takang-tanong niya.

Napabugha ito ng hangin. "Me, kissing you."

Napalunok siyang bigla. Why not? Sigaw ng malanding bahagi ng isip niya.

"Ah... I have a boyfriend Russ."

"So what?" Russ said nonchalantly.

"It's not right." Earl replied indignantly.

"Are you sure he's faithful to you?"

Haller! Pseudo-boyfriend mo lang siya bakla at one day lang kayo. Huwag kang hambisyosa! agaw ng isang tinig sa bahagi ng isip niya.

EH we shared a few kisses naman! singit naman ng isa.

"I would like to believe that it is none of your business Russ." malamig na lang niyang tugon.

Napabugha ulit ito ng hininga.

"I'm sorry. It won't happen again." apologetic na sabi nito sa kanya.

"It's okay."

Biglang dead-air. Nailang tuloy siya bigla. Magsasalita na sana siya ng may umagaw ng pansin niya. Mula sa kung saan ay may papalapit na bulto ng malaking tao. Kilalang-kilala niya iyon. At base sa hitsura nitong madilim na madilim ang mukha ay hindi maganda ang kalalabasan ng lahat kapag lumapit ito.

Nilingon niya si Russ.

At walang sabi-sabing hinila niya ito para magkaroon ng katuparan ang kanina'y pinagtatalunan nila.

Ang halik.


Itutuloy...


[08]
Chapter 8 (Tug-O-War)


Isang malakas na kamay ang humila sa kanya mula sa ginagawang pakikipaghalikan kay Russ. Nagmistula tuloy siyang isang papel na hinila nito mula sa pad paper na nananahimik sa isang tabi. Halos literal siyang mapasigaw sa sakit. Naiinis na nilingon niya ang "istorbo" sa kissing scene niya.


"What is your problem?" sigaw niya kay Ronnie. Itinulak pa niya ito ng ganap siyang mabitiwan nito.


But Earl felt that he was pushing a solid wall.


Hinihingal sa galit na tinitigan niya ito. Mamamatay muna siya bago niya pakawalan ang pagkakataon na mapamukhaan ito. Tutal naman, umaarte na rin lang siya, lulubos-lubosin na niya.


"Sino ka ba ha? Bakit ka ba nanghihila?!" aniyang pilit pina-iiral ang galit sa puso para dito.


Pero tila nanlamig siya ng mapagmasdan siya ng mga mata ni Ronnie.


Alam niya kung gaano ito kasuplado, kasungit at kung anu-ano pa, pero walang nakapagprepara sa kanya para sa nakakapangilabot na titig nito. Ronnie was raving mad. Literal na nakikita niya ang panggigigil na ginagawa nito at ang pagpipigil ng galit. At lahat ng iyon ay intended para sa kanya.


Napalunok siya sa takot pero hindi nagpahalata.


"I-i a-asked you a q-question." tapang-tapangan niyang sambit.


Naglapat ng isang linya ang labi ni Ronnie. Tila tinitimbang kung ano ang mga dapat na sabihin. Punong-puno naman ng antisipasyon ang sistema niya.


"Hanggang kailan mo pangangatawanan ang ginagawa mong iyan, Earl?"


Tila siya pinompiyang ng ilang libong beses sa tenga dahil sa sobrang kaba. Ibang-iba ang aura ni Ronnie sa paningin niya. Hindi siya makapaniwalang kaharap niya ito at hindi naniniwalang wala siyang naaalala tungkol dito or ito mismo.


"H-ha?" Parang engot lang na sabi niya.


"Stop this Earl. And don't you dare take me for a fool." dumadagundong na sabi pa ni Ronnie.


"I-i d-don't understand w-what you're s-saying..."


Damn! Paano maniniwala ito kung nag-i-stutter ka sa harap niya?


"I know what you're doing Earl. Hindi iyan bebenta sa akin." anito saka siya mahigpit na hinawakan nito sa balikat.


Pumiksi siya. "A-ano ba?"


"Pare, bitiwan mo siya." anang isang matatag na boses.


Si Russ!


"And who are you?" maaskad na sabi ni Ronnie sa nagsalita.


Nilingon niya ang kanina'y kahalikang si Russ na ngayon ay prenteng nakapamulsa pa habang nakatayo sa harapan nilang dalawa. Cool and suave. Pero naroon ang alertness sa mata.


Napatingin siya kay Ronnie. Mas mataas ito kay Russ pero mga isang pulgada lang. Mas bulky ang katawan ni Ronnie pero hindi rin papahuli ang built ng simpatikong si Russ. Sa pagitan ng dalawang gwapong nilalang, nagmistula siyang unano dahil sobrang tatangkad ng mga tinamaan ng magaling.


Charing! Nakuha mo na ngang i-assess ang built ng dalawa, ngayon ka pa nagkaroon ng time para mangamba para sa kaligtasan mo?


"I'm the guy who's kissing him a while ago. Ikaw? Sino ka?" cool na cool pang sabi nito.


Naramdaman niya ang mas humigpit na kamay ni Ronnie sa balikat niya.


Oh no! Please! Huwag ka ng sumagot pa Russ. Ako ng bahala rito. Piping sigaw niya sa isip. Ipinahatid na lang niya sa pamamagitan ng tingin ang warning na iyon kay Russ pero mukhang desidido na ang damuho na inisin ang galit ng si Ronnie.


"Ako lang naman ang boyfriend ni Earl. At hindi kayo naghahalikan kanina. Wala akong nakita. Huwag kang sinungaling pare. Halika na." mahabang sabi ni Ronnie sabay hila ulit sa kanya. This time, sa kamay na.


"A-aray!" nangingiwing sambit niya.


"Let go of Earl, pare. Nasasaktan siya o. Huwag ka ngang insensitive. Ganyang klaseng boyfriend ka ba?" singit na naman ni Russ.


"Russ please..." pagmamakaawa na niya rito para tumigil lang ito.


Tiningnan siya ni Russ, pero sa kamalas-malasan ng taon ay ngumiti lang ito sa kanya. As if assuring him everything will be fine.


Napabugha na lang siya ng hangin sa desperasyon.


"Huwag kang makulit pare. Baka masaktan ka lang." banta na ni Ronnie.


"Matatakot na ba ako?" si Russ.


"Hinahamon mo talaga ako no?"


"Halata na ba pare?"


"Aba't..."


Akmang susugod na si Ronnie kay Russ ng pigilan niya ang dalawang ito. Pumagitna pa talaga siya at ginamit ang buong lakas para mapigilan ng husto ang paggigirian ng dalawang takaw-away na gwapito ng San Bartolome.


"Tama na!" sigaw niya.


Napatigil naman ang mga siga sa ginawa niya. Gigil na hinarap niya si Ronnie.


"Ikaw. Kung hindi ka titigil sa panggugulo sa akin ay tatamaan ka na talaga sa aking sira-ulo ka. Ano bang ipinagpuputok ng butse mo ah? Nagpapangap na nga akong hindi ka kilala, hindi ka naaalala, pero ikaw pa itong lapit ng lapit. Di ba sabi mo, ayaw mo na akong makita? You specifically asked me not to disturb you anymore, eh bakit ka nanggugulo ngayon dito?" mahabang histerya niya with matching pupok pa ng dibdib nito na tila hindi naman nito iniinda.


Bagkus, nahuli pa niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito na tila ba isang pigil na ngiti.


Ngiti? I must be hallucinating.


"See? Alam kong nagpapanggap ka lang. Halika na. Umalis na tayo dito." wika ni Ronnie sabay hila ulit sa kamay niya.


Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig ng dahil doon. Iyon lang iyon? Para patunayan lang na nagpapanggap siya? Kaya ito nanggugulo?


Dahil sa naisip ay kumulo na naman ang dugo niya at hindi na napigilang hampasin ito ng bag na dala.


"Walang-hiya ka!"


"Aray!" sabi lang ni Ronnie saka hinimas ang nasaktang ulo na tinamaan niya.


"Bagay lang sa'yo yan. Ano ngayon ang gusto mong palabasin? Na sobrang gwapo mo dahil napatunayan mong nagawa kong magpanggap na walang naaalala or hindi ka nakikilala para lang maiwasan ka? O ano masaya ka na?" nananakit ang mata at lalamunang sabi niya.


"Ano? Dagdag na naman sa napakalaki mong ego na may isang taong kayang pagmukhaing tanga ang sarili sa paghabol at pag-iwas sa'yo? Masaya ka na Ronnie? Ang b-babaw mo!"


Napapiyok na siya sa huling sinabi niya. Hinayaan ng tumulo ang pinipigilang luha.


"Sana masaya ka na Ronnie. Kasi ako, pagod na. Pagod na pagod na kakaisip ng paraan para makuha yung atensiyon mo nitong nakalipas na mga araw. Tapos ngayong nakapagdesisyon akong huwag ka ng gambalain, saka ka e-entra na naman. Ano bang gusto mo? Eh halos ilubog ko na nga ang sarili ko putik ng kahihiyan ng dahil sa'yo. Huwag ka namang sadista. Wala naman akong kasalanan sa'yong malaki eh. Tama na please."


Tuluyan na siyang humagulgol. Lahat ng naipon na sakit ng nakalipas na panahon, mula sa paghabol niya rito hanggang sa araw na ito na iniiwasan niya ito ay tila dam na nabuksan. Hindi na kinaya ng puso niya ang magtimpi para hindi ito sumbatan. Napa-upo pa siya sa lupa at dedma sa uniporme niyang marurumihan ng dahil doon.


"Huwag ka ng umiyak."


Tiningnan niya ang nagsalitang si Ronnie. Wala siyang makitang emosyon sa mukha nito kundi kalamigan. He tiptoed and leveled his face to his. Naramdaman niya ang masuyong paghawi ng kamay nito sa kanyang buhok na tumabing sa kanyang mukha.


"I said don't cry."


Napaismid siya. Kapal ng face nitong magsalita ng ganoon. Nasasaktan na siya ng husto ayaw pa nitong umiyak siya? Kaloka.


"Don't cry Earl, lalo pa kung ng dahil sa akin."


Natigilan siya.


"R-ronnie..."


"Huwag na huwag mong hahayaan na saktan ka ng taong mahal mo. Kasi masasanay sila. Kapag nasanay sila, hindi na nila alam i-break iyon. Kaya saktan mo rin ako Earl. Para quits na tayo. Pagkatapos nun, hindi na kita guguluhin. I'm sorry for the trouble I caused."


Nanlamig siya ng husto sa sinabi nito. Gusto nitong saktan rin niya ito para lang quits na sila. Ganoon na lang ba iyon? Kapag nasaktan ka, gumanti ka lang? That way ba makakamit mo yung ginhawa na pwede mong makuha kasi nasaktan ka? He looked at him incredulously.


"I don't get you Ronnie Alfonso." aniya.


"You don't have to."


Tumayo na ito. Hindi na siya pinag-abalahang itayo.


"Ganoon lang iyon? Pagkatapos mo siyang saktan, saka mo siya iiwanan?" boses ni Russ na naroroon pa pala at malamang ay nasaksihan ang outburst niya bilang drama princess.


Gosh!


"I don't need your opinion Russ."


Hala? Magkakilala sila?


Russ smirked from Ronnie's answer. "So very you Ronnie. Nakaka-iritang kaya mong gawan ng the repeat ang isang eksenang nagawa mo na two years ago."


Gosh! Magkakilala nga silang dalawa. At mukhang may ibang eksenang nagaganap.


Napatayo siya.


"M-magkakilala kayo?"


Nilinga siya ni Russ. "Yes Earl. Ronnie's my son-of-a-bith-Ex."


"And you are my ever-bitter-ex Russ."


"Na nararanasan mo na ngayon Ronnie. Kay Monty, right?" mas may asin na balik ni Russ dito.


OMG! Grabeng revelation na ito. Pero bakit nagtanungan pa ang mga ito ng kung sino ang mga ito kanina. Ano yun? Trip lang?


"T-teka. Pa-paanong nangyari iyon kung di naman kayo magkakilala kanina?"


Tumawa ng pagak si Russ. "Drama lang. I guess, pare-parehas tayong umaarte kanina. Galing no?"


Naaasar na nagwalk-out siya. Akala niya pa naman, seryoso ang angilan kanina, iyon pala, may kakaibang trip din ang mga ito. Para siyang napaglaruan ng husto. Ni Ronnie, ni Russ at ng mundo. Sobra na. Di na niya kaya.


"Mga baliw! Maka-alis na nga rito." asar na sabi niya.


Pero bago pa siya maka-alis ay nahila na siya ni Russ sa kamay.


"Halika na, alis na tayo Earl."


Napapantastikuhan siyang tumingin dito. Talaga palang malakas ang trip nito eh.


"Ayos ka lang Russ?" naiiritang sabi niya.


"I'm fine baby. Since you kissed me."


Napipilan naman siya. Oo nga pala, kahalikan niya ito kanina.


"What are you doing? Bitiwan mo ang kamay ni Earl." kunot-noo namang sabi ni Ronnie sabay hila sa kabilang kamay niya.


Hay! Kailan ba matatapos ito?


"Aalis na kami rito, mabaho na kasi ang hangin dito." pang-aasar ni Russ.


"Kami din ni Earl. Kaya bitiwan mo na siya. Babaho ang kamay niya." balik-asar ni Ronnie rito.


"Ano ba kayong dalawa?" nalolokang sabi ni Earl.


"Oo nga. Ano ba kayong dalawa ni Earl ha?" si Russ kay Ronnie.


"Boyfriend niya ako." tumataginting na sabi ng huli.


"You're not my boyfriend." gigil na sambit ni Earl kay Ronnie.


Hindi niya inaasahan ang ikinilos ni Russ. Humarang ito at pinigilan sa dibdib si Ronnie ng magtangka itong lumapit ng husto sa kanya.


"Earl said that you're not his boyfriend so leave him alone."


Kinabahan siya sa tensiyon. Ronnie looked at Russ's hand before turning his attention to his defender. Natatarantang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Seryoso ang mukha ng dalawa bagama't nakangiti si Russ ng muling magsalita.


"I'll court Earl, Ronnie. And I will never make him cry like you did." deklara nito. "At wala kang magagawa."


"Let's see." mapanganib na sagot ni Ronnie.


"Talaga. So just back off. Huwag mong pag-initin ang ulo ko." si Russ.


"Huwag mo ring pag-initin ang ulo ko." gigil na sabi ni Ronnie. Malapit na itong humulagpos.


Tension was very obvious between the two men. Kaya naman naki-alam na siya. "Teka, teka. Bitiwan niyo nga muna ako. Nahihirapan na ako rito eh."


"O, bitiw daw Ronnie." nang-aasar pa rin na sabi ni Russ.


"Ikaw ang bumitiw Russ. Epal ka lang dito."


Pero walang nagbigay sa mga ito. Sa halip, lalo pang naghigpitan ang mga kamay ng mga ito sa mga braso niya. Russ looked very determined not to let him go. Ronnie looked very pissed off.


"Know what guys? Kahit pa gusto kong i-enjoy ang eksena rito at mag-feeling prinsesa na pinag-aagawan eh nagsisimula na akong mairita ng husto." asar niyang sabi. Sinubukan niya ulit na kumawala pero wala talagang gustong magbigay sa mga ito. "Fine, sige. Ganito na lang tayo maghapon ha? Pero pakainin niyo ako at paupuin niyo rin kasi nangangawit na ako eh. Ano? Bet? Ayan, pagsawaan niyo ang mga braso ko."


"What's happening here?"


Napalingon siya sa baritonong boses na kay Orly Diamond pala. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa pagta-tug-o-war nila Russ at Ronnie sa kanyang braso.


"Earl?"


Napabugha siya ng hangin pagkakita sa Captain Ball ng Football Team. "Hindi ko rin alam ang problema ng mga ito. Hindi rin naman sila nakikinig kapag sinasabi kong pakawalan ako eh, kaya hayan, pinababayaan ko na sila."


Nagpalipat-lipat ang tingin ni Orly sa dalawang lalaki. Kapagkuwan ay napabuntong-hininga ito. "Okay, let's go Russ. Hayaan mo na silang dalawa."


"Pero liligawan ko si Earl."


"Liligawan? Paano si Freia?"


"Sinong Freia?"


Biglang lumabas sa kung saan ang kaibigan niyang si Freia na umuusok ang ilong sa galit. "Hoy Russel Punzalan! Akala mo siguro eh matatakasan mo ako no? Kahit saan ka pumunta hindi ka makakaligtas sa akin. Hindi ka makakalusot sa akin, unggoy ka! Walang-hiya kang lalaki ka. Pinaghintay mo ako ng matagal sa canteen yun pala nandito ka lang at nakikipagbnong-braso sa kung si-... Earl? Ronnie?" natitigilang sabi nito.


"H-hi friend!" nahihiyang sabi niya.


"What's going on here? Bitiwan mo siya." tinampal nito ang kamay ni Russ.


"Shoo! Go away! Sino ka ba?"


Sasagutin sana niya ang kaibigan na okay lang siya ng bigla nitong hilahin sa tenga si Russ dahilan para mapabitiw ito sa kanya at tuluyang napalayo sa kanya. Napahinga na lang siya ng maluwag. Isa na alng ang problema niya. Si Ronnie.


"Get off me." piksi niya.


Akala niya ay mahihirapan pa siya na maki-usap dito pero binitiwan na siya nito agad para lang mapasinghap lang ng malakas dahil hinawakan ulit nito ang mga braso niyang namumula na agad.


"R-ronnie..."


"Okay lang ba ito? Namumula na oh." anitong tsine-check ang braso niya.


Napatango lang siya.


"Good. Huwag kang magpapaligaw kay Russ. Babaho ang kamay mo."


Napataas ang kilay niya. "What? At bakit naman kita susundin? Wala naman tayong relasyon ah?"


"Meron." Sabi nito sabay pisil pa sa pisngi niya.


"Aherm!" si Orly. "Batsi na ako insan." saka ito umalis ng mabilis.


"May usapan tayo Earl. I'm your pretend boyfriend. I hope you won't forget that."


"O-of course not!" he said stammering. What the hell? This isn't good! Bakit ba kasi may papisil-pisil pa itong nalalaman. Kinikilig tuloy ako. Lumayo siya ng bahagya dito. "But I thought..." Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil lumapit ito.


"You thought what?"


"I-i t-thought.." kandabulol pa rin siya. "I-i... a-anong ginagawa mo?"


"Anong ginagawa ko?" Ronnie parroted.


His face was only inches away. Hindi siya makahinga sa sobrang kaba. Naaamoy ni Earl ang napakabangong hininga ni Ronnie that he could almost breathe into it. Nabibingi na siya sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya na hindi na niya ipagtataka kung marinig man nito iyon.


Napatikhim siya. Kailangan niyang gumawa ng distraction kung hindi ay mawawala na naman siya sa sarili. Pilit niyang ipinapaalala sa sarili ang mga sakit na naranasan niya rito. Because the moment na mahalikan siya ulit nito, siguradong lahat ng iyon ay mawawala na sa isip niya. Ganoon siya kasigurado na maitatapon lang sa hangin lahat ng tampo niya rito.


Pero hindi siya pinakingan ng langit. The moment na napakurap siya, that's when Ronnie claimed his mouth and held captive not only his lips, but also his heart and soul.


You're a dead man Earl!


Itutuloy...


[09]
Chapter 9 (Battlefield)


Panay ang buntong-hininga ni Earl sa bahaging iyon ng classroom. Wala siyang ibang makuhang gawin. Kahit ang isipin ang mga importanteng subjects na kailangan niyang aralin. Maging ang lahat ng mga raket niyang term papers di rin niya maintindi. Wala siyang ganang intindihin ang lahat ng iyon at iisa lang ang dahilan ng lahat ng kaguluhang nagaganap ngayon sa sistema niya.

Si Ronnie.

Kung bakit naman kasi nagbalik pa ito kung kailan pinaghahandaan niya na ang paglimot dito.

Nililimot mo nga ba?

Hindi siya makasagot sa sariling tanong. Totoo naman kasi na nagpapanggap lang siya, but the truth is, he's not over Ronnie yet. Kaya ngayon, nagkakandapeste-peste ang dati nang payapa niyang buhay. Iniisip niya na kung hindi dahil sa panghahalik na ginawa nito sa kanya noong gabi ng birthday ni Freia ay hindi sila magkakaroon ng ugnayan na dalawa.

It started with a kiss.

Indeed. Now, he was confused. Dapat na ba niyang tigilan si Ronnie o ipaglalaban pa niya ang pagsintang purorot na meron siya rito?

Which is which?

"Haayy!!! Ang hirap mag-isip!" parang timang na pagkausap niya sa sarili.

"Ano namang iniisip mo?" anang isang tinig.

"Ay kabayo!" tili niya.

Natatawang inagapan siya ng hawak sa isang braso ng may-ari ng tinig. Nang mapatingin siya kung sino ito ay laking panghihinayang niya. Si Russ lang pala.

Bakit? Hoping ka na si Ronnie ang gugulat sa'yo?

Iwinaksi niya ang malditang bahagi ng isip niya. "R-russ! Ikaw pala."

Ngumiti ito. "Masyadong malalim ang iniisip mo kanina. Para tuloy gusto kong bilhin ng piso ang mga iyon."

Umingos siya sa lantarang kakornihan nito. Mabuti na lang at siya lang mag-isa ang nasa loob ng room nila kung hindi ay may nakarinig na sa slight flirtations na ginagawa nito.

"Makita ka ni Freia dito." sabi na lang niya.

"Hindi naman siya ang pinuntahan ko rito eh."

"Tse! Kapag nag-away kami ng kaibigan kong iyon ng dahil sa'yo, kukulamin kita."

"Kinulam mo na nga yata ako eh. Hindi ka na maalis sa isip ko."

Nasamid siyang bigla. "Dahan-dahan ka nga sa mga banat mo. Kinikilabutan ako."

"Is that a good thing or not?" kunot-noong sabi ni Russ.

"It's a joke." aniyang pinanlalakihan ito ng mata.

"Ah... alam mo ang cute mo talaga Earl."

"Matagal ko ng alam iyan kabayan."

"Di ka rin mayabang no?"

Umiling siya. "Ang tawag diyan, confidence."

"Ah... akala ko charm. Kasi, it looked like you charmed your way through my heart the first time I saw you."

Napapalakpak siya.

"Hanep ang banat mo tsong! Kay Freia mo kaya sabihin iyan."

Napa-iling ito sabay bugha ng malalim na hininga. "Earl... kailan mo kaya ako seseryosohin?"

Siya naman ang natigilan at marahas na nilingon ito pagkuwan. "Teka... seryoso ka ba sa sinasabi mo?"

Tinitigan siya ni Russ bago nagsalita. "Mukha ba akong nagbibiro lang Earl?"

"A-aba... malay ko?"

"I really like you Earl. Kahit ano pa ang sirkumstansiya na nakapaligid sa atin."

"Wow pare... ang lalim. Paki-explain."

"I know you know what I'm talking about."

Naumid ang dila niyang bigla. Og course he knew. Ex ito ng boyfriend niyang si Ronnie and that's what make it complicated.

Excuse me. Pretend boyfriend mo lang siya.

Mapakla siyang napangiti. Oo nga pala, hindi nga pala sila ni Ronnie sa totoong kahulugan ng salitang magkarelasyon nabibilang. Nagpapanggap lang pala sila. Sinabi na rin nito iyon mismo.

"Did you have to rub it in?" mahinang bulong niya.

"I'm sorry. I didn't mean to confuse you more." halos pabulong rin na sagot ni Russ.

Napailing siya. Mabuti na lang at hindi nito na-gets. Dahil ang katagang binitiwan niya ay para rin sa sarili niya. Nahihibang na talaga siya. Mabuti pa ang adik, may mga relapses na nagaganap sa sarili dahil sa pagte-take ng bawal na gamot. Eh siya, ni cough syrup nga hindi pa nakatikim pero para siyang adik na nagkakaroon ng relapses.

"It's not your fault Russ. Kung sana, ganoon lang kadaling ilipat ang pagtingin sa isang tao. Pero hindi eh. Wala kang choice kundi ang maghintay na kusang mawala ang nararamdaman mo para sa taong minamahal mo. Kung kailan iyon, walang makakapagsabi. Para lang isang magnanakaw na bigla na lang darating. Bigla ring mawawala."

Hindi ito nakasagot sa sinabi niya. Nanatili lang na nakatitig sa kanya si Russ hanggang sa tumunog ang bell hudyat ng pagsisimula ng panibagong subject nila.

Namalayan na lang niya ang pagtalikod nito palabas ng silid-aralan nila. Pero bago ito tuluyang makalabas ay nilingon siya nito at nagbitiw ng nakakalokang salita.

"Aagawin kita kay Ronnie, Earl. Aagawin kita sa kanya." anito sabay kindat.

Naiwan siyang hindi makahuma hanggang sa nagsipagdatingan ang mga kaklase niya.



"Please lang friend, huwag mo ng ituloy ang balak mong iyan. Ano ba ang nangyayari sa'yo? Hindi naman ganoon kabigat ang kasalanan sa'yo ni Ronnie ah?"

Mataas na ang tinig ni Freia sa kaibigang si Jay. Nakorner niya ito sa Photography club kung saan miyembro din ito. Doon ay nalaman niyang itutuloy nito ang pagbabandera ng mga eskandalosong pictures na nakuha nito para ipang-ganti kay Ronnie at sa isa pa nilang kaibigan. Si Earl.

"Hindi na si Ronnie lang ang pinag-uusapan ito Freia. Kung di pati si Earl. Trinaydor niya ako." galit na sabi nito.

"Trinaydor? Bakit? Kailan? Saan? Paano?" sunod-sunod na tanong niya rito.

"Nakalimutan mo ang "Ano?", friend." sarkastikong balik nito.

"Don't do this Jay. Para namang wala kayong pinagsamahan ni Earl kung makapagsalita ka."

"Iyon na nga eh, kung iniisip niya ang pinagsamahan namin, hindi sana siya nakipag-relasyon kunwari sa Ronnie na iyon. Alam naman niyang galit ako sa pamintang iyon at gusto kong gantihan iyon, pero ang ginawa niya? Inuna niya ang kalandian niya." galit na galit na ratsada nito.

"You knew?" nanlalaki ang matang sabi niya

"Of course I knew!"

Hindi agad nakapagsalita si Freia sa narinig. Ganoon ba ito kababaw? Hindi ito ang kaibigan niyang si Jay. Alam niya ay napakamaunawain nitong tao.

"I don't get you Jay." frustrated niyang sabi.

"I don't expect you to, Freia. Mabuti pa ay umalis ka na. Tutal naman, alam ko na kung kanina ka pumapanig tungkol sa isyung ito."

Naramdaman niya ang pagtatampo sa tinig ng kaibigan pero hindi niya isinatinig ang protesta niya sa sinabi nito.

"I won't tolerate this Jay. Isipin mo na ang gusto mong isipin pero kaibigan kita. Magkakaibigan pa rin tayo."

"Then don't Freia. Kahit kailan naman hindi ko naramdaman na kaibigan ang turing mo sa amin ni Earl. We never felt that. Kaya huwag kang magpanggap na concerned ka sa nangyayaring ito. Hypocrisy doesn't suit you."

Napasinghap siya sa rebelasyong iyon at hindi agad nakapagsalita.

"A-after all this time, iyon pala ang nararamdaman mo?" hinang-hinang sabi niya.

"Oh cut the theatrics Freia! Huwag mo akong paandaran ng pagiging aktres mo. Lumayas ka na sa harap ko kung pwede lang."

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at binirahan niya ito ng layas. Hindi siya makapaniwalang sa ganoon lang masisira ang pagkakaibigan nila. At hindi siya makapaniwalang hindi pala nito naramdaman ang pagiging sinsero niyang kaibigan.

He must do something. Kung kailangang gumamit ng koneksiyon, gagamit siya. Para que pa at isa ang magulang niya sa pinaka-maimpluwensiyang tao sa San Bartolome.



"Saan na naman tayo pupunta?"

Naiinis na tanong ni Earl kay Ronnie. Pagkatapos kasi ng engkwentro nilang tatlo nila Russ ay naging consistent na ito sa pagbabantay sa kanya. Mabuti na nga lang at hindi nito nakita si Russ kanina dahil may sarili ring klase ito. Kung hindi ay baka nagkagulo na.

"Kakain lang tayo sa canteen."

Napataas ang kilay niya. Kahit gustong-gusto niya ang pakiramdam na hawak-hawak siya nito sa kamay ay hindi naman iyong halos kaladkarin na siya nito.

"Kakain lang pala eh, di bitiwan mo ako o di kaya magdahan-dahan ka ng lakad mo. Hindi naman tayo hinahabol ng kung sinong masasamang loob eh. Kapag napingasan ang mukha ko ng dahil sa kagagawan mo, ipapahabol kita sa mga aso ni Friea." naiinis na pagtatalak niya habang hila-hila pa rin nito ng bigla siyang mabunggo sa likuran nito.

"Aray ko!" Naiinis na tinampal niya ang likod nito.

"Sabi mo huminto ako."

"Huminto? Baliw ka ba? Sabi ko bitiwan mo ako o di kaya magdahan-dahan ka. Hindi ko sinabing huminto ka. Kainis ha." Hinimas niya ang nasaktang mukha. Iyon kasi ang sumubsob sa matipunong likod nito ng bigla itong huminto.

"Masakit ba?"

Napipi na naman siya. Bakit ba tuwing may gagawin itong kapalpakan sa buhay niya eh babawian siya nito ng pagiging sweet. Ronnie was driving him insane just by a mere touch of his hand to his face.

Tinampal niya ang kamay nito. "Tsansing na yan kabayan!"

Ronnie twitched the corner of his lips to form a little smile. Simpleng ngiti lang iyon but when Earl saw it, his heart did a triple somersault. He couldn't actually believe the novelty of it.

"Halika na. Mukhang okay ka na eh." sabi nito saka muling hinawakan siya sa kamay.

Hinanda na niya ang sarili sa muling pangangaladkad nito pero hindi iyon nangyari. Bagkus, sapat na bilis lang ang ginawa nitong paglakad para makasabay siya and Earl thought that it was a bit... sweet?

Hay, naloloka na talaga siya sa lalaking ito. Walang preno ang pabago-bagong mood ng kapreng ito. But even though Ronnie was a walking contradiction. He would still love him no matter what. He would still love the touch of his skin to his. Most importantly, he would love to savor his kisses, again.

Nakarating sila ng cateen ng nagde-day dreaming pa rin siya. Wapakels siya sa mga nakataas ang kilay na estudyanteng nakakakita sa kanila. Basta kasama niya si Ronnie, come hell or high water ang drama niya.

"Friend!!!" malakas na sigaw ng isang tinig na kilalang-kilala niya.

"Si Friea yun ah." Hinanap niya ang kaibigan at nakita itong tinatakbo ang distansiya nila. Hindi kasi niya ito kaklase kanina kaya hindi sila magkasama.

"Freia." ganting sigaw niya.

Nang makalapit ito sa kanila ay hingal-kabayo itong napaupo sa isang libreng upuan sa canteen. "Earl... m-may... m-may... s-sabi-hin ako s-sayo..."

"Wait lang friend. Pwede kang magpahinga muna. Ronnie, kuha ka nga ng maiinom." baling niya sa kasama.

"T-thanks Ronnie..." si Freia habang hinihingal pa rin.

"Take a deep breath friend." utos niya rito.

Saktong kumalma na ang paghinga nito ng bumalik si Ronnie dala ang isang baso ng juice. Halos pangahalatiin ito ng inom iyon.

"Ano bang problema?" tanong ni Earl sa kaibigan.

"O-order lang ako ng food natin." Singit ni Ronnie. Napatango na lang siya rito.

"Ah... friend. Si Jay. He's on to something." pagsisimula ni Friea.

Napabugha siya ng hangin sa narinig.

"I know."

Kumunot ang noo ni Freia sa sinabi niya. "You knew?"

"Yes."

"And you're not going to stop him?"

"Why should I?"

"He will ruin your friendship, Earl. Hindi lang iyon, pati sarili niya sisirain niya."

"And you think I should stop him?"

Nababaghang tiningnan siya ni Freia. "Why are you saying that? What do you mean? Hahayaan mo na lang siya kung ganoon?"

"We all have a choice Freia. Choice niya ang magpatangay sa galit. Kung pipigilan ko si Jay sa puntong ito na galit na galit siya ay lalo lang siyang magagalit. Paghahandaan ko na lang siya sa kung ano mang gagawin niya. And besides, wala akong lakas para mag-isip ng anupaman sa ngayon."

"So sinasabi mong choice mong huwag gumawa ng hakbang?" naninimbang nitong sabi.

"Oo. At sana ay maintindihan mo. Nauunawaan ko ang concern mo Freia, but this is something between me and Jay alone. You don't have to do anything except to hope. Hope that one day we will be able to patch things up."

Nakakaunawang tumango si Freia. "But tell me one thing friend. Do I look like a fake friend to you?"

Napauwang ang labi siya sa kabiglaan. "No!"

"Salamat. Alam kong iba ka kay Jay." naiiyak na sambit ni Freia.

"Why? Did he tell you anything?"

"Ayoko na sanang palakihin pero di ko maiwasang magtampo. Sa kabila ng effort ko sa pagkakaibigan natin, sinabihan niya pa akong hindi raw niya naramdamang trinato ko kayong totoong kaibigan."

Naiiling na nasandal siya sa upuan. Only to find out na dibdib pala iyon ni Ronnie. And it felt comfortable. Safe. Home.

"Do you mind?" tanong niya rito habang nakasandig.

"Mind? I've been yearning for you to feel my body once again, so don't ask if I mind baby. Just feel free to do so." Ronnie said huskily in his ear.

Hindi niya maiwasang panginigan ng balahibo. Agad siyang nakaramdam ng kakaiba. At nakalimutan mo na si Freia.


Shit!


"Sorry friend." aniyang agad itong dinaluhan. Pero sa pagkakalayo ng katawan nila ni Ronnie, parang may malaking bahagi ng puso niya ang pinilas. At it felt empty.

"Okay lang friend. At least alam kong di kayo parehas ng nararamdaman ni Jay. Aalis na ako. Magkita na lang tayo sa next subject natin. Ako ng bahala sa sarili ko."

"Are you sure?" paniniyak niya.

"I am."

Nang makaalis si Friea ay nahulog siya sa malalim na pagiisip.

"A penny for your thoughts..."

Nilingon niya ang nagsalitang si Ronnie at sinalubong siya ng napakagwapong mukha nito. Naalala niya si Russ sa sinabi nito, parehas iyon, magkaibang version nga lang and he thought liked Ronnie's very much. And that cemented his decision, kakalas na siya rito. Kahit masakit. Para magkalinawan na sila ni Jay.

"Kung sakaling naipagbibili nga ito Ronnie, siguro milyonaryo na ako."

Ngumit ito ng bahagya. Hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang noo. "I won't sell my thoughts Earl. Iyon lang kasi ang meron ako kapag wala ka sa tabi ko."

"Walang nakakarinig sa ating kakilala natin Ronnie. Huwag ka ng magpanggap. Let's stop this once and for all."

"The question is, do you really want to stop?"

Natigilan siya. Earlier he was sure. Now, hindi na niya alam. And he's hoping it's not too late to change his mind.

ITUTULOY...



[10]
Chapter 10 (All's well that ends well)


Pinili niyang hintayin ang kaibigang si Jay sa pinakatagong bahagi ng San Bartolome University. Nilinga niya ang nakahilerang puno ng acacia. Maraming beses ng nakasaksi ang mga iyon sa mga lihim na tagpo sa buhay nila Monty at Orly. Maging siya ay naki-antabay noon sa istorya ng dalawang iyon. Pero ngayon, siya naman ang gagamit ng bahaging iyon para makipag-ayos sa kanyang kaibigang tila nawawala na sa tamang disposisyon.

Itinext niya ito pagkatapos nilang kumain ni Ronnie kanina. Nagdahilan pa siya sa lalaki na may aasikasuhin siyang importante. Tila nakaunawa naman ito at hindi na nagpilit na ihatid siya sa classroom tulad ng naunang balak nito.

Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mabibigat na yabag palapit sa kanya. Napangiti siya ng wala sa loob. So very like Jay, mabigat ang paa kapag naglalakad. Tuluyan na siyang napangiti ng makita ang pigura ng kaibigan.

"Salamat at nakarating ka." kimi niyang wika pagkalapit ni Jay.

Humalukipkip lamang ito at tinitigan siya ng matalim pero hindi siya nagpatinag. Pinanghahawakan niya na magkaibigan silang dalawa at hindi siguro nito nakakalimutan pa iyon. Kung tutuusin, napakababaw ng hindi nila pinagkasunduan kaya naman dalangin niya ay maayos na nila ang gusot na iyon.

"Friend..." mahinang bulalas niya.

"Don't you dare call me that."

Napailing si Earl sa obvious na hostility ng kaibigan sa kanya.

"I knew you knew na hindi totoo ang tungkol sa amin ni Ronnie." mas confirmation iyon kaysa pag-amin.

"Alam ko." naka-angat pa rin ang kilay na sabi nito.

"Kaya sana... huwag ka ng magalit sa akin. Hindi ko rin alam kung paanong nangyari na nagkaroon kami ng kasunduan na katulad ng ganoon pero nangyari na. Wala na akong nagawa ng harangin niya ako at sabihang magpanggap kami. He was saying na makakatulong iyon sa parte ko but I guess, sa part ko, hindi iyon ang totoong dahilan ko."

"At ano ang dahilang iyon?" si Jay.

"T-that... maybe... part of me wants to be with him. Kahit pa sabihin mong temporary lang at ang totoong mahal niya ay si M-monty." he almost choked to his last word. Ang hirap pa lang aminin sa sarili mo na ang mahal mo ay may mahal na iba.

"Are you telling me that you're in love with Ronnie?" tanong ni Jay na naka-kunot noo.

Napayuko siya. "Y-yes..." he admitted softly.

"Ano ka ba Earl? Bakit mo isisiksik ang sarili mo sa taong alam mong hindi ka kayang mahalin? Bakit hindi ka maghanap ng iba? Iyong kapakanan mo ang titingnan. Iyong ikaw ang pahahalagahan. Iyong bawat salita mo, bawat kwento mo, katumbas ng pinakamahahalagang kayamanan sa buhay?"

Napangiti siya ng mapakla. "Maybe you're right. Maybe I should find myself someone who would watch over me. Someone who will love me too. But... I can't force myself to love someone I am not in love with, Jay."

"But Earl..." napu-frustrate na sabi ng kaibigan.

"Tell me Jay, ipagkakait mo ba sa sarili mo ang makasama kahit sandali ang taong mahal mo? Kahit masakit, sinubukan ko. Nangarap ako. Kahit kapalit noon ay isang-libong pait. Kasi nakasama ko siya. Nahawakan. Nahalikan. Okay na iyon. At kahit alam kong ikamamatay ko, I'm g-giving him up. T-tapos na ang pangarap. T-tapos na ang p-palabas. Oras na para sa re-reyalidad." at tuluyan ng bumigay ang boses niya.

Naramdaman na lang niyang kinabig siya ng kaibigan palapit. Mahigpit siyang yumakap rito. Humagulgol siya ng humagulgol nang parang wala ng bukas. Masuyong hinagod naman ng kaibigan ang kanyang likuran.

"Hush now... I'm sorry Earl, hindi ko agad na nakita na maaaring gusto mo nga pala si Ronnie kaya hindi ka pumayag sa plano kong gantihan siya. I'm sorry naging makasarili ako. I-I'm sorry f-friend." nag-crack na rin ang boses nito sa huling salita.

"Don't be Jay... Lahat ng nangyayari sa akin ay kagagawan ko. Kagustuhan ko. Sorry rin kung di kita napagbigyan. But I didn't take that against you. Mahal kita kasi kaibigan kita. Hindi nagbago iyon. At sana, magkasundo na rin kayo ni Freia." he said in between sobs.

Inilayo siya nito ng bahagya. Pareho  silang basa ng luha ang mukha. "I know. Hindi ko akalaing sa sobrang galit ko, inilayo ko na ng husto ang sarili ko sa inyo. Thank you for not giving me up. I don't deserve your friendship." naiiyak pa ring wika ni Jay.

Earl knew that instant na naayos na ng husto ang gusot nilang magkakaibigan. Isa na lang ang problema niya. Si Ronnie.

"Shh... don't say that Jay. We're not saints either. Ang mahalaga, alam na natin ang kahinaan at topak ng isa't-isa. Ibaon na lang natin ang lahat ng ito sa kahapon."

"Okay... sabi mo eh. Nagda-drama lang naman ako." saka nito iyon binuntutan ng malakas na tawa.

"Ang drama mo."

"Ikaw rin eh."

Natatawang nagyakapan ulit sila ng kaibigan. At least, one down, one to go. Hindi niya nga lang alam sa ngayon kung paano niya gagawan ng paraan ang pakikipagkalas kay Ronnie.







Nagmamadali niyang tinungo ang gate ng SBU. Tinanghali siya ng gising dahil napagkatuwaan nilang uminom ng kaunti kagabi bilang celebration ng pagkaka-ayos nilang magkaka-ibigan. Pagsipat niya sa kanyang relo ay nakita niyang ten minutes na lang at late na siya.

Dahil sa pagmamadali ay hindi niya napansin ang dalawang pigura na nagmamadaling sumusunod sa kanya. Pagliko niya eksakto sa Nursing Department ay may tig-isang kamay ang pumigil sa tig-isa niyang braso.

"Aray! Ano bang problema n... Russ? Ronnie?" natitigilang sambit niya ng makilala ang mga 'bumihag' sa kanya.

"Bitiwan mo si Earl." gigl na sabi ni Ronnie kay Russ.

"Bitiwan mo raw si Earl." sagot naman ng huli sa mas kalmanteng paraan.

Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa na tila nagsusukatan ng tingin. Nakadama siya ng bahagyang pagkailang dahil may mga nakakapansin sa kanilang estudyante. Naiiritang binawin niya ang magkabilang braso.

"Ano bang problema niyong dalawa?" pigil ang galit na anas niya. Ayaw niyang magpa-eskandalo sa ganitong oras ng araw. Wala pa kayang alas-otso ng umaga!

"Wala akong problema. Iyang asungot na iyan sa relasyon natin ang makulit na umeepal dito." sabi ni Ronnie sabay hila sa kamay niya.

Wala siyang magawa kundi ang sumunod dito kung hindi ay tiyak na makakaladkad siya. Pero bago pa siya makasunod ay naramdaman na naman niya ang kamay ni Russ sa braso niya.

"Huwag mong kaladkarin si Earl, Ronnie. Nag-uusap pa kami."

Nalolokang napatingin siya sa nagsalitang si Russel. Inilipat niya rin ang tingin kay Ronnie ng ganoon pa rin ang reaksiyon niya. Hindi na siya makapag-isip ng tama sa kakulitan ng dalawang ito eh nasasaktan pa siya ng pisikal. Sobra na ito!

"Tumigil kayong dalawa!" frustrated ng sigaw niya.

"O tumigil ka raw. " sabi pa ni Russel.

"Manahimik ka Russel! Nakaka-inis na kayong dalawa," aniyang pinaghahampas pa ng bag ang mga tinamaan ng magaling. "Hindi na nga kayo nakakatulong sa akin, nasasaktan pa ako sa paghihilahan ninyo. Akala niyo ba nag-e-enjoy ako? Hindi! Hindi!"

Natigilan naman ang dalawang kolokoy at mataman lang siyang tinitigan. Lalong kumulo ang dugo niya sa kalmateng mukha ng mga ito.

"O sige, dito lang tayo buong araw ha. Kung ano man ang problema ninyo ay resolbahin nating lahat ngayon. Ako ba ang pinag-aagawan ninyo, fine! Ayan, kumuha ka ng lagare, kutsilyo, screw driver, stick, nuclear bomb o di kaya ipatawag niyo ang presidente ng Pilipinas para hatiin ako. Mga peste kayo, tigilan na ninyo ang ginagawa ninyo. Hindi na ako natutuwa. Wala na kayong ginawa kundi guluhin ang buhay ko. Sawa na ako! Tigilan niyo na ako!" hingal na hingal siya pagkatapos niyang sigawan ang dalawang tila di naman nakaka-intindi sa litanya niya.

"O ano na? Ano pang hinihintay niyo?" inis pa rin niyang sabi.

"Hindi yata magandang tingnan iyon babe. Imagine, kakalat ang dugo at lamang-loob mo rito?" si Ronnie na ewan niya kung seryoso o nagbibiro. Napaka-passive ng mukha nito.

"Oo nga. Saka hindi kaya masyadong demanding kung pati presidente ng Pilipinas ay tatawagin natin sa isyung ito. Why don't we call the student council president instead?" sambit naman ni Russel na hindi rin malaman kung nagbibiro o nagpapatawang kalbo.

"Susme!" naiinis na napasabunot siya sa sariling buhok. "Diyan na nga kayo. Mga abnormal!" sigaw niya saka nagmamadaling tumalilis paalis sa lugar na iyon bago pa siya mabaliw ng tuluyan. Dalawang minuto na lang, third floor pa siya. Sa pagmamadali ay hindi na niya nakita ang makahulugang palitan ng ngiti at tingin ni Russel at ni Ronnie.

"Ingatan mo si Earl, he's a gem."

"I know."

"I'm giving him up."

"Thank you. Although I really don't mind having a competition."

"Baliw ka pa rin hanggang ngayon."

"Ikaw rin naman."

"Take good care of Earl, kung hindi ako ang makakalaban mo."

"Marami kayo. But of course, hindi mo na ako kailangang sabihan tungkol kay Earl."

Hindi na nagsalita ang isa sa kanila. Kung sino man ang nagbitiw ng mga salitang iyon ay hindi pa tiyak kung ikaliligaya ni Earl. Sayang at hindi niya narinig kung sino ang nagpaubaya at sino ang pinaubayaan.

Itutuloy...


(Author's Note)

Next na po ang finale. Thank you sa paghihintay.

Dalisay

No comments:

Post a Comment