Tuesday, January 8, 2013

Task Force Enigma: Cody Unabia (01-05)

By: Dalisay
Blog: theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com


[01]
Kakamut-kamot na lumabas ng kanyang silid si Kearse Allen Concepcion mula sa maghapong pagtulog dahil sa gabi siya nagsusulat ng kanyang mga obrang nobela. Isa siyang writer sa LadLad Publishing na nagre-release ng mga M2M romance fictions. Napatingin siya sa orasan. Alas-sais na ng gabi. Karaniwan ng nanonood ng balita ang mga tao sa Pilipinas sa ganoong oras. Pero siguro, pamilya talaga sila ng abnoy dahil sa halip na ang problema ng bansa ag pinapanood nila ay pagbi-videoke at pag-iinuman ang inaatupag ng kanyang ama at dalawang nakababatang kapatid.
Lasing na siguro ang kanyang ama dahil ayun at plastado na ito sa sofa at nag-aatungal na naman ng mga hinaing nito sa buhay.

“Wala na akong kwenta! Hindi niyo na ako iniintindi. Por que matanda na ako. Tandaan ninyo! Balang araw… Balang araw…”

Naiiling na tinungo niya ang kusina para magsepilyo at ipaghanda ang sarili ng makakain. Sabado naman ng gabi kaya okay lang na magtutungayaw ang mga kapatid at ama sa pagkanta.

“Alshado na ako! Hindi niyo na ako pinapahalagahan. Mga wala kayong kwenta! Por que nakapag-aral na kayo. Wala ng silbi ang tingin niyo sa akin.”

Huminto muna sa pagkanta si Migs na siyang bunso nila. Pansamantala rin muna nitong pinatay ang paborito nilang magic sing dahil may pagka-sensitive ang kanilang ama kapag naka-dramathon sa hapon mode ito.

“Hindi niyo na ako pinapahalagahan.”

“Itay… naiintindihan po namin kayo. Kaya please lang huwag na po kayong sumigaw. Nakakahiya sa mga kapitbahay.” Sabi ni Jaime sa ama. Ito ang sumunod sa kanya. Ito na rin ang tumatayong Kuya sa loob ng bahay kapag nagkakampo siya sa naipatayo niyang bahay mula sa ipon niya bilang manunulat sa loob ng pitong taon.

“Sinungaling! Wala tayong kapitbahay!” sagot ng kanyang ama na ikinatawa niya.
“Ay oo nga pala.” Natatawng sabi ni Jaimw na pasimpleng pumili ng kanta sa songbook na inagaw nito sa kanilang bunso.

“Kahit kailan kayong mga bata kayo. Tumanda lang ako, tingin niyo sa akin ay walang silbi. Abah! Abah! Kaya ko pa kayong balian ng malulutong ninyong mga buto. Kaya ko pang mag-ala Ep-PJ sha edad kong ito. Kaya kong pa kayong kalushin mga hinayupak kayo.” Pagpapatuloy ng lasing na nilang ama.

Lumabas siya sa sala kung saan ito nag-iinuman. Nakita niyang tumingin ng may pagsaklolo ang ang kapatid na si Jaime. Senyales iyon na kailangan na niyang awatin ang ama na walang-awat sa mga sentimyentong pururot nito.

“Itay… makinig kayo kay Jaime. Baka may dumaan at marinig kayo. Isipin pa, minamaltrato namin kayo dito.” Pagpapayapa niya sa ama.

“Hindi ko na kaya ang ginagawa niyo sa akin. Ayoko na sa trato ninyo. Nawala na nga ang nanay ninyo. Pati ba naman kayo mawawala sa akin? Ako na nagpakahirap sa pagpapalaki sa inyo.”

“Oo nga Tay.” Segunda dito ni Migs na hinablot na ang songbook kay Jaime.

“Mabuti pa itong si Gino. Hindi sumasagot sa akin. Napakabait na bata.” Tukoy nito sa bunso nila na napatigil sa ginagawang pagpili ng kanta.

“Tay, Migs po.”

“Sige na Gino. Ipagtimpla mo nga ako ng kape.”

“Tay, ako po si Migs.” Naiirita na nitong sabi.

“Ikuha mo na ako ng kape Gino.” Utos ng lango nilang ama.

“Sino ba si Gino ‘Tay?” imberna nang sabi ni Migs.

“Oo nga Tay. Sino ba si Gino? Eh tatlo lang naman kaming anak mo.” Tanong din ng tumatawang si Jaime.

“Wa-wala akong anak na Gino. Ano bang shinashabi niyong mga bata kayo?”
“Eh pilit kayo ng pilit na ito si Gino eh. Baka may anak kayo sa labas ‘tay ha.” Biro ni Jaime.

Napatayo ang kanilang ama.

“Wala akong ibang anak. Kayo lang ang anak ko at ako lang ang ama ninyo. Tatlo lang kayo. Isa. Dalawa Tatlo.” Isa-isa nitong turom sa kanila.

“At huwag mo akong pagbibintangan Jaime. Sumusobra ka na. Sumosobra ka ng bata ka. Hindi ko kilala ang Gino na sinasabi mo. Wala akong anak na Gino. Wala! Wala!” humihingal pa nitong sabi sa ikalawang anak.

Nagtatakang nagtinginan silang magkakapatid. Mukhang nasobrahan ng drama mode ang kanilang ama. Feelingyata nito ito na si Ate Vi.

“OA na ‘tay.” Sabi na lang niya.

“Huh?”

“Sabi ko po, gusto niyo pa ba ng kape?”

“Ah.. hindi na. Sige na, matutulog na ako. Kayo g bahala diyan.” Nagmamadali pa itong tumungo sa silid nito.

“’Tay?” habol niya.

“Bakit?”

“Maghilamos po kayo bago matulog.” Bilin niya rito.

“S-sige. Huwag ka na ring rarampa. Kapag lumabas ka, isama mo ang mga kapatid mo para may bodyguard ka.” Bilin nito sa kanya saka mabilis na pumasok sa silid.

“Hay nako. Huwag niyo na kasing yayayain sa tatay sa inuman. Iyan tuloy…” baling niya sa mga kapatid na nakangisi ng parang aso pagharap niya sa mga ito.

“Hep hep? Anong ngisi iyan ha?”

“Wala kaya Kuya.” Sagot ng dalawa.

“Wala? Mga echozero kayo. Kilala ko ang mga hasang ninyo.”

“Wala nga. Parang narinig lang namin na isasama mo kami sa lakad mo ngayong gabi eh.” Pambabalewala ni Migs sa sinabi niya.

“May sinabi ba si itay? Wala naman ah.” Pang-aasar niya.

“Akala mo lang wala! Pero merron! Meron! Meron!” sagot ni Jaime.

“Uy, dapat kanina mo iyan sinabi kay itay para nasikmuraan ka.” Tukso dito ni Migs.

“Wala kang galang Migs. Kakalbuhin kita diyan.” Asik dito ni Jaime.

“Walang ganyanan Kuya. Alam mo namang mas pogi ako sayo eh. Ikaw talaga.” Maktol ni Migs.

“Pogi? Hoy Michael Allen Concepcion. Huwag ako ang paandaran mo. Busy ako. Kakanta ako.” Sabay bukas nito ulit ng Magic Sing.

“Nahiya naman ako sa pangalan mo Kuya Jaime Allen Concepcion. Parang kasing-bango ng dalandan.”

“Heh! Mga abnormal. Buuin niyo pa ang mga pangalan ninyo. Isama na ang Diaz sa middle name.”

“Opo. Kuya Kearse Allen Diaz Concepcion.” Koro ng dalawa.
“Tse! Maka-alis na nga.”

“Sandali lang Kuya Kearse Allen Diaz Concepcion.” Habol sakanya ni Migs.

“Tigilan mo ako Michael at baka di kita matantiya, sukatin kita.”

“Yeboi!” Pang-aasar lang nito. “Saan ka pupunta? Bilin ni Tatay eh samahan ka namin.”

“Sa impiyerno. Join ka?”

“Weh di nga?” sagot ng talipandas nilang bunso.

“Sa Palawan ang punta niyan.” Sabi ni Jaime na kunwari ay busy sa paghahanap ng kanta.

“Weh? Sa Palawan? As in province of palawan?” tanong ni Migs.

“Hindi. Bar iyon, sa Cubao.”

“Eww… So Barriotic!” sagot ni Migs.

“Hoy! Umayos nga kayong dalawa. At ikaw Jaime? Bakit alam mo ang Palawan? Eh ngayon pa nga lang ako pupunta doon.” Tanong niya sa pinagdududahang kasarian ni Jaime.

“Oy, narinig lang kitang kausap si Earl ha? Di ko alam yung lugar na yun. Ano ako? Bakla?” mariing depensa nito.

“Whatever! Ako na ang straight.” Napa-roll eyes na lang niyang tugon.”

“Hindi ko nga alam iyon Kuya.” Defensive pa ring sagot nito.

“Eh paano mong maririnig si Earl eh, text lang iyong usapan namin, Aber?”

“Ah… Eh… nasabi niya sa akin.”

“Aysus! “ bira niya rito. Umamin ka nga Jaime. Are you one of us?” pang-iinis niya.

“Kuya? Welcome to the club.” Pagbibiro ni Migs.

“Isa ka pa!” Baling niya rito.

“O bakit na naman Kuya?” reklamo ng bunso nila.

“ Magsipag-out na nga kayo! Kayo lang nahihirapan.” Patutsada niya sa mga ito.

“Tama ng ikaw na lang muna Kuya. Baka matuluyan si Tatay… Aray!” nasasaktang sabi ni Migs ng batukan ito ni Jaime.

“Ayun! Nadulas na ang mga hitad. Basta walang hiraman ng blouse ha?” tukso niya sa mga ito. Pumunta siya saglit sa kusina.

“Sorry Kuya.” Apologetic na sabi ni Migs sa Kuya Jaime nito.

“Sorry. Ayan, nabuko na tayo. Ang daldal mo kasing kumag ka.”

“Eh paano naman si Kuya kearse, parang NBI kung makapagtanong. Nagdududa na nga ako kung writer ba iyan o dating pulis eh. Ang galing manghuli. Pero infairness, kahit ganyan siya may bumibili pa rin ng mga nobela niya. Lagi pang best-seller kahit mukha siyang haggard na isda paggising.” Bulong kunwari ni Migs dito.

“Oo nga. Siyang tunay.”

“Hoy! Naririnig ko kayong mga hinayupak kayo.”

“Ay narinig tayo ni Braguda.” Tumatawang sabi ni Migs.

“Kayong mga wala kayong magawa. Kahit ano pang sabihin ninyo sa akin, ako at ang trabaho kong ito ang nakapagpatayo ng bahay na ito. Inutang ko lahat iyan sa SSS ko pati na sa PAG-IBIG! Kung walang PAG-IBIG wala tayong bahay ngayon. At ikaw…” duro niya kay Migs.

“Hindi ka makakapagtapos kung hindi dahil sa pagiging haggard kong isda paggising. Wala kang idea kung paanong tiniis kong huwag kumain ng ilang araw para lang may maipantustos ako sa mga bisyo mo! Sa mga luho mo! Tapos ganito lang. ito lang ang igaganti niyo sa akin? Wala kayong utang na loob!”

Sabay na tumayo ang dalawa at pumalakpak pa habang inabot naman sa kanya ni Migs ang flower vase pagkatapos.

“Ikaw na nga, Ikaw na ang best actress!”

“Salamat!” aniya pagkaabot ng vase. “I would like to thank my sponsors. My Pamily. Yes my Pamily who’e always been there for me through the good and the bad and the ups and the down of my life.” Sabi niya sabay kaway.

“Ang galing mo Ate Vi! Haym so froud op yow! Hep hep Hurrah!” gatong ni Jaime sa kalokohan niya.

“Tse!” Ingos niya sa mga ito.

“Sige na. Umalis ka na Kuya bago pa tayo matuluyan dito.” Si Migs.

“Oo na. O di ka ba sasama Jaime?”

“Hindi na. Nanduon si Earl eh. Baka kulitin lang ako nun.” Nakangiwing sabi nito.

“Grabe ka naman. Mabait si Earl. You just don’t get along too well.”

“Whatever Kuya. Just go.”

“Okay.”

Nagtungo na siya sa silid para magbihis. Nang makapaghanda ay saka siya lumabas sa kusina para kumain saglit ng hinanda niya kanina. Dahil sa pagdadrama ng ama ay nakalimutan na niyang kumain. Nagpaalam na rin siya sa mga kapatid na busy na sa pagbirit sa Magic Sing nila.

Dala niya ang sariling sasakyan na segunda-mano lang pero matibay pa. Kasama iyon sa mga na-i-loan niya ng makapagtapos na ang dalawang kapatid. Sa ngayon, Senior Editor rin siya ng LadLad Publishing. Kailangan niyang kumayod pa ng ilang taon para naman makapag-retiro siya sa pagsusulat ng maaga. Gusto niyang magsulat na lamang sa bahay na walang iniintinding kunsumisyon.

Magkikita sila ni Earl na friend niya from Dubai. Avid reader niya ito na kalaunan ay naging matalik ng kaibigan. Frustrated brother (sister?)-in-law rina ng turing nito sa kanya dahil sa pagkahaling nito sa kapatid niyang sira-ulo na si Jaime.

Nang makalabas ng SLEX ay nagtuloy siya sa Cubao. Sa Palawan sila magkikita. Ewan niya kung paano nasabi ng kanyang kapatid na si Migs na barriotic ang lugar. Siguro nakapunta na rina ng pamintang buo na mga kapatid niya doon.

Kinawayan siya ni Earl ng makita siyang pumasok ng bar. Maingay at maharot ang musika. Nagkalat din ang mga pamintang buo at durog na ay kanya-kanyang eksena. Naloka pa nga siya ng makita ang mga kaganapan sa iba’t-ibang panig ng bar.

Dumiretso na siya sa lamesa ng kaibigan.

“Kamusta na?” aniya rito.

“Eto, malungkot.”

“Bakit?” usisa niya rito.

“Eh kasi iyong kapatid mo.”

“Anong tungkol kay Jaime?”

“Hindi siya pumayag sumama rito.” Nakalabing sabi nito.

“Hay nako friend. In despair ka ba sa kumag kong kapatid na iyon? Ano bang nakita mo doon?”

“Hay, hindi mo naman sinisiraan ang kapatid mo ng lagay na iyan Charity?”

“Loka. Huwag mo nga akong tawaging ganyan. Naririmarim ako.” Kinikilabutan niyang sabi.

“O sige. Ako na ang straight.”

“Tse!”

“Order na tayo.”

“Go.” Sabi niya rito.

Matuling lumipas ang oras at pareho na silang may tama ng kaibigan kaya nagpasya na silang umuwi. Nagkandatumba-tumba pa sila pareho dahil sa kalasingan ni Earl. Nagpasya tuloy siya na i-uwi na lang ito sa bahay dahil di na makausap ng matino. Siya naman ay kaya pang mag-drive.

Nasa kahabaan na sila ng highway na medyo may kadiliman patungo sa kanilang subdivision ng biglang may maaninag siyang pigura ng tao na kumakaway sa kanya. Papasalubong ito sa sasakyan nya kaya naman nalloka siya ng tamaan ito ng ilaw.

Hubo’t-hubad ang lalaki.

At sugatan ito.

Mabilis ang pagganan ng instinct niya na baka may mga humahabol dito.
Hindi niya sana ito hihintuan ng literal nitong iharang ang sarili sasakyan at natumba.

Agad siyang nagpreno. Ilang minuto rin siyang di nakakilos. Maya-maya, mas nanaig ang damdamin niyang makatulong.

Binaba niya ang lalaking nakahandusay sa daan at kinausap ito.

“Manong!”

“Manong gising! Sinong may gawa nito sa’yo?”

Ungol lang ang isinagot nito. Marumi ang mukha nito at puro dugo at putik. Maganda ang katawan nito ayon sa pagkakaaninag niya kanina kaya naman nag-aalala siya kung paano ito bubuhatin. Medyo di kasi siya sanay magbuhat.

Lahat ng mga pag-aalinlangan niya sa pagtulong ay nawala ng makarinig ng mga putok. Mabilis niya itong binuhat at ipinasok sa backseat.

Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.

Itutuloy…


[02]
Natatarantang pinunasan ni Kearse ang mukha ng lalaking natagpuan niyang nakahandusay sa daan. Salamat sa mga kapatid niyang nurse na sina Jaime at Migs ay nalapatan ng paunang-lunas ang lalaki. Napakagwapo pala nito kaya siya natataranta. Iyon ang unang beses sa buhay niya na naka-encounter siya ng napakagwapong nilalang na katulad nito. Para itong anghel na inihulog mula sa langit, bumagsak sa harapan niya in all his naked glory.

Sayang! Piping sabi niya sa isip.

Paano ba naman, ng ipasok kasi niya ito sa bahay nila ay hindi na niya napansin kung "dakota harrison" ba si kuyang walang-malay na natutulog ngayon sa kama niya.

Hindi na nagtanong ang mga kapatid at ama niya bagaman nagulat ang mga ito. Mabilisan ang naging paliwanag niya habang nagtutulong ang dalawang kapatid niyang nurse na nagkataong walang mga duty ng araw na iyon.

"Hay!!!" Nanghihinayang na sambit niya sa hangin.

Muli niya itong tinitigan. Nakadamit na ito ng maayos. Hindi katulad noong una na duguan ito. Napalabhan na rin nila ang lahat ng nadumihan ng dugo nito. Ang bumabagabag ngayon sa kanya ay ang napag-usapan nilang mag-aama.

"Anak, baka naman biktima ng sindikato iyan o di kaya ay salvage? Bakit dito mo dinala?" anang kanyang ama pagkatapos pagpalain ng mga kapatid niya ang nahihimbing na lalaki.

"Eh tay, kung doon ko dadalhin iyan, malamang katakot-takot na paliwanagan ang gawin ko. Eh ni wala ngang kadamit-damit ang tao di ba? Nakita niyo naman? Alangan naman na hulaan ko ang pangalan niyan?" pangangatwiran niya.

"John Doe." sabi ni Migs.

"Anong Jumbo? Sino si Jumbo?" takang tanong ng kanilang ama.

Impit na nagtawanan ang mga kapatid niya.

Napapalatak siya. "Hindi Jumbo 'Tay. John Doe."

"Ah, Janggo. Aba'y iyon ba ang pangalan niyang lalaking iyan? Paano niyo nalaman?" sagot ng tatay niya.

"Susmiyo! Tay, John Doe! J-o-h-n D---" naloloka na niyang sabi ng putulin nito ang pagsasalita niya.

"Ako nga'y huwag mong sigawan Kearse. Narinig na kita. John Doe, hindi ba? Aba'y bakit mo pa i-i-spell sa akin? Ano ba ako? Tanga?" Nagagalit na sabi ng tatay niya.

"Hay nako 'Tay. Wala akong sinabing ganyan. Ang mabuti pa po, magpahinga na muna tayo at bukas na natin pag-usapan lahat ng ito." pagpapahinuhod niya sa nabibingi na yatang ama. Kailangan na nila itong mapatingnan.

"Oo nga naman 'Tay." segunda ni Jaime.

"O siya. At sumasakit na ang likod ko sa lamig. Magsipagtulog na rin kayo. Dito ka na sa labas matulog Kearse." bilin ng kanyang ama.

"Opo. Kukuha lang ako ng gamit."

Tumuloy na ang ama sa silid nito. Ang mga kapatid naman niya ay mapanuksong tingin na ipinupukol sa kanya.

"O anong ibig sabihin ng mga tingin na iyan?" pagtataray niya sa mga kumag.

"Dito lang kami. Babantayan ka namin at baka gapangin mo iyong lalaki sa loob." sabi ni Jaime.

"Mga echozerang ito. Hindi kaya kayo ang mga bantay salakay dito?"

"Hoy hindi ah. Ni hindi nga namin napansin na malaki pala ang..." ani Migs na iglap niyang pinutol.

"Hep! Huwag mo ng ituloy at baka marinig ka ni Tatay." aniya ritong pinandilatan ng husto.

Sa inis niya ay ngumisi lang ang mga talipandas na kapatid niya.

"Malaki ang mga sugat niya. May mga marka na galing sa paghataw. Mayroong gunshot wound sa may hita pero daplis lang. Na-disinfect na namin ang mga sugat niya. Sana lang, di siya kailangang salinan ng dugo. Malakas naman ang vital signs niya eh. Saka mukhang sanay na siya sa ganoon." paglalahad ni Jaime.

Napakunot ang noo niya.

"Anong sanay na siya sa ganoon? Anong ibig mong sabihin? Hobby niya ang magpalatay at magpabaril ng ganun-ganon na lang?"

"OA ka Kuya Kearse. Ang ibig kong sabihin, may mga peklat siya na galing din sa tama ng baril. Marami na akong nakitang ganyan kaya naman alam ko." sabi ni Jaime sa kanya na para bang ang tanga-tanga niya. Binigyan pa siya nito ng hindi-makapaniwalang tingin na para bang nagpapaliwanag ito sa bata.

"Umayos ka ng tingin sa akin Jaime at baka dukutin ko iyang mata mo." aniya rito.

Ngumuso lang ito sa kanya. Babalik na sana siya ng kwarto ng makarinig sila ng malalakas na katok sa pinto. Nahintakutan agad siya. Naalala niyang may humahabol nga pala doon sa lalaking napulot niya.

Pero wala naman siyang narinig na dumating na sasakyan ah? Sino kaya iyon?

Mas lalong lumakas ang mga katok kaya naman inalerto na niya ang mga kapatid na kumuha ng kahit anong maipanghahampas. Dagling kinuha ni Jaime ang baseball bat na nasa likuranng kanilang estante sa sala. Pumwesto ito sa likod ng pinto at dahan-dahan iyong binuksan.

Ihahampas na sana ng ubod lakas ng kapatid niya ang baseball bat ng iluwa nun ang kaibigan niyang si Earl na diretsong bumagsak sa sahig. "Oh my God!" sambit niya. Nakalimutan niya ito sa sasakyan. Sa sobrang taranta niya ay hindi niya ito napansin. Nagtaka rin si Jaime na para bang ngayon lang nakita ang kaibigan niya.

"Earl!" tarantang sabi niya ng makitang gulapay na ito at luparay na luparay sa kalasingan.

"Friendship..." ungol nito.

"Sorry, friend, kasi naman. Nagtalukbong ka sa front-seat. Akala ko tuloy throw pillow ka lang."

"Sh-shuta ka! Mukha ba akong u-nan?" Lasing na lasing na sabi nito habang pinipilit na makatayo.

"Bakit ba nandito iyan?" sabat ni Jaime.

"Uy! Mukhang ako lang ang walang ka-loveteam." Singit naman ni Migs.

"Gusto mo sa'yo ko ihampas ito?" iritableng sabi ni Jaime.

"Ikaw talaga. Inggitero ka sa kagwapuhan ko. Diyan ka na nga! I hate you!" umaarteng sabi ni Migs sabay martsa patungo sa silid nito.

"Hoy Jaime. Tulungan mo ako. Dalihin natin ito sa silid mo." aniya rito.

"Ha? Bakit sa kwarto ko? Bakit hindi sa'yo?" reklamo nito sa kanya.

"Kasi sinabi ko. Hala dali! Tulungan mo ako."

"Eh Kuya naman eh." pagmamaktol pa rin nito.

"Masikip na sa kwarto ko. Saka sa sahig mo naman ito patutulugin."

"Eh paano kung maihi iyan? O magsuka?" pagpupumilit pa rin ng hudyo.

"Ang dami mong reklamo Jaime. Kung ayaw mo, sabihin mo lang. Sa kwarto mo lang kasi may espasyo pa. Sa kwarto namin ni Migs wala na. Alam mo naman na dito ako sa sala matutulog. Ayaw ni Tatay na magigisnang may lasing dito sa sala. Kung maagkalat ito, linisin mo. Kung ayaw mo, sabihin mo. Para matandaan ko ang araw na ito na hindi mo pinagbigyan ang hiling ko. Ilalagay ko sa kalendaryo. Ipapatatak ko sa t-shirt ko at iapapta-tattoo ko sa noo ko para everytime na magsasalamin ako eh maaalala ko ang araw na tinanggihan mo ako!" Mahabang litanya niya.

Napagod lang siya sa ginawa pero worth it naman dahil isang pumapayag na Jaime na ang nagsalita. Effective talaga ang bunganga niya. Di lang pang-hada, pang-talak pa. He-he!

"Butangera ka talaga. Sige na nga." anito sabay martsa patungo sa kwarto.

"Hoy! Sabi ko sa'yo tulungan mo ako. ABa! Dead-weight na itong kaibigan ko dahil lasing na lasing na. Mabigat. Nangangawit ang aking perpektong bone structures."

"Yeah right." his brother snorted.

"Ayan." natutuwang sabi niya ng tulungan siya nitong akayin si Earl.

Sa panggigilalas niya at ni Jaime ay lumingkis ito sa katawan ng kapatid niya at isiniksik ang mukha sa leeg nito.

"Hmmm... My bebeh!" wika ni Earl na ng tsekin niya ay tulog na tulog pa rin. Mukhang nananaginip ito at napagdiskitahan ang kapatid niyang iniibig nito ng hindi rin masyadong lihim.

"Nampotek aman oh." reklamo ni Jaime na pilit inaayos o mas tamang sabihing binabaklas ang kamay ng kaibigan niya.

Napatawa siya ng malakas.

"Sige magtawa ka. Tandaan mo ang araw na ito Kuya." banta nito sa kanya.

"Natakot naman ako. Saka isa pa, bagay naman kayo ni Earl ah? Maputi siya. Ikaw negro ka. Para lang kayong kape't-gatas." aniya rito sabay kindat.

"Heh! Butangera ka talaga! Dinadaan mo ako sa rapido ng bunganga mo."

"FYI, hindi ako butangera. SI Marian Rivera iyon. At hindi ako Psychology. Wala akong alam sa pag-assess ng mga tao. Itsura nito! Diyan ka na nga."

Mabilis niya itong iniwan bago pa makahirit ang mokong. Pagpasok niya ay kinuha niya ang isang malinis na blangket at unan para gamitin sa labas. Pinagmasdan niya muna ng ilang sandali ang lalaking natutulog na ang gwapo-gwapo pala. Nang makita niya itong gumalaw ay dagli siyang lumabas na para bang hinahabol siya ng malaking nota, este, pusa.

"I really don't like it when people look at me like I was some freak or something." sabi ng isang tinig na nagpabalikwas sa pag-mumuni-muni niya ng mga kaganapan kagabi.

Napalingon pa siya sa paligid to make sure na may nagsalita pero wala siyang nakita.

"Hey!" anang tinig na humawak na ngayon sa braso niya.

"Ay pekpek ng kalabaw na bumaba sa lupa iginisa ng matanda nahulugan ng kalabasa habang may lumalangoy na isdang bilasa." nagulantang na sabi niya.

Nahampas pa niya ang may-ari ng kamay.

"Aray!" sabi ng lalaking nakahiga sa kama niya.

"Ay dyaske kang lalaki ka! Ginulat mo ako." Napatutop pa siya sa dibdib sa sobrang kaba.

"Sorry. Sorry if I startled you" anitong hinihimas ang nasaktang braso.

"Huh?" litong sabi niya.

"Sabi ko sorry." ulit nito.

"Sorry rin." nakangiwi niyang sabi. Nakita niyang may maliit na agos ng dugo sa nahampas niyang parte ng braso nito kaya naman agad siyang lumapit.

"Ayan, nagdugo tuloy." nag-aalalang sabi niya.

"Hayaan mo lang iyan." anitong iniiwas ang braso sa kanya.

"Huwag kang malikot." sabi niya. Binawi ang braong nasaktan.

"Okay lang iyan."

"Hindi okay iyan."

"Okay lang iyan."

"Hindi nga okay iyan eh!"

"Eh di hindi." the man said then stretched his arms dahilan para direktang tamaan ng kamao nito ang mukha niya.

"Aray!" tutop niya sa naktang pisngi.

"AY sorry." hinging-paumahin nito.

Nanlilisik ang matang tiningnan niya ito. "Gumaganti ka yata eh?" asik niya rito.

"Hindi ah. Wala nga akong laban eh. Kita mo ang dami kong sugat. Paano kita magagantihan? Aksidente iyon." depensa nito.

"Tse!"

"Sorry na ha."

"Pasalamat ka. Gulpi-sarado ka na."

Natawa ito. Nabatu-balani na naman siya.

"Oo nga eh. Salamat sa pag-aasikaso sa akin. Saan mo nga pala ako natagpuan?"

Hindi namalayan ni Kearse na nakatitig na pala siya dito. Natatawa namang ipinitik nglalaki ang mga kamay sa harap niya.

"Hey! Are you okay?"

"Huh?" gulat na sabi niya. "Ah oo. Ano nga pala ulit iyong tanong mo?" napapahiyang sabi niya.

"Ang sabi ko, ano kamong masasabi mo sa economic situation ng bansa natin dulot ng worldwide crisis at sa ginagawang aksiyon ng gobyerno tungkol dito."

"Ibagsak ang presidente ninyo!" tumataginting na sabi niya.

Sukat humalakhak ang lalaki na naputol din dahil sa pag-sakit ng mga sugat nito. Nangingiwing pinigilan nito ang sariling matawa ng lubusan.

"O bakit ka natatawa?" nagtatakang tanong niya.

Nag-alis muna ito ng bara sa lalamunan bago nagsalita.

"Paano eh, hindi naman iyon ang totoong tanong ko."

Namula siya sa narinig.

"Ah ganoon ba?" Napahiyaw ito ng diininan niya ng pasimple ang tagiliran nito, hoping there's a wound on that particular area. And he hit home.

"Salbahe ka." sabi nito.

"Hindi kaya. Ang bait-bait ko nga eh." saka siya plastic na ngumiti.

"Oo nga." naiiling na sabi nito.

"Paano ka ba napunta doon sa kalsada? At sinong humahabol sa'yo?" pag-iiba niya ng usapan.

For a brief moment, Kearse thought he saw danger in this man's eyes but it was so fast he was made to believe it was only his imagination playing tricks on him.

Ngumiti ito. "Mahabang kwento eh." anito.

"Try me. Wala naman akong ginagawa." pangungumbinsi niya.

"Saka na. Marami pa namang araw."

"Kahit clue lang?"

"Pasensiya na." disimuladong pang-didismiss nito sa pinag-uusapan nila.

Napabugha siya ng hangin. Mukhang in-time ay magkukwento ang lalaking ito. Hindi lang siguro sa ngayon.

"All right. Since you're playing the mysterious-guy-found-lying-naked-in-the-woods-you-can't-make-me-say-anything, aasahan ko na sasabihin mo sa akin ang mga detalye ng kinasangkutan mo bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa pagkakaligtas ko sa'yo. Kahit pa sa hospital or sa presinto ko dapat i-ne-report ang bagay na ito." pangongonsensiya dito.

Nakita niyang nagtalo ang kaloban nito. Pero saglit lang. Muling namutawi ang kislap sa mata nitoa t ang mapang-akit na ngiti. Ayun na naman ang nakakatunaw na tingin nito. Parang gusto siyang hilahin sa kama at gawin ang ipinagbabawal ng Lola Maria Clara niya.

"Oo naman. Scout's honor." nagtas pa ito ng kamay at ginawa ang simbolo ng boyscout. Napatawa siya.

"Anong pangalan mo?" aniya sa kawalan ng matanong.

Matagal bago ito nagsalita. Waring pinag-iisipan kung sasabihin ba sa kanya ang pangalan nito o hindi.

"Mukhang pati iyon aya--"

"Cody." sambit nito.

"Huh?"

"Cody. Iyon ang pangalan ko."

"True?"

"Oo naman."

"Bakit ang tagal bago mo sabihin?" hindi naniniwalang sabi niya rito.

"It's because I'm thinking if I deserve to be here alive at nagsasabi ng pangalan ko sa'yo habang ang mga kaibigan ko ay nasa panganib." mababa ang boses na sabi nito.

Natigilan siya.

This man, despite of his jolly personality, speaks danger. In capital D. Naiiling na nagsalita siya.

"Just tell me who you are." utos niya.

"I'm Cody. That's all you need to know. Aside from the fact that I mean no harm." nakangiti na nitong sabi kahit hindi umaabot ang ngiti sa mga mata.

"Trust me please. Wala akong gagawing masama. Pero kailangan kong magpagaling. Kahit dalawang araw lang. Pwede ba?" Pagpapatuloy nito.

Hindi alam ni Kearse ang isasagot. Nahahati siya sa pag-aalala kung gagawin ba niya ang sinabi nito o hindi. Hati kasi, nangangamba siya para sa kaligtasan nila, at sa kagustuhang makilala pa at tulungan ang lalaking ito.

Para-paraan!

"Okay." sa huli ay nasabi na lang niya.

"Salamat." Ginagap nito ang kamay niya. Para siayng nakuryente na di niya malaman. Hiling lang niya ay hindi nito naramdaman ang naramdaman niya.

"W-walang anuman."

"So,a nong pangalan ng savior ko?" nanunukso ang ngiti sa mga labi nito. At walang magawa ang kawawang mata niya kungdi sundan ng tingin ang mapang-akit na labi na iyon.

"Ah... Kea-Kearse."

"As in curse? Sumpa?" kunog-noong sabi nito.

"Ah.. Oo... ewan ko sa nanay ko kung saan galing iyan. Pero tama ang pronunciation mo." pilit siyang ngumiti para itago ang discomfort sa ayaw nitong bitiwang kamay niya.

"Wow... Thanks! Thank you Kearse!" anito sabay halik sa likod ng palad niya.

Kearse can't help but gasp in disbelief!



ITUTULOY


[03]
Busyng-busy sa pagngatngat ng straw ng binili niyang mocha frappe si Kearse habang nakatitig sa monitor ng mac notebook niya. He was slumped lazily on the comfortable sofa at the slightly dimmed corner of the cafe. Madalas siyang doon maglagi kapag nababagot siya sa loob ng bahay o di kaya naman ay gusto niya ng ibang ambiance kapag nagsusulat. Isa pa, walang paki-alam ang management ng cafe kahit ilang oras ng nakasalampak ang customer doon at isang piraso lang ng kape ang i-n-order. Ganoon kaluwag ang establishment and that's just the way he liked the place. So comfy. For his own comfort.

Binalikan niya sa ala-ala ang ilang eksena ng nobelang kanyang isinusulat. Pero kahit anong gawin niya, every effort was futile. Paano ba naman, ang tagilid niyang utak ay nangungulit na sa halip na ang kanyang pagsusulat ang intindihin, ang lalaking hubo't-hubad na nagngangalang Cody ang inaatupag ng tinamaan ng magling na utak niya.

"Haay!!" frustrated na sabi niya.

Sinubukan niyang mag-type ng ilang salita pero talagang si Cody at ang nakakalokang paghalik nito sa kamay niya ang sumasalimbay sa isip niya. Nakukulta na siya sa kakaisip kung bakit nito ginawa iyon. Naalala niyang bigla ang eksena pagkatapos ng halik na iyon.

"Thank you Kearse." ani Cody saka hinalikan ang likod ng palad niya.

Napasinghap siya sa ginawa nito.

No, understatement iyon. Naloka siya. Bakit siya hinalikan nito sa kamay? Feeling tuloy niya ang tanda na niya at pang-medieval times ang paraan ng pasasalamat at pagpapakilala na ginawa nito.

Ano bey?! Malanding sigaw ng isip niya.

Snap out of it Kearse! sigaw naman ng kabilang bahagi.

Natigilan siya. Nang mapagtuunan niya ng pansin ang lokong si Cody ay nakita niya ang kakaibang kislap ng mata nito. Para bang tuwang-tuwa sa nakikitang kalituhan sa mukha niya. Binawi niya ang kamay at pilit nagseryoso kahit gustong-gusto niyang tumambling ng 360 degrees pabalik-balik sa kwarto.

"Niloloko mo ba ako?"

"Huh? Bakit naman kita lolokohin?" the weird spark still evident in his tantalizing and deep set eyes.

"O sige, iibahin ko ang tanong. Pinag-ti-trip-an mo ba ako?"

"Hindi."

"Eh bakit may pahalik-halik ka pa sa kamay ko?" mataray niyang sabi. Pilit itinatago ang kilig.

"Eh gusto ko eh. Saka nagpapasalamat lang ako sa'yo Kearse. That's just my way of saying it."

Oo nga naman. Bakit ba iba na agad ang ipinakahulugan niya sa ginawa nito? Napailing siya. Napansin na naman niya ang mata nito. Kakaiba ang kulay.

"Eh bakit ganyan yang mga matang iyan? Bakit kakaiba ang kislap?" tinuro pa niya ang mga mata nito to stress his point.

Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis. "Sabi nga ng ilang friends ko, kakaiba daw ang mata ko. Whenever I smile, kumikinang siya. I don't know. Siguro kasi, grayish ang kulay niyan."

"May lahi ka ba?"

"Oo. Half-German..."

"Half-Shepperd?" putol niya sa sinasabi nito.

"He-he, funny. Ang cute mo Kearse."

Napatigil siya sa sinabi nito. Cute? Daw? Siya? Oh my gas!

"Tumigil ka nga. Mukhang napasobra ang pukpok sa ulo mo ng mga nanggulpi sayo. Iba na ang tinatakbo ng isip mo."

Natawa ito. "I'm perfectly fine Kearse. Besides, alam kong pagaling na ako. Magaling na nurse ang mga kapatid mo."

"Dapat lang. Buhay at kaluluwa ang ibinuwis ko maitawid ko lang ang pag-aaral nila."

"And I think you did a great job."

Naka-ilang papuri naman na siyang narinig sa mga kakilala at kaibigan niya na nakasaksi ng mga paghihirap niya para sa mga kapatid at pamilya pero bakit parang nawalan lahat ng saysay ang mga iyon pagkarinig niya sa papuri ni Cody. And it bothered him so much when he came to realize that he was overwhelmed by his praises.

Naramdaman niyang pinisil nito ang kamay niya.

Huh? Kailan pa nito nahawakan iyon?

Nangingiwing ngumiti siya. Disimuladong binabawi ang kamay sa pasimpleng paraan.Pero hinigpitan ni Cody ang hawak dito.

"Ahm.. Can I have my hand back now?" binigyan niya ito ng palyadong ngiti.

"Okay lang iyan sa mga kamay ko Kearse. Besides, masarap sa pakiramdam ang hawak ko ang kamay mo."

"Ah anong tingin mo diyan? Eficasent Oil? Does it give you soothing relief?"

"Hindi. Pero higit pa doon ang ibinibigay. Ewan ko. Siguro kasi, aside from you're cute, ikaw ang nagligtas sa buhay ko."

Alam mo ba ang sinasabi mo? Bading kaya ako. At pwede kong ipagkamali ang sinasabi mo at isiping gusto mo ako."

"Bakit, ano bang hindi ko pwedeng magustuhan sa'yo? Imposible bang magkaguto ako sa savior ko?

Napalunok iya sa sinabi nito.

"Ayan ka na naman eh. Kumain ka na nga muna. Baka gutom lang iyan. Masama kasi sa utak ang epekto ng hindi kumakain." sabi niya saka siya tumayo para kunin ang pagkain sa tray na nakalapag sa kalapit na tokador.

Umaasa siyang bibitawan na nito ang kamay niya pero hindi nito ginawa. Muntik na tuloy siyang mapasubsob dito kung hindi niya naagapan ang kamay na itukod ka mismong kama. Ang siste. Napaibabaw siya dito na may ilang pulgada lang ang pagitan. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa nakakalokang proximity nilang iyon.

Napatitig siya dito. Ganun din si Cody. Nag-alala siyang bigla na baka marinig nito ang malakas na tibok ng puso niya. Tatayo na sana siya whn he realized something. He liked Cody's eyes. Lalo na sa ganoong kalapit na sitwasyon. At hayun na naman ang nakakalunod na paraan ng pagtitig ni Cody. Parang tukso naman na napatitig siya sa labi nito. Parang nag-aanyaya na tawirin niya ang maliit na distansiya sa pagitan nila.

"I-i'm sorry." aniya ng maapuhap ang boses.

"Well' I'm not." anitong ngumiti na para bang nang-aakit.

Bigla siyang tumayo. Nanlaki ang amta niya ng maramdaman ang isang bagay sa pang-upo niya. Kinakabahang tiningnan niya kung ano iyon.

Kamay!

Ang talipandas na kamay ni Cody ay nasa puwitan niya. Slowly caressing it that gave him thousands of reason not to get away. Pero nagpaka-kalma siya.

"What are you doing?"

"What?" inosenteng tanong nito.

"Your hand is in my butt."

"Yeah. I know."

"And I don't like it."

Napahalakhak ito sa sagot niya pero gaya kanina, napangiwi na naman ito sa sakit na dulot ng mga sugat.

"Argh, kung hindi lang ako nag-aalalang bubuka ang mga tahi ng sugat mo. Ako na mismo ang tumuklap sa mga iyan." naiinis na tugon niya.

Inalis ni Cody ang kamay sa puwitan niya. Pero nanatili ang mapanuksong kislap ng mata nito na sa tanang-buhay niya ay hindi niya pa nakita sa totoong buhay. Nakapagsulat na siya ng mga description ng pinaka-gwapong nilalang sa mundo but all of it failed in comparison pagdating kay Cody.

"Nakakatawa ka kasi."

Ikiniling niya ang ulo para bigyang puwang ang pagdaan ng maayos na pag-iisip. Mukhang maling hakbang ang kausapina ng lalaking ito. Tinutukso siya nito. Hindi niya alam kung sinasadya nito iyon pero natutukso siya.

"I'm glad to have humored you Cody. Maiwan na kita." sabi niya saka binirahan ng martsa palabas ng silid ang hudyo. Narinig pa niya ang malakas na pagtawa at ang mabilis na pagdaing ng sakit dahil doon.

"Kasalanan mo itong hudyo ka!" malakas na sabi ni Kearse sa sarili. Nakita niyang napatingin sa kanya ang ilang naka-upong customer saka napa-iling. Marahil ay iniisip na nababaliw na siya.

Madalas siyang makatanggap ng mga ganoong tingin at binabalewala na lang niya. Kapag ganoong frustrated siya at hindi makagawa ng nobela ay nangangain siya ng tao. Pero dahil kailangan niya ng pera kaysa laman ng tao, dedma na lang siya sa mga ito.

Nasa ganoong disposisyon pa rin siya ng may umupo sa tapat ng pang-isahang sofa na inuupuan niya. Usually, kapag ganoong may naka-upo na sa mga magkakaharap na sofa, ay wala ng maaaring maupo sa natitirang bahagi lalo na kung kagaya niyang parang may-ari ng cafe kung maka-upo doon.

Kahiyaan na lang naman din kasi. Pero ang lalaking naupo sa tapat niya ay hindi man lang hiningi ang permiso niya. Ni hindi man lang nag-abalang tanungin siya kahit pabalat-bunga lang. Sabagay, hindi naman kanya iyon.

Still...

"Ecuse me lang Mister?" aniya ng umakto itong matutulog. " Taken na po ang upuang iyan."

"There are two seats Mister." ginaya nito ang tono niya. "Bakit? May hinihintay ka ba?"

Naloka siya ng banatan siya ng english ng hudyo. "Wala, pero ayoko ng may ka-share sa table." mataray na sabi niya.

"Alam mo Miss-ter..." nang-iinsultong sabi nito ng mahalatang bading siya. "I don't see any names written on this table. Besides, there are no available seats. Wala ka namang hinihintay, kaya dito ako pumwesto. Saka wala pa akong nabalitaan na payag ang Coffee Haven sa reservations." nang-iinis na sabi nito.

Hindi siya makapalag sa sinabi nito. And they're starting to get attention already. His mind was saying to give it a rest at hayaan na lang ang kumag na ito sa ginagawa pero ayaw pumayag ng nagrerebolusyon niyang damdamin. Hah! Isa siyang makata. Kaya dapat lang masabi niya ang nasasaloob niya! Yeah!

Magsasalita na sana siya ng pikitan siya ng hudyo. Napagmasdan niya tuloy ng wala sa oras ang mukha nito. His stubbles are starting to grow na nagbigay ng impresyon na marumi ang lifestyle nito. Magulo rin ang buhok nitong nakatali sa may bandang balikat. May kung anu-ano ring tilamsik ng kung ano man ang t-shirt nitong itim at ang jeans, pudpod na sa bandang tuhod. Mukhang di pa nalalabhan. So as his sneakers. It wasn't any good either. Kung di lang niya ito narinig na nag-ingles ay malamang na mapagkamalan niya itong taong-grasa.

Napatingin siya sa mukha nito. Nakanganga na itong natutulog. Nakaisip siya ng malungkot at inilabas ang digicam niya. Ini-off niya ang flash para di ito magambala at pasiple niya itong kinuhanan ng ilang shots.

Nang matapos ay isinilid niya iyon sa bag. Naghahanda na sana siyang umalis ng magkagulo ang mga tao at pumasok ang isang napakagandang babae. Artista yata iyon. Naghahanap ang mga mata nito sa paligid ng partikular na tao ng tumambad iyon sa kanya. Nagulantang siya ng patungo na ito sa direksiyon niya.

Ha? Di ko knows ang mujer na itey.

Nagpatuloy ito sa paglapit ng nakalahad ang mga kamay. Akal niya yayakapin siya nito ng tumbukin nito ang direksiyon ng natutulog na lalaki at walang sabi-sabi na hinalikan ito sa bibig.

"Jhay-L, Honey!" sabi ng babae. "I thought I'd see you here."

Mga imoral! sigaw ng isip niya matapos nitong halikan ang kanina'y tulog na lalaki.

"Marisay?" nagulat na wika ng lalaki. Napatingin pa ito sa kanya kaya naman nag-make face siya na kunwai ay nasusuka.

"Jhay-L, bakit di mo sinabi na pupunta ka pala sa shoot namin. Sana nakaalis agad ako." maarteng wika ni Marisay Penta. Ang starlet na papasikat ngayon.

"No, I was just dropping by. Natutulog ako ng dumating ka di ba? Nagpapahinga lang ako dahil magda-drive pa ako mamaya." paliwanag nito pero sa kanya mas nakatingin. Napabaling tuloy ang babae sa kanya na nahuli siyang naka-make face pa rin.

"Who is he Darling?" taas-kilay na tanong nito.

"I don't kn..." sagot sana ng lalaki.

"I'm Kearse. It sound like 'curse' but spelled as K-E-A-R-S-E" Kearse!" nakangiti niyang sambit sabay lahad ng kamay dito.

Inignora lang ito ng babae at saka bumaling sa lalaking nagngangalan pa lang Jhay-L.

"Jhay-L, honey. Let's get out of here na. Marami ng nakikisawsaw sa kasikatan natin dito."

"Sino? Sino ang sira-ulong nakikisawsaw sa kasikatan natin?" tanong niya sa dalawa.

Nilingon pa niya ang paligid para maghanap ng kahinahinalang tao na sumasawsaw sa kasikatan daw nila. Nang walang makita ay saka niya ibinalik ang tingin sa mga ito. The girl was giving him an irritated look while the guy, a passive one.

"Ikaw yata ang tinutukoy ng girlfriend mo. Ano ba yan? Pumapayag kang ganun-ganunin ka ng babaeng isda na yan? Kung ako sayo hinagis ko na kanal yan." sabi niya sa lalaki ng mapagtantaong siya ang tinutukoy ni Marisay.

"OMG, I'll be waiting for you ouside honey. I can't stand it here anymore." maarteng sabi nito sabay halik ng mabilis sa labi ni Jhay L.

"OO nga, umalis na kayo dito. Hindi bagay ang kasosyalan niyo dito sa amin. Baka mahawa pa kami sa inyo. As a matter of fact, nangangati na nga ang balat ko. Ano ba iyan? Ewe, what is this? Some kind of galis. Shoo SHoo na! Go! Don't come here again ha!" naiirita rin niyang sabi sa mahaderang babaeng penguin na maumbok ang pang-upo. Hindi naman niya inaano ito pero kung makapanglait wagas!

Tumili ang babae sa kawalan ng magawa dahil maraming reporter sa paligid. Umalis ito ng cafe at iniwan si Jhay L.

Aalis na rin sana siya ng magsalita ang lalaki.

"Can you do me a favor?"

"What?" asar na sabi niya.

"Mind your own business." anito sabay bira ng alis.

Naiwan siyang nagngingitngit. Napaupo siya sa inis.

"Akala niyo kung sino kayong mga hinayupak kayo. Hah! Gaganti ako sa inyo! Lintek lang ang walang ganti. Ikaw lalaki ka, gagawin kitang lider ng kulto na may malaking pigsa sa puwet! At ikaw babae ka, ipapangalan kita sa kuto. Hindi. sa ipis na lang. Huh! Makikita niyo!" inis na sabi niya.

Hindi yata alam ng mga ito ang kakayahan ng mga kagaya niyang manunulat. The power of the pen! Yeboi!


Itutuloy...


[04]
Nakatalungko si Kearse sa garden nila habang nakaharap sa kanyang Mac Notebook. Nag-iisip siya ng panibagong eksena para kanyang nakabiting trabaho. Salamat at wala sa paligid ang kanyang mga kapatid. Si Jaime ay inihatid ang kanyang kaibigang si Earl habang si Migs naman ay may ka-date daw. Hindi niya lang alam kung lalaki o babae.

Kinukutkot niya ang daliri na siyang hobby niya habang nag-iisip. Pero ang totoo, wala siya talagang maisip. Naglalakbay ang kanyang malikot at tagilid na kaisipan sa paligid niya. Partikular na sa lalaking nasa loob ng silid niya.

Si Cody.

"Ano kayang ginagawa ni Cody ngayon?" aniya sa kawalan.

Napatingin siya sa ulap. Maaliwalas ang panahon. Kaka-uwi niya lang galing sa Coffee Haven kung saan nakasagupa niya ang dalawang pinaka-walang kwentang nilalang ng Diyos sa mundo.

Kinuha niya ang digicam. Ipinasya niyang i-upload ang pictures ng lalaking kinuhanan niya ng palihim. Nakalimutan na niya ang pangalan nito.

"Jhay Em... Jhay Pee... ah... Jhay L. Tama iyon nga."

Nang maisalin niya sa Notebook ang picture nito ay medyo nagduda siya sa nakita. Napakunot siya ng noo at tiningnan pa kung tama ang pictures na na-upload niya.

At natigagal siya sa nakita.

Shet!!! Ang gwapo pala niya!

Ngayong natitigan niya ng malapitan ang mukha ni Jhay L sa kanyang Notebook ay talagang nagulat siya. Bigla ang pagtaas ng radar niya na tulad ng isang normal na bading na nakakakita ng gwapo ay namumula ang hasang niya.

Malalantik pala ang pilik-mata nitong si Jhay L. At ang lips! Uy! Oh lala. Ang panga, tama lang sa shape ng mukha. It gave him an impression that Jhay L, IS an authoritative man. Mukhang sanay itong magsungit.

SheT!!! Nakakahiya. Inaway ko pa naman siya.

Pero ng maalala kung gaano kagaspang ang ugaling ipinakita nito sa kanya ay medyo nag-alangan siya.

"Hmp! Eh ano ngayon kung gwapo siya? Masama naman ang ugali niya." sabi niya sa sarili.

Charing!

He can't keep from staring at his beautiful face. Parang ang sarap nitong humalik kasi nag-aanyaya ng napakaraming maruming kaisipan ang labi nito.

Maghunos-dili ka Maria Kearse!

Napabuntong-hininga siya. Nasa ganoon siyang estado ng may magsalita sa likuran niya.

"You're ogling him."

"Ay puwet ng baka!" napasigaw niyang sabi.

Natawa ang may-ari ng boses na nanggulat sa kanya. Ready na siyang rumatrat ng talak dito ng mapansin niya ang ayos nito. Cody was shirtless!

Uy! Yummy!

Nawala sa konsentrasyon ang dati ng hindi niya matinong pag-iisip. Naloloka siya sa tanawing nakabalandra sa harapan niya ngayon.

Look at those abs! Piping hiyaw ng kanyang tagilid na utak.

And those pecs!

Hay! Bigla siyang nag-hyperventilate sa nakikita. Kinailangan niyang tipunin ang lahat ng lakas para ilayo ang kanyang mata sa nakakatunaw na tanawin.

At nagawa niya nga. Iyon nga lang. Sa maamong mukha naman ni Jhay L siya nakapagbaling ng tingin. Isa pang masarap na nilalang.

Homaygawd! Ano bang pahirap ito?

Napapikit na lang siya sa frustration.

"O bakit?" tanong sa kanya ni Cody.

Nag-alis siya ng bara sa lalamunan bago sumagot.

"Wala. Wala." Paulit-ulit niyang sabi.

"Unli?"

"Hindi."

"Sabi ko nga." tumatawang sambit nito. "Eh bakit ka nakapikit?"

"Ah... kasi nasisilaw ako."

Nakakasilaw ang kamachohan mong damuho ka! Baka kapag dumilat ako ay malapa kita!

"Saan ka nasisilaw? Sa ka-machohan ko?" his voice was laced with amusement. Bigla siyang parang binasa ng malamig na tubig at natauhan. Bakit nga ba siya nagre-react ng ganun? Hindi naman ito ang unang beses na nakakita siya ng hubad na katawan ng lalaki. Particularly Codys'.

Nagdilat siya ng mata and was welcomed by the most tantalizing eyes na nakita niya. Nakapameywang na ito. Waring tuwang-tuwa sa nakikitang pagkabalisa niya.

Naiinis na sumagot siya kahit pa ang pakiramdam niya ay ang pula-pula niya. "Eh bakit naman ako masisilaw sa'yo? Ano ka, aparisyon?"

Sukat humalakhak si Cody.

"Nakakatuwa ka talaga."

"Siyempre, cute ako eh."

"Oo naman. Cute na cute ka."

Ay? Me ganun?

Biglang nag-rambulan ang sistema niya. Ang puso niya, naka-red alert na. Grabe na ito! Sobrang kinikilig siya. Todo na ito Mare!

Tse! Inaanak ko ba ang anak mo? Sigaw ng magandang author.

Ay ganun? Sumasagot si author sa plyado kong utak? Kabog!

Oo naman! Di lang ikaw ang pinagpala! Tse! sagot ulit ng author na si Dalisay Diaz.

Ipinilig niya ang ulo bago pa magbangayan ang isip niya at ang author ng kwentong ito. Napatitig siya sa mukha ng naaaliw pa ring si Cody. Nakataas ang isang kilay nito. Parang pwedeng pagsabitan ng payong.

"Ahm... may kailangan ka?" aniya rito sa kawalan ng maitutugon.

"Actually, nakita lang kasi kitang tulala dito. Iyon pala, you're ogling at your boyfriend's picture." sabi nitong nakasimangot.

Napatigil siya. Boyfriend? Sino? Sino ang boyfriend ko? Tanong niya sa isip niya.

Ewan. Ma. At Pa. sigaw ng mahaderang parte ng isip niya.

"Sinong boyfriend ko?" nagtatakang tanong niya.

"That guy." turo nito sa nakakalat na Mac Notebook niya.

Saka niya naalala ang fez ni Jhay L na nakaabandera doon. Napagkamalan nitong bf niya ang lalaki. Hay! Sana nga.

"He's not my boyfriend. What made you think of that?" takang tanong niya rito.

"If he's not your boyfriend, why are you staring at him with matching dreamily sighs pa?" Cody asked.

"Kasi it's good for me po." pa-cute niyang sagot.

Natawa lang ito kahit pa nakakunot pa rin ang noo.

"Good for you? Bakit di ba good for your health kung sa kagwapuhan ko ikaw tititig?" sabi pa ni Cody.

Nanlaki ang mata niya sa narinig.

Tama ba ang nasasapantaha niya? May bahid ng pagseselos ang tinig nito.

Asa ka teh.

Tama nga naman. Asa pa siyang ganun nga. Baka pinagti-trip-an lang siya nitong kumag na ito.

Inirapan niya ang nagti-trip na mama.

"O bakti ka naka-irap diyan?" tanong ni Cody.

"Wala." mataray niyang sabi.

"Wala? Maniwala ako."

"E di huwag. Paki mo ba kung titigan ko siya, eh gwapo naman siya."

"Gwapo? Iyan ba ang guto mong lalaki?"

"Eh ano naman ngayon sayo." nakapameywang na sabi ni Kearse sa nang-aasar na si Cody. Confirmed na nanglalaro lang ito ng damdamin niya. Buti na lang wais siya.

"Eh mukhang kahina-hinala ang pagkatao niyan." wala pa ring tigil nitong pang-aasar.

"Kung kahina-hinala man iyan sa paningin mo, ano ka pa? Sino ba ang natagpuan kong hubo't-hubad na, marami pang tama ng kung anu-ano sa katawan? Malay ko ba kung kriminal ka?" ratsada sais-trenta ng bibig niyang may pagkakaparehas sa armalite.

Hindi siya nakarinig ng sagot mula kay Cody. Tiningnan tuloy niya para lang ma-guilty sa nakita niyang sakit at pait na nasa mga mata nito.

Agad ang pagbalot ng masamang pakiramdam sa katawan niya. "I'm sorry." kagat-labing wika niya.

Napa-iling ito.

"Don't be Kearse. Tama ka naman. Kahina-hinala ang pagkatao ko." his voice was laced with sadness. Parang may malaking kamay na kinuha ang puso niya at kinurot ang singit nun, kung meron man.

"Eh... huwag ka naman ganyan. I didn't mean that." guilty pa rin niyang sabi.

"No. It's okay. Tanggap ko yun."

"No. huwag kang ganyan Cody. Nagi-guilty lang akong lalo. Say I'm mean."

"You're mean." He replied softly.

"Cody naman eh." desperado niyang sabi. Never pa siyang na-guilty ng ganoon. Kay Cody pa lang. At ewan niya kung bakit.

"What's the nearest terminal here? I need to get back to Manila. My friends are waiting."

Nanglaki ang mata niya sa sinabi nito.

No! He can't be!

Pero tinalikuran lang siya ni Cody. Parang timang lang siyang nakatigil sa kinatatayuan. Unable to make a move. Hindi pa nagsi-sink in ang sinabi nito ng husto. Parang ayaw tanggapin ng sistema niya na dahil sa kanya ay aalis na ito.

Cool Kearse. You did it again!


Itutuloy...


[05]
Parang timang na sinundan ni Kearse si Cody papasok ng bahay. Hindi pa rin ito kumikibo ng maayos kahit ilang sorry na ang ginawa niya. Lalo tuloy siyang kinain ng pagka-guilty.

Tse! Inaway-away mo tapos magi-guilty ka?

Dinedma niya ang pasaway na isip niya. Kung iintindihin niya kasi iyon ay hindi siya lalong makakagawa ng tama. Nilapitan niya ang walang kibong si Cody na nasa pinto na ng silid niya.

"Cody..." sambit niya.

Lumingon ito at bahagyang ngumiti. Hindi nga lang kasing-kislap ng mata nito ngayon ang mga nakaraang kislap nun.

"Ahm... pwede bang humiram ng cellphone Kearse? Tatawagan ko na lang yung mga kaibigan ko para magpasundo."

"Huh?" he was stunned by the softness of his voice. Parang hindi ito yung Cody na makulit. Medyo nakilala naman na niya ito kahit saglit pa lang silang nagkakakilala.

"Pwede ba? Wala kasi akong pamasahe eh, nakalimutan kong wala nga pala akong wallet o kahit na ano. Patawag na lang para maka-uwi na ako at wala ka na ring aalalahaning kahina-hinalang tao dito sa bahay mo."

Aray!

Sapul na sapul siya dun. Napangiwi tuloy siya ng lihim.

"Eh Cody, di mo namang kailangang umalis eh." naiinis nang sabi niya. Ganun siya kapag napu-frustrate.

"Mas mabuti ng ganun Kearse. Maraming salamat sa abala, pero hindi ko rin gustong hindi kayo makampante na may aali-aligid na kahina-hinalang tao dito." malamig pa ring tugon ni Cody pero may bigat sa kanya ang dating ng bawat salita nito.

"Sobra ka naman!" his temper finally snapped. "Sorry na nga ako ng sorry dito eh, pero wala ka pa ring tigil sa pagpapa-guilty sa akin!"

Tiningnan lang siya ni Cody ng parang balewala ang pagkaasar niya ng tuluyan.

"O sige, bahala ka! Iyan ang phone ko!" sabay abot niya rito ng aparato. "Mabuti pang umalis ka na kasi ayaw mo namang tanggapin ang sorry ko!" asar na asar na talagang tugon niya.

Mukha namang nainis na rin ito at hindi binitawan ang cellphone niyang nasa kamay niya pa rin hanggang ngayon. Hindi kasi nito binitawan ang kamay niya ng iabot niya iyon dito.

"What's eating you? Aalis na nga ako di ba? Ikaw pa ang nagagalit?" sabi ni Cody.

"Eh ikaw naman kasi eh, ayoko sa lahat ay yung pinagmumukha akong tanga Cody. Kung ayaw mo ng sorry ko, sabihin mo, mas mauunawaan ko pa iyon!" galit na talaga niyang sabi.

"Argh, aren't you a work of art? Eh kung ginaganito kaya kita?" gigil na gigil na rin nitong sabi.

Kasabay ng pagkasabi nito niyon ay ang pagkabig nito sa kanya ng tuluyan saka sinakop ang kanyang labi.

Napatulala siya.

Nanglaki ang mga mata.

Naging mapaghanap ang mga labi ni Cody. Tumitikim. Inaakit siya. Nang-aangkin. Nahulog tuloy ang cellphone sa sahig pero dedma lang siya. Nakalimutan na niya ng tuluyan ang pinag-uusapan nila ng dahil sa mapaghanap na halik na iyon.

Nang mapaghiwalay sila ay inakala niyang katapusan na. Hindi pa pala. Mabilis nitong hinubad ang kamiseta at siya ay naiwang nakamasid lang. Halos tigagal sa napakabilis na pangyayari.

Bago pa siya makabalik sa katinuan at makaisip ng paraan para tumakas sa nakangingilong sitwasyon na iyon ay sinibasib na naman nito ang kanyang labi.

Cody was only kissing his lips yet Kearse felt like he was coming down with a fever already. Init na init siya. Hinahabol niya ang bawat galaw ng labi nito. Never in his wildest dreams that he would be kissing somebody in such intense passion.

Dumako ang labi nito sa kanyang leeg, pa puno ng kanyang tainga habang ang kanyang kamay ay naglalakbay sa matipunong likod nito. Hindi pa ulit nagkakalapat ang mga labi nila pero dama niyang hingal na hingal siya sa sitwasyon at antisipasyon.

Hinaklit nito ang suot niyang poloshirt. Muntik na iyong masira pero wala pa rin siyang paki. Ang mahalaga ay ang init na pinagsasaluhan nila ni Cody.

Cody grabbed his buttocks to make him aware of his steely maleness inside his jeans. Na-shock siya sa intensidad na naramdaman niya. Bigla ang pag-ahon ng excitement sa buong katawan niya.

Napasinghap siya when Cody's lips touched his bare chest and sucked hungrily on one nipple. All he could do was place his trembling hands on his head and breath heavily. Nangangapos ang hininga niya at nararamdaman niyang tila nalulusaw ang buto niya sa tuhod. Making him unable to stand. But Cody held him still.

Muling nagtagpo ang kanilang tila mga uhaw na labi. Kearse decided to finally give in. He was now kissing Cody hungrily as well. Noon niya naunawaan kung gaano kasidhi ang pagnanais niyang magkaroon ng katuparan ang lahat ng iyon sa pagitan nila ni Cody.

Cody pulled him near him and again, he gasped as he felt his obvious arousal. Hindi niya alam kung paano niyang nagagawang iparamdam ang ganoong bagay dito but Kearse felt his pride went haywire. A shiver ran up his spine. Nagsimulang maglakbay ang kamay nito sa katawan niya habang ang labi ay patuloy sa pagpapaligaya sa kanya.

Ginagap ni Cody ang kamay niya and placed it on his throbbing shaft covered by his jeans. Nagmamadali niyang hinagilap ang zipper nito when he came to realize one thing. He was wearing Jaimes' button fly jeans. Medyo pahirapan ang suot nito pero keri niya. Kakayanin niya! Ngayon pa ba?

Hindi niya alam kung hihimatayin ba siya o matutumba kaya pinili niyang lumuhod na lang. Pero parang may pwersang pilit siyang ibinabalik sa katinuan and he felt Cody shaking him. Hard. Like he was on a trance or something.

Nagulat pa siya ng makitang nakadamit si Cody. Nakakunot ang noo at matamang nakatitig sa kanya.

What happened? Tanong niya sa isip.

Nararamdaman pa niya ang init ng kamay ni Cody sa balikat niya. Hindi pa rin ito tumitigil sa pagyugyog sa kanya. Nahihilo na tuloy siya.

Panaginip lang ba ang lahat ng iyon?

Wala siyang maapuhap na sasabihin. Kahit ang itinatanong ni Cody ay hindi niya maintindihan. Wala. Disoriented yata siya.

"Are you okay Kearse?" tanong ni Cody. Bakas ang maliit na pag-aalala sa tinig.

"Huh?! Where am I?" sa wakas ay sambit niya.

"Ah... sa tralala?"

"Huh? Bakit nakadamit ka? Di ba nakahubad ka?" nagtatakang tanong niya.

"Eh, malamang nagbihis ako. Kasi pinapaalis mo na ako di ba?"

"H-hindi!" malamya niyang tugon.

Shit! Nagday-dream siya talaga. At sa harap pa ni Cody. Ganun ba talaga ang epekto nito sa kanya?

"Ano, pwede na bang hiramin ang cellphone mo?" tanong nito.

"Ah oo. Pero bakit ganon?" nahihiwagaan pa rin niyang sabi.

"Anong bakit ganoon?" anito ng abutin ang cp niya.

"You were kissing me..." mahina at wala sa loob niyang sambit.

Nanlaki ang mata ni Cody sa narinig.

"Tama ba ang narinig ko? You said I were kissing you?" amused nitong tanong.

Napatampal siya sa noo.

OMG! Kearse!!! Nakakahiya ka!!! Nahihiyang tili niya sa isip.


ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment