by: Dylan Kyle
“Hindi kita maintindihan? Bakit naman
mamamtay si Kuya?” tanong ni Anthony sa akin.
“Basta.....”
“Sumagot ka nga.....” galit na sabi
niya.
"Ayokong mag salita... mas
mabuting ako lang ang makakaalam nito..."
"Bakit ba kasi? Magsalita
ka..."
Nanahimik ako sandali. Dahil sa
kapipilit niya ay nagsalita na ako.
“Mapapahamak lang siya kapag ipinagpatuloy
namin ang relasyon namin... papatayin siya ng mga kumidnap sa akin... baka
saktan pa siya.... matapos nila akong....” bigla akong napatigil hindi dapat
makalabas ito
. “Matapos kang?”
“Wala....”
Hinawakan niya ako sa braso at pilit
akong nag kukumawala. Pinilit kong kumawala at ng makahanap ako ng tiyempo eh
nag madali akong bumaba. Hinabol niya ako hanggang sa magpang abot kami sa
harapan nila Nanay Betty.
“Anong nangyayari dito?” tanong ni
nanay Betty.
“Ahm... wala po...” sagot ko agad.
“Magtapat ka nga sa akin.. anong
ginawa sayo ng mga kidnappers?”
“Huh? Nak.... kinidnap ka?”
“Ah eh.....” hindi ako makasagot
“Oo nay Betty. Kinidnap siya....”
“Naku. Nakakagulat naman yan. Buti at
ayos ka lang at hindi ka sinaktan. Buti at naibalik ka ng ayos at walang
anumang nangyari...”
“Akala ninyo lang po iyon...” sabi ko.
Labis naman itong ikinagulat ni Nay
betty. Agad sumabat si Tatay Bert. “Anak... ilabas mo yang itinatago mo...
pansin ko na may kakaiba sayo mula ng pagdating mo... hindi ko nakita ang
dating sigla mo noon. Ano ba ang nangyari sayo?”
Sa mga salita ni Tatay Bert lalong
bumuhos ang emosyon ko. Napayakap na lang ako sa katawan ko at unti-unting dumausdos pababa. Di ko
mapigilan ang mapaiyak ng lumakas. Lumapit sa akin si Nay Betty at niyakap ako
ng mahigpit. Ayun na naman ako, parang batang musmos na umiiyak na naagawan ng
candy.
“Anak... andito lang kami ngayon para sayo...
para sayo naririto lang kami para damayan ka. Para na kitang anak kaya nga
ilabas mo na yan sa amin.” Niyakap ko siya ng mahogpit at inilabas ang mga
luhang muling nagkubli sa aking kalooban.
“Nay... Tay.... Anthony..... mga...
mga wala silang kasing sama... nagawa nilang.... nagawa nilang gawan ako....
gawan ako ng makamundong bagay..... binaboy nila pagkatao ko.....” ang
pagtatapat ko ng katotohanan sa kanila.
Inilahad ko lahat-lahat ang napagdaanan ko.
Kitang kita ko ang mga luhang pumatak sa mukha ni Nay Betty at ang galit sa
mukha ni Tay Bert. Sinipat ko ang direksyon ni Anthony at nakita ko lang na
nakakuyom ang kanyang mga palad. Ilang saglit pa ay sinuntok niya ang pader na
siyang dahilan ng unti-unting pagdugo ng kaniyang kamay.
“Anthony... ano yang ginagawa mo?”
sabi ni Tay Bert.
Lumapit si Nay Betty at ginamot ang
kamay ni Anthony. “Mga wala silang kwenta.... mga wala silang kasing-sama....
hindi ko sila mapapatawad... sagad sa buto ang ginawa nila sayo.....” bigla
bigla siyang lumabas ng pinto ng bahay kahit na ginagamot pa ni Nanay Betty ang
kamay nito.
“Anthony... san ka pupunta...” pilit
ko siyang hinabol pero pinigilan ako ni
Nay Betty.
“Hayaan mo na muna siya..... mag iisip
isip siya....”
Pinanatag naman ako nila Nay at Tay.
Niyakap ko sila ng mahigpit. Kung tutuusin, parang wala rin namang nawala sa
akin. Kung iisipin ko lang eh yung ginawa niyang panghahalay, walang epekto
yun. Bago pa man niya makuha ang gusto niya eh naunahan na siya. Ang naging
masaklap lang talaga ginawa ng mga ito ay yung pagpaparanas sa akin na isa
akong basahang winarak-warak.
“Anak... wag mong isipin pa na may
nawala pa sa iyo.... alam ko na bago pa man makuha yan ng mga walang kaluluwang
iyon eh may nakauna na diyan. Ang isipin mo ngayon eh yung papaano ka
babangon..” sabi ni nay Betty.
“Salamat po nay.. hayaan po ninyo...
hihintayin ko ang tamang oras para dito... di ko hahayaan ang sarili ko na
kainin ng nararamdaman ko. Makakabangon din ako.”
“Positibo lang dapat ikaw.... nga
pala.. alam na ba ito ni Ryan?” tanong ni Tay Bert.
“Yun na nga po eh... di ko alam kung
paano ko sasabihin sa kanya. Iniisip ko pa nga kung papaano ko sasabihin sa
kanya. Kakayanin ko ba na sabihin sa kanya. Naiisip ko din naman kung ano ang
mararamdamn niya. Hayaan po ninyong pag handaan ko ito.” Ang nasabi ko.
Natahimik ang kalooban ko. Tama sila
Nanay Betty dapat alam ko kung papaano ako babangon. Di tulad ng mga babae na
amy nawala sa kanila, sa akin namn ay wala. Mas maswerte pa nga ako kasi buhay
pa ako at hindi ako pinatay. Oo minsan talaga na may mag bagay na mahirap
tanggapin pero kailngan maging positibo pa rin tayo.
Ilang oras kong hinintay si Anthony na bumalik
ng bahay ngunit hindi ko na siya nahagilap. Kaya nag desisyon kami nila Nay
Betty na hanapin siya. Palubog na ang araw niyon ng hanapin namin siya. Hindi
na mainit ang sikat ng araw kaya masarap ng mag lakad-lakad. Ginalugod namin
ang buong tabing dagat.
Matapos ang ilang sandaling paglalakad
ay nakita ko ang matamtam na nakatyong si Anthony. Nakatingin sa malawak na
tubig ng dagat. Dahan-dahan akong lumapit sa kinatatayuan ni Anthony. Tahimik
lang siyang nag-iisip. Tinakpan ko ng kamay ko ang kanyang mata na labis niyang
ikinagulat. Ito yung dating ginagawa ko kapag may problema siya.
“Nicko... alam kong ikaw yan....”
“Ang galing ah.. alam mo pa rin kung
sino ako... hahaha... hmmmm... bakit ba parang ikaw pa ang may problema sa
ating dalawa?”
“Eh kasi naman.. sino bang di
madidismaya sa nangyari sayo.. sinisisi ko tuloy ang sarili ko dahil hindi man
lang kita naprotektahan.. mantakin mo kasama mo na ako nun kaso wala akong
nagawa....” isang ngiti lang ang ginanti ko sa kanya.
"Eh ayos lang yun... at isa
pa.... ayoko ng maalala yun..."
“Paano mo pa nakukuhang ngumiti?”
“Isa sa sabi sa akin ni Nay Betty ang
ngumiti. Malalim man ang problema ko... di ko daw dapat hayaan na kainin ako ng
kahinaan ko... alam kong napakasakit nitong pinag daraanan ko pero alam ko sa
sarili kong makakabawi ako.....”
“Paano mo nakakayanan ang lahat ng
ito?” “Siguro nasanay lang talaga ako. Mantakin mo na sa lahat ng nangyari sa
akin eh naririto pa rin ako.... yung tipo ba na mula sa pagpapakasuicide ko eh
naririto pa rin ako at humihinga.... marami-rami na akong napagdaanan na
sumubok sa akin... masait man.. pero heto ako at matatag... pero sa ngayon...
di pa ako okay.. ramdam ko pa rin ang mga nangyari sa akin...”
“Nag sisisi talaga ako sa ginawa ko
sayo.” Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito.
“Tapos na yon.. wag ka ngang gayan...”
“Pero promise... nag sisisi na ako...
pinakawalan pa kita... na iinggit lang ako kay kuya kasi sa kanya ka na.. how I
wish na akin ka na lang sana ulit... pero wala na akong magagawa... at isa
pa... alam kong mas magiging masaya ka sa kanya.... I always want your hapiness...”
“Alam mo ang drama mo talaga... okay
an yun lahat.. don’t worry...”
“Basta If ever na amy problem andito
lang ako... at isa pa... sabihin mo na kay Kuya yang nangyari sayo... alam mo
ba na daig pa noon ang magdrama kesa sa akin.?”
“Oo alam ko.. naku... best actor yon
sobra....”
" Bakit mo nasabi?"
"O.A pa yun sayo... akala mo ba.
kung makapagtampo yun sa akin nakow....."
"Di ko maimagine..."
"Kkung makikita mo lang talaga...
para siyang bata..."
"Naku.... di ko talaga
maimagine.... na yung kuya ko na napaka matured na amg isip at kumilos ay
childish pala... ahahaha"
" oo nga eh... hahahah"
“Hahaha.... natutuwa ako na natagpuan
mo si Kuya.... kaya soon dapat malaman na niya ha.... tara na balik na tayo dun
sa bahay....” ilang sandali lang eh bumalik na kami sa bahay.
“Halika nga dito... yayakapin kita ng
sobra....” sabi ni Ryan sa akin.
“Ayoko nga... iipitin mo na naman
ako...”
“Dali na..... slight lang to... di na
kita iipitin....”
“Maniwala sayo... kilala kita... lalo
na pag nanggigil ka...” bigla niya ako hinatak at wala na akong ginawa dahil sa
sobrang kasabikan niya eh naipit na ako sa pagkakayakap niya.
“Wala ka ng kawala ngayon....” sabi
niya.
“Oo alam ko ramdam ko naman na wala na
akong kawala kapag niyakap mo ako eh.. ano pa ba ang magagawa ko? Naku.. ikaw
talaga.....”
“Yaan mo na ako... minsan lang ako
maglambing sayo no... at tsaka magtaka kapag hindi na ako maglambing sayo...”
“Aysus... subukan mo lang talaga....”
“Hinding-hindi mangyayari yun...”
“Talaga lang ha...”
“Oo naman...”
“I love you....”
“I Love you too.”
“Mahal na mahal na mahal na mahal na
mahal na mahal na mahal na mahal kita.....” sabay halik sa pisngi. “
Mas mahal na mahal na mahal na mahal
na mahal na mahal na mahal na mahal kita...”.
“Ryan....I... I love you....” yan ang
huli kong natandaan bago ako nagising.
Nagising ako na may humahaplos ng
aking buhok. Nasa isip kong si Anthony yun pero hindi eh, kasi magkahiwalay
naman kaming natulog. Isang pagkakilanlan lang ang natandaan ko sa amoy ng
pabango na iyon. Ayaw kong tiyakin kung sino ba talaga yun dahil kinakabahan
ako tama ang nasa isip ko. Pabango pa lang niya kilala ko na. Ako ang namili ng
pabango niya at yun din naman ang gusto niya.
Nakahiga ako sa kanyang dibdib habang
yakap ng isang kamay niya ang aking katawan. Nagsalita siya kaya labis akong
napaluha nung marinig kong muli ang kanyang boses.
“Mahal na mahal din kita Nicko.....”
Hindi pa niya alam siguro na gising na ako.
Pinapakinggan ko lang siya sa sinasabi niya.
“Mahal na mahal kita.....
hinding-hindi na kita hahayaan na malayo sa akin.....” gumalaw ako ng onti kaya
namalayan niyang gising na pala ako.
“Gising ka na pala....” sabi ni Ryan.
“Ba.. Bakit ka nandito?” bungad ko.
“Ganyan ba talaga kalaki ang galit mo
sa akin kaya ipinagtatabuyan mo ako?”
“Hindi ako galit sayo o anuman.....
sagutin mo muna ang tanong ko sayo?” Nakita ko ang pagbabago ng reaksiyon ng
mukha niya.
“Tinawagan ako ni Anthony... sabi niya
andito daw kayo at kailangan mo daw ako ngayon....”
“Pasaway talaga yun.. inabala ka pa
niya...”
“Tapatin mo nga ako? Ano ba talaga ako
sayo?”
“Ano ba namang tanong yan.... mahal
kita..... mahal kita at ikaw ang nag iisa kong mahal.....” sabi ko.
“Kung mahal mo ako, bakit si Anthony
ang kasama mo dito at hindi ako?” tila isang kumplikadong tanong sa exam na
mahirap sagutin ng tama ang tanong niya. Tama nga naman siya.
“May dahilan ako kung bakit...”
“Tapatin mo ako? Mahal mo pa ba si Anthony?”
“Ano ba naman yan?”
“Sagutin mo ako!” nagtaas siya ng
boses.
“Ano bang tingin mo sa akin?
Manloloko? Matagal ng tapos ang namamagitan sa amin ni Anthony at ang
pagmamahal ko sa kanya wala na.... Ikaw ang mahal ko ngayon, bukas at
kailanman... Kaya kung tatanungin mo ako ng ganyan, baka mabwisit lang ako
sayo...”
“Sorry...”
Nilapitan niya ako at niyakap. Itinaas
niya ang aking mukha upang idampi ang kanayng mga labi sa aking mga labi.
Pinigilan ko siya.
“Wag....”
“Sabihin mo lang kung ayaw mo na sa
akin....”
“Hindi sa ganon....” sabi ko. Kumalas
siya sa akin at luamyo ng bahagya.
“Nasasaktan ako Nicko.... feeling ko
di mo na ako mahal... tapos ngayon ayaw mong magpahalik sa akin....”
“Alam mo ang drama mo.... hindi lang
nagpahalik ayaw na agad? Diba pwedeng kakagising ko lang at nakakahiya naman
sayo kaya hindi nagpahalik?” natawa ako ng bahagya. Susme yun lang pala ang
inaarte niya. Ginawa kong alibi yun.
Ngumiti naman siya at natawa sa
sarili.
“naku... susme... daming drama... nagtampo pa
sa hindi pinagbigyang halik....”
Agad siyang luampit sa akin at
sinunggaban ang aking labi. Maagap naman ako at napigilan ko siya.
“Wag ka ngang pasaway.... sabing kakagising ko
lang...”
“Wala akong pakialam... kahit gaano ka
pa natulog niyan.... ayos lang sa akin... tska sayo yan eh./.. hindi bale kung
iba.. magiging choosy pa ako....”
“So ganon... choosy ka pa sa iba....
so ibig sabihin may iba ka na?” Sa pagkakasabi ko noon eh umagresibo na ang
kanyang kilos at tuluyan na niya akong hinalikan.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
Hindi ko na siya pinigilan pa. Gumanti
na ako ng halik sa kanya. Namiss ko ang mga halik niya sa akin lalo na at
marami kaming pinagdaanan noong nakaraan. Naging agresibo ang kilos niya at
nagkaideya na ako sa pupuntahan ng mga ito.
Unti-unti niyang hinuhubad ang kanyang
polo na suot pati na rin ang pantalon. Nang damit ko na ang isusunod niya eh
lumayo ako ng bahagya.
“Wag..... di ko pa kaya.....” at
tumingin ako sa baba.
“Wag muna ngayon....”
“Bakit? Anong meron?”
“Ahm... kasi...”
“Meron ba akong hindi alam dito?”
Tanong niya.
“May sasabihin ako sayo.... may
ipagtatapat ako sayo...” Seryoso ang aking mukha.
Nakita ko na seryoso siyang nakikinig.
“Yung time na kinidnap ako? Yung panahong iyon..... hindi lang pambubugbog ang
ginawa nila sa akin... hindi lang yun ang pinaranas nila sa akin...” tumigil
ako ng bahagya para tignan ang mukha niya.
Nakita ko na nagbaba siya ng tingin at
nakita ko na nakakuyom ang kanyang mga palad. Alam kong may ideya na siya. “Nag
karaoon.... nag karoon ng....” di ko na natuloy ang sinasabi ko. Niyakap niya
ako ng mahigpit.
“Mga hayop sila.... hindi ko sila
mapapatawad... papanagutin ko sila sa ginawa nilang pang bababoy sayo.....
humanda sila....” sabi nito.
“Ayokong madamay ka pa sa gulong ito
kaya pilit kong lumayo....”
“Kaya pala.... pero hindi mo dapat
ginawa iyon...”
“Pinilit kong kayanin na ipagtabuyan
ka... papatayin ka nila kung di ko gagawin ang mga ito... pinapalayo ka nila sa
akin.... babalikan nila tayo kapag di tayo nag layo... at worst pa nito ay
bakla patayin ka nila ng dahil sa akin...”
“Wala akong pakialam sa kanila... wala
akong pakialam kung patayin nila ako... handa akong gawin ang lahat para
sayo... kaya kung papatayin nila ako hindi ako matatakot... hayaan mo akong
nandiyan lang sa tabi mo...”
“Pero...”
“Wala ng pero pero.... basta.... di
ako aalis sa tabi mo...”
“Nag aalala lang ako sayo...”
“Ano ka ba... walang mangyayari sayo
at sa akin...”
“Ayaw kitang mawala kaya ko nagawa
iyon...”
“Ano pang silbi ng pagiging boyfriend mo kung
iiwanan kita? Ano ka ba? Ano pang silbi’t ipinaglaban kita? Ano ka ba? Magtiwala
ka sa akin... andito lang ako para sayo...” niyakap ko siya ng mahigpit.
“Mahal kita Nicko at hindi ko hahayaan
na mapahamak ka pa...”
“Salamat Ryan... mahal na mahal din
kita...”
“kaya wag mo na ulit gagawin na
solohin ang mga problema..... Ito ba ang dahilan kaya mo ako pinapalayo ng
lubusan?”
“Uhm... oo... yun nga... at isa pa...
parang wala na akong mukhang ihaharap sayo... dahil... dahil nga sa pang
aangkin na ginawa niya....”
“Wala akong pakialam kung ilan ang
umangkin sayo noon. Tinanggap kita hindi dahil lang diyan. Minahal kita dahil
mahal kita at iyan ikaw. Sa ngayon.. kung inangkin ka man nila... pagbabayaran
nila iyon at hindi ikaw ang dapat magbayad....”
“Pero...”
“Shhh..... yaan mo na... ako na ang
bahala...... magbabayad sila sa ginawa nila sayo..... at pagbabayaran nila na
ninakaw nila ang pag aari ko... dahil ang akin ay akin lang.... at ikaw.... at
ako... tayo lang dalawa dapat....”
“Sorry sa ginawa ko... akala ko ito
ang makakabuti sa atin...”
“Pinakaba mo ako ng sobra...”
“Pasensiya naman...” Hinila niya ako
at ngumiti ng nakakloko.
“Hoy anong balak mo?” Kinindatan niya
ako at doon na nag umpisa ang lahat. Wala na akong nagawa kundi ang mahalin
siya ng mahalin.
Mag aalas-diyes na ako nagising.
Himbing na natutulog si Ryan sa tabi ko. Nakayakap ako sa hubad na katawan.
Naririnig ko ang lagaslas ng hangin at ang malalakas na alon ng tubig ng dagat.
Tinanggal ni Ryan ang masasalimuot na pangyayari sa akin. Pilit niyang ipinadama
na limutin ko ang nangyari at isipin lang na kami lang dalawa. Nawala ang takot
ko na muling mangyari iyon sa akin. Nawala ang masasalimuot na pangyayari na
lubhang nagpaisip sa akin ng mga bagay na iyon.
Bumangon ako at naramdaman iyon ni
Ryan. “Mamaya ka na bumngaon.” Sabi niya sa akin habang yakap yakap niya ako sa
may bandang tiyan.
“Gutom na ako.. kakain lang ako..”
“Di ka pa ba busog? Sige heto pa
oh...”
“Loko naman ito... ikaw ha nakakadami
ka na....”
“Eh... mamaya na kasi eh...”
“Aysus... mamaya na yan.. kakain lang
ako sa baba...”
“Aysus... baka kung ano ang kainin mo
sa baba...” Binato ko siya ng unan bago ako ng suot ng pang ibaba.
“Dami mong alam.
Bumaba ako at iiniwan ko siyang
nakahiga sa kama. Muntik pa akong madula sa hagdan ng biglang bumulaga sa harap
ko si Annie.
“Bestfriend!!!!” sigaw nito.
Agad siyang yumakap sa akin. “Hala
ka.. anong ginagawa mo dito?”
“Para damayan ka.... andito lang ako
at hayaan mo papanagutin ko sila sa ginawa sayo.... humanda sila sa akin...”
“Aysus... parang may magagwa ka
naman...”
“Oo naman... ikaw ha.. wag mong
sinosolo ang lahat....”
“Aysus.... oo na.. sorry na.... salamt
ha.... kasi iniintindi mo ako...”
“Thats are friends are for... ano ka
ba....”
“Aysus.... wait lang kakain lang
ako....”
“Di ka pa ba nabusog?”
“Nabusog saan? Eh di pa nga ako
nakakakin eh...”
“Baka nga busog na busog ka sa almusal
mo kanina eh.”
“Anong sinasabi mo?”
“Sus... wag kang mag maang
maangan..... Kanina ka pa kinakatok ni Nay Betty sa taas... at ang sabi ng
boylet mo eh nakapag almusal ka na...”
“Argggg.... kasalanan to ni Ryan...”
sa isip ko lang.
“Tae mo.. dami mong alam.... di ko
alam sinasabi mo...” pag mamaang-maangan ko.
“Aysus.. ang haba ng buhok oh natatapakan ko
na....”
“Wew.... teka lang kakain na ako.”
Sabi ko.
Nagenjoy naman si Annie sa bahay na yun.
Nakakarefresh naman kasi eh.
Kinatanghalian na ng nagising si Ryan.
Nakaboxer lang siya ng bumaba.
“Good morning...” sabi niya.
“Tanghali na po...”
“Ah gnun ba...” agad siyang lumapit sa
akin at yumakap.
“Ang sweet naman dito.. nilalanggam
ako... naman...”
“Inggit ka lang...” sabi ko. “Hindi
no...”
“Weh di nga”
“Kain na kayo.....” singit ni Nay
Betty.
“Kainan na!” sabi ni Annie.
“Subuan mo ako mahal ko...” sabi ni
Ryan.
“Aysus parang bata na naman ito...”
“Dali na...” pag lalambing nito.
“ Ako na lang mag susubo sa boyfriend
mo Nicko...”
“Che... mag isa ka...” At yun nga.
Naging masaya ako sa nangyari. Sabi na at
magiging fresh na yung pakiramdam ko dito.
Nagpasya na kaming umuwi makalipas ang
dalawang araw. Pagkauwi ko sa bahay, nagulat ako sa nadatnan ko. Nagulat ako sa
mga taong naroroon din. Nakita kong nakatayo sila papa at mama sa salas. Nang
mga sandaling iyon eh napaiyak ako ng makita ko sila. Agad akong niyakap ni
mama. Niyakap ko rin siya ng kay higpit.
“Anak... kamusta ka na? Anong nangyari
sayo?” tanong niya.
“Masaya ako na nandito na kayo ma...
ayos na ako ma... okay na po ako... masaya na ako... masayang- masaya...”
sobrang higpit ang pagkakayakap niya sa akin. Inilahad ko ang lahat ng nangyari
sa akin. Nakatayo sa aking tabi si Ryan at si Annie.
Nakatulala sila sa kawalan. Nagulat at
alam kong nakisimpatya sa akin.
“Anak.... papakulong ko sila...
kailangan nilang magdusa.... mga hayop nsila... walang hiya....”
Pati si papa nakita kong nakakuyom ang
mga kamay at nakatulala. Galit ang kanyang mukha at alam ko na handa siyang
manuntok.
“Sana lang po ay mahuli na kung
sinuman ang nagpadukot sa akin...”
“Ma...ma...maha....mahal na ma..mahal
kita..... di ako pa..pa...payag na hindi sila
mapa...mapa...maparu....rusahan.... human....humanda sila sa akin...
pananagutan... nila lahat ito..... mana... mananagot sila.... pangako yan...”
ang utal-utal na nasabi sa akin ni Ryan. Nanginginig siya dahil sinisipat niya
kung ano ang magiging reaksyon nila mama.
Sa pagyakap niya sa akin, pakiramdam
ko ligtas ako lagi. Humiwalay ako sa kanya para tumayo. Tumayo din siya
pagkatapos. Humarap kaming dalawa kila mama at papa. Nagsalita bigla si Annie.
“Best.... pumunta agad dito sila tito
at tita nung malaman nila ang nangyari sayo. Si Anthony ang tumawag sa kanila.”
Paliwanag ni Annie.
“Ah gnun ba.... okay okay.... Bakit
hindi mo sinabi agad sa akin?”
“Gusto ka nilang surpresahin” Biglang
sumingit sa mama sa paguusap namin.
“Anak... siya na ba yung bago mo?”
natameme kami. Di makapagsalita, nakikiramdam ako sa anu mang mangyayari. Heto
na ang punto na ipapakilala ko na siya sa magulang ko.
Tumingin ako sa kinaroroonan ni papa
at alam kong naghihintay siya ng kasagutan. Nakatingin siya sa akin at parang
nangungusap ng kasagutan.
“Ma, Pa... si Ryan po.. boyfriend ko
po...” pakilala ko sa kanila.
“Kapatid po ako ni Anthony.
Nakakatanda ako sa kanya.” Dagdag nito.
Hinawakan ko ang kamay niya dahil sa kinakabahan
ako. Tumingin ako sa baba dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaction
niya. Unti-unti, naramdaman ko na lumapit si mama at hinawakan ang mukha ko.
“Anak... namiss kita ng sobra....”
niyakap niya ako ng mahigpit. Muli, tumulo ulit ang aking luha.
“Mama... namiss ko din po kayo ng
sobra. Miss na miss.”
“Mr. Reyes.... gaano mo kamahal ang
anak ko?” nagulat ako ng biglang pagsalita ni papa.
“Hindi ko po mabilang Mr. Mercado.
Dahil ang pagmamahal ko sa kanya ay di mabilang. Mahal na mahal ko po ang anak
ninyo. Handa akong gawin matanggap lang ninyo. Gagawin ko ang imposible para
lang makasama ang anak po ninyo. Alam ko pong pinalayas po ninyo siya matapos
malaman na may relasyon sila ng kapatid ko. Hindi po ako papayag na
paghiwalayin po ninyo kami.Kung kailngang ligawan din po kayo gagawin ko.”
Mahabang sagot nito.
“Wag kang masyadong magpaliwanag.
Nagtatanong lang ako. Easy lang.”
“Pasesnsiya po.. kinakabahan lang
po...”
“Tandaan mo lang, dila lang ang walang
latay sayo sa oras na iwanan at saktan mo tong anak ko.”
Hindi ko alam pero iba ang naramdaman
ko. Kakaibang tuwa ang naramdaman ko ng marinig ko ito mula sa sarili kong ama.
Hindi ko mapigilan ang tumakbo sa kanya at yakapin siya.
“Anak.... patawarin mo ako sa nagawa
ko sa iyo. Di ko lang matanggap noon na ganyan ka. Akala ko makakyaa ko at
matitiis pero nung nalaman ko na nanganib ang buhay mo, di ko na nakayanan.
Mahal na mahal kita anak.”
“Pa, salamat... mahal na mahal din po
kita... maraming salamat po sa ginawa ninyo ngayon. Sorry sa pagsuway ko sa
inyo noon.. alam kong gusto ninyo lang maging maayos ang buhay ko...”
Napahagulgol na ako ng sobra. Lumapit si Ryan sa amin at inabot ang kamay ni
Papa.
“O iho....ingatan mo to....”
“Yes Sir..”
“Papa na rin ang itawag mo sa akin.”
Masaya na ako ngayon.
Kahit na may pagkabigo sa bahagi ng
aking buhay, nagkaroon naman ng panibagong kulay ang isang bahagi ng aking
buhay. Doon na rin natulog si Ryan. Sobrang saya niya sa part ko kasi tanggap
na nila ako. Sila mama, dito na rin sa bahay nag palipas ng gabi.
Magkatabi kami sa kama, nakayakap siya
sa akin at ganun din siya.
“Mahal ko, mahal na mahal kita. Ngayon
tanggap ka na ng pamilya mo, lalo akong natutuwa. Wag kang mag alala, gagawin
ko ang lahat para matanggap tayo nila papa.”
“Wag kang mag madali.... I love
you...”
“I love you too..” pansin kong di
namin pinagusapan ang nangyari sa akin. Siguro, ayaw lang niya itong alalahanin
pa.
“Sorry nga pala nung nangyari dati...”
“Uhm ayos na yon.. tapos na yon.. at wag mo ng
uulitin yon ha.. kundi tatapyasin ko ang lahat lahat sayo...”
“Magagwa mo yon sa love mo?”
“Oo pag kinakailngan at kung dapat...”
pagbibiro ko. Nagharutan kami ng nagharutan. Matapos kaming mapagod namahinga
kami. Natulog kami ng payapa at tahimik. Hahaha.
Ginising ako ng halik ni Ryan. “Good
morning mahal ko...” bungad nito.
“Good morning din.” Nginitian ko siya. Nagulat
na lang ako ng bigla bigla na lang niya akong hinalikan sa labi.
“Tara... baba na tayo... naghihintay
na sila papa..” sabi niya.
“Papa talaga ha... hahah.. naks...
hahahaha....” hinalikan ko siya sa pisngi. Pagkababa namin, nagulat ako ng
madatnan ko si Kuya.
“Kuyaaaaahhh” napasigaw ako at
nilapitan ko siya at niyakap.
“Kanina ka pa?”
“Yup.... ahhahah.... Teka.... uhm.. sino yan?”
turo niya kay Ryan.
“Uhm... nga pala... kuya... si
Ryan.... boyfriend ko...” pakilala ko dito.
“Ryan pala kuya....” sabi nito kay
kuya.
“Aba... ang kapatid ko kumekereng keng.....”
“Yaan mo na nga yang kapatid mo.. aba
pinakaba kami... buti na alng at ligtas yan...”
“Naku ma, magugulat na lang kayo
buntis na yan...”
“Loko ka kuya... umupo ka na nga...
kain na tayo....” at tawanan na lang kami. Eto ang kaunaunahang nagkabonding
kami sa hapag kainan at ngayon nadagdagan kami ng miyembro, si Ryan.
“Nga pala tol... malapit na akong
ikasal. After 5 months eh ikakasal na ako.. invite ko kayong dalawa...”
“Aysus.... sino kayang malas na babae
ang nauto mo...”
“Kapal mo din.. naku dehado nga yang
si Ryan sayo eh....” Tumawa lang si Ryan.
“Tinatawanan mo akO?” tanong ko kay
Ryan na pabiro pero ang mukha ko parangseryoso.
“Hindi po boss...”
“Aba... inuunder mo yang boyfriend
mo.... baka iwan ka niyan...”
“Naku... alam kong nagbibiro lan to
mahal ko... hahah... at di ko yan pagpapalit sa iba...” Nasa ganoon kaming pag
uusap habang kami ay kumakain. Sobrang saya ko talaga. Matapos ang unos na
pinagdaanan ko eto pa rin at masaya ako. Nangangamba lang ako sa proteksiyon ng
mga mahal ko sa buhay. Di ako nakakasiguro na lagi silang safe. Sino kaya ang
nagpadukot sa akin at ano ang pakay niya sa akin. Bati na naman kami ni Rona at
maayos na. Sino kaya yun. Malaking misteryo pa rin ang lahat ng ito. Napakalaking
misteryo.
Masaya na ako ngayon, nawa eh mahuli
na kung sino ang nagpadukot sa akin.mapanagutan na sana niya ang mga kababuyan
na ginawa nila. Wala sa akin kung saktan nila ako eh pero yung gawin nilang
basura ang pakiramdam ko, hindi ako makapapayag. Sama-sama kaming nanonood sa
sala ng biglang tumawag sa akin si Annie.
“Best... may problema tayo....
kailngan nating magkausap ngayon... urgent... “ bigla akong kinabahanng tumawag
siya sa akin. Haixt. Ano na naman kaya itong panibagong problema na dumarating.
Pero mukhang mabigit ito at mas malala pa sa iba.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
Nagpaalam ako kila mama na aalis ako
ng bahay. .ayaw pa nga nila ako payagan eh.
“Ma, alis na muna ako, kailngan ko sa
shop eh...”
“Nak magpasama ka kay Ryan...”
“Ma, wag na po...”
“Mahal ko, sasama ako...”
“Wag na... kaya ko na to...”
“Anak wag matigas ang ulo ha....”
“Sige po pa.... tara na mahal ko...”
nagmadali kaming pumunta sa shop para sa problema na sinasabi ni Annie.
Di ko mapigilan ang kabahan dahil sa seryosong
tawag na narinig ko mula sa kanya. Nanumbalik ang kaba sa aking dibdib.
Tinawagan niya ako ulit.
“Best... asan ka na?”
“On the way na ako...”
“Ninenerbyos ako sayo eh,....”
“Bilisan mo best... urgent to....” at
binaba na niya ang tawag.
“Mahal ko, kinakabahan ako...” sabi
ko.
“Cool down lang... wag kang mag
histerical.. baka mamaya mapano ka pa eh...” pag aalala niya.
“Paano ba naman kasi kinakabahan ako
sa problema na sinasabi ni Annie.”
“Haixct.... cool down...”
Hinawakan niya ang kamay ko. Alam niya
ang tanging paraan lang para kumalma ako eh yung hawakan ang kamay ko.
Hinalikan ko siya.
“Salamat.... mahal na mahal kita....
mahal na mahal...”
“I love you too.... you are now my
life.......” nginitian niya ako.
“Bakit kaya hanggang ngayon di ko pa
rin mapigilang kiligin sayo?”
“Kasi naman po.. ang gwapo ng asawa
mo... san ka pa diba?”
May paraan siya na kung saan
napapakilig niya ako at napapasaya. Ilang minuto lang eh nakarating kami sa
shop. Nagmadali akong bumaba pero hinabol ako ni Ryan. Niyakap niya ako ng
mahigpit.
“Bakit?” tanong ko.
“Easy ka lang... kaw talaga....” bigla
niya akong hinalikan sa labi na labis kong ikinagulat.
gumanti ako sa ginawa niya. Alam kong
gusto niya lang akong kumalma.
“Okay ka na?” tanong niya sa akin.
“Yup... thank you...”
Pumasok na kami sa shop at nadatnan
namin si Annie at ang may ari ng supplier namin na si Mr. Okinowa.
“Best.... buti andito ka na...” sabi
ni Annie.
“Anong problema?” tanong ko.
“Nagbackout sa atin si Mr. Okinawa.
Sabi ko naman na ikaw ang kausapin.”
“Uhm.. Good Morning Mr. Okinawa. Uhm,
may I ask if there is a problem?”
“Mr. Mercado, I’m sorry but I want to
solve my company’s problem and I don’t want to see it falling.”
“What do you mean?” sabat ni Ryan.
“Ayokong ipasara at malugi ng dahil sayo.
Mr. Reyes, your father have told me. Ayoko lang mawalan ng kinabubuhay. I’m
sorry.”
“What? Ibig sabihin lahat ng ito kagagawan ni
papa? Pero bakit?”
“Just ask him. I will go now.”
“Rye, bakit? Anong meron sa papa mo?”
“I will talk to him.”
“Sasama ako....”
“stay here...”
“Sasama ako... sa ayaw mo at sa
hindi..” nagtaas na ako ng tono.
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod.
“Best... mag ingat ka ha... easy
lang...”
“Okay.” Hinagilap niya ang kamay ko at
umalis na kami.
Habang nasa byahe kami, seryoso ang
mukha niya. Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin siya sa akin. Nakita ko ang
lungkot sa kanyang mga mata. Sadya yatang di mapipigilan ang kamalasan sa aking
buhay. Itinabi niya ang kotse niya sa tabi ng kalsada.
“Uhm. O bat ka tumigil?”
“Kasi gagawin ko ito.” Niyakap niya
ako ng mahigpit.
“Uhm... alam kong kinakabahan ka na
harapin ang papa mo. Ramdam ko yan.”
“oo.. kaya kumukuha ako ng lakas ng
loob sayo... kung anuman ang mangyari. mahal na mahal kita...”
“wag ka ngang magsalita ng ganyan. Basta
magiging okay ang lahat. I love you Ryan...”
“I love you too Nicko.” At hinalikan
niya ako. Kakaiba ang halik na iginawad niya sa akin.
Para bang judgement day ngayon.
Pagpasok pa lang ng office kakaiba na ang atmosphere.
“Good morning Sir.”
Bati nila pag nakakasalubong si Ryan.
Sumakay kami sa elevator. Kami lang dalawa ang lulan nito. Hinawakan ko ang
kamay niya at himawakan niya ito ng mahigpit. Pumunta siya sa likod ko at
yumakap sa akin. Biglang bumukas ang elevator at ibinulaga si Anthony.
“Oh bro... akala ko ba nasa ospital
ka?”
“Naku di na kailngan. Lumabas din ako
kanina. May kailngan akong kunin eh. kAw ba anong ginagawa ninyo dito?”
“Kakausapin namin si papa. May
kailngan kaming magkalinawan...”
Sumama sa amin si Anthony.
“Buti ok ka na. Nag alala ako sayo.
Lalo na ng actual kang dukutin...”
“Medyo ok na naman ako eh...”
At nakaratig na kami sa pupuntahan
namin. Parag bawat hakbang namin eh kapalit nito eh ang lamig ng
atmosphere.isang katok ang ibinigay ni Ryan sa pinto ng office ng papa niya at
agad naman itong nagbukas. Secretary ng papa niya ang bumungad sa aming
harapan.
Pinatuloy naman niya kami. Siguro
inaasahan talaga ng papa niya ang aming pagdating. Bago kami humarap ni Ryan sa
papa niya, hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
“Kahit anong mangyari... mahal na
amhal kita. Tandaan mo yan. I Love you.” At hinalikan niya ito. Ilang minuto
lang eh dumating na rin ang papa niya.
“What can I do to both of you?” sabi
nito. Nakangiti pa ito sa amin na para bang walang alam.
“Pa, bakit mo tinakot si Mr. Okinawa na iurong
ang ang pag susupply nila Nicko sa kanila?”
“Anak, alam mo kung bakit. Alam mo
kung ano ang dahilan. Mag isip ka.”
Matalinghagang sabi nito. Bigla siyang
tumingin sa akin at sa puntong iyon, nagkaroon ako ng idea. Mukhang alam na
niya ang relasyon namin ni Ryan. Tumungo ako bigla para hindi nila mapansin ang
namumuong luha sa aking mga mata.
“I don’t know what are you talking
about.”
They are arguing. Ngayon alam ko na na
kaya ako ginigipit niya dahil ayaw niya sa akin at sa relasyon namin. Lalo na
ang nakaraan namin ni Anthony. Tumayo ako at nagsalita.
“Ryan.... there’s no need to talk
anymore. Wala na rin namang pupuntahan ang usapan na to.”
“Pero... hindi.... Hindi ako titigil hanggat
ibalik niya ang supplier ninyo.”
“And that will happen if you and him
will break up. Gusto kong maghiwalay kayo ngayon din.”
Natameme si Ryan at natahimik ang
paligid.
“Don’t make me fool Ryan. Anong tingin
mo sa akin, stupid? Alam kong mayroon kayong relasyon. Hindi ka ba nadala?
Nangyari na yan sa kapatid mo? Ano bang meron sa lalaking ito at nagkakaganyan
kayo. Nakakahiya kayo. Nakakahiya. You are a disgrace to our family. Buti na
lang at natauhan itong kapatid mo. Ikaw nga, matauhan ka. Matalino ka, wag kang
magpakabobo. Ang mundo ay ginawa para sa lalaki at babae, umayos ka.
Magpakalalaki. Hindi ikaw ang anak na nakilala ko.” Galit nitong sabi.
“I love him at iyon ang dahilan kung
bakit hindi ko siya iniiwan. Oo pareho kaming lalaki, pero pa, tandaan ninyo,
hindi sa pagkatao nasusukat ang pagmamahal. Puso ang sumusukat ng pagmamahal
hindi ang mga mata, paningin o anumang parte ng katawan. Hindi ko maaring
sisihin ang puso ko para sa pagkakaganito ko. Dahil dumadaloy lang sa aking
puso ang dugo ko. Hindi ko rin maaring sisihin ang hypothalamus ko sa
pagsesecrete ng hormones sa kung ano ang nararmdaman ko. Wala akong isishing
parte ng katawan ko. Mahal ko siya at wala na kayong magagwa. Intindihin at
tanggapin ninyo kami, yun na lang ang magagwa niya. Sa ayaw at sa hindi di
ninyo kami mapipigilan.” Giit ni Ryan sa kanyang papa.
Nagulat ako sa sinabi niya.
Pinaglalaban niya ako. Talaga bang nangyayari ito? Tuluyan ng tumulo ang aing
luha.
“Walang hiya ka. Magising ka nga. Matauhan
ka. Kinikilabutan ako sa sinasabi mo. Ano ka ba?” giit nito.
“Pa, ikaw ang umintindi. Mahal ko siya
at nagmahal din kayo. Alam mo yan.” Sabi nito.
“Mamili ka ngayon, ako at ang yaman mo
o siya at ang pagdurusa mo? Tandaan mo, pag pinili mo siya, itinatakwil kita
bilang anak. Tandaan mo yan. Mag hihirap ka at gagawin ko ang lahat para mag
hirap kayo.”
Galit na sabi nito. Tahimik kaming
lahat at matamang nag isip si Ryan. Nakita ko ang mabigat na kalooban ni Ryan.
Kaya ako na ang nagsalita at bumasag sa katahimikan ng lahat.
“Di mo na kailangan mamili Ryan. Alam
kong mahirap iwan ang pamilya mo. Mr. Reyes, I would like to say na kahit
ganito ako, minahal ko po ang mga naak ninyo. Mahal na mahal ko po si Ryan.
Alam ko po na siya ang inaasahan ninyo. Mabait at napakaswerte ninyo sa kanya.
Ako na po ang lalayo.”
"Hay nako ang dali ko rin pala
kayong mapaghihiwalay..."
Di ko mapigilan ang mapaluha at
humagulgol sa pag sasalita. Umakto akong palabas ng hindi nililingon si Ryan.
Mas mahihirapan akong tanggapin ang lahat kung makikita ko pa muli ang kanyang
mukha. Mahal na mahal ko siya at nadudurog na ang puso ko sa mga nangyayari.
Ngunit, bago ako makalabas ng pintuan
ay hinawakan na ni Ryan ang braso ko at niyakap ako. Alam kong lumuluha siya sa
mga oras na iyon. Ito na ang huling pagkikita namin kung sakali. Ito na ang
huling pag ibig na aking daranasin. Ayoko ng masaktan muli.
“Mahal na mahal kita.... mahal na
mahal kita Nicko...” sabi nito. Biglang nagsalita ang papa niya.
“So easy. Haixt. Umalis ka na dito
Nicko. At wag ka ng magpapakita kay Ryan. Ayoko ng malalaman ko na may
mamumuong communication sa inyo.” Sabi nito.
“Pa, are you crazy? Bakit ka ba
ganyan? Di pa ba sapat na pinaghiwalay ninyo kami? Alam mo yan pa, pinaghiwalay
ninyo kami. Lahat ginawa ko para mapansin ninyo, pero wala kahit ano wala. Lagi
na lang si kuya, kuya kuya, eh ako, ano? Si kuya lang ang nanjan para sa akin.
Nakatikim ako ng pagmamahal galing kay Nicko pero ipinagkait ninyo. Ngayon
gagawin ninyo pa kay kuya yan? Ano pa ba gusto ninyo? Ang itali kami sa mga
kamay ninyo?” sabi ni Anthony.
Nagalit na ng sobra ang papa nila.
“Huwag kang sasabat sa usapan namin.
Wala kang utang na loob. Lahat ginawa ko para lang sa inyong dalawa pero eto
ang isusumbat mo sa akin? Walang hiya ka. Baka naman gusto mo ikaw din itakwil
ko? Di ka pa ba nagsasawa sa mga ari-arian na ibinigay ko sayo?”
“Pa, hindi pera ang kailngan ko sa
inyo, pagmamahal..” sabi nito.
Natigil sa pagsasalita ang papa nito.
Habang nakikinig kami sa pagtatalo nila, nakayakap sa akin si Ryan.
“Ikaw, ano pang ginagawa mo dito?
Umalis ka na dito at wag kang babalik pa.”
Sa akin ibinaling ang sama ng loob ng
papa nila. Tumingin lang ako kay Ryan at gustong gutso ko siyang halikan.
Hinawakan ko ang kanyang pisngi at sinapo ang kanyang mukha. Naluluha ako
habang ginagawa ko ito.mahal na amhal ko siya at hindi ko mapigilan ang
masaktan.
Nahihirapan akong tanggapin. Ngunit sa huli,
si Ryan na mismo ang humalik sa akin. Hinalikan niya ako sa harapan ng kanilang
papa. Isang halik na alam kong pamamaalam. Alam ko ang magigig reaction ng papa
niya sa ginawa niya. Lalo itong magaglit.
“Nakakasuka, umalis ka na dito. At wag
ka ng mag babalik pa...!!!” sabi nito sa akin.
Palabas na ako ng pinto ng opisina ng
marinig kong magsalita si Ryan.
“Kung aalis siya, kasama ako. Kung
itataboy mo siya, kasama ako. Mahal ko siya at hindi ko hahayaan na umalis siya
dito ng hindi niya ako kasama.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
Labis kong ikinagulat ang ginawa at
sinabi ni Ryan. Di ko akalaing magagawa niya ito. Ipinagpalit niya ang buhay
niya para lang sa akin. Kung susumahin natin, yamam laban sa tingga ang
posisyon namin. Yaman ang sa pamilya niya at tingga naman ako.
Naiintindihan ko naman kung bakit
hindi niya ako pipiliin eh pero mas pinili pa niya ako, na labis ko namang
ikinagalak.
“Pa... if you don’t mind, we will go...” sabi
ni Ryan.
“You are out of your mind! Wala ka na ba
talagang natitirang kahihiyan at katalinuhan jan sa katawan mo?” sabi ng
kanyang papa.
“Pa... you don’t understand.... mahal ko si
Nicko at it’s final. Buong buhay ko kayo ang sinunod ko. Lagi na lang akong
buntot sa inyo. Para na akong isang puppet na pinapagalaw ninyo. Lahat naman
ginawa ko. It’s time naman para gawin ko ang tinitibok ng aking puso.... Kung
ano at saan ako sasaya...” ang pahayag ni Ryan.
“Pa, let them. Hayaan mo namang
lumigaya si Kuya. Please lang...” sabi ni Anthony.
"Wag kang makialam dito.
Kinukunsinti mo pa ang kapatid mo." sabi ng papa nila.
"pa naman kasi. Mabuksan naman
kayo ng isip."
"Wag kang makialam."
"Pero pa..." hindi na
natuloy ni Ryan ang sasabihin niya.
Nabigla kami sa sunod na ginawa ng
papa niya, sinuntok niya si Ryan na siyang dahilan para ikatumba nito at
ikabagsak sa mukha. Agad kong inalalayan si Ryan pataas.
“Ryan, ayos ka lang ba? Sigurado ka ba
sa sinasabi mo? Handa akong magsakripisyo para sayo.” Sabi ko.
“Mahal kita... mahal na mahal... ito
ang gusto ko at handa akong harapin kung anuman ang magiging kapalit nito.
Mahal na mahal kita. At walang makapagpapabago nito. Maging hadlang man ang
langit at lupa, ikaw pa rin ang ititbok nito...” sabi niya.
Sobra akong natutuwa sa lahat ng
sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.
Biglang sumigaw ang kanyang papa,
“Ikaw lalaki, tandaan mo ito. Sa oras na
lumabas ka ng opisina nito na bitbit yang prinsipyo mo, itatakwil kita,
itatakwil kita hayop ka. Wala kang utang na loob. Lahat ginawa namin sayo.
Hindi ka mapakiusapan.!!!”
Nanggagalaiti na sabi nito.
“Pa, sana maunawaan ninyo ako. Alam ko
pagdating ng panahon maiintindihan mo din ako... mahal ko po si Nicko at wala
ng makakapag pabago nito.” Sabi ni Ryan.
“Kuya, umalis na kayo dito..” sabi ni
Anthony.
“Ayaw na ayaw ko ng makita ang
pagmumukha ninyo. Lumayas kayo. Umalis kayo dito!”
Magkahawak kamay kaming lumabas. Hindi
ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ngayon sa nangyari. Natutuwa ako sa
ginawa niya kasi ipinaglaban niya ako pero nalulungjkot nito eh dahil kapalit
nito eh yung pamilya niya.
Tahimik lang si Ryan habang pababa
kami ng kumpanya nila. Pero ramdam ko ang pagmamahal niya sa higpit ng kapit ng
kamay niya sa aking kamay. Didiretso kami sa bahay nila para kunin ang gamit ni
Ryan.
Mahaba habang lakabayin din ang
mangyayari sa aming kinabukasan. Makalipas ang 20 minuto, nakarating na kami sa
abhay nila. Nagmadali kaming pumasok at umakyat sa kwarto niya. Nakasalubong
agad namin yung mama niya.
“Anak anong nangyayari? Hindi ko
maintindihan ang sinasabi ng papa mo? Magpaliwanag ka...” sabi ng mama niya.
“Ma, it’s a long story. Pero to make
the story short, aalis na ako dito sa bahay na to. Mahal ko si Nicko at hindi
ko siya hahayaang mawala sa akin. Ma, si Nicko nga pala, boyfriend ko...” sabi
nito.
Mabait ang mama niya. Siya ang unang
tumanggap sa akin nung nalaman niya ang relasyon namin ni Anthony dati. Sa una
tutol siya pero nung makita niya ang dedikasyon ni Anthony noon, buong puso
niya akong natanggap.
“Anak naman.. di naman dapat umabot
dito yun di ba? Alam ko naman na mahal mo siya eh. Pero di na dapat umabot pa
sa puntong aalis ka dito sa pamamahay natin. Ang hirap anak. Please anak wag
mong gawin ito.” Pagmamakaawa ng mama niya.
Nagmadali sa pag aayos ng gamit si
Ryan.
“Ma, wag ako ang sabihan mo nan, si
Papa... siya na mismo ang nagsabi sa akin na lumayas ako sa pamamahay natin. At
isa pa ma, hindi ako matatanggap ni papa sa pagkatao ko. Ayoko na. Lagi na lang
siya ang sinusunod ko. Lagi na lang siya....” giit nito.
“Anak, nagmamakaawa ako sayo....
pakiusapan mo ang papa mo...” sabi nito.
“Ma, I’m sorry, pero buo na ang
desisyon ko. Ingatan po ninyo ang sarili ninyo at wag na wag po ninyo
pababayaan ang sarili ninyo...” pamamaalam nito.
“Anak.... ag ingat ka lagi.... lagi
akong nandito para sayo. Bukas loob kitang tatanggapin ulit...” lumuluhang
sinasabi ito ng kanyang mama.
Dinala na niya lahat ng gamit niya.
Laptop, gadgets, damit, kotse at amrami pang iba. Pati ang paborito niyang aso,
dinala niya. Nagmadali rin kaming umalis at pumunta sa atm machine para mag
withraw ng pera. Lahat ng laman ng atm niya winithraw na niya. Alam niya kasi
na ipapacancel nito ang account niya.
Pumunta naman kami sa bangko para
kunin ang pera niya na nakatago dito. Ngunit bigo kami dahil napa-freeze agad
ng kanyang papa ang account niya kaya hindi niya maigalaw ang kanyang pera.
Naginit ang ulo nito kaya minabuti na lang namin ang umalis.
Nang makarating kami ng bahay,
sinalubong agad kami nila mama. Tinanong nila ang nangyari at agad naman naming
sinabi. Nakita ko ang pagkagulat nila sa nangyari. Pero natuwa sila ng malamang
ako ang pinili niya. Ngunit, katumbas nito ay ang kalungkutan sa pagkatao ni
Ryan. Kahit naman di siya magsalita ay ramdam ko ang pagkalungkot.
Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang
matinding nararamdaman niya. Ipinapanalangin ko na nga lang na sana lang ay
maging maayos ang lahat. Marami na ang bumabagabag sa amin. Di ko alam kung
kakayanin ko pa ba. Nahihirapan na rin naman ako na magpanggap na okay ako
kahit hindi. Sadya lang siguro na mas mahalaga na ipakita mo ang ibang side mo
alang-alang sa ibang tao.
Magkatabi kami natutulog ni Ryan sa
aking kwarto. Sa kabila ng pinagdaraanan niya, nanantili siyang sweet sa akin.
Malambing, maasikaso, maalalahanin at marami pang iba. Ganyang tao si Ryan,
lahat gagawin para lang di mainda ang mga nangyari. Pero kahit na napapasaya
niya ako, bakas sa aking kalooban ang tindi ng dinadala ko. Hindi ako mapakali
hangga’t hindi nahuhuli ang nagpadukot sa akin.
Naaalala ko pa ang mga pambababoy na
ginawa nila sa akin. Masakit mang isipin pero tinatatagan ko na lang ang aking
loob para lang sa kanya. Kung kinakaya niya ang lahat, bakit ako hindi, para sa
kanya kaya kong gawin ang lahat. Ipinagkaloob ko na sa kanya ang buong puso ko.
Kanyang kanya na it at siya na lang ang ititibok nito.
“Mukhang malalim ang iniisip ng mahal
ko ah.” Tanong niya sa akin.
“Uhm.. hindi naman.. kaw talaga....”
sagot ko.
“Iniisip mo pa rin ba yung nangyari sa
yo noong nadukot ka?” tanong niya.
Di ako nakasagot agad. Di ko alam kung
ano ang isasagot ko, oo, ewan o hindi?
“Ayos lang yan.. halika nga....
yayakapin kita para naman mapanatag ang loob mo...” sobrang sweet talaga niya.
Ginagawa niya ito sa tuwing
nararamdaman niya na hindi ako mapalagay. Buhay buhay nga naman. Bakit ba kasi
kailngan ko pa ang magkaganito.
“Alam mo, napakaswerte ko sayo....”
sabi ko sa kanya.
“At bakit naman?” tanong niya sabay
halik sa aking pisngi.
“Kasi, daig ko pa ang nanalo sa lotto
ng maging tayo. Dahil nanjan ka lagi. Ang yaman yaman ko sa pagmamahal mo.
Lahat ginawa mo para sa akin. Isinakripisyo mo ang lahat lahat, at natutuwa ako
na sa kabila ng lahat ng nangyari at pinag gagawa sa akin ng mga walang pusong
iyon, nanjan ka pa rin. I love you so much....”
Pumatak sa akin ang luha niya. Ramdama
ko iyon dahil nakayakap ako sa kanya.
“Wala na akong mahihiling pa, makasama
lang kita. Alam mo ba na kaya kong gawin ang lahat. Kaya kong isakripisyo ang
sarili kong buhay para lang sayo. Ganyan kita kamahal. Kaya wag mong iisipin na
kung minsan man na nag aaway tayo na hindi kita mahal. Lahat ng bagay titiisin
ko para sayo. Mahal na mahal kita Nicko. Pangako ko sayo na kahit anuman ang
mangyari, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko.” Pinahid ko ang luha sa kanyang
mga mata at ikinandado ko siya sa isang napakatamis na halik.
“ Mahal na mahal din kita Ryan. Mahal
na mahal.” Hinawakan ko ang kamay niya. Kahit kailan talaga, hindi ako
nagsawang hawakan ang kanyang mga kamay. Ito na lang kasi ang mapang hahawakan
ko. Kasama na siya sa mga pangarap ko.
"Alam mo ang swerte mo..."
sabi niya
"Bakit naman?" tanong ko.
"Kasi asawa mo ako eh. tiba-tiba
ka na. Masarap magmahal, mabait, gwapo, macho at isa pa maalaga. San ka
pa."
"Ay naku, ang mahal ko nagyabang.
Aysus."
"Ako pa, pero mas swerte
ako.."
"At bakit naman? Kasi sayo na
ako?'
"Uhm. Oo, kasi asawa kita, at isa
pa pinagpala ako ng sobra. Burger lang ang hiniling ko kay God, sinamahan pa
niya ng fries at drinks.."
"Aysus. Bumabanat. Mukhang alam
ko na kung bakit."
"Oh bakit?"
"aysus. I'm sure may lindol na
naman mamaya."
"Oh? Ang galing. Paano mo nalaman
?"
"Nagsisimula na kasing mag
galawan mga plates..."
"Aysus....."
"Halika nga dito at mayakap
ulit..."
"Uhm... Sige mahal ko..."
"Sana araw- araw na tayong ganito..."
"Oo naman. Masasanay ka na sa
akin..."
"Wag mo akong masyadong
sanayin....."
"Bakit naman?"
"Baka kasi hanap-hanapin ko
na..."
"Hay naku. Mahal ko wala akong
planong itigil ito kasi hindi ko hahayaan na hanapin mo ito kasi hindi ako
titigil na mahalin ka..."
"Salamat..."
"Walang anuman. Love you!"
"Love you too..."
"Love you more...."
"Love you most..."
"Love you forever..."
"Love you forever- ever and
ever..."
"Love you with all my
heart..."
"Love you with all my
body..."
"Basta mahal kita. Period."
"Aysus."
"Wag ka na kasing
komontra.."
"yes bosss."
Nagtagal kami sa ganung posisyon.
Sinulit namin ang gabing iyon para maging isang memorable night. Siya an ang
gusto kong makasama sa aking buhay. Siya at siya na. Wala ng iba pa. Iginaya
niya ang aking mukha papunta sa kanyang mukha at isang halik ang kumawala sa
kanyang mga labi. Isa, dalawa, tatlo hanggang magtagal ang aming mga labi sa
isa’t-isa.
Ramdam ko ang intense ng kanyang mga
halik at yakap. Nagisa ang aming puso sa gabing iyon at tulad ng dati, hindi
lang puso ang nag-isa sa amin. Pati ang aming mga katawan. Nararamdaman ko ang
tibok ng puso niya sa bawat galaw na kanyang ginagawa.
Kaysarap talagang mag mahal. Alam mo
yung feeling na lumulutang ka sa ere at para bang nagsusumiksik ang puso mo sa
tuwa. Lahat yan ang naranasan ko. Lahat ng iyan.
Sa gabing iyon, mulit-muli, dinamdam
namin ang aming mga katawan. Nanabik ang mga kilos niya papunta sa akin. Ramdam
ko ang hustong pagmamahal niya sa akin. Matagal ko ng gustong ipakita at
patunayan sa kanay kung gaano ko siya kamahal. At sa muling pagkakataon, ang
aming pawis at laman ay nag isa, sa ngalan ng pagmamahal.
Nauna akong nagising sa kanya.
Nakayakap siya sa akin habang ako naman ay nakaharap sa kanya. Pareho kaming
walang saplot dahil sa nangyari kagabi. Di ko mapigilan ang titigan ang maamo
niyang mukha.
Sobrang swerte ko talaga sa kanya. Lahat ata
nasa kanya na eh. Sobrang gwapo niya lalo na pag tulog. Ang hugis ng kanyang
ilong, makinis na mukha at napaka among mukha. Bumangon ako at nagbihis. Gusto
kong ipaghanda siya ng almusal.
Alam kong magiging masarap ang ihahanda
ko dahil puno ito ng pagmamahal. Kinareer ko talaga ang pagluluto. Sinarapan at
talagang inspired ako habang ginagawa ito. Makalipas ang 30 minutes, ready na
ang lahat. Isa isa ko na itong inilagay sa lamesa.
Todo ayos ako sa paglalagay sa lamesa.
Matapos ang ialng minuto, natapos ko na ang pag aayos. Bumalik ako sa kusina
para ayusin lahat ng pinag gamitan ko. Hinugasan ko ito at mabilis ko naman
itong natapos. Maya maya, nag ring ang phone ko at unknown number ito. Agad ko
naman itong sinagot.
“Hello”
“Napakatigas talaga ng ulo mo. Pasaway
ka at di katalaga nagtatanda. Sabi ko sayo, hiwalayan mo na yang si Ryan. Ano
pa ba ng gusto mong gawin ko para lang matakot ha? Hindi kayo pwedeng magsama
niyan. Tandaan mo, mapapahamak lang siya sayo. Ano ba ang gutso mong gawin ko
para lang paghiwalayin ko kayo? Patayin siya? Saktan? Sagasaan? Sige, sa oras
na hindi mo pa hiniwalayan si Ryan makikita mo ang gagawin ko...” sabi sa
kabilang linya.
Kilala ko ang boses nito, ito yung
bumaboy at lumapastangan sa aking pagkatao.
“Di mo ba kami tatantanan? Wala kaming
ginagawang masama. Utang na loob, tantanan na ninyo kami. Nagmamakaawa na
ako...” sabi ko.
“Pasensiya ka, pero sundin mo na lang
ang inuutos ko. O mas gusto mo na magkita ulit tayo at gawin ko ang paulit-ulit
kong ginawa sayo?”
“Hayop ka!!!” sigaw ko.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
“Napakatigas talaga ng ulo mo. Pasaway
ka at di katalaga nagtatanda. Sabi ko sayo, hiwalayan mo na yang si Ryan. Ano
pa ba ng gusto mong gawin ko para lang matakot ha? Hindi kayo pwedeng magsama
niyan. Tandaan mo, mapapahamak lang siya sayo. Ano ba ang gutso mong gawin ko
para lang paghiwalayin ko kayo? Patayin siya? Saktan? Sagasaan? Sige, sa oras
na hindi mo pa hiniwalayan si Ryan makikita mo ang gagawin ko...” sabi sa
kabilang linya.
Kilala ko ang boses nito, ito yung
bumaboy at lumapastangan sa aking pagkatao.
“Di mo ba kami tatantanan? Wala kaming
ginagawang masama. Utang na loob, tantanan na ninyo kami. Nagmamakaawa na
ako...” sabi ko.
“Pasensiya ka, pero sundin mo na lang
ang inuutos ko. O mas gusto mo na magkita ulit tayo at gawin ko ang paulit-ulit
kong ginawa sayo?”
“Hayop ka!!!” sigaw ko.
Di ko mapigilang mapaluha pag naalala
ko iyon. Di ko na napigilan ang sarili ko na hiyawan ang nasa kabilang linya.
“Subukan mo lang na lapitan kami.
Sisiguraduhin kong mapapatay kita. Walang hiya ka!!!” at ibinaba ko ang aking
phone.
Sinira ng tawag na iyon ang aking
umaga. Bakit ba ayaw akong tantanan ng problema? Bakit ba nakakabit sila sa
aking balikat? Daig ko pa ang may buhat buhat na mundo. Ano bang tingin nila sa
akin? Superhero na kayang kayain ang lahat ng ibato sa akin? Tao lang din naman
ako, isang normal na tao. Bakit ba hindi matapos tapos itong unos na dumarating
sa akin.
“Nicko?” tawag sa akin ni Ryan na
nagmumula sa taas.
“Nandito ako sa dining area..” sabi
ko.
Hinintay ko siyang makarating sa kinaroroonan
ko. Inayos ko ang sarili ko. Pinahid ko ang luha na namutawi sa aking mga mata.
Ayaw kong sirain ang umaga ni Ryan ng dahil sa akin.
“Wow..... nice... pinagluto ako ng
pinakamamahal kong asawa... ayan.. nagutom tuloy ako.. nakakapaglaway eh.....”
sabi niya.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
Isang halik ang ginawad niya sa aking psingi.
“Ang swerte ko sa asawa ko...
pinagluto ako ng pagkain. Mwah mwah mwah... naku, masarap kaya to?” pagbibiro
niya sa akin.
“Ah ganon, porket masarap kang magluto
nilalait mo na ang ginawa ko. Pwes... magutom ka jan wag kang kakain ha...”
sabi ko.
"Joke lang. ikaw talaga
naku..."
:Aysus.... Judge it...."
“Aysus... nilalambing ka lang...
hahah..” bigla siyang napatigil at tumitig siya sa aking mukha.
“Bakit ka umiyak?” tanong niya.
Nagulat ako sa tinanong niya. Bakas pa rin siguro sa aking mga mata ang luha.
Di ko alam kung ano ang isasagot ko. good thing nahagip ng mata ko ang isang
sangkap sa niluto ko.
“Ah... adik, kasi kanina sa sibuyas
habang nag gagayat ako. Napaluha ako. Alam mo naman si Mr. Sibuyas, kapag
sinasaktan mo siya, pinapaluha ka niya.”
“Ah.. okay.... akala ko kung ano na eh.. tara
na Mrs. Reyes... gutom na ang asawa mo.” Sabi niya.
“Mrs. Ka jan... batok gusto?” biro ko.
“Joke lang naman.. di mabiro.. tara na
mahal kong asawa... kain na tayo... mwah... “ at umupo na kami.
Buti na lang at di na nagtanong pang muli si
Ryan. Di na niya inusisat pa ang napansin niya. Pinag walang bahala ko muna
yung tawag na natanggap ko para haraping masaya si Ryan. Kwentuhan habang
kumakain.
"Aray..." bigla niyang sabi.
"Oh bakit?"
"Dinukot mo kasi ang puso
ko."
"Ang corny.... pero sweet.."
"I know..."
"love you..."
"I love you more..."
"mas love kita...."
"Walang makakapantay sa love
ko..."
"Weh talaga lang ha.."
"Oo naman....."
"Sarap mo pala mag luto..."
sabi niya.
"Parang minamaliit mo ako
ha..."
"Hindi naman..."
"Aysus.... talaga lang
ha..."
"Pwede ka na mag tayo ng
resto..."
"Wag kang mambola jan..."
Nasarapan naman siya sa ginawa ko. Ang ingay
talaga niya kapag nakain kami. Ang daldal kahit kailan. Di mauubusan ng joke at
mga sweet banat.
"Mahal na araw ba ngayon?"
tanong niya.
"Bakit? Mag pipinetensiya ka
ba?"
"Hindi..."
"Oh bakit mo tinatanong kung
mahal na araw ngayon..."
"Kasi kahit hindi mahal na
araw.... ang alam ko... minamahal kita araw- araw...."
"Aysus... alam mo may sabigla
ka."
"Bakit?"
"Bakit-bakit ka jan. Kung makapag
banat ka kasi wagas eh..."
"Aysus akala ko banat."
"Hahahaha.... aysus. Dami mo kasi
alam eh. Hindi mo alam na para kang kabute.."
"Aysus. Ang gwapo ko namang
kabute..."
"Oo nga... kaya nga basta-basta
ka na lang sumulpot sa puso ko eh."
"Aba nalaban na ng
banat....."
"Minsan lang yan..."
At yun tinuloy na namin pag kain
namin.
Matapos nito, ang nag ayos kaming
dalawa para pumunta sa shop. Pinag iisipan niya kung ano ang gagawin niya. Mag
aapply ata siya sa mga kumpanya na kumukuha sa kanya dati. Baka bukas pa siya
mag umpisang maghanap.
Sa shop muna kami tumuloy. Marami
kaming dapat ayusin para sa naging conflict namin kay. Mr. Okinawa. Malakihang
adjustment ang mangyayari. Nang makarating kami sa shop eh nagtatrabaho na
sila. Si Annie ay nasa office at maraming paper works na hinaharap.
Tambak na rin naman yung sa akin.
“Best.... kailngan nating mag adjust
dahil sa nawala na yung supplier natin na sila Mr. Okinawa. Kailngan nating
makahanap ng supplier na kasingtulad nila Mr. Okinawa.” Sabi ni Annie.
“Oo nga eh... uhm.. I try na magtanong sa mga
kakilala ko.” Sagot ko sa kanya.
Bigla namang pumasok yung secretary
namin ni Annie.
“Maam... Sir...may naghahanap po sa
inyo sa labas....”
“Ah okay... sige.., sabihin mo sandali
lang.. we will be right there for a minute...” sagot ko.
Inayos ko muna yung gamit ko dun sa
table ko. Tapos lumabas kaming tatlo. Dumeretso kami sa may waiting area ng
shop namin.
“Pinasan!!!” bati sa akin ni Rona.
“Oh.... insan... musta na?” sagot ko.
Si Rona at si Anthony pala yung nag
hahanap sa akin.
“Kayo talaga.. akala ko kung sino...”
sabi ni Ryan.
“Hahaha... kasi eto si Rona eh sabi
daw daan kami dito..... kakatapos lang kasi namin mag pa check up....”
“Ah.. ganun ba..... ang lakas ah...
nakakdalawa na agad kayo... hahahah” sabat ni Annie.
“Hahahah.... sisihin mo si
Anthony....” sagot nito.
"Naku Anthony yung pinsan ko wag
masyado punlaan. Wag masyado mag sipag..."
"Aysus. Kayo bang dalawa ni kuya?
Ang tagal atang mag punla?" biro ni Anthony.
"Che."
"yaan mo utol. dinadalasan na
namin."
"Hoy tigil na. adik ninyong mag
kapatid." sabi ko.
“Uhm.. kuya nga pala.... ok ka lang ba?”
tanong ni Anthony kay Ryan.
“As far eh okay naman. Ewan ko lang
kung ano pang mga steps ni papa na gagawin niya. Eh kayo ba? Si mama?” tanong
nito.
“Ayos lang naman. Medyo nagungulila si
mama sayo. Pinakakamusta ka niya sa amin. Sabi niya kung kailngan mo daw ng
pera lumapit ka lang sa kanya...” sagot nito.
“pasabi na lang kay mama na okay lang ako. Mag
ingat siya at ingatan ang kalusugan niya.”
“Kaw ba insan? Kamusta ka na?” tanong
ni Rona sa akin. “Ayos lang ako... kaso eto namromroblema sa business. Bigla
kasing nagbackout ung isa naming supplier na si Mr. Okinawa sa fabrication.”
Sagot ko.
“Uhm.. teka.. wait lang.. yung
kaibigan ko, sa fabrication din sila.... bigay ko sayo yung contact number.
Kasi recently eh naghahanap sila ng masusupplyan.” Sagot ni Rona. “Salamat
ha...... hulog ka ng langit....” sabi ni Annie.
“Wala iyon... pambawi lang yan sa mga nagawa
ko....” sagot niya.
“Wala na iyon... tapos na at
napakatagal na... basta thank you ha....”
Kwentuhan lang kami ng ganun. Nanlibre
pa nga sila ng foods eh. Sa side namin ni Rona okay naman kami. We are getting
to trust each other again at masaya ako doon.
Ilang linggo din ang lumipas. Nakabawi
naman kami sa bagong supplier namin. Si Ryan naman, di siya matanggap kasi
lahat ng company na pinupuntahan niya, lahat ng iyon nakausap na ng papa niya.
Pinapakita na talaga nito na papahirapan niya si Ryan. Kaya nagdesisiyon siya
na itigil na ang pagahahanap at tumulong na lang sa akin sa shop.
Nakikita ko ang paghihirap niya at
pagod. Sobra siyang hardworking. Malaki ang naitulong niya sa amin. Marami
akong natutunan sa kaniya. Sobrang daming bagong knowledge ang nagain ko sa
kanya. Mya mga technoque siyang tinuro.
Pag uwi sa bahay halata ko ang pagod
sa kanya. Kaya ako tinatatagan ko ang sarili ko para di ipakita ang pagod. Ako
ang nagluluto sa amin. Minsan siya pag medyo may lakas pa siya.
“Mahal.... tara kain na tayo...” sabi
ko.
“Kiss ko muna nga... pam pa energized” sabi
niya.
“Mwah mwah mwah... ayan... ok na ba...???”
tanong ko.
“Halika nga....” hinila niya ako bigla
at bumagsak sa kanyang kandungan. Niyakap niya ako ng mahigpit.
Nagulat na lang ako sa ginawa niya.
Niyakap ko na rin siya.
“Mahal... wag kang mag alala sa akin.
Lahat ng ginagawa ko para sayo... kaya kung nakikita mo akong napapagod, wag
mong intindihin yun. Lahat ng dugo at pawis ko para lang sayo.” Sabi niya.
Nakakatouch naman yung sinabi niya.
Nakakainlove lalo. Swerte ko talaga kay ryan.
Seryoso ang boses niya habang sinasabi niya
ito.
“Alam ko naman eh. Pero di mo matatanggal sa
akin ang pag alala sa kalusugan mo. Mahal kita kaya ako concern ng ganito. Alam
kong kaya mong gawain ang lahat para lang sa akin. Ganun din ako sayo. Kahit
ano kaya kong gawin. Mahal na mahal kita.” Sabi ko.
“Basta mahal na mahal kita....” sabi
niya.
“Mahal na mahal din naman kita eh.”
Sagot ko. Hinalikan niya ako sa labi. Ngumiti siya at nagyaya na.
“Tara na.. gutom na ako.”
"Okay po love ko..."
"Alam mo napapansin ko para kang
ampalaya?"
"Hala ka. kumukukubot na balat
ko?"
"Hindi.. Kasi naman you are good
to my heart eh..."
"Aysus. Kumain ka na
jan...."
Kinindatan lang niya ako. Wow ha.
Kahit pagod eh nakakapag banat pa rin. Kahit minsan pagod yan, mararamdaman ko
na lang na kukulbit yan kapag matutulog kami. Grabe mag himutok yan kapag hindi
napagbibigyan. Hindi naman kami nag aaway. Iniiwasan namin yun. kung
nagkakasungitan man kaming dalawa, inaayos din namin yun.
A life with him is very lucky. Wala na
akong mahihiling pa.
Ilang buwan ang lumipas na ganun pa
rin ang set up namin. Natutuwa ako dahil napaka hardworking niya. Papalapit na
ang birthday ni Ryan. Kailngan pag handaan ko yan. Kahit pagod siya masayahin
pa rin siya. Di siya nakakalimot na mag lambing sa akin. Kaya it's turn to make
him happy.
“Oy ikaw nga... bawas bawasan mo nga
yang paglalambing mo... mamaya hanap-hanapin ko to eh...” sabi ko.
“Aysus... wag kang mag alala.... kung hanapin
mo man,.... mas hihigitan ko pa..... dahil... wala akong balak itigil ito...”
ayan ang mga katagang sinabi niya. Napakaswerte ko talaga sa kanya.
"Wag kang mag sasawa sa akin
ha."
"Oo naman."
"Kaya mahal kita eh..."
"Ako din..."
"Ramdam ko naman eh..."
"Ako din naman eh..."
"Basta I love you...."
"I love you too..."
Ilang araw ang lumipas at nalalapit na
ang birthday niya. Gumawa ako ng surprise party. Kinuntsaba ko sila mama at
papa. Pati yung mama niya at si Anthony. Gusto kong suklian ang ginawa niyang
paghihirap sa akin. Ilang araw ko itong pinag handaan at sana maging maayos ang
kalalabasan.
“Happy birthday mahal ko...” bati ko
sa kanya
“Naks naman... salamat mahal ko...”
sabay halik sa akin.
“saan mo ba gusto kumain?” tanong ko.
“Dun sa lagi nating kinakainan... hahah dun na
lang... treat mo ha...” sabi niya.
“Oh sure.... hahahaha... so tara na?”
sabi ko.
“Okay... hahahah.....”. at umalis kami.
On the way na kami sa pupuntahan namin
at sinimulan ko na yung surprise ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan
sila mama. Kunware isang business thing.
“Oh... hello. Yes Mr. Detino. What can
I do for you?” nakatingin naman si Ryan sa akin habang nagmamaneho.
“Ah... you need it now? Sige po...
kunin ko lang po sa bahay tapos ibibigay ko sa inyo... idadaan ko na lang po sa
inyo... sige po... bye.... were going na po...” sabi ko. Ito na yung hudyat sa
kanila na mag handa na sila kasi papunta na kami.
“Mahal... punta muna tayo sa bahay...
may kukunin lang ako... tas daan tayo kila Mr. Detion.... ha.. sorry ha.....
pero after nito eh diretso na tayo...” sabi ko.
“Di ba pwedeng ipagpaliban muna yan? Bukas na
lang... gutom na ako eh...” reklamo niya.
“Please...” sabi ko.
“oh okay na... sige na... alam mo
naman na hindi ako makaktanggi sayo eh....” sabi niya.
“Thank you..” at pinaliguan ko siya ng
kiss
"Okay lang ba talaga..."
"Oo nga..."
"Bat ka nakasimangot?"
"Kasi naman eh..."
"Sorry na... Saglit lang to
Promise..."
"Kiss ko ulit.."
"Sige po... mwah mwah
mwah.."
After 20 minutes, nakabalik na kami sa
bahay. Nagtaka nga siya kung bakit sarado ang ilaw ng bahay. May kasambahay
naman kami doon.
“Ay... naku.. nag leave nga pala si
manang. Nakalimutan ko. Di ko naalala. Teka.. jan ka lang.... ako na ang
aakyat.... hintayin mo na alng ako dito....”
“sama na ako...” sabi niya.
“Dito ka na.. mabilis lang naman
ako...”
“sige na nga... bilisan mo ha...”
At nagsimula na ang pakulo namin.
Hahahha. Sinabi ko sa kanila na mag hsnda na sila. Isang sigaw ang babagabag sa
kanya at mag dudulot nito na pumasok siya sa bahay. Kaya 1, 2, 3 and 4...
sigaw...
"aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh” at
narinig ko ang pagmamadali niya sa pagpasok ng gate at ng pinto. At pagbukas
niya ng pinto. Biglang buhay ng ilaw at....
“SURPRISE” sigaw naming lahat. Nakita
naman ang pagkagulat ni Ryan. Nakita ko rin ang pagkamangha niya.
“Happy Birthday!”
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
No comments:
Post a Comment