Wednesday, January 2, 2013

MRT (04-06)

by: unbroken

“Ano na? Sagutin nyo ako! Magkakilala ba kayo?” nalilito kong sabi.

Tila natameme ang dalawa. Nagulat sa mga nangyayari. Halata sa mukha nila ang matinding emosyon hindi ko mawari kung ano. Galit ba sila sa isa't-isa? Ano ba?

“Rob,tara na. Umalis na tayo.” sabi ni Rex.

“Huh? Okay.” sabi kong natataranta na rin.

“Tara na. Baka ano pa magawa ko sa lalaking yan.” gigil na sabi ni Rex.

Ay Ante,afraid ako.

Hinatak ni Rex ang braso ko. Madiin. Dominante. Nakakatakot. Nakatitig si Choi na parang natulala na ewan. Ano ba talaga to? Bakit ganito? Sino sila? Ano ang koneksyon nila sa isa't isa. Bakit parang nagiging sandwich na ako sa kanilang dalawa?

I never wanted to be a filling to this sandwich. I am my own jam. I am my own spread.

Ilang hakbang pa lamang nang kami'y makalayo ni Rex ay nakita kong nagmamadaling lumapit si Choi suot ang kanyang gusot at nagngangalit na mukha. Biglaang hinatak ni Choi ang aking kaliwang braso na naging daan para ako'y makabitawan ni Rex. Sa lakas ng impact nito ay bigla akong napasubsob kay Choi.

“Aray naman!” sigaw ko.

“Saan ka pupunta Rob? May lakad tayong dalawa!” sigaw ni Choi sa akin.

“Anong san pupunta Choi? Ano bang nangyayari sayo? Bitiwan mo ako masakit!” angal ko.

“Ano ba Pare? Bitawan mo nga si Rob! Babasagin ko mukha mo!” pagaangas ni Rex.

Ayy bongga! Pinagaagawan ako ang haba ng hair ko. Wooohooo!

“Hangang ngayon pa ba di ka pa rin nakakamove on sa mga nangyari Mr.San Diego? Get a life.” sagot ni Choi kay Rex.

Napataas ang kilay ko sa mga narinig. Ano ba talaga to?

“I am sorry. Pero I think you're being too clingy on my property.” sabi ni Rex habang nakatitig kay Choi.

“Property?” tanong ni Choi.

“Yes. Kung hindi mo alam. Yang lalaking hinahawakan mo ngayon ay akin. Kaya kung ako sayo bibitiwan mo na sya.” matigas at malakas na sa Rex kay Choi.

Nanatili akong tameme. Hindi ko alam,wala akong masabi.

“He's not yours. Akin si Rob.” sabat ni Choi.

Lumipad ang kilay ko sa starry starry sky.

“Ano Choi? Bitawan mo nga ako.” sabi ko sabay kalas sa kapit ni Choi sa akin.

“Akala ko ba tayo na?” pasigaw na sabi ni Choi.

“Tayo? Kailan ko sinabi sayo ha?” singhal ko sa kanya.

“Kanina. Sabi mo sakin Rob mahal mo ko. Sabi mo sakin mahal mo na ako. Tapos nakita mo lang tong gagong to eh iiwan mo na ko? Grabe ka.” seryosong sabi nito.

Putangama. Ang galing umarte ng kupal. Eh kung maniwala si Rex? Wala na akong booking. Hindi pwede!

“Rob? Totoo ba?” mahina at malungkot na sabi ni Rex.

“Ha? Hindi totoo yan Rex. Wag ka maniwala kay Choi. Hindi totoo.” sabi kong natataranta.

“Rob please? Mahal na mahal kita. Tara na wag ka na magalit sa akin. Alam ko naman kaya ka gumaganyan sa akin kasi nagtatampo ka. Sorry na please.” umaarteng sabi ni Choi.

“Choi shut up! I never thought that you're a good liar. Pag may hindi magandang nangyari sa lovelife ko sa gabing ito,tandaan mong hindi na kita kilala.” galit kong sabi.

“Rob,bakit? Akala ko ba single ka?” mukhang naniniwala-kay-Choi mode na sabi ni Rex.

“Single ako. Wag ka maniwala dyan kay Choi. Tara na Rex. Iwan na natin tong gagong to.” sabi ko sabay tingin kay Choi.

“Ako gago?” tanong ni Choi,halatang pikon na pikon na.

“Choi please. Tigilan mo na nga kami. Umuwi ka nalang. Inaabala mo kami.” sabi ni Rex.

Ulol ka Choi. Kala mo naman maiisahan mo ko.

Sumilip ako sa paligid at wala naman masyadong tao. Wala naman nakapuna ng eksenang nangyari. Hinatak ako ni Rex ng marahan at inakbayan. Amoy na amoy ko ang pabango nito. Soothing. Bruskong brusko. Macho. Mabigat ang mga braso ni Rex. The way I love it. Dahan dahan kaming lumakad papalayo ni Rex sa nanggigil na si Choi. Nilingon ko syang muli at kita ko ang apoy na lumalagablab mula sa kanyang mga mata. Kita ko ang galit. Parang gago lang.

Bakit ka ba nagkakaganyan Choi? Kala ko ba acting lang? Bakit ayaw mo ko maging masaya?

Malamig ang hangin pero pinapainit ako ng body temperature ni Rex. Winner!

“Saan tayo pupunta Rex?” tanong ko habang ninanamnam ang kanyang akbay.

“I know a place Rob. Coffee?” tanong nito.

Ayy! Why not? Ang wholesome. Coffee muna bago jerjer. Pwede!

“Coffee? Sure. Saan?” tanong ko.

“Teka. Sure ka na there's nothing going on between you and Choi?” tanong nito.

“Yep. Sure yun. Wala po talaga.” sabi ko.

“Eh bakit ganun sya umarte?”

“Ewan ko din. Hayaan na natin.” sabi ko.

“Sure ka ha?”

“Oo nga po.”

“Seloso kasi ako.” sabi nito sa akin.

“Awww. Seloso ka dyan? Eh di ka pa nga nagtatapat ng pagibig mo.”

Ang kiri kiri ko. In all fairness.

“Di ba obvious?” tanong nito.

“Obvious na ano po?” tanga-tangahan kong tanong.

“Di ba obvious na gusto kita?” tanong nito.

“Ang bilis ha?” pabiro kong sabi.

“Kailangan ba matagal? Di naman kita babakuran ng husto eh. Masaya na ako sa kung ano man ang pwede mong ioffer.” sabi nito.

“Aww. Yung ganyang setup? Magulo yan. MU?” tanong ko.

“May kaguluhan nga,pero yan ang set up ng karamihan ngayon.” paliwanag ni Rex.

“I don't want to be one of them.” maiksi at pranka kong sabi.

Totoo naman no? Bakit papasok ka sa MU-MUhan na yan. Sakit lang sa ulo. Dalawa lang ang relationship status, Single at In a Relationship. Hindi pa napaprocess ng 52mb kong utak ang M.U effect na yan.

Ngiti ang sinagot nito sa akin. In fairness,pantay naman ang mga ngipin nya. Why not?

“Wag kang magalala,sa edad nating to,eto na yung settling down age diba? So asahan mong hindi tayo magagaguhan.” sabi ni Rex sa akin.

Nakaramdam ako ng security sa mga salitang rumehistro sa aking tainga. Ako'y napabuntong-hininga. Napaisip ako na probably,tama nga si Rex. Sa edad ko na to,alam kong kalinga ng isang mapagmahal na kabiyak ang aking kailangan. Kailangan ko ng magmamahal sa akin. Sana nga. Oo,sana nga.

Lumingon ako sa likod kung saan namin iniwan ang nagngangalit na si Choi. Wala na ito,nawalang parang bula,tinangay ng hangin? Siguro. Pumara si Rex ng taxi,nagulat ako ng binukas pa nya ang pinto para sa akin. Napakagentleman nya. I feel like a real woman na inaalalayan ng kanyang eskorte. Iba ang pakiramdam kapag tinatrato ka ng mabuti ng isang gwapo,stable,mabait at masarap na lalaki. Perfect!

“Saan po tayo boss?” tanong ng driver.

“Katipunan Manong. Kopi Roti.” maiksing sabi ni Rex sabay tabi sa akin.

Nagulat ako sa narinig. Kopi Roti? Ilang taon na akong di nakapunta don ah? Naalala ko na naman sya. Bakit alam ni Rex ang lugar na yun? Ako'y napabuntong-hininga.

“Oh bakit ka nagsasigh?” tanong ni Rex sabay pout ng kanyang lips na nakapagpangiti sa akin.

“Wala naman. Matagal akong di nakapunta ng Kopi Roti. It's a bit nostalgic.” sabi ko sabay patong na kamay ko sa hita nya.

“At bakit naman nostalgic? Why won't you tell me?” sabi ni Rex.

“Wala naman. Sabihin nalang natin “memories of the past.” sabi ko sabay ngiti ng plastik.

Ouch!

“Do you still miss him?” tanong ni Rex.

“Sometimes.” maiksi kong sagot.

“Thanks for the honesty.” sabi nito sabay halik sa aking noo.

Kinikilig ako.

“We all deserve honesty. So asahan mong hindi ako magsisinungaling sa kung ano mang nangyayari sa atin.”sabi ko sa kanya.

“Wag ka magalala. I know na gusto kita. We just need time to strengthen this. Pero If you were to ask me, I really do like you.” sabi nito.

Nakaramdam ako ng pamumula. Nanlalaki ang ulo ko. Maybe kinikilig ako? Siguro nga.

“Salamat ha?” maiksi kong sagot.

“No worries. Wag ka magalala. Give me a chance. I'll prove my worth.” sabi nitong nakatitig sa akin.

Walang salisalita,nakita ko na lamang ang sarili ko sa front mirror ng taxi na nakasandal sa kaliwang balikat ni Rex. Ilang segundo pa,naramdaman ko ang paglock ng kamay nya sa kamay ko. Nakaramdam ako ng kakaiba. Nagiinit ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko na parang tumatalon ung puso ko mula sa dibdib ko. After ng maraming taon,nakaramdam muli ako ng ganito.

If this isn't love then what it is? It's like i've been dreaming or just plain crazy. L O V E. la la la la.

Nasa ganoong posisyon pa rin kami nang biglang magsalita si Rex.

“Alam mo,ang bango mo.” sabi nya.

“Ako mabango? Mas mabango ka.” sabi ko.

“Rob,this is serious. May sasabihin akong importante.” seryosong tono ni Rex.

“Ano yun?” kinakabahan kong sabi.

“I like you.”

Kinikilig ako.

“Wow thanks.” sabi ko.

At isang mainit at mamasamasang halik ang dumampi sa aking noo.

Ilang segundo pa ay dumating na kami sa Kopi Roti sa may Katipunan. Nakakatuwa at nagexpand na sila. Dati ay maliit lang,ngayon ay puno na ng tables at chairs sa labas kung saan nakatambay ang mga students ng Ateneo at UPD. Mangilan-ngilan lang ang tao ngayon sa labas. Napakaconducive ng lugar na ito sa pagaaral. Tahimik,maganda ang bossang tugtog,pangmayaman.

Nostalgic ang lugar na ito. Dito kami tumatambay ni Oel kapag may mga exams kami,minsan nagpapaumaga kami dito lalo na kapag gusto lang naming maglambingan or magaguhan. Nandun pa rin ang mga taong nagtatrabaho. Sa dalas namin dito ay malamang kilala na nila ako sa mukha,si Oel din. Pero mas sikat si Oel sa Kopi Roti, Mr.Congeniality kaya yun.

“Tara na?” tanong ni Rex.

“San?” wala sa wisyo kong sabi.

“Sa loob?” nakangiti nitong sabi.

“Ahh. Ahh. Oo,sige.” natataranta kong sagot.

Bumaba kami n taxi. Inalalayan ako ni Rex na bumaba. Pagkababa ay inayos ko ang aking damit maging ang aking bag. Humanap na si Rex ng pwesto sa loob ng shop at sumunod na ako. Inilapag namin ang aming mga gamit sa mesang nasa dulo ng kapehan. Magkasabay kaming pumunta doon sa cashier para umorder,inakbayan ako ni Rex.

Nakita ko ang paboritong barista ni Oel sa counter. Ngumiti ito sa akin na aking kinagulat. Ang tagal na nyang nagtatrabaho sa Kopi Roti bilang barista. Ganun pa rin sya,payat at pangahan pa rin. Wala masyadong pagbabago.

“Uy Sir!” sabi nito sabay ngiti sa akin.

“Hi!” nagaalangan kong sagot.

“Musta po? Ilang taon kayong di nagawi dito ah.”

“Okay naman. Ikaw?” tanong ko.

Mababanaag mo sa mukha ni Rex ang pagtataka.

“Ayos naman po.” sabi ng barista.

“Kilala mo sya?”tanong ni Rex.

“Sa mukha oo. Lagi kasi kami dito dati ng kaibigan ko eh.” sabi nito.

“Ah okay.” maiksing sabi nito.

“Sir ano pong order nila?” sabi ng nakangiting barista kay Rex.

“Hmmm. Coffee Bun 2 siguro.” sabi nito.

Coffee bun? Ano ba to? Pag kinakantot ka talaga ng memories.

“Sige coffee bun.” dagdag ko pa.

“Anong kape natin?” tanong ni Rex.

“Kaw na bahala. Basta may coffee bun ako.” sagot ko.

“Ayy sir nga pala. Sayang di kayo nagabot nung lagi nyong kasama dati dito?” parang batang sabi ng barista.

“Ha?” nagulat kong tanong.

“Yung lalaki pong kasama nyo dito dati lagi? Nung nagaaral pa kayo?”

Si Oel ang tinutukoy nya.

“Ahh. Sya ba? Ahh. Oo nga sayang. Ang sharp ng memory mo ha?” sabi ko sa kanya.

“Oo Sir. Makakalimutan ko ba kayo nun? Hindi ah. Kasama nga nya yung asawa nya kanina Sir.” sabi ng barista.

“Asawa? Kasama nya dito yung asawa nya?” tanong ko.

“Oo sir. Kasama nya yung ang asawa nya. Ang cute nila tignan.” masayang sabi nito.

“Ahh ganun ba. Good for them.” sabi kong hindi nagpapahalata ng pait.

So sinama na pala ni Oel ang asawa nya dito sa Kopi Roti?

“Sige Rex. Mauna na ako sa upuan natin baka mawala ang mga gamit natin.” sabi kong nagpapalusot.

“Sure sure. Susunod ako.”sabi nito sabay ngiti ng pagkatamistamis.

Hindi ako alam pero nakaramdam ako ng lungkot nang marinig na kasama ni Oel ang asawa nya sa kapehan. Espesyal na lugar namin ang Kopi Roti,bakit kailangan pa nyang isama ang asawa nya? Bakit naman ganun? Bakit ako nagkakaganito? Ang hirap. Bakit ko pa rin ba kasi sya iniisip? Sana madaling makalimot. Sana nga.

“Uy Rob.” pagputol ni Rex sa kung anumang iniisip ko.

“Ah. You're here na pala.” kikay kong sabi.

He sat beside me. Gave me my Coffee Bun then Cold Coffee. Why not? Ang tagal kong nagtiis na di pumunta dito. I guess it's time for me to move on. As if naman madaling magmove on? As if naman di ko na mahal si Oel? Eto ang problema ko,kinakausap ko ang sarili ko,nagdedebate ang mga characters ng sarili kong mundo. Ang tanga ko minsan.

Lumipas ang ilang oras ng pagkekwentuhan ay gumaan ang loob ko kay Rex. Isa pala syang lawyer. In fairness sa kanya halatang halata na matalino sya. Prangka din sya at ang bilis kumilos. I mean mabilis pumorma. Sa ilang oras na paguusap namin ay inaakbayan nya ako,paminsan minsan ay nagnanakaw sya ng halik pag walang nakatingin na tao,minsan naman ay kinakagat nya ako sabi kiss sa parteng kinagat nya.

Masaya lang ang pakiramdam na naging komportable ako sa kakulitan ni Rex. Ang cute naming dalawa ngayon ko lang narealize. Para lang kaming magjowang hindi na mapapaghiwalay. Why not? Ang kiri ko talaga.

Inakbayan ako ni Rex at hinilig ko naman ang aking ulo sa kanyang balikat. Katahimikan.

“I can stay this way with you forever.” maiksi at tumatagos na sabi ni Rex sa akin.

“Wow. Kinikilig ako.” nagbablush kong sinabi.

Nasa ganung posisyon kami ng may lumapit na isang pamilyar na lalaki. May hawak itong isang cup ng cold coffee. Tinatahak nito ang aming lugar suot ang kanyang nagngangalit na mga mata. Nakaramdam ako ng kaba sa kung ano mang gulong dala nito. Nakakatakot.

“Ang sweet nyo namang dalawa.” sarkastiko nitong sabi.

“Choi pati ba naman dito susundan mo kami?” nanggigil kong sabi.

“Sabi ko kasi sayo,akin ka lang!” sigaw na sabi ni Choi sa akin.

Nagitla ako sa narinig. Maging si Rex ay nabigla.

“Choi. Tigilan mo na nga kami!” sigaw ni Rex dito.

Walang kaabog abog,sinaboy ni Choi ang malamig na kape sa mukha ni Rex.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


strangersandunbrokenangels.blogspot.com



by: unbroken

Natameme ako sa nakita. This is very Cherie-Gil vs. Sharon Cuneta scene.

“Remember what you did dati? Binuhusan mo din ako ng kape.” humahalakhak na sabi ni Choi.

“How dare you Choi! How dare you!” nanggigil na sabi ni Rex.

“Bumabalik lang lahat ng ginawa mo sakin Rex!” nangiinis na sabi ni Choi.

“Ginawa? Ikaw ang may ginawa sa akin Choi! How dare you!” galit na galit na sabi ni Rex habang pinupusan ang tumutulong kape sa kanyang mukha at damit.

Speechless ako. Naloka sa nangyari.

“Ang lamig ng kape no? Pasalamat ka nga di Frappe ang binuhos ko sayo. Mas malala yun.” nangiinis na sabi ni Choi.

“Tangama ka naman Choi oh! Ano ba kasing problema mo?” sabat ko.

Biglang gumana ang utak ko. Dali dali kong tinulungan si Rex sa pagpupunas ng mukha nya. Pero halata pa rin na malagkit ang kape.

“Ginagantihan ko lang naman yang lumalandi sa'yo Rob.” sarkastikong sabi ni Choi.

Mabilis na lumapit ang store manager sa amin para pigilan ang away na nagbabadya.

“Sir ano pong problema? Sir isettle po natin to agad.” natatarantang sabi ng matabang manager.

“Wala. Nevermind.” maiksing sagot ni Rex.

Nagulat ako sa narinig. Binuhusan na nga sya ng kape tapos nevermind pa gusto? Adik din ata tong isang to. Makikita sa mata ng manager ang pagaalala dahil kung sakaling magaaway ang dalawang ito,siguradong maapektuhan ang image ng Kopi Roti. Tinignan ni Choi ang manager.

“Okay na kami. No worries. Walang iskandalo o away na magaganap.” biglang hinahong sabi nito.

Parang batang tumango ang manager. Tumalikod at lumakad papalayo.

Nakaramdam ako ng paghupa kahit papaano ngunit mababakas mo pa rin ang panggigigil sa mukha ni Rex. Nanatiling tahimik si Choi at tinitignan ang mga galaw ni Rex. Ilang saglit pa ay tumabi ito sa couch na kinauupuan ni Rex habang nagaayos ng gamit at sarili.

“Wag mo kong tabihan hayop ka Choi.” mahina at nanginginig na sabi ni Rex.

“Bakit naman? Di mo ba ko namiss dear?” nangaasar na sabi ni Choi.

“Paano ko mamimiss ang isang mangaagaw na tulad mo?” sabi ni Rex kay Choi sabay tingin dito ng matalim.

May agawang nangyari?

“Well now,it's the other way round,ikaw ang nangaagaw sa BF ko kaya ako naman ang nagbuhos sayo ng kape.” sabi ni Choi sabay turo sa akin.

Gustong magfreak out ng nerves ko.

“Bf kita? Damn you! Di kita bf Choi!” giit ko.

“Rob,bakit mo ba ko pinapahirapan? Alam ko nagtatampo ka kasi di ako nakasipot sa lakad natin,pero please naman. Wag mo naman ako pahirapan.” sabi ni Choi.

Putang bakla to? Gagaguhin na naman ako? Siiiyyyeeettt!

“In your dreams Choi. Dream on.” sarkastiko kong sabi.

“Rex,may extra shirt ako. You want to borrow?” baling ko kay Rex na di pa rin mapakali

“Meron ako. Magpapalit lang ako.” sabi nitong halata pa rin ang gigil sa ginawa ni Choi.

Ilang segundo pa ay dahan dahang tinanggal ni Rex ang butones ng kanyang suot na Polo. Hindi ko malaman pero napako ang mga mata ko sa ginagawa nya. Natanggal na nya ang unang butones,pangalawa,pangatlo.... pangpito. May isang adonis na hubad ang nakahain sa aking harapan.

Ako ay natulala. Napatulo ang aking laway.

Jesus Christ. Bakit naman ganito ang katawan nito? Pakiramdam ko nagiinit ako ante. Wag naman ganun. Nasa coffee shop ako. Bawal ang tigas pato sa Kopi Roti. Nakakaloka.

Tumambad sa akin ang katawan ni Rex. Napalunok ako. Hindi ko alam kung sinasadya nyang ibuyangyang yun o talagang lagkit na lagkit lang sya dala ng kape na sinaboy ni Choi.

Choi. Salamat at binuhusan mo sya ng kape. Atleast nakita ko na ang katawan. Winner!

Nanatiling nakatitig ako sa katawan ni Rex. Nakakabato-balani. Maganda ang dibdib ni Rex,maputi ito at maganda ang pagkakatubo ng chest hair nya. Kita ko rin ang kanyang nipples,napakagat labi ako sa kulay, medyo light brown ito. Maya maya pa,napadako ako sa kanyang pusod, pababa, pababa, may karooooooggg why not. Pababa ng pababa ng pababa ng pababa....

“Rob? Kanina ka pa nakatitig?” seryosong sabi ni Rex.

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko sa sobrang kahihiyan.

“Ah? So..So..Sorry.” nauutal kong sabi.

“Ano ka ba naman babe? Nakakita ka lang ng ganyang katawan natulala ka na? Di hamak naman na mas maganda katawan ko dito kay Rex no.” nagaangas na sabi ni Choi.

“Tangina ka Choi. Manahimik ka.” Naiirita kong sabi.

“So ano Choi? Masaya ka na? Sinira mo gabi namin?” sarkastikong sabi ni Rex.

“Kulang pa. Pasalamat ka nga binuhusan lang kita ng kape. Mabait pa rin ako,ikaw nga dati,binuhusan mo na nga ako ng kape,sinuntok mo pa ako.” palabang sabi ni Choi.

“Mangaagaw ka kasi!” gigil na sabi ni Rex

“Teka teka. Sino ba inagaw ni Choi sayo Rex?” tanong ko kay Rex.

Pero parang hangin lang ako na di napansin.

“Inagaw mo na nga sakin sya ngayon,ngayon naman pati tong si Rob kakalantariin mo? Bakit di ka nalang humanap ng ibang lalaking maniniwala sa lahat ng kagaguhan mo?” nagngangalit na sabi ni Rex.

“Sabihin nalang natin na nasa job description ko ang mangagaw ng magsyota?” sabi ni Choi.

Tumaas ang kilay ko sa narinig. Automatic.

“I never thought you're that kind of a bitch.” nausal ko.

Napabaling sa akin si Choi. Nakikita ko ang paglagablag ng mga mata nito.

“Ulitin mo nga.” seryosong sabi nito.

Nakaramdam ako ng kaba. Pakiramdam ko ay gagawa si Choi ng hindi maganda kapag inulit ko pa ang salitang yon. Nakatitig sa aking mga mata si Choi. Nakaramdam ako ng takot. Nakatitig din si Rex kay Choi,halatang nagaabang ng mga susunod na mangyayari. Napasandal ako sa malambot na upuan,hinahabol ang aking hininga sa kabang nararamdaman. Naramdamanan ko nalang ang pagpatak ng aking luha. Hindi ko alam kung bakit,dala marahil ng takot.

Nakakita ako ng pagkaalarma sa mga mata nila Rex at Choi. Agad agad humakbang si Rex sa mesang naghahati sa dalawang malambot na kutson at umupo sa tabi ko.

“Oh? Bakit ka umiiyak?” bakas ang pagaalala sa tono nito.

Hindi ako makapagsalita. Patuloy ako sa paghikbi na parang bata. Ilang segundo pa ay naramdaman ko ang paglatag ng aking mukha sa kanyang dibdid. Ramdam ko ang init nito. Ramdam ko ang assurance na di ako magiisa tuwing naririnig ko ang init at pintig ng kanyang puso.

“Ang sweet nyo talaga! Gusto mo buhusan kita ulit ng kape?” parang gagong sabi ni Choi.

Mararamdaman mo ang bahid ng pagkatalo sa kanyang boses.

Abs bitter herbs ka gago.

“Get a life Choi. Get a life.” mariing sabi ni Rex.

Ilang segundo pa ay agad kinuha ni Rex ang bag nya,isinampa din sa kanyang balikat ang bag ko at kinuha ang kamay ko. Dali-dali kaming lumabas ng Kopi Roti. Nilingon ko si Choi na muling naiwan sa dulo.

I showed him my middle finger then I said “Fuck you Choi.”

***

Agad kaming sumakay ng taxi. Umangkla si Rex sa akin. Ako naman ang nagpaubaya. Wala kaming imikan. Tahimik lang syang nakaakbay sa akin habang ako naman ay nagiisip ng kung anu-ano.

“San kita ihahatid?” tanong nitong naglalambing.

“Ikaw? San ba?” tanong ko nagpapacute.

“Sa bahay nyo?” tanong nito.

“Sa Pagasa.” sabi ko.

“Sure ka ha?” sabi nito.

“Ayos lang.” sabi ko sabay ngiti.

“Manong Pagasa tayo.” sabi ni Rex sa driver.

Tumango ang driver.

“Umamin ka sakin Rob.”

“Ano yun Rex?”

“May namamagitan ba sa inyo ni Choi?”

“Wala.” seryoso kong tugon.

“Eh ano? Bakit ganun sya sayo?” tanong nito sa akin.

“Ewan ko nga eh. Officemate ko sya. Hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganyan. Dati naman di sya ganyan,I mean casual lang. Tapos bigla na syang nagkakaganyan.” sagot ko.

“Nakakapagtaka naman. Hindi kaya may sayad yun?” tanong ni Rex sa akin.

“Ewan ko,diba kayo ang matagal na magkakilala?” tanong ko kay Rex.

Natahimik si Rex. Nagbuntong hininga. Pumikit. Nagbuntong-hininga ulit.

“Paano ba kayo nagkakilala? Ano ba talaga? Nalilito ako? Bakit ka nya binuhusan ng kape?” sunod sunod kong tanong sa kanya.

Nakita kong napalunok si Rex sa mga tanong ko. Ako naman ay parang timang na nagaantay na masagot ang mga tanong na kanina pa bumabagabag sa akin.

“Okay.” pasimula ni Rex.

“Fine. Makikinig na ako.” sagot ko.

“It happened parang ilang taon na ang nakakalipas.”

“Uh-huh?”

“Inagaw ni Choi ang ex ko.” mapait na sabi ni Rex.

“Bakit? Paano? Paano mo nalaman?” tanong ko.

“Nahuli sila ng bestfriend kong babae. Si Wendy. Ipapakilala kita don don't worry.”

“San sila nakita? I mean paano mo nalaman or naconfirm or what?”

“I tried spying. Yung mga galaw nya tinitignan ko. Nakaramdam nga ako na medyo nanlalamig sya sa akin. Tapos may mga panahon na di ako tinatawagan sa bahay. Nakakapanibago.” mahinang sabi nito.

“Tapos?” chismoso kong tanong.

“Ayun na nga,isang araw,nagpaalam tong ex ko sa akin. He has to go early daw at may family event daw sila. Ako naman pinayagan ko. Tapos itong si Wendy,sabi sa akin bakit daw di namin sundan kung family event nga ang pupuntahan? Pumayag ako. Pagkita ko,nakita ko sila dito sa Kopi Roti nga,magkasama. Nakita ko kung paano sila maglandian sa don. Di ako nakapagtimpi. Umorder kami ni Wendy ng cold coffee,di ako nakapagpigil binuhusan ko talaga sya sa harap ng madaming tao.” mahaba nitong paliwanag.

“So kaya ka nya ginantihan?” tanong ko.

“Siguro. Pasalamat nga sya hindi hot coffee binuhos ko sa kanya.” pabirong sabi ni Rex.

“So anong nangyari sa kanila ng ex mo?” tanong ko.

“Di ko alam. After that incident hindi ko na alam kung nasaan o ano man ang nangyari sa ex ko. Nawala sya sa school. Di ko din alam kung san sya nagpunta. Pero gago sa pagaaral yun,di ko din alam kung nakatapos sya ng psychology sa Ateneo. Ewan ko sa kanya.” sabi nito.

“Eh di wala palang closure?” natanong kong all of a sudden.

“Kailangan pa ba yun?” tanong ko.

“Oo naman. Para pag kung sakaling makita mo sya, di ka na masyado affected. I mean okay ka na.” sabi ko.

“Okay na naman ako. Mga 8 years na ata yun eh.” sabi nito.

“Ang tagal na pala ha? Bakit ganun pa rin si Choi? Isa pa,kinukulit nya ako na magpanggap ako na bf nya para daw sa guy na yun. Kasi daw narinig nga nya na bumalik na daw.” sabi ko.

“Ha? Bumalik na sya? Kailan pa daw?” nagitlang tanong ni Rex.

“Oo. Yun ang sabi nya. Ewan ko ba dun.” sagot ko.

“Hayaan mo na sya. Basta mahalaga okay na tayo.” sabi ni Rex sabay himas ng buhok ko.

“Teka. Yung bestfriend mo pala? Kailan ko sya imemeet?” tanong ko.

“Ahh,si Wendy? Pag di na busy. Alam mo naman balikbayan,madami pa ring inaayos yun.”

“Ahh nice. Hope to meet her soon.” sabi ko.

“Sure. I'll set a date. You'll meet Wendy.” sabi nito sabay dampi ng kanyang labi sa aking noo.

Ilang minuto pa ay dumating na kami sa bahay. Hininto saglit ang taxi at ako'y kanyang niyakap.

“Sure ka bang di ka na sasama sa loob? Okay lang naman sa kanila eh.” sabi ko.

“Oo. Next time nalang at isa pa ang lagkit na ng pakiramdam ko. Gusto ko pogi ako pag nakita ng mga magiging in-laws ko.” sabi nito sabay ngiti.

“Gumaganoon pa. Adik!” sabi ko sa kanya.

“Sige na baby. Baba na,uuwi na ako.” sabi nito sa akin.

Baby daw oh? Kaloka.

“Oo na po.”

Bumaba na ako at itinulak pasara ang pinto ng taxi. Habang umaandar ang taxi papalayo ay para kaming mga batang kumakaway sa isa't isa. Nang tuluyan ng makalayo ang taxi,naging kasama ko ang malamig na dampi ng hangin sa akin balat. Dahan dahan na akong pumasok sa gate ng bahay. Bukas pa ang ilaw,nakakapagtaka. Binuksan ko ang pinto at bumalandra sa akin ang isang mukhang

ayoko na makita. Si Oel. Sa tapat nya ay ang aking kapatid na babae. Napatingin sa akin ang aking kapatid na babae,tinitigan ko ng masama. Halata ang takot sa kanyang mga mata,agad itong tumayo at nagmadaling tumakbo patungo sa kwarto.

“Kuya Sorry! Gusto ka nya kasi makita kaya pinapasok ko ng bahay.” nanginginig na sabi ng aking kapatid.

At bago pa man ako makapagsalita,binagsak na nya ang pinto ng kanyang kwarto.

It's me and Oel again. Unexpected. Uninvited. Unwanted.

“Oh Oel,bakit nandito ka?” nagtataray kong tanong.

“Can we talk?” mahinang sabi nito.

“We can,but we may not.” sagot ko.

“Please?” sagot.

“Para saan?”

“Sating dalawa.” sabi nito.

Naguat ako sa narinig.

“Meron pa bang tayong dalawa?” sarkastiko kong tanong

“Sa akin meron pa.” nakatitig sa mata kong sagot nito.

Nakaramdam ako ng init sa narinig. I felt something na naramdaman ko na dati. Nagulat ako pero hindi ko alam kung maniniwala pa ako. After ilang taon? Ganon nalang yun? Isa pa ano ako? Kabit? May asawa kang tao pero lalandi ka sa akin na ex mo? Gaano ka kagamol?

“Meron pang ano?” tanong ko.

“Pagmamahal. Mahal pa rin kita.” sagot ni Oel sa akin.

Nakita ko ang sarili kong naghahabol ng hininga. Naiiyak na ako. After kang iwan tapos babalik ngayon at sasabihin na mahal ka pa rin? Ano ba yun? Pero hindi dapat ako magpaapekto. May pride ako,mahal ko ang sarili ko. Hindi ko hahayaan bumagsak na naman ako sa bitag ng gagong to.

“Mahal mo ko? Ulol.” gigil kong sabi.

“Maniwala ka. Makinig ka sakin,kailangan kitang iwan. Pero mahal kita, I was forced.” pagpapaliwanag nito.

“Forced to what?” naguguluhan kong tanong.

“Forced to leave. Forced to marry someone. Forced to live someone else's life.” mahina at umiiyak na sabi nito.

“Forced mo yourself. Alam mo libog lang yan eh. Ano sex na tayo? Baka sakaling pagnakantot mo na ko ulit mawala na yang kagaguhan mo.” galit at umiiyak kong sabi.

“Rob. Maniwala ka naman please. Ano ba gagawin ko? Mahal pa rin kita. Hindi ba pwedeng maging tayo ulit?” nagmamakaawa nitong sabi.

“With your wife and your child around? I don't think so.”

“Please Rob. Desperado na ako. Please! I want you back!” napasigaw na sabi nito.

“You gave up. Pinilit ka? Bakit ka nagpapilit? Kung talagang ayaw mo hindi nagmaterialize lahat ng mga sinasabi mong mga bagay. Kung ayaw mo bakit may anak ka na? Ano yun? Pinwersa ka lang ring buntisin yung babae? Ano yun? Inupuan ka lang habang natutulog? Ano yun? Pati pagkana mo sa babae pwersado! Umalis ka na Oel. Ayoko na. Please.” mahaba kong sabi.

Di ko na napigilan ang sarili ko. Bumigay ako sa sakit na nararamdaman ko. Bakit ganito? Hindi naman madali pero bakit ganito? Bakit ka pa bumalik? Ang sakit sakit. Sasabihin nya ngayon na pinilit sya? Bakit sya nagpapilit? Bakit! Ano ko? Parang bagay lang sa baggage counter na iniwan tapos babalikan pag gusto mo na? Bakit ganito! Ang sakit sakit.

“Rob. Please? Please? Nagmamakaawa ako oh. Let's start again. Isa pa,di ako sumuko. Kinailangan ko lang talaga. Don't ever give up on me.” umiiyak na sabi nito.

It hurts me more. Ayokong nakikita syang umiiyak. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang sakit sakit.

“You gave up,what am I supposed to do?” nasabi ko habang umiiyak.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


strangersandunbrokenangels.blogspot.com



by: unbroken

“You gave up,what am I supposed to do?” nasabi ko habang umiiyak.

“Hindi ako sumuko sa atin. Alam mo yan,alam mong mahal kita.” paliwanag nito sa akin

“Mahal mo nga ako pero bakit mo ko iniwan?” tanong ko.

“Kasi I have to. Kasi dapat. Kasi kailangan ko.”

“Bakit di ka pa man lang nakipagusap ng matino? Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin na maiwan ng magisa sa ere? Alam mo ba yun? Wala man lang tayong closure? Wala man lang ganon?
May pinagsamahan tayo Oel, sana kahit dapat kang umalis alam ko ang dahilan,konting respeto lang naman yon. Di mo pa binigay.” sabi kong patuloy na umiiyak.

“Biglaan lahat. Sorry Rob. Sorry. Inunahan din ako ng takot kaya di ako nagpasabi. Natatakot akong masaktan kita. Kaya umalis na ako.” paliwanag nito

“Natatakot kang masaktan ako? Eh putangina ka pala eh? Ano tingin mo sakin? Robot? Di nasasaktan? Walang pakiramdam? Tingin mo ba di ako nasaktan nung iniwan mo ako ng walang dahilan? Durog na durog ako! Naging dependent ako sa atin! Akala ko di matatapos,pero mali pala ako. Maling-mali ako.”

Katahimikan. Yun ang kailangan namin ngayon,patuloy kaming nagpapakiramdam habang tumutulo ang gripo ng aming mga luha. Napaupo ako sa sofa,agad na sinapo ng aking mga palad ang mga matang namamaga sa kakaluha. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya pero rinig ng aking mga malisyosong tenga ang kanyang mga hikbi at pagtangis. Pareho kaming luhaan,ako na binabalikan na nasaktan ng sobra at sya na bumabalik na pinipilit punuan ang kanyang mga pagkukulang.

Hindi ko na alam kung paano ang gagawin ko,nakita ko nalang ang reflection ng sarili ko sa salamin na lamesa sa harap ng sofa. Mukha akong gago,mukha akong wasted,mukha akong tutang umiiyak ng nawalay sa inang aso,mukha akong adik,mukha akong walang breeding. Ako ba talaga to?

“Rob,makinig ka sakin. Please?” madadama mo ang pagmamakaawa sa kanyang boses.

Masyado na ata akong pagod para makinig pa,masyado ng mabigat ang dibdib ko para makita pa sya. Hindi ko alam kung mapaprocess pa ng 512mb kong utak ang mga sasabihin nya. Hindi ko na talaga alam. The logical side of me says no pero kumokontra naman ang puso ko. I want to hold him tight, I want to kiss him, I want to hug him, I want to touch him, I want to suck him, I want him back pero kung gagawin ko yun ano pang matitira sakin? Pride na nga lang meron ako wawalain ko pa ba? Shit!

“Rob please. Makinig ka. It won't take much of your time. Pero please,pakinggan mo lang naman ang paliwanag ko. Pakinggan mo ako!” demand nito sa akin.

Nanatili akong tulala. Hindi ko namalayan na patuloy pa rin pala ang pagtulo ng mga luha ko sa bawat salitang binibitawan nya. Sa tuwing binabanggit nya ang pangalan ko ay bumabalik lahat,gusto ko pero tama na,gusto ko pero mali,gusto ko pero di na pwede.

“Rob. Di mo na ba ako mahal?” humihikbi na tanong nito.

Nagitla ako sa narinig. Napalunok ako at di ko alam kung bakit. Tila ba nanunuyo ang lalamunan ko at di ko man lang mabukas ang bibig ko para magsalita. Nagtama ang aming mga matang lumuluha. Kita ko ang matinding kalungkutang iniexhibit ng kanyang mga mata. Mapanglaw ang kanyang mga titig,balot na balot ng kalungkutan at pagsisisi.

“Sabihin mo kung di mo na ako mahal.” sabi nito sa akin.

“Umalis ka na Oel.” giit ko.

“Aalis ako pag narinig ko mismo sa bibig mo na di mo na ako mahal at di na kita gustong makita.” malungkot na sabi nito.

“Mabigat na ang gabi ko. Please Oel,patahimikin mo na ako.” pakikiusap ko sa kanya.

“Hindi mo na ba ako talaga mahal?” pagbabalik tanong nito sa akin.

“Umalis ka na Oel. Or else I'll the security guard ng subdivision at sasabihin ko na may magnanakaw sa bahay.” pananakot ko sa kanya.

“Hindi ako natatakot.” matapang nitong tanong.

“You should be.” sagot ko.

“Kilala ako ng mga guard dito. Tanda mo ba na lagi kitang hinahatid ng hating gabi dito? Tanda pa rin nila ako hanggang ngayon. Kilala ako ng head ng mga guards kaya madali akong nakapasok. I'm sure di ka nila papaniwalaan.” sagot nito.

“Ikaw na Mr.Congenital.” naiinis kong sabi.

“Congenital?” nagtatakang tanong nito.

“Congeniality sabi ko.” naiinis kong sagot.

“Congenital nga kupal ka.” sabat nito.

“Tangna mo. Ikaw mukhang kupal. Supot!” sigaw ko sa kanya.

“Ako supot? As if di mo ko kilala. As if di mo pa ko natitikman.”

Nagulat ako sa naging takbo ng usapan. Parang kami na naman na nagaasaran. Ganyan kasi kami maggaguhan ni Oel. Nagaasaran na parang walang mga breeding. Napatitig ako sa kanya at ganun din sya sa akin. Nagpakawala sya ng isang ngiting I-remember-this-moment ang effect. Napako din ako sa kanyang mga mata. Naramdaman ko ulit ang kilig na nadama ko noong mga panahon na yon. Di ito tama. May pride ako.

“May sasabihin ka pa ba Oel? Kung wala na you're free to leave. I don't know kung kaya ko pa makipagusap sayo. I feel like exploding.” nagmamatigas kong sagot.

“Sagutin mo nalang ang tanong ko Rob. Parang awa mo na.” biglang lumungkot ang tono sa boses nito.

“Tingin mo ba after ilang taon mahal pa rin kita​?” tanong ko sa kanya.

“Oo Rob. Alam kong mahal mo pa rin ako.” seryosong tanong nito.

“Uminom ka ng kape para tablan ka kahit papaano ng kaba. Masyado ka na atang kumpyansa sa sarili mo.” naiinis kong sabi.

“Sabihin mong hindi mo na ko mahal.” sagot nito sa akin.

“You may go now Oel. You may go.” mahina at naiiyak kong sabi.

“Nabuntis ko ang isang babae nung tayo pang dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kinausap ko ang magulang ko na hindi ko kayang pakasalan ang babae,sabi ko kahit suportahan ko nalang ang bata maging ang babae sa pagbubuntis at panganganak gagawin ko,pumayag sila. Kinausap namin ang magulang nung babae pero di pumayag. Galit na galit at nadisgrasya ko daw yung anak nila,sinubukan kong magtago pero naalarma ako dahil sila mama naman ang binalikan nung pamilya.” paliwanag nito.

Hindi ko man gustong pakinggan ang mga paliwanag nya,wala na din akong magagawa. Nararamdaman ko ang pagpasok ng mga salitang binibitiwan nya sa aking mapupuno ng utak.

“Nakakatanggap sila Mama ng death threats mula doon sa pamilya nung babae. Kaya wala akong nagawa kung hindi makisama sa babae at umalis ng bansa.” dugtong pa nito.

“Tapos na?” nagmamatigas kong sabi.

“Kaya wag mong isipin na iniwan kita ng wala lang. Kung alam mo lang kung gaano ako nagantay na makita kang muli. Kung alam mo lang kung gaano kahirap sa akin na di ka makasama ng matagal.” umiiyak nitong sabi.

Naramdaman ko na naman ang paghalik ng aking mga luha sa aking kakadiamond peel palang na pisngi. Di ko napigilan ang di umiyak matapos marinig ang kanyang mga paliwanag. There's a part of me na naaawa,pero di ko alam kung humigit ba ang galit. Hindi na to tama. Dapat matapos na dahil pamilyado na syang tao kahit ano pang kalechehan ang paliwanag nya.

“Masaya na ko Oel. Tigilan mo na ako.” pagsisinungaling ko.

“Hindi ako naniniwala sa'yo.” umiiyak na sagot ni Oel.

“Hindi ko naman sinasabi na maniwala ka. Kaya ko namang patunayan. May mga boyfriends ako ngayon.” sabi ko sabay ngiti ng mapait.

“Boyfriends?” tanong nito.

“Boyfriends.” sagot ko.

“Madami?” mahina at garalgal nyang tanong.

“Meron akong 2 boyfriends ngayon. Dati nga 5 ang pinagsabay sabay ko. Ganoon ako kasaya Oel.” pagsisinungaling ko.

Makikita mo ang pagkatalo sa kanyang mukha. Maya-maya,nagpakawala sya ng isang malalim na buntong-hininga. Tumayo ito at tumitig sa akin.

“2 sila? Gusto ko sila makita pareho.” sabi nitong seryoso ang tono.

“Para saan pa?” tanong ko.

“Para malaman ko kung aagawin pa ba kita o papabayaan na kita sa kanila.” sabi nito.

“Pabayaan mo na ako.” sagot ko.

“Ipakilala mo sila sa akin. Pagkatapos nun,kung tingin ko sa kanila ka na sasaya,ako na mismo ang magpapalaya sa'yo. Tatapusin ko na ang lahat sa atin.”

“Matagal na tayong tapos.” sagot ko.

“Sayo Oo. Sa akin hindi.”

“Fine. Let's set a date.”

“Sige. Kelan?”

“Next month.”

Sabay kaming nagbuntong-hininga. Tumingin sya sa akin at tumayo mula sa kinauupuang sofa. Agad nyang tinungo ang pinto at binukas ito. Bago sya tuluyang lumabas ay tumingin muna sya sa akin at nagsalita.

“Mahal pa rin kita. Tandaan mo yan. Alam kong mahal mo pa ako. Kaya kong iwan lahat para sayo. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon.”

“Get out.”

“Next month,babalik ako sa parke,one month from now. Same time,dun sa parke na lagi nating pinupuntahan. Sa may swing.”

At sumara na ang pintuan.


Humiga na ako sa kama. Ang bigat ng araw na ito para sa akin. Ang daming nangyari. Pagod na pagod na ako pero wala pa ring kapaguran ang mga tanong na kanina pa sumisirko sa utak ko. Hindi ito maganda.

Bakit pa ba bumalik si Oel? Ano pa bang gusto nya? Di pa din ba sya kontento sa asawa at anak nya? Bakit kailangan pa nya kong guluhin? Masaya ba ako na ginugulo nya ako? Handa ko ba syang patawarin in case? Paano magiging buhay namin kung sakaling maging kami ulit? Mahal ko pa ba sya?

Bakit ganun ang reaction ni Choi? Ano ba talaga ang connection nila ni Rex. Sino ang ex ni Choi at Rob? Bakit nung hinalikan ako ni Choi parang ang sarap. Unexplainable. Totoong totoo. Di kaya gusto rin ako ni Choi? Bakit nagseselos sya kay Rex? Selos ba yun o part lang ng game plan nya?

Bakit ganun kabilis si Rob? Bakit Jovan Black ang pabango nya? Bakit sa Kopi Roti kami? Bakit ang bilis bilis nya? Bakit sigurado sya na ako nga ang gusto nya? Bakit ako kinikilig pag kasama ko sya? Bakit nakakaramdam ako ng security at kung ano ano pa. Bakit ako naguguluhan?

Bakit ang dami kong iniisip? Bakit ko ba sinabi kay Oel na dalawa ang boyfriend ko ngayon? So sino ang gagawin kong mga boyfriend ko? Ang sakit na ng ulo ko. Bakit ba nagkakaganito ang buhay ko?

Eh paano kaya kung si Rex at si Choi ang gawin kong mga fake boyfriends?

Papayag kaya sila?

FUCK. Ang hirap magpabottom sa malas. Sagad kung tumira. PAK!


Di pa din ako makatulog. Tawagan ko kaya si Rex para sa plano ko?

Kinapa ako ang phone na hinagis ko kung saan man sa kama. Ilang segundo pa ay nakuha ko na ang phone ko. Agad kong tinignan at nakita kong may missed call si Rex at Choi. Bongga.

Agad kong dinial ang number ni Rex. Mozart ang ringback tune ni pogi,parang gago lang.

“Hello?” tanong ni Rex sa kabilang linya.

“Rex,Salamat sa paghatid.” sagot ko.

“Sus wala yun. Ikaw pa. Basta ikaw nanginginig pa.” pabiro nitong sabi.

“Ikaw talaga. Kinikilig ako umayos ka nga.” sagot ko.

“Maayos naman ako ha?” sagot nito.

“Rex,I need help.” biglang seryoso kong tanong.

“Anong tulong? Sure.” masiglang sagot nito.

“May nanggugulo kasi sa akin eh.”

“Sino?” tanong nito.

“Yung ex ko,honestly.” sagot ko.

“Ano bang ginawa nung kupal na yun Rob?” nagaangas na tanong nito.

“Ayaw ako patahimikin,I mean ginugulo ako,sabi ko di na pwede at may mga BF na ako.” nahihiya kong sagot.

“Mga?” batid ang gulat sa tono ng pananalita nya.

“Nainis kasi ako kanina Rex,kaya sabi ko madami akong lalaki,kaya ayun. Sorry po.”

“Okay. Nagegets ko na,so magpapanggap ako na bf mo?” tanong nito sa akin.

“Ahmmmm...”

“Ano?”

“Parang ganun na nga po.”

“Hmmm. Okay. Alam ko naman na magiging BF na kita in the future so parang praktis muna.” pabiro nitong sabi.

Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko syang magbiro.

“Salamat Rex. Salamat. Salamat.” tuwang tuwa kong sabi.

“So sino pa yung iba? Kala ko ba marami kami?” interesado nitong tanong.

“Ewan ko. Baka si Choi?” sagot kong wala sa katinuan.

“Ha? Bakit yong lalaki na yon?” pagalit nyang sabi.

“Errr.”

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


strangersandunbrokenangels.blogspot.com


No comments:

Post a Comment