Tuesday, January 8, 2013

Earl and the Grumpy Flirt named Ronnie (01-05)

By: Dalisay
Blog: theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com


[01]
Hello there!!!

Medyo mahaba ito guys! Pasensiya na

This my eight novel in progress. Sa mga nakabasa mula sa Mt. Romelo Nights, Kung Kaya Mo Ng Sabihing Mahal Mo Ako, The Martyr The Stupid and The Flirt, Task Force Enigma: Rovi Yuno and The Encounter with the Flirt, at sa mga sumusubaybay sa on-going na Task Force Enigma : Cody Unabia at sa frozen na One More Chance, ay inihahandog ko sa inyo ang isa ko pang obra-maestra. Ang Earl and the Grumpy Flirt named Ronnie. Malaki po ang sentimental value ng story na ito sa akin, una, dahil pumayag si Ronnie na gawin ang story kahit semi-fiction ito. Ikalawa, pangatlong sabak ko ito sa genre na Romantic-Comedy. Ikatlo, Naririyan pa kayo at sumusubaybay sa mga gawa kong nobela. Nakakataba ng puso ang walang tigil ninyong suporta.


Kaya naman dahil diyan ay gusto kong batiin ang sarili ko ng HAPPY ANNIVERSARY as a writer sa blogging world. Dati kasi, MS Word, diskette, at typewriter lang ang gamit ko. Walang eksaherasyon po. Maraming salamat sa mga impluwensiya ko sa panulat. Hindi ko na sila papangalanan. Ay sige na nga, Anne Rice, Sandra Brown at Sidney Sheldon. Sa local ay si Gilda Olvidado, Helen Meriz at Loreta Baltazar at si Veronica Siasoco. :)

Ayan, naluluha na ako. Bumawi ako ng mga kalokohan dito. Sana masabayan ninyo. Maraming, maraming salamat sa mga sumusunod:

Zach na nagbukas ng aking interest sa Blogging world.

Jayson, my ever trusted admin and FRIEND.

Unbroken, Bx_35, Dhenxo, Alexander Cruz, Jai-jai Sabado at Migs. -you guys are my pillar of strength. Hindi niyo lang alam kung gaano ako kaswerte na nakilala ko kayo.

Mike Juha, for the friendship. IDOL din kita katulad din ng karamihan.

Gboi, Jerick, Ayhian, Cody and Rick, sa pagpayag ninyong gamitin ko ang mga pangalan ninyo sa aking mga nobela at darating pang stories.

Mat, Josh_Bryle, UnbreakableJ, Lupin35, Tweetybird, aR, ipe48, chinitoako, adik_ngarag, allen cayetano, aerbourne, Mico, Nelson, Ram van der woodsen, Bernardo Carpio, Vince Saavedra, Jeff, Kingpunisher, Ford Ieto, Roan, Mr. Brickwall, Rodgie (Haaahhh) at sa lahat ng aking 72 FOLLOWERS : Maraming Salamat sa pagsubaybay sa mga kwento ko. Some are active some are not. Pero ang importante, andiyan kayong lahat. Hindi ko man kayo kayang pangalanan lahat, huwag po sanang magdamdam ang iba. Babawi ako next time, Mahal ko kayong lahat. Dito galing. Sa puso ko. :)

Sa mga resident authors ko, Emray, Rovi, Jayson, Mike, Fences, Jai, Jubal, Bx at sa soulmate kong si Gabriel : ahihihi, love you all, you're the best guys!

Kearse, Earl, Russel, : salamat dahil kayo ang mga latest kong biktima sa panulat. ahihihi

To my parents: You did a wonderful job on creating someone as wonderful as me. CHAROT!

To the LORD ALMIGHTY, kung wala ka, wala ako. Mismo yun.

SA MGA ANAK KO sa Bi Out Loud, lagi lang naririto si Mama Dalisay. Love you all.





Chapter 1 (The Meeting)

2003 - SAN BARTOLOME UNIVERSITY

Namimigat na ang talukap ng mga mata Erwin Andrew Riogrande Lacsamana or Earl for short. Masyado siyang nahahabaan sa kanyang pangalan kaya nagdeklara siya na gamitin ang bawat unang letra ng kanyang given name. Wala naman na siyang magawa sa bagay na yun. Kesa pag pagtiyagaan niya ang nakakarinding Erwin Andrew na nakakapagpatayo ng balahibo niya ay ginamit na niya ang Earl bilang palayaw.

Anyways, enough of his name na kasinghaba ng Edsa. Iyon nga, namimigat ang talukap ng mata niya habang naroroon sa birthday party ng kanyang kaibigang si Freia. Isang baklitang nag-aambisyong maging sikat na theater artist. Magaling naman itong umarte, in fairness, pero hindi ito epektibo sa pagiging kontrabida dahil likas itong malambot. As in, parang whisper lang. Yung cottony pad. Kaloka.

Double-celebration iyon actually. Hindi lang birthday party kundi victory party na rin ng sucessful comedy-play ng mga ito na Dyosabog. Surprisingly, it was a big hit at walang estudyanteng hindi natawa sa napaka-kwelang palabas ng tropang teatro.

Pero ayun nga siya, nakapangalumbaba at naghihintay kung kailan siya itutumba ng antok. Nahihiya lang siya sa kaibigan kaya siya dumalo kahit pa tatlong araw na siyang walang tulog dahil sa walang patumanggang raket niya. Ang paggawa ng mga projects, reports, research, term-paper ng mga kapwa niya estudyante para suportahan ang pag-aaral.

Self-supporting kasi ang drama niya. Nakabukod siya sa kanyang inang may bago ng kinakasama dalawang taon pagkamatay ng kanyang ama. Solong anak siya kaya naman sarili lang niya ang maaasahan niya. Ang ibang kamag-anak nila, ayun, hindi na nakipag-usap sa kanila ng nanay niya ng makisama ito sa bagong nobyo. Tinabangan na yata ang mga ito sa kanyang ina, lalo na ang partidos ng ama.

Kung bakit naman siya nakabukod ay tanging siya lang ang nakaka-alam. Hindi niya sinabi sa nanay niya na ang step-father niya ay pinagtangkaan siyang galawin. Oo. Maniwala ka man o hindi. Oo. Ikaw na nagbabasa nito ngayon. Gaano man kataray o ka-pretentious pakinggan, iyon talaga ang totoong pangyayari. Walang kyeme.

Nang mangyari ang pagtatangkang iyon ay halos di rin niya mapaniwalaan. Siguro kasi, sobrang puti niya. Daig pa niya ang mayayaman sa natural na kakinisan ng kanyang kutis. Namana niya sa kanyang inang tisay. An kanya namang amain, siguro, likas na manyak kaya napagkamalan siyang babae ng minsang malasing ito.

Dinaanan niya ng tingin ang nagkakasiyahang mga estudyante ng kanilang paaralan sa malawak na bakuran na iyon nila Freia. Mayaman ang kaibigan niyang ito. Kumpara sa kanila ng isa pa nilang kaibigang si Jay na isang school-photographer ay masasabing mga dukha sila. Parehas kasi silang self-supporting student nito.

Maya-maya pa ay lalong tumindi ang antok niya. Aangat na sana siya mula sa pagkakaupo ng may pwersahang humila sa kanya pabalik sa upuan. Mumurahin na sana niya ito ng makilala niya ang may-ari ng talipandas na kamay na iyon.

"Ano ka ba Jay? Binigla mo akong shuta ka." naiinis niyang sabi.

"Sorry naman friend. Nakita kasi kitang halos lumaylay na ang tuka sa lamesang ito. Marami ka na bang nainom?" walang sinseridad na hinging-pauhamanhin nito.

"Hay naku. You know naman na I don't drink beer. It's bad for my health po di ba?" sarcastic niyang sabi.

"Well, walang masama kung i-iinom mo iyan. Baka mas maging payapa ang tulog mo. Ikaw naman kasi..."

Nasa himig ng kaibigan niya ang banayad na paninisi.

Alam nito ang mga raket niya. Minsan kasi eh pinapatulong niya lalo pa at hindi na niya kaya. Salamat sa kanyang segunda manong computer na ipinamana sa kanya ni Freia, nagagawa niya ang  mga term-papers ng mga magugulang na estudyante.

Mali ang ginagawa niya at batid niya iyon. Para kasing tinuturuan niya na ang mga estudyanteng maging independent sa mga tulad niya at hindi na pag-aralang gumawa ng sariling proyekto.

Pero para sa katulad niyang hindi makakapag-aral ng husto kung hindi gagawin ang bagay na iyon, eh malaki ang pasasalamat niya sa mga tamad na students ng San Bartolome Uniersity. Dahil sa mga ito, naiibsan ang kanyang mga pangangailangan sa eskwela kahit sandali lang. Sa upa pa lang niya sa dorm na one thousand isang buwan, malaking tulong na rin ang mga kapwa estudyante na tinatamad gumawa ng research paper at kung anu-ano pang kailangan na ipasa sa mga professors at instructor nila.

"I know. I know. Pero alam mo naman na dito lang ako kumukuha ng pangsuporta ko sa sarili di ba?" sagot niya rito.

"Pero di mo kailangang maging haggard para tulungan ang sarili mo. Why not take a part-time job na talaga namang definite na kita? Legal pa. Mamaya niyan, may magsumbong pa ng ginagawa mo." puno ng concern na sabi ni Jay sa kanya.

Nakatuwaan niya itong tuksuhin. "Hindi naman siguro ikaw ang magsusumbong sa akin friend di ba?"

"Tse! Gawin pa raw ba akong primary suspect kung sakali?"

"Well, kung sakali lang naman di ba?" nakangisi niyang sabi.

"I hate you Earl!"

"And I love you friend."

"Yuck!" magkasabay pa nilang sambit.

Nauwi sa halakhakan ang eksenang iyon. Ganun silang magkakaibigan. Wala pa nga lang si Freia dahil feeling star of the night ito at papalit-palit ng damit na suot.

Ever supportive ang nanay nitong si Tita Tess. Pumanaw na rin kasi ang ama ni Freia or Fritzgerald Indizo Aragon. Kagaya niya, tsi-nop chop nito ang mga letra ng pangalan at gumawa ng sariling nickname.

Nagkakatuwaan pa rin silang magkaibigan ng lumabas ang birthday celebrant na naka-pink tube gown na serpentina style. Naka-wig pa ang loka at feeling debutante. Saka lang nila naalalang ngayon ang eighteenth birthday nito. Itinuloy nga ng hitad ang balak na mag-gown sa "debut" raw nito. Napailing na lang silang dalawa ni Jay.

Kumikinang ang ngiti ng kaibigan nilang si Freia habang naglalakad ito sa patio na may mga disenyong bulaklak. Mukhang pinaghandaan ng loka ang impromptu na debut celebration nito.

May kasama pa itong escort na sa di malamang kadahilanan ay nagpasikdo ng dibdib ni Earl. Kilala niya ang lalaki. Actually, kilala ng buong San Bartolome. Ang bad-boy ng SBU at frat leader na si Ronnie Alfonso.

Ang gwapo talaga nito. Na lalo pang mas pinatingkad ang ka-gwapuhan ng suot nitong tuxedo. Maayos man ang damit nitong suot ay contrast naman ang may kahabaan na nitong buhok na bahagyang nakatali sa likod.

Napa-roll eyes pa siya ng makitang humahagikgik na parang dalagang pilipina ang kaibigan nila habang naka-abrisyete sa napaka-gwapong nilalang na si Ronnie.

"Kaloka si friend. Hindi man lang nagpasabing itutuloy niya ang debut niya. Ambisyosang palaka talaga ang isang ito eh. Nakulimbat pa niya si Ronnie para escort-an siya." sabi niya kay Jay.

Natigilan siya ng hindi makakuha ng sagot mula rito. Usually, ito ang ka-tandem niya sa pamimintas sa mga tao sa paligid. Pero this time, tahimik ito. Nang lingunin niya ang kaibigan ay nakita niyang hindi maipinta ang mukha nito.

"Hey, what's wrong?" nag-aalalang sabi niya.

"Nothing. That good-for-nothing-son-of-a-bitch took my negatives. Wala tuloy akong naging hot scoop para sa school organ natin. Ang masama pa nito, i-ni-report niya ako sa student's affair for invasion of privacy!" gigil na sabi ni Jay.

Ngayon lang niya nakitang nagkakaganito ito kaya naman takang-taka siya. Gusto tuloy niyang malaman ang totoong istorya. "Paano naman nangyaring kinuha niya ang mga negatives mo at inireklamo ng invasion of privacy? Kinuhanan mo ba siya ng pictures?"

"Hindi." asar pa rin na sagot nito.

"Eh ano?"

"Kinuhaan ko ng pictures sila Monty at Orly habang naghahalikan sa may field."

Napasinghap siya. Kilala niya ang mga sinabi nitong pangalan. Si Monty ay ang sikat na theater actor/actress na naging boyfriend ang sikat na quarter-back ng SBU na si Orly Diamond. Naging ka-love triangle ng mga ito si Ronnie at talaga namang pinag-usapan ng buong sangkinabartolomehan ang love story ng mga ito.

Maski siya ay kinilig. Sobra-sobrang kilig. Kaya naman nagtataka siya ngayon kung bakit imbes na sila Orly or Monty ang mag-reklamo ay si Ronnie ang nagsuplong sa kaibigan niya sa student affairs.

Lalo tuloy siyang naintriga.

"Eh bakit si Ronnie ang nagsumbong sa'yo?"

Naiiritang tumingin ito sa kanya.

"Ewan ko sa kanya. Basta nakita ko na lang na nanduon na siya sa likod ko. Itinakbo niya ang camera ko at pinagbantaan akong ire-report agad sa council kaya natahimik ako. I tried to get it from him so many times pero mabilis magtago ang mokong. Nang matiyempuhan ko siyang dala ang camera ko ay kasama niya si Monty. Nang makuha ko ang camera, hinabol niya ako, tapos pagbalik namin, ayos na si Monty at Orly. Nang makita ko ang negatives, exposed na! Nakakairita ang lalaking iyan! Sana kainin siya ng lupa." mahabang salaysay ng galit na galit na kaibigan niya.

"O tama na. Lumalaki ang butas ng ilong mo. Baka masinghot mo ako." pagbibiro niya rito.

"Tse!" singhal nito.

Nagtinginan tuloy ang mga nasa harapan nila sa ginawa nito. Nag-peace sign lang siya habang si Jay ay tuloy lang sa pagsimangot. Kiber sa mga nakatinging estudyante sa kanila.

Nagsimula na ang emcee sa pagpapakilala sa birthday celebrant. Walang iba kundi si Dalisay. Ang presidente ng teatro. Isa rin ito sa mga kilalang bading ng SBU. Actually, forty pecent ng population ng San Bartolome University ay nabibilang sa third-sex.

Ipinakikilala na ni Dalisay ang may kaarawan na busyng-busy sa pagpapa-cute kay Ronnie.

Ronnie, on the other hand is somehow lonely. It reflected to his handsome face. Sayang at gloomy ang hitsura nito kaya naman medyo hindi nabigyan ng justice ang suot nitong tuxedo ngayon.

Pero kahit gloomy at lonely ito sa make-shift stage ay all-eyes pa rin ang mga bading at babae dito. Why? Dahil naman napaka-gwapo pa rin nito. Isa ito sa mga out na silahis or bisexual ng paaralan nila pero hindi iyon nakasira sa popularity nito. Bagkus, dumami ang nagkakainteres dito.

Pero may napansin ang mga tao kay Ronnie. After his so-called intervention sa pag-iibigan nila Orly at Monty ay parang naging bugnutin at mainitin ang ulo nito. Contrast na contrast naman sa pagkakaroon nito ng maraming karelasyon. Grumpy? and at the same time Flirt? What a weird combination.

Subalit ang tsismis ay huwag lang daw babanggitin ang pangalan nila Monty at Orly rito kundi ipapahiya ka nito. Ilan na raw ang nagtangkang gawin ang pagpapaalala ng mga pangalang iyon dito at lahat ay mga napahiya at umiiyak na umalis sa tabi ni Ronnie.

Tsk Tsk! Mukhang biter ang isang ito. Sambit niya sa isip.

"Again, ladies and gentlemen and those in between. I give you, our birthday celebrator tonight, Freia Aragon. A big round of applause please."

Nagpalakpakan ang mga tao ng talagang napakalakas, kabilang na sila. Masaya sialng pumapalakpak ng may magsalitang atribidang babae sa harapan nila.

"Celebrator? Paulit-ulit na lang yang baklitang iyan sa salitang iyan. Mali kaya iyon." saka ito humahagikgik na nakipag-apir pa sa katabi.

"Oo nga. makapag-english lang." at nag-apir na naman ang dalawa.

Pinagtaasan niya ng kilay ang dalawang ito at may kung anong eksenang pumasok sa utak niya at tumayo para kunin ang atensiyon ni Dalisay na siyang emcee.

"Excuse me, Miss Dalisay." kaway niya rito. Napatingin ang mga hitad sa kanya.

"Yes, my dear?" sagot ng host.

"Ito kasing dalawang ito, mali raw ang celebrator na salitang ginagamit mo. Please enlighten them." nakita niyang nagtaasan ang kilay ng dalawang babaeng froglet.

"Eh totoo naman eh." sabad ng isa. Mukhang gorillang hindi papatalo.

"Hayaan mo na sila dear." awat ni Dalisay sa kanya ng akmang magtataray na rin siya.

"What's your name dear?" tanong sa kanya ng host.

"Earl po."

"Drop the "po"." Anyways, salamat. At kayong dalawa, to enlighten your poor and little brains, the term “celebrant” should only be used for a priest who performs a religious ceremony. Either way, both words are similar and can be used interchangeably. They are synonymous with each other.  Now, if you don't have any questions, kindly shut your mouth and let me do my job. Okay?" malumanay pero dama ang bawat bigat sa binitiwang salita ng emcee.

Napapahiyang nagyuko ng ulo ang mga tinamaan ng magaling at nagmamadaling pupunta raw kuno sa restroom.

Natatawang binalingan niya si Jay na hindi pa rin humuhupa ang inis.

"Ano ka ba friend? Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa dedbol yang isang iyan."

Nilingon siya nito.

"Iyon nga ang pakay ko eh. Ang mawala sa landas ko ang alaking iyan. Paki-

alamero siya."

gigil pa rin nitong sabi.


"Hay!"

"Anong "hay" ka diyan? Hindi mo ba ako susuportahan sa assasination plot ko

diyan sa damuhong iyan Earl?"


"Nakakaloka ka rin eh no?"


"Bahala ka na nga. Ako na lang ang gaganti sa mokong na iyan." sabi pa ni Jay.


"Ewan. Kung trip mong magpaka-serial killer sa isang iyan, bahala ka.

Ayokong dungisan ang kamay ko. Bagong cutics pa naman."


"Wala kang kwentang kaibigan!" sambit pa nito saka siya minartsahan paalis.

Dedma langsiya sa drama nito. Sanay na siya sa mga tantrums nito sa

buhay.


Nagkakasiyahan na ang mga nasa party. Salamat naman at walang pormal  

na programa para sa gabing iyon. Lumapit siya kay Freia at ibinigay ang

regalo nito. Hindi na nito kasama si Ronnie.


"Happy Birthday friend." aniya saka halik sa pisngi nito.

"Thank you friend. Sana di ka na nag-abala." tukoy nito sa regalo niya.

Ipinalagay nito iyon sa isang nagdaan waiter sa lagayan ng mga regalo.

"Ikaw naman. Minsan lang yan kaya abusuhin mo na."

"Okay." kibit-balikat na sagot nito.

"Uy friend ang gwapo ng escort mo ah?" kinikilig na sabi niya.

"Ha? Huwag kang masyadong ma-excite friend. Parusa niya lang iyan for

punching Monty."

bulong nito sa kanya.


"Huh?" gulat na sabi niya.


"Oo. Kasi nung nag-away silang dalawa ni Orly, aksidenteng nasuntok niya si


Monty ng umawat ito."


"Grabe naman." aniyang naloloka sa nalaman.


"Oo nga eh. Pero huwag mong sasabihin na alam mo ang nangyari kung bakit

siya naging escort ko ha. Baka jombagin tayo pareho nun."



"My lips are sealed." aniyang isiniper pa ang bibig kunwari.



"Good. Nasaan pala si Jay."


Nalukot ang mukha niya.


"Ayun, nag-babalak na patayin si Ronnie. Ewan ko sa kanya."


"Ha? Nababaliw na ba siya?"


"Exactly my sentiments! Para siyang tanga kanina sa pagtingin kay Ronnie,

kung may palaso lang yung tingin niya, tumimbuwang na ang lolo mo dito


ora mismo."


"Kaloka talaga yang si jay no?"


"Sinabi mo pa. Hmp!"


"O siya, magpapalit lang ako ng dress."


"Na naman?" natatawang sabi niya.


"Ikaw na mag-debut."





Napaikot na lang ang mata niya sa sinabi nito. Sa halip na bumalik sa lamesa


ay kumuha siya ng siang cocktail drink at pumunta sa may bandang sulok ng


malawak na garden.


 

Napapangalahati na niya ang iniinom ng may makitang bulto ng tao sa likuran niya. Matatakutin pa naman siya kaya nagulat talaga siya.


"Ay may multo!" sigaw niya saka karipas ng takbo.


Pero ang tangkang paglayo ay natigil ng hawakan siya ng multo sa braso at hilahin pabalik. Itinaas niya ang kamay at tinangkang patamaan ito ng kopitang hawak pero pinigil iyon ng isang kamay ng "multo".


Nagsisigaw siya ng "Multo! Multo!" ng matigilan siya.

"Shut up, fag!"

Hindi siya mahahawakan at masisigawan ng ganito kung multo ito. Minsan talaga pahamak ang slow niyang utak.

Pero nagsisisigaw pa rin siya. Naalala ang ginawa ng amain sa kanya.


"Huwag po! Kuya Huwag po! Huwag po!" tili niya.


"Oh shit!"

Naiinis na sabi ng estranghero. Siguro dahil sa sobrang lakas ng tugtog kaya walang

makarinig sa sigaw niya. Pero sa kabila nun, tili pa rin siya.


"Ayaw mo talagang tumigil ha."


Iyon ang huling sinabi ng lalaking may hawak sa kanya bago niya naramdaman ang paghalik nito sa kanya. He enclosed his mouth with his. Shutting him up in an instant.

Nanlaki ang mga mata ni Earl sa nangyayari. Pero hindi siya makakilos. Parang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Isa lamang iyong halik para mapatahimik siya and yet, he was so shocked. Parang may live wire na biglang idinikit sa kanya.

Gumalaw ang labi nito para sa isang malalim na apg-angkin. The stranger's moist lips made him quiver beneath the gentle contact. Nang mapagtantong nakikipaghalikan siya sa isang estranghero ay para siayng binuhusan ng malamig na tubig.

Itinulak niya ito.

At dahil doon, sa tulong na rin ng bahagyang liwanag ng buwan at ang iglap na pagtama ng ilaw dito ay nakilala niya ito. Napasinghap siya.

"R-ronnie?"

Natigilan ito.

And no one spoke for ages.


Itutuloy...


[02]
Chapter 2 (Kissing Cheat)

Hindi makapagsalita si Earl sa sobrang gulat ng makilala ang lalaking bigla na lang nanghalik sa kanya.

Correction! Hinalikan ka para patahimikin ka. singit ng isang bahagi ng isip niya.

"Okay fine, whatever!" di niya napigilang maibulalas.

"What?" kunot ang noo na tanong ni Ronnie.

"Ah.. ah- wala! Wala!" sigaw niya.

"Bakit ka naninigaw?" ganting sigaw nito.

Natameme siya.

Wala siyang maisip na sagot dito. Kung bakit kasi biglang nagrambulan ang tibok ng puso niya. parang dinaanan ng mga kabayo. Sinagupa ng buhawi at kung anu-ano pa para hindi maging normal ang tibok nito.

Sino ba naman ang mag-aakalang sa paghahanap niya ng katahimikan mula sa party na iyon ni Freia eh mauuwi siya sa pakikipaghalikan sa escort nito? Hindi normal yun di ba?

Ang alam lang niya, nagpunta siya doon para umiwas sa ingay. Malay ba niyang naroroon pala ang lalaking ito? Lalong kumabog ang dibdib niya ng limapit ito.

"Huwag kang lalapit." bakas sa boses niya ang pagkatakot dito.

Hindi yung klase ng takot na may gagawin itong masama sa kanya. In fact, its the other way around. Baka siya kasi ang may magawang hindi maganda dito. Baka mauwi sila sa X-Rated na eksena.

Asa!

Ipinilig niya ang ulo para iwaksi ang hindi magagandang isipin na pumapasok doon. Bakit ba ganito na lang ang epekto sa kanya ni Ronnie? Bakit siya nito hinalikan? Bakit naman siya nagpahalik dito? Ay ang gulo!

Nagulat na lang siya ng makitang nakalapit na ulit ito sa kanya. Mukhang ayaw gumana ng reflexes niya kapag nasa paligid ito. Nawawala ang self-control niya.

"Pwede na ba tayong mag-usap ng hindi nagsisigawan?" tanong ni Ronnie sa kanya.

"Ah? ah-eh... ano bang p-pag-uusapan natin?" Muntikan na niyang sampalin ang sarili sa pag-i-stammer niya. Syet!

"You seem to know me. Ilang beses mo ng sinabi ang pangalan ko. Samantalang hindi kita kilala." matiim ang tingin na sabi nito.

"Ako? Ay hindi, narinig ko lang ang pangalan mo sa paligid. Ikaw si Ronnie di ba? Iyon lang ang alam ko. Promise!" nakangiwi niyang sabi.

Alam niyang mukha na siyang tanga sa harap nito pero hindi siya aamin na kilala niya ang kumag. Ano siya, bale? Pagmumukhain niya lang na kasali sa mga hibang na hibang dito ang sarili niya. No way!

"Stop lying. Wala ring magagawa iyong maganda sa iyo."

"Huh? I'm not lying! I'm dying!" eksaherado niyang sabi.

"Huh? You're what?"

"Ah este, I'm dying to meet you. Ang gwapo mo pala, syet!" sabi nalang niya.

"Matagal ko ng alam iyan." tinatamad na sagot nito.

"Ah eh, ni-re-refresh ko lang."

"Ano pang alam mo sa akin?" hindi naniniwalang sabi ni Ronnie.

"Eh wala naman. Pangalan mo lang." pagkakaila niya.

"Are you sure?"

Nagtapang-tapangan siyang tumango. Hindi nagpatumpik-tumpik na sumagot pa siya. "Oo naman. Very sure!"

Humalukipkip ito. Diskumpiyado pa rin ang tingin sa kanya. Malikot pa rin ang mata niya at hindi makatitig dito. Ibinaba na lang niya ang basong wala ng laman na hawak niya mula pa kanina. Naiinis siya sa sarili dahil sa reaksiyon niya rito. Hindi naman makatarungan siguro na ganoon na lang ang reaksiyon niya sa isang ito. Samantalang mukhang cool lang si Ronnie habang nakatitig sa kanya.

Nanunuri. Nanunuot.

Hindi tuloy niya maiwasang panginigan ng laman. Iba ang kilabot na dulot ng tingin nito sa kanya. Wala siyang ideya kung paano nangyayari iyon. Ito na ba ang tinatawag na Fatal Attraction?

Napabugha siya ng hangin sa frustration. Nasa ganoon pa rin siyang pagmumuni-muni ng itaas nito ang mukha niya.

Natilihan si Earl. Gumapang ang kilabot sa buong sistema niya. Nagsimulang maglandas ang mainit na bagay mula sa dibdib niya pababa sa kanyang tiyan. Pinagpapawisan siya kahit pa malamig ang gabi. Ilang beses siyang napalunok.

"Paanong hindi ako makapaniwalang nagustuhan ko ang halik mo kagaya ng hindi ko mapaniwalaang wala kang alam tungkol sa akin at sa buhay ko?"

Syet!!! Anong sinasabi nito?

"Ah... ah... eh... baka kasi my lips are sweet?"  Hala! Anong klaseng tanong iyon?

"Maybe. Maybe you're right."

Wala na siyang maapuhap na sasabihin ng bumabang muli ang labi nito patungo sa kanya. Hindi siya makakilos sa kinatatayuan. Samantalang sa mga oras na ito ay hindi siya nito hawak sa kamay. Hindi siya nito pinipigilan.

In short, bakit feeling iya ay ayaw niyang tumakas? Samantalang kanina, ayaw niyang lumapit ito sa kanya.

"R-ronnie..."

Napigil ang anumang sasabihin niya sa muling paglalapat ng labi nila. It was a  soft kiss. Yet he shivered in delight. And it was as if they were floating. Wala siyang maramdamang lupang tinatapakan. Ganun ba talaga ang epekto ng halik nito sa kanya? And why in the world is Ronnie kissing him like that?

Inilapat niya ang kamay sa malapad na dibdib nito. Perhaps to push him. Pero walang ginawa ang talipandas niyang kamay. Kusa lang itong nanatili doon. And Earl was sure as hell that Ronnie's heartbeat and his were almost the same.

The kiss deepened. Hindi na ganun kasuyo. It was urging him to respond. To feel his need. His want. At lalong nagpatindi ng pagkalito niya ay ng hapitin ng isang kamay nito ang baywang niya para magkadaiti ng tuluyan ang mga katawan nila. And Earl was so shocked to realize one thing. Ronnie's aroused. At hindi iyon kayang pasubalian ng manipis na tela ng slacks nitong suot.

Natatarantang kumalas siya dito bago humihingal na nagsalita.

"R-ronnie!"

Nakamata lang ito sa kanya. Desire was still evident in his soulful eyes. Bagama't madilim, nakikita niya ang kislap ng mata nito sa mapusyaw na liwanag ng buwan. Ilang beses siyang napalunok. Posible bang isipin na mamaring magkaroon ng atraksiyon ang dalawang tao sa unang pagkikita? Hindi kapani-paniwala pero iyon ang tingin niya sa nangyayari.

"I- I, I have to go..." tarantang wika niya. Unable to think straight. Tinahak niya ang daan pabalik sa lamesa nila ng kaibigang si Jay. Naroroon na ito at masama pa rin ang timplada.

"Saan ka nanggaling?"

Nangangambang tumingin siya rito. Nag-aalalang baka makita nitong halos namamaga pa ang bibig niya sa pakikipaghalikan. Gosh! Never pa siyang nagkaroon ng ganoong engkwentro. Hindi si Ronnie ang first kiss niya, pero ito ang unang nagbigay sa kanya ng samu't-saring reaksiyon ng dahil lang sa isang halik.

"Ah.. eh.. diyan lang f-friend." nauutal niyang sagot.

Nangunot ang noo nito. Nahalata yata ang hindi niya magandang kalagayan.

"Are you okay, Earl?"

"Huh? Oo naman! I'm okay!" high-pitched niyang sabi.

Jay smirked. "Mukha nga. Soprano ka na naman eh."

Natatawang tinampal niya ito. "Ikaw talaga. Wala yun. Okay lang ako. Alam mo namang frustrated singer ako di ba?" pakengkoy niyang sabi. Hindi niya alam kung ito ang kinukumbinsi niya o ang sarili niya. Either way, sana mag-work iyon para mapaniwalaan siya nito.

"Saan ka ba galing?" tanong ulit nito.

"Huh? Diyan lang. Nagbura ng kalawang."

"Ewan. Maganap ka ng kausap mo."

"Fine. Okay lang ako? Oo naman okay lang si ako." pakikipag-usap niya sa sarili.

Napatirik na lang ang mata ni Jay. Hustong nagbulanghit ito ng tawa na sasabayan niya sana ng may magsalita sa likuran niya.

Isang boses na kilalang-kilala niya.

"So you are friends with this low-life invader of privacy."

Napalingon siya dito ng wala sa oras. Si Jay naman ay tila agilang handa ng manila. Pero hindi niya gustong magkaroon ng eksena sa pagitan nito at ng kaibigan niya. Lalo pa sa party ng isa pa nilang kaibigan.

"And I didn't know na kilala mo ang walang kwentang camera-grabber na iyan!"

Oh my God! Anong nangyayari?

Batid na niya ang gulong maaaring maganap kaya gumitna na siya. Actually, kanina pa niya napapagitnaan ang mga ito.

"Hey! Hey! Walang gulo please? Jay, wag muna ngayon, kung gusto mo siyang gantihan huwag dito. Mahiya tayo kay Freia. At ikaw, Ronnie..."

"What?" malamig na asik nito sa kanya.

"Ah... Please, escort ko di ba? Baka mapahiya sila Monty sa'yo."

Patay! Me and my big but beautiful mouth!

Dumilim ang mukha nito sa sinabi niya. Nagtaas baba ang adams apple nito. Mas gusto pa niya kanina na tahimik lang ito, hindi iyong ganitong tahimik nga pero parang yelo naman sa kalamigan ang titig sa kanya.

"R-ronnie..." halos utal-utal niyang sabi.

"Huwag mo siyang pansinin friend. Kung bitter siya, kasalanan niya yan." maanghang na sabi ni Jay.

"Jay please..." nanginginig na sa takot niyang sabi.

"Ewan! Magsama kayo!" nagwo-walk-out na sabi ulit nito!

Hinabol na lang niya ng tingin ang kaibigan niya. papaki-usapan na lang niya ito mamaya. Parang nakahinga siya ng maluwag ng umalis ang kaibigan pero parang hindi rin dahil naiwan siya sa malalamig na tingin ni Ronnie.

"Ah... Ronnie..."

"You know what? Last thing I need now was a kissing cheat. Ayoko ng sinungaling. Ayoko sa mangloloko." malamig nitong sabi pero dama niya ang bigat ng kalooban nito sa mga salitang iyon.

"R-ronnie..."

Tumalikod na ito at naiwan siyang tigagal.

What went wrong? Kanina lang magkahalikan sila ah? Bakit ngayon galit na ito sa kanya? Ang gulo! Rewind! Rewind!

Nanlulumong napaupo siya sa stool na katabi ng lamesa nila. Napapa-iling. Nagtatanong kung bakit ganun ang kinahinatnan ng mga pangyayari.

Pahamak talaga ang bibig niya kahit kailan!


KINABUKASAN...


Kagaya ng kagabi, mabigat pa rin ang mata ni Earl pagpasok niya sa SBU. Napuyat kasi siya sa pag-iisip sa tinamaan ng magaling na Ronnie na iyon. Walang makapasok na ibang eksena sa isip niya kundi ang nangyari sa pagitan nila lalo na yung intimate moments na pinagsaluhan nila.

Naka-shades siyang pumasok. Alas-otso na nun. Irregular ang schedule niya bilang Nursing student.  Marami kasi siyang racket. At ang kalahati ng tuition niya ang binabayaran niya. Minsan, nauuwi pa iyon sa pangungutang kay Freia kapag inaabot ng malas. Buti na lang, his friend is more than willing to help.

Nasa pagmumuni-muni siya habang naglalakad papasok sa campus ng makaramdam siya na parang may matang nakamasid sa kanya.

Iginala niya ang paningin. Mali pala ang hinala niya. Mga mata pala!

Lahat ng mga estudyante sa campus ay nakatingin sa kanya. Hindi niya maunawaan kung bakit pero parang may hindi tama sa nangyayari. Yun bang feeling na everybody seem to know something at siya lang hindi nakaka-alam.

Nagpatuloy siya sa mabagal na paglalakad. taking all the time in the world. Alas-nueve pa naman ang pasok niya. maaga lang siyang pumasok dahil na rin sa bumabagabag sa isip.

Nasa kasarapan siya ng paglalakad ng may humarang sa kanyang daraanan. Napatitig siya dito sa loob ng kanyang shades.

Ang dalawang hitad from last night!

"Hello Earl!"

Napataas ang kilay niya sa malangising-demonyo na pagbati ng dalawang ito sa kanya.

"Hi?" Chummy ba tayo? idudugtong niya sana but he opted not to.

"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Nakakaka-irita ang ngising-aso ng isang mukhang orangutan na dinamitan. Naka-hanging blouse pa ito, malaki naman ang puson.

Feeling sexy ang bruha!

"Malamang! Ikaw ba naman ang may magandang eksena kagabi." nakakalokong sabi naman ni Miss Chimpanzee na mukhang sasali sa Touch The Color game. Makulay ang suot nito. As in. From toe to toe, este, head to toe.

Natigilan siya bagamat may ipinaskil na ngiti sa mga labi. Kinutuban siya agad.

"Hmm... ano bang sinasabi niyo girls?" kunwari ay tumingin pa siya sa relos to emphasize na sinasayang nito ang oras niya.

"Well, gusto ka lang namin i-congrats sa kissing scene niyo ni Ronnie kagabi." nakangisi si Miss Orangutan.

"Oo nga. Goodluck girl. Sana di ka ipahiya ni Ronnie." sabi naman ni Miss Chimpanzee.

Namutla siyang bigla. Pero hindi nawala ang ngiti.

Naka-alis ng lahat ang dalawang bruha sa harap niya ng mag-sink in ang sinabi ng mga ito.

Gosh! Nakita sila ng mga ito na naghahalikan ni Ronnie!

Muli niyang inilibot ang paningin sa buong campus. Everybody is wearing a mischievous grin. Natatarantang tinahak niya ang building nila.

Great! Now everybody knows I made out with Ronnie last night. Thanks to those nasty bitches!

Nasa ganoon siyang estado ng may humagip sa isang braso niya. Dahilan para mapasubsob siya sa isang matigas na bagay. It was a hard chest of a man. As massive ar rock of Gibraltar.

"And where do you think you're going?" anang may-ari ng dibdib.

Double shit!


Itutuloy...


[03]
Chapter 3 (Caught in the act)

Halos mahilo si Earl sa pagbangga niya sa katawan ni Ronnie. He was wearing his uniform and he looked very regal on it. Para itong prinsipe imbes na estudyante. Nakakapnlambot ng tuhod ang kakisigan nito. Kahit pa ayun na naman ang forever ng kunot sa noo nito.

But that doesn't made him less attractive. In fact,  lalong nakadagdag iyon sa sangkatutak ng appeal nito. Walang halong eksaherasyon. Pawang katotohanan lang.

"R-ronnie?" nanlalaki ang matang sabi niya.

Bigla ang pagsasal ng tibok ng puso niya. Natakot tuloy siyang marinig nito iyon sa sobrang proximity nila. Tila napapasong lumayo siya rito, but he held his right arm captive.

"Bitiwan mo ako." matigas na sabi ni Earl.

Hindi niya alam kung ano ang problema nito at ang aga-aga eh pinepeste siya. Napestehan na nga siya duon sa dalawang kamag-anak ng kaibigan ni Dora the Explorer. Nakakainis na ha! Teka! Baka...?

Tiningnan niya sa mata si Ronnie at nakita niya ang galit sa mga iyon. Bigla siyang natuyuan ng laway. Feeling niya, uhaw na uhaw siya. Hindi sa tubig o kung ano pa man. Basta. Uhaw siya.

"R-ronnie! Ano ba?" singhal na niya rito. Pilit pinakakalma ang nanginginig na tinig.

"Nag-enjoy ka ba kagabi at ipinagkalat niyo agad ng kaibigan mo ang tungkol sa halikan natin?" bakas ang galit sa tinig nito bagaman mahina ang pagkakasabi.

"Wala akong alam diyan!" Earl said defiantly. Slightly raising his chin to give emphasis to his point.

"Walang alam? Eh ito nga at kalat na kalat na sa buong campus ang ginawa natin kagabi!" bahagyang bulyaw pa nito.

"Don't get too confident Mr. Alfonso! Hindi porke't magaling kang humalik ay ipagkakalat ko agad ang bagay na iyon."

"See? Sa iyo na mismo nanggaling..."

"Anong sa akin nanggaling?" singhal niya. Salamat at galit na siya kaya naging diretso na ang takbo ng tinig niya.

"Na magaling akong humalik." Ronnie, the brute he is, just raised his eyebrow. "Sapat ng dahilan para ipagkalat mo. Ibig sabihin nag-enjoy ka." he added then smiled cockily.

"Hah! Some nerve you got! Hindi ka lang pala bitter no? Mayabang ka rin. Nuknukan ka ng yabang! Bitiwan mo ako!" sumisigaw ng sabi niya.

Napatingin ito saglit sa paligid. Maging siya rin. At iyon nga, nagsisimula na silang makakuha ng atensiyon. May curious. May nakataas ang kilay. At meron ding nagtatawa.

"Come with me." biglang sabi ni Ronnie sabay hila sa kanya at hindi na siya binigyan ng pagkakataon na makatanggi pa.

Nang makarating sila sa may bahagyang secluded na lugar ng campus ay saka siya binitiwan nito. Sa sobrang higpit ng hawak nito ay namula iyon ng husto. Halata sa kanyang napakaputing kutis. Bahagya rin iyong nananakit kaya hinilot niyang kaunti.

"Salamat ha!" sarcastic na sabi niya habang nakayukong hinihilot ang bahagyang nasaktang braso.

Nagulantang ang bong sistema niya nang hawakan nito ang kaniyang braso na namumula. Hindi siya agad nakakilos dahil sa masuyong paghilot nito doon. Kahit balak niyang bawiin ang kamay ay tila nawalan siya ng lakas. Paano pa niya gagawin iyon ganoong nagbagong bigla ang pakikitungo nito sa kanya.

Natitilihang tiningnan niya ang mukha nito. Nakatitig ito sa braso  niya na tila ba mawawala ang pamumula nun sa ginagawa nito. Bakit ganon? Syet!

This man never fail to amaze him. One minute he's arrogant and grumpy, the other he's sweet and caring. Shucks! At pareho niyang gusto at hindi kayang pakitunguhan ang papalit-palit nito ng emosyon. Paanong nangyari iyon?

"Masakit pa ba?" nagulat pa siya sa biglang pagsasalita nito.

Bigla niya tuloy binawi ang braso at sa natatarantang boses ay nagsalita. Pakiramdam din niya ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha at sobrang pula na ng mukha niya.

Gosh! He caught me ogling him!

"Earl..." Ronnie almost whispered his name. And it was like music to his ears.

"R-ronnie... o-okay lang ako."

"Good." biglang sabi nito.

Gone was the sweet gesture. Balik na naman ito sa gloomy at aroganteng side nito. Napapa-roll eyes na lang siyang tumingin dito.

"Ronnie. Let me just get one thing clear. Okay?"

Nakatitig lang ito sa kanya. Waring naghihintay ng sunod niyang sasabihin and that urged him to continue.

"Wala akong pinagsabihan ng nangyari sa atin kagabi. Infact..." hinubad niya ang shades na suot. "Hindi ako halos nakatulog ng dahil doon." at napakagat siya ng labi. Halos gusto niyang batukan ang sarili sa ginawang pagtatapat.

Nang tingnan niya ito ay nakita niyang halos naka-angat ang sulok ng labi nito. As if he was suppressing a... smile? Halos maloka siya sa ginawang pag-amin tapos tatawanan siya nito?

"Stop smiling!" naiinis na sabi niya.

"Sinong nakangiti?" Ronnie asked innocently.

"Ah... wala... wala..." halos di siguradong sabi niya. Guni-guni lang nga siguro iyon.

"Okay. Now, about the kiss..."

Bigla siyang nataranta. "Mga halik Ronnie." pagtatama niya sa maayos na tinig. Wala sa loob ang pagtatamang iyon pero gusto niyang i-congratulate ang sarili sa pagiging kalmado ng boses niya kahit pa nangatal bigla ang tuhod niya sa sinabi nito.

"Yes. Plural nga pala. Those kisses. Paanong nalaman iyon nila Daphne at Panky?" tanong nito.

Nangunot ang noo niya sa binanggit nitong mga pangalan. Parang nahulaan naman nito ang problema niya ng mga oras na iyon.

"Iyong dalawang humarang sa iyo kanina. Sila Daphne at Panky iyon."

Nanlaki ang mata niya sa nalaman. Hindi dahil sa pangalan ng dalawang pangit na iyon. Kundi sa kaalamang Ronnie has been watching him since he entered the school premise.

His mouth formed an "O" to say something but decided against it. Ayaw niyang lumabas na mayabang. Mamaya mali pa ang assumption niya.

"So paano nila nalaman?" tila naiinip ng tanong ni Ronnie.

Inayos muna niya ang sariling damdamin na gulong-gulo na sa mga oras na iyon bago nagsalita. "I don't know. Promise. Nagsasabi ako ng totoo."

Ayun na naman ang nanunuot na titig nito. Wala siguro itong ideya na nagkakaroon ng welga sa buong sistema niya ng dahil lang sa mga titig nito. Samu't-saring damdamin na na hindi niya mapangalanan ang bigla na lang sumisibol sa puso niya.

"Please... don't make an issue out of it. Hindi naman nila kayang patunayan na ako nga ang nagkalat eh."

"At ikaw rin." wika nito.

Natameme siya. Oo nga naman.

Frustrated siyang tumingin dito. "Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala ka? Nagsasabi naman ako ng totoo. Saka..." tumingin siya sa relo. Alas-otso kwarenta y singko na! Malapit ng magsimula ang first class niya. "...male-late na ako."

Tumikhim muna ito bago nagsalita.

"Simple alng ang solusyon ko dito Earl." walang emosyong sabi nito.

"Ano?"

Ngmiti ito ng bahagya and his heart almost skipped a beat. Mistulang lumiwanag ang buong kapaligiran kahit pa maliwanag naman talaga. Parang mas kuminang.

"Be my guy."

Para siyang biglang nahilo sa sinabi nito. "W-what?"

"I said, be my guy. Let's be an item." balik na naman sa pagiging seryoso ang mukha nito. Muntik na tuloy niyang kumbinsihin ang sarili na nananaginip lang siya when Ronnie flashed him his precious smile.

"Are you in drugs?" sa halip ay tanong ni Earl dito.

"No."

"Are you insane?"

"No. Are you?" balik tanong nito.

"Of course not!" he said indignantly. His nose suddenly flared and in protest turned red  with mortification at this irreverent piece of mimicry.

Sa lahat ng ayaw niya ay iyong ginagaya ang sinasabi niya at pinaglalaruan  siya. Hindi kayang itolerate iyon ng kakaunti lang na powers niya.

"Go to hell Ronnie." Earl said hissing.

Nagtaas lang ito ng kilay g-habang pigil na pigil niya ang sariling bulyawan ito at paulanan ng mura. kung anu-anong expletives na ang pumapasok sa utak niya para lang dito. Nakakainis na talaga ang lalaking ito!

"Hey, don't get so mad. Kunwari lang naman. Ikaw lang din ang iniisip ko." sabi ni Ronnie.

Bigla siyang naguluhan. Ano raw?

"At paanong ako ang naging concern mo? Kailan ka pa natuto niyan?" naiinis na sabi niya.

"Actually, I'm not sorry I kissed you last night. You know I did that to shut you up. Pero nahihiya ako sa ginawa ko." saad nito.

Napamaang siya ng tuluyan. Yun na ang pinakamahabang pangungusap na narinig niya rito. Siguro, dahil nakatanga lang siya rito ay nagpatuloy na lang itong magsalita. Which is way better for him. Speakless pa kasi siya. Pramis!

"I don't want you to think na pinagsasamantalahan kita kagabi. Hindi ko ugaling manghalik na lang ng basta-basta ng maiingay kahit pa napakaraming maingay sa paligid ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ko nagawa iyon."

There. Ang paliwanang nito sa nangyari kagabi. Hindi lang pala siya ang naguluhan. Buti naman. Pero teka? He's not sorry daw for kissing him. Oh la la!

Hindi pa rin siya sumagot agad dito dahil parang may pakiramdam siya sa kakaibang kislap ng mata nito habang nagpapaliwanag kanina. Parang nanduon pa rin ang pagnanais nitong hagkan siya ulit sa mga sandaling iyon. And in his heart of hearts, he really wished thta Ronnie would.

Ambisyosa! Tili ng isang bahagi ng isip niya.

"Let's... forget about it." sa wakas ay sabi niya. Para bang ang ginawa nitong paghalik ay isang kaswal na bagay na ginagawa nila sa araw-araw.

Ipokrita!

"At kalimutan mo na rin ang offer mo. Kaya kong harapin ang tsismis. I'm sure kaya mo rin iyon." aniyang humanda ng talikuran ito.

"Not so fast." pigil nito sa braso niya.

Tingnan niya ang braso niyang hawak nito. Parang napapagod na siyang makipagtalo rito. Paulit-ulit na lang sila eh.

"Let go, Ronnie." he said in a very soft voice.

"I won't. At hindi ko gustong kalimutan ang mga iyon."

Napatitig siya rito. Na isang pagkakamali dahil malapit lang pala ang mukha nito sa kanya. His fresh breath fanning his face. Earl felt his cheeks turned red. Pero hindi siya umiwas at sa halip ay nakipagtitigan pa rin dito. He felt a delicious tingling on his spine.

Nanatili lang sila sa ganoong ayos sa tila napakahabang sandali. None of them dared to break the eye contact. As if it was their lifeline.

Kaya naman namangha siya ng abutin ng isang kamay nito ang kanyang batok para kabigin siya at muli, sa ikalawang pagkakataon ay hingkan siya nito.

It was a demanding kiss. No, a tender one. No, demanding! No! It was delicately persuading! Nalilito na siya! Hanggang sa kusa ng huminto ang utak niya sa kung ano ang dapat i-expect at itawag sa halik na iyon.

But he responded to Ronnie's kisses with pent-up longing. Na tila ba ito lang ang makapagtitighaw sa kanyang uhaw na nararamdaman sa loob ng mahabang panahon.

Tumaas ang kamay niya sa ulo ni Ronnie at idiniin ng husto ang mukha nito sa kanya. Ipinagapang rin niya ang mga daliri sa buhok nito that made him groan almost aloud.

Ronnie made a guttural sound of approval the kiss deepened. Narinig rin ni Earl ang sariling daing. Sa wari ba niya ay huminto ang oras ng mga sandaling iyon dahil sa walang katapusang halik na namamagitan sa kanila. And he didn't eve want it to stop.

Until they heard a clicking sound and saw a flash.

Napatigil sialng pareho at hinanap kung saan iyon nagmula.

"Nice shot!" sabi ng may-ari ng tinig na gumambala sa kanila.

"Jay!"

"Ikaw?"

Magkapanabay pang sabi nila ni Ronnie.

Itutuloy...



[04]
Chapter 4 (Hot and Cold)

Galit na galit si Earl sa kaibigang si Jay habang nasa klase siya. Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak nito at kinuhanan sila  nito ng picture ni Ronnie habang naghahalikan. At siya namang sira-ulo, nagpapahalik, in broad daylight!

Naalala niyang bigla ang pakiramdam niya habang naghahalikan sila ni Ronnie. Feeling niya nangangapal pa ang labi niya dahil duon. At ang tibok ng puso niya, hindi pa rin normal hanggang ngayon.

Could it be that he was falling in love with Ronnie? That fast? Nang dahil lang sa tatlong halik na iyon? Parang imposible naman yata.

Napa-iling na lang siya ng maisip niya ang posibilidad na iyon. Pero may sumisingit na isa pang paalala sa kanya. Kilala kasi niya ang sarili. Katulad din siya ng ibang mga bakla. May tendency siyang ma-inlove agad or ma-misinterpret ang mga sweet gestures ng isang lalaki at ipagkamali iyon sa pag-ibig.

Maaari rin naman kasing trip-trip lang ni Ronnie ang halikan siya.

Hindi ba at dito na rin naman nanggaling na maski ito ay hindi alam kung bakit gustong-gusto siya nitong halikan?

Ganda!

And to make matters worst, inaalok siya nitong maging kunwari-kunwariang boyfriend. Hindi siya makapniwala sa absurdity ng ideya. Sure siya na maraming magpapakamatay para alok na iyon ni Ronnie, baka nga totohanin pa ng ilan iyon kung sakali. But the motive was not clear to him until it hit him.

Tama!

Gusto siya nitong gamitin for a show! All for Monty and Orly's eyes. Napangiti siya ng mapakla. In fact, parang pumakla nga rin ang panlasa niya.

So, ang kapalit ng mga halik na iyon ay maging sila para may maiharap ito kina Monty at Orly at lumabas na naka-move on na ito.

Kung hindi ba naman bitter ito ay bakit nito gagawin iyon.

Natuwa na sana siya eh, magiging sila. Pero wala na sanang ganoong eksena. Kung gusto siya nito, yun lang dapat ang dahilan. Wala ng iba pa. Hindi pa man siya sigurado na iyon nga ang katotohanan sa likod ng alok nito ay sumama na agad ang loob niya.

Arte mo! Bakit ka nagkakaganyan? As if naman may feelings din sa'yo si Ronnie.

Din?

Oh my God! Iyon na nga ba ang sinasabi niya. Mukhang tinamaan na siya kay Ronnie. At kailangan niyang ma-confirm iyon. Pero paano. Napahilamos na lang ang kamay niya sa mukha sa frustration.

"Is there anything wrong Mr. Lacsamana?" ang tinig ng professor nila.

Bigla tuloy siyang napatingin sa harapan. Oo nga pala, nagdi-discuss nga pala ito tapos heto siya may sariling discussion sa isip.

"Ah... no Sir." aniyang pilit pang ngumiti para itago ang tunay na nararamdaman.

"Are you sure?" kunot ang noong tanong nito.

Mabilis siyang sumagot. "Yes sir. Please continue."

Mukha namang nakumbinsi ang professor nila kaya nagpatuloy na ito sa dinidiscuss. Siya naman, pasimpleng nilinga ang paligid para mga kaklaseng maaaring may questioning looks na taglay. Napabugha siya ng marahan ng makitang wala naman. Napilitan tuloy siyang i-focus ang atensiyon sa nagkaklaseng guro.

Lutang ka kasi!

Hindi na siya nakipagtalo pa sa isipan niyang kakambal yata ni Braguda sa pagiging kontrabida at baka humaba pa ang usapan. Masasabunutan lang niya ang sarili at baka lalo siyang mabaliw sa paningin ng mga kaklase at guro.

Maya-maya lang, nagtagumpay naman siyang magconcentrate muna sa subject at di niya na namalayang wala na sa isip niya ang nangyari sa kanila kanina ni Ronnie.


LUNCH BREAK


Kaka-text lang sa kanya ni Freia at nagsabing sasabay raw ito sa kanyang mag-lunch. Parehas kasi ang vacant period nila nito. isinilid niya ang Nokia 3210 sa bag at naghanda ng umalis ng room. Nasa may gitna na siya ng classroom nila na kapag ganoong oras ay may kaingayan pa rin dahil ang ilan sa mga kaklase nila ay nagtitipid at doon kumakain ng bila iyong tumahimik.

Parang biglang naging ghost town at ng iligid niya ang paningin ay nakatumbok lang sa iisang parte ng kwarto ang mata ng mga ito. Nang tingnan niya ang sentro ng pagiging tahimik ng mga kaklase niya ay naloka siya ng husto.

There he was. The man who easily troubled his central nervous system. Mukhang magkakaroon siya ng sakit sa puso kapag nagpatuloy ang ganoong klaseng reaksiyon niya rito.

Napaka-gwapo nito sa suot na uniporme. Contrast sa all-white niya na uniform ang off-white polo baraong nito at gray slacks. Naka-ayos ng parang sadyang ginulo ang may kahabaan nitong buhok.

As an Engineering student, he exuded an aura of male sophistication. Very brusque features but oozing with sex appeal. Ang forever na yatang nakakunot nitong noo ang lalo pang nagpadagdag ng bentahe nito. Wala itong paki-alam sa wanting, questioning at curious looks ng mga tao sa paligid. Basta lang itong nakatingin sa kanya.

Eat your hearts out ladies and gays!

Pero nirendahan niya agad ang sarili. Hindi siya pwedeng basta na lang magpadala sa kilig niya. Bigla niyang naalala ang naisip niyang posibleng dahilan kung bakit siya inalok nito na maging sila kunwari. Pinilit niyang maging seryoso ang mukha kahit pa gustong-gusto niya na magta-tumbling na lang sa kilig.

Echozera! Eh ano ngayon kung kunwari lang na maging kayo? At least you have a hottie for a pretend-boyfriend!

Ipinilig niya ang ulo at pilit iwinaksi ang katotohanan sa sinasabi ng isip.

"Anong ginagawa mo rito Ronnie." gusto niyang palakpakan ang sarili sa pagiging kalmado ng boses.

Lumapit ito sa kanya. Nakarinig siya ng pagsinghap. Ewan niya kung sino iyon pero parang OA naman ang mga ito. So what kung lumapit si Ronnie sa kanya? Imposible bang mapaglapit silang dalawa? Pinilit niyang huwag sumimangot.

"Are you ready?" tanong nito.

Nangunot ang noo niya.

"Ready saan?"

"Para mag-lunch. Tara na, gutom na ako eh." anito na ikinabigla niya. Hinila siya nito agad sa kamay.

Wala silang usapan nito! At si Freia ang kasabay niyang magla-lunch. Pasimple niyang binawi ang kamay. Nilingon siya nito. Boring his expressive eyes on him. Biglang parang bet ng puso niyang sumirko na lang at lumabas ng ribcage niya.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"May usapan na kami ni Freia na magla-lunch together." aniya saka ito nilagpasan.

Akala niya ay hindi na siya nito susundan dahil hindi naman ito sumagot agad kaya naman laking gulat niya ng akbayan siya nito. Nanigas ang buong sistema niya. Nasa may corridor na sila at wala masyadong estudyante pa.

"R-ronnie..." aniyang tiningala ito.

"What?" salat sa emosyong sabi nito.

"Ang b-bigat ng braso mo."

Ngek! Mali! Mali!

Tumigil ito. Niyuko siya saka nagsalita.

"You have to know that I don't take no for an answer."

Ha? Ang layo naman ng sagot nito.

Earl looked at Ronnie incredulously. Ano ang pinagsasasabi nito?

"Don't give me that look Earl. Alam kong nagtataka ka sa sinasabi ko."

Naiiling na lang nagsalita siya. "If I remember it right, you didn't ask me anything. Now you're telling me that you don't take no for an answer. What's the question anyway? And what's with you Ronnie Alfonso?"

Again. Iyon lang ito at tiningnan lang siya ng maigi. Hindi niya tuloy alam kung ang kausap ba niya ay ipinaglihi sa pader. Wala siyang makuhang emosyon dito kahit talak na siya ng talak.

"I asked you if you're ready." sagot lang nito.

"Yeah, I remember that. Kanina."

"So there, I asked you if you're ready to have lunch with me."

Napanganga siya. Hindi kaya!

Gigil na nagsalita siya. "Wala kang sinasabing ganyan. Huwag mong isipin na kaya kong hulaan lahat ng sinasabi mo. Hindi ako marunong umintindi ng mga katulad mong alien yata mag-isip!"

Tumaas lang ang isang kilay nito.

"Diyos ko naman Ronnie. Pwede ba? Huwag mo akong pag-trip-an. Maawa ka naman sa akin. Bakit mo ba ako ginugulo?"

Biglang dumilim ang mukha nito. Nag-isang linya ang labi. Natakot na naman siya. Nagiging grumpy na naman ito.

"Iyon ba ang tingin mo sa ginagawa ko sa'yo? Ginugulo kita?" malumanay pero hindi maipagkakamali ang panganib sa tono nito at... sakit?

"Ha... eh... Hindi ah. Nagbibiro lang ako Ronnie. Ikaw naman di na mabiro!" tinampal pa niya ito sa dibdib para mapaniwala itong nagbibiro lang siya.

"Earl... pwede bang maging totoo ka sa akin?"

"Ha? Ako? O bakit, peke ba ako para sa'yo?"

"That's not what I mean."

"Eh ano?" nagtataka na niyang tanong. Nagbago na naman kasi agad ang timpla nito. Para itong bata na may gustong malaman talaga.

"Am I a bad person?"

He was taken aback by the question. Hindi niya akalaing sa lahat ng mga tao na naririto sa campus ay siya ang tatanungin nito ng ganoon.

"Ha?" parang engot lang na sabi niya.

"Am I a bad person?" ulit nito.

This time, literal na nanglaki ang mata niya. Hindi sa takot kundi sa pagkabigla. Ibang Ronnie na naman ang kaharap niya. And he was showing him his insecure side. Uncertain of everything. Vulnerable. So this toughie wasn't really that tough at all. Nagkaroon tuloy siya ng biglaang desisyon.

"No." maiksing sagot niya.

Tumitig ito sa kanya. With those eyes full of uncertainty. "Are you sure?"

"Yes." aniyang nakangiti.

"Then why won't you have lunch with me?"

Napawi ang ngiti niya. "Ah, kasi, napa-oo na ako kay Freia. Baka nga naghihintay na yun sa canteen."

Tumingin ito sa relos na suot.

"Earl, siguro naman. You won't mind kung sasabay ako sa inyong kumain?"

"Ha?" nabibiglang sabi niya.

"Wala kasi akong kasabay. And for the longest time, since nag-aral ako rito sa SBU, wala akong naging kasabay mag-lunch. All the girls and the gays in this campus maybe swooning over me but they won't dare to share a table with me." malungkot na sabi nito.

Nasaling na naman nitoa ng protective instint niya. Ang kakayahan niyang maging tagapag-aliw ng mga nalulungkot.

"Siguro kasi natatakot sila sa'yo?" sabi niya dito.

"Hindi naman ako nakakatakot ah? Mukha ba akong aswang?"

Ngumiti siya sa inosenteng tanong nito. Niyuko niya ang bag at may kinuhang isang bagay at iniabot dito.

"Here. Tingnan mo kung bakit." alok niya rito ng salamin.

"Ha?" anitong nagtataka.

"Go ahead. Tingnan mo kung bakit ka nila kinatatakutan." udyok niya rito.

Hesitant nga nitong itinapat sa mukha ang salamin.

"Okay." sabi niya. "What do you see?"

"My handsome face?" painosenteng sagot nito.

"Yabang. Bukod doon?" natatawang sabi niya.

"Still, my handsome face."

"Tse." sabay irap niya rito. "Okay, smile ka while facing the mirror."

Ngumiwi ito.

"Ngiti Ronnie, not ngiwi. Smile, from the heart!"

And he did smile. Parang lumiwanag ang paligid dahil doon.

"W-what do you s-see?" mesmerized niyang tanong.

"Ang gwapo ko pa ring mukha and my clean teeth." anito na balik sa pagiging seryoso.

Salamat sa kakayahn nitong amgpalit-palit ng emosyon sa isang iglap at nakawala siya sa trance-like na estado ng ngumiti ito.

"Ewan ko sa'yo. Amin na nga yan." sabay agaw niya sa salamin saka ito basta na lang isinuksok sa bag.

"Inuuto mo lang yata ako kanina eh."

Huminga siya ng malalim. "Ronnie... listen."

At tumingin lang ito sa kanya. Hindi na sumagot kaya nagpatuloy na siya. One thing he learned from his weird set of emotions, kapag nanahimik ito pero nakatingin lang sa'yo, that's his silent way of saying, "Please continue talking..."

"You're not bad. You're just misunderstood. At kaya ka nila "kinatatakutan"." he quoted the word. "Ay dahil na rin sa noo mong habang-buhay na yatang nakakunot. Siyempre, it always give you the impression na hindi maganda ang timpla mo or ang mood mo. Sino bang magkakalakas ng loob na lumapit sa'yo? Wala di ba? Kaya kahit crush ka ng buong San Bartolome, hindi sila lalapit kasi nga, mukha kang galit parati."

"Try to smile more often Ronnie. It won't hurt you. I didn't say na ngumiti ka lang ng ngumiti na parang baliw lang. I mean, maging friendly ka sa lahat. Para kasing ang bigat palagi ng problema mo. Kapag di ka tumigil sa kakaganyan mo, mawawalan ka ng kaibigan. Kapag lahat ng taong nagmamahal sa'yo ay itinataboy mo, hindi ka magiging masaya."

Napakunot lalo ang noo nito.

"Parang narinig ko na yan ah?" sabi nito.

"Ha? Ay hindi ah, akin yun. Original lines ko yun. O siya na, halika na, kumain na tayo." sabay hila niya sa kamay nito.

Pero para lang siayng humihilang tren kasi hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan bagkus ay may nagtatakang tingin ito sa mata at nakatitig sa kamay nilang magkahugpong.

"What's wrong Ronnie."

Napatingin ito sa kanya. Balik serious na ulit.

"Ahm... wala. Sure ka? Sasabay na ako sa inyo? I mean, payag ka na?"

Napangiti siya. "Oo. Halika na. Nagwe-welga na ang mga alaga ko sa tiyan."

"Good." anitong biglang ngumiti.

Naloka na naman siya sa pagbabago ng mood nito. Parang pumayag lang siyang sumabay ito sa kanila eh tuwang-tuwa na ito. Weird.

"Let's go." aniya.

Ang tangkang pagbitiw niya sa kamay nito ay hindi natuloy dahil hinigit nito iyon at bahagya siyang isiniksik sa katawan nito. Itinaas pa nito ang kamay nila na para bang ipinapakita sa lahat ng makakasalubong nila na may kaholding hands ito.

Syet!!! Ang ganda ko!

Nasa canteen na sila ay hindi pa rin siya binibitiwan nito. Lahat tuloy ng tao ay nakatingin sa kanila. May natutuwa. May naiinggit. May naka-ismid at may wapakels. Siya, dedma lang. Si Ronnie naman, hindi na masyadong serious ang mukha. Hindi rin naman nakangiti. Pero ang gwapo pa rin ng loko. Kahit anong anggulo.

Hinanap ng mata niya si Freia sa canteen. Biglang ang masaya niyang disposisyon ay naglaho ng makita ang kaibigan na may kasamang dalawang tao. Para siyang lobo na biglang pumutok.

Nag-aalalang tiningnan niya si Ronnie na humigpit ang hawak sa kamay niya. Pumakla na naman ang panlasa niya. Mukhang tama siya ng hinala. Nanlulumong nagpatuloy siya ng paglalakad kasabay ito.

"Earl!" sigaw ni Freia ng mapansin siya.

Pilit siyang ngumiti ng makalapit sila.

"Hello friend. May kasabay pala tayo. Akala ko tayo lang." pinilit niyang huwag maging sarcastic. Sana lang hindi nahalata iyon ng dalawa pang kasama ni Freia sa lamesa.

"Okay lang friend. The more the merrier." humahagikgik pang sabi ng kaibigan niya.

"Hi Earl, kamusta." nakangiting bati sa kanya ng isa sa mga kasama ni Freia sa mesa.

He politely smiled back. "Okay lang, ikaw Monty?"

"Oh, I'm fine dear. By the way, kilala mo na siguro ang boyfriend ko. Si Orly." masuyong pakilala nito sa kasintahan.

Nagpapalitan sila ng pleasantries ni Orly ng maramdaman niyang humigpit lalo ang pagkakahawak sa kamay niya ni Ronnie.

"So mukha palang totoo ang tsismis kaninang umaga? Kayo na pala ni Ronnie. " ani Monty. Nakangiti ito kaya di niya malaman kung totoo sa loob nito ang sinasabi. Malay ba niya, teatro rin ito eh.

"Ah oo. Kami na. Since last night." biglang sabi niya.

Napatingin sa kanya ang kaibigang si Freia na biglang tumili na ikinalingon lahat ng estudyante at tao sa canteen.


Itutuloy...


[05]
Chapter 5 (Carol Banawa)

Napatayo silang lahat sa biglaang pagtili na iyon ni Freia. Kahit alam na niya ang dahilan nun ay nagkunwari siyang nagtataka. Para hindi obvious na gawa-gawa lang niya ang lahat. Sana nga lang eh sumang-ayon si Ronnie sa kanya na mukhang napipi na sa tabi niya.

"Totoo ba iyon?" gulat na sabi ng kaibigan niya.

Sa reaksiyon na kunwari ay naguguluhan sa inaakto nito ay sumagot siya. "Oo. Bakit ka ba tumitili?"

"Ha?" waring nagtataka rin ito sa naging reaksiyon. "Ah eh, wala lang. Nagulat lang ako."

"OA ka naman friend." si Monty.

Nagtaas siya ng kilay sa narinig.

So. Friends pala sila ng friend niya. Nakadama siya ng ngitngit kay Monty kahit wala itong ginagawa sa kanyang masama.

Napansin niya ang nakakunot-noong tingin ni Orly sa katabi niya. Tiningnan niya si Ronnie na nakatingin din sa kasama ni Monty. Nakadama siyang bigla ng tensiyon. Ano ba itong napasukan niya?

"Ah... guys, baka pwede na tayong maupo?" asked Monty. Wary of the tension between the two gorgeous guys. Bigla siyang nakadama ng inggit. Alam niyang hindi type ni Monty si Ronnie, pero hindi niya maiwasang mabahala. Paano kung mag-walk out ang damuhong lolo niyo na malamang ay selos na selos na ngayon sa nakikitang ka-sweetan ng magsing-irog.

Hinawakan niya ang kamay nito. Itinaas pa iyon sa may bandang lamesa para makita ng mga kasama. Tiningnan niya si Ronnie at tulad ng dati, lukot na naman ang mukha ng tinamaan ng magaling. Pasimple niyang inapakan ito sa ilalim ng mesa.

"Aray!" anitong masama ang tingin sa kanya.

"Oh babe. What happened? Anong masakit sa'yo?" kunwari ay nag-aalalang tanong niya rito.

Hinawakan niya pa ito sa pisngi to complete the act. Narinig niya ang mga hindi naitagong pagsinghap sa pailigid. Good. Nasabi niya sa sarili. Mukhang may ibubugha rin naman pala siya sa acting. Hindi lang ang dalawang beki na ito na kasama niya sa mesa.

"No sweetheart. I'm fine." sagot nitong ikinabigla niya.

Hinuli nito ang kamay niyang nakahawak sa pisngi at hinalikan iyon.

Sweetheart.

The endearment affected him so much it created an instant havoc to his system. Nagwala bigla ang puso niya. Susme, kung ganito palagi mukhang maaga siyang mamamatay mula sa pekeng relasyon na iyon. Paano pa kung tototohanin nila? Asa!

"You're so sweet." aniyang hindi na pinigilan ang sariling kiligin.

"Anong gusto mong kainin?" tanong nito sa kanya.

Hindi agad siya makasagot dahil tinititigan siya nito.

"Ikaw."

"Hindi pwede sweetheart. Maraming tao rito. Saka parental guidance yun." nanunuksong sabi nito.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi.

"It was a question, Babe." kinurot pa niya ang pisngi nito para parusahan sa ginawang panunukso.

"Ouch. Ikaw ha, you're being violent na naman. Ina-under mo agad ako samantalang isang-araw pa lang tayo." sabi nito saka idinikit ang ilong sa ilong niya.

Napakurap siya sa sensation na dulot ng sinabi at ginawa nito. It warmed his heart na kung pabubuksan niya ay malalaman niyang namamaga na sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Ronnie was playing his part so well na nahuhulog siya sa mga sinasabi nito. Fast. And he can't do anything about it.

Marahan niya itong tinampal sa pingi. Kailangan niya ng distraction mula sa lalaking ito kundi ay kakainin siya nito ng buong-buo. Pero bakit ba sa pakiramdam niya ay ayaw niyang mapahiwalay rito.

"Hay, hindi kayo makakakain kung ganyan kayo ng ganyan. And please lang. Nakakawalang-gana ang sweetness ninyong apat. Get a room guys, will you?" natatawang singit ni Freia na hindi itinago ang banayad na inggit sa tono.

Nahihiyang kumalas siya mula sa nose to nose contact nilang iyon. Kukunin sana niya ang wallet para siya na ang bumili ng kakainin  nila ng pigilan siya ni Ronnie.

"Ako na."

Nagtaas siya ng kilay sa ginawa nito. Plus pogi points na naman.

"Hmm? At bakit mo naman ako iti-treat ngayon aber?"

"Because that's what boyfriends do."

Napamaang siya sa sinabi nito na literal siyang napanganga. Natigil lang siya sa pagkatulala ng sabunutan siya ng mahina ni Freia.

"Kakainis ka." sabi nito ng tumayo na si Ronnie para bumili ng pagkain nila.

"Bakit?" natatawang saad niya.

"Hindi mo man lang sinabi sa akin na may nangyari pala sa inyo ni Ronnie kagabi. And take note, doon ka pa sa bahay namin nagkalat ng lagim ha. Bruha ka." natawang sabi nito. Taliwas sa ibig sabihin ng mga binitiwang salita.

"Grabe ka naman friend. Naghalikan lang kami. Kung anu-ano ang sinasabi mo diyan. Pang x-rated na yung dating sa akin ng sinabi mo eh." di niya mapigilang humagikgik pagkatapos.

"Ay nako. In love ka nga. Sana forever na yan no?"

Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. May mga pagpapanggap bang umaabot ng ganoon katagal?

Napatingin siya kina Monty at Orly na tila may sarili ng mundo. Sweet na sweet ang dalawa at walang paki-alam sa PDA na ipinapakita. Natutulala lang ang ilan sa mga estudyante sa lambingan ng mga ito.

"Hay..." di mapigilang bulalas niya.

"O bakit?" tanong ni Freia.

"Ah, wala naman. Nang-iinggit kasi itong dalawa."

Narinig naman ni Monty ang sinabi niya kaya natatawang lumingon ito. "Hoy, hindi lang kami ang sweet dito no. Kayo kaya ni Ronnie ang nang-inggit sa amin kaya ginaya namin kayo. Hindi ba mahal ko?" sabay baling nito sa nobyo.

Ngumiti lang ang gwapong quarter-back nila.

Ang swerte talaga ng Monty na ito kay Orly. Pagkatapos ng nakakalokang love-story ng mga ito ay hindi na mapaghiwalay pa ang dalawa. Sila kaya ni Ronnie? May pag-asa kaya na mauwi sila sa totohanan?

Teka? Bakit niya naiisip iyon?

He mentally shook his head. Hindi ba at nagpapanggap lang sila. Hindi nga siya pumayag nung una pero dahil sa likas na sa kanya ang tulungan ang naaapi ay kusa niyang tinanggap ang alok ni Ronnie na maging sila kunwari. Nag-plaster siya ng ngiti sa labi ng makita ang paglapit nang lalaking nilalaman ng kanyang isip.

Napakagwapo talaga nito and it made him wonder kung ano ang inayawan dito ni Monty. Para sa kanya, Ronnie was a good boyfriend material. He's not too good to be true. He's grumpy and all that, and that makes him more special in his eyes.

Natigilan siya sa realization. Oh my God! Confirmed. He's in love with this arrogant-pseudo-boyfriend niya. Kaya siguro natural ang paglabas ng arte niya para dito. In-love kasi siya. Gusto niyang mabahala sa nalaman pero aaminin niyang may parteng umaasa. Nababahala siya kasi baka walang maging katugon iyon kung sasabihin niya rito ang nararamdaman. Umaasa, na sana sa durasyon ng kanilang pagpapanggap ay matutunan din siya nitong mahalin at mauwi sa totohanan ang lahat.

Parang tukso ay pumailanlang sa canteen ang awiting naaangkop sa sitwasyon niya ngayon.

Kapag ako'y binibiro mo
Ang laht ng iyan, sa aki'y totoo.
Mga titig mo, ay tumutunaw sa puso ko...

Kapag ako'y nasa tabi mo
Ay kaylakas ng kaba sa dibdib ko
Ang hiling ko lang, sana'y malaman
Na ang puso ko'y sawa na sa biruan...

Lalong bumigat ang damdamin niya. Ilang metro na lang ang lapit sa kanya ni Ronnie at nakangiti ito sa kanya. He felt the wild hammering on his chest. Nilawakan niya pa ng husto ang ngiti hanggang sa maka-upo ito.

Bakit di na lang totohanin ang lahat?
Ang kailangan ko'y paglingap
Dahil habang tumatagal ay lalo kong natutunang magmahal
Baka masaktan lang...

Earl watched Ronnie moved  with amazement. Ang sarap palang aminin sa sarili na mahal mo ang isang tao. Kahit gaano pa kabilis. Hindi pala basta sukatan ang araw ng pagsasama at pagkikita para maramdaman mong mahal mo na ang isang tao. Hindi siya maaaring magkamali sa nararamdaman niya. First time niya iyon sa larangan ng pag-ibig pero hindi ibig sabihin na hindi niya pwedeng makilala ang damdamin ng isang umiibig.

Nakakalungkot lang na nalaman niya iyon sa mismong panahon pa na nagpapanggap sila. Paano na lang siya pagkatapos nun? Maiiwan na lang ba siyang nasasaktan? Parang ang saklap naman. Nagsisimula pa nga lang siya sa pagtuklas ng kakaibang damdamin na umusbong sa kanya para kay Ronnie tapos hindi pa nga pala niya alam kung hanggang kailan iyon.

Naisandig niya ang ulo sa balikat nito.

"Missed me already, Sweetheart?"

His heart swelled like it never did before. Ginagap niya ang kamay nito at pinagsalikop ang kanilang mga daliri. Nais niyang sa maliit niyang paraan at kakaunting pagkakataon na meron siya sa pretend relationship na iyon ay maipadama niyang espesyal ito sa kanya at minamahal niya ito.

"Yes. Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. I miss you so much, it hurts."

Naramdaman niya ang pagkabasa ng braso. Umuulan yata.

"Sweetheart? Are you crying?"

Umaasa sa'yo ang puso't damdamin
Pangarap ko ay mapansin...
Bakit di na lang totohanin ang lahat...

Noon niya napagtantong hindi niya napigilan ang pag-iyak. Grabe. Sa maikling panahon na nakilala niya ito ay naramdaman na iya at naranasan ang napakaraming  bagay. Galit. Pananabik. Pagnanasa. Umibig. Pero ang pinakamatindi sa lahat, yung huli. Ang umasa. Nakakapeste ang kanta ni Carol Banawa.

Pinahid niya ng likod ng palad ang naglandas na luha sa kanyang pisngi.

"I'm okay. May naalala lang ako. Babe...?"

"Yes." hinarap siya nito.

And he was lost forever in his soulful raven black eyes.

Preferred niya sana ang brown eyes like Orlys' pero mas naninindig ang balahibo niya sa mata ni Ronnie. He really loved it. Kung may mga bagay man siyang maipipintas dito, natatabunan lahat ng iyon kapag ganitong nakatitig siya sa mga mata nito.

"Kain na tayo?" aniya rito.

Ngumiti si Ronnie sa sinabi niya.

"Akala ko kung anong sasabihin mo. Huwag ka ng iiyak ha?" wika nito sabay pahid sa pisngi niyang nabasa at pagkatapos ay kinintalan ng mabining halik ang kanyang labi.

Nagulat siya pero hindi nagpahalata. He quickly returned his kiss with intense fervor. Urging him to kiss him deeply.

The crowed wowed and cheered including his friend na talagang OA sa pagpalakpak. Na-realize niya. Kanina pa pala sila pinapanood ng buong canteen.

"Anong kaguluhan ito?" anang isang tinig na nagpatigil sa kanilang live kissing-scene.

"Jay?!" gulilat niyang sabi.

Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak sa kanya ni Ronnie. Tiningnan niya ito. Ang kanina'y nakakakilig na ekspresyon nito ay nawala na. Napalitan na iyon ng galit. Madilim na madilim ang mukha nito.

"Friend." si Freia. "Halika rito at maupo ka. I-celebrate natin ang pagiging mag-on nila Ronnie at Earl."

"Mag-on?" gulat na sabi ng bagong dating na si Jay.

"Oo. Capital O-N. Mag-on. Come on, let us join us." pakwelang sabi ni Freia rito.

"No. This can't be. Hindi pwedeng maging kayo." sigaw ni Jay.

"Uy, drama club? Ano ito audition?" natatawang sabi ni Monty.

"Shut up. Huwag kang epal." bulyaw ni Jay sa sumingit na si Monty. Nagtaas lang ng kilay ang huli.

"Hey, don't you talk to my boyfriend like that." singit ni Orly sa kauna-unahang pagkakataon.

"Oo nga. Ano bang problema mo?" si Ronnie na tumayo na rin ng tumayo si Orly.

Nagkatinginan na lang silang mga beki na naiwang naka-upo. Hinawakan niya sa braso si Ronnie pero pumiksi ito.

"R-ronnie. Tama na. Kaibigan ko siya."

"Kaibigan?" anito sa nagbabagang tinig.

"Oo. Kaming tatlo. Bestfriends actually." sabi ni Freia. Napatango na lang siya.

"Kaibigan mo bang maituturing ang timang na kumukuha ng litrato mo habang nakikipaghalikan ka sa boyfriend mo. Hindi ko na nga siya mapapatawad sa ginawa niyang pagkuha kay Orly at Monty ng picture noon eh tapos inulit pa niya. Some friend you got here, huh?" dumadagundong ang boses ni Ronnie sa buong canteen.

Bigla siyang natauhan sa sinabi nito. Nanggalaiti siyang bigla.

"So this is all about Monty again? Monty! Monty! Monty! Ano ba nakakasawa na!" nagagalit niyang sigaw kay Ronnie.

"What?" ang tanging naitugon nito.

"What-what-in mo yang pagmumukha mo. Kunwari ka lang na nagagalit ka sa ginawa ni Jay na pagkuha sa atin ng litrato Ronnie, pero ang totoo, binuhay lang nun ang alaala nang hindi mamatay-matay na pag-ibig mo kay Monty. Wake up! Ronnie wake up! Ako ang boyfriend mo at hindi si Monty. Katulad ng hindi ikaw ang boyfriend niya kundi si Orly." humihingal pa siya pagkatapos ng kanyang outburst.

"Stop it Earl. Stop it now." malumanay ang tinig ni Ronnie pero nagbabadya ng panganib.

"Friend..." si Freia.

"Orly let's go." yaya naman ni Monty sa kasintahan.

"Sige, magpakasaya kayo. Mukhang marami pang dapat i-celebrate ang bagong loveteam niyo." maanghang na sabi ni Jay sa kanila saka mabilis na tumalilis pagkatapos siyang iwanan ng masamang tingin.

"No, you stop it Ronnie. Tigilan mo na si Monty. Ako na dapat ang mahal mo dahil ako ang boyfriend mo. Ngayon kung hindi mo kayang gawin iyon, pinapatunayan mo lang ang hinala ko na ginagawa mo akong panakip-butas lang. At hindi ko matatanggap iyon."

"Talagang hindi ka titigil?" gigl na sabi na nito. Nag-isang linya na ang labi.

"I won't."

"Friend..." si Freia na di malaman ang gagawin.

Sa kabiglaanan niya ay iniwan siya ni Ronnie doon. Nanlaki ang mata niya sa ginawa nitong pag-alis. Kung gaano kabilis ang realisasyon niyang mahal niya ito, ganoon din pala kabilis ang pag-usbong nang selos sa puso niya whenever he was concerned. Sabagay, ganun din kabilis ang puso niya sa pagdedesisyon na tanggapin ang pagpapanggap nila. Ayun tuoy... ganun din kabilis na iniwan siya nito ng dahil sa hindi napigilang outburst niya.

Nanghihinang napaupo siya habang maagap siyang dinaluhan ni Freia.

Nilingon niya pa si Ronnie na unti-unti ng nawawala sa makapal na bilang ng mga estudyante.

"Hush my friend... hush now..." ani Freia.

Napahagulgol na lang siya sa sobrang sama ng loob. Wala pang isang araw sialng magkakilala ni Ronnie, heto at puso niya ang nagdurusa. Nilingon niya ulit ito pero wala na si Ronnie sa paningin niya. Tuluyan siyang napaiyak ng malakas. Wapakels sa karamihan.

"There goes my heart Freia... there goes my heart..."


"BAKIT ka ba naman kasi nag-freakout ng ganun friend?"


Inangat niya ang paningin rito. Namamasa pa rin ang mukha niya sa luha. Nang matapos ang engkwentro sa canteen ay hindi na siya pumasok sa sumunod na klase. Nasa likuran sila ng  gymnasium at doon niya ibinubuhos ang sama ng loob na nararamdaman niya.


"Hindi mo kasi naiintindihan Freia eh."


Freia almost rolled his eyes both in amusement and irritation.


"Hindi ko nga maiintindihan kasi panay ang nguyngoy mo diyan."


Suminghot-singhot pa siya bago nagdesisyon na sabihin dito ang lahat. Mula sa unang pagkakataon na nagkadaupang-palad sila ni Ronnie hanggang sa eksena kaninang umaga na ikinagalit nito.


"...kaya ayun, nang sinabi kong kami na, eh para yun isalba ang pride niya sa posibleng pagkakapahiya niya sa sitwasyon kanina. Imagine, hindi namin in-expect na kasabay natin yung dalawang yun. Paano nga palang nanduon yung mga yun?"


Napakagat-labi ang kaibigan niya.


"Eh kasi... nakita ko silang nasa canteen na. Pinasabay na nila ako dun, kaya doon ko na rin ikaw hinintay. Malay ko bang kasama mo si Ronnie. Imagine din my shock, puta ka."


"Hayaan mo na nga yun. Nangyari na eh..." palatak pa niya.


"Hay... paano ngayon yan friend? You blew your only chance na mapalapit kay Ronnie."


Tiningnan niya ito. "Don't I know that?"


"I mean, paano na ngayon ang napag-usapan niyo?"


"Well, wala namang pinag-usapan. Kusa ko lang sinang-ayunan na magpretend kaming dalawa dahil nandoon sila Monty. Pero ngayon, duda ko kung ipagpapatuloy pa iyon. Ginalit ko kasi siya eh."


"Why don't you talk to him?"


Napasimangot siya sa estupidong idea ng kaibigan niya.


"Ayaw na nun na maka-usap ako. Sigurado ako dun. Sayang mahal ko pa naman siya. Sana lang hindi agad umarangkada ang bibig ko. Pahamak talaga kasi ito minsan eh." tukoy niya sa labi.


"Eh ano namang gagawin mo ngayon? Magmumukmok? Magtataka ang mga tao kapag nakitang wala na kayo agad. Iisipin nila na tapos na ang latest conquest ng grumpy flirt na si Ronnie Alfonso."


Napabugha siya ng hangin.


Malamang na iyon nga ang mangyayari. Ang tangi kasing justification niya sa ginawa ay nagselos siya talaga ng maisip na baka kaya ito nagalit sa pagkuha sa kanila ng picture ni Jay ay dahil ganoon din ang ginawa ng kaibigan niya kina Orly at Monty. At dahil sa kaalamang may pagtingin pa rin ito sa huli ay nagselos siya at nakalimutang nagpapanggap nga lang pala sila.


Well, sa parte niya walang pagpapanggap.


Hay buhay! Parang life! Minsan epal lang talaga ang kanyang matabil na dila. Kung pwede lang ipaputol iyon eh ginawa na niya. Umiiyak pa rin siyang napayuko. Sumasakit na ang lalamunan niya sa kakaiyak. Pati ang ulo niya dahil sinisipon na siya.


"I... I don't know what to think anymore Freia. Masakit pala. Ang sakit-sakit."


Naaawang niyakap siya nito.


"Please calm yourself Earl. Makipag-usap ka kay Ronnie, sabihin mo nabigla ka lang. Then, accept his punishment kung gusto mo to atone for your sin. Hindi yung ganitong nahihirapan ka. Ipaglaban mo siya. Tutal di naman niya alam na mahal mo siya kaya mo nagawa iyon. Although nabibilisan ako, alam kong totoo yang nararamdaman mo para sa kanya. Huwag kang matakot. Lumaban ka. Suportahan 'ta ka."


Earl suddenly felt relieved. Thanks to those reassuring words ng kaibigan niya. It was really so nice of Freia to comfort him like that. Swerte talaga siya sa kaibigan.


"You think so?" dudang tanong niya.


Tumango ito. "Yep-yep!" saka ngumiti.


"Thanks friend."


"You're welcome."


Pagkatapos ng eksenang iyon ay napagpasiyahan niyang pumasok sa klase kahit medyo huli na. Nagdahilan na lang siya na masakit ang ulo na sinegundahan ni Freia sa kanyang propesora. Nag-present pa ito ng biogesic na laging ready sa bag nito.


Kahit mukhang zombie ay dedma siya sa banga. Nakatitig lang siya sa harapan ng klase pero ang isip niya ay naglalayag na sa ibang parte ng campus. Kay Ronnie. Nandirito kasi ang puso niya. Kailangan nitong ingatan iyon sa ayaw at sa gusto nito.





Itutuloy...

No comments:

Post a Comment