Friday, January 11, 2013

Chasing Pavements: Book 1 (11-Epilogue)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[11]
Nakakapanlumong sakit ng ulo ang pare parehong gumising samin nung umagang iyon, halos sabay sabay kaming nagising dahil sa ikalimampung beses na atang pagkakahulog ni Dave sa aking kama kung saan nagsisiksikan sila ni Fhey at Pat. Nung una ay sabay sabay kaming tumawa ng malakas pero di naglaon ay sabay sabay din kaming napahawak sa aming mga ulo.




“Oh shit!” bulong ko.



“ASPIRIN! I need Aspirin!” sigaw ni Edward, habang si Pat naman ay nakatitig lang sa sulok ng aking kwarto at si Fhey ay walang tigil sa pagsasalita tungkol sa hindi na paginom ulit si Dave naman ay parang balyenang tinanggal sa tubig, gumugulong gulong at hawak hawak ang kaniyang dalawang ulo. Yes, dalawang ulo.



“Dave, please stop rolling or whatever it is you're doing, you're going to demolish the whole house if you keep that up. Fhey, sa susunod na sumumpa ka sa mga bathala na titigil ka na sa paginom, siguraduhin mong hindi ikaw ang may dala ng alak. Edward, please stop shouting, nasa medicine cabinet yung mga aspirin, ikaw ang lalapit sa kanila, hindi mo sila kailangang tawagin dahil hindi yun pupunta dito. Pat, ilabas mo lang yan.” sabi ko sa mga ito, katulad nang ibang araw na nagising kami na may hang over.



“Migs, can you please cook omelette for breakfast?” tanong ni Dave habang hawak parin ang kaniyang mga ulo pero tumigil na ito sa kakagulong.



“O Shit! I'm gonna puke!” sigaw ni Fhey sabay tayo at takbo papuntang banyo.



“Fhey, dahan dahan lang, andyan si Edward----”



“PUT**GINA, FHEY! Amababoy mo!” sigaw ni Edward na umalingawngaw sa buong bahay.



“---kumukuha ng aspirin.” pagtatapos ko sa hindi naituloy na sasabihin nung sumigaw si Edward bigla.



“Migs?” tawag ni Pat.



“Yes Pat?”



“Can I hold you?” tanong nito, nagulat ako sa request nito, tinignan ko si Dave na nagtataka din sa kinikilos ni Pat, nakita ko itong nagkibit balikat tapos humiga sa kama at dun naman nagpagulong gulong.



“Sure, Pat. Are you OK? May prob---” di ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla ako nitong yakapin at ilang sandali ay umutot ng malakas.



“YUCK, PAT!!!” sigaw ko.



“Hahaha! Sabi mo kasi ilabas ko eh!” sigaw nito sabay labas ng kwarto at isinara ang pinto para di kami makalabas ni Dave at para malason kami sa bantot ng utot niya.



“Amabaho, Pat! Ilang daang taon mo na ba yun iniimbak!” sigaw naman ni Dave na katulad ko ay hinihila ang pinto pabukas. Nagulat kami ni Dave nang biglang bitawan ni Pat ang door knob sa kabilang panig ng pinto at pareho kaming napahiga sa sahig. Ng magkapatong. Ng nakapatong siya sakin. Ng di ako makahinga sa laking tao ni Dave. Habang buhay na buhay parin ang isa pang ulo ni Dave.



“WAAAAHHHHH! RAAAAAAPPE!” sigaw ko, itinulak ko si Dave sa kaniyang pagkakadagan sakin pero mukhang nage-enjoy ito.



“Di ka ba nage-enjoy, Migs?” tanong ni Dave sabay pout.



“Oh my gawd! Did I just saw you pout?!” sigaw ko dito nang makatayo na ulit ako, tumango si Dave habang humahagikgik sa sahig at muling gumulong gulong.



“Please stop that Dave and please don't you ever pout again! Mukha kang sea lion!” sigaw ko dito, bigla itong tumayo at hinabol ako pababa ng hagdan.



“Yup, swerte ako sa mga kaibigan ko.” sabi ko sa sarili ko habang lumulundag lundag sa aming sofa para di ako maabutan ni Dave.



0000ooo0000



Sa loob ng tatlong araw ay nakapatay ang cellphone ko, nakakatawag naman sa landline ang kung sino man ang gustong tumawag, may caller ID din para maiwasan ko ang tawag ni JP, di ako umaalis ng bahay kaya naman kung nagkataong may emergency ay madali nila akong maco-contact.


Sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala akong ginawa kundi ang maglinis ng bahay, literal na kumikinang ang buong bahay sa tuwing matatapos akong maglinis, ginawa ko itong distraction dahil di naman sa lahat ng oras makakasama ko ang aking mga kaibigan. Tuwing umaga laging nagiiwan ng agahan si Edward at kahit ayaw kong bumangon ng kama dahil sa kakulangan ng tulog o dahil hindi parin ako makatulog ng maayos ay kailangan pa ako nitong hilahin patayo ng kama.



Kasalukuyan akong naglilinis ng garahe nang sumulpot bigla sa aking likod si Fhey at sinampal ako nito ng sobrang lakas na kailangan kong sumandal sa kotse para lang mapanatili ko ang sarili ko na nakatayo.



“What the fuck---?!” pero hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko kay Fhey ay sinampal nanaman ako nito.



“You're fucking house is already glittering, Migs! ”



“I'm just trying to distra---” di ko nanaman natapos ang sasabihin ko nang sampalin ulit ako ni Fhey.



“OKAY! SERIOUSLY! STOP HITTING ME!” sigaw ko dito at nang makita kong nagtaas nanaman ito ng kamay ay pinigilan ko na itong sumayad pa sa namamaga ko na atang pisngi.



“I will stop hitting you when you stop this fucking 'I PITY THYSELF PARTY!' na pinangungunahan mo!” natahimik ako sa sinagot nito. Nawalan ng lakas ang aking mga tuhod.



“Look at you, Migs! Mas malaki na sa mukha mo yang putanginang eye bags dyan sa mga mata mo! Di mo maayos ang sarili mo, inaabala mo ang sarili mo sa paglilinis, though productive ay di naman nakakabuti sayo! Di sa lahat ng oras nandito kami, Migs! Snap out of this fucking depression and face your problems like a man! Dammit! Di mo ba alam na nahihirapan kaming makita ka ng ganiyan?!”



Wala akong maisagot kay Fhey, di ko kasi alam na masyado na pala akong lumulubog sa dagat ng deresyon, laking pasalamat ko kay Fhey at ipinamukha niya sakin ito, Oo, misnan may pagka slow si Fhey, minsan may pagka ganid at minsan ay gusto nitong pumatay ng baklang may gwapo na boyfriend dahil sa inggit pero si Fhey lang din ang tanging tao na kilala ko na may lakas ng loob na ipamukha sakin ang mga kamalian ko.



“I don't know what to do, Fhey. It hurts.” nahihiya kong bulong habang pinipigilan ang sarili ko na mapaluha, nakita kong lumambot ang expresyon ng mukha ni Fhey at lumuhod ito sa aking tapat at niyakap ako ng mahigpit.



0000ooo0000



Dalawang araw matapos mamaga ang aking mukha sa loob ng ilang oras ay akala ko lumusob na ang mga abu sayaff sa Cavite nang makita ko kung sino ang nasa pinto. Si kuya Ron, nakabalot ng kung anong scarf ang buong ulo nito, mga mata lang nito ang hindi naco-cover-an ng scarf kung saan may shades na nakaharang kung saan sana andun ang butas para sa mga mata niya.


Ilang araw na ng mapagtanto kong tama si Fhey, di na nga healthy ang aking ginagawa kaya naman sinubukan kong maging maayos ang lahat, nagisip ako ng mga bagay na makakakuha ng aking atensyon maliban ang sa umiyak at maglinas ng bahay at hindi nagtagal, nasa unahan ko na ang isa sa mga kasagutan sa aking problema.



“Why are you dressed like that?” tanong ko dito habang may hawak hawak paring walis tambo at pandakot at may nakasabit pang apron sa aking katawan.



“Inday, asan ang amo mo?” sarkastiko nitong tanong.



“Gagu! Pasok ka.” aya ko dito, nanag makapasok ito ay tinanggal na nito ang balabal at shades niya.



“Baka makilala ako ng---”



“---ng buong populasyon ng mga lalaki sa probinsya ng Kabite, straight, bisexual at bakla na naka-sex mo.” pagtatapos ko sa sasabihin nito.



“Sobra! Ng buong village lang!” balik nito sakin na ikina-iling ko naman.



“Bakit ka nga andito?” naiirita kong tanong dito.



“Gago ka! Nakalimutan mo na ang birthday ko?!” sigaw nito sabay simangot at nangingilid ang luha.



“Always the drama queen.” sarkastiko kong bati dito, kunwari ay pinahiran nito ang kaniyang nangingilid palang naman na luha at humarap sakin.



“Maligo ka. Alis tayo.” agad akong napatingin dito.



0000ooo0000



“NO! NO! NO!” sigaw ko sa tindahan na puno ng tao habang sapo sapo ang aking ulo dahil sumakit nanaman ito dahil sa aking ginagawang eksena.



“Well you have no other choice.” sabi ni kuya Ron sabay tulak sakin papuntang fitting room at ibinato sakin ang costume na talaga namang ikaguguho ng buong mundo, pero kahit na ganoon ay sinukat ko parin ito, curious din kasi akong malaman kung ano ang itsura ko na ganung ang suot. Nang maisuot ko na ang costume ay lumabas na ako ng fitting room.



“Remind me why I'm doing this again?” tanong ko kay kuya Ron na nagliwanag namana ng mukha nang makita akong suot suot ang jack sparrow (Pirates of the Caribbean- Johnny Depp) na costume.



“Because it's my birthday and I'm having a costume party.” sabi ni kuya ron habang kinikilatis ang itsura ko.



“Teh, may pang eye liner ka ba dyan?” tanong ni kuya Ron sa sales lady na ikinagulat naman nito. Di ko alam kung bakit naman merong eyeliner si ateng sales lady sa kaniyang bulsa pero di na ito ikinataka ni kuya Ron kaya nagkibit balikat lang ako. Maya maya pa ay naramdaman kong nilalagyan ako ng kung ano ni kuya Ron sa aking magkabilang mata.



“Di ko bet. Ateh oh, eyeliner mo.”



“Di nga po bagay, Sir, nagmukhang transvestite ang dapat sana ay pirata.” sabi ng sales lady na ikinahagikgik naman ni kuya Ron.



“Thank's for the input, ate.” bulyaw ko sa sales lady na ikinahagalpak na ng tawa ni kuya Ron. Pumasok ako muli sa fitting room at hinubad na ang costume.



0000ooo0000



“AWWWW! Ang Hawt!” sigaw ni kuya Ron nang i-try ko ang pangalawang costume.



“I don't look like an elf, kuya! Mukha akong smurf! Kulang nalang kulay blue na balat!” sigaw ko nang bumalik ang sales lady ay nakita ko itong ngumiti.



“Tse! Elf din naman ang mga smurf ah!” sigaw ni kuya Ron.



“nuh-uh! Gnomes sila!” balik ko dito.



“Whatever! Bagay sayo yan, syempre wala ka sa kalingkingan ni Legolas (Orlando Bloom- Lord of the Rings) pero hawt parin, bagay pala sayo ang blonde at ang semi fit na leather tights! I love it!” sigaw ni kuya Ron, bumalik na ako sa fitting room dahil nakakakuha na ako ng atensyon sa ibang mamimili dahil narin sa paglulumandi ni kuya Ron at ng mahaderang sales lady.



0000ooo0000


Puno na ang condo unit ni kuya Ron nang dumating ako doon, napaka daming tao at lahat kami ay naka costume, nakakaaliw kaming tignan kasi para kaming mga tanga sa aming mga suot pero ikinibit balikat ko nalang yun. Ang pakay ko ay magsaya para tuluyan ng makalimot at yun na yun ang gagawin ko.



Nakatanggap ako ng ilang ngiti at nakakamanyak na tingin mula sa iba't ibang gender na nandun, di naman karamihan, siguro mga dalawang babae at dalawang lalaki palang ang nagpapakita sakin ng interes at hindi iyon nakaligtas sa mapanuri at mapanginsultong tingin ni kuya Ron. Sa puntong iyon ay nakakarami na kami ng nainom ni kuya Ron at medyo wild nadin ang crowd kaya naman wala nang pakielam ang karamihan ng halikan ako sa labi ni kuya Ron, kumpleto, kasama ang dila. Humahagikgik ko itong tinulak.



“Sabi ko naman sayo tama lang ang costume na yan sayo eh. Kundi lang kita pinsan---”



“OK! Lets not go there---”



“What?! I'm not hot enough for you, baby cousin?!” taas babang kilay na sabi sakin ni kuya Ron.



“EEEEWWW---” pero agad ding naputol ang aking pandidiri nang makitang pumasok sa pinto si JP at Donna.



“Goodie! Your boyfriend is here! Hell! Who's that bitch na nakaangkla kay Papa JP?!” sabi ni kuya Ron at nagsimula na itong lumapit kila JP hindi na inintay ang aking sagot sa kaniyang tanong.



Nun ko lang na-realize na sobrang tanga ko at di ko agad sinabi kay kuya Ron ang nangyayari samin ni JP nitong mga nakaraang linggo. Agad akong nagtago sa may kusina, nakihalo sa ilang mga beki na naguusap usap pero pinakiramdaman ko parin kung saan nakapuwesto sila JP, huli kong nakitang nakikipagusap si JP, Donna at kuya Ron, may bakas ng pagtataka sa mukha ng aking pinsan habang nililingon nito ang puwestong pinagiwanan niya sakin.



Mabilis akong tumakas papunta sa kwarto ni kuya Ron, hindi ko napansin na nakita pala ako ni JP. Bago ko pa man maisara ang pinto ay pinigilan ito ni JP at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto na siya namang ikinagulat ko.



“What the fuck, Migs?! What the hell is wrong with you?! Di ka na lang bigla magpaparamdam, you're not answering my texts and calls, bigla ka na lang nawala! Tapos ngayon makikita kita na kala mo ka kriminal na hinahabol ng mga pulis na gustong pumatay sayo! What the fuck, Migs?!” sigaw nito, halatang naguguluhan sa mga ikinikilos ko. tumalikod ako dito, di ko ito magawang tignan.



“Siguro dahil ayaw na kitang makita.” pabulong kong sagot dito, narinig kong tumawa si JP, hinarap ko ito, nang makita nitong seryoso ang aking mukha ay tumigil ito sa pagtawa. Natahimik saglit at inisip na hindi biro ang sinabi ko.



“What?! You can't be serious, Migs! Ganun na lang yun?! Ano ako sayo, laruan?!” sigaw nito, hindi na nito napigilan ang sarili na itulak ako, sa galit, frustration o dahil sa nagdilim na ang paningin nito? Hindi ko na alam. Dahil abala ako sa pagbagsak sa sahig, tumama ang mukha ko sa night stand ni kuya Ron. Ini-upo ko ang sarili ko kahit nahihilo pa ako, sinubukan akong itayo ni JP nakita ko ang pagsisisi sa mukha nito pero hindi ko na iyon pinansin.



I instantly became sober.



“Don't touch me—- just don't---” nanghihina kong sabi dito at lumabas na ako ng kwartong iyon.




Itutuloy...


[12]
Pinagtitinginan ako ng mga tao sa hallway at sa elevator, alam kong nawiwirduhan sila sakin dahil sa suot ko pero di ko na ito pinansin pa. Nang makalabas na ako ng elevator ay agad akong pumunta sa aking sasakyan pero bago iyon ay bumangga ako sa malapader na katawan ng isang lalaki at sa pangalawang pagkakaton ay nakita ko ang sarili ko na bumabagsak sa sahig.



“Hey, watch where you going, will yo--- oh bollocks!” sigaw nito habang lumuluhod malapit sa aking nakahiga paring katawan. Tinignan ko ito ng mabuti, naka unipormeng pampulis ito pero may mali, pwera na lang kung may brown hair, maputing balat na pang banyaga, matangos na ilong, may British accent magsalita at kulay green na mga mata kang makikita na kabilang sa kapulisan ng Manila. Naalala ko bigla kung bakit ako nandun at kung bakit ako nakasuot na miya mo elf na kasali sa mundo ng Lord of the Rings.



“Are you, OK? Your nose is bleeding like mad!” sabi nito sabay ipit ng aking nose bridge at marahan akong pinatungo. Nun ko naalala kung sino ang mala David Beckham (with exaggeration) na nagpapatigil ng pagdudugo sa aking ilong.



“Great. Another asshole.”



“Did you just---” pero hindi na niya iyon naituloy nang biglang sumigaw si JP.



“Oh shit, Migs. I'm sorry.” sabi nito pero hindi ko na ito hinayaan pang hawakan ako.



“So I guess it's not my fault why your bloody nose is bleeding, huh?” tanong ni David Beckham este ni Chris pala na siyang kapitbahay namin ni kuya Ron sa The Residences noon.



“No shit, sherlock!” sarkastiko kong balik dito na ikanahagikgik naman nito saka tumingin ng seryoso kay JP.



“Look, Dude. Migs is like a brother to me an annoying little brother at that and I don't put up with arseholes who decides to have a go with him, so fuck off, before I kick your bloody arse!” sigaw ni Chris kay JP, tumingin sakin si JP, nagmamakaawa ang tingin nito, iniwas ko dito ang aking mga tingin, nakuwa niya ang gusto kong mangyari kaya't tumayo ito at naglakad na palayo.



“You OK, shit head?”



“Well yeah, I don't suppose having your face knocked up by a night stand doesn't hurt to you.” sarkastiko kong balik dito na ikinatawa naman niya habang inaalalayan akong tumayo.



0000ooo0000



Tila naman balewala lang ang pagdugo ng ilong ko at ang mga ikinukuwento ko kay kuya Ron tungkol sa nangyari samin ni JP dahil abala ito sa pagpapa-cute kay Chris na kahit anong gawin naman niya ay hindi siya pinapansin. Bakit nga ba papansinin ni Chris si kuya Ron eh may asawa na ito sa UK at nagiintay lang na matapos siya ng pagaaral para makabalik na doon.



“You didn't!” sigaw ni Chris sabay tawa nang ikuwento ko dito ang nalaman ko habang nagtatago sa aparador ng dorm ni JP.


“Did too.”


“You could've been caught and sent to jail for breaking and entering!” sigaw ulit nito sabay tawa. Di ko alam pero parang nawala na ang sakit na nararamdaman ko ng ilang araw habang ikinukwento kay Chris at kuya Ron ang nangyari samin ni JP, iba kasi sa mga karaniwang galit at pakikisimpatya ang nakukuwa kong reaksyon sa dalawang to kumpara noong nagkukuwento ako kila Edward.



“or talked to engaging into orgy.” sabat naman ni kuya Ron na ikinahagalpak lalo ni Chris at ikinahagikgik ko naman.



“Do you reckon your boy Migs here wants to engage in such nasty acts?! Get real, Ron!” sabi ni Chris, nagkibit balikat si kuya Ron.



“Well, I could have---”



“Well, Migs is not you, Ron.” putol ni Chris, umirap lang si kuya Ron sa sinabi ni Chris.



“Enough about him. Let's talk about us.” sabat ulit ni kuya Ron sabay angkla sa malaking braso ni Chris.



“You're being bloody creepy again, Ron. I told you, I don't swing that way.”



“There's always first for everything.” sagot ni kuya Ron sabay kindat kay Chris na ikinailing naman nito.



0000ooo0000



Ilang oras pa ang lumipas at humina na ang tugtog sa sala at umonti na ang mga tao na naki-birthday kay kuya Ron, nakatitig lang ako sa kisame may isang bag ng yelo na nakatapal sa aking mukha, nararamdaman ko na ang pamamaga ng aking mukha. Kinakapa ko ang aking kaliwang mata nang bumukas ang pinto ng kwarto ni kuya Ron.



“Migs?” tawag nito sakin. Di ko ito pinansin, itinuloy ko lang ang aking pagtingin sa kisame.



“Alam mo, kahit naglalaway ako kanina nung nagkwe-kwento ka sakin at kay Chris tungkol sa mga nangyari sainyo ni JP, nakikinig parin naman ako, kitang kita ko parin sa mga mata mo na nasasaktan ka kahit na nakangiti kang nagkwekwento.” sabi ni kuya Ron habang hinahaplos ang mukha ko.



“Bakit siya pa yung galit? Bakit ako pa dapat ang mahiya sa kaniya? Bakit kailangan ako pa yung ma-guilty e siya naman itong nagsisinungaling, siya ang nanloko at siya ang nanakit---”



“Kasi, hindi mo ipinaliwanag sa kaniya, Migs. Kausapin mo siya, ipaalam mo sa kaniyang nasasaktan ka, na nagagalit ka.” natigilan ako sa sinabing iyon ni kuya Ron.



“Masakit---”



“Masakit talaga, Migs, pero sa tingin mo, mababawasan yang sakit na yan kung kakalimutan mo na lang lahat, kung tatalikuran mo na lang lahat? Oo mas madali yun kesa kumprontahin siya, pero maniwala ka kapag sinabi ko sayo na habang buhay mong dadalhin yan at habang buhay kayong magsisisihan ni JP kung anong nangyari sa pagitan niyo. Imagine, habang buhay niyang iisipin na pinaglaruan mo lang siya at ikaw naman habang buhay mong dadalhin ang pananakit niya.”



Napaisip ako sa sinabing iyon ni kuya Ron.



0000ooo0000



“What the hell happened to your face?!” sigaw ni Edward nang pagbuksan ko ito ng front door kinabukasan.



“Wala, to.” sabi ko dito pero bago pa man ako makapaglakad pabalik sa kusina kung saan ako nagbe-bake ng Dory ay hinila na nito ang kamay ko at pinaharap ulit sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang pagaalala, inilibot nito ang kaniyang tingin sa aking mukha.



Nagulat din ako nang humarap ako kanina sa salamin. Namamaga ng bongga ang ilong ko, daig pa ang bell pepper sa laki at ang kaliwang mata ko ay halos magsara na.



“Who did this to you?” tanong nito.



“Bakit sa front door ka dumaan? Bukas kaya yung bintana ko.” pagiiba ko ng usapan at tatalikod na sana ulit nang hilahin ako ulit nito paharap sa kaniya.



“Migs. Sino. Ang. Gumawa. Niyan. Sayo.” bawat salita ay ramdam ko ang galit nito, napayuko ako na pinasisihan ko naman agad dahil sumumpong nanaman ang hilo na gawa ng vodka at ng pakikipag halikan ko sa night stand kagabi.



“Nadapa ako. Tumama yung mukha ko sa night stand ni kuya Ron.”



“SINO, MIGS?!” sigaw na ni Edward, napabuntong hininga ako. Wala na akong nagawa kundi ikuwento kay Edward ang lahat. Nang matapos ako sa pagkukuwento ay agad itong tumayo at dinukot ang telepono niya sa kaniyang bulsa.



“San ka pupunta?” tanong ko dito sabay sunod sa kaniya palabas, di ako nito sinagot, may kausap na ito sa telepono.



0000ooo0000



Pagkalipas ng kalahating oras ay nagdatingan na ang mga support system ko sa katauhan ni Fhey, Dave at Pat.



“Holy Shit!” sigaw ni Fhey habang si Dave ay napanganga na lang at si Pat ay sinuntok ang front door na alam kong pinagsisisihan niya dahil alam kong masakit ang ginawa niyang yun.



“Wow! Andito ulit kayo! Now I feel so loved!” sigaw ko sabay hagikgik.



“Stop it, Migs. Di nakakatawa ang ginawa sayo ni JP.” saad ni Edward at sabay sabay namang tumango ang tatlo bilang pagsang ayon sa sinabi ni Edward.



“Sabi ko naman kasi sayo, AKSIDENTE lang ang nangyari.”



“Tinulak ka niya, Migs!” sigaw ni Edward.



“Tipsy na ako, di masyadong malakas ang pagkakatulak ni JP.”



“BULLSHIT!” sigaw ulit ni Edward, di ko napansing nawala na ang tatlo sa background. Kalahating oras pa ulit kami nagtalo ni Edward.



0000ooo0000



“Natapos din.” sabi ni Fhey nang pumasok na ako sa aking kwarto na nangingilid ang luha dahil sa pagtatalo namin ni Edward.



“Kasalanan mo to eh!” baling ko kay Fhey.



“Bakit ako?!”



“Kung hinayaan mo na lang sana ako na maglinis ng bahay araw araw hindi ako sasama kay kuya Ron sa party!” balik ko dito.



“Gago ka ba?! Eh ni hindi ka makakahindi dun sa pinsan mo eh!” balik ni Fhey na hindi ko naman nasagot.



“Edi natameme ka! Maninisi pa tong baklang 'to!” sigaw nito sabay hila sakin paupo sa kama.



“Oh! Samahan mo akong manood ng Gone with the wind.” sabi ni Fhey sakin sabay share ng kaniyang isang galon na ice cream.



“Sige.” payag ko sa mungkahi nito.



“San sila?” tanong ni Fhey.



“Binabalak ang pang a-ambush kay JP.” sagot ko dito.



“Kaya ka ba naiiyak?” natatawang tanong ni Fhey, umiling ako.



“Bakit ka umiiyak?!” tanong ulit nito.



“Sakit ng ilong ko eh.” sagot ko dito.



“Bakla, bakit naman kasi sa night stand mo pa napiling bumagsak, pwede namang sa bed, sa carpet o kaya sa unan.”



“Malay ko bang itutulak ako ng hinayupak na yon!”



“Aha! Edi inamin mo rin na itinulak ka nga ni JP.”



“Kanina ko pa kaya sinabing tinulak ako ni JP. Sabi ko tinulak niya ako pero mahina lang.”



“Ay oo nga pala.”


Tahimik.


“Sarap ng ice cream.”



“Caramel cheesecake yan, sarap no? May isang galon pa sa baba, kuwa ka lang kung gusto mo pa.”



“OK.”



0000ooo0000



Nagising ako bigla nang makarinig ng malalakas na pagsigaw sa baba, ginising ko si Fhey na yakap yakap parin ang isang galon ng ice cream na naubos na namin at nakangangang nakapaling sakin. Nang hindi ito nagising ay itinulak ko na lang ito para makababa na.



“Aray ko.” narinig kong sabi ni Fhey habang pababa na ako ng hagdan. Nakita kong nagsisigawan si Edward at JP sa may sala habang si Pat at Dave naman ay hinahawakan ang dalawa para mapigilan ang napipintong pagpapalitan ng suntok.



“Gago ka pala eh!”



“Di ko nga sinasadya, Edward. Nagalit lang ako nung sabihin ni Migs na ayaw na niya akong makita!” balik ni JP.



“Eh kung hindi mo ba naman siya ginagago eh sa tingin ko di niya sasabihin yon!” balik ni Edward napatigil si JP.



“Ano?! Edi natahimik ka! Akala mo hindi namin alam na inuuwi mo yung ex mo sa dorm mo?! Ha?! Akala mo di napapansin ni Migs ang mga lame excuses mo nung hindi ka dito umuwi, Tangina ka! Buti ng yun lang ang sinabi sayo ni Migs eh!” humahangos na sabi ni Edward habang si JP naman ay di na talaga nakasagot, tumigil na ito sa pagpalag sa yakap ni Pat, namumutla at nanginginig.



“Wow!” sigaw ni Fhey sa tabi ko na hawak hawak ang bagong galon ng ice cream mula sa Ref, napatingin ang apat sa kinatatayuan namin.



Nagsalubong ang tingin namin ni JP.



Itutuloy...


[13]
Biglang lumatay sa mukha ni JP ang lungkot nang magtama ang aming mga tingin, nagsisimula naring manakit ang likuran ng aking mga mata, indikasyon na malapit na akong umiyak, pero sinabi ko sa sarili ko na hindi ko bibigyan ng kaligayahan si JP sa aking pag-iyak, pinilit kong patatagin ang sarili ko. Sunod kong iginala ang aking mga tingin sa aking mga kaibigan.



Si Dave ay mukhang kinakabahan, si Pat ay mukhang interesadong interesado at excited sa susunod pang mangyayari, si Fhey ay patuloy lang sa pagkain ng kaniyang isang galon na ice cream at pinapalipat lipat ang tingin sakin saka kay JP habang si Edward naman ay patuloy parin sa pamumula sa galit.



“Migs, let me explain, please.” bulong ni JP pero para sa akin ay miya mo iyon sigaw dahil literal na ikinagulat ko ang pagsalita niyang iyon.



“He doesn't need your explanation! You played him!” sigaw ni Edward, si Pat ay patango tango lang si Dave naman ay di na mapakali.



“Migs, we need to talk.” bulong ulit ni JP, muling nagsalubong ang aming tingin. Alam ko rin sa sarili ko na tamang panahon na para makapagusap at sa totoo lang, sawa at pagod na ako sa mga kadramahan na ito. Tinanguan ko ito bilang sagot sa kaniyang paanyaya.



“What?! You're actually going to let this prick play you again?!” sigaw nanaman ni Edward, iniyakap na ni Dave ang malaking braso nito kay Edward dahil susugurin nanaman nito si JP.



“We will just talk, Edward.” saway ko dito.



“He doesn't deserve to be talked to!” napapikit ako sa sinabing iyon ni Edward, dahil para sa akin ay totoo iyon.



“I need you guys to give us time to talk, Pat, pwede bang kila Edward muna kayo?” baling ko kay Pat, di na ako nagabala pang tanungin si Edward dahil alam ko ang katigasan ng ulo nito.



“Dito lang ako.” mariing sabi ni Edward, napairap na lang ako sa katigasan ng ulo nito.



“Edward---” umpisa ni Pat pero nagmatigas si Edward, binigyan niya ng masamang tingin si Pat at itiniklop ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib.



“Stop acting like a jelous boyfriend, Edward. They need to talk.” sabi ni Dave habang hinihila si Fhey na kumakain parin ng ice cream mula sa galon.



“What if he hit Migs again?!” matigas na ulo paring sabi ni Edward.



“Di naman niya ako sinuntok, Edward, aksidente ang nangyari.” saway ko dito.



“Tell that to your nose!” balik sakin ni Edward, naiinis na ako sa katigasan ng ulo nito.



“Don't make me call Mae.” singhal ko dito, umiling si Edward at padabog na lumabas ng bahay kasunod ang tatlo, narinig kong sumara ang pinto, sinulyapan ko si JP, nakayuko lang ito.



“Gusto mo ng kape?” tanong ko dito.



“Migs---”



“I definitely need one.” putol ko sa sasabihin niya. Tinungo ko ang kusina at napansin kong sumusunod ito sakin.



“I don't know what to say.” bulong ni JP habang nakatalikod ako dito at busy sa pagtitimpla ng kape ala starbucks.



“You don't have to say anything, JP. I saw this coming, you were not attracted to guys before me, you were straight before you new me and you're still attracted to girls while we were going out, so I expected that you will leave me for a girl eventually, ako lang naman tong makulit na ipinagpipilitan na makipagrelasyon sayo---”



“I also wanted to be in a relationship with you, Migs, wag mong sisihin sarili mo---”



“But I was not enough, right? I will never be enough. JP, this is the exact same reason why I was reluctant to be in a relationship with you at first, you may be attracted to me now but you will always look for a girl, I know something like this would happen.” hindi ko na maituloy ang pagtitimpla dahil nanginginig ang aking mga kamay at natatapon lang ang mga asukal mula sa kutsarita kaya naman iniwan ko na ito at humarap kay JP.



“Nagsisisi ka ba?” pabulong na tanong ni JP, nakayuko na ito ngayon.



“To tell you the truth, yes.” walang kagatol gatol kong sagot dito, nagtaas ng tingin si JP, halatang hindi inaasahan ang pagiging takleso ko, kitang kita ko sa mukha nito ang sakit na dulot ng aking sinabi.



Saglit kaming natahimik. Hindi na maikakaila ang namumuong luha sa mga mata ni JP.



“I'm sorry, Migs, please, di na ako makikipagkita kay Donna, gagawin ko lahat ng gusto mo---”



“Di mo ba na-gets, JP? Nagsisisi na ako. Nung una pa lang ayaw ko ng maging tayo dahil alam kong mangyayari 'to, sa tingin mo isusugal ko pa ang kakapiranggot na pagmamahal ko pang natitira para sayo para sa isa pang chance na alam ko namang magiging balewala lang?”



“Migs, please, I swear---” pagmamakawa ni JP, ngayon hindi na nito mapigilang maiyak.



“I can't do this anymore, JP. It will just be unfair for the both of us, it will be unfair to Donna---”



“I don't care about her!” singhal ni JP.



“You don't care about her now, pero pano next week? Next month? Next year? Alam ko naman nung una pa lang na mahal mo siya at mahal ka niya pero pinilit ko parin yung akin. That day, nung malapit ka ng ma-discharge sa ospital, nung binisita ka niya? I saw how you kiss each other, I saw how you look at each other and I remember kung pano ko hiniling na ako ang hinahalikan mo ng ganun, na ako ang tinitignan mo ng ganun, JP, this is not just about us, this is also about you and Donna.”



“But I love you---”



“And I love you too, but will that be enough? Will our love for each other be enough? Am I going to be enough for you?” matapos kong itanong ang mga ito ay tahimik kong hiniling sa sarili ko na sabihin ni JP na “Oo” na sapat na ang mahal namin ang isa't isa, na sapat na ako para sa kaniya, dahil sa loob loob ko ay hinihiling kong ipaglaban niya ako pero hindi...



Natahimik si JP, hindi makasagot. Di ko na kaya pang itaboy ang mga luha na nagbabadyang tumulo kaya naman tumalikod na ako kay JP, kunwari ay pinagpapatuloy ang pagtitimpla ng kape.



“Can you forgive me? Can we still be friends?” pabulong na tanong ni JP. Tila naman may sibat na tumarak sa aking puso sa tanong na iyon.



“I don't know. Later, I guess, but now--- I don't know, JP.”



“Bakit si Edward? Napatawad mo agad siya, tangina para nga siyang boyfriend mo kung umasta eh! Bakit ako, hindi pwedeng maging ganun para sayo?” parang batang tanong ni JP. Tila ba nagseselos na kapatid, nakikihati sa atensyon ng kaniyang magulang.



“Because Edward didn't promise me anything. He didn't swear that he would never hurt me, he didn't promise me about being in love forever; that's why it's easy for me to forgive him and welcome him as a best friend as if nothing happened.” muling natahimik si JP sa pangangatwiran kong ito, hindi ko parin magawang humarap dito.



“I'm sorry, Migs.” bulong ulit nito. Napatawa ako kahit na halatang pasarkastiko ang tawang iyon ay hindi ko ito napigilang mailabas, sa totoo lng wala na akong pakielam kung ano pa ang isipin ni JP mula sa tawang iyon.



“I don't even know if your sorry is enough, JP.” iiling iling kong sabi habang patuloy parin sa pagtawa at pagiyak. Naramdaman ko ang pahawak ni JP sa aking balikat, pilit ako nitong pinaharap sa kaniya, idinikit niya ang kaniyang noo sa aking noo, ang kaniyang matangos na ilong ay sumasayad sa dulo ng aking ilong, niyakap niya ako ng mahigpit, napapikit ako sa ginawa niyang ito, pilit na pinipigilan ang mga luha na lumabas mula sa aking mga mata pero pursigido ang mga ito na tumulo, nasa ganito kaming tagpo habang paulit ulit na sinasabi ni JP ang mga salitang “I'm sorry.” at habang sabay kaming humihikbi.



0000ooo0000



Matapos umalis ni JP ay nakita ko ang sarili ko na naglilinis ng banyo, nasa ganito akong tagpo nang maabutan ng aking mga kaibigan, si Fhey ay sumusupsop ng double pospsicle, si Dave ay kinakabahan parin, si Pat ay mukha paring interesadong interesado na malaman ang mga nangyri sa pagitan namin ni JP at si Edward naman ay nagaalalang nakatitig sakin.



“Anong nangyari?” di makapagintay na tanong ni Pat.



“Wala naman, nagusap at nagkalinawan.” sagot ko sabay ngiti, nadismaya naman si Pat sa sagot kong iyon kaya't nagtanong ulit ito.



“Yun lang?” siniko naman siya ni Edward sa tagiliran.



“Yup. Yun lang---”



“Kamusta ka?” nagaalalang tanong ni Edward.



“I'm good.” sagot ko dito sabay ngiti. Nagbuntong hininga naman si Dave sa sagot kong iyon, so Fhey ay patuloy lang sa pagsupsop ng kaniyang popsicle si Pat ay dismayado parin at si Edward ay di kumbinsido sa sagot ko.



“He loves Donna, Donna loves him, JP's a guy and Donna's a girl. I can't do anything about that.” sagot ko sabay kibit balikat, pilit itinatago ang tono ng bitterness mula sa aking boses. Nagkatinginan ang apat.



“Migs, tigilan mo nga yan, kalilinis mo lang niyang CR na yan, sa sobrang linis niyan pwede nang mag-opera dyan. Tara punta tayo ng mall, kain tayo ng ice cream.” aya sakin ni Fhey, binigyan ko ito ng matipid na ngiti.



“Pass muna ako. May sarili pang buhay ang mga ngipin ko dahil sa retainers ko.” sagot ko dito.



“Migs---”



“Look, guys. I'm OK. Kung may gagawin kayo or may gusto kayong gawin, then do it. Wag na kayong magalala, OK?” medyo matigas kong sabi sa mga ito, nakilala ni Pat ang tonong iyon kaya't inaya na niya ang iba na iwan muna akong magisa. Narinig ko pang nagtatalo si Edward at Pat dahil ayaw akong iwan ni Edward pero sa huli ay bumigay din ito.



“Migs, alis muna kami ah. Kapag kailangan mo kami, tawag ka lang.” marahang paalam sakin ni Edward, nginitian ko lang ito.



Sinalpak ko ang vacuum at pinasadahan ang carpet sa sala at dining room, kinuskos ko ang kisame, inayos ang bodega, iniskoba ang kusina, pinaikot-ikot ang mga furniture, tinabas ang damo, nilinis ang coy pond, inalis ang patay na sangha ng santol, iniskoba at pininturahan ang mga babasaging gnomes sa may garden pero nang matapos ko ang lahat ng ito, hindi lang sa hindi nawala ang sakit na nararamdaman ko, nadagdagan pa ito ng sakit ng katawan ko.



Nang makasigurong tapos na ang waiting period para hindi mapasma ay agad na akong sumalang sa ilalim ng shower, magisa kong inabot ang aking balikat at minasahe ito, naramdaman kong muling nangilid ang mga luha ko, hindi dahil masakit ang aking mga balikat, kundi dahil sa sakit parin ng nararamdaman ko sa pakikipaghiwalay kay JP.



Akala ko pagkatapos kong lampasuhin ang buong bahay at tabasin lahat ng ligaw na damo sa bakuran, makakalimutan na ng utak at puso ko ang nangyari kanina sa kusina nung kausap ko si JP, hindi pala. Sandali lang pala akong mangingimay pero andun parin yung sakit.



Tinuyo ko ang sarili ko pagkatapos maligo at humarap sa lababo para mag-toothbrush, tinignan ko ang sarili ko sa salamin habang sinisipilyo ang aking mga ngipin, wala akong makita sa aking mukha kundi ang pananakit ng puso at katawan, ilang saglit pang pagtitig sa sarili ko ay saka ko napagtantong kahit anong pilit kong itago ang aking nararamdaman ay uusbong at uusbong at makikita parin ito sa aking mukha. Nasa ganito akong pagiisip nang maisip kong tawagin ang sarili ko na...



“Loser. Pathetic. Miserable...”



Ilan pang masasakit na salita ang naisip kong itawag sa sarili ko habang naglalakad papunta sa aking kama. Nagpaikot ikot ako dito, pinilit ang sarili na makatulog pero kahit anong pagod pa ang nararamdaman ng katawan ko ay siya namang ayaw magpahinga nito.



Isa lang ang naisip kong paraan para makatulog.



Naisipan kong ilabas lahat ng aking nararamdaman at hindi nga nagtagal ay tila naman gripong binuksan ang aking mga mata at hindi na tumigil ang mga luha sa pagpatak mula dito. Hindi ko na namalayan na may ibang tao na pala sa kwartong iyon dahil abala ako sa paghikbi, abala akong kaawaan ang sarili ko.



Naramdaman ko ang mga bisig ni Edward na bumalot sa aking katawan, marahan ako nitong iniyugyog na parang batang hine-hele ng ina.



“Let it out, Migs. Let it out.”



Itutuloy...


[14]
Unti-unti nang binabalot ng liwanag ang buong kwarto, halos magdamag akong nakatitig kung hindi sa pader ay sa kisame, mahapdi ang magkabila kong mata, sa kakaiyak o sa puyat di ko na alam. Saktong dalawang linggo na akong ganito, walang maayos na tulog at kain, konti na lang sigurado kong bibigay na ang aking katawan. Sinubukan kong ipikit muli ang aking mga mata, umaasang dadalhin ng tulog ang aking diwa sa isang magandang panaginip, sa isang lugar kung saan walang pasakit at kung saan walang luhang tutulo.



“Migs. Please.”



Muli ko nanamang narinig ang boses na siyang dahilan ng aking pagtangis. Muling bumukas ang aking mga mata, naniningkit sa liwanag ng buong bahay at sa nangingilid na luha. Nakarinig ako ng kaluskos sa aking likod, nanggagaling iyon sa puno ng santol na siyang humihiwalay sa bahay namin at nila Edward. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng aking bintana at ang mahinang yabag ng malalapad na paa ni Edward palapit sakin. Sinipat ko ang orasan sa tabi ng aking kama.



“6:00am” Walang mintis, araw araw sa loob ng dalawang linggong nakalipas si Edward ang bumubungad sakin.



Muli kong ipinikit ang aking mga mata at nagkunwaring mahimbing na natutulog. Naramdaman ko ang paggalaw ng aking higaan, dalawa lang ang ibig sabihin nito, ito ay kung umupo si Edward o tumabi sa akin sa pagkakahiga. Hinihiling ko na sana ay tumabi siya sa aking pagkakahiga. Naramdaman at naamoy ko ang mainit na hininga ni Edward na dumapi sa aking kanang pisngi, tulad ng aking pagkakatanda, amoy mint ito.



Naramdaman ko rin ang pagdampi ng kamay ni Edward sa aking pisngi at sa paghagod ng kamay nito sa aking buhok. Isang bagay sa loob ng ilang taong pagtulog namin noon na magkatabi ay gustong gusto niyang gawin.



“You know what I want? I want to wake up every morning for the rest of my life next to you.”



Pilit na bumabalik sakin ang mga alaala ng sinabi ni Edward na iyon, pero hindi na mangyayari ang hiling na iyon. Matagal na kaming tapos.




“Migs. Gising na, pinagdalhan kita ng agahan.” bulong ni Edward at muli kong naamoy ang mabangong hininga nito, dahan dahan akong tumihaya at nakita kong nakaupo si Edward sa aking kama, nakadungaw sa akin at may ngiti na nakaplaster sa kaniyang mukha. Napatitig ako doon.



“Edward.”



“Hmmm?”



“Lagi kang ngingiti ah, gwapo mo kasi kapag nakangiti.” nahihiya kong sabi dito sabay iwas ng tingin, di ko man nakikita ang aking sarili ay alam kong namumula ako sa hiya.



“Goodmorning, Miggy boy!”



“Sana ikaw na lang... Sana hindi ka na lang nagpakasal, sana tumutol ako noon... Sana...” dikta ng aking isip habang nakatitig ako sa maamong mukha ni Edward.



Sinubukan kong ibalik ang ngiting iyon, pero alam kong di ako nagtagumpay.



“Damn, Migs! You look like shit!”



Dahan-dahan akong bumangon ng kama at pumunta sa kalapit na banyo. Tama si Edward, napabayaan ko nanaman ang sarili ko.



“Alam mo, di kita maintindihan, halos di ka na nga bumabangon sa kama at natutulog magdamag pero ganyan parin ang itsura mo.” pabirong sabi nito pero alam ko sa likod ng mga birong iyon ay ang pagaalala.



Tumitig ako sa salamin. Tinitigan ko ang aking repleksyon.



“Hey Handsome.”



Muli kong ipinikit ang aking mga mata. Narinig ko nanaman ang mga boses na iyon, ang boses na sa loob ng ilang taon ay bumubungad sa aking paggising sa tuwing dito siya sa bahay namin nakikitulog. Di ko napigilan ang aking sarili.



Isang luha ang tumulo.



Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Edward mula sa likod. Ibinalot nito ang kaniyang mga malatrosong kamay sa aking bewang at pilit akong isiniksik sa kaniyang katawan, isinukbit niya ang kaniyang baba sa aking balikat, ramdam ko ang regular na paghinga nito sa aking likuran kung saan magkadikit ang aming mga katawan at ang mainit na pagbugha nito ng hangin sa aking kanang pisngi. Pakiramdam ko walang mananakit sakin hanggang yakap ako ng ganito ni Edward.



Agad akong humiwalay sa yakap na iyon. Matagal na kaming tapos. Pinahiran ko ang mga luha sa aking mga pisngi. Humarap ako dito at sinubukang ngumiti, pero alam kong di ako nagtagumpay doon.



“Iahin mo na ang agahan sa baba, pakisabi kay Mae, salamat. Magaayos lang ako ng sarili bago bumaba.” sabi ko dito. Tinitigan lang ako nito at muli akong niyakap. Ngayon magkadikit na ang aming mga dibdib at magkadikit na ang aming mga pisngi. Mahigpit ang yakap na iyon.



Isanag yakap ng nagaalalang kaibigan.



“Everything will be OK.”



“BOOM! Lie number one!” dikta ng makulit na bahagi ng aking isip.



Bakit ko papaniwalain na magiging OK lahat gayung malayo sa pagiging OK ang aking nararamdaman? Sa pangalawang pagkakataon muli akong humiwalay sa mahigpit na yakap mula kay Edward.



Matagal na kaming tapos.



Ilang minuto pa ay natapos ko na ang simpleng gawain na ayusin ang aking sarili, simple pero halusin abutin ako ng kalahating oras para gawin. Napabuntong hininga ako ng maabutang may kausap sa telepono si Edward. Kilala ko kung sino iyon. Di ako tanga. Nakinig muna ako sa may haligi ng pinto, nagtatago kay Edward para marinig ko ang pinaguusapan nila.



“Of course he's not OK!” malutong pero halos pabulong nitong sabi sa kausap.



“He's hurting! What do you expect mag cartwheel siya at magsplit sa tuwa?! C'mon!...”



Sinadya kong umubo para malaman niyang papalapit na ako sa hapagkainan.


“Gotta go, I'll talk to you later.”


Saktong pagkababa ng telepono ay ang pagpasok ko ng kwarto.



“Sino kausap mo?” tanong ko kay Edward.



“Ah, wala. Kliyente ko, nangungulit.”



“BOOM! Lie number two!” dahil alam kong si JP ang kausap niya.



“Ahhh... nagaaway kayo?” tanong ko ulit, natigilan sa paghahalo ng kape si Edward.


“K-kain na tayo. Masarap itong niluto ni Mae na---”


Di na niya naituloy ang kaniyang sasabihin ng umupo ako sa harapan ni Edward at nagsimula ng kumain. Napatango ako bilang pagayon sa sinasabi niyang masarap na pagkakaluto ng pagkain.



“Dave, Pat and Fhey are going to be here later.” masuyong sabi ni Edward. Tumango lang ako bilang pagsangayon sabay higop ng mainit na kape.



“You guys don't have to do that. I'm O-OK. Besides, maglilinis pa ako ng buong bahay oh.”



“There goes the third lie.”



Sinubukan kong haluan ng konting humor ang aking sinabi pero maski ako di natuwa sa aking sinabi.



“Ano ka ba. Di ka naman namin huhusgahan kapag sinabi mong di ka OK eh.”



Nagkatitigan kami ni Edward, inabot nito ang aking kamay at pinisil iyon.



“Migs, do you want to talk about it? I can see you're hurting, di ko kayang nakikita kang ganyan.”


Inalis ko ang kamay ko sa pagkakabalot ng kamay niya.



“Wow. Coming from you, that is really an understatement. Considering how you managed to hurt me big time before.” di ko na napigilan ang aking sarili, napasulyap ako kay Edward, nakita ko kung pano ito namutla.



“I'm sorry, I shouldn't have said that.”



“Fourth lie. I'm NOT sorry to say that.”



Pinilit ni Edward ngumiti, pero may mali na sa mga ngiting iyon.



“Di niyo kailangang mag worry. Kaya ko ito.” sabi ko dito sabay ngumiti, kaso di ko alam kung papasa bang ngiti iyon.



“So... Do you want to talk about...”



Napapikit ako sa mga sinasabing iyon ni Edward. Isang malakas na tunog ang bumalot sa buong first floor ng bahay.



“Saglit lang, tignan ko lang kung sinong asa pinto.”



Ilang beses pang binalot ng tunog ng doorbell ang bahay.



“Sino ba 'tong lintik na 'to?! Maka doorbell naman...!”



Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay alam ko ng sira na ang buong araw ko.



“Si Edward?! Sabi kasi nung MISIS niya andito daw siya sa inyo.” tanong nito sa isang napakatining na boses.



“Migs, sino---” umpisa ni Edward sa aking tabi. Minata ng babae ang suot naming pambahay ni Edward na tila kababangon lang ng higaan.


“My gosh! Wag mong sabihing magkatabi parin kayong natutulog maski may asawa na yang si Edward?! C'mon Migs! Di ka pa ba makamove on?”


Something inside me snapped. Muntik ko ng abutin ang mukha ni Essa at bigyan ito ng isang makabasag bungong upper cut. Mabuti nalang at napigilan pa ako ni Edward.



“Anong kailangan mo Essa?” malamig na tanong ni Edward. Inabot ni Essa ang isang sobre.


“Ikakasal na ako. Invited ka, ikaw lang ah.” sabi ni Essa sabay tingin sakin na kala mo nangiinggit.



Tinignan ko ang lalaking katabi nito. Si Don Viaje, ka-batch din namin noon sa highschool. Napasinghot ako. Isa si Don sa pinaka arogante sa batch namin, kung anong laki ng ulo niya sa pagyayabang ay siya namang liit ng utak niya. Anak mayaman, kaya umabot sa pinakatuktok ng mt. Everest ang yabang, baka lagpas pa.



Tinitignan nito ang bahay namin at kala mo minamata. Oo, maliit ito kumpara sa bahay nila. Kita ko ang panlalait sa mga mata nito na sumasalamin naman sa masamang ugali nito na siya namang umaayon din sa masamang ugali ng mapapangasawa niya.


“Pathetic.” bulong ng isip ko.


Di pa pala tapos si Essa. Tinignan ako nito.


“Migs, di ka ba nahihiya sa asawa ni Edward? Humahabol ka parin kay Edward? C'mon, Migs. Ganyan ka na ba talaga ka pathetic?!”



“I don't know which is more pathetic, you fucking with this air head...” sabay turo kay Don. “...or you not getting over Edward.” balik ko dito. Lumapit ito sakin na kala mo mananampal na habang si Don naman ay pasugod na din.



“Tandaan mo, ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Edward. Kung hindi ka nakikipaglaro ng 'fuck my FAGGOT ass' kay Edward di sana kami maghihiwalay. Remember that hugging and kissing scene niyong dalawa ni Edward sa parking lot ng school?” sabi ni Essa sabay ngiti na kala mo kontrabida.


“Enough!” sigaw ni Edward. Lumapit ako kay Essa, halos isang pulgada na lang ang layo ng mukha namin pinipigilan na ako ni Edward habang si Don naman ay binabantayan si Edward.


“Get out of my property before I kill you.”


Mukhang natakot naman si Essa kaya't umatras ito. Pero natigilan ito bago dumating ng gate. Natigilan din ako at si Edward.



“Mae...” bulong ni Edward.


Lumingon sakin si Essa at nagbigay ng flying kiss, pero di ko na ito pinansin nakatitig ako kay Mae. Naluluha ito. Mabilis itong naglakad papunta samin ni Edward.


“Magusap tayo.” bulong nito. Bigla akong binalot ng takot.



“Kailan pa don si Mae? Ano ano ang mga narinig niya?” tanong ko sa sarili ko.


Sakto namang nag-ring ang telepono namin. Di ko na sana ito sasagutin.



“Hello, Migs!”


Natigilan ako.


“JP, not now.” nagulat ako dahil mahinahon ang pagkakasabi ko nito.



“No! We have to talk now! It's Rick---” agad akong nanlambot, namutla at lalo akong natakot pagkarinig sa pangalan ni Rick.



“Migs, si Rick... n-nahulog siya sa hagdan---” agad akong napaluhod.


Sa di kalayuan ay naririnig ko ang sigawan ng magasawang si Edward at Mae.



Itutuloy...


[15]
Patakbo at nanginginig kong tinungo ang ospital na sinabi ni JP na pinagdalhan daw kay Rick, hindi mapakali ang isip ko sa maaaring nangyari sa bata at sa lahat ng mga naisip kong posibleng nangyari dito ay alam kong hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kalmado kong kinausap ang nurse sa entrada ng E.R. at tinanong kung saan maaaring andun si Rick, sinabi nitong ako na nga lang daw ang iniintay ng doktor.



Lalo akong kinabahan.


Pinapakalma ko ang sarili ko habang sinusundan ang nurse. Nakita ko si Rick na paharap na nakakandong kay JP, agad kong napansin ang maliit na gauze sa itaas ng kanang kilay ni Rick, agad na binalot ng galit ang aking buong katawan pero nawala din iyon ng may ibulong si JP kay Rick na ikinahagikgik naman nito. Nalusaw lahat ng aking galit at takot nang makita si ko si Rick na tumawa. Tinakpan ni Rick ang kaniyang mga mata at nang alisin niya iyon ay siya namang sabay nilang sigaw na 'bulaga!', muli nanamang nabalot ng mahinang tawanan ang dalawa.



Nagulat ako ng biglang humarang sa aking harapan ang isang lalaki na nakaputing lab gown. Tinawag nito ang atensyon ko at kinausap. Muling bumalik ang galit sa buo kong katawan. Di ko na napansin nang magpaalam sakin ang duktor, muli kong ibinaling ang aking tingin kay Rick at JP, nakita ko kung gaanong kakumportable ng bata dito.



Nabasag ang aking pagmumunimuni nang marinig ko ang matining na boses ni Rick na tinatawag ako, halos mapaluha ako nang makita ko itong nagmamadaling nagpababa kay JP mula sa kandungan nito at patakbong lumapit sakin, lumuhod ako sa harapan nito at niyakap ng mahigpit.



“Hulog hagdan dugo...dugo...dugo.” paulit ulit na bulong ni Rick sa pagitan ng kaniyang mga hikbi habang isinisiksik ang kaniyang mukha na basang basa ng luha sa aking leeg. Inalo ko ang bata, kinarga at lumapit kay JP di ko pa man ito tinatanong ay agad na itong nagsalita.




“I was in school, tita called, nahulog nga daw sa hagdan si Rick, pumunta na ako agad dito--- Migs, nahihiya silang humarap sayo.” pabulong na sabi ni JP, muling nabalot ng galit ang buo kong katawan, hindi dahil kay JP at sa nakaraan namin, kundi dahil sa lolo at lola ni Rick.



0000ooo0000



“Migs, wag na nating palakihin 'to.”



Pero huli na ang lahat, nasa harapan na kami ng bahay nila Anne.



“I have to do this.” sagot ko dito, nilingon ko ito, nakaunan ang ulo ni Rick sa hita ni JP at mahimbing na natutulog.



Kumatok ako sa front door, nang bumukas ang pinto ay bumungad sakin ang mukha ng ina ni Anne, agad itong namutla nang makita ako, di ko na inintay na papasukin ako nito, masyado na akong nababalot ng galit at hindi ko na inintindi pa ang paggalang sa nakatatanda at sa may ari ng bahay. Naabutan ko ang asawa nito na may kausap sa telepono, nagulat ito nang makita ako.



“Is that Anne?” tanong ko dito, tumango ang lalaki.



“I want to talk to her.”



“Teka lang, nasa bahay kita---”



“Shut up and give me the phone.” kalmado kong singhal dito, walang nagawa ang matanda at ibinigay na sakin ang telepono.



“Hello Anne, si Migs 'to, sinabi ba sayo ng tatay mo kung ano nangyari?” saglit akong tumahimik para pabayaang sumagot si Anne.



“...Good... I want you to know that I will not let Rick stay with them again...” narinig kong ang pagtutol ni Anne sa kabilang linya pero hindi ko ito pinansin. “---don't tell me what I can and cannot do, you give up your rights when you decided to just dump Rick to my parents house and run to middle east as if you didn't give birth... yes I'm angry, Anne, no, scratch that, I'm furious! Your parents are hitting Rick! The doctors saw bruises in his buttocks, kung hindi pa mahuhulog si Rick ng hagdan at ipadadala sa ospital for stitches ay di namin malalaman na ginugulpi ng mga magulang mo si Rick! So there, if you don't want your parents having a restraining order against Rick you may want to talk to them about what I want...” di ko na hinayaan pang makasagot si Anne sa kabilang linya at binigay na ang telepono sa matandang babae, para sakin ay wala ng negosasyon, buo na ang pasya ko. Nakita kong tumango tango pa ng ilang beses ang babae at ibinaba na ang telepono.



“Sinabi na ho sainyo ni Anne ang gusto kong mangyari?” tanong ko sa matanda. Tumango ito.



“Teka lang, di naman pwedeng di namin makikita ang apo ko.” sabi ng matandang lalaki.



“Swerte niyo di ko kayo kinasuhan ng child abuse nung kausapin ako ng duktor about dito.”



“Aksidente ang nangyari!” sigaw ng matandang lalaki, di ako nagpasindak dito.



“Hindi yun ang ibig kong sabihin! Nakita ng mga duktor ang mga pasa sa puwitan ni Rick, ipinakita niya mismo ito sakin bago kami pumunta dito at hindi maipagkakaila na dahil yun sa mga palo, malalakas na palo. Swerte niyo di ko kayo pina-bantay bata.”



“Bullshit! Every kid needs to be disciplined!”



“Say that again and I'll sue your ass!” singhal ko dito, natigilan ang matanda.



“You can't sue us, we're his grandparents!”



“The doctor's documented every bruise in Rick's body, they photographed every single scratch there is in his body, one nasty word from your sorry ass of a mouth and I will not hesitate to show it to the authorities and sue your sorry ass!” namumutla na ang dalawang matanda. Saglit kaming nagtitigan at binalot ng katahimikan ang buong bahay.



“Ngayon, Rick will not be staying here for the weekends, he will not be staying here ever again, kung gusto niyo siyang makita pumunta kayo sa Cavite, I'll welcome you to our house as if this never happened.” sabi ko sa mga ito, di ko na ito inintay pang sumagot at lumabas na ako ng bahay na iyon.



Nang sumakay ako ng kotse ay nakita kong tulog parin si Rick sa kandungan ni JP sa back seat habang si JP naman ay nagaalalang nakatingin sakin pero di ito nag abalang kausapin ako dahil alam niyang hindi pa iyon ang tamang panahon para kausapin ako, alam niyang kailangan ko munang magpalipas ng sama ng loob. Iniunan ko ang aking ulo sa manibela at nagsimula ng umiyak. Naramdaman kong inabot ni JP ang aking balikat at marahang pinisil iyon pero agad ko itong hinawi at pinaandar na ang kotse.



“May isa pang drama akong haharapin sa bahay.” bulong ko sa sarili ko pero tiyak kong narinig iyon ni JP.



0000ooo0000



Nang makarating kami sa bahay ay naabutan kong nakaupo sa sala si Edward at Mae, namumugto ang mga mata ni Mae habang si Edward naman ay namumula, sa galit? Sa pagkahiya? Di ko alam. Tinignan ko si JP habang karga karga ko si Rick, tila naman naintindihan nito ang aking ibig sabihin at tumango, kinuwa nito si Rick mula sa aking mga kamay at dinala ito sa aking kwarto.



“Migs, we need to talk.” bulong pero puno ng galit na sabi ni Mae, tumango ako at umupo sa may sofa katapat ng inuupuan nila Mae.



“Totoo ba yung sinabi ni Essa?” tanong ni Mae.



“Let me explain, Mae---”



“Answer me dammit!” mahina pero puno ng galit ulit na sabat ni Mae. Nagbuntong hininga ako.



“Yes it's true---” narinig kong pinuno ni Mae ng hangin ang kaniyang mga baga, di makapaniwala sa aking pagamin na iyon. Napatayo ito at naglakad lakad sa paligid ng sofa.



“Ako ang dahilan ng break-up nila ni Essa noon---”



“Migs---” putol ni Edward.



“No, Edward, Mae has to know this now! We owe her the truth.” baling ko kay Edward sabay buntong hininga.



“I was in-love with Edward---” bulong ko pero agad din akong natigilan, di makapaniwala na mapaguusapan namin ito after 3 years.



“---he was my best friend we do everything together, we know love each other pero hindi katulad ng pagmamahal ko sa kaniya ang ibinibigay sakin ni Edward---” saglit kong tinignan si Edward, alam kong pareho ang tumatakbo sa isip namin.



“I was confused, akala ko may pag-asa kami ni Edward pero laging sumisingit si Essa, naging sila and I was forced to take a step back. I was hurt, nakita ni Edward na lumalayo ako sa kaniya, kinumpronta niya ako, I told him how I feel and kung di niya maibabalik iyon ay OK lang, nilinaw ko kung ano ba talaga ang namamagitan samin pero hindi siya makasagot, I knew that, that silence meant rejection--- and I guess nakita ni Edward na nasasaktan ako kaya niyakap niya ako that's when Essa saw us and that eventually ended their relationship.”



“Edward?” baling ni Mae kay Edward.



“What Migs and I have is special, Mae, we are more than best friends but there's a limit to that, I have you now, I have you and the twins now.” sa sinabing ito ni Edward ay napaupo si Mae sa isa sa pinakamalapit na upuan. Marahil ay di makapaniwala sa mga sinasabi namin sa kaniya.



“Why didn't you tell me this before?” naiiyak na tanong ni Mae, nakita kong nasasaktan si Edward ng nakikita si Mae na nagkakaganito.



“I'm afraid that I will lose you--- That I will lose both of you.” sagot ni Edward, tumingin si Mae sa akin, alam ko ang iniisip nito, malapit na kaming magkaibigan at inaasahan nitong dapat man lang ay may nabanggit ako sa kaniya.



“It's not my business to tell.” bulong ko kay Mae.



“Bullshit!” sigaw nito.



“Mae---” awat naman ni Edward.



“All this time, nakikitulog dito si Edward, tumatawid sa puno ng santol at naiiwan kayo dito magisa at hindi alam ng buong mundo kung ano ginagawa niyo---!”



“Mae! Wala kaming ginagawang masama, magkaibigan kami ni Migs! Kaya ako madalas dito is because kailangan ako ngayon ni Migs, kailangan tayo ni Migs, hindi lang naman din ako ang nagpupunta dito, sila Dave, Pat at Fhey, nagpupunta rin sila dito!” paliwanag ulit ni Edward, nangingilid na ang luha ko at malapit ng mag emotional overdrive, alam kong wala kaming ginagawang masama ni Edward pero hindi iyon ang nakikita ngayon ni Mae, nabulag siya sa mga sinabi ni Essa kanina, nabulag siya ng galit sa ginaw naming pagtratraydor.



Nabulag siya ng sakit.



“Mae, Edward loves you, what we have now is nothing other than friendship, please, Mae--- please understand.” pagmamakaawa ko, nagsisimula na akong mapagod, everything around me is crumbling down into pieces and I'm to tired to do anything about it. I just stood there, to tired to say and do anything else.



Tila naman nahimasmasan si Mae sa pagmamakaawa kong iyon dahil tumayo ito, tumapat sakin, nagtama ang aming mga mata, kitang kita ko sa mga mata nito ang hinanakit.



“I--” simula ni Mae pero tila ba may pumipigil sa gusto nitong sabihin.



“---please stay away from my family.” pabulong niya lang itong binanggit pero tila ba tinapatan niya ako ng mega phone sa mukha at buong lakas na sumigaw dito.



“Mae!” sigaw ni Edward, rinig na rinig ko ang takot at galit sa boses ni Edward.



“I'm going to make you choose. Me or Migs.” baling ni Mae kay Edward, sa puntong ito ay tila ba nawala na ako sa katinuan, alam ko ang nangyayari sa paligid ko pero tila ba may switch na pinatay sa aking utak at wala na akong magawa at masabi pa sa gustong mangyari ni Mae.



Nawalan ako ng lakas para tumanggi. Muli, pinigilan nanaman ng aking puso na ipaglaban si Edward, tila ba bumalik kami sa panahon nuong highschool palang kami kung saan lahat ng nangyayari sa paligid namin ay hinahamon kami na ipagaban ang aming pagkakaibigan. Ipaglaban kung ano ang meron kami.



“You can't do this, Mae---”



0000ooo0000



Di ko na alam ang aking gagawin, napako ako sa aking kinatatayuan, walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha. Nang papiliin ni Mae si Edward ay di na nag dalawang isip pa si Edward na piliin ang kaniyang asawa, sa totoo lang ay di sumagi sa isip ko ang posibilidad na ako ang piliin ni Edward, matagal na kaming tapos, tanging pagkakaibigan na lang ang meron kami, matagal na akong panatag sa kung ano ang meron kami pero hindi parin nito nababago ang sakit na nararamdaman ko ngayon.



Pakiramdam ko ay namatay ang isang bahagi ng pagkatao ko.



“Migs.” tawag sakin ni JP na hindi ko napansin na nasa unahan ko na pala, bakas sa mukha nito ang pagaalala.



“Migs, are you OK?” tanong ni JP sabay abot ng aking pisngi, pinahiran ng kaniyang mga daliri ang mga luha na dumadaloy dun.



“I'm sorry for the stupid question, obviously you're not OK.” bulong ni JP, di ko alam kung para sakin ba ang sinabi niyang yun o para sa kaniya. Inalalayan ako nito paupo.



“I'm going to be fine, I- I j-just need time, I'll be fine.” sabi ko sa kabila ng pagtulo parin ng mga luha ko, di na nagsalita si JP, nakita kong umisod ito papalapit sakin at i-aakbay na sana ang kaniyang braso sakin para aluhin ako pero agad niya itong ibinaba at nakuntento na lang sa espasyo, sa layo ng aming pagkakaupo.



“Nagka-patong patong lang, pero magiging OK din ako.” pangungumbinsi ko sa sarili ko. tumayo ako at nagtungo na sa aking kwarto, nang makarating ako sa tapat ng aking pinto ay nakita ko si Rick na mahimbing na natutulog, tinitigan ko ito.



“What the hell did I do to deserve this?” tanong ko sa sarili ko kasabay nun ay naisip ko bigla ang tungkol sa nangyari sa pagitan namin ni JP at ni Donna, si JP na sa loob ng ilang taon ay naging sandigan ko na, lalo na nung mga panahong wala si Edward at iba ko pang mga kaibigan, si Donna na napalapit na sakin lalo na nung tinulungan ako nito nung mga panahong nagkaproblema ako kay Anne.



“Anne.” bulong ko sa sarili ko sabay iling, di ko alam kung anong ginawa kong mali para ganunin niya kami ni Rick at nagyon si Edward at si Mae.



“Makakaya ko pa ba na wala si Edward?” tanong ko sa sarili ko sabay sulyap sa bintana kung saan madalas lumusot si Edward. Simula nung umuwi ako sa Cavite ay nabuo ulit ang aming pagkakaibigan, kapag kailangan namin ng kausap andayan lagi ang isa't isa pero ngayon, matapos malaman ni Mae ang nangyari noong high school sa tingin ko ay imposible ng magkaroon pa ulit kami ng oras na magkasama at magusap ni Edward. Si Mae, di ko naisip noon na kung gaano namin masasaktan ito kung sakaling malaman nito ang totoo at eto na nga, pumutok na sa mukha namin ang mga consequences ng aming mga lihim.



Di ko alam kung pano nangyaring nakahiga na ako sa kama ko, di ko na namalayan na hinubad ko na ang aking mga sapatos at humiga na sa tabi ni Rick, wala parin akong tigil sa pag-iyak na sa totoo lang ay ikinaiirita ko na, alam ko namang walang mangyayari sa kakaiyak ko pero tuloy parin ako sa pagiyak, ipinikit ko ang aking mga mata, umaasa na kapag ginawa ko iyon ay titigil na ang mga luha pero hindi, nagmamatigas ang mga luha ko dahil patuloy parin ito sa paglabas mula sa mga nakasara ko ng mata.



Naramadaman ko ang pagdampi ng isang kamay sa aking kamay na nakabalot sa maliit na katawan ni Rick, iminulat ko ang aking mga mata, walang pakielam kung tila ba dam ang aking mga mata na nagpakawala ng maraming tubig nang lumakas ang pagpatak ng aking mga luha, nakita ko si JP na nakahiga sa kabilang gilid ni Rick, ibinalot din nito ang kaniyang kamay dito at banayad na ipinatong ito sa aking kamay.



Di na ako nagsalita masyado na akong napapagod para tumanggi at humindi sa kaniyang ginagawa. Hinayaan ko na lang na tignan ako ng nagaalalang magandang mga mata ni JP, hinayaan ko na lang na kaawaan ako nito, hinayaan ko na lang na maramdaman niya kahit kakaunti ang tindi ng sakit na nararamdaman ko.



Hinayaan ko na lang ulit ang sarili ko na saluhin ang sakit.




Itutuloy...



[16]
Inabot sakin ng isa sa mga kaibigan ni kuya Ron ang isang gamot na kailanman ay di ko inakalang iinumin ko. saglit ko itong pinagmasdan, isang maliit at bilog na bagay sa gitna ng aking palad, di na ako nagdalawang isip pa at inilagay na ito sa loob ng aking bibig, inabot ko ang bote ng beer at uminom sabay lunok sa maliit na gamot.



0000ooo0000



“You're here!” sigaw ko sa mukha ni JP nang buksan nito ang pinto ng bahay namin, kita ko ang pagtataka nito sa kaniyang mga mukha, sunod na sumulpot sa likod ni JP ay si Pat, naka guhit sa mukha nito ang pagaalala gayun din sa mukha ni Dave at Fhey.



“What the hell is wrong with him?” tanong ni Fhey habang lumapit ako sa radyo at pinatugtog ito at katulad sa pinanggalingan kong club kasama sila kuya Ron kanina ay wala akong kapaguran na nasayaw sa harapan ng aking mga kaibigan.



Tila naman may pumitik sa loob ng aking utak, nawalan ng lakas ang aking mga tuhod at bumagsak ako sa sahig, ang sigaw ni Fhey ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.



0000ooo0000



Nagsing ako na sumasakit ng sobra ang aking ulo, pilit na inaalala ang mga nangyari nung nakaraang gabi, agad akong nakaramdam ng hiya sa sarili, galit at panliliit, iginala ko ang aking mata sa aking buong kwarto, wala na si Rick sa kaniyang maliit na kama na inilipat ko sa aking kwarto may ilang gabi lang ang nakakaraan. Andun din si Pat, Dave at Fhey, tulog na tulog sa banig na nakalatag sa paanan ng aking kama.



Dahan dahan akong tumayo, lumabas ng kwarto, pumunta sa CR para mag-ayos ng sarili at bumaba ng hagdan, bago pa man ako makalapit sa kusina ay narinig ko ang hagikgikan ni Rick at JP, agad akong kinabahan, nahiya sa sarili at muling nanliit. Nang bumungad ako sa pinto ng kusina ay agad na tumigil si JP sa pagtawa habang si Rick naman na walang pakielam sa paligid ay tuloy parin sa paghagikgik.



“Hey little buddy, I'm just going to talk to Migs for a while, OK? I want you to finish those pancakes and when I come back we'll play at the coy pond.” tumahimik saglit si Rick pagkatapos ay humarap sakin at magiliw na kumaway, dun pa lang ay muntik na akong mapahagulgol.



0000ooo0000


Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin ni JP, basang basa ko sa mukha niya ang galit habang nakatanaw sa kalsada kung saan nakaharap ang aming terrace.



“What did you take?” mahina pero puno ng galit na tanong ni JP, tila ba ang tanong lang na iyon ang iniintay ng aking mga luha at nagbagsakan na ang mga ito pagkatapos magsalita ni JP. Umiling ako, tinignan ako ng masama ni JP at narinig ko itong magbuntong hininga saka muling nagsalita.



“What did you take?!” pasinghal ng ulit ni JP.


“I-I don't k-know, JP, di ko nabasa yung label, binigay lang siya sakin ng kaibigan ni kuya Ron.” umiiling ko lang ulit na sagot.



“Dammit Migs! You're better than this!” di ako nakasagot sa patutsadang iyon ni JP.



“What the hell are you thinking! Parang hindi ka nurse! Alam mo kung anong pwedeng nangyari sayo, Migs!” singhal ulit ni JP, nakasarado na ang mga kamay nito na miya mo mananapak, agad na binalot ng galit ang aking buong pagkatao.



“You don't need anti-depressants to stay strong, alam naming nasasaktan ka and OK lang na makita ka naming nasasaktan, heck you can cry and roll all you want in front of us, we don't care! Wag mo lang inisiksik diyan sa loob niyan lahat ng nararamdaman mo! Alam mo kung anong mangyayari once you keep all those emotions bottled up! Alam mong hindi magiging maganda ang mangyayari kapag sumabog lahat ng yan, pero ang tigas ng ulo mo, Migs!” halos pasigaw ng sumbat sakin ni JP, nakatitig ako sa mga mata nito habang siya ay nakatanaw parin sa malayo, nangingilid na ang mga luha nito at lumalalim na ang kaniyang paghinga. Napatawa ako, hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa, marahil sa residual effect ng gamot, hindi ko alam, pero walang bahid ang humor ng tawa na iyon, tinignan ako ng masama ni JP.



“Natatawa lang ako kasi para sakin ang lakas lang ng loob mo na lecture-an ako when lahat ng 'to sayo nagsimula, lahat ng 'to, kasalanan mo.”



“Then smack me, shout at me, heck, I will even let you stab me, wag ka lang magre-resort sa mga ganung bagay. Isipin mo na lang si Rick, isipin mo na lang kung pano siya pag may nangyari sayo.”



Saglit kaming natahimik. Di ko alam kung ilang minuto kaming nakatayo doon ni JP pero siya ang unang gumalaw at nagsalita.



“You're stronger than this, Migs.” bulong ni JP, nun ko lang napansin na umiiyak nadin ito.



0000ooo0000

THREE WEEKS AFTER


Tatlong linggo na ang nakakaraan at nakita ko nanaman ang sarili ko na umiiyak, umiiyak sa loob ng bus, umiiyak sa loob ng bus na puno ng tao, umiiyak sa loob ng bus na puno ng taong hindi ko kilala na paminsan minsang sumusulyap sakin at tumitingin na kala mo may baliw silang kasama sa loob ng bus.



Hindi ako umiiyak dahil niloko ako ni JP, hindi ako umiiyak dahil nahulog si Rick at napagalaman kong pinapalo ito ng mga lolo niya, hindi ako umiiyak dahil nagaway kami nila Mae at Edward at lalong hindi ako umiiyak dahil sa hiya ng uminom ako ng anti depressant at nagpakabangag sa harapan ng mga kaibigan ko. Umiiyak ako kasi makalipas ang tatlong taon ay muli kong nakita ang sarili ko na may suot suot na leather shoes habang naglalakad sa kahabaan ng Ayala Ave.



“Gawd I hate leather shoes!” singhal ko sa aking sarili habang ipinapahinga ang aking mga paa sa loob ng bus at hinihimas ito.



Limang beses lang akong nagsuot ng leather shoes. Iisipin mo na graduate ako ng private school simula kinder hanggang college kaya't aakalain mong sanay akong mag leather shoes, don ka nagkakamali. Sa tanang buhay ko ay Limang beses lang akong nagsuot ng leather shoes at ikaanim na ang pagkakataon na ito. Graduation nung kinder, grade six, high school, college at kasal ng kapatid ko, at sa lahat ng pagkakataon na ito ay umiiyak ako habang hinuhubad ang mga ito pagkatapos ng event.



Bakit ako nag leather shoes? Kasi kailangan ko ng trabaho. Naisip ko na ang kakulangan ng ginagawa ang nagtri-trigger ng pagiging depressed ko. pero ang dalawang taon kong pagiging nurse ay hindi nakatulong sa aking gustong pasukan na trabaho. Sinubukan kong mag-apply sa mga institution sa labas ng ospital, sinubukan ko sa mga health card agencies, medical trascription at madami pang iba pero dahil lahat na ata ng health card agencies ay inaway ko noon (dahil ito sa pagtanggi nila sa pagcover ng aming mga pasyente na nasasaklaw nila) ay tila ba kinagat ako ng karma sa puwet, kahit pa may bakante sila ay hindi ako tinanggap ng mga ito. Ganun din sa ibang kumpanya kaya dagdag sa pananakit ng aking paa ang pakiramdam ng... Epic fail.



“Dude, are you OK?” tanong ng katabi kong lalaki.



“Yeah, blisters, stings like a bitch.” napangiti ito sa aking sinabi saka sinilip ang aking paa na kasalukuyan ko parin hinahaplos.



“Applying for a job, huh?” tanong nito habang minamata ang aking transaparent folder na puno ng credentials ko. Tumango ako at minata ang aking kausap.



“Yup, kailangang magtrabaho ulit.” sabi ko sabay ngiti.



“Ulit?” tumango ako.



“Two years akong naging ICU and ER nurse, kailangan ko ng less stressful at less hour na work dahil may inaasikaso at inaalagaan ako sa bahay kaya nag resign ako noon, ngayon kailangan ko na ulit magtrabaho.” sagot ko dito sabay kibit balikat.



“Nurse ka?” tanong nito sabay biglag liwanag ng mukha.



“Ay kuya naman eh, kasasabi ko lang---” naiinis kong sabi sa sarili ko. tumango lang ako.



“Anong batch mo?”


“2008.” awtomatiko kong sagot dito.


“Ako din! June or November?”



“November.” sagot ko ulit.



“Wow. Kung wala lang akong boyfriend, iisipin ko na we're meant for each other.” may pagka masayang sabi ng katabi ko.



“TING!”



“Did I just hear him say that he's in a relationship, gay relationship?” sabi ng isip ko.



“Ehe- what?” balik ko dito, tumawa si kuya ng malakas na ikinatingin ng ibang tao.



“We're two nurses short. Sama ka sakin sa ospi, tamang tama papasok na ako ngayon, kung hindi traffic maaabutan natin yung chief nurse and HR.”



Nagsimula na akong tumanggi, sasabihin ko sana na ayaw ko ng magnurse sa ospital, sasabihin ko sana na gusto kong puro papel muna ang trabahuhin ko at hindi katawan ng tao pero may kung ano sa pagkatao nito na hindi ko mahindi-an. Taena, hindi ko nga siya kilala pero sasama na ako sa kaniya na kala mo ligaw na tuta.



0000ooo0000



Sabay na tumatango-tango ang Chief nurse at ang taga HR habang binabasa ang credentials ko, di ko malaman kung magandang pangitain ba iyon o hindi pero nang humarap sakin si Erwin (si kuyang hindi ko mahindi-an na katabi ko kanina sa bus.) at nang mag-thumbs up ito ay di ko mapagilang kumalma.



Ilang minuto pa ay ininterview na ako ng mga ito kasama ang bagong dating na chirf resident doctor ng E.R. Sunod kong nakita ang sarili ko ay kinakamayan ang tatlo at nagpapasalamat sa mga ito.



“You are to report tomorrow sa ER, look for Anthony, 6am sharp, wear your whites muna and then we will give you your uniform later. OK?” tanong ng chief nurse, hindi na ako nakahindi.



0000ooo0000



Habang parang tanga akong nakangiti na ngayon habang nakatanaw sa labas ng bintana ng bus ay naramdaman kong nagvibrate ang aking telepono.



“Hey, di ka na nagpaalam sakin? :-(” sabi sa text ng hindi ko kilalang texter.


“Ah ehe, sorry? Sino 'to?” reply ko.


“Si Erwin! :-) congrats nga pala, magkakatrabaho na tayo! :-)” reply nito. Natigilan ako saglit.


“Stalker's syndrome ba ito?” tanong ko sa sarili ko habang nagco-compose ng reply.


“Uy thanks nga pala, Erwin. :-) yup, bukas na ako magsta-start. Thanks ulit.”


“No prob. I think you will be a great addition to the team! I'll look for you tomorrow! :-)”



Di na ako nagreply, masyado na akong nawirduhan. Ako lang ba o masyadong exited ang isang iyon, iniisip ko tuloy kung umiinom siya ng anti depressants.



0000ooo0000


“Hi good morning! Is Sir Anthony in?” tanong ko sa nakatalikod na mama na nasa may nurse's station ng ER. Nang humarap ito ay tila nakalimutan ng aking mga buto ang function nito, nun lang ako na star struck ng ganon, well hindi naman siya artista pero pwede siyang maging artista.



“You must be the new guy, Erwin has been talking about you, non stop! I'm Anthony by the way, I'm in-charge sa orientation mo, hehe, malas mo dahil sa training mo every after duty si Erwin naman ang kasama mo.”



Nun pa lang naisip ko na na hindi ako malulungkot sa bagong trabaho na iyon.



0000ooo0000


“Damn! The new guy moves fast! I think I'm going to call him flash from now on.” sabi ng isang tsinitong duktor na ilang paligo lang naman ang lamang kay Richard Poon (I swear kada magkakapasyente siya iniisip ko na kakanta siya mala Michel Buble or something.)



“And I'm going to call you, Pong pagong. Mabagal ka lang talaga, Doc.” napatawa ang bawat taong nakaduty doon sa sinabi kong iyon. Simula sa orderly hanggang sa chief resident doctor.



“And he have guts!” singit ni Anthony na ayaw ko mang aminin ay ikinakilig ko ng todo. (I might have blushed kasi siniko ako ni Dr. Richard Poon este Ching at binigyan ako nito ng isang knowing look na tila ba nagsasabi ng... I-know-you-have-a-crush-on-Anthony-look.”) magde-deny na sana ako nang makarinig kami ng nagmamadaling kotse na walang tigil sa kakabusina.



0000ooo0000


“How was your first day?”



“Stressful, stressful and stressful and oh, did I say stressful?” nonsense kong sagot dito, napailing ito at binigyan ako ng one million dollar smile.



“So ang gagawin nating ngayon ay i-re-review natin ang skills mo and i-i-incorporate natin ang SOP ng hospital na 'to---”


At iyon na nga ang ginawa namin, miya mo ako bumalik sa pagiging estudyante, ang kaibahan lang ay kasing tanda ko ang teacher ko. Matapos ang nakakahilong refresher course ay biglang bumukas ang pinto ng conference room, pumasok si Anthony, lumapit kay Erwin at hinalikan nito si Erwin sa labi. Napanganga ako sa gulat, hindi ito nakaligtas kay Erwin.


“Anthony--” saway nito sa kasintahan, di rin naman siya pinansin ni Anthony at tinuloy lang nila ang paglalampungan na parang wala ako sa likod nila.


0000ooo0000



Umuwi akong nanlalambot pero masaya, naisip ko ang mga bago kong nakilala, ang mga taong makukulit, suplado at balasubas na aking nakausap nung araw na iyon, di ko mapigilang mapangiti. Nang buksan ko ang front door ay nagulat ako nang maramdaman ko ang pagbalot ni Rick ng kaniyang maiigsing mga kamay sa aking kanang paa.


“I missed you too, little buddy. I hope you didn't give Aunt Margareth a hard time.” umiling lang ang bata saka kumawala sa aking kanang paa sabay takbo pabalik sa harapan ng TV kung saan nakasalang ang recorded episode ng Spongebob Square pants.



Kinamusta ko ang aking nakatatandang kapatid na nakababad sa harapan ng kaniyang laptop habang niyuyugyog ang duyan ng anak na nakasabit sa magkabilang poste ng dining room, tumango lang ito sakin habang mataman paring nakatitig sa kaniyang laptop.



Umakyat ako papunta sa aking kwarto, pagod na pagod na umupo sa maliit na sofa na nakaharap sa bintanang madalas akyatin ni Edward, tinanaw ko ang kalapit na bahay nila at nagbuntong hininga.



“I wish I could talk to you now, 'ward. Madami akong ikukuwento sayo.”



Nagbuntong hininga ulit ako, inabot ang aking laptop, isinuksok ang aking USB, inupdate ang aking blog (Against All Odds pa ang naka-post.) at ginawa ang teaser ng Chasing Pavements 4.



“I'm ready to move on.” nangingiti kong sabi sa sarili ko.



Itutuloy...


[17]
Katatapos ko lang ayusin ang mga gamit namin ni Rick sa ilang mga kahon, parang anino parin na sunod ng sunod sakin si Pat, Dave at Fhey. Si Pat na mukhang kabibiyernes santo lang ng mukha, si Dave na blangko ang mukha pero halatang malalim ang iniisip at si Fhey na may hawak hawak nanaman na galon ng ice cream.



“Do you really have to go?” tanong ni Pat sakin. Umiling naman ako, may limampung libong beses na ata nitong tanong sakin iyon.



“Pat, I told you, nahihirapan akong i-balance ang pagaalaga kay Rick ang pag-commute pauwi at ang trabaho sa ospital, kung meron akong ibang choice, ginawa ko na.” sagot ko dito, halata nitong naiirita na ako kaya naman yumuko ito, pabiro ko itong sinuntok sa braso na nagsasabing OK lang ang pagiging makulit niya, tumingala ito at nasalubong ang aming mga mata, gumuhit ulit sa mukha nito ang ngiti.



“This is not about the Mae and Edward thing is it?” pabulong na tanong ni Dave, tinignan ko ito.



Ang totoo niyan, nahihirapan talaga ako sa bago kong trabaho, dalawang linggo na ako sa trabahong iyon at talaga namang pinapatay nito ang katawan ko lalo na sa mini refresher course na ibinibigay sakin ng ever flirt na si Erwin, hindi pa kasama dun ang hirap sa pagco-commute (kasi kung dadalin ko ang kotse ko malamang dun lang mapupunta ang sweldo ko.), kasama na rin ang pagaalalaga kay Rick, kung lilipat ako sa apartment nila kuya Marc at least andun yung girlfriend niya na pwedeng magbantay rin kay Rick habang asa tarbaho ako at ang huling rason ay ang pag-iwas ko kila Mae at Edward.



“Alam mong walang nangyayaring maganda kapag tinatakbuhan mo ang problema diba?” sabi ni Fhey habang naglalati ang paligid ng bibig nito ng tunaw na ice cream. Alam ko na pareho kami ng iniisip nito.



“What other choice do I have?” tanong ko sa mga ito at nang walang nakasagot ay isa isa ko nalang ang mga itong niyakap.




Tumingin ako sa gawi ng bahay nila Edward at wala sa sariling napabuntong hininga. Di ko napansing nakita pala ako ni Pat na nakatingin dun, umiling ito at hinila ulit ako payakap sa kaniya.



“Everything will be OK.” bulong nito.


“So tuloy tayo bukas?” tanong ni Fhey.


“Bukas?” sabay sabay na tanong namin nila Pat at Dave. Umiling naman si Fhey.


“Men and their memory problems.” bulong ni Fhey sabay iling ulit.



0000ooo0000


Habang abala ako sa pagco-compute ng dosage and solutions problem sa practice test na ibinigay sakin ni Erwin ay tinitignan naman ako ng pailalim ng isa pang nurse na ayon kay Erwin ay nagngangalang Divo pero ang tawag ng mga tao sa kaniya ay Diva dahil daw sa ugali nitong parang pang diva.


“Divo, leave him alone.” saway ni Erwin dito nang mapansin nitong hindi ako mapakali dahil sa kakatingin ni Divo.



“I'm just thinking what theory best to use in our study.” sagot ni Divo sabay kibit balikat, napairap naman si Erwin.



“Migs' face is not a theory chart, Divo, besides, pinagaaralan niyo kung ano ang effect ng surgical antiseptic solution na ginagamit sa surgical handwashing sa OR, bakit kailangan mo pang gawing kumplikado lahat? Kahit anong theory pwede mong gamitin.” pambabalewala ni Erwin sa problema ni Divo.



“I want the best theory there is.” pasinghal ni Divo.


“Why not use Nightingale? I'm sure her theory can sum all your hypotheses and it's not that complicated to discuss in your defense.” sagot ko, agad akong pumailalim sa mapanuring mata ng dalawang senior ko. agad akong napako sa kinauupuan ko, nagsisisi na kung bakit pa ako nagsalita, hiniling ko nun na kainin na ako ng lupa. Napangiti si Erwin habang si Divo naman ay patuloy lang sa pagtingin sakin ng pailalim.



“Me and my big mouth.” bulong ko sa sarili ko.



0000ooo0000



“Ma'am pinatawag niyo daw po ako?” tanong ko sa chief nurse namin nang papasukin na ako nito sa kaniyang opisina.



“Ah, yes, Migs, may paguusapan lang tayo, halika, upo ka muna.” aya nito sakin.



“Errrr--- tungkol po ba 'to dun sa pangingielam ko kanina sa study ni Divo?” kinakabahan kong tanong dito, nginitian lang ako nito na lalong nagpatibay sa ikinatatakot ko.



“No it's not about that—-” napabuntong hininga ako sa sinabing iyon ni chief nurse.



“---gusto kitang makausap dahil may nag recommend na i-enroll ka ng hospital sa isang graduate school---”



Halos mahulog ako sa kinauupuan ko. Correction. Nahulog na ako sa kinauupuan ko, sakto lang na nakahawak ako sa lamesa ng chief nurse namin.



“Fifty percent of our head nurses and supervisors are leaving next year, I will be leaving next year, si Erwin ang napipisil nila to be the next chief nurse, Divo will be his Assistant chief nurse, Anthony will be the next Infection Control nurse at ikaw ang napipisil to be one of the three supervisors sa ER or kung gusto mo sa ICU.”



Sa mga oras na ito ay umiikot na ang paningin ko sa hilo.



“Ma'am wala pa po akong isang buwan dito---”



“It's the ER chief resident doctor who recommended you, besides, kung matuloy ang mga promotion isa ka na sa mga senior nurses na matitira, considering your past experiences sa ibang ospital and the recommendations with it ay ikaw na talaga ang dapat na maging susunod na isa sa mga itatalagang supervisor sa ER.”



Hindi na ako nakasagot. Masyado na akong malulunod sa mga gawain kung nagkataon. Masteral, Work tapos mga gawain pa sa bahay at pagalaga kay Rick, pero naisip ko rin na para sa akin ito at ang maganda pa dun, malilihis na ng todo ang aking pansin sa mas productive na mga bagay kesa sa mag self pity.



“When will I start, Ma'am?” napangiti ang chief nurse, kinamayan ako nito at sinabi ang instructions. Pinsalamatan ko ulit ito, at patayo na sana para lumabas nang pigilan ako nito.



“Meron pang isa tayong paguusapan. Tungkol 'to sa research department ng ospital. Sinabi sakin ni Divo ang nangyari kanina sa conference room and I'm giving you your first assignment---”



At lalo pa nga akong natambakan ng trabaho. Katulad ng pakielamero at echuserang si Divo the divine nurse diva ay kailangan ko na ngayong gumawa ng study, theory, hoypothesis, statistical computation, defense and all. Para narin nilang sinabi na wala na akong karapatang magkaroon ng social life.



0000ooo0000



“Bakit nga ulit tayo a-attend sa halloween party ng nakaganito?” tanong ko kay Fhey habang pinaplancha nito ang blonde kong buhok. (Opo, blonde.)


Muli kong sinuot ang costume na nirenta ni kuya Ron para sakin nung birthday niya. (di ako marunong magsaoli ng mga pinahiram sakin. Hehe.) Si Dave ay bilang si Gandalf, si Pat ay si Aragorn, si Fhey ay si Arwen at ako ay bilang si Legolas.



“Kasi pa-contest to. Pwede tayong manalo ng limpak limpak na salapi.” bulalas ng bruha, napailing lang kaming tatlo nila Pat.



0000ooo0000


At hindi ako nagkamali, basta event na naisipang attend-an ni Fhey, hindi pwedeng hindi epic fail. Ang halloween party pala na sinasabi nito ay sa resort ng kaklase namin nung high school, malamang, lahat din ng andun mga kaklase namin nung high school, kasama na si Essa, si Don na mapapangasawa nito, si Edward at si Mae.



Agad akong umatras palabas ng resort, para sakin ay drama nanaman kasi iyon pero bago ako makalabas ay alam kong nakita ako ni Mae at Edward at sa hindi kalayuan ay ni Don. Nakahinga lang ako ng maayos nang makabalik ako ng aking sasakyan at habang nagmamaneho na pabalik ng bahay.


“Run Legolas, Run!” tila ba nangiinis na sabi ng utak ko. napabuntong hininga ako at umiling.



0000ooo0000



Narinig kong bumukas ang gate at ang front door, nagensayo na ako ng pagsinghal kay Fhey dahil sa kagagahan nito at sa pagiging makakalimutin nito nang makalimutan niyang sabihin na sa halloween part na iyon pala kami pupunta.



“Bitch! You did that on purpose! I'm going to skin you alive---!” agad akong natigilan nang hindi si Fhey, Pat at Dave ang bumulaga sakin kundi si Edward. Humahangos ito at kitang kita ko na nagpapawis ito sa costume niyang nung una ay hindi ko naintindihan kung sino.



“Edward, what are you doing here?”



“Is it true?” pabulong nitong tanong sakin, alam ko kung ano ang ibig sabihin nito at iniiwasan ko itong sabihin sa kaniya dahil natatakot nga ako na mangyari na kapag nalaman nito ay awayin nito si Mae at ipagpilitang makausap ako.



“Did you run from Ace's place---?” pero di ko na natapos ang aking sasabihin dahil pinutol na iyon ni Edward.



“Dammit, Migs! Answer me!” sigaw nito na ikinagulat ko.



“Calm down, wala tayong mapaguusapan ng maayos kung magsisisigaw ka diyan.” usal ko dito, naglakad ito papalapit sakin at umupo sa sofa.



“What do you want, coffee, coke---?”



“I want to talk.” sagot nito, nakatupi ang mga kamay sa dibdib at nakanguso. Nagbuntong hininga ako, umiling at umupo na din sa sofa. Nung una ay wala samin ang gustong magsalita, naglakas loob na ako.



“Where's Mae?” tanong ko dito.


“Nandun pa kila Ace, wag kang magalala nagpaalam ako at pumayag siyang mag-usap tayo.” naiirita nitong sagot sakin, umiling ako, napansin ito ni Edward at tinignan ako nito ng masama.



“What?! Akala mo di ko napapansin na iniiwasan mo ako? Na umiiwas ka sa amin? Maski si Al napapansin niya! Tuwing mag-ja-jogging ka tuwing umaga sa kabilang direksyon ka pupunta, palayo sa normal na ruta niyo ni Mae! Ni hindi mo binigyan ng pagkakataon si Mae na mag-sorry sayo, Migs, hindi niya sinasadya ang sinabi niya nun, ayaw ka niyang mawala sa buhay namin---”



“Enough!” putol ko sa litanya nito.


“Alam kong di sinasadya ni Mae yun, alam kong galit lang siya kaya niya iyon nasabi. Edward, umiiwas ako dahil pinuprutektahan ko kayo, tayo. Naisip ko nung araw na yun na baka pinaguusapan na tayo ng mga tao kaya iyon nasabi ni Essa---”



“Since when did you care about what other people think?”


“I don't. Pero may pakielam ako sa magiging epekto nito sa mga bata. Kilala mo si Essa, hindi yun titigil at kilala mo rin ang mga kapitbahay---”



“But you promised.” bulong ni Edward, nangingilid na ang luha nito.


“Yes I did. Edward, babalik naman ako eh, every weekend uuwi ako or kada off ko.”


“Yan din ang sinabi mo noon pero hindi ka na bumalik.” balik ni Edward.


“Pero iba na ngayon, noon akala ko wala na akong babalikan dito.” umiling ako saglit at nagbuntong hininga. “Edward, lumalaki na ang mga bata, di magtatagal may maririnig na yang mga yan sa school tungkol sa mga nangyari noon, kung magste-stay ako dito hindi titigil ang mga cronies ni Essa, nakita mo kung pano nito naapektuhan si Mae, isipin mo na lang kung ano ang mangyayari sa mga bata kapag narinig nila 'to.”


“But I need you here.”


“I need you also, Edward, but this is for the best.”


“You promised---” umiiling na sabi ni edward, di ko na natiis at nilapitan ko na ito at niyakap.


“Sabi mo, di ka na aalis, sabi mo dito ka lang.” bulong ulit ni Edward parang hindi na nito pinapakinggan ang mga paliwanag ko, wala na lang akong nagawa kundi ang yakapin pa ito ng mahigpit.


“I'm sorry.” bulong ko.


Alam kong masasaktan si Edward at ang mga kiabigan ko per alam ko ring tama ang gagawin ko-- para sa amin lahat ng ito.


0000ooo0000



“Who are you supposed to be anyway?” tanong ko kay Edward, may tatlong oras na kaming kumakalma matapos ang mini drama marathon namin kanina, sa wakas ay naintindihan na ni Edward ang gutso kong sabihin at naisip narin niya na tama ang aming gagawin.


“I'm Thor.” sagot nito sabay lobo ng kaniyang dibdib (stomach in chest out). Napatawa ako. Sa totoo lang bagay ang costume kay Edward pero hindi bagay sa isang 'Thor' ang itim na semi kalbong buhok, makapal na kilay at naniningkit na mata.


“Will you stop laughing!” sigaw nito, pinipigilan narin niya ang sarili na mapatawa. Saglit kaming natahimik, nagkatitigan, tila may tahimik na paguusap ang aming mga mata habang may tigisa kaming tasa ng kape at bumabalanse sa makapal na sangha ng puno ng santol. Napangiti ako gayun din siya.


“We're going to laugh at this shit five years from now.” bulalas ni Edward, sabay kaming napahagikgik.



“I don't know, sa tingin ko mas matatawa ako pag naalala ko kung pano ka umiyak kanina.” pangiinis ko dito sabay hagikgik, pabiro ako nitong sinuntok ang aking braso at saka inakbayan.


Nung oras na iyon akala ko umatras ang oras kung saan pareho kaming mga seven years old, humahagikgik sa mga simple at mabababaw na dahilan, pinapanood ang mga taong naglalakad sa kalsada di kalayuan sa punong aming kinauupuan, kumakain ng macaroons, nagpapalakasan ng utot at naiiputan ng ibon na nasa mga matatas na sangha ng punong iyon.


Nun din hiniling ko na pareho na lang kaming mga seven years old, walang problema, hindi pa alam ang salitang 'kumplikado' , walang pakielam kung sino ang napiling mahalin, hindi pa nalalason ng mga matatanda at lipunan ang pagiisip.



Naramadaman kong lalo akong isniksik ni Edward sa kaniyang tagiliran. Ilang saglit pa ay muli itong nagsalita.


“I love you, Migs.” bulong ni Edward habang prenteng prente parin kaming nakaupo sa sangha na iyon at habang nakaakbay siya sakin at umiinom ng kape.



“I know.”



Itutuloy...


[Finale]
Magiliw naming kinakain ni Rick ang aming hapunan nang makarinig kami ng paguusap sa may pangalawang palapag ng aming bahay. Nagtaka ako kasi si Edward lang naman ang madalas na gawing front door ang aking bintana sa kwarto. Biglang nagliwanag ang mukha ni Rick nang mabosesan niya ang dalawang naguusap na noon ay palapit na ng plapit sa kusina.


“Little buddy, ipaalala mo sakin na magpapalagay na tayo ng rehas sa mga bintana, ha? Para hindi na makapasok yang Tito Edward mo ng bahay ng walang pasabi.” sabi ko sa batang kasalukuyang nagbabato ng nagtatakang tingin sakin.


“Ricky boy!” sigaw ni Edward sa bungad ng kusina, kasunod nito si Mae na sa palagay ko ay iritang irita dahil pinatawid siya ni Edward sa puno ng santol ng naka-dress. Narinig kong humagikgik ang bata saka tumalon mula sa kaniyang upuan at patakbong sinalubong ang aking mga kaibigan.


“Don't ask!” singhal sakin ni Mae nang mapansin siguro nito ang nagtataka kong tingin kung pano siya nakatawid ng puno.


“OKAAAYYY--- kumain na ba kayo? Nagluto ako ng nilaga.” alok ko sa dalawa pero hindi ko na dapat pa pinagaksayahan pa ng effort na alukin ang mga ito dahil maski hindi ko pa sila inaalok ay napansin kong kumukuwa na ang mga ito ng pinggan.


“Hindi naman sa ayaw ko kayo dito sa bahay ko, ano, pero bakit ng kayo andito?” tanong ko sa mga ito, sabay namang sumagot ang mag-asawa habang si Edward ay puno ng kanin ang bibig at si Mae naman ay humihigop ng sabaw, hindi lang ako ang natuwa sa ginagawa ng mga ito, pati si Rick na sa tingin ko ay hindi dapat nakita iyon na ginagawa ng mga matanda.


“Hep! Hep! Hep! Isa isa lang! And please, don't talk when your mouth is full! May bata oh! Gayahin kayo niyan!” singhal ko sa mga ito habang pinapanood si Rick na nagsasalita habang sumusubo ng kanin.


“Rick.” saway ko dito, humagikgik lang ang bata saka nabulunan. Hinagod naman ni Edward ang likod nito.


“Hindi kami naka-kain ng ayos sa wedding. Actually, hindi kami nakakain.” simula ni Mae. Nagkausap na kami ni Mae tungkol sa nangyari noon, napagpasyahan na lang namin ka kalimutan ang mga iyon at ngayon ay lalong tumitibay ang aming pagkakaibigan pero andun parin ang paminsan minsang awkwardness sa pagitan namin.


“Ahhh bakit?” tanong ko sa mga ito habang nilalagyan ng kanin, sabaw at carrots ang mangkok ni Rick, matapos ko lang gawin iyon nang mapansin kong natahimik ang mag-asawa at nagkatinginan.


“What?!” tanong ko sa mga ito, may ilang kanin ang tumalsik mula sa bibig ko na ikinatawa naman ni Rick habang nakaturo sakin. Tinignan ako ng mag-asawa habang pinaiisipan kung sasabihin ba sakin ang dahilan ng pagalis nila ng maaga sa wedding ni Essa at Don.


0000ooo0000


“Weh?!” di makapaniwalang sabi ko sa dalawa habang nagliligpit, napagisipan naming wag sa harapan ni Rick pagusapan ang lahat.


“I swear, I saw Don flirting with the wedding coordinator.” sumpa ni Mae habang si Edward naman ay tumatango tango habang kumakain ng ube halaya na niluto ni kuya Marc.


“Maybe he's just complementing her---” simula ko.


““HIM”” sabay na pagtatama ng magasawa.


“What?!” tanong ko sa mga ito.


“The wedding coordinator is a guy.” sagot ni Edward, ngayon, ako naman ang nasamid--- sa sarili kong laway.


Walang pinagusapan ang mag-asawa kundi ang pakikipag-flirt ni Don na asawa na ngyon ni Essa sa kanilang lalaking wedding coordintor nung gabing iyon, pero ako ay tahimik lang na nakikinig sa dalawa, may napansin kasi ako, nitong mga nakalipas na araw, simula nung nagkausap kami ni Mae at nagkayos ay walang mintis ang pagbisita ng mag-asawa sakin, tinignan ko ng diretso si Edward, napansin nito ang pagtingin kong iyon.


Alam nilang wala akong interes sa buhay ni Essa at sa kung ano man ang sexual preference ng asawa nito at alam ng mga ito na hindi ko kailangang bisitahin sa tuwing alam nilang asa bahay ako. Nagbato ako ng nagtatakang tingin sa dalawa.


“What is this all about?” naniningkit mata kong tanong sa mga ito.


“This is about the fact that Essa's husband might be---”


“No, I'm not talking about that, I'm talking about the late night visits, the lame excuses just to see and talk to me and the sudden interest in my cooking. WHAT. IS. THIS. ALL. ABOUT?” tanong ko ulit sa mga ito, muling nagkatinginan ang dalawa.


“Si Edward kasi, sabi niya kung ipamumukha raw namin sayo kung ano yung mga mami-miss mo, baka daw magbago isip mo tapos di ka na umalis.” nahihiyang sagot ni Mae, napailing naman ako at tinignan ng masama si Edward.


“We've already talked about this.” baling ko kay Edward.


“We're just saying that you don't have to go---”


“We are not going to have this discussion again.” balik ko dito sabay wasiwas ng scotchbrite na may sabon sa mukha nito. Nagbuntong hininga ito.



0000ooo0000


Pinapanood ko si Edward na nakikipaglaro ng paper, scissors and stone kay Rick, iniisip ko ang mga sinabi kanina ni Mae, sa lahat ng mga kaibigan ko si Edward ang pinaka nahihirapan sa paglipat ko, hindi naman ako magiiba ng bansa, ilang minuto na lang din naman ang layo ng Maynila sa Cavite gamit ang CavitEx pero kumbinsido parin ito na kapag lumipat na ako ay di na kami magkikita ulit.


“He's really getting worked up about this, Migs.” bulong ni Mae sa likuran ko.


“I know, but this is for the best, you understand that, do you?” tumango si Mae.


“Just think about it, Migs.”


“I thought about it a million times already, Mae, saka mahirap talaga, sa work, sa pagaalaga kay Rick, di naman pwedeng iwan ko siya lagi sainyo, saka sa masteral ko pa, I mean, it's time for me to be practical---”


“Pero kasi iniisip ni Edward dahil sa nangyari nito lang kaya ka aalis eh.” nahihiya ulit na sabi ni Mae, tinignan ko ito.


“Si Edward ba ang nagiisip nun o ikaw?” tanong ko dito, saglit itong natigilan.


“Well, Oo, minsan iniisip ko rin na dahil sa sinabi noon ko kaya ka aalis.” balik ni Mae, di ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na ito.


“Hindi yun dahil dun, Mae, OK? Wag mong sisihin ang sarili mo at wag mong hahayaang pumagitna yun sainyo ng asawa mo.” diin ko dito. Mariing tumango si Mae.


0000ooo0000



“Do you really have to go?” tanong nanaman ni Edward, may ikalimampung beses na ata niyang tinatanong iyon. Napa-irap na lang si Pat, Dave at si Fhey habang si Mae naman ay umiiling.


“Isa pang tanong, Edward, hahaklitin ko na yang batok mo!” singhal ko dito. Narinig kong nagsipaghagikgikan si Rick at ang kambal ni Edward.


“Great! Lately, I haven't been a good role model for these kids.” umiiling iling kong sabi sa sarili ko habang inuulit ng kambal sa isa't isa na maghahaklitan sila ng batok.


“This is the last bag!” sigaw ni Dave sabay siksik nung bag sa likod ng kotse. Isa-isa akong niyakap ng mga kaibigan ko, ang ilan napahigpit ang yakap ang dalwang babae saka si Edward ay sisinghot singhot at ang kambal ay nakayakap kay Rick.


Dun pa lang parang ayaw ko ng umalis.


0000ooo0000


NOVEMBER 29, 2011


“Kamusta study mo?” tanong sakin ni Divo, nagkibit balikat lang ako. Wala kasi akong makitang dahilan kung bakit pa kailangang magconduct ng study ang mga nurses, masama na ngang over worked kami saka mababa ang sweldo pahirapan pa ba naman kami sa pagconduct ng mga study n ang osptial at mga opisyales lang naman ang makikinabang.


“Not doing great, huh?” mayabang na balik sakin ni Divo, gusto ko itong sigawan at dukutin ang mga mata nito para tumigil ito sa kakairap at maalis ang ngiting aso ng kumag sa mukha.


“Actually---(di ko pwedeng sabihin dito ang study ko o maski banggitin manlang at baka makopya pa ng iba. :-P)” matapos kong ibigay ang jist at ang konklusyon ng study ko ay napanganga na lang si Divo. Naungusan ko kasi ito na hanggang ngayon ay nasa theoretical framework parin lang. Ngayon ako naman ang ngumiti ng nakakaloko dito.


Dumaan si Erwin sa harapan ko, hindi nakaligtas dito ang namumutlang mukha ni Divo at nanlulumo nitong katawan.


“Anong kailangan ni Diva?” tanong ni Erwin habang pinagaaralan ang ginawa kong inventory sa mga supplies.


“Di lang siya makapaniwala na matatapos na ako sa study ko.” sabi ko dito sabay kibit balikat. Napanganga naman si Erwin.


“Seryoso?” tanong nito sakin. Tumango naman ako bilang sagot.


“Masama bang matapos ako agad? I mean, hindi naman bara bara yung trabaho ko---” depensa ko.


“Natutulog ka pa ba?” putol nito sa sasabihin ko.


“Oo naman! Magaling lang talaga ako sa time management no! Saka may calendar of activities ako, di ako pwedeng matulog nang hindi natatapos ang mga nakasulat doon.” sabi ko dito sabay kibit balikat.


“You have the beginnings of Obsessive Compulsive dis---” simula ni Erwin pero hindi ko na ito pinatapos.


“Having the beginning signs of OCD is still normal as long as you can still function well and your psychological needs are still met, as long as it doesn't affect my everyday living and the way I present myself everyday, it is still acceptable.” sagot ko kay Erwin habang nagpapalit ng swero sa isang pasyente. Nagtaas ng dalawang kamay si Erwin na miya mo sumusuko.


“Nerd!” bulong nito.


“Thank you.” sarkastiko kong balik dito.


Buong otso oras akong ininis ni Erwin sa pagiging O.C. Ko at pagiging nerd, sinabayan pa yun ng pagdagsa ng pasyente at pangungulit ulit ni Divo tungkol sa study ko. Kaya naman nang matapos na ang aking duty ay halos patakbo akong umuwi. Pagod na pagod, nagsasawa at nagdadalawang isip. Napaisip ako bigla, bigla kong kinilatis ang lagay ko ngayon at ni Rick, tinanong ko ulit ang sarili ko kung tama ba ang mga ginawa ko, ang pagtratrabaho ulit sa ospital, ang paglipat at paglayo sa mga kaibigan ko at pagtaya sa hindi ko alam.


“Am I OK? Is everything OK? Has anything actually changed?” tanong ko ulit sa sarili ko habang papasok ng pinto ng aming apartment.


“HAPPY BIRTHDAY!” sabay sabay na sigaw ng mga ito. Maluha-luha kong pinagmasdan ang mga taong andun. Napangiti ako.


“Everything is going great!” bulong ko sa sarili ko at ngumiti ulit.


“Everything is DEFINITELY great!”


“It's time for you to blow---” pabitin na sabi ni Kuya Ron na alam kong may malalim pang ibig sabihin ang kaniyang sinabi. “---the candle!” tapos nito, sabay kaming napailing ni kuya Marc at ng iba pang nakakuwa ng patagong biro na iyon. Naramdaman ko ang paghila ni Rick sa aking pantalon, kinarga ko ito, hihipan ko na sana ang mga kandila nang...


“Wait!” sigaw ni kuya Ron. Nagtinginan sa kaniya lahat ng taong andun.


“Hindi pa natin kinakantahan ng happy birthday si Migs!” sigaw ulit nito. Nagkatinginan ang mga andun at umiling at sabay sabay na kumanta, wala man sa tono, lalo na ang briton na nagngangalang Chris sa may bandang unahan, ay naidaos parin nila ang pagkanta non.


“Make a wish!” bulong ni kuya Ron sabay tango. Napangiti ako, sinarhan ko ang aking mga mata at hinipan ang mga kandila, naramdaman ko ang pagihip din ni Rick ng ilan sa mga kandila sa cake. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at biglang natigilan.


Nakatalikod lahat ng tao sa pinto kaya naman hindi nila nakita ang bagong dating.


0000ooo0000


“Do you really have to rub it in his face, huh?! Kailangan mo pang ipamukha kay Migs na you're not together anymore, that you're with somebody else, on his special day, in his apartment?!” singhal ni Edward. Nakita kong tumango tango si Fhey, Pat, Mae at Dave sa sinabing iyon ni Edward.


“Donna is Migs' friend too!” balik ni JP. Agad akong pumagitna sa dalawa, alam kong may mali nang makita kong naglalakad palabas ang mga ito kaya't sinundan ko ito at hindi ako nagkamali, kung hindi ako lumabas ay malamang nagpanabong na ang dalawa at nagcheer pa ang iba imbis na umawat.


“Edward.” saway ko kay Edward nang ibibuka na sana nito ang kaniyang bibig para sumagot kay JP. Nagtaas ito ng dalawang kamay na nagsasabing suko na siya, pumasok na ulit ito ng apartment na umiiling kasunod ang apat. Susundan ko na sana ulit ito nang maramdaman ko ang kamay ni JP sa aking balikat. Humarap ako dito.


“Can we talk?” tanong nito.


“Drama. Drama. Drama. When will you leave me alone?” bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang mga nagmamakaawang mata ni JP.


“Look, JP, we don't have anything to talk a---” simula ko pero ginulat ako ni JP nang bigla ako nitong yakapin ng mahigpit na siya namang ikinatigil ko sa pagsasalita.


“I miss you.” bulong nito.


At sa puntong iyon, ang pakiramdam na akala ko ay tuluyan nang nawala kasabay ng depresyon at pangungulila ay bumalik na parang minagic. Agad na nangilid ang mga luha ko.


“Lumipat ka ng bahay, nagtetext at tumatawag ako sayo pero hindi ka nagrereply saka di mo sinasagot ang mga tawag ko, kinulit ko sila Fhey pero matigas din sila---” naramdaman kong umiling si JP saka tumuloy sa pagsasalita “--- I found out about your blog, Fhey told me about it, sabi niya if I want to know what you're up to and how you are, magbasa lang daw ako dun, and nito lang nung ma-realize ko kung pano ako naging si JP na mahal na mahal mo to JP That-guy-who-broke-my-heart, I know I deserve all the hateful comments there and believe me when I say that it got under my skin, nun ko rin na-realize kung gaano kita nasaktan---”


“JP, please, let's not do this now.” malamig kong balik kay JP, humiwalay agad sa pagkakayakap sakin si JP, tila ba may nagsabi dito na hindi ko kailangan ng paliwanag at mga sinasabi niya, nakita ko kung pano rumehistro sa mga mata ni JP ang sakit.


“I-I'm s-sorry.” bulong nito sabay pasok ng apartment. Napabuntong hininga ako, di ako makapaniwala na ganun lang kadali babalik lahat ng mga pinilit kong kalimutan na sakit nitong mg nakaraang buwan.


Papasok na sana ulit ako ng apartment nang may marinig akong pagpalakpak sa aking likuran. Nakita ko ang isang kotse na nakaparada sa tapat ng apartment, nilapitan ko ito, nakabukas ang drivers side at doon nakaupo habang nagyo-yosi ang lalaking pumapalakpak kanina na para bang ang ginawa namin kanina ni JP ay isang scene sa teatro.


Si Pao. Simula nung ipakilala ni kuya Marcus sakin si Pao nung nasa college pa lang ang mga ito ay hindi ko na ito nagustuhan, kasi siguro nun pa lang nabasa ko na sa mukha at kilos nito na wala itong idudulot na mabuti kay kuya and true enough, pagtungtong na pagtungtong ko ng college nakita ko ang totoong relasyon ng dalawa, hindi lang bilang mag-best friend, kundi mag boyfriend at kung pano nun binago ang kuya ko. Di ko na ito pinagaksayahan pa ng panahon, tinalikuran ko na ito at papasok na sana sa apartment nang magsalita ulit ito.


“I know how it feels, Miguel. I've been there, actually--- I'm still there.” umiiling na sabi ni Pao, agad akong humarap ulit dito. Tama siya, pareho lang kami ng sitwasyon. Si kuya, may ate Carmi na at alam kong nasasaktan si Pao dun, ako, si JP meron ng Donna, ang kaibahan lang namin ni Pao isinisiksik niya parin ang sarili niya kay kuya habang ako tinalikuran ko na si JP, pero pareho lang kaming nasasaktan. Tila ba nakatingin ako sa sarili kong repleksyon nang tignan ko si Pao.


“Want to tell me about it?” tanong nito sakin. Inabot ko ang kahon ng yosi sa may dashboard ng sasakyan nito kahit hindi ako nito inaalok, kailangang kailangan ko kasi ng pampatanggal stress at yosi ang naisip kong pantanggal nito. Hindi ko kinuwento sa kaniya ang nangyari samin ni JP, sa halip ay nagbato ako ng tanong dito.


“How'd you do it?” tanong ko dito pagkatapos sindihan ang yosi, saglit na nagdikit ang kilay ni Pao.


“Did what?” balik nito.


“How can you bear being in the same room with ate Carmi and kuya Marc?” Tanong ko dito. Nagkibit balikat si Pao, isa pa ito sa pinakakinaiinis ko dito, masyadong care free, walang pakielam sa mga consequences na pwedeng idulot ng actions niya, walang seryosong usapan at walang respeto sa seryosong usapan. Sa iba hindi ito kainis-inis, pero para sakin, ewan ko, siguro naiiinggit ako dito at gusto ko ring maging care free na lang din tulad niya. Walang pakielam.


“You know what?! Screw you! Ngayon ka na nga lang kakausapin ng matino di ka pa sumagot ng maayos. Bahala ka na nga diyan.” balik ko dito sabay patay sa yosi.


“Happy Birthday!” balik nito sabay lumatay sa mukha ang ngiting aso. Pinigilan ko ang sarili ko na umirap.


“Asshole!” singhal ko.


Nang lumalim na ang gabi ay isa-isa nang naguwi-an ang mga bisita, tanging si Ate Carmi, Kuya Marc, anak nila na siyang may ari ng bahay, si Rick na kasama ang kaniyang pinsan ay natutulog na sa aking kwarto at si Pao na paalis na lang ang natira. Naglinis na kami ng buong apartment, nang ilalabas ko na ang mga basura ay walang sabi sabing bigla na lang hinablot ni Pao ang isa sa mga garbage bag na hawak hawak ko at sinamahan akong magtapon nito sa labas.


Hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin, naiinis parin ako sa pambabalewala nito kanina saking tanong at sa hindi pagsagot sa maayos kong tanong kanina, hinayaan ko na lang itong maglakad sa tabi ko at gayahin ang tamang pagtatapon ng basura na gawain namin doon, nang maisalansan ng maayos ang mga basura ay naglabas ng isang pack ng sigarilyo si Pao at inalok ako. Wala sa sarili kong tinanggap ito.


“Want to get out of here?” tanong nito, wala sa sarili akong tumango matapos mapatingin sa apartment.

0000ooo0000

“What are we doing here?” tanong ko kay Pao nang makarating kami sa isang bar kung saan may live band na tumutugtog. Hindi nanaman ako sinagot ng maayos ni kumag, nagkibit balikat lang ito at ngumiting aso ulit.


“Stay here, I'll just go to the mens room.” paalam nito, di pa man ako nakakasagot ay tumalikod na ito at mabilis na nawala sa paningin ko.


“Asshole!” singhal ko ulit. Humarap ako sa bar at sinenyasan ang barista.


“San Mig light.”

0000ooo0000

Magtre-trenta minutos na at di parin bumabalik si Pao, nagsisimula na akong mainis kaya naman iniwan ko na ang bote ng beer na kasalukuyan kong inuubos at tumayo na, napagpasyahan kong umuwi na lang, malapit na ako sa may pinto nang makarinig ako ng pamilyar na boses na nanggagaling sa malalaking speaker na naka-kalat sa buong bar.


“I would like to greet a friend of mine a happy birthday.”


Agad akong napaharap sa gawi ng entablado. Nagsimula ng kumanta si Pao.


0000ooo0000


“Marcus Salvador Calling” sabi sa screen ng telepono ko, dinecline ko ang tawag at bumalik na lang sa pagtulog, malapit na akong kainin ng aking mga panaginip nang makaramdam ako ng paggalaw sa aking tabi, agad nagising ang diwa ko atsaka tumingin sa aking kanan.


“Oh shit!”

No comments:

Post a Comment