by: unbroken
Nakita ko ang pagiba ng mood ni Rex sa
pangalang narinig. Maging si Choi ay biglang natameme. Nakakapagtaka lang.
“Ready na kayo boys?” tanong ko.
“Sana nga ready kami.” mahinang bulong
ni Rex.
“Ha? Bakit? Anything wrong? Bakit
bigla kayong natahimik na dalawa?” nagtataka kong tanong.
“Wala naman. May naalala lang ako sa
pangalan na yun.” sagot ni Choi.
“Ako din.” dagdag pa ni Rex.
“Oel? O sya sige. Lumakad na tayo
papunta sa may swing na lagi naming tinatambayan ng ex ko. C'mon boys,Let's
rock.” sabi kong masigla.
Malamig na mga ngiti ang isinukli sa
akin ng dalawa. Hindi ko alam kung bakit o paano o ano ba talagang
nangyari,pero malamang sa alamang,may nagaganap na hindi ko alam. Binaybay
namin ang kahabaan ng parke. Masigla kaming pinapanuod ng mga langaylangyang
bumabagtas sa kulay pulang langit. Ramdam mo ang kapayapaang dala ng mga ito.
Iba talaga ang kapangyarihan ng kalikasan.
Patuloy kami sa paglakad,ako na
nageenjoy sa hangin,silang dalawa na tila tensyonado. Malapit na naming makita
ang ex kong talunan. Malapit na kong makaganti,malapit na akong makaganti.
Nakaramdam ako ng haplos ng kaligayahan. Alam kong this time,ako naman ang
mananalo. Ako ang magwawagi at ilalampaso ko si Oel.
Ilang segundo pa ay natatanaw ko na
ang swing na lagi naming tinatambayan. May kotseng nakapark,may babae. Natanaw
ko na si Oel. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Kaya ko to.
“Andyan sya, nakikita nyo ba yung
nakawhite?” sabi ko sabay nguso kay Oel.
“Oo.” mahinang sagot ni Rex.
“Sya yun?” nanginginig na sagot ni
Choi.
“Oo sya nga. Sya nga yun.” sagot ko.
Nakita kong napalunok silang dalawa.
Nakakapagtaka. Di na maganda to.
Lumapit kaming tatlo sa kinaroroonan
ng kotse. Natanaw kami ng babae at halatang nagulat ito sa nakita. Agad itong
nagtatakbo at naghihiyaw.
“Rex? Best? Ikaw ba yan Rex?” Hiyaw ng
babae,bakas na bakas sa kanya ang sobrang kaligayahan.
“Best?” nagtatakang sabi ni Rex sa
babae.
Ilang segundo pa ay nakita kong
nagtama ang katawan ng dalawa. Nagyakap si Rex at ang babae. Magkakilala sila.
Pero paano? Sino ang babaeng ito na kasama rin ni Oel? Napaharap si Oel sa
aming 4.ako,si Rex,si Choi at ang kasama nyang babae,kitang-kita ko ang
panlalaki ng mata nito sa amin.
“Best! Kumusta ka na?” maligalig na
sabi ng babae.
“Okay naman ako. Ikaw best?” magiliw
na sabi ni Rex.
“Uuyyyy! May hinahantay kami ng asawa
ko eh! Ipapakilala kita sa kanya! I really just couldn't imagine na dito tayo
nagkita after many years! OMG! I really couldn't believe it.” sabi nito kay Rex
sabay yakap ulit dito.
“Sinong asawa mo?” tanong ni Rex.
“Ayan sya oh!” sabay turo kay Oel.
“Si Oel,” dagdag nito.
Asawa? So sya yung pinagpalit nya
sakin? In fairness. Maganda.
Sa di mapaliwanag na dahilan,nakita ko
ang pamumutla sa mukha ni Rex. Sinilip ko ang nananahimik na si Choi at kita ko
ang luha sa nagngangalit na mga mata nito. May nangyayaring hindi ko alam. Di
ko magets bakit tensyonado sila masyado,ako dapat ang tensed. Hindi sila.
Patuloy ang pagdaldal ng babaeng
kasama ni Oel kay Rex. Si Rex ay natulala at tila di makapaniwala sa
nangyayari. Nagtama ang aming mga paningin at tila nakita kong pumatak ang
kanyang mga luha. Bumaling sya sa akin at nagwika.
“Rob,meet my best friend. Wendy.” sabi
nito sa akin bilang pagpapakilala sa kanyang bestfriend.
“Sya yung nabanggit ko sayo dati na
ipapakilala ko,remember?” dagdag pa nito.
“Ahh yes. I remember. Nice meeting you
Wendy.” sabi ko sabay abot ng kamay ko sa kanya.
“Nice meeting you Rob,ikaw siguro ang
bagong someone ng bestfriend ko?” sabi nito saking magiliw.
Ngiti lang ang sinagot ko dito.
Then there's an awkward silence.
Natahimik lahat. Walang gustong
magsalita. Si Choi at Rex ay biglang natahimik habang nakatitig kay Oel. Nakita
kong nakatingin si Oel kay Choi,maya-maya lumipat na sya ng tingin kay Rex.
Nakita kong may mga luha sa kanilang mga mata. Ilang segundo pa,dali-dali
kaming hinatak ni Wendy papalapit sa kanyang asawa. Si Oel.
Ilang hinga lang ang pagitan namin ni
Oel. Ganoon din sila Rex at Choi. Walang kakibo-kibo,namumutla at lunok ng
lunok ng laway. Very unusual.
“Ayyy,best,eto nga pala ang asawa
ko.....”
“Kilala ko sya.” pagputol ni Rex sa
bestfriend nya.
“Do you remember best? Nakwento ko
sayo before,my first major heartache?” tanong ni Rex.
“Yes best. Why?”
“Nakikita mo ba tong lalaking katabi
ni Rob?” sabi nito patungkol kay Choi.
“Oo best. Sino sya?” tanong ni Wendy
na naguguluhan na rin.
“Sya si Choi.” mapait na sabi nito.
“Hi Choi.” sabi ni Wendy sabay abot ng
kamay kay Choi.
Choi held her hand and they did a firm
handshake. After the handshake,Choi exhibited a painful smile while looking at
Oel.
“Si Choi ang nangagaw sa ex ko.” sabi
ni Rex.
“Oh,Sorry to hear that.” sabi ni
Wendy.
“Alam mo kung sino yung ex ko na yun?”
matapang na sabi ni Rex.
Nakaramdam ako ng kaba. Nakukuha ko na
ang nangyayari.
“Sii..Siino?” nauutal na sabi ni
Wendy.
“Si Oel.”
Bomba! Parang bombang sumabog ang
lahat. Narinig ko ang bagay na sa tingin ko ay di ko na dapat nalaman.
naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Putanesca. Masakit.
“Ha?” naiiyak na sagot ni Wendy.
“Bakit di mo mismo tanungin sa asawa
mo lahat?” sabat ni Choi sa usapanm.
Bumaling si Wendy ng tingin kay Oel na
kanina pa namumutla sa kanyang kinatatayuan. Tumitig sya kay Oel na waring
nanghihingi ng paliwanag. Lumapit si Oel sa kinalalagyan naming 4. Hindi ako
nakapagpigil at dali-daling lumipad ang mga palad ko sa pisngi ni Oel.
“PAK!” tunog na nagecho sa park nang
tumama ang palad ko sa makinis nyang mukha.
“OMG! Bakit mo sya sinampal?”
natatarantang sabi ni Wendy sabay alo sa asawa.
“He deserves more.” gigil kong sabi.
“What do you mean?” naiiyak na sagot
ni Wendy.
“Sabi mo may inaantay kayo?” singit ni
Choi.
“Oo meron nga.” sagot ni Wendy.
“Kilala mo kung sino yun?” balik na
tanong nito.
“Hindi.” nalilitong sagot ni Wendy.
“Ako yun. Ako ang hinihintay nyo.”
sagot ko kay Wendy.
“Wendy bumalik ka na sa kotse. Ako na
ang kakausap sa kanila.” sabi ni Oel sa asawa.
Akmang aalis na si Wendy ng biglang
tawagin ito ni Rex.
“Wag kang aalis Best. I want you to
hear everything.” naiiyak na sabi nito sa kaibigan.
“Please Wendy. Get inside the car.”
pakikiusap ni Oel sa asawa.
“Bakit Oel Milana? Ayaw mo bang
marinig ng asawa mo lahat ng kabaklaa mo?” maanghang na sabi ni Choi.
“Please Wendy. Bumalik ka na sa
kotse.” naiiyak na sabi ni Choi.
“Don't,Wendy. Witness this. After nito
mawawala na din naman kaming tatlo sa buhay nyong magasawa.” sagot ko.
“Fine. I'll stay.”
Wendy gave an odd look to Oel. Oel
didn't know what to do.I know I'm hurting. But this has to end.
“Ano na Oel? Ngayong nandito na ako at
nakita mo na ang dalawa kong boyfriend namely Rex and Choi? Convinced ka na ba
na masaya ako sa kanila? Tigilan mo na ako. Wag mo na kong guluhin at wag na
wag ka ng pupunta sa bahay at magmakaawa na hihiwalayan mo ang ASAWA mo para
sakin.” sabi ko.
Nakita ko ang reaksyon ni Wendy.
Bumuhos ang luha nito. Tumingin ito kay Oel. Nakita ko ang pagrehistro ng galit
sa kanyang mga mata.
“Hayop ka din Oel no? Ang galing mo.
Imagine,iniwan mo ako para kay Choi.” sabi ni Rex.
“Iniwan ka nya para sakin,pero pinagpalit
din nya ako sa iba.” sabi ni Choi.
“Sorry Rex at Choi.” sabi ni Oel na
nanginginig.
“Kanino mo ko pinagpalit Oel? Kanino!”
sigaw ni Choi kay Oel.
“Kay Rob.” maiksing sagot ni Oel.
Napabaling si Choi sa akin. Napatingin
ako sa kanya at kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
“Wala akong alam dyan Choi.” sabi ko.
“Hayop ka Rob. Ikaw pala ang dahilan
kung bakit ako iniwan ni Oel. Hayop ka!” sigaw ni Choi sa akin.
Magsasalita na sana ako nang biglang
lumipad ang palad ni Choi sa aking mukha.
“Paaaaaaakkk!”
“Kulang pa yan Rob! Kulang pa!”
Tila nanunuod ng telenovela sila
Rex,Oel at Wendy. Kita ko kung paano sila umiiyak at paano sila nadadala sa
eksena namin ni Choi. Maanghang na salita ang binitiwan sa akin ni Choi. I
found him pathetic. Hindi ko alam na magiging ganito ang turn-out ng mga
pangyayari. Napatunayan ko lang na di pa pala talaga over si Choi sa kanila ni
Oel. He's still In love with Oel. Kasi kung hindi,bakit pa nya ako kailangang
sampalin at sabihan ng kung anu-ano? Punyeta. Masakit ang sampal nya.
“Choi. Puta naman oh! Ang sakit ng
sampal mo!” sigaw ko sa kanya.
“Tama na yan. Wag na kayo magaway.”
saway ni Rex.
“Hayop kayo! Hayop kayo!” nagwawalang
sabi ni Choi.
Ilang segundo pa ay ngumawa ito na
parang bata. Nagulat ako sa inasal ni Choi. He threw a dirty finger sa amin
lalo na kay Oel. At tumakbo ito papalabas na parang bata. Umiiyak.
“Freeeaaaaakkk ka Choi! Hindi ko alam
na si Oel ang common denominator natin!” sigaw ko sa kanya habang papalayo sya.
Isang yakap ang sumalubong sa akin.
Mainit na yakap ni Rex.
Lahat kami ay lumuluha. Hindi ko alam
pero wala ng gustong magsalita. Naging saksi na naman ang parkeng iyon sa aking
mga luha. Naging saksi ang parke sa Grand Eye Ball ng taon.
“Rex.” sabi ni Oel.
“Oel.” mahinang sagot nito.
“Patawad.”
Nakita kong tumulo na ang kanilang mga
luha. Naghinang ang kanilang mga katawan. Nagyakap ang dating magkasintahan.
Nanunuod pa rin ang lumuluhang esposa na si Wendy. Halatang nasaktan at patuloy
pa rin na nagtataka sa mga nangyayari. Matagl na nagyakap ang dalawa.
Nakaramdam ako ng closure sa kanilang part. Masaya ako para sa kanila ni Rex.
“Rob.”
Di ko alam kung sasagot ba ako o
hindi. Tingin ko masyado ng mabigat ang nararamdaman ko. Siguro dapat na ngang
matapos to. Kailangan ko na rin syang patawarin para makausod na rin ako sa
buhay ko. Sana maging madali.
“Rob.”
“Di ko alam ang sasabihin ko Oel.
Pagod na pagod na ako.” sabi ko.
“Wag kang magsalita. Gusto ko lang
humingi ng tawad sa lahat. Ngayon alam ko na na magiging okay ka kay Rex.
Hahayaan na kitang maging masaya. Hindi na ako manggugulo.”
“Pinapatawad na kita.” maiksi at
umiiyak kong sabi kay Oel.
“Salamat.” Lumapit ito sa akin at
yumakap.
Naramdaman kong muli ang pamilyar na
yakap na iyon. I haven't felt that for a long time and I must say it's better
than before. Matagal kaming nagyakap ni Oel. Mainit pa rin ang kanyang katawan
and he's still wearing the same perfume. Ilang segundo pa ay kumalas kami sa
pagkakahinang ng aming mga katawan. Tumitig sya sa akin,mata sa mata,at
naramdaman ko nalang ang pagtama ng kanyang mga labi sa aking naauhaw na mga
labios. Matagal at matamis ang aming halikan. Nagtunggali ang aming mga labi.
Parehong lumuluha ang aming mga mata.
Nagkalag na kami at nagtitigan. Alam
ko sa sarili ko na mahal ko pa nga rin sya. Sa kabila ng lahat ng
nangyari,mahal ko pa sya at galit lang ang nangibabaw sa akin. Tumingin ito sa
akin at nagwika.
“Mahal na mahal pa rin kita Rob. Alam
mo yan.” sabi nito sa akin.
“Mahal pa rin kita Oel pero di na
tama. May asawa ka na.” sabi ko sa kanya.
“Alam ko.” sagot nito.
“Tama na to Oel. Pinapalaya na kita.
Pinapalaya ko na ang sarili ko sayo. Tama na.” sabi kong nakangiti.
Lumayo na ako kay Oel at lumapit ako
kay Rex. Tumingin si Oel kay Wendy na kanina pa umiiyak. Lumuhod si Oel at
kinuha ang kamay ni Wendy.
“Sa kabila ba ng lahat ng nakita at
narinig mo,matatanggap mo pa ba ako?” tanong nito kay Wendy.
“Hindi ko alam Oel. Pero susubukan
ko.” umiiyak na sabi ni Wendy.
Tumayo si Oel at ginawaran si Wendy ng
halik sa mga labi. Tumalikod na kami ni Rex papabalik sa sasakyan. Hindi na
namin alam kung anong nangyari sa magasawa,pero umaasa kami na magiging okay
sila matapos ng mga pangyayari ngayong araw.
Sumakay kami ng kotse. Walang imikan.
Makikita mo ang sayang dala ng closure sa amin. Hindi kami sobrang saya pero
ramdam namin na nabunutan na kami ng tinik sa lalamunan.
“Hatid na kita sa inyo?” tanong ni Rex
sa akin.
“Hindi na siguro.” sabi ko.
“Bakit? Ayaw mo na ba?”
“Hindi naman sa ayaw ko. After what
happened,narealize ko na small world lang talaga tayo.”
“Oo nga.”
“Imagine? Ex mo,Ex ni Choi,Ex ko rin.”
sabi kong nakangiti.
“Asawa pa ng bestfriend ko.”
“Ang liit ng mundo.” sabi ko.
“Oo nga.” sagot nya.
Tahimik. Patuloy sa pagmamaneho si Rex
hanggang marating namin ang labasan ng parke. Konting liko,konting
ikot,narating na naman ang ilalim ng Kamuning MRT Station. Pumarada sya sa baba
nito at nagusap kami.
“Rob.”
“Hmmm?”
“After lahat ng nakita at narinig mo
ngayon,do I still deserve a chance?” tanong nito sa akin.
“Hindi ko alam Rex.”
“Hindi mo alam?” tanong nito.
“Oo. Hindi ko alam. Maybe hindi pa
ngayon.”
“Magaantay ako Rob.”
“Rex wag na siguro?” sabi ko.
“Bakit?”
“Magkikita tayo ulit pag tayo nga
talaga. I realized na di ka pa din talaga ready. Mahal mo pa din sya. Malaking
kagaguhan kung magiging tayo pero mahal natin eh iisang lalaki lang.”
“Siguro nga Rob. Salamat.” sabi ni Rex
sa akin.
“Ako ang dapat magpasalamat Rex.
You're such an angel.”
“Salamat Rob.”
“Bababa na ako ha? MagMRT nalang ako.
Salamat sa paghatid.”
“Sure ka na ba?”
“Oo.”
“Ang weird lang. Nagsimula tayo sa
MRT,Matatapos sa Mrt din. Weird.”
“Oo nga Rex. Sige bababa na ako.”
Binuksan ko ang pinto ng kotse at
akmang bababa na. Narealize ko may utang pala ako kay Rex. Agad kong binalik
ang katawan ko sa loob ng kotse at ginawaran sya ng halik sa labi.
“Salamat sa lahat Rex.”
“Salamat Rob.”
Bumaba na ako sa kotse. Nagpaalam. Umakyat
sa station at sumakay ng train. Wala masyadong tao.
-----Wakas-----
strangersandunbrokenangels.blogspot.com
No comments:
Post a Comment