By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Facebook: getmybox@yahoo.com
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com
Dali-dali kaming
bumalik sa puntod ng aking mga magulang kung saan naroon si Lola Isyang at
nagsimula nang magdasal. “Lola Isyang… pasensya na po sa abala. P-pero may
nabanggit po kayo kanina at gusto ko po lamang linawin kung tama nga ang aking
narinig.” Ang sambit ko.
Biglang napalingon sa
amin si Lola Isyang. “A-ano iyon, Alvin?” ang tanong niya.
“Nasabi niyo po na
‘…tandang-tanda ko pa ang ang matinding saya sa mukha ni Itang noong ibinalita
ko sa kanya na isang napakakisig at napakalusog na batang lalaki ang iniluwal
niya’. Tama po ba?”
Nag-isip siya ng
sandali. “I-iyan ba ang n-nasabi ko?”
“Opo… at alam ko pong
Itang ang tawag ng mga tao sa aking inay Pacita” sabay lingon ko kay kuya
Andrei na nanlaki rin ang mga mata sa napuna ko. “S-sino po ba ang nagluwal kay
kuya Andrei? Ang inay Pacita po ba?” dugtong kong tanong.
Kitang-kita ko ang
pagkagulat ni Lola Isyang sa aking tanong. Marahil ay hindi niya inaasahang
mapansin ko ang sinabi niyang iyon na maaaring hindi rin niya sinadya. “A… e…”
ang paunang naisagot niya na mistulang nag-isip sa sunod na sasabihin. “Ay… ito
namang batang ito. I-iyang ang ibig kong bigkasin, hindi Itang. Aurea kasi ang
pangalan ng inay ng kuya Andrei mo kaya Iyang ang tawag ko sa kanya. Hindi
Itang, Iyang ang ibig kong bigkasin. Nagkamali lang ako.” ang dugtong pa niya.
Parang nadismaya
naman ako sa sagot niyang iyon. Parang hindi ako kumbinsido. “Lola… hindi po
Iyang ang tawag ng mga tao sa inay ko. Auring po… Wala pa po akong narinig na
tumawag sa kanya ng Iyang. Ang inay Pacita lang po ang minsan ay tinatawag
nilang Itang.” ang pagsingit naman ni kuya Andrei.
“A, eh… a-ako lang
siguro ang tumatawag sa kanya ng Iyang.” ang sagot uli ng matanda.
“Lola… sabihin niyo
na po ang totoo. Please po. Maawa po kayo sa amin ni kuya Andrei. Wala nap o
ang mga magulang naming. Hinahanap po naming ang katotohanan.”
“A, e, e…” ang
pautal-utal nang sagot ni Lola Isyang.
“Alam niyo po bang
bago binawian ng buhay ang Tatay Berto, nasabi niya sa akin na hindi ko po
tunay na mga magulang sina Nay Pacita at Tay Berto at ang tunay kong mga
magulang ay sina Nay Auring at Tay Eloy? Naramdaman ko pong may sasabihin pa
sana siya. Ngunit hindi na siya nakapagsalita pa. Nararamdaman ko pong g-gusto
nilang ibunyag ang katotohanan sa akin ngunit hindi na niya nakayanan pa ang
lahat at binawian na siya ng buhay. At ngayong nagkita tayo dito, naniniwala po
ako na ginabayan niya kayo upang pumunta kayo sa oras na ito, upang magtagpo
tayo, upang dito mismo sa harap ng kanilang puntod ninyo sasabihin sa amin ang
katotohanan. Kaya po… Lola Isyang, sabihin niyo na po ang totoo. Nagmamakaawa
po ako. Saksi ang mga magulang naming, Lola na nahirapan po kami ng kuya Andrei
ko…”
“E… p-paano ba ito!”
ang nasambit ni Lola Isyang na halatang naguluhan, palipat-lipat ang tingin sa
amin ni kuya Andrei at sa puntod ng mga magulang ko. At marahil ay hindi na
nakatiis, nilapitan niya ang nitso ng aming mga magulang, hinawkan ang mga ito
sabay sabing, “Itang! Auring! Berto at Eloy! P-paano ba ito? S-sabihin ko na
ang mga lihim ninyo! Patawarin ninyo ako kung labag man sa inyong kalooban ang
gagawin ko.” sambit ni Lola Isyang.
“Huwag po kayong
matakot Lola. Hindi po sila magagalit. Alam kong iyan din ang gusto ng aming
mga magulang. Kung nasabi iyan ni tay Bert okay Alvin, siguradong gusto rin
niya sanang sabihin ang lahat. Baka ayaw nilang lumisan na may bitbit na lihim
na hindi nila nabunyag sa amin.” ang sambit ni kuya Andrei.
At doon na nagsalita
si Lola Isyang. “A-ang tunay nga mga magulang mo Alvin, sina Eloy at Auring ay
hindi magkaanak – noong una. Iyan ang nakita ko noong sinuri ko si Auring. Kung
kaya lungkot na lungkot ang mag-asawa. Noong nagbuntis na si Pacita kay Andrei,
nalungkot si Auring kasi nga gusto rin niyang magkariin ng anak, na babae upang
i-pares kay Andrei. Ngunit dahil sinabi kong hindi na nga siya magkaanak, noong
iniluwal ni Itang si Andrei, ipinagkasundo nilang ibigay ito kina Auring at
Eloy dahil manganganak pa naman si Pacita. Pumayag naman si Berto dahil matalik
na magkaibigan nga sina Eloy. Iyon ang kanilang usapan; na gumawa muli sila ni
Pacita ng bata para sa kanila na talaga. Ngunit hindi natupad ang kanilang
planong iyon. Tinubuan ng bukol ang matris ni Pacita at kailangang tanggalin
ito, kasama na ang matris niya. Kung kaya ay hindi na sila nagkaanak. Kaya sina
Auring naman ang nalungkot at na-guilty sa kalagayan nina ni Pacita.
Nagpatulong sila sa akin na gumawa ng paraan. Sabay sa pagdarasal nila, sa
pagpipilgrimage sa Birhen, ang pag-alay ng sakripisyo ng inay Aurea mo kagaya
ng paglalakad na nakaluhod patungo sa simbahan, binigyan sila ng milagro. Noong
ipinagbuntis ka pa lang, nag-arrange na silang ipakasal kayong dalawa paglaki
ninyo kapag naging babae ka. Gusto raw nilang magkarugtong ang mga pamilya
ninyo sa pamamagitan ng kasalan ng mga anak. Ngunit marahil ay kapag nanghingi
ka, pagbibigyan ka lamang ng sapat, iyong naaayon lamang sa plano ng nasa
itaas. Lalaki ang isinilang ni Pacita. At ikaw iyon, Alvin. May kaunting
lungkot silang nadarama ngunit napag-isipan din nila na sa mga anak na lang
ninyo itutuloy ang pagdugtong ng mga lahi. Kapag nagkaanak kayo ng lalaki at
babae, dapat daw na ipapakasal ang mga ito, ang mga apo nila. Ganyan sila ka
seryoso, o ka desperado sa kanilang mga pangarap na magdugtong ang mga dugo at
pamilya ninyo.”
Hindi ko lubos
maintindihan ang tunay kong naramdaman sa pagkarinig sa rebelasyong iyon. May
lungkot dahil parang ang hirap na hiningi nilang magkaanak ako sa babae at
ganoon din si kuya Andrei. At may saya din na nalamang hindi pala kami
magkapatid at malaya na kaming magmahalan.
Agad kong naramdaman
ang kamay ni kuya Andrei na humawak sa aking kamay. Pinisil-pisil niya ito ng
malakas. At noong tiningnan ko ang mukha niya, binitiwan niya ang isang
nakakabighaning ngiti. Alam ko ang ibig sabihin ng ngiting iyon. Sa puso niya,
nag-uumapaw ang dulot na saya. Alam kong sa isip niya, wala nang hadlang pa ang
pagmamahal niya sa akin.
“Maraming salamat po
Lola Isyang.” ang nasambit na lang namin ni kuya Andrei. Nagpaalam muli kami sa
puntod ng aming mga magulang at nagpasalamat na rin na sa wakas, nalaman din
namin ang buong katotohanan sa kanilang lihim.
“Alam mo kuya, parang
sinadya ang lahat na magkita tayo ni Lola Isyang dito sa puntod nila bago tayo
tuluyang makaalis. Para bang ayaw nilang tuluyang lisanin nila tayo na hindi
natin nalalaman ang buong katotohanan.” sambit ko habang naglakad na kami
patungo sa kotse ni Brix na minamaneho ni Noah.
Nginitian ako ni kuya
Andrei at inakbayan. “Tama ka… At alam mo, mas mabuti na rin na ganoon ang
ginawa nila sa atin, ang ipagpalit tayo. Kasi, tingnan mo naman, silang apat ay
mahal ko bilang mga magulang. Parang isang pamilya lang talaga tayo.”
“Atsaka ako rin po…
mahal na mahal ko rin po silang apat, si Tatay Berto, Nanay Pacita, ang Tatay
Eloy at Nanay Auring” Napahinto ako sandali. “M-medyo masakit nga lang kasi
hindi ko nakasama ng matagal ang tunay kong mga magulang.”
“Hayaan mo na. At least,
alam mo na sila ang tunay mong mga magulang. At mahal mo ang anak-anakan nila.”
“At mahal mo rin ang
tunay nilang anak”
“At mahal ko rin ang
anak-anakan ng tunay kong mga magulang”
“At mahal ko rin ang
tunay nilang anak.”
“Ang gulo!”
Tawanan.
Tahimik.
“Marahil ay talagang
oras na nilang lumisan sa mundo, ano kuya?”
“Bakit mo naman
nasabi iyan?”
“K-kasi di ba,
nakakabilib ang kanilang pagiging magkaibigan. Pinangarap nilang magsama,
walang iwanan kumbaga. Hanggang sa huling sandali ng buhay nila, hayan, nagsama
rin sila. At ang mga lihim nila ay nabunyag din sa atin, sa araw mismo ng
kanilang paglisan.”
“Oo tama ka d’yan.
Parang sinadya ang lahat… At sana, panatag na ang mga kalooban nila kung saan
man sila naroon.”
“At siguro naman ay
wala silang tutol na nakita nilang nagmahalan tayo.”
Kinurot ko lang ang
kanyang tagiliran. “Iba ang kanilang gusto. Mga apo nila ang ikakasal...”
“O e di maganda,
imbes na sa mga apo, sa atin na. Shortcut lang.”
“Hindi ah! Hindi!”
“Puwede iyon!”
“Paano magdugtong ang
lahi natin? Di naman ako manganganak!”
“Di naman kailangang
manganak para magdugtong eh!”
“Basta hindi iyan!
Mali ang pagkaintinde mo!””
Iyon an gaming
argument habang naglakad kami patungo sa kalsada.
“Woi ang sweet naman
ng mag-kuya! Kakainggit! Kakain love!” ang biro ni Noah na nakatayo sa tabi ng
driver’s seat sa kotse ni Brix. Habang nag-aargumento kasi kaming naglalakad,
inaakbayan ako ni kuya Andrei. At inilingkis ko rin ang isa kong braso sa
kanyang beywang. At wala pang kaalam-alam si Noah na hindi kami tunay na
magkapatid ni kuya Andrei.
Ngingiti-ngiti lang
si kuya Andrei. Ako naman, dedma. Pinsan kaya niya si Brix. At ayaw ko ring
malaman ninuman ang tungkol sa amin ng kuya Andrei ko. Iyan na lang ang
natitirang kaisa-isang munting lihim namin. Ang alam lang kasi ni Noah ay iisa
an gaming mga magulang ni kuya Andrei.
Mag-aalas 6:20 noong
nakarating kami sa mismong bahay naming. Hinatid lang kami ni Noah at nagpaalam
din si siya na uuwi na. Hinahanap na raw kasi siya sa kanila at may problema sa
bahay nila. Ni hindi na nga lang siya pumasok pa ng bahay. Gusto sana niyang
iwan sa amin ang kotse ni Brix at magcommute na lang siya pabalik ng syudad
ngunit ayaw ni kuya Andrei dahil gabi na at mahirapan na si Noah sa paghanap ng
masakyan. At isa pa, sasabayan din naman daw ako ni kuya Andrei kinabukasan
pagpunta sa aking paaralan. Kukuuha pa kasi ako ng special exams sa finals at
si kuya Andrei ay tutungo na rin sa trabaho niya upang magsumite ng
resignation. Nadadaanan kasi ang syudad kung saan naroon ang unibersidad ko sa
rota ni kuya Andrei patungo ng Mindanao.
Kaya noong nakaalis
na si Noah, kaming dalawa na lang ni kuya Andrei ang naiwan.
Sobrang lungkot na ng
bahay noong pumasok kami. Para bang pati ang kapaligiran ay dumamay sa
nararamdaman naming paghinagpis. Hindi ko maimagine kung makayanan ko ang
matinding lungkot na iyon, kung wala si kuya Andrei sa piling ko.
Muli na naman akong
napaiyak. Kapag ganoong oras kasi, nagluluto na ang inay ng aming hapunan at
kung ganoong parating ako at nakita niya, itatanong kaagad kung saan ako
nanggaling, kung nagutom ba ako, o di kaya ay tawagin ako sa kusina upang
tulungan siya.
Ngunit sa sandaling
iyon, walang nagtanong sa akin. Sinilip ko ang kusina. Tahimik ito at tila
nagluluksa rin. Sobrang tahimik. Pati ang kadalasang pabugso-bugsong hangin na
siyang nag-iingay sa aming bubong kapag ang mga sanga ng puno ng kaimito ay
sumasagi rito ay tahimik na tahimik rin, tila nakisimpatiya sa aming dinadalang
kalungkutan.
Sobrang sakit...
“N-nagugutom ka ba
tol?” ang biglang pagsingit ni kuya Andrei.
“H-hindi kuya.
Matulog na lang ako. Pagod na pagod ako eh. Ikaw? B-baka gusto mong kumain?”
“Busog din ako…”
sagot niya.
Kaya dumeretso na
lang kami sa kuwarto.
“A-ano ang plano mo
ngayon?” ang tanong niya noong kapwa nahiga na kami at nagtabi sa aking kama,
nakatagilid siyang paharap sa akin.
“W-wala… di ko alam.
Wala naman akong choice di ba? Ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral na parang
wala lang nangyari sa buhay ko. Mahirap pero, kaya ko naman siguro. Ang sakit
lang kuya…” ang mahina kong sagot. Naramdaman ko na naman kasi ang pagdaloy ng
aking mga luha.
Inilingkis niya ang
kanyang braso sa aking beywang. “Huwag kang mag-alala, kapag nakapagresign na
ako, ako ang mag-alaga sa iyo. Ituloy ko ang mga trabaho ng itay sa bukid. May
naipon naman akong kaunting pera, ibibili ko iyon ng maliit na sakahan habang
patuloy ko pa ring sasakahin ang lupaing dati na sinasaka ng itay.”
“P-paano iyan, e
hindi ka na magsundalo?”
“Ok lang sa akin. Ang
mahalaga, narito ako para sa iyo. Para sa panahong uuwi ka ng bahay, may tao
rito, masaya ka pa rin. Hindi ka mag-iisa.”
“G-gagawin mo iyan
para sa akin?”
“Oo naman. Mahal ko
kaya ang bunso ko…”
Syempre, touched ako.
“I love you kuya…” ang nasambit ko na lang, sabay yakap sa kanya.
“Bukas, ihahatid muna
kita sa iyong paaralan at ako naman ay dideretso sa aking headquearters.
Magfile ako ng resignation with immediate effect at sana in two or three days
nakakabalik na ako rito. Sa pagbalik mo galing school panibagong set-up na ang
madatnan mo sa bahay natin.”
“Salamat kuya sa
pagtulong mo sa akin. Mahal na mahal po kita…”
“At mahal na mahal ko
rin ang bunso ko. Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan. Lahat ay gagawin ko
para sa bunso ko.”
Hindi na ako umimik.
Hinigpitan ko na lang ang pagyakap sa kanya. Kahit papaano, may tuwa rin akong
nadarama dahil nariyan si kuya Andrei na hindi ako iniwan.
Hanggang sa
naalimpungatan ko ang paglapat ng aming mga labi. At sa pagkakataong iyon,
nangyari ang inaasam-asam ni kuya Andrei na mangyari sa amin. Mapusok,
nag-aalab ang aming pagniniig sa gabing iyon.
“Hiwalayan mo na si
Brix.” ang casual na sabi niya noong humupa na ang bugso ng init ng aming
katawan at nakahigang magkayakap.
Bigla akong nasamid
sa pagkarinig sa kanyang sinabi. “P-po???” ang nasisagot ko na lang.
“Si Brix… hiwalayan
mo na siya. Wala nang hadlang para hindi natin ipagpatuloy ang ating relasyon,
di ba?”
“E…” and nasambit ko
bagamat parang hindi ko kayang sa ganoon-ganoon na lang ay hihiwalayan ko na
siya. Sobrang mabait kasi sa akin si Brix. Malaki ang naitutulong niya sa akin
at parang hindi tama na biglang hihiwalayan ko siya na wala man lang malaking
dahilan para gawin ko ito.
“Bakit hindi ka
makasagot ng deretso? Mahal mo ba siya?”
“K-kuya naman eh.
Syempre, boyfriend ko iyong tao.”
“At bakit ako?”
“K-kapatid...”
“Hindi lang kapatid.
Boyfriend pa!”
“K-kahit papaano, may pinagsamahan din kami.
Malaki ang naitulong niya sa akin.”
“So hindi mo siya
kayang hiwalayan?”
“H-hindi naman po sa
ganoon. Kailangan ko lang po ng panahon. N-naaawa kasi ako sa kanya kuya eh.”
“O sige… bibigyan
kita ng panahon. Pero basta, hiwalayan mo siya.”
“S-sige po…”
Iyon lang. At
nakatulog akong ang bagay na iyon, kasama ng matinding pangungulila ko sa aking
mga magulang, ang nakaukit sa aking isip.
Nagising ako
kinabukasan dahil sa paggising sa akin ni kuya Andrei. “Tol… tol…”
“K-kuya???” sagot ko.
“Kain na tayo. Di ba
babalik ka na sa unibersidad mo at ako rin tutungo na sa Mindanao sa araw na
ito?”
“Ah… oo nga pala.”
Sabay balikwas sa higaan. “M-magsaing pa po ako kuya.” ang nasambit ko. Wala na
kasi ang inay kung kaya naisipan kong ako na ang maghanda sa aming agahan.
“Tapos na akong
magsaing. Nakahanda na ang pagkain. Maligo ka na at hihintayin na kita sa
kusina ha?”
“N-nagsaing ka na
kuya?”
“Oo… Ngayong wala na
sina inay at itay, ako na ang magiging nanay, tatay, at kuya mo. Ako ang bahala
sa lahat.”
At muli na naman
akong napaiyak. Hindi ko alam kung para saan ang pag-iyak kong iyon. Para
kasing naawa ako sa sarili ko, at nakaramdam din ng natuwa na nariyan si kuya
Andrei na handang magsakripisyo para sa akin. O baka rin naalala ko lang ang
aking mga magulang. Naghalo-halo na kasi ang ang aking emosyon.
“O sya… ligo ka na
dali! Nilagyan ko na rin ng tubig ang drum sa banyo. Hintayin kita sa kusina.
Dalian mo.”
“O-opo kuya…” sabay
tumbok ko sa kabinet ng aking mga damit at tuwalya.
Pagkatapos kong
maligo, sabay na kaming kumain.
“Ako na ang maghugas
ng mga plato, magbihis ka na lang. Nakabihis na ako.” sambit ni kuya Andrei.
“O-opo…” at pumasok
na ako sa kuwarto ko.
Ilalagay ko na sana
ang mga gamit na dadalhin ko para sa boarding house noong napansin ko sa gilid
ng kuwarto ko ang mga bagahe ni kuya Rom. At sa tabi nito ay ang aking knapsack
na may mga laman na rin. Nilapitan ko ito at binuksan ang aking knapsack.
Nagulat ako noong naroon na rin pala ang aking mga gamit. Damit, pantalon,
brief, may toothbrush at toothpaste rin.
“Kuya, inayos mo na
pala ang mga gamit ko?”
“Oo… para magbihis ka
na lang.”
Napahanga na lang ako
sa ginawa niya. Bigla ko na namang naalala ang aking inay. Ang pagmamahal niya,
na hinahanap-hanap ko ngunit pinunan ni kuya Andrei.
Sumakay kami ng
tricycle at tinungo ang terminal. Noong nakarating na kami sa terminal.
“Natandaan mo pa ba rito?” habang umupo kami sa mga upuang nakahilera para sa
mga pasahero.
“Opo… maraming bagay
po ang natandaan ko rito kuya.”
“Kagaya ng ano?”
“N-noong una mong pag-alis.
Iyak nang iyak ako rito. Binigyan mo ako ng pera, tapos nag videoke tayo,
nagpalitrato. Kinantahan mo pa ako ng ‘Old Photographs’”
“Tapos, ano pa?”
“Iyong sunod mong
pag-alis na hinabol kita. Kahit hindi ko alam ang patutunguhan mo at tama lang
ang pera ko sa aking pamasahe patungo sa San Pedro City, hinabol pa rin kita,
sumakay ako ng bus na mag-isa, kahit noon pa lang ako nakasakay nang walang
kasama.”
Inilingkis niya ang
kanyang bisig sa aking beywang. “Mahal mo ba si kuya?”
“Opo… mahal na mahal
po kita kuya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka…” at
naramdaman ko na naman ang mga luha na nangingilid sa aking mga mata.
“O sya, o sya… mahal
na mahal ka rin ni kuya. At promise ko sa iyo, hindi kita iiwan at
hinding-hindi kita pababayaan.”
“Salamat kuya…”
“Gusto mo dadaan muli
tayo sa videoke bar. Kakanta muli tayo, tapos, pa-picture uli.”
“S-sige po kuya.
Na-miss ko na po iyong kanta mo sa akin.”
At nag-videoke nga
kami at nagpalitrato uli, nilagay ko na naman sa aking wallet. Noong nasa loob
na kami ng bus, nanumbalik din ang aking alaala noong sabay kaming naupo
patungo ng San Pedro City. Iyon ang isa sa pinakamasayang alaala ko sa kanya.
Nakarating din kami
sa syudad ng aking unibersidad. At talagang inihatid pa niya ako sa mismong
boarding house ko. Hindi lang niya ako hinatid, nagpakilala pa sa siya aking
mga ka-boardmates, nakipagkuwentuhan at nakipagusap din siya sa aking landlady.
Noong nakaalis na si
kuya Andrei, kinausap ako ng aking landlady at biniro na, “Ngayon na wala ka
nang mga magulang, ako na ang mag-aalaga sa iyo Alvin. Alam mo kung bakit?”
“B-bakit po?”
“Kasi, kami ng kuya
Andrei mo na ang magsilbing ama at ina mo.” sabay tili ng, “Ang guwapo-guwapo
niya!!!”
Ganoon din ang reaksyon
ng mga kasama ko sa boarding house na magbarkadang mga bakla, kinikilig kay
kuya Andrei.
At pinanindigan naman
ni kuya Andrei na sinabi niyang siya na ang mag-aalaga sa akin. Noong nasa
Mindanao na siya, halos oras-oras ay may text siya sa akin, nagtatanong,
nagrereport sa mga ginagawa niya, minsan naman ay tumatawag. Halos magkakasabay
na nga lang palagi ang mga texts nila ni Brix na natatanggap ko. Si Brix naman
ay concerned na concerned din sa akin, awang-awa sa aking kalagayan. Habang
emotional support at pag-aalaga ang ibinigay sa akin ni kuya Andrei, financial
naman ang kay Brix. At lalo pa niyang nilakihan ang perang ipinapadala niya sa
akin para sa aking mga pangangailangan.
Sa pang-apat na araw
simula ng bumalik si kuya Andrei sa trabaho ay ibinalita niya sa akin na
na-approved na raw ang resignation niya bagamat may hinihintay pang mga
papeles. Ngunit puwede na raw siyang umuwi. Pumayag naman ako. Sabi ko sa
kanya, siya na ang bahala sa mga gawaing naiwan ng itay pati na ang mga
inaalagaan niyang mga hayop.
Sa totoo,
nagdadalawang-isip din ako sa ginawa niyang desisyon. Kasi, puwede naman siyang
patuloy pa rin na magtatrabaho habang nag-aaral ako. Kaso desisyon niya ang
ganoon. Habang nag-aaral pa raw ako, sa bahay lang siya. Sa kabilang banda,
naisip ko rin na nakakatakot ang trabaho niya bilang sundalo. Kung kaya nga
namatay ang aming mga magulang ay dahil sa pagsusundalo niya. Kaya pumayag na
rin akong huminto na siya sa pagiging sundalo.
At natapos ang isang
lingo. Natapos ko rin ang lahat ng aking mga special tests sa finals. Kahit
kulang ang aking paghahanda sa pasulit, masasabi ko namang nasasagot ko ng
maayos ang mga tanong. Alam kong kahit papaano, hindi masyadong naapektuhan ang
aking grado.
Dahil tapos na ang
semester, umuwi na uli ako, excited na makitang muli ang aking kuya Andrei. At
hindi naman ako nabigo. Nasa daan pa lang ako patungo sa aming bahay, nakita ko
kaagad siya sa harap ng bakuran, gumawa ng upuan sa lilim ng puno ng malaking
mangga na kanyang itinanim para sa akin noon. Malaki na kasi ang dalawang puno
ng manggang itinanim niya para sa akin. At makapal pa ang mga dahon at sanga ng
mga ito. Nakahubad ang pang-itaas na kataawan, punong-puno ng pawis ang mukha
at katawan, nakatayo siyang nakangisi sa akin noong nakita akong parating.
“Kuya, nandito na po
ako…” sambit ko sabay abot sa kanya sa binili kong puto na binili ko sa
terminal bago ako sumakay ng tricycle. Paborito ko kasi ang puto at sabi niya,
paborito na rin niya ito dahil sa kabibili niya nito para ipasalubong sa akin.
Tinanggap niya ang
bigay kong puto atsaka inunat ang mga bisig.
Dali-dali akong
yumakap sa kanya. Wala akong pakialam kung puno man ng pawis ang kanyang
katawan. Pinakawalan ko ang matinding pananabik ko sa kanya. Nagyakapan kami.
At dahil nasa labas kami ng bahay, sa pisngi ko lang siya hinalikan. “Ang ganda
kuya!” tukoy ko sa ginawa niyang upuan sa ilalim ng puno ng mangga. May
sandalan kasi ang ginawa niyang upuan. Malapad, at puwede pang gawing tulugan.
Nilagyan din niya ito ng bubong panagga sa init at ulan.
“Syempre, itinanim ko
ang mga punong ito para sa iyo, di ba? Kaya ngayong narito na lang ako sa
bahay, aalagaan ko ito… para sa bunso ko.” Nahinto siya. “Pasok ka muna sa loob
upang magbihis. Kumain ka na ba? Nagugutom ka?”
“Kakakain ko pa lang
po.” ang sagot ko naman habang tinumbok na ang looban ng bahay. Nang nakapasok
na ako, nagulat naman ako sa mga nakitang pagbabago. Napakalinis, masinop, at
ang mga butas-butas na atip na nipa ay inayos, tinapalan na ng bago. At noong
pumasok naman ako sa aking kuwarto, pinalakihan na niya ang aming kama at may
mga kurtina na. “Ang ganda!” sigaw ko sa aking sarili. Ang saya-saya ko sa
sandaling iyon.
Lalabas na sana ako
ng kuwarto noong bigla namang pumasok si kuya Andrei. “Nagustuhan mo?” ang tanong
niya.
“Opo. Ang ganda-ganda
na po ng kuwarto natin.”
“Wala man lang akong
kiss d’yan?” biro niya.
“Puno ka kaya ng
pawis.”
“Yaan mo na, kiss
lang naman.”
Nilapitan ko siya at
hinalikan sa bibig. “Mwah”
“Sarap talaga ng kiss
ng bunso!”
“Hmm… Anong plano mo
ngayon?”
“E, di maligo na,
para mabango.”
“Parang alam ko na
ang sunod na mangyayari.” ang sagot kong binitiwan ang isang ngiting
nakakaloka.
“Alam mo na pala eh,
di bilisan ko na!”
Tawanan.
At syempre, ano pa ba
ang puwedeng mangyari pagkatapos niyang maligo? Pareho kaming sabik sa
isa’t-isa. Pareho naming gustong gawin iyon…
Kinabukasan, si kuya
Andrei uli ang gumising sa akin. Siya pa rin ang naghanda ng agahan. Pagkatapos
naming magalmusal, nagpaalam siyang pupunta sa niyogan na tinatrabaho ng itay.
Nagpaalam akong sasama dahil gusto ko ring makita ang lugar. Pumayag naman
siya. Ngunit bago kami nagpunta roon, pinakain muna niya ang mga alagang baboy
at manok, nilinis ang mga pig pens, pinaliguan ang mga baboy. At syempre,
manual iyon kung kaya sa pagbubuhat pa lamang ng balde na puno ng tubig ay
nakakapagod na. Nang natapos na kami, saka na kami tumungo sa niyugan.
At doon ko na nakita
kung gaano kahirap ang trabaho. Siya mismo ang umaakyat sa niyog, isa-isa
niyang inakyat ang lahat. At ang ibang puno ay matatayog pa. Parang gusto ko
siyang pigilan na huwag na lang umakyat. Natakot kasi akong baka malaglag siya.
Ngunit nagpumilit siya. Iyan naman daw ang trabaho ng itay kung kaya ay ok
lang. Kaya niya ang lahat. At pagkatapos pa niyang akyating ang bawat puno,
iipunin naman niya ang mga niyog at pisikal na bubuhatin ang mga ito at ilagay
sa bahay-bahayan na pondohan. Tumulong din ako sa pagbubuhat.
“Kaya ikaw…
pagbutihin mo ang iyong pag-aaral dahil kapag nakapagtapos ka na, iahon mo ako
rito sa kahirapan.” ang sagot niyang pagbibiro, feeling siya ang itay ko.
Natawa na lang ako
bagamat sa kaloob-looban ko, humanga ako ng labis sa kasipagan ng aking mga
magulang, naawa sa kanilang dinanas na hirap. At naramdaman ko na naman ang
lungkot. Kasi, pumanaw sila na hindi man lang naranasan ang bunga ng aking
pagsisikap, ang katuparan sana ng aking mga pangarap na iahon sila sa
kahirapan. Binitiwan ko na lang ang isang buntong-hininga.
Mag-aalas dose na ng
tanghali noong tumigil siya sa pag-akyat ng niyog. Noonng pauwi na kami,
nangolekta naman siya ng mga panggatong para raw gamitin namin sa aming dirty
kitchen. At mapagkakitaan din naman daw iyon kasi napag-alaman niyang may mga
dumadayo sa lugar namin upang bumili ng mga panggatong.
Napatingin na lang
ako sa kanya. Hangang-hanga ako sa ipinakita niyang kasipagan. Parang sanay na
siya sa ganoong trabahao. Parang sa bukid na iyon na talaga siya lumaki. Parang
ang aking itay lang...
Noong nakarating na
kami ng bahay, dumeretso naman siya sa kusina at nagsaing. Parang nakonsyensya
rin ako. Dapat pala ay ako na lang ang nagsaing, kagaya ng ginagawa ng inay na
minsan ay hinahatiran ang itay ng pagkain sa niyogan.
“Bukas kuya, ako na
ang magluluto at hahatiran na lang kita ha?”
“Huwag na. Gusto kong
kasama ka doon.”
“Ah pwede akong
sumama sa iyo pero kapag mga alas 10 na, uuwi na ako upang magsaing, Dadalhan
kita ng pananghalian sa niyogan.”
“Puwede…”
At iyon nga ang
naging routine namin.
“Alam mo kuya, wala
talagang kaduda-dudang tunay kang anak ni tatay Berto.”
“At bakit mo naman
nasabi iyan?”
“Ang sipag-sipag mo
kasi. Ngayon ko lang narealize kung gaano pala kahirap ang mga gawain niya.”
“Oo… ginawa niya ang
lahat para sa iyo, sa kinabukasan mo. Kung kaya gusto kong gawin talaga ang
trabahong ito dahil gusto kong maranasan din ang hirap ng itay, nang sa ganoon
ay para na ring naramdaman ko siya at mas lalo ko pa siyang makilala. Kahit
papaano ay makabawi man lang ako sa kanya, na hindi ko lubos nakilala, hindi ko
lubos na nakasama. At para na ring ipinamana niya sa akin ang trabahong ito.
Kaya, happy ako. Naaalala ko palagi ang itay. Kung nagkataon lang sigurong ito
na ang ginawa ko noong buhay pa siya, sigurado, mas gagaan ang trabaho niya.”
Kaya, iyon na ang
napagdesisyonan naming takbo ng aming buhay sa bukid. Mahirap ngunit masaya.
Simple ang pamumuhay ngunit wala namang polusyon, walang ingay, walang
pressure, hindi nagmamadali. Para lang kaming nagreenact sa buhay at pag-ibig
ng aming mga magulang.
Akala ko ay wala na
talagang hadlang ang aming kalagayan ni kuya Andrei. Ngunit siguro totoo ang
sinabi nilang habang buhay pa ang tao, hindi ito nilulubayan ng mga pagsubok.
At lalo na sa kalagayan ko, na isang lalaki ang minahal. At lalo pa kung ang
lalaking iyon ay lapitin pa ng mga babae at bakla.
Isang araw, nagyaya
si kuya Andrei. “Gusto mo, maligo tayo sa ilog? Kagaya ng dati lang noong
maliit ka pa at ako ay teenager pa lamang...”
Na-excite naman ako
sa kanyang sinabi. Syempre, ang tagal tagal na simula noong nakasama ko siyang
naligo. Isang paslit pa lamang ako at palagi pa kaming nag-aasaran. “S-sige po
kuya!”
Ay iyon… naligo kami
sa ilog. Hubo’t-hubad dahil kami lang naman ang tao. At kung noong paslit pa
lamang ako ay naghahanap ako ng pagkakataon upang lihim na itago ang kanyang
mga damit habang siya ay naliligo, sa pagkakataong iyon, sumama na ako sa kanya
sa ilog mismo, nakipagharutan, nakipaghabulan, nakikipagtsansingan. At malaya
kong ginagawa ang mga kabulastugan ko sa kanya. Nariyan iyong lihim kung
sisirin ang ari niya at hahawakan iyon. Nariyan iyong hihilahin ko siya sa
ilalim ng ilog at doon kami maghahalikan. Nand’yan din iyong kunyari ay
magkaharap kaming nag-uusap ngunit ang aking isang paa sa ilalim ng tubig ay
hinihipo-hipo na pala ang kanyang pagkalalaki.
At ganoon din siya sa
akin. Minsan, sisisid sya at biglang kagatin ang puwet ko, o di kaya ay
tatampalin. Tapos iyon na, maghahabulan na kami. Ang saya.
Nasa ganoon kaming
pagnamnam sa sarap ng aming bonding at pribadong oras noong biglang, “Hi
Andrei!”
Bigla kaming
napalingon sa may pampang kung saan nagmula ang boses. At doon nakita ko ang
dalawang babae na kasalukuyang nagtatanggal ng kanilang mga damit at sa tingin
ko ay lulusong din sa ilog.
“Hi!” ang sigaw din
ni kuya Andrei sa kanila na kumaway pa.
Hindi ko masyadong
kilala ang mga babaeng iyon sa baranggay namin. Ang alam ko lang ay magkapatid
sila at ang kanilang ina ay nakapag-asawa ng Autralyano ngunit naghiwalay din.
Kaya ang mga babaeng iyon ay lumaki ng Australia at noong naghiwalay na ang mga
magulang nila, sa baranggay na namin sila tumira may isang taon na ang
nakalipas. Sila ang may pinakamalaki at pinakamagandang bahay sa baranggay
namin. Sila rin ang pinakamayaman. Suportado pa rin kasi sila sa ama nilang
Australyano. At pag-aari nila ang ekta-ektaryang niyogan sa aming baranggay.
Ngunit hindi ko sila kaibigan. Hindi ko nga rin alam kung kilala nila ako.
“P-paano ka nila
nakilala?” ang lihim kong pagtatanong kay kuya Andrei, may bahid na selos ang
aking boses. Kung may barometro lamang na magmi-measure ng kaligayahan, nasa
tuktok na sana ito ng scale ngunit bigla ring bumulusok sa baba sa pagpasok ng
dalawang babeing iyon sa eksena na halatang kinilig, excited na excited makita
si kuya Andrei na naligo sa ilog.
“Noong isang araw
lang, sa palengke. Noong namalengke ako, nagkataong nagkasabay kaming namimili
sa isang tindahan. At iyon, nakipagkaibigan. Alangan namang iisnabin ko.
Wala na akong nagawa.
Hindi na lang ako umimik, biglang umayos at hindi na nakikipagharutan kay kuya
Andrei, tiningnan silang dalawa na nag-hubad ng damit hanggang sa ang natira na
saplot na lamang ay ang kanilang suot na two-piece na pampaligo. Marahil ay
talagang plano nilang maligo sa ilog. Ang nakatatanda na sa tingin ko ay mas
bata nang may apat na taon kay kuya Andrei ay kulay blue na terno ang suot, at
ang bunso na halos kaedad ko lang sa tingin ko ay may suot na kulay pink. At
ang si-sexy nilang dalawa, ang gaganda pa.
“Hi Andrei!” ang
sambit uli noong nakatatanda sa dalawa nang nakalapit na sila sa amin.
“Kumusta?” ang dugtong na tagalog bagamat halata sa tono na hindi ito sanay sa
salitang pinoy.
“I’m good. How about
you, Jane?” ang sagot ni kuya Andrei sa nakatatanda. At nakangiti si kuya
Andrei na parang nakakaloko lang.
“I’m okay! Magsalita
ka ng tagalog. Gusto kong matuto” sagot naman noong Jane ang pangalan. “And by
the way, this is my younger Sister, Michelle!”
“Hi Michelle! Nice to
meet you!” ang sagot ni kuya Andrei sabay pakikipagkamay niya. “And here’s my
little bro, Alvin!” muewestra ni kuya Andrei sa akin.
“Wow! He’s so
handsome, Andrei! Just like you!” ang papuri niya. At baling sa akin, “Kumusta
Alvin?” ang tanong niya na sinagot ko naman ng “Mabuti”. Pagkatapos, ang
bunsong babae naman ang nakikipagkamay sa akin sabay sabi ng “Hi!” na may
kasamang ngiti.
“Hi!” ang maiksi ko
ring tugon.
Iyon lang at hindi na
ako mapakali. Nakikipag-usap ang Jane sa kuya Andrei ko at hinawakan pa talaga
ang braso niya at hinila palayo ng kaunti sa amin na parang gusto niyang kami
rin ng kapatid niya ang mag-usap.
Syempre, hindi ko
naman alam kung ano ang gagawin ko sa babae eh. Ang alam ko lang sa mga babae
ay ang pagiging nanay nila, pagiging classmate nila sa klase, pagiging guro…
Hindi ko alam kung anong topic ang bubuksan. Alangan namang pag-uusapan namin
ang gulo sa Syria o ang palitan ng dolyar. Hindi rin puwedeng tanungin ko siya
kung ano ang square root ng 5 to the power of one thousand, o kung ano ang ibig
sabihin ng theory of relativity, o iyong anti-matter, o di kaya ay iyong bagong
tinatawag nilang god particles. “Sabagay, baka alam din niya kung ano ba talaga
ang adhikain ni Mahatma Gandhi at ang naging epekto nito sa mundo” sa isip ko
lang.
Ewan, bad trip talaga
ako sa biglang pagpasok ng dalawa. Pero pinilit ko na lang na magsalita. “You
speak Tagalog?” ang tanong ko na lang.
“A bit.” ang sagot
niya.
“So puwede akong
magtagalog?”
“Go ahead. I’ll try
my best to understand.” sabay tawa.
Natawa na rin ako
bagamat gumagapang na ang selos sa aking utak kina kuya Andrei at Jane. “S-saan
ka n-nag-aaral Michelle?” ang tanong ko pa.
“Ateneo?”
“Manila?”
“Davao.”
“Why not UP?”
“Mom chose it for
me.”
Ganoon lang ang mga
pinag-uusapan namin. Isang tanong, isang sagot. Hanggang sa hindi ko na talaga
natiis ang sarili sa selos at inis lalo pa noong nakita ko sina kuya Andrei na
pagkatapos ng biruan at tawanan ay tila natahimik na parang seryosong bagay na
ang pinag-uusapan. Kaya, “E-excuse me, Michelle, I remember there is something
I need to do at home.”
“Okay…” ang sagot
niya.
“Kuya! Mauna na ako.
May gagawin pa ako!” ang sigaw ko kay kuya Andrei.
“Ok tol… sabay na
ako!” ang sagot naman niya.
Sumunod naman talaga
siya. At noong nasa dalamapasigan na kami, dahil nga pareho kaming hubo’t
hubad, narinig ko ang pagtatawanan ng magkapatid.
Hindi ko sila
pinansin. Sa tindi ng selos at inis ko pa naman. Ngunit si kuya Andrei, nagawa
pang lumingon at nakitawa rin. Iniindayog pa ang puwet na parang nanukso.
Dali-dali akong
nagbihis. Gayon din si kuya Andrei. At noong malayo-layo na kami, doon ko na
siya tinanong, ang boses ay halatang pinipigil ang galit. “Anong pinag-usapan
ninyo???”
“Wala… noong nalaman
niyang sundalo ako at huminto na dahil sa pagkamatay ng mga magulang natin,
naawa siya, sa atin. Kaya nagshare din siya sa kanyang mga hinanakit sa mga
magulang dahil sa paghihiwalay nila.”
Hindi na ako umimik.
Nanaig pa kasi sa isip ko ang selos, at syempre, takot na baka madevelop o
mahulog na naman ang loob niya sa babaeng iyon na hindi lang mestisa, maganda
pa, mayaman, at mukhang liberated.
Siguro, naramdaman ni
kuya Andrei na nagselos ako kung kaya ay inakbayan niya ako. “Huwag kang
mag-alala, hindi ko na hahayaang masaktan pa ang utol ko.” sabay kurot sa aking
pisngi na parang nangigigil. “Hmmmm! Cute talaga nito!”
Pinalampas ko ang
pangyayaring iyon. Nakita ko naman na talagang hinabol ako ni kuya Andrei at
kung paano niya ako pinanindigan.
Ang buong akala ko ay
hanggang doon lang ang maranasan kong sakit. Ngunit isang araw noong umuwi ako
ng bahay upang maghanda ng pananghalian niya, pagbalik ko sa niyogan, habang
palapit na palapit na ako sa lugar bitbit ang inihanda kong pagkain, may
narinig akong tawanan.
Boses ni kuya Andre
at isang babae!
Bigla akong huminto
at nagtago sa isang puno ng niyog na di kalayuan sa kanila. At noong nasilip ko
na sila, si Jane pala ang babae at nakaupo silng dalawa sa damuhan na nilatagan
ng isang sapin, at sa harap nila ay mga pagkain. Mistulang kumakain silang dalawa.
At sa nakita ko pa sa reaksyon ni kuya Andrei, parang ang saya-saya niya.
Parang feeling ko talaga ay gustong-gusto niya rin na naroon si Jane. Para
silang magsing-irog kung tingnan.
Pakiwari ko ay isa
akong kandilang natutunaw sa aking nasaksihan. Nawalan ng lakas. Parang may
narinig akong bumulong sa aking isip at nag-utos na umuwi na lang at hayaan na
lang si kuya Andrei at ang babae sa kung ano man ang ginagawa nila.
Ngunit nilabanan ko
ang sarili. Humanap ako ng buwelo at pilit na iwinaksi sa aking isip ang aking
nakita. Nagpatuloy ako sa paglakad patungo sa kinaroroonan nila.
“Ay mabuti at nandito
ka na tol… hinihintay ka namin.” sambit ni kuya Andrei.
“How are you Alvin!”
ang pag greet naman sa akin ni Jane.
“I’m okay…” ang
maiksi kong sagot, binitiwan ang isang hilaw na ngiti. Parang nanliit naman ako
sa aking dala. Ang aming lagayan ng mga pagkain ay mga yari lamang sa lata at
ang kutsara ay lumang-luma na may mga gasgas at mumurahing klase samantalang
ang nakalatag na mga dala ni Jane ay mga babasagin pa, mga porselana, mga bago
na halatang mamahalin. May wine glass pa siya, may magandang pitcher na may
juice samantalang ang sa akin ay plastic na gasgasing pitcher na ang laman ay
tubig at ang baso naman ay plastic din na may batik-batik na dahil sa kalumaan.
At dagdagan pa sa ulam kong dala na talagang pang mahirap samantalang ang mga
ulam na dala niya ay may kare-kare, may fried chicken, may adobong baboy. At
may cake pa siya at ice cream!
“O sige, kain na
tayo.” ang sambit ni kuya Andrei habang binuksan ang lagayan ng mga inilatag
kong pagkain. Doon ko nalaman na hindi pa pala kumain si kuya Andrei, si Jane
lang pala ang kumain dahil nagugutom na raw ito.
“Waaahhh! Ang sarap
ng tinolang isda na may malunggay! Saan ka nakakuha ng isda tol?” tanong sa
akin ni kuya Andrei.
“May dumaan sa bahay
na naglako kaya tsamba na nakabili ako.”
“Sarap ng sabaw!”
“May sabaw din ng
baka na dala ko Andrei…” ang pagsingit ni Jane.
“Sige, sige. Tikman
ko rin iyan. Dito muna ako sa sabaw ng utol ko.” sabay naman kindat sa akin.
“Lika upo ka sa tabi ko tol.” dugtong pa ni kuya Andrei.
Naupo naman ako sa
tabi niya. At hinalikan pa talaga ako ni kuya Andrei sa pisngi, sa harap ni
Jane.
At noong binuksan pa ni
kuya Andrei ang isang lagayan ng ulam, “Hmmmm. Paborito ko, paksiw!” turo niya
sa ulam. At tiningnan ako.
Parang gusto ko ring
matawa sa kanyang sinabi. Kasi, ang ulam na iyon ay tira pa namin sa nakaraang
gabi at siya ang nagluto. At noong kumain na kami at natikman niya ito, ang
sabi kaagad niya ay, “Takte! Ang alat ng timpla ko tol! Pwe! Ayaw ko na niyan!”
Tawa ako ng tawa noon
kasi ako ang nagrequest na lutuin niya iyon dahil gusot kong makatikim ng
paksiw. Kaya hindi namin naubos iyon sa gabing nakaraan. At dinala ko iyon sa
kanya kasi gusto ko naman ang paksiw at mahilig ako sa maalat. At nagbakasakali
rin akong maubos iyon, hindi siya masayang.
In fairness din naman
kay kuya Andrei, ipinakita niya sa akin na talagang inubos niya muna ang inihanda
kong mga pagkain bago tumikim sa dala ni Jane na mga ulam na ang sasarap pa
naman. Pero konti lang ang kinain namin sa dala niya. Naiinis kasi ako.
“Tol… sila na pala ni
Jane ang may-ari ng niyogang sinasaka ng itay. Hindi ko akalain. Nagkataon
namang napadayo siya kung kaya ay bumalik siya at nagdala ng pagkain. May bahay
din pala sila d’yan sa di kalayuan o” turo niya sa itaas ng gulod. “Hindi lang
nakikita rito pero kapag nasa tuktok ka ng puno ng niyog, makikita mo ang bahay
nila. Ang ganda”
Tumango lang ako.
Ramdam ko kasi ang kirot sa aking puso. Naglalakbay din ang aking isip at
nagtatanong ng “Paano na lang kapag nasa eskuwela ako at ang kuya Andrei ko
lang ang naiiwan? Baka mangyari na naman ang kagaya ng dati?” mga ganyang
takot.
“Bagong tayo lang
namin iyan, since we bought this land. Maganda kasi sa taas, nakikita mo ang
kapaligiran. Masarap pa ang simoy ng hangin. Kaya parang retreat house na rin
namin, …” dugtong naman ni Jane.
“Pakialam ko…” ang
mataray kong bulong sa sarili.
Hindi ko talaga alam
ang aking gagawin sa sandaling iyon. At dahil feeling ko ay parang ako ang na
out-of-place, nagpaalam na lang ako. “Kuya… uuwi na lang muna ako. Ihahatid ko
lang itong mga lagayan ng pagkain at babalik din ako ha?” ang pag-aalibi ko na
lang.
“S-sandali. Puwede
namang mamaya na lang iyan sa pag-uwi natin, di ba?”
“M-may gagawin din
ako kuya eh. Ako na ang magpapakain sa mga alagang baboy at manok.”
“Dito ka muna tol.
Sabay na tayo… Sige na please???”
Nilingon ko si Jane
na nakatingin din sa akin. At para bang nabasa ko sa tingin niya na gusto rin
niyang iwanan ko talaga sila ni kuya Andrei. Ni hindi man lang ako pinigilan.
“No kuya… sandali
lang ako at babalik din, promise.”
“Babalik ka ha?”
“Opo.” Sagot ko,
sabay dampot sa mga gamit at pagkatapos ay dali-dali nang umalis, iyong bang
parang nagdadabog, pinigilan lang ang sama ng loob.
Halos magtatakbo na
ako sa pagmamadali upang makalayo lang sa kanila. Lalo akong naawa sa aking
sarili sa bagong nakakainis na sitwasyon. “Ano ba…??? Palagi na lang may babae
sa buhay niya! At parang gusto rin naman niya!”
At hindi ko
namalayang pumatak nap ala ang mga luha ko. Sa bilis kasi ng aking pag-alis at
sa tindi ng aking pagseselos, parang hindi lumapat ang aking mga paa sa lupa at
hindi ko napansin na nakarating na pala ako ng bahay.
Dali-dali akong
nagkulong sa kuwarto. Nag-iiyak. Hinid ko maiwasang manumbalik ang mga alaala
ng aming mga magulang at ang kagustuhan nilang magdugtong ang aming mga lahi sa
pamamagitan ng aming mga anak ni kuya Andrei. Habang iniisip ko iyon,
napagtagpi-tagpi ko kung bakit gusto nilang ipakasal ang mga anak namin ni kuya
Andrei. Dahil dahil hindi naman pala talaga kami tunay na magkapatid. At kahit
pa magmahalan kami ni kuya Andrei at hindi kami kasal, hindi rin naming maidugtong
ang aming mga lahi. At kung ganyang wala rin kaming anak, ano ang meaning ng
pagdugtong ng lahi?
At sa pagaanalisa ko
sa mga pangarap ng aming mga magulay ay tila nalinawan din ang aking isip.
Parang unti-unting napawi sa isip ko ang pagseselos. Pakiwari ko ay may
nag-udyok sa aking isip na sa tanggapin ko ang katotohanang kailangang
mag-asawa ng babae si kuya Andrei at ganoon din ako upang matupad lamang ang
kagustuhan ng aming mga magulang. Sa panig ni kuya Andrei ay walang problema.
Sa akin lang mayroon dahil bakla nga ako at mahal na mahal ko siya. Ngunit kung
masakit man, dapat siguro ay kakayanin ko, sa ngalan ng hiling ng aming mga
magulang. At siguro naman ay maintindihan din ako ni Brix…
Iyon ang takbo ng
aking isip habang nag-isa lang ako sa kuwarto at nagmuni-muni sa kalagayan
namin ni kuya Andrei.
Wala pang alas-dos ng
hapon, dumating na si kuya Andrei. Dapat sana ay alas 6 ang uwi niya. Ngunit
dahil siguro hindi ako bumalik kung kaya napaaga siya. “Tol!” ang pagtawag niya
sa akin.
“Nasa kuwarto ako
kuya…”
Dali-dali siyang
pumasok at syempre, maraming tanong. “Bakit hindi ka na bumalik? Antay nang
antay ako sa iyo? Anong nangyari sa iyo?”
“May bisita ka eh.
Nakakahiya naman, amo mo pa naman iyon…”
“Ah… ayaw ko ng
ganyan tol. Nagseselos ka, alam ko.” Ang tila pagdadabog niya noong napansin
ang pagseselos ko.
At doon na ako
tumagilid patalikod sa kanya. Totoo naman kasi. Natumbok niya. Nagseselos ako.
“Gusto mo ba siya kuya?” ang tanong ko bagamat nangingilid ang luha sa aking
mga mata.
“Ano ba iyang tanong
mo? Anong gusto?”
“Si Jane?”
“Ano ba namang tanong
iyan tol... Kaibigan, amo, oo.”
“I mean… naa-attract
ka ba sa kanya, sexy ba sya, maganda?”
“Tol naman… eh!
Babalik na naman tayo eh.”
“Kasi… type ka niya
kuya.”
“Sussss!!!”
“Nakita ko kayo bago
ako dumating, ang saya-saya ninyo. Para kayong magsisng-irog. Bagay na bagay
kayo kuya. Mayaman pa siya.”
“Narinig ko na ang
mga sinasabi mong iyan dati pa. Inirereto mo ako sa babae. At ano ang nangyari?
Ako rin ang sinisi mo sa bandang huli. Hindi ka pa ba natoto?”
“Iba ito kuya. Kasi
ito ang katuparan ng hiling ng ating mga magulang.”
“Ano?”
“S-sa iyo si Jane, sa
akin naman si Michelle…”
Kitang-kita ko ang
paglaki ng mga mata ni kuya Andrei. Hindi makapaniwalang nasabi ko iyon.
“Ano???!!!”
(Itutuloy)
Indian Nude Hot Desi 3x Sex Xxx 3gp mp4 HD Video Free Download
ReplyDelete»------------ European Sex (137)
»------------ Cumshot Sex (107)
»----------- Blowjob Sex (311)
»------------ Hot Sites (Ads)
»------------ Sex In Office (762)
»------------ Teen Sex (277)+7
»------------- Pornstar Sex (910)+10
»------------- Lesbian Sex (223)+22
»------------ Hardcore Sex (386)
»------------- European Sex (137)
»------------ Cumshot Sex (107)
»------------- Blowjob Sex (311)
»------------- Big Tits Sex (334)
»------------- Hot Sites (Ads)
»------------- Sex In Office (762)
»------------- Teen Sex (277)+7
»------------- Pornstar Sex (910)+10
»------------- Lesbian Sex (223)+22
»------------- Hardcore Sex (386)
»-------------- European Sex (137)
»-------------- Cumshot Sex (107)
»------------- Blowjob Sex (311)
»-------------- Big Tits Sex (334)
»-------------- Big Dick Sex (243)
»------------- Hot Sites (Ads)
»------------- Sex In Office (762)
»------------- Teen Sex (277)+7
»------------- Pornstar Sex (910)+10
»------------- Lesbian Sex (223)+22
»------------- Hardcore Sex (386)
»------------- European Sex (137)
»------------- Cumshot Sex (107)
»------------- Blowjob Sex (311)
»-------------- Big Tits Sex (334)
»-------------- Big Dick Sex (243)
»--------------- Asian Sex (148)