By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com
Pagkadating ni Prince
ay ikinuwento na rin ni mama ang tungkol sa tunay na pagkatao naming dalawa.
Niyakap rin namin si Prince dahil alalang-alala kami ni mama. Mabuti nalang at
natanggap rin ni bunso.
"Patrick, anak..
isa lang ang mapapayo ko sa iyo"
"Ano poi yon ma?"
"Sundin mo ang
inuutos ng puso mo. Huwag mong pairalin ang iyong utak. Kapag nagmahal ang
isang tao, ibinubuhos niya ang lahat kahit walang kasiguraduhan"
"Ano ang ibig
niyong sabihin ma?"
"Patrick! Piliin
moa ng taong makapagpapasaya sa iyo"
"Hay naku ma!
Ikaw na ang ikatlong tao na nagpayo sa akin niyan"
Tumingin ako kay
Prince at nakita ko namang ngumiti siya. Nginitian ko rin si Prince at
inakbayan.
"Bunso. Ang
galing mo nang magbigay ng payo"
"Syempre! Ako
pa!"
"Prince. Bunso!
Galingan mo sa biyernes ha?"
"Sure! Para sa
inyo ni Naks. Ay sorry!"
"Speaking of
Naks. Kuya, hindi mo pa rin ba siya nacontact?"
"Hindi eh.
Tinatawagan ko na siya kanina pa pero hindi ko macontact. Nagsend nalang ako ng
mensahe sa kanya. Sana mabasa niya iyon at bigyan niya ako ng pagkakataong
maipaliwanag ang saloobin ko"
"Tama iyan anak.
Suportado ko ang kasiyahan mo"
Pagkatapos naming
mag-usap ay kumain na rin kami. Pinagusapan rin namin ang magiging plano ko.
Itutuloy ko nga ba ang kasal? Bahala na. Basta isa lang ang hihilingin ko sa
Diyos. Kahit isang sinyales lang galing kay Naks. Iiwanan ko ang pinangarap na
buhay para lang sa kanya. Peksman!
Gumala kami buong
maghapon at ipinasyal namin si mama sa mga tourist spots dito sa amin. Umuwi
rin kami ng gabing iyon. Patuloy pa rin ako sa pagtawag kay Philip pero ganoon
pa rin. Hindi ko siya macontact. Doon na ako natulog sa room ni Prince at si
mama naman sa kwarto ko.
Kinaumagahan…
"Ma, alis na
kami ni Prince. Maaga pa ang kanilang practice at may class rin ako."
"Sige mga anak.
Mag-ingat kayo sa daan. Dito nalang muna ako. Makikipag kita rin ako kay
Jessice. Patrick hihintayin kita. Mas mabuting mag-usap kayo ni Jessica tungkol
dito."
"Bahala na ma.
Sisiputin ko naman siya sa kasal"
"Ha? Talaga
Kuya? Paano si Naks mo?"
Ginulo ko nalang ang
buhok ni Prince. (Bahala na. Basta! Isang sinyales lang sa iyo Philip)
Pagkadating namin sa
skul ay dumiretso na rin si Prince sa covered gym. Dumiretso na rin ako sa
class. 8AM na at absent pa rin si Philip. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit
hindi ko pa rin siya macontact. Nag-alala na talaga ako. Sisimulan ko n asana
ang aking class ng biglang may kumatok sa pintuan.
"Excuse
me!" sambit ng secretary ni Mrs. Cheng"
"Yes"
"Sir Sandoval,
pinapatawag po kayo sa office. Emergency po"
(Ha? Bakit? Ano kaya
iyon) sa isip ko lang.
"Class excuse me
for awhile. May emergency meeting lang kami. For the meantime, please review
your notes. I'll give a quiz afterwards"
Lumabas na ako ng
classroom at tinungo ang office ni Mrs. Cheng. Pagpasok ko ng office ay nagulat
naman akong naroon si Sir Silverio ang chancellor namin.
"Mr. Sandoval,
please have a seat"
Umupo ako ng biglang
nagsalita ulit si Mrs. Cheng.
"I called your
attention dahil emerge…" naputol na sambit ni Mrs. Cheng ng biglang
nagsalita si Chancellor.
"Mr. Sandoval!
How dare you!"
"Ha? Why
sir?"
"I went back
here at the soonest possible time! ipinagkatiwala ko sa iyo si Philip pero ano
ang ginawa mo?!" galit na sambit ni Chancellor
"What do you
mean Chancellor?"
"What do you
mean! I trusted you Patrick!"
Magsasalita pa sana
ako ng ipinakita ni Chancellor ang litratong kinuha niya. Sigurado akong kay
Philip iyon. Nagulat lang ako dahil
maraming sugat ang tinamo ng kanyang forearm. Pero ang mas ikinagulat ko
ay ang mga salitang "PATRICK SANDOVAL.. BAKIT?"
"Don't you know
that my son nearly died?"
Napatayo ako sa
kinaroroonan ko dahil sa balitang iniabot ng Chancellor, ang ama ni Philip.
"Sir I didn't do
anything?"
"Oh really! I
know everything! I know there is something between you and my son!"
"Chancellor..
let me exp…" naputol kong sambit ng biglang nagsalita ulit si Chancellor
"Kaisa-isang
anak ko lang si Philip. Kaya nga pinauwi ko nalang siya dito sa pilipinas dahil
muntik na rin siyang mawala sa akin noon. OO aaminin ko, alam kong ganyan si
Philip at tanggap ko iyon. Pero natatakot ako nab aka mangyari sa kanya ulit
ang nangyari noon. Binigo mo ako Mr. Sandoval!"
"But
Chance.."
"Stop it! I
don't want to hear any of your excuses! See the HR department and submit your
resignation letter asap!"
Lumabas si Chancellor
sa office ni Mrs. Cheng. Umupo ako at natulala. Hindi ko alam kung ano ang
gagawin ko ng nagsalita si Mrs. Cheng
"Mr. Sandoval,
pasensya na. pilitin ko mang ipaliwanag ang lahat kay Chancellor pero wala
akong kaalam-alam dito. You disappoint me. Of all, student mo pa! Ang mas
masaklap Mr. Sandoval anak pa ni Chancellor! I need your resignation at my
table tomorrow!"
"Pero Mrs.
Cheng. Hindi mo naiintindihan"
"Gusto kitang
tulungan para diyan pero wala na akong magagwa. Dean lang ako. Chancellor ang
kinontra mo"
"But Mrs. Cheng
wala naman tala…" naputol kong sambit ng nagsalita ulit si Mrs. Cheng
"I'm sorry
Patrick."
"Okay Mrs.
Cheng. Sorry if I disappoint you, kung pinakinggan lang sana ni Chancellor ang
side ko."
"I'm so sorry
Patrick Sandoval"
"Okay lang po
Ma'am. Sige po ma'am aalis na po ako"
"By the way,
before you leave Mr. Sandoval. Please kahit papaano, umattend ka na ng
acquaintance party bukas"
"Sige po ma'am.
I'll try. Hindi naman po mababago ang desisyon ni Chancellor kahit umattend pa
ako ng acquaintance party"
Lumabas na ako ng
office ni Mrs. Cheng. Masakit para sa akin ang natanggap na balita. Sunod-sunod
ang mga masaklap na pangyayari. Una, nawala bigla si Philip, pangalawa,
ikakasal na ako sa sabado, pangatlo, hindi ko pala tunay na ama si papa,
pang-apat, muntik ng mamatay si Naks at ang huli, pinareresign na ako.
Siguro nga ito ang
sinyales na ibinigay sa akin ng Panginoon. Mas tama na nga sigurong
magpapakasal na lang ako kay Jessica at hanapin ang aking sarili sa Americe.
Masakit man isipin at tangapin pero ito na ang tadhana ko.
Bumalik ako sa
classroom at kahit papaano ay pinagpatuloy ko na rin ang exam. Pagkatapos ng
exam ay pumunta na ako ng faculty room. Gumawa ako ng resignation letter at
ibinigay kay Mrs. Cheng. Ibinigay ko na rin ang mga records ng students.
Bumalik ulit ako sa faculty room at kinuha ang mga gamit ko. Bago pa naman ako
umalis ng faculty room ay pinagmasdan ko ang bawat sulok nito. Naalala ko tuloy
ang mga kagaguhan na ginawa namin ni Philip. Pumasok ako sa comfort room at
naalala ko rin ang nagyari noon. Natawa ako at napaluha rin.
Lumabas ako ng
faculty room at nakasalubong ko si Prince.
"Kuya? Bakit ka
umiiyak?"
"Prince.
Pinareresign na ako"
"HUH!
BAKIT?!"
"Nalaman na ni
Chancellor ang lahat-lahat"
"SHIT! Paano
niya nalaman kuya?"
"Muntik ng
magpakamatay si Philip, bunso"
"Hah? Ano ang
nangyari Kuya?"
"Hiniwa ni
Philip ang kanyang forearm, ang masaklap lang kasi ay iginuhit niya ang
pangalan ko. Kaya iyon tuloy, akala ni Chancellor, ako ang dahilan ng kanyang
pagpapakamatay"
"My GOD! Asan na
si Philip? Asan si Chancellor, ako ang magpapaliwanag"
"Huwag na
Prince. Hindi nga ako pinakinggan ni Mrs. Cheng at ni Chancellor. Ikaw pa ka ya
na estudyante lang"
"Kahit na Kuya.
Paano iyan? I'll quit then!"
"HUWAG! Okay
lang ako. Siguro ito ang sinyales na ibinigay ng Diyos sa akin bunso. Mali nga
talaga ang Bawal na Pag-Ibig"
"Hindi KUYA!
Walang mali diyan! Nagmamahal ka at alam natin na mahal ka rin ni Philip!"
Kinuha bigla ni
Prince ang phone ko at sinubukang tawagan si Philip pero nabigo rin siya. Hindi
macontact si Philip.
"Kuya! Hindi
pwede. Hindi tama to! Alam kong nagkamali lang si Chancellor ng akala!"
"Sige na Prince.
Hayaan mo nalang sila. Pagbutihin mo nalang ang pag-aaral mo. Tutulungan
kita."
"Kuya. Sasama
ako sa iyo. Kung magreresign ka, eh di aalis na rin ako. Kukuha na lang ako ng
ibang kurso sa ibang skul"
"NO! Don't do
that! Mas lalong akong magagalit!"
"Pero Kuya"
"Wala ng pero,
pero Prince! Please.."
Hindi na rin
nagsalita si Philip. Umalis na rin kaming dalawa sa skul. Hindi na rin siya
pumasok ng class niya sa hapon. Ikinuwento ko rin kay mama ang balitang
natanggap ko. Mabuti na lang at hindi ako pinabayaan ni mama.
Umalis kami ni mama
at prince. Nakipagkita kami kay Jessica.
"Honey! I miss
you so much!" sambit ni Jessica at niyakap niya ako.
Niyakap ko rin siya.
Hinalikan niya ako sa bibig at kitang-kita ko naman reaksyon ni Prince na
parang masusuka. Kaya sinapak ko siya sa ulo.
"Aray! Hmmmm.
Sapakan marathon na!"
"I miss you too
honey" matamlay kong sagot
Tumingin ulit ako kay
Prince at umakting ulit na parang masusuka kaya lumanding ulit ang kamay ko sa
ulo niya.
"Are you ready
on Saturday honey?"
"Ah……"
"Honey? Ready ka
na ba sa sabado?"
"Yes
honey…"
"Oh, bakit
parang ayaw mo"
"Hindi honey.
Pagod lang ako"
Sinabi ko na rin kay
Jessica na nagresign na ako at ikinatuwa naman niya ngunit hindi ko na
ikinuwento ang dahilan ng pagresign ko. Mahirap na at baka magkaproblema pa.
Pero kahit ganito, masakit pa rin sa akin ang mga hakbang na ginagawa ko. Hindi
pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari. Nagalala pa rin ako kay Philip. Wala
na akong pakialam kung nawalan ako ng trabaho, mas importante sa akin gang
kalagayan ni Philip. Nasa ganoon akong pag-iisip ng bigla namang nagsalita ulit
si Jessica.
"Honey.. ano baa
ng nangyayari? Parang wala ka naman sa sarili eh"
"Wala hon,
napagod lang talaga ako"
"Eh gusto mo,
umuwi nalang tayo?"
"Ha?"
"PATRICK! Ano
ba?!"
"Sorry
Honey"
"Hay naku!
Nakakainis naman. Pero okay lang, na miss kita kasi eh!"
"Hon, pwede bang
umuwi nalang tayo? Napagod kasi ako"
"Gusto mo doon
ka nalang sa hotel?"
"Ha? Sorry Hon
walang kasama si mama at Prince"
"Ganoon? Okay.
By the way, naka ready na ang lahat. Ipinadala ko na rin ang susuotin mo sa
sabado."
"Okay…"
"Hmmmmmmmmmmm.
Bahala ka na nga honey!"
Lumabas na kami sa
restaurant at hinatid ko na rin si Jessica. Gusto pa sana niyang doon na ako sa
hotel pero mabuti nalang at nakahanap ako ng alibi. Kaya pumara na kami ng taxi
at umuwi na sa apartment.
"Hay naku Kuya!
So YUCKY!"
Sinapak ko ulit si
Prince
"KUYA NAMAN!
Mama si Kuya hu. Ginagawa akong punching bag!"
"Prince, maiba
lang ako, bukas na ang contest. Ready ka na ba?"
"Well, kahit
ngayon pa!"
"Lakas ng loob
mo tol!"
"Hindi k aba
manonood Kuya?"
"Ano kaya sa
tingin mo? Gusto mo bang masipa pa ako doon?"
"Okay! But I'll
assure you Kuya na mananalo ako!"
"Mabuti naman!
Siguraduhin mong hindi ka papalpak sa interview!"
"Hahahaha! Given
kaya lahat na questions!"
Itutuloy…
No comments:
Post a Comment