Source: darkkenstories.blogspot.com
Part Ten
-------------
Bryan
-------------
Friday, Friday,
Friday. The most exciting day of the week. Excitting kasi hindi mo alam kung
anon mangyayari sayo sa weekend. Di tulad pag weekdays or schooldays, wala.
Bored ka.
"So Bro, what's your plan for
this weekend?" tanong ni Ate kay Kuya Walter while having our dinner
"I still don't know..."
sagot nito
"I have an idea! Let's watch a
movie! Maganda mga palabas ngayon!" sabi nito with matching taas pa ng
kubyertos. Kulang nalang eh sumigaw ng Eureka! Eureka!
"Good idea.." sabi ni
Kuya
"Ano Antonio, (ako yan) would
you like to join us?" tanong nito sakin
"Anong oras ba Sis?"
sabat ni Kuya
"Around 7pm?" sabi nito
habang nakatingin kila Mommy at Daddy
"Hija, I know that
look.." sarcastic na tugon ni Mudaks (Mother)
"Mommy please?" sabi ni
Kuya
"O sige sige..." sabi ni
Mommy
"Hep hep hep! Wag lang kayong
hihingi ng pera samin ng Mommy niyo..." sabi ni Daddy. Sayang. Yun pa
naman balak ko!
"Yes Mother!" sabi ni Ate
"Ano Bry, sasama ka ba?"
baling nito sakin
"Oh sur---" biglang nag-vibrate
ang ever epal kong phone
Beep. Beep. Beep beep beep. Beep.
Beep.
Calling... Edward Kiefer
"Excuse.." sabi ko sa
kanila
"Hey? What's the rush?"
tanong ko dito
"Uhm, are you available
tomorrow evening?" tanong nito na walang kaabog abog
"Bakit? Anong meron bukas
ng gabi?" pinarinig ko talaga sa
kanila
"Date I think?" sagot
nito
"What time?"
"Around 7?"
PATAY!
"S.E.V.E.N?!"
"Yes... Seven... Is anything
wrong?"
"Ah.. Eh.. Wala wala...
Sige.."
"YES! Thank you Baby! I love
you!"
"Naka-loud speaker ka...
Naririnig ng buong pamilya.."
"Edi mas okay... MAHAL NA
MAHAL KO PO YANG ANAK NIYO!!!!!"
"HAHA! Joke lang... Pero yung
last siguro na sinabi mo, narinig nila..."
"Sige na Baby, I love
you..."
"Thank you!"
"Walang I love you too?"
"Mamaya... Babye na..."
at binaba ko na ang phone
"Mahal na mahal ko po yang
anak niyo blah blah blah" maarteng sabi nila Ate at Kuya
"Narinig niyo talaga?!"
"Oo naman 'no! Isigaw daw ba
niya eh..." si Ate
"So ano, I guess, di ka na
sasama samin ni Ate? May date ka na eh.." sabi ni Kuya
"I think s----" at ayan
nanaman. Nagring nanaman. Sinagot ko na 'to agad kasi alam ko namang si Edward
lang yun
"Ano nanaman? Kakatawag mo
lang ah? Miss mo na ako?" sabi ko na medyo mataray factor
"Ha? Ngayon lang kaya ako
tumawag!" sabi ko
"Bryan, are you crazy?!"
"Edward, wag mo nga akong
pagtripa-----" at binaba niya yung kabilang linya
"Ansunget ha... So si Edward
pala yung tumawag kanina..." sabi ni Ate
Potashoot. Si Matthew pala yung
tumawag! Sushmesitangina! Paktay!
Beep. Beep.
1 new message: Matthew Buenaventura
Matthew: Yayayain lang naman sana
kita mag-dinner tomorrow :(
Cindefuckerella. Si Matthew nga..
Ako: Shoot! Sorry Bes... Anong oras
ba?
Matthew: Around seven?
Tungnu naman. Ano bang meron sa
'around seven' na yan at bakit napaka-benta?!
Ako: Ha? Sige.
Matthew: Yes!
Beep. Beep. Beep beep beep. Beep.
Beep.
Calling... Matthew Buenaventura
"YES! Thank you Bryan
Nicholls! I lov---"
"Ha?! Ano?!" tanong ko..
I love you daw?!
"Ha? Ah-- Eh.. I... Lovers In
Paris... Nanunuod ako ng Lovers In Paris ngayon..." kabadong tugon niya.
Potashoot. Nanunuod pala. Akala ko I love you na ehhhh!!! Pero swear, I love
you talaga dapat yun
"Sige na Matt... Bababa ko na
'to.."
"Sige Bes. Babye!" at
sabay baba ng phone
"At dahil jan, dalawa ang date
niya bukas... " pagpaparinig ni Kuya
"Hay nako Walter... Tayo na
nga lang manuod bukas. What do you like?" sabi ni Ate na parang wala na
ako dun sa pwesto ko
"Ate I want to watch
Sisterakas... Or maybe, One More Try..."
"Both nalang kaya? Yan din bet
ko eh..."
"Hoy hoy hoy... Sasama ako
sainyo!" sabi ko sa kanila
"Ate, may multo daw na sasama!
Narinig mo 'yun?!" sasbi ni Kuya na with matching yung mukha eh parang
nakakita talaga ng multo
"Oo Walter, narinig
ko..." agree naman 'tong si Ate!
"Ate, sasama talaga
ako..." sabi ko naman. Eh sasama naman talaga ako eh!
"Eh pano yung MGA date
mo?" sabi ni Kuya
"Why don't we just let them
come with us? Di ba? Para makilala niyo na rin..." sabi ko naman. Great.
"Well, you have a point...
Sige... Isasama natin sila..."
"Oy Walter at Sarah, ingatan
niyo ang Prinsesa natin ha... Baka ma-rape yan..." biro ni Daddy
"Dad, wala ba kayong tiwala
sakin? Ang macho macho ko kaya!" sabay flex ng muscle ni Kuya
"Basta mag-iingat kayo.."
sabi ni Mommy
"Yes Mom and Dad!" in
chorus pa ang tatlo!
Kinabukasan...
"Hoy Bryan... Lumabas ka na
jan! Nanjan na yung MGA date mo!" sabay katok ni Kuya sa pinto ko
"Tara na Walter... Bumaba na
tayo... Mag-ga-gown pa yan eh.. Papa-mek up pa... Papa-ayos pa ng hairlaloo
yan..." sabi ni Ate. Narinig ko naman bumaba na sila ng hagdan
----------------
Walter
----------------
So there they are. Si
Matthew at Edward. Aba. Gwapo din naman ang dalawa. Ang lakas naman ng alindog
ni Bryan para ma-akit yang dalawang yan?
They seemed to be good
naman. Parehong mukhang mayaman.
"So, what's you're name?"
sabi ni Ate Sarah kay Edward
"Ako po si Edward..."
sabi ni naman ni Edward
"So, ikaw pala yung kinukwento
ni Bryan..." sabat ko
"And you're Matthew right? Di
ba naka-punta ka na din dito dati?" sabi nito kay Matthew.
"Ah opo... I'm
Matthew..." sabi nito
"Anong plano niyo?"
tanong nito sa dalawa
"May date po kami" si
Edward
"Mag di-dinner po kami"
si Matthew
Nakakatawa. Kelangan
sabay pa talaga?
"At kelangan sabay?" sabi
ni Ate
"Seven po ang usapan
namin..." tae. May Mental Telepathy ba sila?! Kelangan sabay!?
"Well, sumama nalang kayo
samin. May lakad kasi kaming tatlo..." sabi ni Ate
"Sure!" sabay nanaman po
sila
"Manliligaw ba kayo pareho ni
Bryan?" tanong ni Ate. Boy Abunda ikaw ba yan?
"Opo" si Edward
"Bestfriend po" si
Matthew
"Oh... Akala ko pareho eh...
Wala ka bang balak ligawan Matthew?" prangka tae.
"Wa--wa---wala po...
Bestfriends lang po talaga..." kabadong tugon nito
"Talaga lang ha?" si Ate
"O--opo..." si Matthew
"Hoy Antonioooooo!!!
Naghihintay yung manliligaw at bespren mo daw!!!!!!!!!!!!!!!!!! Wag ka na
mag-gown!!!!!" tumapat si Ate sa hagdan at sumigaw ng sobrang lakas. Kala
mo eh Amazona!
"Eto na nga diba!!!!"
sigaw ni Bryan habang bumababa. Agad naman tumayo yung dalawang mokong
"Ano? Titigan nalang
tayo?" si Ate sabay lakad
"Mom! Dad! Aalis na po
kami!" saba ko naman. Pumunta naman sila sa sala
"Oh, mag-iingat kayo ha?"
si Mommy sabay beso saming tatlo
"Walter, ingatan mo yang
kapatid mo ha?" bilin ni Daddy
"Opoooo Daddddd... Kayang kaya
yan ng maskels ko..." sabay flex nanaman
"Oh sige na... Gagabihin pa
kayo niyan..." sabi ni Mommy
"Sige po Tito, Tita, alis na
po kami..." si Matthew
"Thank you po..." si
Edward
"Sige mga hijo..." si
Mommy
Inilabas ko na yung
kotse ko. Potek. May dala din palang kotse yung dalawa. Buti naman.
"Bry, sakin ka na
sumabay..." sabi ni Matthew
"Wag... Sakin ka nalang
sumabay... Bili..." si Edward
"Dito ka na... MAS maganda
dito..." si Matthew
"Dito nalang... MADAMING maganda
dito..." si Edward
"Dito na..."
"Ditoooo..."
"Dito!"
"Dito!"
"POTASHET! Samin siya
sasabay!" sabay naming sigaw ni Ate. Hinablot naman namin siya pasakay ng
kotse
---------------
Sarah
---------------
Maya-maya lang, nasa mall na kami.
Yung dalawang mokong, eto, nasa tabi ni Bryan... Kung anu-ano kinukwento na
maski ako eh hindi ko maintindihan
"Sayang Bry, hindi tayo natuloy
sa date natin..."
"Bry, next time nalang tayo
mag dinner..."
"May gagawin ka ba bukas? Gala
tayo please?"
"Bry, tulungan mo naman ako sa
assignment namin oh..."
"Bry, nood ka ng practice
namin sa basketball ha?"
"Bry, sa Friday na yung stage
play namin sa English.. nood ka naman oh..."
"Bry, gusto ka pala makilala
ng parents ko..."
"Bry, miss ka na pala ni
Mommy, pinapapunta ka dun sa Tuesday..."
"Bry... ganito ganyan"
"Bry, kasi chu chu chu
chu..."
"Bry, kasi chorva
chorva..."
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!! WALA NA
AKONG NAITINDIHAN SA SINASABI NIYO!" sigaw na Bryan. Halos magtinginan
naman lahat ng tao sa direksyon namin. Dahil sa pagsigaw na ginawa ni Bryan,
nagtigil sa kaka-dada yung dalawa. Buti naman.
"Use your phone to avoid those
very talkative mouths. I have earplugs here.." sabi ko kay Bryan
"Thank you Ate... Nakak buryo
kas 'tong dalawang 'to! Kala mo mamamatay na ako sa sobrang daldal nila!"
sabi ni Bryan habang inaayos niya yung phone
Bumili na kami ng tickets. Nilibre
ko yung mga kapatid ko, pero yung dalawang mokong, KKB. Kanya-Kanyang Bayad.
Asa naman silang ililibre ko sila 'no?
Pumasok na kami sa Cinema.
Magsisimula palang pala. Nasa ma bandang gitna sa taas kami naupo. Gitna si
Bryan. Sa kaliwa niya si Walter at ako sa kanan. Sa tabi ko si Edward at si
Matthew sa tabi ni Walter. Di pwedeng magtabi yung tatlo. Baka mamaya,
mag-iskandalo pa yun dito. Nakabili na din kami ng popcorns at iba pang
pagkain.
So the movie started. We quietly
and seriously watched. Kain dito, inom jan. Pero maya-maya sa kalagitnaan ng
movie...
To be continued...
No comments:
Post a Comment