Source: darkkenstories.blogspot.com
Part Eight
Uwian
"Matthew! Ano
na ulit yung sinasabi mo kanina?" biglang sulpot ni Brian
Gosh! Kaba... Kaba... Kaba...
"Ah--- Eh---
Kasi yung--- Si ano--- Yung aso ko..." palusot ko nalang para maiwasan
yung topic
"Aso? Eh ang
sabi mo kanina 'May gusto ako' " takang tanong niya
"Ah--- Eh--
Ma---may gusto a--ako..." pautal utal kong sagot
Isip isip! Lord! Penge pong sign!
Aso... Ayun! Aso! Thank you Lord!
"May
gu--gusto kasi akong blihin para kay Artemis... Yung aso ko remember?"
huuuuu... Thank you Lord!
"Ah... Ano
naman yun?"
"Collar?"
sagot ko naman.
"Oh.. Eh
kelan ka bibili?"
"Tsaka
nalang... Nakakatamad e..."
"Ikaw kahit
kelan ka talaga... Ang tamad mo..."
"Tol!
Brian!"
---------------------
Brian
---------------------
Pauwi na kami. Hayy.. Disappointed
naman ako dun... Akala ko sasabihin niya na may gusto siya sakin... Yun pala,
para kay Artemis...
"Tol!
Brian!" Sigaw ni Edward. Classmate ko sa major subjects ko
"Oy Dward...
Anong satin?" sabi ko naman
"Pwede
sumabay pauwi? Tutal, pareho naman tayo ng village... Please?" sabi niya
"Oo naman...
Ikaw pa..."
"Uhm, Dward,
Tol, si Matthew pala, bestfriend ko, Matthew, si Edward, classmate ko..."
"Edward
pare..." sabay lahad ni Edward ng kamay niya para makipag shakehands
"Tara... uwi
na tayo... Late na..." sabay talikod ni Matthew.
Problema nun?
Hay nako Ateng Brian, I smell
jealousy...
Ha? Kanino?
Gurl, shungak ka? Kay Fafa Edward!
Wala siyang dapat pagselosan...
Aba... sakanya mo sabihin...
"Matthew!
Hintayin mo naman kami!" sabay higit ko kay Edward para tumakbo't habulin
ang mokong.
"Uy ano
ba?" sabi ko kay Matthew at agad siyang pinaharap sakin
"Pagod na
ko... Bilisan mo..." masungit na sagot niya
"Okay..."
Awkward.. Awkward.. Awkward
Hmmm.. Let me describe and
introduce Edward to you. He's Edward Harold Ravena Kiefer. 18 years old na
siya. Gwapo. Singkit. Well-built ang katawan. Halatang halata ang jaw line. May
pagka blue yung mata niya. Matangos ang ilong. 5'11. Naka-braces din siya na
kulay blue na ayon sa kanya eh dagdag cuteness daw, well, totoo naman. Sobrang
puti. Hay nako. Basta. Ang gwapo.
Education din ang course niya,
General Science ang Major. I can say na matalino siya, lalo na sa Science.
Malamang, hindi naman siya mag ge-gen.sci kung tutungak tungak diba? Hmmm...
He's also a gentleman. Kaso, flirt. Halos lahat yata ng babaeng maganda na
kaklase namin eh nilalandi niya, kinukuha pa ang number para maka-text. Pero
kahit na malandi yun, hindi pa siya nagka-jowa. Well, meron, pero isa or dalawa
lang. Kaya hindi pa siya nangliligaw ngayon eh dahil 'studies first ' daw muna.
Actually, matagal na kaming close niyan. Siya minsan ang kasama ko kapag
wala si Matthew. And, crush ko din siya.
"Anong
problema nun?" tanong sakin ni Edward nang iniwan kami bigla ni Matthew.
Nung una, mabilis lang siya
maglakad. Hinayaan na namin ni Edward. Jusko. Mapapagod lang kami. Tapos yun,
hindi namin napansin, nawala na bigla.
"Hay nako...
May mood swing yan ngayon... Pagpasensyahan mo nalang.." pagdisoensa ko
naman kay Edward
"Sus... ayos
lang yun."
"Hmmmm....
Maiba lang ako Brian ah... Bakit wala ka pang Girlfriend?"
Huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaattt?! G.I.R.L.F.R.I.E.N.D?! Ano yun?!
Kinakain ba yun?!
Hay nako Fafa Edward... Kung alam
mo lang ang darkest secret nitong vaklur na 'to...
"Ah--- ano
kasi-- Tulad mo-o... Stu--- Studies First... hehe.." pilit kong tawa
"Sa gwapo
mong yan?" sabi niya
"Oo! Ako pa?
Tsaka dadating yan kung dadating!" dipensa ko agad
"Hmmm...
sabagay... Bri, gala muna tayo..." hay nako. Buti nalang iniba niya ulit
usapan
"Well, 4:30
palang naman... Saan ba?"
"SM nalang
tayo... Ayan, sakto may jeep" Hay... eto ang ayaw ko sa lahat eh... yung
patok na jeep!
Agad na nga kaming sumakay.
Malayo-layo pa ang mall dito. So it
mean, matagal tagal ko pang titiis ang pagsakay dito! Tae naman kasi 'tong si
Edward eh! Sa patok na nga sumakay, dito pa kami sa may bungad. Grabe. Pag ako
namatay, jusko.
"Dward, bakit
naman dito mo pa napili sumakay?!" sabi ko na takot na takot
"Tatakot ka
ba?" tanong niya sabay tawa
"Obvious
ba?!" sino ba naman hindi kakabahan?! Ako
yung nasa pinaka bungad tapos nandun siya banda sa may handle?! Argh!
"Bri, masaya
'to... Kumapit ka lang..."
At dahil sa maharot ako, kumapit
ako sa braso niya. At siya, nakakapit dun sa may handle. Tapos etong si manong
driver, kung anu-ano pa pinapatugtog! Heavy metal! Pero infairness ha, gwapo
yung driver, teenager pa ata. Hihi ;'>
Ayun nga. Umandar na yung jeep.
Napapikit nalang ako at napa-yuko. Grabe. Halos mapa-dasal na ko ng sampung Ama
Namin at Aba Ginoong Maria. Halakata!
"Takot ka
parin?" bulong niya sakin.
"Oo..."
sweet kong tugon. Oo... Nilalandi ko na siya.
"Yakapin mo
lang braso ko... and don't worry, mabango kili-kili ko... kahit jan ka pa
tumira..." bulong niya sakin sabay tawa
Yun nga ang ginawa ko. Yuko, pikit,
yakap sa braso, dasal. Hay. Ganayan ako katakot. Pero what shocked me most,
biglang may kamay na gumapang sa tagiliran ko.
Gosh... Kamay ni Edward. *himatay*
Himatay ka jan!? Hoy! Nasa jeep ka!
Mamaya matuluyan kang mahulog jan eh!
Uu, kamay nga ni Edward yung
pumulupot sa tagiliran ko. Ganayan ang tamang way para maging protective. Dahil
nga nagulat ako, napatingin ako sa gilid ko, tapos tumingin ako kay Edward na
parang nagtatanong.
"Bakit?
Mamaya mahulog ka jan eh..." iling lang ang tinugon ko sabay yuko at pikit
ulit.
Naririnig ko yung mga tao sa
harapan namin. Jusko. Halatang mga bakla, boses palang.
Gurl, tignan mo si
fafa oh...
Oo nga gurl,
nakakainggit... sana ganyan din yung ISA jan... At in-emphasize pa talag yung
ISA na parang may pinaparinggan. Nandyan siguro yung boyfirned niya
Hay nako.. sana
ganyan din yung maging boyfriend ko...
Ang swerte niya
'no?
Nakakainggit...
Mamatay at manigas kayo sa inggit!
Bleh!
Hoy, hindi mo jowa yan Ateng...
Panira ka naman eh... In-eenjoy ko
lang...
O sige na... pagbigyan ang
maharot..
At dahil nga sa sobrang hiyang-hiya
na ako, tinaggal ko ang pagkaka-kapit sa kanya. Hindi ko naman kasi siya talaga
jowa. Sakto naman at huminto saglit yung jeep. Tinaggal ko din yung
pagkaka-kapit niya sa braso ko.
"Oh
bakit?" tanong sakin ni Edward
"Nakakahiya...
isipin pa nila, mag-jowa tayo..." hiyang sagot ko sa kanya.
"Eh ano
naman?" confident niyang sagot.
Umandar muli yung jeep. Ayaw ko na
ibalik yung pagkakayakap ko sa braso niya.
"Mahulog ka
pa jan eh..." sbai niya sakin sabay kuha sa mga kamay ko at iniyakap sa
katawan niya. Ako naman si tanga, niyakap ko talaga. Nakakatakot kaya...
Mamaya, matuluyan ako dito. Tapos siya naman, yumakap ulit sa tagiliran ko.
Gurl, ang sweet
talaga nilaaaa...
Oo nga... Beh,
gawin mo din sakin yun..
Baliw ka?! Nasa
public tayo oh!
Eh bakit sila,
hindi nga nahihiya eh...
Sila yun... hindi
tayo!
Tangnamu! Wag kang
magpapabili ng rubber shoes mo ah!
Beh, sorry na...
Sorry-hin mo mukha
mo!
Beh...
Hindi na ulit umimik yung mga
bakla. Nagtampo nga talaga dun sa jowa niya. In fairness, gwapo yung jowa niya.
Siya naman, halatang retokada yung mukha. Maganda naman siya, kaso walang
boobs. Halatang bakla XD
"Uy Bri,
andito na tayo..."
"Bri...
Bri... gising na..." saby tapik sa ulo ko ni Edward
"Ha?"
sabi ko nang maimulat ko na mata ko. Nafi-feel ko, umaandar pa yung jeep
"Malapit na
tayo... Natulugan ka ah.." sabi niya na parang nag-aalala pa
"Ah---ehh---
Sorry, pagod na pagod kasi ako kanina..." sabi ko sabay kusot ng mata
"Gising
gising ka na jan... Malapit na tayo..."
Maya-maya lang, bumaba na kami.
Pumunta naman agad kami sa Quantum para mag-laro.
"Oh.."
sabay abot saking ng tokens.
"So, saan
muna tayo?" tanong niya sakin
"Hmm... gusto
kong magbasketball" sabi ko naman sa kanya
"Marunong ka
ba? Eh diba volleyball ang specialty mo?" tanong niya na parang nangaasar
"Hindi...
pero gusto ko lang..." sasbi ko sa kanya sabay hulog ng token sa may
Basketball Arcade
Lumabas na yung mga bola. Pinanood
lang ako ni Edward sa likod ko. 60 seconds ang time. Kuha ng bola. Bato. Wala.
Kuha. Bato. Wala. Kuha. Bato. Wala. Kuha. Bato. Wala. Kuha. Bato. Wala.
Last 10 seconds.
Kuha. Bato. Shoot. Two points. Kuha.
Bato. Shoot. Kuha. Bato. Wala. Kuha. Bato. Wala.
5...4...Kuha...3..Bato....2...
Shoot! Two points! 1... Bigla naman
lumabas ang tatlong ticket.
"Galing...
One minute, 5 balls, 3 shoots... 6 points..." sabi ni Edward saby tawa na
pang asar
"Yabang mo!
Ikaw nga!" hamon ko sa kanya.
Naghulog na siya ng token. One
minute pa yan. Kaya ayun, naglakad-lakad muna ako. May nakita akong parang
photobooth dito, pero sketched photo ang lalabas. Ang cute grabe. Sa di
kalayuan, may dikit-dikit na videoke rooms. Meron din manag live na kumakanta
sa mismong loob ng amusement. 10 seconds nalang pala natitira dun sa paglalaro
ni Edward. Agad naman akong bumalik.
Gosh...
"Kaya mo ba
yan?" sabi niya sakin.
"Edi ikaw na
naka-143 na points!" sabi ko sabay emote emotan
"Para sayo
yan..." sabi niya sabay pinaharap ako sa kanya
"At talagang
143 ha? Korni mo..." sabi ko naman.
"Oh, ayaw
mo?" sabi niya sakin sabay sad face
"Hindi naman...
Hmm... Kung magaling ka talaga, beat mo yung high score na 500..." hamon
ko sa kanya
"Sus...
sisiw!" sabi niya sabay hulog ulit ng token.
Gumulong na yung mga bola papunta
sa kanya. One minute.
Kuha. Bato. Shoot.
56...
72... 148...
Ang bilis grabe. 25 seconds
palang... Ang gwapo niya pa magbato ng bola.. Nakak-in love..
Anong sabi mo Gurl?! NAKAKA-IN
LOVE?!
Ha?! SInabi ko ba yun?!
Ay hinde... Narinig mo... Parrot
lang?! Paulet-ulet dapat?
Whatever... Basta ang gwapo niya.
254... 322... 378... 452... 490...
500...
Last 10 seconds
510... 516..
Last 5 seconds
518...
Tumingin siya sakin.. Last three..
Kuha, bato...
520! No look!
"So what can
you say about that Mr. Nicholls? Hm?" saby harap niya sakin na nakasandal
pa dun sa arcade.
"Ikaw na
magaling!" sabi ko naman na parang naaasar.
"Tara na
nga.. Videoke tayo.. Dami na kong masyadong fans dito eh..." sabi niya.
"Bakit ganon?
Well ventilated naman 'tong mall, pero mahangin parin?!" sabi ko.
Pumunta na kami sa Videoke Rooms
area. Namili muna kami ng kanta sa may Songbook na assigned sa room number bago
pumasok. Pumili kami ng tig-tatlong kanta. After nun, tinawag na namin yung
operator at pumasok sa room.
"Ayan na...
diba ikaw pumili niyan?" sabi ko sa kanya.
Always Be my Baby
"We were as
one Babe, for a moment in time..." at ayun nga, na-hipnotized na ako.
Ang gwapo niya Ateng!
Alam ko...
Hay nako, pag nanligaw sayo yan,
sagutin mo na agad!
"Huy Bri...
Ikaw na.."
"Mic test? Si
Brian Anthony Lacuṅa Nicholls ay
tulala na dahil sa sobrang nakaka in love kong boses... HAHAHAHAHA!" sabi
ni Edward sa mic.
"Akin na nga
yan..." sabya kuha ko ng microphone. I've Fallen For You ni Toni Gonzaga
ang sunod na kanta. At akin yun. Haha!
"What is this
I'm feeling, I just can't explain. When you're near, I'm not just the
same..."
Damang dama ko naman ang pagkanta.
May papikit pikit pa. HAHA!
"I've fallen
for you.. Finally, heart my gave in.. And I'm falling in love. I finally know,
how it feels..."
Ang sabihin mo, para kay Fafa
Edward yan kaya feel na feel mo!
Oo na!
Natapos ang kanta. Nakaharap na
pala ako kay Edward nang dumilat ako. Siya naman, nakatitig lang sakin.
"Si Edward
Harold Ravena Kiefer ay naiinlove na po ng tuluyan sa akin kaya siya nakatitig
ng ganyan..." sabi ko sa mic.
"Uhm, ayan
na.. Ikaw na next..."
At ayan... Last song na namin
pareho...
"Okay... It's
my turn now..." sabi ko. Grow Old With You by Adam Sandler
Naka kuha naman ako ng 98 na score.
"Bi-beat ko
yan... Tignan mo..." yabang na tugon ni Edward
"Talaga lang
ha?" sagot ko naman
"Aba
oo!"
Your Guardian Angel
by Red Jumpsuit Apparattus
When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace
And now that I'm stronger I've fiured out
How this world turns cold and embrace to my soul
When I know, I'll find, deep inside me
I can be the one
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven
It's okay
It's okay
It's okay
Seasons are changing
And waves are crashing
And stars are falling all for us
Days grow longer
And nights grow shorter
I can show I'll be the one
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving sends me to heaven
Cause you're my..
You're my...
My...
My true love, my whole heart
Please don't throw that away
Cause I'm here for you
Please don't walk away and
Please tell me you'll stay
Whoaaa... Stay... Whoaaa...
Use me as you will
Pull my strings just for a thrill
And I know I'l be okay
Though my skies are turning gray, gray.
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving sends me to heaven
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving sends me to heaven...
I will never let you fall...
Katahimikan.
Katahimikan ulit.
Walang gumagalaw. Naka-tayo parin
siya sa harap ko. Magkatitigan lang kami. Parang nahipnotized namin ang isa't
isa.
"Uy... tara
na..." sabi ko sa kanya para mabasag ang katahimikan.
Naka-100 siyang score sa Videoke.
Talo ako.
"Gutom ka na
ba Bri?" tanong niya sakin habang nasa may cashier parin kami ng
Amusement.
"Oo
eh..." sagot ko naman
"Wait lang...
Ipapalit muna natin yung tickets." sabi niya
"Oh ano
yan?" tanong ko sa kanya. May kinukuha pa kasi siyang tickets sa bag niya
"Tickets.
Inipon ko 'to sa bahay. Alam kong almost 10 000 na 'to kaya eto, dinala ko na
para i-redeem..." sabi niya
"Eh saang
game mo napapanalunan yan?" tanong ko sa kanya
"Dun lang sa
Basketball... Minsan dun sa may piso piso..." sabi niya.
"Oh, pili ka
na ng prize..." sabi niya sakin
Huwat?! Ako pipili?!
"Ha? Eh iyo
yan eh?" sabi ko sa kanya
"Sayo na
yan... pumili ka na..."
Pinili ko yung Stitch na stuffed
toy na malaki. Sobra pa yung tickets. Kinuha pa namin yung plushie na Spongebob
para sakin at si Patrick Star sa kanya.... yung iba pang natira, candies
nalang.
Pumunta na agad kami sa
Foodcourt...
"Ano sayo?
Pork Tenderloin akin..." sabi sakin ni Edward
"Uhm, Sisig
nalang sakin..." sabi ko
"Drinks?"
"Red Iced
Tea..."
"Sige na...
ako na bahala dito... Humanap ka na ng upuan..."
Mabilis naman agad akong nakakita
ng table. Nasa may bandang gitna pa. Agad akong umupo at hinintay si Edward.
Yumuko muna ako para mag-isip...
Gurl? anjan ka pa?
Oo naman Vaklur... Di ako aalis sa
utak mo 'no...
In love na yata ako sa kanya...
Hay nako... Sino ba namang hindi
maiinlove jan?
Hmmm... Oo na... In love na talaga
ako...
Pano si Papa Matthew?
Ewan... Hindi naman kasi clear yung
motibo niya... Buti pa 'tong si Edward...
"Huy... lalim
ata ng iniisip mo?" biglang sulpot ni Edward
"Ha--- Ah...
Hindi... Pagod lang ako..." sabi ko naman.
"Ayan... Kain
na..."
Kumain na nga kami. Nag share-an
kami ng ulam. Sa gilid ko naman, nahagip ko ng tingin yung dalawang bakla kanina
sa jeep kasama parin yung jowa nung isang bakla. Mukhang pinaguusapan kami.
"Gusto ko ng
Ice Cream..." sabi niya bigla
"Bili ka...
May Snowpy jan oh.." sabi niya
"Sige... Wait
lang..." at agad siyang umalis.
Maya maya lang..
"Oh Bri...
Ice Cream..." sabya abot saking ng Vanilla Ice Cream
"Thank
you..." buti nalang at tapos na ko sa kanin.. Pwede ko ng sunggaban agad
'tong Ice Cream
"Saraaaaaaaaaaap!"
sabi niya
"Ngayon lang
ulit ako kumain nito..." sabi ko naman.
"Wait
Bri..." sabi niya sabay turo sa ilong niya. Hindi ko naman agad na-gets
yung ibig niyang sabihin
"May ice
cream po kasi yung ilong mo..." saby pahid nung panyo niya sa ilong ko.
Grabe. Ang bango nung panyo niya!
Meganon?!
Ang sweet talaga
nila!
Beh... Ganyan ka
din sana sakin...
"Alam mo, I
have something to tell you..." sabi sakin ni Edward. Biglan naman bumilis
ang tibok ng puso ko
"Ano
yun?"
"I like you
Brian. Uh, no. I love you." Mesdyo napalakas yung sabi niya
"Wh--what?"
sabi ko na nabilaukan pa sa pag inom ng iced tea
"I said, I
LOVE YOU!" At bigla na siyang sumigaw at tumayo. Nagtinginan naman lahat
ng tao sa amin
"Edward!
Umupo ka nga! Para kang baliw jan...Tara
na! Uwi na tayo!" sabi ko naman na feeling ko eh namumutla na
namumula. Ang gulo! Kinikilig na kinakabahan.
"Brian, I
LOVE YOU! Hindi ako nababaliw.. Seryoso 'to..." speechless naman ako bigla
dun..
Ayan na 'teh! Sunggab na!
Kalma ka lang jan Gurl!
"Dward, uwi
na tayo..." sabi ko naman sabay tayo at higit sa kanya
"No..
hangga't di mo sinasagot tanong ko..."
"Eh wala ka
pa ngang tanong eh!" nakikita ko na nakatingin ang mga tao sa Foodcourt sa
amin. Yung mga bakla sa gilid ko, kilig na kilig, actually, lahat yata sila.
Pati ako, kinikilig, di ko lang pinapakita
"Pumapayag pa
ka ba, Brian Anthony Lacuṅa Nicholls na
ligawan ko?" tanong niya.
Nabigla naman ako dun.
YES na yan!
Wag mo na
pakawalan! Ang gwapo na niyan oh!
Yes na!
Wag na
magpatumpiktumpik pa!
Yes yes yes!
Hooooo!!! Nakaka
kilig!
Nakaka-inggit! Ang
keso!
Etc... Etc.. Etc..
Yes ka na jan Ateng...
Sige na.. Eto na...
"YES..."
No comments:
Post a Comment