by: Dylan Kyle
“Bilisan mo jan... babagal bagal ka
jan eh.... anong tingin mo sa sarili mo ha? Kala mo... sampid ka lang dito....”
Isang sigaw na nakakabulahaw.
Nakapagtataka kung kanino nanggagaling ang mga tinig na ito. Galing ito sa
isang taong marami raming naranasang kalungkutan, kapighatian at kung anu-anong
pag hihirap. Kung susumahin ba eh maniniwala ba kayong nanggagaling ito sa
aking mga boses.
Oo ako nga. Ako ang bida sa storyang
ito pero di lang yan. Ako din ang tumatayong kontrabida sa pinsan kong malandi
at haliparot. Oo yan ang tingin ko sa pinsan ko matapos niyang agawin ang lahat
lahat sa akin.
Ako si Nicko. Pierre Nicko Mercado, 24
taong gulang. Isang owner ng isang natatanging shop. Masaya ako, maayos at
maaliwalas ang buhay kasama ang best friend kong si Annie, yan eh before pa
umeksena ang kontrabida at bida-bidahan kong pinsan, si Rona.
Siya ang sumira sa akin, sa pageksena
niya sa buhay ko. Dahil sa kanya kaya pati mga magulang ko ipinagtabuyan ako.
Ipinagtabuyan ako dahil sa aking pagkatao. Kaming lang nila Annie, ako,
Rona, Anthony at mga kabarkada ko ang
nakakalam ng aking totoong pagkatao. Tandang-tanda ko pa lahat ng nangyari noon
kung gaano kami ka close ni Rona.
______________________________________________________________________
“Insan, salamat sa regalo mo ha....
naku, naapreciate ko talaga... ang ganda oh.... ang swerte talaga sayo ni
Anthony...” sabi ni Rona sa akin.
“Hahahah... adik ka... thank you gift yan sa
lahat... pati sinu-sino ba ang magtutulungan? Diba tayu-tayo lang din? At kung
sa swertehan nga lang eh, naku, nakaswerte ako sa mahal ko....” sagot ko.
3 taon na kami ni Anthony mag bf. 19
years old ako at 3rd year college ako sa kursong business management major in
marketing at siya naman ay 3rd year college din at may kursong Mechanical
Engineering nung naging kami. Nakakatuwang isipin kung paano nagsimula ang
lahat-lahat sa amin.
“Babe... andito na ako..... muwah..”
bati sa akin ni Anthony.
“O... ayan ka na pala.... musta ang
work? Pagod ba?” tanong ko sa kanya.
“Ayon...kakapagod...pero makita pa lang kita
eh nawawala ang pagod ko....” pambanat niya.
“Ang sweet ninyo naman..
nakakinggit...” sabat ni Rona.
“Eheheheh.... oo nga eh...kasi naman
etong si Babes eh... hahahah...” sabi ko.
_______________________________________________________________________________
“Sorry na pinsan sa lahat.... di ko
naman sinasadya eh...” nakita kong umiiyak kong pinsan.
“Kulang pa yan sa ginawa mo sa buhay
ko.... hindi mo alam kung gaano ako naghirap...
I will be your worst part of your life..... until the day I die...”
pagmamatigas ko.
Biglang dating ni Anthony sa eksena.
“Bull****... anong nangyayari dito?
bakit mo ba siya ginaganyan.. magpinsan kayo remember?” awat niya sa amin.
“Magpinsan? Parang di naman.. at saka.... as I
can remember ay that was 2 years ago before ka niyang agawin sa akin at sirain
ang buhay ko....” sagot ko.
“Pero... the fact remains.... at isa
pa...let just forget what happen... it was 2 years since that incident happen.
Lets forget that.... kasal na kami... at may anak na...” pagpapamukha sa akin
ni Anthony.
“Alam kong masaya ka na jan sa piling
ng haliparot na yan...pero di mo ba nararamdaman? Handa akong maging kabit...
willing ako mag beg ng pagmamahal mo.... mahal na mahal kita...sobra..... it
hinding-hindi ako bibitaw hangga’t mahal mo ako....” panunumbat ko sa kanya
habang nakaluhod sa kanyang harapan at umiiyak.
“Pero Nicko... hindi na tayo pwede.....
hinding-hindi na.....sana maintindihan mo...” sabi sa akin ni Anthony.
“Di ko aakalain na di mo ipaglalaban
ang pagmamahalan natin... akala ko mahal mo ako... oo tinanggap kita ng malaman
ko na may nangyari sa inyo niyang malanding yan...pero ikaw ang sumuko
agad....” at tatakbo akong pumasok sa loob ng aking kwarto.
Oo kung ira-rating ang aking
pagkatanga eh nangunguna na ako sa lahat. Tanga na kung tanga pero mahal ko
talaga siya. Ang buhay ko ngayon eh parang isang telenovela. Kahit na may nagawang
kasalanan siya sa akin, heto ako at buong-buo tinanggap siya at nagpapakabaliw
para lang manlimos sa kanyang pagmamahal.
Kahit pa sabihin nila na baliw ako, di
ako susuko hanggat di ko siya naaagaw mula sa makati kong pinsan. Bakit ba kasi
ang unfair ng mundo sa akin? Sobra, minsan nga dumating sa punto na mag laslas
ako. Lahat na nawala sa akin. At si Annie na lang ang masasabi kong nanantiling
nandiyan sa akin. Habang nagdadrama ako sa kwarto ko, unti- unti bumabalik sa
akin ang lahat-lahat. Mula ng puntong magkakilala kami ni Anthony.
______________________________________________________________________
Isa lang akong simpleng estudyante
noon. Mabait, mapagkakatiwalaan, mapag-alaga,
maalalahanin, masipag at marami pang
iba. Jan ako nakilala ng mga kaeskwela ko. Katamtaman lang ang aking height
dahil tamang tama lang sa age at weight ko. Maganda ang built ng body ko dahil
na rin sa pagbabasketball at pag gy-gym kung minsan sa araw ng sabado.
Si Annie ang bestfriend ko mula pa noong 4th
year highschool. Di lingid sa aking kaalaman kung ano ba talaga ang aking
pagkatao. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ganun na lang ang pagka
attract ko sa mga lalaki lalo na pagnakakakita ako ng ilan. Graduation day noon
at yun, inamin kong lahat kay Annie ang nararmdaman ako. Sa una nagulat siya,
di makapaniwala. Nagkaroon kasi ako ng 4 na girl friend at di niya inaasahan
ang nalaman niya.
“Best... kung ano ka man... andito
ako.. tanggap ka at mahal na mahal kita best....kahit anong mangyari...di kita
iiwan..at pababayaan... best friends forever..til the end...” sabi niya.
Buti na nga lang at pareho kami ng
school na pinapasukan at pareho din ng course. At siya ang unang nakaalam ng
tungkol sa amin ni Anthony.
Late na ako ng araw na yon at
nagmamadali ako. May binubulatlat akong mga papers ng di sinasadyang mabangga
ko ang isang lalaki.
Di ko na nagawang tignan siya dahil sa
nagmamdali ako. Pinulot ko na lahat ng gamit ko at yun na umalis na ako.
Nagsorry ako ng bahagya ng di tinitignan ang kanyang mukha.
Ng lunch break na, doon ko napagtanto
na maling notebook ang napulot ko at nagkapalit kami. Kaya ako, imbes na kumain
eh naglibot sa campus kasama si Annie.
“Best.. gutom na ako... nu ba yan....”
reklamo ni Annie.
“Sorry best ha....una ka na
kaya..sunod na ako....” sabi ko.
“Naku.. yan ang di pwede...di kita
iiwan..tara na nga...dali at makakain na tayo.” Sabi niya.
Sa kasamaang palad, yun na nga, at di
ko nakita. Kaya disappointed ako buong araw.
Pagkadating ko sa bahay eh humiga agad
ako. Wala pa sila mama at papa dahil sa work.
Binuklat ko laman ng notebook nung
nakabangga ko Joseph Anthony Reyes pala ang panaglan niya. Ang adik ko, di ko
nakita yung mukha noong nakabangga ko. Pero yun, sobrang humanga ako sa ganda
ng sulat niya.
Puro calculations ng physics at math
ang notebook na yun. Engineer siguro yung course nito. At habang binubuklat ko
ito, nakita ko ang isang picture sa notebook niya.
Namangha ako sa angkin niyang
kagwapuhan. Maputi, ganda ng ayos ng buhok, at marami pang iba. Di ko maialis
ang tingin ko sa kanya. Kaya ayon, kinuha ko ang cellphone ko at hinuhanan ng
picture. Di pa ako nakuntento at iniscan ko pa yung picture niya.
Tsaka ko lang napansin yung nakasulat
sa likod ng kanyang picture.
“Kung sino man makapulot nito o yung
note book na to... kindly write down your name and signature... thank you...”
at dahil sa kakulitan ko, ayon at isinulat ko ang aking pangalan.
At sa katapusan ng page, may nakalagay
na cellphone number. At agad kong tinawagan yung number.
“Hello... good evening... who’s on the
line please?” sagot ng nasa kabilang linya?" Grabe, ang ganda ng boses
niya. Gwapong gwapo.
“Ahm... I’m Pierre Nicko Mercado....
may I ask if you are Mr. Joseph Anthony Reyes?” sagot ko.
“Ahm... yup... why po?” tae, grabeng
englishan to.
“Kasi po, ako yung nakabanggaan mo
kania... humihingi po ako ng sorry sa nangyari. At isa pa po, nagkapalit po
tayo ng notebook.... kanina ko pa po kayo hinahanap sa school kaso di ko na po
kayo nakita....” sabi ko.
“Ah....kaw pala yun..nako sorry din po
ah...di kasi ko tumitingin kanina sa dinadaanan ko weh...sorry talaga....” sabi
niya.
“Nako ako yun...kaw talaga...nga po
pala.... don’t mind my asking...kailan ko po pwede makuha yung notebook ko?”
tanong ko.
“Ay oo nga pala..... kung gusto mo
mamaya eh.... im free naman at ayon....” sabi niya.
“Mamaya malayo ka pala ha... pati
nakakhiya naman po...” sabi ko. “Im here naman sa Sta. Rosa Laguna, kaw po ba?
Pati it’s okay, wala akong gagawin ngayon.” Sabi niya.
“Ah...malapit lang....dito din ako sa
may Sta.Rosa eh... sa may balibago...” sabi ko.
“Ah.... same tayo...sa balibago din
ako...” sabi niya.
“Nice naman oh...ahahhaha... what a
coincidence.....” sabi ko.
“So.....pwede ka ngayon?” tanong niya.
“Uhm...okay po....san po tayo kita?”
tanong ko.
“Sa may SM na lang...around 5 pm....okay ba?”
“Uhmm..sige sige...i will be
there.....see you....txt txt na lang po.....” sabi ko.
“Okay...see you...” at yun binaba ko
na yung phone.
Ewan ko kung bakit ako pumayag pero
isang reason lang yung tinitignan ko, dahil sa note book. Pero di ko
maintindihan kung bakit para bang mayroon pang ibang dahilan.
Pero sinantabi ko muna ito. Nagtext na
ako kila mama na aalis ako ng around 4:30pm. Nagpahinga lang ako saglit at
mayamaya, maliligo na ako. First time kong makikipag meet at sa lalaki pa. Kung
sa pagkatao ko lang eh excited ako na hindi ko maintindihan.
Totoong naatract din ako sa lalaki at
tagong tago ang aking pagkatao. Tiyak na ipagtatabuyan ako nila mama kung
malaman ang aking pagkatao.
After 30 mins na pagpaphinga eh naligo
ako. Maaga kasi ang uwian namin kaya ayon. Naligo ako at ewan ko ba pero
talagang binabad ko ang sarili ko. Grabe akong nagahanda sa sarili ko. I
lang beses kong sinipat-sipat sa
salamin ang aking sarili. Siya kaya talaga ang nasa picture? Nacurious ako. At
exactly 5 pm na sa SM na ako. I was about to txt him pero naunahan niya ako.
“Here na ako... dito sa may 2nd floor
sa may food court tapat ng Kusina ni Gracia wearing Blue poloshirt and maong
pants” natawa ako bigla sa text niya. Detelyadong detelyado pa ah.
Habang paakyat ako, kinakabahan ko. Di
ko maintindihan kung bakit. Hanggang sa magsimulang mag hanap ang aking mga
mata. Una kong hinanap ang kusina ni Gracia.
At sumunod eh yung lalaking nakablue
poloshirt. Nakatalikod siya at nakaupo. Lahat ng definition eh nandun sa
lalaking nakatalikod. Habang papalapit ako eh ayon na ang kaba sa aking dibdib.
Hanggang sa makarating ako sa
kinaroroonan niya at sa lamesa na puno ng pagkain at sinalubong ako ng ngiti at
nakipagkamay sa akin. Di ko namalayan at mapigilan ang mapatulala na lang. Para
akong nalulusaw sa kanyang mga titig.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
Akala ko sa picture lang ako
makakakita ng ganitong kaamong mukha. Di ko napigilan ang mamangha sa kanyang
kagwapuhan. Tila ba isang anghel na bumaba sa langit at ibinigay sa akin. Di ko
maialis ang tingin ko sa kanya. Namalayan ko na lang na nakatitig ako sa kanya
ng bigla niya akong kinausap.
“Pre...ayos ka lang?” tanong niya.
“Ah...aH...ehh....oo...pasensiya ha...
may naisip lang ako....heheheheh” palusot ko.
“Nga pala.... Joseph Anthony
Reyes......” sabay abot ng kamay.
“Pierre Nicko Mercado pre....” sabi ko naman
at inbabot ko ang kamay niya.
Tila ba ayaw ko pang alisin ang kamay
ko sa kanya. Napaka lambot ng kanyang mga kamay at alam kong masipag siyang
bata dahil sa kakaibang textue nito .
“Tara kain muna tayo..... yaan mo
treat ko.... this is actually my first time na makipagkita...or may I say
makipag eyeball....” sabay ngiti.
Grabe, kakaiba pag ngumiti ang
lalaking ito. Makalaglag panty ika nga. Ang cute na, gwapo pa. San ka pa. Ang
swerte talaga ng magiging gf nito.
“Naku....nakakhiya sayo.....nagpakain ka pa,
di na naman kailangan...” giit ko.
“Its okay... its a special today.....”
sabi niya. “Oh...talaga... may ocassion po ba?” tanong ko.
“Ahahha...actually...Im happy that Im
with you and together we Celebrate my 19th birthday.” Nagulat ako sa nalaman
ko.
Birthday niya pala. “Hala.... happy
birthday pre.....” sabi ko.
“Thank you”.
“Teka... bakit ako ang kasama mo?
Nasan ang pamilya mo? Bat di mo sila kasama? Di ba sila dapat ang kasama mo?”
tanong ko sa kanya at nakita ko bigla ang pananmlay niya.
“Let’s eat muna bago tayo
magkwentuhan...” at kumain nga kami.
After namin kumain, nag gala gala muna
kami sa loob ng SM. It’s been a long time ng makagala ako ng may kasamang iba.
Pero it’s my first time na gumala kasama ang isang stranger. Ng mapagod kami,
umupo kami sa may gilid ng isang mini fountain dun sa ground floor. Nagsimula
akong magtanong.
“Anong year muna pati anong course
mo?”
“Ahm.... Mechanical Engineering and Im on my
Third Year... how about you?”
“Im 19 years old... Business Management major
in Marketing and Im on my third year...” sagot ko.
“Ah...nice naman....ang galing...hehehhe..”
sabi niya.
“Ikaw nga magaling jan oh..
engineering....heheheheh” sabi ko.
“Di naman...”
“Nga pala....where are your parents?
Maykapatid ka ba?” sunod-sunod na tanong ko.
Kitang-kita ko ang pagkalungkot niya.
“Okay lang kung ayaw mong sagutin...sorry ha..nanghihimasok ako....” agap kong
sagot.
“Its okay naman eh...dont worry.....
its just a little upset na di ko sila kasama...... and I wish.... they have
time to spent with me.....” sabi niya.
“Magkapareho pala tayo...yan din ang
hinihiling ko... ang magkaroon ng kasama sa buhay.... kahit minsan lang...kahit
si mama at papa.... lagi na lang si Kuya ang umaalalay sa akin...si kuya ang
naghatid sa akin sa stage nung nagmartsa ako nung graduation.... how I wish na
itigil muna nila ang pagtatrabaho nila para lang samahan ako sa special day ng
aking buhay....” malungkot kong sabi.
“Parehas lang din tayo. They never spent time
with me nung lumago ang business nila. May kapatid akong lalaki at siya lang
din ang reliable sa akin. Si kuya Ryan lang ang siyang handang umalalay sa
akin. Siya lang ang nandiyan... siya nga lang ang nag greet sa akin eh....katangi-tangi
siya. Di man lang ako binati nila mama at papa.... masyado na silang busy sa
kanilang pagpapayaman.....oo nga mayaman kami sa pera pero kung sa
pagmamahal... walang wala ako....I know naman na para sa amin ginagawa nila
eh...pero how I wish they can spent a little time just to be with me...just to
hang out...yun tipo bang tatanungin ako na.. anak... kumain ka na? How’s your
school? Di ba?... yan naman ang gusto ng lahat.....” mahaba niyang pahayag.
Nakakarelate naman ako. Pero di naman ganun
masayado sila mama. They are busy pero they have a little time kahit papano pag
kailngan talaga.
“Sorry ang drama ko ha.... ganito
talaga ako.... sa school wala akong makausap... wala akong kabarkada..... di
kasi ako pala kaibigan eh... mahiyain pa.....” sabi niya.
“Ah kung gusto mo we can be a good
friends, sama ka sa amin. May barkada ak .at masaya kaming kasama promise....
wag ka ng mahiya ha....”
“Thanks ng marami.....buti na lang at
nakita at nakilala kita... oo nga pala.. yung note book mo nandito..... eto
oh...” sabay abot sa akin nung note book.
“Yung sayo naman eh eto po....” bigay ko naman
sa kanya.
At dahil lumalalim na ang gabi
napagpasiyahan na naming umuwi.
“Nicko... salamat ng marami ha..... its a
memorable birthday ever...” bigla siyang yumakap sa akin ng mahigpit.
Nagulat ako sa ginawa niya. Pero di
ako nag pahalata ng aking pagkagulat. Matapos siyang umalis doon ako nakaramdam
ng labis na pagkatuwa. Naramdaman ko rin sa wakas ang may yumakap sa akin.
Takte. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Sobra, para bang iluluwa na nito yung puso ko sa sobrang bilis. Di ko alam pero
mukhang nag kakacrush na ako sa kanya.
________________________________________________________________________________
Natigil ako sa pagmumuni-muni sa aking
kwarto ng biglang may kumatok sa aking kwarto. Di ko namalayan na malalim na
ang gabi at di ko alintana ang gutom. May lingid din ng luha ang aking mga
mata.
“Sino yan?” tanong ko.
“ako to, si Anthony...”
“Anong ginagawa mo dyan? Umalis ka
na....” sabi ko.
“Please let me enter....” sabi niya.
“Saan mo ba gustong pumasok, sa pinto o sa
akin?” pabiro kong sabi.
Natawa ako bigla sa sinabi ko. At
pinagbuksan ko na siya. Bigla siyang pumasok at kinandado ang pinto.
“Pwede bang pareho?” sabi niya.
Nagulat ako sa sinabi niya sabay yakap
sa akin ng mahigpit. Niyakap ko din siya. Na miss ko to ng sobra. Bigla bigla
niya akong hinalikan ng kay tamis.
Maingat at puno ng pagmamahal ang
naramdaman ko sa kanyang mga halik. Halik na nanabik. Sinulit ko na ang
pagkakataon. Unti-unti kaming nahubdan hanggang sa wala ng saplot ang aming
katawan. Di pa rin nagbabago ang ganda ng kanyang katawan.
Di nakaksawang tignan. Di na ako
nagtataka kung bakit sobrang dami ang naghahabol sa kanya. Nakahiga kami sa
aking kama at dinadama ang katawan ng bawat isa. Mga impit ng ungol lang ang
naririnig ko mula sa amaing dalawa. Bumaba ako sa kanyang pagkalalaki at
unti-unti ko itong isinubo.
Kitang kita ko ang para bang sabik na sabik na
katawan. Napaisip ako kung nag tatalik ba sila ni Rona. Para kasing matagal ng
hindi nakikipagtalik si Anthony dahil sa sabik na sabik siya sa akin.
At sa muling pagkakataon, dinama namin
ang isa’t-isa at nilasap ang buong gabi.
Tumabi siya sa akin at niyakap ako ng
mahigpit. Di ko maintindihan kung bakit tumutulo ang aking mga luha sa puntong
ito. Sobra kong namiss ang mga tagpong ito.
“Sorry kanina ha.... kung nasigawan
kita...di ko intention yun...” sabi niya.
‘Okay lang...nakabawi ka naman... salamat
dito...di mo alam kung gaano mo ako pinasaya.” Sabi ko sabay halik sa kanyang
pisngi.
“Namiss kita ng sobra....” sabay hawak sa
aking pisngi at hinalikan ako sa aking mga labi. Ramdam na ramdam ko ang
pananbik niya. Tila ba isang batang inagawan ng gatas na iinumin.
Matapos ang aming halikan, nakita ko
sa kanyang mukha ang kalungkutan. Nakita ko ang mga butil ng luha na namutawi
sa kanyang mga mata. Niyakap ko siya ng mahigpit.
“Mahal na mahal kita Anthony..... at
di ako papayag na di kita mabawi sa kanya...” sabi ko.
“Mahal na mahal din kita Nicko....
pero masasaktan ka lang sa gagawin mo....” sabi niya.
“Wala akong pakialaman... kaya ko to...” at di
na siya nakapagsalita.
Wala na siya sa tabi ko paggising ko.
Pero kahit ganon, ramdam ko pa rin ang mga halik at yakap niya. Naluluha na
lang ako pag naaalala ang nangyari sa nakaraan. Napakasaya namin noon,
mapayapa. Kahit na tago, tanggap naman kami ng mga kabarkada namin.
Sila ang tanging nagiging sandigan
namin. Walang iwanan yan ang sabi namin. At totoo naman talaga. Gig dito gig
diyan, gala dito gala diyan. Yan ang routine namin sa araw-araw matapos ang
graduation namin.
Nagtrabaho ako sa isang kumpanya noon,
sa kumpanya nila mama. Nagtrabaho ako ng 2 taon sa kumpanya nila mama at papa.
At nakaipon ako, buti na lamang at nakaipon ako at madiskarte kaya noong
palayasin ako ni papa eh di ako nahirapan maghagilap ng pera.
Pagbaba ko, naabutan kong naghahanda
ng almusal namin si Rona. Di ko mapigilang mag init ang ulo sa tuwing makikita
ko ang pagmumukha ng babaeng iyan. Gagawin kong impyerno at ipapadama ko sa
kanya kung gaano ako nasaktan ng agawin niya ang buhay ko.
Siya ang sumira ng buhay ko. Kaya ako
ang kontrabida ng buhay niya. Bidang-kontrabida ika nga. Lahat gagawin ko
mabawi lang ang mahal ko. Kayang kaya kong igive up kung ano ang meron ako
ngayon. Makuha ko lang si Anthony.
“Ano, handa na ba ang lahat?” tanong ko.
“oo”
“Sige tawagin mo na si Anthony...”
utos ko napara bang yaya si Rona.
Minsan kala ninyo puro masama lang
iniisip ko, pero nakukunsensiya din ako minsan sa pagpapahirap ko kay Rona.
Tinitigasan ko lang talaga ang kalooban ko pagdating sa kaniya.
Kakain na kaming lahat ng biglang
dumating si Ryan. Ang kuya ni Anthony na nakakaalam sa mga nangyayari sa amin
ni Anthony.
Gwapo, matangkad, talented, maganda
hubog ng katawan at masasabing crush ng bayan, yan ang aking paglalarawan sa
kanya. Pero bukod pa doon, siya ang nagiging hadlang sa aking mga plano na
sirain ang buhay ng malandi kong pinsan.
Lahat kinontra niya. Lahat-lahat,
minsan nga naisip ko kung may gusto ba to kay pinsan eh. Pero mukhang malabo.
Siguro naman hindi type nito ang isang kaladkaring babae na pag nangati at
magpapakapok pok na. Iba talaga ang galit ko sa pinsan ko at iba rin ang
ginagawang paghadlang nitong Ryan na to.
Tandang-tanda ko pa noong una kaming
nagkita noon. Close na close na kasi kami ni Anthony kaya minsan eh pinapunta
nito ako sa abhay nila dahil may lakad kami. Kakaiba ang pagattagpo namin ni
Ryan ng mga panahong yun.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
Naghihintay ako noon sa sala nila
Anthony ng biglang lumabas ang kuya niya. Malaki ang bahay nila Anthony dahil
mayaman sila. Dahil nga kampante na sila lang ang tao eh ayon, nagulat na lang
ako ng lumabas siya sa kwarto niya ng nakaboxer shorts lang at walang suot pang
itaas.
Kitang kita ko ang magandang hubog ng
kanyang katawan at alam ninyo na yung isa. Hindi ko maiwasan ang titigan siya
dahi sa angkin nitong kagwapuhan. Nagulat din siya ng makita ko sa may salas
nila.
“May bisita pala si
utol...hahahah...pagpasensiyahan mo na ganito suot ko... sanay kasi
ako...hahahah... Ryan tol....” sabi ng kuya niya.
“Nicko tol...hehehehhe” sagot ko.
“Ngayon lang nagpapunta ng kaibigan si
Anthony dito...mukhang swerte ka ah...hahahah...bihira kasi yan makipagkaibigan
at nagulat na lang ako na pinapunta ka na pala dito.......sige sige...kala ko
kasi walang tao kaya basta na lang ako lumabas... sige tol......hahahah... may
gusto ka bang inumin o kainin?” tanong ng kuya niya.
“Okay lang.... kumain ako sa
bahay...heheheh” sabi ko.
“Pagpasensiyahan mo na yang si bunso...napaka
tagal ha...hahahah...sige sige...” pamamaalam niya.
Sa tagpo namin yun, di ko maintindihan
kung bakit na lang ganun kakapit sa aking isipan ang tagpong iyon. Hanggang sa
lumabas na si Anthony sa kwarto niya galing sa taas at bumaba sa hagdanan.
”Pasensiya sa paghihintay
ha...naku...tanghali ako nagising tol eh...hahahha.....sige tara na.....” yaya
ni Anthony.
“Nu ba yan.. ang tagal... dahil diyan
eh lilibre mo ako...” pabiro ko sa kanya.
“Sige ba, basta ikaw
eh......hahahahha” sabi niya.
Ganyan na kami kaclose. Para na kaming
magkapatid nan. Minsan nga eh sa amin na halos tumira yan. Makikita ko na lang
sa bahay na may dalang bag at parang naglayas.
_______________________________________________________________________________
“At nandito na naman pala ang
ex-kapatid ko.....” pang aasar sa akin ni Ryan.
“Eh ano naman?” sagot ko.
“Taray...meron ka ba ngayon?” sabi
niya.
At nakita kong napangiti si Rona.
“Wag ngang ngingiti ngiti diyan yung
malandi...” parinig ko.
“Hanggang ngayon ba... di mo pa rin
natatanggap?” tanong ni Ryan.
“Wala akong dapat tanggapin Ryan. At
di ako papapigil sayo...” at tumayo ako para pumasok sa kwarto para maligo.
Di na lang umiimik si Anthony sa mga
nangyayari. Ramdam ko din naman na nahihirapan siya. Dire-deretso ako sa kwarto
at naligo.
Habang naliligo ako, sinisipat ko ang
katawan ko. Ramdam ko pa rin ang mga nangyari kagabi. Nagsuot lang ako ng brief
at boxer shorts saka lumabas ng banyo sa kwarto ko.
Nagulat na lang ako ng makita ko na
nakahiga sa kama ko si Ryan at nanunuod ng TV.
“O, anong ginagawa mo dito? lumabas ka
nga....pasok ng pasok di naman nagpapaalam...” sabi ko.
“Bakit ba... masama bang pumasok sa kwarto ng
future asawa ko na ex ng kapatid ko?” pagbibiro niya sa akin.
“Spell ASA no... atsaka ako nga ay
tigil tigilan mo... di ako nadadaan jan...at kung tingin mo dahil lang jan sa
ginagawa mo eh titigilan ko si Rona eh nagkakamali ka.... umalis ka na lang
dito....” biglang tayo niya at pumunta sa harapan ko.
“Hindi ka ba nahihirapan? Hindi ka ba
nasasaktan sa ginagawa mo? Are you not tired of hurting yourself? Till when ka
magkakaganyan?” tanong niyang sunod sunod.
“Till he get tired of hurting me...
hanggang sa bumalik siya sa akin.... alam mo naman ang pinag daaanan ko...alam
mo yan....sana naman maintindihan mo ako.... sana naman sinusuportahan mo
ako......” biglang tulo ng luha ako.
Nabigla na lang ako ng bigla-bigla
niya akong niyakap ng mahigpit at inalo. seryoso ang pananalita niya. matagal
tagal na rin akong nagstay sa bahay nila. plinano ko talaga na doon ako mag
stay in. gusto kong ang pinsan ko ang mismong sumuko.
“Ako na ang nagsasabi sa yo... ayokong
nakikita kitang umiiyak... nasasaktan.... mabait kang tao, espesyal. Di mo
dapat dinadanas yan kaya heto ako hinahadlangan lahat ng ginagawa mo kasi mas
makakabuti sa’yo yan...” sabi niya.
Bigla bigla na lang bumukas ang pinto at
iniluwa ang bulto ni Anthony.
Nakita niya ang posisyon naming dalawa ni
Ryan. Kitang kita ko ang reaksiyon ng mukha niya. Napabalikwas ako at ipinahid
ko na alng ang luha sa aking mga mata.
“Anthony.....” nasambit ko.
“Pasensiya....nakaistorbo ako...” at
tuloy tuloy siyang lumabas.
Hahabulin ko sana siya kaso pinigilan
ako ni Ryan. Lumabas na rin siya para makapagbihis ako.
Mabilis pa sa alas kwatro ng ako ay
makapagbihis. Di ko na nadatnan sa baba si Anthony.
Si Ryan na lang ang nakita ko habang
si Rona ay nasa kusina. Tuloy-tuloy akong lumabas sa bahay di ko naman
namalayan na nakasunod sa akin.
“O ano, mang iinis ka na naman? kung
ako sayo eh susuko na ako...” sabi ko
“Hinding hindi ako titigil no...sarap mong
asarin at isa pa mali naman talaga ginagawa mo eh.” sabi niya.
“Hay nako, pauli-ulit na lang. Let’s
stop this nonsense conversation, right? napapagod ako” sabi ko.
At yun nanahimik na lang kaming dalawa. Habang
naglalakad kami papuntang sakayan eh napadaan kami sa may isang basketball
court.
May naalala na naman ako sa nakaraan.
Isang kahanga-hanga na tao na siyang ikinainspired ko.
_______________________________________________________________________________
Makikipagkta kami kay Annie at sa mga
kaibigan namin dahil magswimming kami ng mga tatlong araw. Ang usapan kasi eh
sa may court kaya doon kami dumiretso.
May mga kabataan na naglalaro at yung
iba eh yung mga kababata ko. Niyaya nila akong maglaro at dahil wala pa naman
sila eh maglalaro muna ako.
Niyaya ko naman si Anthony at di siya
tumanggi. Ngayon ko pa lang nakita maglaro si Anthony.
Kahanga- hanga siya dahil sa angkin
niyang galing. Napaptigil ako sa laro kapag napapadako ako sa kanyang mga
mukha. Pero pilit kong iwinawaglit ito. Natapos kami sa paglalaro ng biglang
dumating si Annie.
Itinigil na namin ang paglalaro at
nagpahid ng mga pawis sa katawan.
“Grabe...galing mo boi.....” sabi ko.
“Naku..hindi ah..ikaw nga magaling jan
eh...” sabi naman niya.
“Aysus... wag ka ngang pahambog
jan...”
“Aysus... hindi kaya....tuktukan kita
jan eh... makita mo...”
“Hay naku...kayong dalawa eh mag ayos na
jan....tignan ninyo...ang lalagkit ninyo....ewww...” sabi ni Annie.
“Aysus......adik mo best...” sabi ko kay
Annie.
“Ahh...sige sige na...bilis bilis....”
at yun matapos naming mag ayos eh
saktong dating ng mga kabarkada namin naging maayos ang simula namin doon.
Nakarating kami ng mga tanghali, pero
nalintikan na nung sumapit ang gabi dahil sa kakaibang nangyari.
___________________________________________________________________________
“Napaptulala ka na naman jan” narinig
ko na lang na sabi ni Ryan.
“Bakit ka ba nangingialam?” pagtataray
ko.
“Concern lang ako no..” sabi niya.
“Huweh... di nga? Parang di halata.
Concern daw, san kaya banda no?”
“banda rito banda doon...”
“He....tumigil ka jan.... bugbugin
kita jan eh...”
“Sige nga subukan mo... bakit kaya na
ba ng katawan mo?”
“Oo naman...ikaw lang naman ang takot
jan...”
at nagsagutan lang kaming dalawa. Para
kaming mga sira na nagbabangayan sa kalye.
Hanggang sa shop eh sumama sa akin si
Ryan. Yun nga ang ikinasususot ko. Bakit ba kailangan pang sumunod ng balahuras
na ito. Ang sarap pagpupukpukin eh.
Isa pa tong si Annie. Bungad na bungad
pa lang pagpasok ko eh kinantyawan agad ako.
“oh....good morning to our newest
sweethearts......” sabi niya.
“Sweet heart ka jan. Gusto mo ng
bugbog?” sabi ko.
“Naku pagpasensiyahan mo na nga yang si
Babe.... sobra lang mainit ang ulo....di ko kasi nalambing kanina....” sabay
tawa.
“Hahahah...so funny.... at sa sobrang
nakaktawa eh nasusuka lang ako...” sabi ko.
“Hala babe, buntis ka? Yes... daddy na
ako...” patuloy na pagtawa pa nilang dalawa.
baradong barado ako ngayon. di ko alam
kung ano na susunod kong gagawin. hay kulit niya talaga. suko ako.
“Naku naku naku... nasususot na ako sa
yo...umalis ka na nga dito..gusto mong ipapulis pa kita ha?” pagtatas ko ng
boses.
“At bakit naman... gusto ko lang naman
bantayan ikaw ha.... masama ba yun?”
“oo masama... kaya umalis ka na dyan
at baka sa atin magmula ang world war 4.....”
“teka....meron na palang world war 3?”
tanong ni Ryan.
“Oo.... yung sa amin ng haliparot at malandi
kong pinsan.!!!!” Pasigaw kong sabi.
Puro tawa lang ang ginawa ni Annie sa bangayan
namin. Nakakapagod din minsan ang trabaho ko.
Since lumalaki na ang aming shop at
padagdag ng padagdag ang branch namin, lalong nakakapagod. Minsan na lang kami
makapagkwentuhan ni Annie.
“Pahinga ka muna best... stressed out
ka ngayong araw....” sabi ni Annie.
“Nako... oo sobra...simula pa lang
kaninang umaga dyang sa balahuras na si Ryan na yan... ayaw akong tantanan
talaga eh... sobrang nakakasar talaga.... pero nagiging okay naman ako dahil sa
trabaho.. natutuwa ako at lumalago na yung shop natin... at siyempre.... isa sa
mga nakakatanggal ng stressed out ko ay yung pagcocomfort ng pinakamamahal kong
best friend...” sabay yakap sa kanya.
“Aysus... nakakapambola ka pa
talaga.... hahaha...pero I am happy na nanjan ka... hehehhe... nga pala.... iba
na ang tingin ko sa paghahatid sundo sa iyo ni Ryan ah....” sabi niya.
“Naku...wag mong dagdagan ng malisya
yun. Nakakinsulto lang sa pagkatao ko. At isa pa... walang makakapalit sa
Anthony ng buhay ko...” giit ko.
“Kaso nga lang...pamilyado na... di ka pa ba
susuko...?”
“Pati ba naman ikaw Annie? Pinapasuko
muna ako?”
“Hindi naman sa ganoon kaso masasaktan
ka lang eh.. mahihirapan ka lang..... pati concern lang ako sa iyo...”
“Pero mahal ko siya at mahal pa rin
niya ako... Diba pag love pinag lalaban?”
“Basta, pag naramdaman mo na sumuko ka
na.. andito lang ako para i comfort ka..”
“thanks ng marami... maraming salamat
talaga.”
Napansin siguro niya ang pananhimik ko
ulit kaya niya ako kinalabit.
“uhm.. naalala ko lang yung dati....
kung paano inamin sa akin ni Anthony yung nararamdaman niya... sa harapan ko,
mo, at ng kabarkada natin...”
at tuloy tuloy na bumalik ang aking
isip sa nakaraan.
________________________________________________________________________________
Lasing na ang karamihan at ang iba
naman ay may tama na. Napansin kong namumula na si Anthony kaya pinapatigil ko
na siya. Pero ayaw niyang magpaawat.
Nagyayang maglaro kami ng truth or
dare si Annie. Ayaw ko sanang sumali kaso yun nga sabihan ba naman na K.J ako.
Kaya napasabak ako. Unang napatapat
kay Dino yung bote. Dare ang pinili niya kaya may consequence na pinagawa sa
kanya. Sobrang nakaktuwa at saya ng larong ito.
Nakailang ikot na ang bote ng mapatapat
ito sa akin. Dare ang pinili ko. At ang consequence, halikan ko daw si Anthony
sa pisngi.
“Grabeh yan ha.... takte kayo...pati
ba naman si Anthony.”
At yun nagsigawan sila na gawin ko na
daw at dala na rin sa tama eh hinalikan
ko na siya pero lasing na rin itong si Anthony kaya nabago niya ang posisyon ng
mukha niya kaya nahalikan ko siya sa labi.
Smack lang naman. Nagisisng ako bigla
doon at natauhan. Nagsigawan naman ang lahat.
Kakaibang sensasyon ang naramdaman ko. Kakaibang
pandama ang bumalot sa pagkatao ko.
Nakailang bote naman bago matapatan si
Anthony. Truth ang pinili niya.
Si Annie ang nagtanong.
“Ano ang pangalan ng mahal mo?” at
naghiyawan ang lahat.
“Naku.....adik kayo...talagang
kailngan ganyan.... hehehhe....” at nagsigawan ang lahat na sabihin na daw
niya.
"Oo nga sabihin na yan... "
sigaw ko.
“Ang pangalan ng..... ng.... ng mahal
ko.... ay... P..P.... ang pangalan ng mahal ko ay..... ay......” at nakita kong
tumulo ang luha niya.
Kasabay noon ang pananhimik naming lahat.
“ok lang kung ayaw mong sabihin..” sabi ko.
“Hindi...okay lang... dapat malaman na niya
to... di ko na kayang pigilin pa.... mahal na mahal ko na tong taong ito......
Ang pangalan ng mahal ko at minamahal ko ay Pierre Nicko Mercado!!!.....”
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
Si Annie ang nagtanong.
“Ano ang pangalan ng mahal mo?”
at nahiyawan ang lahat.
“Naku.....adik kayo...talagang
kailngan ganyan.... hehehhe....”
at nagsigawan ang lahat na sabihin na
daw niya.
“Ang pangalan ng..... ng.... ng mahal
ko.... ay... P..P.... ang pangalan ng mahal ko ay..... ay......”
at nakita kong tumulo ang luha niya.
Kasabay noon ang pananhimik naming
lahat.
“ok lang kung ayaw mong sabihin..”
sabi ko.
“Hindi...okay lang... dapat malaman na
niya to... di ko na kayang pigilin pa.... mahal na mahal ko na tong taong
ito...... Ang pangalan ng mahal ko at minamahal ko ay Pierre Nicko
Mercado!!!.....”
Halos lahat napatigil, natahimik at
hindi makapaniwala sa mga narinig. Para tuloy kaming nasa isang retreat field
dahil sa mga lagaslas ng alon ng tubig ang tanging naririnig namin. Di
makapaniwala ang lahat. Pati ako natulala sa mga nangyayari. Di ko alam kung
ano ba tong pumasok sa isip niya at ganun na lang ang sinabi niya.
Biglang nagsalita si Mark. “Tol....
hahah.. nakaktuwa.....galing mong magjoke ah......” pambasag niya sa
katahimikan.
“Tol... di ako nagbibiro...totoo ang
sinasabi ko... nahihirapan akong aminin... di ko alam kung bakit siya pa...
kung bakit siya ang hinahanap ng puso ko. Naguguluhan ako sa nararamdaman
ko....pero sigurado na ako.... mahal na mahal ko na ang best friend ko....
patawarin mo ako...” lahat sila nakatingin sa akin.
"Tol... okay lang yan...kahit
ganyan ka...naiintindihan ka namin...at tanggap namin ikaw maging sino ka
man....” sabi ni Ding.
“Salamat tol, ang hiling ko lang eh
tanggapin din ako ni Nicko kahit ganito ako. Pasensiya na, di ko alam kung
paano nagsimula basta nagising ako na si Nicko na ang laman ng puso ko.” Sabi
niya.
Tulala, yan ang description ko sa
sarili ko sa puntong iyon. Lumapit sa akin bigla si Annie at niyakap ako.
Matapos niyon eh hinila niya ako sa isang tabi at kinausap.
Di mawala ang tumingin sa amin ang
lahat.
“Best, this is the signal na hinahanap
mo. San ka pa best, ang taray ha. May gusto sayo si Mr. Heartrob. Sosyal,
tumataas ang appeal level mo. Share naman jan.”
Di ko maiwasan ang mapangiti sa mga
pinagsasabi ni Annie.
“Tuktukan kita jan eh, gusto mo?
Appeal-appeal ka jan. Kaw talaga.”
“Aysus, gusto mo naman. Yan oh,
nangingiti ka jan. Aminin mo nga, gusto mo ng aminin no? Ikaw talaga. Alam ko
na yan, aminin mo na. Mahal mo siya, mahal ka rin niya. San ka pa? Dito ka na?”
sabi niya.
“Dami mong alam ah. Tulak kita jan eh.
Ahahah.”
“Sige nga, push me.... and then stat
me.... and I will send my......” biglang singit ako.
“Tumigil ka na... hahaba pa ang usapan
natin.... Di na kailngan aminin pa best.... ayokong gumulo ang buhay ko.
Ayokong gumulo ang buhay niya at buhay naming lahat.”
“Aysus, pakipot ka lang...” bulong
niya.
“Ano?” tanong ko.
“Ah eh wala sabi ko tara na
señorito...” at bumalik na kami.
“Let’s call it a night. Gabing gabi
na. Tulog na tayo guys.” Yaya ko.
Sumang-ayon naman silang lahat sa
sinabi ko.
______________________________________________________________________________
“Nako best, cheer up na jan. Pagod
lang yan kaya naiisip isip mo pa rin siya. You can survive without him naman
eh.” Pagpapanatag sa akin ni Annie.
“tanda ko pa naman dati na ikaw pa ang
nagtutulak sa akin noon sa kanya. Tapos yun nga, hanggang sa maging kami. Ilang
linggo ko siyang iniwasan noon. Pinigilan ko ang sarili ko na tuluyan siyang
mahalin. Alam kong nagpapagulo ako sa isip niya. Noon kasi eh mas naisip ko na
dapat na lumayo ako. By that strategy eh mawawala ang nararamdaman niya pero
yun na nga, mas lumala. Nakakatuwa lang balikan ng mga pangyayari.” Biglang
tulo ng mga luha ko.
“Sige lang best, ilabas mo yan. Narito
lang ako, handang umalalay sa yo. I will be your friend till the end.” Sabi
niya.
Di ko na maiwasan ang mahagulgol.
“Bakit ba? bAkit ba best ganito ako ngayon? It was very nice life in the past 2
years. But it all ruined. Yang estupida at luka luka ko pang pinsan ang sumira
ng lahat. Alam mo best kung gaano ako nagpakamatay para lang tumagal kami tapos
sa isang pagkakasala lang. Isang gabing pagkakasala at salot na pangangati at
pagiging pokpok ng pinsan kong hinayupak. Bakit best? Bakit ako pinapahirapan? Ano
bang nagawa ko? I am trying to resist anything. Naging alila ako nila mama,
nagpakakuba sa pag aaral para lang masatisfy sila. But why? Bakit ko kailngang
magdusa ng ganito? Binawing lahat sa akin, bakit bakit? I hate my life best,
gusto ko ng mamatay. I want to die. I want to. But it can’t, why?”
todo hinagpis na ang inilabas ko. Alam
kong awang-awa na sa akin si Annie.
“May purpose naman siguro ang lahat.”
Sabi niya.
Naririnig ko na rin ang mumunting
hikbi ni Annie.
“Best, ayokong nakikita kitang
nagkakaganyan. Ayokong nasasaktan ka. Nahihirapan din ako. Naawa na ako sa yo.
You are perfect once upon a time, pero ngayon... i was totally disrated with
that woman. I want to take revenge sa ginawa niya sayo, but i couldn’t let
myself kasi alam kong magiging unethical lang ako. Pero sabihin mo lang best,
handa akong kalbuhin at ipahila sa kabayo yang babaeng yan para lang
mapaghigantihan yan.... Don’t cry na... tahan na....” sabi niya.
Pinahid ko ang luha ko at taas-noong
bumalik sa aking sarili.
“Salamat best, salamat sa lahat. Kung
wala ka, paano na ako. Thanks for everything. I owe you a lot. Thanks sa lahat.
Ikaw na lang ang natitira sa akin, wag ka sanang mawala ha. Wag mo akong
iiwan.” Sabi ko.
“I promise, till the day I die, I will be
there for you. Your true friend always.” At niyakap ko siya ng sobrang higpit.
nag ayos na kaming dalawa. Para lang
kaming mga artista na napapanood sa TV.
Pag uwi ko ng bahay, ramdam ko ang
hindi pag kibo sa akin ni Anthony. Alam ko na naman na mangyayari ito. Di na
rin ako kumibo at nanatiling tahimik ang buong paligid hanggang sa umeksena ang
napaka kontrabidang bidang-badahan na pinsan ko.
“Ang tahimik ata”
“malamang, walang nagsasalita, may
tahimik ba na maingay? Common sense insan.” Pambara ko.
Nakita ko ang pananahimik niya.
“Wag mo na lang siyang pansinin hon.”
Sabi ni Anthony.
“Mabuti pa nga. Think that Im invisible here.”
Sabat ko.
“mas mabuti pa nga.” Sabi ni Anthony.
Bigla akong tayo sa upuan ko ng
marinig ko na bumulong ang pinsan ko.
“hay, walk out na naman.”
Kala niya di ko narinig. Bigla kong
dinampot ang tubig at ibinuhos sa kanya. Bigla siyang napatayo at nagsisigaw.
“Ay..... putakteng buhay to... ano ba?
Bakit pati ako?” sigaw niya.
“At sumisigaw ka na ha? Bakit hindi
ikaw, ha? Ha? Bakit, kung hindi lang po dahil sayo, di sana maayos ang buhay
ko. Sana okay ako. Sana kapiling ko sila mama. Sana kami pa nitong asawa mo na
inagaw mo sa akin. Sana at marami pang sana. At ngayon ganado kang magsabi na
bakit ikaw? Mahiya ka nga. Kapal ng mukha mo din.” Sinigaw ko sa kanya.
“Kala mo ba di ako napapagod sa pang
aalipin mo? Napapagod na ako. Ilang beses ko ng sinusubukan na makipag bati
sayo pero ayaw mo?” sabi niya.
“Huh, kala mo ganoon lang kadali. Para po
ipaintindi sayo, NAPAKALAKING kasiraan sa buhay ko ang sinira mo. Malandi ka,
haliparot, boyfriend ko inahas mo, pinsan pa naman kita. Magkadugo pa naman
tayo tapos ganyan ha. Yan ba? Yan ba?” sabi ko sa kanya na ipinamumukha mga
kasalsanan niya.
“Tama na nga. Tumigil kayong dalawa. Nabibingi
na ako sa inyo.” Sabi ni Anthony.
“Ah, nabibingi ka na? Pasensiya ha?
Pasensiya. Kasi naman po pinapaalala ko lang jan sa magaling mong asawa na
napakalaki niyang estupida. Isang malaking ahas.” Sigaw ko.
“Tama na sabi diba? Please lang.
Magkabati na kayo. Nangyari na ang nangyari at nananatiling mag asawa na kami.
Kaya sumuko ka na. Isuko mo na yang puso mo. Ayokong nakikita kitang
nagkakaganyan. Ayokong nahihirapan ka
lang. Bitawan mo na ako. Bitawan mo na yang pagmamahal mo.” Nagulat ako
sa sinabi niya.
“Ahhhrggshh..... buhay na ito. Putakte
talaga. Ganyan na lang yon? Ha? Bibitaw ka na? nAhihirapan ka na? Palibhasa
nasarapan ka ata sa pakikipagkama mo jan sa malanding pinsan ko. Palibhasa hindi
ikaw ang nasaktan, palibhasa HINDI MO NA AKO MAHAL...... Di mo ako pinaglaban.
Kaya napakadali sayo ng lahat. Alam mo ba napapagod na ako? Napapagod na akong
maging kabit mo, napapagod na akong magpakatangang dahil sayo. Nahihiya na ako
sa sarili ko dahil nakikisiksik pa ako sayo. Wala na akong reputasyong masasabi
pa. Lahat ng yan nangyari dahil mahal kita. Tapos eto, pinabibitiw mo ako sa
nararmdaman ko? Ganoon na lang?” sigaw ko.
Natahimik ang buong bahay. “Siguro
tama na nga. Nagsasawa na ako. Napapagod na ako. OO ANTHONY, suko na ako.
Sumusuko na ako. Ayoko na. Titigil na ako. At sana maging masaya ka, pero eto
lang ang huli kong gagawin.”
Bigla kong sinampal ang pinsan ko ng
napakalakas.
“Para yan sa lahat ng kinuha mo sa
akin.” Sabay akyat sa taas.
Nagsimula na akong mag impake ng mga
gamit. Tinawagan ko na si Annie, babalik na ako sa bahay ko. Nagpapatulong na
lang ako sa kanya sa paghahakot ng gamit ko.
Maraming tanong si Annie pero di ko na
lang muna sinagot. Pagbaba ko ng kwarto, nakaabang si Anthony, at bigla akong
sinalubong.
“Saan ka pupunta? Sorry sa nasabi ko.”
Sabi niya.
“Paalam na lang.” At sa huling
pagkakataon hinalikan ko siya at lumaban naman siya sa harapan mismo ng asawa
niya. At humarap ako sa pinsan ko.
“Masaya ka na ba? Magpakasasa ka na.”
Sabay labas ng bahay.
Naghihintay si Annie sa labas ng
bahay. Niyakap niya ako at di na muna nagtanong ng kung anu-ano. Habang nasa
byahe kame eh naramdaman ko ang di comfortable na sitwasyon ni Annie.
“ok ka lang ba best? Di ka ata
mapakali jan.”
“Eh ang tahimik mo at curious ako sa
nangyari eh.”
“hay nako kahit kailan eh chismosa
ka.”
“Edi wag...” pagtatampo niya.
“Aysus, dramahan ba naman ako. Sige
sige eto na...”
“Wag na... napipilitan ka lang...” At
nagtawanan kami. Ikinuwento ko sa kanya kung ano ang nangyari. Buong buo.
Medyo tanggap ko na din namn kahit
konti. Hahah... medyo ok ok na ako. eto na siguro yung tamang panahon.
Ang gusto ko lang sa ngayon eh ang
magpahinga. Matulog at limutin ang problema. Yun lang ang gusto ko. Yun lang
talaga.
Gusto kong makalimot at makalimot.
Gusto kong magkulong sa kwarto ko. Pero kailngan ko ang makabangon. Di ko
ahhayaan na mabaon ako sa pagkakalugmok. Kailngan ko ang bumawi sa lahat.
Sawa na akong maghigante. Ok na ok na
dapat ako. Pasalamat ako sa advice ng best friend ko. Haixt.
Ano na kaya ang mangyayari sa buhay ko
ngayon. Haixt. May patutunguhan pa ba to? Kailan ba ako makakbangon ulit. Sa
loob ng isang buwan, inasikaso ko na ang negosyo namin.
Kailngan ko ng magseryoso. Nawala na
ang lahat sa akin. Ayoko na sobra.
Ngunit isang araw lang eh nagbago na
ang takbo ng buhay ko. Dahil sa isang tao...
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
Kakaibang araw para sa akin ang araw
na ito. Hindi ko alam kung bakit ganito pakiramdam ko, pero I felt that
something will nearly happen. Pero nag paka positive na lang ako. Kailangan
kong bumawi ng lakas lalo na at nakalugmok pa rin ang puso ko sa sakit. Haixt.
Kakayanin ko pa ba to?
Pagpasok ko ng store namin ni Annie,
nagulat na lang ako ng nadatnan ko, si Ryan na nakaupo sa waiting area namin.
“Naku... agang-aga eh may mam bubwisit
na naman...” sabi ko.
“Aysus... bwisit daw oh... pero deep inside
niyan eh kinikilig kasi andito na naman ako... siguro namiss mo ako no?” sabi
ni Ryan.
“Spell ASA...”
“Hahahah... kaw talaga di mabiro. Good
Morning mahal ko...” bungad niya.
“Mahal your face.... teka nga bat ba andito ka
na naman?” tanong ko.
“Easy lang bestfriend... kaw talaga agang-aga
eh. Best I have a good news for you!!!” sabat ni Annie.
“Good News? Talaga? Bakit patay na ba
si pinsan? Nasagasaan ba? 50-50? Putol na kamay?” pabiro ko.
“Tae.. dami mo alam best ah... batukan
kita. Kaw talaga, ang sama ng iniisip mo.” Sagot ni Annie.
“Jowk lang naman. Oh ano yung good
news na sinasabi mo?”
“You will have a full package VACATION!!!
Tenen...”
“Huh? Seryoso ka? Bakasyon? Ano
gagawin ko nun. Nako... walang kwenta yan. Kaw talaga. Di na kailangan.. I am
all right without any vacation...”
“Pero best... you need it and I
insist.”
“Oo kailngan mo yun para magrelax.” Sabat ni
Ryan.
“Kayong dalawa eh tigilan ninyo ako ha.” Sabi
ko.
“You need it at kung di mo to tatanggapin
magkalimutan na...” panankot ni Annie.
“Best naman.... promise I’m okay. Kaya ko
naman. I don’t need it.” Sabi ko pero di niya ako pinansin.
“Best... uy... pansinin mo ako..” pero
di pa rin ako pinansin.
“Best naman eh....” pagmamaktol ko.
“Bahala ka jan... ako na nga nag aalala sayo
eh... ayoko kasi na nakikita kitang nagkakaganyan....” pagdadrama niya.
“Ay nako best... kung di ka lang
malakas sa akin... lakas mo magdrama ha... aawardan kita ng best
Actress......sige na I will take it....” at yun niyakap ako ni Annie.
“I knew it... di mo ako matitiis...
ahahah....”
“Ay nako.... kaw talaga... at teka..
san ba ako magbabakasyon?”
Biglang sumabat si Ryan.
“Uhm...excuse me......”
“Bakit dadaaan ka? Maluwag ang daan.”
Pabiro ko sa kanya.
“Heheheh.. corny best....” sabi ni Annie.
“Jowk lang.. oh game.. yan..salita na...”
Minsan feeling ko eh sumosobra na ako
sa pambabara ko kay Ryan. Pero ewan ko ba. Ang saya ko kapag binabara ko siya.
“Okay.. let me explain.... it is not
totally na ikaw lang ang magbabakasyon... it’s for two...”
“Ha? Two? Meaning eh... Best tayong dalawa?
Magbabaksyon? ”
“Hindi... I mean.. it’s two....
Actually......it’s for us...”
At nagbago expression ng mukha ko.
“Ano???? Ikaw? At ako???? Jan ako di papayag...” maktol ko.
“Best... nangako ka na...” sabi ni Annie.
“Pero...” pagtutol ko.
“Wala ng pero pero.... magempake ka na
ngayon.. aalis na kayo bukas.. enjoy the honey moon... este the vacation...”
“Wushu... adik mo best... nako.. Diyos
ko... patawarin ninyo ako kung sakali man na di ko matiis tong lalaking
ito..... kung di lang dahil sayo
Best.... naku....”
“Paano ba yan... magkaksama na tayo...
at mag eenjoy ka...” sabi ni Ryan sa akin.
“Naku. Kabaligtaran... I hope magkaroon ng
dilubyo bukas para di matuloy.....” sabi ko.
“Ayaw pa kasing aminin eh... na gusto mo na
kasama ako at excited ka para bukas...”
“Wag ka nga feelingero.... adik mo
lang....” sabi ko.
“Sige best uwi ako maya maya para makapag
prepared... mag oorasyon na din ako para gabayan bukas... nakakatakot kasi yung
sasamahan ko bukas... baka kung mapaano lang ako...” pamamaalam ko.
“Alam mo best... bagay kayo.. ang
sweet ninyo eh... pwedeng pwede... ahahahha... ang cute pag naging kayo...
pustahan tayo... magiging kayo... ahahah...” sabi ni Annie.
“Best... mangilabot ka... Ipusta ko pa
kuko ko.....MA-LA-BO.....” ang nasabi ko na lang.
Tumawa na lang sila ng tumawa. Dahil
nga sa sapilitang vacation, yun, napilitan na lang akong sumunod. Siguro nga
kailangan ko nga to. Heheheh.
Kinabukasan, maaga pa lang eh sinundo
na ako ni Ryan sa bahay.
”Good morning.” Bati niya sa akin.
“Good Morning din” bati ko din.
Tahimik na nagdrive si Ryan. Di ako
kampante kapag tahimik kaya ako na ang gumawa ng paraan para mag ingay.
“Ang tahimik ah...” sabi ko.
“Alangang maingay eh wala namang kahit
anong tumutunog di ba?” pambara niya sa akin.
“So binabara bara mo na pala ako
ngayon...hahah”
“Ay hindi sinusulsulan lang.... di ba
obvious??? hahahahah"
Joke lang naman... kaw talaga...
mamaya magtampo ka pa jan di mo pa ko pagbigyan sa honeymoon natin mamaya.”
“Nek nek mo....kapal din neto....”
“Aysus... bibigay ka din sa akin
mamaya.... kala mo...”
“Tignan lang natin.. ” mapanghamon naming pag
uusap.
Nung matapos ang aming pag uusap, di
pa ko nakuntento, bigla ko na lang naisip na kilitiin siya. Sinundot ko yung
tagiliran niya. Nahuli ko agad ang kiliti niya.
“Hey! Stop that...” sabi niya.
“Aha... may kiliti ka pala jan ha...”
sabay evil laugh.
“Oh anu naman...” sabi niya.
“Now I know... hahahah I know your weakness...
ahahah.”
“You wouldn’t do that.... maaaksidente
tayo pag ginawa mo yan....” panakot niya sa akin, pero heto pa rin ako kinukulit
siya.
“Wala kang magagawa... hahaha” at patuloy
kaming nagharutan. Nagharutan ng nagharutan hannggang sa mapagod kami.
Malayo layo na rin ang nalakbay namin.
Hanggang sa magstop over kami sa Jollibee para kumain.
“i know na gutom ka na... bigla ka kasing
tumamlay at halatang halata naman sayo... ahahah..” sabi niya sa akin.
“Wushu.. ako pa ang ginawang dahilan ay...
sabihin mo lang eh gutom ka na din... may pa concern concern pang nalalaman
eh.. daming alam.” Sagot ko
. “Aysus... dami pang dakdak.. tara na
mahal ko.” Sabi niya.
“Mahal mo your face...” at yun na nga pumasok
na kami.
Siya ang umorder para sa amin at ako naman ang
naghanap ng table para sa amin. Medyo kaunti lang ang tao kaya madali akong
nakahanap ng table. Di naman nakapgtataka, masyado pa kasing maaga eh pati
koonti lang talaga ang nagpupunta. Parang naging stop over lang ang Jollibee na
to para sa mga taong nag byahe or may pupuntahan dito sa Batangas.
“Wow... hahahah...buti na lang at
inorder mo ako ng fries...ahahah favorite ko yan...” sabi ko.
“I know.... di ko makaklimutan yan
no... ikaw pa...” sabi niya.
“Wew... ahahah.. so Let’s eat na...”
sabi ko.
At kumain nga kami. Tahimik kaming
pareho at di iniistorbo ang bawat isa. Kain lang ako ng kain. Hahahah.
“Nicko, gusto mo ba?” alok niya sa
akin dun sa kinakain niya.
“Bakit? Meron pa kong kinakain eh...
pati di mo na ba kayang ubusin?” dami kong tanong.
“Try mo lang.. dali oh... say ah...”
at di ko maintindihan at binuka ko ang bibig ko at isinubo yun.
“nice... hehehhe..” sabi niya bigla.
“Nu ba yan.. nakakahiya Rye...
pinagtitinginan tayo...’ sabi ko.
“Ayos lang yan.. di naman nila tayo
kilala eh... pati ayos nga yun eh... para kahit sa pananaw nila eh magsyota
tayo.” Sabi niya sa akin.
Bigla akong napaisip dun. Ewan ko ba kung
bakit ganito na lang yung trato niya sa akin. Ayoko namang isipin na may gusto
talaga siya sa akin. What if naawa lang siya sa akin kaya siya ganito sa akin.
Ayoko mang paasahin ang sarili ko pero
minsan, napapangiti na alng ako pag naiisip ko ito. Aaminin ko naman na crush
ko si Ryan. Full package na nga siya eh.pero malabo, malabong malabo na
amgkagusto siya sa akin. Kaya nagdoubt na lang ako. Well, la naman akong
magagawa.
After namin kumain, deretso na kami sa
kotse niya at pinagpatuloy namin yung pagbyahe. Makalipas ang isang oras pang
pagbabyahe, narating din namin ang pupuntahan namin.
Di ako makapaniwala sa nakita ko.
Napakaganda, napakalinis, napakasariwa at napaka ayos na lugar ang nakita ko.
Kitang kita ko ang malawak na dagat at dalampasigan.
“Wow.... ang ganda... heheheh....” sabi ko.
“Ako pa... para sayo eh papagandahin ko ang
lahat..” sabi niya.
“Aysus... dami pang nalalaman... tara
na nga...” yaya ko. Sinalubong agad kami ng isang care taker.
“Sir, welcome back po... heheheh....
natutuwa po kami na bumalik ulit kayo after several years. Inalagaan po talaga
namin itong rest house ninyo...” sabi nito.
Napatulala na lang ako, kay Rye pa la
to. “Oy... sayo pala to? di mo sinabi... naks... sosyal ah.. paresort-resort na
lang....ahahahhaha yaman...” sabi ko.
“Hahahah... bakit nagtanong ka ba? Kaw
talaga... tara taas na tayo.. pati di magtatagal mapapasayo din yan....” yaya
niya.
Nagayos na kami ng mga gamit. Inihatid
niya ako sa kwarto ko.
“Sure ka ba na hihiwalay ka sa akin...
sabi ko sayo tabi na tayo eh.... don’t worry naman eh.... magpaparaya ako sayo
pag ginapang mo ako...” pagbibiro niya.
“Oy ang kapal mo.. ikaw gagapangin ko....
arrrghhhssh.... kadiri... wag na lang... magkakavirus pa ako sayo....” pambara
ko.
“Aysus... virus pa la ha.... yaan
mo... alam ko namang wala ka jang avira o anumang pampatay ng virus... kaya
madali na kitang mavivirusan...” pagloloko niya.
“Wew na lang... ay siya alis na at mag
aayos na ako ng gamit ko...” pagtataboy ko.
“Ok... wait lang ha....isusunod ko lang gamit
ko...” pagbiro niya sa akin.
“Subok lang... wawasakin ko gamit mo... at
pagsisisihan mo na ipinasok mo yan dito...” pagsakay ko naman sa biro.
"Ang taray talaga kahit
kailan..."
Binuksan ko ang bintana at nalanghap
ko ang masarap na simoy ng hangin. Napakasarap sa lugar na ito. Tamang tama
para sa akin. Siniyasat ko ang buong kwarto at namangha ako sa nakita ko.
Napakaganda ng kwarto at napaka bigatin ng mga furnitures at painting sa loob
ng kwartong iyon.
Napakayaman talaga ni Ryan. Wondering
kung bakit di pa siya nag aasawa. Napakaswerte siguro ng mapapangasawa niya.
Gwapo na, mabait na at mapera pa. San ka pa. Full package na. Heheheh.
Pero di naman sa pera nasususkat yun
eh. Nasusukat yun sa pagmamahal. Pagkatapos kong mag ayos ng gamit eh humiga
ako. Nilasap ko ang malambot na kama.
Nagpapasalamat na lang ako at nabigyan
ako ng pagkakataon na kung saan makapag pahinga sa lahat ng problema. Dami ko
ng iniisip at problema. Namimiss ko na yung dati. Payapa, walang gulo at kahit
maraming dumarating na problema, di naman ganito kalala tulad ng sa ngayon.
Ano kaya kalagayan ko kung hindi
nangyari ang sa amin ni Anthony. Magiging masaya ba ako? O magiging malungkot
tulad ngayon? Alam ko naman na ang lahat ng ito ay may dahilan kung bakit
nangyayari ito.
Masarap ang mabuhay pero para bang sa
lahat ng pinagdaanan ko eh para bang paulit-ulit na akong pinapatay. Haixt.
Buhay, bakit nga ba hindi ka naging patas kung minsan.
Naisip ko lang, bakit kaya ganun,
masyado kong ikinulong ang sarili ko kay Anthony. Masyado kong pinaasa ang puso
ko na balang araw maibabalik ko si Anthony sa akin. Sana ngayon na alng ang
kahapon, para maibabalik ko pa ang nakaraan.
Gusto kong gisingin ang puso at isip
ko sa mga pinag gagawa ko ngayon. Pamilyado na siya, kaya dapat ako na ang
lumayo. Nahihiya na lang ako sa sarili ko sa mga nagawa ko. Dami kong
problemang iniintindi, nagpapakalugmok ako, ngunit kung iisipin ko naman eh
marami jan na may mas mabigat pa na problema sa akin. Di ko namalayan na
nakatulog ako at sa panaginip ko bumalik ang nakaraan.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
No comments:
Post a Comment