Sunday, February 17, 2013

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal 10


By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Habang patuloy ako sa pagsusubo ng pagkain kay Philip ay hindi pa rin tumitigil si Prince sa kanyang paglalambing at pag-aagaw ng eksena sa akin. Paminsan-minsan ay nahahalata ko na parang kulang na lang ay agawin na niya ang atensyon ni Philip sa akin.

"Prince! Diba may kasintahan ka sa atin? KAMUSTA naman kayo ng GIRLFRIEND MO? I'm sure MAHAL na MAHAL ka niya at hindi mo naman maidedeny na MAHAL na MAHAL mo rin siya." Paemphasize ko sa mga salitang iyon.

"Hahaha. Kanino mo naman iyan nasagip na balita kuya? Nakakatawa naman ang mga pinagsasabi mo?" sagot ni Prince habang patuloy sa pagsusubo rink ay Philip

Pinagmasdan ko si Philip pero parang namumula siya at pinipigilan ang sarili na magsalita.

"Eh ikaw kuya. Di ba may FIANCEE ka? Bakit hindi mo pa sundan ang magiging ASAWA mo. I'm sure MAHAL na MAHAL ka niya at hindi mo rin maidedeny na MAHAL na MAHAL mo rin siya!" mahabang sambit ni Prince

Hindi ako makasagot dahil parang iba na ang patutunguhan ng discussion namin. Nanahimik ako ngunit nakita ko si Philip na bahagyang nakatingin sa akin at ang kanyang mukha ay parang nadidismaya. Nagsalita bigla si Prince.

"Kaya ako sa iyo Bro, ang piliin mo ay iyong walang sabit."

(Parang nagpapalapad talaga ng papel si Prince. Hindi pwede!)

"Tama siya Philip. Piliin mo iyong walang sabit pero kaya kang BUHAYIN!" sambit ko habang nakatingin kay Philip.

"Talaga kuya? Buhayin? Hay naku Philip, aanhin mo iyang bubuhayin ka nga pero parang hindi ka naman kayang ipagmalaki. Palaging patago!"

"Teka! Pinariringan mo ba ako Prince?!"

"Huh? Anong ibig mo sa bihin kuya? Bakit tinatamaan ka ba?"

Nagkatinginan kami ni Prince na parang nagsisimulang magliyab ulit ang aming mga mata ng biglang binasag ni Philip ang aming bangayan.

"Tama na nga iyan. Parang nahihilo ako sa mga sinasabi niyo eh"

Hahawakan ko sana si Philip ng biglang inakbayan naman siya ni Prince.

"Kuya sa room na kami at doon na mamahinga si Philip"

"Excuse me. Prince! Parang talo ako ah. Ako na nga ang bumili ng pagkain tapos parang ako pa itong magliligpit ng gamit? Dehado tayo niyan tol!"

Wala na ring magawa si Prince kaya binalikan niya ako sa lamesa at sinimulang ligpitin ang mga kinainan.
Hindi na rin ako nagdalawang-isip pa at nilapitan si Philip at pumasok sa kwarto ko.

"And by the way Prince, If I were you, you'd better start doing what I asked you to do."

Hindi na sumagot si Prince. Pagkapasok namin sa room ay bigla kong hinalikan si Philip. Pinalitan rin niya ito ng mainit na halik.

"Naks. Ano ba? Type mo ba ang kapatid ko?"

"Paano mo naman nasabi iyan paps? Nagseselos ka ba?"

"Hindi no! Ayaw ko lang kasi siyang madamay"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Kasi baka ano ang gawin mo sa kanya. Ayaw kong gawin moa ng mga bagay na ginagawa mo sa akin"

"Yan lang ba ang dahilan?"

"Bakit ano bas a tingin mo?"

"Eh kasi akala ko mahal mo na talaga ako paps"

Hindi ako makasagot sa kanya. Alam kong unti-unting minamahal ko na si Philip dahil siguro tama nga ang kanilang mga sinasabi na kapag masyadong intimate ang ginagawa ng dalawang tao ay nagkakaroon ito ng attraction. Pero ayaw ko namang sabihin ito sa kanya dahil hindi ko alam kong san ito hahantong. Kaya iba ang lumabas na mga salita sa aking bibig.

"Hindi. Ginagawa ko lang ito kasi…."

"Kasi ano?"

"Kasi… Hawak mo ako sa leeg"

Bigla naman akong tinulak ni Philip at lumabas siya agad ng room. Hahablutin ko pa sana siya pero hindi ko na nagawa. Umupo nalang ako sa bed at nag-isip ng malalim. Sinapak ko ang aking sarili. (Bakit ko nasabi iyon) sa isip  ko lang.

Alam kong mali ang mga sinabi ko pero hindi ko naman kayang aminin na nagkakagusto na ako sa kanya. Lumabas ako ng room at nakita kong tinutulungan ni Philip si Prince. Nagkukulitan silang dalawa habang nagnanakaw ng tingin si Prince sa akin. Alam kong alam ni Prince na may inis sa aking mukha pero hindi niya ito pinapansin.

Biglang nag ring ang cellphone ko. Si Sir Araque ang tumatawag.

"Hello Borj napatawag ka?"

"I need Mr. Prince Sandoval now. May practice kasi para sa production number nila"

"Ganon? Oh sige. Sasabihan ko siya"

"Thanks. Bye."

Salamat at makakaalis na rin si Prince. Siguro ito na ang tamang panahon na pag-usapan namin ni Philip an gaming status. Gusto ko rin naman siyang mahalin ngunit tama nga si Prince. Hindi ko kayang ipakita sa buong mundo na mahal ko si Philip dahil na rin sa aking dignidad. Ayaw ko kasing mabahidan ng masama ang matagal ko ng pinagiingatang dignidad.

"Prince. Tumawag si Mr. Araque. May practice daw kayo ngayon sa skul para sa production number niyo. Ipagpaliban mo nalang muna ang reports"

"Sige Kuya"

Umupo ako sa may sala at pinipilit na pakingan ang usapan ni Prince at Philip ngunit hindi ko talaga makuha yong mga sinasabi nila. Maya't-maya ay lumapit sa akin si Philip.

"Sir sasamahan ko nalang muna si Prince"

Magsasalita pa sana ako ngunit tinalikuran ako bigla ni Philip. Nagulat lang ako kasi parang walang kalaman-laman ang mga sambit ni Philip. Parang biglang umiba ang kanyang pakikitungo sa akin. Kaya pinatulan ko na rin siya.

"Okay Mr. Silverio. Ikaw ang bahala"

Hinarap rin ako ni Philip. Tumayo ako at nang nagtapat ang aming katawan ay bigla kong hinawakan ang kanyang likuran at kinindatan siya ngunit bigla niya itong inalis at lumakad papalayo sa akin.

Inakbayan niya bigla si Prince. Humarap siya sa akin at nginitian niya ako. Naiinis ako sa kanyang inasal kaya pumasok na ako ng room at sinarado ang pintuan. Narinig ko ang mga yapak nila. Pumasok sila sa room ni Prince at maya't-maya ay lumabas na rin.

Lumabas rin ako sa kwarto para malaman kung ano ang ginagawa nila ngunit nakita ko nalang sila na lumabas na rin at sumakay ng kotse. Kaya lumabas na rin ako at gusto ko sanang sumama pero nakapasok na sila sa kotse at umalis na rin.

Gusto kong bantayan silang dalawa dahil baka ano ang mangyari sa kanila kaya pumara na rin ako ng taxi at nagpahatid sa skul. Pagkadating sa skul ay sinundan ko silang dalawa. Tinungo nila ang faculty room. Hindi na ako lumapit doon at bahagyang nakatayo lang ako sa kanto kung saan pwede ko silang makita na hindi nila ako mapapansin. Maya't-maya ay lumabas na rin silang dalawa.

Sinundan ko sila. Papunta pala sila ng covered gym. Narinig ko rin ang malakas na music at siguro dito na ang practice nila Prince. Pumasok silang dalawa sa loob haban ako naman ay dahan-dahang sumusunod sa kanila.

Pumasok na rin ako sa loob at umupo sa gilid. Sinunsundan ng mata ko ang bawat hakbang nilang dalawa. Umupo si Philip habang si Prince ay umakyat ng stage. Nagsimula na rin ang kanilang practice. Ngayon ko lang nakitang sumayaw si Prince. Hanep rin pala ang utol ko sa sayawan. Nakita ko naman si Philip na parang aliw na aliw sa kanyang nakikita.

Na sa ganoon akong sitwasyon ng biglang may tumabi sa akin. Hindi ko rin ito pinansin ngunit nagulat nalang ako ng nagsalita siya.

"Ahemm! Binabantayan mo siya no?"

Hinarap ko kung sino ang nagsasalita. Si Mr. Araque pala.

"Hindi no! Bakit mo naman nasabi iyan?"

"Patrick! Aminin mo na kasi."

"Excuse me! Hindi ko mahal si Philip noh!"

"Bakit mo naman nasabi iyan?"

"Borj, sa tono pa lang ng mga tanong moa lam kong dinidiin mo talaga sa akin na aminin ito"

"Wala akong sinabi. Sa bibig mo mismo nangaling iyan. Ang ibig kong itanong lang kasi eh si Prince."

"Huh?"

"See.. ikaw kung ano-ano ang… I see! Andyan pala si PHILIP mo!"

Hindi ko na pinatulan ang kanyang mga bintang sa akin. Alam kong gusto lang akong asarin ni Borj.

"Pat, kung ano man iyan huwag mong itago yan. Pero palagi mong tatandaan na hindi tama ang ginagawa mo. Nararamdaman kong meron kang tinatago. Hindi naman ako kontra diyan dahil naranasan ko na rin ang umibig sa di tamang oras at lugar. Iyon nga lang nabigo ako. Pero hindi dahil ako ang iniwan." Mahabang paliwanag ni Mr. Araque.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Matagal na iyon Pat. Nainlove rin ako sa aking student. Naging kami pero patago. Pero ako iyong nagputol ng aming relasyon dahil natatakot akong malaman ng lahat tungkol dito. Mahal na mahal ko siya at alam kong minahal niya rin ako. Pero hindi ko na siya kinakausap mula ng kami ay naghiwalay. Mahirap ang sitwasyon ko noon dahil wala akong mapagsabihan tungkol sa nararamdaman ko"

"Kaya iyon. Tinapos ko an gaming relasyon at hindi na nagkausap hanggang sa nakatapos siya sa kolehiyo."

Nakinig lang ako sa kanyang kwento pero lumalabas naman ito sa kabilang tenga ko. Hindi ko kasi lubos maisip kong bakit rin ako nagkakaganito. Alam ko naman na may nararamdaman ako kay Philip pero ayaw ko ring mabahidan ng eskandalo ang aking pangalan. Malaki ang respetong ibinibigay sa akin ng mga kasamahan ko dito. Ngayon pang narerecognize na ako ng chancellor namin. Ayaw kong madisappoint sila sa akin.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng nakita kong papalapit si Philip sa kinaroonan namin. Bigla namang inakbayan ako ni Mr. Araque. Kitang-kita ko ang biglang pagiba ng tingin ni Philip sa akin. Huminga siya ng malalim at yumuko. Dumaan siya sa amin at hindi niya ako pinansin.

Inalis ko kaagad ang kamay ni Borj sa aking balikat.

"See. Confirm!"

"What do you mean?"

"Wala lang. Nakikita ko lang ang sarili ko sa iyo Pat. Sige alis na ako. Palagi mong tandaan, andito lang ako para making sa iyo Pat. Ipaglaban mo iyan at baka magsisi ka pa."

Umalis na rin si Mr. Araque. (Ano ba ang kanyang ibig sabihin? Naguguluhan ako.) sa isip ko lang.
Bumalik na rin si Philip at may bitbit na pagkain.

Dumaan siya sa harapan ko. Nginitian ko siya ngunit nakasimangot lang siya.

"Philip? Pwede ba tayong mag-usap?"

Lumakad papalayo si Philip. Parang wala lang siyang narinig. Bigla namang kumirot ang dibdib ko dahil sa inasal ni Philip. Nakita ko nalang siyang umakyat ng stage at ibinigay ang bitbit na pagkain kay Prince. Kinuha rin niya ito at umupo silang dalawa sa gilid ng stage. Masayang-masaya sila.

Nagseselos ako pero wala akong magawa. Hindi naman sa ma pride akong tao pero siguro tama nan gang ganito nalang. Mag-iwasan nalang siguro kami. Bahala na siya kung ano ang kanyang gawin sa kapatid ko. Siguro hindi naman niya ilalagay sa alanganin si Prince. Mukhang masaya naman silang dalawa. Aalis na lang sana ako ng biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Borj.

(Ipaglaban mo iyan at baka magsisi ka pa) paulit-ulit itong pumapasok sa isipan ko kaya instead na umuwi nalang ako ay dinala naman ako ng paa ko sa unahan. Kitang-kita ko na nakatingin silang dalawa sa akin at mas lalong nagkulitan silang dalawa. Umupo lang ako sa harapan at nanood sa mga practice nila habang ang dalawa naman ay patuloy lang sa kanilang ginagawa. Maya't-maya ay biglang tumayo silang dalawa na parang papasok sa likuran ng stage.

Tumayo na rin ako ngunit tumingin sila sa akin. Nagulat rin naman ako sa aking kilos kaya umupo ulit ako. Kitang-kita ko na pumasok silang dalawa sa likuran. Naghintay ako. Isa, dalawa, tatlong minuto at hindi pa rin sila nakalabas. Nagaalala na ako baka kasi anon a ang kanilang ginagawa. Tumayo ako at dahan-dahang umakyat sa gilid ng stage. Nasa stage na ako at bahagyang lumakad papunta sa kinaroroonan nila. Pagpasok ko ay nakita ko naman silang dalawa na nakatayo. Nginitian lang nila ako. Alam kong pinagtitripan nila ako pero wala na akong pakiaalam. Sinuklian ko sila ng galit na tingin at umalis na ng stage.

Bumaba ako at patuloy pa ring lumakas palabas ng covered gym. Hindi na ako humarap pa at tingnan silang dalawa. Nainis ako dahil halatang-halata na parang may gusto silang malaman tungkol sa akin. Nakikikuntsaba na rin bas i Prince? Hindi maaari. Alam kong hindi iyon gagawin ng kapatid ko.
Nasa tapat na ako ng faculty room ng biglang lumabas si Mr. Araque.

"Are you okay?"

Nginitian ko nalang si Mr. Araque at patuloy na lumakad papalayo sa kanya. Ngunit hinabol pa rin niya ako.

"Pat, alam kong hindi ka okay. Aminin mo na kasi sa akin na mahal mo si Philip"

Hindi ko pa rin siya sinasagot pero kinukulit talaga ako ni Mr. Araque. Hindi ko na nakayanan ang kanyang mga ikinikilos kaya sinagot ko na rin siya.

"OO! Bakit may magagawa ka ba?"

"Iyan lang naman ang gusto kong malaman eh. Halika nga dito at pag-usapan natin"

"Mahal mo pala eh. Bakit ka nagkakaganyan?"

"Borj! Alam mo naman diba? Sabi mo nga nahirapan ka sa sitwasyon mo noon dahil delikado. Kaya ng iniwan mo diba? Ano kaya sa tingin moa ng ginagawa ko?"

"Pat, maraming bagay ang wala noon na meron ka ngayon. Alam natin na mali ito pero hindi iyon sapat na dahilan paran pigilan moa ng iyong sarili. Pat. Nagmamahal ka. Huwag mong ipagkait sa sarili moa ng maging masaya. Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan niyan. Pati si Philip ay sinasaktan mo rin"

"Talaga? Bakit? Do you think mahal din ako non? Alam mo madali lang naman sabihin iyan eh. Malay ko kung pinagtitripan lang ako nun"

"Pat, alam ko kung saan ito hahantong. Kitang-kita ko naman sa mga inaasal ni Philip. Nararamdaman kong gusto ka niya ngunit hindi siya sigurado kung mahal mo rin siya"

"Anong gagawin ko?"

"Ikaw? Ikaw naman ang may alam niyan at ikaw lang ang makakagawa ng paraan Pat. Bahala ka, baka maagaw pa siya ng iba diyan. Ang masama pa ay. Hehehehehe.. Magkapatid, magkaribal!"

"Ulol!"

"Pero in fairness lang Pat, mas cute si Prince. Lagot ka!"

Tumawa na lang ako sa sinabi ni Mr. Araque at inakbayan ko nalang siya. Nagtatawanan kaming dalawa habang lumalakad palabas ng skul. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang may nagsalita sa likuran namin.

"Ahemmmmm! Excuse me po mga SIR"

Si Philip

Itutuloy…

1 comment: