Monday, January 14, 2013

When a Gay Man Loves 07

Source: darkkenstories.blogspot.com


Part Seven

            Six months has already passed since that party.

            Wala namang nagbago. Ganon parin ang pakikitungo ng bawat isa. Mas naging close pa nga lalo. Tulad nalng every weekends. We always make sure na gagala kami or whatever. Hangout lang kumbaga.

            For me, masaya ako. Nakahanap kasi ako ng mga bagong kaibigan. Kalog din naman sila. And I'm really happy for that.


            Si Matthew?

            Uhm... may konting nagbago. Mas protective. Much closer. Pero iba yung pagiging closer at protective niya sakin kesa dati. Dati kasi, ako minsan ang priority niya. I mean, oo walang 'kami', bestfriends lang. Pero, basta! Minsan, nakikita ko siyang may kasamang iba na dapat ako naman ang kasama niya. Minsan naman, ayos kami. Tapos biglang magbabago yung mood niya pag kasama ko. Ewan ko ba dun. Napaka labo!

"Brian, ganyan talaga ang mga tao.. Walang permanente na mag si-stay sa buhay mo, bukod sa pamilya mo..." sabi ni Ate minsang nag-open up ko sakanya yung tungkol kay Matthew.
"Pero Ate, bakit ganun? Oo, let's say, nagbabago nga siya, pero ang hindi ko maintindihan eh kung bakit napaka protective nun?!"
"Protective? Hmmmm... Siguro kasi ayaw niyang makuha ka ng iba? Nagiging selfish?" sabi ni Ate
"Pero pag magkasama naman kami, mas naging close siya kesa dati..." sabi ko naman
"Eh, ayaw mo nun?! Close na kayo nung bestfriend slash crush slash mahal mo?!" sarkastikong sagot ni Ate
"Ate, seryoso ako... Tsaka iba kasi yung pagiging close niya sakin... Parang---" naputol ang sagot ko nang pumasok si Kuya sa kwarto ko at sumali
"Parang jowa ba?" sabat ni Kuya
"O----Oo eh..." malungkot kong tugon
"Ayaw mo nun? Special tingin niya sayo!" masayang sambit ng dalawang kapatid ko.
"Ayaw ko din naman na balang araw eh hanap hanapin ko yung ginagawa niya..."
"Hmmm... wait... Baka naman obsessed na sayo yan?" sabi ni Kuya
"Oo nga... kasi tignan mo, mas protective sayo... Mas closer..." pag sang ayon ni Ate
"Obsessed?" tanong kong muli
"Oo nga! Paulit-ulit? Parrot lang?" pabirong sabi ng Ate ko. Bahagya naman akong napatawa.
"Ate, pano magiging obsessed yun, eh minsan nga lumalayo sakin yun? Tsaka may nililigawan siya 'no..."
"Wow ah... Ang gulo ha..." sabi ni Kuya
"Ako din Kuya... naguguluhan na..."
"Hintayin mo... Baka in love sayo yan kaya ganyan..." huling sabi ni Kuya

            Months passed again. Ang bilis 'no? Mas lalo akong nagulumihanan. Char! Mas lalo akong naguluhan sa mga nangyayari. Totoo nga ang mga sinabi nila Kuya Walter at Ate Sarah.

            Selfishness.

            Hindi niya na ako pinapasama sa mga lakad ng tropa. Pahirapan pa minsan para maka takas lang sa kanya. Kulang kakontsabahin ko lahat ng taong pwede niyang pagtanungan para hindi niya ako makita eh, gagawin ko talaga.

            Obsessed.

            Minsan, nako, gusto niya kaming dalawa lang ang magkasama. Tapos, kapag ako nagyayaya sakanya, ayaw niya. Honggulo!

            Napansin din yun ng tropa. Kinausap na nila si Matthew minsan pero wala silang nagawa.

Ako: Ang hirap ng sitwasyon ko Bes...

            Text ko kay Ian nang minsang magkatext kami. Isa siya sa pwede kong takbuhan sa ganitong sitwasyon.

Ian: Ano ba nangyayari sayo jan ngayon Bes?
Ako: Hmmm... I have this new bestfriend kasi...
Ian: Pinagpalit mo na ko?! :( Grabe ka Bes :(
Ako: Hindi 'no! Ikaw ang pinaka bestfriend ko kaya...
Ian: Alam ko naman yun... Joke lang :) Oh tapos?
Ako: He's very protective and close to me... to the point na nagiging selfish na siya at obsessed...
Ian: Buti naman kung ganon... Kaso, selfish and obsessed? Bigyan mo nalang ng konting distance... Oh kaya, prangkahin mo, na nasasakal ka na....
Ako: Pero Bes... Hindi ko kaya...
Ian: Eh kung ginagawa mo muna? Tsaka, distance lang... Kahit konti...
Ako: Eh... Basta!
Ian: 'Ta mo 'to... Hihingi ka ng advice tapos ayaw mo namang gawin...
Ako: Basta Bes...
Ian: Nakooo... I smell something fishy... Inlove ka no...
Ako: Parang ganun na nga :(
Ian: Oh eh bakit ka malungkot? Sabi na eh...
Ako: :(
Ian: Magkita tayo bukas :) Alam mo na kung saan :)

          
            Buti nalang Saturday ngayon. Hindi naman kami nahirapang magkakitaan. Napagdesisyonan namin na sa isang fastfood chain kumain for lunch, at the same time, makapag usap na din.

            Matapos umorder, nagkamustahan muna kami. Kwentuhan tungkol sa school, family, new friends, pure randomness.

"Alam mo Bes.. you should decide..." pag iba ni Ian sa topic

"Para saan naman?"

"Dapat, sabihin mo na jan kay bestfriend ang nararamdaman mo..."

"Ayos ka lang? Baka mawala pa friendship namin..."

"Eh bakit tayo, nung sinabi mo sakin yung feelings mo, hindi naman ako lumayo, tignan mo,
magkasama parin tayo ngayon.."

May point ka jan Bes...

"Ang pangalan mo, Ian... Siya, ang pangalan niya, Matthew... Magkaiba po kaya kayo..."

"Look ha... Nagpapakita siya ng motibo sayo. He's protective and closer sabi mo..."

"Well, may point ka jan... Pero, what if, wala naman pala. Misunderstanding lang?"

"Edi wala... Ang sayo lang naman, masabi mo lang. Tapos."

"Eh pano ku---"

"Eh pano kung i-try mo muna? Kumain na nga muna tayo..."

Matthew

"Karl, I can't handle this anymore..." sabi  ko kay Karl habang hinihintay ang professor namin

"Pare, kung ako sayo, sabihin mo na yan..."

"What if, we don't have the same feelings?"

"P're, walang mawawala if you'll try... Tsaka, di mo ba napapansin?"

"Ang alin?"

"Manhid ka ba o bulag lang o tanga lang talaga since birth? Halata naman na may gusto sayo si Brian eh..."

            Napapansin ko nga din yun... Pero, hindi ko naman binibigyan ng meaning yung mga ginagawa niya for me 'no...

"Okay sige... I have a plan..." huli kong sabi dahil sa pagdating ng Prof naming si Sir Dimailig

            One time habang lunch namin...

"Tol, anjan na si Brian... Diskartehan mo na..." sabi sa akin ni Karl nang makita niyang pumasok na sa Cafeteria si Brian

"O sige..."

            Nilapitan ko na...

"Oh Matthew, ikaw pala..." bungad ni Brian

            Brian, Brian, Brian, ARGH!

            Please Matthew, wag kang kikiligin or blush or anything...

"Pwede bang makisabay kumain?" sabi ko sakanya

"Oo naman... ano ba sayo? Hanap ka nalang ng upuan natin... ako na bibili..."

"Chips nalang sakin..."

            Humanap na ako ng uupuan namin. Dun kami banda sa may sulok. Maya-maya pa, nakita ko ng lumalapit siya.

            Eto na Matthew...

"So, anong atin?" bungad ni Brian pagkaupo niya

"Wala lang naman... gusto ko lang makisabay at makipagkwentuhan..." sabi ko naman

            Ayun. Buti nalang at siya ang nagbibigay ng topic kaya nawala ang kaba ko. Tumingin ako sa relo ko. 5mins nalang, tapos na ang lunch break..

"Uhm, Brian, may sasabihin ako sayo..."

"Oh ano yun?"

"May gusto ako----"

            KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGGGGG!!!

            Damn! Late nga pala ng 5mins 'tong relo ko! Argh!

"Matthew, mamaya na natin pag usapan yan... time na eh... punta na ko sa klase ko ah?" paalam ni Brian

"Ah--- Eh-- Sige... Kita nlanag tayo..."

            Lumabas na ako agad. Badtrip!

"Oh, ba't naunang lumabas yun? Mukhang nagmamadali... hindi yata nagustuhan..." bungad ni Karl... Hinintay niya pala ako

"Tol, badtrip... HINDI KO NASABI!"

No comments:

Post a Comment