Thursday, December 27, 2012

If I Let You Go (06-10)

by: Dylan Kyle

“Nicko...” pagtawag sa akin ni Anthony sa akin.

“Bakit” tanong ko.

 “Ahm...pwede ba na mag usap tayo?” tanong niya.

“Yup.. nag uusap na tayo ngayon...” sabi ko.

 “I mean in private.” Pag didiin niya.

“Anthony, madami akong gagawin eh. Pati..” naputol ang pagsasalita ko.

 “Please...” pagputol niya sa akin.

“Ok... sige...” di ko mapigilan ang di tumanggi sa kanya.

Nakita ko sa kanyang mga mata na para bang nangungusap ito.

“May klase ka pa ba ngayon?” tanong niya.


“Wala na...:” sabi ko.

“So... pwede na pala tayo mag usap.... if you mind if dun tayo sa bahay namin para mas private?” at sumang-ayon na lang ako.

Tahimik lang kami pareho habang papunta sa bahay nila.ilang mnuto lang ay nakarating na kami sa bahay nila. Tinanong niya ako kung may gusto ba akong kainin o inumin pero tumanggi ako. Dumeretso na kami sa kwarto niya.

Di ko alam kung anong mararmdaman ko pero kakaibang kaba ang bumabagabag sa akin. Seryoso si Anthony, di ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Tahimik lang ang paligid hanggang sa magsalita siya.

“Nicko... tungkol to dun sa nangyari nung last week.” Pagsisimula niya.

 “Okay na yun... kinalimutan ko na... wag kang mag alala.... okay na yun... di magbabago ang lahat... mananatili pa rin yung friendship natin. Wag kang mag alala.” Sabi ko sa kanya.

“Pero... hindi yun ang tinutukoy ko.... Nicko... mahal kita... naiintindihan mo ba... mahal kita..”

 “Naiintindihan mo ba yang sinasabi mo?”

“Oo... naiintindihan ko.. di ko na mapigil pa... mahal kita...alam mo ba yun...mahal kita...sobra.... mahal na mahal... ilang gabi akong binagabag nito... alam mo ba.... sa una di ko matanggap na nagkakaganito ako pero nangibabaw ang pagmamahal ko sayo...mahal kita....Nicko...sana maramdaman mo...” nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya.

“Pero....di pwede... malayong mangyari.... hindi pwedeng maging tayo...” sabi ko.

 “Pero bakit? Alam kong mahal mo rin ako.. alam ko.... sa mga nakaw tingin  mo sa akin... alam ko at nararamdaman ko...” sambit niya sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niya.

“Your out of your mind.... di mo na alam sinasabi mo...” sabi ko.

 “Oo.... nababaliw na ako... pero itong puso ko, alam na ikaw ang mahal ko...” giit niya sa akin.

“Pero...”

“Pero ka ng pero... bakit ba? Ano bang pumipigil sayo?"

 “Kasi....”

 “Kasi ano?” natagalan ako sa pagsagot.

Di ko alam kung anong sasabihin ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang na unti-unti na lang akong bumibigay sa aking damdamin.

“Kasi.. ayaw kitang masaktan... ayaw kong mahirapan tayo... ayokong magkagulo at masira ang buhay mo ng dahil sa akin... dahil.. dahil...dahil.... dahil mahal kita...” at natameme kaming pareho at nanaig ang katahimikan ang buong kwarto. Namalayan ko na lang na niyapos niya ako ng mahigpit. naramdaman ko ang kakaibang panggigigil saakin. Yun tipo ba na matagal na niyang gustong gawin ito.

“Ngayong alam ko na na mahal mo ako, di na kita papakawalan..... hindi ako susuko...” sabi niya.

“Patawad... patawad kung nasasaktan kita... kung ikinukubli ko itong nararamdaman ko...pero eto ang katotohanan... walang patutunguhan t...” pagpapaliwanag ko sa kanya.

“Hindi yan totoo.... mahal na mahal kita... may mararating ito... wag kang mag alala.... magiging maayos din ang lahat....” sabi niya sa akin.

 “Pero..” hindi na ako natuloy sa sasabihin ko ng bigla nalang niya akong halikan.

Hindi ko napigilan ang gumanti ng halik. Malumanay at mapag aruga ang kanyang mga halik sa aking labi. Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Para ba akong lumulutang sa hangin. Di ko aakalain na aabot ang lahat sa ganito.

Yung feeling na first time mo na mahalikan at iyon ang nararamdaman mo. nakakapang init ng kalooban. Di ko maidefine yung feeling eh. hAIXT.

“Pinangarap ko ang mahalikan yang mga malalambot mong labi..... ngayon natupad na..... mahal na mahal kita Nicko... mahal na mahal....” sabi niya sa akin.

“Mahal na mahal din kita... mahal na mahal....” at muli nagtagpo ang aming mga labi.

Kung iniisip ninyo na may nangyari sa amin, naku, wala muna. Hahahah. Humiga kami sa kanyang kama at magkahawak kamay at magkayakap. Ang saya-saya ng puso ko ngayon. Tumatalon na ito sa sobrang tuwa....

“Aalagaan kita baby ko.... aalagaan kita....” sabi niya.

“Itago muna natin ito ha...” sabi ko.

“Oo... promise....” at sabay halik.

“Ang saya saya ko na ngayon... maluwag na ang pakiramdam ko... basta kasama kita... ok na ako.... anjan ka lang....buo na ako.... mahal na mahal kita....” dagdag pa niya.

Ganito pala ang pakiramdam ng may minamahal... masarap sa pakiramdam.. sobrang sarap.

______________________________________________________________________________

At sa isang sandali lang eh nagablik ang lahat sa realidad. Nagising ako na may humahaplos sa aking ulo. Nagising ako na nasa tabi ko si Ryan.

“Uhm... kanina ka pa jan?” sabay bangon.

“Medyo lang naman... heheh...napasarap ata tulog mo... masyado bang nakakpagod ang byahe?” tanong niya.

“Hindi naman sa ganoon, medyo napasarap lang ang tulog ko kasi sarap ng simoy ng hangin tapos ang lambot pa ng kama mo.” Sagot ko.

Di ko alam kung bakit ganito kalambot ang pag uusap namin. Nakakpanibago. Himala ata at hindi kami nagbabangayan. May kakaibang presensiya sa pagkatao niya kung bakit ako nagkakaganito. Ni hindi ko siya mabara o maaway ngayon. Para ba siyang isang anghel na humahaplos sa akin.

“Ang cute mu palang matulog....” sabi niya.

“Ako pa.... kahit anong angle eh cute na..” nasabi ko na lang.

“Ok na sana kaso nagyabang pa eh...” pabiro niya.

“Aysus..... nga pala, bakit ka napadpad dito sa kwarto ko?” tanong ko lang sa kanya.

“Ah, kasi po tanghali na... kakain na po kaya sinusundo kita... eh nakita kong mahimbing tulog mo kaya tinabihan na muna kita...” sagot niya.

“Ah ganun ba? Heheh... sige sige.... uhm... tinabihan mo ako?” sabay sipat sa aking katawan ng pabiro.

“Naku... wag  kang mag alala... di kita gagapangin ng walang kalaban laban... at isa pa... matuwa ka nga... ang swerte mo ah.... baka nga lugi pa ako sa yo pag nagkataon...” pabiro niya.

“Che.... adik nito... sapakin kita jan eh...” sabi ko.

“Halikan kita jan eh...” sagot niya.

Nakakatuwa naman at paunti-unti eh nagkakasundo na kami.

Sa totoo lang eh mabait naman talaga si Ryan. Kapag sa trabaho niya eh sobrang seryoso. Wala akong nababalitaan tungkol sa naging girlfriend niya dati. Pero marami na ring mga ispekulasyon tungkol sa naging girlfriend niya dati. Pero tsismis lang ata yun.

Pagbaba namin eh nagtatawanan lang kami. Sobrang tawa lang kami ng tawa hanggang makarating kami sa lamesa. Binati ko yung mga tao na nasa kusina.

 “Gandang tanghali po....” bati ko.

 “Gandang tangahali din...” bati din nila.

“Ako nga po pala si Nicko...” pagpapakilala ko.

“Ah... ako naman si Betty at siya naman ang asawa kong si Bert... tawagin mo na lang kaming Nay Betty at Tatay Bert...” pakilala nila.

“Sila yung nangangalaga dito sa rest house.” Singit ni Ryan.

“Ah... hehehe... kayo lang po bang dalawa?” tanong ko.

“Oo anak.... bali kasi yung anak namin eh nagtatrabaho sa ibang bansa. Isa siyang doctor dun. Sa tulong ng mga magulang nila Ryan eh nakapagtapos ang aming anak. Sobrang swerte namin sa anak kong iyon...heheheh” pahayag ni Nay Betty.

“Ah.....ang galing naman... heheh..” ang nasabi ko na lang.

“Sige na mga anak... kain na kayo...” sabi ni Tatay Bert.

“Sabay na ho kayo sa amin...” sabi ni Ryan.

“Naku.. mamaya na....” sabi ni Nay Betty.

“Naku po... tara na.. sabay na kayo....” sabi ko.

AT dahil sa kapipilit namin eh sumabay sila sa amin. Nakita ko ang nakahain at natakam agad ako. Matagal tagal na rin ng makatikim ako nito. Nakakatakam talaga.

Habang kumakain eh nagkwentuhan kami. Mahaba-haba din ang oras na naigugol namin sa pagkain dahil sa kwentuhan.

Napag alaman ko na dati pa lang katulong si Nay Betty at driver naman si Tatay Bert. Pero nung nakapagpatayo si Ryan ng resthouse dito sa Batangas eh sila na ang nangalaga. Iisa lang ang anak nila at ito ay isang lalaki.

Nagkwento din sila tungkol sa buhay ni Ryan. Marami akong nalaman tungkol kay Ryan. Masyado daw protective si Ryan sa kapatid niyang si Anthony. Kitang-kita naman na napaka protective si Ryan sa kapatid. Nasaksihan ko ito nung kami pa ni Anthony.

Pahapon na, dinala ako ni Ryan sa isang parte ng dalampasigan na kung saan may isang kubo na malapit sa tubig. Ang ganda talaagng tignan ng kapaligaran. Sobrang nakakamangha ang mga nasasaksihan ng aking mga mata. Ang sariwa talaga ng hangin at masarap sa pakiramdam.

“Ang ganda talaga dito... ang galig galing mo talaga...ahahahha.... di to nabanggit sa akin ni Anthony dati...” sabi ko.

“Kasi ayaw kong ipagsabi nila. Masyadong private to. Gusto ko lang na ang dadalhin ko dito eh yung mga taong espesyal sa akin...” ang sagot niya.

Di ako nakaimik agad. Nanatili ang katahimikan sa munting sandali lang.

“Eh bat dito mo ako dinala? Espesyal ba ako?” tanong ko.

Di siya nakasagot. Di ko na lang pinansin.

“Oo naman...” sagot niya.

Di na muli akong nagtanong.

Ilang sandali kaming natahimik at minasdan na lang ang mga alon. Di ko alam kung bakit kakaiba na lang ang nararmdaman ko ngayon, magkadikit kami.

Habang nakaupo ako, naramdaman ko na lang na tumaas ang kamay niya at inilagay sa sandalan ko.

May munting ngiti ang namutawi sa aking mga labi. Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito o ano na ang nararamdaman ko. Bigla na lang siyang may itinanong sa akin.

“Anong nararamdaman mo ngayon?”

Di ako nakapagsalita agad. Nagisip ako kung ano ba talaga ang nararmdaman ko ngayon. Kinapa ko ang puso ko kung maayos na ba ako. Matagal-tagal bago ako nakapagsalita.

“Ok lang kung ayaw mong sagutin....” sabi niya.

“Hindi... okay lang... nag isip lang ako kung ano ang nararamdaman ko ngayon..."

"masasabi ko na masaya ako ngayon.... pakiramdam ko eh protektado ako.... pakiramdam ko eh malaya ako at walang iniintindi... masaya ako na ganito ang nararamdaman ko ngayon at hindi na ako namromromblema ng masyado.” Mahaba kong pahayag.

Nagulat na lang ako ng inilagay niya ang kamay niya sa aking balikat.

“Masaya ako at nararamdaman mo yan.... ang sarap sa pakiramdam na ganyan pala ang nararamdaman mo...” pahayag niya.

“Pasalamat ako sayo at dinala mo ako dito.. kahit di ko alam kung ano ang purpose mo kung bakit ginagawa mo ito... nagpapasalamat ako.. alam kong may dahilan ka kung bakit ganito ang ginagawa mo... nagsasakripisyo ka... alam kong nag leave ka sa trabaho mo... masyado kang inaasikaso pero nag give way ka pa rin para sa akin.... salamat.... maraming salamat..” sabi ko.

“Walang anuman.. basta para sayo.... kahit ano... para lang sayo....” sabi niya.

 Bigla niyang hinawakan ang mukha ko at iniharap sa kaniya. Di ako makagalaw. Para bang natigilan ako sa kanyang ginagawa sa akin. Nakakatunaw ang makipagtitigan siya.

Ako na ang nag iwas ng aking mukha pero maagap ang kanyang mga kamay at galaw at nagulat ako sa sunod na nangyari. Naglapat ang aming mga labi. Sa akin at sa kanya.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang mga ito. Nagugulat at nabibilisan ako sa nangyayari. Bakit? Bakit ako hinalikan ni Ryan. Bakit biglang bigla na lang ganito ang mga nangyayari?

Malambot ang mga labi ni Ryan. Mapag alaga ang kanyang mga labi. Dahan dahan at mahinahon. Unti-uniti nadadala ako sa emosyon at pangyayari. Tumutugon na din ako sa kanyang mga halik. Unti-unting gumagala ang kanyang mga kamay sa aking likod at hinahaplos ito.

Naramdaman ko ang panggigigil niya dahil sa yakap niya. Nagtagal pa ang posisyon naming iyon. Isa, dalawa, tatlo at marami pang minuto.

Ngunit, biglang nagising ang aking diwa. Bigla bigla na lang akong kumalas. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata.

“Bakit?” tanong niya.

“Hindi.... mali... hindi ko dapat ginagawa to...” sabi ko.

“Tama lang to... alam mo tong ginagawa mo...” sabay hawak sa aking mga pisngi at hinalikan ulit niya ako.

Para ba akong isang bakal na sumusunod lang sa isang magnet. Di ko maitanggi ang aking mga labi sa kanya. Bakit ba? Bakit ba ako nagkakaganito? Pero isang malakas na pwersa lang ang nagbibigay sa akin para lang itigil ang kahibangan kong ito.

“Hindi.... mali to... di ko alam kung bakit ginagawa ko ito...” sabay tayo at takbo palayo sa lugar na iyon.

Naiwan siya na nakatulala.

Dumeretso ako sa may rest house. Di ko namalayan na nakatayo pala si Nay Betty sa may harapan ng rest house. Bigla tuloy akong kinabahan. Di ko alam kung nakita ba niya ang nangyari sa aming dalawa ni Ryan.

Nakatungo akong pumasok ng bahay at paakyat na sana ko ng biglang tawagin ni Nay Betty ang pangalan ko.

 “Nicko...” nilingon ko siya. Di ko maintindihan kung bakit biglang naglingid ang mga luha ko.

 “Bakit po” sagot ko habang pinahid ko ang luha na namumutawi sa gilid ng aking mga mata.

“Halika nga... usap tayo...” sabi ni Nay Betty. Sumunod ako dun sa may terrace.

“Tapatin mo nga ako anak.... di naman sa nakikialam ako pero... may relasyon ba kayong dalawa?” nagulat na lang ako.

“Ho? Ahmm... wala ho.. promise....” sabi ko.

“Di naman ako naghuhusga agad eh... wag ka ng mahiya.... okay lang sa akin kung may relasyon kayo..tanggap ko naman kayo.... nakita ko yung nangyari sa inyong dalawa....”

“Nay... wala ho talaga... nagulat na lang ako ng bigla na lang aking halikan ni Ryan...” saad ko.

“Aminin mo nga.. may gusto ka ba sa kanya?” nakita ko siyang nakangiti.

“ho? Ako ho? Wala ho.... wala ah.... ako magkakagusto sa kanya? Naku... hindi ah. Masyadong sira na ang mundo pag nagkagusto ako” giit ko.

 “Oh anak... wag masyadong defensive.... napaghahalataan..” sabi niya.

 “Naku nay hindi ah...” sagot ko.

“Aminin na kasi.. nahihiya pa....kitang kita rin naman jan kay Ryan na may gusto siya sayo...” ang nasabi ni Nay Betty.

“Paano po ninyo nasabi?” tanong ko.

“Nung time na tumawag siya dito, may kakaiba na. Nung dumating din kayo dito, kakaiba na rin ang kinikilos niya. Alam mo ba na ngayon na lang ulit namin nakita ganyang kasaya si Ryan? Simula nung nangyari yung masasaklap na pangyayari sa kanya. At isa pa, hindi basta-basta nagdadala si Ryan ng bisita dito. ikaw ang kauna-unahang bisita dito ni Ryan...” nagulat ako sa nasabi ni Nay Betty.

Biglang may sumilay sa akong mga labi na ngiti. Napansin naman agad ito ni Nay Betty.

“Kita mo nangiti-ngiti ka pa jan...hay anak...kung ako sayo... magkaaminan na kayo...kesa lumala pa yan...” at bigla na lang umalis si Nay sa tabi ko.

Tinunton ng mga mata ko ang kinaroroonan ni Ryan pero hindi ko ito nakita. Sinubukang hanapin ng aking mga mata ito pero wala. Hanggang sa may magsalita sa may likuran ko.

“Hinahanap mo agad ako.... namiss mo ako no?” pabirong sabi nito.

Ikinagulat ko naman agad ito. “Kapal mo din ah..... feeling? Sige na akyat na ako.....” sabi ko.

Iniwan ko na lang siya sa may baba at umakyat na ako. Pero may kakaibang ngiti ang lumapat sa aking mga labi.

Pag akyat ko sa taas, di ko maintindihan ang aking nararamdaman. Ni hindi ako mapakali sa isang sulok at para bang may mahapdi sa aking bunbuban at hindi ako makaupo. Paikot-ikot na lang ako sa loob ng kwarto.

“Come on Nicko... I know you can resist him... you can resist his presence... you can resist his body... his scent.... his uhmm.... aahhrrgggshhh.. and most of all... you can resist his..... his.... his... his kiss.... and tender lips...” ang paulit- ulit kong binabanggit sa aking sarili.

Nababaliw na ata ako. Pero hindi, hindi pwedeng mainlove ako kay Ryan. Ayoko muna, ayoko na lang at ayoko sa kanya. Hindi pwede, magugulo ang lahat. Mahihirapaan ako. Lalaki siya at hinding-hindi siya magkakagusto sa akin. Pero paano kung mahal niya ako.

How greatful. Mahal niya ako? Mahal? Uhmm.. kakilig ay.... para na akong baliw na iniisip yon.

Tiniis ko ang hindi muna pansinin at makipagusap ng gaanong katagal kay ryan upang maiwasan at matigil na ang pagkahibang ko sa kanya. Ilang araw din yun, mga tatlong araw akong di gaanong umiimik at sila Nanay Betty at Tatay Bert lang ang nakakakwentuhan at nakakusap ako.

Pag medyo humahaba ang usapan namin ni Ryan ako na mismo ang tumitigil at nagpipigil sa aking sarili. Pero bakit ganun? Kahit anong pilit kong iwas at isip sa kanya eh siya pa rin ang iniisip ko. Siya ang laman ng utak ko at maging..... maging.... maging..... maging ang PUSO ko.

 Takte naman yan. Habang tumatagal ang panahon na hindi ko siya nakakusap, lalong tumitindi ang pagmamahal ko sa kanya. Lalong nagaganap ang pinaka kinatatakutan ko. Ang mahalin siya ng puso kong kawawa. Why oh why?

Napag pasyahan naming gumala ni Nanay Betty sa bayan para mamili. Maghahapon na rin yun. Mamimili lang kami ng mga gatas, mga pang araw araw na delata o mga seasonings.

Nagkwentuhan kami ni Nanay Betty tungkol kay Nicko. Ang kulit kasi niya eh. Pinilit pa rin ang magkwento tungkol sa kanya. Hehehhe. Dami ko tuloy nalaman pa tungkol sa kanya. Suplado daw dati siya, pero mabait.

 Di naman daw stubborn at matigas ang ulo. Pinakamasunurin daw siya at hindi talaga nagrebelde kahit kelan.

“Ano bang meron ka at nabighani mo ang magkapatid ha?” tanong sa akin ni Nay Betty.

“Tong si Nanay Betty oh... adik mo.... kaw talaga...” sagot ko na lang.

 “May LQ ba kayong dalawa? Napansin ko lang na hindi kayo masyadong nagpapansinan.”

“Tong si Nanay naman oh, may pa LQ LQ pang nalalaman. Wala po. Kayo talaga.” “Oh, nasabi mo na ba sa kanya?” napaisip pa ako.

Di ko alam kung sasabihin ko ba talaga kay Ryan.

 “Nay.. ang hirap eh... paano kung gumulo ang buhay niya pag naging kami kung sakali... tas paano kung hin di niya ako gusto? Paano kung pinaglalaruan niya alang ako or ginagamit niya lang ang opportunity na to para gawin lang ang pabor ng iba at iabaling sa kanya ang ginawa sa akin ni Anthony?”

 “Anak, wag mong isipin yan. Kung di ka amn niya mahal, at least nasabi mo at nailabas mo yang itinatago mo di ba? Mas maganda kaya na walang dinadala sa dibdib.. and sabi nga nila... the truth will set you  free..” sabi ni Nay.

 “Naks... daming alam ni Nanay na English ah...”

“Naku... napapanood ko lang yan.. ahahahha..”

 “Haixt.... sana nga lang parang Luke and Noah or Luke and Reid kaming dalawa...” sabi ko.

 “Teka.... parang alam ko yan ah... As the World Turn yan noh?” sabi niya.

 “Oo manang... napaka idealistic nga nun eh... hahahah.... tapos ang galing pa... napakahabang panahon siya inair sa TV. Ahahah...”

Mag gagabi na rin ng makarating kami. Todo kwentuhan pa naman kami ni Nanay Betty. Pag dating namin sa bahay, sarado ang ilaw.

 “Naku nay.... ano ba yan.. nag black out ata?” sabi ko.

“Hindi... baka wala talaga tayong kuryente... kasi yung iba eh may kuryente naman eh....” sabi naman nito.

 “Oo nga noh? Uhm...baka nagkaproblema tayo sa kuryente? May pumutok ata sa fuse?” ang conclusion ko.

“Tatay Bert? Bakit po walang kuryente? TATAY Bert?” pag tawag ko.

Biglang umilaw ang kabahayan at nasilaw ako sa ilaw.

“Oh.. may ilaw naman pala eh... nu ba ya...” naputol ang pagsasalita ko sa nakita ko.

Nakaayos ang buong bahay. Nakita ko na may hawak si Ryan ng mga rosas.

 “SURPRISEEEEE>.....” sigaw ni Nanay Betty.

“Alam mo to Nay?” isang ngiti lang ang ginanti sa akin ni Nay Betty.

“Nicko... I Love you.... I love you so much.... mahal kita..” ang biglang sabi ni Ryan.

“di mo alam sinasabi mo....” aktong paakyat na ako sa taas, bigla na lang niya akong hinila at niyakap.

 “Mahal kita Nicnko... maniwala ka... mahal na mahal na kita... hindi ko alam kung paano nangyari pero mahal kita....” sabi niya. Biglang tumulo luha ko.

 “Mali to.. di mo alam sinasabi mo... hindi pwede to...” sabi ko.

 “Maniwala ka sana... alam kong sinasabi ko... mahal kita...yun ang totoo.... di ko alam kung bakit ba... basaa hinahanap hanap ko presensiya mo... hinahanap hanap ko ang yakap ko sa yo.....” nakita kong lumuha na din siya.

Di ko mapigilan ang umiyak. Bakit ba ako naiiyak? Tanong ko sa sarili ko.

“Sabihin mo lang.... sabihin mo lang na mahal mo ako..... sabihin mo lang..... gagawin ko ang lahat.... para sa yo...” sabi niya.

 “Hindi.... hindi pwede... hindi kita mahal....” ang sinabi ko.

 “Hindi ako naniniwala.... mahal mo ako... ramdam ko yan... mahal mo ako di ba?” nakita kong pagmamakaawa niya. Di ako makasagot.

“Kung hindi mo ako mahal... wala nang patutunguhan tong pagmamahal ko at ng buhay ko....” ang bigla na lang niyang sinabi.

 “anong gagawin mo?” bigla ko na lang siyang nakita na kinuha ang kutsilyo at itinapat sa sarili niya.

“Huwag... please lang.... oo mahal kita... mahal na mahal...” nakita kong ibinaba niya ang hawak niya at hinawakan kaagad ang kamay ko.

Hinalikan niya ito at niyakap niya ako.

“Alam ko... alam kong mahal mo ako... at handa akong magsakripisyo para lang sayo... mahal na mahal kita.....” sabi niya.

 “Mahal na namahl din kita... hindi ko alam kung bakit ba? Kung paano ba nangyari... bigla bigla na lang akong nakaramdam ng kiliti sa aking puso na siyang tumutugon sa yo....” ang sabi ko.

 “Handa akong tugunan ang puwang ng pagmamahal mo dyan sa puso mo..... alam kong mahal mo pa ang kapatid ko pero di ako papatalo..... ako ang siyang bubura niyang sa puso mo at ako ang mag hahari sa puso mo.... ipapangako ko ang lahat... lahat lahat...” ang sabi niya.

“Pero..... nag aalala ako sayo... matutulad ka kay Anthony. Matutulad ka sa kanya na baka itakwil ka din ng mga magulang mo.”

“Handa akong magpakasakit para lang sayo... tatanggapin ko ang consequence na mangyayari at haharapin ko ito... ipag lalaban kita at poprotektahan ko.... basata mahalin mo lang ako.... mahalin mo lang din ako...” ang sabi niya.

Tumingin ako kila Nanay Betty at nginitian lang niya ako.

 “Oo... ipinapangako ko... mamahalin kita... at gagawin ko ang lahat wag lang tayo mag kahiwalay.... mahal na mahal kita... di ko na mapigilan ang aking sarili...” at hinalikan ko siya sa kanyang mga labi at gumanti siya sa aking ginawa.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

Ako na mismo ang nagkusang halikan siya. Gumanti din siya sa aking mga halik. Punong-puno ng pagmamahal ang aming mga halik at ang pagtatagpo nito sa isa’t isa. Niyakap niya ako ng mahigpit.

Bigla namang nagpalakpakan sila Nay Betty at Tatay Bert. Napangiti na lang ako. Ibang iba ang nararamdaman kong katuwaan ngayon. hindi ko maipaliwanag sa sobrang unbelievable ang mga nangyari. nagugulat na lang ako sa mga nangyayari sa akin ngayon.

“At talagang may pa ganito ganire ka pa ha.... at isa pa... talagang inamin mo sa kanila?” tanong ko.

“Oo... sinabi ko na sa kanila... alam kong mahirap para sa kanila na intindihin ako pero walang kaduda dudang tinulungan nila ako.... noong una nagulat sila, pinagsabihan nila ako at binalaan na kailangan kong pag isipan ang mga gagawin ko at mga susunod na hakbang na isasagawa...... pinag isipan ko ito ng mabuti... sa loob ng araw na hindi tayo nag usap at nag pansinan, pinakiramdaman  ko na kung ano ba talaga ang tunay kong nararmdaman.” Mahaba niyang sinabi sa akin.

Nalilingid ang luha ko habang sinasabi niya ito sa akin. Naiimagine ko ang pag titimpi na ginawa niya. alam kong mahira pigilan ang nararamdaman. kaya pala all those things, all those days binibiro niya ako. dahil totoo pala yun. Niyakap ko siya agad.

“Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Natatakot pa rin ako para sa yo kasi alam kong malaking sugal to para sa yo, pero mas pinili mo pa rin ang puso mo. Handa kitang suportahan at ibigay ang pagmamahal ko sayo...” ang sabi ko.

“Mga anak... nawa’y gabayan kayo ng Poong Maykapal... alam kong maghihirap kayo ng lubos sa mga susunod na yugto ng buhay ninyo dahil na rin sa mga magulang nila Ryan. Tibayan ninyo lang ang loob ninyo ha... wag kayong bibitiw at huwag ninyong hahayaan na matibag kayo ninu man... at kung may problema naman na darating sa inyo, hwag kayong mahiyang lumapit sa amin...” sabi ni Nay Betty.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at niyakap.

“Maraming salamat po. Di ko po kayo makakalimutan..” napapaluha kong sabi.

 “Walang anuman yun... basta ipangako ninyo lang na wag ninyong sasaktan ang bawat isa....” sabi ni Tatay Bert.

“Huwag ho kayong mag alala.... iingatan ko tong asawa ko....” sabi ni Ryan.

 “Aysows.... asawa ka jan.... asawa agad porket nangyari ito? magtrabaho ka ng mabuti at ayokong di mo ako aalagaan.... naku...” pagbibiro ko.

Lumapit agad siya sa akin at niyakap yakap ako.

“Opo commander..... don’t worry.. di kita papabayaan.... aalagaan kita at di hahayaang magutom.... kung gusto mo nga kain ka mamaya ng madami eh...” sabay nakakalokong ngiti.

Kinurot ko lang ang gilid niya.

“Naku naku naku... ikaw ha.. kung anu-anong sinasabi mo.. ay nako.... pag yan lang ang lagi mong inatupag..... tsk tsk...hahah..” sabi ko.

 “Jowk lang... kaw talaga... sakit nun ah.... “ sabi niya.

“Oh eto kiss pantanggal.... mwaah...” at nagkatawanan kami.

"Dito kiss mo ako..." sabay turo sa labi.

"Daming arte ah..."

Kumain na rin kami. Kwentuhan at tawanan lang ang nagibabaw sa hapag kainan.

“Kayong dalawa wag muna mag aanak ah... magsettlement muna kayo ng ayos...” biro ni Taty Bert.

“Nako.... kayo talaga napaka palabiro...” sabi ko.

“Hindi kaya... yaan ninyo Tatay Bert... aagapan ko muna... mag titiis na muna ako sa pahalik halik....heheh..” pagsabat nito.

“Weh... adik mo... tumigil ka nga jan...” sabi ko. At nagkatawanan na lang kami.

Isang memorable na araw para sa akin ang nangyari sa akin ngayon. Haixt. Di ko na muna iniisip ang mga consequence na mangyayari. Gusto kong ipahinga ang aking isip. Nakahiga na ako sa aking kwarto ng biglang may kumatok sa aking pintuan.

“Teka lang...” ang sabi ko.pagbukas ko, iniluwa nito ang gwapong mukha ni Ryan

 “Oh... gabi na.... bat gising pa ang mahal ko?” tanong ko.

“Namiss kasi kita eh.... kaya kung pwede ba na? Alam mo na...uhhmmm..”

nginuso niya yung labi niya dun sa kama ko.

"Aba-aba..... ikaw talaga dumidiskarte ha..."

"Ganyan talaga.... kaya masanay ka na..."

“Oh sige na pwede ka na dito matulog... behave ah...” at bigla na lang siyang pumasok kaagad sa aking kwarto.

“Halika na mahal ko... dali...tulog na tayo...” yaya niya sa akin.

“Opo anjan na...” tumabi ako sa kanya at yumakap.

Short lang ang tanging sinusuot niya pag natutulog siya kaya medyo di ako makapagconcentrate ng ayos lalo na pag nakikita ko ang hubog ng kanyang katawan. Hinahaplos haplos ko na lang to para di ako masyado mahalata na ninenerbyos.

“I love you...” sabi ko.

“I love you too...” sagot niya.

Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako.

“Masaya ako at minamahal mo ako....” bigla akong yumapos sa kanya.

“Basta pinanghahawakan ko ang sinabi mo na hindi mo ako iiwan at papabayaan...” dag dag ko pa.

“Wag kang mag alala... mahal na mahal kita...” sabi niya.

Magkayakap kaming dalawa hanggang sa makatulog kami.

Nagising ako sa sikat ng araw. Tulog pa rin si Ryan at nakayakap siya sa aking katawan. Hinaplos ko ang bawat detalye ng kanyang mukha. Noo, ilong, tenga, bibig at pisngi.

“Napakaswerte ko para mapunta siya sa akin. Ito na sana ang hinihintay ko. Yung taong magmamahal para sa akin. Yung taong magbibigay ng puso at paglalaanan ako ng kanyang buhay...” ang nasabi ko sa aking isip.

Hinalikan ko siya sa mga pisngi at yun ang naging dahilan ng kanyang pagkagising.

“Oh, gising ka na....” sabi ko.

 “Yup.... nagising ako sa magical kiss ng asawa ko... heheheh” sabi niya.

“Ahahahah... naks naman... heheheh.... oh eto pa... mwaaahh”

“Mwaaahhh.... heheh... I love you Nicko....”

“I love you too Ryan..”

“So tara na... baba na tayo at baka nakahanda na ang breakfast natin.... or baka gusto mo right now na tayo mag breakfast?” sabi niya.

“Hay... tara na sa baba at baka kung ano pa ang maisip mo... kung anu-ano na yang pumasok sa kukote mo eh.... tsk tsk... masyado ng polluted... hahahah” sagot ko.

At yun bumaba na kami. naghilamos na muna kami at nag mumog. nag ayos din kami ng sarili bago bumaba ng bahay.

Sinulit namin ang pagbabakasyon. Kain, gala, ligo at kung anu-ano pa. Laging nakadikit tong si Ryan sa akin. Para bang mawawala ako pag wala ako sa tabi niya.

 Sabi nga nila Nanay Betty eh baka naman daw malamog na ako dahil sa araw-araw at minu-minuto na ginawa ng Diyos eh nakayakap daw siya sa akin.

Ok lang naman sa akin yun eh atleast natutuwa ako sa feeling na yun. Masaya, refresh at magaan sa loob ang pakiramdam.

Paalis na din kami noon sa rest house ni Ryan. Nagpaalam naman kami kila Nanay Betty at Tatay Bert.

“Ingat kayo sa daan ha... wag kang mahiyang bumalik dito at kailngan eh sa pagbalik ninyo eh napipinto na ang kasal ninyo.....” sabi ni Tatay Bert.

“Naku tay... yaan ninyo kayo po mga ninong at ninang...” sabi ni Ryan.

“Siguraduhin mo lang at kung hindi eh magtatampo ako ng sobra.” Pabiro ni Nay Betty.

“Naku Nay at Tay... magkikita pa ho tayo... at salamat po sa lahat lahat ha kahit na ngayon lang ninyo ho ako nakilala eh pinagkatiwalaan na ninyo ako... mag iingat ho kayo lagi... wag papabayaan ang sarili ha..... mamimiss ko ho kayo....” at niyakap ko sila.

Matapos mag paalam eh umalis na kami. Mag tatanghali na ng umalis kami. Habang nasa byahe eh kulitan pa rin kami ng kulitan. Harutan at marami pang iba. Nagutom kami pareho kaya nag decide kaming mag stop over sa isang kainan.

Masarap naman yung kainan na pinuntahan namin. Kahit na maraming tao eh ipinakita pa rin ni Ryan ang sweetness niya sa akin. Ibang iba talaga itong si Ryan. Pakiramdam ko lagi eh safe ako. anuman ang mangyari eh di iya ako pababayaan.

After naming kumain eh dumeretso kami sa shop namin ni Annie.

“Bestfriend... andito na ako!!!” pumasok ako bigla at ginulat si Annie. Nagulat naman yung mga tao sa loob ng shop sa kaingayan ko pati na rin yung mga emloyee’s namin.

“Namiss kita best friend at hindi ko nakalimutan pasalubong mo...” sabi ko.

“Naks... andito na ang best friend ko... namiss din kita... heheeh.... akin na pasalubong ko....” sabi niya.

 “Heto... yan... madami yan... meron din ako para sa mga employee’s natin. Heheheh....” sabi ko.

"Huwaw.... andami... hahah.. salamat best friend.... supah like ko yan...... I love you talaga...."

"naku ikaw pa... malakas ka kaya sa akin...."

“Hahahah...Teka.... hmmmm.... ibang iba ang aura mo ngayon... masyadong optimistic... bakit ano bang meron ha?” natanong bigla niya.

“Eto naman... bawal ba akong maging masaya at nakabalik na ako.. may pa aura-aura ka pang nalalaman jan... to talaga..... sige kung gsuto mo eh maging pessimistic na alng ulit ako....” pabiro kong sabi.

 “Aysus... kilala kita no...... speak up... anong bago...” mapilit na tanong ni Annie.

Biglang umeksena si Ryan at hinawakan ang kamay ko at itinaas ito sabay halik sa akin.

“Di na kailangang mag salita pa...” sabi ni Ryan. Kitang kita ko ang pagkagulat ni Annie.

“Huwaw... naks best... jackpot ka... sabi na nga... i’m very happy for both of you... you deserve each other...” paghihisterical ni Annie.

“Oy best... wag masyado katuwa.... nakakahiya na sa mga customer natin nagtitinginan na sila....”

“Oh ano naman.. kaw talaga.... ikaw lalaki ka... madami kang ikwekwento sa akin....”

“Naku di na kailngan... nitatamad ako...”

“che.... hindi magkwento ka..... di kita titigilan hanggang hindi ka nag kwento sa akin......” natatawa kami habang nag uusap.

“At ikaw lalaki,  ambilis mo ha... walang pasabi-sabi...... ingatan mo tong best friend ko... isang luha lang na makita ko jan nau, ipapatawag ko ang NBI, PNP, SWAT, SSS, GSIS, PAG ASA at DILG...” ang histerical na sabi ni Annie.

“At kung anu-ano na naman ang ginagawa mo ha... grabe ka... di ka na naman ata naturukan ng gamot mo... paturok ka nga....” sabi ko.

 “Yaan mo na yun mahal ko... nag aalala lang naman yang best friend mo eh.... yaan mo Annie..... aalagaan ko tong pasaway mong best friend..” sabi ni Ryan.

 tapos bigla na lang siyang yumakap sa aking likod.

“Ang sweet naman... takte nakakainggit...” at yun na nga todo kwentuhan na kami.

"Oy ikwento muna....." Ikinuwento ko lahat kay Annie ang nangyari.

Nagulat talaga sobra siya sa akin at kay Ryan. Grabe matuwa si Annie para bang may kung anong nasa tumbong niya at di siya mapakali sa isang gilid. Nakakwentuhan rin namin yung mga empleyado namin.

Grabe din sila matuwa, kakaiba kung makapagreact. Daig mo pa ang isang batalyon kung magrect si Annie.. natatawa tuloy ako pag mag rereact na siya. madami siyang tanong sobra. Happy naman sila sa amin at tong si Ryan naman eh sasabog na ang ulo sa kapupuri sa kanya.

Natutuwa naman ako na unti-unti ng nagiging okay ang buhay ko. Yung trabaho namin eh okay na. Lumalago na yung shop namin at okay na yung mga branches namin. Pasalamat ako at meron akong partner at bestfriend na tulad ni Annie.

Lumabas kamib saglit ni Ryan para bumili ng snacks namin. Hintayin na rin siguro namin magsara yung shop or either mga ilang oras bago mag sara. Si Ryan na rin ang nagdecide na mamaya nakami umuwi.

Pizza at softdrinks ang binili namin. Okay na siguro yun. At yun nga kumain na kami dun sa lob ng shop. Malakas na talaga ang benta namin now a days.

“Mahal ko... eto um...” sabi ni Ryan sa akin.

“Ahhh....uhmm....” ang sweet talaga ni Ryan.

“Napakasweet anman dito.. lalanggamin kami dito...” sabi ng isang empleyado namin.

“Hindi naman...” sabi ko naman.

Ang sweet ng ayos naming dalawa ni Ryan ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang bulto ng kahapon. Nakayapos pa sa akin si Ryan at ako naman eh sinusubuan siya.

Nabigla kami at nagulat sa iniluwa ng pintuan. Nakatayo doon at pumasok si Anthony. Lahat kami natigilan, di makagalaw. Wari ba ay nakakita kami ng isang multo o anumang nakakatakot na tao.

Hindi pa kaming handa na isiwalat ang namamagitan sa amin pero heto, mukhang mapapsubo kami. Eto na ba ang tamang panahon?

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

Ang kaninang masaya eh napawi ng pagkagulat. Ang maingay na atmosphere ay napalitan ng tahimik at taimtim na. Ang pagpasok ni Anthony sa loob ng shop namin ang siyang nagpalamig ng aking pakiramdam. Kitang kita ko ang pagkagulat niya sa pwesto naming dalawa ni Ryan. Bigla siyang bumitiw at tumabi sa akin.

“Tol... napadpad ka dito?” pagtatanong ni Ryan na mahinahon.

“Masama ba kuya?” pamabara ni Anthony.

“Kaya pala... kaya pala wala ka sa opisina at nakaleave ka... andito ka lang at nakikipaglampungan...” ang matabang pa niyang dagdag.

“May kailangan ka ba?” tanong ko.

“Uhm... meron dapat... eh... mukhang di na naman kailngan....” biglang sagot niya.

“Sabihin mo na...”

“Sasabihin ko lang sana na bumalik ka na sa bahay.... kaso mukhang di mo na kailangan...”

“Di na kailngan... pati.. mag aaway lang naman kami ni pinsan....” sabi ko.

“Mag aaway ba o wala ka ng dahilan para bumalik pa?”

“Pareho...”

“Ah ganoon ba... ok sige.... nga pala.... Kayo na ba?” tanong niya.

Ramdam ko ang pagiging matabang niya sa amin. Alam kong di niya expected ang lahat ng nangyari. Di agad ako nakasagot. Nanalo ang katahimikan.

“I guess silence means yes...” sabi niya.

“Oo tol... kami na...” biglang singet ni Ryan.

Napatigil si Anthony sa pagtalikod. ilang sandali lang eh nagtuloy na rin siya. Di na lumingon pa si Anthony at tuloy-tuloy na lumabas.

Para bang may aftershock pa kaming lahat. Aftermath nga naman sabi ng iba.

 “Naks best... mukhang I smell something...” biglang sabi ni Annie.

 “Ay nako best... masyado kang intregera...”

“Maniwala ka best... may love triangle ang mabubuo dito... ang haba ng hair pinag aagawan ng dalawang gwapito... I’m sure inlababo pa rin sayo ang ex mo...”

 “Naku.. wag ka nga ganyan.... issue issue ka jan eh...”

“Mahal ko... paano pag ganun ang nangyari... mamaya ipagpalit mo na agad ako...” pagtatampo ni Ryan.

“Ay... ang best actor nagdrama.... ano ka ba... past is past and never been back....kaw talaga. Don’t worry...” lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

Naghiyawan naman sila na para bang bagong taon. Dinaan na lang namin sa atawa ang lahat. After several minutes eh nagyaya na si Ryan na umuwi na kami.

Tumawag muna ako sa bahay na magahanda ng hapunan para sa aming dalawa. Habang on the way kami sa bahay ko eh napansin ko na malungkot si Ryan. Tahimik kasi siya at seryoso.

“Mahal, may problema ba?” tanong ko sa kanya.

“Wala naman bakit mo naitanong?”

“Kasi po.... alam kong may problema ka... ang tahi-tahimik mo kaya at seryoso ka...”

“Kaw talaga... wala to....”

“Di ako naniniwala... basta kung may problem ka ha.... wag kang mahiyang magsabi... andito lang ako...”

“Opo mahal ko... kaya penge munang isang kiss...” sabi niya.

“Ayoko nga.....” pabiro ko.

“Ok...” biglang tampo niya.

“Hala nagtampo.... joke lang naman.. o heto... mwahh... mwah...mwah...”

Nahihiwagaan talaga ako sa kung ano ang iniisip ni Ryan. Pero iisa lang ang nakikita kong dahilan nun, si Anthony. Haixt. Magiging maayos din naman ang lahat lalo na sa aking nakaraan. Haixt.

Nakarating na rin kami sa bahay. Sabi ko kay Ryan na dumito na muna siya ngayong gabi. Heheh. Sinabi ko na rin kay Ate Lina ang tungkol sa amin ni Ryan. Alam na naman niya kasi ang sa akin. Siya ang kasama ko noong pinalayas ako ni papa sa bahay. Di niya ako iniwan kaya mahal na mahal ko siya.

Buti nga eh may pera ako sa bangko at nakuha ko agad ito sa bangko kaya nakakuha agad ako ng pera. Nagkataon kasi na may pinapagawa akong bahay. Kaya ayun ginamit ko ang pera sa business namin ni Annie at pagpapatayo ng bahay.

“Naku... ang swerte mo naman talaga Nicko jan kay Ryan...  bukod sa gwapo na eh mabait pa...” sabi nito.

“Oo nga eh... swerte ko talaga...”

“Naku.. mas maswerte ako dito ate.... kahit na masungit.. ay ayos lang.. mahal ko naman eh...”

"masungit ka jan... sayo lang ako masungit.. ang kulit-kulit mo kasi nun eh.. kaya ayon...ikaw kasi...”

“At ako pa may kasalanan ha.. kaw talaga....”

Dito na nga sa bahay nagstay na matulog si Ryan. Tabi kami siyempre. At walang mangyayari sa amin, saka na muna yun. Hahahha. Di naman ako ganun na iniisip ni ninyo. Hahahha. Magakayakap siyempre kami sa kama. Nasa ganoong anyo kami ng biglang nagtanong si Ryan.

“Mahal ko... ano bang nangyari matapos magkaaminan kayo ng kapatid ko?”

 “Ahm.... mahaba masyado kwento eh...”

“okay lang.. makikinig ako....” at yun kinuwento ko kung ano ang nangyari.

____________________________________________________________________________

Akala ko noon okay na ang lahat. Yun tipo bang payapa na at kahit ba sikreto lang ang sa amin eyh magtatagal kami. Pero hindi nangyari yun. Sabi nga nila, lahat ng sikreto eh malalaman at malalaman din. Naging maayos naman ang pagsasama namin Anthony pero nagulo lang ito simula ng umeksena ang magaling kong pinsan.

Akala ko totoo siya sa akin, akala ko mapagkakatiwalaan ko siya pero siya pa mismo ang umahas sa akin. May nanyari sa kanila ni Anthony isang gabi. Lahat kami lasing noon. Birthday ng kabarkada namin at lahat kami eh nasa isang resort.

Nag inuman kami. Dahil nga birthday eh pinagbigyan namin na malasing kaming lahat. Halos lahat bagsak. Halos lahat eh wala ng malay. Pero di ko alam eh may nangyari sa kanilang dalawa noong gabing himbing na himbing ako sa pagtulog.

Kinabukasan, hinanap ko si Anthony dahil wala siya sa aking tabi noon. Habang nag hahanap ako, bigla akong nakarinig ng sigaw. Halos lahat nabulahaw. Sigaw yun ni Rona. Nanggaling yun sa taas, sa kwarto sa taas. At dun na nga nakita ang walang saplot na si Anthony at Rona.

Daig ko pa noon ang sinaksak ng paulit-ulit. Napaluha ako sa harapan nila at nakita yun ni Anthony. Dumerestso ako sa kwarto ko at sinundan ako ng mga kabarkada namin. Maging si Annie sumunod sa akin.

“Best... mag hinay hinay ka... di natin alam ang tunay na nangyari....” sabi niya.

“Best... hindi ako bulag at kung nagkataong bulag ako eh lalo na aking niloko... oo mahal ko siya at hindi ako tanga... may pakiramdam ako.....” sigaw ko.

“Huminahon ka....” biglang singit ni Anthony.

“Anong ginagawa mo dito.... umalis ka.. nakakdiri ka... sa pinsa ko pa.. mga wala kayong hiya....!!!” pasigaw ko ng sabi.

“Lasing kami... I don’t know what happened.... akala ko ikaw yun... I thought we are making some love... pero... pag gising ko.. siya na pala ang katabi ko.....” paliwanag ni Anthony.

"May utak ka... kaya dapat alam mo na yan... matanda ka na at hindi ka na bata kaya wag kang gumawa ng mga excuses..."b sabi ko.

"Pero..."

“Best... tara na... gusto ko ng umalis dito...” sabi ko kay Annie.

Bigla naman siyang tumayo at nagmadaling mag impake sa kwarto niya.

“Ikaw... umalis ka jan..... at ayokong makita mukha mo!!!”

“Please naman babe,.... I love you...... forgive me... it’s just an accident... walang may gusto noon...”

“Accident? Ha? Accident pa pala yun.. at isa pa... kung mahal mo ako di mo ginawa yun... napigilan mo sana.... mga wala kayong hiya... dito pa ninyo ginawa yun...” biglang sumulpot si Rona sa pinto.

“At ikaw... sarili kong kadugo pa ang gumago sa akin... walang hiya ka..... you are like a whore... bitch....” sabi ko at tuloy-tuloy na akong buamaba kasama ang gamit ko.

“Babe... don’t leave me... Im sorry.... please forgive me... let me come with you....”

“Don’t you dare touch me at wag kang susunod kasi pag ginawa mo yan magpapakamatay ako....!!!” at umalis kami ni Annie.

__________________________________________________________________________

“Ang tapang mo pala talaga noon pa no?” biglang singit ni Ryan sa pagkwekwento ko.

“Oo kaya kung may balak kang mag gago eh wag mo ng balakin... hmmm...” sabi ko.

“Naku... kaw talaga... wala siyempre... kaw talaga... sige na ituloy mo na ang kwento mo....”

__________________________________________________________________________

Isang linggo akong nagkulong sa kwarto. Di ako pumasok sa trabaho noon.ilang araw din nagtagal yun no. Di ako kumain at lumalabas noon. Inom lang ako ng inom. Tulog at iyak. Ilang tawag na ni Annie yon. Pati sila mama at papa nagtataka na.

Pero makalipas ang isang buwan na pagsusuyo ni Anthony eh yun. Naging okay ang lahat. Pero ang hindi okay eh yung sa amin ni Rona. Di ko siya pinapansin at pinaparamdam ko sa kanya na isa siyang basura. Ganyan ako ka bitter noon hanggang ngayon.

Okay na sana ang lahat pero talagang mapaglaro ang tadhana. Nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa ni Anthony. Doon ako lalong nagpuos ng husto. Nag init ang ulo ko at sumama lalo ang galit ko sa kanya.

“Ikaw talagang malandi ka... wala ka na bang dadalhin sa akin kundi problema... salot ka... salot..!!!” sigaw ko.

“Di ko naman alam na mangyayari ito.... sorry na pinsan...”

“Pinsan? Huh? Pinsan ka diyan... wala akong pinsan na ahas, malandi, linta at walang hiya.....kabit!!!” sabi ko sa kanya. Umiyak lang siya ng umiyak.

“O anong gagawin mo ngayon Babe? Papakasalan mo siya? Huh?” mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya.

“hindi... hindi ko gagawin yan.. papanagutan ko ang anak ko sa kanya pero di ko siya papakasalan...” ang sabi nito.

Natuwa naman ako sa sagot niya. Pero iba ang reaksiyon ni Rona.

“Hindi... kailngan mo akong panagutan.... kailngan.... di ako papayag na hindi mo ako panagutan... papatayin ako ng magulang ko pag wala akong hinarap sa kanila....” pag mamakaawa ni Rona.

“Umalis ka na dito.. narinig mo ang sabi niya di ba? Kaya umalis ka na.. magpulot ka na lang ng mga lalaki diyan sa kalye at siya ang gawin mong tatay nan...” ang nasabi ko dahil sa galit. At umalis nga siya.

Nababaliw na talaga ako ng panahong iyon..... wala na akong iobang iniisip kundi sarili ko.

Natutuwa ako na ako pa rin ang pinili niya. Masaya na ako doon. Pero sadyang pinaglalaruan ng pagkakataon ang buhay ko.

Magulo na ang buhay ko, pero nagiging maayos ito panandalian kapag kasama ko si Anthony. Ngunit isang araw, dito na unti-unting nagbago ang lahat. Ang araw na kung saan ang katotohanan ay lumabas.

Nabuko ang lahat ng pagpapanggap.

Pag uwi ko sa bahay, nakita ko lahat sila nakaupo sa sala. Si mama, papa at ang pinag iinit ng aking mata eh ang makita kong si Rona eh nasa sala din kasama sila. Pagbukas palang ng pinto eh kitab ko na ang gulat sa knilang mga mukha.

“Totoo ba anak? Huh? Totoo ba? May relasyon kayo ni Anthony? Sabihin mong hindi.. please anak.. sabihin mo...” nakita kong umiiyak na sabi ni Mama.

“Mama... let me explain...” sabi ko.

“Just tell us the truth...!!!” sigaw ni Papa.

“Opo... mahal ko si Anthony.. meron kaming relasyon...” tumulo na ang luha ko.

Nakita kong humagugol si mama at nakita ko ang pagtiklop ng kamay ni papa.

“At sino pong nagsabi sa inyo? Yang balahuras na yan? Yang malandi, ahas, kabit at pokpok na yan? Siya ba ha?” tanong ko.

Di nila sinagot ang sagot kundi nakita kong sumugod si Papa sa akin at sinuntok ako. Ngayon ko lang naranasan ang suntukin ni Papa. Sa buong buhay ko di ako nasuntok ni Papa.

Nagdugo ang bibig ko at tuluyan na akong humagulgol. Lumapit bigla si mama sa akin upang sanggahan ako kay papa mula sa isa pang suntok na ibibigay dapat sa akin nito.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

Pinalayas  ako ni papa at walang magawa si mama. Walang anu-ano niya akong itinakwil na para bang hindi niya ako naging isang anak. Wala pa si Kuya sa bahay noon kaya hindi niya alam kung anuman ang nangyari sa akin.

Kaya mula noon isinumpa ko na si Rona. Napakalupit talaga ng mundo. Akalain mo sa isang iglap binawi na niya lahat. Yung masayang buhay na aking kinagisnan, ngayon unti-unting nawawawala ng dahil lang sa isang babae. Isang napaka walang kwentang pinsan na pinagtaksilan ang sariling pinsan.

Akala ko matitira pa si Anthony sa akin pero di nangyari yon dahil pati Anthony nawala sa akin. Dahil sa pananakot ng tatay ni Anthony sa kanya na pababagsakin ang kumpanya namin, napilitan siyang pakasalan si Rona. KAhit naman na itinakwil ako ni papa, ayoko pa ring makita na naghihirap ang papa ko. Ayokong makita na namumulot ng mga basura ang mga magulang ko para lang mabuhay. Alam ko sa sarili ko na ang business ni papa ay buhay na sa kanya. Kaya nga yung pamilya niya, di niya natututukan. Alam ko din na para sa akmin yung ginagawa niya.

Si Rona din ang nagsabi sa mga magulang ni Anthony ang lahat lahat. Siya ang lumapit at nagsabi na buntis siya at si Anthony ang ama. Napaisip nga ako kung sinadya ba ni Rona ang lahat. Kung plano na ba talaga niya ito mula sa simula pa. Pero iniisip ko, wala naman akong kasalanan sa kanya para magkaganito kami. Wala akong naalalang Atraso ko sa kanya. Bakit, bakit nagkakaganito ang buhay ko?

Para akong bangko na nabankrupt ng mga panahong yon. Daig ko pa ang natalo sa isang sugal. Bakit ba? Bakit ba nangyayari ito? Nakituloy muna ako kila Annie ng ilang buwan., siya lang ang tanging nakakintindi sa akin. Siya lang ang tanging dumamay sa akin. Naramdaman ko ng mga panahong iyon na hindi ako ipinaglaban ni Anthony. Napakasakit tanggapin ng bagay na iyon, pero mas makakabuti na manahimik na muna ako sa sandaling iyon.

Mabait ang mga magulang ni Annie. Alam din nila ang nangyayari sa akin ang lahat-lahat pati sa pagkatao ko. Sa araw ng kasal nila Anthony at Rona, gumawa ako ng isang malaking eskandalo. Di ako papayag na i-gigive ko lang lahat ito sa kanila. Kasama ng kasal na ito ay ang pagkawask ng buhay at pangarap ko. Pinilit kong intindihin ang lahat ng saklap ng buhay ko pero hindi tama na ganito lang ang mangyari sa natitirang parte ng buhay ko.

Ako ang kinukuhang bestman ni Anthony, pero di ako pumayag. Ayokong makipag plastikan at ngumiti ngiti habang nakikita ko ang mahal ko na ikinakasal. nagmamakaawa sa akin si Anthony noon na pumayag ako pero hindi niya ako napilit.

"Alam mo, baka masampal ko lang at mahambalos yang kaladkaring babae na papakasalan mo kaya pabayaan mo na ako..." ang sabi ko.

Kaya napilitan siya na ang kuya niya ang gawing best man. Ramdam ko na laging nakatingin sa akin ang kuya niya sa akin na para bang gusto niyang tanungin ako kung okay lang ba ako.

Umakyat ako sa pinaglalagyan ng mga instrumento ng choir. Nag kunwari akong tutugtog sa choir. Dahil may alam ako sa piano noon eh piano ang kinuha ko. Tunugtog ko ang mga kantang pangpatay. Inuna ko eh yung march na kung saan tunog ng kampana kapag may patay.

Matapos noon eh tumugtog ako ng Di kita Malilimutan. Lahat sila nagtaka kung ano ang nangyayari. Alam kong may susugod dun sa choir lobe kaya nagmadali akong umalis. Sinabay ko eh binuhos ko ang dugo at maraming puso ng manok sa baba na muntik ng ikatama kay Rona. Ganyan ako ka desperado noon.

"How Lucky girl... shocks... di ka pa natamaan.... kapag talaga masamang damo.... tsk tsk tsk... yaan mo.... matatabas din kita.... makikita mo..." ang sabi ko noon sa sarili ko.

Naging malupit ang tadhana para sa akin. Kaya naging palaban ako. Ang dating mabit at mapag intindi na tao, ngayon eh isa ng palaban at walang kinakatakutan sa lahat. Nagbago ang mga pananaw ko. Di ko ginagamit ang puso ko sa lahat ng pagkakataon. Minsan nga eh napapansin nila na napaka straight forward daw ako.

Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho. Dahil sa tindi ng pagmamahal ko kay Anthony, di ko siya kayang bitawan. May communication pa rin kami ni Anthony. Kahit na ganoon na kasal sila eh nanatiling kami pa rin. Ganyan ako kabaliw sa kaniya. Pinili ko na ang katagang KABIT para sa akin. Aanhin pa ang gandang babae ng pinsan ko, kung andito ako at Kabit ng minamahal niyang asawa. Wala siyang magagawa dahil andito ang BIDANG KONTRABIDA.

At yun na nga ang naging posisyon ko. Buong buhay ko na naging isang worst sa lahat. Tiniis ko ang lahat at sa panahong iyon naging matatag ako. Kahit nakikihati ako sa oras niya, ramdam ko na ang puso niya, nag iisa lang ako. ginagamit ko ito para pagselosin si Rona. Alam ni Rona ang nangyayari at minsan na niya kong sinabihan.

"Tumigil ka na jan sa kahibangan mo. May asawa na yang kinakabitan mo..."

"Bakit ka ba ganyan mahal kong kaladkarin kong pinsan? Bakit natatakot ka? NAbaka hiwalayan ka niya? Poor girl... napaka walang kwentang babae. BAsura ka lang sa mata ko at wala akong pakialam sa sinasabi mo." ang sagot ko.

Sasampalin niya ko pero napigilan ko ito. Tinulak ko lang siya ng bahagya.

"Pasalamat ka at babae ka. Kung lalaki ka lang tulad ko, baka manghiram ka ng gilagid  sa aso. Tandaan mo, ako ang magiging bangungot mo. hanggat buhay ako, mananatiling mababaon ka sa kadiliman ng aking pag hihiganti...."

_____________________________________________________________________________

“I love you mahal ko.... alam kong dumanas ka na ng ganyang kapighatian. Di ako papayag na maranasan mo ulit yan. Aalalayan kita. Hayaan mong ako ang magpawi ng lahat ng sakit ng iyong nakaraan mo.... yung iba alam ko pero ang iba ngayon ko lang nalaman. Salamat sa pagsasabi sa akin niya. Mahal na mahal kita...” biglang sabi ni Ryan sa akin matapos ang aking kwento.

Naging emosyonal ako sa sinabi niya. Ramdam ko ang sincerity niya sa pagsasabi sa akin ng mga abgay na tulad nito.

“I love you din... mahal na mahal kita Ryan Cyril Reyes.... mahal na mahal.... sana wag mo akong saktan... Ibibigay ko sayo ang puso ko. mahal na mahal kita.” sabi ko.

“Opo.. wag kang mag alala... lagi akong nandito para sayo.. I love you too....” niyakap ko na siya ng mahigpit. Tinadtad din niya ako ng halik sa mukha.

“I love you more... ay siya... tulog na tayo..... good night mahal ko....”

"Good night din..."

Hinawakan niya ang kamay ko at magkayakap kani na natulog. SA piling niya, pakiramdam ko na safe na safe ako.

Going smootly ang relationship namin ni Ryan. Masaya, kakakilig at sobrang punong-puno ng pagmamahal. Lagi niya akong dinadalaw sa shop namin ni Annie at lagi ring masaya ang bawat punta niya. Ang sarap ng feeling na inlove ka ulit. Napakaswerte ko talaga sa kanya. Wala akong masabi.

Nakikipagkulitan pa nga siya sa amin eh. Biro ko nga minsan na baka magsawa na siya sa akin dahil sa lagi niya akong binibisita, pero ang sinagot lang niya eh araw-araw daw eh nasasabik siya na makita at makasama ako.

"Wag na mag worry ang future wife ko.... Hinding hindi ako mag sasawa na mahalin ka... araw-araw nagiging excited ako lalo na na hanggang ngayon eh di pa tayo nagawa ng baby..." sabi niya.

"Aysus... baka mamaya gawin mo lang akong baby maker ha... o kaya parausan jan..." sagot ko sa kanya.

"Never in my life.... at isa pa... it makes mo wonder pa nga kung gaano ba kagaling gumawa ng baby ang mahal ko..." sabi niya.

"Talaga lang ha... naku ikaw nga ata jan ang hustler na eh..." sabi ko.

"Yaan mo... virgin na virgin mong makukuha ako...." sabi ni Ryan

Nagsitawanan kaming lahat. Lahat eh kinikilig sa aming dalawa lalo na pag humihirot itong si Ryan.

"Virgin daw, baka marami ka ng nakuhang virgin..." biro ko.

"Trust me mahal ko.. you will be the only one that can devirginize me.... ikaw lang pagbibigyan ko kay jun jun..." sabi niya.

Nakita ko ang pagkaseryoso sa mukha niya. Hala ka, totoo nga ang sinasabi niya dahil sa sinabi niya. Biglang sumingit si Annie.

"Best... jackpot ka oh.... ikaw ang makakuna sa kanya.... susyal..." sabi nito.

"Adik mo... ikaw talaga..."

Mula sa aking pagkakatalikod. niyakap niya ako ng mahigpit. Sumilay sa aking labi ang ngiti. At ramdam ko na siya na ang lalaking tunay na magmamahal sa akin.

 Isang araw, habang na nagtatrabaho ako, biglang tumunog yung phone ko.

“Mahal ko, uhm.. di muna kita masususndo ah.... may problem dito sa office eh...” narinig ko na sinabi niya sa akin sa kabilang telepono.

“Awww... ganun ba.... ingat na lang po jan... wag kang papagod jan ah.... I love you so much” sabi ko.

“I love you too.... kaw ah... kumain ka,...wag papagutom... sige po... I love you....” at naputol na ang tawag.

Sweet talaga niya. Pag hindi siya makakapunta or di niya ako madadalaw eh tatawag agad siya sa akin. Ramdam ko ang kakaibang pagmamahal niya sa akin. Alagang-alaga niya ako. Daig ko pa ang isang babae na inaalagaan ng sobra ng kanyang asawa.

Nung hapon ding yun, di ko inaasahang mapapadpad sa store namin si Anthony. Nanaig ang katahimikan sa pagpasok niya. Wala ninuman ang nagtangkang magsalita sa amin. Agad niya akong nilapitan at kinausap.

“Nicko.... pwede ba na mag usap tayo? Please... pagbigyan mo ako...” nakita ko ang mapupugay niyang mga mata na sinserong nakikiusap sa akin.

Nagkatinginan lang kami ni Annie. Pumayag ako sa gusto niya. Ayoko naman na ipahiya siya. Gusto ko rin namang ayusin ang lahat-lahat. Ito na ang panahon na tapusin ang anumang linya na nagkokonekta sa amin. It is the time to make my final move about sa amin.

Sa may park kami pumunta. Dun sa dati namin na tinatambayan, sa may court na una naming pinaglaruan. Walang katao-tao noong panahong yaon. Di ko alam kung bakit kaya ganun. Malamig ang simoy ng hangin. Tahimik lang kami habang nagpapaikot-ikot. Siguro naghahanap siya ng tiyempo. Di rin ako makabwelo na kausapin siya eh. nanaig sa akin ang pagiging mahiyain. Hanggang siya na mismo ang nagsalita.

“Gusto mo laro tayo?” tinuro niya yung bola ng basketball.

Naglaro kami ayon sa gusto niya. Matagal-tagal na rin ng hindi ako nakapaglaro ng basketball. Naging masaya ang laro namin. Tawanan at hamunan ang nangibabaw. Di pa rin kumukupas ang galing niya sa paglalaro ng basketball.

 Haixt. Nakakpagod at sobrang pinagpawisan ako kaya tinanggal ko yung tshirt ko at tinira ko yung sando. Nagulat na lang ako ng biglang naghubad si Anthony. Nagbaling na lang ako ng tingin sa iba.

“Sarap ng laro natin ah... galing mo pa rin hanggang ngayon....” sabi niya.

“Ikaw nga ang magaling jan eh.. nahihirapan na ako dumepensa sayo eh... tae... laki ng improvement...hahah” sagot ko.

“Uhm... kamusta ka na ba?” tanong niya.

“Im okay... fine... ayos lang naman. Medyo umaasenso na...hehehhe... kaw ba?”

“Good for you.... uhm.. ako? Ok naman kahit papano. Maalaga naman yung pinsan mo tapos malusog naman yung anak namin. Eh kamusta naman kayo ni kuya?” biglang baling ng tanong sa akin.

Di agad ako nakasagot. Hinintay niya ako bago ako sumagot. Nanatili lang siyang nakikinig at naghihintay sa aking sagot.

“Okay kami... maayos... going stronger kami” ang nasabi ko. Nakita ko ang pagiging seryoso ng mukha niya.Hinawakan niya ang kamay ko na para bang magkarelasyon kami.

“Maswerte ang kuya ko dahil nasa kanya ka. Nagsisisi talaga ako nung pinakawalan kita noon at inulit ko pa. Alam ko nagkamali ako at nasaktan kita..... mahal na mahal kita sana lagi mong tatandaan....” nakita ko na lumuluha na siya.

 “Tahan na.. okay na sa akin yun... past is past... never been back.” Sabi ko.

 “I am happy na nagiging okay ka na ngayon.... pinapanalangin ko na maging maayos ang relasyon ninyo.... tinatanggap ko na ang relasyon ninyo.... ipangako mo lang sa akin na aalagaan mo ang sarili mo..... mahal na mahal kita..... pinapalaya na kita sa nararamdaman nating dalawa.....” sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Sobrang nagagalak ako na tanggap na niya ang relasyon naming dalawa. Niyakap ko siya at gumanti siya.

Nanatili kami sa ganoong posisyon. Nagulat na lang ako ng hinalikan niya ako. Hinayaan ko na lang yun para sa huling pagkakataon. Eto na ang huling bagay na magbubuklod sa amin. Nanabik ang kanyang paghalik at ramdam ko na gusto niyang iset itop sa mas malalim pang bagay.

Naging mapusok ang kanyang mga halik at naramdaman ko ang pag gala ng kanyang mga kamay. Unti unting gumagapang pababa ang kanyang labi kaya pinatigil ko na. Nakita ko ang gulat niya pero alam kong nirerespeto niya ang desisiyon ko. Hindi na kasi tama na may mangyari pang ganun. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ito.

“Sorry sa lahat ng nagawa ko.... maging masaya ka sana lagi... Friends?” tanong niya.

“Friends...” sagot ko.

“Promise... di na ako manggugulo.... I’ll be in my peace mind and feelings......” sabi niya.

“Kaw talaga.... dami pa alam... basta okay na ang lahat okay ba?” sabi ko.

"Oo.. okay na...." sagot niya

After nun, eh umalis na siya. Bumalik naman ako sa store namin. Tinulungan ko na si Annie na mag ayos para makaalis na kami. Naging maluwag ang pakiramdam ko ngayong okay na ang lahat.

This is the point na kung saan eh humupa na ang mga disaster sa buhay ko. Thaks to God kasi di niya ako hinayaang sumuko. Nakatulog ako na mapayapa ang kalooban at iniisip na eto na ang huli.

Nagising ako na may humalik sa aking pisngi. Pagmulat ko ng mata, sinag ng araw ang tumambad sa akin at ang mukha ng aking pinakamamahal.

“Good morning mahal ko..... get up na.... it’s morning and the sun is rise.....” pambubulabog sa akin ni Ryan.

“Iiihhh... niaantok pa ako iiih..... mamaya na...” sabi ko.

“Hala ka... malelate ka na niyan... bahala ka... pag di ka bumangon sasamahan kita jan sa paghiga mo at may kung ano ang gagawin natin...” panakot niya sa akin.

“Ako pa ang tinakot mo nan... ano ba yan blockmail o pabor lang  talaga sa yo?”

“Uhm... pwedeng both?...hahahahh...”

“Aysus... halika nga dito... uhmm..” bigla ko siyang hinigit at niyakap sa kama.

 “Ikaw.... binubulabog mo pag tulog ko.... hahahah... kikiss sana kita kaso nakakahiya naman sa mahal ko kung hahalik ako ng kagigising lang ... kaya sige na... go down at susunod na ako... I will fix myself first para naman di ako iwan ng mahal ko mamaya eh ipagpalit ako sa iba...amp..” mahabang sabi ko.

Bigla bigla na lang niya akong hinalikan. Gumanti ako at nag tuloy-tuloy ito. siya na ang kusang nag tigil nito.

“That will never happen... I swear” sabi niya.

“Hahahah... I know...”

Hinatid na naman niya ulit ako sa shop. Harutan ulit kami habang nagdrive siya. Sobrang saya ko talaga pag kasama ko siya. Kakaiba ang nararamdaman ko kapag siya ang kasama ko. Para akong nasa langit sa pag aalaga na ginagawa niya. Masaya at parang lumulutang ako.

“Sunduin kita mamaya ha..... abangan mo ako.. mag didinner tayo sa labas... hehe”

“Sige... I LOVE YOU!!! Mwah...”

“The same thing mahal ko... mahal na mahal kita...”

Pag pasok ko pa lang ng store nagsi kantyawan na at nagsigawan sila.

“Grabe Boss ang sweet... ang haba ng buhok....” sabi ng employee namin.

“Adik tong mga to... kayo talaga...”

“Best./... grabe lumelevel up na ah... ayoooehh..... sobrang sweet.... kakilig...”

“Adik mo best...daming alam... sabunutan kita jan eh.. nangunguna ka pa.... hahahah”

“Aysus... pero deep inside nikikilig yan sobra... heheh”

“Che.... adik mo..... gueh na....get back to work na..... hahah..”

Pumasok na ako dun sa office ko ng store. Nagbukas ako ng computer at tinignan ko yung e-mails ko. Puro delivery pa. Natuwa ako kasi unti-unti ng lumalago yung business namin. Nang matapos na yung  tinitignan ko, napadako ang mata ko dun sa spam folder.

Meron dun na isang message. Di ko na sana bubuksan yun pero as usual binuksan ko. Okay na sana eh kaso nagulat ako at nagitla sa laman ng e-mail na yun.

Tinawag ko agad si Annie sa nakita ko. Isang threat mail. Oo, isang threat mail.

“Best ano yan... grabe yang threat mail na yan...” sabi ni Annie.

Meron pang naka attach na files.  Lalo kong ikinagitla ang laman ng folder na yun. Pictures namin ni Anthony noong nagkita kami. Pero paano... paano.... sino? Sino ang may pakana nito.? Naramdaan ko na lang ang sarili kong umiiyak dahil dito.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com




No comments:

Post a Comment