Thursday, December 27, 2012

If I Let You Go (11-15)

by: Dylan Kyle

Lutang ang isip ko habang papunta kami sa lugar na pupuntahan namin ni Ryan para mag dinner. Hindi ko malaman kung itutuloy ko ba na sabihin sa kanya o reresolbahin ko ito ng mag isa. Di ko alam kung ano ang magiging reaction niya pag nakita niya ang mga litratong ito. mga litrato na kitang-kita na magkayakap kami at magkalapat ang mga labi.

Ayaw ko namang pag isipan ng masama si Anthony kung pakana ba niya ito eh, pero isa lang ang pinag hihinalaan ko, si Rona. Alam kong gagawin niya ang lahat para lang hindi maging magulo ang buhay nila ni Anthony. Pero, hindi ko lang maintindihan, wala na kami ni Anthony at sana naman na maisip niya na kung sakali man na siya ang may gawa niyon eh annahimik na ako. gusto ko nga ipa-trace yung e-mail sa akin na iyon eh.

Malalim talaga ang bawat buga ng aking hininga at pag iisip ng aking utak. Definitely, hindi ko muna sasabihin ngayon sa kanya yung tungkol sa picture kasi ayokong sirain ang masayang gabi niya. Ililihim ko muna sa kanya panandalian at hahanap ako ng tiyempo kung kailan ko sasabihin.


Napapaisip din ako kung sino ba ang maaaring magkainteres nito. Sino ba ang gustong sumira sa akin. Haixt. Panibagong problema na naman ito. Aalamin ko at pipiliting resolbahin ito. hindi sapat ang picture na iyon para lang sirain ang aming relasyon. hindi ako papayag na dahil lang doon, mawawala ulit ang masasaya kong ngiti.

“Bakit tahimik ka ata?” tanong niya sabay hawak sa aking kanang kamay habang nagmamaneho siya ng sasakyan.

“Uhm... wala naman... pagod lang.... Alam mo naman sa trabaho namin ngayon, marami-rami ang kailngang asikasuhin.... hehehhe...” pagtatakip ko.

“Uhm... are you okay? Kung gusto mo pahinga ka na lang... uwi na tayo... mukha kasing di ka okay eh... nanahimik ka tapos parang namumutla ka pa...b Ayoko naman na ganyan ka habang nandito tayo... nag woworry ako sa asawa ko...”

 “Uhm... adik... hindi... ayos lang ako. Ikaw talaga. Ayokong i-ruined ang date natin ngayon... I’m okay... gutom lang to at in no time I will be okay...” sabi ko.

Humalik muna siya sa akin at saka hinarap ang daan. Dineretso na lang niya ang pagmamaneho. Para naman hindi na siya mag- alala sa akin eh kinulit ko siya. Tawanan kami to the max.

Ilang sandali lang eh nakarating na rin kami sa pupuntahan namin. As I expected, isu-surprise ako ni Ryan.

Namangha ako sa pinagdalhan niya sa akin. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit dahil dun. Gusto kong ipadama sa kanya na labis akong nagpapasalamat sa kanya at dumating siya sa buhay ko. Lagi na lang siya ang may surprise sa akin. Gusto ko ako naman.

 “Mahal ko.... salamat talaga dito... I love you...”

 “Uhm... I love you too... para sayo to...”

"Nakakahiya naman.. lagi na lang ikaw ang may surprise samantalang ako wala pa... yaan mo babawi ako sayo..."

"No... hindi naman ako humihingi ng kapalit... I want to show you kung paano ako mag mahal.... Siyempre mamaya eh madukot pa ikaw sa akin...."

"Oo na... bantay-sarado na ako sayo.. sayo lang ako... mula ngayon.. hanggang ngayon... I promise that I will never Let you go.... because If I let You go..... Mawawala na ang mahalagang parte sa aking buhay...."

"Siyempre ako din... di ako papayag na mawala ka sa akin... I will never be far away from you...."

"I Love You..." sabi ko sabay kiss sa kanya.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko na para bang nasa langit ako dahil sa lugar na pinagdalhan niya sa akin. Kinalimutan ko muna ang lahat ng probelama at pilit winawaglit ang mga namumuong sakuna na paparating sa aking buhay. I will definitely do my best para maging special ang gabing ito.

Sobrang sweet talaga niya sa akin. Biruin mo siya pa ang nag aalok na subuan ako. Nahihiya pa nga ako aksi naman maraming tao. Pero mapilit pa rin siya. Wala siyang pakialam kung makita man kami ng mga tao. Merong mga tao na malisyoso at para bang ang tingin sa amin ay sobrang imoral at yung iba naman eh naiintindihan kami at natutuwa para sa amin. Pero di ko na lang sila inintindi.. ang mahalaga, magkasama kaming dalawa at wala ng makapagpabago dun.

Ang mundo talaga ay di perpekto. Kung may mabuti, may masama. Kung may tahimik, may maingay. At kung may mananahimik, may mambubulabog. Bakit kaya may mga bagay na pilit nag wawaksi sa mga bagay na dapat nasa sa iyo na. Di ba pwedeng maging permanente na tong kasiyahan na ito. Sabi nga nila, the only permanent in this world is death. Haixt.

Tawanan lang kami ng tawanan. Okay na okay ang panahon at temperatura. After namin kumain, nagyaya siyang maglakad-lakad. Meron kasing park na malapit doon. Maraming tao ang nandoon kaya sobrang ingat ako. Ayoko kasi na magulo ang buhay ni Ryan ng dahil sa akin. Pero kung anong ingat ko eh yun naman ang pakita niya sa ibang tao.

“I love you mahal ko...” sabi niya sa akin.

“Sige nga... kung mahal mo ako halikan mo ako...” pag bibiro ko sa kanya.

“At hinamon mo ako ha... ikaw talaga... baka di mo magustuhan ang gagawin ko...” sabi niya.

“Wohoooy... parang magagawa mo naman... ikaw talaga...”

Pero ilang saglit lang naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa aking pisngi at ang unti-unti pagyakap niya sa akin. Nagulat ako ng husto sa ginawa niya. Di ako makapagsalita at di makagalaw ng ayos.

“Hala ka... ba’t mo sineryoso? Adik mo.. alam mong madaming tao... mamaya may kakilala ka jan eh... ikaw talaga... natatakot ako para sayo...”  sabi ko sa kanya.

 “Alam mo... dadating tayo jan... alam kong mabubulatlat tong lahat... kaw talaga... gusto ko ngayon eh maging okay... gusto ko gawin kong memorable ito.”

Hinawakan niya ang kamay ko. Pinisil niya ito ng sobra. Bigla na lang tumulo ang aking luha. Sa sobrang galak ng dahil sa kanya. Inakbayan niya ako at pinaramdam na ako ay para lang sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya na ako ay sa kanya lamang at walang ng iba pang makakagaw.

Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Naluluha luha na ako habang naglalakad kami at tinatawanan na lang niya ako.

“Ano ba yan... wag ka nga umiyak.... batukan kita jan eh..” sabi niya pero pati naman siya eh naluluha na.

“Aysus... ikaw ang batukan ko...naluluha ka na di jan eh.... tadjakan kita eh...” sabi ko.

“Hahahah.. joke lang naman... siya penge na lang kiss... mwaaaahhh..” sabi niya.

“Ayoko nga... nakakailan ka an eh.... hahahah” biro ko.

“Ay ganun... katampo naman... siya sa iba na lang ako kikiss...”

“Ay ayan ang subukan mo at makakakita ka ng taong lumilipad at gumugulong pababa sa lupa....” sabi ko.

“Eh kaw kasi eh... sobra..... damot sa kiss...” natawa ko sa parang batang asta niya.

“Oh eto na... kaw talaga..... mwaaahhh..”

Nagulat ako sa ginawa niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ng buong puso. Para bang walang tao doon na iba.

“Mwaaaahhh... yan... hahahah.. I Love you....” “I love you too...”

"Sa lahat ng adik ikaw ang top one..." sabi ko.

"Oo naman... dahil sa lahat ng bagay na pwede kong ikaadik... ikaw ang namumukod-tangi..."

"Aysus... bola...."

"Hala ka.... nanakawan ako...."

Bigla niyang kinapa yung katawan niya at mga bulsa.

"Ayan kasi di nag iingat eh... Tara hanapin natin... tara nga...."

"Huwag na... sigurado akong nandito lang yun sa tabi-tabi..."

" ano ba nawawala sayo? Cell phone? Wallet?" tanong ko. Bigla akong nag alala. Naku, di naman kasi burara tong lalaking ito eh.

"Puso ko. Nanakaw ata eh. Bakit, nasayo ba?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Ang corny pero sobrang kakilig.

"Alam mo kung makabanat ka wagas... kala ko naman kung anu na..."

"Hahaha.... halika nga...." bigla niya akong niyakap.

"Alam mo wala na akong relo..."

"Bakit? Nasaan ang ibinigay ko sayo?" tanong niya.

"Kasi lahat ng oras ko, obinigay ko na sayo..." banat ko.

"Aysus... bumanat din ang mahal ko..."

"Siyempre ako pa...."

Nagpaikot-ikot na kami dun sa park. Hanggang sa mapatigil kami dun sa may bench. Ganda ng langit ngayong gabi. Maliwanag dahil sa mga bituin at buwan. Dami naming kalokohang pinag gagawa. Masasabi kong isa ito sa mga memorable na nangyari sa akin. Haixt, iba talaga pag inlove ka.

“Mahal ko... I love you... mahal na mahal kita... hinding-hindi kita ipagpapalit... promise yan.. kahit may maganda pang dumaan sa harapan natin ngayon at akitin ako.. ay... naku... walang walang makapagpapalit sayo...” sabi niya.

“Weh... talaga? Pag lang ikaw eh nahuli ko.... puputulin ko ang pwedeng putulin...” sabi ko.

“Naku.. di mangyayari yan.. peksman.... I love you.... I love you...” sabi niya.

“I love you too...” at hinaliakn ko siya sa kanyang mga labi.

Biglang may babaeng dumaan at tumingin sa kanya. Sumundo naman siya ng tingin.

“Ayon daw ang nag promise na di daw ako ipagpapalit... grabe oh... kakasabi lang at nangako pa..... nako... kakaiba ka... Naku... dudukutin ko yang mata mo” sabi ko na nagtatampo.

“Hala.... hindi po... di naman ako lumilingon ah...” natatawa pa siya habang sinasabi niya yun.

“Che... ewan sayo...” pagtatampo ko. Lumuhod pa siya sa haapan ko.

“Joke lang yun mahal ko... to talaga di mabiro....”

“Joke mo your face.... hmm... bala ka nga jan...” tumayo ako at umalis.

Siyempre pahabol ako. Hahaha. Naku. Adik kasi kung saan saan pa tumitingin. Habol lang siya sa akin at panay ang sorry. Hahah.. napatigil ako ng bigla na niya akong yakapin sa likod.

 “Sorry na oi... kaw talaga...”

“Che... bala ka jan...” sabi ko.

Natatwa naman ako habang naririnig ko na sinasabi niya yun.

“Hala... pinagtatawanan ako..... naku... pinaglalaruan ako ng mahal ko...kaw ah... pinapahabol mo pa ako... dami mong alam mahal ko... tsk tsk... kaw talaga... mwahahhhh... I love you....” sabi niya.

Ang tagal namin sa posisyon na yun. Nakayakap siya sa akin. Mas matangkad naman siya sa akin eh. Sobrang saya ko talaga ngayon. Para kaming mag asawa kung magyakapn. With matching holding hands pa kami. Hahaha. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin kaya biniro ko siya.

“Mahal ko.. sabihin mo lang kung gusto mo akong gawing sardinas ha...” sabi ko.

 “Hahaah.... bakit ba... ayos lang naman tong pagyakap ko... ayaw mo ba...” pagtatampo niya.

“Eh kasi naman.. mamaya eh bumulusok na yang nasa ibaba mo.. kala mo di ko ramdam... alam ko namang nanggigigil sa akin...” at nagtawanan kami.

“Bakit ba... asawa naman kita... ikaw kasi eh.. pinapaexcite mo pa ako... haixt... makukuha ko din naman yan sooner at sooner.... hahahah” sabi niya.

“Aysus... papahirapan kita promise.... hahahah” pagbibiro ko sa kanya.

"Kung matitiis mo ba ako eh.. alam ko namang di ka rin makakatiis... mag tanggal lang ako ng tshirt eh alam kong uhmmm... ahaahahah"

"Wew.... kala mo lang... pag hirapan mo ito..." hamon ka sa kanya...

"Talaga... kakayanin ko yan..."

Memorable day talaga to sa buhay ko. Napakasaya sobra. Feeling ko nasa ibang planeta ako dahil dinala niya ako sa outer space. Hahah. Nababliw na ako sa kanya. Napagpasyahan na naming umuwi. Malalim na ang gabi noong ihatid niya ako sa bahay.

“Dito ka na matulog....” sabi ko.

“Uhm.... sure ka?”

“Oo naman.. kaw talaga... ayoko namang mapahamak ang asawa ko sa daan no...” sabi ko.

Doon ko na siya pinatulog. Kahit anong pilit kong doon siya matulog sa guess room eh ayaw niya at talagang nagsumiksik sa aking kwarto. Boxer lang ang tanging suot niya. Yun lang meron siya. Pinapahiram ko siya ng shorts at sando eh ayaw naman niya. Ang dahilan niya eh pampatagal pa daw yun ng huhubarin. Natawa ako dun sa sinabi niya.

“Adik mo... kala mo makakisa ka ngayon ha....” sabi ko.

“Aysus... sa appeal kong ito makkatanggi ka ba?” biglang kindat.

Alam kong hindi ako makakatanggi sa kanya kahit na ano ang gawin ko. Lalo na ngayon na gusto kong iparamdam sa kanya kung ano ang kaya ko gawin. Mahal ko siya higit pa sa buhay ko at hindi ko alam kung ano ang magagawa ko pag wala na siya.

 At hinuli niya ako sa kanyang braso. Nagkatitigan kami at unti unti lumapat ang aming mga labi. Nagtama ang aming paningin sa panahong ang aming labi ay magkadikit. Niyapos ko siya ng mahigpit at iyon ag dahilan kung bakit lumalim ang aming paghahalikan. Isinunod niyon ang mga tunog mula sa aming bibig habang naghahalikan. Masarap, mahinahon at sensible, yan ang naramdaman ko. Dahan dahan niya akong hinahalikan.

"Sabi ko sayo.. di ka na makakatanggi sa akin eh..."

"Wala pa nga eh...."

"So pumapayag ka na?"

Ngumiti lang ako at nagulat na lang ako sa biglang ginawa niya.

Gumagala ang kanyang mga kamay sa aking katawan. Inaalis niya ang aking kasuotan. Di na ako umapila pa. Handa na ako. Handang handa na. Mahal ko ang taong ito at handa akong ibigay ang sarili ko. Kahit na may iba ng umangkin nito noon, iaalay ko pa rin ito sa kanya.

Unti-unti ng natanggal ang aking suot at ang kanya naman ang aking isinunod. Unang beses ko ng makikita ang sa kanya. Di na kataka-taka pa kung anuman ang sukat ng sa kanya. Alam ko na yon at ramdam ko.

Pareho na kaming walang saplot at naglalaro ang aming mga sarili sa ibabaw ng aking kama. Ramdam ko ang pagkasabik niya sa akin at ramdam ko din ang sa akin. Sino ba ang hindi maakit sa kagwapuhan ni Ryan. Haixt. Napakaimaginative ko talaga. Nararamdaman ko ang matigas na bagay na bumubundol sa aking mga binti. Pumaibabaw ako sa kanya at unti-unting gumapang ang aking mga halik pababa sa kanyang katawan. Impit ng ungol ang narinig ko sa kanya.

“Uhm..... uhmm....” sabi niya.

“Mahal ko... mahal na mahal kita....” sabi ko sa kanya.

“Mahal na mahal din kita.....” sabi niya.

Pumatong ulit siya sa akin at nagbigay na siya ng motibo na aangkinin na niya ako. Unti-unti niya itong ipinasok at naramdaman ko ito. Masakit, pero para sa kanay titiiisin ko.

“Ma..mahal ko... di mo man ako nakuha nang buo... ipinapangako ko.. sayo sayo ako...” sabi ko sa kanya.

 “Di problema sa akin yon.. mahal kita... at minahal kita ng sobra sobra... wala yan sa katayuan at kalikasan.... basta mahal kita...”

At sa gabing iyon, lumaganap ang pagmamahalan namin sa kwarto ko. Ipinaramdam namin ang pagmamahal namin sa isa’t-isa at isinuko ko ng tuluyan ang aking puso para sa kanya.

Matapos ang lahat, niyakap niya ako ng kay higpit. Hinalikan niya ako sa pisngi at hinawakan ang aking kamay. Ramdam ko ang kagalakan sa kanya at ang pagiging panatag na ang aking puso ay sa kanya at sa kanya lamang.

“I Love you mahal ko... mahal na mahal kita... walang hihigit pa...” ang sabi ko.

 “Mas mahal na mahal kita.... higit pa kahit kanino man.....” sabi niya.

“Ngayon sayong-sayo na ako.... ang katawan at ang puso ko... sayo lamang at ikaw lang ang magpapatibok.... mahal na mahal kita wala ng hihigit pa...” ang sabi ko.

"Sp talo ka ngayon... haixt.. sabi ko sayo di mo ako mattiis..."

"Aysus... yabang mo talaga..."

Niyakap niya ako ng mas mahigpit.

Ito na ata ang masayang nangyari sa aking buhay. Pero may mga unos pa akong dapat pag daanan.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

Isang panibagong araw ang gumising sa akin. Isang umaga na walang kasing tiwasay at kasing saya. Himbing na himbing sa pagtulog ang mahal ko na noo'y katabi ko sa aking kama.

Bumangon ako para bumaba at ayusin ang gamit niya para sa pag pasok. Marami-rami na rin kasing damit dito si Ryan sa bahay ko kasi minsan dumederetso na siya pag pasok pag napunta dito sa bahay lalo na pag dito siya natutulog.

 Ramdam ko ang sakit sa aking likuran, at hindi ko naman pinagsisisihan ang nangyari sa amin ni Ryan. Masaya ako na nakipag niig at ibinigay ko sa kanya ang unang pagkakataon sa kanya. Abot langit ang ngiti ko ng malaman kong ako ang unang experience niya at pansin ko yon dahil sa mga kilos niya.

Halos pisain na niya ako sa panggigigil nun. Sobra akong na starsrtuck sa kanyang buong pag katao. Lalo na yung muscles niya at yung sa parteng dibdib. Kaysarap ng mga yakap niya. Ang sarap mag stay na yakap yakap niya.

Naramdaman niya ang pagabangon ko kaya nagising siya. Nakita ko ang pag mulat niya at nginitian ko agad siya. Hinigit agad niya ako at niyakap at inihiga ulit. Nagulat ako sa ginawa niya at labis akong natuwa sa pakiramdam ko ngayon.

“Uhum... tatakas pa ang asawa ko... dito ka muna... tulog muna tayo...” sabi niya.

“Hala ka... adik mo... may pasok ka po sir... kelangan mong bumangon at mag-ayos...”

“At sinong may sabi sayong papasok ako?”

“Aysus... di pwede yan... hala bangon na at kelangan nating pumasok...”

“Uhm.. sige na papasok na ako sa yo...”

“He... tumigil ka...”

“Jowk lang... kaw talaga.... la naman kami gagawin now sa office. At isa pa, la kong pasok ngayon. Alam ko kasi na mangyayari ito kaya I mark it... hahahah.. naisahan kita..”

Aysus. Kaya pala ang lakas ng loob na akitin ako. Nako, naisahan ako ng mokong na ito. Pero mas higit ko siyang naisahan. Alam kong di niya malilimutan ang nangyari sa amin kagabi.

“Kaya naman pala... pinagplanuhan mo ang lahat... sari-sari ka....”

“Ganyan talaga... ako pa....” pagmamaybang niya.

“Eh ako. Kailngan kong pumasok... kaya tara na...”

“May kundisyon..... isa munang round...” sabi niya.

“Halala... di ka pa ba nagsawa.... kaw talaga... sakit na kaya... ikaw jan pasukin ko eh...”

“Edi gawin mo.... kung magagawa mo.... Wag ng pakipot asawa ko..... Alam ko namang nasarapan ka eh... hahahaha..... kaya sisimulan ko na... ayan na..”

"Aysus... sino kaya ang nasarapan?"

"Parehas lang...... ayan na ako..."

“Hep hep hep.... kulit mo talaga... naku ikaw....”

“Hahahah... sige na... tara na... nakakapagtampo naman ang asawa ko..."

"Wag ka nga paawa effect batukan kita jan eh..."

"Eh kasi naman eh..." pagbabago ng ekspresyon niya.

"Halika nga......" at hinalikan ko siya sa labi.

Agad naman niya akong sinunggaban at wala na nga akong nagawa. Pero siya na ang kusang tumigil.

"pag bibigyan kita ngayon kasi alam ko na magdadalang tao ka na...”

"Grabe ang bilis naman yang semilya mo..."

"GAnun talaga... alam kong bulls eye ang pagkakatama ko..."

"Kapag di to nag bunga ikaw ang ma-bubulls eyan ko..."

"Basta wag masyado masakit......" napatawa naman ako.

"O sige parang kagat lang ng lamok...."

"Aysus.... gaano kalaking lamok naman yun? Gaasong lamok?"

"Tumigil ka na nga jan.. Tara na bangon na..."

Bumangon naman siya at parang batang nagmumukmok. Para talaga siyang abta kung umasta pero cute siya pag ganun ang ginagawa niya.

Di an ako nakapagpigil dahil sa sobrang kinikilig ako makita ko lang siya. Hinila ko bigla siya at hinalikan sa labi. Aba, bigla bigla ba namang gumanti agad. MAta[os yun di na niya ako pinaawat. Kakaiba talaga dumiskarte. Wala akong laban ng hawakan niya ang dalawa kong kamay at unti-unti ng tumuloy ang lahat sa panibagong karanasan.

Hinatid niya ako sa shop at sinamahan niya ako sa shop. Hahaha. Nakahilata lang siya dun sa may office ko. Hahah. Yan kasi masyadong mahilig kaya puyat at pagod. Bagsak tuloy dun sa hinihigaan niya at wapal, knock out.

“Oy best, umamin ka. Anong nangyari sa inyong dalawa kagabi?” tanong ni Annie sa akin.

“Ha? Ah eh. Wala naman. Bakit mo natanong?” pagtatago ko pero deep inside natatawa ako.

“Aysus. Wag ka ng maglihim. Talandi mo best. Kurutin kita jan sa singet. Halatang halata na latang-lata yang asawa mo. Aba tignan mo at yan o tulog na tulog. Grabe best, kakaiba ata ang ginamit mo jan kagabi na gayuma. Nakailan kayo ha? Ikaw eh kumekerengkeng ha.” Sermon niya.

"Hoy bakit ako? Pati pag pagod eh may nangyari agad? Di ba pwedeng talagang batugan yan?"

" Siya maging batugan? Eh kapag andito yan eh halos di na kayo mapag hiwalay... Daig pa ninyo ang balat at saging..."

"Well"

"Well well ka jan.. umamin ka nga...."

“Di ko kasalanan yun no. Siya ang mapilit. Mapagbigay lang ako.” Pagbibiro ko.

Pinalo niya ako sa likod.

"Aray ko... masakit ha...."

“Adik mo. Dami mo alam. Naku naku. Ikaw ha.... Talandi mo.... at ibinigay mo naman....” at nagtawanan kami sa pinaguusapan namin.

"Hahaha..... at least ako nakauna sa kanya..."

"NAku... talandi mo..... kumekerembang ka na..."

"Hahahah..ganun talaga..., sarap nga eh..." pag iinggit ko sa kanya.

Biglang napansin kong naalimpungatan si Ryan.

“Mahal ko, di ka ba hinahanap sa inyo?” tanong ko.

“wag kang mag alala, nagpaalam naman ako eh. Kaw talaga. Uhm... tara kain na tayo.”

Ang cute pa rin niya kahit bagong gising. Pumunta ako sa kanya at kumalong sa kanya.

"MAhal ko.... ang bigat mo...."

"Grabe ka ha...." sabi ko.

"Pag pasensiyahn mo na... latang lata pa ang asawa mo... pinagod mo kasi...."

"Hoy..kayong dalawa.... kung mag lalampungan kayo eh may kwarto jan... pumasok kayo dun.." sabi ni Annie.

"Mamaya na.... latang-lata pa eh...." sabi ni Ryan.

"Adik mo...." bigla kong sabi.  “Nga pala. Nagkaayos na kami ni Anthony. Nagkausap kami kahapon.” Sabi ko sa kanya.

Di siya umimik. Pansin ko ang pananahimik niya agad.

“Okay ka lang?” tanong ko.

“Yeah I’m okay. I’m glad na okay na kayo.” Sabi niya.

“Kung okay ka lang eh bakit ganyan yang mukha mo. Oh tignan mo.”

“Wala to...” sabi niya.

“Naku, nagsuplado na naman to... halika nga... alam kong nagseselos ka at nagkita kami..... kaw talaga.... Wag kang magselos... mahal kita at ikaw lang ang mahal ko.... okay? May sasabihin ako sayo”

Hinawakan niya bigla ang pisngi ko at hinalikan niya ang labi ko. Iyon ang simbolo na ok na siya. Na wag na akong mag alala. Aba ayaw talagang mag paawat at ayaw vbitiwan ang mga labi ko. Labis tuloy nag tatalak si Annie. Di ko na nasabi ang dapat kong sabihin.

 Kung ganito lang talaga ang buhay ko eh magiging masaya na ako. Kapiling ko si Ryan na pinakamamahal ko. Wala na akong mahihiling pa. Siya na at wala ng iba.

Ilang beses naming iginugol ang aming mga sarili sa paglilibang sa pag gagala. Sa mall, park at marami pang iba. Napaka special ng pinupuntahan namin kapag monthsary namin. Hanggang sa nakalimutan ko na yung tungkol sa e-mail sa akin. Nawala sa isip ko na sabihin sa kanya.

Isang araw, habang nagshoshopping kami, may isang babae ang lumapit sa amin at kinausap si Ryan.

"Ryan... is that you?" tanong ng babae.

" oh... Bea.... nice to meet you again... Long time no see ah..."

"Oo nga eh... it's been long since nag kausap ulit tayo..."

“Nicko, si Bea nga pala, ex ko. Bea si Nicko..” pakilala sa akin ni Ryan.

“Uhm. Hello nice to meet you.” Sabi ko.

“Nice to meet you too...” sabi nito.

Nagpaalam naman siya agad dahil nagmamadali din ito.

"Well I have to go.... may gagawin pa kasi ako eh....."

"Okay ingat... nice to meet you again...."

"Nga pala... pengeng contacts....." meaning niya eh yung no. ni Ryan.

Ibinigay naman agad ni Ryan yung number niya.

"Sige I have to go.... Nice to meet you Nicko...."

At umalis na siya. Di ko alam kung bakit kakaiba ang nararmdaman ko para sa kanya. Di ako nakaimik ng ilang sandali matapos umalis yung ex niya.

“Okay ka lang mahal ko?” tanong nito.

 “Okay lang.”

“Uhm. Bakit ganyan yang mukha mo. Bakit sambakol yan?”

“Wala to. Kaw talaga.”

“Wag mong sabihin na nagseselos ka?”

“Che. Ako magseselos. Di ah... Alam kong ako lang ang mahal mo....” at inasar asar na ako niya.

Ilang linggo pa ang makalipas, okay naman ang relasyon namin. Masaya at halos walang problema na pinga daraanan. Sa negosyo naman eh ayos lang din.... Okay na okay.

Pero di pala magtatagal yun. Sadyang pinapahirapan lang ako ng pagkakataon. Ang mga suliranin na siyang susubok muli sa aking pagkatao. Di ko alam kung bakit ba parang magnet ako ng mga problema?

Di maubos-ubos ito. Haixt. Dahil sa isang banda, nagbabadya na pala ang isang malaking unos na siyang gugulo sa aking buhay at maghahamon ng aking tunay na katatagan.

Isang hapon sa di ko inaasahang pagkakataon, nagulat na lang ako ng biglang dumating si Ryan sa store at di ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang kaba na aking naramdaman ng makita ko siya na ganun ang ayos.

 “We need to talk... NOW!!!” pasigaw niyang sabi.

“Huh? Anong problema?” bigla niya akong hinila palabas ng store.

Naglaban naman ako.

“Ano ba? Nasasaktan ako. Ano bang nangyayari sayo?” tanong ko.

Lumapit na sila Annie sa akin.

“If you don’t come with me.... let’s take it to the end.” Sabi niya sa akin.

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Di na ako nakapalag at kusa na akong sumama sa kanya papuntang bahay. Habang nasa daan kami tahimik lang at di kami naguusap.

Naiiyak na ako sa pwesto ko. Sobra akong binagsakan ng mundo ng sabihin niyang let's take it to the end.....Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa amin. Wala naman akong maalalang naging pag aaway namin. Bakit ganito?

Nakarating kami sa bahay within 10 minutes. Pag pasok pa alng ng bahay mainit na ang ulo niya.

“You told me that you love me.... sabi mo magtiwala ako sayo. Minahal kita ng lubos pero bakit? Ano ba to? Lokohan? Ginawa ko ang lahat para sayo pero bakit eto pa ang ginanti mo?” sigaw niya.

“Ano ab ang sinasabi mo?  Hanggang ngayon ba nagtataka ka na hindi kita mahal? Ano pa ba ang dapat kong gawin para patunayan sayo na mahal kita? Ano kailangan ko? Magpakamatay sa harap mo? Maglaslas? Magpakabitin at magpakain sa buwaya? Mahal kitya Ryan. Mahal na mahal.” Sabi ko.

Tumulo na ang luha ko at hindi ko na alam kung anong sikip ng dibdib ang nararamdaman ko. Kung maiimagine mo ang itsura ko para akong bumagsak sa lupa galing sa 14th floor.

“You are a liar. Mahal? Do you know what love is? Di yan pinaglalaruan? Kung mahal mo ako, bakit ganito? Kung mahal mo ako bakit naghahalikan kayo ni Anthony dito?” ibinato niya sa akin ang pictures na sinasabi niya.

Di ko alam kung anong salita ang dapat kong sabihin. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari at sa nakikita ko. Bakit ganito? Paanong nagkaroon siya nito. Kuha ito noong nagkaayos kami ni Anthony? Sinong gustong gumulo sa amin?”

“Mali ang iniisip mo dito.”

“Mali? Mali your face. You are a liar. I don’t know why you did this to me? Kung bulag ako, mas lalong niloko mo pa ako. I don’t know bakit minahal kita ng ganito. Pero sinaktan mo ako!” nakita ko ang unti-unting pagluha niya sa aking harapan.

Kung makikita mo ang reaction niya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero hindi ako makalapit sa kanya.

“Believe me.... hindi to yung iniisip mo. It was a farewell kiss. Walang nangyari sa amin at hanggang dun na lang yun. Ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal kita. Bakit ka ba ganyan? Paniwalaan mo naman ako. Please naman. Nagmamakaawa ako sayo. Paniwalaan mo ako.” Humahagulgol na ako.

"Hanggang kailan mo ito balak itago sa akin?"

"Ilang beses kong binalak sabihin sayo pero laging walang tiyempo... lagi mo akong pinapatigil kapag nag sasalita ako.... Mahal kita... amhal na mahal kita...."

“Di ko alam... Di ko alam sa sarili ko kung....... kung......kung maniniwala pa ako sayo.....” bigla siyang tumalikod sa akin at lumabas sa pinto.

Sobrang sakit marinig na nawalan siya ng tiwala sa akin. Di ko na alam kung ano pa ang mararamdaman kong sakit ngayon. Halos gumunaw ang mundo ko.

Pinigilan ko siya pero di siya nagpapigil sinagi pa niya ako na siyang dahilan ng pagkakabagsak ko sa sahig. Naramdaman ko na lang na nag durugo ang aking noo dahil sa sugat na pagkakadali sa sahig. Kita ko ang munting pag aalala sa kanya ngunit nangibabaw lang talaga ang galit sa puso niya.

Di ako titigil hanggang di nalilinaw ang lahat. Gagawin ko ang lahat para malinis ang pangalan ko.

Pinuntahan ako ni Annie sa bahay at dinamayan ako. Ikinuwento ko lahat lahat. Dinamayan niya ako at sinuportahan. Handa akong magpakatanga para lang suyuin siya. Inilaan ko muna ang ialng gabi para mailabas ang sama ng loob at depress.

Pilit ko pa ring isinisiksik sa aking isispan na kaya ganoon ang mga sinabi niya sa akin dahil sa galit. Papatunayan ko sa kanya na mahal ko siya at tunay ang pagmamahal ko para sa kanya.

Sinubukan ko ang tawagan siya sa kanyang cellphone. Di niya sinasagot ito at kung minsan eh binababa niya at nirereject ito. Nagtetext na din ako sa kanya pero di siya nagrereply. Pati e-mail ayaw niyang sagutin. Pati sa office niya ayaw na din ako papasukin.

Hinaharang na ako ng secretary niya. Labis ko itong ikinalungkot at ipinaghinagpis ng aking kalooban. Kaya nagplano ako para ayusin ang lahat.

Sinubukan ko siyang tawagan sa pinakahuling pagkakataon. At sa wakas sinagot niya.

“Please lang wag ka ng tumawag...” sigaw niya.

“Saglit lang... kahit ngayon lang... nagmamakaawa ako sayo... please lang.....” humagulgol na ako sa kabila ng linya.

Di siya nakapagsalita.

“Kahit isang beses lang.... sa huling pagkakataon... mag usap tayo... nagmamakaawa ako.......” sobrang lungkot at hapdi na ng puso ko sa kaluluha.

Ilang araw na akong nagkakaganito. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang  muling masaktan sa panibagong pag-ibig.

“Sige... pumunta ka sa office ko bukas... aantayin kita.....” bigla niyang binaba ang phone.

Nagkaroon ako ng panibagong pag-asa dahil sa sinabi niya. Gagawin ko ang lahat para maibalik lang siya sa akin. Kung kailngan kong manligaw, manliligaw ako.

Naghanda ako para sa panibagong pag harap sa katotohanan. Kakaibang kaba ang naramdaman ko sa aking sarili. Iniisip ko na sana eh magandang resulta ang kalabasan.

Pumasok na ako sa building ng kumpanya nila. Habang papaakyat ako ay kakaibang kaba ang bumabagabag sa aking dibdib. Para bang may kung anong daga ang nagpapasikot-sikot sa aking dibdib.

At nasa harapan na ako ng office niya ng may narinig akong lumagapak. Pumasok agad ako at hindi na kumatok dahil sa lumagapak na narinig ko. Akala ko kung ano nang nangyari, hinanap ng aking mata si Ryan pero iba ang nahanap ko sa loob ng kwartong iyon.

Isang kirot ang naramdaman ko sa aking puso. Sa puntong iyon muli na namang naglabas ng luha ang aking mga mata. Masakit sa kalooban ang nakita ko. Sa mismong akto, nakita ng aking mata si Ryan at si Bea na naghahalikan.

Kitang kita ko ang pagkagulat ni Ryan ng makita niya ako sa harapan ng pintuan. Walang anu-ano’y kumaripas ako ng takbo papalabas ng pintuan. Di ko na alam ang gagawin ko. eto na ba ang pagbawi sa masasayang araw ko.

Eto na kaya ang kakaibang sakit na mararamdaman ulit ng aking puso. Ginagantihan ba niya talaga ako para masaktan ako. Pero bakit. Bakit? Nahihirapan na ang puso ko.

Hirap na. Bakit ba ganito na lang palagi ang nangyayari sa akin. Di na ba magbabago ang ikot ng mundo at lagi na lang akong nasa ibaba.

Di ko namalayan ang unti-unting paghabol sa akin ni Ryan at nang maabutan niya ako, pinigilan niya ako at niyakap ng mahigpit.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

Natigil ang aking pagtakbo nang dahil sa yakap na ginawa sa akin ni Ryan. Di alintana na maraming tao pero yun ang ginawa niya. Lubusan na akong bumigay sa emosyon na aking dinadala. Para akong bomba na ready ng sumabog dahil sa nangyari.

Bumigay na ang puso ko at tuluyan ng pumutok ang nararamdaman. Ayoko na, yan ang sigaw ko sa aking sarili. Malakas na ang iyak ko at pilit akong kumakawala sa kanyang pagkakayakap. Nagpupumiglas ako at kumakawala sa kanyang mga bisig. Gusto ko siyang suntukin ngayon. Naiinis ako. Nasaktan na anman ako.

“Please listen Nicko....” sabi niya.

"Listen? Ngayon pa? Humanap ka ng taong makikinig sa kagaguhan mo...." sigaw ko.

"Please.... lend me your ears....."

“Gago ka.... umalis ka.... ayoko na kitang makita. Bitawan mo ako hayop ka. Ayoko na. Suko na ako. Kung sa tingin mo nakaganti ka na, well yan... ok na... nakaganti ka na!!!” sigaw ko sa kanya.

“Please.... wag kang ga nyan... mali yang naiisip mo... let me explain...” sabi niya.

“Let me explain? Ha? Bakit, ako ba hinayaan mong mag explain? Naniwala ka ba sa akin? Pinagkatiwalaan mo ba ako? Nanalig ka ba sa akin at naging matatag na ako eh tapat sayo? Lahat yan hindi nangyari. Sa halip, ipinagtabuyan mo ako. IPINAGTABUYAN MO AKO!” sigaw ko sa kanya. Hindi na siya nakasagot.

"Nadala lang ako ng emosyon ko..."

"Same to you... magdusa ka jan...."

"pero... please..."

"Pero pero ka jan..... tsehhh..... ayokong makita ka pang muli!!!""

Lumayo ako sa kanya. Nilingon ko siya bago ako umalis.

“Nakaganti ka na. Isipin mo na kung ano ang gusto mo. Sabihin mo na naging unfaithful ako. Pero tandaan mo na kahit kailan hindi ako nandaya. Hindi tulad mo. Masakit, sobra.”

Di pa rin tumitigil ang aking pagluha. Nakita ko ang unti-unting pagtulo ng kanyang mga luha. Nakita ko ang ginawa niyang pagluhod sa aking harapan sa harap mismo ng maraming tao. Pinagtitinginan na kaming dalawa ng maraming tao. Sa mga oras na iyon hindi ko na inisip pa yung mga taong nakapaligid sa amin. Wala na akong ikakahiya pa. Buong buhay ko punong-puno na ng kahihiyan...

“Nagmamakaawa ako. Wag mo akong iwan. Mahal na mahal kita. Kung hindi man ako naniwala sayo, nagsosorry ako. Nangibabaw ang pagkaselos ko dahil mahal kita. Mahal na mahal...” sabi niya.

Para akong tuod na walang naririnig. Wala na akong pakialam sa sinsabi niya. Hinahayaan kong magsalita siya ng magsalita.

“Sorry din dahil ayoko na. Pinapalaya na kita. Malayang malaya ka na na gawin ang lahat...” Ang iniwan kong sinabi sa kanya.

Yun ang hudyat ng pagtatapos ng panibagong kabanata ng aking buhay. Lumakad na ako palayo. Ilang sandali lang eh nakarinig ako ng sigaw galing sa kanya. Kahit maraming tao, ginawa niya iyon.

“Niiiiccckkkooo... wag mo akong iwan.... nagmamakaawa ako.....”

Pero di ko siya nilingon. Tapos na ang lahat. Tapos na, at sana wala ng susunod pa, dahil masakit na. Sawa na akong magmahal pa. Ayoko na.

Tinunton ng aking paa ang iba’t-ibang lugar. Di ko alam kung saan ako tutungo at saan ako dinadala ng aking paa. Lutang ang isip ko. Para na rin akong wala sa sarili at luko-luko dahil sa kaitsurahan ko. Wala sa sarili na kung anu-ano na pinaggagawa ko.

Magulo ang damit ko at ang buhok ko. Bakat pa rin ang luha sa aking mukha. Nakatulala at nakatingin sa malayo. Umupo ako sa isang bench sa may park. Ngayon ko lang napansin na eto ang park na pinuntahan namin ni Ryan dati. Ang mga masasayang pangyayari sa aming buhay na dito naganap. Sobrang nakaklungkot lang na sa isang iglap, lahat ng ito nawala.

Dito namin binuo ang mga memories ng nakaraan. Memories na lang ang mga abagy na naiwan sa akin. Hindi na ito muling makakabuo ng isang pangarap na tulad ng dati.

Hanggang ngayon tanag pa rin ako sa pagmamahal. Hindi pa rin ako natuto sa aking mga pagkakamali. Ang tanga-tanga ko talaga.

Heto na naman ako, single at gulong-gulo. Disaster talaga ang buhay ko. Kailan nga ba ako magiging tahimik at liligaya ng totoo. Sawa na ako sa buhay kong puno ng kalungkutan at kapighatian.

Habang nakaupo ako doon, unti-unting sumariwa ang nakaraan. Nakakita ako ng mga magkarelasyon na nasa park. Nakakinggit sila. Buti pa sila ayos na ayos. Parang kelan lang eh ganyan din kami. Naglalakad sa kalsada netong park na to. Magakahawak kamay.

_____________________________________________________________________________

“Adik mo.. alam mong madaming tao... mamaya may kakilala ka jan eh... ikaw talaga... natatakot ako para sayo...”  sabi ko sa kanya.

“Alam mo... dadating tayo jan... alam kong mabubulatlat tong lahat... kaw talaga... gusto ko ngayon eh maging okay... gusto ko gawin kong memorable ito.”

 Hinawakan niya ang kamay ko. Pinisil niya ito ng sobra. Bigla na lang tumulo ang aking luha. Sa sobrang galak ng dahil sa kanya. Inakbayan niya ako at pinaramdam na ako ay para lang sa kanya.

 “Ano ba yan... wag ka nga umiyak.... batukan kita jan eh..” sabi niya pero pati naman siya eh naluluha na.

“Aysus... ikaw ang batukan ko...naluluha ka na di jan eh.... tadjakan kita eh...” sabi ko.

“Hahahah.. joke lang naman... siya penge na lang kiss... mwaaaahhh..” sabi niya.

“Ayoko nga... nakakailan ka an eh.... hahahah” biro ko.

“Ay ganun... katampo naman... siya sa iba na lang ako kikiss...”

“Ay ayan ang subukan mo at makakakita ka ng taong lumilipad at gumugulong pababa sa lupa....” sabi ko.

“Eh kaw kasi eh... sobra..... damot sa kiss...” natawa ko sa parang batang asta niya.

“Oh eto na... kaw talaga..... mwaaahhh..”

“Mwaaaahhh... yan... hahahah.. I Love you....”

“I love you too...”

______________________________________________________________________

Lumuluha na naman akong parang baliw. Ang tanga-tanga ko talaga sa pag ibig. Bakit ba nung sumabog ang katangahan at ang kamalasan eh lahat eh napunta sa akin. Halos lahat na lang ng kamalsan eh nadanasan ko.

Di na ako magtataka kung may mangyari pang kakaiba sa akin. Haixt. Di ko mapigilan ang umiyak. Napapahikbi na ako sa kinauupuan ko. Nagtitinginan na ang mga tao sa akin.

Siguro iniisip nila na may sayad ako dahil sa kaitsurahan ko. Haixt. Kailan ba? Kailan pa ba ako makakabangon muli. Bukas kaya, ayos pa ako. Buhay pa ba ako.

Naglakad na ako pauwi sa amin. Dahil sa katangahan ko, imbis na mamasahe eh naglakad na ako. Nagpapasyon na ako sa pagkamatay ng aking puso. Pinapasakitan ko na ang sarili ko. Mas mabuti na to, para isang pasakitan na lang.

Nang makarating ako ng bahay, naghihintay na sa akin si Annie at Anthony. Sinalubong agad nila ako.

“Best anong nangyari sa yo? Bakit ganyan itsura mo?” tanong niya.

“Bakit kayo nandito?” tanong ko.

Di ko alam kung bakit yun ang lumabas sa aking bibig.

“Come on best... andito ako para sayo. Kami...”

“Wala na kami. Tapos na. Wala ng katuturan ang lahat. Mahal na mahal ko siya pero wala na. Wala na... ayoko na....” at tumulo na naman ang aking luha.

“Best.... andito ako para sayo.... pwede mo akong sandalan..... di kita iiwan...”

"Best...bakit ba ako pinaparusahan ng ganito??? ano ba ang nagawa ko at ginanito nila ako? Hirap na ako... hirap na ako..."

 niayakap niya ako at naramdaman ko ang malasakit niya sa akin. Siya na alng ang nagiging sandigan ko sa lahat. Wala na akong pamilya na maasahan at siya na ang itinuturing kong nag iisang kapamilya.

Nagsasawa na ako sa mundong magulo. Sa buhay na walang ibang dulot sa akin eh puro kalungkutan at pagdurusa. Bakit ba ako ganito. Bakit ba? Isa lang naman ang hinangad ko, ang magkaroon ng maayos na buhay. Bakit ba ganito? Ayoko na. Sawa na ako at pagod na akong ganito na lang palagi.

Dinamayan na lang ako nilang dalawa ng panahong yun. I was in the point of depression. Di ko na alam talaga kung ano pa ang gagawin ko. Para akong isang katawan na walang kaluluwa. Lutang ang isip at mga galaw. Di makakain at di makatulog ng ayos.

Aminin at aminin ko man, mahal na mahal ko pa rin si Ryan. Mas matindi pa tong sakit kaysa noong naghiwalay kami ni Anthony. Kahit anong pilit kong iaayos ang sarili ko, muli’t-muli lang na nagaganap ang sakit sa aking puso. Bakit ba ang buhay ay sadyang ganito.

Pambihira, ano bang naging kasalanan ko sa mundo. Madami na ang pumapasok sa aking isip ng mga panahong iyon. Nasa isip ko na baka salot ako talaga at walang kwenta. Haixt.

Ilang araw pa ang lumipas at ganun at ganoon pa din ang aking katayuan. Binibisita ako nila Annie at Anthony. Parehas lang silang walang magawa sa aking kalagayan. Minsan ba’y nagtangka na akong wakasan ang paghihirap ko pero laging palpak. Lagi akong natatakot at pinapangunahan ng panghihina ng loob.

“Best.... dinalahan kita dito ng mga pakain...... di ka daw kumakain ng ayos sabi nila Yaya....." sabi sa akin ni best.

Hindi ako umiimik at hindi ko siya pinapansin. Wala na akong pinapakinggan sa ngayon.

"wag kang ganyan... sobra akong nag aalala sayo....ayokong nagkakaganyan ang best friend ko... hope bumalik ka na sa dati... na mimiss ko na ang best friend ko...” yan ang sabi niya habang hinahaplos niya ang aking ulo.

Tunay na kaibigan ko talaga si Annie at di niya ako iiwan. Sa lahat ng tao, siya lang ang nagtiyaga sa akin at nagpursige. Niyakap ko lang siya ng mahigpit at umiyak ng umiyak. Di ko alam kung may luha pa ba akong mailalabas sa susunod na mga araw.

“best... alam kong masakit... pero lumaban ka... ano ka ba? Hindi tayo ipinanganak na sobrang baba... hindi tayo ipinanganak para sumuko... life goes on... we keep moving on.... you know.... obstacles lang yan... kaya mo yan...” pampalubag-loob na sinabi niya.

“Best... salamat ng marami ha....... hinding-hindi kita makakalimutan......Samahan mo ako ngayon best... gusto ko ng magmove on... nahihirapan na ako sa sarili ko.....” sabi ko.

“Kaya nga ayan na sinasabi ko... get up na... i-pack up mo na yang mga luha at pagmumukmok mo.... ilabas mo na ang jolly at matapan na side mo.... ako na ang bahala sa mga tao na nanjan sa paligid mo... basta come out in the shell....” sabi niya.

“Thanks best... napakalaking tulong mo sa akin."

Natauhan ako sa mga salitang binigkas niya. Oo may punto siya. Gising dapat.

 "Pinag-isipan kong mabuti kung paano ba ako magsisismula muli. Hinding-hindi ko dapat hayaan ang pakiramdam na ito na lamunin ako. Sinimulan kong ayusin ang sarili ko."

Hinarap ko ang salamin at nag ayos ng sarili. Habang nakaharap sa salamin, sinipat at nagsalita ako.

“Nicko... hindi ikaw yan... hinding-hindi ikaw yan....” at isang ngiti ang pinakawalan ko.

Kinahapunan, dumating si Anthony. Niyaya niya akong lumabas para mag usap. Sumama naman ako sa kanya. Dinala niya ako sa dati naming pinupuntahan.

“Oh.... bakit dito mo ako dinala... wag mong sabihing manliligaw ka na naman?” pagbibiro ko.

“Kung pwede ba eh...” pagsakay niya.

“Aysus... adik mo... teka nga pala..... si insan ba eh alam na binibisita mo ako?” tanong ko.

“Oo... pinapakamusta ka nga niya eh.... sabi daw eh mag ingat ka daw lagi... wag mo daw pabayaan ang sarili mo.” Sabi niya.

“Salamat kamo. Siya rin, wag magpapabaya...”

“Uhm... How do you feel right now?”

“I’m not okay... trying to move on.... kaw ba?”

“Uhm.. eto.... nag aadopt na.. medyo nakakamove on na sayo...”

“Ahahaha... ikaw kasi eh.... lumandi ka pa sa ba... hindi napigilan ang..... uhm... ahahah” nagtawanan kami.

“Oy hindi ah.... ikaw talaga.... pero natutuwa ako at okay ka na.....”

“Haixt... alam mo ba yung time na iniwan mo ako... akala ko katapusan ko na yun... mahal na mahal kita nun eh.... tapos yun nga iniwan mo ako..... napakasakit... pero may mas titindi pa pala dun. Eto.. akala ko mas masakit na yun... pero eto na ang mas masakit eh.... bakit kaya ganito ang buhay ko no? Butata.... haixt...” ang nasabi ko.

“Alam mo... pinagsisisihan ko ang ginawa ko sayo... mahal na mahal kita... mula noon hanggang ngayon... pero di na dapat...... di ko sinasadayang saktan ka...... pero isa lang ang masasabi ko ngayon.... alam kong mahal ka ni Kuya...."

"Hindi ako naniniwala..."

"promise... napatunayan ko na yan....ngayon ko lang nakitang ipinaglaban ni Kuya ang side niya kila Papa. Alam mo ba?”

“Huh? Di kita maintidihan...” nalilito ako sa sinabi niya.

“Oo... tama ka sa narinig mo...... Inamin na ni kuya kila papa na mahal ka niya at handa siyang iwan ang lahat para lang sayo...” sa sinabi niya, hindi ko maintindihan ang gagawin ko.

"Imposible yan...."

"Nasa saiyo yan kung maniniwala ka ba eh..."

"Pero.... may ginawa siya sa akin.... yung nangyari? Niloko niya ako..."

"Maniwala ka.... mahal na mahal ka ni kuya"

Ang nahagilap ko na lang ay ang cell phone ko. Tinawagan ko agad si Ryan.

“Nicko.... Napatawg ka? Napatawad mo na ba ako? Mahal na mahal kita... sorry sa ginawa ko... hindi ko sinasadya iyon” sabi niya.

“Kailangan natin mag-usap.... kailngan natin... I love you... mahal na mahal kita..... Kailngan nating mag kaayos....” ang sabi ko.

Narinig ko ang sigaw niya at sinabing mahal rin niya ako. Tumatalon pa ang puso ko sa nangyari. Natutuwa ako. Sobra.

Habang sa nasa ganoong anyo ako, hindi ko namalayan ang sumunod na nangyari. May mga lalaki, pilit akong dinampot at ang sunod ay wala na akong naalala.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

Nakita ko na sinuntok si Anthony ng mga lalaki na kasama ng may hawak sa akin. Pilit nila akong hinihila papasok sa sasakyan. Nanlaban ako at nagsusumigaw.

Maraming tao ang gustong tumulong pero natigil ang lahat ng magpaputok sila ng baril. Nagtakbuhan ang lahat at natameme ako ng bahagya. Ilang sandali ay nagsusumigaw ulit ako.

“Pakawalan ninyo ako... walang hiya kayo.....pakawalan ninyo ako... wala kayong mapapala sa akin.......” panlalaban ko.

“Kung hindi ka sasama sa amin ng payapa, papatayin namin tong hilaw mong ex boyfriend.....” nagulat ako sa sinabi niya.

Di ko inakala na alam nila ang tungkol sa amin. Alam niya ang nakaraan namin ni Anthony.

“Sino ba kayo??? Ano bang kailngan ninyo sa akin...” pagwawalwa ko.

Isang halakhak lang ang iginawad nila sa akin. Para bang mga baliw at wala na sa katinuan ang mga kinakausap ko.

"Tumahimik ka nga. Papatayin na kita eh..." sabi nung isa.

"Easy lang boy... lagot tayao kay bossing pag tinegok natin yan..."

"Eh ang ingay eh....."

"Sige na ipasok na ninyo iyan..." sabi ng isang lalaki na mukhang siya ang leader ng grupong iyon dahil sa sinunod agad nila iyon.

"Hindi ako sasama sa inyo...... hindi... sabihin ninyo.. ano bang kailngan ninyo> Wala naman kayong mahihita sa akin... mahirap lang ako...." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa sunod nilang ginawa.

Namalayan ko na lang na sinuntok ako sa tiyan na siyang dahil ng aking panghihina. Naisakay nila ako sa sasakyan nila.

Habang nasa byahe, inda ko pa rin ang sakit ng tiyan. Hindi ko na naisipan na tignan pa ang labas kung saan kami papunta. Nanghihina ako sa ginawa nila sa akin. itinali nila ang aking mga kamay.

Nag ipon ako ng lakas para magwala ulit. Ilang minuto ang lumipas ng makahanap ako ng bwelo. Pumalag ako sa kanila at pilit kong binugbog sila. Kahit apat lang sila, natatakot pa rin ako.

"Mga walang hiya kayo... pakawalan ninyo ako.."

pag pupumilit ko pa rin. Ilang beses kong ginawa ito at nagawa ko namang guluhin sila.

Sa kakapalag ko, di ko namalayan ng biglang ipinukpok sa aking ulo ang baril na siyang dahilan ng aking pagkawalan ng malay. Daig ko pa ang pinainom ng pampatulog dahil nawalan agad ako ng malay dahil sa sakit na aking naramdaman. akala ko nadugo na nga ang aking ulo dahil pakiramdam ko eh may dugo na lumalabas sa aking ulo.

Madilim, nakakatakot at sobrang lamig. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ako makagalaw sa aking posisyon. para bang wala na akong control sa aking sarili.

Unti-unti, lumiwanag ang kapaligiran at tumambad sa akin ang duguan kong katawan. Anong ibig sa bihin nito? Patay na ba ako? BAkit nakita ko ang sarili kong katawan?  Ano ito? Bakit? Paano? Sunod-sunod kong tanong hanggang sa may isang kamay na tumulak sa akin. At nagising ako sa katotohanan.

Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto. Plain ang pagkakapinta ng dingding.

 “Pakawalan ninyo ako..... please..... maawa kayo sa akin... wlaa kayong mahuhuthot sa akin... nagmamakaawa ako..... please lang....... pakawalan ninyo ako...” sumisigaw na ako ng panahong yon.

Umiiyak na ako sa kwartong iyon. Kakaibang kaba ang naramdaman ko ng panahong iyon. Ninenerbyos ako talaga. Nasa ganoong anyo ako ng mag isip ako ng tungkol sa nakaraan. Ang mga pangyayari bago maganap ang lahat ng ito.

Makikipagkita na sana ako kay Ryan para makipagayos sa kanya. Mahal na mahal ko siya. Namimiss ko siya. Napaka mali ang pag iisip ko ng masama para sa kanya. Alam ko na mahal niya ako at pilit kong itinatwa ito dahil sa sakit na aking naramdaman.

. Mahal na mahal ko din siya. Sa oras na makaalis ako dito, susulitin ko na ang panahon na kasama ko siya. Di na muli ako mag coconclude ng kung anu-ano. Papatwarin ko siya at bhihingi ako ng tawad sa kung anuman ang kamalian na aking nagawa.

Pero, natigil ang aking pag iisip. May biglang pumasok sa isip ko na hindi yata matatanggap ng aking kalooban. Paano kung patayin nila ako? Paano kung tadtarin nila ako ng baril at saksak? Muli, tumulo ang aking luha. Kung kani-kanino ng pangalan ang tinawag ko. Kay mama, papa at marami pa.

“Panginoon... nagmamakaawa ako sa iyo..... tulungan po Ninyo akong pakalmahin ang aking kalooban..... nawa gabayan po Ninyo ako at huwag pababayaan.....” di ko mapigilan ang mapahagulgol sa naiisip ko.

Nasa ganoon akong anyo ng bumukas ang pinto. May pumasok na isang lalaki. May kausap siya sa cellphone. Siguro yun yung mastermind ng pagpapakidnap sa akin.

“Oo .... ako na bahala dito.... masasarapan to sa akin.... wag kang mag alala.... susundin ko yung inuutos mo... Para sayo to....”  sabi nito sa kausap

Biglang tumingin sa akin ang isang lalaki. Hinubad niya yung suot niyang face mask at nakita ko ang kanyang mukha. Di naman siya mukhang gagawa ng masama dahil sa itsura niya. May itsura naman siya ata malaki ang katawan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pinasok niyang trabaho. MAamo ang kanyang mukha at alam kong mabait siya. Siguro napipilitan lang siyang gawin ito.

“Pakawalan mo na ako... wala kang mapapala sa akin... nagmamakaawa ako sayo... ano bang kailngan mo?” tanong ko.

"Tumigil ka nga sa kangangawa mo." sabi niya.

"Nagmamakaawa na ako sayo... please lang...." sabi ko.

"Wag kang mag alala masasayahan ka anman dito..." sabi nito....

"Kung pera lang kailngan mo para sumaya... bibigyan kita... pakawalan mo lang ako....."

“Di ako sayo kukuha ng pera kaya tumigil ka jan... simple lang ang kailangan ko sayo... isang panandaliang aliw...” ngumiti siya ng nakakaloko.

Para siyang wala sa sarili ng panahong yun. Unti-unti siyang lumapit sa kinaroroonan ko. Lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Pakiramdam ko ay may mangyayaring kakaiba sa akin.

“Lumayo ka sa akin... wag kang lalapit....” sigaw ko.

Lalo akong natakot habang papalapit siya sa akin. Daig ko pa ang batang takot sa isang multo. Lalagnatin ata ako dahil sa nararamdaman ko ngayon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Daig ko pa ang kakatayin dahil sa nangyayari.

“Alam kong magugustuhan mo ito..... di ka naman mapapahiya sa akin... alam kong masasarapan ka...” sabi niya.

 “Walanghiya ka... lumayo ka... kung sino man ang demontres na nagutos sayo niyan masusunog siya sa impyerno....” sabi ko.

“Anuman ang sabihin mo, di mo pa rin mapipigilan ang gagawin ko....” tumawa siya na para bang isang baliw.

“Nagmamakaawa ako sayo..... wag..... pakawalan mo ako...” umiiyak na ako.

Tumigil siya saglit. Wari ay interesado sa narinig mula sa akin.

“Alam mo ba ang mga napagdaanan ko? Lahat na lang masasakit..... ayoko na.... nagmamakaawa ako sayo.....”

“Wala akong awa... ginagawa ko ito para sa taong minamahal ko....” sigaw niya.

“Tulad mo, nagmamahal din ako... kaya hanggat hindi pa huli ang lahat, dapat itinatama mo ang kamalian ng mahal mo.... baguhin mo siya..... di siya dapat ganito....” sabi ko.

“Wag mong bilugin ang utak ko......” sigaw niya.

“Maniwala ka sa akin... di makakatulong kung susundin mo siya... mali tong ginagawa mo... mali....” sigaw ko.

“Ano bang pakiaalam mo ha? Sino ka ba sa buhay ko?” sabi niya.

“Nagmamalasakit lang ako.... isang kasalanan ang gagwin mo... isipin mo ang pamilya mo?” sabi ko.

“Wala na akong pamilya!” sigaw niya.

Di ko na alam ang gagawin ko. Lahat na sinubukan ko. Ngunit may naisip ako. Papaikutin ko ito. Hindi ako susuko.

“Gaano mo ba kamahal yang mahal mo?” tanong ko.

“Mahal na mahal ko siya....” sigaw lang niya.

“Kung mahal mo siya... wag mo siyang hayaing kainin ng kasamaan niya.....” sabi ko.

“Tumigil ka..... wala kang alam sa mga sinasabi mo..... nagmamahal ako sa taong hindi ako gusto... ginagawa ko ito para lang may magmahal sa akin.... ilang taon akong nagdusa na magpakalat-kalat sa kalsada para lang mabuhay... walang pamilya o kahit anuman... kaya wag kang makialaam na parang kilala mo ako...dahil wala kang alam sa akin.... kaya manahimik ka jan...” galit niyang sinabi sa akin.

“alam ko yang pakiramdam mo... nagmahal na din ako ng ako lang ang nagmamahal.... itinakwil ako ng magulang ko... pero hindi ito ang dahilan para lang maging masama ako. Kahit na pinalayas ako ng aking magulang dahil sa pagkatao ko, tuloy-tuloy pa rin... di ako sumuko, pero bumangon ako at pilit itinatama ang aing pagkakamali...” paliwang ko sa kanya.

Nakita ko sa mata niya na naliliwanagan siya. Natahimik siya at nag isip ng napakalalim. Pakiramdam ko eh medyo nakaluwag luwag ako sa nangyayari. Napatigil siya sa paglapit sa akin ng bahagya.

Ilang saglit lang, lumapit siya at tinanggal ang tali sa aking mga kamay. Sa wakas napaikot ko siya. Sa loob loob ko unti-unti na akong nabubuhayan ng lakas ng loob.

 “Maraming salamat.... tatanawin kong isang malaking utang na loob ito...” tumalikod na ako at akmang tatakbo na para lumabas. Pero, hinawakan niya ang aking braso at ibinalibag sa kama.

“At sinong may sabing aalis ka?” sabi niya.

“Akala ko ba ok na ang lahat?” tanong ko. Naguluhan ako bigla. Nanumbalik ang takot sa aking pagkatao.

"Ano ako uto-uto?"

Bigla niyang hinubad ang damit niya at nagsalita. “Okay na..... simulan na natin... yun ...” at ngumisi siya.

“Walang hiya ka....” at nagpumiglas ako.

“Napakainteresante mo.... lalo akong nahiwagaan kung ano ang mararamdaman ko sayo... Kung gaano ba kasarap ang malalsap ko sa piling mo.” sabi niya.

"walang hiya ka... nag mamakaawa na ako sayo... pakawalan mo ako... please!!"

Ngunit parang wala na siyang tenga. Sadyang malakas siya sa akin. Kahit na nagpumiglas ako, walang epekto. Sinusuntokko na siya pero waang epekto.

Pilit niya akong hinahalikan sa labi ngunit iniiwas ko ito. Nanlalaban ako para lang makawala dito. Pero hinawakan niya ang aking mukha at pilit hinahalikan ang aking labi.

Nararamdaman ko na ang unti-unting pambababoy sa akin. Wala akong magawa. Hinugot niya ang kanyang baril at pinaghubad ako. Wala akong magawa dahil nakatutok ang baril sa akin. Para tuloy akong isang pokpok na nanlilimos ng konting pera. Bakit ganito ang nangyayari sa akin.

"Hubad na..."

Hagulgol lang ako.

"Sabing mag hubad na eh..."

Pilit niyang iniaalis ang aking damit. Kahit ganun nanlaban pa rin ako... pero wala akong magawa para protektahan ang sarili ko. Armado siya at kahit anong gawin ko eh effortless lang.

Sa puntong ito, nawalan ako ng pag asa. pero kahit ganun, pilit nagiisip ng paraan. Kaya kumuha ako ng malakas na pwersa mula sa aking katawan at buong lakas ko siyang itinulak.

Bumagsak siya sa lapag at iyon ang kinuha kong tiyempo para makatakas. Ngunit, sadyang mapagbiro ang tadhana. Nakabangon agad siya at nakabawi ng lakas. Isang suntok ang nagpabagsak sa akin at dahilan ng pagkawala ng malay.

Unti-unting nawala ang pag asa ko na makatakas dito. Nawala na ang pangarp ko na maging masaya ang buhay ko. Wala na, tapos na ang malilihgayang araw ko.

Nang maalimpungatan ako, hindi ko maintindihan kung anong sakit ang nararamdaman ko sa aking katawan. Iginala ko ang aking mata at nakita ko yung lalaking dumukot sa akin. Walang damit, katulad ko. Natanging ang saplot lang ay ang kumot na nagtataklob sa aming kahubdan.

Sa puntong iyon, kakaibang panlulumo ang naramdaman ko sa aking sarili. Daig ko pa ang binaboy at pinaglaruan. Daig ko pa ang mga nagbibigay aliw sa iba na kung sila ay kumikita, sa akin ay wala. Lubusan ng nawala ang aking pagkatao.

Binaboy ako ng lalaking ito. Tumulo ang luha ko na mula sa aking mata. Sinipat ko ang aking katawan. Ramdam ko pa ang sakit na dulot na ginawa niya. Gusto kong patayin ang taong ito, pero mukhang walang lakas ang lalabas sa aking katawan dahil sa panlulumo na aking nararamdaman.

Para tuloy akong isang kalansay na wala ng mga msucles para lang magsilbing taga galaw nito.

Tumayo ako para tuntunin ang aking kasuotan. Ayokong pandirihan at makita ang sarili ko sa aking anyo ngayon. Para akong basura ngayon at di na mapapakinabangan.

Parang wala na akong maihaharap kay Ryan sa nangyaring ito. Pulubi ako sa aking pakiramdam na wala ng matutuluyan kundi ang lansangan. Namalayan kong nagising yung lalaki at agad bumangon.

Mataamang tinignan lang ako nung lalaki habang nandun ako sa kinaroroonan ng aking damit.

“Wag ka ng mag damit... nakita ko na yan.... at naangkin ko na yan...” ngisi niya habang tumatawa.

Di ako umimik, naituon ko na lang ang atensyon ko sa pagsusuoot ng damit. Pinipigilan ko ang sarili ko. Gustong gusto ko siyang suntukin, gantihan sa ginawa niya sa akin. Bigla siyang lumapit sa akin at hinablot ang aking braso.

“Suplado ka na pala ngayon ha.... ano masarap ba yang pabaon ko sayo ha? Gusto mo pa ba ha?” tanong niyang parang wala sa sarili.

“Bitwan mo ako... bitawan mo ako... di ka pa ba naawa...nakuha mo na gusto mo makuha... pakawalan mo na ako... binaboy mo na ako... winalanghiya... ano pa ba gusto mo ha? Pakawalan mo na ako...” lalong naging tensyon ang aking paghagulgol.

Di ko na mapigilan ang sarili ko na maglabas ng sama ng loob.

“Di pa ako kuntento...gusto ko isa pa.... tulog ka noong nakaraan... siguro mas masarap ka kapag gising ka.... yung tipong lumalaban habang ginagawa ko ang pambababoy sayo...” agad niay ako hinila pabalik sa kama at pumaibabaw sa akin.

“Walanghiya ka.... pakawalan mo ako... pakawalan mo ako..... itigil mo yan... nagmamakaawa ako...” ngunit para siyang bingi na walang naririnig.

"Hindi ka pa ba nakuntento? Walang awa ka talaga. Mag sisis ka sa kasalanan mo! Walang hiya ka... Kinasususklaman kita...." Lalo akong napahagulgol sa nangyayari.

Anumang laban ang ginagawa ko, sakit lang ang ibinibigay nito sa akin. Paulit-ulit niyang ipinararamdaman sa akin ang pambababoy na ginawa niya. Pinagsawaan niya ang katawan ko at parang wala siyang kasawaan. Luha at hikbi ang naging kasagutan ko sa nagawa niya. Wala na akong kaluluwa sa ginagawa niya. Daig ko pa ang nasa impyerno. Gustong gusto ko ng mapakamatay pag katapos ng lahat ng ito.

Daig ko pa ang isang baboy dahil sa ginawa niya. Nanlulumo na ako sa sarili ko. Ikinalulugmok ko na ang nangyari sa akin ngayon. Sobrang wala na akong mukhang ihaharap pa kay Ryan.

Matapos ang ginawa niya sa akin, nagbihis na siya. Ang sarap sapakin ng lalaking ito. Sobrang kinakamuhian ko ito. Wala siyang kaluluwa at walang awa. SInusumpa ko ang lalaking ito. Magbabayad siya sa akin. Magbabayad siya.

Isinakay niya ako sa kotse na pinangdukot sa akin. Nanahimik ako sa kotse habang nagbyahe kami. Katabi ko siya at nakaakbay siya sa akin. Paminsan minsan eh hianahalikan niya ako sa leeg pero umiiwas ako. Ano ba ang akala niya sa akin? Isang kaladakarin? Bakit ba hindi na lang mawala- wala ang mga taong masasama at walang magawang tama? Gusto kong pumatay ng tao, gusto kong ipatikim sa kanya ang ginawa niyang kahayupan sa akin. Sagad sa buto ang galit ko sa kanya.

Ilang oras din ang nakaraan at nakarating kami sa bahay ko.

Ibinaba nila ako sa harap ng bahay namin. Itinulak niya ako sa harapan nito at nag salita. May ibinulong siya sa akin bago ito na labis kong ikinalaki ng mata.

“Wag mong kalimutan ang sinabi ko sayo....” at umalis na sila palayo.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

“Layuan mo yang boyfriend mo.... layuan mo... kung hindi, magkikita muli tayo..... at sa muling pagkikita natin, magiging akin ka ulit bago ka humimlay sa lupa..... binabalaan kita, layuan mo na siya.... dahil kung hindi.... alam mo na ang mangyayari sayo..... at isa pa.... akin ka na ngayon.... akin ka na.... mamatay ang mahal mo pag nagkataon” yan ang sabi niya sa akin.

Matapos niyang gamitin ang katawan ko ng paulit-ulit, yan ang panakot niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Hindi na ako natatakot mamatay, pero ang iniisip ko kung madadamay ang mga mahal ko sa buhay kapag itinuloy ko ang pakikipagrelasyon kay Ryan.

Habang papasok ako sa bahay, hindi ko mapigilan ang mapaluha. Suot ko ang gulagulanit na damit at tamo ko ang iba’t-ibang pasa na natamo ko sa kanila. Daig pa nila ang gawin akong basahan na ipinunas sa kung saan-saan. Di makalakad ng ayos. Paika-ika na puamsok ako ng bahay namin.

Para silang nakakita ng multo ng makita ako sa kanilang harapan. Unang sumalubong sa akin si Ryan na agad akong niyakap. Nakita ko ang pagluha niya sa aking harapan. Lalo akong nanghina ng makita ko na umiiyak siya. Niyakap ko siya ng mahigpit, mahigpit na mahigpit.Parang napupunit ang puso ko pag nakikita ko siyang umiiyak.

“Mahal ko, ayos ka lang ba? Anong ginawa nila sayo? Humanda sila sa akin..... hindi ako papayag na hindi sila makukulong..... masaya ako na ayos ka na..... mahal na mahal kita... nag-alala ako sayo ng sobra....” humahagulgol siya habang sinasabi niya iyon.

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Napapaluha lang ako ng makita ko siya. Niyakap muli niya ako ng mahigpit na mahigpit. Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa sa akin. Di ko mapigilan ang mapaluha ng sobra na siyang dahilan kung bakit ako napahagulgol ng sobra-sobra.

Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya yung nangyari sa akin. Di ko kayang makita siya na lalong madismaya. Bago mangyari ang lahat ng ito, nais ko ng makipagbati sa kanya , pero heto ako, pinag iisipan kung ipag papatuloy pa ito. Alam kong hindi lang ako ang habol ng mga taong nagpadukot sa akin, baka pati si Ryan mapahamak ng dahil sa akin.

Lumayo ako sa kanya ng bahagya at lumakad kay Annie ng bahagya.

“Gusto ko ng magpahinga..” matabang kong sabi.

“Alalayan na kita....” sabi ni Ryan.

“Wag na... umuwi ka na....” sabi ko.

"Best okay ka lang ba talaga?"

"Oo okay na ako. gusto ko lang mag pahinga. iwanan na ninyo ako."

“Best.... yaan mong alagaan ka niya... galit ka pa ba sa kanya? Alam mo bang di yan tumitigil hangga’t hindi ka nakikita?”

“Gusto kong mapag isa.... ayoko munang makita ka Ryan.... lumayo ka muna....” ang nasabi ko.

Di ko alam kung bakit yun ang sinabi ko pero wala na akong magagawa, nasabi ko na. Ramdam ko na nabigla si Ryan sa sinabi ko. Agad niya akong niyakap,

“Mahal ko.. sorry na sa nangyari... sorry na... wag mo naman ako ipagtabuyan..” sabi niya.

“Pagod ako ngayon Ryan..... gusto ko munang mapag isa.....” sabi ko na lang. At dumeretso na ako sa taas.

"Best.... iba ka na. hindi ko alam ang nangyari sayo dahil ayaw mong magsabi pero rerespituhin ko ito."

napatigil ako ng bahagya pero tumuloy na din ako.

Nag hubad ako ng damit ko at dumiretso na ako sa banyo. Tulala ako habang nag lalakad papunta dito. Di ko maiwasanag maalala ang ginawa nila sa akin. Nagmamakaawa ako noon, pero sadyang halang ang kaluluwa ng mga taong iyon. Ni hindi man lang siya naawa sa akin. Itinuring niya akong isang bagay na animoy walang pakiramdam.

Itinapat ko ang katawan ko sa ilalim ng shower. Umiiyak ako habang unti-unti kong pinipilit na alisin ang mga bakas ng pagkabasura ko. Kahit masakit na ang ginawa ko, pilit ko pa ring paulit-ulit na sinasabon at hinihilod ang aking katawan. Gusto kong matanggal ang amoy ng lalaking iyon. Gusto kong matanggal ang bakas niya sa aking katawan. Gusto kong alisin ito sa aking katawan, lahat-lahat ng nangyari.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Sa mga pasang aking natamo, at sa nangyari kamunduhan. Kuskos lang ako ng kuskos sa aking katawan. Wala akong pakiaalam kung mag pasa na ang buo kong katawan.

Ang gusto ko ay ang makalimot sa nakaraan. Naisip kong pag subok lang ito sa akin, pero bakit ganoon, sobra sobra. Sana ito na ang huli na mangyayari sa akin ito. Di ko na kakayanin pa na may mangyari pang kababalaghan sa akin.

Matapos kong maligo, inihiga ko ang sarili ko sa kama at nakatulala sa kisame na nag isip. Tama ba ang gagawin kong makipag hiwalay sa kanya? Tama ba kaya? Mahal ko siya, oo subok na iyon, pero yung katotohanana na malalagy sa piligro ang buhay niya ng dahil sa akin.

Wala na akong pakialam kung isang araw bawian ako ng buhay, pero handa akong mamatay alang-alang kay Ryan. Alam ng lahat kung gaano ko siya kamahal. Ikamamatay ko kung mawawala siya dito sa mundong ibabaw. Ilanag oras kong pinag isipan ang mga abagy bagay na ito hanggang sa humantong ako sa isang desisyon.

“Patawarin mo sana ako mahal ko... patawarin mo ako Ryan.... gagawin ko ito para sa yo.... at isa pa... hindi na ako karapat-dapat sa iyo..... di ko na kaya pang harapin ang isang tulad mo matapos ang nangyari sa akin... buo na ang desisyon ko... makikipag hiwalay ako sayo....” ang sabi ko sa sarili ko sabay iyak ng sobrang hina.

Dahan-dahang tumulo ang aking mga luha sa aking mga mata.

Nakatulog ako pagkatapos kong umiyak. Di ko na namalayan na unti-unti na akong napapikit at nakatulog. Hanggang sa panaginip, dala ko pa rin ang nangyari. Naramdaman ko pa rin ang ginawa niya sa akin.

“Walanghiya ka.... pakawalan mo ako... pakawalan mo ako..... itigil mo yan... nagmamakaawa ako...” ngunit para siyang bingi na walang naririnig. Anumang laban ang ginagawa ko, sakit lang ang ibinibigay nito sa akin."

 Yan ang napapanaginipan ko sa mga oras na ito. Ang paulit-ulit na pagmamakaawa ko.

“Ryan.... Ryan... mahal ko... tulungan mo ako... iligtas mo ako.... tulungan mo ako..... ayoko na sa kanila... tulungan mo ako.... tulungan mo ako!” ang bigla kong sabi habang natutulog at ang labis ko ikinagising at ikinabangon.

Pag gising ko, mukha nung lalaki ang nakita. Agad akong tumayo at lumayo sa kanya at ramdam ko ang takot sa buo kong katawan.

“Lumayo ka sa akin..... ayoko na... lumayo ka sa akin... nakuha mo na ang gusto mo diba? Umalis ka na dito... layuan mo ako...!!!” ang nasabi ko nalang at lumabas sa aking bibig.

Dahil sa takot ko ipinagbabato ko ang mga unan, kumot at ilang bagay sa taong iyon.

“Layuan mo ako.. nag mamakawa ako... layuan mo ako... ayoko na... tama na yang ginawa mo sa akin....” hanggang sa lumapit siya sa akin.

“Tama na.... please....”

Hanggang sa pumasok na ang realidad. Isang ilusyon lang pala ang lahat. Hindi pala totoong yun yung lalaki kundi ito ay si Ryan. Nakita ko ang malaking pagtataka sa kanya. Andun din si Annie na nakatayo at nangangamba sa nangyayari sa akin. Agad akong niyakap ni Ryan ng mahigpit.

"Nicko Nicko... anong nangyayari sayo?"

“Anong nangyayari sayo? Anong ginawa ng mga hayop na iyon sa iyo?” sabi niya. Ramdam ko ang paghikbi niya. Umiiyak siya ng sobra.

Lumayo naman ako sa kanya agad agad.

“Anong ginagawa mo dito? Diba sabi kong ayaw muna kitang makita? Umalis ka an dito...” pagtataboy ko.

“Best ano bang nangyayari sayo? Bakit ba paulit-ulit mo siyang itinataboy. Mahal na mahal ka niya. Sobra. Para namang napakalaki ng kasalanan niya sayo? Ano bang nangyayari sayo? Ano bang ginawa nila sayo?” tanong ni Annie.

“Ayoko munang makita siya.. tapos ang usapan...” sabi ko.

“Alam mo best...kung ayaw mong tulungan ka namin sabihin mo lang.... handa lang kaming maghintay para sayo... lumapit ka na lang sa amin.” Sabi ni Annie.

Umalis na silang dalawa. Alam ko na ayaw pang umalis ni Ryan pero wala siyang magawa. Gusto ko siyang yakapin ng mga panahong iyon, pero may pumipigil sa aking gawin iyon.

Ilang araw ako nag kulong sa kwarto ko. Hangagng sa magdesisyon ako na kausapin si Anthony. Pupunta akong Batangas. Magbabkasyon ako para maaliw ang sarili ko at para mawala ang kasaklapan na nangyari sa aking buhay.

Tinawagan ko ito.

“Hello... Anthony.... si Nicko to....”

“Nicko? Kamusta ka na ba? Buti okay ka na.... Anong nangyari sayo?”

“May ipapakausap sa na ako... wag na wag mong sasabihin ito kay Ryan..... gusto kong magpasama sayo sa Batangas, sa rest house ninyo... gusto ko lang makapag isip isip... saka ko an sasabihin kung bakit...”

"Pero alam ba to ni Kuya?"

"Hindi. basta. saka ko na alng sasabihin sayo. pwede ka ba? okay lang kung hindi."

"Oo ma." pumayag naman siya. Bukas na bukas eh aalis na kami.

 Nag impake ako ng damit. balak ko kasi na medyo magtagal doon. ewan ko kung makakayanan ko ba pero gagawin ko to para sa sarili ko. Buo na ang desisyon ko pag balik ko dito.

Hindi ko sinabi kung saan ako pupunta. bahala na kung ano ang mangyari. kakayanin ko to. pagsubok lang ang mga ibinibigay sa akin.
Tahimik ako habang nag byahe kami. Ni hindi muna siya nagtanong. Siguro mamaya siya bibira ng pagtatanong sa akin.

Nag iwan ako ng sulat kay Annie na aalis muna ako at wag ng hanapin. Iniwan ko din ang cellphone ko sa bahay para walang makagulo.

Gusto kong maging tahimik muna ang lahat bago ako maging okay. Nais kong mag isip isip. Di ko namalayan na nakatulog ako sa byahe namin. Nagisisng na lang ako ng naramdaman ko na buhat-buhat ako ni Anthony papasok ng bahay. Nagpababa naman ako nung magising ako. Nakakahiya naman eh siya na nga dumala ng mga gamit namin siya pa ang magbubuhat sa akin. Kanina pa daw niya ako ginigising eh kaso di lang ako magising.

"Oh gising ka na pala."

"Ibaba mo na ako. nakakahiya naman sayo..."

"Ayos lang. ginagawa ko naman ito sa yo dati ah."

"Adik mo.... dati yun no?"

"Pwede naman nating ulitin ah..."

"Loko ka talaga. daming alam ay."

"Joke lang. oh siya. eto na po."

Sabay nakaw ng halik sa aking pisngi.

"Para saan yun?'

"Wala lang... nevermind. gusto ko lang."

"Aysus. Sumbong kita sa kuya mo eh."

"Edi sumbong mo."

"Di ka takot?"

"Hindi ah.... at saka dati ka namang akin ah.. kaya pwede naman yun..."

"That's illogical...."

"really?"

"Che/.... tara na papasok..."

"Saan?"

"Sa bahay siyempre...."

"Akala ko sa puso mo eh..."

"tae,... adik mo talaga...."

"Adik sayo?" Napangiti naman ako.

" Salamat at nasilayan ko an ang ngiti sa mga labi mo."

 "Salamat."

"Dapat si kuya nag bibigay niyan sayo eh..."

nanahimik na lang ako. wala akong balak sagutin ang sinasabi niya.

"Ano ba talaga ang nagyari sayo doon?"

"Tara na miss ko na sila Nay Betty at Tay Bert." pag iiba ko ng usapan.

Agad sumalubong sa akin si Nanay Betty hanggang nakaabang naman sa amin sa pintuan si Tatay Bert. Agad kong niyakap si Nanay Betty ng sobrang higpit. Namiss ko siya ng sobra. Hahahah.

"Nay Betty!"

"Anak! Nicko... Kamusta ka na? Namiss ka namin.."

"Ako rin po sobra....."

"Welcome back" sabi ni Tay Bert.

"Salamat po. Namiss ko ang lugar na ito. nakakrefresh talaga dito."

"Oo naman. siyempre bungad pa lang eh maganda at gwapo na ang makikita mo."

"Aba may ganun na? Kaw Nay Betty nag lelevel up na ha."

"Naman. It's civilization."

"Aba may ganun? So define...."

"Ahm. tara pasok ka na ng bahay."

"Kaw talaga."

"Nay Betty" singit ni Anthony.

"Oh anak. Kamusta ka na?"

"Ayos lang ako nay Betty."

"Haixt. Kakarefresh talag dito... diba Nicko?"

"Galing talaga ng mahal ko oh.... sayang nga lang eh...."

"Bakit sayang?"

"Ah eh wala-wala."

Kwentuhan kami ng todo-todo. Para bang ilang dekada kaming hindi nagkita. Napapaiyak na lang ako sa sobrang saya. Sa tingin ko magiging ayos ang pakiramdam ko dito. Magiging panatag ako sa mga panahong mananatili ako dito. Haixt.

"Akyat na muna ako nay Betty"

"Sige"

Nagpahinga muna ako sa taas ng ilang saglit. Biglang sumagi sa akin ang mga panahong nandito kaming dalawa ni Ryan. Yung mga bagay na kung saan ginawa naming magkasama ni Ryan. Lumabas ako sa beranda ng kwarto at dinama ang simoy ng hangin.

 Pumatak ng dahan-dahan ang aking mga luha sa aking naalala. Mga bagay na sobrag aking ikinagalak dati. Sana ngayon na lang ang kahapon, sana ngayon na lang ang mga bagay na masasaya.

Minsan nakakasawa na rin naman ang umiyak ng umiyak. Mamaya kasi magkaroon na ako ng sakit at ng total depression sa nararanasan ko. Magpakunsulta na lang kaya ako sa isang psychiatrist.

Kaysarap balikan ng mga bagay bagay na sobrang nakakapagpasaya sa akin ng sobra. Mga bagay na nangyari noon na hindi ko alam kung mangyayari sa ngayon.

“Nicko... I Love you.... I love you so much.... mahal kita..” ang biglang sabi ni Ryan.

“di mo alam sinasabi mo....” aktong paakyat na ako sa taas, bigla na lang niya akong hinila at niyakap.

“Mahal kita Nicko... maniwala ka... mahal na amhal na kita... hindi ko alam kung paano nangyari pero mahal kita....” sabi niya. Biglang tumulo luha ko.

“Mali to.. di mo alam sinasabi mo... hindi pwede to...” sabi ko.

“Maniwala ka sana... alam kong sinasabi ko... mahal kita...yun ang totoo.... di ko alam kung bakit ba... basaa hinahanap hanap ko presensiya mo... hinahanap hanap ko ang yakap ko sa yo.....” nakita kong lumuha na din siya.

Di ko mapigilan ang umiyak. Bakit ba ako naiiyak? Tanong ko sa sarili ko.

“Sabihin mo lang.... sabihin mo lang na mahal mo ako..... sabihin mo lang..... gagawin ko ang lahat.... para sa yo...” sabi niya.

“Hindi.... hindi pwede... hindi kita mahal....” ang sinabi ko.

“Hindi ako naniniwala.... mahal mo ako... ramdam ko yan... mahal mo ako di ba?” nakita kong pagmamakaawa niya. Di ako makasagot.

“Kung hindi mo ako mahal... wala nang patutunguhan tong pagmamahal ko at ng buhay ko....” ang bigla na lang niyang sinabi.

“anong gagawin mo?” bigla ko na lang siyang nakita na kinuha ang kutsilyo at itinapat sa sarili niya.

“Huwag... please lang.... oo mahal kita... mahal na mahal...” nakita kong ibinaba niya ang hawak niya at hinawakan kaagad ang kamay ko. Hinalikan niya ito at niyakap niya ako.

Kaysarap balikan ng mga panahong ito. Na kung saan magkasama kami.

Oh, gising ka na....” sabi ko.

“Yup.... nagising ako sa magical kiss ng asawa ko... heheheh” sabi niya.

“Ahahahah... naks naman... heheheh.... oh eto pa... mwaaahh”

“Mwaaahhh.... heheh... I love you Nicko....”

“I love you too Ryan..”

“So tara na... baba na tayo at baka nakahanda na ang breakfast natin.... or baka gusto mo right now na tayo mag breakfast?” sabi niya.

“Hay... tara na sa baba at baka kung ano pa ang maisip mo... kung anu-ano na yang pumasok sa kukote mo eh.... tsk tsk... masyado ng polluted... hahahah” sagot ko.

Napapangiti na lang ako. Namimiss ko ang momments na ito. Nagising ako sa katotohanan ng biglang kulbitin ako ni Anthony.

“Miss mo na siya no?”

“Ano pa nga ba?”

“Bakit pa kasi ayaw mong tawagan siya or kausapin...”

“Hindi pwede... may rason ako kung bakit... natatakot ako na baka mapahamak lang siya sa akin...”

“Pero paano? Ano ka ba?”

"May mga bagay bagay kasi na mahirap ipaliwanag."

"Gaano mo ba kamahal ang kuya ko?"

"Mahal na amahl ko siya. kaya nga handa akong magsakripisyo para sa kaniya."

"Pero bakit ganayan ang ipinapakita mo?"

niyakap niya ako. "Alam mo ba na hanggang ngayon nag sisisi ako na pinakawalan kita.... pero hindi ko pinag sisisihan na ipagkatiwala ka kay kuya.... Kaya sabihin mo na sa akin"

“Kasi.... kasi..... kasi..... baka mamatay lang siya...”

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com




No comments:

Post a Comment