Friday, January 11, 2013

Ivan: My Love, My Enemy (31-40)

By: (ash) erwanreid
Source: bgoldtm.blogspot.com


[31]
"Mico."

Narinig ni Mico ang malumanay na tawag ni Ivan sa likod ng pintuan ng kanyang kwarto kasabay ng katok.

"Mico. Gusto kong mag-usap tayo."


"Antok na antok na ako Van. Pwede bukas na lang?" alibi niya.


Kanina pa si Mico nakahiga sa kanyang kama pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Patuloy na naglalaro sa kanyang isipan ang tagpong nangyari kani-kanina lang. Hanggang sa naulinigan na lang niyang kumakatok si Ivan sa kanyang pintuan. Akala niya hindi na babalik si Ivan nang takbuhan niya ito kanina.

"Mico magpapaliwanag ako. Gusto kitang makausap."

"Magpapaliwanag?" Napa-isip si Mico sa sinabi ni Ivan.

"Buksan mo kasi ang pinto para magkaintindihan tayo."

"Wala naman tayong dapat ayusin ah? Oh sige na. Sorry. Sorry talaga sa ginawa ko kanina. Hindi ko na uulitin."

"Hindi naman yun ang gusto kong sabihin sayo."

Lalong nagulo si Mico. "Ano ba ang gusto mong sabihin?"

"Buksan mo kasi ang pinto."

Saglit na nag-isp si Mico. Tinatantiya niya kung kaya ba niyang buksan ang pinto.

"Mico." mas naging mahinahon ang tono ni Ivan.

Kumabog ang puso ni Mico nang marinig niya ang muling tawag ni Ivan sa pangalan niya.

"Oo na bubuksan ko na. Bakit ba kasi?" Padabog siyang naglakad sa pinto saka binuksan iyon.

Sa pagbukas ng pinto tumambad sa kanya ang malamlam na mukha ni Ivan.

"B-bakit ba kasi?" muntikan na siyang hindi makapagsalita.

Nanatiling nakatitig lang sa kanya si Ivan.

"Ano? Naghihintay ako. Humingi na ako ng sorry at hindi na mauulit. Ano ba ang sasabihin mo?" Napatingin siya sa dibdib ni Ivan dahil napansin niyang huminga ito ng malalim.

"Gusto kong magpaliwanag."

"N-na..." Napayuko si Mico. Parang hindi niya kakayanin tumitig kay Ivan habang nagsasalita ito sa ganong tono.

"Mali ang iniisip mo."

Napa-angat siya ng mukha kasabay ang kunot ng noo sa dahilang nalabuan siya sa sinabi ni Ivan. "Pap-papaanong mali ako."

Hinawakan ng mga kamay ni Ivan ang magkabilang balikat ni Mico. "Hindi namin gagawin yun." naging sunod-sunod ang mga sinabi ni Ivan. "Nagkakatuwaan lang kami. Pinipilit nyang kunin sa akin ang magazine na binabasa ko. Hindi ko kasi binibigay kaya, akala mo..." biglang bumagal ang huling dalawang katagang sinabi ni Ivan.

Napa-tango si Mico kasabay ng pagyuko. Ngayon alam na ni Mico ang dahilan ng pagkakataong iyon pero ngayon, isang katanungan ang nabuo sa isipan ni Mico. Bakit kailangan ni Ivan na magpaliwanag sa kanya gayong ano naman para sa kanya kung may nangyayari sa dalawa kanina. Pangalawa, dapat siya ang humingi ng pasensiya sa ginawa niyang panggugulo.

"K-kailangan mo ba talagang," saglit na pinutol ni Mico ang sasabihin. Lumunok muna siya dahil nanunuyo ang kanyang lalamunan. "Kailanga mo ba talang magpaliwanag sa akin? Bakit?"

Huminga ng malalim si Ivan.

Napansin ni Mico na magsasalita sana si Ivan nang biglang tumingala ito at muling bumuntong hininga. "Bakit?" muli niyang tanong.

"Kasi..." panimula ni Ivan.

Parang may kung anong ihip ng hangin ang nagpanginig kay Mico sa posibleng marinig mula kay Ivan.

"Mico." hindi naituloy ni Ivan ang sasabihin sa halip binigkas nito ang pangalan niya.

Napayuko si Mico. Hindi niya talaga kayang tumitig kay Ivan. Kahit saglit na pagsulyap ay halos hindi niya magawa. Para bang napapaso siya saglit na magtama ang kanilang mga mata. Ngayon lang nangyari ito sa kanya. Kasabay ang pangangatog ng kanyang mga kalamnan na nagpapahina sa kanyang mga tuhod.

Pinilit ni Mico magsalita. "A-ano ba kasi ang gusto mong sabihin? Naghi-"

Biglang niyakap ni Ivan si Mico na ikinabigla ng huli. Kahit hindi halos nasa balikat na ni Ivan ang mukha ni Mico, dinig na dinig pa rin ng huli ang hindi pang karaniwang kabog sa dibdib ni Ivan.

"Para saan ang ganoong klase ng pagtibok ng puso ni Ivan?"


"Mico."

Dahil sa nararamdaman ni Mico, nagawa na lang niyang umungol sa tawag ni Ivan.

"Mico, bakit mo yun ginawa kanina?"

Nanlaki ang mga mata ni Mico. "Humihingi na ako ng paumanhin."

"Hindi iyon ang gusto kong sagot mo."

"H-ha?"

"Gusto kong marinig ang dahilan mo."

Sa pagkakalapat ng mukha ni Mico sa balikat ni Ivan, nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ni Mico. "Gustong-gusto kong sabihin sayo ang dahilan Ivan, parang hindi ko lang yata kaya. Natatakot pala ako."


"Mico. Sagutin mo ang tanong ko." Naghihintay si Ivan. "Umaasa ako Mico sa sagot mo."

"Kailangan ba talaga?"

"Sobra." kasunod ang mas malalim pang pagsinghap ng hangin ni Ivan.

"Ito na siguro ang pagkakataon ko. Kasi-" hindi niya kinaya kaya bumitiw siya sa pagkakayap sa kanya ni Ivan at tumalikod. Doon nagsimulang umagos ang kanyang mga luha.

Nahirapan siyang sabihin ang nasa loob niya. Akala niya noong una ay ganoon lang kadali ang lahat mahirap pala isa tinig ang damdamin niya sa taong minamahal niya. Narinig niya ang pagbuntong hninga ni Ivan.

"Sige. Pasensiya na sa pang-aabala ko Mico. Babalik na ako. Huwag kang mag-alala. Wala sa akin ang nangyari kanina. Umaasa akong bukas makikita kita sa bahay. Wala tayong problema di ba?" saglit na pagtigil. Hinihintay niya kung may sasabihin si Mico. "Sige aalis na ako."

Aktong tatalikod na si Ivan ng lumingon si Mico.

"K-kasi, nagseselos ako. Ayokong makita kayo ni Angeline na magkasama kayo, kayong dalawa lang sa kwarto. Naiinis ako. Kasi, k-kasi..." biglang hindi maituloy ni Mico ang gustong sabihin.

"Kasi."

Napa-tingin ng diretso si Mico sa mga mata ni Ivan nang marinig niya ang pag-uulit ni Ivan. Natiyak niya sa tono ni Ivan na gusto nitong marinig ang karugtong ang gusto niyang sabihin.

"Kasi, mahal kita." papikit na sinabi iyon ni Mico at yumuko sa hiya.

Hindi nakita ni Mico kung anong reaksyon ni Ivan. Naghintay siya sa sasabihin ni Ivan. Hinihintay niyang negatibo ang sasabihin nito. Kasalukuyan siyang naghahanda sa mga sasabihin nito na maaaring ikakahiya niya.

Pero sa pagkakayuko niya, nakita niyang umangat ang dalawang kamay nito at padapo sa kanyang mga balikat. Pagkatapos muling inunat ang kaliwang kamay at dumapo sa kanyang baba. Iniangat ng kamay na iyon ang kanyang mukha. At dahil doon, doon niya nakita ang mukha ni Ivan. Doon niya nakita ang reaksyon nito sa ipinagatapat niya.

Wala siyang makitang galit o anuman sa mukha nito. Nakangiti pa nga ito habang nakahawak ito sa baba niya.  Hindi tuloy niya maibaba ang tingin.

"Mico." nakangiting banggit ng pangalan niya.

Para siyang mawawalan ng ulirat sa pagtawag na iyon ni Ivan. Hindi niya namalayang papalapit na ang mukha ni Ivan sa kanyang mukha. Para siyang nalulunod. Pinipigilan niya ang paghinga. Sandali pa ay tuluyan ng naangkin ni Ivan ang mga labi niya.
-----

Sa paghihinang ng kanilang mga labi, damang dama ni Mico ang banayad na paghalik ni Ivan sa kanya. Walang pagtutol ang nangyayari. Matagal na niyang pinanabikan maulit muli iyon. Ngayon nasa kanya nanaman ang pagkakataon, hindi niya sinasayang ang bawat sandali. Ipinapadama niya sa pamamagitan ng kanyang mga halik ang laman ng puso niya. Mahal na mahal niya si Ivan.

Hindi na niya maalala kung kailan nagsimulang mas naging mapangahas ang mga labi ni Ivan. Mas maalab. Dahil doon, ikinapit na niya ang mga braso sa likuran nito. Gumaganti siya sa bawat paggalaw ng mga labi nito. Kapwa halos nageespadahan ang mga dila, na mas nakakadragdag ng sarap para sa isa't isa.

Matagal ang paghihinang ng kanilang mga labi. Mas tumatagal mas nagiging madiin. Kaya naman, kapwa humihingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

Kukurapkurap si Mico nang tumitig kay Ivan. Nakangiti si Ivan. Wala sa hitsura nitong nagsisisi sa ginawa.

"Sigurado kang mahal mo ako?" tanong ni Ivan.

"Oo."

"Hindi nga?"

"Oo."

Maluwag ang pagkakangiti ni Ivan nang masiguradong tama ang kanyang narinig. "Babalik na ako sa amin."

"Ha?" Nagulat si Mico sa biglaang paalam ni Ivan. "B-bakit naman?"

Natawa si Ivan. "Huwag kang mag-alala, may tamang oras para sa ating dalawa."

Napayuko si Mico sa hiya.

Nabasa ni Ivan ang nasa isip ni Mico. Kinabig niya ito payakap sa kanya. Siryoso siyang nagsalita. "Masaya akong malaman na mahal mo ako."

"Ma-" may itatanong sana si Mico nang muling magsalita si Ivan.

"Kailangan maghanda ka na." sabay tawa. "Dahil iba ang hihingiin ko sayo sa nalalapit kong kaarawan. Sa araw ding iyon, umaasa rin akong, magugustuhan mo ang gift ko sayo."

Kunot noo siyang napangiti. "Anong pinagsasabi mo diyan?"

"Magka-ideya ka naman, Mico. Hayaan mo, maghahanda talaga ako doon."

Saglit na nagdapo muli ang kanilang mga labi. Ayaw pa sana ni Mico tapusin iyon ngunit sinunod na lang niya ang kagustuhan ni Ivan.

"Ewan. Hihintayin ko na lang ang kaarawan mo."

"Dapat."

Ngumiti na lang siya. Pero, nasisigurado niya na ngayong gabi may pagtingin din sa kanya si Ivan. Hindi man nito tuwirang nasabi. Sigurado siya sa narinig niya sa puso ni Ivan.

"Aalis na ako."

"Sigurado ka?"

"Kailangan. Hindi kasi ngayon."

Napangiti si Mico ng maluwang. "Siryoso ka sa binabalak mo talaga."

"Oo naman. Pramis ko yon sayo."

"Bukas ka na lang kaya umuwi?"

Natawa si Ivan. "Huwag namang ganun. Masisira ang pramis ko. Basta bukas, kailangan naroon ka sa bahay ah?"

"Teka, paano pala si Angeline?"

"Bakit mo kailangang tanungin si Angeline? Magkaklase lang kami, kung may mas malalim pa roon magkaibigan. Huwag ka mag-alala."

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin eh. Parang tunog defensive ka dun ah?"

Natawa si Ivan. "Ganoon ba?"

"Kasi baka kung anong isipin ni Angeline sa ginawa ko kanina. Nakakahiya kasi eh."

"Ikaw kasi. Kung ano anong pumapasok diyan sa utak mo."

"Eh paano naman kasi-"

"Shhhh..." ginawaran ng isang masuyong halik ni ivan si Mico. "Ok na tayo di ba? Huwag mo na isipin yun. Ang mahalaga. Ok na tayo."

Mas maluwang ang pagkakangiti ni Mico. Sa sinabing iyon ni Ivan, para siyang nakalutang ngayon sa alapaap habang yakap-yakap ng mahal niyang si Ivan.

"Paalisin mo na ako."

"Ayoko pa kasi eh."

"Ah ayaw mo pa ah. Sige, game! Pero pagkatapos nito. Wala nang kasunod ah? Fine. Lock the door." sabay tawa.

Naki-sabay sa pagtawa si Mico. "Oo na, umuwi ka na. Nakakatakot ka naman. Hihintayin ko na lang talaga."

"Goodnight."

"Nyt nyt."


[32]
Tanghali na nang magising si Mico. Ayaw pa sana niya nang biglang may maalala. Napahawak pa siya sa mukha ng magsalita. "Teka, panaginip lang ba ang lahat?" Nanlalaki ang mga mata niya sa katanungan. "Hindi!" tili niya. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at tumakbo pababa. "Hindi ako nanaginip." saka nag-iwan ng ngiti sa mga labi.


Masaya siyang nakababa nang makita si Saneng, "Si Ivan po ba narito kagabi?" paninigurado niya.

Napakunot noo si Saneng sa tanong ni Mico.

Bigla naman kinabahan si Mico. "Hindi ba siya pumunta kagab dito? Wala ba siya?" Pero nanatiling nakakunot noo lang si Saneng na tila nagtataka. "Ano?" giit niya. "Sabihin mo na." napalitana ng ngiti niya ng inis. "Nananaginip lang ba ako?"

"Siryoso ka ba Mico?" panimula ni Saneng. Bigla itong natawa. "Ano ka ba? Dalawang beses kaya pumunta dito si Ivan kagabi. Una, may patago-tago ka pa mahuhuli ka rin pala. Pagkatapos bumalik yun ah? Nananaginip ka diyan? Itong batang ito oh."

"Talaga?"

Muling kumunot ang noo ni Saneng. "Oo nga. Ako pa nga ang naghatid sa kanya kagabi nung pangalawa niyang balik. Teka, ano ba ang nangyayari sa inyo? Una, nagtataguan kayo tapos makikita ko si Ivan ang saya-saya."

Natuwa sa galak si Mico. "Ah eh, naglalaro po kasi kami ni Ivan. Wala po iyon."

"Hmmm. Talaga lang ha? Sige dyan ka na nga."

"Sige po."
-----

"Oh Mico." naibulalas ni Divina nang makita niya si Mico. "Dito ka maglunch ha?"

"Sige po." tipid niyang pagsangayon. Ayaw niyang magsalita ng magsalita dahil feeling niya sasambulat ang sobrang kasiyahan na itinatago niya kanina pa.

"Kasi, dito maglla-lunch sina Ivan."

Biglang napatingin si Mico kay Divina ng marinig ang sinabi nito. "Sina Ivan po?"

"Oo, kasama niya sina Angeline at Billy. Mahaba kasi ang vacant nila ngayon kaya nagsabi si Ivan na uuwi siya. Isasama na rin daw niya sina Angeline."

"Ah ganun po ba?" Wala namang naramdamang kakaiba o pagseselos si Mico. Medyo nagtaka lang siya na uuwi pala si Ivan sa tanghalian na karaniwang hindi nito ginagawa. "Siguro gusto niya lang akong makita." natuwa ang kanyang puso't isipan.

"Tingin ko, kaya biglang naisip ni Ivan na dito maglunch para madala niya si Angeline." natutuwang pahayag ni Divina.

"P-po?" nabigla si Mico.

"Nasabi ko na sayo di ba? Na gusto ko si Angeline para kay Ivan. Nasabi ko na rin yun kay Ivan na Ok sa akin si Angeline."

Hindi makapagsalita si Mico. "S-sinabi niyo po kay Ivan? A-anong sabi niya?"

"Hindi siya kumibo. Pero alam ko doon din ang tungo noon."
-----

Dumating sina Ivan at mga kasama nito. Tulad ng dati, nakakapit na naman si Angeline kay Ivan.

"Ang bruha kapit toko oh." sa isip ni Mico.

Nang mapatapat ang mga bagong dating sa living room, narinig ni Mico na nagpaalam si Ivan sa mga kasama. Tinawag siya ni Ivan. Sumenyas pa siya kung siya nga. Tumayo siya sa pagkakaupo sa single sofa at sumunod kay Ivan na paakyat sa hagdan.

"Bakit mo ako tinawag?" si Mico.

Hindi sumagot si Ivan hanggang sa makarating sila sa kwarto nito. "Nakita ko ang mukha mo kanina." Nakangiti ito.

Tinaasan ni Mico ng kilay si Ivan. "Mukha ko?"

"Oo. Parang nagseselos ka?"

"Bakit naman ako magseselos?"

"Ok. Wala ka naman talagang dapat na ipagselos."

"Talagang wala naman akong dapat na ipagselos hmmm. Dahil wala naman talaga akong dapat na ipagselos."

Natawa si Ivan. "Pero kanina ang mukha? Tignan mo yang sagot mo ngayon, naiinis ka. Kasi-"

"Hndi ako nagseselos at hindi ak magseselos." sagot agad ni Mico.

"Ay galit?"

"hindi kaya.." biglang nagbaba ng tono si Mico.

Natawa si Ivan. "Good. Sige baba na tayo."

"Ok po." may halong lambing ang tono ni Mico.
-----

"Ang sarap naman po nitong adobo ninyo Tita Divina." si Angeline.

"Salamat."

Napa-tingin si Mico kay Ivan. Ewan ba niya at bigla na lang siyang napasulyap. Nahuli niyang nakatingin pala ito sa kanya. Binawi nya ang tingin.

"Mico. Parang wala kang kibo diyan?" si Billy na katabi niya.

"H-ha? Hindi naman. Masyado lang siguro akong nasarapan sa kinakain ko ang atensyon ko nandito lang." nsabay tawa ng bahagya. Sumulyap siya kay Ivan. Nakita niyang tatawa-tawa ito. "Problema ng taong ito?"

"Oo nga eh, iba talaga si Tita Divina magluto." si Billy.

"Nanay ko yan." pagmamalaki ni Ivan.

Natawa si Divina. "Anak naman kita. Nako, sana ang mapapangasawa ni Ivan ko ay magaling din magluto?"

Muntikan ng mabilaukan si Angeline. Nahalata iyon ni Billy.

"Hinay-hinay lang Angeline." ngingiti-ngiting si Billy. "Patay si Angeline, hindi marunong magluto."

"Hindi noh, marunong ako."

"Assuming itong babaeng ito. Feeling niya siya ang tinutukoy ni tita Divina. Hmpt."

Natawa si Divina.

Naningkit ang mga mata ni Mico nang saglit na sumandal si Angeline kay Ivan.
-----

"Hindi daw nagseselos ah? Pero kanina, ang mata iko't ng ikot." natatawang bulong ni Ivan kay Mico.

Naghuhugas sila ng pinggan. Si Mico ang nagsasabon habang si Ivan ang nagbabanlaw.

"Akala mo lang yun."

"Akala ka pa diyan ah. Tignan natin. Baka habulin mo ako ng itak." sabay tawa ng malakas.

"Anong pinaguusapan niyo diyan. Mukhang nagkakatuwaan kayo ah." si Angeline kakapasok lang.

Bahagyang nagulat ang dalawang naghuhugas. "Kanina ka pa ba diyan?" si Mico.

"Hindi. Kakarating ko lang."

"Ah..." naka-hinga ng maluwag si Mico. Akala niya narinig niya ang pinaguusapan nila ni Ivan.

"Ano bang kailangan mo?" si Ivan. Nakangiti ito kay Angeline.

"Iinom sana ako ng tubig. Bigla kas akong nauhaw eh."

"Ah sige ikukuha kita." si Ivan. Magpupunas na sana ng kamay si Ivan nang pigilan siya ni Angeline.

"Ako na kaya. Madali lang naman ang gagawin ko eh."

"Sige." ibinalik ni Ivan ang sarili sa pagbabanlaw ng mga gamit na sinasabon ni Mico.

Naka-inom na si Angeline at tumakbo na ang mga sandali pero nanatili itong kasama nila sa kusina. Parang gusto ni Mico na mainis. Ayaw yata silang iwan ni Ivan. "Kontrabida-effect ka diyan ah hmm."

"Yan tapos na tayo. Sige na 'Van, ako na ang bahala magpunas ng mga yan." mungkahi ni Mico kay Ivan.

"Tutulungan kita."

"HUwag na ako na." pagkatapos ay sumenyas patungkol kay Angeline na naghihintay sa kanila.

Kasalukuyang nakaupo si Angeline sa harap ng lamesa na medyo patagilid sa kanila kaya malamang na hindi nito pansin ang senyasan nila Mico at Ivan.

"Sige. Doon na kami ni Angeline."

Tumango lang si Mico.

Niyaya na ni Ivan si Angeline sa living room kung naroon sina Divina at Billy na nanonood ng noon time show. Nang tumayo na si Angeline, kitang kita ni Mico ang pagkapit ni Ivan sa bewang ni Angeline. Napatingin siya kay Ivan at nakita niyang nakangisi ito.

"Aba, talagang hahabulin kita ng itak mamaya." bulong ni Mico.
-----

"Ma, balik na po kami." paalam ni Ivan sa ina.

"Sige po tita Divina." si Angeline.

"MAraming salamat po Tita." si Billy. "Ay Mico, see you next time."

"Sige Billy. Ingat kayo." Pagkatapos ay tumingin si Mico kay Ivan. "Tignan mo 'to? Wala yatang balak na magpaalam sa akin."

"Paalam Mico."

"Sige Ingat kayo Ivan. magpapaalam din pala."

Malayo-layo na ang tatlo ng magsalita si Divina.

"Nakikita ko na si Ivan ko may kasamang babae. Malapit na siyang magpakilala sa aking ng mamahalin niyang babae sa buhay niya."

"Aray ko po. Tita naman. Ako kaya ang ipapakilala sayo ni Ivan my love."
-----

"Nananadya ka kanina noh?"

"Nananadya ka dyan?" maang-maangan ni Ivan.

"Kunyari ka pa. Sinasadya mo akong pagselosin noh?"

"Bakit naman? Akala ko ba hindi ka nagseselos?" nagsisimula nang matawa si Ivan.

"Hindi talaga."

"O bakit ka parang apektado ka diyan, wala naman akong ginagawa."

"Mmm wala naisip ko lang naman."

"Kung ano ano kasi ang pumapasok diyan sa utak mo."

"Ok. Hindi na."

Biglang natawa si Ivan.

"B-bakit ka tumatawa? Sabi na, nananadya ka kanina. Niloloko mo naman ako eh."

"Hindi ah."

"Eh bakit ka biglang tumatawa dyan?"

"Nakakatawa ka kasi."

"Ewan."

"Ang dali mo naman yatang mapikon ngayon."

"Hindi kaya."

Inakbayan niya si Mico. "Ang lakas magselos ng katabi ko. Hindi ko naman ipagpapalit 'to."

Hindi maputol-putol ang ngiting nasa labi ni Mico nang marinig niya iyon kay Ivan. "Siya may noon. Mahal ako ni Ivan."


[33]
"Aalis na ako Ma." paalam ni Ivan pagkababang-pagkababa sa hagdan. Nakita kasi agad niya ang ina sa sala.


Nagulat si Divina sa sinabi ng anak. "Ano?" Kasunod ang pagtingin sa orsan na nasa dingding. "Maaga pa ah?"

"Pupuntakasi ako kay Mico ng maaga." sa isip ni Ivan.



"Magalmusal ka muna. Dali, kahit konti. Nagluto ako ng spaghetti."

"Tirahan niyo na lang kaya ako. Mamaya ko nalang kakainin." tanggi ni Ivan.

"Aba, himala at tinatanggihan mo na ang spaghetti ko?" hindi naman galit si Divina. Nagtaka lang.

Napa-buntong hininga na lang si Ivan at sumunod sa sinabi ng ina. Tutal, gusto rin naman niyang kumain ng paborito niya.

Pareho nang naka-upo ang mag-ina para kumain. Pasubo na nga si Ivan ng magsalita ang ina.

"Ivan. Matanong ko lang ah, kung kailan mo ba uli dadalhin dito si Angeline?"

"Bakit po? Hindi ko po kasi alam."

"Nami-miss ko lang kasi siya."

Muntikan ng mabulunan si Ivan. Napa-ngiti siya sa sinabi ng ina. "Nami-miss Ma?"

"Oo."

"Hayaan mo po, sasabihan ko mamaya na dumalaw siya dito."

"Tama. Yun ang gawin mo."

"'Yun po ba ang favor niyo Ma?" as usual pag-naglluto ang ina ng spaghetti ang naisip niya.

Natawa ang ina. "Ganoon na nga anak. Hindi naman siguro masama di ba?"

Napa-ngiwi na lang si Ivan. Alam kasi niya ang gustong mangyari ng ina. Gusto nitong maging malapit sa isa't isa dahil gusto ng ina ang babae para sa kanya.

"Basta Ma, walang ibig sabihin sa akin ang pagbisita dito ni Angeline."

"Wala ka ba talagang nararamdaman na kahit ano kay Angeline anak? Magandang babae naman siya ah. Tsaka, alam ko mabait siya..."

"Magkaibigan lang po kami Ma."

Tumahimik si Divina pagkatapos. Ramdam ni Ivan na nagtatampo ang ina sa sinabi niyang magkaibigan lang sila ni Angeline.

"Ano bang gagawin ko eh magkaibigan lang naman ang tingin ko sa kanya."


Nagulat pa si Ivan nang biglang mag-salita ang ina.

"Basta sabihin mo sa kanya na bumisita siya rito." Yun lang at tumahimik na uli ito.

"Sige po."
-----

Halos dalawang linggo ng ginagawa ni Mico ang pagsilip ng lihim sa kanyang bintana tuwing umaga. Inaabangan niya ang pagpasok ni Ivan sa school. Simula kasi nang masabi na niya ang feelings niya kay Ivan, bago pumasok ang huli ay dumadaan muna ito kay Mico. Kaya nakasanayan na ni Mico na gumising ng maaga at abangan si Ivan ng lihim.

Kasabay ng pagsilip ay ang hindi maawat na ngiti sa labi ni Mico. Sa wakas, nakita na rin niyang palabas si Ivan. Nakita niyang palapit na nga ito sa kanilang gate. Pero napansin niyang nakasimangot ito.
-----

"Bigla na lang sumakit ang ulo ko." Nasabi ni Ivan ng mapatapat siya sa gate nila Mico. "Si Mama kasi." Bubuksan na sana niya ang gate ng biglang pigilan ang sarili. "Huwag na lang kaya. Mamaya na lang siguro. Aagahan ko ng uwi. Pero baka magtaka si Mico kapag hindi ako sumaglit? Sige mamaya na nga lang. Bahala na."

Nilisan ni Ivan ang gate ni Mico habang sapo ang noo. Nakakaramdam siya ng sakit ng ulo.
-----

Takang-taka si Mico nang hindi tumuloy si Ivan sa pagpasok sa kanila. Napansin niyang nakasimangot ito kanina.

"Anong problema nun?" nasabi na lang niya. Napabuntong hininga nalang siya sa disappointment.

Bumaba na lang si Mico para mag-almusal. Dati, kapag nakapag-paalam na sa kanya si Ivan bumabalik siya sa pagtulog. Ngayon nawalan siya ng gana dahil nasa isip niya si Ivan sa unang pagkakataong hindi nito pagpapaalam sa kanya.

Sinalubong siya ni Vani nang makababa. Tahol ng tahol ang alaga niyang aso.

"Gutom ka na alam ko. Halika kain na tayo."

Inasikaso niyang pakainin ang alagang aso. Habang kumakain sa baba ang alaga, kumakain na rin ng almusal si Mico sa hapag-kainan. Kasabay ng pagsubo ang pag-iisip kung bakit hindi tumuloy si Ivan sa pagpasok.

"Ah, Vani, tingin mo... galit ba sa akin si Ivan?" biglang naitanong niya sa alaga. "Pero wala naman akong matandaan na maaring ikakagalit niya. Bakit ganoon?" Pagkatapos ay sinulyapan niya ang alaga na siryosong kumakain. "Hayss, gutom talaga ang alaga ko. Hindi man lang ako sinasagot. Hmmm"

Pinagpatuloy na lang niya ang pagkain. Naisip niyang maglalaro sila ni Vani sa labas. Tingin niyang maganda ang panahon.
-----

"Vani." tawag ni Mico nang tumakbo papalayo ang alaga. Naglalaro sila ng habulan ng biglang umiba ito ng direksyon. Medyo may katagalan na rin silang nagpapaikot-ikot sa lugar nila kay ahindi niya nagawang habulin kaagad si Vani. Tinanaw nya lang ito habang tinatawag. "Saan kaya pupunta ang lokong yun?" Tiwala naman siya sa alaga.

Maya-maya ay nagtatahol ito nang huminto sa isang kanto. Kung saan may nagdaraanang mga tricycle. Doon si Mico nagalala. Baka kasi bigla itong tumawid at masagasaan. Kaya todo ang sigaw niya para lumapit ito. Nakita niyang umupo lang ito sa may kanto na para bang may hinihintay. Pinuntahan niya ang alaga.

"Ano bang ginagawa mo rito? Baka mahagip ka ng mga sasakyan." nagaalala niyang turan sa alaga.

"Aw aw aw." tahol nito sa kanya.

"Bakit ano ba iyong gusto mo?" tanong ni Mico dahil parang may sinasabi sa kanya si Vani. Napatingin siya sa paligid. Wala naman siyang makitang kahit ano maliban sa ilang mga tricycle na paroon at parito. Walang ibang tao. "Oh ano ba ang nakkikita mo?" Pero tahimik lang ang alaga niyang aso.

Saglit pa siyang nagmasid at talagang tricycle lang ang nakikita at ilang tao na sakay nito. Biglang tumahol ang kanyang alaga nang may dumaang tricycle. Napakunot ang noo niya. Agad niyang tinanaw ang sakay noon ma kung sino at kung bakit tinahulan ni Vani. Pero agad nawala sa harapan nila ang tricycle dahil sa bilis nitong umandar. Wala siyang nakita.

"Sino ba iyong nakita mo Vani." may kaunting yamot na siyang nararamdaman.

Muli pa ng may dumaang tricycle ay narinig ni Mico ang tahol ni Vani. Naisip niyang baka gustong sumakay ni Vani sa tricycle. Napadukot siya sa bulsa. Pagkatapos ay natawa dahil wala naman siyang madudukot na kahit ano. Natatawa siyang nagsalita kay Vani. "Wala akong perang dala Vani."

Agad tumingin sa kanya si Vani at saka tumahol.

"Ah, yun nga ang gusto mong mangyari. Sasakay tayo ng tricycle. Naku... ang hirap mong intindihin." Yumuko siya at kinarga ang alaga. "Halika, uwi muna tayo tapos kuha tayo ng pamasahe. Pero, teka, saan naman tayo pupunta ha, Vani?"
-----

Kung ano ang soot ni Mico kanina ay 'yun pa rin ang suot niya nang sumakay sila ng tricycle ni Vani. T-shirt at walang kamatayan niyang shorts na nagpapakita ng kanyang mapuputing mga hita. Napapansin nga niyang tingin ng tingin sa kanyang hita ang manong driver.

Ang iniisip niya ngayon ay kung saan ba sila pupunta ni Vani. Pero nagsabi siya sa driver na ipara sila sa labas ng village.

Nang makababa na sila sa sinakyang tricycle at pagkatapos ay nagbayad, nagisip si Mico kung anong sunod na gagawin. "Oh ayan na Vani. Nakagala na tayo. Saan naman tayo pupunta?"

Habang karga-karga ang alaga ay tumahol ito. Napa-tingin siya sa tinatahulan nito. "Sa jeep? Gusto mong sumakay ng jeep? Sigurado ka ba? Este, sigurado  ba ako sa gusto mong mangyari?"

Hindi naman nag-aalala si Mico sa pamase dahil may sapat siyang pera sa kanyang bulsa. Ang inaalala lang niya ay kung saan sila mapupunta.

Habang tinitignan ang mga nagdaraanang mga sasakyan, kasama na rito ang mga jeep na may mga signboard ay saka niya naisip kung saan sila pupunta. "Alam ko na Vani kung saan tayo pupunta. Pupunta tayo sa school ni Ivan. Tama." Hinimas-himas niya ang ulo ng alaga. "Eh ano kung hindi natin makita doon si Ivan, basta gusto ko makita ang pinapasukan niyang university." sinundan niya ito ng tawa. "Gala, gala."
-----

Palinga-linga si Mico nang makababa sa sinakyang jeep. Maraming tao sa paligid halos nagsisiksikan ang paroo't paritong mga estudyante. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero, naglalakad siya sa kabilang kalsada, kaharapa ng university na pinapasukan ni Ivan.

Tinitignan niya ang paligid. Puro tindahan, restaurant, computer shop at iba pang mga nakatayong stalls sa paligid. Naghanap siya na maaaring pagtambayan. Alam niya sa paligid na pinagtitinginan siya.
-----

"Hinahanap ko si Angeline. May sasabihin sana ako sa kanya, bigla na lang nawala." pahayag ni Ivan kay Billy.

"Hmmm ano nanaman iyon?" maarteng tanong ni Billy kay Ivan.

"Wala naman." sabay ngiti ni Ivan.

Nandilat ang mga mata ni Billy. "Ganun lang iyon?"

"Alam mo ba kung saan pumunta?"

"Di eh." matipid na sagot ni Billy.

"Lumabas." singit ni Mark. "Halika na kain na tayo sa canteen. Nagugutom na ako eh."

"Sige." sangayon ni Ivan. "Ikaw Billy?"

"Oo naman noh. Ako hindi sasabay sa dalawang hearthrob? 'Ba, pagkakataon na 'tong magmayag sa madlang pipol." sabay tawa ng malakas ni Billy.

"Dyan ka na." sabay tayo ni Mark. Sinundan niya ng tawa.

"Hoy, parang binibiro lang eh." inarte ni Billy. Tumayo na rin siya at sumunod sa naunang dalawa.
-----

"Vani, tama ba itong ginagawa natin?" kinakausap niya ng mahina ang alaga habang hinihimas-himas ito. Nakaupo sila sa pang-apatang lamesa ng isang restaurant. "Hindi naman siguro tayo bawal dito noh?" ang tinutukoy niya ang pagdadala niya ng aso sa lugar na iyon. Open naman ang restaurant na iyon at nasa gawing labas sila.

Hindi lingid sa pandinig niya ang naguusap na mga kalalakihan sa likuran niya. Narinig niyang sumipol ang isang lalaki at naglitanyang "ang puti pare." Nakatalikod kasi siya kaya hindi niya nakikita ang mga mukha ng mga ito.

"Vani, bibili ako ng maiinom. Nauuhaw na ako. Ikaw?" Tumayo para bumili ng maiinom. Kinailangan pa niyang pumasok sa loob ng restaurant para makabili. Nagaalinlangan siya noong una pero nang i-approach siya ng isang waitress ay nagtuloy-tuloy siya sa pagpasok. "So okey lang na may bitbit akong aso, hehehe. Bakit? Ang ganda kaya ng alaga ko?"

Bumili siya ng isang bottled mineral water at isang potato snack. Nang mabayaran na niya ay muli niyang tinungo ang lamesa na kanina niyang inookupa. Hindi pa siya nakakaupo, ay dinig na dinig niya ang tawanan at pasipol-sipol ng mga kalalakihan sa bandang likuran niya. Nakita na niya ang mga mukha ng mga ito pero binlewala lang niya dahil naririnig naman niyang puro papuri ang mga binitiwang mga salita ng mga 'yun.

Hindi pa nagiinit ang puwetan niya sa pagkaka-upo nang biglang kumabog ang dibdibniya sa kaba. Tama ba ang nakikita niya? Parang si Angeline. Bigla siyang tumalikod ng pagkakaupo. Nagkaharap tuloy sila ng mga lalaking kanina pa nagpapansin sa kanya. Pagkatapos ay yumuko siya.

Nakita niya si Angeline. Hindi sana niya mamumukhaan dahil sa makapal nitong make-up at mapulang lipstick. Hindi lang iyon, naninigarilyo si Angeline. Hindi niya lang naisip noong una na ganoon si Angeline. Dahil nakikita niya itong simple.

Akala ni Mico na sa kanya lalapit si Angeline. Agad siyang bumalik sa dating pwesto nang lagpasan siya ni Angeline. Mukhang hindi siya nakita. Kumakabog ang dibdib siya habang pinakikinggan ang mga nag-uusap sa likod kasama si Angeline.

"Ayan ang hinihintay ng lahat." sigaw ng isang lalaki. "Pare, jowa mo."

"Manahimik ka nga, Pol." si Angeline. "Ano, Rey, lalabas ba tayo ngayon? Sabihin mo lang at hindi na ako papasok ngayon."

"Nakita ko kayo ng classmate mo kanina, ang higit mong pumuloupot ah." sagot ni Rey.

"Sino? Si Ivan? Alam mo namang wala naman kami noon noh. Close lang kami."

"Akala ko ba boyfreind mo 'ko? Eh, bakit parang mas mahigpit ka pa kung kumapit sa lalaking 'yun?"

"Ano ka ba? Wala yun. Nagpapa-charming lang ako doon. Pero, wala akong gusto doon. Ano ka ba? Ikaw ang gusto ko at wala ng iba."

"Eh paano kung magkagusto sayo iyon?"

"Ang tanong may gusto ba ako dun? Hindi ako magkakagusto dun noh kasi parang tuod yun na wala man kakiliti-kiliti sa katawan."

"Baka bading." singit ng isa.

Tawanan ang lahat kasama si Angeline.

Parang gustong umusok ng bumbunan ni Mico sa mga narinig kay Angeline. Pinapakalma niya lang ang sarili. "Nakikipag-flirt kay Ivan tapos talikurang kinukutya. Gustong-gusto ka pa naman ni Tita Divina hmpt. At least ngayon alam ko na kung sino ka."

Tumayo na si Mico para umalis sa lugar na iyon. Narinig pa niyang nagsalita ng lalaki patungkol sa kanya.

"Pare, aalis na ang dyosang bading."

"Sayang." si Rey.

"Hoy, anong sayang?" si Angeline.


[34]
Hindi mapakali si Mico sa kapabalik-balik sa paglalakad sa harapan ng kanyang tv. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya kay Ivan ang nalaman niya tungkol kay Angeline kanina. Alam kasi ni Mico na malapit nang dumating galing sa university si Ivan. Maya't maya siyang tumitingin sa orasan mag-aalas-singko na ng hapon kaya sigurado siyang nasa daan na si Ivan pauwi.


At hindi nga siya nagkamali, nakita na niya si Ivan sa pintuan na nakatayo. Maluwang ang pagkakangiti ni ivan sa kanya.

"Bakit hindi ka pumunta kanina? Hinihintay kita." salubong ni Mico kay Ivan.

"Sorry lang. Minsan lang naman eh." sagot ni Ivan. Pagkatapos ay inihagis nito ang bag sa sofa.

"Nandito kaya sa si Dad." biglang pahayag ni Mico.

"Ha?" gulat ni Ivan. Dali-dali niyang kinuha ang bag sa sofa.

Sabay tawa naman ni Mico. "Joke!"

"Ay kainis naman oh." reklamo ni Ivan.

"Sandali." natatawa si Mico nang magpaalam. Pumunta si Mico sa kusina habang naghihintay naman si Ivan sa sofa. "Dyaran..." ipinakita ni Mico ang naka-plastic na kahon.

"Ano yan?" kunot noong tanong ni Ivan.

"Binili ko ito kanina. Nagala kasi kami ni Vani eh." iniabot niya ang dala kay Ivan.

"Pizza? S-sa... doon ka pumunta?"

"Oo. Bakit? Masama?"

"Hmm hindi naman. Nagulat lang ako at marunong ka ng gumala. Sa school ko pa talaga ha? Teka, kamusta naman ang pagdayo mo dun? Sigurado maraming..."

Kunot noong inulit ni Mico ang huling salitang sinabi ni Ivan. "maraming?"

"Doon natin sa bahay kainin 'to. Dali." Binuhat ni Ivan ang bag at ang pizzang naka-kahon.

"Oy, teka. Hindi mo pa nga sinasabi eh kung ano yun eh."

Naiwan na si Mico sa living room. Nasa pintuan na si Ivan para lumabas. "Susunod ka, hindi?"

"Susunod." sigaw ni Mico.

Nakalimutan na ni Mico ang gusto niyang sabihin kay Ivan.
-----

"Ma, may dala si Micong pizza. Like it?" salubong ni Ivan sa ina nang makapasok. Saka ibinaba ang dalang bag.

"Oo naman kung galing kay Mico. Nasaan si Mico."

Nilingon ni Ivan si Mico pero wala siyang nakita. "Hindi yata sumunod ang mokong na yun?" bulong niya.

"Ha? Anong sabi mo?" tanong ni Divina sa anak.

"Wala Ma. Si Mico pala nagpuntang school. Nag-gala. Ayan ang pasalubong." saka bumulong. "huwag lang sanang mapagkamalang sweet sauce ang hot sause." saka natawa.

"May binubulong ka ata eh." nakakunot-noong si Divina. "Ganun ba? Ay ayan na pala si Mico eh. Bata ka, nag-gala ka pala kanina. Kaya pala hindi ka nagpunta dito." kunyaring galit-galitan ni Divina.

Naka-ngisi lang si Mico na humarap sa dalawa. "Naisipan ko lang po bigla."

"Oh siya, ako na ang maghahain nito sa lamesa. Magpalit ka na Ivan at sumunod na kayo sa akin."

"Sige po Ma." si Ivan.

"Teka nga pala Ivan, nasabi mo ba kay Angeline?"

Nagtaka si Mico sa tanong ni tita Divina kay Ivan.

"Hindi Ma. Bigla na lang nawala kanina nang mag-break. Hindi na pumasok ng hapon."

"Ah... sige."

"Ako alam ko kung nasaan ang bruhang yun. Teka, sasabihin ko ba kay Ivan?"

"Hoy, anong iniisip mo dyan?" tanong ni Ivan. "Samahan mo ako sa taas."

"Sasamahan pa kita?" pakunyari ni Mico.

"Bigla yata akong natakot sa taas na mag-isa." sabay tawa.

"Grabe ka."

"Ayaw mo?"

"G-gusto." sang-ayon din niya.
-----

Naiwan si Divina at si Mico sa kusina nang matapos silang kumain ng miryenda. Kinausap ni Divina si Mico tungkol sa kaarawan ni Ivan sa susunod na araw.

"Ako na bahala sa mga tao na gagawa ng harang-harang sa labas. Actually, kahit hindi na,hindi naman magulo dito sa atin eh." sabi ni Divina kay Mico. "huwag ka maingay kay Ivan ah."

"Opo." sang-ayon ni Mico.

Ipinapaliwanag kasi ni Divina kay Mico ang mga mangyayari sa paghahanda. Gusto kasi ni Divina na gumawa ng harang sa kalsadang pagitan ng bahay nila Mico at ni Ivan para daw magkaroon kahit papaano ng privacy.

"Basta tulungan mo ako sa pagluluto ha?"

"Opo naman Tita. Kahit hindi niyo na sabihin, tutulong talaga ako sa pagluluto."

"Ok, sa mga bisita naman ako na rin ang bahala. Pupunta ako bukas sa mga kaibigan ni Ivan dyan, sa mga kapit-bahay."

"Eh yung mga classmate niya po?"

"Ah, sana dumating dito si Angeline bukas para makausap ko tungkol sa paghahanda."

Lihim na napakagat-labi si Mico. "Si Angeline na naman."
-----

Nagtataasana ng mga kilay ni Ivan habang naghihintay kay Mico sa living room. "Ang tagal ah..."

"May sinabi lang sa akin si Tita." sagot naman ni Mico at umupo sa tabi ni Ivan.

"Anong sinabi?"

"Wala naman."

"Ayan na naman kami. Si wala lang, wala naman, wala. Ayaw lang magsabi ng sikreto."

"Sikreto?"

"Oo. Alam ko naman na pinaguusapan ninyo ang darating kong kaarawan. Tama ba?"

"Oo, tamang hinala ka. Hindi noh!"

"Weh, di nga?"

"Ikaw ang kulit mo." sabay kurot ni Mico sa tagiliran ni Ivan.

"Ok."

"Teka. Tamang upo ka dito ah. Wala ka bang ibang gagawin?"

"La."

"Sigurado ka?"

"Mm."

"Tipid magsalita ah."

Nginisian lang ni Ivan si Mico.
-----

Kinabukasan.

"Hi tita." bati ni Angeline kay Divina.

"Angeline, masaya akong muling makita ka." nakabuka ang magkabilang braso ni Divina ng salubungin si Angeline.

"Ganun din  po ako."

"Nasaan pala si Ivan?"

"Dumiretso po sa bahay ni Mico. May sasabihin lang daw po kay Mico."

"Tamang-tama. Halika at may pag-uusapan tayo."

Hinila ni Divina si Angeline papuntang kusina at doon niya kinausap ang dalaga.

Matagal-tagal ding nag-usap ang dalawa nang dumating sina Mico at Ivan. Todo naman ang ngiti ni Divina nang makita ang dalawa.

Napansin pa ni Mico ang pagkindat sa kanya ni Divina na alam niya kung ano ang ibig sabihin nito. Siyempre, tungkol sa paghahanda sa kaarawan ni Ivan.

Pero ang tumatakbo sa isip ni Mico ngayon ay si Angeline. Kanina taas ng taas ang kilay niya sa tuwing titignan si Angeline. Pero, siyempre hindi siya nagpapahalata.

"Sige sa taas na muna ako ha?" paalam ni Divina.

Nagtaka naman si Ivan sa sinabi ng ina. "Ma, okay na ba kayo ni Angeline?"

"Ay oo Ivan. Nagkausap na kami. Nagkaintindihan na." sabay ngiti ng napakaluwang ni Divina at tumalikod.

"Nagkaintindihan tita?" sa isip ni Mico. "Sana naman sa paghahanda lang ng birthday ni Ivan ang pinagusapan niyo at wala ng iba pa. Hmmm..." Nawala sa iniisip si Mico nang magsalita si Angeline.

"Siguro magpapaalam na ako, Ivan at Mico." nakangiting pahiwatig ni Angeline para sa pag-alis.

"Ano? Aalis ka na?" gulat ni Ivan. "Hindi ka pa yata nakakapag-miryenda man lang?"

"Pinipigilan mo pa yang babaeng yan Ivan. Naku kung alam mo lang." si Mico.

"Hindi na. Inalok na rin ako ni tita kanina pero tumanggi ako kasi bigla kong naisip na kailangan ko ng umalis."

"Sigurado ka Angeline?" si Ivan.

"Oo. Sige Ivan. Ganun din sayo Mico." At nilagpasan na ni Angeline ang dalawa.

Sumunod si Ivan para maihatid si Angeline kahit hanggang gate man lang.

"Akala kung sinong malambing magsalita." pagkatapos ay inulit ni Mico ang sinabi ni Angeline na may pagkaarte.  "Sige Ivan. Ganun din sayo Mico. Hmpt."
-----

Umuulan nang magising si Ivan kinabukasan. Napa-tingin siya kaagad sa wall clock at napatayo siyang bigla nang makitang halos tinanghali siya ng gising sa pangkaraniwan niyang gising sa pagpasok. "Napasarap yata ako ng tulog?" Dali-dali siyang naghubad ng suot kahit panloob maka-tuntong lang sa banyo kaagad. Mabilis siyang naligo, nagbihis at bumaba para mag-almusal.

Naabutan niyang paakyat sa hagdan ang ina.

"Oh, tinanghali ka yata?"

"Oo Ma. Naiwan kong bukas ang bintana. Hindi ko pala alam na uulan. Ayon napasarap ang tulog ko gawa ng hangin hehehe."

"Kakatukin sana kita eh. Sige mag-almusal ka na at baka ma-late ka pa."

"Opo Ma."

Nasa hapagkainan sila ng batiin ni Divina ang anak. "Happy Birthday anak."

"Salamat Ma."

"Anong handa?" natatawang tanong ni Divina sa anak.

"Kahit ano Ma."

"Sige." pero sa loob-loob ni Divina, "kahit ano? Sige mamaya magugulat ka sa sorpresa namin."

Nang matapos, hindi na nagawang pumunta ni Ivan muna sa bahay ni Mico nang umagang iyon bago pumasok. Lumabas siya sa bahay na umaambon-ambon pa. "Pangalawang beses na itong hindi ako nagpaalam kay Mico." nasabi niya sa sarili habang patakbong tinatahak ang daan para makakuha ng tricycle.
-----

"Wah... anong oras na?" nagulat din si Mico nang magising sa ganoong oras. Agad siyang bumangon at sumilip sa bintana. "Nakaalis na siguro si Ivan." saka rin niya napansing umuulan. "Teka, maglilinis na ako ng katawan, ngayon ang birthday ni Ivan my love."
 -----

"Tita kamusta po?" tanong ni Mico nang makita si Divina sa loob ng kusina habang isa-isang nilalabas ang mga bagay na naka-plastic.

"Ok naman ang lahat Mico. Ay, maya-maya pala dadating ang mga magaayos sa labas. Madali lang siguro iyon kaya huwag ka nang mag-abalang tumulong doon. Dito na lang tayo sa pagluluto."

"Opo Tita. Nasabihan ko na rin po kagabi si Saneng. Susunod na lang po yun dito."

"Ok." pagkatapos ay isinalaysay ni Divina ang mga lulutuin. "Siyempre, ikaw na ang guamwa ng spaghetti ni Ivan. Alam mo na ang dapat na lutong espesyal ah?"

Natawa si Mico sa huling isinalaysay ni Divina. "Oo naman po. Ang paboritong spaghetti ng may kaarawan dapat espesyal."

Nagkatawan silang dalawa.

"Sige magsimula na siguro tayo." si Divina. "Ay, teka nga pala. Nakalimutan kong ayusin ang gagamitin ni Ivan mamaya."

"Ang alin po Tita."

"Yung susuotin niya. Siyempre, hindi niya alam kaya dapat prepared din ang susuotin niya." sabay tawa. "Nakabili na ako. Paplantsahin na lang siguro."

"Ay, tita. Pwede bang ako na lang ang gumawa noon?"

Saglit na nag-isip si Divina. "Kaya mo?"

"Oo naman po. Basta para kay Ivan."

"Sige. Halika at kukunin ko sa kwarto ko."

"Yessss!" tili ni Mico.
-----

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Ivan kay Angeline. Bahagyang sumasakit ang ulo ni Ivan.

Hila-hila kasi ni Angeline si Ivan ng mag-end ang klase ng hapon iyon. "Basta sumama ka muna sa akin."

Nilingon ni Ivan sina Billy at Mark. "Kayo? Hindi ba kayo sasama?" tanong niya sa dalawa.

"Hindi na Ivan kasi may pupuntahan ko si Susane." sagot ni Billy.

Umiling naman si Mark. Ibig sabihin wala itong balak sumunod sa kanila.

Muling itinuon ni Ivan ang pansin kay Angeline. "Angeline, masakit ang ulo kaya sabihin muna kung saan tayo pupunta? Gusto ko ng umuwi."

"Samahan mo muna ako Ivan. Mabilis lang naman ang gagawin natin."

"Ha?" Anong gagawin natin?"

Natawa si Angeline. "Huwag kang mag-alala hindi kita ipapa-ambuse noh. May bibilhin lang tayo."

"Bakit pa ako ang kasama mo?"

"Basta."

"Angeline."

Biglang umamo ang mukha ni Angeline. "Please Ivan. Pagbigyan mo na ako. Ngayon lang, sige na."

Bumuntong hininga na lang si Ivan. "Fine."

"Yehey. O ayan. Halika na. Go."

Sinimulan na nilang maglakad.

"Basta bilisan lang natin ah." huling nasabi ni Ivan.

Sa pagkakataong iyon, iniisip ni Ivan si Mico. Ngayon niya ibibigay ang promise niya kay Mico. Nagmamadali sana siyang maka-uwi pero may umentra.

"Mahaba pa naman siguro ang oras. Saturday bukas, bahala na nga. Basta kailangan, magkita kami ni Mico mamaya."  Pinilit na lang niyang ngumiti para sa kasalukuyang nangyayari.


[35]
"Ayus na ang lahat Mico." natutuwang pahayag ni Divina nang ma-check na niya ang lahat. "Sa tingin ko." sabay tawa.


Sinabayan rin ni Mico si Tita Divina sa pagtawa. "Oo nga po. Ready na nga po siguro tayo. Hihintayin na lang natin ang pagdating ng mga bisita tapos ang birthday celebrant."

"Oo kaya magpahinga ka na at mag-ayos na rin ng sarili mo."

"Sige po." sangayon ni Mico. "Hayss."  lihim na buntong hininga niya. Pagkatapos ay ang maluwang na ngiti. "Handa na ang lahat. Excited na akong dumating si Ivan. Sigurado maso-sorpresa 'yun." binuntutan niya ito ng hagikgik. "Pero ang nakaka-inis lang doon, malamang kasama na ni Ivan ngayon ang bruhang Angeline na iyon. Hmpt."
-----

"Angeline, kanina pa tayo dito. Sino ba ang hinihintay mo?" tanong ni Ivan nang mainip sa pagkakaupo nila sa isang bench sa loob ng isang mall, one ride away sa pinapasukan nilang university.

Nilingon siya ni Angeline at ngumiti lang ito. Hindi pa kasi niya napapansing sadyang nagpapalipas lang sila ng oras ni Angeline sa loob ng mall na iyon gaya ng bilin Divina.

Iminungkahi kasi ni Divina kay Angeline na gumawa ang babae ng paraan para hindi kaagad umuwi si Ivan para hindi nito maabutan ang paghahanda. At ito nga ang naisip ni Angeline.

"Sabihin mo na kasi, may bibilhin ka ba? Sasamahan kita. Siguraduhin mo lang na hindi..."hindi naituloy ni Ivan ang sasabihin dahil nag-alangan siyang banggitin ang mga salitang gamit pambabae.

Natawa si Angeline. "Hindi naman noh. Basta wait ka lang."

"Gaano pa katagal?"

"Kaunti na lang."

Napataas ang kilay ni Ivan. "May dadating ba?" bigla niyang naisip si Mico. "Imposible." pabulong niyang anas.

"Ha? May sinasabi ka?"

"Wala."

"Ok. Mmm siguro pwede na tayong umuwi?" tanong ni Angeline kay Ivan.

"Ha? Ako pa ang tinanong mo talaga ah?" natawa si Ivan.

"Sige na nga uwi na tayo." sabay tawa ni Angeline.

"Ganun na ba yun?" pagtataka ni Ivan.

Ngumiti lang si Angeline. "Ivan, thank you ha. Kasi, sinamahan mo 'ko kahit hindi mo alam ang dahilan. Na-appreciate ko talaga. Kaya, sana wag kang magalit ha?"

"Ay ewan ko sayo. Oh ano, pwede na tayong umuwi?"

"Sure."

"Hay sa wakas."

Muling tumawa si Angeline. Habang parang gustong ma-badtrip ni Ivan. "Buti na lang birthday ko ngayon, kaya ayaw kong ma-badtrip..."  bigla siyang may naisip. "Hindi kaya?"
-----

Malayo pa lang, nakita na ni Ivan ang mga bangko, lamesa sa harapan ng bahay nila pero wala siyang makita ni isang tao sa paligid. Naglalakad siya papalapit doon na nakasimangot. Hindi niya inaasahan na may handaang magaganap dahil wala namang sinabi ang ina. Parang wala siyang gana ngayon pang bahagyang sumasakit ang ulo niya gawa ng naambunan siya kanina.

Iba ang gusto niyang mangyari. I-celebrate ang birthday niya na sila lang sana ng ina at ni Mico. May balak pa naman siyang gawin ngayon. Pero alam niya na hindi na niya mauurungan ang nakikita na niyang mangyayari.

"Walang tao, kunyari. Tapos biglang maglalabasan. Alam na." nasabi ni Ivan. "Pagkatapos, sisigaw ng "Happy birthday." natawa siya kahit papaano sa naisip sa kabila ng nararamdamang sakit ng ulo.

Nadaanan na niya ang mga nakalatag sa labas na mga bangko at lamesa, pagkatapos ay binuksan niya ang saradong gate. Inaasahan niyang pagbukas niya ng pinto ay bubulagain siya ng mga babati sa kanya. Naisip niyang isa si Mico doon. Binuksan niya ang pinto ng bahay.

Katahimikan ang napagbuksan niya. "Nge, wala ah. Nagkamali ako. Hmmm siguro nasa kusina lahat ang mga yun." Dumiretso siya ng lakad patungong kusina. Naisip nyang sabayan niya ang pagbulaga sa mga inaasahan niyang mga tao sa kusina.

Bumilang pa siya sa kanyang isip. "1, 2, 3 BULAGA!" saka siya natahimik. "Walang tao?" Mali ang inaasahan niya. Napa-ngiwi siya sa ginawa. "Para akong sira. Nambubulaga ako sa wala. Baka nasa taas?" Pero mas pinili niyang i-check ang labas bago umakyat.

Sa muling pag-hila niya ng pinto...

"Happy birthday!" sigaw ng lahat nang dumating si Ivan. Pagkatapos ay tawanan.

Nagulat talaga si Ivan sa malakas na pagbati ng lahat sa kanya. Ang iniisp pa naman niya ay nasa taas ang lahat. Saglit pa nga siyang natulala.

"Happy birthday, anak ko." bati ni Divina na nasa unahan ng karamihan.

"Salamat Ma."

"Happy birthday." si Mico na katabi ni Divina.

Ngumiti ng mas maluwang ski Ivan. "Salamat, Mico. Nagulat ako dun ah. Sino ba ang nag-isip nun?"

"Tingin mo?" sabay tawa.

I-tinuon na ni Ivan ang atensyon sa karamihan na patuloy na bumabati sa kanya. Naroon sina Billy, Susane, Mark at ibang mga kaklase at mga kaibigan sa loob ng village.

"Maraming salamat sa inyong lahat." balik pasasalamat ni Ivan sa mga pagbati. Bigla siyang napatingin kay Billy at Susane. "Teka, ang bilis ninyong mag-palit ah? Nagbaon siguro kayo ng bihisan?"
Agad na sumagot si Billy. "Hindi noh? Joke." sabay tawa.

"Kaya pala, hinila-hila pa ako ni Angeline sa mall ah para makapag-palipas oras. Ganun pala."

Natawa ang lahat ng mga nakarinig.

"Ivan." tawag pansin ni Mico. "Magpalit ka na."

"Magpalit?"

"Oo. Ganyan na ba ang suot mo, naka school uniform?"

"Meron ba?"

Hindi mapatid ang ngiti ni Mico. "Sa kwarto mo."
-----

Habang naghuhubad si Ivan ng uniform, pinapanood niya si Mico sa ginagwa.

"Ito ang susuotin mo." kinukuha ni Mico ang susuotin ni Ivan sa aparador nito. "Ako ang nagprepare nito." buong pagmamalaki niya sabay tawa. Saka humarap si Mico. Iaabot na ni Mico ang hawak nang mapansing nakatitig sa kanya si Ivan. Wala na itong suot na polo at sando. Tanging mga pambaba na lang ang suot nito. Lihim siyang napalunok sa nakita niya. Naaapektuhan siya sa ganun hitsura ni Ivan. "Bakit ganyan ka makatingin." tanong ni Mico.

"Wala lang." malumanay na sagot ni Ivan. Saka niya inabot ang hawak ni Mico. "Ito ba ang susuotin ko?"

"Oo. Pero si Tita ang bumili nyan." Napansin ni Mico ang ngiti sa labi ni Ivan. Saka siya napa-tingin sa baba ni Ivan nang aktong bubuksan nito ang zipper para mahubad ang suot na pambaba. Agad siyang tumalikod.

"Bakit ka tumalikod? Naasiwa ka ba?" tanong ni Ivan.

"H-ha? Siguro. Oo. Hindi naman. Yata. Ganun na nga siguro." dinugtungan niya ito ng tawa.

"Sige na nga sa loob na ako magpapalit." ang tinutukoy ni Ivan ang banyo.

"Sige." ang nakatalikod pa ring si Mico.
-----

"Gwapo na ba ako?" tanong ni Ivan nang makalabas sa banyo. Suot na nito ang inihanda niyang damit nito at halatang nag-asikaso talaga ng buhok at mukha.

Napa-ngiti si Mico. "Oo naman. Dati pa."

"Yan ang gusto ko."

Hindi na sumagot pa si Mico. Baka lalo lang siyang malunod sa sobrang saya para kay Ivan at mga nangyayari sa kanila.

"Sandali." awat ni Ivan nang lalabas na sana si Mico. "Pabango pa." sabay tawa. Pero nang maispreyan niya ang sarili. Bigla siyang napa-unas ng reklamo. "Ahhh... hindi ko yata gusto ang amoy ngayon ng pabango ko. Sakit sa ulo."

"Ha? Bakit?"

"Kasi kanina pa sumasakit ang ulo. Alam ko, nabigla ako sa pagligo ko kanina tapos, naambunan pa ako. Nagmamadali kasi ako kanina eh."

"Ah kaya pala hindi ka na nagpaalam sa akin. Ako nga rin eh nagulat rin nang magising akong late na."

"Halika na nga baba na tayo."

"Sige."
-----

Pagkababang pagkababa nila ni Ivan, nabungaran nila si Angeline sa labas na alam niyang kararating lang. Nahuli kasi ito dahil sa ginawang pagpapalipas oras kasama si Ivan. Napataas ang kilay ni Mico nang makitang maganda ang suot nitong hapit sa katawan. Sabayan ng mapupulang labi, tulad ng makita niya ito noong isang araw. "Hmpt."

"Hi Mico." bati ni Angeline. Pero hindi na nito hinintay ang sagot ni Mico. Itinuon na agad nito ang atensyon kay IVan. "HAppy birthday IVan. Lalo kang gumwapo sa suot mo."

"Salamat."

"Siyempre ako ang ka-date mo ngayong gabi ah?"

Natawa si Ivan.

"Bruha, ambisyosa."  si Mico. Lalong nanggalaiti ang kalooban ni Mico nang makitang ipinuloupot na ng babae ang mga braso nito kay Ivan.

Saka dumating si Divina. "Ayan, ok na pala si Ivan. Sige na Ivan labasin mo muna ang mga bisita mo."

"Sige po Ma."

Lumabas na nga si Ivan habang nakapulupot si Angeline. Naiwan si Mico na nakatayo sa unang baitang ng hagdan.


[36]
Parang ayaw nang makihalubilo ni Mico sa mga bisita ni Ivan sa labas. Nakaupo na lang siya sa sofa kaharap ang nakapatay na tv. Sa madaling salita, nakatunganga. May pagkain siyang sinandok at kaharap niya na nakalagay sa center table pero hindi naman niya ginagalaw.


"Hindi ko pa nga nakikitang kumakain si Ivan ng niluto kong spaghetti." bulong niya. "Lagi na lang kasing naka-buntot ang babaing yun kay Ivan." Panay ang buntong hininga ni Mico.

Naisip ni Mico na i-check ang mga pagkaing naka-imbak sa kusina kaya tumayo siya para pumunta doon. Dala-dala niya ang isng basong juice. "Yun na lang ang pagkakaabalahan ko. Baka sabihin kasi ni Tita hindi ako nag-eenjoy pag nakita akong nakatunganga dito."

"Pwede bang magtanong?"

Nagulat si Mico nang biglang may magsalita sa kanyang likuran. Hindi sinasadyang natapunan niya ng juice bandang baba ng tiyan ng lalaki. Saka lang niya napagtantong lalaki nang makitang nakapantalon ito. Sa hiya, dali-dali niyang kinuha ang tissue sa gilid ng kanyang plato at payukong pinunasan ang basa. "Sorry, sorry hin-" hindi niya natuloy ang sabihin nang maisip ang ginagawa. "Ay!" tili niya. "Sorry sorry sorry nabigla kasi ako." Saka lang niya naisip na ang muntikan na niyang punasan ang bandang maselang parte ng katawan nito.

Hindi nakapagsalita kaagad si Mark. Napataas pa ang dalawa niyang kamay nang makitang matatapunan siya ng juice. "Ok lang." pinilit niyang ngumiti.

Saka lang namukhaan ni Mico ang kausap. "Ah, ikaw pala. Mark ang pangalan mo right? Sorry talaga ha?"

"Yupp. Oo wala na sa akin yun. May gusto lang sana akong itanong?"

"Sige ano ba yun?"

"Kung may nakita kang babae na pumunta dito at maaring kasama niya si Billy."

Saglit siyang nag-isip. "ano nga bang iisipin niya eh halos nakayuko na lang ang ginawa niya. Wala eh."
Nakita ni Mico ang paglamlam ng mga mata ni Mark.  "Teka, may nasabi ba akong mali?"

"Hindi Ok lang. Akala ko kasi makikita ko dito si Susane."

"Ah si Susane pala ang hinahanap mo. Hindi ko talaga siya nakitang pumasok dito." Nakilala na niya si susane kanina nang ipakilala ito ni Billy sa kanya. Nagandahan pa nga siya sa babae.

"Umuwi na siguro silang dalawa." malungkot na litanya ni Mark.

"Huwag ka na mang malungkot ng ganyan. Happy happy tayo ngayon." paalala ni Mico.

"Yupp tama ka. Teka bakit ka nga pala nag-iisa dito. Doon tayo sa labas."

"Hindi muna. I-che-check ko pa yung mga food sa kusina."

"Ah ganun ba? O sige, samahan na lang kita tapos sabay tayong lumabas."

"S-sige." Ewan ba ni Mico at hindi niya nagawang tumanggi pa kahit ang buong isip niya kanina ay tanggihan ito.
-----

"Nakita ko sila kanina." bulong ni Ivan. Pumasok kasi siya sa loob ng bahay kanina nang makawala siya kay Angeline na laging nakapulupot sa kanya. Naiwan ang babaeng may kausap kaya nakawala siya rito.

Pero sa pagpasok ni Ivan. Nakita niyang nakatalikod si Mark habang nakayuko naman si Mico. Iba ang inisip niya sa nakita niyang ayos ng dalawa. Kaya bigla siyang napa-atras at hindi na sana tutuloy. Pero maya-maya ay nagbawi rin siya na baka mali lang ang iniisip niya. Kaya lang ng sa muli niyang pagbalik nakita niya ang dalawang papasok na sa loob ng kusina. Kaya mas lalong nag-init ang ulo ni Ivan. Hindi niya gusto na magkasama ang dalawa.

Hindi na nga siya tumuloy. Para sa kanya sapat na ang nakita niya para galitin ang sarili. Bumalik siya sa pwesto kung saan naroon si Angeline. Walang imik na kunyaring nakikinig sa usapan ng grupo. Pero ang totoo, ang mga mata ay naka-bantay sa pintuan kung saan maaring lumabas sina Mico at Mark.
-----

Nagkakatawan sina Mico at Mark nang lumabas ng bahay para maki-isa sa mga nagkakasiyahan sa labas.

"Salamat ha?" si Mico.

"Saan?"

"Sa pagtulong."

"Ah wala yun. Hehe ako nga dapat ang magpasalamat kasi, nawala ang lungkot kahit papaano nang maisip kong wala na rito si Susane."

Tumawa na lang ng bahagya si Mico biglang sagot. "Dun tayo sa table na iyon." itinuro ni Mico ang table na walang umu-ukopa.

"Sige."

Samantala, nagtatangis ang mga bagang ni Ivan habang titig na titig sa dalawang masayang nilalang na sina Mico at Mark na bagong labas lang ng bahay.

"Oy pare, siryoso ka dyan ah?" pansin sa kanya ng isa sa grupo.

"Baka nagseselos si birthday boy dahil tayo ang kinakausapni angeline?" biro pa ng isa.

Biglang tumingin si Ivan sa mga nagsalita. Akala naman ng naguumpukan ay galit si Ivan sa mga pinagsasabi nila.

"Hindi." malumanay na sagot ni Ivan. Saka muling nagsalita ng malakas. "Bakit naman ako magseselos? Eh, baka ilang araw lang kami na nyan." sabay tawa.

Nang marinig iyon ni angeline ay todo naman ang pulupot kay Ivan. "Ay naku naman Ivan, pinakikilig mo ko."

Nagkaroon ng tuksuhan sa grupo.
-----

Hindi naging lingid sa pandinig ni Mico ang mga sinabi ni Ivan. Nasa kasalukuyang pagkukwento si Mark ng nakakatawa ng mga sandaling iyon, unang pagkakataong hindi siya natawa sa banat nitong biro.

"Bakit corny ba?" tanong ni Mark.

"H-ha? Hindi. Nakuha lang ni Ivan ang atensyon ko ng magsalita siya." diretsong sagot ni Mico.

"Ah... Oo nga pala. Medyo narinig ko nga rin eh. Ikaw, anong masasabi mo?"

"Masasabi ko?"

"Sa kanilang dalawa? Tingin mo bagay ba sila?"

Hindi kaagad sumagot si Mico. "mmm hindi ko alam." pero ang totoo parang gusto niyang itaob ang lamesa nang marinig ang mga salitang "bagay ba sila". Pero nagpigil siya dahil nakakahiya kay Mark na kausap niya ng maayos at malay ba nito at ganun din sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Natawa na lang si Mark.

Nagpatuloy si Mark sa pagkukwento. Pero ang atensyon na ni Mico ay kay Ivan na. Kaya ng makitang lumayo si angeline sa grupo nila at mapansing papunta ito sa loob ng bahay ay agad siyang nagpaalam kay Mark.

"Pasok lang muna ako sa loob ah. Saglit lang."

"O-ok sige." sinundan na lang niya ng tingin si Mico. "Masarap din pa lang kausap minsan ang mga katulad niya." ngiti.
-----

"Anong gagawin mo dito sa loob?" tanong ni Mico kay angeline.

Napalingon si angeline kay Mico. "teka, sana mali ako. May ibig sabihin ka ba sa tanong mo?"

"Anong ibig kong sabihin? Nagtatanong lang ako."

Saglit na tumigil si Angeline. "Magc-cr ako."

"Ok."

Tatalikod na sana si Angeline. "Alam mo iba ang nararamdaman ko ngayon sayo eh, may mali ba Mico?"

Sumimsim muna ng juice si Mico bago magsalita. "Meron ba?"

"Tigan mo yang ganyang sagot mo. Ano bang problema mo?"

"Wala akong problema. Baka ikaw ang may problema."

"Ha?" kanina pa nagugulat si Angeline pero mas grabe ang pagkagulat niya ngayon sa mga sinabi ni Mico. "Ok ka lang Mico?"

"Sarili mo ang tanungin mo, angeline. Bakit kailangan mong makipag-flirt kay Ivan gayon may ibang lalaki ka?"

Nanlaki ang mga mata ni Angeline. "Ok ka lang Mico?" nagmamaang-maangan si angeline.

"Balak mo pa yatang magsinungaling. Nakita kita, nung isang araw may kausap kang isang lalaki at dinig na dinig ko kung paano laitin si Ivan ng talikuran tapos ngayon akala mo kung sino kang maka-dikit sa kanya."

"Ah kaya pala." nagsimula nang magkaroon ng pagtataray ang tono ng pananalita ni Angeline. "Wala kang pakialam. Palibhasa, obvious na obvious na selos na selos ka sa amin ni Ivan."

Biglang natigilan si Mico. Nakaramdam siya ng hiya. "Ganun na ba ako ka-transparent sa emosyon ko?"

"Tama ako di ba?" natatawang si angeline. "Bakit nanahimik ka?"

"Sasabihin ko kay Ivan ang likaw ng bituka mo."

"Subukan mo. Ipagsisigawan ko naman ang feelings mo kay Ivan.Pangalawa, gusto mo bang masira ang gabi ng mahal mo?" sabay tawa.

Sa tindi ng galit na nararamdaman ni Mico  nagawa niyang buhusan ng juice sa mukha si Angeline. Todo ang sigaw ni Angeline na tamang-tama ang pagpasok ni Ivan.

Agad tumakbo si Mico kay Ivan. "Iva-"

Pero bigo si Mico na makuha ang atensyon ni Ivan dahil si Angeline ang hinarap nito.

"Ok ka lang ba, Angeline?"

Nagkakanda-iyak si angeline ng humingi ng awa kay Ivan. "Yan kasi si Mico inaaway ako. Binuhusan niya ako. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako inaaway. Sinundan na lang niya ako dito tapos saka ko na lang nalaman na selos na selos na pala siya dahil tayo ang magkasama."

Nagtangis ang mga bagang ni Ivan. "Halika muna sa taas magpunas ka. May dala ka bang pamalit?"

Tumango si angeline.

Naiwan na lang si Mico na hindi makapagsalita. Hindi niya inaasahang mas bibigyan pa niya ng atensyon ang babaeng yun. Katulad ni Ivan, nagsimulang mag-tangis ang mga bagang niya kasabay ang napipintong pagluha.


[37]
"Oh, itong pamunas. May pamalit ka ba?" si Ivan kay Angeline.


"Wala nga eh." maarteng sagot ni Angeline.
Napa-buntong hininga si Ivan sa sagot ni Angeline. "Paano ngayon yan? Halatang basa yang damit mo."

Sumagot si Angeline na para bang iiyak. "Hindi ko nga alam eh."

"Sansali, sandali gagawan natin ng paraan yan. Wag ka ng mag-alala."

"Paano?"

Saglit na nag-isip si Ivan kung ano ang maarin niyang gawin. "Kung magsuot ka muna ng sweater o jacket? Ok lang ba? Meron ako sa cabinet, tignan mo kaya? ano?"

"Sige, susubukan ko. Kunyari nilalamig na lang ako."

Itinuro ni Ivan ang cabinet ng mga damit niya. Agad namang pumunta roon si Angeline Siya na rin mismo ang nagbukas at pumili ng maaring ipagtakip sa kanyang nabasang pang-itaas.

"Ok na siguro ito, Ivan."

"Sige na suotin mo na kung ok na sayo." Pagkatapos ay iniba ni Ivan ang usapan. "Bakit ka nga pala binasa ni Mico? Anong ginawa mo?" Nakita ni Ivan nang manlaki ang mga mata ni Angeline sa tanong niya.

"Anong ginawa ko?" may kataasan ang tono ni Angeline. "Nagpaalam ako sayo na pupunta lang ako sa cr, tapos sinundan pala ako ni Mico at ayun na, binasa na niya ako." saglit na tumigil. "dahil sa selos. Oo nagseselos dahil magkasama tayo. Sabi na nga ba at may nililihim yang Mico na yan. Ang sama pala ng ugali."

Nagtitiim bagang na lang si Ivan. "Sigurado ka ba?"

"Ivan... nakikita mo naman siguro ang ginawa sa akin di ba?"

"Ok, ok. Sigurado ka na ba sa suot mo? Bababa na tayo."

Biglang kumapit si Angeline kay Ivan. "Ivan, ipagtanggol mo ako kay Mico. Natatakot ako sa sa kanya."

"Huwag kang mag-alala." nasabi na lang ni Ivan.
-----

Naka-upo si Mico sa sofa habang naghihintay sa pagbaba ni Ivan at Angeline. Nakabawi na siya sa pagkabigla nang biglang kampihan ni Ivan si Angeline at hindi siya. Gusto niyang magpaliwanag kay Ivan kungbakit niya iyon ginawa. Dalangin niya na hindi galit sa kanya si Ivan. Pero, sa ibang bahagi ng kanyang utak, nasisigurong galit sa kanya si Ivan.

"Huwag naman sana." bulong niya sa sarili. Agad siyang napalingon ng marinig ang mga yabag ng mga paa pababa sa hagdanan. Agad siyang tumayo nang makita sina Ivan at Angeline. "Ivan." tawag niya.

Agad lumingon si Ivan sa kanya. Nakita pa nga niyang biglang kumapit ng mahigpit si Angeline sa braso ni Ivan. Lalapit sana siya, nang magsalita si Ivan kay Angeline. Pinalabas na ni Ivan ang babae. Sumunod naman ang huli at naiwan silang dalawa.

"Ivan." muling tawag niya sa pangalan nito. "I'm sorry, pero-"

"Bakit mo ginawa iyon kay Angeline, Mico?"

"Kasi-"

"Anong kasi? Dahil nagseselos ka? Tingin mo ba tama 'yung ginawa mong pagbasa sa kanya? Hindi ko yata inaasahang magagawa mo yun kay Angeline. Pangalawa, naghanda-handa kayo dito para sa birthday ko, tapos para gumawa lang ng eksena. Ok naman kayo ni Angeline ah?"

Naiyak na si Mico dahil sa sunod sunod na tanong ni Ivan. Halos hindi na niya maintindihan at hindi na alam kung paano magpapaliwanag. Pati siya ay naguguluhan. "A-ang alam ko... ako ang nasa ta-ma, I-van."

Napa-tingala si Ivan sa itaas sa sagot ni Mico. "Alin ang tama? Ang pambabasa mo kay Angeline? Kailan pa naging tama iyon Mico? Nambabastos ka ng bisita ko."

"Hindi mo kasi alam Ivan. Niloloko ka niya." napasigaw si Mico sa tindi ng sama ng loob. Hindi siya maintindihan ni Ivan.

Dahil sa pagsigaw ni Mico mas lalong napatiim bagang si Ivan. "Anong hindi ko alam at paanong niloloko?"

"Noong isang araw." halos pasigaw ni Mico itong sinabi. "Nakita ko si Angeline na may kasama siyang ibang lalaki. Niloloko ka lang niya. Hindi totoong may gusto siya sa-" naputol ang gusto niyang sabihin nang magsalita si Ivan. Alam niyang galit na ito at hindi siya naiintindihan.
"Ah.. Mico. Ano naman?" pigil ang pagsigaw ni Ivan. Ayaw nitong may makarinig.

"I-Ivan? A-ng ibig mong s-sabihin... wala kang pakialam kahit lokohin ka niya?" biglang napatigil si Mico sa pag-iyak at sisinok-sinok na sumagot. Halos magkandautal si Mico.

"Oo. Tama ang narinig mo. Anong pakialam ko kung niloloko niya lang ako na may gusto siya sa akin. Ang problema ngayon, bakit mo ginawa iyon kay Angeline? At sinakto mo pang kaarawan ko. Kasama ba iyan sa sorpresa mo?" Biglang naalala ni Ivan ang tagpong nakita niya sina Mico at Mark. "Close na pala kay ni Mark?" biglang tumawa si Ivan ng nakaka-insulto. "Sa paguusap niyo kanina para bang matagal na kayong nagkakilala ah. Ang alam ko never ko pa siyang nabanggit sayo. O baka naman nagkita na kayo ni Mark sa school nung mag ki ta din kayo ni Angeline."

"H-ha?" hindi makapagreact si Mico. Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung paano uumpisahan ang kanyang paliwanag.

"Oh ano? Hindi ka makasagot?" muling tumawa si Ivan ng nakakainsulto.

"Hindi ko kasi maintindihan ang mga sinasabi mo Ivan?"

"Wala na siguro tayong dapat pag-usapan."

"H-ha? Anong ibig mong sabihin Ivan?" biglang nahintakutan si Mico sa sinabi ni Ivan.

Umiling-iling lang si Ivan at ngumisi katulad pa rin kaninang nakaka-insulto. Pagkatapos, tumalikod na si Ivan.
"Ivan." tawag ni Mico. Nagsimula na namang putak ang mga luha ni Mico. "Ivan..."

Pero hindi na lumingon pa si Ivan. Napaupo na lang si Mico sa sofa at doon tahimik na lumuluha. Wala na siyang masabi kundi ang matulala at alalahanin ang mukha ni Ivan kung papano ito nagalit sa kanya.
-----

"Kamusta na kayo diyan? Enjoy lang ha." bati ni Ivan sa mga nadaanan nang muli siyang lumabas. Pinilit niyang alisin ang nangyari kanina. Pero hindi niya mawaglit ang maisip si Mico na naiwan sa loob. Alam niyang nasaktan ito sa sinabi niya. Pero naninindigan siya sa mga sinabi niya.

"Ivan." si Angeline. Agad ang kapit nito kay Ivan.

Sinalubong ni Ivan si Angeline ng masaganang ngiti.

"Ivan, tinatanong nila sa akin kung kailan mo ba daw ako sasagutin ahahaha."

"Sasagutin?" nagsalubong ang kilay ni Ivan sa pagtataka.

Natawa si Angeline. "Sabi ko sa kanila ako na ang nanliligaw."

Sa loob loob ni Ivan, nakaka-offend ang sinabi ni Angeline. Marunong siyang manligaw. Ang kaso wala siyang gusto kay Angeline. Parang hindi maganda sa kanyang pandinig ang sinabi ni Angeline pero pinilit niyang huwag ma-inis. Tumawa na lang siya para maitago ang nararamdaman inis kay Angeline.
-----

"Mico." tawag ni Mark. "Kanina pa kita hinihintay sa labas akala ko babalik ka. Wala tuloy akong makausap." sabi niya kahit hindi lumilingon sa kanya si Mico. Tumabi siya kay Mico sa pagkakaupo. Nanlaki ang mga mata ni Mark nang makitang luhaan si Mico. "Mico bakit?"
Hindi kumibo si Mico. Patuloy lang itong sisinok-sinok.

"May nasabi ba akong mali kanina? Im sorry hindi ko alam na na-offend na pala kita."

Ayaw sana ni Micong mamansin kahit ano pa ang isipin ni Mark basta wala siyang gana dahil sa sakit na nararamdaman. Pero, pinansin niya ito dahil nagsosorry sa wala namang kadahilanan. Baka makonsensya pa siya kapag hindi niya ito pinansin. "Huwag kang mag-alala hindi ikaw ang may kasalanan."

"Ha, ganun ba? Sino? Sabihin mo. Isa ba sa mga classmate namin ni Ivan?"

"Oo classmate mo ang sumakit sa puso ko. Ano ang gagawin mo sa kanya? Ipagtatanggol mo ako?" peor hindi nya iyon maisatinig sa halip iba ang isinagot niya. "Wala ito. Huwag kang magalala magiging ok din ako."

"Sabi mo yan ah. Ayaw mo na bang lumabas? Naroon sila Ivan nagkakasayahan sila. Kasama sila Angeline."

Biglang tumaas ang isang kilay ni Mico. "Ang angeline na iyon." Lumingon siya kay Mark. "Wait lang mag-aayos lang ako ng mukha tapos labas tayo. Gusto kong mabantayan si Ivan, lalabas ako."

"Tama para makalimutan mo muna yang lungkot mo." pagktapos ay ngumiti ng pagkaluwang-luwang si Mark. Ngiting parang bata na kita halos lahat ng ngipin.
Napa-ngiti si Mico sa ginawang pag-ngiti ni Mark.
-----

"Yan tumatawa ka na uli." natatawa ring pahayag ni Mark.

"Ikaw kasi eh, ang lakas mong mambola." sagot ni Mico. "Alalahanin mo, ano ako... alam mo na tapos ako ang kasama mo baka kung anong isipin nila sayo."

"H-ha? Hindi naman siguro. Saka alam naman ng mga classmate ko na may girlfriend na ako." sabay tawa. "Yung ibang hindi naman nakakakilala sa akin, siguro wala  na akong pakialam sa kanila."

"Talaga lang ha?" pagkatapos ay naghanap ng mauupuan. Kasabay ng pagturo ng mapuppwestuhan nila ay ang makita si Ivan at Angeline na halos magkayap na. "D-doon tayo."

"Halika." sagot ni Mark. Hinawakan nito ang kamay nya bilang pagakay sa pwestong napili nila.
-----

Hindi naman lingid kay Ivan ang pagkakahawak ng kamay nila Mico at Mark. Kaya naman kahit umiiwas na siya sa mga pagkapit ni Angeline ay guamnti na rin siya ng pagakbay dito.

"Pareng Ivan," tawag ng isang kaklase sa grupo. "Mukhang may realsyon na namang mabubuo niyan." sabay tawa.

"Ganun ba?" sagot ni Ivan. "Tignan natin bukas."

"Ano?" gulat ni Angeline. "Sigurado ka Ivan?"

Natawa na lang si Ivan kahit ang totoo ay nakukuyumos na niya ang mga kamay sa galit habang napapansin sina Mico at Mark na masayang nag-uusap.
-----
Naririnig ni Mico ang usapan sa grupo ni Ivan. Dinig na dinig niya ang sinabi ng di kilalang lalaki at ang sagot ni Ivan. Lalo lang nagdurugo ang puso niya. "Yun ba ang ibig sabihin ni Ivan na wala na kaming dapat pang pag-usapan? Kasi, bukas magiging sila na ni Angeline?"

"Mico." tawag pansin ni Mark. "Bigla kang natulala?"
"Ah eh wala lang parang may nakita lang akong kung ano sa banda roon." alibi niya.

"Saan" agad nilingon ni Marka ng dakong tinuro ni Mico. "Madilim naman eh. Huwag mong sabihin namamalikmata ka? Huwag kang ganyan Mico, takot kaya ako sa multo." sabay tawa ni Mark.

"Ano? Ibig sabihin, takot ka sa madilim?"

"Ganun na nga."

Sabay silang nagkatawanan.

At bigla na lang...

"Mico. Sumama ka muna sa akin." si Ivan kay Mico sa siryosong pagsasalita.
"S-sandali lang Mark ah." paalam niya kay Mark. Muntikan pa siyang mapatid nang may pwersa ang paghila sa kanya ni Ivan. "Bakit ba kasi?" tnaong niya nang naglalakad na sila papasok ng bahay ni Ivan.

Hindi nagsalita si Ivan hanggang makapasok sila sa bahay. Nang makapasok ay saka niya binitiwan si Mico. "Akala ko narito ka dahil umiiyak ka? Pero yun pala nakikipagusap ka na kay Mark at ang saya-saya mo pa. ang bilis mo namang kalimutan ang ginawa mo kay Angeline."

Kanina pa nagsalubong ang kilay ni Mico. "Anong gusto mong gawin ko dito magmukmok at magapansing umiiyak ako sa sama ng loob?"

"Pero bakit-"

"Bakit ano? Ako pa rin ang mali makita mo lang akong tumatawa?"

Napa-hawak si Ivan sa ulo sa sobrang inis na nararamdaman. Napataikod pa siya kay Mico at para bang gustong magbuhos ng matinding emosyon.

"Ikaw nga diyan eh, ang higpit ng yakap mo kay Angeline. May sinasabi ba ako? Wala."

"Dapat lang dahil wala kang pakialam sa ginagawa ko."

"Oo kaya nga kahit sagutin mo siya bukas wala pa rin akong pakialam  di ba?"

"Oo."

Nagsimula na namang sumikip ang dibdib ni Mico. Nagbabadya na naman ang kanyang pag-iyak. "Ganun pala Ivan. Ibig sabihin-" hindi niya naituloy ang sasabihin.

"Ibig sabihin?" paguulit ni Ivan.

"Kung sasagutin mo siya bukas, ibig sabihin hindi mo ako mahal Ivan." nahagulgol na si Mico sa harapan ni Ivan. "Ganun ba Ivan, hindi mo talaga ako mahal?"

"Wala akong matandaang sinabi kong mahal kita Mico."

Tigagal si Mico sa narinig. "H-hindi mo a-ako m-hal Ivan?"

"Oo. Mico, Oo."

"Diba, hinahalikan mo ako? Akala ko mahal mo ako Ivan? Sabi mo masaya ka na malaman mong mahal kita? Paanong nangyari yun Ivan? Mabait ka sa akin, na dati hindi. Tapos, lagi mo akong niyayakap. Tapos- Ivan, hindi mo ba talaga ako mahal?"

"Inuulit ko, wala akong sinabing mahal kita. Siguro-" bigla siyang natigilan. Naghanap siya ng karugtong sa sasabihin. "dahil iyon sa halos tayo na lang lagi ang magkasama kaya naging close tayo ng sobra sobra. Dahil lang yun doon at wala nang iba."

Hindi alam ni Mico kung paano sasagot. Napatango nalang siya. Sisinok-sinok.

"Kaya huwag mong isiping may gusto ako sayo."

"S-sige, gagawin ko. Mali lang pala ako. Akala ko kasi eh." suminghap muna si Mico ng maraming hangin para makapagsalita ng maayos. "Pasensya na ha. Yun lang talaga ang akala ko. Akala ko-" pinilit niyang ngumiti. "Sige aalis na ako." tumalikod siya pero muli ring humarap kay Ivan. "Sandali, aayusin ko lang ang sarili ko. Baka kasi isipin nila na kung anong nangyari sa akin." sabay ngiti. "Siya nga pala..." muli na namang nagbadya ang mga luha kay Mico. "sana kahit man lang dyan sa pagprepare ko ng suot mo, naapreciate mo. Yun lang. Salamat na rin ha? Sige, paalam. Aalis na ako. Bye." at isang sulyap pa kay Ivan. Para bang naghihintay si Mico na pigilan siya.

Agad tumakbo si Mico para makauwi sa sariling tahanan.


[38]
Walang pakialam si Mico kung may makapansin sa kanya. Masakit talaga sa kanya ang sabihin ni Ivan na wala itong gusto sa kanya. Para tuloy siyang tanga na nagpapaniwalang mahal siya ni Ivan. Kaya pagkatalikod niya kay Ivan ay sinundan na niya ng pagtakbo. Alam kasi niyang sa akhit anong sandali, babagsak nang muli ang kanyang mga luha.



Nagkulong siya sa kanyang kwarto at doon ibinuhos ang sama ng loob.
-----

Nakatulala lang si Ivan nang maiwang nagiisa sa living room ng bahay nila. Masama ang loob niya sa kanyang sarili. Hinayaan niyang magsabi siya ng kasinungalingan kay Mico gayong kabaliktaran noon ang dapat na sasabihin niya sa gabing iyon.

"Mahal ko si Mico, yun ang totoo." anas niya sa sarili kasabay ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. "Napaka-tanga ko talaga. Hinayaan kong masira ang dapat na gabi namin ni Mico. Patawarin mo ako Mico."

Hindi napansin ni Ivan ang pagbaba ni Divina sa hagdan "Ivan bakit ka nakatayo dyan?"

Agad inayos ni Ivan ang sarili. "Ay Ma. Wala naman. Nagpahinga lang kaunti." sabay pakawala ng hangin.

"Pagod ka na ba?" tanong ng ina pagkalapit.

"Hindi naman po. Palabas na rin po ako."

"Ano? Ok ba ang birthday party mo?"

"O-opo. Siyempre naman po."

Ngumiti si Divina. "S-si Angeline ng pala?"

"Si Angeline pa ang kinumusta ni Mama. Nasa labas po."

"Ikaw na ang magsabi sa kanya na nauna na akong magpapahinga ha? Ipaalam mo ako."

Lihim na singhap ng hangin. "Opo Ma."

"Sige akyat na ako."

"S-si Mico po umuwi na." pahabol ni Ivan. Feeling niya nakalimutan na ng ina si Mico.

"Ay oo nga pala. Bukas na ako magtethank you sa kanya. Hayaan mo na rin siyang magpahinga. Sige akyat na ako. Happy birthday anak."

"Salamat Ma."
-----

"Alam mo Ivan, si Mico ang sarap din pa lang kausap nun." sabay tawa. Nakaupo sila sa labas. Ang mga tao na lang sa paligid ang mga naglilinis ng mga kalat at nag-aayos ng mga kagamitan. Nakauwi na ang iba maliban sa kay Mark.

Napa-tango lang si Ivan habang nakatanaw sa bintana ni Mico. Walang ilaw sa kwarto nito. Nasa loob pa rin niya ang pagseselos pero hindi niya ito ipinararamdam kay Mark.

"Kaya lang, nakita kong umiiyak kanina. Ayaw naman sabihing kung bakit. Akala ko ng ako ang dahilan eh. Hayss... nakita ko pang tumatakbo pauwi. Naguguluhan tuloy ako eh. Nawalan tuloy akong kausap. Bakit naman kasi biglang nawala si Susane at Billy kanina. Ano kayang nangyari sa dalawang yun? Ay siya nga pala, maikwento ko lang sayo. Medyo nakakatawa kasi, akalain mo bang matapunan ako ni Mico ng juice kanina."

"H-ha?" biglang nabuhay ang pakikinig ni Ivan.

"Magtatanong lang sana ako kung napansin niyang nagawi sa loob sina Susane, alam mo ba ang nangyari, nagulat si Mico pare, ayun. Natapunan ako. Eh eh." sabay tawa.

"Talaga ganun ang nangyari? Ang tanga mo talaga Ivan." sisi niya sa sarili.

"Oo bakit? Makatanong ka parang nagsisinungaling ako ha?"

"Wala yun." muli siyang napatingin sa bintana ni Mico. Pagkatapos ang buntong-hininga para nagawang pagkakamali. Hindi lang isang simpleng pagkakamali. Pagkakamaling gumugulo sa kanyang isipan lalo na sa kanyang puso.
-----

"Kamusta po si Mico?" tanong ni Ivan kay Saneng. Kinabukasan ng umaga.

"Hindi pa nababa. Puntahan mo na lang siguro sa kwarto niya."

"Ay hindi na lang po. Mamaya na lang po siguro. Huwag niyo na rin pong sabihing nagpunta ako. Sige po."
-----

"M-ma." garalgal ang unang pagsasalita ni Mico sa telepono kausap ang ina. Bumaba kasi siya para tawagan ang ina. Gusto niya ng kausap kaya pinilit niyang bumaba.

"O anak biglang napatawag ka? Pasensya na ah. Naging busy si Mama kasi biglang dumami ang orders sa atin ngayon."

"Ma..."

"A-anak may problema ba? Bakit ganyan ka, ha?"

Umiiyak na si Mico nang magsalita na ng lubusan. "Ma... siguro mas naging masaya ako kung sinunod ko ang gusto niyo. Sana hindi na lang ako nasasaktan ngayon. Nagaaral sana ako ngayon tapos sa next year ga-graduate na ako. Ma... mali ang desisyon kong huwag munang mag-aral at dumito muna."

"Ha? Anak?" nagaalalang ina. "Anong ibig mong sabihin... ano bang nangyayari dyan? Tell me. Sige susunduin kita. Sabihin mo lang kung uuwi ka na."

"Ma..." sisigok-sigok si Mico. "Uuwi na ako. Saka ko na lang po sasabihin sa inyo ang dahilan."

"Ok. Pero sana hindi sina Tita Divina mo ang dahilan, ikalulungkot ko."

"Hindi naman po."

"Sige susunduin na kita."

Pagkatapos ay isinet ng ina ang araw ng kanyang pagsundo kay Mico.
-----

Gabi na pero hindi pa rin makatulog si Ivan. Nahihirapan siya gayong gumugulo sa kanyang isipan ang nagawa niyang pagkakamali kay Mico. "Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?" Tumayo siya at sumilip sa bintana. Nakita niyang hindi pa rin bukas ang ilaw ng kwarto ni Mico. "Baka kung anong ginawa na niya sa sarili niya." Bigla siyang kinabahan kaya dali-daling bumaba. Pero nang makarating sa hagdan ay pumasok sa isip nya na hindi naman siguro. Bigla rin siyang nahiyang puntahan si Mico.

Dumiretso na lang siya sa kusina at kumuha ng maiinom. Sa pagbukas ng ref, nakita niya ang dalawang beer in can. "Kanino 'to? Walang umiinom nito dito." Totoong walang umiinom ng ganoong alak sa kanila. Agad siyang nagisip kung sino ang maaring naglagay noon sa ref. "Ah." naisip na niya kung bakit. "Kagabi pala. Yung mga lalaking nagtrabaho kagabi, malamang para sa kanila ito. Siguro hindi nila naubos." Biglang may kumudlit sa kanyang isipan. "Tikman ko kaya? Alam ko maari ako ditong antukin. Tama, kaunti lang."

Dahan-dahan pa si Ivan nang buksan ang beer in can. Nang mabuksan niya, napalunok siya. Itinapat niya ang butas ng lata sa kanyang ilong para amuyin iyon. Bahagyang ayaw ng kanyang pang-amoy, pero desidido siyang uminom ng kaunti. Napa-tungkod pa ang isa niyang kamay sa ref para sa kung ano mang magiging reaksyon. Pero kaya naman niya ang pait ng alak na iyon kaya nasundan pa iyon ng isa. Napangiti siya sa para sa ginawa.

Umupo siya sa harap ng lamesa para gawin pang muli ang pag-inom ng alak. Ang sumunod, nakalimutan na niya ang kanyang unang sinabi. Sa paunti-unti, naubos niya ang laman ng lata.

Pipikit-pikit siya na para bang inaantok. Alam niyang tinamaan na siya ng ininom niyang alak. Pero gusto pa niyang uminom.
-----

Piling ni Ivan, umiikot ang kinatatayuan niya. "Pup-punta nga 'ko kay, Mico. Gusto ko siyang kausap ngayong gabi para, para makatulog na ako. Bakit parang gumagalaw? Ah... ganito pala siguro ang nalalasing. Lasing na ba ang ganito? Isa palang ang naiinom ko eh."

Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng bahay. Nakarating naman siya sa harap ng gate nila Mico ng maayos kahit gumegewang-gewang siyang naglakad. Kasunod noon ay ang pagtawag niya ng mahina sa pangalan ni Mico.

"Mico. Nandito ako sa labas. Buksan mo ang gate."

"Ay sino ba yan?" gulat ni Saneng sa likod ng gate. Hindi kasi niya na may tao pala sa labas ng gate.

"Mico si Ivan ito."

"Ivan?" agad binuksan ni Saneng ang pinto ng gate. "Anong ginagawa mo diyan at bakit kung tumawag ka, eh ang hina-hina." tanong niya kay Ivan na nakayuko. Saka niya napansin ang hawak nitong lata ng beer. "Ay... Naka-inom ka ba?"

"Paki sabi naman kay Mico na nandito ako sa labas. Gusto ko siyang makausap."

"Pumasok ka muna kaya?"

"Hihintayin ko po siya dito."

"Sandali, tatawagin ko."
-----

"Ayaw ko hong lumabas." sigaw ni Mico. Hindi niya pinagbuksan si Saneng. "Paki sabi na tulog na. Kayo na po ang bahalang mag-alibi."

"Mico naka-inom yata si Ivan."

"H-ha?" saglit na nanahimik si Mico. "Basta, ayokong lumabas."

"O siya. Bababa na ako."

Hindi na sumagot si Mico. Naisip niyang muli ang sinabi ni Saneng na naka-inom si Ivan kaya agad siyang nagtungo sa may bintana para doon tanawin si Ivan.

Nakita nga niya si Ivan na nakasandal sa gate nila at nakayuko. Hindi niya masyadong maaninag ang hawak nito pero nasisiguro niyang lata iyon ng kung anong inumin. "Malamang alak nga iyon." Na-singhap siya bilang pag-aalala. "Kailan pa natututong uminom iyon?"

Saka niya nakita ang pagdating ni Saneng para kausapin si Ivan.
-----

"Ivan, tulog na si Mico eh. Ayaw lumabas."

"Ganoon po ba?"

"Bukas na lang siguro."

Hindi agad kumibo si Ivan. "Maghihintay na lang ako. Hihintayin ko siyang magising."

"Sige bukas na lang. Balik ka na lang dito bukas."

"Ah... hindi po. Hindi na po ako babalik kasi dito na ako maghihintay."

"Ano?" gulat ni Saneng. "Maghihintay ka dyan? Ano bang nangyayari sa inyo? Dito ka na lang sa loob maghintay. Baka kung mapaano ka pa diyang. Ang dilim na, malamig pa. Mukhang lasing ka na eh. Pumasok ka na dito."

"Dito ako maghihintay."nasundan iyon ng tonong naiiyak. "Galit kasi siya sa akin, ayaw niya akong papasukin."

Ilang ulit pa ng pamimilit ni Saneng kay Ivan para pumasok ay sumuko rin ito.
-----

"Maghihintay daw siya sa labas Mico. Kung ako sayo lalabasin ko na iyon. Aba'y umiiyak na si Ivan. Paulit-ulit na sinasabing galit ka daw kaya ayaw mo siyang papasukin. Ano?" sunod-sunod na pahayag ni Saneng ng labasin siya ni Mico sa kwarto nito.

"Sige po, ako na po ang bahala."

"Sabi mo yan ah. Magpapahinga na ako."

"Pasensiya na po."

"Sige na."

Hindi pa gumalaw si Mico sa pagkakatayo nang makaalis si Saneng. Iniisip niya kung anong maaring mangyari kapag lumabas siya. Ayaw sana niya, dahil napakasakit ang ginawa sa kanya ni Ivan kagabi. Hindi niya matanggap na, pinaglaruan lang siya ni Ivan. Kapag paulit-ulit na naiisip niya iyon, nakukuyom niya ang mga kamay sa galit na nararamdaman. Pero heto at nasa labas si Ivan, hindi niya magawang tutulan ang sarili. Nang marinig niyang umiiyak na si Ivan sa labas, bigla siyang nakaramdam ng awa. Pero meron side ng kanyang utak na nagsasabing bakit kailangan niyang maawa. Si Ivan nga, hindi naawa sa kanya.

Nagsimula na siyang maglakad palabas.
-----

"Mico." tawag ni Ivan ng nakaupo habang nakasandal sa gate. Paulit-ulit lang niyang binabanggit ang pangalan ni Mico.

"Bakit ka narito?" si Mico.

"Mico?" agad napalingon si Ivan ng marinig ang boses ni Mico. "Kakausapin mo ko?"

Tumaas ang kilay ni Mico. "Gusto ko lang sabihing umuwi ka na."

"Gusto kitang maka-usap Mico." Pinilit ni Ivan na tumayo. Pero parang nabibigatan siya sa kanyang katawan. Ikinapit niya ang kamay sa gate para maka-alalay. Nang subukang tumayo ay muntikan na itong matumba.

Agad namang saklolo ni Mico. Hinawakan niya si Ivan. "Lasing ka na nga. Umuwi ka na." pagtataboy niya.

"Gusto lang kitang makausap."

Pero parang walang narinig si Mico. "Umuwi ka na. Ihahatid na lang kita."

"Ayoko."

"Ihahatid na kita."

"Ayoko nga sabi eh."

"Oh di bahala ka dito. Ang galing ah. Ako pa ang mamimilit sayo." Naisip ni Mico ang huli niyang sinabi. Tinamaan siya sa kanyang nasabi. Nasaktan ang kanyang puso. "Lagi na lang yata ako ang namimilit. Kahit nagmumukha na pala akong tanga." hindi na kinaya ni Mico ang dinadalang sakit sa kanyang puso. Tuluyan na siyang napaiyak.

"G-gusto ko lang namang mag-sorry."

"Sorry? Sorry na naman. Sayo na lang yang sorry mo." agad siyang tumalikod kay Ivan para pumasok, pero mabilis na nahawakan ni Ivan ang kanyang braso para mapigilan siya sa pagpasok. "Ano?" Nanlilisik ang mga mata nang tumitig kay Ivan. "Bitawan mo ako."

Binitawan din ni Ivan si Mico. Pagkatapos ay muli itong naupo at sumandal sa gate nila Mico. "A-ang akala ko, magiging masaya ako kahapon. 'Yun pa naman ang pinakakahintay ko. Hindi ko inaasahan na magiging ganoon." Nasapo ng magkabilang kamay ni Ivan ang kanyang ulo. Wala siyang pakialam kung pinakikinggan siya ni Mico. "Alam mo ba? Nung inabot mo sa akin yung susuotin ko." ngumiti si Ivan at saglit na tumawa ng malumanay. "Ang naisip ko, para tayong mag-asawa, na inihanda mo ang susuotin ko. Alam mo ba kung bakit ako natahimik? Kasi, naisip kong magiging maligaya siguro ako kung ikaw nga ang gagawa noon para sa akin pagdating ng araw." muli siyang natawa sa sinabi.

Taas noo at tahimik na nakikinig lang si Mico. Ayaw niyang magpaapekto sa mga sinasabi ni Ivan. Ayaw niyang maniwala. "So?"

"Kaya, totoong na-appreciate ko ang ginawa mo, sobra."

"Hindi ako naniniwala." mabilis na sinabi ni Mico.

Lumingon si Ivan kay Mico. "Maniwala ka Mico."

"Pero sinaktan mo ako kagabi. Ayokong maniwala sa mga sinasabi mo."

"Maniwal aka sa akin Mico. Mahal talaga kita."

Nabigla si Mico sa huling sinabi ni Ivan. "H-ha? Anong sabi mo?"

Muling dumiretso ng tingin si Ivan sa kawalan. "Dapat kagabi ko sayo sasabihin na mahal kita. Pero, nagkaroon tayo ng problema dahil kay Angeline."

Nakaka-insulto ang tawa ni Mico. "Mahal mo ako? Talaga lang ha? Pero sinabi mo kagabi na wala kang pakialam kung niloloko ka ni  Angeline. Narinig ko pa ngayonmo siya sasagutin. Si Angeline ang mahal mo at hindi ako. Sabi mo, kaya lang tayo naging ganun dahil lagi tayong magkasama. Kaya naniwala naman ako na mahal mo talaga ako."

"Nasabi ko lang yun dahil selos na selos ako kay Mark. At totoong wala akong pakialam kay Angeline dahil wala akong gusto sa kanya. Ikaw ang mahal ko, Mico."

Natahimik si Mico. Gusto niyang maniwala pero pinipilit niyang tantyahin kung nagsasabi ba si Ivan ng totoo.

"Nakikita ko kayo na masayang naguusap. Samantalang ako-"

"Kaya pala ang sweet niyo ni Angeline kagabi."

"Sinadya ko lang iyon dahil nga selos na selos ako kagabi sa inyo. Kaya sana maniwala kang mahal na mahal talaga kita. Patawarin mo ako sa mga nasabi ko sayo kagabi." Tumayo na si Ivan. Katulad ng dati nahirapan pa rin itong tumayo dahil sa epekto ng alak na nainom. "Mico, patawarin mo na ako. Ibalik natin ang dati."

"H-hindi ko alam Ivan. Masakit pa sa akin ang ginawa mo."

"Anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?"

"Hindi ko alam." pero ang totoo ay gustong gusto na ni Mico na yakapin si Ivan. Nagulat siya ng biglang sumuka si Ivan. Bahagya siyang napalayo. Nakita niyang nabahiran ng suka ang suot nitong pajama. "Ay, ano ba yan Ivan. Bakit kasi uminom ka?" ang concern ni Mico.

"Ok lang, kaya ko 'to."

"Anong kaya? Ilan na ba ang nainom mo?"

"Isa pa lang naman."

"Naku. Kailangan mong magpalit. Nasukahan mo ang pajama mo oh."

"Ok lang yan." pagkatapos pinagpag ni Ivan ang sariling suka sa kanyang pajama.

"Yuck naman Ivan."

"Ok lang."

"Umuwi ka na kasi. Dali, ihahatid kita."

"Hindi mo pa nga ako pinapatawad eh." pagkatapos ay kumilos si Ivan.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mico.

"Matutulog na ako."

"Sa-?" tatanungin sana niya kung saan. Pero nakita niyang papasok na ito sa kanyang bahay.


[39]
"Anong gagawin mo?" tanong ni Mico habang sumusunod kay Ivan papasok sa kanila.
"Gusto ko ng matulog."


"Uwi ka sa inyo." hindi alam ni Mico kung saan niya nahugot ang banat niyang iyon.

Agad napatigil si Ivan sa paglakad. Dahil sa tama ng nainom, pupungay-pungay siya kung tumingin kay Mico. "Gusto ko dito ako matulog."

May epekto ang dating ng pagtingin na iyon ni Ivan kay Mico. Kaya naman kahit gusto niyang barahin ito, hindi agad siya nakapagsalita. "A-h eh, ihahatid na lang kita sa bahay mo."

"Kahit ngayon gabi lang."

Hindi mawari ni Mico kung nakikiusap ang tono ni Ivan o sadyang dahil lang iyon sa nainom nitong alak. "O sige, maghilamos ka muna. Mag, magmmog."

"Huwag na, hindi naman kita hahalikan."

"Tarantado." biglang nasabi ni Mico. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ayokong may maka-tabi ng mabaho ang hininga."

Nangingiti si Ivan. "Binibiro ka lang eh. Ang sakit nung una mong sinabi ah."

"Hmpt. Ewan ko sayo. Sakit-sakit, mas masakit yung ginawa mo sa akin." Hindi iyon maisatinig ni Mico.

Tumuloy na sa paglakad si Ivan habang nakasunod lang si Mico.

"Gusto kong magalit, galit na galit ako kaya. Pero, bakit ganoon? Hindi ko magawang hindian si Ivan? Parang ako pa nga yata ang nasaktan ng barahin ko siya eh. Naiinis ako dahil narito siya, pero parang gusto ko namang kalimutan na ang lahat at maniwala sa kanya, sa mga sinabi niya sa akin kanina. Pero ganoon na lang ba iyon?"

Hindi na namalayan ni Mico na nasa harapan na sila ng kanyang kwarto. Bago pumasok, tumigil muna si Ivan at lumingon sa kanya.

"Payag ka naman di ba na dito ako matulog?"
"W-wala naman akong magagawa di ba? Eh hindi nga kita mapilit na umuwi sa inyo."

"Salamat."

"Anong salamat?" kunyaring nagtaray si Mico para maitago ang tunay na saloobin. "Gusto nga sana kitang ipagtabuyan dyan. Na awa lang ako." Napansin ni Mico ang pagbaba ng tingin ni Ivan at kasunod ang bahagya nitong pagbuntong hininga. Bigla siyang nakaramdam ng pagkakonsensya sa nasabi. "Hindi ko naman siguro magagawa iyon sayo, Ivan."

Ngumiti na lang si Ivan ng pilit. "Basta dito ako matutulog ngayon." Tumalikod na si Ivan para tuluyan nang makapasok sa loob ng kwarto ni Mico. Pagkatapos ay dire-diretso na itong dumapa sa kama.

"Hoy, sabi ko sayo, maglinis ka muna ng katawan. Tignan mo lumapat na yang, nasukahan mong pajama sa sapin ng kama ko. Hoy, tumayo ka muna dyan, dali."

Pero hindi na gumalaw si Ivan. Nanatili na itong nakadapa.

Lumapit si Mico kay Ivan at tinapik-tapik ito. "Tulog ka na ba agad? Bilis ah... Gising!"

Nag-inat si Ivan. "Tatalikod na lang ako sayo." sagot niya habang nakapikit. "Natatamad na akong tumayo. Saka wala naman akong pamalit."
"Ay ewan." nasabi na lang ni Mico. "Bahala ka nga sa buhay mo." Pagkatapos ay dumiretso na rin sa pwesto niya. Dahil walang unan, hinila niya ang isa sa magkapatong na unan ni Ivan.

"Aray." na anas ni Ivan nang hilahin ni Mico ang isang unan.

"So ry po. Hmpt!" Tumalikod si Mico sa paghiga.
 -----

Hindi pa rin makatulog si Mico, naiisip niya si Ivan, ang pag-ibig niya para dito. Hindi niya alam kung anong desisyon ang susundin niya. "Kung papaniwalaan ko ang mga sinabi ni Ivan, magiging maayos na ba kami? Sinabi niya sa akin na mahal niya ako. Natuwa ang puso ko kanina. Parang gusto ko nang kalimutan ang mga masasakit na sinabi niya sa'kin. Pero, lagi ko paring naaalala, masakit kasi eh."

Umikot ng pagkakahiga si Mico, patagilid at paharap kay Ivan. Tingin niya ay tulog na tulog na si Ivan dahil sa uri ng paghinga nito. "Nasabi ko na kay Mama na uuwi na ako." pabulong ang pagsasalita ni Mico. Hindi naman siya nag-aalalang maririnig ni Ivan. "Babalik na akong Manila. Pero, nagdadalawang-isip ako. Hindi ko alam."
Ang akala ni Mico na tulog na katabi ay gising pa rin pala. Kanina pa pala nakikiramdam si Ivan kay Mico. Hindi niya magawang matulog gayong ginugulo ang kanyang utak kung paano niya maiibabalik ang dati sa kanila ni Mico.

Hindi nga rin niya naiwasang madinig ang mga bulong ni Mico sa nakatakda nitong pag-alis. Nangilid ang mga luha niya. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Gusto niyang tumutol sa gustong mangyari ni Mico, pero pinilit niyang itago ang nasa loob. Iiyak na lang siya ng lihim. "Ito siguro ang parusa sa nagawa ko. Ang sakit. Ngayon pa lang, alam ko na ang magiging sakit kapag iniwan mo ako, Mico."
-----
Naalimpungatan si Ivan. Agad siyang bumalikwas sa pagkakahiga at naghanap ng orasan. Saka niya nalamang mag aalas tres na pala ng madaling araw. Bumalik siya sa pagkakahiga. Bahagyang sumasakit ang ulo niya epekto ng nainom niya kagabi. Saka niya naalala ang mga nangyari kagabi, pagkatapos ang narinig niyang sinabi ni Mico sa pag-alis nito. Napa-buntong hininga siya.

Tumingin siya kay Mico. Patagilid itong nakahiga paharap sa kanya. Tulog na tulog. Umayos siya ng pagkakahiga patagilid paharap kay Mico. Hindi nagising si Mico sa nagawa niyang paggalaw. Muli siyang napabuntong-hininga ng matitigan ang mukha nito. Muli siyang pumikit ng mailatag niya ang kanyang braso payakap kay Mico.
-----

Dahan-dahan ang pagdilat ni Mico nang magising. Nakaramdam kasi siya ng mabigat na nakapatong sa kanya. Saka niya nalaman na braso pala iyon ni Ivan. Tinitigan niya si Ivan na tulog na tulog at napangiti siya. "Kung ganito na lang sana lagi, magiging masaya  na ako. Wala na siguro akong pakialam kung magutom man ako kung katabi ko lagi ang pinaka mamahal ko." Agad siyang sumiksik kay Ivan at gumanti ng pagyakap at muling ipinikit ang mga mata.
-----

Tumakbo ang oras ng muling magdilat si Ivan. "Anong oras na?" Saka tumingin kay Mico na nakasiksik sa kanyang dibdib. Napa-ngiti siya. Nakita niyang nagdilat ng mga mata ito.

"Good morning." si Ivan.

"Good morning." sagot ni Mico. Saka tumalikod kay Ivan.

"Bakit ka tumalikod?"

"Wala lang." parang walang ganang sagot ni Mico.

"Alam mo bang may naisip ako."

"Ha? Kelan ka nag-isip?" bahagyang pambabara ni Mico.

Natawa si Ivan. "Sama ka?"

"San ka ba pupunta?"

Biglang tumayo si Ivan at hinila si Mico patayo. "Maglinis ka na ng katawan mo ha? Uuwi lang ako sa bahay tapos magpapaalam kay Mama. Aalis tayo."

"Aalis? San naman tayo pupunta? Teka, anong oras na ba?" Nakita ni Mico na mag-aalas siyete na ng umaga.
Muling tumingin siya kay Ivan.

"Basta, mga 30 mins lang babalikan kita dito kailangan handa ka na ah?"

"H-ha?" naibulalas na lang ni Mico. Dahil pagkatapos magsalita ni Ivan ay tumalon na ito galing sa kama at dire-diretsong lumabas ng kwarto.
-----

"'San ba tayo pupunta?" tanong ni Mico. Nang balikan siya ni Ivan sa kwarto. Nakapag-palit na si Ivan ng bagong damit. "Saan ang punta mo? Parang summer na summer ang dating natin ngayon ah?" sabi ni Mico habang naka-taas ang isang kilay. Naka-paligo na rin siya.

"Halata ba?" sabay tawa. "Gagala tayo."

"Saan?" muling tinignan ni Mico ang suot ni Ivan. Naka-polo pero bukas ito at hinahayaang lumitaw ang suot nitong sando panloob. Tapos, naka maong-shorts. Tumingin din siya sa mga paa nito. "aba, naka-sandals?"
Muli siyang nag-angat ng tingin. "Saan ang gala?"
"Basta, magbaon ka ng pamalit. Pambasa  na lang siguro." sabay tawa ni Ivan.

Nanlaki ang mga mata ni Mico. "Ibig mong sabihin?" biglang nagpakita ng katuwaan si Mico. "Pupunta tayo ng dagat?"

"Yupp." nangingiting sagot ni Ivan.

"Sure, sama ako dyan. Bakit hindi mo agad sinabi. Nakapaghanda sana ng mas maigi. Hala, ayan, hindi ko na alam ang gagawin. Excited na tuloy ako. Sandali ah. Teka, ako ba ang dadalhin ko?"

"Pamalit na lang siguro."

"Ganun? Eh ang pagkain?"

"Bibili na lang tayo. Biglaan kasi eh."

Biglang napa-isip si Mico. "Sabagay. Sige."
-----

Sakay ng kotse ni Ivan, feel na feel ni Mico ang hampas ng hangin sa kanyang mukha. Sinadya niyang buksan ang bintana para maidungaw niya ang kanyang mukha. "Ang tagal ko nang hindi nakakapag-beach."

"Talaga? E di masaya ka ngayon?"

Biglang natigilan si Mico pero nanatiling naka-ngiti. Suminghap muna siya ng hangin bago magsalita. "Ganoon na nga siguro. Baka ito ang maging daan para mawala ang sakit na aking nararamdaman. Sana."

"Ingat ka lang ah. Baka mahagip yang ulo mo?"
"Hindi naman siguro, wala naman masyadong sasakyan. Gusto ko lang ma-feel ang hangin. Sariwa pa rin pala ang hangin dito noh?"

"Mmm siguro parteng dito, malapit kasi sa dagat."

"Oo nga, parang naamoy ko na ang tubig ng dagat." sabay tawa si Mico.

Napa-ngiti na lang si Ivan at itinuon ang pansin sa pagmamaneho ng sasakyan.
-----

Halos hindi maawat ni Mico ang pagsigaw sa kasiyahan ng makatuntong sa buhangin ng dagat. Kahit wala pa siyang nakikitang tubig nagdidiwang na ang kanyang puso sa katuwaan dahil ilang saglit  na lang ay masisilayan na niya ang dagat. Naghihintay lang siya na makatapos si Ivan sa pagbabayd nito sa kanilang entrance fee at sa isang cottage na gagamitin nila.

"Ayan tapos na." masayang balita ni Ivan kay Mico.

"So pwede na akong tumakbo?"

"Tumakbo?" saka lang na-get ni Ivan ang ibig sabihin ni Mico. Sabay tawa. "Sige go!"

Sige ang katuwaan ni Mico.

Naiwan si Ivan na naka-ngiti. "Sana sa ginagawa kong ito, makita mo na gusto kitang mapaligaya at kung maari huwag ka ng bumalik ng manila. Sisiguraduhin kong magiging masaya tayong dalawa ngayon."

"Boy, natutulala ka yata. Dadaan kami, pwede?"

Agad napatingin si Ivan sa kanyang likod. Oo nga pala, nakaharang siya sa daan. "Pasensya na po, manang." Alis agad siya sa pagkjakaharang. "Ano ba yan nakakahiya naman." sabay sapo sa noo.
-----

Basang-basa na si Mico nang magbalik sa cottage. Hindi pa naliligo si Ivan.

"Hoy ikaw dyan, wala ka bang balak maglublob?" sabay tawa ni Mico. "Ang sarap ng tubig, ang lamig."

"Sige ikaw muna, masaya nga akong pinapanood kita."

"Ano?" saka muling binalikan ang sarili kanina. "Pinapanood mo ako? Mmm siguro naman hindi ako naging mukhang bata sa sobrang sabik sa tubig?"
Natawa si Ivan. "Hindi naman Mico. Cute lang tignan."

"Nagugutom ako."

"Bibili ako?" tanong ni Ivan.

"Mmm huwag muna siguro, magbubukas na lang ako ng mga dala natin."

"Ikaw ang bahala."

Agad tumabi si Mico kay Ivan. Saka dumampot ng isang potato snack. "Ikaw naman kaya ang magbasa para ikaw naman ang panoorin ko. Lugi yata ako kanina."

"Bakit ikatutuwa mo ba kung gagawin ko yun?" siryosong si Ivan.

"Siguro." Sinisimulan na ni Mico kainin ang hawak na snack.

"Sige." sabay tayo si Ivan.
Natawa si Mico. "Gagawin nga."

Napa-tingin naman si Ivan. "Gagawin ko nga."

"Ito naman parang niloloko lang." tawa ng bahagya. Napa-tingin na lang si Mico nang tumakbo na si Ivan sa dagat lpara magbasa. "Hoy, mangitim ka, baka bigla kang pumangit, hala, wala ng magkagusto sayo." sabay tawa ng malakas.
-----

"Bakit hindi ka na bumalik sa cottage?" tanong ni Mico nang sumunod sa dagat kung saan naroroon si Ivan.

Naka-ngiti ito. "Hinihintay kasi kitang pumunta dito."

"Bakit?"

"Anong bakit? Para sabay tayong maligo siyempre."

"A-ah ganun ba?" napatingin si Mico sa basang sando ni Ivan. Bumabakat ang katawan nito sa damit at dahil may kanipisan ang sando ni Ivan bahagya niyang nakikita ang katawan nito. Napalunok siya.

"Bakit?" tanong ni Ivan.

"H-ha wala!"

Natawa si Ivan. "Halika na nga ligo na tayo." biglang hinatak ni Ivan si Mico.

"Ay!..." sigaw ni Mico. "Ivan."

Tatawa-tawa lang si Ivan.

Hindi na naitago ni Mico ang kasiyahan kasama si Ivan. Wala siyang pakialam kung sa bawat tili niya ay maka-agaw siya ng pansin sa mga taong kasalukuyan ding naroon at naliligo.

Habang gagawin naman ni Ivan ang lahat mapasaya niya lang si Mico. Susulitin nila ang mga sandaling iyon.
-----

"Napagod ako Ivan." hihingal-hingal si Mico habang naglalakad pabalik sa cottage. "Hindi mo naman kasi tinigilan. Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Aba, ang daming tao ang nakatingin sa atin kanina."

"Bakit? Ano ba ang ginagawa ko? Saka, pakialam nila?"

"Hmpt. Ewan ko sayo." umupo si Mico nang makarating sila sa inookupang cottage.

Nanatili namang nakatayo si Ivan. "Oo nga, Mico. Pakialam nila kung masaya akong kasama ko ang mahal ko."

"Hmmm mahal daw. Mukha mo." kunyaring pagtataray ni Mico. Pero gusto na niyang sumigaw sa sobrang kasiyahan na marinig iyon sa bibig mismo ni Ivan. "Sino ba yun?"

Natawa si Ivan. "Siguro, Ikaw."

"Ako?"

"Oo."

"Kelan pa?"

"Hindi ko alam basta ang mahalaga alam kong mahal kita."

Napatingin siya kay Ivan ng diretso. "Sigurado ka?" gusto niyang maiyak sa katuwaan sa mga sinasabi ni Ivan.

Tumabi si Ivan kay Mico. Pagkatapos ay kinuha nito ang isang kamay ni Mico at itinapat sa kanyang kung saan naroon ang kanyang puso. "Pakinggan mo kung paano manabik ang puso ko na makasama kita lagi, Mico."

Napayuko si Mico. Tuluyan na nga siyang napaluha. "Mahal mo ba talaga ako Ivan?"

"Oo Mico, mahal na mahal kita."

Nang marinig iyon ni Mico ay agad niyang niyakap si Ivan. "Ivan..."

Kung paano nila nasimulan ng masaya, mas lalo pang naging maligaya ang dalawa nang mga sumunod na sandali. Nagpakasaya sila na walang iniisip na problema. Sa nakaraan man o sa darating na bukas. Ang mahalaga, kanila ang oras na iyon. Kahit pa marami ang nag-tataasan ng kilay sa tuwing makikita silang dalawang magkayap saan man sa parte ng lugar na iyon.
-----

Tulog na tulog si Mico sakay ng kotse pauwi sa kanila. Padilim na ang paligid habang nagmamaneho si Ivan. Maya't maya kung sulyapan ni Ivan si Mico. Ganoon din ang kayang pag-ngiti habang pinagmamasdan ito. "Sana magbago na ang isip mo Mico. Huwag ka ng umalis." napabuntong hininga si Ivan.

Hindi na namalayan ni Mico na tumigil pala ang sasakyan. Nagising na lang siya ng marinig ang pagbukas ng pinto sa parte ni Ivan. Nakita niyang lumabas ito at pumasok sa isang Mini Stop. "Ano kaya ang gagawin noon?" tanong niya sa sarili. Hindi naman nagtagal ay bumalik na ito. Nakita niyang may dala itong dalawang bote ng juice.

"Gising ka na pala." tanong ni Ivan ng makapasok sa kotse.

Ngumiti lang si Mico sa sinabing iyon ni Ivan. "Ano bang binili mo."

Saka inabot ni Ivan ang naka-plastic na bote. "Maiinom."

"Salamat. Pero, ito lang ang binili mo?"
Natahimik si Ivan. "May gusto ka pa bang ipabili?"

"Hindi. Mali yata ang pagtatanong ko. Mmm basta naisip ko lang na tumigil ka para bumili ng maiinom. Nauhaw ka na siguro."

"Ah hindi. Ikaw ang iniisip ko baka magising ka at sigurado akong nauuhaw ka." sagot ni Ivan.

"Mmm."

Biglang tumawa si Ivan. "Pero may iba pa akong binili. Pero, ayoko sabihin kung ano."
-----
Maayos silang naka-uwi. Naka-baba na silang dalawa sa kotse at naisipan ni Mico na umuwi na sa kanila. Parang ayaw na niyang tumuloy kala Ivan.

"San ka pupunta?" tanong ni Ivan nang makitang paalis na si Mico.

"Sa bahay."

"Hindi ka muna tutuloy?"

"Hindi na siguro."

"Ok. Magpapalam lang ako kay Mama. Saglit."

"Bakit?"

"Sa inyo uli ako matutulog."

"Nge." sabay tawa. "Anong meron sa amin bakit gusto mo laging matulog dun?"

"Ikaw. Ano pa ba?"

"Weee nakakakilig?" kinikilig si Mico. "Mmm sige dito nalang ako matutulog sa inyo."

"Sure." agad namang sagot ni Ivan. "Mas gusto ko nga eh."

"Babalik lang ako saglit sa bahay may gagawin ako."

"Bilisan mo ha? Maghihintay ako sa sala."

"Opo."
-----

"Ang tagal mo." reklamo ni Ivan.

"Ewan. Gusto ko ng magpahinga, Ivan."

"Kain ka muna kaya."
"H-ha? Di naman ako nagugutom. Saka, natatamad akong magluto."

"Hindi ka naman magluluto. Luto na ang kakainin mo."

Nanlaki ang mga mata ni Mico sa narinig. "Nagluto ka?"

"Mmm Hindi naman nag-init lang." sabay tawa. "Hindi naman ako marunong magluto. Pero may isa akong natutunan ang magbukas ng stove." sinundan uli ng malakas na tawa.

"Hoy maistorbo si Tita. Baka nagpapahinga na."

"Ay sorry, oo nga pala."

"Hindi pa ba niya alam na dumating na tayo?"

"Hindi pa. Huwag mo na problemahin yun, kain muna tayo." Hinila na ni Ivan si Mico sa dining area.


[40]
"Sandali naman, pahinga muna tayo dito. Maka-hila ka dyan." reklamo ni Mico nang matapos silang kumain. Hinihila na kasi siya ni Ivan paakyat.


Natawa si Ivan. "Gusto ko na kasi matulog."

"Ang dami mo kayang nakain? Baka bangungutin ka  niya." pagkatapos ay pabulong na nagsalita si Mico. "Nagyon pa nga lang tayo officially on eh, maiwanan mo na agad ako. Hmpt."

Muling natawa si Ivan. "Narinig ko yun. Oo na nga. Dito muna tayo. Mmm sa totoo lang iba ang naiisip ko eh."

"Ha?"

"Baka hindi bangungot ang mangyari, appendicitis ang malamang." sabay tawa.

"Ha? Appendicitis? Balak mo bang tatakbo matulog?"

"Hindi no. Pero parang ganun na nga. Kasi... sayo lang tumatakbo ang mundo ko. Nyaaaaa...." si Ivan ang na-cornihan sa sinabi niya.

Tatawa-tawa rin si Mico. "Sige, ok na rin. Kinilig naman akokahit kaunti. Ikaw ah, may nalalaman ka ng ganyan."

"Naisip ko lang bigla."

"Ewan."

"Ano? Matagal ka pa bang magpapahinga dyan?"

"Naman. Ang dami mo kayang pinakain sa akin. Tignan mo, bondat na ako."

Natawa si Ivan. "Asan, eh parang pinisat naman yang bewang mo eh. Walang ka laman-laman."

"Ewan ko sayo. Mga 10 mins. Ok na ako."

"Ok."
-----
Magkahawak sila ng kamay nang pumasok sila sa kwarto. Pagkapasok na pagkapasok palang nila aya agad na humarap sa kanya si Ivan at siniil siya ng halik.

Nanlaki ang mga mata ni Mico sa ginawang paghalik na iyon ni Ivan. Hindi niya inaasahan na gagawin niya iyon sa kanya. Pero gumanti na rin siya.

Maya-maya ay bumitiw si Ivan sa paghalik. "Hindi ka naman siguro magagalit di ba?"

"Magagalit?" sabay yuko. "Gusto ko nga eh."

"Handa na ako."

"Ha?"

"Noon ko pa ito gustong gawin pero, sinabi kong hihintayin kong maging tayo muna."

"Pero tayo na noon pa di ba? Hindi lang tayo nagkaintindihan? Sabi mo kanina."

"Oo nga pero. Di ba sabi ko may ibibigay ako sayo sa birthday ko? Gusto ko sana kasi, i celebrate natin ng solo ang birthday ko, tapos gusto ko maging official ang relationship natin sa birthday ko. Kaso, ayun na nga ang nangyari. Inaway kita."

"Don't worry wala na yun. Ang mahalaga mahal mo talaga ako."

"Oo."

"Ano na ang susunod?" natatawang si Mico.

"Excited?"

"Hindi naman. Natatakot nga ako eh."

"First time."

"Naman. Anong tingin mo sa akin?"

"Ok, tutulog na tayo."

"Sabay ganun eh."

Natawa si Ivan. "Mmm siyempre ako rin, ngayon ko lang rin gagawin. Kinakabahan ako."

"Pero kaya pala kung makahila kanina, masyadong excited."

"Huwag mo na nga ipaalala. Nahiya tuloy akong bigla."

"Ok." saka ngumiti. "Tuturuan mo ako?"

Muling natawa si Ivan. "Susubukan ko. Ano naman ang ituturo ko? Bahala na."

"Hala, nahihiya tuloy ako eh."

"Hayaan na lang natin kung ano ang mga mangyayari."

Natawa si Mico. "Hayaan, eh hindi mo nga alam kung paano sisimulan eh."

"Ki-kiss uli kita."

Hinalikan nga ni Ivan si Mico. Iyon nga ang naging simula nila at paunti-unti nilang dinadala ang mga sarili sa kama. Kapwa hingal na hingal ang dalawa nang makarating sila sa tabi ng kama. Saka lang nagbitiw ang dalawa.

"Then." natatawang si Ivan.

"Ano."

"Mmm parang gusto kong..." inginuso ni Ivan ang  damit. Pagkatapos ay bahagyang itinaas ang dibdib. Nagpapahiwatig na dapat si Mico ang maghubad ng kanyang damit.

"Na-gets ko." pero dinaan ni Mico sa biro. "Baka lamigin ka." sabay tawa.

"Parang yun nga ang maganda eh, yung nilalamig." sakay ni Ivan.

"Ah huh. Sige. Taas ang kamay, dali."

Itinaas nga ni Ivan ang dalawang kamay upang malaya ni Mico na maihubad ang damit ni Ivan.
-----

Iinat-inat pa si Divina ng bumangon kinabukasan. Dire-diretso siya sa kusina para magluto ng aalmusalin. Doon nakita niya ang kalat sa lababo.

"Ay, hindi ko na pala namalayan ang pagdating ng dalawa kagabi. Ang sarap ng tulog ko kasi. Buti naman at kinain nila ang iniwan kong pagkain para sa kanila." Hinugasan na ni Divina ang mga kalat sa lababo. Saka muling nagprepara ng lulutin para sa almusal.

Halos isang oras din nang matapos na ni Divina ang mga ginagawa. Naisipan niyang kamustahin si Ivan sa taas. Wala naman siyang balak gisingin.
-----

"Alas siyete na." nasabi ni Mico nang makita ang oras pagkagising niya. Hind siya masyadong maka-galaw dahil mahigpit pa rin ang yakap sa kanya ni Ivan. Tulog na tulog pa ito.

Hindi na niya inistorbo si Ivan. Minabuti na niyang bumangon at para makabalik sa kabilang bahay. Inaasahan niyang dadating ang kanyang ina ngayon para sunduin siya. "Bahala na kung magalit sa akin si Mama, kapag sinabi kong hindi na ako sasama pabalik sa Manila."

Nasa hagdan na si Mico pababa nang matanaw niya si Tita Divina na paroo't parito ang lakad. Napansin din niyang kibit balikat ito at tila may malalim na iniisip. "Parang hindi mapakali si Tita."

"Tita, good morning po." bati niya sa matanda. "Bakit Tita, parang nagulat ko yata kayo?" tanong niya nang makita niya ang pagkabigla nito nang makita siya.

Nasapo muna ni Divina ang noo at huminga ng malalim.

"Tita, may problema po ba?" takang tanong ni Mico.

Ang dapat sana'y pagsasalita ni Divina ay nabitin at umiwas ito ng tingin at tumalikod.

"Anong problema ni Tita?" wala pa ring ideya si Mico. "Tita, uuwi na muna po ako." Pero walang sagot kay Divina. Umupo si Divina sa sofa. "Sige po." sabay talikod niya nang hindi makarinig ng pagsangayon ng matanda.

Mga ilang hakbang pa lang ni Mico nang tawagin ang pangalan niya ni Divina. Sa pagkakatawag na iyon ni Divina, nakaramdam si Mico ng kakaibang kabog ang kanyang dibdib. Tila kinakabahan siya.

"Mico." ulit ni Divina.

Muling lumingon si Mico. "Po?" Saka niya napansin ang pagtayo ng matanda.

"Pwede ba kitang makausap."

Nahalata ni Micong nagpipigil ng emosyon ang matanda. "Bakit?" tanong niya sa sarili. At nakita niyang nagtaas noo ang matanda.

"Hindi ko gusto ang nangyayari sa inyo ng anak ko." tuwid, dire-diretsong salita ni Divina. May awtorisasyon. Matigas. At higit sa lahat, nagpasog ng isipan ni Mico.

"Bakit?" isang malaking katanungan sa isip ni Mico. "H-ho?"

"Hindi ako tanga sa mga nakita ko." si Divina uli at kasabay na ng kanyang pagsasalita ang madalas na pag-alon ng dibdib nito. "At ayokong maulit pa iyon."

"Tita?"

"Oo, sapat nang makita ko kayong magkayakap at kapwa hubad. Natural, ano pa nga ba ang ibig sabihin noon." naiiyak na si Divina. "Mico, hindi sumagi sa isip kong mangyayari ang ganoon sa inyo. Alam mo ba ang naramdaman ko kanina, ang sakit sa aking dibdib. Halos hindi ako maka-hinga sa nasaksihan ko."

"T-tita..." hindi alam ni Mico kung paano magpapaliwanag. Naisipan niyang mag-dahilan pero hindi niya alam kung sa paanong paraan o magsabi na lang ng katotohanan.

"Ayoko ng relasyong meron kayo." sigaw ni Divina.

Sumabay ang pagtulo ng luha ni Mico pagkatapos marinig ang pagtutol na iyon ng kaharap. "Mahal ko si Ivan tita, at alam ko mahal niya rin ako. Sigurado po ako."

"Pero hindi ako papayag, Mico." Nanlisik ang mga mata ni Divina na ikinaramdam ng takot ni Mico. Pero napansin iyon ni Divina kaya pinilit nitong kumalma. "Mico, siguro kasalanan ko rin naman kaya ganito ang mga nangyayari. Masyado ko kayong dalawang pinaglapit. Dahil gusto ko magturingan kayong magkapatid." Nagtuloy-tuloy ang pag-agos ng luha kasabay ng pilit na pagpapakalma sa sarili. "Hindi ko naisip na darating kayo sa ganitong punto, na kayo mismo ay magkakaroon ng relasyon higit pa sa magkapatid."

"Tita, sana unawain ninyo kami." pagsusumamo ni Mico.

"Huwag kang mag-alala Mico. Naisip ko ring hindi dapat kita sisihin sa nangyari pero, para unawain ang nangyayari. Siguro dapat ka munang lumayo kay Ivan. O mas nararapat na hindi ka na magpakita sa kanya."

"Tita?"

"Oo, Mico. Buo ang desisyon ko. Ayoko nang makita kita dito simula ngayon."

"Tita. Ayoko." Lumapit si Mico kay Divina, nagmamakaawa.

Napa-tingala si Divina dahil sa nararamdamang awa. "Please Mico. Huwag mong hayaang tuluyan akong magalit sayo. Itinuring kitang anak kaya ayokong magalit sayo. Sundin mo ang gusto ko, Mico."

"Tita, mahal na mahal ko si Ivan. Sabi niya rin sa'kin, mahal na mahal niya rin ako. Pakiusap po. Huwag nyo pong gawin sa amin 'to."

"Mico, lumabas ka na ng bahay ko."

"Tita."

Pilit na ipinagtulakan ni Divina si Mico. Kung tutuusin kaya ni Micong makawala sa matanda. Bilang paggalang ayaw niyang sanggahin ang mga pagtulak nito sa kanya palabas.

"Mico, pakiusap. Iba ang pinapangarap ko sa anak ko. Gusto ko siyang makitang may mga anak. Gusto kong magka-apo."

Natigagal si Mico sa sinabi ng matanda. Ang laking sampal sa kanya ang mga sinabi nito. "Wala ako noon. Ang hinahanap ni tita Divina." tulala siyang nagpatinaod sa pagpapalabas sa kanay ng matanda.

"Mico." tawag ni Divina sa kanya nang maihatid na siya sa labas ng pinto. "Ginagawa ko lang ito para sa anak ko. Sana maintindihan mo." pagkatapos ay isasara na sana ni Divina ang pinto.

"Sandali po.Pwede po bang magpaalam man lang ako kay Ivan?"

Nanlaki ang mga mata ni Divina. "Hindi na. Para ano, mapigilan ka niya. At suwayin ang kagustuhan ko?" pagkatapos ay ang paghampas ng pinto pasara.

"Ivan."
-----

Palabas si Mico ng gate nang may pumaradang kotse sa tapat ng kanilang bahay. Lulugo-lugo siyang lumapit doon. Saka niya napansin ang paglabas ng kanyang ina sa loob ng kotse.

"Ma?" naiiyak tawag sa ina.

"Mico, bakit?" agad lumapit si Laila sa anak.

"Ma."

"Ano bang nangyayari sa yo? Sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?" Patuloy lang si Mico sa pag-iyak. "Mico?" muling naghintay si Laila ng sagot. "Mico, may kinalaman ba dito si Ivan o si tita Divina mo?"

Napatitig si Mico sa ina.

Naintindihan ni Laila ang mga tingin na iyon ni Mico. Alam niyang may kinalaman ang mga taong binaggit niya pero hindi niya lang alam ang dahilan. "Kung ayaw mong sabihin sa akin, sila ang kakausapin ko."

Biglang pigil ni Mico sa ina. "Ma, huwag na po."

Mas lalong naging tama ang hinala ni Laila. Pumiglas siya sa anak at iniwan ito para pumunta sa kabilang bahay.

Naiwan si Mico na hindi alam ang gagawin. Takot. Kaya, napatakbo siya sa loob ng kanilang bahay.
-----

"Saneng." tawag ni Laila sa kasambahay. "Mag-ayos ka na at ipasusundo na lang kita."

"P-po? bakit po Ate?" ang iniisip ni Saneng ay tatanggalin na siya sa trabaho.

"Uuwi na tayo ng Manila, pero kailangan mauna na kami ni Mico. Maiwan ka muna para i-secure ang mga gamit dito. Ipapasundo na lang kita."

"O-opo Ate. Sige po. Ngayon din po."

"Mico." tawag naman ni Laila sa anak. Agad siyang umakyat sa taas.
-----

"Mico." balikwas ni Ivan sa higaan. Pero hindi nahagilap ng kanyang paningin si Mico. "Anong oras na ba?" Nanlaki ang mga mata niya nang makita mag-aalas otso na ng umaga. "May pasok ako ngayon." Nagmadali siyang kumilos at para mag-asikaso ng sarili. "Late na 'ko sigurado."

Nagmadaling maligo, nagbihis ng uniform para sa school, at bumaba.

"I-ivan?" gulat ni Divina sa anak nang makita ito. "A-akala ko wala kang balak pumasok." naptingin siya sa polo nito. "Mali-mali pa yang pagkakabutones mo."

"Aalis na ako, Ma."

Nakaramdam ng kaba si Divina. "A-ah saglit lang naman. Mag-almusal ka muna."

"Hindi na po. Late na talaga ako."

"Mmm hayaan mo na siguro, n-na ma-late ka. Sa pangalawa ka na lang kaya pumasok. Tama, ayokong umalis ka na hindi ka nag-aalmusal. Magagalit ako."

"Sige na nga po. Sige na nga para may time pa akong puntahan si Mico."
-----

"Ma, ayokong umalis. Ma..." gustong magpumiglas ni Mico sa paghatak sa kanya ng ina palabas.

"Mico. Tama ang tita Divina mo, kailangan  mo munang lumayo."

"Pero Ma, nagmamahalan kami ni Ivan."

"Akala mo lang yun. Magisip-isip ka muna sa malayo. Baka doon mo makita kung ano ang talagang nararapat para sayo."

"Si Ivan na ang gusto ko, Ma."

"Mico." saglit na tumigil si Laila. Nilagyan niya ng diin ang pagtawag niya sa pangalan ng anak. Para bang sinusukat niya kung hanggang saan ang pagpupumilit ni Mico.

"Ma." mahinang anas ni Mico. Nagmamakaawa.

"Mico, anak. Sundin mo si Mama ha? Para sayo rin naman itong ginagawa ko."

"Pero Ma..."

"Mico, ang laki mo na. Di ba, hinahayaan na kitang magdesisyon para sa sarili mo? Kahit anong oras pwede kang bumalik dito o kung saan mo gustong pumunta, pero sa pagkakataong ito, sana maintindihan mo rin ang gusto ng tita Divina mo, ako, Mico. Gusto ko munang lumayo ka. Baka... malay mo, may mas hihigit pa kay Ivan na makikilala mo. Mico..."

Hindi alam ni Mico kung saan sa sinabi ng ina kung bakit siya napasunod dito at sumakay ng kotse. Walang dalang kahit anong gamit, napilitan na si Mico na sumunod sa kagustuhan ng kanyang ina.

Umandar ang sasakyan. Habang tahimik na umiiyak sa isang sulok ng sasakyan, puro pangalan ni Ivan ang nasa isipan niya. Bago lumiko ang kanilang sinasakyan, tumanaw pa siya ng huling sandali kung saan naroon ang bahay ni Ivan. Umaasang nakatayo doon si Ivan at kinakawayan siya.
-----

"Pupuntahan ko muna si Mico." pagkalabas na pagkalabas ni Ivan sa gate. Papalapit sa gate nila Mico, napa-tingin pa muna siya sa bintana ng kwarto ni Mico. Saka siya napa-ngiti. "Umaasa akong hindi mo na ako iiwan, Mico."

Kakatok sana siya sa saradong gate. Nang magbago ang kanyang isipan. "Mamaya na lang. Magdadala ako ng pasalubong. Tama."

Nilisan niya ang bahay ni Mico at naka-ngiting tinahak ang daan papunta sa kanyang paaralan.

No comments:

Post a Comment