Blog:
unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/arn.5HK
Facebook Group:
www.facebook.com/groups/minahalnibestfriend
Twitter: twitter.com/iamDaRKDReaMeR
“Hello Christian…”
“Ron si Kuya Fred
‘to yung kasama ni Christian dati sa bahay,” ang bungad ng lalaki sa kabilang
linya.
“Hindi s’ya pa rin
may-ari ng number na ‘to. Napatawag lang
ako kasi wala naman akong number mo. Ano
kasi Ron…” kalmanteng pagkakasabi ni kuya ngunit dama mo na may bahid ng kaba
ang kanyang boses.
“Kuya ano pong
problema? May nangyari po ba kay
Christian?” nangingilid na ang mga luha ko ng oras na iyon.
“Kung pwede sana
Ron pumunta ka dito sa bahay. Sa dating
bahay ni Christian. Dito na lang natin
pag-usapan.”
Wala akong
inaksayang oras ng matapos maibaba ang tawag.
Agad akong naayos ng sarili at ng mga gamit na dadalhin ko.
“O, saan ka
pupunta at parang nagmamadali ka d’yan?,”
puna ni Enso sa akin habang nakatingin sa mga gamit na inilalagay ko sa
loob ng bag.
“Pupunta ako ng
Dubai. May importante akong bagay na
gagawin. Ikaw na muna ang bahala dito sa
bahay. Babalik din agad ako bukas.” ang
nagmamadali kong bilin kay Enzo.
Habang binabaktas
ng sinakyan kong bus ang daan papuntang Dubai hindi maalis sa isip ko ang
mag-alala kung ano ang nangyari kay Christian.
Sa tono ng pananalita ni Kuya Fred alam kong may hindi magandang
nangyari. “Sana walang nangyaring masama
sa kanya.” bulong ng isip ko. Pinipilit
ko ang sarili kong ipikit ang mga mata at matulog na sa byahe upang hindi ako
mag-isip ng kung anu-ano. Pinakalma ko ang
sarili ko. Ngunit paminsan-minsan ay
nakakatakas pa rin ang pag-aalala ko.
“Sa loob ng halos dalawang buwan na hindi ko s’ya nakita ganito pa ang
way na magkita kami. Huwag naman sana,”
biglang pumasok sa isipan ko ng bigla akong nagising mula sa pagkaka-idlip.
Ilang minuto pa at
narating ko na ang bus station. Kaba,
ito ang unang-unang emsyon na bumalot sa akin.
Hindi maiwaksi ng isipan ko kung ano ba talaga ang nangyari kay
Christian at ganoon na lang ang tono ni Kuya Fred, punung-puno ng
pag-aalala. Wala na akong inaksayang
panahon agad akong pumara ng taxi na masasakyan papunta sa dating tinirahan ni
Christian. “Pwede bang paliparin mo ang
taxi!,” utos ng isip ko habang lulan ng
sasakyan patungo sa bahay nila Kuya Fred.
Habang papalapit lalong lumalakas ang kaba ko sa kadahilanang hindi ko
alam ang maaabutan ko. “Sana maayos
kitang madatnan Christian.” Bulong ko sa
sarili habang hindi ko namamalayan ang pagpatak ng mga luha sa aking mata.
Tulala ako habang
nasa harapan ng pintuan at naghihintay ng taong magbubukas ng pinto para sa
akin. Hindi pa man nalalaman ang totoong
balita ay walang patid na ang aking pagluha.
Agad kong pinahid ang luha ko ng marinig ko ang mumunting galaw sa likod
ng pintuan.
“Ron buti dumating
ka na. Halika pasok ka,” bungad ni Kuya
Fred habang hihintay akong makapasok ng bahay.
“Kuya ano po ba
talaga ang nangyari at pinapunta n’yo ako dito?” halos pumatak muli ang mga luhang nakasungaw
sa aking mga mata.
“Sandali lang at
hawakan mo muna itong telepono n’ya at magbibihis lang ako para makapunta na
tayo sa kanya.” Pagkatapos maiabot sa
akin ang telepono ay pumasok na si Kuya at upang makapagpalit ng damit.
Habang hinihintay
ko si Kuya Fred ay pinakatitigan ko ang telepono ni Christian at tinignan ang
message box. Halos lahat ng message na
nakita ko ay ang mga messages ko simula pa ng maging kami, kahit ang mga simpleng mensahe na “I love you
Budz!” at “Kumain ka na po ba?, ”ay naka-save sa phone nya. Tuluyang hinilam ako ng mga luhang patuloy
ang pag-agos mula sa aking mga mata.
“Mahal mo pa rin
s’ya no?” Hindi ko namalayang nasa harap
ko na pala si Kuya Fred dahil abala ako sa pagtitig sa telepono ni
Christian. Agad kong pinahid ang mata
ko.
“Kuya, sobrang
mahal ko po s’ya. Malaki na po ang parte
n’ya sa buhay ko. Mahal ko sya hindi
lang bilang partner ko. Minahal ko s’ya
bilang kaibigan at kapatid na rin. And I
don’t know what will happen to me if in case I lose him,” pagpapaliwanag ko
habang umiiyak. Nakakahiya na makita ako
ng ibang tao na umiiyak pero anong pakialam ko ito ang nararamdaman ko at hindi
ko kailangang itago at magpretend na ayos lang ako samantalang ang kalooban ko
ay lumuluha.
“Halika na. Puntahan na natin s’ya. For sure matutuwa yun na makita kang muli,”
pag-aaya ni Kuya sa akin. “Pero bago ang
lahat. Maghilamos ka muna at ayusin mo
ang sarili mo. Haharap ka ba sa kanya na
galing ka sa pag-iyak?” Sabay bigay ng
ngiti ni Kuya na ikinatawa ko dahil tama nga naman s’ya alangan namang lumabas
ako ng bahay na mukha akong kinawawa.
Kinakabahan ako sa
muli naming pagtatagpo. Hindi ko alam
kung ano ang mangyayari. Hindi ko alam
kung ano ang nangyari. Naging
sunud-sunuran na lang ako kay Kuya Fred kung saan kami pupunta.
“Nandito na tayo,”
pagpukaw ni Kuya ng atensyon ko. Pero
sandali, tama ba ang nakikita ko?
Hotel? Bakit nandito kami? Ano
bang meron? May dadaanan ba si Kuya at dito kami huminto? Nasaan na si Christian? Ang daming tanong ang
tumatakbo sa isip ko.
“Kuya, bakit
nandito tayo?,” takang tanong ko.
“Nagutom kasi
ako. Kain muna tayo sa loob.” Knowing Kuya Fred alam kong mahilig s’yang
kumain sa mga restaurant sa hotel pero sana naman hindi ngayon diba. Gusto ko ng makita si Christian tapos kakain
pala muna kami sa hotel e ‘di sana sa bahay na lang s’ya kumain dahil alam naman
n’yang nagmamadali ako na makausap si Christian.
“Kuya, ano ba
talaga ang nangyari kay Chrisitian?” Ito
na lang ang naitanong ko sa kanya habang papasok ng restaurant habang isang
sulyap lang ang nakuha ko bilang tugon sa tanong ko.
Hindi masyadong
matao ang lugar. At imbis na umupo na
lang sa regular seat ay dinala kami ng waiter sa isang family area kung saan
medyo may privacy. Naguguluhan ako sa
nangyayari. Gusto ko ng tanungin kung
saan ko ba pwedeng puntahan si Christian at mauna na lang ako doon at pasunurin
ko na lang s’ya kaya lang nahihiya ako.
Sumunod na lang ako at umupo sa lugar na pinagdalhan ng waiter sa
amin. Agad na ibinigay ng waiter ang
menu upang maka-order na kami. Tinitigan
ko lang ang menu at walang kibo.
Samantalang si Kuya ay parang kalmante lang na nagbigay ng kanyang order
pero parang pang-maramihan yata ang binigay nito sa waiter.
“Kuya ang dami mo
namang inorder. Dalawa lang naman tayo
at hindi ako masyadong makakakain.” Pagsaway ko sa kanya habang nagbibigay ng
order.
“Okay lang yun,
yung iba kasi ipapabalot ko para may madala tayo kay Christian.” Sabay balik muli sa waiter. “How many minutes it would take for our order
to be served?,” tanong nito sa waiter na sinagot na mga bente-minutos pa ang paghihintay.
Sa totoo lang,
hindi ako mapakali. Gusto ko ng lumabas
at hanapin na lang si Christian. Naisip
kong nasa akin pala ang telepono ni Christian kaya naman inilabas ko ito upang
tignan ang phonebook nito upang makakuha ng contact na pwedeng makausap. Napansin ni Kuya Fred ang ginagawa ko.
“Ron, pwede bang
hawakan ko na ulit ang phone ni Christian?,” tanong nito sa akin habang
nakalahad ang kamay upang kunin ang telepono sa akin..
Wala akong nagawa
kundi iabot sa kanya ang telepono. Ano
ba ang nangyayari? May hindi ba ako
alam? Naguguluhan na ako? Sino ba ang pwedeng magpaliwanag sa akin?
Ilang minuto
kaming walang imikan ni Kuya. Balisa ako
sa pag-iisip samantalang si Kuya ay busy naman sa pagkalikot ng telepono
n’ya. Hindi na maipinta ang mukha ko sa
inis. Unang-una hindi ko alam ang
nangyayari kay Kuya, tumawag s’ya sa akin about kay Christian tapos ngayon
nakuha pa n’yang kumain sa hotel at makipag-text. Pangalawa, gusto kong malaman ang nangyari
kay Christian pero ano ang isinagot nya sa akin?, tingin lang at wala ng
sinabi. Pangatlo, kanina pa akong
kinakabahan dahil nung nakausap ko sya sa telepono kabado ang boses nya na
parang may nangyaring masama kay Christian tapos heto kami ngayon
pa-petiks-petiks lang.
Ilang minuto pa
ang nakalipas ay dumating ang waiter at sinabing malapit ng maserve ang pagkain
namin.
“Ron, sandali lang
punta lang ako sa CR,” pagpapaalam nito sa akin tumango lang ako at nagbigay ng
pilit na ngiti bilang tanda ng pagpayag.
“Ano ba naman tong
si Kuya ang daming commercial?,” bulong ko sa sarili sabay buntong-hininga.
Habang hinihintay
ko si Kuya ay nakinig na lang ako ng music para di naman matuluyan ang topak
ko. In short, pinakalma ko na lang ang
sarili ko. Kilala ko ang sarili ko,
madali akong mainis sa mga bagay na hindi ko alam kung ano ang nangyayari lalo
pa’t alam kong may alam ang kasama ko sa mga nangyayari.
Ilang minuto na
ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nakakabalik si Kuya Fred. Lalo akong nainis dahil nagawa n’ya pa akong
iwanang mag-isa na alam n’yang padating na ang order namin. Kapag minamalas ka nga naman talaga. Wala akong number ni Kuya Fred kaya hindi ko
s’ya matawagan buti na lang naalala ko na hawak n’ya pala ang phone ni
Christian kaya agad ko itong tinawagan.
Sa pagkakaalala ko hindi pa dead
battery ang phone
ni Christian pero nang tawagan ko ito out of coverage na. Kinabahan ako. Hindi naman ako makatayo dahil may order kami
at baka isipin nila na tatakbo ako. Wala
akong ibang magawa kundi hintayin na lang ang pagbalik ni Kuya Fred.
“Excuse me Sir,
someone wants to give this to you,” sabi ng waiter habang ibinibigay sa akin
ang isang long stemmed red rose.
Pag-alis ng waiter
ay nakita ko mula sa di kalayuan si Christian nakangiti may dalang puting teddy
bear at tatlong puting lobo. Halos
lumukso ang puso ko ng makita kong nasa maayos na kalagayan s’ya at hindi
katulad ng unang pumasok sa isip ko na may nangyaring masama sa kanya. Nakatulala lang ako sa kanya habang papalapit
sya sa akin hindi ko na nagawa pang tumayo hanggang makarating sya sa harapan
ko. Tanging patak lang ng luha ang galaw
na aking nagawa.
“Namiss kita Ron,
sobrang miss!,” ang wika ni Christian habang nakayuko at pinakatitigan n’ya
akong mabuti. Lalong hindi naman ako
makagalaw sa aking kinauupuan. Inilagay
nya ang dala nyang teddy bear sa katapat kong upuan. Matapos mailagay ang dala ay kinuha ang kamay
ko at inalalayan akong makatayo habang hindi natatanggal sa pagkakatitig sa
aking mga mata. Alam kong tumutulo ang
mga luha ko ng mga sandaling iyon dahil ito na, kaharap ko na ngayon ang taong
pinakamamahal ko. Ang taong nagpadama sa
akin ng pagmamahal at kung gaano akong kaimportante sa buhay n’ya. Pinahid n’ya ang mga luha sa aking mga mata
habang patuloy pa rin ang mga titig n’ya sa akin. “Sabi ko sa ‘yo diba ayaw ko na nakikita
kitang umiiyak.” Matapos pahirin ang
luha ko ay agad niya akong niyakap.
Yakap na punung-puno ng pananabik at pagmamahal. “I miss you so much Ron.” Pagbulong niya sa akin. Kumalas ito sa pagkakayakap at muli akong
tinitigan sa aking mga mata. Kahit alam
kong patuloy ang pagtulo ng mga luha ay hindi ko na ito inintindi. Ang mahalaga sa akin ay si Christian,
magkakasama na kaming muli.
“Pinag-alala mo pa
ako.” Tampu-tampuhan kong sabi sa kanya
habang patuloy ang padaloy ng tubig sa aking mga mata.
Pinahid n’yang
muli ang basa ko ng pisngi. “Sabi ng
‘wag ng umiyak eh,” pagsuway nito sa aking pag-iyak ngunit may ngiti sa mga
labi.
“Hindi ko
mapigilang hindi maiyak eh. Ikaw kaya
ang pag-alalahanin ng sobra-sobra. Tapos
ngingiti-ngiti ka pa riyan.” Sabay
tingin sa kanya ng tila nagpapaawa.
“Pasensya ka na
po. Gusto ko kasi kakaiba yung pagkikita
natin ulit.”
“Kaya halos
patayin mo na ko sa nerbyos? Kung alam
mo lang kung gaano akong nag-alala sa ‘yo…”
hindi pa man ako tapos sa sinasabi ko ay inilapat n’ya ang kanyang
hintuturo sa aking mga labi upang patigilin ako sa aking pagsasalita.
“Shhhhh… Ang
importante ngayon nandito ka kaharap ako at ayos ako. Walang nangyaring masama sa akin. Gusto ko lang maging espesyal ang pagkikita
nating muli.” Muli n’ya akong niyakap ng
pagkahigpit-higpit. Sobrang kinasabikan
ko ang araw na ito. Sobrang nasabik ako
sa kanya. Sa tagal ng hindi namin
pagsasama ngayon ko lang ulit naranasan ang mayakap n’yang muli. Sa wakas, ito na ang bagong simula ng bagong
samahan naming dalawa.
“Tara na kain na
tayo nagugutom na ako.” Sabay bigay ng
napakatamis na ngiti. Tila nahipnotismo
ako at sumunod na lang sa kanyang sinabi.
Pinaupo muna niya ako at saka s’ya tumungo sa kaharap na upuan. Sinenyasan nya rin ang waiter upang ipaalam
na pwede ng i-serve ang pagkain.
Habang hinahanda
ang pagkain ay hindi pa rin napuputol ang pagtitig ni Christian sa akin habang
nakaukit ang napakagandang ngiti sa kanyang mga labi. Matapos mailapag ang lahat ng pagkain sa
aming mesa ay agad na hinawakan ni Christian ang aking kamay. “Ang tagal kong naghintay sa pagkakataong
ito. Ang tagal kong inasam na makasama
kang muli. Ang tagal kong hinintay na
mayakap ka. Sobrang sakit ang naramdaman
ko ng wala ka sa piling ko at lalo kong napatunayan kung gaano kita kamahal at
sana hindi na tayo bibitiw.” Kasabay ng
marahang pagpisil sa aking kamay na may banayad na paghaplos. Para akong nakuryente sa kanyang ginawa dahil
sa kilig na dulot ng paglalapat ng aming mga kamay may kung anong saya ang
aking nadama. Sayang matagal ng naitago
sa aking kaloob-looban. Ang tagal kong
hindi naranasang mahawakan ang kamay ko ng taong minamahal ko kaya ganon na
lang ang naging reaksyon ko ng ilapat nya ang kanyang palad sa aking
kamay. Muling nagliyab ang ningas ng
pagmamahal ko para sa kanya. Nag-alab ng
muli ang damdaming muntik ng matulog.
“Alam mo bang nung
isang araw ko pa balak tumawag sa ‘yo?”
“Anong nangyari
bakit ‘di mo ako natawagan? Nag-iisip ka
pa ba kung babalikan mo ko?” Biglang
gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha na aking ikinangiti. “Tignan mo ‘to tinatanong ko nginitian lang
ako.” Lalong nagpa-awa ang itsura n’ya
na lalong napatawa sa akin.
“Kasi naman po
dumating po yung kasamahan ko dati sa work.
Workmate ko sa Pinas. Nagpatulong
sa akin na maghanap ng bahay. Ayun, I
offer him to stay with me.” Kaswal kong
tugon habang patuloy pa rin ang pagpapa-awa look ni Christian.
“Babae o lalaki
yan?” si Christian.
“Lalaki…,” hindi
pa man ako tapos ay sumabat s’ya agad.
“Baka may nangyari
na sa inyo ha? Malilintikan s’ya sa
akin!” Bigla akong napahalpak ng tawa sa
kanyang sinabi.
“Ano ka ba? Wala no!
at isa pa ipagpapalit ba kita sa kanya?
Ikaw ang mahal ko at wala ng iba pa.
Kumain na nga lang tayo.” Sabay
pa-cute ko.
Naging masaya ang
dinner date naming ni Christian. Naayos
na rin naming ang nalamatan naming samahan.
Alam kong medyo matagal pa ang proseso para mabuo ng tuluyan ang aming
samahan katulad ng dati na buo ang tiwala.
Makakaya naming dalawa ang pagbuo nito dahil alam kong magtutulungan
kami. Pupunan naming ang mga sandaling
wala kami para sa isa’t-isa. Susulitin
namin ang mga araw na magkasama kami.
“Budz, sandali
lang tawagan ko lang si Enzo kamustahin ko lang kung ano na ang nangyari sa
bahay.” Pagpapaalam ko kay Christian at
agad tumango tanda ng pagsang-ayon.
Hindi sumasagot si Enzo, naka-ilang ulit na akong tumatawag pero wala pa
ring sagot. Kaya naman minabuti ko ng tawagan si Jane. Hindi pa nagtatagal ang pag-ring ng telepono
nito ay agad naman n’yang sinagot.
“Hello Jane,
nand’yan ba si Enzo kanina ko pa kasi s’yang tinatawagan kaya lang he’s not
picking up my call.” Ang medyo inis kong
tanong dahil hindi nga nasagot ni Enzo ang tawag ko.
“Ano kasi Ron… Si
Enzo…”
Itutuloy…
No comments:
Post a Comment