By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail:
miguisalvador@yahoo.com
[16]
Kunot
noong pinagmasdan ni Dan si Ryan habang naglalakad ito papunta sa sariling
kwarto. Tumatak kasi sa isip niya ang magandang ngiti at tila musikang
paghagikgik ni Ryan pero sa kabila nun ay hindi parin mapigilan ni Dan ang
maguluhan lalo na ng bawiin ni Ryan ang pinakawalan nitong ngiti na tila ba ang
ginawang iyon ay kaparu-parusa ng kamatayan. Hindi rin napigilan ni Dan ang
maisip na baka lasing nanaman ito pero nang mapagtantong hindi naman ito amoy
alak katulad ng mga nakaraang uwi nito na lasing ay nagkasya na lang siya sa
pag-iisip ng...
“Baka
may topak nanaman.” saad ni Dan sa sarili saka tumuloy sa kusina at nagsimula
ng magluto ng agahan.
Ngunit
habang pinipirito ni Dan ang mga itlog para sa umagang iyon ay hindi parin
tumitigil ang kaniyang isip sa paulit-ulit na pagpapaandar ng itsura ng
magandang ngiti ni Ryan. Dahil sa naalalang magandang ngiti ni Ryan ay hindi
narin napigilan ni Dan ang muling mapangiti habang nagluluto. Tila ba isang
magandang balita ang ngiti na iyon sa alam niyang magiging mahabang araw niya.
“Good
morning!” bati ni Bryan nang pumasok ito sa may kusina. Sasagot na sana si Dan
ng “good morning” din nang marinig niya ang mahinang paghagikgik ni Bryan.
“What
the hell is wrong with me? Meron ba akong dumi sa mukha or something?”
nangingiting tanong ni Dan kay Bryan na muling ikinahalakhak ng huli.
Muli
ay di maiwasan ni Dan ang paghambingin ang dalawang magkapatid. Maganda rin ang
ngiti ni Bryan at nakakadala din ang tunog ng mga tawa nito pero para sa kaniya
ay mas maganda parin ang ngiti ni Ryan at parang musika parin ang pagtawa at
paghagikgik nito.
“Your
hair. Para ka lang kinuryente.” sagot ni Bryan sabay turo sa buhok ni Dan at
muling humalakhak.
“So
ito yung pinagtatawanan ni Ryan?” tanong ni Dan sa sarili na napalakas lang
kaya naman hindi ito nakaligtas kay Bryan.
“Maagang
nagising si Ry?” tanong ni Bryan sa pagitan ng kaniyang mga hagikgik.
“More
like, maaga siyang nagising sa ibang kama at umaga na umuwi dito.” wala sa
sariling sagot ni Dan habang hinahango mula sa kalan ang kaniyang mga niluluto.
“What?”
tanong ni Bryan kay Dan. Hindi nakaligtas ang biglaang pagseryoso ng tono ni
Bryan nang magsalita ito kaya naman agad na humarap si Dan sa huli.
“I
said, he just got home. Nagkasalubong kami at siguro nung makita niya yung
buhok ko, katulad mo, napatawa din siya.” ngunit imbis na mamangha sa pag-ngiti
ng kaniyang kapatid kay Dan na siyang hindi nito kasundo ay lalo pang sumeryoso
ang mukha ni Bryan.
“Excuse
me. I'll just talk to my brother for a while.” seryoso muling saad ni Bryan
saka mabilis na tumayo mula sa kaniyang upuan at mabibigat ang paang tinungo
ang kwarto ni Ryan at nang mapatapat na sa pinto ng kwarto nito ay tila kulog
naman ang pagkatok ng malaking kamay ni Bryan.
“What
the hell---?!” tila nabulabog sa isang importanteng meeting si Ryan dahil sa
tono ng galit sa boses nito nang sagutin niya ang pinto sa kaniyang kwarto.
“Where
the fuck have you been?!” sigaw pabalik ni Bryan na nagdulot kay Dan na lumabas
sa kusina at tignan ang nangyayari sa dalawa.
Nagulat
na lang si Dan nang batuhin siya ng isang masamang tingin ni Ryan.
Malayong-malayo sa maamong itsura nito nang makasalubong niya ito kanikanina
lang.
“Di
ka lang nakakainis at mahirap pa sa daga kung makaparasite dito samin.
Sumbungero ka din pala?!” singhal ni Ryan na ikinakunot ng noo ni Dan.
“Anong
ginawa ko?” nagaalalang tanong ni Dan sa sarili at muling pinaandar sa kaniyang
utak ang mga nangyari bago pa man nagalit si Bryan at sugurin ang kapatid nito
sa kwarto.
0000oo0000
Masaya
man at panatag man ang kaniyang loob kay Bryan ay hindi parin maiaalis ni Dan
sa kaniyang sarili na ilayo ang loob sa iba. Wala ni isa sa kaniyang mga
kaklase ang kinausap niya ng mahigit pa sa sampung minuto. Alam niyang may
malaki siyang problema sa pagtitiwala sa ibang tao matapos ang mangyari noong
kaniyang kaarawan may ilang buwan na ang nakakaraan. Pakiramdam niya kasi sa
tuwing may lalapit sa kaniya ay may iba pang interes ang mga ito sa kaniya.
Tahimik
na nagbabasa si Dan sa likod ng isa sa mga malalaking book shelves sa isang
silid aklatan na kaniyang madalas puntahan kapag wala siyang trabaho, pilit
hindi pinapansin ang pakiramdam niya na tila ba may nanonood sa kaniya. Saglit
siyang nagtaas ng tingin at nahuli ang isang grupo ng mga babae na nakatingin
sa kaniya at tila ba may pinagbubulung-bulungan.
Kung
ano-ano na ang sumagi sa isip ni Dan. Andyan na ang isiping may balak ang mga
ito sa kaniyang masama kaya't naguusap-usap ang mga ito, andyan din ang isipin
niya na alam nito ang nangyari sa kaniyang nakaraang kaarawan, ang
pagtratraydor sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan, ang kaniyang katangahan, ang
isipin na alam ng mga ito ang pagtalikod dahil sa sobrang pagka-dismaya sa
kaniya ng kaniyang ina.
Minsan
ay nagtatagumpay siya sa hindi pagpansin sa mga tingin na iyon, minsan hindi at
isa ang sandaling ito kung saan naramdaman pa ni Dan ang isa pang grupo ng mga
lalaki na nakatingin din sa kaniya at naguusap-usap. Asa aktong sasarhan na
sana ni Dan ang kaniyang librong binabasa ng maalala niya na kailangan niyang
basahin ang isang buong chapter nito kung hindi ay wala siyang maisasagot sa
oras na muling magbukas ang klase para sa second sem dahil wala siyang sariling
libro at wala rin siyang extrang pera para magpa photocopy kaya't magtitiis na
lang siya sa mga tingin na iyon habang nagno-notes at nagbabasa.
Asa
ganitong pag-iisip si Dan nang biglang dumilim ang pahinang kaniyang binabasa
dahil sa anino ng lalaki na sumulpot sa kaniyang unahan na siyang humarang sa
ilaw.
“Hi!
You're Daniel, right?” tanong ng lalaki na sumulpot sa kaniyang unahan galing
sa grupo ng lalaki sa di kalayuan na siyang nagkukuwentuhan sa gilid. Nakangiti
ito, hindi naman masasabing pangit ito, pero may isang bagay na nakita si Dan
sa mukha nito na talaga naman ikinatakot niya.
Ang
ngiti ng mga katulad ni Mike, Mark at Dave.
Nagsimula
ng mag-tense ang buong katawan ni Dan, nagsisimula ng magpapalit-palit papunta
sa kaliwa at kanan ang kaniyang mga tingin, naghahanap ng daan na kaniyang
takasan sa oras na hindi maging maganda ang kalabasan ng paguusap na iyon
nagsisimula ng manginig ang kaniyang mga daliri, nagsisimula ng mamawis ang
kaniyang mga palad at nagsisimula na siyang pagpawisan ng malamig.
“Leave
my boyfriend alone.” saad ng isang lalaki na biglang sumulpot sa likuran ng
lalaking nagdudulot kay Dan ng takot.
Nakaramdam
ng isang malaking braso si Dan sa kaniyang balikat at ini-akbay ito. Imbis na
isiksik ang sarili sa sulok katulad ng mga pagkakataong inaatake siya ng takot
sa oras na may humawak sa kaniya ay mas nakaramdam pa siya ng pagiging ligtas
habang asa kaniyang balikat ang malalaking braso na iyon. Nagtaas ng tingin si
Dan upang tignan kung sino man ang umakbay sa kaniya na iyon. Hindi nagtagal at
hindi na napigilan ang mangunot ang noo.
0000oo0000
Isa
sa pinka-ayaw ni Ryan ay ang pumasok ng maaga saka papauwiin din agad dahil sa
nakalimutan lamang ng kanilang propesor na magpa-abiso na hindi sila
makakapasok at makakapagturo katulad ng inaasahan sa klase ng mga irregular
katulad niya. Kunot noo sa galit at padabog na naglakad papunta sa library sa labas
ng kanilang unibersidad si Ryan, iniisip na duon na lang niya uubusin ang
kaniyang oras sa pagbabasa ng mga libro.
Inisa-isa
niya ang mga book shelves, naghahanap ng mga magandang mababasa sa seksyon kung
saan tampok ang mga librong para sa mga pre-law students nang makita niya hindi
kalayuan si Dan, nagbabasa ng isa sa mga libro sa pre-medicine section ng silid
aklatan na iyon.
Hindi
niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng inis lalo pa't naalala niya ang
nangyari noong nakaraang araw matapos sabihin ni Dan sa kaniyang kapatid na
kararating lang niya sa kanilang apartment noong umagang iyon at hindi doon
natulog.
“What
the hell---?!”
“Where
the fuck have you been?!”
“Di
ka lang nakakainis at mahirap pa sa daga kung makaparasite dito samin.
Sumbungero ka din pala?!” di napigilang singhal sabay bato ng masamang tingin
ni Ryan kay Dan na miya mo naguguluhan sa mga nangyayari.
“Leave
him alone!” singhal pabalik ng kaniyang kakambal sa kaniya, sabay bagsak ng
pinto sa likod nito.
“Why
the fuck do you have to know?!” singhal pabalik ni Ryan na ikinasagad ng
pasensya ni Bryan.
“Because.
I. Don't. Want. to. Fucking. See. You. Destroy. Yourself. Again.” bawat
salitang bigay diin ni Bryan kay Ryan habang tinutusok ang dibdib nito gamit
ang hintuturo. Saglit na natunaw ang pagkairita ni Ryan matapos itong marinig
mula sa kakambal pero mas nanaig iyon ng inis kay Dan dahil sa pangingielam
nito.
Pero
ang inis na iyon ay agad nawala nang makita niya ang tila ba natatakot na
itsura ni Dan. Noong una niya pa lang na nakita si Dan ay alam na ni Ryan na
may kakaiba dito. Masayahing tao man ang ipinapakita nito sa kaniyang kapatid
maski nung una pa lang nitong kakikilala kay Bryan ay huling huli naman niya
ang pagiging malungkot nito lalo na kapag nasa skwelahan sapagkat halos pareho
sila ng schedule nito samantalang si Bryan ay taliwas ang oras ng pasok sa
kanila.
Napansin
din ni Ryan na hindi naman suplado si Dan kundi natatakot ito. Sa hindi niya
maintindihan na rason ay natatakot siya sa mga taong mukhang nakakakilala naman
sa kaniya, katulad na lang ng pagkakataon na iyon kung saan may isang grupo ng
babae na mukhang mga kaklase niya na patuloy lang sa pagpapapansin sa kaniya sa
halip na mag-aral ng kanilang aralin o ang grupo ng mga lalaki na mukhang
nagpapapansin din sa kaniyang kasama sa bahay na miya mo gusto ring
makipagmabutihan dito.
Hindi
na nagtataka pa si Ryan kung magiging patok si Dan sa kaniyang mga kaklase.
Gwapo ito, matalino at mabait. May kapayatan man ito o slim na tinatawag ay
maganda naman ang katawan nito dahil banat din ito sa trabaho, may maamong
mukha at tila isang anghel kung ngumiti. Hindi lang ito matalino patungkol sa
mga itinuturo sa skwelahan o sa silid aklatan, matalino din ito sa bagay bagay
sa buhay o yung tinatawag na madiskarte o street smart kung baga at huli sa
lahat ay mabait dahil kahit ilang beses man niyang singhalan ito sa kanilang
bahay ay hindi parin ito umaalma sa kaniya ni isang beses.
Hindi
nagtagal ay marahil hindi na nakapagpigil pa ang isa sa mga asa grupo ng lalaki
at lumapit na ito kay Dan. Alam niya ang sexual preference ni Dan matapos niya
itong sabihin sa kanila ng kaniyang kambal noong una silang nagkakilala nito sa
apartment at alam niyang kaya ito nilapitan ng lalaking iyon dahil
nagwagwapuhan din ito kay Dan at kung si Ryan ang tatanungin ay hindi naman
lugi si Dan kung sakaling papatulan nito ang lalaki lalo pa't may itsura din
ang huli.
Pero
nang makita niya ang hindi pagkapalagay ng loob ni Dan habang nakikipagusap sa
lalaking lumapit sa dito lalong lalo na ang pagpikit ng mga mata nito at ang
tila ba nagisismulang panginginig ng katawan nito nang abutin ng lalaking iyon
ang braso ni Dan at pisilin ito. Sa pakiwari ni Ryan ay wala namang masama sa
ginagawa ng lalaking iyon lalo pa kung nagpapakita lamang naman ito ng simpleng
interes kay Dan pero hindi na niya napigilan ang sarili na lumapit sa dalawang
ito lalo pa't napapansin niyang tila ba lalong hindi nagiging palagay si Dan.
“Leave
my boyfriend alone.” tawag pansin ni Ryan.
0000oo0000
“Leave
my boyfriend alone.”
Noong
una ay akala ni Dan ay si Bryan ang umakbay sa kaniya at nagpapakilalang
boyfreind niya pero nang makita niya ang magandang ngiti na siyang tangi niyang
gusto sa pagkatao ni Ryan. Kung nung una na akala niya na si Bryan ang
naka-akbay sa kaniya ay todo na ang kaniyang pagtataka, ngayong nakilala niya
na si Ryan pala ang kambal na iyon ay hindi lang nagtataka si Dan, natatakot
siya dahil hindi niya alam kung meron bang natatagong intensyon si Ryan katulad
nila Mark at Dave noon.
“S-sorry,
dude. I just want to talk to Dan---” simula nung lalaki.
“Get
lost.” singhal ni Ryan na siya namang agad na sinunod nito.
Nang
makalayo na ang lalaki ay agad na umiwas si Dan sa malaking braso ni Ryan at
mabilis na naglakad papunta sa kabilang labasan ng silid aralan na iyon. Hindi
alam ni Ryan kung bakit pero wala sa sarili niyang sinundan si Dan.
“Thank
you ha!” sarkastikong balik ni Ryan na agad na nagtulak kay Dan na harapin siya
muli.
“I
think I saved your ass back there---” simula ni Ryan pero nang makita niyang
tila ba hindi naiintindihan ni Dan ang kaniyang sinasabi ay mas nilawigan niya
pa ang kaniyang ipinapahiwatig. “You're obviously not comfortable talking to
that guy---so yeah, a thank you would be just fine.” sarkastiko paring pahabol
ni Ryan na ikinasaid ng pasensya ni Dan.
“Look!
I don't know what your intentions are but whatever it is I just want you to
know that my ass doesn't need saving---” singhal pabalik ni Dan, natatakot
parin sa hindi alam na intensyon ni Ryan.
“You
could've fooled me---” putol ni Ryan sa sinasabi ni Dan pero nang makita niya
ang mangiyak-ngiyak na si Dan na tila ba nagmamakaawa na ayaw na niyang
makipag-usap pa kahit kanino ay binabaan na lang niya ang kaniyang pride at
tinapos na ang pagtatalo na iyon.
“You
know what, forget it.” umiiling na saad ni Ryan saka tumalikod mula kay Dan at
naglakad na palayo, ni lumingon ay hindi magawa dahil sa sobrang inis.
0000oo0000
“What's
wrong with you?” taas kilay na tanong ni Bryan kay Dan habang kumakain ng
ginayat na singkamas at habang pinapanood sa pagtitig ng huli sa kawaling
pinaglulutuan nito ng lumpiang shanghai.
“Wha-?
Oh, nothing.” wala sa sariling sagot ni Dan.
“Nothing?
I've been rambling about my gorgeous date last night for the past fifteen
minutes or so while you blankly stare at that frying fan para gamitin sa
pagpipirito ng mga shanghai na ginawa mo ang by the way those shanghai's ain't
gonna cook by themselves you know---” naputol ang marami pa sanang sasabihin ni
Bryan nang biglang humarap sa kaniya si Dan.
“Your
brother saved me from some asshole in the library by introducing himself as my
boyfriend.” wala sa sariling bulalas ni Dan na tila ba humihingi ng tulong kay
Bryan kung ano ba ang dapat niyang isipin at maramdaman. Kung ang ginawa bang
ito ni Ryan ay may iba pang hindi magandang ibig sabihin o ito ba'y kasama sa
mga magagandang ugali na pilit hindi ipinapakita sa kaniya ni Ryan.
“Oh---”
simula ni Bryan, nagulat din sa sinabing ito ni Dan pero naguguluhan din ito
dahil hindi niya makita kung ano ang mali sa ginawang iyon ng kaniyang kambal.
“I
mean--- may iba pa bang ibig sabihin yun, may hindi ba magandang pinaplano si
Ryan sakin? Kasabwat niya ba yung mga lumapit sakin kanina sa library?
Pagtritripan ba nila ako?” sunod sunod at takot na takot na tanong ni Dan.
Hindi
maikakaila ni Bryan na kanina pa ito gumugulo kay Dan at hindi niya mapigilang
maawa sa kaibigan. Tumatak na talaga dito ang ginawang pambababoy at
pantratraydor ng mga kaibigan nito sa kaniya at hindi masisisi ni Bryan ang
kaibigan sa nangyayaring ito pero ang higit na ikinalulungkot niya ngayon ay
ang katotohanang hindi na maibabalik ang pagtitiwala ni Dan sa kahit anong
pagkakataon kahit gano pa kalinis ng intensyon ng taong nais tumulong o
makipagkaibigan dito.
Hindi
napigilan ni Bryan ang sarili na lumapit dito at yakapin ito ng mahigpit.
“Di
ko naiintindihan ang pakiramdam na pinagkaisahan at trinaydor ng kaibigan at
hindi ko alam kung pano ka magtitiwala ulit pero sana maniwala ka sakin kapag
sinabi ko na hinding-hindi gagawin ni Ryan ang ginawa sayo ng mga hayop na yun,
na ang intensyon ni Ryan ay ang tulungan ka sa mga taong pwedeng manakit sayo
kahit gaano pa siya kagago makitungo sayo dito sa bahay.” mahabang sagot ni
Bryan habang nakayakap parin ito ng mahigpit kay Dan.
“P-pero---”
simula ni Dan pero agad din siyang pinutol ni Bryan sa pagsasalita.
“Trust
me on this one.” pakiusap ni Bryan kay Dan. Saglit na natigilan si Dan at hindi
kaila kay Bryan na pinagiisipan nito kung dapat ba siya nitong pagkatiwalaan at
alam ni Bryan na hindi ito madali para kay Dan matapos lahat ng nangyari dito
pero iniisip niya na dapat na niya sigurong sanayin at turuan muli ang kaniyang
kaibigan kung paano muling magtiwala kahit pakonti- konti at sisimulan niya ito
sa pamamagitan ng madalas na pagtanong dito kung pinagkakatiwalaan ba siya nito
at ang kaniyang kapatid.
“Y-yes.”
mahinang saad ni Dan na muling nagbalik ng ngiti sa mukha ni Bryan. Ngayong
alam niyang magiging maayos at panatag na muli ang loob ni Dan ay marahan na
siyang kumalas mula sa pagkakayakap dito at magsisimula na sanang maglakad
palayo nang tanungin siya nito.
“Were
are you going?”
“Gonna
ask the gorgeous girl I was talking about earlier on a date tonight since those
shanghai still won't cook by itself.” nakangising sagot ni Bryan sabay talikod
kay Dan upang wala na itong magawa pa sa kaniyang gagawin.
“OK.”
matipid paring sagot ni Dan saka pinilit ang sarili na ngumiti.
“Oh
and to leave you and Ryan some alooooneeee time since he said that you guys are
boyfriends now!” nangiinis na saad ni Bryan sabay sara ng front door sa
kaniyang likuran. Hindi naman mapigilan ni Dan ang mapangiti at mapailing sa
biro na ito ni Bryan.
“Tulad
ng sinabi mo ginawa lang ni Ryan yun para hindi ako malapitan nung lalaki
kanina!” sigaw pabalik ni Dan habang umiiling parin. “And besides, you're
brother is straight like you!” pahabol na sigaw ni Dan sabay tawa at iling,
iniisip na sa puntong iyon ay malamang nakalayo na si Bryan at hindi na nito
naririnig ang kaniyang isinigaw kaya naman nagulat siya at halos mapatalon nang
muling bumukas ang front door.
“Nobody
said about Ryan being straight!” sigaw ni Bryan sabay sagalpak ulit ng front
door bago pa man maisip ni Dan ang sinabi nito at sumagot pero bago pa man siya
makaisip ng isisigaw pabalik kay Bryan ay muling bumukas ang pinto. Iniisip na
naglalaro lang si Bryan at wala talaga itong date ay ipinagpatuloy na niya ang
kanilang naudlot na asaran.
“Back
already?! What? The girl couldn't stand your ugly face?!” pangaasar na saad ni
Dan kahit pa iniisip niya ang mga huling salitang binitiwan ni Bryan.
“Who
are you calling ugly?!” ang malamig na singhal na bumalik kay Dan na nagtulak
sa kaniya na harapin ang front door mula sa kaniyang nilulutong shanghai at
doon nakita niya ang kakambal ng kaniyang kahuntahang si Bryan, nasabi niyang
si Ryan ito dahil maliban sa iba ang damit nito ay seryoso din ang mukha nito
na tila ba pasan nito lahat ng incident report sa kanilang skwelahan.
“B-bryan.”
matipid na sagot ni Dan na lalong ikinasama ng mukha ni Ryan.
“You
do realize that we're identical, right?” singhal muli ni Ryan tinititigan ang
mga mata ni Dan na miya mo may gustong malaman mula sa mga ito.
Itutuloy...
[17]
Hindi
na nagawa pang sumagot ni Dan. Ayaw niya kasing pumatol sa naka-inom kaya naman
pinalagpas na lang niya ang tinototyo nanamang si Ryan. Muli siyang tumalikod
dito at ipinagpatuloy na lang ang pagluluto ng shanghai, hindi nagtagal ay
nakarinig na si Dan ng pagsinghap bilang tanda na hindi natuwa si Ryan sa
kaniyang pagtalikod dito habang nag-uusap sila at hindi pagsagot sa tanong
nito.
Hindi
na nagulat pa si Dan nang marinig niya ang pabalang na pagbagsak ng pinto ng
kwarto ni Ryan, kasunod ang ingay na tila ba may nagwawala sa loob ng kwarto
nito. Hindi na ito bago pa kay Dan sapagkat alam niyang nasasagi lamang ni Ryan
ang mga gamit na iyon kaya't nagkakalabugan, ilang beses na niya ito
nasasaksihan kaya't di na siya nababahala pa na baka nasaktan si Ryan sa tuwing
nangyayari ito.
Kaya
naman ipinagpatuloy lamang ni Dan ang kaniyang pagluluto. Nang makaluto na ay
nag-ahin na siya at umupo na upang kumain sana pero nang maalala niya na hindi
pa nga pala niya naaalok si Ryan kumain kahit alam niyang tatanggihan lamang
siya nito ay muli siyang tumayo at tinungo ang kwarto ng huli.
Ilang
beses pang kinatok ni Dan ang kwarto ni Ryan ngunit hindi ito sumasagot. Dati
rati sa tuwing kakatukin niya ito, hindi man siya nito pagbuksan ay maguusap
sila habang nakasarado ang pinto pero sa puntong iyon ay ni pasinghal na
pagtanggi ay hindi nagawa ng huli kaya naman wala sa sariling pinihit ni Dan
ang door knob ng pinto ng kwarto ni Ryan.
“Ryan?!”
000oo000
Pagkalabas
na pagkalabas ni Mike sa pinto ng clinic ni Cha ay wala sa sarili siyang napa
buntong hininga, natutuwa sa sobrang pag gaang ng kaniyang loob matapos ang ilang
session sa kaniyang therapist. Andun parin ang paminsan-minsang pangongonsensya
sa sarili, andun parin ang mga tanong at pagaalala kila Lily at Dan pero sa
tulong ni Cha ay madalang na ito.
Ayaw
man niyang ibaon sa limot lahat ng kaniyang masasamang bagay na nagawa sa best
friend at sa ina nito ay hindi naman niya ito mapipigilan lalo pa't ang payo sa
kaniya ni Cha ay dapat muli na siyang mabuhay para sa sarili niya dahil mukhang
ito na ang ginagawa ng kaniyang tita Lily, hindi man niya masabi na ito rin ang
ginagawa ni Dan dahil sa magpasahanggang ngayon ay wala parin siyang balita
dito ay iniisip na lang ni Mike na asa maayos itong kalagayan dahil kung hindi,
gaya ng sinabi ni Cha sa isa sa kanilang mga session ay ikababaliw niya at
ikalulunod sa depresyon ang pag-iisip ng mga bagay na iyon.
“Everything
is OK now.” saad ni Mike sa sarili saka naglakad palayo sa clinic ni Cha.
“Everything
is OK now.” saad muli ni Mike sabay ngiti. Ngiting naaayon sa gaang ng kaniyang
loob na nararamdaman ngayon.
000ooo000
Mabilis
na nilapitan ni Dan ang nakahandusay na si Ryan sa sahig ng sariling kwarto.
Agad niya itong itinihaya at tinignan kung meron itong mga sugat lalong lalo na
sa ulo sa pag-iisip na baka tumama ito sa matigas na bagay nang mawalan ito ng
malay, nang masigurong wala itong sugat at mukhang ayos naman ay sinubukan niya
itong gisingin ngunit tanging isang hindi maintindihan na salita lang ang
ibubulalas nito saka muling matutulog ng malalim.
“Ughhh.”
sagot ni Ryan sabay tulog ulit na ikina-iling na lang ni Dan.
“Ryan,
sasakit ang katawan mo dito sa sahig dapat sa kama ka na humiga pero kailangan
mong tulungan ang sarili mong tumayo dahil hindi kita kayang buhatin.” naiinis
ng saad ni Dan ngunit hindi na talaga maintindihan pa ang mga salitang sinasabi
ni Ryan.
Kaya't
wala man lakas pa ay pilit paring itinayo ni Dan ang may kalakihang si Ryan at
inalalayan ito pahiga sa kama. Dahil sa bigat at doble ang laki ng katawan ni
Ryan sa katawan ni Dan ay hindi naiwasan ni Dan ang mawalan ng balanse kaya't
hindi sinasadyang bumagsak ang katawan ni Ryan sa kama na lalong nakapag-pahilo
dito.
Saglit
na binuksan ni Ryan ang kaniyang mga mata, nung una ay akala ni Dan na
sisinghalan at sisigawan ulit siya ni Ryan pero nang nakita niyang naduduwal
ito ay agad niya itong itinagilid upang hindi ito mabulunan sa sariling suka at
para hindi narin nito masukahan ang kama.
“Bakit
naman kasi iinom-inom hindi naman pala kaya!” singhal ni Dan habang hinahagod
ang likod ni Ryan.
Nang
tumigil na sa pagsusuka si Ryan ay inayos niya na ito ng higa saka kumuwa ng
bimpo upang linisan ito. Hindi na sana niya ito papalitan pa ng damit pero may
mga bahid ng suka sa mga damit nito kaya naman wala na siyang nagawa pa kundi
ang palitan ito ng damit. Hindi napigilan ni Dan ang pagmasdan ang makinis na
balat at magandang katawan ni Ryan.
“Ano
bang ginagawa mo, Dan?!” umiiling na tanong ni Dan sa sarili na miya mo
ginigising ang sarili sa isang masamang panaginip. Matapos mapakalma ang sarili
ay saka siya kumuwa ng malinis na t-shirt sa aparador ni Ryan at isinuot ito sa
tulog na tulog paring si Ryan.
Matapos
linisin ni Dan ang pinagsukahan ni Ryan ay saka siya naglinis naman ng sarili
atsaka itinuloy ang pagkain. Habang mag-isang kumakain sa hapag kainan ay hindi
maiwasang isipin ni Dan ang dahilan kung bakit madalas maglasing si Ryan gayong
mukha naman itong walang problema, ilang dahilan pa ang sumayad sa isip ni Dan
habang kumakain siya at naghuhugas na siya ng pinagkainan ng matandaan ang
nabanggit sa kaniya noon ni Bryan.
“I'm
sorry. My brother took and locked the room that's supposed to be yours. He's
not supposed to be here, he was expelled from his last school because of some
fraternity trouble.” ang natatandaan ni Dan na unang pakilala ni Bryan sa
kaniyang kapatid na si Ryan nung una palang silang magkakilala nito.
Sumagi
tuloy sa isip ni Dan na baka kunektado ang nangyari noon sa pagkakaganun ni
Ryan lalo pa't nakwento rin ni Bryan na hindi ganun si Ryan noon. Naisip niya
na hindi talaga gusto ni Ryan ang lumipat ng unibersidad at ang pagtira ngayon
nito kasama ang kapatid ay nakapagpapaalala ng buhay niya ng wala itong kasama,
walang nagbabawal at may mga nakakaintindi sa kaniyang trip.
“Baka
yun nga yung reason.” saad naman ni Dan saka ipinagpatuloy ang paghuhugas ng
plato.
0000oo0000
“Mag-e-enroll
ka na bukas ah.” nakangiting saad ni Obet sa anak nang makita niya itong
nagbabasa ng libro. Agad na ibinaba ni Mike ang kaniyang binabasang libro
atsaka lumapit sa ama upang mag-mano.
“Opo.”
excited na sagot ni Mike na hindi naman nakaligtas kay Obet.
“Good.
Give it your best shot, anak.” nakangiti paring saad ni Obet sa anak sabay
yakap dito. Hindi nagtagal ay bumitiw narin si Obet sa yakapan na iyon ng
kanilang anak, hindi maitago ang kasihayan na nararamdaman samuling pagbabalik
ng kaniyang anak.
Nakangiting
pinanood ni Mike ang ama na maglakad palayo, nang masigurong hindi na ito
babalik pa upang silipin siya ay wala siya sa sariling lumakap papunta sa
bintana ng kaniyang kwarto at tinanaw ang katapat na bahay. Madilim na madilim
ito, napabuntong hininga si Mike, alam niya kung bakit tila abandonadong bahay
ang bahay nila Dan gayong andun naman si Lily sa loob.
“Tita.”
malungkot na saad ni Mike sabay talikod at bumaba papunta sa kusina.
0000oo0000
Simula
pagkabata ay alam na ni Mike kung asan ang switch mi-ultimo ang taguan ng pera
sa bahay nila Dan kaya naman hindi siya nahirapan na buksan ang bawat ilaw na
dapat buksan sa bahay na iyon nila Lily. Hindi siya nagkamali, andun nga sa
loob si Lily, ngunit tulog ito. Tulog sa may salas, may mga basyo ng alak na
katabi at umaalingasaw sa amoy ng alkohol.
Ayon
sa kaniyang ina ay matagumpay naman daw ang dinadaluhan nilang mga support
group pero alam din ni Mike na masyadong malakas ang hatak ng depresyon lalo
pa't wala kang kasama sa bahay. Alam niyang mas nahihirapan kesa sa kaniya ang
kaniyang tita Lily sapagkat anak niya ang nawawala pa hanggang ngayon at maski
sabihin ni Mike na kailangan na nitong mabuhay para sa sarili ay hindi parin
ito madali kay Lily dahil alam niya ding si Dan ang buhay nito.
At
dahil sa alam nga ni Mike na hindi nga ito madali ay pinadadali na lamang ito
ni Lily sa pamamagitan ng paginom.
“I'm
so sorry, tita.” malungkot muling saad ni Dan saka kinumutan si Lily matapos
itong iwanan ng pagkain sa may lamesa.
Papalabas
na sana siya ng bahay nang makasalubong niya ang kaniyang ina.
“I
heard the front door close after you so I decided to follow.” malungkot ding
saad ni Brenda habang sumusulyap-sulyap sa tulog na tulog na si Lily.
“It's
all my fault.” mangiyakngiyak muli na saad ni Mike.
“Shhhh---
we'll help them. I'll bring her to more support groups. I'll make her stop
drinking even if it means flushing all the liquors in this house. W-we'll make
it up to them.” tila pangungumbinsi ding saad ni Brenda sa sarili saka iniyakap
ang kaniyang katawan kay Mike. Hindi ipinapakita ang kaniya ding tumutulong mga
luha sa kaniyang anak.
0000oo0000
Nang
hindi na maintay pa ni Dan si Bryan dahil sa sobrang antok ay nagpasiya na siyang
matulog na ngunit papasok na siya sa kanilang kwarto nang maalala niya si Ryan
at wala sa sariling silipin kung OK lang ito. Napansin ni Dan na hindi na ito
nakukumutan kaya naman pumasok siya saglit sa kwarto nito at kinumutan ito.
Laking
gulat ni Dan nang biglang hablutin ni Ryan ang kaniyang kamay at pilit siyang
pinahiga sa tabi nito. Wala sa sariling tinignan ni Dan ang mukha ni Ryan at
nakita niyang tulog na tulog parin ito. Hindi nanaman niya tuloy mapigilang
isipin kung nagbibiro o nantritrip lamang ba ito o talagang tipikal lang na
lasing ito na hindi alam ang ginagawa. Sinubukan ni Dan na bumangon mula sa
tabi ni Ryan pero iniyakap na nito ang sarili sa kaniyang katawan.
“Please
stay.” tila isang batang nagmamakaawa na bulong ni Ryan sabay yakap ng mahigpit
pa kay Dan.
Ipagpipilitan
parin sana ni Dan na makawala sa mga yakap na iyon ni Ryan kaya lang ay
naunahan siya ng masarap na yakap na iyon ni Ryan. Matagal na niyang hindi
nararamdaman ang ganong klase ng yakap, yakap na tila ba nagsasabing hindi ka
pakakawalan ng kung sino mang nakayakap sayo, yung yakap na nagsasabing ligtas
ka kahit ano pa mang mangyari.
Pakiramdam
ni Dan ay mas panatag at ligtas siya sa yakap na iyon ni Ryan kesa sa yakap ni
Bryan kaya naman hinayaan na lang niya muna si Ryan na yakapin siya, iniisip na
kapag lumuwag-luwag na ang yakap nito ay makakaalis din siya doon.
Ngunit
hindi lumuwag ang yakap ni Ryan kaya naman dahil sa antok ay hindi narin
napigilan ni Dan ang pumikit-pikit saglit at ipahinga ang kaniyang mga mata
pero bago pa man siya tuluyang makatulog ay muli pang nagsalita si Ryan.
“Thanks
for staying, beh--- ”
Bago
pa tuluyang lamunin ng antok si Dan ay hindi niya maiwasang isipin kung gaanong
ka swerte ng babaeng tinatawag na beh ni Ryan at may isang Ryan na magtatanggol
at magmamahal sa kaniya.
0000oo0000
“I'm
home!” sigaw ni Bryan pero wala ng Dan na sumalubong sa kaniya. Nagkibit
balikat na lamang siya at nagtungo sa kusina upang malaman kung ano ang
kaniyang pwedeng makain. Nang makakita na ng kakainin ay nagsimula ng
isa-isahin ni Bryan ang mga kwarto, pinakahuling sinilip ni Bryan ang kanilang
kwartong dalawa ngunit hindi na siya nakarating doon sapagkat nakita na niya si
Dan na tahimik at tulog ng yakap yakap ng kaniyang kakambal.
Hindi
mapigilan ni Bryan ang mapangiti.
“Good
night guys.”
0000oo0000
Nagising
si Ryan ng makaramdam siya ng sakit ng ulo pero ang sakit ng ulo na iyon ay
natalo ng hindi maipaliwanag na pakiramdam nang maabutan niya ang payat na
katawan ni Dan na nakayakap sa kaniya habang ginagawa nitong unan ang kaniyang
malaking braso na miya mo may mananakit dito at kailangang kailangan nito ng
magliligtas sa kaniya. Agad na napawi ang inis niya dito nung hindi siya nito
sagutin at talikuran na lang basta nung naguusap sila, lalo pa nang makita
niyang nilinis nito ang kaniyang suka at pinalitan siya nito ng damit. Matapos
ang tahimik na pasasalamat ni Ryan kay Dan ay pinagmasdan pa saglit ni Ryan ang
maamong mukha nito at wala sa sarili siyang napangiti at ang kaninang masakit
na ulo na siyang gumising sa kaniya ay tuluyan ng nakalimutan, siniksik niya pa
ang sarili sa katawan ni Dan at natulog muli.
0000oo0000
Maliwanag
na nang magising si Dan, nang igala niya ang kaniyang mata ay saka niya
napansing napalitan na pala ang kanilang pwestong dalawa ni Ryan simula nung
nakatulog siya noong nakaraang gabi. Hindi na si Ryan ang nakayakap sa kaniya
kundi siya na ang nakayakap dito na tila ba isa siyang batang hindi marunong
lumangoy na kapit na kapit sa kaniyang salbabida. Nang mapagtanto niya kung ano
ang kaniyang ginagawa ay dahan dahan niyang inalis ang mga kamay sa
pagkakayakap sa matipunong katawan ni Ryan, laking pasasalamat na pinakawalan
na siya nito at hindi na muli pang hinila upang mapahiga lalo sa kama.
Nang
makabangon na ay saglit pang pinagmasdan ni Dan ang maamong mukha ni Ryan,
ngayon ay hindi na makapaniwala na hinayaan niya ang sarili na doon matulog
dahil sigurado siyang magagalit ito sa oras na malaman nitong sa iisang kama
lang sila natulog.
Habang
ipinagdadasal ni Dan na walang maalala si Ryan sa nakaraang gabi ay tahimik
narin siyang lumalabas sa kwartong iyon.
0000oo0000
Pagkasilaw
sa sinag ng araw na nanggagaling sa sariling bintana ang gumising kay Ryan,
saglit niyang kinusot ang kaniyang mga mata at iminulat ito. Tila may isang
bagay na hinahanap ang kaniyang mga kamay at kinapa kapa nito ang kabuuan ng
kaniyang kama, nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkadismaya nang hindi
niya nakita sa kama ding iyon si Dan.
Hindi
man maipaliwanag kung bakit ay naiinis paring bumangon si Ryan at pumunta sa
kalakip na banyo upang maghilamos at maghanda na para sa panibagong libreng
araw na iyon ng kanilang sem break. Iniisip na ang hindi maipaliwanag na
pagkadismayang iyon ay mawawala sa oras na nagsimula ulit siyang gumala.
Naiinis
parin si Ryan na lumabas ng kwarto matapos maligo at magbihis pero nang
mapatapat siya sa bungad ng kusina ay agad siyang napatigil at napangiti. Sa
may kusina habang naghahanda ng makakain para sa agahan ay si Dan na kumakanta
at may pasayaw-sayaw pang ginagawa habang si Bryan ay kunot noo mang nanonood
dito ay hindi rin mapigilan ang sarili na mapangiti.
Sino
nga bang hindi matatawa sa wala sa tonong pagkanta ni Dan ng mga kanta ng
maroon5 at ang saliwa nitong mga paa sa pagsasayaw. Nasa ganitong tagpo
naabutan ni Dan si Ryan nang bigla siyang humarap upang ilagay na sa hapag
kainan ang kaniyang nalutong scrambled egg. Nagtama ang tingin ng dalawa. Hindi
pareho mapigilan na mamula ang mga pisngi, si Dan dahil sa napanood ni Ryan na
kahihiyang ginawa niya at si Ryan naman sa hindi maipaliwanag na dahilan.
“Ehem!
Hindi lalapag yang itlog na yan ng kusa sa plato ko at hindi rin yan magic na
papasok sa bibig ko.” natatawang singit ni Bryan sa pagtititigan ng dalawa.
Agad
namang pinutol ng dalawa ang pagtititigan na iyon, si Dan ay isinalin na ang
kaniyang mga niluto sa nakaahing plato habang si Ryan naman ay nagpasya na lang
na tumalikod na at lumabas ng apartment upang maggala. Ibinaling ni Dan muli
ang tingin sa kanina lang ay kinatatayuan ni Ryan at hindi mapigilang madismaya
nang hindi na niya ito nakita don. Nakasibanghot nang umupo si Dan sa tapat ng
kinauupuan ni Bryan at nagpasiyang kumain na lang.
“Para
kang tanga, Dan! Straight yan! Straight! Saka hindi mo pa nga alam ang
intensyon niyan sa oras na maging magkaibigan na kayo!” pangongontrabida ni Dan
sa sarili kaya't hindi niya napansin ang pag-isod ng isang upuan sa kaniyang
tabi. Pumikit na si Dan at nag-antanda para sa nakasanayang pagdarasal bago at
pagkatapos kumain.
“God
is Good. God is Great. Thank You Lord for all these grace.” dasal ni Dan sa
sarili, hindi alam na sa oras na dumilat siya ay may ipagpapasalamat pa siyang
muli.
“Can
I have some fried rice?” tanong ng kauupo lang na si Ryan na ikinagulat ni Dan
at ikinailing pero ikinangisi naman ni Bryan.
“S-sure.”
namumulang pisngi na sagot ni Dan.
Nagtama
ulit ang tingin ng dalawa na tila ba ang pagtititigan na iyon lamang ang
dahilan kaya't ginawa ang kanilang mga mata.
Hindi
napigilan ni Bryan ang mapahagikgik habang pinapanood ang dalawa.
0000oo0000
“So
why are you and Ryan sleeping on the same bed?” tanong ni Bryan na muntik ng
ikatalon ni Dan sa sobrang gulat, mabuti na lang at nasalo pa ni Bryan ang
plato na kaniyang sinasabon kung hindi ay baka nabasag pa ito.
“He
was drunk last night and he pulled me at his side, calling me 'beh'.
Nananaginip siya sa makatuwid at dahil gadambuhala kayong dalawa, hindi na ako
nakaalis sa yakap niya.” tapat na pagpapaliwanag ni Dan, ngunit kahit gaano pa
man ka-tapat ng pagpapaliwanag niya ay hindi parin ito kinagat ni Bryan.
“yeah
right!” sigaw ni Bryan.
“Tanong
tanong ka diyan tapos di ka maniniwala.” pambabara ni Dan na ikinahagikgik lang
ni Bryan.
“Oi!
Nga pala tuloy tayo mamya sa perya ah!” sigaw ni Bryan sabay upo sa sofa at
nanood ng TV, pinapasok ng ilang malikot na ideya ang isip.
“Oo!”
sigaw naman pabalik ni Dan.
0000oo0000
“Dan!
Andito na sundo mo.” tawag ng gwardya ng Gustav's kay Dan. Gwardya na madalas
ka-kwentuhan ni Bryan sa tuwing dadaanan siya nito galing sa pag-gagala upang
sabay na sila pauwi.
“Saglit
lang!” sigaw naman pabalik ni Dan, pero nang makalabas siya ay hindi niya
mapigilan ang magulat na muli, mapatigil sa paglalakad at mapatitig sa kaniyang
sundo.
“H-hi
Dan---”
Itutuloy...
[18]
“Hi
Bri!” bati pabalik ni Dan na agad ikina-angat ng tingin ni Ryan, iniisip na
nagkamali lang siya ng rinig.
“H-hindi
ako si B---” simula ni Ryan pero agad din siyang pinutol sa pagsasalita ni Dan.
“Ready
ka na sa pagpunta natin sa perya?” natatawang panloloko ni Dan kay Ryan na
mukhang litong-lito na.
“H--”
simula muli ni Ryan pero hindi ulit siya hinayaan pa ni Dan na magsalita.
“Ayan
ka nanaman eh! Tagal na nating pinagplanuhan yang perya na yan eh! I-cancel mo
na yang date mo at ituloy na natin yan!” galit-galitang saad ni Dan sabay hila
sa kamay ni Ryan na hindi napigilan ang sarili na mapatingin sa malalambot na
kamay ni Dan na bumabalot sa kaniyang kamay.
Hindi
na nagawa pang itama ni Ryan ang akala niyang maling akala ni Dan, dahil tila
ba ayaw na niyang alisin pa ni Dan ang kamay na iyon sa kaniyang kamay kahit pa
ang akala nito ay siya ang kaniyang kapatid.
0000oo0000
Hindi
mapigilan ni Mike ang mapangiti pagkababang pagkababa niya ng dyip sa harapan
ng kaniyang magiging bagong skwelahan. Iniisip na dito magsisimulang matupad
ang kaniyang mga pangarap at pangarap para sa kaniya ng kaniyang mga magulang.
Pinagmasdan niya ang kabuuan ng unibersidad hindi ikinakaila sa sarili ang
magandang pakiramdam na bumabalot sa kaniyang buong katawan.
Nakangiti
parin niyang ihinakbang ang kaniyang kanang paa papasok sa naglalakihang gates
ng unibersidad na iyon.
0000oo0000
Pinipigilan
ni Dan ang mapahagikgik sa tuwing titignan niya ang naka kunot noo at tila ba
isang batang nawawala na reaksyon ni Ryan habang asa dyip sila papunta sa
perya. Hindi parin kasi nito nakukuwa na ginu-good time lang siya ni Dan.
Tahimik lang ito, naka-kunot ang noo na akala mo malalim ang iniisip habang
namumula parin ang mga pisngi na miya mo may nagawa itong kahihiyan.
Hindi
na napigilan pa ni Dan ang sarili at marahan niyang sinuntok ang malaking braso
ng huli saka tumawa ng malakas pagkababa na pagkababa nila ng dyip na lubos na
ikinalito lalo ni Ryan.
“Niloloko
mo lang ako no?!” sigaw ni Ryan na miya mo isang bata na nakaisip ng isang
magandang ideya nang biglang magliwanag ang mukha nito, ang reaksyon na ito ni
Ryan ang lalong nakapagpatawa kay Dan.
Hindi
mapigilan ni Ryan ang pagmasdan si Dan habang tumatawa ito. Tila kasi ito ang
unang beses na tumawa ulit ito ng ganong kalakas at kasaya, hindi niya rin
mapigilang isipin na mas bagay dito ang tumawa ng ganun dahil tila ba anlaki ng
ibinata ng itsura nito at ang huli sa madami niyang napansin ay ang tila ba
musikang tunog na tawa ni Dan para sa kaniyang mga tainga.
“Asshole.”
nangingiting singhal ni Ryan.
“Yeah
right.” saad ni Dan sa pagitan ng kaniyang mga tawa.
“Alam
mo pala kanina pa! Pinagtri-tripan mo lang pala ako!” naniningkit pero
nakangiting saad ni Ryan.
“Couldn't
get over with your help me I'm lost look! It looks epic!” saad ulit ni Dan sa
pagitan ng kaniyang palakas na palakas na tawa.
“Gago
ka!” saad ni Ryan at di na napigilan ang sarili at napatawa na din.
Ngayon
si Dan naman ang siyang tumitig sa tumatawang si Ryan. Katulad noong unang
beses niya itong nakitang ngumiti tila may isang sumpa na tumama sa kaniya
upang pagmasdan ang mapupulang labi nito, maamong mga mata at pantay-pantay na
ngipin. Nang mapansin ni Ryan na seryoso ng nakatitg sa kaniya si Dan ay
unti-unting nabura ang ngiti sa kaniyang mukha at nagtama ang kanilang mga
tingin.
Isang
minuto? Dalawa? O sampung minuto man ang dumaan ay tila ba wala ito kila Ryan
at Dan na tuloy lang ang pagtititigan, kung hindi pa biglang sumulpot ang isang
batang nagtatatalon at excited na makapasok sa perya sa kanilang tabi ay hindi
maghihiwalay ng tingin ang dalawa.
“S-so---
uhmmm--- bakit nga ikaw yung sumama sakin ngayon dito sa perya?” nauutal na
tanong ni Dan habang nagsisimula ng maglakad papasok sa perya, maiwasan lang
ang pagkailang sa pagitan nilang dalawa matapos ang hindi maipaliwanag na
mahabang pagtititigan.
“Inaatake
ng gastritis si Bry---” simulang sagot ni Ryan na muling pintuol ni Dan dahil
sa pagaalala.
“Is
he OK? Do we need to go home---?” singit ni Dan na ikinangiti lang ni Ryan,
iniisip na nagaalala ito sa kaniyang kapatid dahil siguro mahalaga na ito sa
huli kasabay ng naisip na ito ay wala sa sariling hiniling na sana ay
pinahahalagahan din siya ni Dan katulad ng pagpapahalaga nito sa kaniyang
kapatid.
“When
I left he's eating a truckload of pizza---” simulang sagot ni Ryan nang biglang
may sumingit na alaala sa isip ni Dan.
“Oh
and to leave you and Ryan some alooooneeee time since he said that you guys are
boyfriends now!” kasabay ng naalalang ito ni Dan ang alaala ng nangaasar na
mukha ni Bryan. Ngayon alam na niya na plinano ni Bryan ang lahat ng iyon at
hindi talaga sumasakit ang sikmura nito katulad ng sinabi ni Ryan.
“---I
think he's going to be OK.” pagtatapos ng sinabi ni Ryan.
“Well
he's not going to be OK when we get home.” pabulong na pagbabanta ni Dan.
“I'm
sorry?” pagapapaulit ni Ryan sa sinabi ni Dan nang hindi niya ito narinig ng
maayos.
“Sabi
ko, buti napa-payag ka ni Bry na samahan ako dito sa perya.” palusot ni Dan na
ikinamula ng pisngi ni Ryan.
“Actually,
I was only planning to fetch you from Gustav's tapos ihahatid kita sa bahay.”
nahihiyang sagot ni Ryan na tila naman nagbuhos ng malamig na tubig kay Dan.
“Assumer-o
ka kasi, Dan.” sabi ni Dan sa sarili.
“B-but
I really want to come here. Nung narinig ko nga nung isang araw na nagbabalak
kayong pumunta dito gusto ko sanang sumingit sa usapan niyo at sumama kaso
nahiya lang ako eh.” agad na sabi ni Ryan nang mapansin niya ang napahiyang
reaksyon ni Dan na siyang nakapagpangiti sa huli pagkatapos.
“Yun
naman pala eh. Bakit di mo sinabi agad?” nakangising saad ni Dan sabay hila sa
malatrosong braso ni Ryan na siya naman tinitigan ng huli habang parang bata
siyang kinakaladkad ni Dan papasok ng perya.
0000oo0000
“Humanda
ka sakin mamya!” text ni Dan kay Bryan habang nakatalikod si Ryan at bumibili
ng makakain nila.
“Hihi!
;p ” ang reply ni Bryan na siyang umurat lalo kay Dan.
“Uhmm---
I don't know kung hot dog or cheese burger ang gusto mo kaya binili ko na
pareho.” nakayuko ulit at namumulang pisngi na bulaga ni Ryan kay Dan na
nagte-text ng kaniyang sagot sa nang-aasar na si Bryan.
“OK
na sakin yung cheese burger.” nakangiti namang sagot ni Dan na siyang nakapag
pangiti din kay Ryan. Tila isang batang excited na umupo si Ryan sa katapat na
upuan ni Dan, hindi ito napansin ng huli sapagkat abala naman ito sa paglalabas
ng sariling pitaka.
“Eto
oh.” saad ni Dan at nang tignan ni Ryan kung ano ang iniaabot nito ay agad na
nabura ang kaniyang mga ngiti sa mukha.
“My
treat.” umiiling na balik ni Ryan sabay tinatanggihan ang inaabot na pera ni
Dan.
“No---
may pera naman ak---” simula ni Dan.
“My
treat.” pagpupumilit nanaman ni Ryan na siyang pumutol sa sinasabi ni Dan.
“I'm
not going to eat this kung hindi mo ito kukuwanin.” banta ni Dan na hindi naman
natanggihan ni Ryan. Saglit pa na nagtitigan ang dalawa, si Ryan, binalak pang
magmatigas pero naisip niya rin na magmamatigas din si Dan kaya naman
pinabayaan niya na lang ito sa kaniyang gusto.
“I
like you better when you're all quiet and shy.” bulong ni Ryan sabay iling nang
mainis siya sa pagpupumilit ni Dan. Ang tagpong ito ang nakapagpangisi kay Dan.
“Live
with it. Because this Dan is going to stay for good.” nakangising saad ni Dan
sabay kagat sa kaniyang cheese burger.
Nang
abala na si Dan sa kaniyang pagkain ay hindi maiwasan ni Ryan na titigan ito at
panuorin kung pano ito kumain na parang bata, kaya naman sa kabila ng kaniyang
kaunting pagkainis dahil sa pagiging mapilit nito ay hindi niya napigilan ang
sarili na mapangiti at maganang kumagat sa kaniyang biniling pagkain.
0000oo0000
Pinanood
ni Dan kung paano ka seryoso si Ryan sa paglalaro sa isang booth sa perya na
iyon. Kailangan kasing i-bato ang isang bola at patumbahin ang isang tore ng
mga bloke upang manalo. Ngunit gaano mang kaseryoso ni Ryan sa paglalaro ay
hindi niya makuwa kuwang patumbahin ang tore na iyon.
“Give
me the ball.” seryosong saad ni Dan kay Ryan na agad natigilan mula sa pagbato
sana ng huling bola nito.
“What?”
agad na tanong ni Ryan sabay tingin sa maliit na kamay ni Dan na nakalahad sa
kaniyang unahan. Pinagmasdan ni Ryan ang maliliit na braso ni Dan, tila ba
tinatanong sa sarili kung pano nito magagawang patumbahin ang mga bloke na iyon
gamit ang maliliit nitong braso.
Ang
pagngisi ni Ryan matapos nitong pagmasdan ang maliliit na braso ni Dan ay hindi
nakaligtas sa huli. Hindi mapigilan ni Dan ang mainis ng kaunti pero hindi rin
niya napigilan ang sarili na mapangisi din sa naisip na mapapahiya si Ryan sa
oras na mapatumba ni Dan ang mga bloke na iyon na alam niyang magagawa niya.
“Be
my guest.” may pagka sarkastikong sabi ni Ryan sabay abot ng bola sa nakangisi
naring si Dan.
“Thank
you.” may pagka sarkastiko ring balik ni Dan sabay hablot ng bola sa kamay ng
huli.
Hindi
na nag-atubili pa si Dan, gamit ang kaniyang maliliit na braso, presisyon ng
kaniyang mga galaw, kalmadong isip at ang pasensya ng isang propesyonal na
manlalaro ay ibinato na ni Dan ang bola.
0000oo0000
Hindi
napigilan ni Ryan ang sarili na mamangha nang itaas ni Dan ang kaniyang kamay
na may hawak hawak na bola. Kitang kita niya ang bawat pag-umbok ng kalamnan ni
Dan kahit pa gaanong ka-kalmado ang mukha nito. Hindi na nagawa pang panuorin
ni Ryan ang pagbagsak ng tore ng bloke matapos itong batuhin ng bola ni Dan
dahil abala na siya sa pagtitig sa magagandang labi ni Dan, pantay pantay
nitong mga ngipin, mapupulang pisngi at mapupungay na mata.
Hindi
makapaniwala na maeengganyo siya sa pagiging kilos bata nito. Bata na tila ba
tuwang tuwa sa pagkapanalo nito sa isang laro.
“Yes!”
masayang saad ni Dan sabay ngisi na siyang gumising kay Ryan sa pagtitig nito
sa mukha ng huli.
“Tyamba
lang naman!” balik ni Ryan pero hindi maikakaila ang pagkamangha sa mukha nito.
Sasagutin na sana siya ni Dan nang biglang magsalita ang nagpapasinaya ng
palarong iyon.
“Eto
po oh.” sabi ng tagapag pasinaya sabay abot ng napanalunang gadambuhalang teddy
bear kay Dan.
“Here,
hon.” nakangising saad ni Dan sabay pwersahang inabot ang laruan kay Ryan na
agad namula ang pisngi matapos itong tawaging 'hon' ni Dan.
“What
are you doing?” pinipigilang mapangiti na tanong ni Ryan nang makita niyang
nagaabot ng pera si Dan sa tagapasinaya ng larong iyon.
“I'm
going to prove na hindi 'tyamba' yung nangyari and going to make you see that
judging someone by their outward appearance is a very very bad attitude..”
nakangising sagot ni Dan habang inaabot ang tatlong bola na ibinibigay sa
kaniya ng tagapasinaya.
0000oo0000
Patuloy
parin sa pag-iling si Ryan habang naglalakad at karga karga niya ang dalawang
gadambuhalang teddy bear sa kaniyang magkabilang kamay papunta sa susunod na
laro na gusto nilang puntahang dalawa ni Dan, hindi makapaniwala na muli
nanamang pinaalala sa kaniya ni Dan na mali ang pagkakakilala niya dito at muli
nanaman siyang pinahamak ng kaniyang panghuhusga. Matapos maglaro at ipamukha
sa kaniya ni Dan na mali ang pagkakakilala niya dito matapos nitong maitumba
ang tore ng bloke sa ikalawang pagkakataon ay hindi na nagsalita pa si Dan.
Nakangisi lang ito na tila ba may ibig ipahiwatig.
“I'm
sorry.” pabulong na saad ni Ryan nang hindi na niya matiis pa ang katahimikan
sa pagitan nila.
“Sorry
for what?” balik ni Dan kahit pa halata namang alam niya ang ibig ipahiwatig ni
Dan.
“Sorry
for being an asshole.”
“You're
an ass since the first day I met you, why apologize now?” nakataas kilay pero
nakangisi paring tanong ni Dan na ikinahiya naman ni Ryan.
“Sorry
for judging you.” saad ulit ni Ryan na ikinatigil ni Dan sa paglalakad. Nagtama
ulit ang tingin ng dalawa, nakita ni Dan ang sinseridad at pagmamakaawa sa mga
mata ni Ryan.
“Apology
accepted.” saad ni Dan na ikinangiti ulit ni Ryan.
Muli
ng naglakad ang dalawa, si Ryan natutuwa at tinanggap ni Dan ang kaniyang sorry
at si Dan naman ay nagiisip ng maigi kung kailangan niya bang sabihin ang
kaniyang susunod na sasabihin. Hindi na nakatiis pa si Dan at muli na siyang
tumigil sa paglalakad at humarap kay Ryan na ikinagulat ng huli.
“You
were not just an asshole to me, you're an ass to your brother as well.” wala sa
sariling saad ni Dan nang hindi na siya nakatiis pa na mangielam sa magkapatid
lalo pa't ayos na ang sa kanila ngayon ni Ryan.
“I-I
k-know---” simula ni Ryan sabay yuko ulit dahil sa hiya.
“You
should apologize to your brother also, you know. Sobrang taas ng tingin sayo ni
Bryan and every time you raise your voice or every time he see you drunk or
every time you ignore him makes him sad.” sabi ulit ni Dan sabay tiklop ng
kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib, bilang pahiwatig na siya ay nagbibigay
ng isang importanteng leksyon kay Ryan.
“It
makes me sad also. We were so close before---” malungkot na saad ni Ryan.
“Then
why do you keep on pushing him away? Pushing us away?” tanong muli ni Dan na
siyang nakapag-pa-angat ng tingin ni Ryan nang marinig nito ang salitang 'us'.
“It's
a long story.” sagot ni Ryan, nahalata naman ni Dan na hindi pa handa si Ryan
na sabihin sa kaniya ang dahilan ng paglayo ng loob ng magkapatid sa isa't isa
kaya naman hindi na siya nagusisa pa.
“J-just
apologize to him, OK? I don't want to see him sad. I don't want to see you
sad.” nakangiting saad ni Dan sabay pisil sa braso ni Ryan bilang tanda ng
pagpupursigi dito na gawin ang kaniyang sinasabi.
Ilang
beses pang ipinagpabalik-balik ni Ryan ang kaniyang tingin sa nakadamping kamay
ni Dan sa kaniyang matipunong braso at sa matatamis nitong ngiti.
“I
will. I promise.” nahuling sagot ni Ryan sabay napangiti na din. Hindi nagtagal
ay muling naglakad sila Ryan at Dan sa iba pang mga palaro sa loob ng peryang
iyon. Isang masayang gabi ang nag-iintay sa kanila.
0000oo0000
“What
did you feed my brother?” bulaga ni Bryan kay Dan nang sunduin niya ito matapos
ang shift nito sa Gustav's na siyang punagtratrabahuhan ng huli.
“Bakit
mo ako inindian kagabi eh hindi ka naman talaga ina-atake ng gastritis?!”
pasinghal na pabalik tanong ni Dan dito. Nagbatuhan muna ng naniningkit na mga
tingin ang dalawa saka sabay na naglakad papunta sa sakayan ng dyip pauwi sa
kanilang apartment, tanda na wala sa kanila ang may balak na sumagot sa tanong
ng isa't isa.
“Thank
you---” wala sa sariling seryosong sagot ni Bryan na naglagay ng isang matipid
na ngiti sa mukha ni Dan, masaya siya na nakatulong siya sa relasyon ng
magkapatid sa isa't isa. “Ngayon ko lang ulit siya nakita na lively and happy
since we parted ways before going to college. It's like having my brother
back.” naluluha pero nakangiting saad ni Bryan na lalong nakapagpangiti kay
Dan.
“You're
welcome.” matipid na sagot na lang ni Dan sabay pisil sa malaking braso ni
Bryan.
“Just
don't run out of that love juice you gave him so he won't come back to being an
asshole.” nagbibirong saad ni Bryan na nakapagpahagikgik kay Dan.
“I
promise.” nakangising balik ni Dan. Saglit na nagpalitan ng ngiti si Dan at
Bryan bago sumakay ng dyip.
“I
finally got laid last night---!” excited na pagiiba ng usapan ni Bryan pagkaupo
nila ng pagkaupo ni Dan sa loob ng dyip, pero ang mga sumunod na sinabi ni
Bryan ay hindi na nagawa pang pakinggan ni Dan dahil sa nakita niyang tagpo
nang igawi niya ang kaniyang tingin sa labas ng bintana ng dyip na kanilang
sinasakyan.
Sa
isang bench sa isang park malapit sa Gustav's ay nakatayo si Ryan, may kausap
ito na nakatalikod naman mula sa gawi ng dyip na sinasakyan nila Dan kaya't
hindi niya nakita ang mukha nito, pero ang pagka-curious ni Dan sa pagkatao na
kausap ni Ryan ay agad na nabura nang makita niyang magsalubong ang mga labi ng
mga ito.
Isang
maalab at puno ng emosyon na halikan ang sumunod na nasaksihan ni Dan. Isang
maalab na halikan sa pagitan ng dalawang lalaki. Ngayon, alam na ni Dan na
hindi babae ang swerteng tinatawag na beh ni Ryan nung gabing inalagaan niya
ito dahil sa sobrang pagkalasing.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment