Friday, January 4, 2013

Si Rodel at ang Aking Pangarap (01-05)

By: Mikejuha
E-mail: getmybox@hotmail.com
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com

Si Rodel At Ang Aking Pangarap [1]

Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Derick, nasa middle age at nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya dito sa Makati. Aaminin ko, may pusong babae ako. Kahit hindi mo makikita sa panlabas kong anyo, sa kilos, at sa pananalita na bakla ako, sa lalaki pa rin ako umiibig. Kung experience sa seryosong pakikipagrelasyon ang pag-uusapan, naka-tatlo na rin ako, na ang average na duration ay limang taon. Ganyan ako ka seryoso sa pag-ibig. Kumbaga, todo-bigay kapag nagmahal, at kung maaari, walang monkey business. Kaso, sadya yatang hindi panghabambuhay ang ganitong klaseng relasyon. Magmahal ka man nang todo, ibigay mo man ang lahat nang makakaya mo, maging honest at seryoso ka man sa kanila, mawawala at mawawala pa rin sila sa iyo, iiwanan kang luhaan at nag-iisa.

“Hanggang kalian tayo ganito?” ang palagi kong tinatanong sa mga karelasyon ko.

“Habang buhay, syempre” sagot naman nila.

“Kung may asawa ka na ba, makikpagkita ka pa rin sa akin, bibisitahin mo pa rin ako sa bahay, bibigyan mo pa rin ako ng panahon?”


“Pangako yan, Derick... Di ako magbabago”

Iyan ang palagi kong naririnig sa kanila. At, umasa naman ako.

Ngunit noong dumating ang panahon na nakita na nila ang mga taong itinadhana sa kanila, bigla na lang din silang naglaho. Ni di ko nga alam kung saan na sila.

Masakit dahil syempre, isa lang ang buhay at kahit ganito ako, isang bakla, nangangarap din naman akong maramdaman ang naramdaman ng marami. Iyon bang may tunay na nagmahal, may katuwang hanggang sa pagtanda, hanggang sa uugod-ugod na ako.

Ngunit dahil nga sa karanasan ko, tanggap ko na, na sadyang sa ganitong relasyon, panandalian lamang ang lahat. At ang lalaki ay para lamang sa mga babae. Mangarap din itong magkaroon ng pamilya, ng mga anak... Alam ko na iyan. Hindi na kailangang i-memorize pa.

Kaya noong dumating si Rodel sa buhay ko, hindi ko na sineryoso pa ang lahat. I mean, hindi na ako nag-e-expect pa na panghabambuhay ang relasyon namin. Iniisip ko na lang na sooner or later ay aalis din siya, hahanapin ang mundo niya, ang mga pangarap niya – na hindi ako kasali; Kagaya din siya noong ibang mga nakarelasyon kong nauna. At... babalik na naman ako sa pag-iisa.

Well, isiniksik ko na lang sa isip na kahit papaano, may consolation pa rin ako, na dapat ko pa ring ikatuwa na binigyan ako ng pagkakataong makasama siya kahit sa maikling panahon. Sabi nga nila, “It’s better to have loved and lost than not to have loved at all.”

Iyan ang paniniwala ko.

Si Rodel pala ay 24 years old lang at laking probinsya, sa Samar. Nagkita kami sa isang gay bar noong nagyaya ang mga barkada ko doon. Isa siyang waiter. In fairness, matangkad siya, na nasa 5’10 o 5’11 ang taas, matipuno at bilog ang katawan, moreno at makinis ang kutis, matungis ang ilong, mahaba at medyo kulot ang buhok, at magandang magdala ng damit. Ngunit ang higit na nakakabighani sa kanya ay ang mga dimples nya na kapag ngumiti ay nakakapawi ng problema. Ngiti pa lang, heaven ka na kumbaga. Akala ko nga, macho dancer ang mokong dahil kung ako ang huhusga, talbog lahat silang nagsasayawan sa stage sa porma ni Rodel.

Noong una kong punta sa bar na iyon ay hanggang tingin lang ako sa kanya. Ngunit sa pangalawang punta ko, doon na nagsimula ang aming kwento, biyernes ng gabi iyon. Nalasing ako sa bar nila mismo at hindi na halos makalakad. Nakisuyo ako sa kanya na kung pwede ay ihatid niya ako sa apartment ko. Tuwang-tuwa naman ako dahil pumayag siya, hintayin ko lang daw ang pag-off niya sa work.

Sa pagkakataon pa lang na iyon ay impressed na kaagad ako sa kanya dahil sa pag-alalay niya sa akin hanggang sa loob ng kuwarto ko. Kumbaga, hindi niya ako iniwanan hanggang makita niyang nakapuwesto na ako sa kama at ok na ang lahat. Nasabi ko tuloy sa sarili, “Shiit! Knight in shining armour ang dating ng loko!”

Noong nagpaalam na uuwi na, nag-offer akong doon na lang siya matulog at naawa akong baka kung mapaano pa siya sa labas at may extra bed din naman ako. Nagdalawang-isip man ay pumayag na rin siya sa kakukulit ko.

Mag-aalas dose na ng tanghali noong magising siya. Syempre, nakahanda na ang pagkain at wala na naman siyang nagawa noong hinikayat ko siyang kumain muna bago umalis. Sa kwentuhan namin ko nalaman na galing pala siya ng Samar at napadayo sa Manila dahil sa may hinahanap siya. Hindi ko na masyadong binigyang pansin ang sinabi niyang hinahanap. Lahat naman kasi na galing sa probinsya ay ang hanap sa Maynila, ay swerte.

Sa kwentuhan na rin naming iyon ko nalaman ang hirap na dinanas niya sa trabaho noong tinanong ko siya kung bakit hindi siya nagma-macho dancer.

“Sa totoo lang, ayaw ko rin naman, kahit sabi nilang mas malaki ang kikitain ko. Parang hindi ko kayang magladlad ng katawan ko. Lalo na kapag ibebenta ito. At ito namang manager naming bakla ay ayaw din. Pinag-iinitan ako, at lahat ng galaw ko ay pinapakialaman, pinapansin. Lahat ng mga babaeng lumalapit sa akin na kasama ko sa trabaho ay tinatanggal niya, at nasasakal na ako sa trato niya sa akin.” Kwento niyang ang tono ay may halong waray.

“Ang guwapo mo kasi...” sabi ko sa kanya.

Hindi sya nakasagot. Binitiwan lang ang isang ngiting-hiya.

Heaven naman ako noong masilayan ang ngiti niyang iyon. “E... bakit nga pala, ano mo ba ang manager na iyan?” tanong ko.

“Iyan nga ang hindi ko maintindihan sa kanya eh.” Sabi niyang napailing-iling. “Oo, siya ang pumili sa akin sa trabaho, at alam ko, may gusto siya sa akin. Pero wala naman kaming relasyon o ano. At ayaw ko din.” Pagmamaktol niya.

“Kaya pala... nagseselos lang iyon.” sabi ko. “Bakit pala, ayaw mo bang makipagrelasyon sa isang bakla?”

“Sa totoo lang? Ayoko...” Ang diretsahang sagot nyia, nakatingin sa akin na tila ipinahiwatig na huwag na akong kahit mag-isip man lang kung sakaling may balak ako. Ngunit napansin ko ring may lungkot ang mga mata niya. Ewan ko. Hindi ko alam kung ano iyon...

Tila mabilaukan naman ako noong marinig ang sagot niyang iyon. “B-bakit? Anong masama doon? Eh... sensya na kung makulit ako ha?” pagdepensa ko sa tanong ko.

“Wala naman akong nakitang masama kapag ang isang lalaki ay nakikipagrelasyon sa isang bakla. Kanya-kanya iyan eh. Hindi nawawala ang respeto ko sa kanila. I mean, iyong tunay at wagas na nagmamahalan ha. Pero sa akin lang kasi, bakit pa ako makikipagrelasyon sa isang bakla kung isang babae ang gusto ko? At bakit ko pa pahirapan ang damdamin ng baklang magmahal sa akin? Atsaka, ang pagmamahal kasi ay kusang sisibol iyan eh, na di sinasadya, hindi pinipilit... At karamihan sa mga bakla, hindi faithful. Kahit kanino, pumapatol.”

“Araykopo!” Sigaw ko sa sarili na pakiwari ay inumpog ang ulo sa semento. “Hindi naman siguro lahat ng bakla ay ganyan! Sobra ka naman.” Pag depensa ko.

“Karamihan, Derick. Karamihan. At wala pa akong nakitang baklang hindi naglalandi kahit may boyfriend sila.”

“OK, fine...” Sabi ko na lang sa sarili ko. “E, di ibig sabihin nyan ay walang chance na iibig ka sa isang bakla?”

“Hindi ko rin masabi. Pero siguro, kapag nangyari iyan, ay may malaking dahilan kung bakit ko gagawin.”

“Anyway, ano ang plano mo ngayon d’yan sa work mo kung ganyan ang manager mo sa iyo?”

“Aalis na ako doon, Derick. Di ko na kaya. Marami na ding nagalit sa akin doon, mga kapwa ka-trabaho dahil napaalis iyong ibang mga babae nang dahil sa akin. Atsaka, inggit na din siguro...”

“Ha? At saan ka naman pupunta?” ang pagkabigla ko.

“Maghanap na lang uli ng ibang trabaho. Kung wala akong mahanap at ubos na ang pera ko, babalik na lang ng probinsya...”

“E... kung ganoon, dito ka nalang muna sa akin habang naghahanap ka ng trabaho. At kung hindi ka pa makahanap ng trabaho at may job opening na sa kumpanya ko, irecommend kong ipasok ka doon.” Ang nasambit ko. Ewan ko din kung bakit ambilis kong nagtiwala sa kanya na patirahin sa bahay ko.

Hindi nakakibo si Rodel. Nag-isip.

“Sige na. Huwag kang mahiya. Wala din naman akong kasama dito.”

“E... paano kita babayaran?”

“E, di... pwede kang maglinis-linis dito, maglaba, magluto, etc. Kung ayaw mo namang gumawa noon, pwede na ang katawan mo, pagtyagaan ko na lang iyan.”

“Hahahahaha!” Ang malutong niyang halakhak. “Palabiro ka pala” dugtong niya.

“Aba, hindi ako nagbibiro ah! Totoo iyan!” sagot ko. “Kaya dapat lang na magpaalipin ka sa akin dito upang di katawan mo ang masingil ko.”

Lalong lumakas pa ang halakhak niya.

At iyon, nagsama nga kami ni Rodel habang naghahanap pa siya ng bagong trabaho. At dito na umiikot ang kuwento namin...

(Itutuloy)

-----------------------------------------------

Si Rodel At Ang Aking Pangarap [2]

At iyon nga, nagresign kaagad kinabukasan si Rodel at nagsama kami sa apartment ko. Sagot ko ang lahat ng gastos sa bahay – ilaw, kuryente, tubig, pagkain at binibigyan-bigyan ko din sya ng kaunting pantawid gastos sa pag-aaply niya. At ok lang sa akin iyon dahil kaya naman ng budget ko.

At oo nga pala, bago tinanggap ni Rodel ang alok ko’ng doon na tumira sa apartment ko, may seryosong kasunduan kami, at ipninangako ko sa kanya ito: walang string attached ang pagtulong ko, at wala itong bahid seksuwal o malisyosong motibo. At upang maniwala sya na seryoso ako sa sinabi, isinulat ko ang pangako kong iyon sa isang papel, pinirmahan, at iniabot iyon sa kanya.

"Promise na hindi mo sirain ang pangako mong iyan?" tanong niya hinayaan lang ang papel sa kamay ko.

"Promise, cross my heart..." sagot ko naman, pag-prove sa kanya na tapat ako sa sinabi ko at iminuestra ko pa ng pa-ikes ang isang kamay ko sa dibdib.

Pagkatapos kong masabi iyon, saka pa niya tinanggap ang papel at binitiwan ang isang nakakabighaning ngiti. Syempre, heaven na naman ako. Damang-dama ko ang matinding kaligayahan niya.

In fairness, napakasipag ni Rodel sa trabahong bahay. Simula noong doon na siya tumira sa akin, napakalinis at orderly ang lahat ng mga gamit ko. Pati kubeta pinakintab. Wala akong makikitang tambak na labahan sa paguwi ko galing trabaho dahil lahat nilalabhan niya na kaagad. Kahit ang pagluluto at pamamalengke ay siya na din ang gumawa. Pakiwari ko ay wala na akong mahihiling pa sa samahan namin, I mean except sa isang bagay – na sana siya na ang taong magmahal sa akin at maging katuwang ko sa habambuhay.

Ngunit sa bawat pagkakataon na pumasok sa isip ko ang ganoon, pilit ko ding inaalis ito. Ang sasabihin kaagad ng isang parte ng utak ko ay, “Hayyy Derick! Nag-iilusyon ka na naman! Hindi ka pa ba natuto? Magkasya ka na lang sa panakaw na tingin sa kanya, palihim na paghanga, at sa pag-aamoy-amoy ng mga labahing underwear niya! Bawal ang ma-inlove. Ang landi-landi nito, hindi naman kahabaan ang hair mo noh!” Tapos, magtatawa na lang akong mag-isa na parang nasiraan na ng bait.

Sa samahan naming iyon ni Rodel ay mas lalong lumalim pa ang mga nalalaman ko tungkol sa kanya. At ang isa sa mga iyon ay ang pagka-aloof niya sa tao. Confident sya sa sarili, oo. At kapag nakita mo siyang naglalakad halimbawa, wala kang makitang kakaiba – masayahin, palabiro. Ngunit kapag napansin naman niya na ang isang tao ay may gusto sa kanya, ma-babae man o ma-bakla, ay tila natataranta ito. Sa porma at hitsura kasi ni Rodel ay walang taong hindi hahanga sa kanyang angking tangkad, ganda ng postura, at kakisigan.

May isang beses nga, namalengke kami at hinintay ko lang siya sa kotse dahil may binli pa siya sa isang shop. Maya-may, heto na, nagmamadaling pumasok sa kotse at noong makapasok na, mabilisan ding isinara ang pinto. Yun pala ay may sumunod na babae. At dahil sa hindi pinansin ni Rodel ang babae, sa akin nito ibinaling ang kanyang pagkaasar. “Jowa mo ba yan?” sabay turo kay Rodel na nasa tabi ko.

Parang gusto kong sapakin ang mukha ng babeng iyon noong marinig ang sarcastic niyang tanong. “A, E... pamangkin. Bakit?” Ang pagdepensa kong may katarayan din.

“Ganoon ba? Suplado naman niyan! Kala mo kung sinong guwapo, bakla naman yata!” ang mataray din niyang sagot sabay talikod.

Napailing-iling na lang ako at tiningnan si Rodel na napakamot naman ng ulo, nahihiyang tiningnan ako. Natawa na lang ako. Pero sa loob-loob ko, syempre, naging palaisipan din sa akin ang nasaksihan kong iyon.

Kahit sa mga barkada ko, lahat sila ay crush si Rodel. Ngunit si Rodel lang ang umiiwas. Hindi naman iyong supladong turing; iyong dumidestansya lang, pinapahalatang hindi siya pwede. Niloloko nga nila ako. “Derick, grabe naman yang ka-live in mo, super-loyal sa iyo! Ang haba-haba ng hair mo, punyeta ka!” biro nila.

“Hoy! Hindi ko boyfriend yan ah! At wag nga kayong ganyan! Nakakahiya doon sa tao. Tinulungan ko lang iyan, walang bahid malisya!”

“Asowwwwwssss! Pakipot pa to!” sabay taas ng kilay at irap. Ayaw talaga nilang maniwala na wala kaming kaugnayan ni Rodel.

Isang Byernes iyon noong maisipan naming mag-inuman, kaming dalawa lang sa terrace ng apartment ko. Bonding session kumbaga. Actually, sinadya ko rin iyon upang maisawalat ko sa kanya ang mga saloobin. Sa dalawang buwan kasi naming pagsasama, feeling ko, sobrang close na namin, at si Rodel ang taong pwede akong mag-open up.

Naka-walong bote na ako at si Rodel naman ay naka-sampu na yata, di ko na mabilang. Lasing na ako at sa tingin ko ay ganoon na rin si Rodel.

“Alam mo, Rodel... parang pagod na ako sa buhay.” Ang malungkot kong pagbulalas. “Di naman lingid sa kaalaman mo na bakla ako, diba?”

Hindi umimik si Rodel, seryosong nakatingin lang sa akin ang mapupungay na mga mata habang iniinum ang beer.

“P-para kasing nawalan na ako ng pag-asa pa na makahanap ng isang taong magmamahal sa akin, eh. Iyon bang handang ibigay ang sarili niya sa akin, dadamay sa mga problema ko, at handang makasama ako habambuhay. Oo, may pera ako, ngunit hindi naman nito nabibili ang tunay na kaligayahan, eh. Parang nakakasawa na ba. Ganito nalang ba ang buhay ko? Paulit-ulit na nasasaktan, niloloko, iniiwanan, pinaglalaruan...” ang sabi ko habang tumutulo ang luha, ang mga mata ay ibinaling sa malayo.

Tahimik lang si Rodel, nakikinig habang patuloy pa rin siya sa pag-inum.

“Alam mo, Rodel, simula pa noong ma-realize ko na isa akong bakla, palagi na lang akong umiiyak. Syempre, hindi ko matanggap-tanggap. Tinatago-tago ko ito sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko, sa mga kaibigan ko... Walang nakaaalam sa tunay kong pagkatao. Habang nag-uumpukan kaming mga lalaking magkabarkada noong high school at college, ang mainit na pinag-uusapan namin palagi ay mga babae. Nakikisali ako sa usapan, nagpapanggap na ayan, gusto ko rin ang ganitong babae, sexy, malaki ang boobs, maganda ang katawan... ngunit sa loob-loob ko, puro kasinungalingan ang mga sinasabi ko, pagkukunwari. Tiniis kong itago ang lahat. Noong ma-inlove ako, sa best friend ko pa naman, kapag nagsama kami nyan, nagtatawanan kami, ang saya-saya namin. Ngunit wala siyang kaalam-alam na may pagnanasa pala ako sa kanya. Nakakatawa. Ngunit kapag nasa kwarto na ako at nag-iisa, umiiyak ako... nagtatanong kung bakit ako kakaiba, kung bakit kailangan kong magdusa nang ganoon. Noong second year college na, bumigay na rin ako. Actually, ang unang bumigay ay ang kaibigan ko. Nag-inuman kami at nakatulog ako sa kwarto niya. May nangyari sa amin at simula noon, ginawa na namin palagi iyon – nang patago pa rin. Naging kami, at tumagal nang anim na taon ang patagong relasyon naming iyon. Noong mag-asawa siya, nag-isa na naman ako. Nakahanap din naman ako ng bago, ilang buwan lang ang nakaraan. At tumagal kami nang may apat na taon. Ngunit muli, nawala siya. Nakahanap uli ako at tumagal uli nang limang taon. At muli, nawala na naman siya na parang bula... Ansakit. Grabe! Iyon lang pagpapanggap, masakit na eh. Parang may sasabog sa dibdib mo. Tapus, iyong mga panlalait, panghusga, pang-discriminate ng mga tao sa mga kagaya namin. At ang mas lalong masakit ay iyong paglaruan ka lang, na para bang hindi ako tao na marunong ding masaktan at magmahal...”

Nanatili pa ring walang imik si Rodel. Noong nilingon ko siya, nakatutok ang mga mata niya sa kabilang direksyon. Kahit nakatalikod ang ulo niya, napansin kong tila nagpapahid siya ng luha sa pisngi niya. Syempre, nagulat ako.

“Hey... anong nangyari?” Tanong ko habang hinawakan ko ang kanyang balikat.

“Wala... may naalala lang ako” ang sagot niya habang patuloy ang pagpahid ng isang kamay sa pisngi niya.

Dahil sa napansin ko, naramdaman kong mayroon siyang malalim na itinatagong sama ng loob. “Kwento ka naman, o...” pangungulit ko.

Tahimik. Ngunit maya-maa, nagsimula din siyang magsalita, “Pagmamahal ng magulang, tiwala sa sarili at sa mga tao... at takot para sa kinabukasan. Iyan ang prblema ko. Wala akong mga magulang eh. Nabuntis ang nanay noong magtrabaho sa Maynila bilang isang katulong. Noong ipinanganak ako, namatay naman siya. Tita ko na ang nag-alaga sa akin. Ngunit palaging mainit sa akin ang asawa niya dahil malas daw ako sa buhay. Palagi silang nag-aaway dahil sa akin, sigawan, binubugbog ang tita ko. Noong labing-anim na taon na ako at di na matiis ang lahat, at dahil a rin sa awa ko sa tita ko, lumayas ako. Inampon naman ako ng isang mayamang bakla; pinakain, binihisan, pinapag-aral ng college. Nagmukhang tao ako. At ang kapalit naman nito ay ang pagkalalaki ko. Noong una ay ok lang sa akin. Palibhasa, nasisinag sa luho at rangya. Ngunit noong natuto akong umibig sa isang babae, doon na nagsimula ang pagkaletse-letse ng buhay ko. Nalaman ito ng bakla at sa tindi ng galit niya sa akin, ikinulong nya ako sa isang kwarto, itinali. Ang masaklap, ibenenta pa niya ang katawan ko sa mga kaibigan niyang mga bakla din... Sobrang pagbaboy nila sa akin. Hindi ko masikmura. Parang ayaw ko nang mabuhay sa mga sandaling iyon. Noong makatakas ako, napag-alaman ko naman na itinakwil ako ng girlfriend ko. Siniraan ako ng bakla sa kanya at sa mga tao. May mga ipinakalat pang mga ritrato sa halinhinang pag-abuso ng mga kaibigan niyang bakla sa akin noong ikinulong pa nila ako. Nagpakalayo-layo ako, sa isang lungsod at doon naghanap ng trabaho. Nakapagtrabaho naman ako bilang isang waiter. Ngunit sadya yatang malas ako sa buhay. May mga babaeng nagkagusto sa akin sa trabaho, nag-iiringan sila, nag-aaway. Ngunit ang babaeng nakapagpalayas sa akin sa trabahong iyon ay ang kasintahan ng anak ng may-ari ng bar. Ipinabugbog niya ako, at binalaang patayinka pag hindi umalis sa lugar na iyon. Kaya, heto napunta ako ng Maynila. Iyan ang dahilan kung bakit takot ako sa iyo... galit ako sa mga bakla, at takot akong may magkagusto sa akin. Ayokong magkaletse-letse uli ang buhay ko.” At tuluyan na siyang humagulgol.

Ako naman ang natameme sa narinig na kwento niya. Parang biglang nalimutan ko lahat ang mga problema ko at matinding awa sa kanya ang pumalit. Niyakap ko siya. Hinayaan naman niya akong gawin iyon sa kanya.

Nagpatuloy siya, “Noong sinabi kong uuwi na lang ako sa probinsya kapag hindi makahanap ng trabaho, nagsinungaling ako sa iyo, dahil ang totoo, hindi ko alam kung saan ako uuwi. Wala akong uuwian Derick... wala. Natakot man ako na baka maulit ang takbo ng pagkaletse-letse ng buhay ko sa iyo, wala akong magawa...”

Hindi ko malaman ang gagawin sa mga sandaling iyon. Ang tanging alam ko ay niyakap ko siya, hinihimas-himas ang likod, ang ulo, ang buhok, habang tila walang humpay naman ang kanyang pag-iiyak sa mga bisig ko.

Ewan ko din ba, ngunit habang hinihimas-himas ko ang ulo at ang buhok niya, hindi ko naman mapigilan ang sariling idampi-dampi ang mga labi ko sa leeg niya, at sa mukha. Hanggang ang mga ito ko ay tuluyan nang lumapat na sa mga labi niya...

(Itutuloy)
------------------------------------------------------------
[3]

Naalimpungatan ko na lang noong maglapat na ang mga labi namin. Di ko lubusang maipaliwanag ang matinding sarap na umalipin sa akin sa pagkakataong iyon. Kahit nakita kong patuloy pa ring dumadaloy sa mga pisngi ni Rodel ang luha at mistulang naubusan ng lakas ang katawan nito dahil sa kalasingan, hindi ko na alintana pa ang mga ito. Parang sinaniban ang katawan ko ng kung anong demonyo at ang sariling pagnanasa na lang ang naka-sentro sa utak ko.

Siniil ko siya ng halik, matagal... Pagkatapos, inalalayan ko siyang pumasok sa kuwarto niya at doon ipinagpatuloy ko ang pagsiil ng halik sa mga labi niya, ang pagyakap ng mahigpit, ang paghaplos sa maseselang bahagi ng katawan, hanggang sa wala nang natirang saplot ang aming mga katawan. At sa pagkakataong iyon, nangyari ang di dapat mangyari base sa aming kasunduan at binitiwan kong pangako sa kanya.

Bumalik ako ng kwarto ko na tuliro at di makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Naghalong guilt, hiya, pagkalito ang nadama ngunit nangibabaw ang sarap na natamasa sa piling ni Rodel. At dahil sa nalamang nakakaantig na kwento ng buhay niya, naipangako ko sa sariling hindi ko na siya pababayaan, ano man ang mangyari, susuportahan ko sya.

Maaga akong nagising kinabukasan. Excited ngunit may halo ding kaba dahil sa nangyari. Dahil may urgent pa din akong tatapusin sa opisina sa umagang iyon, nagmadali akong maligo at magbihis. Sinilip ko ang kwarto ni Rodel at nakita kong nakahiga pa rin siya. Dati-rati, may pasok man ako o wala, siya palagi ang naunang gumising at pagkagising ko, handa na ang lahat at kakain na lang kami nang sabay. Ngunit hindi na ako nagtaka kung bakit nasa kuwarto pa rin siya sa umagang iyon gawa ng kalasingan namin sa nakaraaang gabi. Dumeretso na lang ako ng trabaho kahit hindi pa nag-almusal, hindi ko na rin inistorbo pa si Rodel.

Sobrang saya ang nangingibabaw sa akin sa umagang iyon. At pakiwari ko ay lalong lumalim ang naramdaman ko para kay Rodel. “Think I'm in love again, grinning that silly grin. Look what a fool I've been, think I'm in love again. Lately I lost my mind and I do it everytime. Yes I know all the signs of being in love...” ang pakanta-kanta ko pa habang nagmaneho papuntang opisina.

Ngunit pagbalik ko ng bahay, bigla akong kinabahan noong hindi ko mahanap si Rodel. Tiningnan ko ang mga gamit niya ngunit ang lahat ng ito ay wala na rin. Hindi ako mapakali, tinawagan ko ang lahat ng mga kaibigan at tinanong kung napansin ba nila si Rodel. Ngunit wala ni isa man sa kanila ang makapag-bigay ng impormasyon kung saan nagpunta si Rodel.

Nung mabaling ang mga mata ko sa ibabaw ng study table, nakita ko ang isang nakatuping papel. Binuklat ko ito. Sulat kamay ni Rodel.

“Dear Derick, masakit sa kalooban ko ang lumisan ngunit wala akong magawa kungdi ang gawin ito. Sa dalawang buwang pagtira ko sa iyo, noon ko lang naranasan ang sarap nang may taong nagtiwala sa akin, nag-aalaga, naipadama sa akin na may silbi din ako ako sa mundo, may importansya, at kung saan nakapagbigay sa akin ng bagong pag-asa. Akala ko, tuloy-tuloy na ito. Akala ko, may swerte pa rin palang natira sa buhay ko. Akala ko, mararating ko na ang mga pinangarap ko sa buhay nang dahil sa iyo. Akala ko, meron pang natirang baklang tapat at kayang gumawa ng kabutihan nang walang pagnanasang nakakabit. Akala ko, iba ka. Ngunit mali pala ako. Alam mo ang buhay ko. Alam mong sinalbahe ako ng kapwa mo bakla. Di mo ba naramdaman ang sakit na dinanas ko, ang dulot na sakit niyon sa kaluluwa ko? Alam mong ang pagpayag kong tumira sa iyo ay dahil sa pangako mong walang bahid malisya ang pagkupkop mo sa akin. Subalit sinira mo ang pangako mo! Bakit?!!! Sobrang sakit ang naramdaman ko habang nagpapasasa ka. Umiiyak ako ngunit hindi mo ako pinansin. Katulad ka rin pala nila! Hindi mo lang alam na habang ginagawa mo sa akin iyon, bumabalik-balik sa isipan ko ang mga pang-aabusong naranasan ko, ang pambababoy sa pagkatao ko. Lalo mo akong sinaktan. Lalo mong ipinadama sa akin na walang kwenta ang buhay ko! Na hindi ako dapat respetuhin! Masakit Derick, sobrang sakit... Kaya wala nang dahilan upang ako’y magpatuloy pa sa pagtira dito. Ayokong isipin na sa pagtulong mo pala sa akin, katawan ko lang ang habol mo. Ayoko nang maulit pa ito. Kaya huwag mo na akong hanapin. Maraming-maraming salamat na lang sa lahat. –Rodel- PS. Kalakip dito ang papel kung saan mo isinulat at pinirmahan ang pangako mo sa akin. Isinoli ko na.“

Natulala ako sa nabasa, tila sinampal-sampal ng maraming beses. At di ko na napansing tumulo na pala ang mga luha ko sa di inaasahang sulat ni Rodel na iyon. Tila biglang bumalik ang katinuan ng isip ko, natauhan. “Napaka-selfish ko...” ang nasambit ko na lang sa sarili.

Sa mga sumunod na araw, naging tulala ako. Hindi halos matanggap ang nangyari, nahirapang mapatawad ang sarili, nanghihinayang sa nagawang pagkakamali at sa pagiging manhid at makasarili. Naisip ko na marahil kung pinigilan ko lang ang sarili sa gabibg iyon ay hindi ako iiwanan ni Rodel. Sobra ang panghihinayang ko; sobrang galit ang naramdaman ko para sa sarili.

Noong hindi ko na matiis pa ang pagka-guilty, inisa-isa kong inikot ang mga bar sa Metro Manila gabi-gabi, nagbakasakaling mahanap ko pa si Rodel. Ngunit halos tatlong linggo nang paikot-ikot ako sa mga bar, wala pa ring Rodel akong nakita.

Gigive-up na sana ako noong may natanggap akong text message galing sa isa kong kaibigan, “Rick, ma-excite ka nitong news ko. Si Rodel, nandito sa gay bar na pinuntahan ko ngayon! Heto kasalukuyang rumarampa at all the way ang mokong! Shiiittt! Ganda ng katawan ng fafa mo, ampogi pa! Siya ngayon ang center of attraction dito! Punta ka - NOW na!!!”

Simbilis naman ng kidlat akong pumara ng taxi at halos pagsabihan ko na ang driver na paliparin nya ang sasakyan. Noong makarating na ako, hindi ko na naabutan si Rodel na rumampa. Ngunit lalabas daw ulit, kasam na ang boung grupo.

Dumating nga ang portion na iyon na nagsilabasan na ang mga macho dancers. Pinakahuling lumabas si Rodel. Bikini brief lang ang suot, inuunat-unat ang katawan sa pagsasayaw na mistulang isang ahas na alumilingkis habang palapit nang palapit sa gitna ng stage. Napaka-experto nya sa pagsayaw. At kung pagmasdan ang harapan niya, bakat na bakat ang kanyang pagkalalaki na mistulang ipinangalandrakan pa niya. Tilian ang mga babae, matrona at bakla. Hindi ko maintindihan ang naramdaman noong makita siya sa ganoong ayos. Pakiwari ko’y ibang Rodel ang nakikita ko, kabaligtaran noong unang makita ko siya sa isang bar bilang waiter na naka-long sleeves at tie, medyo mahiyain, disente ang porma, respectable, magalang, at may pagka-aloof.

Tinitigan ko siya sa sobrang pagkamangha. At habang nasa ganoong ayos siya sa pagsasayaw, hindi niya inaasahang makita ako doon. Tila namangha din siya noong makita ako. Bumaba siya sa stage at lumapit sa table namin. Nagsasayaw-sayaw pa rin siya habang papalapit, ang mga mata ay mistulang nang-inggit, nambibighani, nakatutok sa akin. Maya-maya, kinuha niya ang isa kong kamay at ipinasok iyon sa ilalim ng kanyang brief sa kanyang harapan sabay lapit at bulong sa akin, ang mga labi ay sinadyang idinadampi-dampi sa tenga ko, “malaki ba? Natikman mo na yan, di ba? Kung gusto mo, laru-in mo Derick, ok lang sa akin. Sobrang nalilibugan na akohh...” Habang hiyawan naman ang mga tao, kantyawan.

Ngunit hindi ako natuwa. Feeling ko umakyat ang lahat ng dugo ng katawan ko sa ulo. Hinablot ko ang kamay ko at binitawan ang isang tingin na nanggagalaiti. Pinilit ko ang sariling magtimpi. Naisip ko na kasalanan ko ang lahat nang nangyaring iyon sa kanya kaya ako dapat ang magpakumbaba. Nakangising-aso si Rodel na bumalik na ng stage, nakatingin pa rin sa akin at kinakagat-kagat ang mga labing tila ipinaramdam sa akin na nasarapan.

Sa kagustuhang makausap, tinawag ko kaagad ang isang waiter at sinabihang gusto kong maka-table si Rodel. Ngunit may nauna na raw sa amin. Kaya wala na akong nagawa kungdi ang manatili doon at hintayin ang pagsara ng bar. At habang nasa ibang table si Rodel, panay naman ang pang-iinggit at pagpapaselos niya sa akin. Inaakbay-akbayan ang customer, halos magdidikit na ang mga bibig nila pagkukwentuhan at pagtatawanan... Nasaktan ako, sobra. Pero tiniis ko pa rin. “Kasalanan ko eh”, ang sabi ko na lang sa sarili.

Noong magsara na ang bar, tinanong ko si Rodel sa isang waiter. Ngunit nakaalis na daw ito kasama ang isang mayamang customer. Tila gumuho ang mundo ko sa nalaman.

Kinausap ko kaagad ang manager at may-ari ng bar na nagkataong nandoon pa. At naisipan ko na lang na makipag-deal sa kanya. Sa deal namin, babayaran ko siya para lang si Rodel ay hndi magtatrabaho sa susunod na gabi sa bar at bagkus sa akin siya magsiserbisyo. Pumayag naman ang may-ari.

Kinabukasan, wala pang alas otso ng gabi, nagpunta na ako sa bar. Pumasok kaagad ako sa manager’s office at hinitay ang pagdating ni Rodel. Hindi ko maisalarawan ang tunay na naramdaman, kung sasama ba sa akin si Rodel o aayawan niya ang gusto ko. “Bahala na!” Sigaw ng utak ko.

Noong pumasok na si Rodel sa manager’s office at sinabihang sa akin siya magserbisyo sa gabing iyon, kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat. Ramdam ko ang matinding pagpo-protesta ng damdamin niya. Ngunit wala rin siyang magawa. Alam ko, ayaw din niyang mawalan ng trabaho kaya sunod-sunuran na lang siya sa gusto ng boss niya. Alam ko ring maraming katanungan ang pumasok sa isip niya sa arrangement na iyon ngunit hindi niya magawang itanong pa iyon. Nagmamaktol man, sumunod na rin siya sa akin noong lumabas ako sa opisina ng manager at tinungo ang parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko.

Pagpasok na pagpasok niya kaagad sa kotse sa upuang katabi ko, halos matanggal naman ang pintuan sa pwersahang pagsara niya nito pagparamdam sa matindi niyang galit – galit sa nagawa ko, at galit na mistulang pinagkaisahan siya sa gabing iyon. Tiningnan niya ako nang sobrang tulis na sumagad na yata sa kaluluwa ko. “Na-miss mo talaga ako, no? Isang beses mo nga lang akong natikman, naaadik ka na kaagad sa akin? Tangina, paano na lang kaya kung kagaya ngayong may bayaran na pala, ako na ang magtatrabaho sa kama, e, di buong kaluluwa mo na niyan ang isasangla mo kay satanas!” Bulyaw niya.

Nagkunyari na lang akong walang narinig. Kalmanteng pinaandar ang sasakyan na parang wala lang nangyari, walang tensiyon.

Patuloy pa ring nagtatalak si Rodel. “Putsang buhay to o. Kahit saan talaga hindi ako tinatantanan ng malas. Totoo yatang kahit saan ako magpunta, susundan at susundan pa rin ako ng malas. Tanginang buhay to!” P***** INA NYONG LAHAT!!!

Kalmante pa rin ako, hindi ipinahalatang naapektuhan, at hinayaan lang siyang ipalabas nang ipalabas ang lahat ng galit sa puso niya.

“Sabagay, maganda na rin ang ganito, makisayaw na lang sa tugtug ng panahon. Ganito lang naman talaga ang takbo ng buhay eh. Lahat puro mga plastic, mga oportunista, mga hayok sa laman, mga manggagantso, mga manloloko. Wala nang pwedeng pang pagkatiwalaan sa mundo. Tanginaaaaaaaaa!”

Noong makarating na kami sa parking lot ng isang restaurant sa Makati, mahinahon ko syang sinabihan, “Kain muna tayo...”

Matigas pa rin ang titig niya. Ngunit sumunod naman sa akin. Umurder ako ng makakain, ako na rin ang umorder ng para sa kanya. Alam ko kasi ang mga paborito niyang ulam kaya iyon din ang mga inorder ko. Noong kainan na, walang imikan. Napansin kong konti lang ang kinain ni Rodel. Kaya, “Kumain ka ng marami...” sabi ko.

Itinaas lang niya ang isang kamay, ipinakita ang malaking daliri, sabay pag-emphasize sa bibig niya, nanggalaiti ang mga matang nakatitig sa akin, at kontroladong binaggit ang mga katagang, “F*** YOU!”

Hindi na ako umimik. Madalian ko na ring tinapos ang pag-kain ko at hiningi na ang chit.

Bumalik ulit kami sa kotse. Wala pa ring imikan hanggang sa makarating kami sa flat ko. Noong makapasok na, dumeretso kami sa terrace. Kumuha ako ng mainum at pulutan at inilagay ang mga iyon sa mesa, sa harap namin.

“Sex lang naman ang gusto mo, di ba? Gawin na natin para makauwi na ako! Leche, andami pang ritual sa kama pa rin naman ang hantungan!” Sabi niya, pagpahiwatig sa inumin at mga pulutan na inilabas ko.

“Ang agreement namin ay buong magdamag ka dapat sa akin. Kung anong oras magsara ang bar, ganung oras din kita pakawalan. Pero... bibigyan kita ng option. Kung gusto mong maka-uwi ng maaga, mag-inuman muna tayo.” Ang pagpaliwanag ko.

“Owwww? Talaga? Buti ka pa alam mo. Bakit kaya hindi ko alam?” ang sarcastic naman niyang tugon.

“P-pasensya na Rodel. Tinangka kong kausapoin kita kagabi. Kaso hindi ka naman available eh.”

“Syempre, hot item ang katawan na ito. Kung binigyan mo lang kasi ako konting respeto, e di sana, lahat na atensyon ko, lahat ng oras ko, lahat ng panahon ko... ay nasa iyo!”

“O sige na, sige na... ako ang mali. O ano, mag-inuman ba tayo o magkwentuhan nalang hanggang madaling araw?”

“Tangina! Ano pa ba ang magagawa ko? Mag-inuman na para makalayas dito ng mas maaga!”

At kinagat niya ang option na iyon. Walang imik na kinuha niya ang wine glass, nilagyan iyon ng ice, at magsalin ng alak dito. Nagsalin na din siya sa isa pang wine glass para sa akin at padabog na inilagay sa harap ko. Wala kaming imikan hanggang sa lagpas kalahati na ng malaking bote ng imported na alak ang naubos namin. Medyo lasing na ako, pati na rin siya.

“Magkano ba ang binayad mo sa manager naming bakla para masolo mo ako ngayon?” ang matigas na tanong niya.

“Kailangan mo pa bang malaman yan?”

Binitawan niya ang ngiting-pilit, napailing-iling. “Tangina! Ganyan ba talaga kayong mga bakla? Sinisira nyo na ang buhay namin, nagbabayaran kayo ng hindi nyo man lang ako kinunsulta? Katawan ko ang pinag-usapan dito! At wala akong kaalam-alam kung magkano ang pagbenta ng tanginang baklang iyon sa akin sa iyo? Anong klaseng mga tao kayo!!!” Sigaw niya.

“Ok... ok...” napahinto ako nang sandali at tiningnan siya. “20k”

Bigla siyang napatayo at sumigaw. “P***** INA! Tas ang ibibigay lang noon sa akin ay wala pang dalawang libo!” Sumandal sya sa barandilya ng terrace, ramdam ko ang matinding pagtimpi niya ng galit.

Para akong isang tupa na hindi makaimik at nagyumukyok sa tabi.

Ilang sandali lang at binitiwan nya ang isang malalim na buntong-hiniga, ibinaling ang paningin sa malayo, tila nag-iisip. Maya-maya, nilingon niya ako. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang matinding galit. Kaagad niyang kinaladkad ako patungong kuwarto at noong malapit na sa kama, itinulak nya ako ng malakas dahilan upang bumagsak akong patihaya sa ibabaw noon. “Tapusin na nga natin ito! Putsa! Itong ari ko lang naman ang habol mo di ba?!!!” Sambit niya.

Pakiwari ko’y isang iglap lang ang lahat na halos di ko na namalayang nandoon na pala ako sa ibabaw ng kama, nakatihaya at siya ay nakatayo sa harap ko. Gulat na gulat ako sa bilis ng mga pangyayari, nanlaki ang mga mata ko at ramdam ang paglakas ng kabog ng dibdib.

Kung gaano kabilis niya akong kinaladkad ay siya ding bilis ng mga sumunod na pangyayari. Nakapako ang tingin sa akin, dali-dali niyang tinanggal ang t-shirt, ang sinturon, ang zipper, at tuluyan nang hinubad ang pantaloon niya kasama na ang brief. Pagkatanggal na pagkatanggal sa lahat ng saplot, sumampa kaagad siya sa kama at sinadyang itutok at idiniin-diin sa mukha ko ang harapan niya...

(Itutuloy)

-----------------------------------

[4]

Hindi ako makahinga sa ginawa niyang iyon kaya mabilis ko siyang itinulak. Napatagilid sya sa kama at pinakawalan ko ang isang malakas na sampal na tumama sa mukha niya. “Pak!” Nanlaki naman ang mga mata ko sa pagkabigla, di inaasahang magawa ang pagsamapal, ang mga kamay ay itinakip sa bibig.

“Araykop...!” Ang nasambit niya, hawak-hawak ng isang kamay ang mukhang natamaan. Ini-expect ko na paulanan niya ng suntok ang mukha ko. Ngunit, “Ano ba ang gusto mo, tangina ka!” ang bulyaw niya, haplos-haplos pa rin ng isa niyang kamay ang pisngi na nasampal.

Tila nabunutan naman ako ng tinik noong hindi niya ako ginantihan. “Rodel, hindi sex ang kailangan ko sa iyo! Naintindihan mo ba iyon?” ang sagot ko na lang nang mahinahon.

“Hindi sex? Noong gabing ginamit mo ako, gusto mo iyon. Ngayon, nagbayad ka ng 20k sa manager kong swapang, hindi mo na gusto. Ano ba talaga? At bakit? Hindi ka ba nasarapan sa akin? Ha? Kung kailan na sana payag akong babuyin mo kahit ilang ulit pa, saka ka naman nag-iinarte! O sige, ganito na lang...” tumayo siya, tinumbok ang mini-component, pumili ng cd sa rack atsaka pinatugtog iyon. “Pagmasdan mo na lang ako, ok? Kakahiya naman kasi, 20k pa naman ang bayad mo sa akin dito. Putsa tiba-tiba na naman ang manager kong demonyo.” At sumayaw-sayaw siya, hubo’t-hubad pa rin sa harap ko, iyong klaseng sayaw na ginagawa nila sa gay bar.

Yumuko na lang ako noong maramdaman ang mga luhang dumaloy na sa mga pisngi ko habang patuloy ang pang-aakit at pang-inggit niya sa akin.

Marahil ay napansin niyang umiyak ako, huminto siya sa pagsasayaw. “Tangina, kakabadtrip naman! Ano bang gusto moooooo!” sigaw niya.

“Patawarin mo ako Rodel, iyan lang ang gusto ko.”

“Patawarin? Akala mo ganoon lang kadali iyon? Derick, hindi mo alam kung gaano kalalim at kasakit ang naramdaman ko dulot nang naranasang pambababoy ng mg bakla sa akin. Araw-gabi nakatatak iyon sa isipan ko iyon. Hindi makatulog, halos mabaliw ako sa kaiisip! Alam mo bang ilang beses ko nang pinag-isipang magpatiwakal dahil doon? Tapos, noong bumalik na SANA ang tiwala ko sa sarili, ganoon na naman ang ginawa mo sa akin? Alam mo bang dahil sa ginawa mo kaya ako pumasok na lang sa pagmamacho-dancer at pagko-call boy? Alam mo ba??? Alam mo baaaaaaaaaaaaa!!!!!” bulyaw niya sabay upo sa gilid ng kuwarto at hagulgol na parang bata.

Nilapitan ko siya at niyakap, hinaplos ang ulo. “Kaya nga patawarin mo ako eh...”

“Huwag mo akong hawakan, tangina mo... SINIRA MO ANG BUHAY KOOOOOO!!!” Patuloy pa rin siya sa paghagulgol.

Wala akong magawa kungdi ang dumestansya, naupo din sa sahig, pinagmasdan siya. Sa nasaksihan sa kanya, lalong tumindi ang naramdaman kong awa. “Ano ba ang pwedeng gawin ko upang mapatawad mo, Rodel? Sabihin mo. Pwede mo pa namang ituwid ang buhay mo ah, tutulungan kita.” Sabi kong nagmamakaawa ang boses.

“Tutulungan? At anong kapalit? Katawan ko? Bababuyin mo din ako? Huwag na oy! Mas ok pang ako na ang bababoy sa sarili ko.” Tumayo siya, pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig at inisa-isang isinuot iyon simula sa brief, sa pantalon, sinturon, hanggang sa t-shirt at pagkatapus, tinumbok ang terrace at naupo, ang tingin ay mistulang napakalayo.

Sumunod ako, umupo din sa silyang nasa harap niya. “Rodel, sorry na please... Sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin upang bumalik ang tiwala mo.”

“Layuan mo ako. Lubayan mo na ako. Iyon lang ang hihilingin ko sa iyo. Ayoko nang magtiwala pa. Simula noong isinilang ako, wala pa akong nakitang taong pwedeng pagkatiwalaan. Lahat sila mga manggagamit, oportunista, manloloko. Lahat sila, itong hitsura at katawan kong ito lang ang habol. Lahat sila mga plastic, ang nais lang ay babuyin ako. At isa ka sa kanila!” At tumayo siyang patalikod sa akin, ang mga kamay ay itinukod sa grills ng terrace.

“Rodel, hindi kita masisisi kung ganyan ang paniniwala mo sa akin. Oo, inaamin ko, nagkasala ako sa iyo. Hindi ko akalain na ang ginawa ko ay makapagdulot pala ng karagdagang sakit sa isang matinding sugat sa puso mo na sana ay unti-unti nang nahilom. Pero lahat naman ng tao ay nagkakasala at nagkakamali, diba? At hindi lahat ng tao ay pare-pareho. Malinis ang intension ko sa iyo, Rodel. Nagkamali lang ako. Ngunit kung bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataong ituwid ang pagkakamaling iyon, gagawin ko. Patawarin mo lang ako.”

Hindi pa rin siya natinag.

“Rodel, lahat ng tao ay may kanya-kanyang pagsubok, may kanya-kanyang pinapasan sa buhay. Ako, akala mo ba masaya ang buhay ko? Hindi... pero pinilit kong maging masaya, maging makabuluhan ito, at may direksyon, may pangarap. At kahit ganito lang ako, pinilit ko pa ring kamtin ang mga pangarp ko; pinilit kong bigyang halaga ang buhay ko. Noong sinabi mong nag-iisa ka lang sa mundo, walang kakampi, at niloloko ng mga taong pinagkakatiwalaan mo, naramdaman ko ang naramdaman mo dahil...” napahinto akong sandali, pinahid ang mga luhang dumaloy sa mga mata.

Nanatiling walang imik si Rodel, tila nakikinig sa bawat salita na lalabas sa bibig ko.

“...kagaya mo, nag-iisa rin ako sa mundo. Noong graduating na ako ng college, nalaman ng mga magulang kong bakla ako. Nahuli nila kami ng boyfriend ko sa bahay na may ginawa. Hindi sila makapaniwala sa nakita at itinakwil nila ako. Pati mga kapatid ko, hindi na rin ako pinansin. Ang masaklap pa, pati boyfriend ko ay tuluyan na ring lumayo sa akin. Pakiramdam ko, gumuho ang mundo ko sa pagkakataong iyon. Kaya sa sama ng loob, lumayas ako. Nababalot sa takot at pangamba, walang kakampi, nakiki-pagsapalaran sa lugar na ni minsan ay hindi ko pa napuntahan... hindi ko alam kung ano ang gagawin, kung saan pupunta, kung kanino humingi ng tulong. Ngunit nilakasan ko pa rin ang loob ko. Inisip na mga pagsubok lang ang lahat ng mga iyon sa buhay ko na malalampasan ko rin. Hindi ako nawalan ng pag-asa. Nagpakatatag ako, at buong tapang na hinarap ang mga hamon... Ngunit alam mo ba ang kaibahan ng sitwayon natin? Pinili mong sirain ang buhay mo. Nagpatalo ka sa galit. Nagpatalo ka sa mga hamon sa buhay. Imbis na lumaban ka, sinisisi mo ang lahat ng mga taong nakapaligid sa iyo – pati na iyong mga taong handa sanang tulungan ka. Buksan mo ang mga mata mo, Rodel. Napakasarap mangarap sa buhay. At lalo pang masarap ito kapag may mga taong sa kabila ng kanilang pagkakamali, ay tunay na nagmahal sa iyo. Huwag mong ituring ang lahat ng mga tao na kaaway. Mayroon din sa kanila ang kakampi. Sila ang hanapin mo...”

Dahil sa hindi pa rin siya umimik, tumayo ako at nilapitan ko siya, inakbayan. Doon ko lang napansing umiiyak pala siya.

“Patawarin mo ako Rodel...” ang mahina kong sabi.

Humarap siya sa akin. “Pwede na ba akong umalis?” ang paglihis niya sa tanong habang pinapahid ang mga luha niya sa pisngi.

“Ayaw mo na bang makipag-usap sa akin?”

“Pagod ako... naguguluhan, litong-lito. Gusto ko na sanang magpahinga.”

“O-ok... kung iyan ang gusto mo. Ihatid na kita sa tinutuluyan mo?”

“’Wag na...” sabay tumbok na sa pintuan.

“Sandali!” Kinapa ko ang wallet ko sa bulsa at dumukot ng isang libo. Iniabot ko iyon sa kanya.

“Huwag na, may pera pa ako.” Pagtaboy niya sa kamay ko. At kahit anong pilit ko, hindi pa rin niya tinanggap ang pera.

“Ok...” ang malungkot kong tugon. “Ayaw mo ba talaga akong patawarin?”

Hindi siya sumagot.

Akmang tatalikod na sana siya noong kinapa ko sa bulsa ko ang duplicate na susi ng apartment ko at iniabot iyon sa kanya. “Ito na lang ang tanggapin mo. Kapag isang araw ay maisipan mong bumalik, welcome ka palagi sa bahay na ito. At kapag nadatnan kitang nandito sa loob, iyon na siguro ang pinakamaligayang araw ng buhay ko...”

Pansin ko ang pag-aatubili niya. Ngunit tinanggap pa rin niya ito. Kahit papaano, may konting saya din akong naramdaman.

Nakatalikod na si Rodel noong sinabihan kong, “Rodel, pakawalan mo ang lahat ng galit d’yan sa puso mo...”

Alam kong narinig niya ang sinabi ko. Tuloy-tuloy pa rin siya sa paglakad papuntang stairway pababa na sa ground floor.

Dali-dali naman akong dumungaw sa terrace upang sundan siya ng tingin sa kalsada na nasa ibaba lang. Subalit laking gulat ko noong napatapat na siya, inihagis niya sa akin ang susi na iniabot ko. Bumagsak ito sa sahig ng terrace. Biglang gumuho ang mundo ko at naglaho ang lahat nang pag-asang babalik pa siya.

Sa sama ng loob, hindi ko na pinuntahan pa ang bar kung saan si Rodel nagmamacho-dancer. Isiniksik sa utak na nagawa ko na ang lahat at pilit na tinanggap na hindi na kami pweding magsama uli sa isang bahay. “At least, I tried my best” sabi ko na lang sa sarili.

Masakit... mahirap. Pero pinilit kong kalimutan siya. Isang lingo, dalawang lingo, tatlong lingo ang nakaraan at ramdam ko pa rin ang sakit. Tiniis ko ang lahat ng iyon.

Ngunit, hindi ko pala kaya. Bumalik pa rin ako sa bar niya kahit walang gagawin kungdi ang mag-order ng mainum at pagmasdan siya. Hindi na rin ako naki-agaw sa mga customers na gusto siyang maka-table o mai-uwi. Nakita ni Rodel na nandoon ako. Ngunit tila hindi na niya ako kilala pa. Sa tuwing nakikita siyang may ibang ka-table o kasamang customer sa pag-uwi pagkatapus ng show niya, di naman maisalarawan ang tunay kong naramdaman. Durog na durog ang puso ko.

Isang araw, naramdaman kong di ko na kaya at kailangan ko nang ihinto ang kahibangan ko, tuluyang kalimutan siya. Ngunit bago iyon, nagpagawa ako ng malaking streamer, 10 x 4 meters at isinabit iyon sa building sa harap mismo sa bar ni Rodel. Syempre, binayaran ko ang may-ari ng building. Ang nakasulat, “Rodel, di na kita guguluhin pa. Ngunit hihilingin ko sa iyo – sa huling pagkakataon na sana ay puntahan mo ako sa Ayala Avenue, Makati; sa kanto kung saan nandoon ang isang puno ng kahoy na minsan ay kinudlitan mo ng iyong pangalan. Maghintay ako doon, sa darating na Sabado, hanggang alas 7 ng gabi”

Dumating ang takdang araw. Hindi ko lubos maisalarawan ang naramdaman. Sobrang kaba, takot, lungkot na baka hindi na papansinin pa ni Rodel ang mensahe ko... Alas 6:00 pa lang ay naglakad na ako papunta doon. Malapit lang kasi sa apartment ko. Subalit laking pagtataka ko sa nakitang maraming taong nag-uumpukan din sa lugar at lahat sila ay nakatingin sa akin. Syempre, sobrang hiya ko. Ang iba sa kanila ay nakatayo lang at mayroon ding yumakap sa akin at nagbigay-suporta at encouragement, “Kaya mo yan... dude” “Go, go, go, you deserve a chance” na nagpalakas naman ng loob ko. Ngunit mas lalo akong namangha noong may mga crews ng isang TV channel na nandoon din at sinadyang i-cover ang kuwento.

6:30, walang Rodel na dumating. 7:00 wala pa rin. Hinintay ko ang 7:30; wala. Hanggang 8:00, wala p arin, hanggang sa unti-unting nag-aalisan na ang mga tao at ang mga crews ng TV channel.

Tila naubusan ako ng lakas sa pangyayari. Sobrang sama ng loob, nagdurugo ang puso, nagpasiya akong lumisan na rin sa lugar. Noong makapasok na ng bahay, ibinagsak ko kaagad ang katawan sa higaan at ibinuhos ang lahat ng sama ng loob sa paghagulgol.

Nasa ganoong ayos ako noong mula sa terrace ay may narinig akong ingay. Sa pag-aakalang ano ang mayroon, tumayo ako, pinahid ang mga luha. At noong buksan ko ang pinto, di ako makapaniwala sa bumulagta sa mga panoingin ko. Si Rodel, nakatayo sa harap ng pinto, ang mga mata ay seryosong nakatingin sa akin.

“Rodel! Nandito ka??!” Sigaw ko sa sobrang pagka-gulat.

“Oo, pinakawalan na ng puso ko ang lahat ng galit ko sa mundo”

“Bakit dito sa terrace?”

“Di ba dito ko naitapun ang susi ng apartment. Kaya inakyat ko nalang ang pader at tinalon itong terrace, nagbakasakaling mahanap ko pa ito dito.” Sabay kindat naman sa akin at bitiw ng pamatay niyang ngiti.

Syempre, heaven ako sa ngiti niya kaya niyakap ko kaagad siya nang mahigpit na mahigpit. At tinugun din niya ng kasing-higpit ang yakap ko...

“Bakit ka pala hindi sumipot doon, ang daya mo...”

“May nakita kasi akong mg crews ng TV. Malay mo, kapag nadiskubre ako doon, kunin nila akong artista. Paano yan, e di na naman ako uuwi pa sa iyo...”

At sabay kaming nagtatawanan.

(Itutuloy)
-------------------------------------------------------

[5]

Kaya iyon, balik-samahan na naman kami ni Rodel. At sa pagkakataong iyon, iniwasan ko na talaga ang magkamali, ang magpatalo sa tukso.

Ang hirap pala, grabe, sobrang hirap. Iyon bang kasama mo sa isang bahay ang taong mahal mo ngunit hanggang tingin ka nalang sa kanya, ang lahat ay may limitasyon.

In fairness, napakaganda din naman ng samahan namin. Lahat ng gawaing-bahay ay sa kanya habang ako ang naghahanap-buhay. Sex na lang kumbaga ang kulang. Bumalik ulit ang sipag nya sa pagtatrabaho sa akin, ang pagiging thoughtful, sa pagiging masinop sa lahat ng bagay. At hindi siya tumatanggap ng sweldo Kapag may gusto lang siyang bilhin, at saka lang siya nanghihingi ng pera, o kaya’y kapag nagsa-shopping kami ng mga gamit at may magustuhan siyang damit o pantalon, binibilhan ko siya. Kung tutuusin, parang alila nang maturingan siya sa set-up namin.

Medyo nagi-guilty din ako ng kaunti pero sa tingin ko naman ay masaya din siya sa ganoon. In fact, naging sobrang close kami sa isa’t-isa. Sa kanya natuto din akong maglaro ng basketball. Dahil sa athletic si Rodel, ginigising na din ako niyan alas kwatro pa lang at niyayayang mag-jogging o kaya’y makipag-sparring ng basketball. Aaminin ko, nagbago ang lifestyle ko sa impluwensya ni Rodel, naging conscious na rin ako sa physical activity.

Noong unang umagang niyakag ako ni Rodel na gumising ng maaga at samahan siya sa kanyang pagja-jogging at paglalaro, talagang inaayawan ko. Ngunit makulit siya kayat nahikayat na rin ako.

“Ayoko nga Rodel! Tinatamad ako, at di ko alam magbasketball! Eto naman o, istorbo! Inaantok pa ako, ano baaaa?” pagmamaktol ko habang hila-hila naman niya ang blanket ng kama ko.

“Wala akong kasama Direk... walang kalaro. Dyan lang naman sa baba eh. Samahan mo na ako, please...” pagmamakaawa niya.

“Ayoko nga...”

“Sige pag di mo ako samahan, mag-iingay ako dito. O kaya, maghanap ako ng kasama dyan sa labas, madaming chick dyan na gustong makipag-kaibigan sa akin.” Pananakot niya.

Kaya, “Oo na, sige, sama na ako! Hmpt! Istorbo nito.” Na lang ang naisagot ko.

“Ayan...” At ngingiti na ang loko at iha-hug ako, pasalamat na pinagbigyan siya.

Syempre, ako ba naman, sa ngiti pa lang ni Rodel lahat ng problema sa mundo ay napapawi na. Syempre, nalulusaw ang puso ko.

Kaya, 4am – 4:30 jogging, at pagkatapus, sparring na kami ng baseball sa court ng apartment, isang oras. Kahit di ako marunong maglaro, pinagtityagaan pa rin ako ni Rodel, pinagtatawanan, niloloko, iniinis, hinahamon. Kaya, kahit paano, pinag-igihan ko rin na matuto para hindi niya basata-basta pagtatawanan. At sa tingin ko naman ay natuto din ako, kahit papaano. Pagkatapus ng laro namin, naliligo na ako tapus tulog ulet, habang siya, diretsong magluto at pagkatapus, maligo. Gigisingin na lang ako niyan pag alas otso na, sabay kain kami ng agahan at aalis na ako papuntang trabaho.

Iyan ang routine namin ni Rodel sa araw-araw. Pagdating ko naman galing trabaho, nandyan lang din siya sa apartment, kung hindi nanunuod ng TV, nagwo-work out, tila hinihintay ang pagdating ko.

“O musta ang work?” Kaagad ang tanong niya.

“Ok lang naman....” At mag-share na ako sa mga experiences sa opisina, mga nakakabwesit na eksena, mga nakakaaliw at nakakabaliw na mga pangyayari, mga problema sa trabaho at tao, etc.

At magandang makinig at kakwentuhan ni Rodel sa mga hinaing ko. Nagsi-share din siya ng mga experiences niya, ng payo. Seryoso niyang pinapakinggan ang mga sinasabi ko.

Minsan din, kapag nakita niyang pagod ako galing work, nag-oofer iyan na mag-massage sa akin. Syempre, pinapaunlakan ko sa kabila ng pagpapakipot. Pero minsan, ako na din ang mag-oofer na mag-massage sa kanya, na pinapaunlakan din namanniya. Sobrang saya ko sa samahan naming iyon.

Ngunit... oo, aaminin ko na sa simula noong set-up naming ito, satisfied na ako sa kalagayan namin. Pero ang hirap pala. Iyon bang mahal na mahal moiyong tao, nand’yan na sa harapan mo, gusto mo siyang yakapin, halikan at sabihin sa kanya na mahal mo siya ngunit hindi pwede dahil hindi ikaw ang tinitibok ng puso niya. At syempre, dahil ayaw kong sirain ang pangako ko sa kanya na walang halong malisya ang pagtulong ko. Araw-araw mo siyang nakikita, naaamoy ang katawan, nagsasama kayo sa isang bahay, pinagsilbihan ka, ngunit hanggang doon na lang ang lahat.

Ansakit, grabe. Halos gabi-gabi, lingid sa kaalaman niya, humahagulgol ako, tinatanong kung bakit ba naging ganito ako; kung bakit tila unfair ang tadahana sa akin. Awang-awa ako sa sarili. At kapag ganyang nasa isang kwarto lang kami, matinding tukso palagi ang nilalabanan. Kagaya nang minsan, habang naglilinis sa bahay, naka-shorts lang sya, punong-puno ng pawis ang matipunong katawan. Para sa kanya, walang malisya iyon pero ang hindi niya alam, ang tukso na iyon ay tila naiipon dito sa puso ko.

Isang araw noong maisipan kong mag-shower, nandoon pala si Rodel sa loob. Hinintay kong matapos siya at noong matapus na nga, kitang kita ko ang tuwalyang nakatapis sa harapan nya, lantad na lantad ang pusod niya, ang six-pack abs at ang malalaking umbok ng chest. Flawless kumbaga. Noong tila nawala sa isip kong nakatitig pala ako sa kanya, “Hey!” ang sigaw niya kagad sa akin.

“Ay... ako na pala. Hehe.” Sagot ko na lang.

Napangiti na lang si Rodel sabay biro, “Pinagtitripan mo katawan ko, ah!”

Syempre deny-to-the-max ako kaya’t “Hindi ah. Bakit, meron din naman akong ganyang katawan. Yabang neto!”

At tumalikod na lang siyang tumatawa. Alam niya, meron akong pagnanasa. Si Rodel pa, nasabi niya na sa akin isang beses na sa isang tingin pa lang ng tao, alam nya na kung may pagnanasa ito sa kanya o wala.

Isang gabi, niyakag ko siyang mag-inuman. As usual, sa terrace. Noong medyo tumalab na ang alak sa katawan namin, naitanong ko sa kanya, “Rodel, ano ba ang pangarap mo sa buhay?” Iyon lang ang tanong ko. At matinding pagsisisi ang naramdaman ko sa tanong na iyon at kung bakit ko pa itinanong iyon.

“Ako? Syempre, magkaroon ng trabaho, pamilya, asawa, at mga anak na magsilbing inspirasyon ko at katuwang sa buhay...”

Pakiramdam ko binatukan ako sa sagot niyang iyon. Syempre, hindi ako kasali sa pangarap niya na iyon. Bigla tuloy bumalik na naman ang sakit na naramdaman sa paglayo sa akin noong mga nakarelasyon kong hindi na nagpapakita pa sa akin. Tila dinurog ang puso ko sa sagot niyang iyon. Natameme ako at namalayan ko na lang na dumaloy ang mga luha sa aking mga mata. Tumalikod ako kay Rodel at pinahid ng patago iyon. “Ah... g-ganoon ba?” Ang naisagot ko na lang.

“I-ikaw? Ano ang pangarap mo?”

Ewan ko. At lalo yatang bumigat ang pakiramdam ko sa tanong naman niya na iyon sa akin. Kaya hinayaan ko na lang na dumaloy ang mga luha ko sa harap niya. Hindi ko na mapigilan pa eh. “A, e... ako?” At binitiwan ko ang isang pilit na ngiti. “Syempre, isang lalaking magmahal sa akin... Ngunit tanggap ko na rin kung sakaling hanggang sa pagtanda ko ay nag-iisa lang ako, na walang mag-aalaga o humahawak sa kamay ko hanggang sa huli kong hininga. Alam mo naman sigurong walang lalaking papatol sa isang bakla nang paghabambuhay, diba?” ang sagot ko habang pahid-pahid ang mga luha sa pisngi.

Tahimik lang si Rodel. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.

Nagpatuloy ako, “Alam mo Rodel, kahit ako ganito, may pera, matapang na hinarap ang lahat ng pagsubok, nakikita mo akong ngumingiti... ngunit sa gabi-gabi, umiiyak ako, dahil sa kabila nito, hindi ko pa nahanap ang taong magmahal sa akin. At nawalan na rin ako ng pag-asang mahanap pa siya. Sa totoo niyan, hindi naman talaga ako masaya sa buhay eh. Simula noong malaman kong isa akong bakla, at itinakwil ng pamilya, naghirap na ang kalooban ko. Paano, hindi naman talaga ako pwedeng magkaroon ng pamilya, di ba? Di ako pwedeng makapagbigay ng anak na siyang magiging inspirasyon sa buhay ng taong magmahal sa akin. Kaya kung sa panlabas nakikita mo akong tumatawa, ngumingiti, ngunit sa loob-loob ko, maraming katanungan sa buhay ang bumabagabag sa isip. Bakit ako? Bakit ako ganito? Bakit tila wala akong karapatang magmahal at mahalin? Bakit kailangan kong magdusa? Kung hindi lang sana makasalanan ang pagkitil ng buhay, matagal ko nang ginawa ito sa sarili. Pero iyon nga, wala akong magawa kungdi ang ipagpatuloy ito...” Wala pa ring patid ang pagdaloy ng luha ko.

Tinapik ni Rodel ang balikat ko at niyakap. Hinaplos-haplos ang buhok. Ewan, pero parang naramdaman ko rin ang labi niyang idinadampi-dampi doon. At ang yakap niya, mahigpit, may bahid ng pagkaawa. “Pasensya ka na. Tinanong pa kasi kita eh...”

Niyakap ko din siya. “Ok lang iyon Rodel. At least, alam mo ang saloobin ko.”

“Pangako Derick, ano man ang mangyari, hindi kita iiwan...”

Hindi ko inexpect na sabihin niya iyon. May tinik man na tila nabunot sa puso ko sa sinabi niyang iyon, may parte din ng utak kong nagsabing, “Asus... maniwala ka. Ilang lalaki na ba ang nagsabi niyan sa iyo, ngunit nasaan na sila ngayon? Hindi ka pa ba nadala? Mga sinungaling iyang mga lalaki! Wag kang magtiwala...”

Lumipas ang gabi na hindi ako makatulog sa kwarto ko. Hindi ko na rin alam kung ganoon din si Rodel. Kinabukasan, ganoon uli ang set-up, maagang nagising, jogging, basketball, tawanan, na parang wala lang nangyari.

Na-late akong umuwi ng gabing iyon gawa ng overtime na trabaho sa opisina. Noong makapasok na ako ng apartment, nandoon nap ala si Rodel sa terrace at nag-iinum.

“Ba’t late ka ngayon?” Ang tanong niya kaagad, habang dali-daling tinungo ang dining table upang ayusin ang mga nakahain na niyang pagkain.

“Ah... may mga hinahabol na trabaho eh. Sorry, di ako nakapag text. Sobrang busy. Tinungo ko na rin ang lamesa at umupo. Sabay kaming kumain. Kahit kasi late akong umuwi, hinihintay pa rin ako niyan upang sabayan sa pagkain.

“Nag-inum ka yata?” Tanong ko.

“Oo, walang magawa eh... Inum tayo pagkatapus nating kumain ha?” panghikayat niya.

“Oo ba... Bakit anong meron?”

“Wala lang... gusto lang kitang maka-bonding.”

“Asussss!” Sabi ko, pero sa loob-loob ko lang, may kilig din iyong dulot. Pakiramdam ko kasi, parang na-miss niya ako.

Kaya pagkatapus naming maghapunan, deretso kaagad kami sa terrace at nag-inuman. Sa kalagitnaan ng inuman, hindi ko alam kung malisyoso lang ang isip ko ngunit noong sinadyang hubarin ni Rodel ang t-shirt nya, tinanggal ang isang butones ng fly at tila wala lang na ipinagpatuloy ang pag-iinum, may kakaibang init ang gumapang sa katawan ko. Nakaukit sa isip ko ang ganda malalaking biceps, maskuladong chest, ang animoy mga pan de sal sa tyan, at ang kulay puting garter ng brief na nakausli gawa ng pagtanggal niya ng butones. Sobrang overwhelmed ako sa nakitang ganda ng hubog ng katawan niya.

“Hey! Nagnanasa ka naman sa akin no!” Pabiro niyang tanong sabay bitiw ng pamatay niyang ngiti.

Marahil ay sa pagka-heaven ko sa nakitang ngiti, o dala na rin ng alak, ang nasagot ko ay, “At bakit kung nagnanasa, may problema? Wala namang nangyari ah! Atsaka, Mr. Rodel, Bakit ka ba naghubad dyan, at tinanggal mo pa iyang butones mo. Di mo naman ako tinutukso niyan?” sagot kong biro din.

Bigla namang natawa si Rodel sabay sabing, “Palaban ka ah... Bakit, kahit hubarin ko pa ang broief ko ditto wala namang problema, diba? Kung gusto mo magsasayaw-sayaw pa ako eh, para lang sa iyo.”

Tila mabilaukan naman ako sa narinig, nanlaki ang mga mata ko. “Dyos ko, Rodel, wag mo akong tuksuhin pleaseee.” Sigaw ng utak ko.

Tumayo at hinubad nga ni Rodel ang pantalon niya, hinayaan ang brief na nakatakip pa rin sa katawan, at bumalik na sa kanyang upuan. Kitang-kita ko naman ang bakat na bakat niyang pagkalalaki.

“Dyos ko, ano ba ang plano nitong kumag na to!” sigaw ko ulit sa sarili. “Rodel! Bakit ka naghubad?” Sigaw ko sa kanya.

“Naiinitan ako eh. Kung gusto mo, maghubad ka din.”

Natawa naman ako sa sagot niya. “Ganoon?” sabay kurot ko sa gilid niya.

Lasing na lasing na kaming pareho noong magyaya na akong matulog. Dahil sa tila matutumba ako sa paglalakad papuntang kuwarto ko, inaalalayan niya ako, naka-brief lang siya, hanggang sa makahiga na ako sa kama.

Ang buong akala ko ay aalis na si Rodel at dideretso na sa kuwarto niya noong di inaasahang, “Usog ka nga ng konti Derick!” sabi niya.

“Hah?!” Tanong kong nalilito. “B-bakit?”

“Dito ako matutulog. Tatabihan kita...”

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment