Sunday, February 17, 2013

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal 15

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Nakarating na rin kami sa bahay at nagpahinga. Humiga na kami ni Prince sa kama at nagusap ulit tungkol kay Philip.

"Kuya, magpapakasal k aba sa babaeng iyon?"

"May magagawa pa ba ako bunso?"

"Gusto mo ipakidnap nalang kita?"

"Gago! Gusto mo kilitiin kita ulit?"

"hahaha! Kuya naman eh!"

"Hay naku, naalala ko kaagad si Naks."

"Ayan… Ikaw kasi! Two timer!"

Kiniliti ko si Prince at sa sobrang ingay namin ay kumatok si mama.

"Mga anak. Magpahinga na kayo. Mas lalo ka na Prince!"

"Sige po ma" sabay na sagot namin ni Prince

"Pero Kuya, paano kung dumating si Philip sa araw ng kasal mo?"

"Ano sa tingin mo?"

"Malay ko! Ikaw naman iyan eh. Pero Kuya, kung ano man ang mangyari huwag kang magalala"

"Bakit bunso?"


"Syempre, hindi na kayo magkakabalikan ni Philip.."

"So?"

"Officially, magiging akin na rin siya!"

Sinapak ko na naman si Prince sa ulo.

"Aray! Lintik naman Kuya! Baka magkakacancer na ako niyan"

"Hindi ka type ni Philip!"

"Paano mo nasabi? Cute naman ako. Mas cute pa nga ako sa iyo!"

"Oo. Cute ka. Mas cute ka pa sa akin. Pero ang CUTE din ng ALAGA mo! Hindi masisiyahan si Philip!"

Tinulak ako bigla ni Prince at nahulog sa sahig. Bumangon ako at ginapos siya.

Tinakpan ko ang kanyang bibig at kinilit ng kiniliti.

"Hahahaha! Ngayon! Wala ka nang kawala mahal kong Prinsipe!"

Hindi makagalaw si Prince dahil naigapos ko ang kanyang kamay.

"Ang kulit mo BUNSO!. Eto pa!"

"Hay naku! Mga anak! Matulog na kayo diyan!" inis na tugon ni mama

"Sige po ma! Si Prince kasi ang kulit!"

Hiningal si Prince sa ginawa ko. Kaya minabuti ko nang itigil ito.

Nakahiga ulit kaming dalawa. Hindi ako makatulog sa kakaisip kay Philip. Hindi rin maalis sa isip ko ang ginawa niya.

(Bakit niya nga ba ginawa iyon?) sa isip ko lang

Napag-isipan kong tawagan si Philip. Sa wakas na contact ko na rin siya.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Patuloy pa ring nagring ang cellphone ni Philip.

(Please Naks sagutin mo) sa isip ko lang

Maya't-maya ay sinagot rin niya ang call.

"Hello naks?"

Hindi sumasagot si Philip

"Naks alam ko andyan ka. Alam kong naririnig mo ako. Please naks. Magusap tayo. I need to exp…" naputol kong sambit ng biglang na end ang call ko.

Sinubukan kong tawagan ulit siya pero naka off na ang phone niya. Hindi pa rin ako tumigil sa pagtawag sa kanya ngunit hindi ko na talaga macontact si Philip.

Bumalik ulit ako sa kwarto.

"Nakausap mo ba siya Kuya?"

"Hindi eh! Pero nacontact ko na siya kaso hinang-up niya agad-agad"

"Maiba ako Kuya, pupunta k aba sa acquaintance party bukas?"

"I'll try Prince. Bakit?"

"Wala lang, kasi kahit papaano makausap mo naman ang ibang kasamanah mo. Si Sir Araque at kung sino-sino pa"

(Tama nga si Prince. Hindi pa ako nagpaalam kay Borj. Alam kong malulungkot iyon dahil aalis na ako.)

"Matulog ka na nga bunso!"

"Sige Kuya. Matulog ka na rin! Goodnight!"

"Goodnight bunso!"

Nakatulog na rin si Prince ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi talaga maalis sa isip ko ang mga nangyari.

Hindi ko rin alam kong ano ang mangyayari sa akin kapag pinakasalan ko si Jessica. Magiging masaya ba ako? Ewan ko! Hindi ko rin naman kayang iiwan si Philip.

Mahal ko siya! Mahal na mahal ko siya! Siya lang ang bumago ng buhay ko! Hindi ko kayang mawala siya!

(It's decided! Pupunta ako bukas sa acquaintance party! I need to talk to him!) sa isip ko lang

Ng sumunod na araw…

"Kuya! Alis na ako! Please pray for me!"

"Kaya mo iyan Bunso!

"Anak kayang-kaya mo iyan. Alam kong mananalo ka!"

"Hindi ba kayo manonood?"

"Hindi na anak, dito na ako at may asisikasuhin pa kami ni Jessica"

"Bunso, may hihilingin sana ako sa iyo"

"Ano iyon Kuya?"

"Pagkatapos mo diya, pwede bang bumili ka ng mask, lobo at bulaklak?"

"Ha? Bakit naman? Ah.. OKAY! Approve!"

Umalis na ri si Prince. Nagtimpla ako ng kape namin ni mama. Nagusap rin kami tungkol sa kasal ko.

"Anak, may itatanong ulit ako sa iyo"

"Ano po iyon ma?"

"Sa huling pagkakataon. Sigurado ka na ba anak?"

"Ma. Wala na akong choice. Kung pakakawalan ko pa ito, eh baka wala na akong kinabukasan"

"Anak, hindi naman tungkol sa kinabukasan ang pinag-uusapan natin eh. Magiging masaya ka ba?"

"Ma, pipiliting kong maging masaya"

"Anak, kahit naman anong gawin mo ay palagi ka namang magiging masaya. Isa pa malaki ang tiwala ko sa iyo na kahit saan ka magpunta o ano man ang gawin mo ay palagi ka namang successful"

"Iyon ng ma eh. Kung saan pang sigurado na ako sa aking desisyon, doon pa nagkaproblema"

"So, ibig sabihin ba nito anak magpapakasal ka nga talaga kay Jessica?"

"Oo ma. Wala ng tutol!"

"Paano kung bumalik ang mahal mo?"

"Kung pwede ko lang sana maibalik ang panahon at pigilan iyon ma. Sana kahapon ko pa nagawa. Mahal ko siya ma. Higit pa sa pagmamahal ko kay Jessica"

"Anak, may ilang oras ka nalang na natitira. Kung ako sa iyo, hanapin mo siya at ipaliwanag mo sa kanya ang tunay na nararamdaman mo. Ipaglaban mo iyon anak"

Nginitian ko nalang si mama. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

"Ma, salamat at kahit sa huling sandal andyan ka pa rin at patuloy na sumusuporta sa aking kasiyahan"

"Anak, all I want for you is to be happy"

Pagkatapos naming magusap ni mama ay umalis na rin siya at pinuntahan si Jessica.

May asisikasuhing bagay para sa kasal. Hindi na ako sumabay kay mama dahil baka magkaproblema lang kami doon.

Alam naman ni Jessica na may tatapusin pa ako sa skul kaya naiintindihan naman niya ito. Isa pa, kilala ko naman si Jessica.

Kayang-kaya niya ng gawin ang lahat kahit wala ako.

Tanghali na ng nakauwi si mama. Maya't-maya ay dumating na rin si Prince.

"KUYA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"Prince! How's the contest?"

"WOOOOOOOOOOOOOOOOOHOOOOOOOOOOOO! MR HRM 2012!"

"Wow! BUNSO! Ang galing-galing mo!

"Anak! I'm so proud of you!"

"See! Sabi ko na sa inyo eh! Ako  pa!"

Inilatag rin niya ang mga napanalunang awards.

Siyempre hindi rin naman mawawala ang kanyang napanalunan na cash kaya eto.

May mga dala-dalang pagkain si bunso.

"Prince! Nabili mo ba?"

"Syempre naman Kuya! Kahit pagod na pagod ako!"

"Nakarating bas i Philip?"

"Hindi Kuya eh. Pero si Chancellor nandoon."

"Nagusap kayo?"

"Kuya, tinanong ako ni Chancellor kung ano ang relasyon ko sa iyo"

"Ano ang sinagot mo?"

"Syempre sabi ko KUYA kita!"

"Ano naman ang naging reaksyon niya?"

"Wala lang Kuya. Nginitian niya lang ako at kinamayan"

Pinutol ko na an gaming usapan at inihain ang mga  pagkain na dinala ni Prince.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga kami ulit.

6PM pa naman ang assembly time ng acquaintance party kaya minabuti ko nang mamahinga.

Umalis si mama ng 5PM at magkikita pa sila ni Jessica. Nagsimula na rin kaming umayos.

"Shit! Kuya! Ang POGI MO!"

"ULOL! Diba sabi mo mas cute ka?"

"WOoooooooo! Huwag mo ng ipagpatuloy ang sasabihin mo kuya! MR. HRM 2012 ang kausap mo ngayon"

Ginulo ko nalang ang buko ni Prince dahil sobrang kulit at maepal talaga ang bunso ko.

"Kuya, 5:50PM na siguro mas mabuti na kung umalis na tayo"

"Sige Prince, pumunta ka na doon. Susunod nalang ako"

"Ha? Bakit hindi ka pa sasabay sa akin?"

"Alam kong may role ka pa doon kaya you need to be early. Mr. HRM 2012 kaya ang bunso ko!"

"Hehehe! Mabuti naman at malinaw!"

Sasapakin ko pa sana si Prince ng nakailag siya. Umalis na rin siya at naiwan akong nakaharap sa salamin.

(Philip. Sana makarating ka. Ito na ang huling pagkakataong makausap kita. Gusto kong malaman mo na mahal kita. Kaya kong iiwan ang buhay na nakalaan sa akin para lang sa iyo.)

Hindi ko alam kong ano ang magiging resulta ng aking gagawin. Basta alam kong tama ito. Ginagawa koi to dahil alam kong mahal ko si Philip. Alam ko rin na mahal niya ako.

Gusto kong ipakita sa kanya na mahal ko siya at kaya kong ipagmalaki ang pagmamahalan naming dalawa.

Kahit malaman pa ito ni Chancellor. Total, resign na ako kaya bahala na. Ang mas importante ay malaman ni Philip ang saloobin ko. Kahit magalit pa siya. At least hindi na mabigat sa isip ko ang mga nararamdaman ko sa kanya.

Nasa kanya na iyan kung tatangapin ba niya ang aking gagawin o hindi. Eton a ang huling pagkakataon para maipakita k okay Philip na mas mahal ko siya keysa sa fiancée ko.

Sinuot ko ang mask na binili ni Prince at inayos ang aking buhok.

Naka black maong pants, leather shoes, black long sleeves, sombrero, white belt at white tie ako. Lumabas na ako ng apartment at pumara ng taxi.

Traffic pa kaya nakarating na ako ng skul exactly 7:15 PM.

Pagpasok ko ng skul ay dumiretso na ako sa covered gym.

Naka redcarpet pa talaga. Maraming mga lobo sa gilid na pinalilibutan ng maraming bulaklak.

May mga mahahabang tela na nakakabit sa itaas at parang tent ito na nakapulupot naman sa bawat gilid ng gym.

May malaking disco ball sa itaas ng stage at punong-puno ito ng mga decorasyon.

May mga students na nag-aasist sa mga bisita. Nakita ko rin si Prince katabi niya si Chancellor at

si Philip

Itutuloy…

2 comments: