Monday, January 7, 2013

A Dilemma of Love (11)

By: Menalipo Ultramar
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: condenadoka123@yahoo.com


“...Talagang ang regalo mo sa akin eh...MAGNET!!!” ang tanong ko sa kanyang sa sarkastikong tono.
SA LAHAT NG BAGAY!!! SA LAHAT NG PWEDE NIYANG IBIGAY!!! SA LAHAT-LAHAT, MAGNET LANG!!!
“...Not just a magnet, but a magnet keychain...” saka niya ito itinaas sa level ng kanyang ulo at iwinagayway ito habang parang nagpapacute na nakasalumbaba.
“Eh ano na naman ang gusto mong palabasin niyan...” ang tanong ko sa kanyang pasinghal.


“...Wow, good question...” saka niya inilapag sa mesa ang hawak niyang magnet habang kinukuha ang isa pa na nasa kahon. Pagkakuha niya dito ay dahan-dahan niyang inilapit ‘yung south pole ng hawak niyang magnet sa south pole ng magnet na nasa mesa.
As expected, umikot ‘yung magnet na nasa mesa at ‘yung north pole nito ang dumikit sa hawak niyang magnet.
“...Same poles don’t attract,” ang sabi niyang nakangiti at nangangaral. “...but if they do, the person holding the magnets is definitely forcing them to be attracted, and such attractions doesn’t last...” saka niya inabot sa akin ang hawak niyang magnet.
Halata naman ‘yung sinasabi niya eh, halatang-halata. Na katulad ng sa magnet, hindi kami pwede mag-attract, dahil parehas kaming lalaki. At kung ma-attract man kami sa isa’t isa, hindi ‘yun magtatagal...
Kung patulan ko kaya 'yung sinasabi niya at hiwalayan ko siya ngayon din...
“...oh, kunin mo na. ‘Wag mong sabihin na hindi mo nagustuhan, nahirapan kaya akong maghanap ng store na nagbebenta ng ganyang pure brilliance. Ingatan mo ‘yan ah. Bukod doon sa trivia book, gusto ko maging trademark din ng relationship natin ang magnet...”
Wala akong nagawa kundi kunin ‘yung magnet at tingnan siyang nakakunot ang kay, parang nagtatanong kung seryoso ba siya.
“Hanggang ngayon ba, ganon pa rin ang tingin mo sa namamagitan sa atin? Hanggang ngayon, tingin mo hormones lang ito, hormones na kapag tapos ng ilabas ng utak eh mawawala na? Chong hindi lang ganon 'yun. Kung 'yun lang ang lahat ng ‘to, 'di sana hindi na ako naghintay ng dalawang buwan para sundin 'yung mga kondisyon mo,'di sana hindi kita kasama dahil nagsawa na ako sa'yo...” ang sabi kong seryoso at malungkot.
Pero ganon nga ba talaga ang nararamdaman ko at ang gusto kong mangyari? Pinapamukha ko sa kanyang seryoso ako sa kanya tapos tinatanong ko 'yung sarili ko ng ganyan. Galing. Pero hindi nga ba 'yun ang gusto ko, ang makasama siya habambuhay, 'yung gawin kasama siya 'yung mga bagay na ginagawa ng mga normal na mag-asawa, 'yung naglalampungan, naliligo ng magkasama, naghuhubad ng magkasama at sa harap ng isa't isa, naghahalikan, at nagse...
SHIT!!! ANG PANGIT ISIPIN!!! BAKIT KO BA NAIISIP 'YUNG MGA BAGAY NA 'YAN!!!
Pinigilan ko na lang tumawa dahil dapat galit ako. Tsaka...
...ang sarap din namang isipin eh...
Biglang nawala ang ngiti sa labi niya. Napalitan ito ng pagkalito, ng awa. Iniwasan niya ang nagkasalubong naming mga tingin, at saka nag-isip. Kitang-kita mo sa mata niya na parang sinusuri niya kung tama pa ba ang ginagawa niya, kung tama bang paglaruan niya ang damdamin ko ng ganoon. Kitang kita sa mukha niya ang pagsisi, ‘yung hangarin niyang humingi ng paumanhin sa kung ano mang mali ang nagawa niya. Para siyang bata hindi makatingin sa akin ng diretso dahil alam niyang may kasalanan siya sa akin.
Sa unang pagkakataon, nakita ko si Chong na nag-alala para sa akin.
“...Sabi mo eh...” ang sabi niya sa masayang tono. Saka siya ngumiti ng buong giliw.
Nag-aalala nga siya sa akin. Tangina.
“Ang dami mong iniisip, hindi ka na lang magpasalamat sa regalo ko. Dapat ka naman talagang magthank you sa akin dahil nag-effort ako para diyan. Ikaw nga walang gift sa akin. I-appreciate mo na lang ‘yung kasweetan ko, diba, ang sweet ko...” saka niya ako kinindatan.
“...Oo, thank you very much, at sobrang sweet mo. Grabe. Babe...” ang sabi kong paputol-putol na parang robot.
Biglang nawala ang saya at panlalandi sa mukha niya.
“...Well, another thing. Stop calling mo baby, babe, at kung ano-ano pang kaletsehan, at kung ano-ano pang terms of endearment. Kapag tinawag mo uli akong baby o babe, talagang isusungalngal ko sa bibig mo ang isang sanggol, kahit na sanggol ng isda at kung ano pang hayop...” ang sabi niyang parang sasagpang ng tao kahit anong oras.
Bigla akong napangisi.
“Eh anong gusto mong itawag ko sa’yo...”
Pero nanatiling seryoso ang mukha niyang parang kakain ng tao.
“Christopher...”
“Christopher?”
“Oo, Christopher. Kung gusto mo, Chris. The same goes for you. Hindi Fonse ang itatawag ko sa’yo kundi Carl.”
Saka ako napasinghal, “Ano bang problema mo sa Babe at sa iba pang terms of endearment?”
“Masagwa. Dumudugo ang cochlea ko kapag nakakarinig ako ng mga ganoon lalo na kung mula sa iyo...” saka biglang tumaas ang kanyang kilay.
“Eh kesa naman tawagin kitang Chong. Eh para  kayang Chong-go, hindi mo ba narealize mo ‘yun? Ano, gusto mo tawagin kitang Chong-go...”
Biglang lumiit ang mga mata niyang malalaki. “Sige, tawagin mo akong Chong-go, pero tatawagin kitang PUNSO. Ano, okay ba sa iyo iyon?” ang sabi niyang pasinghal. "...hindi mo ba naisip na para kang tirahan ng duwende sa palayaw mo. Siguro kaya ka naipagpallit ni Grace ng ganoon kadali kasi tirahan ka naman talaga ng duwende..."
"Ha, anong duwende? Anong tirahan ng duwende?"
Ang gulo kaya ng sinasabi niya. Duwende, tirahan ng duwende? Sinasapian na naman siya.
"...Wala..."
“Bakit kasi hindi na lang Fonse. Eh ‘yun na ‘yung nakasanayan kong tawag sa akin ng mga kaibigan at pamilya ko, ng mga kaclose ko...”
“Exactly my point...”
“Huh?”
“Bakit, ganoon na ba tayo kaclose para tawagin nga kitang Fonse?” ang sabi niya habang parang nakayakap sa kanya ang kanyang mga braso.
Nabilaukan naman ako.
“Eh pareho naman kaming may Carl ni kambal eh...”
“Bakit, Carl ba ang tawag sa kakambal mong si Alfred...” ang sabi niya habang nakataas ang kanyang kaliwang bahagi ng kanyang labi.
EH DI, WALA NA ‘KONG SINABI.
“Wala naman sa kasunduan ‘yan eh, kaya pwede ko pa ring suwayin...”
“Sige, pero pagkatapos lumabas ng kung ano mang terms of endearment diyan sa bibig mo, asahan mo nang bumula ‘yan...” saka niya itinagilid ang kanyang mukha habang itinataas ang kaliwa niyang kilay. “...at tandaan mo rin, magaling akong magbiro...”
“Eh may magagawa pa ba ako?”
“Meron...”
Ayan na naman siya sa walang katapusang pagsasabing ‘yung lang ang natatanging solusyon sa lahat ng ito...
“Maghiwalay tayo...”
Tatadyakan ko na ‘tong taong ito eh!
“Wow, galing. Oh, ano? Gagawin mo na?” ang sabi niyang nandidilat ang mga mata.
Tiningnan ko na lang siya ng matulis.
“Sige payag na akong tawagin kang Chris, pero may hihingin akong pabor...” ang sabi kong tila nagmamaka-awa.
“Siguraduhin mo lang na hindi ‘yan sagot sa quiz...” ang sagot niyang nagmamataray.
“Hindi! Eto talaga, tanggalin mo na nga ‘yang ganyang suspetsa sa akin. Hindi nga lang sagot sa quiz ‘yung habol ko sa’yo...” ang sabi ko sa kanya habang ikinukumpas ko sa harap niya ang kamay ko.
“Eh ano ‘yang hinihingi mong pabor?”
“Pwede bang tulungan mo ako sa International Dance namin sa Kinesthetic?” saka ako nagpacute sa kanya para mapapayag ko siya.
Pero ngumiti lang siya ng dahan-dahan na parang nang-iinsulto.
“...Yuck, ngayon ka pa lang nagtatake ng Kinesthetics. Kadiri ‘to...” Alisin mo pala ‘yung “parang” kanina, talagang nang-iinsulto siya.
“Eh full na kasi noon eh, ngayon na lang ako ulit nagkaroon ng pagkakataon na itake siya ulit...” ang sabi ko sa kanya habang tinitingnan siya ng diretso. Nagsisinungaling kasi ako. Kung iiwas ako sa kanya ng tingin, mas mahahalata niya iyon. Kaya kailangan kong umarteng ngayon ko pa lang talaga itatake ‘yung Kinesthetics.
“...Ngayon mo pa lang itatake...o...bumagsak ka noong una mong tinake...” ang sabi niyang kalmante.
Tae lang. Tae.
Bakit pa kasi ako nagsisinungaling eh alam ko namang malalaman ni Chong ‘yung totoo?
“Magsisinungaling ka na lang di mo pa ayusin. Oo, nakatingin ka nga sa akin ng diretso, pero suriin mo ‘yung logic mo. Sa tingin mo naman mapupuno ‘yung Kinesthetics ng ganoon, to the point na wala ka ng slot na makukuha. Eh pwede ka namng magcross-enroll. Imposible namang iwanan mo ‘yun, eh may barkada kang gagad na matapos sa Physical Education dahil hassle magdala ng uniform...”
Tinulisan ko na lang ang nguso ko.
“BInagsak ka ng prof mo no...” ang sabi niya habang dahan-dahang umalis sa pagkakasandal sa mesa at itinuwid ang upo niya.
“Oo na, oo na. Kaya nga tulungan mo na ako dahil isa ring istrikto ‘yung prof ko ngayon. Kapag bumagsak pa ako uli, wala na akong mukhang maihaharap...”
“Ganoon ba katigas ‘yang katawan mo?” saka siya kumurap ng dahan-dahan na parang nag-aasar sa pagkasarkastiko.
Iniwasan ko na lang ang tingin niyang parang namamahiya. “Yata...”
“Talaga lang ha...”
“Kaya nga tulungan mo na ako. Magpapractice kasi mamaya ng hapon ‘yung mga kagroup ko. Eh may quiz ako din ako sa Statics kaya wala akong magagawa kundi huwag umattend sa practice. Magkasabay kasi ‘yung oras nila. Kapag hindi ko alam ‘yung mga steps sa sayaw sa Monday, patay ako. Bagsak na naman ako...”
“Oh, ano ang gusto mong gawin ko?” ang tanong niyang naiirita.
“...Pakirecord ‘yung sayaw nila...Sige na, please...” ang pagmamaka-awa ko sa kanya.
“Eh bakit hindi ka na lang maki-usap sa mga ka-group mo?” saka niya muling pinagkrus ang kanyang braso sa kanyang dibdib.
“Ehhhh, mahirap eh. Hindi ko naman kasi sila masyadong kakilala, nagcross-enroll kasi ako,” napailing na lang ako. “Tapos karamihan sa kanila mga bakla, lalo na ‘yung leader namin. Lagi akong pinag-iinitan, parang may gusto sa akin...” saka ko siya tiningnan ng patagilid na parang gusto kong sabihin na may kaagaw na siya sa akin.
Pero kumurap lang uli siya ng may buong pag-iingat.
“Wow, galing ah. Kung makabakla ka, parang hindi ganoon ‘yung kaharap mong hinihingan mo ng tulong...”
“Eh...iba ka naman sa mga ‘yun. Ikaw, kilala na kita, kaya hindi na ako nahihiya sa iyo, kasi kare...”  bigla akong natigilan.
Biglaan niyang isinandal ang kaliwa niyang siko sa mesa habang ang kanyang braso ay nakaunat sa mesa. “Anong ‘ka’? ‘Ka’...” ang sabi niyang nakangiti habang parang baliw na nandidilat at umiling pakanan.
Shit!!! Hindi ko maituloy!!!
“Dali, anong ‘ka’?” ang sabi pa rin niyang nakangiti ng nakataas ang dalawang kilay.
“Ka...Ka...”
Sasabihin ko na ba? SHET!!!
“...Ka...relayon...” ang sabi kong paangas sa kanya para bawiin ‘yung pag-iwas kong sabihin ‘yun. Sabihin pa niya ikinakahiya ko ‘yung namamagitan sa amin. Pero...
...paano ko nasabi ‘yung salitang ‘yun?
Saka niya dahan-dahang inilagay sa kanyang harapan ang dalawa niyang braso parang niyayakap ang kanyang sarili. “Eh kung naghahanap ka ng taong hindi ka mahihiya, nandiyan naman sila Brix, Lem, at Fred...”
ANO BA!!! HINDI NA LANG KASI UMO-OO!!!
“Pagtatawanan lang ako nang mga ‘yun. Nang malaman nga nilang bumagsak ako sa Kinesthetics halos mamatay sila sa kakatawa, tapos sa kanila pa ako makiki-usap. Mas pagtatawanan pa ako ng mga ‘yun kapag nalaman nila kung sinong mga kagroup ko. Tsaka ayoko kasing maka-abala sa kanila...” Talagang dinibdib ko ang pagpapaliwanag. Kahit na magmukha akong desperado, kahit na desperado na talaga ako, kailangan ko siyang mapapayag dahil siya lang ang makakatulong sa akin.
“Ohhhh... So sa tingin mo, ‘yang hinihingi mo ay hindi makaka-abala sa akin?” Bigla niyang itinaas ang kanyang kilay habang nakangiting parang nang-iinis.
“Grabe ka naman...” ang sabi kong malungkot at parang batang nagmamaka-awa. “Talaga bang abala ang tingin mo sa akin kahit na nagmukha akong tanga, kahit na halos ipahamak mo ako sa kakahabol ko sa’yo?”
“...Kung sasabihin kong oo, maghihiwalay na ba tayo?” saka siya ngumiti ng sobrang saya.
Fuck!!!
“Ang kulit mo talaga! Kung hihiwalayan kita, dapat ginawa ko na ‘yun noon pa! Kaya pumayag ka na, kasi diba ang dami ko ng ginawa para sa’yo, kahit konting tulong lang, tutal vacant mo naman ng Statics namin eh...”
“...Wow, at talagang tinitingnan mo na ‘yung schedule ko. ‘Wag mong sabihing may printed version ka pa niyan...” Kumurap uli siya ng dahan-dahan habang nakatingin ng pailalim.
Bigla akong napangiti. “Tiningnan ko lang para wala kang lusot, tsaka noon ko pa naman tinitingnan ‘yun eh. Kaya sige na, tulungan mo na ako. Irerecord mo lang naman ‘yung sayaw nila, para alam ko ‘yung steps eh. Please, kapag bumagsak pa ako uli wala na akong mukhang maihaharap kila kambal, maski sa’yo ...” pagmamaka-awa ko sa kanya.
“...Okay lang. Ikaw naman ang mawawalan ng mukhang ihaharap eh, hindi naman ako...” saka niya uli isinandal ang mga braso niya sa mesa habang umiirap.
Kung wala lang akong nararamdamang kakaiba sa taong ito, matagal ko na siyang sinuntok!
“Naman eh, Ch...” Bigla akong nabilaukan, oo nga pala. Hindi ko na siya pwedeng tawaging Chong. Shit!!!
“Ano kamo?” ang tanong niya habang pinandidilatan ako ng mata.
“Ch...Ch...Ch..Chi-ris...” ang paputol-putol kong sabi. Buti na lang namalayan kong Chong na sinasabi ko, kundi bumubula na ang bibig ko.
Ngumisi siya. “...Kung aayaw talaga ako, anong gagawin mo?”  saka siya ngumisi.
Tinulisan ko ang nguso ko. “Tatanggpin ko na lang na babagsak ako sa Kinesthetics kahit mahirap...” saka ako tumingin sa baba. Gusto ko talagang ipamukha sa kanya na kawawa ako.
“...Edi tanggapin mo na ngayon pala, dahil aayaw talaga ako...”
Tiningnan ko na lang siya ng matulis at pailalim.
“...Kung tutuusin pwede ka naman makiusap sa iba mong kaibigan. Tutal naman, napalakas ng karisma mo...,” kumurap siya ng dahan-dahan na parang nang-iinsulto, “kahit sino naman mapapayag mo. O sige sabihin na lang nating mas gugustuhin pa ng mga kaibigan mong mag-DOTA kase magrecord ng napakapambabaeng sayaw, edi maki-usap ka sa mga kagrupo mo na irecord ‘yung sayaw. Hindi ba ang dali lang gawin ng mga ‘yun. ‘Yung sinasabi mo namang ang dami-dami mo ng ginawa para sa akin kaya gawan naman kita ng pabor, edi parang sinasabi mo na rin na kaya mo ginawa ang mga bagay na iyon dahil may hinihingi kang kapalit mula sa akin. Hindi ba ganoong ang labas non?”
Wala akong nagawa kundi sumimangot at iwasan ang tingin niya sa akin.
Kung tutuusin tama naman siya. Pwede naman akong maki-usap sa iba talaga eh. Kahit hindi na kila Fred, Brix, Lem, at sa iba ko pang mga kaibigan, kahit sa mga kagroups ko lang, alam ko naman magagawa nila ‘yun. Ang dali lang kayang magrecord. At kung gagawin ko ‘yun, hindi ko na maabala si Chong. Pero may plano kasi ako eh, hindi naman ako basta lang magpaparecord sa kanya ng sayaw...
...MAGPAPATURO AKO SA KANYA NG SAYAW!!!
Isipin mo ‘yun! Magsasayaw kami ni Chong ng tango, ballroom, at kung anumang sayaw, basta ang importante, talagang magdidikit ang mga balat namin!!! WAHAHAHAHA!!! Eh tutal, Pwede nang magdikit ang mga balat namin, edi lasapin ko na. Talagang lalasapin ko dahil sasayaw kami. Akalain mong naisip ko ang bagay na ‘to. Mukhang may mabuting dulot ang pagsama ko kay Chong ah, nagiging ka-utak ko na siya.
“...at duda rin akong pagpaparecord lang ng sayaw ang habol mo. Matigas nga kamo ang katawan mo diba, edi syempre, maghahanap ka rin ng magtuturo at magpapalambot ng katawan mo. At hindi naman ako siguro magiging garapal kung sasabihin kong ako ‘yung iniisip mong magtuturo sa’yo dahil ako naman talaga ang naiisip mong gagawa nun para sa’yo. Oh ano? Sa tingin mo, mas mahihikayat mo akong pumayag kung ‘yan ang gusto mong mangyari?”
Shet!!! Pati ba naman ‘yun, nalaman niya? PATI BA NAMAN ‘YUN?
“...nalaman ko ngang bumagsak ka sa Kinesthetics ng walang ginagalaw na daliri, tapos inaasahan mong hindi ko malalaman ‘yang madumi mong pinaplano, CARL...” Talagang dahan-dahan niyang sinabi ‘yung pangalan ko, sinabi niya iyon na parang nang-aasar, na parang nang-uuyam, na parang pagpapamukhang ni sa katiting ay wala ako sa kanya.
Oo na, sisimangot na lang uli ako.
“...pero, in all fairness ah, nag-iimprove ang planning skills mo ah. Alalahanin mo lang na hindi mo dapat ginagamit ‘yan sa taong nagturo sa’yo nito...“ ang sabi niyang nakangiti habang parang nagpapacute na umiling pakaliwa at tinitingnan akong patagilid.
Nakakainis, talagang nakakainis. Wala na akong nagawang gusto ko para sa amin. Lagi na lang ‘yung gusto niya. Lagi na lang niya akong nahuhuli. Lagi na lang. Gagawin ko pa lang gagawin, malalaman na niya kaagad. Ano bang magagawa kong hindi niya mahuhuli, ano bang magagawa akong hindi niya na mahihindian. Teka...
Tumayo siya’t isinukbit ang body bag niya. “...Oh, I guess, this conversation is over. Till next time...” saka siya nagbabye ng dahan-dahan gamit ang kamay niya habang nakangiti siyang nang-aasar at nakatingin ng pailalim.
“...Kung isisigaw kong magkarelasyon tayo, papayag ka ba sa pabor ko...” ang sabi kong seryoso. Inangat ko ang tingin ko nakababa. Huminto siya sa paglalakad at nanatiling nakatayo.
Mukhang eto na nga ‘yun, pre!!!
Bigla niya akong nilingon. Pero nanatili siyang nakatayo at tiningnan akong patagilid. “Hindi mo ‘yun magagawa. Hindi mo nga naamin kina Grace, kay Fred, at sa barkada mo, tapos masasabi mo sa maraming tao...” ang sabi niyang nakangiting kampante habang tinitingnan pa rin ako mula sa kanyang ilong. Sinabayan pa niya ito ng mahinhing iling.
Napakurap na lang ako. Tama naman siya eh, tamang-tama. Hindi ko nga masabi sa kanila kung anong meron samin ni Chong, tapos sasabihin ko sa maraming tao, sa building pa ng Engineering. Ilang beses ko ng sinubukan pero hindi ko naman nagawa...
Ngumisi na lang si Chong at saka dahan-dahang umikot para lumayo sa akin. Sinabayan ng mahinhin niyang kilos ang halos pagsayaw ng body bag niya.
...Eh bakit hindi ko subukan uli ngayon...
“MAGKARELASYON KAMI NI...!!!”
“FONSE!!!!” ang biglang pagsigaw ni Chong habang tinatakpan niya ang bibig ko.
Biglang lumaki ang singkit kong mga mata.
Naaligaga si Chong. Kahit hindi na ganoon kahalata, tiningnan lang niya ‘yung mga taong nasa tabing hallway ng Engineering Building. Talagang ‘yung eyeball lang niya ‘yung umiikot. Tiningnan ko na rin ‘yung mga taong nakapaligid sa amin, dahil konti lang ‘yung upuan sa hallway, konti lang lahat ng tao doon at hindi pa lahat ng upuan may naka-upo. Pero lahat sila nakatingin sa amin.
“...Yuck...” biglang niyang ipinunas sa balikat ko ‘yung kamay niya medyo nabasa ng laway ko. Talagang diring-diri siyang ipinunas ito.
Wahahahaha!!! Akala mo kung sinong laging kalmante, wahahahahha!!! Edi naaligaga rin siya! Akala niya ha, akala niya hindi ko kayang gawin. Edi ginawa ko, muntik nga lang kasi pinigilan niya ako. Wahahaha!!! Pero teka, tama ba ‘yung narinig ko...
“...Te...ka, CHRIS...” dahan-dahan kong pagdidiin sa pangalan niya. “...ano uli ‘yung itinawag mo sa akin?” saka ko ginaya ang pandidilat niya ng mata sa akin habang nakangiti, kahit na pabiro lang at kahit na singkit ako.
...Para tuloy akong tanga...
Biglang umikot-ikot ‘yung mata niyang parang nag-iisip matapos tumingin sa akin. Halata ‘yung kalituhan sa tingin niya, ‘yung kalituhang hindi niya hawak ang nangyayari sa paligid niya.
Dapat lang. Wahahaha!!!
“...Fonse ang itinawag mo sa akin diba...” Ngumiti uli akong nang-aasar habang tinitingnan siya. Talagang ginaya ko kung ano mang ginagawa niya parang baliw siyang tinatakot ako, kapag ipinapahiya niya ako, kapag ipinapamukha niyang alam niya lahat ng bagay, at kahit na may mga bagay siyang hindi nalalaman, malalaman  at malalaman niys iyon dahil siya si Chong.
Napapikit na lamang siya habang umiiling pakanan. Ngumiti rin siyang parang hayop na sasagpang ng kakainin nitong hayop, na parang may pinipigil na bagay.
Edi mukhang nanalo ako ngayon!!!
Bigla niyang itinuon ang ulo niya sa akin habang tinitingnan ako paibaba.
Napaiwas na lang ako ng tingin.
“..Ahemm...” ang kunwari kong pag-ubo. Eh syempre, kahit na tingnan niya ako ng ganoon, ako pa rin ang nanalo ngayon. Wahahaha!!! Hawak ko siya ngayon sa aking mga kamay!!! Eh, ano pa nga bang isusunod ko?
“...Oh, paano ba ‘yan. Mukhang hindi mo sinunod ang sarili mong utos.” Ang sabi kong nakatingin papalayong parang nagmamayabang. Pero titingnan ko rin siya ng kaunti at malalamang kong nakatingin pa rin siya sa akin kaya iiwas na lang ako. “Oh, anong gagawin natin niyan. Diba parang unfair naman sa akin ‘yun kasi, kapag ako naman ‘yung hindi tumutupad sa mga usapan namin, halos ilublob ako sa kumunoy ni CHRIS  sa kaba eh. Hindi ba dapat may kabayaran ‘yun, kasi nag-effort akong tawagin kang CHRIS tapos kapag tinawag mo akong FONSE, wala lang, ganoon lang...” ang parang nagtatampo kong sabi.
Inirapan lang ako ni Chong.
“...Eh paano ‘yun, hindi ko naman kayang makapagpabula ng bibig ng isang tao, atsaka kahit na kaya ko, hindi ko naman magagawa kay CHRIS kasi...” saka ako tumayo at bumulong sa kanya, “...karelasyon ko siya...”
Ang bango niya, ang sarap kagatin ng tenga niya, ang sarap haplusin.
“...paano kung irecord na lang kaya ni CHRIS yung sayaw ko sa Kinesthetics atsaka turuan niya akong sumayaw sa Sabado sa bahay namin...”
Pero patagilid lang niya akong tiningnan ng matulis.
“...Ops, ops, ops. Syempre alam kong proproblemahin niya ang daan papunta sa amin, kaya dito muna kami magkikita sa campus. Okay na ba ‘yun sa kanya? ” ang sabi kong payabang habang iniikot ko ang tingin ko. Nanatili siyang nakatayo pero hindi nakatingin sa akin.
Wala siyang nagawa kundi kumurap, pero hindi dahan-dahan, kundi parang naiinis dahil natalo siya.
“...pwede na ba ‘yun, ha, righteous and fair CHRIS...”  saka ko siya tinapik sa kanan niyang balikat.
Bigla niyang itinuon sa akin ang kanyang ulo at parang nananakot na itinaas ang kanyang kilay habang nandidilat.
Eh, paano ba ‘yan, alam ko ‘yung iniisip niya.
“...Oo na, oo na...” ang sabi ko habang umiiling, “...Condition number 3, hindi ba. Eh paano ba ‘yan, magkaiba ang tapik sa akbay, hindi ba...” saka ako ngumiti ng nang-aasar.
Napakurap na lang siya ng dahan-dahan at ngumiting pinaliit ang labing parang may pinipigil.
“...oh, bukas na lang uli ha.” Ngumiti ako ng maaliwalas. “...pakisabi kay CHRIS, excited na ako sa sayaw namin bukas, ha...” at saka ko siya tinapik uli.
Wala ng reaksiyon ang kanyang mukha pero kumukurap pa ring siyang naiinis.
“...Tapik ‘yun ah, bye...” ang bulong ko sa kanya saka ako umalis ng nakangiti.
SA WAKAS!!! MATAPOS NIYA AKONG KAWAWAIN, PAHIRAPAN, PAKABAHIN, AT KUNG ANO-ANO PA, NAISAHAN KO RIN SI CHONG!!!
Akalain mong nagawa ko ang bagay na ‘yun. Wahahaha!!! Edi naisahan ko rin siya!!! Ganoon lang pala kadaling isahan si Chong eh!! Wahahahahahaha!!! Wahahaha!!!
WAHAHAHAHA!!!
NAISAHAN KO SI CHONG!!!
WAHAHAHAHA!!!
NANALO AKO SA KANYA NGAYON!!!
WAHAHAHAHAHA!!! WAHAHAHAHA!!! WAHAHAHAHAHAHA!!! WAHAHAHAHAHAHAHA...HAHA ...AHEM...Ahem...
...Nabilaukan ako...

No comments:

Post a Comment