Tuesday, January 29, 2013

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal 07

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Paglabas namin ni Philip sa apartment ay may nakasalubong kaming tao na hindi ko naman inaasahan.

“Sabi ko na nga ba eh!” sambit ni Prince Sandoval. Nakababatang kapatid ko.

Si Prince ay maputi. May taas na 5’7”, may konting balbas sa mukha. Mapula ang labi. May pagka espanyol din tulad ko at higit sa lahat maangas rin kung umasta.

“Bat naparito ka Prince?”

“Eh kasi tol, I already talked to mom na bibisitahin kita dito”

“Wala ka bang pa…” naputol kong sambit ng biglang nagsalita si Philip

“Ahemmm! By the way, Philip bro.. Philip Silverio”

Kinamayan ni Philip si Prince at kitang-kita ko na nagtitigan silang dalawa. Mga titig na parang may gusto sa isa’t-isa. Hindi ko rin naiintindihan ang aking naramdaman dahil parang may konting selos o kaya inis dahil baka kasi mangyari rin sa utol ko ang mga kademonyohang ginagawa ni Philip sa akin.

Magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay at nagngingitian ng biglang tinapik ko ang kamay ni Philip at biglang niyakap si Prince.


“Tol na miss kita. Sobra” sambit ko ngunit patuloy pa ring nakahawak ang mga kamay nila at nakatingin pa rin si Prince kay Philip.

“Ahemm!” paudlot ko sa kanilang dalawa.

“Prince tol, Prince Sandoval. Big bro ko si Kuya Patrick”

“Excuse me guys pero baka mahuli tayo PHILIP sa ating CLASS!” paemphasize kong mga sambit sabay titig kay Philip

“Oh sige tol, pahinga ka muna kasi I’m sure pagod ka sa biyahe. Aalis na kami at babalikan nalang kita mamaya”

Sasagot pa sana si Philip ng sinapak ko siya sa ulo.

“Aray! Ano ba SIR!”

Nabitawan na rin ni Philip ang kamay ni utol.

Magsasalita pa sana si Prince ng mabilisan kaming lumabas ng gate. Patuloy pa rin si Philip na nakatingin kay Prince habang ako ay pumasok na sa kotse. Ako ang magmamaneho kasi baka mahuli si Philip  ng mga traffic enforcer.

Hindi pa rin pumasok si Philip at patuloy pa ring nakatingin kay utol

“BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!”

Natauhan rin ang gao at papasok n asana sa driver seat ng..

“OY! Bakit andyan ka? Diba ako ang may…” naputol niyang sambit ng nagsalita ako

“Ako ang magdadrive ngayon!”

“Really? How sweet naman?”

Pumasok na rin si Philip sa kabilang side at sumakay na.

Umalis na rin kami sa apartment at nakarating na sa paaralan ng biglang ipinark ko ang sasakyan sa malapit na kanto ng paaralan.

“Bakit dito tayo nagpark?”

“Ulol. Gusto mo ba akong pag-usapan sa skul?”

Hindi na rin sumagot si Philip at lumabas na ako ng kotse ng nakita ko naman si Borj Araque

Alam kong nakita niya ako na lumabas sa kotse at alam niya na si Philip ang mayari ng kotseng iyon.

Hindi ko na siya inintindi at patuloy na lumakad papasok ng paaralan.

Nakita kong pumasok na rin ang kotse ni Philip at nagpark sa parking area sa loob ng skul.

Papasok n asana ako ng room ng nasalubong ko ang secretary ni Mrs. Cheng

“Good morning sir”

“Good morning too.”

“Sir, may meeting nga pala together with the level coordinators at level advisers”

“Ganon? Oh sige I’ll just meet the students”

Pumasok na rin ako ng classroom at naroon na rin ang mga first year students na nakasuot ng kani-kanilang high school uniform.

(Kairos Walk nga pala ngayon at signature hunting) sa isip ko lang.

“Class I’ll be out for awhile. May meeting kami”

Nakapasok na rin si Philip

“Mr. Silverio, come with me at kasama ka sa meeting”
Hindi na rin sumagot pa si Philip at sumama sa akin papunta ng office ni Mrs. Cheng

Pagpasok namin ay nakita ko si Borj Araque na nakatingin sa aming dalawa. Yong mga tingin na parang iniexamine kaming dalawa ng biglang binasag ni Borj ang mga katanungan sa kanyang mukha.

“Mukhang puyat”

Hindi ko pa rin siya inintindi at umupo na rin ako. Umupo na rin si Philip sa tabi ko.

“Puyat rin ang isa!”

Tinitigan namin siya at mas lalong nainis ako sa inasal ni Borj ng biglang nagsalit ulit siya.

“Mr. Argoncillo, malamok bas a inyo? Kasi parang hindi nakatulog ang IBA DIYAN”

Tatayo na sana ako at papatulan si Borj ng biglang nagsalita si Philip

“Wala ba kayong Pampatay sa mga tsismosong LAMOK diyan? MALAMOK KASI EH!”

“Excuse me and who give you the right to talk?”

“Me!” depensa k okay Borj na parang iniinis na si Philip

“Oh! Damsel in distress! By the way Sir SANDOVAL bakit na close neck ka pala ngayon? Hindi k aba naiinitan?” tanong ni Borj ng bigla siyang tumayo at lumapit sa aming dalawa

“Wala lang. Para maiba naman!” maikli kong sagot ng biglang nagulat ako kay Borj na nakatingin sa mga leeg namin ni Philip.

“WOW! Uso na pala ngayon ang bandaid! Mr. SILVERIO! Malaking lamok baa ng naka KAGAT sa iyo? Ow! Ikaw rin pala Sir Sandoval. Siguro KINAGAT ka rin ng MALAKING LAMOK!”

Magsasalita na sana ako ng pumasok si Mrs. Cheng

“Good morning everyone!”

“Good morning Mrs. Cheng”

Umalis na rin si Borj sa likuran namin at umupo sa kanyang upuan.

“By the way, I called your attention because I need to make sure kung meron ng mga representative yong level 1 to 4 para sa upcoming Ms. And Mr. HRM?”

“Meron na po Mrs. Cheng ang level 2 to 4. Siguro naman meron na rin ang LEVEL 1” malainsultong sambit ni Borj at nakatitig demonyo sa aming dalawa.

“What about level 1?” tanong ni Mrs Cheng

Sasagot na sana ako na hindi pa kami nagmeeting tungkol dito ng pumasok ang secretary ni Mrs. Cheng.
“Excuse me Mrs. Cheng, excuse me Sir Sandoval pero gusto kang makausap ng Head Admin of Office of Registrar”

(Ha? Bakit naman kaya? May problema bas a mga enrollees ko?) sa isip ko lang

“Tsk. Tsk. Tsk. Hay naku. Kasi ang mga lamok na iyan!” si Borj

Nainis na talaga ako sa kanyang mga inaasal at nakita ko na namumuo na rin ang kamao ni Philip. Hinawakan ko nalang si Philip sa binte. Tanda iyon na mag relax lang siya.

Kinausap ko na rin ang Head Admin sa Phone at nalaman ko na rin na ang kanyang pakay ay tungkol kay Prince. Si Prince ay magiging student ko. Hindi koi to inasahan at hindi pa kami nagusap ni mama tungkol dito.

Bumalik na rin ako sa meeting ng biglang may kumatok.

“Good morning Mrs. Cheng. Another enrolle po for level 1” sambit ng secretary

Pumasok na rin si Prince sa office ng biglang nagsalita si Mrs. Cheng

“Excuse me Mr.?”

“Mr. Sandoval Maam”

“I see. Sandoval? Are you related to Mr. Patrick Sandoval?” tanong ni Mrs Cheng sabay turo sa akin.

“Yes Maam. He is my brother”

“Yes Mrs. Cheng. Kapatid ko iyan”

“Ang pogi ah!” Okay just wait outside. May meeting pa kami Mr. Sandoval ha?

“Yes Maam. Sorry”

Lalabas n asana si Prince ng biglang nagsalita si Philip

“As I was about to inform everybody, we already have our representative for Ms. And Mr. HRM”

“Okay? Sino?” tanong ni Borj?

“Ikaw?” dagdag na tanong ulit ni Borj

“As Mr. HRM? Siguro pwede kong Ms. HRM!”

“Excuse me Mr. Araque. Don’t you think that this is very unprofessional…” naputol kong sagot ng biglang pinutol ni Mrs. Cheng

“Please stop this. Mr. Araque and Mr. Sandoval I will talk to you later!”

Hindi na rin kami umimik ng tinanong ni Mrs. Cheng si Philip kong siya ng aba ang pambato ng level 1

“Hindi po Mrs. Cheng. SI PRINCE po ang representative namin”

Nagulat din naman ako sa kanyang sinabi at nakita kong nagulat rin si Prince na hindi pa rin nakalabas.

“Mrs. Cheng. I will make sure that the froshies will take all the honors for this year’s HRM Week!” confident na sambit ni Philip ng bigla siyang tumayo at lumabas.

“Excuse me Sir, Maam” sambit ni Philip at inakbayan si Prince at lumabas ng Office

Marami pa kaming pinagusapan at natapos na rin ang meeting. Nag-usap na rin kami ni Mrs. Cheng at Mr. Araque tungkol sa mga inasal namin kanina at humingi ng paumanhin sa bawat isa.

“Alam kong may namamagitan sa inyo ni PHILIP MO!”

“Borj, please stop this. Alam mong wala akong ginagawa na masama at kilala mo ako!”

“Iyon na nga eh! Kilala kita at hindi ko akalaing magagawa mo iyan”

“Borj, ano ba! Sabi nga wala kami ni Philip”

“See. Sa iyo na mismo nangaling ang mga katagang iyan. Ni hindi nga ako nagsabi na kayo ah!”

Natigilan rin ako sa kanyang mga sinabi.

“Borj, trust me. He is my student and coordinator siya ng level 1. Obviously, I need him for this matter”

“Oh really? Sige, paalala lang po! Walang usok kung walang apoy”

“What do you mean?”

“Well, I don’t want to say something pero mag-ingat ka lang”

“Are you threatening me Borj?”

“No. Hinding-hindi ko iyon magagawa sa iyo dahil kaibigan kita. But I’m just telling you na gawin ang tama at huwag kang sasali sa Bawal na Pag-Ibig”

“What do you mean?”

“Someday Pat, you will understand me!”

Magsasalita pa sana ako ng umalis si Borj at kinausap ang secretary ni Mrs. Cheng.

Nauna na rin akong lumabas ng Office at hinanap si Philip at Prince.

Tinatawagan ko si Philip ngunit hindi niya ito sinasagot.

Pumasok na rin ako sa classroom at wala din sina Prince at Philip doon.

Hindi ko sinimulan ang class at hinanap silang dalawa.

Tinawagan ko ulit si Philip ngunit naka off na ang kanyang cellphone.

Pinuntahan ko ang library, audio visual room, registrar office at canteen ngunit walang Prince at Philip akong nakita.

(Putik! Baka napahamak na si Utol) sa isip ko lang ng biglang naisip ko nab aka na sa parking lot.

Pinuntahan ko ang parking lot at nakita ko ang kotse ni Philip.

Dahan-dahan akong lumapit sa kotse at nakita kong parang gumagalaw ito.

(Tang-ina! Demonyo talaga si Philip! Please sana maling akala lang ito) sa isip ko lang

Mga ilang yapak nalang at mararating ko na ang kotse ni Philip

Wala na akong pakiaalam kong ano ang sasabihin ng mga taong nakatingin sa akin basta mapigilan ko lang si Philip sa kanyang ginagawa sa kapatid ko.

Hindi ko rin maintindihan ang aking feelings kasi parang nagseselos ako. May gusto ng aba ako kay Philip? Hindi pwede!

Nasa likuran na ako ng sasakyan ni Philip at parang may naririnig akong lambingan sa loob ng kotse niya.

Sinilip ko ito pero wala akong makita dahil tinted ang kanyang kotse.

Lumapit ako sa kabilang side ng kotse at sinilip ang mga nangyayari sa loob ng kotse ng may biglang tumapik sa likuran ko.

“Ano ang ginagawa mo diyan?” sambit ng tao sa likuran ko.

Itutuloy…

No comments:

Post a Comment