Thursday, December 27, 2012

Love Me Like I Am (09): Book 1

by: White_Pal

Part 9: "Secret Of The Past"

Pagbabang-pagbaba namin ay inakyat ni Manong Driver at ng iba pang mga kasambahay sa mansyon namin ang gamit namin ni Kuya Jared. Habang nag-iikot kami sa bahay.

KUYA JARED: “Ayos talaga tol ang bahay niyo na ito!! Ang laki-laki! Parang palasyo.”

AKO: “Malaki nga BULOK naman! Antique style.”


KUYA JARED: “Oh.. Ehh ano naman? At least may bahay nuh kesa sa amin ng nanay na nasa maliit na paupahan lang.”

AKO: “Ohh.. Wag mong maliitin ang sarili mo. Walang masama kung nangungupahan lang kayo.”

KUYA JARED: “Hindi.. Sinasabi ko lang sa iyo na kayo, may bahay kayo na parang palasyo samantalang kami nangungupahan lang. Kaya dapat wag mo ng pintasan na bulok.”

AKO: “Sinabi ko lang na bulok para magtigil ka dyan sa kakasalita mo na MALAKI ANG BAHAY dahil hindi ako kumportable sa mga papuri na ganyan.”

KUYA JARED: “Sus.. DI RIN!”

AKO: “Di rin talaga..”

Pag-akyat namin ng kwarto..

AKO: “Whew!! Kakapagod na byahe!!” sabay higa sa kama.

KUYA JARED: “Hoy! Hilata ka nanaman! Kaya ka chubby ehh.”

AKO: “Chubby ka dyan, Hoy! Pumayat na kaya ako nuh.”

KUYA JARED: “DI rin.. tingnan mo nga yang bilbil mo oh..”

AKO: “Tarantado, wala akong bilbil.”

KUYA JARED: “Eh anong tawag mo dyan?” sabay kurot sa kay tiyan ko.

AKO: “Takte ang sakit!” sabay hawak ng kamay niya at pilipit dito.

Pagkatapos kong pilipitin ang kamay niya, nakawala ito gawa ng mas malakas siya sa akin. Pagkatapos nuon, naghabulan kami at nag-wresting hanggang sa naibagsak niya ako at nailock. Sa taas ba naman niyang 6 feet ay talong-talo ang height ko na 5’4 lang, idagdag pa ang muscles sa braso niya plus ang six pack abs.

KUYA JARED: “ANo laban pa ha? Sinong Tarantado?” ang sabi niya na parang nagbabanta.

AKO: “IKAW!!” ang malakas kong sagot na may pang-iinis.

At diniin pa niya lalo ang kamay niya sa braso ko. Kahit ganoon siya katangkad at kalakas, sinubukan ko pa ring pwersahing itulak siya papalayo ngunit ayun.. EPIC FAIL!! Pero.. may naisip akong paraan, WISE ATA AKO!! Nyahahaha!!

AKO: “Aray!! Sobrang diin nung kamay mo!! Ang sakit na ng braso ko!

Ngunit hindi ako pinansin, walang pakielam.

AKO: “Ahh! Shit!! Yung TTTOOOOTT ko nadidiinan mo na, parang mababasag!!” ARAY!!! Ang pagsisigaw ko.

KUYA JARED: “Ay sorry tol..” sabay kalas sa akin ngunit naka-dagan pa rin ng konti.

Bigla ko siyang tinulak ng buong pwersa at bumagsak siya sa sahig.

KABBBLLLAAAGG!!!! Naku! Napalakas ata!! Tsk!!

AKO: “Kuya, ok ka lang ba ha??” ang bigla kong pagtayo at pagtanong.. hehe..

KUYA JARED: “PUtangina mukha ba akong Ok ha??”

AKO: “Sorry..”

KUYA JARED: “Gago, masakit yun.” Sabay hawak sa leeg ko at diniin sa semento.

AKO: “Aww!! Tangina, masakit arrraay!!”

KUYA JARED: “Ano? Ha? Laban ka pa?? Ha?? HA!?!??” ang tanong niya na nang-bubwisit.

AKO: “Ayoko na!”

Bago pa man ako bitiwan ni Kuya Jared ay biglang bumukas ang pinto sa may dressing room ng kwarto at..

ELY: “Hoy Papa Jared!! Pinapatay mo na si bebe Gab!!”

KUYA JARED: “Hehehe.. Joke lang naman namin ito nuh.. Laro-laro lang.” at bigla siyang kumalas sa akin.

ELLA: “Hindi rin.. hehehe..”

AKO: “WAaaaahh!!!! Anong ginagawa niyong dalawa dito?? AT bakit kayo nandito??”

ELY: “Bakit masama ba bebe Gab?? Inawat ko na nga si Papa Jared ohh..”

AKO: “Hindi naman.. Teka nga, sagutin niyo yung tanong ko.. BAKIT KAYO NANDITO NI ELLA?”

ELY: “Inimbitahan kasi kami ni Papa Jared dito. Kaya ayan.. NANDITO KAMI!! Nyahaah! Simple as that bebe Gab. Di ba Papa Jared?” sabay ngiti na parang nagpapa-cute hehehe.

KUYA JARED: “Tama.. Inaya ko silang dalawa ni Ella para naman mas Masaya tayo.”

ELY: “Yippeee!! It’s Gonna be fun!!”

AKO: ”Sus hindi niyo man lang sinabi.”

ELLA: “Kaya nga surprise ehh.”

ELY: “TAMMMAAA!!!”

AKO: “Teka nga! Kanina pa ba kayo dyan?”

ELY: “Actually, Oo hinihintay ka nga namin na pumasok ka sa loob ehh ang kaso, mukhang hindi ka na makakapasok dahil papatayin ka na ata ni Papa Jared. Kaya ayun! Lumabas ako, para naman kahit tuluyan ka na ni Papa Jared, ay masilayan mo pa rin ang kagandahan ko nuh.”

AKO: “Baliw..”

ELY: “Oh my GOD!! Speaking of kagandahan, mag-lalagay lang ako ng make-up ha?” sabay kuha ng make-up sa bag.

AKO: “Ely!! Ano ba yan? Ang kapal-kapal na ng make-up mo tapos lalagyan mo nanaman!!”

ELY: “Bakit ka ba nangengeelam bebe Gab? SEEE?? Ang ganda ganda ko ehh ohh..” ang sabi niya habang naglalagay ng make-up.

AKO: “Hindi rin..”

ELY: “Hay naku Gabriel, kahit tanungin mo pa kay Papa Jared, ang sasabihin niyan is MAGANDA AKO!! Hahaha!!” sabay tawa ng malakas.

KUYA JARED: “Oo Maganda ka.”

ELY: “See?? I’m Beautiful..”

KUYA JARED: “Maganda ka kesa sa kabayo. Hahaha!!” sabay apir sa akin.

ELY: “Putangina niyong dalawa!! Hay nakuo!! Mag best friend nga kayo.”

AKO: “Talaga..”

KUYA JARED: “Forever and Ever.”

ELY: “YESSS! Gumaganon!! Grabe, kakaloka ha!! Hhmmm..”

ELY (ulit): “I smell something.” Ang mahina niyang sabi.

AKO: “Anong something Ely??” ang bigla kong pagtatanong sa kanya.

ELY: “Huh?? May sinabi ba ako?” ang pagmamaang-maangan niya.

AKO: “Oo meron..”

ELLA: “Anyway, tara na labas na tayo. Let’s have some fun!!” ang natutuwa niyang sabi.

AKO: “Tama.. Hindi yung puro bunganga ni Ely ang nadidinig natin. It’s no FUN.”

ELY: “Ewan ko sa iyo bebe Gab.. Baliw ka talaga!! Sige na, GORABELLS na tayo!!”

Sa loob ng limang araw na pagbabakasyon namin sa lupain, naging Masaya at magandang experience eto. Andyan yung nagsswiming kami sa swimming pool, tapos kung trip naming pumupunta kami sa bayan at pinupuntahan ang kung anu-anong stores at ewan ko ba hehehe. Sinubukan naming ikutin ang buong lupain kaso, sobrang laki nito at kulang sa oras. Naging maayos ang limang araw na pag-stay namin ngunit sa ika-anim na araw, habang naka-upo kami sa burol na dating pinagtatambayan namin..

AKO: “Sana lagi na lang ganito nuh?”

KUYA JARED: “Ano yun??”

AKO: “Ganito.. Walang problema, masaya.. Haayyy..”

KUYA JARED: “Ang dami ng nagbago dito lugar niyo.”

AKO: “Talaga?”

KUYA JARED: “Oo..”

AKO: “Ahh..”

KUYA JARED: “Pero ang hindi nabago ay itong lugar natin.” ang tukoy niya sa burol na inuupuan namin ngayon at tambayan namin dati.

AKO: “Talaga??”

KUYA JARED: “Oo.. Parang tayo, hindi pa rin nagbabago.. BF pa rin..” sabay ngiti.

AKO: “BF!?!?!” ang gulat kong tanong.

KUYA JARED: “Best Friend..”

AKO: “Aaahhhh.. Ahehehehe..” ang nasabi ko na lang sabay tawa at tumawa na lang din siya..

Maya-maya napag-pasyahan na naming umuwi dahil mag-gagabi na. Ngunit adik talaga itong si Kuya Jared, imbis na yung malapit na daan ang daanan naming pauwi ay ibang rota ang dinaanan namin para adventure daw. Hehehe..

Habang nag-pauwi..

AKO: “Kuya, malayo pa ba tayo?”

KUYA JARED: “Malapit na.. konti na lang..”

AKO: “Putcha naman saan mo ba kasi ako dadalhin ha??”

KUYA JARED: “Basta.. Sumunod ka na lang.”

AKO: “Sigurado ka ba na dito talaga ang daan?? Kasi gubat na kaya ang lugar na ito.”

KUYA JARED: “Ang kulit mo rin eh nuh? Puro ka dakdak dyan, SUMUNOD KA NA LANG!! Hindi ka mapapahamak.”

AKO: “Naku!! Ehh may walong taon na rin kaya ang nakakaraan simula ng dito tayo nakatira, naaalala mo pa ba yun?”

KUYA JARED: “Ang kulit mong tao ka, sumunod ka na lang adventure ito. At tsaka itikom mo nga yang bunganga mo. Para kang si Ely ehh..”

AKO: “Di rin!! Si Ely, Machine Gun at Armalite ang bunganga nun.”

KUYA JARED: “At ikaw ano naman? Ha? BAZOOKA?? Hahaha!!”

AKO: “Gago! Pistolt lang ako nuh.”

KUYA JARED: “Di rin.. Bazooka ka.”

AKO: “Di rin.. HINDI RIN!” sabay malakas na sabi nun na parang nang-iinis.

KUYA JARED: “Kulit mo talaga!” sabay kurot ng madiin sa pisngi ko.

AKO: “Arraaayyy!! Masakit!!”

KUYA JARED: “Oo kaya tumigil ka na. Dahil hindi lang yan ang kukurutin ko sa iyo sa susunod.” Sabay ngiting nakaka-gago.

AKO: “At ano naman yun?”

KUYA JARED: “Hahaha!! Basta!!”

AKO: “Ano nga??”

KUYA JARED: “Yang singit mo!! Hahaha!!” ang malakas niyang tawa.

AKO: “Tarantado ka talaga!! Sige, subukan mo lang at pipisakin ko yang itlog mo.”

KUYA JARED: “Hahaha!! Gago ka rin ehh nuh? Sige.. Pisakan pala ha!” sabay ngiting nakaka-gago.

AKO: “Talaga..” sabay pigil na tawa.

Pagkauwi naming ng bahay...

AKO: “Manang, nandito nap o kami si Ely at Ella po nasaan??”

MANANG: “Ay sir! Nagpunta pos a bayan nag-shopping daw po ata.”

“Siya na ba yun??” ang tanong ng isang matandang babae.

MANANG: “Ahh Oo, siya po si Sir Gabriel.”

ALING CECILIA: “Ay Sir Gabriel! Magandang umaga po! Malamang hindi niyo na po ako naaalala ako po si Cecilia ako po ang dating katulong dito.”

AKO: “Ahh.. magandang umaga po..”

ALING CECILIA: “Ay ang laki-laki mo na, huling ko kayong nakita noong kakambal niyo ay isang taon pa lang kayo..”

AKO: “Teka po Aling Cecilia, Nagkakamali po kayo. Wala po akong kakambal, nag-iisang anak po ako.”

At agad namang hinatak ni Manang si Aling Cecilia palayo. At nag-usap sila sandali.

Nagulat ako sa mga nadinig ko. Kambal? Ako may kakambal?? Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Naguguluhan na nagtataka. Kung may kakambal nga ako nasaan siya? At bakit hindi ko alam na meron pala at bakit hindi sinabi ni Mama sa akin.

Maya-maya..

MANANG: “Ahh ehh sir, pagpasensyahan niyo na po si Aling Cecila ahh.. ehh..”

AKO: “Manang, Aling Cecilia, tapatin niyo po ako.. May kakambal po ba ako? May kapatid ba ako??”

MANANG: “Wala..”

ALING CECILA: “Malaki na ang bata at palagay ko oras na para malaman niya ang totoo..”

MANANG: “Pero kabilin-bilinan nila Sir—“

ALING CECILIA: “Hindi anak maupo ka (tukoy niya sa akin..). Kailangan malaman na niya ang katotohanan.. Sabihin mo natin..”

MANANG: “Sige..”

ALING CECILIA: “Gabriel, anak, meron kayong kakambal, babae. Sa katunayan ay tatlo ang anak ni Ma’am (mama ko..). Isang babae, dalawang lalaki. Namatay ang isang lalaki at isa ay nabuhay, kayo po iyon at kasama niyo nabuhay ang kakambal niyo ding babae. Yun lang ang alam ko anak.”

AKO: “Pero, bakit wala akong kilalang kapatid? Ang laam ko ay nag-iisang anak ako.”

MANANG: “Sir, hindi na naming alam kung ano ang nangyari sa kapatid niyo. Sa tuwing tinatanong naming sila Ma’am ay hindi ito sumasagot kaya naman hindi na naming sila kinulit pa..”

Hindi ako makapaniwala sa nadinig ko. Tumayo ako ng walang paalam at nagpunta sa may waterfalls na nasa may bandang likod lang ng bahay.

“Bakit nila linihim sa akin?? Nasaan ang kapatid ko?? Bakit wala silang sinabi tungkol dito??” yan ang tanong na bumabagabag sa isip ko at bigla ko na lang napansin si Kuya Jared sa tabi ko. Sumunod pala siya. Hindi siya umimik, at hindi din ako umimik.. maya-maya..

AKO: “Kuya, hindi ko alam ang gagawin ko.”

KUYA JARED: “Bakit kaya hindi mo tanungin ang mama’t papa mo?”

AKO: “Ewan ko.. Hindi ko alam kung paano ko sila kokomprontahin tungkol dito. Hindi ko na alam..”

Tahimik..

KUYA JARED: “Gab, tutulungan kitang hanapin ang kapatid mo. Kagaya ng naipangako mo sa akin na tutulungan mo ding hanapin ang kapatid ko.”

AKO: “Salamat kuya.. Pero may hihingin lang akong pabor sa iyo..”

KUYA JARED: “Ano iyon?”

AKO: “Sana hindi mo na banggitin kina Ella at Ely ito.”

KUYA JARED: “Of course..”

AKO: “Salamat..” at ngumiti na lang ako na ginantihan din niya ng ngiti.

KUYA JARED: “Hhhhmm.. Since this is our last night in this place, tara swimming tayo diyan.” Turo niya sa waterfalls.

AKO: “Huh? ANg lalim kaya niyan!! Ayoko!! Di ako marunong lumangoy nuh at baka ikalunod ko pa yan.”

KUYA JARED: “Akong bahala sa iyo.”

AKO: “AYoko!”

KUYA JARED: “ok sige.. alis na ako..”

Pagkatayo niya ay bigla niya akong tinulak sa ilog.

KUYA JARED: “Hahahaha!!!” ang tawa niya na nang-iinis.

AKO: “Putek!! Kuya di ako marunong lumangoy!!”

Nag-dive siya sa tubig at yinakap ako.

KUYA JARED: “Ayan.. Malulunod ka pa ba niyan? Ngayong nandito na ako at kasama mo?” sabay ngiti na nakaka-gago.

AKO: “Gago ka talaga ehh nuh?? Papatayin mo ata ako ehh..”

KUYA JARED: “Gago pala ahh.. Ohh sige!! Iwan kita dyan, Bye.” Sabay kalas sa pagkakayakap sa akin.

Akmang papalayo na siya ay hinawakan ko ang kamay niya at sabay hatak dito.

AKO: “Wag mo akong iwan..” ang pagmamakaawa ko.

KUYA JARED: “Oh? Akala ko ba G-A-G-O ako?” pag-emphasize niya sa gago.

AKO: “Eh kasi naman ehh.. Basta wag mo akong iwan..”

KUYA JARED: “Ohh sige hindi na po.”

AKO: “Bakit may Po??”

KUYA JARED: “Wala.. para magalang.. bakit? Gusto mo bastusan?”

AKO: “Pwede rin..” ang sagot ko na nakakaloko.

KUYA JARED: “Ahh Ganon?? Ganon??” sabay kiliti sa akin.

AKO: “Putek ka wag mo akong kilitiin dito!!!”

KUYA JARED: “Hahaha!!”

Maya-maya pagkatapos naming magkulitan at kung anu-ano pa man, nagpunta kami sa ilalim ng waterfalls. Habang nandoon kami, out of nowhere ehh kumanta si loko ng...

“The smile on your face
Lets me know
That you need me
There's a truth
In your eyes
Saying you'll never leave me
The touch of your hand says
You'll catch me
Whenever I fall
You say it best
When you say
Nothing at all”

Pagkatapos niyang kantahin ang line na yun,

AKO: “Ayyyiieeeee!!! Kanino mo naman dinededicate yan ha??”

Imbis na sagutin ang tanong ko, ngumiti lang siya na nakaka-gago at nakaka-loko.

AKO: “Kanino nga??” ang sigaw ko.

KUYA JARED: “Wag mo na tanungin.. Basta..”

AKO: “Naku!! Tsk!! Siguro dinededicate mo yan sa love mo nuh?? Ayyiiieee.. Ikaw ha di ka nagsasabi sa akin.” Ang pangungulit ko sa kanya sabay kiliti na rin hehehe.

KUYA JARED: “Tumigil ka nga dyan.. BASTA!” ang sagot niya na naiirita sa akin.

AKO: “Ay suuuss naglilihim pa.. Siguro kay Ely mo dinededicate yan ano? Hehehe.”

KUYA JARED: “Hindi ahh..” ang sigaw niya.

AKO: “Waaahhh!! Denial ka pa!! Sige.. sasabihin ko yan.” Akmang papaalis na ako sa kinauupuan namin.

KUYA JARED: “Sige umalis ka. Tingnan natin kung makakalangoy ka. Hahahaha!!”

“Ngapala!! Tsk!! Kainis!!” ang nasabi ko sa isip ko.

AKO: “Hay naku!!”

KUYA JARED: “Bahala ka dyan.” sabay lusong paalis.

AKO: “Kuya!! Tulungan mo ako dito!!”

KUYA JARED: “Basta promise mo na wala kang babanggitin sa kanila tungkol dyan sa iniimbento mong kwento. Dahil kapag nagsalita ka, MAGKALIMUTAN NA!” ang pananakot niya.

AKO: “Waaahhh!! Ok sige sige.. Promise.. hindi ko na sasabihin yun.”

KUYA JARED: “Dapat lang dahil hindi naman totoo yun. Hindi siya ang mahal ko nuh.”

AKO: “Ehh sino nga ang mahal mo?” sabay ngiti na nakakaloko.

KUYA JARED: “Ahh ganon? Nagtatanong ka pa rin? Edi sige bahala ka dyan!”

AKO: “Hindi na po!! Hindi na!!”

Kinagabihan, tulog na ang lahat samantalang ako ay gising pa rin at iniisip ang nalaman kong sikreto. Hindi ko talaga alam kung paano ko haharapin ang mga magulang ko. Ang mga tanong sa isip ko ay: “Nasaan ang kapatid ko?? Saan siya nakatira??” Iniisip ko din kung nakasalubong ko na siya ngunit hindi ko laam kung siya na iyon. Haaayyy ewan!!
Pagkatapos noon ay sinubukan kong matulog ngunit hindi ko magawa kaya.. Tinitigan ko na lang ang mahimbing na pagtulog ng mahal ko, ESTE!! Best Friend ko pala. Ano ba yan Gab!!! Bakit mo ba nasasabi yan ha?? BAD!! Friends lang kayo ok ha? At tsaka bawal yang sinasabi mo. Kaya wag!! Hindi tama!! Magtigil ka!! At hindi totoo yang mahal mahal na yan ahkey ba Gab?

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


gabbysjourneyofheart.blogspot.com

No comments:

Post a Comment