Monday, January 7, 2013

A Dilemma of Love (01-05)

By: Menalipo Ultramar
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: condenadoka123@yahoo.com


[01]
“SANDALI LANG!!”


Sinubukan kong pigilan ang tuluyan niyang paglayo mula sa akin. Tinangka kong abutin ang kanyang kamay mula sa pulutong ng mga estudyanteng matuling naglalakad sa hallway na iyon. At nang mahawakan ko ang kanyang kamay, buong loob ko siyang hinagkan sa aking bisig at yinakap siyang wari’y kaming dalawa lang ang narorooon, walang pakialam sa maaaring maganap, walang pakialam sa sasabihin ng iba...



Pero sa imahinasyon ko lang naganap ang lahat ng iyon. Pakshet lang.


Nahawakan ko ang kanyang kamay. Pero dahil sa pagmamadali niyang lumakad, ako ang nadala. Muntik pa akong madapa. Kung hindi siya tumigil sa paglalakad, siguro ay nasubsob na ako sa hallway na iyon. Pasalamat na lang ako at tumigil siya. Pasalamat talaga. Hindi ko kaya alam ang gagawin ko kung nasubsob ako. At sa pagkakilala ko sa taong nagmamay-ari ng kamay na hawak ko, malamang wala lang siyang gawin. Ay hindi pala, katulad ng dati, buong galang, pag-iingat, at hinhin pa rin siyang maglalakad papalayo, na mistulang walang nangyaring kakaiba, na walang super-gwapong nilalang ang nadapa at nasubsob noong araw na iyon.


Pero hindi rin yun ang ginawa niya. Isinukbit lang niya ang kanyang body bag, na nahulog mula sa kanyang kanang balikat, sa kanyang kaliwang balikat.Feeling ko this time, eto na yon. Eto na talaga.


Unti-unti kong inangat ang aking ulo, at unti-unti ko ring ipinamalas sa kanya ang nakakabighani kong pag-ngiti. Buong pagmamalaki kong ipinakita ang mapuputi kong ngipin, kasabay noon ang lalo pang pag-liit ng aking mga mata. Umaasa akong mapapangiti ko siya. Pero matulis na tingin ang sumalubong sa akin, tingin na sumira sa matamis kong ngiti. Bigla niyang binaba ang kanyang tingin. Tinablan siya, nasabi ko. No one can really resist me, eh. Pero ng sundan ko ang tinitingnan niya ng masama sa baba, nakita ko na hawak ko pa rin ang kanyang kamay.


Nabilaukan ako.


”Ay... pasensya na,” ang nasabi ko na lang nang bitawan ko ang kanyang kamay.


Walang ano’t ano ay umalis siya, halos walang pakialam sa iilang tao na napatigil ng makita ang nangyari kanina. Dala na rin ng pagkapahiya, matulin ko siyang sinundan at tinangkang pigilan uli.


”Bakit ba?” Inusal niya iyon hindi sa pasigaw na paraan. Inusal niya iyon ng papigil, paraang sinasalungat ng pailalim ng titig, magkasalubong na kilay at matulis na tingin.


”Bakit ...bakit mo ba ako iniiwasan? Ah...oo... tama, bakit mo nga ba ako iniiwasan? ”


Ang totoo, hindi ko rin alam kung bakit pinipigilan ko siya, kung talaga bang yun ang gusto kong itanong sa kanya. Alam kong sa ibabaw ng lahat ng iyon, isang tunay tanong ang nagsusumigaw na makakuha ng sagot, ngunit nangangamba rin ang tanong na iyon sa siya ang maging wakas ng lahat.


Lalong sumalubong ang kilay niya. ”Sandali…anong point mo? Are we even close? Are we friends? Acquaintance, maybe. Ni hindi naman tayo magka-group sa kahit anong groupings, diba. Anong gusto mo? Batiin kita ng ‘hi’ kahit hindi tayo close? Sorry, pero ayokong magmukhang tanga,” ang sabi niya sa mahinahon na paraan, mga salitang mistulang bulalakaw na naglanding sa mismong kinatatayuan ko.


Tinalikuran niya akong muli. Pero desperado na ako. Kapag hindi ko napanindigan ang tanong ko, talo ako. Madudungisan ang pagkatao ko sa kanya at habambuhay niya akong pagtatawanan kahit na bihira ko lang siyang makitang ngumiti. Etong heartthrob na to, pagtatawanan lang. Isipin niya pa napaka senseless ko, na kulang ako sa pansin. No way.


“Chong!!”


Napahinto siya. Tumayo lang, ilang segundo rin yun. Mistulang tumigil ang oras. Hindi ko alam kung anong magaganap.Tinitigan ko lang siya, sinisikap na basahin kung anong iniisip niya. Sinipat ko kung tuluyan lang siyang lalayo.Ngunit bigla siyang lumingon at lumapit sa akin.


”Gusto mo talagang malaman kung bakit kita iniiwasan?”


Nabigla ako, hindi ko alam ang sasabihin. Walang lumabas mula sa bibig ko kahit isang salita. Pero alam kong halata sa mukha ko ang pagkagulat, ang pagtatanong. At alam ko rin na nabasa niya yun. Saka siya huminga ng malalim, sabay ng pagkurap niya ng dahan-dahan, mistulang paghugot ng lakas ng loob. Hinarap niya ako, at saka sinabing...


”Kasi gusto kita...”

----------------------------------------------------------------------


Ako si Carl Alfonse Santiago, para kumpleto. College student, at Civil Engineering ang course. Hindi naman sa pagmamalaki, pero may utak din. Salutatorian ako noong High School. Kalimutan na lang natin ang College. May sumpa yata talaga ang College, at Engineering po ang course ko. Kaya ngayon, nakakapasa na lang. Katulad rin ng nasabi ko, isa akong heartthrob. Gwapo, matangkad, maputi, matangos ang ilong, singkit ang mga mata, may biloy, nakakabighani ang ngiti, put them all together at mabubuo ang description na handsome. Pero understatement yun. Mas gusto ko ang Price Charming (XD). Masasabi ko ring nasa akin na ang lahat. Mayaman at kumpleto ang pamilya, saka na yung seryosong pag-gigirlfriend. I want freedom! Habang bata, samantalahin ang inihahain ng buhay. Pero nagpaparamdam na sila Papa, ligawan ko daw yung anak ng isa niyang kasosyo,pampatibay ng ‘ties.’ Pero ayaw ko. Kaya yung kakambal kong si Carl Alfred ang pumatol sa anak ng kasosyo ng tatay ko na nag-aaral din sa pinapasukan namin. Actually identical twins kami ni Fred, pero mas gwapo ako sa kanya. May mga ganoong kaso naman talaga diba (XD).


Nasa akin na talaga ang lahat, ang swerte lang. Ganoon naman talaga ang mundo, hindi dahil sa swerte o malas ka, pero dahil ipinanganak ka sa isang pamilya na kayang magbayad ng isang libo para sa isang maliit na lata ng gatas.


Ngunit nagbago ang lahat ng yun. Isang malaking akala lang pala ang lahat. At dumating yun noong 2nd semester ng unang taon ko sa kolehiyo.


Karaniwang tao lang naman siya, eh, sa unang tingin nga lang. Katamtaman ang tangkad, hindi payat pero hindi rin mataba, kayumanggi ang kulay ng balat, may ilong na hindi matangos pero hindi rin pango. Actually hindi rin ganoon kataas ang cheekbone niya eh, tsaka yung gilagid niya medyo mataas. Kung tutuusin hindi siya kapansin-pansin. Tipikal na Pilipino lang ang itsura niya. Malayong-malayo sa mga katangian ko.


Pero tahimik siyang tao. Napakatahimik. Noong unang araw ng unang semestre, sa likod pa siya ng klase umupo, ang dalawang braso ay nasa armchair at kinakandong ang ulo. Habang ang buong klase ay nagtatawanan, nagbabatian, nag-uusap ng ubod lakas, natutulog lang siya. Saka ko siya tiningnan, hindi rin kasi siya pamilyar sa akin, akala ko nga transferee siya eh. Pero nagulat ako. Habang tinitingnan ko siya, dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo, at saka ibinaling sa akin ang isang matulis at pailalaim na tingin.


”It is rude to stare. Anong tinitingin-tingin mo? Gusto mong maging bato?” Ang totoo, hindi siya nagsalita, pero yun ang nadama kong sinasabi ng mga mata niya na halos patayin ako. Nakakunot din ang noo niya, kaya medyo nagprotude ang eyelids siya sa kanyang mata, at kasabay noon ang pagtaas ng kanyang kilay.


Nabigla ako. Nalito. Wala akong nagawa kundi umiwas sa tingin niya na iyon. At nakita ko rin na bumalik siya sa pagtulog. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tiningnan ko siyang muli, mga ilang segundo. Pero muli siyang lumingon. Tinamaan na naman ako, kaya muli akong umiiwas. Pagkatapos noon wala akong magawa kundi tingnan siya ng pasimple, tingnan siya sa gilid ng mata ko. Halos madiskaril na nga ang eyebells ko eh. Pakshet.


Unintentional man, pero simula noon, lagi na kaming nagkakasalubong, kahit sa labas pa ng Engineering Building. At kapag nagkakasalubong kami, habang panatag pa rin siyang maglakad at diretso ang tingin, halos sumakit naman ang eyeballs ko sa kakatingin sa kanya.


Tahimik siya, walang duda. Pero kapag nagsalita na siya, matutulala ka na lang. Nagkaroon kami ng group work sa Algebra, at topic ang sequences. Hindi ko siya kagroup, sayang nga eh,pero siya ang napiling magdiscuss ng isang problem na pinili ng prof namin. Ang totoo ang simple lang ng problem na napunta sa kanya. Pero ng magsalita siya...


“In this problem, we are given the 56th and 100th term of the geometric sequence, and we are asked to find its first term...”


Ang buo ng boses, hindi sobrang laki pero hindi sobrang lambot, parang may lambing. Tsaka puno ng kumpiyansa, parang professor na rin ang tunog. At sa huli, sila ang nakakuha ng pinakamataas na point. 98 sila, habang ang ibang grupo ay 97.


Valedictorian pala kasi siya. Nang mag-orientaion kami at nasa parteng ididiscuss ang scholarship grants ng school, lumitaw ng ubod laki ang pangalan niya. “Mr. Christopher Chong.” Ang totoo hindi ko pa siya kilala noon, pero ang remarkable ng pangalan. Akalain mong may Chong pala na apelyido. Hula ko biktima siya ng pang-aasar noong nasa High School siya. Pwede siyang tawaging, Chong-o, Chong-oloid, Mel Chong-co at marami pang iba. Saka ko na lang nalaman na ang taong pinagtatawanan ko ang pangalan ang siya ring magbabago ng buhay ko.


Actually, medyo kilala rin siya sa batch namin, matalino naman kasi. Hindi man palagi, pero nakakaperfect siya ng mga examinations. Mind you, examinations sa mga major subjects yun ng Engineering. Magaling rin siyang magdiscuss at magreport, base sa mga naririnig ko sa mga kakilala ko. Pero aside sa mga ito, napakarespetado rin niyang tingnan. Tuwing maglalakad siya, parang hindi sumasayad sa lupa ang mga paa niya sa sobrang hinhin. At kahit na nagmamadali na siyang lumakad, ganon pa rin ang tingin ko, mahinhin, respetado, at sobrang ingat maglakad. Hindi rin mapagmalaki ngunit hindi rin mapagpakumbaba ang tindig niya. At kapag nagkasalubong kayo, wala lang, nagkasalubong lang kayo. Hindi ka niya ngingitian at hindi ka rin niya babatiin. Wala lang. Pero may iilan din siyang binabati, sa pamamagitan ng isang pigil na ngiti. Kahit na pigil, nakakainggit pa rin...


At mula sa mga ito, natanto ko na hindi siya isang karaniwang tao.


Kaya nagpapansin ako, lagi akong nangungulit, pero hindi sa kanya kundi sa mga kaklase namin. Lalo kong nilakasan ang boses ko kapag nakikipag-usap. Hindi ko siya kaklase sa lahat ng subjects, irregular kasi siya. Pero kapag kaklase ko siya, aariba na naman ako. Mangungulit, tatawa ng malakas, magpapapansin. Pero nauwi lang sa wala ang lahat. Parang mas nabuwisit pa siya sa akin dahil sa kaingayan ko. Pero minsan, mabait ang langit. Naging kaklase ko siya sa NSTP, at nakabus kami sa klase na iyon. Papauwi na kami noon, ng inagawan ako ng upuan sa bus. Lagi kasi kaming magkasama at magkatabi ng kakambal ko, kaso may umupo na sa tabi niya. Pero nanlaki ang mata ko ng makita kong wala pang katabi si Chong!


Dali-dali akong umupo sa tabi niya. Naisip ko na wala talagang gustong tumabi sa kanya, kahit sino naman mabobore kung matatabi ka sa isang tahimik na tao. Pero hindi ako. Alam kong sa likod ng katahimikan niya ay isang taong napakainteresante. Pagka-upo ko, naglilikot ako. May mga kinausap ako sa harap, sa gilid, sa harap, kahit na sino basta magkadikit lang ang katawan namin at hindi niya iyon mahalata.


“Shet ka bro, hindi mo man lang ako nireserve ng upuan,” nasa likod kasi si Alfred. Ang totoo, I don’t mean it. Gusto ko pa nga yata siyang pasalamatan eh. Pero kinakabahan ako, baka mahalata niya, kaya sinabi ko yun. At lalo akong kinabahan ng magdikit ang aming mga katawan. Ewan ko...


Saka ko siya tiningnan, nakayukyok pala siya, natutulog. Saka uli ako naglilikot at lalo ko pa siyang siniksik, pero konti lang para hindi halata. Titingnan ko na sana siya nang makita ko na akma ng nakatuon ang masama niyang tingin sa akin. Pero hindi ako nagpasindak, tinitigan ko lang siya, kahit na alam kong sinasadya niyang huwag ituon sa akin ang mga mata niya. At sa pagkakataon na iyon, siya ang unang sumuko, siya ang unang umiwas ng tingin.


Nasiyahan ako. No one can really resist me talaga. Saka ako humirit muli at kinausap ang isa kong kaklaseng babae. “Pam, civil engineering ka diba, ganyan yung trabaho natin diba,” sabay turo sa mga plates ng address na ginawa namin para sa barangay na pinuntahan namin. Pero ang gusto ko talagang ipamukha ay parehas kami ni Chong ng course, simula’t sapul alam ko ng Civil ang kukunin ko, at alam ko rin na Civil ang course niya. Gusto kong sabihin na kahit anong ilag niya, hindi siya makakaiwas. Hindi niya ako pwedeng takasan.


Pero natapos ang biyahe na iyon na wala siyang reaksiyon. Hindi kami nagkausap, hindi nagkabatian. Walang nangyari. Pakshet na naman.


Lumipas ang sumunod na semestre na hindi kami naging magkaklase. Pero nakikita ko pa rin siya, at katulad ng dati, walang pansinan. Maski naman noong naging magkaklase kami noong 2nd semester ng taong iyon, hindi pa rin niya ako pinansin. Kinogratulate siya ni Alfred dahil naperfect niya yung prelims sa Physics. Buong sigla siyang binati ni kuya, pero buong lamig na ‘hi’ ang isinukli niya. Pero kahit na anong lamig ng sagot na yun, sana sa akin na lang niya itinunon iyon. Nakakainggit.


Lumipas ang panahon at dumating ang third year. Saka dumating ang isang malaking surpresa. Isang surpresa na babago sa tingin ko kay Chong...


Simula ng dumating si Jenilyn, lagi ko ng nakikitang nakatawa si Chong. Madalas ko na siyang makitang nakangiti, mga ngiting nakakabighani din pala, mga ngiti na hindi ko kailanman nakita. Minsan pa nga nakita ko siyang nakangiti sa akin. Nagulat ako, saka dahan-dahang inilayo sa kanya ang tingin ko. Saka ko natanto na kasama pala niya si Jenilyn. Pakshet.


Actually magandang babae si Jenilyn. Napakagandang babae. Transferee ito, pero instant sikat. Nakasama siya kaagad bilang isa sa models ng Student Council namin ng kung ano-ano. Sikat diba.Hindi pwedeng hindi ka mapapalingon kapag dumaan siya. Palakaibigan din kasi, palangiti, walang lalaki ang hindi makakaisip na ligawan siya, at sumagi rin yun sa isipan ko. Kaso may boyfriend na pala siya...


Pero hindi si Chong. Mula sa dati niyang eskuwelahan sa Mindanao ang boyfriend niya. Pero minsan aakalain mo talagang sila. Abot langit kasi ang tawa ni Chong kapag kasama niya si Jenilyn. Andyan yung para silang naglalambingan, maghaharutan, magtatawanan, magtatawanan, at magtatawanan. Nabago tuloy ang tingin ko kay Chong. Lalo siyang naging misteryoso sa mata ko. Saka ko nalaman mula kay Jenilyn na kaklase pala niya noong High School si Chong.


“Yung laging nag-iisa?” sagot ko kay Jenilyn ng sabihin niyang si Chong ang kasama niya.

“Oo nga, bakit?”

“Ang tahimik nun diba, hindi ka naiinip?”

“Tahimik? Akala mo lang yun. Ang ingay kaya nun!”


Kinaibigan ko na rin si Jenilyn. Hindi ko naman pwedeng ligawan, kaya kinaibigan ko na lang para makasagap ako ng ilang kwento tungkol kay Chong. Kapag magkakasalubong kami ni Jenilyn at kasama niya si Chong, lagi naming babatiin ni Alfred si Jenilyn, pero hindi si Chong. Pero minsan nangahas akong batiin siya...

“Hi Chong!!”

“Hi...” ang malamig niyang tugon. Sobrang lamig parang bumati ako sa isang malaking bloke ng yelo.
Pakshet.


Hindi ko alam kung nacha-challenge lang ako. Hindi ko siguro matanggap na may isang tao na makakatiis sa akin ng ganoon katagal. Pero alam kong higit pa dito ang tunay kong nadarama. Ngunit walang sinumang mangangahas na ilabas ang ganitong damdamin. Bawal. Hindi nararapat. Pero alam ko nalilito lang ako. Nalilito lang.


---------------------------------------------------------------


“Hindi pa ba sapat na dahilan yan para sa’yo? Gusto kita, ibig sabihin bakla ako. Okay?”


Natigilan ako. Nabigla. Kunsabagay, puro pagkabigla naman yata ang hatid niya sa akin, puro pagkabog ng dibdib. Pero tinitigan pa rin niya ako, titig ng pagtatanong, titig ng paghingi ng sagot kung lulubayan ko na siya.


Ngunit wala akong nasabi. Para akong tanga na nakabuka ang bibig sa pagkagulat. Bigla siyang umalis, at walang nagbago sa lakad niya. Respetado, mahinhin, at sobrang ingat pa rin niyang mag-lakad, parang walang nangyari. Habang ako ay nanatiling nakatayo sa gitna ng pulutong ng mga estudyanteng nagmamadaling umalis, sa mata ko’y mistulang tumigil ang oras. Unti-unti siyang lumalayo mula sa akin. Nais ko siyang pigilan, nais ko syang tanungin, totoo ba ang narinig ko, o sinabi lang niya iyon para layuan ko siya? Dahil sa pagkagulat at pagkalito, wala akong nagawa kundi isigaw ang bagay na matagal kong sinisikil at pinasisinungalingan...


“EH GUSTO RIN NAMAN KITA EH!!!”


Nagunaw ang mundo ko. Pakshet.


[02]
“EH GUSTO RIN NAMAN KITA EH!!!”


Tumigil sa paglalakad ang lahat ng tao sa hallway na iyon.


Tumigil sa pagkain ang mga taong nasa canteen na katabi ng hallway. Maski ang mga tindera ay nagulat sa sa sinabi ko.


Tumigil ang mundo ko.


Pero hindi ang mundo ni Chong. Patuloy pa rin siyang naglakad na katulad ng isang maharlika, may buong galang, pag-iingat at hinhin. Naglakad siyang mistulang hindi sumasayad ang paa sa lupa, at kasabay noon ang tila pagsayaw ng kanyang gray na body bag, na nakasukbit sa kanyang kaliwang braso, sa saliw ng kanyang paglalakad.


Bwisit lang. Pakshet.


Bumalik ako sa katinuan ko noong marinig kong may mga nanga-alaska na sa akin, may mga umaarte na kinikilig at may mga sumisigaw ng “Wiiiiiiihhhhhhhhhhhhhhh,” yung expression kapag may loveteam at gustong ipilit na loveteam sa mga classrooms. May sumisigaw rin ng “Kiss naman diyan!” Hindi ko lang alam kung masasabi pa niya iyon kapag nalaman niyang lalaki pala ang sinabihan ko ng mga salitang iyon. Parang maski ako di ko maatim...


May iilan rin na sinundan ng tingin si Chong, pero wala lang. Patuloy pa rin siyang naglakad patungo sa Engineering Building ng walang halong kalituhan at pagkagaslaw. Lumakad pa rin siya ng panatag at tahimik.
Hindi ko siya pwedeng sundan. Baka paglingon ko ay tingin na ng pandidiri imbis na tingin ng pagnanasa ang isalubong sa akin ng mga taong nakatingin kay Chong, na isang taong katulad kong lalake ang sinabihan ko ng mga salitang DAPAT ay sinasabi ko lamang sa mga babae. Kaya wala akong nagawa kundi tahakin ang kabilang labasan ng hallway na iyon, na tulirong umalis sa nakakahiyang pangyayaring iyon.


Naisip kong umuwi. Kaso hindi ko kasama si Fred. Pagdududahan ang isa sa amin, it’s either isipin nilang naglakwatsa si Fred o nag-cutting classes ang kakambal niyang si Fonse. Pakshet. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero may isa pa pa lang haven ang mga taong problemado na kagaya ko. Actually, hindi kailangang problemado ka, hindi kailangang bagsak ang lahat ng subjects na tinatake mo, sapat nang adik ka sa DOTA.


Kaya pumunta ako sa sikat na Internet Cafe sa paligid ng University namin. Pumili ako ng unit at naglog-in sa Warcraft. Medyo tahimik pa ang lugar, wala pa kasing masyadong naglalaro. Nang tiningnan ko ang orasan ko, 9:30 pa lang pala. Bwisit, hindi ako nakapasok sa unang klase ko dahil sa katangahan at kaepalan ko, tae talaga. Teka, bakit ko ba sinisisi ang sarili ko, nangyari yun dahil kay Chong. Kung hindi niya ako inisnab-isnab, hindi to mangyayari. Pero kung hindi siya nagkagusto sa akin, hindi niya ako iiwasan. Pero masisi ko ba si Chong kung nagkagusto siya sa akin, sa gwapo ko ba namang ito? Teka, sinabi ba talaga niya yun dahil talagang gusto niya ako, o sinabi lang niya yun para layuan ko siya. Pwede naman niyang sabihin na bad breath siya, na may putok siya, na malas siya, at higit sa lahat, na nagseselos siya sa akin dahil mukhang nililigawan ko si Jenilyn? That it means war? Ibig sabihin, talagang gusto niya ako!! Okay, ano ang dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ako, matutuwa, o matutuwa? Matutuwa ba dahil panalo ako, at simula’t sapul ay hindi pala niya ako natiis, o matutuwa dahil gus....


“Putangina, bakit di ka umatake. Ang bopols mo, CHONG!!!”


Napalingon ako. Napalingon ako ng nakakunot ang noo. Sino yung tinatawag niyang Chong? Andito ba si Chong? Paanong pupunta sa ganitong lugar si Chong? At sinong gago ang nagmumura kay Chong? Kung nandito nga si Chong, nandito ba siya para sundan ako?


“Patay ka ngayon, CHONG! Hina mo, pre!”


Saka ko nalaman na ininsulto na pala ako. Halos mamatay na ako sa laro. Parang walang epekto yung paglalaro ko. Nasayang lang ang panahon at pera ko. Binabalahura pa rin ako ng nangyari kanina.
Pero nagpatuloy lang ako sa paglalaro. Babawi ako, hindi ako pwedeng matalo, wala akong ma-ibrabrag mamaya. Pagtatawanan lang ako. Teka, pinagtatawanan kaya ako ngayon ni Chong? Iniisip niya kaya kung anong expression ko habang sinasabi kong gusto ko rin siya? Naiisip niya kaya akong seryoso, nagmamaka-awa, o parang musmos habang sinasabi ko yun? At kung oo, paano niya kaya ako pinagtatawanan ngayon? Halakhak ba? O yung cute niyang pigil na pagtawa kapag kasama niya si Jenilyn at yung iba pa niyang kaklase nung High School? Sayang, kaklase ko pa naman siya ngayon. Kung hindi lang nangyari yung kanina, di sana tinitingnan ko pa rin siya sa gilid ng aking mga mata...Sana...


“Tang-ina, sa’yo ako pumusta, tol! Papatalo ka na lang, CHONG!!”


Anak ng tokwa, nanaginip pa rin ako. Sa sobrang inis ko sa mga pinagsasabi nila, tinodo ko na lang yung pakikipaglaban. Salamat na lang at naka-kill ako ng isa. Parang night club na naman ang cafe sa sobrang ingay. Saka ko lang narealize na ang dami na pa lang tao sa loob.


“Pre, diba may klase ka ngayon?” tanong ni George, kaklase ko sa isang subject.


“Oo, pre, kaso wala ako sa mood pumasok eh. Kailangan kong maglaro!”


“Eh, nasaan si Fred?”


“Hindi ko alam pre, teka sandali! Puta, balik ka na sa nanay mo, pre, haha! Teka, George. Baka pumasok si Fred, tol.”


“Ba, anong meron at hindi kayo magkasama?”


Pero hindi ko na siya sinagot. Wala akong paki ngayon kay Fred, hindi rin naman niya ako tinetext. May problema akong hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. Baka nga ngayon, nagsasawa siya sa kakatingin ng pasulyap kay Chong. Magkakaklase kasi kaming tatlo sa ilang subject, at kabilang na doon ang subject na dapat ay papasukan ko ngayon.


Medyo madalas, ko rin kasi siyang makitang, sumusulyap kay Chong, yun ang kung tama ako. Minsan kapag kinakausap ko siya at nagtatawanan kaming magbabarkada, makikita ko na lang siyang walang imik. Yun pala, kahit na nakatuon sa board ang ulo niya, nakadiretso sa upuan ni Chong ang mata niya. Ang totoo, paminsan-minsan, napapagkuwentuhan namin si Chong, pero maigsi lang. Kapansin-pansin kasi talaga yung pag-iwas sa amin ni Chong, maski sa dalawa pa naming kabarkada na si Lemuel at Brix. May iilan-ilan na rin naman kasi siyang pinapansin noon, kahit hindi pa niya gaanong ka-close. Kapag nasasalubong namin si Chong at hindi niya kami pinapansin...


“Ang suplado talaga,” masasambit na lang ni kuya habang ngumingiti.


“Bakit kaya ang sungit non, sa tingin mo may gusto sa atin?” hirit naman ni Brix.


“Hindi naman pre, lalaking-lalaki tingnan eh,” panananggol ko. Totoo naman eh. Hindi mo aakalaing bakla si Chong. Sa tindig, sa kilos, sa pananalita, wala kang makikitang matatawag na pambakla.


Sasabihin naman ni kuya, “Tae, oo nga no. Pansin niyo, medyo mahinhin maglakad. Parang babae, hahaha!”


“Maging kamukha muna natin siya, bago siya magkagusto sa atin. Mukha kaya siyang tsonggo. Kaya siguro Chong ang apelyido niya. Chong-o. Hahahaha!”


At maghahalakhakan silang lahat. Makikigaya na lang ako. Totoong nakakatawa yung pinag-uusapan nila, pero the fact na tungkol yun kay Chong, parang hindi ko magawang tumawa. Hindi mabilang na beses naulit ang usapan na iyon, katulad ng hindi mabilang na beses na pag-iwas sa amin ni Chong. Saka ko na lang malalaman na ako pala ang magiging katawa-tawa dahil totoo ang iniisip nila.


Hindi ko na lang sinagot si George, kaya umalis na lang siya. Pinipilit ko pa ring magconcentrate sa paglalaro. Pero ano nga kayang ginagawa ni Fred ngayon? Sumusulyap pa rin kaya siya kay Chong? Paano kung mapagkamalan siya ni Chong na ako at tanungin siya kung totoo ba yung mga nasabi ko kanina? Paano kung malaman ni Fred? Pero papano kung sakyan lang siya ni kuya at makipagrelasyon sa kanya? Paano kung sirain lang ni Fred si Chong? Pero papaano rin kung may gusto rin pala kay Chong si Kuya...


“Fuck, pare! Ang hina mo, CHONG!!”


“Tay daneng, CHONG!! Saan ka ngayon! Panalo na ako!”


“Shet!! Shet na malagkit!! Yung ipinusta ko, CHONG!”


“CHONG, CHONG, CHONG...”


“PUTANGINA, TUMIGIL KAYO SA KAKA-CHONG!!”


Natigilan silang lahat. Maski ako natigilan. Hindi ko akalaing maiisisigaw ko yun. Wala akong magawa kundi pumikit ng matagal at isipin ang susunod na gagawin. Saka ko naisip na wala akong maaaring ibang gawin kundi tumakas. Kumaripas ako ng lakad papunta sa pinto ng cafe.


“Ser, teka, bayad niyo po ser!”


Anak ng...panira ng moment! Natigilan ako, pero kung tuluyan akong aalis, hindi lang ako magmumukhang timang, magmumukha rin akong magnanakaw. Kaya lumingon na lang akong muli, dumukot ng fifty pesos at hindi na kinuha ang sukli. Saka ako tuluyang umalis. Nasa labas na ako ng pinto, nang marinig kong nag-uusap yung mga tao sa loob ng cafe, yung iba nagtatawanan. Anak ng dakilang tokwa, ilang beses ba akong mapapahiya ngayong araw? Hindi pa ba sapat ang isa?


Wala akong ibang nagawa kundi bumalik sa campus. Pumunta ako ng Engineering Building para pumasok sa susunod kong klase. Malapit na ako sa building nang biglang tumugtog ang bell, senyales na eksaktong 12 o’ clock na. Nagutom tuloy ako. Saka ko lang rin napansin na puno na pala canteen. Pero nagugutom na talaga ako, kaya wala akong nagawa kundi umorder ng pagkain. Yung famous na chicken roll ng isa sa mga canteen doon ang inorder ko, yung madalas na ino-order ni Chong kapag nakikita ko siyang kumakain sa canteen na iyon. Mas madalas kasi kaming kumaing magbabarkada sa mall na malapit sa labas ng campus. Pinuno ko gravy ang plato ko, ginawa ko talagang sabaw, katulad ng ginagawa ni Chong. Teka, hanggang pagkain ba naman, Chong pa rin. Anak ng chicken roll na may gravy...


Kaso wala akong makitang upuan, gutom na gutom na pa naman ako. Paikot-ikot ako sa canteen para humanap ng upuan, actually wala kang makikitang individual seat sa canteen na yun. Yung isang table, pwedeng okupahin ng apat, tig-dalawang tao, magkabilaan. Pero kung gusto niyong magkakalapit talaga kayong lahat ng mga kaibigan niyo, anim ang maximum na taong kaya ng mga tables na yun. Kaya napaka-hirap talaga kapag kumain ka ng mag-isa sa canteen na iyon, tatagos talaga sa utak mong mag-isa ka lang sa mundo, lalo na kapag magkakakilala yung mga katabi at ikaw lang ang naiiba. Hindi ko nga alam kung paano naaatim ni Chong na kumain ng mag-isa doon.


Paikot-ikot pa rin ako, pak. Pinuntahan ko na pati yung mga wooden tables na tabi ng canteen pero wala talaga. Bumalik na lang ako sa mismong canteen, at kinasiyahan ako ng langit. Nakakita ako ng table na pwede pang upuan ng isang tao, may dalawang babaeng estudyante lang kasi na naka-PE ang naka-upo ng magkabilaan. Ayos! Makakain na ako. Kaso, pagtingin ko sa ikatlong tao, nakakita ako ng isang pamilyar na mukha.


At muli, parang akong pinapatay ng mga matang napakatalim at pailalim ang tingin.


Tinamaan na naman ako. Hindi ko tuloy alam kung doon talaga ako kakain, sariwa pa kasi yung nangyari kanina. Baka sa pagkakataon na ito, hindi na ako magsisisigaw, baka siya naman, pero baka imbis na words of admiration ang marinig ko, eh baka mura ang kainin at lapain ko. Pero gutom na talaga ako. Tsaka napaka-reserved kayang tao ni Chong, kanina nga hindi niya ako nasigawan, ngayon pa kaya. Baka ngayon, kausapin niya ako, saka lang ako magkakaroon ng magandang memorya tungkol sa chicken roll.


“Pwedeng maki-share?” ang tanong ko, sabay ngiti at pagpapakita ng dimples.


Hindi na nag-iisip yung dalawang babae, buong giliw silang tumango, para pa ngang kinikilig eh. Pero hindi na rin naman nag-isip si Chong, kasi matalim at pailalim na titig ang isinagot niya sa akin. Hindi na nagtagal yung dalawang babae, tapos na pala silang kumain. At dahil doon, kaming dalawa lang ni Chong ang nasa lamesang iyon.


Parang bumabagal ang takbo ng oras...


Ngayon ko lang siya napagmasdang kumain. Laging pagilid kasi ang tingin ko sa kanya kapag nagkakasabay kaming kumain sa canteen, kahit na malayo ang pagitan ng kinakainan niya sa kinakainan ko. Kailangan ko pang antabayanan kung titingin rin siya sa akin. Pero ngayon, hindi na kailangan ma dislocate ng eyeballs ko. Ngayon, nasa harap ko siya mismo...


Hindi ko alam, pero, ang cute rin pala niyang kumain! Ang sarap kurutin! Ang cute lang niyang tingnang ngumuya ng nakasara ang bibig, yung tila naiipon yung pagkain sa pisngi. Ang hinhin ding kumain, napakabagal pero hindi rin napakabilis. Parang nilalasahan niya yung bawat butil ng pagkain, nakakagutom tuloy lalo. Pero hindi ko nagawang isubo ang kutsara sa bibig ko, parang sapat na sa akin na pagmasdan siyang kumakain. Hindi kaya niya ako mahuli? Hindi kaya niya ako nakikita habang tinititigan siya? Kung nakikita niya ako, bakit hindi niya ako sinisita? Ibig sabihin ba noon eh gusto niyang tinitingnan ko lang siya?


“Alam mo bang it is rude to stare. Anong tinitingin-tingin mo? Gusto mong maging bato?”


Natauhan ako. Tiningnan na naman niya ako ng pailalim, pero hindi nagtagal, pinagpatuloy rin niya ang pagkain sa chicken roll niya. Wala akong nagawa kundi kumain na rin. Sabi ng marami, napakasarap ng chicken roll na inorder ko. Actually yun ang best-seller ng pinagbilhan ko ng pagkain, laging simot yun araw-araw. Pero hindi ko malasahan yung sinasabi nilang sarap ng chicken roll, maski yung linamnam ng gravy, ang nalalasap ko lang ngayon ay yung katotohanang sa unang pagkakataon, magkasabay kaming kumain ngayon ni Chong.


Katahimikan.


Kailangan kong magsalita. Kailangan kong mag-initiate ng conversation, siguro sinasadya niya talagang manahimik, para ma-bore ako, para lubayan ko na siya. Kapag magkasabay naman sila ni Jenilyn kumain, ang ingay-ingay nila, tsaka lagi naman silang tumatawa.


Pero pwera sa ingay ng mga estudyanteng nasa paligid namin, nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin.


“Ang sarap ng chicken roll no, maski yung gravy malasa...”


Pero hindi siya sumagot. Tahimik pa rin niyang ninanamnam ang pagkain sa harap niya. Parang hangin lang na umiihip sa harap niya ang mga salita ko.


“Pwede ba akong magtanong?”


Nagulat ako. Sa wakas, nagsalita rin siya. Minsan, may bunga rin talaga ang mga malas na pangyayari sa buhay mo. Kahit na ilang beses akong napahiya, at least, eto naman ang naging bunga. At least, ngayon, alam ko nang wala talagang makakatiis sa akin, walang makaka-ayaw sa maamo, mala-anghel at napakagwapo kong mukha.


Tiningnan ko siya. Parehong nakataas ang kilay niya, pero this time, hindi sungit ang ipinapahiwatig, kundi pagtatanong, paghihintay ng sagot. Maski ako nahawa sa expression niya, napakunot na rin ang ulo ko. At nagtagal yun ng ilang segundo...


“Ah?...Ah! Ahhhh, sige ba! Ano ba yung tanong mo?” ang sabi ko sa masiglang tunog. Sinadya ko talaga yun, kahit natural na sa akin. Kailangan kong ipakita na masaya akong kausap. Sinabayan ko pa yun ng nakakabighaning ngiti.


“Mi....”


“Ano?”


Di na ako makapaghintay, ganoon ba kaseryoso yung tanong niya? Ano ba yung “Mi?” na yun? Minamahal mo ba talaga ako? Minamahal din kita? Mina ka ba? Minamasaker mo yung puso ko kapag hindi mo ako pinapansin? Mi? Mi? Mi? Ano ba talaga?!


“Mi...”


“Minomolestiya ka ba noong bata ka?”


How romantic. Fuck.


[03]



"Minomolestiya ka ba noong bata ka?"


Napakaperpektong tanong para sa isang napakaperpektong pagsasalo sa isang napakaperpektong lugar. Napakaperpektong tagpo!!!


Syempre, isang malaking IRONY ang lahat ng iyan. ANONG KLASENG TANONG BA IYON?!!


“Ha??”


“May instance ba na may close relative ka na pinagsamantalahan ka?”


“Ah, hehe, bakit mo naman natanong yan?”


Pero hindi siya sumagot. Nanatili pa ring nakasalubong ang dalawa niyang kilay, patuloy na nanghihingi ng sagot.


“Hindi...hindi, naman. Wala namang ganoon sa.....pamilya.....namin.”


Ang totoo, nakakainsulto. Pagkatapos ng lahat, pagkatapos ng mga pagkapahiya ko, ng mga nasayang kong pera at oras, na sa indirect mang paraan, eh, dahil sa kanya, tapos ganon yung mga tanong niya. Kung ibang tao yun, baka dumapo na yung kamao ko sa mukha niya, pero hindi ko magawa kay Chong, malay ko ba. Kung ibang tao yun, baka nasa hospital na siya at nasa guidance office na ako, kaso hindi ko magawa kay Chong.


Wala akong nagawa kundi alisin ang ngiti sa mga labi ko.


“Close ka ba sa parents mo, particularly sa mom?”


Tiningnan ko siya uli. Walang nagbago sa expression ng mukha niya, puno pa rin ng pagtatanong. Siguro kaya hindi ko rin magawang magalit sa kanya kasi alam kong tapat yung intensyon niyang magtanong, walang bahid ng pangungutya, walang bahid ng sarcasm, no pun intended.


“Oo, close ako sa mama ko...” ang sagot ko sa medyo malamlam na boses. Unti-unting nawawala yung siglang gusto kong ipakita sa kanya.


“Hmmm. Eh sa dad mo?”


“Medyo. Actually, mas close ako sa mom ko...”


Teka, mom na yung nagamit kong term? Tsaka teka, bakit ba niya tinatanong ang mga ganitong bagay? Ano, brinibrief na ba niya ang sarili niya sa kung anong makikita niya kapag ipinakilala ko siya sa mga parents ko? Ganoon ba yun? Ang bilis pre. Talaga bang iniisip niyang ipapakilala ko siya sa kanila? Ganoon lang ba talaga siya kadaling kuhanin? Malaman lang niya na may gusto sa kanya yung isang tao, bibigay na siya kaagad. Mali ba ako ng pagkakakilala sa kanya?


"May girlfriend ka diba?"


"Ah, hmmm...wala...Si Fred yung may girlfriend ngayon..."


"Oh, I see...GIRLFRIEND NGAYON..."


Mistula akong ininterrogate sa mga tagpong yun. Hindi lang pala talaga tahimik itong tao na ito, napaka-weirdo pa. Pero bakit kay Jenilyn, hindi naman. Kasi may relasyon sila? Pero hindi naman daw sila...tsaka bakla siya. Imposible. Para talaga siyang abogado sa ginagawa niya. Yung pag-emphasize niya ng mga words, yung mannerisms niya, ang pagiging kalmante niya, maiisip mo na lang na para kang suspect sa isang krimen, at kahit na lahat ay ginawa mo para pagtakpan ang tunay na nangyari, nabakas mo sa kanyang nahalata niyang nagsasabi ka ng kasinungalingan. HAAAAYYYY!!! Ano bang iniisip ng taong ito!!!


“May mga academic achievements ka ba?”


Umaliwalas ang mukha ko. Meron po! Meron! Pero teka, kanina yung pamilya ko, ngayon ako naman? Ano ba talagang iniisip niya. Tsaka dapat hindi naging maaliwalas ang mukha ko, dapat malungkot pa rin ako. Dapat ipakita ko na hindi ako masaya sa ginagawa niya. Dapat takutin ko siya na kapag hindi niya ako na-entertain, hindi ko na ulit siya papansinin.


“Ba, meron, hindi mo naitatanong...”


“Ah, oo. Salutatorian ka nga pala noong high school...”


Nagulat ako. Alam pala niya.


“Ba, paano mo nalaman? Ganoon ka ako kasikat?” pagmamayabang ko. Akalain mo, hindi lang niya yata ako gusto, obssessed pa yata to sa akin. Mga bakla nga naman...


Saka niya ibinaba ang kutsarang hawak ng kanyang kanang kamay...


“Diba nasabi ko na sa’yo na gusto kita. First of all, I mean that. Gusto talaga kita. Second, if you are infatuated to a certain person, aalamin mo ang buhay niya. Kaya wag ka ng magtaka kung bakit alam ko na Salutatorian ka...”


At ang sarap pakinggan ng mga salitang iyon, parang piano, napaka-heavenly. Nakaka-taas ng ego. Namalayan ko na lang ang sarili kong ngumingiti. Saka ko ibinaling ang ngiti ko sa kanya. Hindi na lang yun ngiti ng saya, ngiti na rin yun ng pang-aakit. Gusto kong ipamukha na nakuha ko ang isang katulad niya sa mga ngiting yon.


Pero naalis din sa mukha niya ang pagtataka. Napalitan ito ng ngiti, hindi ngiti ng saya, hindi ngiti ng pagpapa-cute. Ngiti ng sarkasmo, na sinabayan pa dahan-dahang niyang pagtango at matalim na tingin.


OA mang sabihin, pero parang ngiti yun ng mga kontrabidang may pinaplanong masama sa mga pelikula.


“Pero, don’t be overflattered. Nalaman ko yun dahil nandoon sa booklet ng mga scholars ang pangalan mo, kung saan nandoon din ang pangalan ko. Hindi ako nag-iikot sa campus para maghanap ng impormasyon tungkol sa iyo. Mas lalo rin namang hindi ako nagtanong-tanong sa mga kaklase natin. I didn’t even stalk you, kahit kailan hindi kita sinundan hanggang sa bahay niyo, kahit na lagi tayong nagkakasalubong dito sa campus. At hindi ko rin tinitingnan ang Facebook profile mo. I keep avoiding it, alam ko naman kasing puro infidelity ang makikita ko doon. So, please, don’t ever give me that disgusting look. It doesn’t make you attractive to my eyes at all. It just makes you nothing but a stupid...”


Kalmante niyang sinabi ang mga salitang iyan. Ngunit sa payapang tinig na iyon, nagtatago ang tono ng sarkasmo. Nakakahiya. Nakakainsulto. Nanunubok.


Edi, magsubukan kami.


“Parang sa tingin ko, hindi rin naman. Alam mo karamihan ng mga bakla, hindi ganoon kaganda ang itsura, ang sakit sa mata eh. Lalo na sa mga gwapong katulad ko. Tapos malalaman na lang namin na yung mga baklang yun eh, may gusto sa amin. Pre, ang sakit, sakit sa katawan. Teka, pre ba, o mas komportable ka sa mare? Diba ganoon naman talaga, yung mukha at yung katawan lang naman ang gusto niyo. Gusto niyo lahat ng karelasyon niyo gwapo. Kung hindi man gwapo, dapat hunk, dapat macho. Tapos gagawin niyo lang hipon, tapon ulo, kain katawan. Appearance is all that matters to gays. Diba, ganoon naman kayong mga BAKLA...”


Idiniin ko talaga ang bakla, gusto kong ipamukha na ganoon siya, na katulad rin siya ng ibang bakla, na makukuha ko siya sa pamamagitan ng nakakamatay kong ngiti. Maghubad lang ako sa harap niya, bibigay na siya. Ganoon naman kasi talaga ang mga kilala kong bakla.


Pero nanatili pa ring nakangiti si Chong. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya.


“Well, if that is what you think, then okay. Hindi ko alam ah, pero parang dinescribe mo na rin ang sarili mo habang idinedescribe mo ang isang KARANIWANG BAKLA...”


Saka siya humigop ng iced tea niya. Kalmanteng-kalmante pa rin kahit na ininsulto ko na siya. Saka ko naisip kung saan hahantong ang usapan na ito...


“Teka, gusto mo bang sabihin na ba...”


“Diba, sabi mo sa akin kaninang umaga na gusto mo rin ako...”


Nalintikan na.


“Sandali ah, pre, lalaki ako, lalaking-lalaki. Straigh! Parang ruler! Hindi ba halata?”


“Kapag ang isang lalaki, sa mga babae lang nagkakagusto, straight ang tawag sa kanya. Ganoon din sa mga babae. PERO, kapag ang lalaki, nagkagusto sa kapwa niya lalaki, at ang babae, nagkagusto sa kapwa babae, straight pa rin ba ang tawag sa kanila?”


Napalunok na lang ako ng laway.


“No, dude, no. It either you are straight, or you are crooked. And if you aren’t straight...”


Sinabayan niya ng pandididlat, pagtaas ng kilay, at ng sarkastiskong ngiti ang mga salitang iyon, habang ako naman ay nananahimik at halatang napahiya. Hindi ko alam, pero natakot ako. natatakot ako sa kanya...


“Yung mga itinanong ko sa’yo kanina, it is a way for me to find out kung homosexual ka. Ang gusto ko sanang itanong eh kung minolestiya ka ng tiyo mo noong bata ka pa. But I need a more subtle question, tanong na hindi mo iisiping tinatanong kita kung bakla ka, or else baka nasa guidance office na tayo. But since, mukhang hindi sapat sa iyo iyon, tinuloy tuloy ko na. Marami sa mga homosexuals ang namolestiya noong bata sila, pinagsamantahan ng mga relatives nilang lalaki. But in my case, I wasn’t raped. I hated my father, kaya wala akong father figure, mas close ako sa nanay ko, KAGAYA MO. At alam mo naman kung anong sinasabi ni Freud tungkol sa mga ganitong kaso. In the case of the achievements, halos lahat kasi ng kilala kong academic achievers eh bakla. Actually, our High School Valedictorian was gay. Pero it would be irrational if we would generalize, but still...”


"Tinanong din kita kung may girlfriend ka. Actually napapansin ko naman talaga na si Fred ang laging may kasamang babae, through the slight difference between the two of you. Masasabi ko naman na hindi ibig sabihin na kung wala kang girlfriend, eh bakla ka na. Kaso nga lang, yun ay kung isa kang average looking man. Pero ang mga lalaking may mukhang katulad ng sa iyo at may strong urges ng hormones, medyo mababa ang chances na walang girlfriend ang mga katulad nila, pwera na lang kung...Pero kunsabagay, vague naman kasi ang tanong ko. Dapat ang tanong ko sa iyo ay kung may nilalandi ka ngayon. Mas akma. Mas appropriate."


Nakatunganga lang ako sa kanya, habang nagsasalita siya, habang siya naman direktang nakatingin sa mga mata ko. Habang ako eh nakatingin sa mga mata niya ng malamlam, ng parang nakatingin lang sa isang bagay at lumilipad ang isip, siya naman eh matalim pa rin ang tingin sa akin.


"Pero... medyo...vague din eh. Baka kasi ang isagot mo sa akin eh ang pangalan ko. So therefore ang dapat na tinanong ko talaga sa iyo, eh, kung may nilalandi kang babae ngayon..." ang wika niya sabay taas ng kanyang  mga kilay.


Nakakatakot. Nakakatakot siya. Parang wala kang maiitatago mula sa kanya. Mula sa iyong pagkindat, sa iyong mga intensyon, sa iyong mga sikreto, sa iyong mga nararamdaman. Parang batid niya kung paano ka pigain, kung paano ka pahinain, kung paano ipamukha sa iyo kung gaano ka kahina.


“But, you know, what actually amazed is, talagang mukha ka namang lalake. Wala ka namang bahid. Evidently, inclined ka sa girls. Masasabi ko pa ngang understatement ang ‘inclined ‘eh, I think obssesed is more appropriate. Therefore, imposibleng makagusto ka sa isang baklang katulad ko. Straight ka nga diba,like a ruler, as what you have claimed. So pwedeng gusto mo lang ng mas mataas na grades, kaya ka dumidikit sa akin, tutal, hindi naman bago sa'yo na mas may utak ako sa'yo, hindi ba? Pero kung yun lang ang habol mo, hindi ka naman magpapansin sa akin at mananadya ng halos DA-LA-WANG TA-ON, hindi mo gagawin yung mga iyon, kasi base sa personality mo, tatapikin at susutsutan mo lang yung taong gusto mong pagkopyahan ng sagot. So I'm left with two answers, it's either isa kang malaking attention-grabber, na walang iniisip kundi siya lang nag-iisang gwapo sa mundong ito, o... ”


Saka siya umupo ng diretso at kinagat ang labi, hindi ko alam ang iniisip niya. Ayoko na ring isipin pa at nakakapagod. Totoo naman na ganoon talaga ang iniisip ko, gusto ko siyang subukin, gusto kong pansinin niya ako. Pero alam kong hindi lang iyon ang tanging dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Alam kong hindi...


“...o gusto mo lang ng isang malaking laro, laro kung saan we will touched body parts, magsesex, maglalampungan, magkakantutan, na gusto mo akong gawing parausan. So, you see, you just described yourself through your own beliefs. Kung titingnan mo yung mga sinabi mo kanina, you just called yourself a gay, hindi ba?”


“Teka, Chong, ano bang sinasabi mo?”


Pero bigla siyang tumayo, at saka yumuko sa kinauupuan ko, inilagay ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng mesa at iniakma ang kanyang bibig sa aking tenga. Ramdam na ramdam ko ang kanyang hininga, ang kalmante niyang pag-hinga, habang ako naman ay tuliro, hindi alam ng gagawin. Parang mas nakamamatay ang ganitong asal niya, kung simpleng galit lang siya, isang suntok lang tapos na. Pero iba ang inaasal ni Chong. Bakas na bakas sa tinig niya ang galit. Ibang Chong ang nakita ko ngayon, kabaligtaran ng Chong na may pag-iingat, buong paggalang, at hinhin kapag naglalakad.


“Well, sir, if that is what you are planning all this time na nagpapansin ka sa akin, I’ll assure you that that will not happen. Makakantot ka muna aso at kabayo bago ako. Or if all of those doesn’t satisfy you, why you don’t go to clubs and fuck as many girls as you want. O kung hindi pa rin sa’yo sapat yan at gusto mo talagang kapwa mo lalaki ang sumipsip diyan sa ari mo, just go to gay clubs. Just make sure that I’m not included to your fucking plans. And oh, by the way! Can you please stop calling me Chong for God’s sake. Are we even close?” Saka siya tumayo ng diretso at isunukbit ang kanyang body bag sa kanyang kaliwang balikat. Sakto namang may tatlong magkakaibigang lalaki ang pumunta sa mesa namin.


“Pwede po bang maki-share?”


“Opo,pwede po...” ang kalman te sagot ni Chong, na sinabayan pa niya ng isang ngiti, ng may paggiliw. Saka siya umalis na dala ang iced tea niya.


Naiwan akong tulala at nag-iisip. Inikot-ikot ko na lang ang kutsara ko sa plato ko. Totoo nga kayang yun lang ang gusto ko kay Chong, ang maka-sex siya?Ganoon lang ba talaga ako kakababaw? Ganoon lang ba kababaw ang tingin niya sa akin? Ano na bang nangyari sa akin? Bakla na nga ba ako ngayon? Hindi pwede, hindi pwedeng maging ang isang gwa...ayokong ko na ngang sabihin, baka mapahiya na naman ako. Bakit ganoon? Parang mali ang pagkakakilala ko sa kanya. Oo, hindi siya madaling kuhanin, pero parang siyang demonyo. Nakakatakot. Nasa ganito akong sitwasyon ng may biglang umakbay sa balikat ko, na sinabayan niya ng pagtapat ng kanyang bibig sa aking tainga.


“And by the way, hindi lahat ng ruler straight. Yung iba, bendable...”





Itutuloy...


[04]
Pasensya na pala sa masyadong matagal na update nito, naging busy na kasi eh. actually natapos ko na ang Chapter 4 and 5 nito, kaso yung nacorrupt sa hindi malamang dahilan ang Chapter 4 habang ang Chapter 5 naman eh na-delete ko at na-isave. Galing no, so brilliant. Mukhang nasa akin ang kalooban ng langit...
Nahiya naman ako kay Kuya Mike. Maraming salamat po pala at pinayagan mo akong makapagpost dito. Salamat din po at hindi mo po ako blinock kahit na ang tagal na ng update ko XD. Maraming, maraming salamat mo talaga!!!!
Plinano ko na talagang makapagpost ng tatlong chapters at a time, alam ko kasing may tendency na maging boring yung ibang chapter ( yung iba nga lang ba, o lahat XD), like yung Chapter 2. Pero kailangan ko yung Chapter 2 para maipakita kung gaano kavulnerable si Fonse. At mukhang itong Chapter 4 eh ganoon din. Pero sisikapin kong tapusin yung Chapter 5 and 6 hanggang Linggo XD
Pero sa ngayon, heto muna ang Chapter 4 ng A Dilemma of Love...
------------------------------------

“And by the way, hindi lahat ng ruler, straight. Yung iba, bendable.”
Hindi ko na tinapos yung pagkain ko ng 'malinamnam' na chicken roll sa canteen. Pumunta na lang ako sa cafeteria ng campus at umorder ng coffee shake. At hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Chong. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung anong nangyayari sa akin. Gusto ko nga ba talagang makipag-sex sa kapwa ko lalaki? Fuck, ang sagwang pakinggan, ang saklap tanggapin! Shit! Tsaka teka, naisip niyang kaya ako nagpapapansin sa kanya kasi gusto ko lang ng may makokopyahan ng sagot, na kaya ako nagpapapansin sa kanya kasi isa akong malaking epal, na gusto kong nakukuha ang atensiyon ng lahat ng tao sa mundo dahil gwapo ako, na kaya ako nagpapansin sa kanya kasi gusto ko siyang maka-sex, pero...
”...bakit hindi niya naisip na kaya ako nagpapapansin sa kanya kasi gusto ko talaga siya...”
Fuck!!
”Sir... Siiiiiiiir, yung in-order niyo pong coffee shake, Siiiiiirrrr...”
“Ah? Ah...ah..ah, sige pakilagay na lang diyan. Thank you, thank you na rin...”
Wala sa plano kong umorder ng shake, mas lalo namang uminom ng kape sa katanghaliang tapat, pero kailangan ko ng excuse para makapag-stay ng matagal sa cafeteria na iyon. Kailangan ko ng isang tahimik na lugar para makapag-isip, para makapag-recover, para tanungin ang sarili ko kung ako pa nga ba si Carl Alfonse Santiago, para alisin sa utak ko si Chong at yung mga pinagsasabi niya. Siguro kung hindi ko ginalit si Chong, kung hindi ko siya ningitian ng mapang-akit, baka kasama ko siya ngayon sa cafeteria at naghahalakhakan kami, saka ko lang noon magugustuhan ang coffee shake sa katanghaliang tapat. Teka, kaya nga ako naghahanap ng tahimik na lugar para kalimutan si Chong eh, okay. Pero linsyak...
...Puno yung cafeteria!!!
Walang hindi na-occupy na mesa at upuan sa cafeteria noong mga oras na iyon. Puro tawanan ng mga magkakaibigan, kwentuhan ng mga magbabarkada, kulitan ng mga waiter at waitress, at lambingan ng mga magkasintahan ang maririnig mo sa loob, tila isang higanteng sapal sa mukha ko na nag-iisa lang ako. Buhay na buhay yung cafeteria, tanging yung pwesto ko lang ang walang ingay na nagagawa, tanging yung katapat ko lang na upuan ang walang nakaupo, at tanging ako lang ang mistulang walang buhay sa masiglang lugar na iyon. Nakakainggit tuloy, kasi habang yung mga taong nakapaligid sa akin ay may mga ngiti sa labi, ako naman ay walang magawa kundi haluin ng haluin yung coffee shake na inorder ko.
”Siguro kung kasama ko si Chong ngayon, ang saya-saya ko siguro...”
Fuck ulit!!!
Ano kayang ginagawa ni Chong ngayon? Pinagtatawanan kaya niya ako? Pinagtatawanan kaya niya ako dahil nanalo siya? Tae, nakita niya kanina kung gaano ako kahina. Sobrang yabang kasi eh. Minsan kailangan ko talagang tanggapin na hindi lahat ng bagay sa mundo, eh, makukuha ko, at kung bagay nga hindi ko makukuha, tao pa kaya. Tama si Chong, hindi lang ako ang tanging gwapo sa mundong ito, kaya wala akong karapatan na angkinin ang atensiyon ng lahat ng tao. Hindi lahat ng tao mabibighani sa mukha ko, hindi lang naman kagwapuhan ang meron sa mundong ito eh. Kaya simula ngayon, dapat humble na ako, HUMBLE.
Mukhang hindi na nga ako si Carl Alfonse Santiago.
“Pwede bang maki-upo?” sambit ng isang lalaki sa ipit at parang paos na boses.
Nagulat ako. Nakatunganga ‘kong tiningnan kung sino ang nagsalitang yun, at nakita ko ang isang lalaking medyo maliit at mukhang nasa 40’s na, may dalang plato ng leche flan at coffee shake, gandang combination! Saka ko naalalang siya pala ang professor ko sa Basic Geodetic Engineering, si Sir Villacruel.
“Ah...sir, ano po? Ah, sige...sige, upo po...” ang sambit ko na naguguluhan. At hindi man masyadong halata na naguguluhan ako.
”Sigurado ka ba?” ang sabi niya sa tila nang-aasar at sarkastikong tono. Tae lang, ganoon lang ba talaga ako kadaling basahin? Para lang ba akong isang libro na kahit sinuman ay mababasa ako kahit na hindi siya magbuhos ng effort?
”Ser, paano niyo naman naisip yan, eh close tayo eh, upo na po kayo...” saka ko siya binigyan ng pamatay na ngiti.
Saka siya umupo sa harap ko at inilapag sa mesa ang mga dala niya ng buong pag-iingat.
Ang hinhin lang. Ibang hinhin eh. Parang nang-aakit, nakakadiri. Hindi kaya pagsamantalahan ako ng matandang ’to? Parang si Chong ang nakikita ko, pero ang pangit sa kanya. Yung pagkahinhin ni Chong, eh, karespe-respetong tingnan, pero yung inaasal ngayon ni Sir Villacruel, eh yung pagkahinhin na gusto mo siyang suntukin, parang bakla, baklang-bakla. Kay Chong bagay tingnan, pero sa kanya, ang sagwa, pilit na pilit. Kunsabagay, hinala na rin naman talaga namin nila Fred, eh bakla itong si Sir Villacruel. Nahahalata rin kasi namin sa gestures niya kapag nagdidiscuss siya. Kadalasan, makikita mo siyang iniikot-ikot ang nakaharap niyang palad sa amin habang nagsasalita, at nagsasalita siya sa boses na impit na impit, halatang kulang sa testosterone, boses pambinabae.
Isang beses nga na nagklase kami, yung isang oras na period namin eh inubos niya sa thirty minutes sa discussion ng field work namin, habang yung natitirang thirty minutes eh inubos niya sa pakikipagkwentuhan sa aming apat nila Fred, Lem, at Brix. Hanep sa special treatment, ang landi lang. Si Chong tsaka yung mga ka-grupo niya naka-alis na para kumuha ng instrument na gagamitin, pero yung grupo namin eh nasa loob pa rin ng room at nakikinig sa kanya. Kunsabagay, kaya naman kasi siya nakipagkwentuhan sa amin kasi tinanong ko siya kung talagang lumulublob sila sa ilog na kasing-lalim ng isang tao kapag nagsusurvey sila, hindi ko naman kasi inakalang magreresulta yun sa isang epiko. Tsaka napansin rin namin na may singsing siyang suot sa pang-apat na daliri ng kaliwa niyang kamay. Kung tama ako, wedding ring yun. Hindi ko nga alam kung accessory lang niya iyon, o baka ikinakasal na talaga siya. Pero hindi rin ako sigurado kung ikinasal siya sa babae, o ikinasal siya sa lalaki. Habang tumatagal talaga ang mundo, lalo itong gumugulo. Dati lalaki at babae lang ang nagpapakasal. Dati magkaroon ka lang ng anak at asawang babae, isa ka ng tunay na lalaki. Pero ngayon, ikinakasal na maski dalawang lalaki, maski dalawang babae, maski isang tao o puno o hayop, though ancient practice na ito. Ngayon, hindi ibig sabihin na may anak ka, eh tunay kang lalaki, hindi ibig sabihin na may asawa kang napakaganda at seksing babae, eh straight ka. At ngayon, isa ang buhay ko sa mga nanganganib na maging magulo.
”Uy, inumin mo na yang coffee shake mo. Kanina mo pa hinahalo yan, natutunaw na ’no...” ang sabi niya sa malambot na tinig.
Natauhan ako, nakakahiya tuloy. Halos fifteen minutes ko na pa lang hinahalo yung shake, halos fifteen minutes na pala akong nananahimik, at halos fifteen minutes ko na siyang hindi kinausap. Baka bawasan niya yung grade ko sa BasGeo, kailangan ko siyang i-entertain.
”Ah...ah? Ah, opo. Bagsak po kasi yung grade ko sa Statics, hindi ko po alam kung paano ko babawiin. Baka pwede niyo nga po akong tulungan...” saka ako nagpacute sa kanya. Totoong bagsak ang grade ko sa Statics, at totoong isa yung malaking problema, pero hindi Statics ang nasa isip ko ngayon. Hindi niya alam na ang iniisip ko ay kung bakla siya, hindi niya alam na ang sanhi ng malaking kalituhan ko ay si Chong, si Chong, at si Chong.
”Teka, anong sinasabi mo? Hindi ko naman tinanong kung anong iniisip mo eh?”
Nalintikan na.
”Halatang may iniisip kang iba...”
”Ay, ganon po ba, pasensiya na po kayo, pinaproblema ko po talaga yung Statics eh. Major ko po kasi yun, kaya sana po kahit sulsol lang kay Sir Cruz...”
”Ay, talaga. Pero parang hindi naman...” saka niya isinubo ng pagkahinhinhin ang kutsara niyang may leche flan na sinabayan pa niya ng papungay-pungay ng mata.
Tae. Anong gustong ipahiwatig ng matandang ’to? Na may nalalaman siyang isang bagay na alam kong hindi niya dapat malaman, pero nalaman niya at alam niyang ikakamatay ko kapag nalaman kong nalaman niya? Ano yun, pre!!! Teka, gagamitin ba ng matandang to ang nalalaman niya para pagsamantalahan ako? Ganoon ba kalaking bagay yun para gawin niyang panakot sa akin para paligayahin ko siya? Ano ba talaga yun?!  Anong ibig sabihin ng papungay-pungay niya ng mata, at ng pagkahinhin-hinhin niyang pagsubo ng leche flan? Leche talaga, oo!! Kailangan kong uminom ng tubig, kinakabahan ako. Kinakabahan ako. Teka, hindi kaya...
”Hindi naman kaya yung pinagsisigaw mo sa hallway kanina ang gumugulo sa iyo...”
Nabilaukan ako.
”Waiter, WAITER!! Pahinging tubig!! PAHINGING TUBIG!!”
Dumating ang waiter na may dalang baso at isang pitsel, saka ako pinainom ni Sir Villacruel ng tubig. Hanep sa thoughfulness, halatang may gustong gawing mahalay sa akin. Natigilan ang lahat ng tao sa cafeteria, lahat ng mga mata nila ay nakatuon sa akin, saglit na tumigil ang mundo. Congratulations to me! What an achievement, dalawang beses kong napatigil ang mundo ng maraming tao sa iisang araw! Ang cute ko talaga...
“Wahahaha!!!! WAHAHAHAHA!!!!”
Bigla ba namang tumawa, kung hindi ba naman siya nang-iinsulto. Pasalamat siya, inuubo pa ako kaya hindi pa ako makapagsalita. At pasalamat din ako, kasi inuubo pa ako at hindi ko pa kailangang magsalita. Baka mas lalo akong mahuli kapag nagsalita pa ako. Kaso parang in-affirm ko na rin na yung nangyari nga kanina sa hallway ang iniiisip ko nang maubo ako. Pahamak talaga ’tong bibig na ’to, oo. Pahamak talagang ’tong lalamunan na ’to, oo.
”Ser, pwedeng ’wag na nating pag-usapan yung nangyari kanina...” ang sinabi ko sa kanya sa mababang boses. Talagang binabaan ko ang boses ko, talagang ginawa ko itong seryoso. Kailangan kong ipakita na kapag hindi siya tumigil, baka mapainom ko sa kanya sa loob ng isang minuto ang coffee shake ko na halos labinlimang minuto kong hinahalo. Kailangan kong ipakita na kapag hindi hindi siya tumigil, baka pumasok siya sa susunod niyang klase ng may nangingitim na kaliwang mata. Kailangan kong ipakita na hindi niya pwedeng ganun-ganunin ang isang heartthrob na kagaya ko. Pero hanggang pagpapahiwatig lang ako. Professor pa rin naman siya at ayokong mauwi sa Guidance Office, mamaya ma-expel pa ako, at hindi ko na makita si Chong, bibigyan ko pa siya ng pabor dahil ayaw naman talaga niya ako makita. Tsaka hindi naman alam ni Sir Villacruel na kay Chong ko sinabi yung mga salitang yun, hindi niya alam at hinding-hindi niya malalaman.
”Eh, si CHONG ayaw mong pag-usapan?”
 “Seeerrrrrrr...” napalitan ng pagsusumamo ang seryoso kong boses kanina. Bwisit, alam niya, ALAM NIYA! Anong gagawin ko? Paano kung kumalat sa campus, paano kung marating kina Fred, paano kung makarating kina Mama at Papa? Nakasalalay ngayon sa kamay ng matandang ’to ang kapalaran ko. Ang tsimoso pa man sin ng matandang ’to, parang hindi lalaki. Teka, hindi naman talaga siya lalaki eh. Hindi nga ba?
”Kayo ah, akala niyo hindi ko nalalaman, ikaw...ah, ah? Ano nga bang pangalan mo?”
”Carl...Carl Alfonse Santiago...Ser...”
”Ah, oo, Carl. Akala mo hindi ko alam yung mga pinagkakalat niyong tsimis tungkol sa akin. Kayo ng kakambal mo, kayo yung pasimuno ng pagkakalat na bakla ako eh. Alam mo iho, hindi ako bakla. Hindi porke’t ipit at maliit yung boses ko eh bakla na ako. Eh may anak ako eh, paano ako magiging bakla?”
Hindi ko alam kung bakit niya idinepensa sa akin na hindi siya isang bakla. Diba sabi nga nila, the more na ipinagtatanggol mo ang sarili mo, the more na guilty ka. Pero parang hindi ko rin maii-aaply sa sitwasyon na ito ang paniniwalang iyon, parang karapatan pa rin niyang ipagtanggol ang sarili niya, lalo na sa harap ng kapwa niya engineer. O sige, future engineer na lang. Mahirap maging bakla, solely. At mas lalong mahirap maging bakla kapag engineer ka. Okay lang sana kung industrial engineer ka, tutal kadalasan na managerial jobs ang napupunta sa kanila, okay lang na maging bakla. Pero papaano kung Geodetic Engineer ka at bakla ka? Paano mo pakikisamahan ang mga katrabaho mong mga tunay na lalaki? Paano ka makikisakay sa pakikisama na mga tunay lang na lalaki ang makaka-intindi?
”Pero ser, hindi naman ibig sabihin na kapag may anak ka, eh, hindi ka na bakla...”
Natigilan siya, siguro naisip niyang tama ako. Nawala ang angas niya. Saka siya tila nag-isip at tumingin sa akin na parang napahiya. Napangiti na lang ako, tama naman talaga ako eh. Kaso, biglang tumulis ang tingin niya sa akin, parang may masamang binabalak, parang may ibubuwelta sa akin. Saka siya bumuwelo uli, at biglang ibinalik ang mayabang niyang pagkilos.
”Ah hindi kahit na, hindi rin naman ibig sabihin na kapag wala kang anak, eh bakla ka na. Tingnan mo, ipinagkakalat niyong bakla ako, tapos ikaw naman pala tong bakla. Lakas mong maka-trip, Chong...”
”Ser, teka, ser ah. Anong sinasabi niyo? Hindi ako bakla, hindi ba halata. Lalaking-lalaki to.” sabay pagpalo ko pa ng clenched fist ko sa dibdib ko. Lalaki naman talaga ako eh.
”Okay...lalaking-lalaking. Kaya pala...kaya pala may gusto kay Chong...”
Nawala kaagad ang yabang ko.
”Ser,  kapag sinabi mo bang gusto mo ang isang tao, ibig sabihin lang ba noon eh gusto mo siyang makarelasyon? Syempre hindi naman ser diba. Pwede namang gusto mo yung ugali niya. Pwede ring gusto mo siya kasi parehas kayo ng mga hilig, o di kaya gusto mo siyang maging kaibigan. Pwedeng gusto mo siya kasi interested ka sa personality niya. Pwede ring napapangiti at nababago niya ang mundo mo. O di kaya naman, kaya gusto mo siya kasi gusto mo siyang laging nakikita, at gusto mo siyang laging ka...” Napatigil ako. Saka ko narealize na kinocontradict ko na ang sarili ko. Bopols talaga.
”Ka?” ang sambit niyang may ngiti sa labi.
”...ka...kasama...”
”OH, I SEE. Talaga nga namang walang lamang malisya yung mga sinabi mo. I don’t smell anything fishy at all...”
Nakahinga ako ng maluwag. Salamat!
”...yun ay kung ang sa isang babae mo sinasabi ’yang mga ’yan...”
Bopols lang. Bopols! Pero kailangan kong humirit uli.
”Ano ba kayo ser! So ang ibig niyong sabihin si Alexander the Great, na halos makasakop sa buong mundo, eh isang bakla kasi gusto niyang laging kasama si Hephaestion? Na si Sherlock Holmes, eh, isa ring bakla kasi lagi niyang kasama si Dr. Watson? O tingnan niyo ser, hindi naman diba...” sinabayan ko pa ang pagsasalita ko ng pagkumpas-kumpas ng kamay para magmukha akong kapani-paniwala. Kailangang makita sa mukha ko na alam ko ang sinasabi ko, kahit na hindi, kahit na alam kong hilaw ang katwiran ko. Kailangan ko ring patunayan na hindi pagmamahal ang sinabi kong pagkagusto kay Chong. Kailangan kong patunayan na lalaki ako.
”Sa case ni Alexander the Great, malaki ang chance na baka bakla nga siya. Si Sherlock Holmes naman, siguro homosexual tendencies lang. Hindi naman kailangan maging bakla ka eh, sapat na ang kakarampot na homosexual tendency para magkagusto ka sa kapwa mo lalaki, ang eventually, ma-in love ka sa kapwa mo lalaki...”
At napunta ako sa dead end ng isang maze na hindi ko ginustong pasukan.
"Diba, tama ako...Chong," sabay ngisi niya na tila nang-iinis. Hindi pala tila, talagang nang-iinis. "Kaya huwag na huwag kang papalulong kay Chong, huwag na huwag. Habang maaga pa, gawin mo na ang lahat para putulin yan. Iwasan mo siya. Kung ayaw mong mabago ang mundo mo at may mga bagay na mawala sa iyo, solusyunan mo na yan..."
Tama si sir, hindi ko pwedeng hayaang magpatuloy sa puso ko ang yung ganito. Kapag ipinagpatuloy ko ito, maaaring mawala sa akin ang mga kaibigan ko, ang mga girlfriend ko, ang pamilya ko. Pero paano ko aalisin ang isang bagay na nagbibigay sa akin ng saya? Bakit ko sosolusyunan ang isang bagay na bumubuo sa akin?
"...yun ay kung gusto mo ngang solusyunan yan..."
Napaka-encouraging talaga ni Sir. Superb!
”Huwag kang magagalit ah, pero namolestiya ka ba noong bata ka?”
Hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko na lang siya nang may pagkalito, nang may lungkot. Gusto ko sana siyang sagutin na narining ko na kanina ang tanong niyang iyon kanina, mula sa isang taong hindi ko inaakalang siya pang magtatanong sa akin.
”Alam mo kasi, wala mang buhay, pero ang bahay, parang tao rin. Civil ka diba, dapat alam mo na sa pundasyon ng isang bahay nakasasalay ang lahat ng ukol dito. Kahit na anong ganda ng interior ng bahay, kahit na anong ganda ng pinturang ginamit mo, walang silbi ang lahat ng iyon kapag palpak ang foundation. Kapag matibay ang pundasyon ng isang bahay, alam mo na ang magiging reaksiyon niyon sa mga lindol, bagyo, at sa lahat ng uri ng kalamidad. Pero kapag mahina ang pundasyon ng bahay, kahit na point-something lang yung lindol, giba kaagad yun. At sinong gusto ng madaling magiba na bahay? Lahat ng tao gusto ng mga bagay na mas nagtatagal. Wala tayong magagawa kundi gibain ang bahay na iyon mula sa mismong pundasyon nito. Ngayon kung namolestiya ka noong bata ka, habang buhay na iyong nakatatak sa isipan mo, magiging parte na ito ng pundasyon mo. Bilang tao, ang isipan mo ang pinaka-pundasyon mo. At paano mo gigibain ang isipan mo? Magkaka-amnesia ka?”
Oo nga ano! Tama siya, tamang-tama! Kapag nagka-amnesia ako, tapos na lahat ng problema ko tungkol kay Chong, lahat ng tungkol sa lecheng pagkagusto ko sa kanya. Baka sakaling lumipat pa kami ng lugar kapag na-aksidente ako. Yahoong-yahoo! Pero teka, paano ako magkaka-amnesia? Magpapabundol ba ako? Tatalon ba ako sa mataas na building? Ibangga ko kaya yung kotse ni Papa? Eh kung manood kaya ako ng massacre films ng ma-trauma ako? Pero teka, parang kabaong ang denominator ng lahat ng iyan eh. Tapos kung hindi pa maging successful, mabuburyong lang ako sa hospital. Kung manonood naman ako ng mga massacre films, baka hindi naman trauma ang kahinatnan ko, baka ako pa ang maging serial killer. Tae!!! Paano ba!!!!
”Pero kahit na magka-amnesia ka, posible pa rin bumalik yung ala-ala mo...”
Oo nga naman, may tama siya.
”Kaya habang maaga, huwag na huwag kang papalulong kay Chong. Huwag na huwag talaga. Okay lang sanang maging bakla kung pangit ka eh, okay lang sana kung mukha kang aso, o di kaya kabayo, na katulad ko...” bigla siyang tumigil. Mukhang naisip niyang parang inamin na rin niyang bakla nga siya. Nakayuko ko na lang siyang ningitian at saka ako tumingin sa kanya. Nakita kong tila naguluhan siya, siguro umiisip siya na pambawi.
”Ah, nasaan na ba tayo? Ah, teka, kalimutan na lang natin. Ah, hindi, oo nga pala, okay lang sana kung pangit ka eh, pero yung may ganyang kagwapong mukha, ’yang mukha na ’yan na halos lahat ng babae sa mundo, eh magkakandarapa, tapos sasayangin mo lang.”
”Ser, eh ano pong gagawin ko?”
”Sa tingin ko, wala...”
”Ha?  Wala?” Ang haba ng nilitanya niya, tapos ang sasabihin niyang solusyon eh wala. Hanep sa alright.
”Wala nga. Eh parang ayaw mo namang iwasan si Chong eh. Tsaka kung iba ang tinanong mo, siguro ang sasabihin nila sa iyo eh kailangan mo lang tanggapin ang lahat ng bagay at saka ka magmove-on. Pero paano mo matatanggap ang isang bagay na halos sariwa pa sa utak mo, isang bagay na halos kagaganap palang? Paano mo matatanggap ang isang bagay na kapag naiisip mo eh parang kahapon lang nangyari? Imposibleng matanggap mo yun ng madalian. Kung tatanggapin mo yun ngayon, magiging pwersado, at walang patutunguhan ang mga bagay na minamadali. The more you force it, the faker it becomes. Tsaka iniiwasan ka rin naman ni Chong eh, kaya ano pang magagawa mo. Let nature take its course. Kung lalaki ka, lalaki ka. Mamaya kapag pinuwersa kitang tanggapin yan, mas matindi ang balik sa’yo, makita na lang kitang chumuchupa ng ari ng iba..." pagkasabi na pagkasabi niya niyon eh nabulunan ako. Puta, sisipsip ng ari ng iba ang gwapong katulad ko!
"O, ayan na naman eh. Uminom ka ng tubig. Tingnan mo, ni hindi ka pa nga sanay makarinig ng bagay na ganyan. Kapag naging kayo ni Chong, hindi mo na lang maririnig yan, gagawin niyo pa ‘yan. Kaya wag kang papalulong kay Chong, seryoso ako..."
Biglang naging seryoso ang tono niya.
"Kung alam mo lang kung gaano kahirap maging bakla, oh umibig sa kapwa mo lalaki, hindi mo na ako hihintaying sabihin pa ang mga ito, dahil ikaw na mismo ang lalayo mula rito..."
Kahit na sino hindi maitatanggi na galing sa puso ang mga salitang iyon. Kahit na sino hindi maitatanggi na puno ang hirap ang pagkakasabi noon. Oo, inamin na rin niyang bakla siya, pero hindi ko siya mainsulto sa mga oras na iyon. Ako na nga itong pinagmamalasakitan niya tapos iinsultuhin ko pa siya. Gusto lang naman niya akong balaan mula sa kung anong papasukin ko, sa hirap na maaari kong danasin. Siguro talagang mahirap ang ganito. Kunsabagay, kung sa loob- loob ko nga, nahihirapan na akong tanggapin ang lahat, paano pa kaya ang mga tao sa paligid ko na walang ibang iniisip na tama kundi ang pinaniniwalaan nilang tama.
"Tama na naman ako no, Chong..." sabay ngisi. Mukhang nanggu-goodtime talaga ang taong ito. Kanina, halos magdrama, tapos ngingiti ngayon.
Pero sa kabila ng lahat ng babala na mga iyon, may isang bagay na hindi ko basta-basta mai-alis ang gustong kumawala mula sa dibdib, isang damdamin na alam kong magbabago ng buhay ko ang gustong sabihin ng mga labi ko. Alam kong risky, alam kong walang kasiguraduhan, pero aalalahanin mo pa ba ang lahat ng iyon kung alam mong ang kapalit ng lahat ng iyon eh kaligayahan.
“Pero, ser...paano kung...” ang sambit ko ng nakayuko, hindi mapakali at nag-aalangan.
“Paano kung...”
“Paano kung...paano kung gus...to ko...”
“...gusto mong?”
“...talagang makasama si Chong?”
At mula sa bibig ko lumabas ang mga salitang hindi ko inaakalang lalabas mula dito.
“Tsk, tsk, tsk, malala ka na talaga. Sabi ko sa’yo ‘wag kang papalulong eh...” ang sabi niya habang umiiling.  Bakas na bakas sa tinig niya ang panghihinayang, panghihinayang siguro sa mga babala niya sa akin, o ‘di kaya eh panghihinayang sa akin. Pero bakit ako hindi nanghihinayang? Siguro dapat naiisip ko ngayon kung anong kahihinatnan ng pangarap nila Mama at Papa na magkaroon kaming apat na magkakapatid ng sarili naming mga pamilya, lalo na kaming tatlong lalaki na inaasahang magpapatuloy ng apelyido namin. Siguro dapat iniisip ko ang lahat ng bagay na mawawala sa akin, maaaring sila Mama at Papa, maaaring sila Fred at yung barkada, maaaring ang normal kong buhay. Pero hindi sila ang talagang pumupuno sa isipan ko ngayon. Si Chong, si Chong, siya ang pumupuno sa isipan ko ngayon.
Parang bata na lamang akong yumuko ng makita ko ang tila hindi pagsang-ayon sa mukha ni Sir Villacruel. Siguro nga hanggang dito na lang ang lahat, wala na akong magagawa. Kailangan kong isipin ang nararamdaman ni Chong, tutal ayaw naman niya akong makita. Pero paano ako? Habambuhay na lang ba kaming mag-iiwasan? Hanggang sa daydreaming ko na lang ba siya makakasama? Habambuhay ko na lang bang maiisip kung ano sanang nangyari sa amin kung hindi ako sumuko?
“Gusto mo tulungan kita?” ang sabi niya sa masiglang tinig.
Bigla kong tiningnan si Sir, at nakita ko sa mukha niya ang saya. Abot tainga yung ngiti niya. Joke, exaggeration yun. Bipolar yata ‘tong tao na ‘to. Hayop sa trip!
“Ser, kanina ayaw niyo, tapos ngayon tutulungan niyo ako? Tumira kayo no?”
“Ah, ayaw mo. Edi sige...” saka tumayo mula sa upuan niya.
“Ser, teka, wala namana kong sinabing ayaw ko eh. Ang sinasabi ko lang, bakit nagbago yung isip niyo?”
“Naisip ko kasi na masyado pala akong nag-aalala sa buhay niyo, eh buhay niyo naman yan. Ang pakialamero ko talaga. Oo, mahirap, marami talagang mawawala sa iyo. Pero malay mo, kapag nakuha mo si Chong, maging doble pa ang pagkukulang na mapunan niya,” ang sabi niyang nakangiti. Ningitian ko rin siya, hindi dahin ningitan niya ako, pero dahil natuwa ako sa mga sinabi niya.
“Pero papaano Sir, eh grabe maka-iwas si Chong?”
“A-kong-ba-ha-la...” ang sabi niya sa mabagal na tono, parang nagmamayabang lang, nagmamagaling na kaya niyang solusyunan ang problema ko.
“Parang kaduda-duda, Ser...”
“Wala ka talagang tiwala sa akin. Kung hindi mo naaalala, ako ang prof mo sa Basic Geodetic Engineering Laboratory, tandaan mo ‘yan.”
Wala akong naisagot sa kanya kundi pagtatanong sa aking mukha.
“Basta, akong bahala. I assure you, hindi ka na maiiwasan ni Chong dahil sa pinaplano ko. Basta, abangan mo bukas...”
Natapos ang araw ng klase nang si Chong ang nasa utak ko. Maski sa pagpunta ko sa bahay, si Chong ang nasa isip ko. Nauna akong umuwi kay Fred, buti na lang at hindi masyadong nagtagal at umuwi na rin siya. Hindi rin niya sinabi na hindi ako pumasok sa mga klase ko, kung hindi, baka mahalata nila ako. Pero duda akong hindi nahalata ni Fred ang kalituhan sa mga kilos ko. Dati, pagka-uwi, maglalaro lang kami ng X-box, pero hindi ko magawang maglaro ngayon, masyadong maraming gumugulo sa isip ko para maglaro. Baka kapag lagi pa akong talo sa kanya, eh tanungin niya pa ako kung anong nangyayari sa akin.
Kung pwede ko lang sanang sabihin na si Chong ang may kasalanan ng lahat ng ito.
Ano kayang iniisip ni Chong ngayon? Iniisip nga kaya niya ako katulad ng pag-iisip ko sa kanya. Ngayong araw, nabago ang buong pagkakakilala ko sa kanya. Hindi ko tuloy masabi kung nachachallenge lang talaga ako sa kanya...Hay! Kanina halos aminin ko halos mahal ko na si Chong, tapos ngayon, sasabihin kong nachachallenge lang ako. Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko, ang gulo. Basta gusto ko siyang masama. Bahala na ang iba, basta gusto ko siyang makasama.
At mukhang si Chong ang paniginip ko ngayong gabi.
------------------------------------------------------------------------
”Okay, class. Wala tayong gagawin ngayon, para makapaghanda na rin kayo para bukas.” ang sabi ni Sir Villacruel. Nakakapanibago lang, dati, kapag nagdidiscuss siya, parang siya lang ang yung mga tao sa harapan ang nagkaka-intindihan. Pero ngayon, halos punuin niya ng tinig niya ang buong kwarto, parang sinasadya niyang marinig ng lahat ang sasabihin niya.
”Sandali, anong meron bukas?” ang tanong ko kay Fred.
”Tado, bukas na yung field work sa Pangasinan, nakalimutan mo?”
Linsyak, oo nga pala. Teka, hindi kaya ito yung sinasabi ni Sir na plano niya? Eto na ba yun?
”Pero ilang reminders muna, bago ko kayo idismiss. Di bale, tatlong araw tayo doon, Thursday, Friday, at Saturday.”
”Ser, bakit hindi na lang natin sagarin hanggang Sunday?” ang tanong ni Lemuel.
”Sige, pwede ka namang magpaiwan doon eh, basta may parental consent...”
Nagtawanan ang buong klase. Pero hindi ko magawang tumawa, nakatuon ang mata ko kay Chong, simula pa nang pumasok ako sa kwartong yun. Pero hindi sumagi ang tingin niya sa akin, kahit isang beses. Siguro iniiwasan talaga niyang magkatinginan kami. Pero hindi rin naman ako sigurado, kaya patagilid ko pa rin siyang tinitingnan. Panatag na panatag siya, minsan tumatawa kapag tumatawa rin ang mga kagrupo niya, pero bigla rin siyang tatahimik na parang walang nangyari. Nakikinig siya sa sinasabi ni Sir habang papungay-pungay ang mata.
”Hindi ko na kailangang sabihin kung anong mga dadalhin ninyo no. Basic necessities, damit, toothbrush, toothpaste, etc. okay. Kahit hindi na kayo magdala ng pagkain, kasi may malapit naman doong grocery store. Kumpleto na rin naman yung gamit sa tutuluyan natin, including stove, kaya no worries. Siguro magdala na lang kayo ng kawali, plato, tsaka utensils.”
Sandali, eh nasaan yung sinasabi ni Sir na plano niya para magkalapit kami ni Chong? Eto na ba talaga yun?  Paano kami magkakalapit, eh, magkahiwalay nga kami ng grupo. Group 2 kami nila Fred, habang si Chong naman, eh, Group 4. Paano yun? Adik ba si Sir?
”And lastly, dahil sa twenty sections kayo all-in-all, kahit hindi sapat sa inyong lahat yung instruments, ipagmemerge natin yung ibang groups...”
Wow, eto na yun! Eto na yata yun! Hindi ko na natiis na tingnan ng diretso si Chong mula sa kinauupuan niya. Nagbago siya ng postura. Ngayon, tinakpan niya ang kanyang bibig ng kanyang naka-steeple na mga kamay, habang ito’y nakapatong sa mesa. Napalitan ng matulis at galit na tingin ang kanina’y papungay-pungay niyang mata. Hindi na panatag si Chong ngayon, bakas mo sa kanya ang tensiyon. Kung dati’y makikita mo sa kanya na tila kalkulado niya ang lahat ng bagay, ngayon, nakita kong tila nawalan siya ng kontrol sa lahat ng bagay.
”At dahil anim naman kayong groups sa section na ito, di bale, tigdadalawang grupo na lang kayong magmemerge. At para madalian na at wala ng cheche-bureche, ako na ang nagdecide kung sino ang magme-merge. To start with, Group 1 and 5, magiging Group L kayo...”
Shit! Eto na nga iyon. Kung tama ang hula ko, plano ni Sir na gawin kaming magka-grupo ni Chong! Tama ba ako? Tama ba? Yahoo!
”...Group 4 and Group 2, kayo ang magiging Group M, which leads us to Group 3 and 6 being Group N...” saka niya ibinaling sa akin ang kanyang tingin na sinabayan pa niya ng ngiti.
Napangiti rin ako sa kanya. Sino bang hindi mapapangiti sa ganoong sitwasyon? Ka-grupo ko na si Chong, YAHOO! Tingin na puno ng pasasalamat ang isinukli ko kay Sir, saka niya ibinaling ang kanyang tingin kay Chong, pero biglang nawala ang ngiti sa labi niya, at parang napalitan ng takot. Dali-dali rin niyang iniiwas ang kanyang tingin.
Nagtaka ako, kaya nilingon ko si Chong. Nakita ko ang matulis niyang tingin kay Sir Villacruel. Matulis na ang tingin niya kanina, pero mas naging matalas ngayon, tila nag-aapoy. Sinamahan pa iyon ng kanyang nakakunot na noo. Alam kong maaari niyang ibaling sa akin ang tingin na iyon, pero wala akong pakialam. Basta ang alam ko ngayon, magka-grupo na kami, makakasama ko na si Chong.
Ngunit tila natigilan ako nang bigla niyang inalis ang kamay niya sa kanyang bibig, nang patango siyang ngumiti na tila nanakot at tila nagpapakita ng pangil, at nang itinaas niya ang kanyang kilay na sinabayan ng pailaim niyang pandidilat ng sobrang talim na tingin.
”Is that it? Talaga bang napakahina mo para humingi pa ng tulong sa ibang tao? At talaga bang sinusubukan mo ako...”
Ngunit hindi naalis ang tingin ko sa kanya. Para akong hinihypnotize noong mga oras na iyon. Tiningnan ko na lang siya ng may pagtatanong, kung ano ba talaga ang gusto niya? Gusto niya ako pero ayaw niya sa akin? Ganoon ba talaga ang gusto niya?
”...edi magsubukan tayo...”
Hindi siya nagsalita, walang tunog na lumabas mula sa kanyang bibig. Pero yung ang naramdaman kong sinasabi ng nakakatakot na asal niyang iyon. Parang iyon ang ipinahihiwatig ng nag-aapoy niyang mata.


[05]
“According to research, reading trivias can suppress the hormone responsible for making us fall in love.”

Maaga kaming dinismiss ni Sir Villacruel, para daw makabili na rin kami ng dapat naming dalhin sa Pangasinan. At mukhang marami ngang pumunta na sa grocery store para makabili ng mga gamit base na rin sa mga narinig ko. Halatang-halata sa kanila yung excitement, kitang-kita mo yung tuwa. Maski sila Fred kaagad na umalis para daw pumunta grocery store, actually inaya nga nila akong sumama. Pero nagpa-iwan na lang ako, tutal bibili rin naman sila, pinasabay ko na lang yung akin. Tsaka imposibleng bumili ng mga kailangan ng maaga ‘yung mga iyon. Duda ko magdo-DOTA lang yung mga iyon, at ayaw kong mabalahura na naman ng kakarinig ng pangalan ni...
Ano kayang ginagawa ni Chong ngayon? Galit ba talaga siya? Galit ba siya sa ginawa ko? Teka, ginawa ko, eh si Sir Villacruel yung may pakana noon. Baka isipin niya talagang plinano ko ‘tong mga ito. Haaay! Parang wala ring saysay na magigiging magka-group kami kung galit siya, iiwas at iiwas pa rin yun eh. Ano kayang mangyayari sa Pangasinan? Dapat ko bang asahan na mangyari ang mga bagay na dapat kong asahan, o ang dapat kong asahan eh yung mga mangyayaring hindi ko inaasahan? Teka, eh may mangyayari nga ba talaga? Mangyayari nga ba talagang makakasama ko si Chong?
Haaay, Chong! Bakit ka ba laging nandoon kahit na wala ka? Bakit ba wala ka kahit na nandoon ka?
Ang init ng umaga na iyon. Talagang mapapaso sa sobrang init yung balat mo kahit na isang minuto ka pa lang sa ilalim ng araw. Kahit na parang bumabawi ang hangin dahil sa lakas ng pag-ihip nito, hindi pa rin niya maaalis sa utak mo yung sikat ng araw. Buti na nga lang at hindi kami pinag-survey ni Sir Villacruel, kundi nagkandahirap-hirap na naman kami sa pagsipat sa theodolite at sa pagbitbit ng payong. Kaso napahaba naman ang vacant ko. Ayaw ko namang sumama kila Fred, minsan nakakasawa na ring laro ng laro, yung ay kung tama akong naglaro nga lang sila. Kaya wala akong nagawa kundi pumunta sa isa sa mga sikat na puntahan sa campus kapag mainit ang araw – sa library.
Bihira lang akong pumunta sa library. But when I do it, I don’t touch any single book. Mas functional naman kasi talaga ang library kapag ginagawa itong lugar ng kwentuhan, lugar ng tambayan, at lugar ng tulugan ng mga estudyante. Nagkakasilbi lang ang mga libro sa library at hindi lang sila nagiging decorations kapag examination period, lalo na kapag Finals kung saan ang mga estudyante eh nagagahol na sa oras para sa mga term papers nila. Bihira talagang maging library ang library, lalo na para sa mga estudyanteng bobo at nag-aaral lang para mag-aral.
Pero hindi para kay Chong.
Araw-araw sa library ang taong ‘yun, para ngang sa library na siya nakatira eh, lalo na noong mga earlier years namin. Kapag nagkakasabay kami papalabas ng campus, hinding-hindi pwede na hindi siya liliko para pumunta sa library, ang sarap pa man din sana niyang ayaing kumain sa labas. Kapag napipilitan kaming pumunta sa library para gawin yung mga pinapagawa ng mga professor na absent, hinding-hindi rin pwedeng hindi namin siya makita ni Fred. Kung hindi siya nagpapractice magsolve ng problems, mga English novels o di kaya eh psychological books ang binabasa niya. Siguro may kakambal din siya, pero libro nga lang.
At dahil sa maaga nga kaming nadismiss, finufill ko ang isa sa mga tungkulin ng library, ang maging isa siyang tulugan. Haaay, kaantok! Eto talaga ang ayaw ko sa early dismissal, lalo na kapag umaga pa yung klase na yun, imbis na nakahilata ka pa sa kama mo, eto’t nasa library ka’t pinipilit mong matulog sa hindi komportableng posisyon. Pero hindi rin ako makatulog eh, kapag sinusubukan kong ipikit ang mga mata ko, yung nanlilisik na mga mata ni Chong ang nakikita ko. Bakit ba kasi ganoon yung tao na yun? Gusto niya ako, gusto ko siya, the feeling is mutual, edi dapat kami na! Yung gwapong lalaki na mga ‘yung lumalapit sa kanya, hindi pa siya bumigay. Hindi naman kaya plano talaga niyang magpahard-to-get para lalo akong mabaliw sa kanya? Pero parang sobrang pahard-to-get naman niyon, parang gusto niya na akong ilibing sa impyerno sa mga tingin niya. Haaaayy, Chong!!!! Mas matindi ka talaga sa kahit anong Statics problem.
Kaya naglibot-libot na lang ako sa library, baka makahanap na rin ako ng libro na interesenteng basahin. Matagal na rin kasi akong hindi nakakabasa ng libro. Nung high school, oo, kaya nga ako naging salutatorian dahil sa pagkahilig ko sa libro. Pero ngayong nasa college na ako at Civil Engineering pa ang kinuha kong kurso, hindi na papasang mga English novels at trivia books ang binabasa mo. Kailangan na palaging Mathematics books ang hawak at binabasa mo, at hindi sasapat ang basta pagbabasa nito, kailangan mong magkaroon ng 100 gazillion neurons para maintindihan mo ang mga concepts doon. Oo, tama, at sa sobrang daming required na neurons noon, wala kang magagawa kundi gawing unan ang makapal na librong yon.
At katulad ng dati, hindi yun ang kaso para kay Chong. Minsan nga tatlo-tatlo pa yung libro sa mesa niya. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung nakakaperfect siya ng mga tests, at mga Mathematics tests yun, mind you. At hindi lang yun nagtatapos sa library, nage-extend hanggang sa hallway ng Engineering Building ang paghawak niya ng libro. Pero mga malilit na libro na lang yung mga binabasa niya, isa sa mga nasilip ko eh libro ni Bob Ong, yung isa naman ang pangit ng cover, siguro history book yun. Isa rin sa napansin ko sa kanya eh ang hindi niya pagpasok sa classroom hanggang wala yung prof, lalo na kapag mga unang araw ng pasok. Kung bakit, isang malaking misteryo. Kunsabagay, isa naman talagang misteryo si Chong, isang malaking misteryo.
At ngayon, isa na namang malaking misteryo ang pagkakakita ko kay Chong sa library. Kapag ganito kasing araw, magkasabay silang kakain ni Jenilyn sa kung saan man nila gusto. At as usual, kahit saan sila kumain, mapupuno yun ng tawanan, tawanan, at tawanan. Hindi ko yulot alam kung nagseselos ako kay Chong, dahil kasama niya si Jenilyn, o nagseselos ako kay Jenilyn, dahil kasama niya si Chong.
Dali-dali akong nagtago sa likod ng isa sa mga bookshelf. Syempre, kapag nakita ako nun, iiwas at iiwas yun. Sakto naman dahil papatayo na pala siya, dala ang tatlong makakapal na libro ng Mechanics, siguro isosoli niya ang mga iyon. Pero mula sa malayo, nakita kong iniwan niya yung mga gamit niya sa mesa, baka babalik pa siya.
Dahan-dahan at buong ingat akong naglakad. Siniguro kong walang magagawang ingay ang bawat hakbang ko. Para akong gago na halos magtip-toe papunta sa mesa niya. Matalas ang pandama ng taong iyon eh, tingnan mo nga lang siya ng palihim, mahuhuli ka niya. Baka sumilip siya kapag narinig niyang may taong papalapit sa gamit niya. Buti na lang at wala pang masyadong tao sa library, kung hindi, nakakita sila ng isang gwapong lalaki na parang nagbaballet. Masabihan pa nila akong baliw.
Apat na bagay lang ang nakita ko sa mesa niya: ballpen, calculator, binder, at trivia book. Kung hindi mo siya kakilala at titingnan mo ang mga gamit niya, walang kang makikitang kakaiba. Ordinary looking. Pero dahil sadyang pakialamero ako ng may gamit ng may gamit, at kay Chong pa ang mga gamit ‘yun, sinubukan kong maghanap ng mga kakaibang bagay doon. Imposibleng wala akong makita, si Chong pa.
Inuna ko yung binder niyang color sky blue. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang sa cover, nakita ko na ang hinahanap ko...
Picture ng hubo’t hubad na babae, parang galing pa nga sa FHM eh. Hayop sa dating!
Joke. May nakalagay na class picture sa plastic na ipitan ng binder. Parang bago pa yung litrato, walang katupi-tupi at kalukot-lukot, pwera na lang sa mga gilid nito na medyo nasira na. Siguro, kung ako ang naglagay ng picture sa binder ko, malamang nagmukha na yung gamit na tissue paper. Ayaw ko sanang tanggalin sa pagkakalagay yung mga gamit niya para hindi niya mahalatang may nangi-alam doon, kaso hindi ko na napigilan ang sarili ko ng makita ko siya sa class picture. Kinuha ko yung notebook at saka ko inilapit sa aking mata yung litrato. Nakangiti siya. Nakangiti ng ubod saya, malayong-malayo sa nakikita kong Chong na walang reaction sa mukha o di naman kaya ay nakasalubong ang kilay. Mukha ngang stolen yung class picture eh, nahuli kasi na iwinagayway niya pababa yung panyo niya, siguro may balak siyang takpan na mukha at kaya siya nakangiti. Kaso bago pa siya makapanakip, nagflash na yung camera, at yung matamis niyang ngiti ang nakuha ng camera.
Wala akong magawa kundi mapangiti na rin sa pagkakakita ko sa picture niyang iyon. Pero may tanong din na pumasok sa isip ko, anong nangyari sa kanya? Bakit ang saya-saya niya noong high school siya, tapos naging masungit siya ngayong college? Kunsabagay, lagi naman siyang nakatawa kapag kasama niya si Jenilyn at yung mga ka-grupo niya sa Geodetic Lab. Pero anong meron sa high school life niya at nag-ipit pa siya ng class picture nila sa binder niya for almost 3 years? Ganoon ba ka-unforgettable para sa kanya ‘yun? Anong meron sa mga taong yun? Wala ba sa akin yung bagay na iyon kahit na gusto niya ako at gusto ko siya?
Nakita ko rin si Jenilyn sa class picture niya. Actually, maraming magagandang babae sa batch nila, pero kay Chong nakakatutok ang tingin ko. Hindi ko mai-alis ang mga mata ko sa ngiti niya, sa ngiti na kahit minsan yata eh hindi ako ang naging dahilan. Nakaka-inis. Nakaka-inggit. Halos sing-kwenta sila doon sa picture na iyon, pero sa ngiti lang niya ako halos napatitig. Well, almost...
Nawala ang ngiti ko ng makita ko yung lalaking katabi niya sa picture. Hindi naman talaga niya katabi si Chong, pero papatabi pa lang. Base sa picture, akma niyang kikilitiin si Chong, kaso nagflash na yung camera. Hanep rin kung makangiti, parang tuwang-tuwa siya na kikilitiin niya si Chong, para siyang nasa langit. Landi. Akala mo naman may binatbat sa itsura ko. May itsurang lalaki. Oo, tama, may itsura lang, kasi mas lamang pa rin ako. Pero sige, sige na, gwapo na. Maputi rin, pero mas maputi ako, pero parang mas maputi siya. Pero pandak, pandak na pandak, hindi talaga maitatanggi yun. Kaya over-all, mas gwapo pa rin ako. Kaso parang wala namang pakinabang yung kalamangan ko sa kanya. Siya nakasama na niya si Chong, nakasama na puro ngiti ang nasa labi. Ako, nakasama ko na rin naman siya, kaso puro matutulis na tingin ang nakikita ko kapag kaharap ko siya.
Teka, nagseselos ba ako sa lalaking ito?
Para makita ko ng mabuti yung mukha ng epal na lalaking ‘yun, inalis ko sa ipitan nito yung picture. Pero may naka-ipit pa palang bagay sa likod nito: isang green specialty paper na may marble design at kasing-laki ng litrato. Halatang hindi ginamitan na gunting yung papel ng hatiin ito, pero pwera sa gilid na iyon, wala ng ibang sira yung papel. Halatang bago lang, parang kakalagay nga lang eh. At may nakasulat rin sa papel, talagang technical pen pa yung ginamit na pansulat. At ng tinangka kong basahin yung nasa papel, kaso, nagulat ako...
...Alibata yung nakasulat sa papel...
“Kakaiba talaga ‘tong tao na ito. Hindi kaya may sakit na sa utak iyon?”
Ano ba iyong nakasulat sa papel na ‘yon? Ganoon ba talaga iyon kahalaga at para walang makaintindi, eh, kailangan nakasulat pa sa Alibata? Bakit kailangang walang makaintindi sa mga iyon? Hindi kaya password iyon ng Facebook account niya? O ‘di naman kaya alien messages? Tutal naman bago yung papel, hindi kaya...hindi kaya tungkol sa akin yun? Wow, hanep sa alright! Ang lakas talaga ng karisma ko, pre! Pero teka, hindi kaya orasyon ito ng pang-gagayuma? Hindi kaya dahil dito kaya hindi siya maalis sa isip ko at kahit na nilalayuan niya ako, eh lapit pa rin ako ng lapit sa kanya?
Kung ganoon nga iyon, ang gwapo ko talaga...
Ibinalik ko sa ipitan yung class picture at yung papel. Baka kasi magulat na lang ako at nasa harap ko na pala si Chong. Sinikap ko talagang maibalik yung mga iyon sa dati nilang kinalagyan, na para bang walang nangi-alam doon, kahit hindi ko naman talaga tinandaan kung papaano nakalagay ang mga iyon.
Sunod ko namang pinagdiskitahan yung trivia book. Wala ring kakaiba, pwera sa plastic cover nito na parang bago at kakalagay pa lang. Actually, mukha ngang sa bangketa pa nabili yung libro eh, sa mga bangketa na bentahan din ng Abakada workbook. Maski yung cover ang pangit, napaka-simple, simpleng white at green na hinahati ng orange na banner. Halatang halata na hindi kilala yung publisher. Tapos kulay brown pa yung mga pages, hindi dahil sa kalumaan, bagong-bago pa yung libro eh, pero dahil talagang brown yung papel niya. Parang packaging ng pandesal.
Pero, hindi ako nadiscourage ng pagkapangit-pangit na librong iyon. Ganoon naman talaga ako eh. Hindi tumitingin sa panlabas na anyo, kahit na ubod ako ng gwapo. Flinip ko yung pages, hindi ko na kayang isa-isahin pa yung mga pahina at alam kong mabobore lang ako. Kaso wala pa rin akong makita kahit ang konti na lang ng pages na piniflip ko. Wala ba talaga akong makikita sa libro na ito?
Hanggang sa makakita ko ng page na may naka-ipit na scratch paper.
Page 324 yun, halos papatapos na talaga yung libro. May dalawang lines doon na nakahighlight ng red ink. Red ink sa brown paper, red at brown, hanep sa combination, parang hindi yata siya galit sa trivia na iyon. Masakit man sa mata, pero binasa ko pa rin yung naka-highlight na trivia.
“According to research...reading trivias can sup...press the hormone...responsible for making us fall...in...”
“...love...”
Saktong-saktong kong nabasa yung salitang “love” ng may biglang humablot ng ubod lakas sa libro.
Si Chong!!!
Dali-dali niyang inilagay sa mesa yung tatlong bagong libro na dala niya. Saka niya inipit ang calculator at ballpen niya sa binder na pinaibabawan niya nung trivia book. Ginagawa niya iyon ng walang reaksiyon sa mukha, ng walang inis o galit na mababakas sa mukha niya. Saka siya umalis na hindi man lang ako sinabihan ng kahit isa salita. Naglakad siya ng kalmante, panatag, at may buong pag-iingat.
Kahit na naka-alis na siya, nakatutulala pa rin ako. Nagulat ako, gulat na gulat. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Nakatunganga akong sinusundan siya ng tingin habang pababa sa hagdan patungong second floor ng library. Sabi ko na nga ba, mahuhuli niya ako, mahuhuli at mahuhuli niya ako, tigas kasi ng ulo eh. Pero hindi ko inaakalang sa ganoon pang pagkakataon! Kunsabagay, hindi mo naman talaga masasabi kung anong maaaring gawin ni Chong...
Teka, ano bang pinagiisip ko!!! Kailangan ko muna siyang sundan!!!
Mabilis akong naglakad papunta sa second floor ng library. Gusto ko na sanang tumakbo, kaso hindi pwede. Library pa rin yun, kapag tumakbo ako, baka maabutan ko talaga si Chong dahil itinapon na ako ng librarian pababa ng building, pero baka sa hospital na ang uwi ko. Kaya naglakad na lang ako ng napakabilis. Pero kahit anong binilis ng lakad ko, wala pa rin akong nakitang Chong sa second floor. Ang nakita ko, mahabang pila, napakahabang pila ng mga tao sa baggage counter. Edi dapat nandito pa si Chong kasi ang haba ng pila, pero wala talaga eh, wala. Siguro saka lang dumami yung mga tao sa pila nung nag-iinternalize ako at nagrereflect sa pangingi-alam ko ng gamit ni Chong. Ang swerte ko talaga!
Kaya hindi na lang ako nakipila, hindi ko muna kinuha yung gamit ko, bahala na kung masita akong nang-iiwan ng gamit sa baggage counter. Pagkalabas ko sa salaming pintuan ng library, saka ko nakitang pababa ng hagdan si Chong. Kaso nakita rin niya ako, at bigla niyang binilisan ang pagbaba niya ng hagdan. Bihira talagang mag-elevator ang taong iyon, para ngang hindi talaga siya nag-eelevator eh.
Gusto ko na sanang mag-elevator non, kaso marami ring taong nag-aabang na makasakay sa elevator. Bwisit! Kung kailan naman kailangan kong maging mabilis saka sila haharang sa elevator! Wala akong nagawa kundi maghagdan na rin,  pero wala na akong nakitang Chong na pababa ng hagdan, ang bilis talaga ng taong iyon!
Pagkalabas na pagkalabas ko ng building, sumalubong sa akin ang daan-daang estudyante na papalabas ng campus. Mapahigh-school, college, members ng faculty ng mga colleges, at mga utility persons ng campus, nag-uumpukan na papalabas ng gate. Pero wala akong paki sa kanila. Si Chong ang hinahanap ng mga mata ko! Kailangan kong mahanap si Chong!
Eh papaano ko siya makikita sa pulutong ng ganito karaming tao? Para akong naghahanap ng karayom sa seven hectares ng palayan, o ‘di kaya singsing sa isang infinity pool, o ‘di kaya isang bato sa isang sinkhole. Ang baba ng probabilty, pakshet! At habang papunta ako sa kaliwang daan ng library, yung mga tao naman eh papunta sa kanan, papalabas ng university. Kamusta naman?
Maaabutan ko pa kaya si Chong? Kahit sorry lang sana, kahit sorry lang. Ayaw ko namang mag-field work kami ng galit sa isa’t isa. Hindi pala, siya lang ang galit. Paano yun, mag-iiwasan na naman kami ng three days, tapos ka-group ko pa siya? Mawawalan ng saysay yung effort ni Sir Villacruel. Tarantadao kasi eh, ang paki-alamero. Ngayon, baka lalo pa siyang mapalayo sa akin dahil sa ginawa ko.
At mula sa malayo, nakita ko ang isang taong naglalakad ng panatag, may pag-iingat, at may buong pag-galang. Isang taong mistulang naglalakad nang hindi sumasayad ang paa sa lupa...
Si Chong!!!
Binilisan ko lalo ang lakad ko habang tinitingnan ko siyang naglalakad ng napaka-ingat mula sa pulutong ng mga taong walang iniisip kundi makalabas ng campus. Napakahinhin. Napakapayapa. Napakagandang pagmasdan. Parang siyang ballerina na sumasayaw habang iniiwasan ang pagsagi at pagbangga ng kahit sino. At habang parang nagiging musika ang ingay ng tao sa mistulang pagsayaw niya, tila sumasabay din sa kanya ang kanyang body bag na ginawang saliw ng tugtugin ang kanyang galaw.
Tuwang-tuwa akong pagmasdan si Chong sa ganoong kalagayan, tuwang-tuwa. At tuwang-tuwa rin ang mga tao sa paligid ko sa kakatapak, kakabangga, kakahambalos sa akin. Bwisit.
Pero kahit na halos mabuwal ako dahil sa pagiging careless nilang banggain ang isang heartthrob na katulad ko, nasundan pa rin ng mga mata ko kung nasaan si Chong. Kailangan ko pang bilisan lalo, kailangan ko siyang maabutan, kailangan ko siyang maka-usap. At wakas, malapit na ako kay Chong. Tinangka kong abutin ang kamay niya para mapigilan siya, kaso...
...bigla siyang lumingon at nakita ako...
Naunsiyami tuloy ang balak ko. Bigla niyang binilisan ang paglakad niya. Talagang ayaw niyang maabutan ko siya, talagang gusto niyang lumayo sa akin. Pero hindi ako papayag, kahit ano gagawin ko para maabutan ko siya, kahit na ano gagawin ko para makasama ko siya.
Mukhang didiretso siya ng Engineering Building. Siguro magkikita na sila ni Jenilyn para kumain sa canteen. Tae paano yun, paano ko siya makaka-usap kung kakain silang magkasama ni Jenilyn. Hindi ko naman pwedeng tanungin si Chong  sa harap ni Jenilyn ng “Uy, Chong, gusto kita, gusto mo ako, o edi tayo na dapat?” o ‘di kaya “What will become of us, Chong?” Ayoko ko kayang malaman ni Jenilyn na may gusto ako sa kapwa ko lalaki, type ko pa man din siya. Teka, bakit nga naman hindi ako pwedeng sumabay sa kanila ng pagkain? Hindi ko naman kailangang sabihin na harap nilang dalawa na gusto ko si Chong eh. Kaso, iiwas at iiwas pa rin si Chong eh, baka humindi siya. Pero hindi siya pwedeng humindi, hinding-hindi. Kapag humindi siya, mahahalata ni Jenilyn, na may nagaganap sa aming dalawa. Teka, big deal ba iyon, eh, baka alam naman ni Jenilyn na bakla si Chong. Pero kahit na alam naman ni Jenilyn na bakla si Chong, ibang usapan pa rin kapag nalaman mong ang kaibigan mong lalaki eh may kalandian ring kapwa lalaki.
Teka, eh parang ako ang nanlalandi kay Chong eh...
“Uy, Chong, sorry na...sorry na po...” ang pagsusumamo ko sa kanya nang halos magkatabi na lang kaming naglalakad. Kahit kasi magkatabi na kami sa hallway na iyon, hindi pa rin siya tumigil sa paglalakad, ni hindi man lang niya iniharap sa akin ang mukha niya. Nakataas pa rin ang noo niya habang payapang naglalakad, parang ipinapamukha niya sa akin na siyang naririnig na kumakausap sa kanya, na walang gwapong nilalang ang nakiki-usap na tumigil siya sa paglalakad, na walang isang Carl Alfonse Santiago ang halos matisod sa kakapigil sa kanya. Kahit na gumapang ako papunta sa kanya, kahit na kagatin ko siya, kahit na lumindol pa, wala siyang paki. Great!
“Uy, Chong, mag-usap muna tayo sandali...Sorry na, na-curious lang naman ako sa mga gamit mo eh. Sorry na...”
Nagpatuloy pa rin siyang maglakad.
“Chong, sorry na. Ayoko naman ng ganito. Magkagrupo kaya tayo sa field work, mag-iiwasan na lang ba tayo? Paano yung sa Pangasinan?”
Nanatiling nakataas ang kanyang noo.
"Chong, saglit lang, sorry na talaga. Gusto ko lang talagang mag-sorry. Kausapin mo na ako, sorry na nga eh...."
Nagpatuloy siya sa paglalakad ng panatag, may pag-iingat, at buong pag-galang.
“Chong, sige na, kausapin mo na ako. Ang arte mo naman eh. Diba sabi ko nga gusto rin kita, oh, ano pang ikinakagalit mo...”
“STOP PESTERING ME!!!!!”
Halos nagkatapat na ang aming mga mukha ng bigla siyang lumingon, halos magkatapat na ang aming mga labi. Parang yung mga eksena sa teledrama kapag aksidenteng magkakatapat ng mukha yung mga bida. Sa mukha ko, makikita ang pagkagulat. Nasa mismong harap ngayon ng mukha ko ang taong gumugulo palagi sa isip ko kapag gabi, ang taong halos sumira sa katinuan ko, ang taong nagpabago sa buhay ko at sa puso ko. Pero sa mukha niya mababakas ang galit, ang inis. Nasa mismong harap ngayon ng mukha niya ang taong nakapagpasigaw sa kanya sa gitna ng maraming tao, ang taong walang idinulot sa kanya kundi sakit ng ulo, ang taong gusto niya.
Nawala ang payapang Chong na dati kong kilala. Kung dati para siyang manghuhulang tila alam ang lahat ng nagaganap sa paligid niya, ngayon, para siyang karaniwang tao na nagalit dahil nawalan siya ng kontrol sa paligid niya. Kitang-kita yun sa pagsigaw niya sa akin, sa pagsigaw niya sa akin sa harap ng maraming tao.
Bigla na lang tuloy akong napangisi.
Napangiti ako hindi dahil nakakatawa siya. Napangiti ako dahil nakita ko ang isang parte ng pagkatao ni Chong. Nakita kong hindi rin siya kaiba sa akin, na katulad ko marunong din siyang magalit. Kung tutuusin, dapat binigyan ko na siya ng sarkastikong ngiti dahil napasuko ko siya, napatunayan kong walang taong makakatiis sa karisma ko. Pero hindi ko nagawa, at hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko, sa pagkakataon na iyon, napangiti ako ni Chong.
“Haha,” ang pigil kong pagtawa.
Saka siya natauhan ng makita niyang nagsitigil ang mga taong nakapaligid sa amin. Halos lahat ng mga mata ay sa amin nakatutok. Saka siya pumikit ng dahan-dahan, kinagat ang kanyang mga labi, at dahan-dahan ring itinuon ang kanyang ulo sa kanyang kanan sabay ng malalim niyang paghinga. Lalo akong napangiti ng makita ko siyang ginagawa ang mga iyon. Mukha siyang bata,parang batang nagtatampo, ang cute-cute, sobrang cute. Pipisilin ko na sana yung pisngi niya kaso bigla niyang itinuon sa akin ang kanyang ulo at tiningnan ako ng sobra, sobrang sama...
Saka siya tumalikod mula sa akin, pero hindi siya kaagad naglakad. Huminto muna siya. Isa, dalawa, o tatlo yatang segundo. Siguro kinakalma pa niya ang sarili niya. Saka siya naglakad, naglakad ng panatag, ng may pag-galang, at ng may buong pag-iingat.
Pero hindi ko siya sinundan kaagad. Naglalaro pa rin sa isipan ko ang ginawa niya kanina. Hindi ko tuloy alam kung ganoon talaga siya o sadyang bwisit lang talaga ako sa buhay niya. Hindi mo talaga masasabi ang pwedeng gawin ng taong ito. Napaka-unpredictable. Thrilling. Exciting...
...Lalo tuloy akong nacha-challenge....
Teka, anong bang pinag-iisip ko, kailangan ko pa siyang sundan!
Sinundan ko siya hanggang sa dulo ng hallway, kaso hindi ko siya nakita. Tinuloy ko na yung paglalakad ko hanggang sa Engineering Building, pero wala pa rin. Tsaka ang laki kaya ng Engineering Building, tapos ilang floors pa ‘yun. Ano yun, manghuhula na lang ako kung saang floor ko mahahanap si Chong? Haay, Chong, nasaan ka!!! Saan kita susundan mula sa dalawang magkatapat na daan dito sa harap ko? Mukhang nakalayo na siya, kung ano-ano kasi ang pinag-iisip eh. Eh kung hinablot ko na kaagad yung kamay niya noon tumigil siya, edi sana nakapag-usap na kami. Bwisit! Ang gago!
Pero may biglang humablot ng sobrang lakas sa braso ko.
Parang gusto na niyang mahiwalay ‘yung braso ko mula sa balikat ko sa pagkakahila niyang iyon. Sinabayan pa ‘yun ng mabilis niyang paglakad. Kung hindi ka susunod sa kanya, malamang may makita ka nang dugong umaagos sa floor. Hindi lang unpredictable, di lang exciting, di lang thrilling, sadista pa.
Eh saan naman kaya ako dadalhin ng Chong na ito? Parang walang katao-tao yung lugar na pagdadalhan sa akin nito ah. Hindi kaya...hindi kaya sa comfort room ako dalhin nito? Hindi kaya may karumal-dumal na gawin sa akin ang taong ito? Mag-sesex kami? Wow, hanep sa alright! Sa wakas, napasuko ko na talaga siya! Talagang isinuko na niya ang bandera niya. Edi sinong unang sumuko? Sinong nakasikil kanino? Ang gwapo mo Fonse, sobrang gwapo mo!
Pero wala akong nakitang mga urinals sa pinagdalhan niya sa akin. Green benches, mga green benches na semento, mga green benches na walang katao-tao ang nakita ko sa pinagdalhan niya akin. Ang romantic talagang pumili ng taong ito ng lugar ng date. Sa susunod nga, ako na ang pipili ng lugar. Pero, teka. Wohoho! Hindi lang pala unpredictable ang taong ito, exhibitionist pa. Gusto talaga niyang dito namin gawin yung bagay na ‘yun, dito sa open spaces? Wohoho, exciting. Kalibog!
"Doon ka umupo sa kabilang gilid..." ang kalmante niyang sinabi sa akin ng akma na akong uupo sa kanyang tabi. Woah, gusto talaga niyang maging mahirap ang lahat ng  mga bagay. Pati pagpapaligaya niya sa akin, gusto niyang maging mahirap. Paano niya ako ibloblowjob sa lugar na maaaring makita ng lahat? Woohoho, mas nakakatakot, mas mapanganib, mas masarap! Mas nakaka-excite tuloy lalo. Exhibitionist ka pala Chong ah...
Bring it on, baby!
Pero walang nangyari.
Isang minuto...
Nakatuon lang sa akin ang mga mata niya, nakakatitig lang sa akin ang mga malamlam niyang mata. Minsan, kukurap siya, kukurap siya ng dahan-dahan, ng panatag, ng may buong pag-iingat. Para niya akong sinusuri sa mga tingin na iyon, para niyang hinihigop ang lakas ko sa mga titig niyang iyon.
Dalawang minuto...
Wala akong nagawa kundi ibaba na lang ang aking tingin. Alam kong dapat ko rin siyang tingnan, dapat ko siyang kausapin, pero hindi ko magawa. At hindi ko alam kung bakit. Para akong batang paslit na hindi makatingin sa mata ng kanyang nanay dahil may nagawa itong kasalanan. Siguro nga may nagawa akong kasalanan kay Chong, siguro masyado na nga itong ginagawa ko. Kailangan ko na yatang tumigil, kailangan ko na siyang lubayan. Pero titigilan mo ba ang mga bagay na bumago sa buhay mo? Lulubayan mo ba ang isang tao na nakakapagpaligaya sa iyo?
Tatlong minuto...
Nanatiling nakakatitig sa akin si Chong, nanatiling nakatuon sa akin ang malamlam at malamig niyang tingin. Nasa harap ko na naman ngayon ang Chong na nagpahiya sa akin sa canteen, ang Chong na pilit akong iniiwasan at sinisikil, ang Chong na umamin sa aking gusto niya ako.
"Bakit mo ako gusto?" ang bigla niyang pagbasag sa tatlong minutong nabalot ng katahimikan.
See, exhibitionist talaga ang taong ito. Exhibitionist kung magtanong.
“Ha?” Ang totoo, narinig ko ang tanong niya, pero kailangan kong makasiguro na ‘yun nga ang tanong niya. Sino ba naman kasing hindi magugulat sa tanong na ganoon, mas lalo naman sa sitwasyon ko. Ni hindi pa nga kami at halos magtayo siya ng Great Wall of China sa pagitan namin para maiwasan lang niya ako, tapos tatanungin niya ako ng ganoong tanong.
Tsaka kailangan kong mag-isip ng sagot, ng sagot na magpapakilig sa kanya, ng sagot na magiging dahilan para makuha ko siya, ng sagot na magiging dahilan ng pagkalaglag ng brief niya.
“Bakit mo ako nagustuhan? What made you like a person like me?” ang sambit niya sabay ng pagkunot ng kanyang noo.
“Ah, ah...ah,” Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam. Ano bang dahilan ang pwedeng kong ibigay na makakapagpalambot kaagad ng puso niya? Meron bang ganoon sa katulad niyang halos kumain ng tao kapag tingnan ka? Kailangan kong galingan sumagot, nakasalalay dito ang kagustuhan kong makasama si Chong, ang kagustuhan kong mapasuko siya, at ang kinabukasan namin ni Chong.
Teka, ano bang “kinabukasan namin ni Chong” ang iniisip ko?
“Ano?”
Pero wala pa rin akong maisagot. Ang tanging nagawa ko na lang ay ang ibaba ang tingin kong nagtatanong sa sagot na gusto niyang makita. Saka ko nakita ang magkahawak niyang kamay, tila nanginginig, tila nagtitimpi, parang kamay na kahit anong oras eh handang sumalpak sa mukha ko.
Kailangan ko na ng sagot!!!
“Ah, kase, ano eh...uhmmm...” ang pautal-utal kong sagot. Bwisit talaga, lagi na lang akong napapahiya sa harap niya. Para tuloy pakiramdam ko, utak ipis ang tingin niya sa akin.
Nakakunot pa rin ang kanyang noo na sinabayan pa ng nakunit din niyang kilay. Kita-kita mo sa mukha niya ang unti-unting pag-alis ng kapanatagan habang patagal ng patagal ang paghihintay niya sa aking sagot. OO NGA ANO!! Bakit hindi ko kaagad naisip yun? Pero sigurado ba akong kakagatin niya iyon? Parang hindi eh...Pero kailangan kong sumugal, kapag hindi pa ako sumagot, baka makita ko na talagang umaapoy ang mata niya. Baka dumapo pa sa pogi kong mukha yung kamao niya. Sige, ‘yun na lang ang isasagot ko...
“Ah, Chong...Kasi...” Pakshit naman! Dapat with confidence eh, nasaan yung diskarte ko sa mga babae! Dapat sabihin ko ito ng nagpapacute, nandoon yung trick eh. Kahit na corny yung dahilan, basta mukha kang gwapo, bibigay kaagad kahit sinong babae...
Eh, hindi naman babae si Chong, eh.
“Pwede, walang mga dahilan na ‘Because  you made me smile everyday and you made me feel all the happiness in life there is,’ na ‘Because you showed me the real meaning of LOVE and you made me feel it,’ at lalo nang ‘Your presence in my life gave a new dimension to my existence.’ Ha, pwede?”
Parang yung mga yun ang sasabihin ko sana eh. Verbatim. Word per Word.
Fuck.
Nanitili pa ring nakakunot ang kanyang noo at ang kanyang kilay. Pero ngayon, nakalitaw na ang kanyang mga ngipin, parang hayop na handang sagpangin ang prey niya. Nakangiti siya na parang nagtitimpi, na parang naguguluhan, na parang nawawalan ng pasensya. Nakatitig pa rin siya sa akin na parang gusto akong pigain, habang lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang mga kamay. Kailangan ko na talagang sumagot, mamumuro na ako sa kanya.
At wala na akong nagawa kundi  ibigay sa kanya ang karaniwang sagot sa kanyang taong.
“Ah kase...”
“Kase ano?”
“Uhmmmm...”
Alam kong pwede pa ring magfail. Per anong choice ko! This is a matter of life and death! Baka umuwi akong may kalmot sa mukha. Tsaka, bihira lang na hindi gumana ‘tong diskarte na ito. Kapag tinanong ako ng mga babae ko ng ganitong tanong, hindi pwedeng hindi sila magblublush kapag isinagot ko sa kanila to. Kaya susugalan ko na. nakakasalalay dito ang matagal ko ng kagustuhang makasama si Chong...
“Kasi...”
“So aabutin tayo ng sembreak dito sa kakasabi mo ng kase...”
“Ah hindi...Ah, kase nga...”
“Kasi nga ano?”
“Kasi...”
Wala na akong choice, kailangan ko na talagang sabihin...
“Kasi...wala...”
Kitang-kita mo ang tila panghihina niya. Para siyang nanlumo sa narinig niya. Biglang nawala ang pagkakunot na kanyang noo at kilay, kasabay na pagkawala ng bangis ng kanyang ngiti kanina. Ang mga mata niyang kanina’y nag-aapoy ay napalitan ng kaamuan at pagtatanong. Sabi ko na nga ba eh, no fail talaga ang dahilan na ‘to. Yahoo! Napaamo ko na si Chong! Akin na siya! Makakasama ko na siya!
“Ano kamo?”
“Gusto kita...kasi...walang dahilan...bigla na lang yung nasabi ng puso ko. Chong, hindi mo naman maipapaliwanag ang nararamdaman ng puso eh..”
“...TALAGA?”
“Oo, hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko sa’yo to. Hindi ko talaga alam. Basta ang alam ko napapasaya mo ako, kapag nandiyan ka, para ako...”
“HINDI PWEDENG WALA!!! PAANO MO SOSOLUSYUNAN ANG ISANG BAGAY NG HINDI MO NALALAMAN ANG DAHILAN!!!”
Nasa harap ko ngayon ang isang Chong na hindi ko nakita noon. Isang Chong na hindi kalkulado ang mundo, isang Chong na walang mababakas na pag-iingat, isang Chong na hindi panatag.
At ngayon nabago ng buo ang pagkakakilala ko sa taong siya ring nagpabago sa pagkakakilala ko sa aking sarili.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment