by: Dylan Kyle
At nagsimula na ang pakulo namin.
Hahahha. Sinabi ko sa kanila na mag handa na sila. Isang sigaw ang babagabag sa
kanya at mag dudulot nito na pumasok siya sa bahay. Kaya 1, 2, 3 and 4...
sigaw...
“
aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh”
at narinig ko ang pagmamadali niya sa
pagpasok ng gate at ng pinto. At pagbukas niya ng pinto. Biglang buhay ng ilaw
at.... “
SURPRISE”
sigaw naming lahat. Nakita naman ang
pagkagulat ni Ryan. Nakita ko rin ang pagkamangha niya.
“Happy Birthday!” yan ang sabay sabay
naming sinabi sa kaniya.
“Woah... grabe... kinabahan ako dun sa sigaw
tapos ganito. Kakaiba.... Salamat ng marami... sinong nakaisip nito?” tanong
niya. Punong-puno pa rin siya ng shock
“Sino pa ba? Eh yung pinakamamahal mo.
Pinaghandaan niya ito. Kinuntsaba niya kami...” sabi ni Annie.
“Wow naman.... halika nga mahal ko...”
lumapit ako sa kanya at niyakap niya ako.
“Salamat ng marami.. you made my
birthday worth it..... at may patawag tawag ka pa ha.... naku naku naku... iba
ka talaga...”
“Ako pa ba? Lahat gagawin ko.. pati I
want to make your birthday special...” sagot ko.
“Happy birthday anak...” sabi ng mama
niya.
“Ma.... I was surprised... pati kayo
nandito....” sabi nito.
“Naman.. ako pa ba anak. Kinausap ako ng
boyfriend mo. Kaya pasalamat ka ha.”
“Naku... wala na nga akong mahihiling
pa sa kanya... salamat sa pagpunta ma ha...”
Naging maayos ang pagdaraos namin ng
birthday niya. Nanjan sila mama, papa, si kuya, sila Anthony at Rona, mama
niya, at marami pang iba. Natuwa siya ng sobra sa surprise party ko na labis
niyang ikinamangha.
“Mahal... I love you so much.. you
make me happy sa ginawa mo... mahal na mahal kita..... ang special special
tuloy ng tingin ko sa sarili ko kasi nanjan ka. I love you from the bottom of
my heart.”
“Ganyan kita kamahal. Sana maging
memorable ito para sayo ha. I love you always.”
"Oo memorable ito."
"Sinuklian ko lang yung mga
ginawa mo sa akin."
"Oo alam ko. at isa pa, hindi ako
humihingi ng kapalit.... sapat ng nandyan ka sa tabi ko.."
"aNG SWEET MO..."
"Mas sweet ka..."
"I know right"
Kumain kami ng kumain. Nag party kami.
Nakita ko ang kasiyahan sa mukha niya kaya nakontent na ako. Ang saya-saya ko.
sana lagi na lang kaming ganito. walang problema na iniisip at laging okay.
"Mahal ko, salamat kanina
ha." sabi niya pagdating ng bahay namin.
"Walang anuman. Just for
you." pinulupot ko ang kamay ko sa batok niya.
Hinila naman niya ang bewang ko
papalapit sa kanya. Hinawakan ko ng isang daliri ang ilong niya pababa hanggang
sa labi niya. Ginawaran ko naman siya ng halik sa labi at niyakap ko siya.
"Ang swerte ko talaga
sayo..."
"Mas swerte ako.."
"Oo alam ko..."
"Wushu."
"Mahal ko..."
"Oh bakit?"
"Pwede ba?"
"Na alin?"
"Isa pang gift?"
"At ano naman yun?"
"Alam mo na." bigla niya
akong kinindatan.
lumapit ako sa kanya at hinatak siya
papunta sa akin. "For you..." bigla ko siyang hinalikan at para naman
siyang nanggigil sa akin.
Alam na ninyo kung ano ang nangyari.
di na dapat specify. Censored.. ahahahah
Makita ko lang masaya siya, okay na.
Naging masaya ang puso ko ng makita ko ang labis na ngiti mula sa kanyang mga
labi. Namumutawi nito ang kasiyahan na nararamdaman niya. Para bang kahit sa
isang sandali lang eh natnggal ang pagod at paghihirap niya.
Yung sa ilang buwan na pagsasama
namin, nasuklian ko ang ibinigay niya at sinakripisyo sa akin. Di ko alam kung
anong mangyayari sakaling mawala pa siya sa akin. Siguro di ko na kakayanin.
Mahihirapan ako at magdurusa. Dadamdamin ko ito ng lubusan. Ayokong mawala siya
sa akin at gagawin ko ang lahat para lang di mangyari yun.
Ang lahat ng bagay ay may katapusan.
Buong buhay ko, marami na akong naranasan. Naging kontrabida nga ako sa sarili
kong istorya eh. Pero lahat pala ng ito ay di lang natatpos dito. May mga
pagsubok na labis na magpapatibag sa iyong kalooban. Ang mga problemang
dumarating sa atin ang siyang sumisira sa ating kaligayahan pero ito ang
nagbibigay sa atin ng lakas para lang tumibay tayo.
Ilang linggo makalipas ang kasiyahan,
dumating ang punto na labis na nagpagulo sa aking buhay. Ito rin ang magsasanhi
ng malaking pagbaabgo sa aming pagsasama.
“Hello ma, bat ka napatawag?” tanong
ko kila mama.
“Anak... may problema eh... kailngan
nating magkita... isama mo si Ryan... punta ka sa office natin... we will be
waiting for you.”
At binaba na niya ang linya. Agad
naman kaming pumunta ni Ryan doon. Kinakabahan ako tulad ng dati. Pilit akong
pinapakalma ni Ryan.
“Nicko.. calm lang jan... easy lang.... mamaya
mahimatay ka jan eh...”
“Kasi naman eh kinakabahan ako....”
“It will be alright...” at yun na nga.
Makalipas ang ilang minuto natunton namin ang company nila mama.
Malalaki ang mga eyebag namin ni Ryan
papunta sa office nila mama. Ilang sandali lang din lang ay nakarating kami sa
office nila.
“Ma, what’s the problem?” bungad na
tanong ko agad sa kanila.
“Anak... Ryan.... nalalagay sa
malaking problema ang ating kumpanya... iniipit tayo ng papa mo Ryan.... he is
saying na paghiwalayin namin kayong dalawa or else magdurusa kami. We try to
explaibn our side pero di siya nakinig. Then after a week, nagbackout lahat ng
investors natin. Lahat sila sinabihan ng papa ni Ryan... di na namin alam ang
gagawin. Yung papa mo namroroblema na...” pagkwento ni mama.
Tumingin agad ako kay Ryan at nakita
ko na nakatikom na ang kanyang mga kamay.
“Where is papa?” tanong ko.
“andun sa office niya.. puntahan
mo...” at agad naman akong pumunta.
“Pa.. are you alright?” sabi ko habang
kumakatok.
Di sumagot si papa. Kaya binuksan ko
an ang pinto. Ngunit sa kasamaang palad, nakita ko ang nakahandusay na katawan
ni papa sa lapag.
“Paapaaaaa....!!!” sigaw ko.
Agad namang tumakbo sa kinaroroonan
namin sila Ryan at mama.
“Diyos ko.... Ernesto....... anong
nangyari sayo...” agad naming ibinaba si Papa at dinala sa ospital.
Puro iyak na lang ang maririnig mo
habang papunta kami sa ospital.
“Pa... wag mo akming iiwan... hold
on...” sabi ko.
“Pakiusap..... hold on... mahal na
mahal kita....” sabi ni mama.
Nagmadali kami papunta sa ospital.
Pagkadating namin doon, agad naming dinala at pinasok sa Emergency Room.
Niyakap ako ni Ryan. Umiiyak,
humihikbi. Parang di na kakayanin ng tuhod ko. Tinawagan namin si kuya at agad
naman siyang pumunta. Inalalayan niya si mama. Ilang minuto matapos ang
insidente, lumabas na ang doctor.
“Uhm.. kayo po ba ang family ng
patient na si Mr. Ernesto Mercado?” tanong nito.
“Oho.. ako yung asawa niya...”
“Madam.... he is fine... he needs a
rest...pero di maganda yung heart attack niya..... he will recover soon... no
more stressed muna...” ang sabi ng doctor.
Naging kalmado na kaming lahat. Ilang
araw ang lumipas pero nanatili pa ring nakahung yung sa company namin.
Magkatabi kaming nag uusap ni Ryan ng mga panahong yaon.
“This is my fault..... di titigil si
Papa hanggat di niya tayo napag hihiwalay...” nakatulala pa rin ako.
Umiiyak. Di alam ang gaagwin.
“Dito ka muna... I have to talk to
him.” Sabi nito.
“Pero.... wag na... di kayo
magkakasundo...baka masaktan ka lang niya...please....” sabi ko.
“Sorry mahal ko but I should do it...”
Di na ako nakapagsalita. Dire-diretso
na siyang umalis. Bigla namang nagising si Papa. Agad kaming lumapit ni mama.
“Pa... I’m happy that you’re awake.
How are you..?” sabi ko.
“Ayos lang ako anak... si Ryan?”
“Uhm.. pumunta siya sa papa bniya.
Pinipigilan ko kaso di ko an naawat."
“Anak... gusto kong makausap si Ryan.”
“Sige an anak... sundan mo na si
Ryan....” sabi ni mama.
Kaya nagmadali akong pumunta sa
kumpanya nila Ryan.
Tinatawagan ko si Ryan pero di niya
pinipick up yung phone niya. Naipit pa ako sa traffic. Biglang nagring ang
phone ko, tumatawag si Annie.
“Best... ang laki ng problema
natin.... yung mag investors natin... nag hold ng investments nila...”
“Grabe,.. ano bang nangyayari... sige
sige... aayusin natin yan as soon as makapunta ako jan.”
At binaba na niya ang phone. Lecheng
buhay to, meron pa bang dadagdag sa problema namin? Ano pa ab ang kailngan?
Buhay na ito. Di pa ba natatapos ang paghihirap kong ito? Bakit ba ganito?”
Ilang minuto lang din ay umandar na
ang sinasakyan ko. After 10 minutes, nakarating ako sa company nila. Umakyat
agad ako sa company nila. Direderetso ako. Nakasalubong ko si Anthony.
“Oh Nicko.. anong ginagawa mo dito?”
“Kailngan kong makausap si Ryan..
pumunta siya dito...”
“Ah ganunba.. sige tara samahan na
kita...” sabi niya.
Nagmadali naman kaming umakyat sa
office ng papa nila. After how many minutes, ching, nakaakyat an kami gamit ang
elevator. Rinig namin ang pagtatalo nilang dalawa. Nagtatalo ang kanilang mga
boses at nagsisigawan. Pati ang secretary nito ay natatkot.
“Ano na ang nangyayari sa loob?”
tanong ni Anthony sa secretary nito.
“Kanina pa po sila nagabbangayna
eh." natatakot na nga po ako eh.
"Sigawan sila ng sigawan..
nakakatakot na po...” saad nito. Kaya pumunta na kami sa loob.
“Sige payag na ako......” at biglang
lumabas ng pinto si Ryan. Nagulat siya ng makita ako.
“Rye....” nagtatanong ang aking mga
mata.
Hinila niya ako at bumaba na sa office
na yun.
“Tara na... we need to go.....” sabi
niya sa akin.
“Anong pinag usapan ninyo?” tanong ko.
“It’s nothing.....” sabi niya.
“Nothing? Pero ano yung narinig ko na
pumapayag ka? Saan?” tanong ko.
“Wag ng makulit... sabi kong wala
nga..” sabi niya.
“Meron ka bang itinatago sa akin?”
tanong ko.
“Wag ng makulit.... please...” nagtaas
na siya ng tono.
Nasindak ako sa sabi niya. Parang
luluha na ako ng panahong iyon. Bigla siyang natigilan at sinipat ang aking
reaksiyon.
“Mahal ko sorry... i’m so tired of
these drama... Im so stressed out kaya please... stop...” una niyang beses sa
aking sinabing pagod na siya.
"So...so...ooo...rr...ry..."
namumutawi na ang aking luha.
"Sorry din."
"No, kasalanan ko." sabi ko.
Pagod na kaya siya sa akin? Sa pag
intindi sa akin? Pagod na ba siyang mahalin ako? Pagod na ab siyang mag
sakripisyo sa akin? At sa wakas tumulo na ang aking luha. Tumalikod ako sa
kanya para di niya mapansin ito. Parang winasak ang puso ko sa narinig ko.
Di ko rin naman siya masisisi na
magalit at mapagod sa akin. Pero sa akin lang dapat sinasabi niya. Boy friend
niya ako eh.
Walang imikan din pag baba at pagsakay
namin ng kotse. Di niya ako nililingon maging ako ganun din. Tahimik at
concentrate siya sa pagammaneho. Nakatingin lang ako sa may bintana at
sinisipat sipat ang kapaligiran. Haixt. Kailan nga av matatapos ang lahat ng
ito.
Matapos ang isa, panibago na naman ang
darating. Ano bang balat at kamalasan ang naka marka sa akin at ganito ang
buhay ko. Di ko pwedeng sisihin ang Panginoon sa lahat ng nangyayari sa akin.
Alam kong ang lahat ng ito ay may purpose.
Habang nasa daan kami papunta sa bahay
ko, bigla na lang may sumulpot na dalawang van sa harapan namin at humarang sa
aming harapan. Bigla akong kinabahan. Napahawak ako sa braso ni Ryan.
“Don’t be nervous... ako bahala..”
iniurong niya agad yung kotse pero trap kami.
May kotse sa likod namin. Nagsilabasan
ang mga taong lulan nito. Hinawakan ni Ryan ang kamay ko.
“Kasama mo ako...” yumakap lang ako sa
kanya.
At ang sumunod na nangyari, tinutukan
kami ng baril.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
Di na kami nanlaban ni Ryan. Nakayakap
lang ako sa kanya at mas feel kong safe ako sa kanya. Wala akong naramdaman na
takot kay Ryan. Mas feel ko na gusto niyang iparamdaman na wala dapat akong
ikatakot. Kahit na nagkagalit kami kanina, narito siya at pinaparamdam sa akin
na wala dapat akong ikatakot.
Nakita ko na naman ang pag mumukha ng
lalaking bumaboy sa aking pagkatao. Pero medyo nag iba na ang tingin ko sa
kanya. parang may iba sa kanya na hindi tulad ng dati.
“So we meet again.... do you miss me
my bed time darling?” sabay tawa nararamdamang tensyon sag malakas.
Nakita ko na nanlaki ang mata ni Ryan
at naramdaman ko ang pagtiklop ng pasensiya niya. Inawat ko siya dahil alam ko
na ang susunod na gagawin niya. Tama naman ako at aktong susugod siya kaya
naman niyakap ko siya para pigilan ito.
“Hayop ka... ikaw ang bumaboy sa mahal
ko?” galit na sabi niya.
“ oh... ikaw pala yan Mr. Lover Boy.
Hiniram ko lang naman sa kama itong boy friend mo eh.. now I know kung bakit di
mo siya maiwanan.” sarkastong sabi nito.
Di ko mapigilan ang sugurin siya at
suntukin ang pagmumukha niya. Hinabol ako ni Ryan pero hinarangan siya ng mga
tauhan nito. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Muli ko kasing naalala ang
lahat. Hinawakan ng lalaki ang kamay ko at isinandal ako sa kotse.
“Mas masarap ka talaga kapag
lumalaban. Alam mo ba nakakamiss ka... at ngayong nahuli na ulit kita, alam mo
na ang kasunod...” sabay kindat.
“walang hiya ka... tanggalin mo ang
kamay mo sa kanya....” sigaw ni Ryan.
“Easy lang naman... yaan mo mamaya
makikita mo ng live ang gagawin ko.” Pag ismid nito sa kanya.
“Subukan mo lang at mapapatay kita...
Ni isang hibla ng buhok niya wag mong hahawakan. Gago ka. SIra ulo!” sigaw ni
Ryan.
“Swerte ka at di ka namin pwedeng
patayin...” sagot nito.
“Ano bang kailngan mo sa amin?” tanong
ni Ryan.
“Sayo... wala... pero sa kanya
meron.... kaya wala ng maraming satsat dalhin na yang dalawa na iyan...” utos
nito.
Isinakay kami sa van. Magakatabi kami
ni Ryan. Nakatutok pa rin ang baril sa aming dalawa. Niyakap niya ako ng
mahigpit. Alam kong ramdam niya ang panginginig ko. Hinawakan niya ang kamay
ko. Bigla bigla iniharap niya ang mukha ko at hinalikan niya ako.
“Wow... ang sweet naman niyang
dalawa.....” sabi ng katabi namin.
“Wala namang magagawa yan mamaya eh...
yung lalaki eh kay bossing din babagsak....” sabi nito. “
Bossing? Sino ba may pakana nitong
lahat. Kapag nakita ko siya talagang papatayin ko siya. Wala siyang puso.
"Sino bang nag utos sa inyo nito?
Wala ba siyang magawa sa buhay niya?” tanong ni Ryan.
“Malalaman ninyo rin mamaya.” Sagot
nito.
"Gago kayo. Hindi ninyo ba naisip
na mali itong ginagawa ninyo?"
"Eh sira ka pala eh. Pera din to
men. Ikaw pinanganak na mayaman. Eh kami dukha."
"Hindi ko kasalanan na lumaki
akong mayaman. Eh kayo, kasalanan ninyo yung pagiging dukha ninyo kasi imbis na
umahon kayo nagpakalugmok lang kayo."
"Eh tarantado ka pala eh. Kung
ikaw nasa sitwasyon namin eh ganito din ang gagawin mo."
"Hindi ako tulad ninyo..."
"Wag ka na lang mag salita."
"Mga peste kayo..." sigaw ni
Ryan.
"Tahimik." sigaw nung
lalaking gumawa sa akin ng kalokohan.
Makalipas ang mahigit ilang oras,
nakarating kami sa pupuntahan namin. Liblib ang lugar na iyon. Halos puno lang
at halaman ang makikita mo. Masukal ang daan. halos hindi ko alam kung paano
makakalabas doon.
“Asan tayo?” tanong ni Ryan.
“Nasa hinulugang taktak.... hahah..
nasa Antipolo tayo...” sagot nito.
Ang layo ng narating namin. Nangalay
ako sa byahe.
“Natatakot ako..” sabi ko.
“Wag kang matakot... andito lang ako.”
Pag papakalma niya sa akin.
“sige ipasok na yang mga yan... ipasok
yan sa kwarto....” sabi nito.
Nanginginig na ako sa takot. Isang
abandonadong lugar yun. Yung nakikita sa mga pelikula. Pero kakaiba to kasi
parang kailan lang siya naabandona. Muli’t muli naalala ko ang mga pinag gagawa
sa akin.
Walang kaawa-awa kaming ipinasok sa
kwarto. Para bang mga hayop kami na basta na lang ipinapasok sa isang kulungan.
Naupo kami sa kama. Tumulo ang aking luha sa aking naalala. Nanariwa yung
nangyari noong nakaraan. KUng saan bumalik yung mga nangyaring kamalian.
__________________________________________________________________
Iginala ko ang aking mata at nakita ko
yung lalaking dumukot sa akin. Walang damit, katulad ko. Natanging ang saplot
lang ay ang kumot na nagtataklob sa aming kahubdan. Sa puntong iyon, kakaibang
panlulumo ang naramdaman ko sa aking sarili. Daig ko pa ang binaboy at
pinaglaruan. Daig ko pa ang mga nagbibigay aliw sa iba na kung sila ay
kumikita, sa akin ay wala.
Lubusan ng nawala ang aking pagkatao.
Binaboy ako ng lalaking ito. Tumulo ang luha ko na mula sa aking mata. Sinipat
ko ang aking katawan. Ramdam ko pa ang sakit na dulot na ginawa niya. Gusto
kong patayin ang taong ito, pero mukhang walang lakas ang lalabas sa aking
katawan dahil sa panlulumo na aking nararamdaman.
Tumayo ako para tuntunin ang aking
kasuotan. Ayokong pandirihan at makita ang sarili ko sa aking anyo ngayon. Para
akong basura ngayon at di na mapapakinabangan. Parang wala na akong maihaharap
kay Ryan sa nangyaring ito.
Pulubi ako sa aking pakiramdam na wala
ng matutuluyan kundi ang lansangan. Namalayan kong nagising yung lalaki at agad
bumangon. Mataamng tinignan lang ako nung lalaki habang nandun ako sa
kinaroroonan ng aking damit.
“Wag ka ng mag damit... nakita ko na
yan.... at naangkin ko na yan...” ngisi niya habang tumatawa. Di ako umimik,
naituon ko na lang ang atensyon ko sa pagsusuoot ng damit.
Pinipigilan ko ang sarili ko. Gustong
gusto ko siyang suntukin, gantihan sa ginawa niya sa akin. Bigla siyang lumapit
sa akin at hinablot ang aking braso.
__________________________________________________________________
Niyakap ako ng mahigpit ni Ryan.
“Wag ka ng umiyak... andito lang ako..
maakaalis din tayo.. nakakasiguro ako... wag kang mag alala... it will be
alright.” Sabi nito.
“Paano tayo aalis dito? Mukhang mahihirapan
tayo.. may mga baril sila.” Sabi ko.
“Nakahingi na ako ng tulong.” Sabi
niya.
“Paano?” tanong ko. Di na siya
nakasagot dahil pumasok na ulit ang mga dumukot sa amin.
“O kamusta kayong dalawa dito?” tanong
nung lalaki.
“Ano bang kailangan kong gawin para
lang pakawalan ninyo kami?” tanong ni Ryan.
“Di namin kailngan ng pera dahil meron
ng pera ang nag utos sa amin.”
“Kung di ninyo pala kailngan ng pera
ano pa ang ginagawa namin dito? Sino ba ang nag utos sa inyo?” tanong ni Ryan.
“Ako.” Sabi ng isang tinig ng babae.
Pamilyar ito. Sobrang pamilyar. Parang
narinig ko na ito dati, somewhere.
“Sino ka? Magpakilala ka?” sigaw ko.
“Ako lang naman to.... kamusta kayo”
nanlisik ang mata namin dalawa.
Nagulat kami kung sino ito. Di ko inaasahan na
siya ang magpapadukot sa amin. Di ko inaasahan na makikita ko siya. Lalaki pa
naman ang nasa isipan ko na magpapadukot sa akin. Pero siya? Paano? Anong
nangyari at siya ang may pakana nito. Wala naman akong ginawa sa knyang masama.
Pero bakit?
“Bea... anong ibig sa bihin nito?”
tanong ni Ryan.
“Simple lang... gusto kong mawala sa
landas ko yang haliparot na iyan... di na siya natuto...” sabi nito.
Oo, si Bea nga. Ang ex girl friend ni
Ryan. Ang siyang dahilan ng pag aaway namin ni Ryan noon. Ang dahilan kung
bakit nangyayari ang lahat ng ito. ANg isang magandang babae lang pala ang may
pakana ng gulong ito. Di ko maimagine.
“Bakit? Ano bang nagawa kong mali sa
inyo?” tanong ko.
“Ang tanga tanga mo. Ano ka bobo?
Binalaan na kita dati. Pinasabi ko sayo na layuan mo na yang si Ryan pero anong
ginawa mo? Ipinagpatuloy mo? Papatayin kita ngayon dahil jan sa kalandian mo.
Tandaan mo akin lang si Ryan.” Sabi nito.
Para na siyang nababaliw. Ganun ba
talaga siya ka-obssesed kay Ryan?
“Kahit kailan hinding-hindi na ako magiging
sayo. Tapos na tayo Bea. Ano pa bang kailngan mo? Ikaw ang nang-iwan sa akin?
Wala na akong nararamdaman sa iyo...” sigaw ni Ryan.
“Ikaw wala pero ako meron. Mahal na
mahal pa din kita. At gagawin ko ang lahat mapa sa akin ka lang ulit. Hindi ako
titigil hanggang hindi ka mapupunta sa akin. Kung kinakailngan ko pang tapusin
yang mahal mo, gagawin ko. Maging akin ka lang.” Sabi nito.
“Tapos na tayo. Tapos na. Hindi mo ba
naiintindihan iyon?” sagot nito dito.
“Sa iyo tapos na... sa akin hindi pa.”
Sigaw nito.
“Ako na ang mahal niya at hindi na
ikaw. Alam mo ba yon? Ako na ang minamahal ng lalaking nag mahal sa iyo noon.”
Lumapit siya sa akin at sinampal ako.
“Ano ba? Layuan mo siya.” Tinulak siya
ni Ryan.
“Wala kang karapatang saktan siya.”
Dagdag pa nito.
Humugot siya ng baril at itinutok sa
akin. Humarang naman agad sa akin si Ryan. Niyakap niya ako.
“Umalis ka jan... matagal na akong
nanggigigil na patayin yan. Umalis ka jan... hindi ko nga maintindihan kung
bakit ka na inlove jan eh. Lalaki yan samantalang babae ako. Wala pa siya sa
kalingkingan ko...” sabi ni Bea.
“Oo lalaki siya at babae ka... pero kung sa
pagmamahal lang din, di ka aabot ni sa talampakan niya.” Sigaw nito.
"Pakawalan mo na kami Bea. Hindi
ka na mahal ni Ryan."
"Wag kang sumabot. You
whore."
"Mas asal kaladakarin ka."
"At least hindi ako
nababoy..."
"Walang hiya ka."
"Mas walang hiya ka."
"OO nababoy na ako. Pero nasa
akin si Ryan." ang nasabi ko na lang.
Nakita kong nanggigfil siya.
“Umalis ka jan....!!!” nanggigigil na
sabi nito.
“Kung papatayin mo siya patayin mo na
rin ako... di ako papayag na patayin mo siya..” sigaw nito.
“Naks naman.. napakasweet ninyo
naman.. pero yang matamis na pagmamahalan ninyo mauuwi sa mapait na kamatayan
niyang Nicko na yan..” sabi nito.
“Sige pag hiwalayin ninyo sila” utos
nito.
Agad namang sumunod ang mga tauhan
niya at pinag hiwalay nila kami. Nanlaban si Ryan pero nakita kong sinuntok
siya sa tiyan. Madami sila.
“Nicko... Nicko.... bitawan ninyo
siya...” sigaw ni Ryan.
“Ryan.... huhuhu... tulungan mo
ako...” sabi ko.
“Walang hiya ka Bea... wala kang
kaluluwa...” umiiyak na sabi ni Ryan.
“Kahit anong gawin mo..... wala ka ng
magagawa.... papatayin ko na siya. Meron ka bang huling sasabihin sa
kanya...”sabi niya sa akin.
“Ryan.. mahal na mahal kita... mahal na
mahal...” di na ako makapagsalita ng ayos dahil sa aking pag luha.
“Sayang ka. Gwapo ka pa naman pero...
mamatay ka na...” ipinikit ko ang aking mata sa paghahanda sa nalalpit kong
kamatayan. Feeling ko katapusan ko na ngayon. Pakiramdam ko kasi eto na yung
huling araw ko.
Sa huling sandali, inalala ko ang mga
magagandang nangyari sa akin. Yung mga pag kakataon na nagkaroon ako ng
kaligayahan sa puso. Mga pagkakataon na kung saan kapiling ko si Ryan.
_______________________________________________________
“Alam ko... alam kong mahal mo ako...
at handa akong magsakripisyo para lang sayo... mahal na mahal kita.....” sabi
niya.
“Mahal na namahl din kita... hindi ko
alam kung bakit ba? Kung paano ba nangyari... bigla bigla na lang akong
nakaramdam ng kiliti sa aking puso na siyang tumutugon sa yo....” ang sabi ko.
“Handa akong tugunan ang puwang ng
pagmamahal mo dyan sa puso mo..... alam kong mahal mo pa ang kapatid ko pero di
ako papatalo..... ako ang siyang bubura niyang sa puso mo at ako ang mag hahari
sa puso mo.... ipapangako ko ang lahat... lahat lahat...” ang sabi niya.
_____________________________________________________
Mga pagkakataong kasama ko si Annie.
_______________________________________________________
“Basta, pag naramdaman mo na sumuko ka
na.. andito lang ako para i comfort ka..”
______________________________________________________
At ang pagtanggap sa akin ng mga
magulang ko.
____________________________________________________
“Anak.... patawarin mo ako sa nagawa
ko sa iyo. Di ko lang matanggap noon na ganyan ka. Akala ko makakya ko at
matitiis pero nung nalaman ko na nanganib ang buhay mo, di ko na nakayanan.
Mahal na mahal kita anak.”
___________________________________________________
Lahat ng mga bagay na nag pasaya sa
akin inisip ko. Kahit man lang sa huling sandali, maging masaya ako. ipinikit
ko ang aking mata muli at hinanda ang sarili ko. Naririnig ko pa rin ang sigaw
ni Ryan. Sigaw ng pagmamkaawa.
Punong puno na ng kalungkutan ang aking
puso. Sana maramdaman ni Ryan kung gaano ko siya kamahal. Mahal na mahal ko
siya. Higit pa sa buhay ko. Sana makapatgpo siya ng mas magmamahal sa kanya
kung sakali.
“Isa... dalawa... tatlo....” pag
bibilang niya
“... apat.... li...” natigil ang
pagbibilang niya ng may marinig kaming wang wang.
Nagkagulo ang lahat.
“Ano yon?” sabi nito. Nataranta siya
sa nangyayari.
“Tignan ninyo...” utos nito.
Lumapit sa akin si Ryan pero hindi ito
natuloy. Tinutukan agad ako ni Bea sa ulo.
“Sige lumapit ka.. sabog ang ulo nito.... ang
swerte mo rin namang tao ka..... nakaligtas ka pa ng ilang segundo....” lumabas
kami.
Dinala niya ako sa kung saan narinig
ko ang pag sigaw ni Ryan.
“Babawiin kita mahal ko.. hintayin mo
ako...” sabi nito.
Kinaladkad ako nito. Nanlalaban ako
pero wala akong magawa. Kasma nito yung taong nangbababoy sa akin. Umalis siya
at iniwan kaming dalawa.
“Ang swerte mo talaga.... naku....
gusto mo ba bago ka mamatay eh makatikim ka ng sarap?” sabi nito.
“Hehe natatwa ako sa jowk mo..
pakawalan mo na lang ako dito para may nagawa ka naman sa buhay mo...” sabi ko.
Nakita ko na iba ang tingin niya sa
akin. Kanina ko pa siya napapansin na ganyan ang mga titig sa akin.
“Di ko maintindihan kung bakit ba naattract
ako sayo... sobra mo kasing bangis eh.. yan yung tipo ko.. mababangis... kaya
ko nga minahal yang si Bea eh...” sabi nito.
“Kung mahal mo siya dapat hindi mo
hinayaan na magkaganyan siya...”
“At wag kang makialam sa akin...” sabi
nito.
"isipin mo lahat ng sinabi ko
sayo noon."
"Binibilog mo lang ang utak
ko."
"Hindi yan totoo."
"Hey. Stop. Baka di ako makapag
pigil. Wag kang ganyan, iba na ang nararamdaman ko."
"Pakawalan mo na ako..."
"Hindi..."
"Please... maawa ka..."
umiiyak na ako.
"Shit. Sabing manahimik ka. Wag
kang mag paawa ng ganyan. Takte naman oh. Wag kang..."
"Ano pa ba kailngan mo ha? di ka
pa ba nakuntento?"
"Alam ko na kung bakait napamahal
sayo si Ryan."
"Ano bang pinag sasabi mo.."
"Ilang gabi mo akong hindi
pinatulog.... napapaisip ako sa mga sinasabi mo..."
"Anong ibig sabihin mo?"
"Yeah. I don't know kung sadya
bang ganito pag may nangyari sa inyo ng dalawang tao. I'm starting to like
you..."
"Don't say that."
pagmamatigas ko.
"Wag kang magpacute..."
"Hindi ako nagpapacute. Please
pakawalan mo ako."
lumapit siya agad sa akin at hinawakan
ako sa balikat ko.
"Argggh. Bakit ganito pakiRAMDAM
KO? kABWISIT."
Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang
dumating si Bea.
"Ano tong milgarong ginagawa
ninyo?"
yang
"Wala wala..." biglang
siyang tumayo.
"Don't tell me may gusto ka sa
kanya."
Di ito sumagot. sumandal lang to sa
pader.
"By the way. mamatay ka
na..."
Natigilan kaming lahat ng makarinig
kami ng palitan ng mga putok ng baril.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
“Kahit kailan napakaswerte mo sa
buhay.... pero malas mo lang ako ang kasama mo ngayon kaya kahit anong gawin
mo... mamamatay at mamamatay ka...” sabi ni Bea sa akin.
“Wala kang kasing sama. Di ka na
nakuntento na pahirapan ako. alam mo ba an bumabagsak na ang kumpanya namin...
di ka pa ba titigil sa pagpapasakit sa akin?” sabi ko.
“Di ako magsasawang pahirapan ka...
pero yaan mo.. sandali na lang at mawawala na ang paghihirap mo... ikamusta mo
na lang ako kay Satanas.....” sabi niya.
At pinagsasampal niya ako. matapos
niyon eh pinagtatadyak niya ako. biglang humarang yung lalaking nangbaboy sa
akin dati.
“Bea tama na... tignan mo naman...
bugbog na ang katawan niya. Maawa ka naman....” sabi nito.
“Umalis ka jan Matthew.... kulang pa yan...
alam mo ba... kailnagan mabawi ko si Ryan sa kanya...” sabi nito.
“Pero Bea.. magising ka naman....
sinabi na sayo ni Ryan na hindi ka na niya mahal... imulat mo yang mata mo.....
may panahon pa para umatras... tara na... bago pa tayo mahuli ng mga pulis...”
sabi nito.
“Anong tingin mo sa akin? Gaga? Matapos ang
lahat ng ito ngayon pa ako aatras... yaan mo papatayin ko muna yang salot na
yan bago ako umatras... kaya umalis ka jan....” tinabig niya ito at tinutok sa
akin ang baril.
"Pero.."
"Wag ka ng komontra... matagal ko
na tong pinag planuhan..."
"Bea..."
“Ngayon katapusan mo na....” ipinikit ko lang
ang aking mata at nakarinig ako ng isang putok ng baril.
Bigla akong napaluha. Maya maya ng
unti, mararamdaman ko na ang sakit. Mawawalan na ako ng malay pagkalipas ng
ilang sandali. Pero, iba ang narinig ko.
“Tumakbo ka na!” sigaw ng lalaki na
Matthew ang pangalan.
“Nicko... umalis ka na... habang may panahon
pa... tumakas ka na...” utos nito sa akin.
Sa taas nakatutok ang baril.
“Mattew... bitawan mo ako... bitawan mo
ako......” sigaw ni Bea.
Nagmadali akong tumayo at tumakbo
papalayo.
“Bumalik ka dito... walang hiya ka...
bumalik ka dito...” sigaw nito.
Di ko alam kung papaanong takbo ang gagawin
ko. Iyak lang ako ng iyak. Kinakabahan ako kung mabubuhay pa ab ako matapos
ito. Sa ilang teleserye na napanood ko, ganito rin ang nangyayari. Lagi naman.
Lalo na pagbarilan.
Minsan mababaril ang bida. Mag 50-50
pero mabubuhay din. Pero yung iba, namamatay. Eh ako kaya, since ako ang bida
at naging kontrabida, ano kaya ang kahahantungan ko. Mamamatay ba ako o
mabubuhay.
Pagkadating ko sa isang pinto, bigla
na lang may humila sa akin at tinakpan ang aking bibig. Diyos ko, kung
papatayin na nila ako patayin an nila. Ayoko ng mag hirap na unti-unti nilang
binabalatan ang aking natitirang buhay. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero
nawala ito ng maramdaman kong yumakap sa akin ang taong humila sa akin.
Pinaharap niya ako at laking tuwa ko sa aking nasaksihan.
“Ryan..” at umiyak na ulit ako.
“Mahal ko.. andito na ako wag ka ng
mag alala .... tara na alis na tayo dito..” yaya niya sa akin.
Nagmadali kaming umalis sa lugar na
iyon. Malalaki ang yabag na bumaba ng hagdanan. Nagmamadali kaming dalawa.
Halos matisod na ako kakamadali pero tiantagan ko ang sarili ko. Ngunit tila
mapaglaro ang tadhana at nakaabang sa amin ang panganib.
“Akala ninyo ba makakatakas kayo? Ha?
Akala ninyo matatakasan ninyo ako?” biglang tawa ito.
“Bea... pakawalan mo na kami... wala kang
mapapala sa akin...”
“Meron..... meron... dahil kung di ka
mapapasa akin... mawawala naman yang minamahal mo.. kaya pantay lang... sapat
na siguro yon...” sabay tawa na parang nababaliw.
“And who do you think you are para
sabihin na kabayaran ang buhay ng mahal ko?”
“Ako lang naman ang may hawak ng baril na ito
na magsasabi naoras mo na...” at tinutok niya ito sa akin.
Kakalabitin na sana niya ito pero
naagapan ito ni Matthew.
“Hudas ka.... wag mo akong
pakialaman... bitawan mo tong baril at ang kamay ko..”
Nag agawan silang dalawa. Ito na ang
hudyat ng aming pagtakas kaya nagmadali kami.
"Umalis na kayong dalawa..... eto
na panahon para bumawi ako sa ginawa ko... sorry..." sabi nito.
“Matthew salamat...” sabi ko.
“natatandaan ko pa ang mga sinabi mo.... basta
mag ingat ka lagi...” sabi nito.
“At patawad sa mga nagawa ko sayo...”
pag hihingi nito ng tawad.
Kaya mabibilis ang aming mga paa na
tinahak ang hagdanan pababa. Pero bago namin maitapak ang aming mga paa. Isang
putok ang kumaripas sa aming mga tenga. Kinabahan ako kung sino ang natamaan ng
bala ng baril.
Kinutuban ako at ng lumingon kami sa
aming likuran , nakahandusay na si Matthew.
At ang sumunod nito ay ang pag iyak ni Bea. Nakita ko na
na-fru-frustrate na siya.
“Matthew! Matthew...... Pagbabayaran
nila ito... pag babayaran nila ito....” sabi ni Bea.
“Bea... mahal na mahal kita... mahal
na mahal... di kita iniwan... andito lang ako lagi para sayo.... kasi mahal
kita..... baguhin mo na ang buhay mo..... ayos na sila Ryan at Nicko pa...
pabayaan/.... mo na...si...siya.....” at doon na nalagutan ng hininga si
Matthew. At sumigaw ng malakas si Bea.
"AHhhhhhhhh!!!!"
“Magtago na kayo! Dahil mamamatay kayo
pareho...” ang sigaw ni Bea.
Kaya nagmadali talaga kami bumaba.
Malapit na kami sa baba. 3 palapag na lang. Nananalig ako sa Diyos na
makakaligtas kami dito. Napadaan kami sa isang bintana at nakita ko sila mama
sa baba. Sumigaw ako para matanaw nila kami.
“Mama... Kuya... Annie....” nagagalak ako na makita sila.
“Anak....... salamat at ligtas ka... bumaba ka
na dito... magmadali kayo...” naiyak na sinabi ni mama. Kaya nagmadali kaming
bumaba. Gusto ko pang makita si papa. Napakalubha ng lagay nito.
“Papa... hinatayin mo ako.. darating ako
jan... hintayin mo ako....” sabi ko sa sarili ko.
“Mahal ko.... mahal na mahal kita...
kahit anong mangyari.. ikaw lamang ang mamahalin ko... tandaan mo yan. Ikaw
lang at wala ng iba.” Sabi ko kay Ryan.
“Mahal na mahal din kita pero wag ka
nga ganyan.. ayokong namamaalam ka...” sabi nito.
Kaya hinila niya ako pababa. Nasa
ikalawang palapag na kami ng hindi anmin mabuksan ang pintuan. Wala na kaming madaanan kundi iyon.
“Mga hudas,.... malapit na ako....
magdasal na kayo... dahil sisingilin ko na kayo sa buhay ninyo... mamamtay na
kayo... mamatay na kayo...” nababliw na sabi nito.
“Mahal ko.... paano na tayo?” tanong
ko.
“Tumabi ka muna... ako ang bahala...”
sabi nito. At pinagsisipa nito ang pinto. Isa, dalawa.... tatlo... apat.....
lima.... at yun,bukas. Agad kaming pumsok sa pinto. Ilang hakbang pa lang eh napaurong
na kami.
Yung feeling na para kang daga na wala
ng malusutan. Laking gulat namin ng makita namin na nakaharang sa daanan namin
ang mga tauhan ni Bea.
“Aha.... saan kayo pupunta? Maam...
nakita na namin sila...” sigaw nito.
“Please... patakasin na ninyo kami...”
pagmamakawa ni Ryan.
Biglang dumating si Bea.
“Aha... gotcha.... pinahirapn ninyo
ako mga bibwit... ahahha.. nagyon... magsama-sama tayo sa impyerno....” sigaw
nito.
“Ano pa ba ang dapat namin gawin para
itigil mo na yang kahibangan mo? Wala ka ng mapapla sa akin...” sigaw ni Ryan.
“Alam mo Ryan.... di ko alm kung tanga ka lang
ba o hindi ka talaga nag iisip? Anong mangyayari sa yo kung magiging kayo
niyan? Puro kamalasan lang ang aabutin mo. Tanga ka... tanga ka.... wala kang
pag iisip... baliw...” sigaw nito.
“Tanga na kung tanga... pero mahal ko
siya... lahat ng tao nagpapakatanga sa pagmamahal. At alam mo iyan...
sinakripisyo ni Matthew ang buhay niya... kinitil mo ang buhay niya... ano pa
bang sakuna ang gusto mong mangyari....” sabi ni Ryan.
“Nang dahil sa lalaking iyan...
namatay na si Matthew... siya na lang ang meron ako.... pero nawala siya dahil
sa kamalasan ninyo...” sigaw nito.
“Ikaw ang pumatay sa kanya. Ikaw!”
sigaw ko. “
Oo ako nga... pero tandaan mo.. ako
din ang papatay sa yo...” at itinutok nito ang baril sa akin.
Nagsalita ulit siya.
“Alam mo Ryan... kung di ka rin lang
mapupunta sa akin... mabuti pang di ka rin mapunta sa kanya..... mamatay ka rin
kasama niya....” sigaw nito.
“Handa akong mamatay para sa minamahal
ko....” humarang iya at pumaibabaw sa akin.
“Rye.... wag....” malungkot kong sabi.
“Mahal na mahal kita.... tandaan mo
iyan...” sabi nito.
At sa mga sandaling iyon. Napayakap
ano ng mahigpit kay Ryan. Isa... dalawa..... tatlo... at sa ilang sandali lang
nakarinig ako ng sunod sunod na putok... kasama ba ako sa natamaan? Magkasama
ba kami ni Ryan na mamatay? At least kasama ko siya... pero ayokong mamatay
siya. Mas mabuting ako na lang kaysa siya.
Eto na siguro ang katapusan... eto na
siguro ang huli....
Minulat ko ang aking mata at nagulat ako sa
nasaksihan ko. Nakahandusay si Bea sa lapag at tinamaan ang kanyang paa.
Hinuhuli din siya ng mga pulis. Pati ang mga tauhan niya nahuli na rin.
Sobrang napaluha ako ng makahinga ako
ng maluwag. Natutuwa ako at ligtas kami pareho. Niyakap ako ng mahigpit ni
Ryan.
“Ang swerte natin.... I Love you
Nicko...” sabi nito.
“I love you too... sa pagkakataong
ito.. maswerte tayo...” sagot ko.
At sa pagkakataong iyon, ligtas kami,
oo ligtas nag kami. Nakabab na ka mi at nayakap ko pa si Mama.
“ma.....” iyak ko.
“Anak ko... salamat at ligtas ka...
salamat...”
“Kamusta si papa?”
“ayos na siya... sobrang nag alala
siya sayo... sobra..” sabi nito.
“Nga pala... Ryan.. ang papa mo
sinugod sa ospital... inatake ng malamang nakidnap ka.” Paglalahad ni mama.
Nakita ko ang labis na pag aalala ni
Ryan.
“Mahal ko... tara puntahan natin ang
papa mo..” sabi ko.
Sumang ayon siya. Bago kami umalis,
nakita namin si Bea habang inilalabas sa gusali na pinagdalhan sa amin. May
tama siya sa paa. Di naman malubha pero kailngan din maoperahan.
Sinalubong din kami nila mama at papa.
Masayang masaya na ako.Niyakap ako ni Ryan. Mahigpit na yakap. Para bang wala
ng bukas. Nakapikit din ako habang yakap yakap ko ito.
Pagbukas ko ng mata ay agad kong
nakita muli si Bea. Pero kinabahan ako sa hawak nito, isang baril. Inagaw nito
ang baril na hawak ng mga pulis at nakatutok ito sa amin ni Ryan. Tinitigan ko
si Ryan at nakita ko itong nakangiti. Di nito alam ang nakaambang na panganib
sa amin. Nginitian ko rin siya at ako na mismo ang bumago sa pwesto namin.
“I love you... mahal na mahal kita...
hindi mawawala ito at hindi magbabago... mamatay man ako ngayon...” sabi ko.
“Ano ka ba.. wag kang mag salita ng
ganyan... mahal na mahal kita... at tsaka ligtas na tayo..” sabi nito.
Napatingin ito sa likod ko at nakita
ko ang panlalaki ng mata nito. Isang putok ang umalingaw ngaw sa amin. Narinig
ko pa ang sigaw ni Bea.
“MAMATAY KA!”.
At ang bala na para kay Ryan, sinalo
ng aking likod malapit sa puso. Ramdam ko ang sakit, niyakap ko siya ng
mahigpit at hinalikan sa labi. Nakita ko ang pagkagulat ni Ryan. Matapos kong
mahalikan ang kanyang labi. Unti-unti na akong humahandusay pababa. Hudyat ng
pagkawala ng aking buhay. Hanggang sa lumagapak ako sa lupa.
Binuhat agad ako ni Ryan.
“Nicko... gumising ka... wag mo akong
iwan....” narinig kong sinabi niya.
“La... lahat kayo na...nangakong di
ako iiwan..... mukhang ikaw lang ang nakatupad niyon.... magaling pa rin talaga
ako... at nakakita pa ako ng isang gaya mo.... pagkatapos akong pasakitan ng
mundo..... kala ko talaga na walang wala na ako.... pero nandiyan ka....... at
nagawa ko na ang lahat bago ako mamatay...” ang naitugon ko habang nag aagaw
ako ng hinga.
“Maswerte ako na napa sa akin ka....
pero nag maakaawa ako na wag mo akong iiwan.... please.....” sabi nito.
“kala ko dati malas ako....kala ko
pinagtri-tripan ako ng mundo.... tapos napatingin ako sayo..... alam mo kung
bakit?....... Ka... kasi...... ka... kahit gaano ako kamalas..... bawing bawi
naman ako.... ng.... ng.... ng dahil sayo.....” hinwakan ko ang pisngi niya at
matapos iyon, nawalan na akong malay. Ito na kaya ang hudyat ng aking
pagkawala?
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
“Pinangarap ko ang mahalikan yang mga
malalmbot mong labi..... ngayon natupad na..... mahal na mahal kita Nicko...
mahal na mahal....” sabi niya sa akin.
“Mahal na mahal din kita... mahal na
mahal....”
Ito ang unang beses na nagmahal ko. Si
Anthony ang unang nagpatibok ng puso ko. Siya ang nagpaintindi sa akin kung ano
nga ba ang sinasabing pagmamahal. Si Anthony ang ugat kung bakit ang buhay ko
ay ganito at hindi ko ito pinag sisisishan. Ngunit nasira lahat ito ng dahil kay
Rona. Matapos magulantang ang buong pamilya namin sa relasyon namin ni Anthony.
Pero ayos na ito. Maluwag na ang kalooban ko.
Okay na sana ang lahat pero talagang
mapaglaro ang tadhana. Nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa ni Anthony.
Doon ako lalong nagpuos ng galit ng husto. Nag init ang ulo ko at sumama lalo
ang galit ko sa kanya.
“Ikaw talagang malandi ka... wala ka
na bang dadalhin sa akin kundi problema... salot ka... salot..!!!” sigaw ko.
“Di ko naman alam na mangyayari
ito.... sorry na pinsan...”
“Pinsan? Huh? Pinsan ka diyan... wala
akong pinsan na ahas, malandi, linta at walang hiya.....kabit!!!” sabi ko sa
kanya.
Umiyak lang siya ng umiyak. Lahat na
ata ng masasakit na salita nasabi ko. Nag iba na ang pagkatao ko ng mga
panahong iyon.
“Nag mahal lang ako minsan pero
inagawa mo pa.” sumbat ko pa.
“Kailangan ng ama nitong dinadala ko.”
“Kung hindi jan sa kalandian mo hindi
mangyayari ito!” inawat ako ni Anthony.
Nagbunga ang kasalanang nagawa nila.
Pero okay na ako doon. Masakit man na ipagtabuyan ako nila papa, wala akong
magagawa. Isang pagsubok ang sinuong ko.
Pinalayas ako ni papa. Walang magawa si mama. Kaya mula
noon isinumpa ko na si Rona. Napakalupit talaga ng mundo. Akalain mo sa isang
iglap binawi na niya lahat. Akala ko matitira pa si Anthony sa akin pero di
nangyari yon dahil pati Anthony nawala sa akin. Dahil sa pananakot ng tatay ni
Anthony sa kanya na pababagsakin ang kumpanya namin, napilitan siyang pakasalan
si Rona. Si Rona din ang nagsabi sa mga magulang ni Anthony ang lahat lahat.
Nang mga panahong iyon, si Annie lang
ang nandiyan para sa akin. Siya lang ang tumulong sa aking buhay. Ngunit may
mga panahon talaga na binigyan ako ng pagkakaton para mabuhay. Binigyan nila
ako ng dahilan para mabuhay at maging malaya sa nakaraan. Nang dumating si Ryan
sa buhay ko, nagbago ang lahat. Tinanggal niya ang lahat ng sama ng loob na
aking dinadala. Pinaranas niya sa akin kung ano nga ba ang pagmamahal at kung
paano nito pinapawi ang poot sa puso mo.
Minahal ko siya ng sobra at higit pa
sa buhay ko. Para sa akin siya na ang tanging lalaking pag aalayan ko ng puso
ko. Siya lang at wala ng iba pa. Siya na ang huli na iibigin ko.
“I love you mahal ko.... alam kong
dumanas ka na ng ganyang kapighatian. Di ako papayag na maranasan mo ulit yan.
Aalalayan kita. Hayaan mong ako ang magpawi ng lahat ng sakit ng iyong nakaraan
mo.... yung iba alam ko pero ang iba ngayon ko lang nalaman. Salamat sa
pagsasabi sa akin niya. Mahal na mahal kita...” biglang sabi ni Ryan sa akin
matapos ang aking kwento.
“I love you din... mahal na mahal kita
Ryan Cyril Reyes.... mahal na mahal.... sana wag mo akong saktan...” sabi ko.
_________________________________________________________________
“Nicko... Nicko... please.... wag kang
mamatay... wag mo akong iwan....” kahit medyo nang hihina ako, minulat ko ang
aking mata.
Nakita ko ang kasiyahan sa mukha ni
Ryan ng makita ako na nag mulat.
“Wag kang bibitaw.....” ang huling
narinig ko sa kanya at muli, biglang
pumikit ang aking mata.
Hindi ko na kaya pang manatiling
gising. Inaantok ako oo inaantok ako. Gusto kong matulog. Kaya wala na akong
nagawa kundi ang ipikit ang mata ko. Parang wala na akong kontrol sa katawan
ko.
Isang madilim na lugar ang nakikita
ko. Umiiyak ako, pero bakit? Di ko alam kung bakit ba akong umiiyak. Siguro
dahil madilim? O kaya dahil nag iisa ako?
Saany na rin naman ako eh. Noong bata
pa lang ako, wala na sila mama sa aking tabi. Nandiyan si Kuya para sa akin.
Siya lang ang nag aasikaso sa akin. Sobrang lungkot ako noong panahong wala
sila mama sa aking tabi.
Yung tipo ba na sa classroom, ako lang
walang magulang pag may PTA meeting. Nakapag recognition at maging nung
graduation namin, si Kuya lang ang laging umaakyat para sa akin. Nagbibgay lang
sila ng gift sa akin. Oo naiintindihan ko na para sa amin ang pagtatrabaho nila
pero sana naman binigyan nila ako ng konting panahon man lang.
Pero alam ko naman na pinagsisihan na
nila iyon. Masaya ako na kahit sa sandaling panahon, naramdaman ko ang
pagmamahal nila. Napakasayang nga lang kasi mukhang sandaling panahon ko lang
ito mararamdaman. Nag hirap ako ng sobra lalo na nung unang beses akong
sinaktan ng puso. Nadurusa ang pagkatao ko.
I blame the world sa lahat ng nangyari sa
akin. Minsan ng nalagay ang buhay ko sa panganib. Noon nga nagtataka akong
magpakamatay kaso hindi ako
mamatay-matay. Kung dati eh ako mismo ang sumuko sa buhay, ngayon naman, ako
ngayon ang nagmamakaawa at nagpapakahirap para muling mabuhay.
Kaysaya ng buhay na payapa. Noong
unang pinasok ko ang buhay bisexual, alam kong magulo ito. Hindi tanggap ng
lipunan ang mga tulad namin. Masakit man isipin pero yun ang totoo. Nanjan ang
social at racial discrimination sa mga tulad namin. Bakit nga ba ginawa ang tao
na hindi angkop sa gustong pagkatao? Sana may choice of sexuality na lang para
hindi na maging mailap ang lahat.
Minsan nga napapisip ako na baka
nagkakamali ng lagay ng espiritu ang Diyos eh. Baka na mi-misplaced. Pero I
know deep inside na may purpose ang lahat. Siguro lahat ng nangyari sa akin ay
God's will at isa pa mahal ko ang Diyos.
Masaya magkaroon ng kaibigan na tulad
ni Annie. Alam kong marami na ayng sinakripisyo para sa akin. Napaka tagal ko
ng kaibigan yan. Sa una nga di pa kami magkasundo, lagi kaming nag kakaaway.
Pero yun nga, sa huli, kami pa rin ang naging mag best friend.
Ang pag amin bilang bisexual ang
pinakamahirap sa lahat. Di mo alam kung matatanggap ka ng magulang mo hindi.
Mahirap kapain ang mga bagay bagay. Maswerte ang ilan kung sila ay tanggapin ng
buong puso ng kanilang magulang ngunit naoakamalas mi naman kung sakaling
sukdulan ang pagtutol ng iba doon.
Hay buhay, para kang posporo,
kaydaling maupos. Ang lahat ng ito ang aking iniisip habang nasa madilim akong
lugar. Wala naman akong ibang magawa kundi ang ito ay isipin. Mag isa lang ako
at walang kasama sa madilim at nakakatakot na lugar na ito.
Kung impyerno man itong kadiliman na
ito, ewala akong magagwa. Eto nab a ang kapalaran ko. Panginoon gusto kong
umakyat sa langit kung maari lamang. Sana lang po tanggapin ninyo ako.
Ilang sandali lang ay biglang may narinig
akong isang tinig. Isang tinig ng pag asa. Para bang nabuhayan ako ng marinig
ito. Ibig sabihin hindi ako nag iisa. Pamilyar ito at sobrang saya ng puso ko
ng marinig ko ito. Sinundan ko ito kahit na hindi ako nakakita. Ang puso ko
mismo ang nag tuturo sa akin kung anong direksyon. Maya maya, nakakita ako ng
liwanag.
Tinakbo ko ito hanggang makarating ako sa dulo
nito. Labis na kaligayahan ang bumalot sa puso ko ng makarating ako dito. Isang
fulfillment kumbaga. Ang saya ko talaga, sobra.
Nakaksilaw ang liwanag na ito. Maya
maya narinig ko muli ang boses.
“Buhayin ninyo lang siya, handa akong
layuan siya para di na muli siyang manganib ang buhay niya... gagawin ko ang
lahat....” narinig ko.
Sino ba tong taong ito? lalayuan?
Bakit anong meron? Anong gagawin niya? At sa puntong iyon, nagmulat ang mata ko
at nasilaw ako sa ilaw na nakatutok sa akin. “Salamat Panginoon... niligtas mo
siya... salmat....” niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. Sino
ba tong taong ito. kilala ko ito eh pero sino ba siya? Sino? At muli nagsara
ang talukap ng aking mata. Tuluyan na atang nakatulog ng mga panahong yon.
Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari.
Ilang araw na rin akong walang makita.
Ewan ko kung bakit pero parang hindi ko magwang ikilos ang aking katawan at isa
pa walang lakas ang aking mga buto para tumayo. Mananatili na lang ata akong
mag isa dito. Umiiyak at walang makakasama.Hanggang kailan kaya ako dito.
Maya maya may naramdam akong may
humawak sa akin at yumakap. Kinilabutan ako dahil hindi ko maaninag kung sino
ito. Hanggang sa kaladkarin niya ako at itulak at para bang nahulog ako sa
aking panaginip.
Nagising ako sa pag uusap ng doctor at
ni mama. Medyo masakit pa ang mata ko dahil siguro sa matagal na pagkakasara
nito. Nanlabo pa ang mata ko at wala masyadong maaninag. Nang imulat ko ang
aking mata, nasilaw ako sa liwanag. Siguro sa ilaw iyon ng ospital. Masakit pa
rin ang aking katawan. Nagpanic agad si mama ng makita niya na nag mulat ako ng
mata.
“Anak... salamat at nagising ka na...
salamat sa Diyos....” sabi nito.
“Si tita naman OA....” sabi ni Annie.
“Ano ka ba... salamat nga at nagising
itong anak ko..” sabi ni mama.
Bakas pa din ang pag aalala nito.
“Tita, malakas yang si Nicko. Kahit
ipabunggo mo sa bulldozer mabubuhay yan.” Biro ni Annie.
Ngumiti lang ako.
“Anak, salamat at okay ka na. nag
alala kami.”
“Ikaw talaga mama...” sabi ko.
Umakto akong babangon pero binawalan
ako ni mama.
“Naku anak, wag ka munang bumangon....”
sabi ni mama.
“Si Ryan po? Nasaan? Si Papa kamusta?”
tanong ko.
“Ayos lang papa mo... nga pala anak...
nagugutom ka ba?” tanong nito sa akin.
Nabaling sa akin ang tanong ni mama
kaya di ko na muli naitanong si Ryan.
“Gutom na po ako....” sabi ko.
“Best friend alam mo ba marami ang
dumalaw sayo dito. Nagdala sila ng foods at dahil tulog ka ako ang lumafang
non.”
“Bakit mo kinain eh akin yun?”
“Eh tulog ka. Baka masayang lang.”
“Che. Ibalik mo yun.”
“Sige wait lang pag tumae ako ibibigay
sayo.”
“Kadiri ka nga.”
“Marami naming pagkain jan eh.”
“Eh gusto ko nga pala leche plan.” Sabi ko.
“Lakad bili ka.” Biro ni Annie.
“ANg baet mong best friend grabe.”
“Thank you. Uliraning kaibigan awardee
ako.”
“Che.” Napangiti naman ako.
Nagkwentuhan kami nila mama. Kinuwento
nila ang mga nangyari. Wala na kasi akong matandaan pa.
"Ang tanga ko din." sabi ko.
"bakit naman?"
"Kasi naman eh dapat umilag na
lang ako."
"Siguro na tense ka na at hindi
na nakapag isip."
"Pero walang kasalanan ang mga
pulis. May pagkukulang lang siguro sila..."
"Siguro nga..."
After ng ilang oras bumalik ulit ang
doctor.
“Mam.. after siguro how many days eh
okay ng lumabas yang anak anak ninyo.. okay na ang mga vital organs niya.
Maswerte siya at di natamaan ang puso niya. Muntikan na. Konting pahinga lang
at wag muna mag gagalaw...” bili ng doctor.
"Salamat po doc."
"Mukhang okay ka na ah."
"Oo nga po eh. ako pa."
"naku doc. masamong damo yan...
don't worry." sabi ni Annie.
"Ewan ko sayo."
Asikasong asikaso ako nila Annie at
mama.
“Grabe ka ha... dalawang linggo kang
walang malay. Tinakot mo kami.” Sabi ni Annie.
“Ayaw mo nun may suspense at
thrill...” sabi ko.
“Adik mo best..... gusto mo tuluyan ka
namin para naman horror?”
“Eto naman.. joke lang.. comedy nga
diba?” at nagtawanan kami.
Dumalaw sa akin si Rona at Anthony.
“Oh pinsan kamusta ka na?” tanong ni
Rona.
“Ayos naman ako. Eto pagaling na.”
“Mabuti naman.” Sabi ni Anthony.
“Si Ryan nga pala?”
“Ah eh.. nasa bahay.” Sabi ni Anthony.
“Hindi ba siya dadalaw dito?” tanong ko.
“Oi may dala kaming pagkain jan. sabi
mo daw gusto mo ng leche plan.” “
Oo si Annie kasi ayaw akong ibili
kanina.”
“Ano ka sinuswerte?”
“Si Ryan ba ulit?” pilit kong
tinatanog. Feeling ko may tinatago sila.
“May inaasikaso lang yun.” Sabi ni
Anthony
“Ni hindi niya ako madalaw dito. Alam
na ba niya na gising na ako?”
“Di ko lang alam.” Sabi ni Rona.
Di na ako nakapagtanong pa dahil
iniiba nila ang usapan.
Ano kaya ang problema? Mukhang may
tinatago sila.
Dumalaw din ang mga kaibigan namin na
sila Mark at marami pa. Mga employers namin. Si kuya pati yung fiance niya.
Tapos si papa. Buti naman at okay an ang lahat. Ang balita ko kasi okay na ang
lahat. Bumalik na ang suppliers namin at investors nila papa.
Natutuwa a ako na okay na si papa.
Sinugod kasi siya sa ospital and mild heart attack lang daw yun. Nakakhinga na ako ng maluwag. Mukhang settled
na ang lahat.
Pero isa lang naman ang nagpapalungkot
sa akin, mula ng magising ako, di ko pa siya nakikita. Di ko pa nakikita si
Ryan. Araw-araw nag hihintay ako. pag tinatanong ko anman sila, walang
konkretong sagot sila. Kesyo busy lang daw, kesyo maraming inaasikaso, kesyo
pag dumadalaw daw siya eh tulog ako.
Alam kong puro sila mga reasons na
alam kong hindi totoo. Nasaan na ba siya? Nasaan na siya? Hindi ako nawawalan
ng pag asa na dadalawin niya ako. Alam ko darating siya. Kahit na ang puso ko
ngayon namimilipit sa sakit. Nasasaktan ako dahil hindi ko siya mahagilap.
Nasaan ka nab a Ryan? Iniwan mo na ba ako? Hinitayin kita Ryan. Hihintayin
kita.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
Dumaan ang isang araw, dalawang araw,
tatlong araw... hanggang mag isang linggo, ngunit walang anino ni Ryan ni isa.
Kahit tawag o text wala man lang. Maayos na ang pakiramdam ko kaya nagdesisyon
ako na sa oras na makalabas ako dito, hahanapin ko si Ryan kung nasaan man siya
ngayon.
Walang bantay sa akin noon kaya
nagpasya akong lumabas ng kwarto. Napakaganda ng ospital na pinagdalhan sa
akin. Bumaba lang sila mama para bumili sa palengke na malapit sa ospital na
iyon. Walking distance kasi doon yun eh. Tapos may Jollibee at Chowking na
malapit doon. (Siguro yung iba na malapit lang sa Laguna eh alam yung ospital
na iyon...).
Nagpasya akong mag gala gala. Hawak hawak
ang stand na my dextrose eh naglakad lakad ako hanggang mapadpad ako sa
mumunting chapel sa loob ng ospital.
May nakita akong isang binatilyong
lalaki na nakaupo at tahimik na nagdarasal. Nakita ko siyang lumuluha kaya
naintriga ako. Pinagmasdan ko ang mukha ng lalaki at sinipat kung kilala ko ba.
Napakabata niya. siguro 4th year highscool. Hindi ko alam kung bakit siya
umiiyak, ang alam ko lang ngayon eh parang dama ko yung nararamdaman niya.
Gwapo ito, medyo may katangkaran,
siguro mga mas malaki lang ako ng onti. Di ko na lang pinansin ito bilang
pagrespeto. Pasyente rin siya ng ospital na iyon. Base kasi sa damit nito eh.
Umupo ito at pinahid ang luha. Nagulat na lang ako ng biglang nagsalita ito.
“Kapag nabasag ang puso, hindi malakas
ang tunog tulad ng isang pagsabog. Pwedeng kasing hina ng nalaglag na dahon.
Ang masakit nga lang doon, ikaw lang ang nakarinig...... Minsan hirap din pala
magpahalag ng isang tao. Yun tipong lagi kang nandiyan para sa kanya, kasama sa
gitna ng gera, karamay sa mga problema... ngunit isang araw.... magigising ka
na lang..... iniwan ka na pala niya...”sabi nito.
Alam kong kinakausap niya ako.
“Tol, may problema ba?” tanong ko.
“Pagpasensiyahan mo na ako kuya,
emosyonal lang ako.” sabi nito.
Nakita ko ang kamay nito na may
laslas.
“Tol... dapat di ka ang laslas...”
sabi ko.
“Masakit eh.... yun tipong di kayo pwede ng
mahal mo... yung iniwan ka niya dahil sa mga taong nasa paligid mo... di kayo
tanggap ng lipunan at ng mga tao....at higit sa lahat yung lokohin ka niya… ang
sakit sakit.” sabi nito.
May nabuong kunklusyon sa isip ko.
“Tol... wag ka maoffend ha.. pero
bisexual ka ba?” tanong ko.
“Sa totoo.... oo... ikaw din di ba?”
tanong niya.
“Hahahah... yup... pano mo nasabi?”
tanong ko.
“Ramdam ko eh... pati alam kong
naiintindihan mo ako...” sabi niya.
“Lam ko yang nararamdaman mo... alam
mo, hirap pag nawala ang mahal mo... nakakalungkot, masakit,
nakakamiss..... bakit kaya ganoon?
Pagkatapos ng saya, dadating din yung time na iiwan ka niya, dun sa part na
sobrang mahal mo na siya...” sabi ko.
“Sa una... akala ko wala wala lang...
pero nung nagtagal.... nahulog ako ng sobra.... mahal ko siya... sobra......
itinago namin ang lahat tungkol sa amin.... pero.... yun nga lang... wala
eh...”sabi nito.
“Alam mo... darating yung point na
magasasama din kayo. Kung kayo, kayo talaga kung hindi, well.... sorry try
again....” sabi ko.
Natawa naman siya.
“Yan.... ngumingiti ka naman pala
eh."
Lumabas ang dimples niya.
“Salamat at may nakakusap ako tulad
mo.”
“Ako nga din eh... kaya wag ng sad...
nababawasan kagwapuhan mo eh..” sabi ko.
“Naku bola agad ha kuya” sabi nito.
“Totoo naman eh.. hahaha..” sabi ko.
“Well.... sabi nga nila, ang pag ibig daw
parang crispy pata..... masarap pero deadly...”
“Hahahah... may point ka.... haha..
pero minsan ang pag ibig parang tinapakang ipis..... akala mo patay na... yun
pala buhay pa.....” sagot ko.
“Well... yeah right.... sabi ko nga
minsan kasalanan ito ng puso ko eh.....”
“Hay nako.... wag mong sisihin ang
puso mo.... batukan kita eh.... sabi nga ni Bob Ong.... Kung nagmahal ka ng
taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan
para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at
ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo,
mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga
sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo
kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa
lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo....”
Natahimik siya. Nabiga siguro sa
sinabi ko.
“Sorry napasobra ako.”
“No, You are an amazing man....” sabi
niya.
“Nope... di naman.... pero somehow...
nakaligtas nga ako sa kamatayan ng katawan ko... ewan ko nga lang kung ang puso
ko makaligtas pa ulit...” sabi ko.
“Bakit.... may problema ba?”
“Kasi yung mahal ko... hanggang ngayon
di pa niya ako dinadalaw.... di ko alam kung anong nangyari sa kanya... ayokong
isipin na iniwan niya ako.....” sagot ko.
“Siguro naman hindi... youre an
amazing guy.” Sabi niya.
“Nakak-flatter naman... pero iaaccept ko...
hahah...”
Nagkwentuhan kami at marami akong
nalamn tungkol sa kanya. Nag kwento din ako about sa akin. Ilang minuto din
kaming nag kwentuhan. Hanggang sa marinig ko na ang boses ni mama.
“Nicko....kanina pa kita
hinahanap....”
“Sorry ma... naisipan ko lang po mag
lakad-lakad....” sabi ko.
“Tol.... alis na ako ha... nice
meeting you...” ngumiti lang siya at umalis na ako.
Nang makarating ako ng kwarto ko eh
saka ko lang naalala na hindi ko pala natanong yung name niya. Well, siguro we
will meet again someday. After ng isa pang linggo sa ospital eh pwede na akong
lumabas. Nagpahinga ako gaya ng sabi ng mga doctor. Sumilip ako saglit sa labas
ng kwarto ko. Pag labas ko ng kwarto, nakita ko si Anthony.
“O san ka pupunta?” tanong ko.
“Ah... si papa kasi eh dito naka
confine eh...” sabi nito.
“Kamusta pa la si Tito?” tanong ko.
“He is fine naman eh..... nga pala....
I need to give it to you...” may iniabot itong maliit na box. Biglang nag ring
ang phone ni Anthony.
“Yes ma?... okay okay.... yeah... I’m
here sa ward ni Nicko... okay... sure.....bye....” narinig ko na sabi ni
Anthony.
“Nicko.... pinapapunta ka pa la ni mama sa
ward ni papa... gusto ka daw makausap ni papa....” di ko alam kung bakit pero
pumayag ako. sabi ko susunod na lang ako.
Binuksan ko yung maliit na box na
ibinigay niya sa akin. Nagulat ako sa laman nito. Isang singsing, tapos may
nakaipit na sulat. Agad kong binuksan ito at binasa:
Para sa pinakamamahal kong si Nicko,
Alam ko na okay ka na ngayon. I’m happy that
you are alive and you recover so fast. I miss you very much. Alam mo yung
feeling na para akong may tarak ng kutsilyo sa puso. I love you so much. Alam
mo kung gaano kita kamahal. Lahat inialay ko sa iyon. Pero, alam kong eto ang
dapat. Alam kong maggalit ka sa akin at sasabihin mong loko loko ako. oo Nicko,
nakiipaghiwalay ako sayo. Mas makakbuti ito. tama lang ito para sa ikakabuhay
mo.
Ayoko na nakikita kitang nag aagaw buhay. Ang
sakit sa puso. Ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo. Mahal na mahal kita. Una
palang kitang makita, kakaiba na ang naramdaman ko. Kung alam mo lang kung
gaano ako kasaya noong panhong sinagot mo ako. mahal na mahal kita sobra at
hindi ako magsaawang sabihin iyon. Mag ingat ka lagi. Ingatan mo sarili mo at
ang puso mo. Hope makakita ka ng mag mamahal sayo ng higit sa ginawa ko.
P.S.
Yang singsing na yan, ibibigay ko sana sayo
bago nangyari ang lahat ng issue kay papa. Pero di ko na maibibigay iyan.
Yayayain sana kita na mag pakasal pero mukhang di na mangyayari yan. I always
love you at mas mamabutihin ko na lumayo sayo kesa makita mo akong nasasaktan
ng ganito. Mas pinili ko lang mamatay para lang mabuhay ka. Mahal na mahal kita
sobra.
Nagmamahal,
Ryan
Nilukot ko ang papel kasabay ng pag
tulo ng aking luha. Bakit Ryan, bakit ka sumuko? Ang paulit-ulit kong sinabi sa
sarili ko. Gago ka, bakit mo ako iniwan?
Akala ko ba walang iwanan. Handa akong hinatyin ka pero bakit pinapatigil mo
ang natitirang pag asa ko.
Ikaw ang dahilan kaya ako nabuhay.
Dahil sayo. Pinahid ko ang luha ko bago ko hinayaan ang sarili kong pumunta sa
kwarto nung papa nila Ryan. Mabibigat ang yabag ng aking paa. Kahit na
kinakabahan, di na ako natatkot sa kahahantungan ng usapan namin. Inalalayan
ako ni mama.
“Anak... okay lang kung hindi mo
kaya....”
“Ayos lang ma... kaya ko to.. and besides...
wala ng mawawala pa sa akin..." pinahid ni mama ang luha na namutawi sa
aking mata.
“Anak… I love you. Andito pa kami sa
tabi mo.”
“Salamat ma.” Niakap ko ito ng
mahigpit.
Nakahiga sa kama si tito nang pumasok
kami.
“Pwede bang kami lang ni Nicko ang mag
usap?” sabi nito.
Lumabas silang lahat at binigyan kami
ng pribadong pag uusap.
“How’s your feeling tito right now?”
“I’m okay.... I think.. pangapat na
linggo ko na ito.. I’ve got my operation kasi. Naging critical ang kalagayan
ko. Pero okay na ako.... eh ikaw ba?”
“I’m okay po..... I recover faster than they
expected... ganyun lang siguro talaga.... matagal mamatay ang masamang damo...
hahahah” pagbibiro ko.
“Here’s the point....” biglang
seryosong sabi niya.
“Tito..... wala na kayong dapat ipag
alala... wala na po kami ni Ryan... mahal na mahal ko po siya...... pero mas
pinili niya na mag pakalayo..... masakit po... at alam kong tutol kayo sobra...
di ninyo na dapat ulit-ulitin pa...” pag straight forwad ko agad.
“You are a wise guy..... and sure did
that you are an amazing person….napaka buti mo nga... but I think you are
barking up in a wrong way..... Oo tutol ako sa inyong dalawa. Binalaan ko non
si Anthony nung kayo pa. Ginulo ko ang buhay mo. It’s all my fault kung bakit
nagkandaletse letse ang buhay mo. It is all my fault then.”
“Ano po ba ang gusto ninyong sabihin?”
tanong ko.
“Gusto kong pabalikin mo dito si Ryan.
He is now going to America to live there. Ako ang nag pilit sa kanya na
hiwalayan ka. Pinilt ko siya. Ginipit ko siya at ikaw. Sabi ko pag hindi siya
sumunod sa akin ikaw lahat mag buburden kaya pumayag siya. Then suddenly,
nangyari yung kidnapan sa inyo. After that insident, he surrender to me. Nag
decide na siya na lalayo siya kasi mas makakbuti ninyo....." Napatigil
siya.
"Nakita ko na mahal na mahal ka
talaga niya at handa siyang mag sakripisyo. Noon ko lang siya nakitang
determinado. Noong di kapa nagigising lagi siyang nasa kwarto mo. Binabantayan
ka niya. Alam kong mabuting tao ka. Kaya nag isip isip ako. Natauhan ako sa mga
nangyari. Bakit ba ginagawa kong letse ang buhay ng mga anak ko. Dapat
maintindihan ko sila dahi magulang ako. Nahirapn lang talaga akong tanggapin”
Napaluha ako sa sinabi niya.
“Please lang..... pabalikin mo siya...
ikaw lang ang makakpag pabalik sa kanya dito.... and … and…. And I give you my
blessings... kung magpapakasal kayo di ako tututol.... alam ko mabuti kang tao
at madiskarte..... so welcome to the family.... I will embrace you to our
family” Niyakap niya ako at napaluha ako ng sobra.
“Tito...” biglang putol niya.
“Papa.... ndi tito...”
“Ah okay po.. heheeh.. salamat po sa
blessings at pagtanggap ninyo sa akin.
Hayan po ninyo gagawin ko ang lahat para mapabalik siya....”
“Now...go now... baka di mo siya
maabutan....” sabi niya.
Nag madali akong lumabas. Di ko inda ang sakit
na narardaman ng katawan ko. Ang nararamdaman ko ngayon ay pag kasabik at tuwa.
“Mama... we have a flight to stop...”
sabi ko kay mama.
“Naku anak... please... pabalikin mo
ang anak ko...” sabi ng mama ni Ryan.
“Opo mama.... promise yan...” at
nagmadali kaming pumunta doon.
Habang nasa daan, ibang kaba at
excitement ang nararamdaman ko. Yung feeling na nasasabik ka na sa sobrang saya. Masaya na ako now and
then. Now, finally tapos na ang unos na hinaharap ko. Dumaan na ako sa lahat ng
problema at ngayon eto na ang pagkakataon ko para harapin namn ang kaligayahan
ko. Tinatawagan ko si Ryan pero patay ang phone niya.
“Ryan... pasaway kahit kailan. Humanda
ka sa akin kapag nakita kita. Iiwan mo pa ako ha... naku naku naku...” sabi ko
sa sarili ko.
“God... please paabutin mo naman ako
sa kanya oh... last na naman to.... gift mo na sa akin...” sabi ko.
We travel about 2 hours para lang makaabot
sa flight niya. Buti na lang 1 hr. Pa bago yung flight niya. Maabutan ko pa
siya. Laging maaga yun pag may flight siya. Di siya pumapayag na naiiwanan siya
ng eroplano.
Pero sa pagkakataong ito, no choice
siya kundi maiwan ng eroplano dahil hindi ako papayag na umalis siya. Gagawin
ko ang lahat. Kung kailngan ko siyang itali gagawin ko. Pero di ako papayag na
mawala siya.
Hindi mapalagay ang katawan ko. Para
bang saabog ito sa pag ka excite. Grabe
ayt.
Todo pagmamadali kami ng
makarating na kami. Todo hanap na ako.
banda rito, banda roon. Hanggang mahagilap ko ang pagkatao niya. Nakita ko
siyang papasok na. Kaya isang sigaw na nakakagulat ang yumanig sa lahat.
“RYYYAAAAANNNNN!!!!”.
Maging siya napatingin. Ayaw kaming
papasukin nung guard dahil di pwede. Lumingon siya sa akin at nakita ko ang
pagkagulat niya. Ngunit imbis na pumunta sa akin, nagtuloy siya.
“Sige talikuran mo ako... di ako aalis
dito hanggang sa bumalik ka.....” sigaw ko.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Bakit ba. Kailngankong pigilan ang mahal
ko eh. Grabe sila mga tsismoso. Bahal sila eskandalo na kung eskandalo. Dumami
na yung mga guard na dumating.
“Wag kang gumawa ng eskandalo dito...”
sigaw niya.
“Lumapit ka dito para di tayo
nakakaagaw ng pansin!” sabi ko.
“Paano kung ayaw ko?” sabi niya.
“Wala akong magagawa kundi ang mag
wala dito....” panakot ko.
Lumapit siya ng marinig yon.
“Di ka pa ba nadadala? Iniwan na kita
ah.... INIWAN!.... bakit di ka pa rin tumitigil?”
“Ngayon pa? Ngayon pa ako titigil? If
I let you go, anong mangyayari sa buhay ko? Babalik na naman sa dati? Mahirap
mawala ang mahal mo... at isa pa last chapter na to ng love story natin ano ka
ba?”
“Pero di na nga pwede.... hindi na...”
“Bakit ka ba natatakot na mahalin ulit
ako... bakit ba ayaw mo na sa akin? Matatpos ang lahat iiwan mo na lang ako?
Well gusto mong sabihin k okay author na irevised lahat yan at tanggalin ka sa
scene?”
“Pero...”
“Wag kang mag reasons sa akin... wag
na wag mong gagawin yan... dahil hindi na ako tatanggap pa niyan.”
“Ayoko ng nakikita kang nag hihirap...
nang dahil sa akin ang buhay mo nagkanda letse letse...”
“May mga bagay na kahit nasa akin na,
nawawala pa.... pero siguro talagang ganon. Kaya naisip kita, lam kong di ka na
magiging akin, pero sana bago ka mawala, malaman mo na kung di ka mahalaga sa
akin, e di sana pinabayaan na lang kita...” sabi ko sa kanya na nalilingid na
ang aking luha. Natahimik siya bigla.
“Kung gaano kita kamahal, hindi ko
mabiling kung gaano. Mahal na mahal kita. Sobra. Iniisip ko lang naman ang
kapakanan mo eh... ayaw na kita masaktan...”
“Kung ayaw mo akong masaktan... anong
ginagawa mo sa akin?” Di agad siya nakasagot.
Lumabas siya sa may gate at lumapit sa
akin.
“I’m sorry... mahal na mahal kita....
sorry... iniwan kita.... mahal na mahal kita...” niyakap niya ako.
nagpalakpakan ang mga tao.
“Mahal mo naman pala ako eh... iiwan
mo pa ako.. Drama mo ha. Batukan kita eh. Ipapaaway kita sa mga readers
eh….Ngayong tanggap na ako ng papa mo?” sabi ko.
“Huh? Talaga?”
“Oo... siya nagsabi na iuwi kita... na
wag kitang hayaang umalis....” nakita ko ang paglingid ng luha niya.
“Wag ng umiyak... halikan kita jan
eh.” Binibiro ko lang siya pero hinalikan niya ako sa harap ng maraming tao.
“Bakit mo ginawa yun?” tanong ko.
“Diba legal na tayo? Kaya wala ng
dapat pang ikatakot pa.” Sabi niya.
“legal pala ha... ni hindi mo nga
maibigay ng ayos sa akin ito eh..” inilabas ko yung box ng singsing.
Nakita kong ngumiti siya. Bigla siyang
lumuhod at kinuha ang singsing.
“Hoy... tumayo ka jan... nahihiya na
ako sa eksena na ginagawa natin dito...” sabi ko.
“Pierre Nicko Mercado.... will you
marry a person like me named Ryan Cyril Reyes...?” sabi niya na seryoso ang
mukha.
“Paano kung ayoko?” sabi ko.
“Alam kong gusto mo at pag tumutol
ka... ipapadukot ko puso ko....” sabi nito.
“oo na... YESSSS!!!” sabi ko.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit.
Hinalikan din niya ako ng kay tamis. Feeling ko nasa heaven na ako. bigla
siyang humarap sa mga tao at nag salita. Pinipigilan ko siya pero ayaw niyang
paawat.
“Mga kababayan.. ladies and
gentlemen.... narinig na ninyo... papakasalan daw ako ng mahal ko...
wooaaaahhh..” sigaw niya.
Di ko alam kung mahihiya ba ako dahil
nakalibot na sa amin ang mga tao. Nagsisigawan sila sobra. Hahahah.
“Alam mo, napakagaling talaga ni God.”
Sabi niya.
“Bakit naman?”
“Alam kasi niya kung saan magiging
masaya ang tao, kung saan sila pwedeng magmahal at mahalin ng totoo, kung saan
yung langit dito sa mundo....Kaya pala nilagay niya ako malapit sayo.....” sabi
niya.
“Ang sweet mo naman. Alam mo... sa
pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang
karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsusumbat
ng kasalanan. Mahal na mahal kita at lagi lang akong naririto para sayo.”
“I will never let you go again dahil IF I LET
YOU GO, ikakamatay ko na.”
-----Wakas-----
dylankylesdiary.blogspot.com
No comments:
Post a Comment