By: Dylan Kyle
Blog: dylankylesdiary.blogspot.com
E-mail: dylan.kyle.santos@gmail.com
Facebook Page:
www.facebook.com/pages/Dylan-Kyles-Diary/108358679208615
[AJ’s POV]
“What’s going on?”
tanong sa akin ni Rizza ng makarating kami sa bahay.
“I don’t know...”
“Sabi na at hindi
mapagkakatiwalaan yung lalaking yun. Bakit ba kasi hindi natin sinugod?”
“Stop it.” Sabi
ko.
“Wag kang tanga
Arwin...”
“Please...”
“AJ naman..”
“Please! Ayokong
pag usapan...masakit...sobrang sakit...”
Napaluhod na ako
at saka umiyak. Daig ko pa ang sinaksak ng ilang ulit sa aking likuran. Naiiyak
na lang ako sa nakita ko.
Ano bang meron?
Bakit hindi ko magawang paniwalaan ang sarili kong mata? Ayokong maniwala.
Hindi, sabi ko sa sarili ko. Sa kanya lang ako maniniwala.. sa explanation
niya.
“Hey.. stop
crying... he’s not worth for it.”
“Ang sakit.... ang
sakit sakit...”
“Dapat kasi
pinapatay na ganung mga lalaki...”
“Hindi ako
maniniwala sa nakita ko.... sa kanya lang ako maniniwala...”
“Wag ka ngang mag
pakatanga...”
“Mahal ko siya at
sabi niya kapag sinabi niya lang na hindi na niya ako mahal doon lang daw ako
maniniwala...”
“Pero ano ang
nakita natin?”
“Hindi natin alam
kung ano ang nangyari sa likod nun.. we should not jump to any conclusions...”
“Pero...”
“Ayoko ng pag
usapan.. please...”
Pinahid ko ang
luha ko. Tumayo at inayos ang sarili.
“Iakyat na natin
ang gamit mo...”
Tinulungan ko
siyang iakyat yung mga gamit niya doon sa taas. Mga alas singko ng hapon ng
dumating sila mama. Inexplain ko kung ano ang gagawin ni Rizza sa pamamahay
namin.
Pumayag sila at
masaya sila na magbabkasyon ito sa amin. Alas sais na ng gabi ng biglang
dumating si James. Si Rizza, nagtikom agad ng kamao.
“Hey... cut it
out... It’s okay.” sabi ko.
“Nandito ka pala
Rizza..”
“Hindi...picture
lang ako...”
“Yeah.. jokes
mo...”
“Oo, Joke nga.
Baka makamatay ako. Ay joke lang. Sige akyat muna ako....” sabi ni Rizza.
Agad kong niyakap
si James at pilit pinipigilan ang umiyak. Ayokong magtanong, gusto ko sa kanya
mismo manggagaling ang mga sasabihin niya.
“Kamusta ka?”
tanong niya.
“Eto miss na miss
ka...” sagot ko. Sabay pahid ng luha. Di ko na kasi mapigilan.
“Hey.. don’t
cry...”
“Ma-masaya lang
ako....”
“Wag na iyak...
hey... pwede ka ba ngayong gabi? Labas tayo? Miss na kita eh...”
“Wait....”
tumalikod ako at tinawag sila mama.
“Ma... lalabas daw
kami ni James...” paalam ko.
“Good evening
mama...” sabi ni James.
“Good evening
din.. naku gabi na....” sabi ni mama.
“Mama... overnight
naman po.. miss ko lang po itong anak ninyo...”
“Ay siya ingat
kayo ah.. hoy lalaki.... wag mong kalimutang dalhin yung gamot mo...”
“Bakit po mama may
nangyari ba kay AJ?”
“Wala naman.. eh
incase.... para di kayo mag panic...”
“Thank you
mama...” sabi ko. Tumaas na ako para mag bihis.
Sa kwarto ko,
nandun si Rizza at nagcomputer.
“Ei.. aalis
kami...” sabi ko.
“Saan kayo
pupunta?”
“lalabas daw
kami.”
“Nag usap na
kayo?”
“Di pa...”
“Hoy. Wag ka
masyadong tanga ha....”
Ngumiti lang ako
sakanya. “Wag mo akong ngitian...” sabi niya.
“Ipag pray mo na
kayanin ko kung anuman ang mangyari sa pag uusap namin..”
“Basta tawag ka
lang sa akin kapag may nangyaring masama...”
“Yup... overnight
daw eh kaya di nakita masasabayan matulog...”
“Okay sige...
ingat kayo... behave”
“Salamat ng
marami....”
Pagkabihis ko
umalis na agad kami. Pareho lang kaming tahimik. Di kumikibo at diretso ang
tingin. Nakakapanibago si James talaga. Haixt.
Ilang minuto lang
ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Candle light dinner pala. Haixt. Si
James talaga. Buti at di pa ako kumakain.
Habang nakain kami
tahimik pa rin ang paligid. Kaya ako na ang nagsimulang makipag usap.
“Bakit di ka
nagparamdam ng isang linggo?” tanong ko.
“Busy lang...”
“Saan?”
“Marami...”
“Tulad ng?”
“Basta...”
“Ano nga?”
“Sa
requirements...”
“Ah okay...”
“Sorry.”
“Okay lang...”
“Kamusta ka?”
anong niya.
“Okay naman ako..
eto buhay pa... miss ka ng sobra... haixt.. kung alam mo lang.. ilang araw
kitang tinatawagan pero di mo sinasagot... pinupuntahan kita sa bahay ninyo,
kaso wala ka naman lagi... nakakapagtampo lang talaga...”
“Sorry.. busy lang
talaga... miss din naman kita eh.... sobra,... kung alam mo lang...”
“Akala ko nga na
nang chi-chicks ka lang eh...hahah..” pagbibiro ko, pero mukhang sineryoso
niya.
“Yan ba tingin mo
sa akin?”
“Just kidding...
sorry...”
“It’s a bad joke.”
“Salamat pala...”
sabi ko. What a night, nag dinner pa kami eh di naman kami nag-uusap. Daig pa
namin ang strangers eh. Haixt.
“Saan?”
“Dito... salamat..
napasaya mo ako..”
“I love you....”
“I Love you
too...” at tinuloy na namin ang pagkain.
After namin
kumain, nag stroll kami sa may park. Ganda doon, maraming magagandang tanawin.
HHWWMPSSP pa nga kami eh, Holding hands while walking may pa sway-sway pa. Oh
diba.
“Don’t do this
again..”
“Ang alin?”
“Make me worry...
make me miss you.. ang sakit kasi eh... sobrang sakit...”
“Sorry...”
“Kwento ka naman
mga nangyari sayo buong linggo?” magsalita ka naman.. please. Ang sakit kasi na
parang may iba ka na... na parang pinagsawaan mo na ako.
“Ayon.. okay
naman...”
“Si Khail
kamusta?”
“Ayon naman.. okay
siya... tumataba...”
“Wag mo kasi
masyadong pakainin...”
“Di mapigilan eh..
hahaha.” Sabay tawa.
Sa wakas tumawa
siya. My heart makes smile. “Salamat at tumawa ka na...”
“bakit ba parang
kalkulado mo galaw ko?” taong niya.
“Wala naman... I
miss you lang..”
Humarap siya sa
akin at hinalikan ako sa labi. In public pa talaga. Pilyong pilyo pa nga siya eh.
“Sa harapan ng
maraming tao.?” Tanong ko.
“Bakit ba?”
“I love you...”
“I love you too.”
“Gaano mo ako
kamahal?”
“Nasusukat ba
yun?”
“Hindi... pero
sabihin mo sa akin kung gaano mo ako kamahal...”
Binitawan niya
yung kamay ko at tumungtong sa may upuan. Humarap sa may tao at nagsisigaw.
“Mahal na mahal ko
si Arwin Jake Montederamos.... siya lang ang nag-iisang mahal ko.. siya lang at
wala ng iba.... sana ako lang ang paniwalaan ni AJ... sana ako lang ang mahal
niya... umalis man ako sa tabi niya.. sana maisip niya na mahal na mahal ko
siya.. kahit anong mangyari.. mahal na mahal ko siya... yung puso ko nasa kanya
na.. at sa kanya lang yun.. wala ng iba pa...” sabi nito.
Napaluha ako sa
sinabi niya. Halos di ko mapigilan ang mapaiyak. Nakita ko rin na umiiyak siya.
Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko. Feeling ko iiwan na niya ako. Feeling
ko mawawala na siya sa akin. Feeling ko, argsh.... wag sana.. Lord please.
10 pm na ng gabi
ng umuwi kami sa bahay nila. Diretso kwarto at inaantok na ako. Nagbihis ako at
pinahiram niya ako ng boxer at t-shirt. Ako ang unang humiga at sumunod naman
siya.
Pagkahiga niya
niyakap niya ako ng mahigpit. Hinalikan niya ako sa batok.
“I miss you..”
sabi niya.
“Me too.” Humarap
ako sa kanya at hinalikan ko siya. Gumanti siya.
Unti-unti
nakaramdam ako ng sensitibong pakiramdam. Isang feeling na kung saan
nagsasabing kaaya aya ito. Unti-unting gumala ang mga kamay niya sa katawan ko,
maging ang halik niya gumagalaw na rin.
“I will make this
night memorable..” sabi niya.
Ang sakit. Sobra.
Feeling ko tama ang hula ko na nagapaalam na siya sa akin. Sobrang nasasaktan
ako kaya hindi ko na lang pinahalata na umiiyak ako.
Hinubaran niya ako
ng damit, maging ako hinubaran ko na din siya. Malalapad na pagyayakapan at mainit
na halik ang namuo sa aming dalawa sa loob ng kanyang kwarto.
Nag alab ang mga
pagnanasa namin sa isa’t isa. Yung feeling na bumalik ka sa unang pagkakataon
na nangyari sayo ito.
Ng naramdaman kong
malapit na kaming mag isa, niyakap ko siya nag mahigpit at unti-unti naramdaman
ko na nagsanib ang aming katawan. Masakit, pero hinayaan ko lang. Basta alam
kong masaya ako na naibigay ko muli ang sarili ko sa kanya.
Tumagal ang
pagnanasang ito ng ilang minuto. Ewan ko pero sinusulit ko na rin itong pagkakataong
ito. Madami na ata ako masydaong iniisip.
Ilang sandali lang
din ay natapos ang pagnanasa naming iyon. Ilang oras din matapos niyon ay
nagkaroon pa ng pag uulit. Masaya ako sa nararanasan ko pero ang sakit ng
nararamdaman ko. Sa kaloob looban ko, feeling ko mamatay ako sa sakit.
Nahihirapan ako sa nangyayayari. I hate this damn feelings.
[Chad’s POV]
Nandito kami
ngayon sa mall ni James. Nag gagala kami. Niyaya niya akong lumabas. Masaya
ako, bakit? Kasi siya ang kasama ko. Kasi nasa akin siya at alam ko na nag
aalala siya sa akin.
Bawat lakad namin,
para akong heaven. Daig pa namin ang mag on. kung ano man ang nangyari sa
kanila ni AJ, wala akong pakialam ang mahalaga eh nasa akin si James. Nung
isang gabi di siya umuwi sa bahay namin, may pupuntahan daw siya eh.
“Anong ginawa mo
nung isang gabi...” tanong ko habang nakain ako ng ice cream
“May ginawa
lang..”
“Ano nga?”
“Kinausap dati
kong kaibigan...”
“Sino?”
“Si Mark...”
“Baka naman si
AJ...” pagmamaktol ko. Di siya sumagot. Hindi naman ako tanga na sabihing hindi
na niya mahal si AJ. Ramdam ko yun. Baka nga napipilitan lang siya sa akin
ngayon eh, pero wala, hindi naman ako nag beg sa kanya. Basta na lang siya
lumapit sa akin at eto na.
“Mahal mo pa ba
siya?” stupid question.
“Wag na natin pag
usapan...”
“Okay... tara nood
tayo movie...”
“Ano gusto mo?”
“Kimmy Dora 2...
hahahha....”
“yeah.. wait bili
lang ako ng ticket.”
While he was
buying tickets, ako naman eh bumili ng pagkain namin. Then afterwards nanood
kami ng movie.
Feeling ko
panandaliang nawala yung sakit ko, bakit kamo? Kasi naman sobrang hagalpak ako
sa kakatawa. Well, for your information, nag set na ng formality yung doctor
ko.
Sabi niya I need
to go surgery, pero ayoko, why? Natatakot ako, natatakot ako na baka habang
nasa loob ako ng operationg room, mawala sa akin si James. Oo alam kong naawa
lang siya sa akin.
Hindi lang yun
yung dahilan, nahihirapan na din naman kasi ako. My operation is schedule after
5 months. di na daw dapat mag exced ng 8 months yung sergery ko. Stage 2 na
kasi yung sakit ko at kailangan ng matanggal yung mga tumors sa katawan ko.
After ng movie,
bumaba kami papuntang food court. Doon kami kumain. Madami na naman akong
kumain. Nabusog ako lalao kaso sobrang sweet sa akin ni james. Sinususbuan na
niya ako.
“Salamat..” sabi
ko.
“For what?”
“Dito.. alam ko
napipilitan ka lang...”
Di siya sumagot.
“I love you...” at ngumiti lang siya.
Shit, ang sakit,
ang sakit na ipamukha pa sa sarili ko na wala akong puwang sa puso niJames. Bakit
kasi si AJ pa? Si AJ pa yung lalaking minahal niya.
After namin
kumain, pumunta kami sa Quantum. Naglaro kami ng basketball at as usual, talo
ako. Player kasi tong mokong na to.
“Ang daya mo
talaga eh..” sabi ko.
“Diskarte lang
yan...”
Hinawakan ko ang
kamay niya at naghanap pa kami ng malalaruan, hanggang sa makarating kami sa
isang videoke stand. Yung tipong live ung kantahan.
Nagulat na nga
lang ako ng makita ko si AJ na nakatayo doon kasama ang isang babae. Nakanta
siya.
“Ano ba ang nakita
mo at pinagpalit mo ako? Nakakasiguro ka ba ngayon sa bago mo?”
“Sana ay mahalin
ka niya at wag kang sasaktan.... kahit di tayo.. problema mo’y sabihin lang...”
His voice is soft
as an angel. Nakakdala talaga. Haixt. Naramdaman ko na hinihigit ni James ang
kamay ko paalis. Ayoko pa sanang umalis pero wala akong magawa. Nakita kong
napatingin sa amin ni AJ.
Agad naman kaming
lumayo doon. Hinigit niya ako.
“Hey... nasasaktan
ako..” sabi ko. Napatigil siya
“Sorry.”
“Tara starbcuks
tayo...” hinila ko ang kamay niya at doon na nga kami nag punta.
“sarap talaga
dito... kahit amoy kape..” sabi ko.
“Malamang kepehan
to eh..”
“Seryoso ka
masyado...”
“Hahahah.”
Mayamaya, may
napansin kaming nakatayo sa likuran namin. At yun na nga, si AJ at yung kasama
niyang babae. Tumayo ako at tinitigan si AJ.
“hey...” ang
nasabi ko.
Hindi makatingin
si James kay AJ. Nagsalita yung babe, “Wow, huling huli talaga kayo..”
“Sino ka ba?”
“Shut up you
boblax brain...”
“Kapal mo ah...”
“Please Rizza...
let’s go.. ayoko na dito.. biglang sumama pakiramdam ko.. ayoko ng gulo....”
sabi ni AJ.
“James... kapal ng
mukha mo.. nakakinis ka...”
Kinaladkad naman
ni AJ yung babaeng kasama niya. Boblax brain talaga, how dare she.
“Tara uwi na
tayo...”
“Malasin ka
sana... masktan ka sana... masagasaan ka sana. Walang hiya ka... sinaktan mo na
naman yung best friend ko. Hinding-hindi kita mapapatawad!”
“RIZZA!!!” sabi
ko.
“Okay.. wala na
akong nagawa...”
[AJ’s POV]
Para na akong
timang dito sa kwarto ko kasama si Rizza. Iyak lang ako ng iyak.
“Bakit ba kasi
nagpapakatanga ka doon sa walang kwentang lalaking yun?” sabi sa akin ni Rizza
“Mahal ko siya
Rizza....”
“Pero sinasaktan
ka niya...”
“Mahal ko talaga
siya...”
“Wag ka ngang
magpakababa... madami pa jang iba...”
“Madaling sabihin
yan pero masakit lang talagang tanggapin....”
“hay naku.. sa
lahat ng taong aambunan ng katangahan, ikaw pa.... ikaw pa ang sumalo ng
lahat...”
Ang sakit. Takte.
Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Sabi niya mahal niya ako, pero bakit?
Bakit kasama niya si Chad? Sila na ba? Takte yan ang sakit. Daig ko pa ang
tinapakan. Ahas talaga si Chad. Walang hiya siya.
Niyakap ako ng
mahigpit ni Rizza. “Ang sakit best.. ang sakit...”
“Sige iiyak mo
lang yan... nandito lang ako para sayo...”
“Hindi ko
maintindihan kung bakit?”
“Bakit kasi hindi
mo tinanong?”
“Natakot ako..
ayaw kong alamin.. kinakabahan.. hindi ko alam kung kakayanin ko bang marinig
na hindi na niya ako mahal.. na nakikipag hiwalay siya sa akin.. feeling ko
mamatay ako pag nangyari yun.. feeling ko hindi ako mag susurvive... kaya
ayon.... kaya hindi ko tinanong...” tuloy pa din ako sa pag iyak.
“Weh ikaw din
naman pala may kasalanan eh.. haixt... yaan mo na.. makakarma din yung lalaking
yun...”
“Pero mahal ko
siya.. mahal na mahal...”
“Dapat kasi hindi
mo na lang siya minahal eh...”
“Walang magagawa
ang puso ko... mahal ko talaga siya...”
“Wag mo ng
paulit-ulitin...”
“Salamat.. salamat
at nandito ka... hindi ko alam kung saan ako tatakbo kung sakaling wala ka
dito....”
“Siya tahan na..
wag mong sayangin ang luha mo sa walang kakwenta-kwentang tao.”
Nag simula na
akong may ayos ng sarili. Ayokong malaman pa nila mama tong nangyari.
Gabi na ng pumunta
sa amin si James. Di ko inaasahan na pupunta pa siya dito sa amin. Di ko alam
kung kaya ko ba na kausapin siya. Feeling ko bibigay ang puso ko sa
mangyayaring pag uusap namin eh.
“Good evening po
mama.” Bati niya kay mama.
“Oh iho.. gandang
gabi din.. kumain ka na ba?” tanong ni mama.
“Opo...” sagot ni
James.
“Sa tingin ko nga
tita busog yan.. busog na busog sa ibang kandungan...” pahabol ni Rizza.
“Shhh... stop...”
sabi ko.
“Usap tayo..” sabi
ni James sa akin.
“Mag uusap pa? Eh
kitang kita na kanina eh...”
“Best..”
“Oo na tatahimik
na...”
“Doon tayo sa
labas.”
Agad akong
nagtungo sa garden namin. Para incase na umiyak ako sa pag uusap namin, madali
akong makakaakyat ng kwarto ko. May daan kasi dito, may shorcut.
Niyakap ko siya.
Ewan ko, nagpapakamartir na ata ako sa sarili ko. Nagpapakatanga sa taong
mukhang hindi naman ako magagawang ipag laban.
“Kamusta?” tanong
ko.
“Ikaw dapat ang
tinatanong ko niyan...”
“Alam mo na naman
kung okay ako o hindi eh...”
“Sorry...”
“un na lang ba
lagi mong sasabihin?”
“Nangako ako na
hindi ka sasaktan pero heto.... heto ako at sinasaktan kita...”
“Eh kagustuhan mo
yan eh...”
Umupo siya sa
bench at tumabi naman ako sa kanya.
“Tungkol sa
kanina?” sabi niya.
Takte ayokong
umiyak.. ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako.
“Ah.. yun ba..
kamusta pala ang lakad ninyo? Dapat sinabi mo na lalabas kayo para nasamahan ko
kayo...”
“Pero...”
“Kamusta na ba si
Chad? Galit pa ba siya sa akin? Kasi ako... galit sa kanya eh.. galit na
galit.. alam mo ba kung ba....”
“Stop...
please.... stop...”
“Bakit?”
“Sorry...”
“Utang na loob.
Sorry na naman? Papakainin mo na lang ba ako sa sorry mong yan? Bubuhayin mo na
lang ba ako sa mga pangako mo?”
“Mali ako...”
“Oo maling-mali
ka... dapat kasi sinabi mo.”
“Hindi ko alam
kung paano.”
“Tanga kasi ako
kaya ginaganyan mo ako... napakatanga ko... at isa pa... oo nga naman, kailngan
makuha mo muna ulit yung katawan ko bago ka lumipat sa iba...”
“Kung yan ang
gusto mong isipin...”
“Oo yan talaga.
Gago ka!”
Di siya umimik.
“Bakit mo ginagawa
sa akin ito? Sabi mo mahal mo ako pero nasa piling ka ng iba? Bakit?”
“Hindi ko na
kaya?”
“Paanong hindi mo
na kaya?”
“Makikipag hiwalay
na ako sayo....”
That was the most
painful moment ever. Ang makipag hiwalay siya sa akin. Hindi ko na napigilang
umiyak noon. Bumagsak na ang luha ko sa mga mata at ang sarili ko ay hindi ko
na nakayanan kaya napaluhod na lang ako mula sa pagkakaupo.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment