By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Facebook: getmybox@yahoo.com
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com
“Itayyyyyyyy!!!
Itayyyyyyyy!!! Itayyyyyyyyyyyy!!!” ang pagsisigaw ko habang hinawak-hawakan ko
ang kanyang braso at pilit na ikinilos ang katawan niya.
Ngunit hindi na niya
ako sinagot pa.
“Duktor!
Duktorrrrrrrr!” ang pagsisigaw ko. Halos puputok na ang aking baga at lalamunan
sa tindi ng aking pagsisigaw.
Dali-daling pumasok
ang mga duktor at pilit nilang ni-revive ang paghinga ng itay. Ilang beses din
nila itong binigyan ng electric shock ngunit wala na talagang palatandaan na
buhay pa ang itay.
“I’m sorry…” ang
sambit ng duktor sabay muestra sa mga nurse na ipalabas na lang ang bangkay ng
itay at dalhin ito sa kanilang morgue.
Ang sakit. Sobra.
Iyon bang nakikita mo ang iyong magulang na wala nang buhay, hindi ka na
naririnig, hindi na nakakagalaw. Mistulang isang bagay na lamang siya na walang
saysay. At ang sakit na naramdamn ko ay hindi lang dahil sa pagkawala niya at
ng inay kundi nadagdagan pa ito sa iniwang pagbubunyag tungkol sa tunay kong
pagkatao. Para bang hayun, nawala na nga sila, nag-iwan pa sa akin ng masakit
na katotohanang itinatago nila sa akin sa napakahabang panahon. Parang lumabas
na pinaglaruan lang nila ang buhay ko. Parang wala silang pakialam sa aking
damdamin. Parang isang aso lang ako na inalagaan, walang pakiramdam at walang
pakialam kung saan ang kanyang pinagmulan.
Halos hindi ako
maaawat sa pag-iiyak sa harap ng labi ng aking itay, naghalo ang aking
naramdaman: lungkot sa kanyang pagkawala at ang sama ng loob.
“Kam… huminahon ka.
Lakasan mo ang iyong loob.” sambit ni Noah sabay yakap sa akin at tinapik-tapik
pa ang aking likod.
“Ang sakit Noah.
Parang hindi ko kaya. Bakit napakabigat nitong ibinigay na pagsubok sa buhay
ko?”
Tahimik lang si Noah.
Patuloy lang niya akong niyakap, pinakinggan ang aking paghikbi. Marahil ay
dahil hindi naman niya talaga alam ang kasagutan sa tanong ko. At sino ba ang
nakakaalam sa sagot? Wala.
Maya-maya, bumitiw si
Noah sa pagyakap sa akin. “Heto, uminum ka muna ng tubig” sabay abot naman niya
sa akin sa mineral water na hawak-hawak niya.
Humihikbi pa rin ako
habang tinanggap ko ang mineral water na iniabot niya. Ngunit hinawakan ko lang
ito. Wala akong ganang uminum.
“G-gusto mo bang
puntahan ang inay mo sa punerarya? Malapit lang dito iyon, Kam…” ang mungkahe
naman ni Noah.
Tila lalo namang
tumindi ang aking naramdaman sa mungkahe niyang iyon. Sumagi kasi sa isip na
hindi lang pala itay ko ang namatay, pati rin pala ang aking kinikilalang inay
na sobrang napamahal na sa akin. “S-sige Kam. Gusto kong makita ang labi ng
inay.”
Nagpunta kami ni Noah
sa punerarya. Hindi kalayuan ito sa ospital at dahil kabisado ni Noah ang
lugar, wala pang bente minutos ay narating na namin ito.
Noong nasa loob na
kami ng punerarya, nagulat naman ako sa nakita. Tatlong kabaong ang nakahilera
sa gitna ng kapilya sa paanan ng altar. At may isang lalaking nakatayo
nakatingin sa isang kabaong.
Kabisadong-kabisado
ko ang tindig at pangangatawan ng taong iyon. Si kuya Andrei.
At sa pagkakita ko sa
kanya ay biglang gumapang naman ang matinding galit sa aking katawan. Feeling
ko tuloy ay sinadyang ibato sa akin ng tadhana ang lahat na kamalasan ng buong
sanlibutan sa pagkakataong iyon. Parang hindi pa sapat na namatayan ako, hindi
pa sapat na may nalalalaman akong masakit na katotohanan. Dinagdagan pa ito ng
pagpapaalala sa akin sa taong siyang dahilan ng lahat.
Dali-dali akong
lumapit sa altar kung saan naroon ang mga kabaong upang hanapin kung saan sa
tatlong iyon naroon ang inay. Nakabuntot sa akin si Noah, una kong sinilip ang
kabaong na nasa isang gilid kung saan ay naroon din si kuya Andrei at nakatayo.
Parang wala lang akong nakitang ibang tao sa harap ng kabaong na iyon. Kahit
malaking tao si kuya Andrei, binangga ko pa siya dahil nakaharang siya sa
ulunan ng kabaong kung saan naroon ang salamin. Wala akong pakialam sa kanya.
Ramdam ko, tiningnan niya ako at si Noah. Ngunit hindi ko siya pinansin.
Noong sinilip ko na
ang nasa loob, ito nga ang aking inay. At tuluyan ko nang pinakawalan ang
matinding sama n gloob na aking dinadala. “Inayyyyyyyy! Inaaaaaaayyyyyy! Bakit
mo po ako iniwan inaaaayyyyy! Wala na po ang itay iniwan na ako!!! Pati ba
naman ikaw? Sino na lang ang mag-alaga sa akin inay? Sino na lang ang uuwian ko
sa ating bahay inaaayyyy!!!”
Nasa ganoon ako ka
hysterical noong naramdaman kong may yumakap sa akin. “L-lakasan mo ang loob
mo… malalampasan din natin ang lahat ng ito.” sambit niya.
Bigla akong nahinto
sa aking pag-iyak. Kilala ko ang boses na iyon. Tiningnan ko siya. Si kuya
Andrei. Siya pala ang yumakap sa akin.
Galit na galit akong
kumalas sa kanyang pagkayakap. At, “P****ng ina mooooo!!!” ang sigaw ko. “Kung
hindi dahil sa iyo, hindi sana mangyayari ang lahat nang ito! Ikaw ang pumatay
sa mga magulang ko!!! Pinatay mo silaaaaaaaa!!!” ang sigaw ko sa
“Tol… alam mong hindi
totoo iyan. Walang taong may gustong mangyari iyan…” sagot niya.
“Sinungaling! Kung
hindi mo sila pinasakay sa pesteng military na sasakyan niyo, hindi sana sila
ma-ambush! At bakit hindi ikaw ang nag-drive para sana ay ikaw ang ratratin ng
mga rebelde at ikaw lang ang mamatay! Ngayon, tingnan mo??? Sila na walang mga
kamuwang-muwang sa p**ang-inang giyera na iyan ang namatay at ikaw itong buhay
na siyang may kasalanan ng lahat! Masaya ka ba??? Masaya ka na ba???!!!”
“Sa sinabi ko na tol…
hindi ko sinadya ang lahat at walang sino man ang may gustong mangyari ang
lahat. Isipin mo… ang mga magulang ko ay kasama rin nilang namatay. Sila ang
nasa loob ng dalawang kabaong sa tabi ng inay mo.”
Bigla rin akong
natahimik sa pagkarinig ko sa sinabi niya. Hindi ko kasi akalain na pati pala
ang mga magulang niya ay nadale. Noon ko naalala na ang balak ng mga magulang
niya ay dumayo muna sa aming bahay ng mga ilang araw pagkatapos ng kasal.
Hindi na lang ako
nagsalita pa. Mistulang nabusalan ang aking bibig sa aking narinig. Ibinaling
ko na lang muli ang aking paningin sa kabaong ng aking inay at ipinagpatuloy
ang aking pag-iyak.
Maya-maya, nilapitan
ko ang kabaong ng kanyang mga magulang. Sinilip ko ang kanilang mga kabaong.
Matagal ko nang hindi
nakita ang mga magulang ni kuya Andrei. Ngunit kahit hindi ko na sila nakikita,
maraming mga magagandang ala-ala ang naiwan nila sa aking puso. Parang isang
malakas na agos ng ng ilog ang mga ala-alang nanumbalik sa aking isipan sa
pagkakita ko sa kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang inay na sobrang
napakabait sa akin. Naalala ko pa ang mga insidente kung saan kapag nag-aaway
kami ni kuya Andrei at kahit ako ang may kasalanan, si kuya Andrei pa rin ang
pinapagalitan niya. “Bakit mo na naman inaaway iyang si Alvin? Ang tanda-tanda
mo na, pinapatulan mo pa rin iyang bata? Bunso mo iyan kaya dapat imbes na
awayin mo, alagaan mo! Mahalin mo!”
At kapag ganoong
tinatalakan na niya si kuya Andrei, ako naman ay magtatago sa ilalim ng papag
at habang tinitingnan si kuya Andrei na tila asong nakatago ang buntot sa
ilalim ng tiyan, lihim naman akong maglupasay sa pagtatawa sa kanya, aasarin sa
pamamagitan ng pagmumuwestra at pagmi-make face.
Kadalasan din
binibigyan niya ako ng kung anu-ano, kagaya ng pagkain, pera, laruan at
sasabihin sa akin, “O, itago mo iyan ha? Huwag mong ipakita sa kuya Andrei mo
baka aagawin iyan sa iyo.” tapos ngingiti siya na para bang sasabihing “Sikreto
lang natin iyan ha?” Nakakatuwa lang. At noong nasa malaking syudad na sila, at
nakabalik na si kuya Andrei sa amin at nagkaroon na ng contact ang mga pamilya
namin, palagi niya na akong kinakausap sa telepono, ang sabi, nasasabik na raw
siyang makita ako, sila ng itay ni kuya Andrei. At ang alam ko pa nga, ang
isang dahilan ng pagsama nilang iyon sa aking mga magulang sa aming bahay ay
upang makita raw nila ako dahil gusto na nga raw nila akong makita.
Muli na naman akong
napaiyak. Ramdam ko kasi ang pagmamahal din nila sa akin. At hindi man lang
kami nagkita habang buhay pa sila. Pitong taong gulang pa lang ako nung huli ko
silang nakita at nakasama. Tanging alaala na lamang ang naiwan nila sa akin.
Ako na ang
nagdesisyon na dalhin ang apat na bangkay sa aming bahay sa probinsya namin.
Ang palagi kasing sinasabi ng inay ni kuya Andrei sa akin kapag kinakausap ako
sa telepono ay babalik sila sa probinsya upang doon na manirahan, upang hindi
na raw maghiwalay pa ang aming mga pamilya. “Hindi sa malaking syudad ang buhay
na para sa amin, Alvin. Kaya babalik kami sa probinsya, doon na manirahan upang
magkasama-sama tayo – tayo ng mga magulang mo at pati na ng kuya Andrei mo. At
gusto rin namin na kung darating na ang panahon para sa amin, doon na rin ang
aming huling himlayan...”
Nagkataong patapos na
rin ang semester noon kung kaya nagrequest na lang ako ng special test sa
finals. Pinayagan naman ako. Malayo kasi ang probinsya ko sa unibersidad na
aking pinapasukan. Walang mga kamag-anak ang mga pamilya namin ni kuya Andrei
kung kaya ay kailangan nandoon ako upang siyang magsupervise sa lahat ng mga
kailangan, pag-estima sa mga bisita at mga nakiramay. At syempre, naroon din si
kuya Andrei. Nag leave siya ng sampung araw.
Sa mga araw na
nagkasama kami ni kuya Andrei sa bahay at sa pag-estima sa mga taong dumalo sa
gabi-gabing lamay, pinilit kong huwag siyang kausapin. Para lang kaming hindi
magkakilala. Nasisigawan ko kasi siya kapag lumalapit sa akin o di kaya ay
nakikipag-usap. Mainit na mainit ang dugo ko sa kanya. Hindi pa kasi tanggap ng
aking isip na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang namin. Siya
ang sinisisi ng aking isip na siyang dahilan ng lahat.
Pati sa bayaran sa
funeral services ay nakipaghati rin ako. Pinadalhan kasi ako ng pera ni Brix.
At si Noah ang nagsibing runner ko kapag may mga kailangang bilhin, kailangang
kuntakin. Kapag pumalag si kuya Andrei sa mga plano ko, hindi ko siya
pinapansin o kaya ay binubulyawan ko. Kaya ang lahat ng nasusunod ay plano ko.
Minsan sinasabi niya kay Noah ang suggestion niya. Ngunit kapag nalaman kong
galing sa kanya ang ideya, sadyang hindi ko susundin ito, kahit maganda pa
iyong mungkahi niya.
Minsan nalilito ang
mga taong involved sa preparasyon sa lamay at libing. Pati ang funeral services
ay hindi malaman ang gagawin.
“Bakit ba hindi mo
sinunod ang mungkahi kong lugar para sa kanilang nitso? Mapamahiin ang mga
magulang natin, tol… ayaw nila ang lugar na pinili mo para sa kanila?” paninisi
sa akin ni kuya Andrei isang beses.
“Bakit, gumising ba
sila at nag-usap-usap kayo kung saan nila mas gustong magpatayo ng nitso?
Kagabi ba kayo nag meeting? Bakit hindi ako kasali? Sinolo mo na naman sila?”
ang pabalang kong sagot.
“Tol… patay na ang
mga magulang natin. I-respeto naman natin ang mga pamahiin nila.”
“Oo nga. Patay na
sila. At namatay sila nang dahil sa iyo! Kaya wala kang karapatang magdesisyon
kung saang banda ko ipapagawa ang kanilang nitso! Kung gusto mo, ikaw ang
ilibing ko sa lugar na gusto mong pagawan ng nitso. Ano? Gusto mo?”
Kaya dahil walang
matinong sagot ang nakukuha niya sa akin, hindi na niya ako pinapatulan. Pati
si Noah ay hindi na rin umiimik. Marahil ay inintindi na lang din niya ang
kalagayan ko.
Gabi bago ang
nakatakdang araw ng libing, biglang pumasok si kuya Andrei sa aking kuwarto.
Hindi ko kasi ito nai-lock at siguro, alam niyang hindi ko siya bubuksan kung
kaya ay dumeretso na siya. “Tol… mag-usap tayo” ang sambit niya habang
kampanteng naupo sa silya paharap sa aking kama kung saan naman ako nakahiga,
nagpahinga dahil sa pagod sa pag-asikaso sa mga taong dumalo sa lamay.
“Bakit ka pumasok
dito?!” ang galit at pasigaw kong tanong.
“Mag-usap tayo.” ang
matigas din niyang tugon.
“Bakit? Anong
pag-uusapan natin?”
“Marami… importante.”
“Dalian mo!
Magpahinga pa ako. Marami pa akong aasikasuhin.”
“Ngayong wala na ang
mga magulang natin, magresign na ako sa pagiging sundalo ko. G-gusto kong ako
na ang tatayong guardian mo, mag-aalaga sa iyo, i-focus ang lahat ng oras ko
para sa mga pangangailangan mo…”
“Mag-aalaga???” ang
sarkastiko kong sagot. Parang gusto kong humalakhak. “Ano ako, lampa? Hindi
makatayo? Bulag? Bata? Anong akala mo sa akin? Insulto ba yan?”
“Tayong dalawa na
lang ang naiwan at nag-aaral ka pa.”
“Malaki na ako, Capt
Andrei. At may Brix na ako sa buhay ko. Kayang-kaya kong tumayong mag-isa at
kung may problema man, kayang-kaya akong alagaan ni Brix. Hindi ko kailangan
ang pag-aalaga mo.”
“Hindi mo kapamilya
si Brix!” ang tila tumaas niyang boses sa pagkarinig sa pangalan ni Brix.
“At bakit ikaw,
kapamilya ba kita?”
“Oo…” ang maiksi
niyang sagot.
“Ang kapal mo!”
“Ang ating mga
magulang, bagamat hindi sila tunay na magkadugo, kapamilya na ang turing nila
sa bawa’t isa. Pangarap nilang huwag maghiwalay ang ating mga pamilya, pangarap
nilang mabubuo tayo, magdugtong ang ating
dugo at lahi. At kahit huli na, alam kong masaya pa rin sila ngayon dahil
magkasama sila. Alam ko, ganoon din ang pangarap nila para sa atin… ang
magdugtong ang ating buhay.”
“Sandali, gusto ko
lang i-klaro…” sambit kong lalo pang tumaas ang boses. Parang may pumitik kasi
sa aking tenga sa sinabi niyang iyon at ang lahat ng dugo ko sa katawan ay
nagsiakyatan sa aking ulo. “Paanong mabuo ang ating buhay? Iyon ba iyong
planong magpakasal ka sa babae, at ako ay ganoon din, at kapag nagkaanak na
tayo ng babae at lalaki, i-arrange natin ang pag-iisang dibdib nila? Ganoon ba?
Paano ito matupad kung ikaw mismo… tinuruan mo akong maging isang bakla?!!!
Tinuruan mo akong mahalin ka! Paano ito matutupad? Paano???!!!”
Hindi siya nakasagot.
“Sinira mo ang buhay
ko! Sinira mo ang pangarap ng ating mga magulang!!! Ikaw ang sumira ng
lahat!!!” dugtong ko pang paninisi.
“Gusto kong bumawi sa
mga pagkukulang ko sa iyo.”
“Hindi ka na
makakabawi!”
“Nakapagdesisyon na
akong magresign sa pagiging sundalo.”
“Wala akong pakialam!”
“M-may pakialam ka
dahil…”
“Dahil???”
“Dahil hindi natuloy
ang pagpapakasal namin ni Ella.”
Mistulang may humataw
sa aking ulo ng isang matigas na bagay sa aking narinig, hindi lubos
maisalarawan ang tunay na naramdaman. Parang may tuwa sa aking puso. Ngunit
noong nai-connect ko naman ang pagkamatay ng mga magulang ko dahil sa pagdalo
nila sa kasal niya, na hindi naman pala natuloy, bigla ring nanumbalik ang poot
ko. “Owww? Bad news! Sayang. Bagay na bagay pa naman kayo. Demonya siya, ikaw naman
ay demonyo. Manloloko siya, ikaw naman ay uto-uto. Sarap ngang pag-umpugin ng
mga ulo ninyo eh. Naturingan pa namang mga sundalo kayo! Kaya siguro hanggang
ngayon ay hindi pa matapos-tapos iyang gulo at gyera ninyo sa Mindanao dahil
puro kayo mga pulpol! Anong feeling mo ngayon? Malungkot ka dahil hindi natuloy
ang kasal ninyo?”
Ngunit hindi siya
natinag sa pang-aasar ko. Bagkus binitiwan niya ang isang hilaw na ngiti. “Ang
taray mo pa rin talaga no? Kahit noong bata ka pa, ganyan ka rin. Palagi mo akong
inaasar, sinusumbong sa inay…”
“Hindi ako nagbibiro!
At kung iyan lang ang sasabihin mo, umalis ka na!”
Natahimik siya
sandali. maya-maya, nagpatuloy siya. “Sa gabing bago ang araw ng aming kasal
sana ni Ella ay may kumausap sa akin na isang lalaki. Siya raw ang tunay na ama
ng batang nasa sinapupunan ni Ella. Nakipagkita ako sa kanya. At sa pag-uusap
naming iyon ay ibinunyag niya sa akin ang lahat nang sama ng loob niya sa
dating girlfriend at sa kanyang mga kasinungalingan. kaya noong nabuo na ang isip
kong hindi na ituloy ang kasal, nag-insist na ang inay at itay mo na umuwi na
lang. May mga alagang hayop pa raw kasi silang pakakainin. Ang mga magulang ko
naman ay atat na atat nang makita ang probinsya natin. At dahil wala silang
masakyan sa umagang iyon kung kaya iyong service namin dito ang ipinagamit ko.
Alam mo bang dadaanan ka sana nila sa dorm na tinutuluyan mo bago sila
dideretso sa probinsiya natin? Gusto ka na ring makita ng mga magulang ko.
Sabik na sabik na sila sa iyo. Tanong nang tanong sila sa akin kung bakit hindi
ka dumalo sa kasal ko sana.”
Hindi mo sinabing
dahil nasusuka ako sa pagmumukha ninyong dalawa? Na kapag dumalo ako, baka
mabaril ko pa kayo dahil ang tingin ko sa inyo ay mga demonyo???”
Hindi pa rin niya ako
pinatulan. “S-sorry sa lahat. N-nagsisi ako kung bakit pa naniwala ako sa
kuwento ni Ella. Tunay din nga naman na siya ang sumagip sa buhay ko noong
na-ambush at na-hostage pa kami ng mga kalaban. Hindi ko akalaing may masamang
intensyon siya sa akin. Pero di ba… ayaw ko naman talaga siyang pakasalan? Ikaw
ang nagtulak sa akin na pakasalan siya.”
“Tanga! At ako na
ngayon ang may kasalanan?!”
“Hindi naman. Ako ang
nagdesisyon kaya pananagutan ko ang lahat.”
“Kaya pati mga
magulang natin ay nadamay sa palpak mong desisyon!”
Natahimik siya.
“Ang itay… bago siya
binawian ng buhay, nasabi niya sa akin na hindi sila ang tunay kong mga
magulang. alam mo ba ito?” ang bigla kong pasingit noong naalala ko ang huling
sinabi ng itay bago ito malagutan ng hininga.
Kitang-kita ko sa
kanyang mukha ang pagkabigla. Napatitig siya sa akin. Hindi nakasagot.
“Alam mo baaaa???!!!”
ang bulyaw ko.
Napabuntong-hininga
siya at may pag-aalangang tumango.
At sa pagkakita ko sa
kanyang pagtango, mistulang nagdilim ang aking paligid sa sobrang galit.
Mabilis akong bumalikwas ng kama at sinugod siya sa kanyang inuupuan, Hinablot
ko ang kanyang buhok at pinagsasampal siya.
Hindi naman siya
pumalag. Hindi umilag. Hindi umimik, hindi nagreklamo. Parang isa lang siyang
alipin na nakapikit ang mata at hinayaang saktan siya ng kanyang amo.
At dahil sa pananakit
ko, pulang-pula ang kanyang mukha sa walang humpay kong pagsasampal at
paghambalos ng kamao ko sa kanya pisngi.
“Matagal mo na bang
alam ito??? Matagal na ba???!!!”
Muli siyang tumango.
“Arrrrggggghhhh!”
Sigaw ko. At lalo ko pang nilakasan ang pagsasampal at pagsusuntok sa kanyang
mukha. “Pinaglalaruan ninyo ang buhay ko! Ginawa ninyo akong tanga!
P**tang-inaaaa!!!” Ang sigaw ko. Parang
nawawala ako sa tamang katinuan sa ginagawa kong pananakit sa kanya habang
nanatili lang siya sa kanyang pagkaupo, inilantad lang ang sarili upang gawin
kong punching bag.
Hanggang sa tila
napagod na ako sa aking ginagawa at napaupo, humagulgol sa harap niya. Noong
ibinaling ko ang aking paningnin sa kanyang mukha, pulang-pula ito, at
kitang-kita ko ang dugo na dumadaloy sa kanyang bibig at ilong. Wala pa rin
siyang imik. Parang gusto kong maawa sa kanyang kalagayan. Ngunit naalipin pa
rin ako sa matinding galit.
“P-patawarin mo ako
tol… hindi ko intensyon na saktan ka.” ang halos pabulong niyang sabi.
“Sino ang mga
magulang ko? Sino???”
Hindi siya nakasagot
agad. tila humuhugot ng lakas upang ilahad sa akin gang katotohanan. At
maya-maya lang ay nagsalita siya. “A-ang itay at inay ko. S-sila ang tunay mong
mga magulang.”
Para akong binuhusan
ng malamig na tubig sa aking narining. Parang biglang umikot ang buong paligid.
“P-paano nangyari???”
“Ang inay mo, si
Nanay Pacita ay hindi na puwedeng magkaanak. Inoperahan daw ito sa matris dahil
sa isang tumor. Naawa ang aking mga magulang sa kanila dahil gustong-gusto
nilang magkaroon ng anak. At ang ipinalangin pa naman nilang anak sana ay
isang… babae upang ipareha daw sa akin at magiging kabiyak ko paglaki ko.
Ngunit hindi sila pinagbigyan ng tadhan. Kung kaya upang hindi na malungkot ang
mag-asawa, noong isinilang ka ng aking inay na si Nanay Aurea, napagkasunduan
nila ng itay na ipa-adopt ka sa kanila… kay Tatay Berto at Nanay Pacita na
naging mga magulang mo. At dahil mag-best friend naman sila at naipangakong
hindi maghiwalay, kung kaya ay madaling nangyari ang pag adopt nila.”
“M-magkapatid tayo?”
“O-oo… bunsong
kapatid kita.”
Mistula akong
lumutang sa kawalan sa ibinunyag ni kuya Andrei. Iyong bang gulong-gulo ang
isip na parang nasa gitna ako ng kawalan at ang mga tanong sa isip ay, “Nasaan
ba ako? Sino ako? Bakit ako narito? Paano ako napunta rito? Saan ba ako
nanggaling?” Litong-lito ang aking isip at parang mas lalo pang dumarami ang
katanungan.
“…kaya gusto nilang
magdugtong ang ating mga lahi.”
“M-agkapatid tayo
pero gusto nilang kapag nagkaanak tayo ng babae at lalaki ay ipapakasal natin?
Puwede ba iyon? Puwede bang ikasal ang magpinsan?”
“P-puwede naman daw.
Kasi, hindi tayo legal na magkapatid. Iba ang apilyedo mo sa apilyedo ko. Sabi
pa nila na sa ibang bansa nga raw, kagaya ng mga bansang Arabo, kumon naman daw
ang magpinsan na mag-asawa. Sa datung Egypt nga, ang ibang pharaoh nila ang inaasawa
ay ang kanilang mga kapatid na babae.”
“Iba naman iyong sa
kanila eh. Nag-asawa ang magkapatid upang ang kaharian nila ay hindi mahati. At
tanggap iyon ng lipunan nila.”
“Ke ano pa man ang
dahilan, magkapatid sila. At bakit lipunan ba ang magdedesisyon sa pag-ibig mo?
Kapag sinabi ba ng lipunan na ganito lang dapat ang ibigin mo, automatic na
mag-aadjust na kaagad ang puso mo at sundin ang sinabi ng lipunan?”
Hindi na ako
nakakibo. Tama nga rin naman siya. Ngunit hindi ko pa rin talaga lubos maintindihan
at matanggap ang mga nalalaman ko. Parang hindi kapani-paniwala. Naitanong ko
tuloy sa aking sarili kung ganyan ba talaga sila ka desperadong ipagdugtong ang
aming mga pamilya. “Ikaw… alam mong magkapatid tayo. Bakit mo ginawa sa akin
ang ganoon? Bakit mo ako tinuruan sa mga bagay na mag-asawa lamang ang maaaring
gumawa?” ang naitanong ko na lang. Mistulang nahimasmasan na ako sa matinding
galit ko sa kanya bagamat ang nangingibabaw naman sa aking isip ay ang
matinding pagkalito sa nalamang ang tunay kong mga magulang ay ang mga magulang
niya at magkapatid kami.
“Ewan. Mahal kita eh.
Minsan ay hindi ko naramdaman na kapatid kita. Mas nangingibabaw ang pagmamahal
ko sa iyo bilang isang… k-kasintahan.” Natahimik siya nang sandali. yumuko.
Tapos noong ibinaling sa akin ang kanyang tinngin, ang mga mata ay nakakaawa.
Naroon pa rin ang dugo sa kanyang bibig at ilong. Bahagya nang huminto ang
pagdaloy ng dugo. “Ikaw? Kuya at kapatid lang ba talaga ang pagtingin mo sa
akin?” Tanong niya.
Hindi ako nakasagot.
Hindi ko na kasi nadi-distinguish ang kaibahan sa pakiramdam ng pagiging tunay
na kapatid at pagiging isang kasintahan. Sa buong buhay ko, siya lang ang
kinikilala kong kuya. At simula noong itinuro niya sa akin ang mga bagay na
iyon, nakaukit na sa aking isip na ang ginawa niyang iyon sa akin ay bahagi
lamang ng pagiging kuya niya. Sa utak ko ay nakatatak ang ginawa niyang ito sa
akin, tinanggap na katotohanan na ang mag-kuya at magkasintahan ay iisa. Na
bilang isang kuya ko, siya ang nagpo-protekta sa akin, nagmamahal, nag-aalaga,
at nakikipagtalik… Iyon ang tanging alam ng utak at sistema ko. At
hinahanap-hanap ko na ito.
Pero noon iyon; noong
musmos pa lamang ako, walang kamuwang-muwang, inosente sa mga kalakaran sa
mundo. Sa pagkakataong iyon na alam ko na ang lahat, ang isip at konsyensya ko
na ang nagsasabing isang malaking pagkakamali ang ginawa naming iyon, dahil
magkuya pala kami. “B-bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na magkapatid pala
tayo? Bakit ninyo inilihim sa akin ang lahat?”
“Ayaw nilang mabigla
ka tol… Ayaw nilang malungkot ka, masisira ang konsentrasyon mo sa pag-aaral.
Pero sasabihin naman daw nila sa iyo ito sa takdang panahon. Kaso, naunahan
lang siguro sa nangyaring aksidente. Naramdaman ko, masakit ang kalooban nilang
hindi nila nasabi ang lahat sa iyo bago sila pumanaw. Tingnan mo, baka pinilit
lang ng itay mo na hintayin ang pagdating mo sa ospital upang maabutan mo pa
siyang buhay at masabi niya sa iyo ang katotohanan.” ang sagot niya habang
tumayo na at hinila ang aking kamay upang tumayo rin. “Sorry bunso…” sabay hipo
sa aking pisngi.
Tumayo na rin ako
niyakap siya. Niyakap din niya ako. Nagyakapan kami.
At muli akong umiyak
sa kanyang mga bisig. Humagulgol. Iyon bang feeling na sa tagal kong pagdadala
sa ga-mundong bigat na nasa aking balikat, sa mga bisig ng kuya ko ako
nakahanap ng karamay, ng katuwang sa pagpasan sa mabigat kong bagahe.
May ilang minuto rin
akong nagiiyak habang yakap-yakap siya. Hinayaan naman niya ako habang
hinahaplos-haplos niya ang aking likod.
Maya-maya, kumalas
ako at noong nagkasalubong ang aming mga mata, binitiwan ko ang isang ngiti.
Ngumiti rin siya. Hinila niya ang dulo ng aking kumot at pinahid ang aking mga
luha. Iyon na rin ang ginamit ko upang pahirin ang mga dugo sa kanyang labi at
ilong.
“Sorry…” ang sambit
ko. Tinablan na kasi ako ng awa sa nakitang resulta ng pananakit ko sa kanya.
“Ok lang. Ganyan
naman talaga palagi, di ba? Kapag nagagalit ka sa akin, sasaktan mo ako,
hablutin ang buhok, pagsampal-sampalin ang mukha, mumurahin, kukurutin ng todo
ang pisngi, kakagatin ang bahagi ng katawan na mapagtripan mo. At kadalasan,
hindi mo ako papansinin at kung kausapin kita, bubulyawan mo. Pero… love ka
kasi ni kuya kaya kahit ano pa ang gagawin mo sa kanya, hindi siya papalag.”
At sa sinabi niyang
iyon, muli akong napangiti. Iyon bang feeling touched, nahiya. At yumuko na
lang ako at ang ginawa ko ay niyakap siyang muli. Sa pagkakataong iyon, sobrang
higpit na ang aking sa katawan niya na sinuklian niya ng isang napakahigpit
ding yakap na halos hindi ako makahinga sa sobrang higpit.
Hanggang sa
naramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko.
Sinuklian ko ang mga
halik niya. Matindi ang pananabik ko sa kanya. Matagal ko ring hinahanap-hanap
ang mga halik na iyon, ang matikman sa aking bibig ang mapanukso niyang mga
labi, maamoy ang kanyang mabangong hininga, ang malasahang muli ang
hinahanap-hanap kong lagkit at tamis ng kanyang laway, ang marinig ang nakakapag-init
na tunog ng kanyang pag-ungol.
Ramdam na ramdam ko
rin ang kanyang pangungulila. Habang sinisipsip-sipsip niya ang aking mga labi
at dila, sinimot ang aking laway, hindi naman ako magkamayaw sa pag-ungol. Para
kaming mga asong gutom na gutom sa pagkain na nagmamadali dahil takot na
aagawin ito ng iba pang gutom na mga aso. Halos lunukin na lang ng buo ni kuya
Andrei ang aking bibig sa sobrang pagnanasa.
Naramdaman ko na ang
mga kamay niya na gumagapang sa aking dibdib patungo sa ibabang bahagi ng aking
katawan habang ang kanyang halik naman ay akmang gagapang na sa aking leeg
noong bigla rin akong kumalas.
“B-bakit?” ang gulat
na tanong niya dahil sa pagkalas ko. Nahinto siya sa paghahalik sa akin, dinig
na dinig ko pa ang habol-habol niyang paghinga.
“W-wala… Ayoko.” ang
sagot ko naman.
“Bakit nga?”
“M-magkapatid tayo di
ba? Masagwa…”
“Ito naman o… ilang
beses na ba nating ginawa ito?”
“Noon iyon, kuya…
Hindi ko pa alam ang lahat.”
“Wala ka bang
nararamdaman para sa akin? Hindi ba nag-iinit ang katawan mo sa ginagawa natin?
Hindi ka ba nakikiliti, nasasarapan…?”
“Hindi naman iyan ang
tanong kuya eh. May naramdaman man ako, nakikiliti man ako, nagugustuhan ko man
angginawa natin, ang tamang tanong ay kung nararapat ba ito, hindi ba ako
nakokonsyensya. P-parang masagwa. Parang hindi ko kaya…”
Tinitigan pa rin niya
ako, bakas sa kanyang mukha ang ibayong pagkagulat na tila hindi niya
matanggap.
“Basta po, ayoko.
Hayaan mong ang pagtingin ko sa iyo ay bilang sa isang tunay na kuya. At
irerespeto kita, titingalain kita, iidolohin kita bilang isang tunay na
biological na kuya ko.”
“Mahal kita tol…
hindi ko nararamdaman na kapatid kita eh.”
“Puwes, simula
ngayon, mahal na lang kita bilang kuya. At ayaw ko na.” nahinto ako sandali.
“Atsaka may Brix na ako. Siya ang nararapat para sa akin.”
Bigla siyang tumayo
atsaka tinumbok ang pintuan. “Oo nga pala, nalimutan ko. may Brix ka na. Pero
ayoko sa lalaking iyon para sa iyo. Mas gugustuhin ko pang babae ang
makatuluyan mo kaysa isang lalaki lang din.”
“Hinabol ko siya,
hinawakan sa kamay. Huwag ka namang magtampo sa akin kuya o…”
Humarap siya sa akin
sabay sabing, “Mahal na mahal kita. Hindi bilang kapatid. Hindi magbabago iyan!
At kung lalaki lang ang ipapalit mo sa akin, hindi ako papayag.” ang pabulong
niyang sabi at binuksan na ang kuwarto ko at lumabas na tila nagdadabog.
Binitiwan ko na lang
ang isang malalim na buntong-hininga noong nakalabas na si kuya Andrei. Hindi
ko maiwasang hindi malungkot sa nalamang katotohanang tunay ko pala siyang
kuya. Malungkot ako kasi, hindi ko naman maitatwa na may pagmamahal pa ako sa
kanya. Sa kabilang banda rin, may kaunti rin akong tuwa na nadarama kasi, kahit
hindi man kami magkatuluyan, nariyan pa rin siya sa tabi ko dahil kuya ko nga
siyang tunay at siguradong hindi niya ako iiwan.
Kinabukasan inihatid
na ang mga magulang namin sa kanilang huling himlayan. Apat na sasakyan ang
ginamit sa paghatid sa kanila. Habang umuusad ang takbo ng sinasakyan ng mga
ataul nila, walang tigil naman ang pagpatak ng aking mga luha.
Bale magkatabi ang
mga nitso nina tatay Berto ko at tatay Eloy ni kuya Andrei. Sa ibabaw naman ng
mga nitso nila ang kanya-kanyang mga asawa, ang inay Pacita ko at inay Aurea ni
kuya Andrei na tunay ko ring ina.
Marami rin ang mga
nakilibing. Syempre, hindi lang buong baranggay namin ang nakaalam sa sa apat
na magkasabay na namatay sa aking pamilya kung kaya ganoon na lang karaming tao
ang nakiramay.
May dasal muna bago
ipinasok ang mga ataul sa kanya-kanyang nitso. May huling sulyap pa kami sa
kanila. Pinagmasdan ko pa ang mga mukha nilang tila natutulog lamang. Ang aking
kinikilalang inay at itay. At habang tinitigan ko sila, pilit ko namang
ibinalik ang mga masasayang alaala ko sa kanila.
Ganoon din sa mga
biological kong mga magulang. Bagamat matagal ko na silang hindi nakita, ang
mga alaala nila noong bata pa ako ang siyang ni-recall ko sa aking isip.
Sobrang sakit para sa
akin ang sandaling iyon, ang huling sulyap ko sa mga taong siyang nagpalaki,
nag-alaga, nagbigay sa akin ng buhay. At lalo na sa panig ko na kapwa mga
magulang ko ang nawala at ako na hindi pa lubos na masasabing nasa eksaktong
edad na para sumuung sa mga hamon at pagsubok ng buhay. Sobrang sakit isipin na
hayun, wala na sila.
Marami ang naawa sa
akin. Ngunit ano ba ang magagawa nila. Kung may isa sa kanilang kayang bumuhay
ng tao, malunasan sana ang matinding lungkot at pighati na nadarama ko.
Kami ni kuya Andrei
ang huling naiwan sa sementeryo. Sa harap ng kanilang libingan, hawak-hawak ko
ang kamy ng kuya Andrei ko, ibinulong ko sa kanila ang aking saloobin. “Nay
Aurea, Tay Eloy… hindi ko man lubos maintindihan kung bakit ninyo ako ibinigay
kina Nanay Pacita at Tatay Berto, nagpasalamat pa rin ako sa buhay na ibinigay
ninyo sa akin. Pilit ko na lang igiit sa aking isip na ginawa ninyo ito dahil
sa aking kabutihan. At dahil mga magulang ko po kayo, kayo ang mas
nakakaintindi kung ano ang tama at mabuti para sa akin. Ang malaking
ikinahihinayang ko lang inay, itay, ay hindi ko man lang lubos na nalasap ang
pagmamahal ninyo sa akin. Hindi ko naparating sa inyo ang aking pagmamahal
bilang tunay ninyong anak. Pasensya na po… hindi ko kagustuhan ang lahat. Kung
nalaman ko lang sana ng mas maaga pa, e di sana, pinilit ko ang sariling
hanapin kayo, puntahan sa lugar ninyo, dalawin. Kaso, huli na ang lahat noong
nalaman ko ito. Ganoon pa man, nagpasalamat pa rin ako. Mahirap lang tanggapin
na heto, nagkikita ko na sana kayo, nag-crus na ang ating mga landas, kayo
naman po ang lumisan. Masakit. Ni hindi niyo man lang naramdaman ang aking
yakap, ang aking halik… Pero, wala akong magagawa. Masakit man po na lumisan
kayo sa araw na magkita na sana tayo, at least, sa huling sandali, natupad ang
pangarap ninyong mag-best friends na magsama nina nay Pacita at Tay Berto. At
narito na rin tayo sa lugar na pinangarap ninyong magkaisa tayo. Kaso nga lang,
hindi niyo na ako nakita. Hindi niyo na naramdaman ang saya na makita ang
inyong bunso. Masakit po para sa akin na ang inihabilin lang ninyo sa akin any
ang mga alaala ko sa inyo noong akoy nasa pitong taong gulang pa lamang. At
lalong masakit pa iyon dahil ang alaalang iyon ay ang paglisan ninyo pa sa
akin, noon gpumunta kayo ng Maynila. Pero di bale po… wala man akong iba pang
magagawa, dadalaw-dalawin ko na lang po kayo dito sa inyong himlayan. Huwag po
kayong mag-alala nay, tay… tatanggapin kong maluwag sa aking kalooban ang mga
nangyari sa buhay ko. Tungkol naman po sa pangarap ninyo na mabuo ang ating mga
lahi, natatakot po akong baka hindi ito matupad. Hindi ko po alam kung kaya
kong magmahal ng isang babae. Ngunit pipilitin ko po ang sariling manligaw,
magkaroon ng anak at maipares sa magiging anak ni kuya Andrei. Sana po,
makakaya ko. Ngunit kung hindi man, ako na rin po ang hihingi ng dispensa. Sana
po ay maintindihan ninyo. Nay, tay… hindi ko man ako nabigyan ng pagkakataon na
mansabi ito ngunit mahal na mahal ko po kayo… may you rest in peace po.”
Huminto ako nang
sandali at bumulong uli ng mensahe para sa aking mga legal na mga magulang,
“Nay Pacita, Tay Berto, maraming-maraming salamat sa pag-aalaga ninyo sa akin,
sa pagturing ninyo sa akin na tunay na anak, sa pagmamahal na ibinigay ninyo sa
akin. Masaya po ako na sa inyo ako ipinagkatiwala ng aking mga magulang. Dahil
po sa inyo, natuto ako sa buhay, lumaki ng maayos. Kahit mahirap lamang po tayo
ay masaya po ako dahil sagana po ako sa inyong pagmamahal at pag-alaga. Kung
hindi po dahil sa inyo, hindi ko po alam kung ano ang kahinatnan ko ngayon. Sa
kabaitan ninyo sa akin, wala na po akong mahihiling pa. Hindi ko man lubos na
naintindihan kung bakit ninyo inilihim sa akin ang lahat, gusto kong sabihin sa
inyo na wala na po akong sama ng loob sa inyo. Tanggap ko na po ang lahat. Sana
lang hinabaan pa ang buhay ninyo upang mas maipadama ko pa ang aking labis na
pagpapasalamat sa inyo. Mahal ko po kayo nay, tay… Ngayong nag-iisa na lang
ako, pipilitin ko pong ipagpatuloy pa rin ang buhay. Pangako ko pong maging
matatag, matapang na harapin ang mga pagsubok sa buhay kahit wala na kayo. Alam
kong sa pag-uwi ko ng bahay mamayang gabi, mag-iiba na ito. Hindi ko alam kung
paano magsimula nay, tay… hindi po ako nasanay na sasapit ang umaga na walang
gigising sa akin. Hindi po ako sanay na gumising sa umaga na walang pagkaing
nakahain na sa hapag-kainan dahil kayo po lamang ang gumagawa nito sa akin.
Alam ko mahihirapan po ako pero pipilitin ko pong masanay, pipilitin ko pong
tumayong mag-isa at matuto sa buhay. Sana lang nay, tay, gabayan ninyo pa rin
po ako… Mahal na mahal ko po kayo. May you rest in peace po…”
At inilagay ko ang
mga bulaklak na hawak-hawak ko sa ibabaw ng kani-kanilang mga nitso.
Ganoon din si kuya
Andrei. May ibinulong din siya sa kanila at pagkatapos, inilatag din niya ang
kanyang mga bulaklak sa ibabaw ng kanilang mga nitso.
Nasa 10 metro na ang layo
namin galing sa puntod noong may isang matandang babaeng nakasalubong kami at
ang tumbok ay ang puntod din ng aming mga magulang. Nakikita ko na ang
matandang iyon. Kaibigan din siya ng inay ngunit may kalayuan ang bahay nila sa
amin.
“Iyan ba ang puntod
ng magasawang Berto at Pacita, at Eloy at Aurea?” sabay turo ng matanda sa
direksyon ng puntod.
“O-opo. Mga magulang
po namin sila. Bakit po?” ang sagot ni kuya Andrei.
Kitang-kita ko tila
nanlaki ang mga mata ng matanda, tila na-excite at natigilan. “I-ikaw ang
anak???” At hinipo niya ang mukha ni kuya Andrei. “Ang laki-laki mo na at ang
guwapo pa! Ano ang pangalan mo?”
Binitiwan lang ni
kuya Andrei ang isang pilit na ngiti sabay sabing, “Andrei po.”
“Ikaw nga ito…” ang
sagot naman ng matanda.
“B-bakit niyo po ako
kilala?”
“Ako ang albularyong
tumulong sa inay mo noong iniluwal ka niya.”
“Ay talaga po?”
“Oo… Nalulungkot lang
ako sa nangyari sa dalawang mag-asawang iyan. Tangapin mo ang pakikiramay ko.
Tapat at tunay na magkakaibigan ang mga iyan. Walang iwanan kumbaga noong buhay
pa ang mga iyan. Hanggang sa pagpanaw nila, wala pa rin silang iwanan.
Nakakainggit ang pagiging magkaibigan nila.”
“K-kaya nga po…”
sagot uli ni kuya Andrei.
“Ah, ako nga pala si
Lola Isyang mo! Alam mo, noong lumabas ka na sa sinapupunan niya, tandang-tanda
ko pa ang ang matinding saya sa mukha ni Itang noong ibinalita ko sa kanya na
isang napakakisig at napakalusog na batang lalaki ang iniluwal niya.”
Ngumiti lang si kuya
Andrei.
“At tama naman ako di
ba? Malusog at makisig ka…”
Tumingin lang sa akin
si kuya Andrei at binitiwan ang isang hilaw na ngiti.
“Sandali… dito ka
lang ba nagtatrabaho? Parang ngayon lang kita nakita eh… Parang antagal mong
nawala dito sa lugar natin. Itong si Alvin” baling niya sa akin, “Alam ko dito
ito lumaki at nag-aral lang sa malaking syudad ngunit ikaw, parang antagal mong
nawala?”
“Tama po kayo. Noong
15 taong gulang lang po ako ay umalis kami patungong Maynila. At noong
nakapagtapos ng pag-aaral, sa Mindanao na po ako naka-assign sa trabaho. Isa po
akong sundalo.”
“Ay kaya naman pala…
O siya, gagabihin ako, dadalawin ko lang ang puntod ng mga magulang mo at
mag-alay ng dasal. Bago ko lang kasi nalaman ang nangyari sa kanila.” ang bigla
ring pagputol ng matanda sa kanilang usapan.
“S-sige po…” sagot
uli ni kuya Andrei.
At umalis na ang
matanda, tinungo ang puntod ng aming mga magulang.
Tutuloy na sana kami
ni kuya Andrei sa kotse ni Noah na naghintay na rin sa amin sa may kalsada
noong biglang may sumagi sa aking isip. Parang biglang lumakas ang kabog ng
aking dibdib at hindi ako mapakali sa pagsingit ng bagay na iyon.
“Sandali…” ang nasabit
ko kay kuya Andrei. Nilingon ko ang nagmamadaling naglakad na matanda. “Lola
Isyang! Lola Isyang! Sandali lang po!” sigaw ko sa kanya.
Lumingon sa akin an
gmatanda sabay sabing, “A-ano iyon Alvin?”
“B-bakit???” ang
pabulong at tila naguluhang tanong ni kuya Andrei sa bigla kong pagtawag sa
matanda.
“May sinabi siya! May
sinabi siya!!!” ang pabulong ko ring sagot kay kuya Andrei, hindi maideretso
ang sasabihin gawa ng sobrang pagkabigla sa sumaging bagay na iyon sa aking
isip.
(Itutuloy)
Indian Nude Hot Desi 3x Sex Xxx 3gp mp4 HD Video Free Download
ReplyDelete»------------ European Sex (137)
»------------ Cumshot Sex (107)
»----------- Blowjob Sex (311)
»------------ Hot Sites (Ads)
»------------ Sex In Office (762)
»------------ Teen Sex (277)+7
»------------- Pornstar Sex (910)+10
»------------- Lesbian Sex (223)+22
»------------ Hardcore Sex (386)
»------------- European Sex (137)
»------------ Cumshot Sex (107)
»------------- Blowjob Sex (311)
»------------- Big Tits Sex (334)
»------------- Hot Sites (Ads)
»------------- Sex In Office (762)
»------------- Teen Sex (277)+7
»------------- Pornstar Sex (910)+10
»------------- Lesbian Sex (223)+22
»------------- Hardcore Sex (386)
»-------------- European Sex (137)
»-------------- Cumshot Sex (107)
»------------- Blowjob Sex (311)
»-------------- Big Tits Sex (334)
»-------------- Big Dick Sex (243)
»------------- Hot Sites (Ads)
»------------- Sex In Office (762)
»------------- Teen Sex (277)+7
»------------- Pornstar Sex (910)+10
»------------- Lesbian Sex (223)+22
»------------- Hardcore Sex (386)
»------------- European Sex (137)
»------------- Cumshot Sex (107)
»------------- Blowjob Sex (311)
»-------------- Big Tits Sex (334)
»-------------- Big Dick Sex (243)
»--------------- Asian Sex (148)