Blog: unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/arn.5HK
Facebook Group: www.facebook.com/groups/minahalnibestfriend
Twitter: twitter.com/iamDaRKDReaMeR
“Hello Jane,
nand’yan ba si Enzo kanina ko pa kasi s’yang tinatawagan kaya lang he’s not
picking up my call.” Ang medyo inis kong
tanong dahil hindi nga nasagot ni Enzo ang tawag ko.
“Ano kasi Ron… Si
Enzo…” Hindi pa man natatapos ni Jane
ang nais sabihin ay agad ko itong pinutol dahil nag-alala ako kung ano ang
nangyari kay Enzo.
“Bakit anong
nangyari kay Enzo?!” may tono ng pag-aalala. Siguro dahil alam ko ang
pinagdaraanan n’ya, brokenhearted katulad ko dati.
“H’wag ka ngang OA
d’yan! Si Enzo ayun sa CR kanina pang
suka ng suka. Mantakin mo ba namang
uminom mag-isa, ayun sobrang lasing.”
Pagtataray ni Jane. “Nasaan ka ba
kasi nagpunta ha, ni hindi mo man lang nagawang tumawag para magpaalam!?” sa
mas mataray na boses.
“Akala ko naman
kung ano na ang nangyari… Dito sa Dubai…,” at bago pa man ako magpatuloy ay
inudlot na ni Jane ang sasabihin ko.
Parang alam na kung bakit ako nandito sa Dubai ngayon.
“Dubai… Para
ano? Makipagkita at makipag-ayos kay
Christian?” pangunguwestiyon niya sa ginawa kong desisyon.
“Oo, alam mo naman
diba…” at muli akong akong nabusalan ng bigla itong magsalita.
“Oo alam ko tanga
ka pero hindi ko alam na ganyan na pala kalala ang katangahan mo para sa
Christian na yan! Hindi na kita
pipigilan nagdesisyon ka na. Sana lang
mapangatawanan mo ng maigi yang desisyon mong makipagbalikan kay
Christian.” Hindi pa man ako nakakasagot
ay bigla na nitong pinatay ang awditibo ng telepono. Iiling-iling na lang ako sa naging usapan namin
ni Jane.
“Anong sabi ng
kausap mo at iiling-iling ka d’yan?” takang tanong ni Christian sa akin. Dahil ayaw kong masira ang gabi namin
nagsinungaling na lang ako sa kanya na walang masyadong importanteng usapan ang
naganap at ang tanging katotohanan na nasabi ko sa kanya ay ang pagkalasing ni
Enzo.
Matapos
makapagbayad ay napagpasiyahan namin na magtungo ng mall upang maglibot-libot
muna bago umuwi sa bahay nila Christian.
Sa pagkakataong
ito na magkasama kaming muli ni Christian tila parang bagong magkasintahan
kaming muli. Lumabas muli ang pagiging
sweet namin sa isa’t-isa. ‘Yung tipong
wala kaming pakialam sa nakakakita sa amin.
Paminsan-minsan ay naglalakad kami ng magkahawak ang mga kamay, minsan bigla na lang s’yang aakbay sa
akin. Hindi ko alintana ang pwedeng
sabihin ng mga makakakita sa amin kahit nakaakabay s’ya sa akin o magkadaupan
ang aming mga palad habang hawak n’ya ang puting teddy bear at ako naman yung
tatlong lobong puti. Nagkakatawanan na
lang kami kapag nakikita namin ang reaksyon ng mga nakakasalubong namin. Kulang na lang balikan namin isa-isa ang mga
tsismosong mata at sabihin sa kanilang, “Inggit kayo?”
Matapos mapagod sa
paglilibot ay nag-aya na akong umuwi dahil masakit na ang paa ko kalalakad at
isa pa gusto ko ng magpahinga kasama s’ya.
Pagdating ng bahay ay agad kaming humiga sandali.
“Buddy…” pagtawag
ni Christian habang nakahiga ako sa kanyang bisig at nakapikit ang mata.
“Hmmm… bakit
Budz?” tanong ko.
“Buddy… Alam mo
bang sobrang saya ko ngayon… Kasi sa hindi nasayang ang ginawa kong surprise at
lalong sumaya ako kasi hindi nasayang ang paghihintay ko sa yo. Mahal na mahal kita Ron.” Kahit nakapikit ako
dama kong tumagilid s’ya at humarap sa akin kahit pa naka-unan ako sa kanyang
bisig. Nanatili akong nakapikit at hindi
sumagot sa kanyang sinabi. “Uyyyy… Ang
Buddy ko nagtutulug-tulugan…,” Pinilit
kong hindi matawa sa kanyang sinabi pinanatili ko ang pagkakapikit ko. “Ayaw mo talagang kumibo d’yan ha…” Inalis n’ya ang kanyang braso na inuunanan ko
at naramdaman ko ang mabilis na pagdagan n’ya sa aking ibabaw.
“Umph!” impit na tunog lang ang nagawa ko dahil sa
bigat na nakapatong sa akin ngayon.
“Ayaw mo kasi
akong pansinin ih… ito ewan ko na lang kung di ka pa rin mamamansin…” bigla niyang sinunggaban ng halik ang aking
mga labi. Halik na sadyang kinasabikan
kong matikmang muli. Napakabanayad
ngunit punung-puno ng pagnanais at pagmamahal.
Napakasarap damhin ang bawat galaw ng kanyang mga labi. Ang banayad na halik ay naging mapusok ngunit
mapagkalinga. Dinala ako ng bawat
paggalaw ng ng mga ito sa ibang dimensyon, na kung saan kaming dalawa ang
bumuo. Dito malaya kaming makagawa ang
mga gusto naming mangyari sa amin.
Ang sumunod na
nangyari ay ang unti-unting pagtanggal ng aming mga saplot na tuluyang
nagpadarang sa apoy ng aming nararamdaman. Nanginig ang bawat hibla ng aking kalamnan sa
bawat dampi ng ng aming balat. May kung
anong kuryente ang dumadaloy sa aking mga ugat upang maging sanhi ng lalong tumindi
ang pagnanais kong matikmang muli ang sandaling aming pinagsaluhan katulad ng
dati, sandaling pinapadama namin kung gaano namin kamahal ang isa’t-isa. Naging mapagparaya ang bawat kilos ko at
naging mapagkalinga naman si Christian.
Halos sabay naming nilasap ang sarap.
Sabay naming kinalimutan ang nangyari at sinariwa ang damdaming natulog.
Matapos pagsaluhan
ang init ng damdamin ay yumakap ako kay Christian habang hinahaplos n’ya ang
buhok ko.
“Ang tagal kong
inasam na mangyari ulit ang bagay na nangyari sa ‘tin kanina. Walang araw na hindi kita inisip. Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang
nangyari. Walang araw na hindi ko inasam
na magbalik ka at makasama ko muli.
Walang araw na hindi kita minahal…” matapos sabihin ni Christian ang mga
katagang ito ay hinalikan niya ang noo ko.
Iniangat ko ang
aking mukha at tumingin sa kanya habang nanatili sa pagkakayakap sa kanya. “Kung alam mo lang kung gaano kaong nangulila
sa ‘yo. Kung gaano kong ninais na
magkabalikan na tayo kahit pa hadlang na ang mga kaibigan ko sa relasyon
natin. Pero, hindi na nila mapipigilan ang
desisyon ko… Mahal kita and I am willing to take the risk again of having you
back into my life… Nagkalayo man tayo noon, hindi naman huminto ang pagtibok ng
puso ko para sa ‘yo kasi ikaw na ang laman nito at hindi ko yata hahayaang
mawala ang taong mahal na mahal ko… Ang taong nagpadama sa akin na mahalaga ako
sa buhay nya at higit sa lahat ang taong nagpanumbalik ng dating Ronald…”
matapos bitawan ang huling salita ay mahigpit kong niyakap si Christian tanda
na sobrang na miss ko s’ya at gusto kong bumawi sa mga panahong hindi kami
magkasama. Nanatili kami sa ganoong
posisyon, nakaulo ako sa kanyang braso at nakayakap sa kanya. Hanggang sa nakatulog kami ng hindi namin
namamalayan.
Ang sarap sa
pakiramdam ng wala kang iniintinding mabigat na dinadala. Yung tipong tuluyan ka ng nilisan ng pighati
at handa ka ng harapin ang kinabukasan kasama ang taong mahal mo na kahit may
mga taong alam mong hahadlang sa relasyon n’yo ay hindi mo iindahin dahil sa
pagkakataong ito may magiging kakampi at kasangga ka sa pagharap sa mga trials
that will come along the way. For now,
all we have to do is to enjoy each moment that we are together and catch up on
the days that we are not together. Wala
akong sasayanging sandal sa pagkakataong ito.
Gagawin ko ang lahat para lalong mas tumatag pa ang samahan naming
dalawa.
Nagising na lang
ako kinabukasan ng isang halik mula kay Christian.
“Good morning
Budz!” sabay bigay ng napakagandang
ngiti na halos ikatunaw ko. Lalo pa’t
nakita ko na naman ang kanyang mala anghel na mukha.
“Good morning
Buddy!” Magiliw kong tugon at idinampi
niya ang kanyang mga labi sa aking mga labi.
“Tumayo ka na
d’yan at baka matraffic ka pa pabalik ng Abu Dhabi. Maligo ka na at ako naman ay magluluto.” Sabay hatak sa kamay ko dahilan upang ako ay
mapilitang tumayo. Sa totoo lang gusto
ko pa sanang hindi muna pumasok at mag-stay na lang muna kasama ni Christian
kaya lang katatapos lang ng bakasyon ko baka sabihin sa akin ng amo ko masyado
na akong nag-ti-take advantage sa kabaitan n’ya sa akin kaya kahit labag pa man
sa kalooban ko ang umalis at bumalik sa Abu Dhabi ay wala akong magawa kundi
sundin na lang si Christian. Agad kong
inilabas ang baon kong damit na pamalit at tumungo na ng CR upang makaligo
habang s’ya naman ay naghahanda na ng breakfast naming dalawa.
Matapos
makapag-ayos ng sarili at makapag-almusal ay agad akong inihatid ni Christian
sa bus station. Buti na lang at ng
dumating ako ay sandal lang ang naging paghihintay ko at napuno agad ang bus. Nagawa kong makatulog sa byahe dala na rin
siguro ng maaga kong paggising kaya tinamaan ako ng antok.
Naging mabilis ang
biyahe namin dahil na rin siguro maaga akong umalis at hindi nakasabay sa rush
hour ng Dubai kaya pagdating ko ng Abu Dhabi ay nagawa ko pang makauwi
muna. Nang makarating ako ng bahay ay
nakita ko si Enzo na tulug-na tulog.
Bigla akong nainis sa gulo ng kwarto na nakita ko. Ang daming nagkalat na basyo na lata ng beer
mga balot ng chips na sa tingin ko ay ginawang pulutan at higit sa lahat ang
dumi ng kama ko. At ang kinagalit ko ng
todo ay ang pagsisigarilyo sa loob ng kwarto nagkalat ang upos sa buong kwarto
at ang mga filter ay nagkalat sa lapag.
Gusto kong gisingin si Enzo at bulyawan sa kanyang ginawa pero pinilit
ko pa ring pakalmahin ang aking sarili upang hindi masira ang good mood na
binigay ni Christian sa akin. Nag-iwan
na lang ako ng note sa gilid ng table para kay Enzo. Inilagay ko ang dala kong bag sa cabinet ko
at umalis agad upang pumasok.
Kahit pa medyo
inis ako sa dinatnan ko sa bahay naging magaan naman ang buong araw ko dahil
kay Christian. Walang minuto na hindi
ito nagse-send ng message sa akin o kaya naman ay tatawag sa office. Kaya naman inspired akong magtrabaho at
panadalian kong nakalimutan ang magulong kwarto na aking inabutan dahil napawi
ng mahal ko ang inis na aking nararamdaman at napalitan ng kilig na nagbigay ng
drive sa akin na pagbutin ang trabaho ko sa araw na iyon.
“You look so
happy. Are you inspired?” tanong ng tsismoso kong amo isang maaliwalas
na ngiti lang ang itinugon ko dito bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi. “So it means you really are inspired. I can see now the old Ron, the enthusiastic
one,” sabay tapik sa aking balikat.
Maayos kong nagawa
ang mga trabaho ko. Katulad ng dati
walang gaanong hassle sa naging takbo ng araw ko.
Nagliligpit na ako
ng gamit ko dahil tapos na ang duty ko ng tumawag si Jane.
“Hello Ron…”
bungad nito.
“O, bakit ka pa
napatawag pauwi na ako?” tugon ko dito
habang inaayos ang mga papeles na trabahuhin ko kinabukasan.
“Ano ba naman
‘tong kaibigan mo wasalak!?” inis na wika nito.
“Hindi pa nahihimasmasan sa ininom kagabi ito na naman at may balak na
namang uminom hindi ko mapagsabihan kasi baka sabihing nanghihimasok ako sa
buhay n’ya. Bilisan mong umuwi at
pagsabihan mo ‘to,” pagrereklamo nito.
“Okay sige uuwi
agad ako. Hinihintay ko lang ang tawag
ng driver namin.” Nagmamadali kong
inilock ang drawer ng table ko. Kinuha
ang mga gamit ko at ako na mismo ang tumawag sa driver upang makauwi na. “Ano na naman ba ang pumasok sa utak mo
Enzo?” bulong ko sa sarili.
Ilang minuto lang
ang tinagal ng biyahe pauwi ng bahay.
Agad akong dumiretso kahit pa may bibilhin pa sana ako sa grocery ay mas
inuna ko pa ang makauwi at makausap si Enzo about sa inaasta nya.
Pagpasok ko ng
bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto naming ni Enzo. Naglinis naman ito at pinalitan na rin ang
bed sheets. Ang kaninang iniwan kong
parang nabagyo ngayon ay maayos na. agad
na hinanap ng aking mata kung nasaan.
Tinignan ko sa sala ngunit wala ito.
Pinuntahan ko sa kusina ngunit wala rin tanging ang niluto niyang ulam
lang ang aking naabutan. Agad akong
pumunta sa kwarto ni Jane upang tanungin kung nakita nila si Enzo.
“Jane… Jane…
Jane…,” pagtawag ko dito.
“Nandito ako sa
loob, pasok ka.”
Agad akong tumuloy
sa loob ng kwarto nila Jane. “Alam mo ba kung saan nagpunta si Enzo?”
pagtatanong ko.
“Hindi. Kanina nakita ko lang s’ya na may kausap at
nadinig ko na mag-iinom sila kaya nga kita tinawagan. Tapos n’un nagluto lang s’ya. Naligo at umalis ng walang paalam. Hindi ba nagtext sa ‘yo?” Pagpapaliwanag nito sabay balik tanong sa
akin. Umiling lang ako upang ipahiwatig
na hindi ito nagpaalam sa akin at lumabas na rin ako ng kwarto.
Kinuha ko ang
telepono ko upang tawagan si Enzo at alamin kung nasaan.
“Hello… Nasaan
ka?” bungad kong tanong ng sagutin nito ang tawag ko.
“Dito ako sa bahay
ng kaibigan ko, mag-iinom. Nakakahiya
kasi ‘pag d’yan pa ako nagkalat sa kwarto…”
hindi pa man s’ya tapos sa kanyang sinasabi ay sumabat agad ako.
“So d’yan hindi ka
mahihiyang magkalat? At nakidayo ka pa
ng inuman para lang sa bisyo mo?
Mag-isip-isip ka nga Enzo.
Pumunta ka dito para makalimot hindi para maging adik sa alak. Bumalik ka na dito at hindi naman madadaan sa
alak ang problema mo. Harapin mo ‘yan at
h’wag mong takbuhan!” panenermon ko
dito. Sa totoo lang nakukunsensya naman
ako sa pinagsasabi ko sa kanya. Alam
kong wala akong karapatang panghimasukan ang buhay n’ya pero bilang isang
kaibigan ayaw kong matulad sya sa nangyari sa akin dati na nilunod ang sarili
sa pag-inom ng alak para lang makalimot ngunit pagdating ng huli ganon pa rin,
ramdam ko pa rin ang sakit na dinulot sa akin.
“Ayaw kong alak ang maging escape goat mo para lang makalimot. Pwede naman nating pag-usapan dito kung ano
man ang problema mo. Hindi kayang
burahin ng alak kung ano man ang pinagdaraanan mo ngayon. Maaaring makalimot ka panandalian pero
paggising mo ba wala na ang problema mo?
Bumalik ka na dito. Hihintayin
kita.” Hindi ko alam kung ano ang naging
reaksyon n’ya sa mga pinagsasabi ko over the phone pero narinig ko na lang
itong nagpaalam at sinabing next time na lang daw sila uminom dahil may
nakalimutan daw s’yang gagawin.
“Sige hintayin mo
ko pauwi na ako d’yan. Give me twenty
minutes.” Sabay baba ng tawag.
Ilang saglit pa ay
nakita ko na itong pumasok ng bahay habang ako ay naninigarilyo sa may
sala. Dumiretso ito sa loob ng
kwarto. Agad kong tinapos ang
paninigarilyo ko at sumunod na dito.
“Hindi mo pa rin
ba kayang harapin ang problema mo at kumukuha ka ng lakas ng loob sa alak?”
pag-uumpisa ko.
Nanatiling
nakayuko si Enzo at walang kibo.
Ilang minuto ng
katahimikan.
“I cannot barely
forget him…” as he started to talk. Pero
sandali tama ba ang narinig ko? HIM?
“A-anong ibig mong
sabihin?” litong tanong ko. Sa
pagkakaalam ko ay straight si Enzo. Sa
tikas ng katawan nito at lakas ng dating.
Walang mag-aakala na kabilang pala s’ya sa mundong ginagalawan ko.
“Isa din akong
bisexual.” Lakas loob nitong
pagsisiwalat. Napatulala lang ako sa
aking narinig. Hindi ko alam kung ano
ang magiging reaksyon ko dahil kahit pa man bisexual ako hindi ko man lang
nabanaagan ng kakaibang kilos ito na isa rin s’yang Adan na may puso ni
Eba. “At ang taong sanhi ng sakit na
nararamdaman ko ngayon ay si Allan…” isa
pang rebelasyon na aking ikinagulat.
“Pe-ro… pa-anong…
ba-kit?” ang mga tanong na halos hindi ko maisatinig dala ng pagkabigla sa
aking mga narinig.
Si Allan ang isa
sa mga close friends ko sa dati kong pinagtatrabahuhan sa Pilipinas at sa totoo
lang walang hindi lilingon sa taong ito.
Malakas ang sex appeal nito mapa babae man o lalaki magsasabing talagang
iba ang taglay nitong kaguwapuhan.
Tumabi ako kay
Enzo at hinawakan ang kanyang kamay.
“Ano bang nangyari Enzo? Handa
akong makinig sa ‘yo pero kung hindi ka pa handa hindi kita pipilitin.” PInisil ko ang kanyan kanyang kamay upang
ipahiwatig na nandito lang ako handang dumamay sa kanya.
Nanatili ang
kanyang katahimikan, bigla na lang nagpakawala s’ya ng isang malalim na
buntong-hininga. “I never thought that I
would fall for Allan… ako ang naging takbuhan n’ya sa lahat ng bagay… we became
close simula ng naging trainor ko s’ya lalo pa noong laging nagkakasabay ang
duty naming dalawa hindi ko alam kung sinasadya ba talaga ng pagkakataon na
magkasama kami sa iisang shift o talagang nagkataon lang ang lahat…” Panandalian s’yang tumigil sa pagkukwento at
pinunas ang kanyang mga mata na walang sawa sa pagpapalabas ng mga tubig na
bumabasa sa kanyang mga pisngi. “Hindi
ko inakalang sa mga simpleng paghingi n’ya ng payo tungkol sa love life n’ya at
ang minsanang pagba-bonding naming dalawa… mahuhulog pala ang loob ko sa kanya…
ang hirap lang nito pilit kong pinipigilan ang mainlove sa kanya ng todo pero
habang pinipigil ko ang sarili ko s’ya naman ang lapit ng lapit… minsan
nagsisinungaling na lang ako para lang makaiwas sa pag-aaya n’yang
makipag-bonding… pero kilala n’ya ako kung kailan ako nagsisinungaling at kung
kailan ako nagsasabi ng totoo…” lalong
bumuhos ang luha sa kanyang mga mata.
Hindi ko alam paano pa syang papatahimikin. Inilagay ko ang kanyang ulo sa aking balikat
habang patuloy kong hinahaplos ang kanyang buhok.
Nakakaawa ang
kalagayan ni Enzo. Anong tulong ba ang
maibibigay ko sa kanya? Paano ko ba s’ya
maiaahon sa sakit ng kalooban na kanyang nararamdaman? Paano?
Itutuloy…
No comments:
Post a Comment