By: Mikejuha
E-mail:
getmybox@hotmail.com
Blog:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
[6]
Tila nawala
lahat ang kalasingan ko sa narinig. Bigla akong napabalikwas sa higaan, naupo
sa gilid nito. “H’wag ka ngang ganyan, Rodel! Tutuksuin mo na naman ako tapus,
kinabukasan iiwanan mo. Ayoko ng ganoon, Rodel. Masaya na ako’ng ganito tayo...
bumalik ka na sa kwarto mo.”
Ngunit hindi
natinag si Rodel. Humiga sya sa tabi ko na para bang wala siyang narinig.
Sa
pagkairita ko, “Ok, kung gusto mong dito matulog, sige, doon na lang ako sa
kabilang kuwarto.”
Tatayo na
sana ako upang lilipat noong bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko, ang mga
mata ay mapupungay na nakatitig sa akin, nagmamakaawa. “Bakit, ayaw mo na ba sa
akin?”
“Hindi naman
sa ganoon, Rodel... natatakot akong matukso na naman, at mawala ka. Ayokong
maulit muli ang pagkakasala ko sa iyo. Solved na ako sa ganitong sitwasyon
natin. Alam kong hindi tayo pweding maging tayo, at alam kong hindi ako ang
taong pinapangarap mong maging katuwang sa habambuhay. Babae ang gusto mo,
diba? Kaya, please, huwag mo na akong tuksu—uhmmmmpttt!”
Hindi ko na
magawang tapusin pa ang sinasabi gawa nang bigla niyang pagyakap sa akin nang
mahigpit. Hindi na ako makapalag. Namalayan ko na lang ang pagdampi ng mga labi
niya sa mga labi ko.
At... Ate
Charo, Dra. Holmes, isa lamang po akong bakla na marupok at naghahanap ng
pagmamahal; ng makamundong kaligayahan kahit na panandalian lamang ito.
Nangyari ang hindi dapat na mangyari sa amin ni Rodel. At sa pagkakataong iyon,
biglang nabura ang lahat ng mga pangako ko sa sarili na huwag magpatalo sa
tukso. Ang tanging nasa isip ko sa mga pagkakataong iyon ay ang matinding sarap
na nalalasap dulot ng mga yakap at halik ni Rodel. At ewan ko rin ba, parang
may niibang init ang mga halik at yakap niya... tila galing sa puso ang mga
ito. Ilang beses din kaming nagpasasa sa kamunduhan sa gabing iyon. Kapwa
mainit at nag-aalab ang mga damdamin.
Alas 7:00 na
ng umaga noong ako’y magising. Si Rodel ay himbing na himbing pa at animo’y
nasa kalagitnaan ng sarap ng tulog. Bumangon ako at naupo sa may study table,
pinagmasdan ang hubad niyang katawan. Matangkad, matipuno, bilog at
proportioned ang lahat ng parte ng katawan, moreno ang balat ngunit makinis,
makisig. Nasa ikapitong langit pa rin ang pakiramdam ko, di makapaniwala sa
nangyari. Ngunit sa kabilang daku ng utak ko, naglalaro na naman sa isip ang
mga nakaraan; ang mga ganoong sarap na nalalasap sa piling ng mga nakarelasyon
ko at ang sakit na naramdaman sa paglisan nila sa akin. Para bang feeling na
may goal akong tinutumbok – na huwag lumampas sa isang boundary at maging
kuntento na sa kung saan man ako. Nakamit ko na sana ang goal na iyon tapus may
biglang nagtulak sa akin. At natikman ko ang kakaibang sarap sa kabilang
daku... Sigurado, hahanap-hanapin ko na ang sarap na iyon. Ngunit iyon ay
patikim lang dahil hindi naman talaga iyon nakalaan para sa akin.
Hindi ko
namalayang tumulo ang mga luha ko habang nakatutuk pa rin ang paningin sa
natutulog pa ring si Rodel.
Nasa ganoon
akong ayos noong biglang, “Morning!”
Si Rodel
pinakawalan na naman ang pamatay niyang ngiti.
Dali-dali
kong inilingon ang ulo at pasikretong pinahid ang mga luha. “Morning too!” ang
tugon ko habang nakatingin ibang direksyon, hindi nagpahalatang umiyak.
Tumayo si
Rodel, hubo’t-hubad pa rin. Tinungo ang study table kung saan ako naka-upo.
Hinila akong patayo, niyakap, hinalikan ulet sa pisngi, sa bibig. Tapus, hinila
niya na ako pabalik ng kama. Humiga ulet siya habang ako ay nakaupo lang sa
gilid. Hawak-hawak ang kamay ko, “Parang ang lungkot ng mukha mo? Bakit?”
tanong niya.
“Wala
lang... may naalala lang ako” ang matamlay kong sagot.
“Hindi nga?
Bakit? Gusto kong malaman” pangungulit niya.
Nag-sip ako
nang sandali, binitiwan ang isang malalim na buntong-hininga. “Bakit mo ginawa
sa akin ang ganito?”
“A-anong
ginawa...?”
“Iyong
nangyari sa atin kagabi?”
“Ayaw mo
ba?”
“Hindi sa
ayaw... Una, dib a may usapan tayo na hanggang doon na lang. Pangalawa, di
naman talaga tayo pwede, diba? Dahil ang gusto mo naman ay babae. Hindi ako ang
katuparan ng mga pangarap mong magkaroon ng pamilya, ng mga supling. Kung ang
ginawa naman natin kagabi ay ang pagpaparaos lang... masakit pa rin sa akin
iyon dahil...” napahinto ako ng sandali noong dumaloy ulit ang mga luha ko at
pinahid. “...mahal na mahal kita eh. Alam kong alam mo iyon, Rodel.”
“A-alam
ko...”
“Kaya mo ba
pinaglaruan ang damdamin ko?” ang mabilis kong tanong.
“Hindi”
“Kung
ganoon, bakit mo ginawa iyon?”
“Dahil...”
huminto siya, ang mga mata ay seryosong nakatitig sa akin. “...mahal na rin
kita, Derick!”
Sa
pagkarinig ko sa sinabi niyang iyon, tila biglang nagsi-kantahan ang
isang-libo’t isang anghel sa paligid ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga
sa sobrang galak ng puso ko. Pilit kong binura ang mga ilusyon na iyon at
nagpakipot pa rin ako. “Wag ka ngang magbiro ng ganyan, Rodel!”
Ngunit
inulit pa rin ni Rodel ang sinasabi. “Hindi ako nagbibiro, Derick. Mahal
kita...”
“Paano mo
mamahalin ang isang katulad ko? Paano ko paniniwalaan ang sinabi mo,
samantalang babae naman ang gusto mo? Paano mo papatunayan sa akin ito?”
“Hindi ko
alam, Derick... hindi ko alam. Nalilito din ako eh.”
“Arrrggggghhhh!”
ang sigaw ko habang hinahampas-hampas ang kama. “Gusto mo ay babae ngunit mahal
mo ako, ganoon ba iyon?”
Hindi na
umimik ni Derik.
Hindi na rin
ako kumibo pa. Sa loob-loob ko, may pagdududa pa rin ako, kahit gustong
magtatalon sa tuwa ang puso ko.
Maya-maya,
nagsalita si Rodel. “B-bakit hindi mo na lang hayaang patunayan ko ang sinabi
ko, Derick? Kung ayaw mong maniwala, sige... Ok lang. Pero di ba, ang sabi mo
sa akin ay tutulungan mo ako, na nand’yan ka palagi para sa akin? Wala namang
mawawala sa iyo eh, kung hayaan mo na lang akong patunayan ang sinabi ko?”
At sino bang
bakla ang di ma-engganyo sa mga sinasabi ng isang kagaya ni Rodel. “Ok...”
Napag-isip-isip ko sa sarili, “Tama si Rodel. Dapat walang expectations at
e-enjoy ko na lang ang mga pangyayari.”
So, naging
mag-on kami ni Rodel. Sobrang saya ko at muli, nalimutan ko ang mga masasakit
na karanasan sa mga naunang nakarelasyon. Tila araw-araw, gabi-gabi ay
honeymoon namin. Pag weekends, nag-a-out-of-town kami, puntang Baguio, Palawan,
Boracay, Bohol, Cebu... napakaraming masasayang experiences ko sa kanya.
Syempre, dahil sa iba na ang level ng relasyon namin, pumapasok na sa akin ang
selos kapag may mga babae o baklang kausap siya, o iyong mga gustong
makikipagkaibigan. Pero, touched din ako dahil pinatunayan ni Rodel na totoo
ang naramdaman niya sa akin.
May isang
beses nga habang nagbi-beach kami at magkatabing nakahiga sa beach. Lingid sa
kaalaman namin, may dalawang sexy at magagandang babae palang bumuntot-buntot
kay Rodel. Habang nasa ganoong ayos kami, dumaan ang dalawang babae at
nagparinig, “Ewww... sa bakla pa pumatol. Sayang ang pagka-pogi” sabay bitiw ng
tawang nang-iinis. Syempre, nasaktan ako.
Marahil ay
nahalata ni Rodel na medyo napikon ako, bigla na lang siyang tumayo at hinabol
ang dalawang babae. “Excuse me... Sa akin ba kayo nagpaparinig?” Ang sabi ni
Rodel nang mahinahon. Dinig na dinig ko pa ang usapan nila dahil sa hindi naman
sila kalayuan.
“Bakit,
mayroon pa bang pogi dito na pumapatol sa bakla? Ang guwapo mo sana, bakla lang
pala ang katapat mo. Hindi ka ba nagagandahan sa amin?”
“Alam mo,
Miss. Hindi ako nakikipagrelasyon sa taong iyan dahil sa panlabas niyang anyo.
Sobrang bait po ng taong iyan at iyan ang nagustuhan ko sa kanya. Oo,
nagandahan ako sa inyo, nalilibugan pa nga eh; sa ganda ba naman ng mga katawan
at mukha ninyo. Puwede akong makipag-sex sa inyo kung gusto ninyo. Pero hindi
lahat ng lalaki ang habol lang ay ganda ng katawan at mukha. Para sa akin, mas
importante pa rin ang kagandahan ng kalooban.”
Hindi
nakaimik ang dalawang babae. At marahil ay sa sobrang hiya, tumalikod ang mga
ito at lumayo.
“Rodel pala
ang pangalan ko!” Ang pahabol na sigaw ni Rodel at bumalik nang tumabi sa akin.
Syempre,
feeling ko, ang haba-haba talaga ng hair ko.
Ngunit sabi
nga nila kapag dumaan ka daw sa isang state of euphoria, ang kasunod noon ay
feeling of disappointment naman. Siguro totoo. Simula kasi noong naging kami ni
Rodel, pakiwari ko ay naging confident na din sya sa sarili, dumadami ang mga
kaibigan. At hindi puweding hindi pumasok ang selos. Kapag nakikita kong may
mga tinitext siya, nagtatanong din ako sa sarili kung sino iyon, lalao na kapag
tila sunod-sunod na ang text na halos di na ako napapansin. Marahil para sa
kanya ay ok lang iyon, pakikipag-kaibigan lang at baka sa isip niya ay
naintindihan ko. Ngunit hindi ko na rin alam eh kung dapat ba akong magselos
eh. Nahihiya din naman akong magtanong ng, “Sino ba ang nagtitext na iyan sa
iyo? Pabasa nga?”
Anyway,
noong dumating na sa puntong di ko na talaga kaya, nakikipag-usap ako sa kanya
at inunahan ko na. Masakit, pero sinabi ko pa rin. “Alam mo Rodel, kung
sakaling makita mo na ang babaeng pakakasalan mo at siyang tutupad sa mga
minimithi mong pangarap, nand’yan lang ako palagi, patuloy na susuporta sa
iyo…”
Tiningnan
ako ni Rodel, hinaplos ang mukha. “Kung darating man siya, promise ko sa iyo,
di kita iiwan… At ipapakilala pa kita sa kanya. Walang sikretuhan.”
“T-talaga?”
ang sagot ko na lang. Ngunit syempre, sa loob-loob ko, hindi ako naniwala.
Naka-ilang relasyon na kaya ako at ilang ulit ko na ring narinig ang ganyang
mga salita. Ngunit nasaan na ba ang mga lalaking nagsabi sa akin nang ganoon?
Isang araw,
marahil ay sa sobrang pagkainip nya na sa bahay, nag-suggest siyang maghanap ng
trabaho. Dahil wala pa namang opening sa kumpanya ko, pinayagan ko na rin lang
siya. At ang inaplayan niyang trabaho ay security guard.
At dahil sa
tangkad at matipunong katawan, tanggap kaagad siya at pinapag-report na sa
trabaho kinabukasan, sa isang malaking bangko sa Makati. Masayang-masaya siya
dahil kahit paano daw, may suweldo na siyang matatanggap na talagang
pinaghirapan niya. Ang hindi lang niya alam, malungkot ako at nakikinita ko ang
unti-unting paglayo niya sa akin.
At hindi nga
ako nagkamali. Simula noong makapagtrabho siya, dumami na ang mga nagtitext sa
kanya, nakikipag kaibigan – babae, lalaki, baklang kasama sa trabaho, o mga
empleyado ng bangko kung saan siya naka detail.
Minsan din,
may mga gabing hindi siya umuuwi. Magtitext na lang iyan at sabihin sa akin na
may special training daw sila, o minsan naman, absent ang ka-reliever guard
niya. Syempre, malungkot ako. Pakiramdam ko unti-unti na ngang lumayo si Rodel
sa akin.
Isang gabi,
mag-aalas 10 na at wala pa rin si Rodel. Dapat kasi, nasa bahay na siya kapag
alas-nuwebe. Subalit wala pa ring Rodel na dumating at wala ding text galing sa
kanya.
Maya-maya,
nag ring iyong landline. Ngunit hindi pala si Rodel ang nasa kabilang line.
Isang babaeng sa boses at tono pa lang ng pananalita ay napi-figure out kong
mataas ang pinag-aralan, maganda, at sexy. “Nad’yan po ba si Rodel?” and tanong
niya.
“A, e… hindi
pa dumating. Sino po sila?”
“Si
Christine Mae po, girlfriend niya. May usapan kasi kaming magkita at 9:30. Wala
pa siya eh, at naka-off ang cp niya. Baka kako nakalimutan niya ang date
namin…”
Pakiramdam
ko ay bumara ang lahat ng dugo ko sa puso. Tila huminto ang paghinga ko at
hindi makasagot. “A-ah… g-ganun ba? B-baka na late lang, Christine. Antayin mo
na lang.” Ang sagot ko na lang.
Hindi ko lubos
maisalarawan ang matinding sama ng loob sa nalaman. Pakiwari ko ay dinurog ang
puso ko, tino-torture, hindi makatulog. At habang tumatakbo ang oras, ramdam ko
ding pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib ko. Sa gabing iyon, walang Rodel
na umuwi ng bahay...
(Itutuloy)
------------------------------------------------------
[7]
Maaga akong
nagising kinabukasan. Naidlip lang ako ng sandali at kaagad hinanap si Rodel sa
tabi ko. Subalit, wala pa rin siya doon.
Kahit kulang
sa tulog, bumangon na rin ako, naghanda ng almusal, naligo at pagkatapus ay
umalis na patungong opisina.
Alas 9 na ng
gabi noong ako ay makauwi. Nandoon na si Rodel, at naghanda na rin pala ng
hapunan. Kain na tayo sambit kaagad niya pagpasok na pagpasok ko palang ng
kuwarto, pansin ko sa mga mata niya ang pagka-guilty.
Inirapan ko
lang siya, hindi pinansin ang inihain niyang pagkain at dumeretso nang nagpalit
ng damit at nahiga sa kama.
Hindi ko
talaga siya pinansin hanggang sa nakatulog na ako at kinabukasan umalis ng
bahay papunta uli ng trabaho. Hindi ko na rin tinikman o tiningnan man lang ang
hinanda niyang agahan. Feeling ko, talagang guilty siya sa inasta niyang halos
hindi makatingin nang diretso sa akin. Noong nasa trabaho na ako, nagtext nga,
ngunit hayun, nangumusta lang.
Alas otso ng
gabi ay nakauwi na ako ng bahay. Nauna na rin pala siyang dumating at
nakapaghanda na ng pagkain. At muli, hindi ko pa rin pinansin ang pagkain niya.
Sinadya kong kumain na sa labas bago umuwi. Pakiramdam ko kasi ay dapat hindi
na ako aasa sa mga pag-aalagang ginawa niya dahil naisiksik na sa sipan na
malapit na niya akong iwan.
Dumeretso
ako ng kwarto, nagbihis, naligo, at nahiga na tila wala akong ibang taong
kasama. Maya-maya, sumunod na rin siya at nahiga. Pinakiramdaman kolang siya.
Sabi ko kasi sa sarili na hindi ako ang dapat na maunang magsalita. Ano ako,
guilty? Sabi ko sa sarili. Tumagilid akong patalikod sa kanya.
Halos isang
oras siguro kami sa ganoong sitwasyon hanggang sa, Derick... hindi ko alam kung
paano manghingi ng tawad sa iyo...ang mahina niyang sabi.
Hindi pa rin
ako umimik.
Patawarin mo
ako Derick... Mahal ko si Christine Mae. Ngunit mahal din kita...
Sa
pagkakarinig ko sa sinabi niyang iyon, dio ko na napigilan ang bumulyaw,
Sinungaling! Mahal mo siya? Tapos mahal mo din ako? Ano ka, dalawa ba iyang
puso mo? Dalawa ba iyang tarugo mot tag-iisa kami, ha? Magpakatotoo ka naman,
Rodel! Wag mo akong gawing tanga!
Totoo iyan,
Derick. Mahal din kita at di ko kayang mawala ka sa buhay ko.
Neknek mo!
Paano ako maniwala sa iyo? E ngayon nga niloloko mo na ako! Bakit hindi mo
sinabing may babae ka na pala?!!
Ayaw kong
masaktan ka Derick, maniwala ka.
Sinungaling!
Ano ba ang
pwede kong gawin upang maniwala ka?
Wala! Wala!
Wala Ang bulyaw ko sabay tayo at tungo sa lagayan ng mga damit, dali-daling
nagbihis at tinumbok ang pintuan.
Kung gaano
ako kabilis sa pagbihs ay siya ding bilis ng pagharang niya sa akin sa may
pintuan. Saan ka pupunta? Ang tanong niya, nakatayo sa harap ko at tanging
puting boxers shortlang ang takip ng katawan.
Padaanin mo
nga ako Rodel!
Hindi! Kung
ayaw mong sabihin kung saan ka pupunta, di ka puweding lumabas...
Ano ba ang
pakialam mo! Padaanin mo ako! Ibinuhos ko ang lahat ng puwersa upang labanan
ang pagharang niya at makalabas ako.
Ngunit
sadyang mas malakas si Rodel at wala akong nagawa kungdi ang paghampas-hampasin
na lang ang dibdib niya habang niyayakap naman niya ang katawan ko.
Arrgggghhhhhh!
Ansakit-sakit ng ginawa mo Rodel! Masakittttt!
Alam ko,
Derik. Alam ko... ang sabi niya, habang patuloy niya akong niyayakap ng sobrang
higpit, sinusuyo, marahang hinahalik-halikan ang buhok, ang mukha, ang noo.
Animoy sumasayawkami ng walang tugtug.
Unti-unti
namang napawi ang galit ko. Hinila niya ako pabalik ng kama. Nahiga kami uli.
Niyakap niya ako. Derick... di ba ikaw na rin ang nagtanong sa akin kung ano
ang pangarap ko? At... sinagot kita; na gusto kong magkaroon ng pamilya, ng
anak. Hindi ako nagsisinugaling sa iyo.
Hindi ako
umimik. Nanumbalik sa isipan ang mga sinabi kong iyon sa kanya.
At ang sabi
mo pa, na nandiyan ka lang para sa akin, na handang tumulong at gumabay sa akin
upang makamit ko ang mga pangarap ko. Bakit? Nagbago na ba ang sinabi mong
iyon?
Totoo iyan
Rodel. Sinabi ko iyan sa iyo. Ngunit napakasakit pala. Di ba sinabi ko din sa
iyo na huwag na nating gawin pa ang ma-involve sa isat-isa sa ganitong
relasyon? Di ba ang gusto kolang ay maging kaibigan mo, kapartner dito sa bahay
at wala nang iba. At ikaw ang gumiit na gawin natin ang bagay na ito, ang
ganitong relasyon. Di ba parang tinuruan mo na rin ang pusokong mahalin ka at
kapag mapamahal ka na sa akin ng sobra, ay parusahan at pahirapan mo rin?
Parang napakasadista mo naman yata. Di mo ba naiisip na paulit-ulit ko nang
naranasan ang ganito, at ngayon... heto, mararanasan ko na naman ang tindi ng
sakit ng iiwan ng taongmahal?
Hindi ako
nagsisisi sa nangyari sa atin Derick, dahil mahal naman kita talaga eh... at
hindi kita iiwan
Hindi mo ako
iiwan? Paano na ang girlfriend mo?
Hindi ko
alam, Derick...
Mahal mo ba
siya?
Oo, mahal ko
siya...
Pakiramdam
ko ay sinaksak ng maraming beses ang puso ko sa sagot niyang iyon. Itatanong ko
pa sana kung sino ang mas matimbang sa aming dalawa ng girlfriend niya ngunit
natakot na akong baka mas lalong masaktan kung ang sagot niya ayhindi ko
magustuhan. Kaya, A-ano ang gagawin mo ngayon.Iyon na lang ang naitanong ko.
B-bahala na
Derick. Bahala na...
Iyon ang
unang pag-uusap namin tungkol sa babae niya. Masakit at bagamat sinabi niyang
hindi niya ako iiwan, hindi ako naniwala at umasa pa.
Kinabukasan,
napag-isipan kong kausapin ang kaibigan kong hanapan ako ng isang houseboy.
Ewan ko din kung bakit bigla kong naisipan iyon. At hindi naman ako nahirapan
dahil sa nagkataon ding ang pamangkin ng kaibigan kong iyon ay kararating lang
galing probinsya at naghanap din ng trabaho.
Si Marvin ay
20 years old at nakapagtapus lang ng high school. Bagamat sa hitsura ay
tatalunin siya ni Rodel ngunit sa tangkad at ganda ng porma ng katawan ay hindi
naman padadaig ito. At kahit na sunog ang balat sa trabahong-bukid, malakas din
ang appeal ni Marvin. In fairness, yummy din ang kumag. At ang pinakagusto ko
sa kanya ay ang kanyang pagka-magalang. Mabait
Dala-dala
ang maliit na bag, sumama na siya sa kotse ko pauwi ng apartment sa gabing
iyon.
Alas otso ng
gabi noong dumating kami ng bahay. Wala pa si Rodel kaya inikot ko na lang si
Marvin sa apartment habang binibigyan ko ng instructions at sa mga assignments
niya. May kasama ako dito, Marvin; si Rodel. Doonkami natutulog sa masters
bedroom at ikaw naman, sa kabilang kuwarto
Namangha si
Marvin sa narinig na may kasama pala akong isang lalaki. K-kapatid niyo po ba?tanong
niya.
Hindi
Ah
kamag-anak?
Boyfriend ko
iyon, Marvin.
G-ganoon po
ba? Pansin kong tila natulala si Marvin sa narinig.
Oo at huwag
mo na akong popo-in, Derick na lang. Bakit, ngayon ka lang ba nakarinig ng
mag-boyfriend na nagsasama sa isang kuwarto?
Eh hindi
naman, Sir, eh.. Derick pala. Hindi ko kasi akalain hindi na itinuloy pa ni
Marvin ang sasabihin.
O sya Pero,
kung maaari ay personal na bagay na namin ni Rodel iyan ha? Unless ako ang
mag-open up sa iyo sa mga bagay-bagay, hindi na kasama sa trabaho mo ang alamin
ang buhay namin. Mapagkakatiwalaan naman kaya kita?
Mapagkatiwalaan
mo ako Derick, 100%. Wala akong problema sa ganoon.
Dahil sa
tapos nang maghapunan ni Marvin, niyakag ko siya sa terrace. Umiinom ka ba?
tanong ko.
Napangiti siya.
Umiinom din
OK. So doon
tayo sa terrace at kinuha ko ang isang bote na gin, baso at ice at dinala sa
terrace.
Medyo
tumalab na ang alcohol sa mga katawan namin noong dumating naman si Rodel.
Laking gulat niya noong makita kami ni Marvin na nag-iinuman sa terrace.
May ibang
lalaki na pala dito sa bahay, wala man lang akong kaalam-alam! ang sambit niya
kaagad pagpaparining sa aming dalawa.
Ah Rodel, si
Marvin pala, pamangkin ng kaibigan ko. Siya ang magiging houseboy natin. Ang
pag-introduce ko sa kanila.
Ah, ganoon
ba? Wala man lang akong kaalam-alam... parinig niya sa hindi ko pagkunsulta sa
kaniya. Rodel pare baling naman niya kay Marvin sabay abot ng kamay, matigas
ang boses na tila may pagbabanta, pinapahiwatig na siya ang hari ng bahay na
iyon.
At dito
nagsimula ang naiibang set-up namin. Nasabi ko tuloy sa sariling, Tama lang
siguro ang ginawa ko, may iba sya, dapat niya lang maramdaman din ang
naramdaman ko
At
pakiramdam ko, may epekto ding dulot ang pagpasok ni Marvin sa eksena. Maaga
nang umuuwi si Rodel, at halos hindi na nagsi-sleepover sa labas. May isang
beses pa ngang narinig kong sinabihan niya si Marvin, Pare, kapag nagtatrabaho
ka dito sa bahay, lalo na kapag nandito kami, wag iyang nakadisplay ang katawan
mo wag kang nakahubad.
Paano naman
kasi itong si Marvin, mahilig maghubad ng pang-itaas na damit at naka-shorts
lang. Palibhasa, hayup sa porma ang katawan at wala namang ibang nakakakita.
Pero, alam naman niyang bakla ako eh. Sini-seduce kaya niya ako? Hehe. Ewan,
baka malaswa lang din ang utak ko.
Kaya noong
marinig kong pinagsabihan ni Rodel si Marvin tungkol sa paghuhubad noong huli,
natatawa na lang ako. Alam ko, nagseselos ang hunghang.
Hanggang sa
isang araw, marahil ay hindi na nakatiis si Rodel at kinausap nya na ako, Paalisin
mo na kasi iyang si Marvin kaya ko namang gawin ang lahat ng mga gawain dito sa
bahay eh. Bakit ba kailangan pa nating kumuha ng houseboy?
Sa
pagkarinig ko sa sinabing iyon ni Rodel, bigla namang may pumasok na ideya sa
utak ko. O sige, paalisin ko si Marvin, ngunit sa isang kundisyon.
Ano?
Isiwalat mo
sa girlfriend mo ang relasyon natin at imbitahin mo siya dito upang
magkaharap-harap kami.
Biglang
natameme si Rodel sa narinig. Nag-isip. S-sige Ang tilang napilitan niyang
pagsang-ayon.
Ok, deal! At
kapag nagawa mo iyan, paalisin ko na si Marvin dito.
Dumating ang
takdang araw nang pagbisita sa bahay at pagpapakilala ni Rodel ng girlfriend
niya sa akin. Noong makita ko, pati ako ay napahanga. Maganda, maputi, sexy,
matangkad, magandang magdala ng damit at bagay na bagay sila. Para siyang isang
napakagandang prinsesa habang si Rodel naman ay isang napaka-guwapong prinsipe.
Naramdaman ko kaagad ang sobrang pagka-insecure sa nakitang magkasamang
dumating at kahit hindi ipinahalata ni Rodel, at pansin ko ang paglalambing ng
babae at ang pagka-sweet nila sa isat isa.
Matinding
lungkot at pagkaawa sa sarili ang bumalot sa buong pagkatao ko sa sandaling
iyon. Iyon bang feeling na, Wow! Parang itinadhana sila sa isat-isa, bagay na
bagay, at nandito ako, isang joker, panggulo, o kontra-bida Feeling ko, wala
talaga akong role na puweding gampanan sa buhay ni Rodel. Lahat ay kinuha na sa
akin ng babaeng iyon. Pilit kong pinigil ang mga luha upang huwag mapansin ang
itinagong hinanakit ng kalooban.
Ah, ikaw
pala si Christine Mae? ang sambit ko na lang, pilit na ipinamalas ang ngiti sa
mga labi. Halikayo sa taas
Umakyat kami
sa taas at sinabihan si Marvin na maghanda ng juice at sandwich.
Naupo silang
dalawang magkatabi ni Rodel sa sofa habang ako naman ay sa upuang harap nila.
Kumusta po
kayo pangumusta ni Christine Mae sa akin.
Okay naman
ako Mabutit nagpunta ka dito at magkita tayo. Sagot ko naman, tiningnan si
Rodel sa tabi niya na tila ay di mapakali.
Ako din po
Masaya na nakita kayo, at itong tinitirhan ni Rodel. Hindi naman pala kalayuan
sa opisina namin.
Ewan ko kung
ano ang pumasok sa isip ko ngunit dinereto ko na ng tanong si Christine Mae,
Sinabi na ba ni Rodel sa iyo ang tungkol sa amin?
Pakiwari ko
ay tila binagsakan ng malaking bato sa ulo si Christine Mae sa narinig,
halatang nagulat at naguguluhan. Lumingon siya kay Rodel. H-hindi pa po? Bakit?
Ano po ba ang tungkol sa inyo?
Tiningnan ko
uli si Rodel na halatang nataranta at namumutla. Mag kasintahan kami.
(Itutuloy)
-------------------------------
[8]
Tuluyan nang
bumakat ang matinding gulat at galit sa mukha ni Christine Mae, hindi
makapaniwala sa narinig. Nilingon niya uli si Rodel at tinanong, Totoo ba ito,
Rodel?!!
Sa
pagkabigla sa bilis ng mga pangyayari, hindi na rin magawang sumagot kaagad ni
Rodel at ang tanging nasabi ay,M-magpaliwanag ako, Mae
Manloloko!
Manloloko!! Ang sigaw ni Christine Mae sabay tayo at takbo palabas ng pintuan.
Nanlisik
naman ang mga mata ni Rodel noong lumingon sa akin at bumulyaw. Bakit mo ba
sinabi sa kanya?!
Sa narinig,
bigla ding nag-init ang tainga ko. At bakit? Di ba iyan ang usapan natin? Bakit
dinala mo dito ang babaeng iyon kung di mo naman pala sinabi sa kanya?! Ang
sigaw ko din.
Hindi pa ito
ang tamang panahon, Derick! Sana naghintay ka, tangina!
Tangina mo
rin! At hanggang kailan ako maghintay? Hanggang mamatay na ako sa kunsumisyon?
Sa sakit ng naramdaman sa sandaling kayo ay napapasasa sa kaligayahan? Hanggang
kailan mo paglaruan ang damdamin koooooooo?! Punyeta!
Arrrgggggghhhhhh!
Binitawan ni Rodel ang isang malakas na suntok na tumama sa pintuan sabay takbo
nito palabas ng bahay.
Sige!
Lumayas ka at huwag ka nang bumalik pa dito!! sigaw ko habang pinagmasdan ang
tuloy-tuloy niyang paglayo.
Ilang araw
din akong naghintay. Ngunit wala nang Rodel na nagpakita pa. Walang text,
walang tawag, walang contact. Masakit at ang sumiksik sa isip ko ay ang
magkasama silang babae niya, nagpakasasa sa kaligayahan, pinagtatawanan ako,
kinukutya, nilalait, sinasaksak sa likod...
Sobrang
sakit. Hindi ako makatulog, hindi makakain, nawalan ng gana sa lahat ng bagay.
Animoy mababaliw ako. Ang lahat ng sakit na naranasan ko sa unang mga
nakarelasyon ay bumabalik ulit. Hindi na ba talaga ako tatantanan ng malas?
Ganito na lang ba ang papel ko habambuhay? Lecheng buhay talaga oh Pagmamaktol
ko sa sarili.
Isang gabi,
nasumpungan kong hikayatin si Marvin na mag-inuman. Tapos na kaming maghapunan
noon at as usual, sa terrace ko siya dinala. Noong una, inum lang kami nang
inum, nagpakiramdaman. Ngunit noong tumalab na ang alak sa mga utak namin, ako
na ang unang nagsalita. Alam moMarvin, ewan ko, sobrang lungkot ang nadarama ko
sa pag-alis ni Rodel. Mahal ko kasi ang hinayupak na iyon
Pansin ko
nga Derick eh. Minsan tulala ka Sana kung may maitutulong lang ako
Salamat ha,
kahit papaano, nandito ka. Hindi ko nga maintindihan kung bakit love na love ko
ang punyetang iyon eh. Para tuloy gumuho ang lahat ng mga pangarap ko; tila
wala nang kabuluhan ang lahat sa mundo, wala nang halaga pa ang buhay
Huwag naman
ganoon, Derick. Alam mo, dapat ay huwag kang magpatalo sa lungkot. Isipin mo na
kahit wala na siya, tuloy pa rin ang buhay. Nandyan pa naman ang mga kaibigan
mo, umiikot pa ang mundo, nagbubukas pa ang mga malls, ang mga sinehan, ang mga
clubs at diskohan.Pabiro niyang sabi. Anong silbing mga iyon kung magmumukmok
ka at sirain mo ang buhay mo nang dahil lang sa isang tao?
Napangiti
naman ako sa sinabi ni Marvin. May point siya ha. sa bi ko sa sarili.
Ako nga,
mataas ang respeto ko sa iyo eh. Idol kita. Kasi, matalino ka, maganda ang
trabaho, nakayanan mo ang lahat ng pagsubok, may pera. Samantalang ako at ang
mga katulad ko, heto, walang pinag-aralan, kahit anong trabaho pinapasok. Di ba
dapat ako at ang mga katulad ko ang mas nalulungkot at magsabing wala nang
halaga ang buhay? Pero tingnan mo naman ako.Hindi ako nagrereklamo. Pero, ok
lang. Tanggap ko ang ganitong buhay. Sadyang ganyan lang talaga. Buti ka nga,
ang problema mo, pag-ibig lang. E, iyong iba na kagaya ko, wala na ngang pag-ibig,
wala pang makakain. Kaya dapat, i-enjoy mo ang buhay, Derick dahil mas maswerte
ka pa rin kaysa karamihan. Kaya ngiti ka naman dyan please...? sabay pisil sa
baba ko.
Tila nawala
naman ang pagkalasing ko sa sinabing iyon ni Marvin. May punto ka Marvin Ang
ganda ng mga sinasabi mo. Siguro nga, napaka-selfish kong tao, ano? Sarili ko
lang ang iniisip ko, sariling pagdurusa na kung tutuusin, ay mas magaan lang
kumpara sa paghihirapng ibang tao.
Pakiwari ko
ay biglang nagkaroon ng ningning ang mukha ni Marvin sa mga tingin ko noong
marinig ang mga malalalim na salitang binitiwan niya. At ewan ko rin ba,
marahil ay sa dami na ng alak na nainum, pakiramdam koy biglang gumuwapo siya.
At lalo akong nataranta noong pahabol na sinabi niyang, Kung gusto mo, paligayahin
kita, Derick, kung iyan ay isang paraan upang makatulong.
Tila isang
bomba ang sumabog sa narinig ko. Natuyuan ng laway at biglang lumakas ang kabog
ng dibdib. At noong tinanggal niya bigla ang pang-itaas na saplot at walang
pakialam na itinapon ito sa sahig, lalo pa akong nanginig at di magkamayaw,
nanlamig ang buong katawan sa ginawang pang-aakit.
Wala akong
magawa kungdi ang pagmasdan ang hubad niyang katawan habang nakaupo pa rin sa
harap ko ang ganda at matipunog chest area, ang mga maskuladong biceps, at ang
abs wow! Animoy may mga pandesal sa gilid nito at sa gitna ay makikita ang mga
balahibong-pusa na nagmukhang agos ng tubig papunta sa ilalim ng nakausling
puting garter ng brief. At na-imagine ko kung saan humantong ang mga iyon sa nakabukol
na parte ng kanyang harapan sa ilalim ng kanyang brief...
W-wag kang
magsalita nang ganyan Marvin. Papatulan kita, sige ka. Hamon ko.
Di gawin mo
na Derick, at dalian mo ang palaban naman niyang sagot habang hinahaplos-haplos
ng isang kamay niya ang abs area at parting harapan niya, kinakagat-kagat ang
labi, at ang mga matang mapupungay dala ng pagkalasing ay mistulang
nangungusap, nagmamakaawa, nanunuksong nakatutuk sa akin.
Sa pakiwari
ko ay nawala ako sa katinuan sa mga titig niya. Kung iyon man ang paraan ni
Marvin na makalimot ako sa problema ko ay masasabi kong napakagaling niyang
mangbura ng mga bumabagabag sa utak ko. Nawala lahat sa isip ko si Rodel.
Parang nasa ilalim ako ng kapangyarihan niya at sunud-sunuran na lang sa kung
ano man ang gusto niyang ipagawa sa akin.
At tuluyan
niya nang binuksan ang kanyang zipper. Nanatili siyang nakaupo, hinawi ang
kanyang puting brief, inilabas ang naghuhumindig niyang pagkalalaki, at
sinenyasan akong lumapit. At noong makalapit na, hinawakan niya ang kamay ko,
inilapit ang mga iyon sa mukha niya. Hinaplos-haplos iyonng mga kamay ko.
Maya-maya, niyakap niya ako. Napayuko ako at sa ganoong ayos, naglapat ang mga
labi namin. Naghalikan kami, yakap-yakap niya ako nang mahigpit. Sa mga labi
niya ay damang-dama ko ang initng kanyang pagnanasa. Ilang minuto din kaming
naghalikan hanggang sa hinawakan niya na ang mga balikat ko at unti-unting
hinila ang mga iyon pababa. Habang di magkamayaw siMarvin sa pagbitiw ng
nakababaliw na mga pabugso-bugso at pigil na ungol, dahan-dahang bumaba din ang
dampi ng mga labi at dila ko sa balat niya sa ilalim ng baba, sa leeg, sa
dibdib at isa-isang nilaru-laro ang mga utong doon, sa tiyan... hanggang sa
tuluyang nakaluhod na ako at ang mukha ay nakatutuk sa matigas, malaki at sabik
na sabik niyang pagkalalaki...
(HAHAHA!
Syeeeeettttttt! Nakakapag-init. Sarap sanang i-detalye pa ang sex scene pero
baka ma-delete na naman tong journal ko. Kaya teaser na lang... Sorry po, takot
ako kay Admin lol!)
At nangyari
ang hindi dapat sanang mangyari. Hindi ko napigilan ang sarili sa tukso ni
Marvin. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi din naman ako nagsisi dahil matindi
pa rin ang kinikimkim kong galit kay Rodel.
Iyon ang
simula ng aming patagong pagniniig ni Marvin. Inaamin kong sa tindi ng galit at
sama ng loob sa paglayo ni Rodel, parang naging pakawala na ako, kahit pa
sasabihing pampalipas-libog lang ang arrangement namin ni Marvin. Klaro sa
usapan namin na nagtatrabaho lang siya sa akin bilang houseboy at parte ng
trabaho niya ang pagbigyan ako hanggang kailangan ko, kahit ito ay
nangangahulugang paggamit ko sa katawan niya. Ganyan ka-loyal siMarvin . OK
lang sa akin Derick, basta masaya ka at malimutan mo siya, kahit panandalian
lamang. Tutal, wala namang mawawala sa akin, at nasasarapan din naman ako. Iyan
ang linyang binitiwan niMarvin. At Masaya ako sa offer niyang iyon. Sa totoo
lang din, sobrang hot ni Marvin. Malibog kumbaga. Lalo na kapag nakapapanood ng
x-rated, nakakasampung putok iyan. Inaamin niya naman na sa buong buhay niya,
noon lang sa akin siya nagsawang manuod ng bold sa akin.
Siguro ay
masasabi kong nakatulong din ang arrangement naming iyon. Kahit papaano, natuto
akong lumaban, makalimot kahit panandalian lamang. Pero kahit ano pa ang gawin
ko, si Rodel pa rin ang hinahanap-hanap ng puso at siya lang ang laman ng isip.
Nandoon pa rin ang matinding pangungulila ko sa kanya. At hindi ko pa rin
matanggap na wala na siya sa buhay ko.
Mag-iisang
buwan simula noong umalis si Rodel, naisipan kong manghingi ng professional
counseling. At ang sabi sa akin ng counsellor ay
Si Rodel ay
matindi ang pinagdaanang karanasan sa buhay. Hindi naranasan ang pagmamahal ng
mga magulang, nakaranas ng pang-aabusong seksuwal... Kung tutuusin, hindi
normal ang dinaanan niya. He passed through stages of identity crises,
confusion, self-pity, loss of self-respect, feeling of rejection... Noong
mag-krus ang landas ninyo, noon niya naramdaman ang pagmamahal ng isang
kapatid, o tatay. Mahal na mahal ka niya sa klaseng pagmamahal na ito. Subalit
ang pagmamahal mo sa kanya ay romantic; may kahalong sex. Dahil sa mahal ka ni
Rodel, gusto niyang i-compensate ang pagmamahal mo by meeting you half-way to
submit to your sexual advances. Sub-conscious lang ito but physically,
nai-translate niya ito sa pamamagitan ng pagpapaubaya. Remember, Rodel has
experienced a serious psychological crisis. Maaring nagustuhan na rin niya ang
pakikipag-sex sa iyo but that is because of his confusion. But remember, lalaki
si Rodel. At ang sexual desires niya ay nakatutuk sa babae. Expect that
ma-aattract, at magmahal siya sa babae. But this does not mean that he loves
you less. It is only that iba ang need niya na na-fill mo, at iba din ang need
niya na na-fill ng babae... Its like ikaw ay ang air conditioner sa kuwarto
niya at ang babae naman ay ang TV. Walang point of comparison sa dalawa. They
co-exist... Maaring Masaya si Rodel ngayon sa piling ng babae. But believe me,
kung totoo ang pagmamahal niya sa iyo, babalik din siya upang makita, makausap,
at makapiling ka...
Hindi ko
lubos maintindihan ang naramdaman sa narinig. Masaya sa huling sinabi niya na
hindi ako pweding makalimutan ni Rodel at maghahangad pa rin siyang makapiling
ako ngunit nalungkot din dahil ibig sabihin, hindi ko pala siya pweding
masarili at ma-puno ang lahat ng needs niya... Parang ang hirap tanggapin.
Bumalik-balik din sa isip ko ang pangako ko na suportahan siya sa pangarap niya
sa buhay na magkakaroon ng pamilya at anak, tinatanong sa sarili kung
mgpaka-martir na lang at tiiisin lahat, o gumive-up na lang at tuluyang
kalimutan siya.
Isang gabi,
bugso ng init ng katawan, nagniig na naman kami ni Marvin. Dating gawi. Mainit,
mapusok at nag-aalab ang aming tagpo. Paulit-ulit naming nilasap ang sarap at
sinapit ang ruruk ng makamundong kaligayahan hanggang sa makatulog kami,
latang-lata ang katawan sa kama kung saan namin dating pinagsaluhan ni Rodel
ang aming pag-ibig.
Dahil walang
pasok kinabukasan, hindi na ako nag-alarm pa. Gusto ko kasing makapagpahinga at
makabawi ng lakas sa tindi ng pagod sa pagtatalik naming ni Marvin.
Hindi ko
alam kung gaano katagal akong nakatulog. Nagising na lang ako noong may
kumalampag sa kuwarto at nagsisigaw. Mga walanghiya!!! Sabi ko na nga bang may
relasyon kayo!!! Mga traydor!!!
Si Rodel, at
nagpupuyos sa galit sa nakita niyang ayos namin ni Marvin na parehong hubad at
magkatabing nakahiga sa kama namin...
(Itutuloy)
--------------------------------------------------
[9]
Nagwala si
Rodel; galit na galit na sinugod si Marvin na nakahiga pa sa kama at kagigising
lang. Pinaulanan ito ng suntok. Pinilit ni Marvin na tumayo at manlaban.
Nagpangbuno ang dalawa.
Sa
kalituhan, pumagitna ako at hinarap si Rodel, hinarang ang mga suntok niya.
Tumabi ka
dyan Derick! Papatayin ko ang lalaking iyan!
Ako na ang
patayin mo, Rodel! Sanay ka namang saktan ako, eh. Sige, patayin mo ako!
Patayin mo na akooooo!!! Sigaw ko habang humagulgol na, sinenyasan siMarvin na
umalis. Dali-dali namang nagsuot ng kanyang brief at pantalon.
Tila
nahimasmasan naman si Rodel sa pagsigaw kong iyon. At ang tanging nagawa niya
ay ang yakapin ako. Ano ba itong ginawa mo sa akin, Derick? ang tanong niyang
nang-aamo, tinangkang pahirin ng mga kamay niya ang mga luha sa pisngi ko.
Ngunit
kumalas ako sa kanyang pagyakap. Bakit? Pagkatapos mong lumayas at magsama kayo
ng babaeng iyon, gusto mong magmukmok ako at magpakamartir na maghintay sa iyo
kung kailang ka babalik? Ganoon ba?
Hindi
nakaimik si Rodel.
Hindi na
Rodel. Kung gusto mong doon ka sa babae mo, sige... doon ka sa kanya. Pabayaan
mo ako at wala na tayong pakialaman pa sa isat-isa!
Mahal kita
Derick
Mahal?
Punyetang pagmamahal iyan! Mahal mo ako, tapos mahal mo din iyong babae mo? Ano
yan? Buy-one-take-one?
B-bumalik
ako dito, para sa iyo
Kung bumalik
ka man dito, tapos sasabihin mong kayo pa rin ng babaeng iyon Ayoko na. Pagod
na ako. Sawa na ako sa kakaintindi sa iyo, sa inyo! Ni hindi mo nga magawang
sabihin sa kanya ang relasyon natin? Hindi mo kayang panindigan ang relasyon
natin sa kanya! Kaya, sa kanya ka nalang. Sobra na ang paghihirap ko
Di kita
matiis kung wala ka sa piling ko, Derick. Mahal kita.
Sinungaling!
Yan ang
totoo...
Kung totoo
nga iyang sinabi mo, sabihin mo sa akin ngayon na hiwalay na kayo ng babaeng
iyon!
Hindi na
naman nakaimik si Rodel. At pansin ko sa mukha niya ang matinding kalungkutan.
Anoooo? Di
ka makasagot dahil sa mas mahal mo siya, diba? Mas mahal mo siya!!!
Buntis si
Mae, Derick at ako ang ama ng dinadala niya.
Pakiwari koy
biglang nag-blackout ang paligid at gumuho ang mundo. Tumalikod ako sa kanya at
naupo na lang sa gilid ng kama, nakayuko, pahid-pahid ng mga kamay ang biglaang
bugso ng mga luha. Naramdaman kong iyon na ang tuluyang pagguho ng mga pangarap
ko, na siya namang simula ng katuparan ng mga pangarap ni Rodel. Hinayaan ko na
lang ang sariling pakawalan ang matinding kirot na naramdaman sa puso, at
pinilit na lawakan ang pang-unawa at pag-intindi sa kalagayan niya.
K-kung
ganoon, mas kailangan ka niya, Rodel ang mahinahon kong sabi, nanatili pa rin
akong nakaupo sa kama, nakatalikod. At pagkabigkas na pagkabigkas ko sa
salitang iyon, halos huminto naman ang aking paghinga, dulot ng matinding
kalungkutang nadarama habang ang mga luha ay walang patid ang pagdaloy sa aking
mga mata.
Naramdaman
kong lumapit siya sa akin, umupo sa may likuran at niyakap ako. Hindi Derick
dito lang
ako sa iyo. Sa iyo ako sasama.
Hindi, Rodel
Ito na ang katuparan ng iyong mga pangarap. Nandiyan na ang babaeng
magpapaligaya sa iyo, ang magbigay sa iyo ng supling, ang magbuo ng iyong
pagkatao. Kaya, balikan mo na siya. Matitiis ko ang lahat para sa kaligayahan
mo.
Hindi ko
kayang mawala ka sa piling ko. Derick.
Parang gusto
kong bumigay sa pagkarinig sa sinabi niya. Napakasarap pakinggan at tila
ibinayaw ang kaluluwa ko sa langit. Ngunit pinilit ko pa ring magmatigas. Ayoko
na Rodel. Bumalik ka na sa kanya, kahit alang-alang manlang sa bata.
Tumayo ako,
tinungo ang locker habang nanatili siyang walang imik.
Noong
makapagpalit na ng damit, Aalis ako at mamayang gabi pa ako babalik. Gusto kong
magmuni-muni sa labas. Sa pagbalik ko, dapat wala ka na dito. At oo nga pala,
huwag mong saktan si Marvin. Wala kaming relasyon at ang nangyari sa amin ay
hindi niya kagustuhan. Huwag mo siyang idamay. Sabay talikod at hindi lumilingon
na tinungo sa pintuan.
Hindi ko
alam kung saan pupunta sa araw na iyon. Tinawagan ko ang isang kaibigan at
napagdesisyonan namin na magpunta sa isang resort na malapitlang at doon
mag-relax at mag-enjoy. Sinabi ko rin sa kanya ang lahat ng mga hinanaing ko.
Hindi kaya
may iba siyang motibo kung bakit siya bumalik? Ang suspetsosong sabi ng
kaibigan ko.
kagaya ng
ano?
Pera
Syempre, magkaanak na, Kailangan ng maraming datung!
Hindi naman
ganyan si Rodel. Kahit noong nagsama pa kami, hindi nanghihingi iyan ng pera
kung walang kailangang paggagamitan. At kung manghingi man, ibabalik pa niyan
ang sukliang pagtatanggol ko.
E, malay mo,
baka sinulsulan ng babae.
A yan ang
hindi maaari. Sobra-sobra na ang panloloko nila sa akin kung mangyari iyon.
Mag-aalas 10
na ng gabi noong makauwi ako ng bahay. Ini-expect ko na wala na si Rodel at si
Marvin na ang magbukas ng pinto. Ngunit laking gulat ko noong ang bumukas ng
pinto ay si Rodel.
Bakit
nandito ka pa? ang sambit ko kaagad habang tinumbok diretso ang second floor
kung saan nandoon ang kwarto namin.
Sinabi ko na
sa iyo na nagbalik na ako, diba? Ang sagot niya habang sumunod sa akin.
Hindi ako
kumibo. Dali-daling nagbihis at dumeretsong ibinagsak ang katawan sa kama.
Humiga na
rin si Rodel, niyakap ako, idinantay ang isang paa sa harapan ko. Miss na miss
na kita, Derick
Paano na
iyong babae mo?
Ewan, di ko
alam Gusto ko na kung may desisyon man akong gagawin tungkol sa amin ni Mae,
kasama ka sa desisyon na iyon.
Pwes ang
desisyon ko ay ang bumalik ka sa kanya
Hindi
Derick. Ayokong mag-isa ka. Ayokong masaktan ka.
At sa muli,
Ate Charo, bumigay na naman ang puso ko. Siguro, ganyan lang karupok ang
damdamin ng isang bakla. Isang yakap lang ng lalaking mahal at bibigay na sa
tawag ng laman. At sa gabing iyon, pinagsaluhan naming muli ang tila walang
pagsisidlang ligaya, nilalasap ang sarap ng mga yakap at nagbabagang mga halik
na animoy wala nang bukas pa
Isang lingo
ang lumipas simula noon, napansin ko naman ang lungkot sa mga mata ni Rodel. Palagi
itong tulala at napakalalim ng iniisip. M-may problema ka ba Rodel?
W-wala ito,
Derick. Wala ang pag-deny niya.
Ayoko nang
ganyan, Rodel. Kilala kita, sabihin mo kung ano ang problema mo? Si Mae ba?
Hindi... Ang
pagdiin niya.
Tahimik.
Hindi ko na rin iginiit pa ang ang gusto kong malaman.
E pwede ba
Derick, hihiram ako sa iyon ng pera?
P-pera? Para
saan? At magkano? Ang tanong kong may halong pagkagulat.
M-may
paggagamitan lang ako, personal. Kung maaari, 50 thousand pesos.
Fifty
thousand?? Diyos ko, ang laki naman niyan, Rodel. Para saan mo ba gagamitin
iyan?
B-basta.
Saka ko na lang sasabihin sa iyo. P-pwede ba?
A.. e, sige.
Ang naisagot ko na lang kahit na sa likod ng aking utak ay may malaking
pagdududa at katanungan kung saan niya gagamitin ang pera at bakit kung bakit
malungkot na malungkot siya. Syempre,hindi nabura sa isipan ko ang sinabi ng
kaibigan na may posibilidad na ang pera na iyon ay para sa mga plano nila ng
babae niya. Gusto ko mang magalit, hindi ko rin magawa dahil wala naman akong
ebidensya at nagpaalam naman ng maayos sa akin. Ngunit, di ko maiwasan ang
hindi kabahan.
Nasa trabaho
pa di Rodel sa gabing iyon noong may natanggap akong tawag. Si Christine Mae,
ang babae ni Rodel at gustong makipagkita sa akin sa bahay niya. Kahit matindi
ang kinikimkimkong galit sa babaeng iyon, pumayag na rin ako.
Maliit lang
ang kwartong inuupahan niya at nasa may squatter area pa. Sa nakita kong ayos
ng tinitirhan, alam kong naghihirap siya. May isang electric fan lang,
lumang-luma ang mga kasangkapan, at marumi na rin ang mga pintura ng kwarto.
M-mabuti
naman at pinaunlakan mo ang kahilingan ko, Derick. Ang pambungad niyang sabi,
tila nahihiya at halos hindi makatingin sa akin ng diretso. Noong pinagmasdan
ko siya, napansin ko kaagad ang dinadala niya sa sinapupunan.
OK lang para
din magkausap tayo at ma-klaro ang mga issues at problema kung mayroon man.
P-pasensya
ka na sa nangyari sa amin ni Rodel. Mahal na mahal ko si Rodel. At ang sabi
niya ay mahal na mahal din niya ako. Ngunit marahil ay sadyang hindi sapat ang
pagmamahal niya upang panindigan niya ang nangyari sa amin. Noong nandito siya
sa akin, palagi na lang siyang tulala, malayo ang tingin. Alam ko, ikaw ang
laman ng isip niya. Kaya upang hindi ako ang maging hadlang, binigyang-laya ko
siya sa kabila ng pagdadalang-tao ko. Bago siya umalis, ipinangako niyang hindi
niya pababayaan ang magiging anak namin, at ako. Ngunit ayaw kong umasa. Ayaw
kong mangarap ng isang bagay na sa huli, ay hindi naman ito pwedeng mangyari..
Sa
pagkarinig ko sa kwento niya, tinablan ako ng awa at ang galit na kinimkim ay
tila unti-unti ding nalusaw, ramdam ang mga luhang namumuo sa aking mga mata.
Hinayaan ko siyang magsalita.
A-alam mo
bang noong itinanan ako ni Rodel dahil nalaman ng mga magulang ko na buntis
ako, inatake sa puso ang papa ko at namatay. Ngayon, itinakwil na ako ng mama
ko at ng dalawa ko pang kapatid. Hindi na ako pwedeng umuwi sa amin. Masakit
ngunit ang mas lalong masakit para sa akin ay ang paglayo sa taong minahal na
siya ding dahilan ng lahat. At tuluyan na siyang humagulgol.
Ewan ngunit
napaiyak na rin ako. Nakikita ko kasi sa kwento niya ang sarili ko noong
nilayuan ako ng mga taong minahal. At alam na alam ko ang tindi ng sakit na
naramdaman niya.
P-pasensya
na Derick sa pagpapalabas ko sa iyo ng mga hinanakit ko. Ayokong isipin mo na
sinabi ko ang lahat ng ito dahil sa gusto kong kaawaan mo ako. Hindi awa ang
kailangan ko kungdi pang-unawa, at... pakikipagkaibigan. Ang hirap kasi ng may
kinikimkim sa puso at walang kadamay. Para akong mababaliw. Sana lang ay
mabawas-bawasan man lang ang dinadala kong sama ng loob. Ayaw kong magkimkim ng
galit. Sana Derick, maging magkaibigan na lang tayo. Pinakawalan ko na si
Rodel. Masakit pero alam ko, matatanggap ko rin ito. Huwag ka nang magalit sa
akin.
At
naalimpungatn ko na lang ang sariling niyakap siya, at pareho kaming
nag-iiyakan.
May
sasabihin pa ako, Derick, isang lihim na itinago-tago ko kay Rodel. Hindi ko
sinabi ito sa kanya dahil ayaw kong mag-alala sya at maabala
A-ano iyon,
Mae?
May
Hindi na
niya naituloy pa ang sasabihin.
(Itutuloy)
--------------------------------
[10]
Nagulantang
na lang ako noong makitang namutla si Christine Mae at tila nawalan ng ulirat,
hawak-hawak ang
ulo niya.
Mae anong
nangyari sa iyo? Ok ka lang ba?
O-oo.
Nahihilo lang ako. Dala lang ito ng pagbubuntis... Huwag kang mag-alala,
Derick, maya-maya lang ay maging ok na ulit ako Ang sagot niya.
Sigurado ka
ha? May dinandala kang bata kaya mag-ingat ka. Kinakabahan tuloy ako sa iyo.
sabi ko.
Tumango siya
kahit pansin ko sa mukhang tila nahirapan siya. Ok lang talaga ako, Derick.
Ok, simula
ngayon, araw-araw na kitang dadalawin dito. At pangako, tutulungan kita.
Iyon ang
nasabi ko; marahil ay bunga ng matinding awa sa kanya dahil kagaya ko,
itinakwil din siya ng kanyang mga magulang at ang lahat ng paghihirap niya ay
naranasan ko rin, lalo ang sakit sa paglisan ng minamahal. Sa nalaman, hindi
magkamayaw ang utak ko sa kaiisip kung paano ko pa siya matutulungan.
Tuluyan ko
na ring nalimutan ang kung ano man iyong sasabihin pa niya sanang lihim.
Nasa may
pintuan na ako paalis noong, Derick may itatanong pala ako sa iyo
Medyo
nagulat, bumalik ulit ako sa loob. Ano iyon, Mae?
M-may kilala
ka bang Amelia Del Rosario? Amelia Robles noong dalaga pa?
Bigla akong
natulala sa narinig. Bakit mo siya kilala?
Siya ang
mama ko, Derick May natandaan kasi akong sinabi niya na kapatid daw niya na
Derick din ang pangalan at itinakwil ng pamilya nila.
Pakiramdam
ko ay lumulundag-lundag ang puso ko sa sobrang tuwa sa narinig. Ikaw ay
pamangkin ko, Mae! Pamangkin kita! Kapatid ko ang mama mo! ang sigaw ko. Kaya
pala noong una kitang makita, pansin ko kaagad ang tila pagkahawig mo sa
kapatid ko!
At
nagyakapan ulit kami, nag-iiyakan, ang mga hagulgul ay mistulang nag-aalo sa
kahirapang dinanas at bigat ng dinadala ng isat-isa.
Hindi ko rin
lubos maisalarawan ang sobrang galak na naramdaman sa pagkadiskubre ko sa
pamangkin. At imbes na aalis na, tumagal pa ng ilang oras ang pagku-kwentuhan
namin. Doon ko nalaman na umalis ang pamilya namin sa dati naming probinsya,
namatay ang mama ko isang taon pagkatapus namatay ang tatay sa atake sa puso
noong araw na itinakwil nila ako, at ang isa ko pang kapatid ay pumunta na ng
Amerika. Nalaman ko din kay Mae na sabik na sabik na rin daw akong makita ng
mama niya ngunit di lang nila alam kung saan ako hahanapin.
Alam ko;
iyon na ang simula upang magkaroon muli kami ng contact ng mga kapatid ko at na
makadalaw at makapaghingi ako ng tawad sa puntod ng mga magulang ko.
Dahil presko
pa sa isip ng mga magulang ni Mae ang ginawa nitong pagtatanan at siguradong
galit pa ang mga iyon sa kanya, Hayaan mo, Mae, isang araw, kapag nanganak ka
na, puntahan natin ang mama mo, at dalhin natin ang bata sa kanya. Tingnan
natin kung ayaw ka pa rin nilang tanggapin kapag nakita na nila ang bata... at
ako ang payo ko na lang kay Christine Mae.
Binitawan ni
Mae ang isang nigiting-pilit. Ewan ko, pero tila may matinding kalungkutan at
malalim na kahulugan ang ipinakitang ngiti niya na iyon.
Iyon ang
simula ng pagiging malapit namin ni Christine Mae sa isat-isa. At simula din
noon, Tito na ang tawag niya sa akin.
Noong
makarating na ako ng bahay, isang plano kaagad ang nabuo sa isip ko. R-rodel,
nagkita kami ni Christine Mae sa bahay na inuupahan niya
Ano?! Ang
tanong ni Rodel na may halong pagkagulat. Anong ginawa mo doon? Inaway mo ba
siya? dugtung niya.
Hindi Rodel.
Inimbitahan niya ako. Atsobrang awa ako sa nasaksihang kalagayan niya. Rodel,
tulungan natin siya; si Mae ay pamangkin ko, Rodel!
T-tlaga? Ang
may halong tuwa niyang pagkagulat. "Paano nangyari iyon?"
Mahabang
kwento, Rodel. Pero kung papayag ka, dito na natin si Mae patuluyin. Dito tayo
magsamang tatlo, magtulungan, magsimula...
Pansin ko
kaagad sa mukha ni Rodel ang pag-aalangan. E paano ang set-up natin?
Nag-usap na
kami ni Mae. At tanggap na niya na wala ka na sa buhay niya. Syempre, dito ka
sa kwarto ko matutulog habang sa kabilang kwarto naman si Mae.
G-ganoon ba?
Di ba siya lalong masasaktan sa set-up na iyon?
Rodel, huwag
mo nang problemahin iyan dahil tanggap ni Mae ang lahat. At kung mahal niyo pa
ang isat-isa, OK na rin para sa akin kung doon ka sa kanya. Sobrang awa ko kasi
sa kanya, alam mo iyon. At ngayong alam kong pamangkin ko pala siya, at dinanas
din niya ang dinanas ko na itinakwil ng mga magulang at magdusa sa pag-ibig,
parang gusto kong magparaya. Parang gusto ko siyang pagbigyan, Rodel Di ba, ako
ang Tito niya, at ako ang dapat na umintindi?
S-seryoso ka
ba dyan sa sinasabi mo? Tanong ni Rodel, tila di makapaniwala.
Oo Rodel. At
kahit dito pa kayo titira, at ako ang bubuhay sa inyo at sa inyong mga anak,
makakaya kong tanggapin ang lahat. Masakit, syempre, ngunit may tuwa naman
itong maidudulot sa puso ko dahil ang mga magiging anak ninyo ay apo ko rin, at
ikaw ay hindi naman napupunta sa iba, kungdi sa pamangkin ko. Napahinto ako ng
sandali, pinahid ang mga luhang dumaloy sa mga mata ko. At ito na rin ang paraan
upang maipakita sa mga kapatid ko na hindi ako ganyan kasama katulad ng iniisip
nila sa akin. At malay mo rinbaka sadyang hanggang ganito lang ang kayang
ibigay sa akin ng tadhana, na ang taong minahal ay magbigay ng supling na
magiging apo ko naman, na magiging parte rin ng buhay at pamilya ko, na
mag-aalaga at magmahal sa akin hanggang sa pagtanda ko. Di ba? Puwede na
iyon...
Naalimpungatan
ko na lang ang mahigpit na yakap ni Rodel sa akin, pinapahid ang mga luhang
dumaloy sa sa pisngi ko. Alam mo Derick, patuloy mo akong pinahahanga.
Napakalawak ng pang-unawa mo, napakalaki ng iyong puso. Kaya, lalong napamahal
ka sa akin Binitiwan niya ang isang napakagandang ngiti; ang ngiting noon pa
man ay nakabibighani na ng aking puso. Huwag kang malungkot, Derick. Kung iyan
ang desisyon mo, OK lang sa akin. At ipinapangako ko, dito pa rin ako tatabi sa
iyo. At inilapat niya ang mga labi niya sa labi ko.
Kinupkop nga
namin si Mae. Sa kabilang kwarto siya natutulog sa dating kuwarto ni Marvin.
(Si Marvin ay pinagawan ko ng kuwarto malapit sa garage). Maganda ang setup
namin. Kami ni Rodel ang parehong nagtatrabaho, si Christine Mae ay sa bahay
lang, habang si Marvin naman ang gumagawa sa mga gawaing-bahay at nagbabantay
na rin kay Christine Mae. Sa pagsasama naming tatlo, lalo ko pang nakilala si
Christine Mae. Mabait ito, masipag, masayahin, maaalahanin, at nagkakasundo
kami sa maraming bagay. Tila perpekto na ang lahat. At kagaya ng pangako ni
Rodel, sa akin nga siya tumatabi sa pagtulog. Masaya ako. At sa tingin ko naman
ay masaya rin si Christine Mae.
Ngunit may
napansin si Marvin kay Christine Mae. Silang dalawa lang kasi ang naiiwan sa
bahay kapag nasa trabaho kaming dalawa ni Rodel. Isang gabi noong nasa bahay
kaming lahat, isiniwalat ni Marvin ang napansin niya. Mae, sasabihin ko na sa
kanila ang napansin ko sa iyo pambungad ni Marvin sa amin, tinitingnan si
Mae.Ayaw kasi ni Mae na sasabihin ko ito sa inyo e.
Tiningnan ko
si Mae. Hindi ito halos makatingin sa amin. Ano iyon, Marvin? ang tanong kong
may halong pagkalito kay Marvin.
Ilang beses
na kasing bigla na lang si Mae na natumba, nahilo, at sumakit ang ulo.
Ha?! T-too
ba Mae?
Umiling-iling
si Mae, tila ayaw tanggapin ang sinabi ni Marvin.
Ipa-duktor
ka namin. Ang sambit ko kaagad.
Huwag na
Tito! ang biglaang sagot naman ni Mae, tila nataranta.
Basta Mae,
ipapa-duktor ka namin, baka kung mapaano ka at ang bata sa tiyan mo.
Hindi siya
kaagad nakasagot. Maya-maya, O, sige, papayag ako kung mapilit kayo. Ngunit
bago ako magpapaduktor, may hihilingin sana ako sa iyo, Tito.
O sige, ano
iyon?
Dalawang
linggo mula ngayon, magpi-pitong buwan na itong bata sa tiyan ko. Kung maari,
simula bukas ng gabi, sa akin tatabi si Rodel, dalawang linggo hanggang sa
magpi-pitong buwan na itong tiyan ko. Pagkatapus, magpa-party ako at kung maari
ay imbitahin natin ang mga magulang ko at mga kaibigan. Atsaka pa lang ako
magpa-duktor.
Hindi kaagad
ako nakasagot. Lalo akong naguluhan at ang mga mata ay ibinaling kay Rodel. A
eh. Walang problema kung sa iyo matutulog si Rodel. Sa party naman, OK sagot ko
lahat ang gastos at imbitahin natin ang mga magulang at kaibigan mo. Ngunit,
ang sa akin lang, di ba matagal ang dalawang linggo bago ka magpakunsulta sa
duktor?
Huwag kang
mag-alala Tito hindi naman grabe ang naramdaman ko. Kaya puwede pa iyan. ang
paniguro ni Mae.
At
nakumbinse naman ako, iniisip na OK lang talaga ang lahat kahit na may mga
tanong din ako tungkol sa party na hiningi niya. Inisip ko na lang na
importanteng okasyon iyon sa buhay niya, o baka, anniversary nila ni Rodel. O-e
di sige. Ang sagot ko.
Natulog kami
ni Rodel sa gabing iyon na halos walang imikan. Ngunit di rin ako nakatiis.
Tumagilid ako sa kanya, idinantay ang isang hita ko sa harap niyang ang
nakabalot ay brief lang, ang isang kamay ko naman ay sa ibabaw ng hubad niyang
dibdib. Ramdam ng mga binti ko ang bukol ng kanyang pagkalalaki at sa kamay ko
ang pintig ng kanyang puso. Ano ba ang okasyon at kailangan niyang magpa-party?
Bithday niya ba? O anniversary ninyo?
H-hindi ang
maiksing tugon niya, ang isang kamay ay marahang inihaplos-haplos sa kamay kong
nasa ibabaw ng dibdib niya.
Nakalilito.
Pero e di sige kung iyan ang gusto niya. Pagbigyan ko siya.
Tahimik.
B-bukas, sa
kanya ka na tatabi... Halos mabilaukan ako noong lumabas sa mga bibig ko ang
mga katagang iyon.
Tahimik pa
rin siya.
Nagpatuloy
ako. D-dapat lang naman siguro, diba? Dahil buntis siya at ikaw ang ama ng
dinadala niya. Dapat mo siyang damayan.
Nahihiya
lang ako sa iyo eh
At bakit
naman?
Ipinangako
ko sa iyo na hindi kita iiwan. Ayaw kong isipin mo na katulad ako sa ibang mga
lalaki dyan na sinabi mong hindi marunong manindigan; na nagbibigay pasakit sa
puso ng mga kagaya mo. Ayaw kong isipin mo na isa ako sa kanila Mahal kita at
gusto kong ipakita sa iyo na kaya kong panindigan ito.
Huwag kang
mag-alala Rodel. Alam ko, noon pang bumalik ka sa akin sa kabila ng pagkabuntis
ni Mae, na iba ka sa mga lalaking nanloko at nagpaluha sa akin. Noon pa, alam
kong marunong kang manindigan Kaya wala ka nang dapat pang patunayan
Tiningnan
niya ako, binitiwan uli ang pamatay niyang ngiti, hinaplos-haplos ang pisngi
ko. Eh paano ka dito?
Napangiti
ako sa narinig. Ano ka ba? Bahay natin ito. At nag-usap na tayo tungkol dyan,
di ba? Atsaka, dalawang linggo? Wala iyan Rodel. Huwag kang mag-alala, OK lang
ako. Promise.
At
kinabukasan nga ng gabi, si Rodel at Christine Mae ang nagsiping sa kabilang
kuwarto habang ako ay natulog na nag-isa sa kuwarto namin ni Rodel
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment