By: Menalipo Ultramar
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: condenadoka123@yahoo.com
“Ayoko!!!” ang sabi
niya sa akin habang nakatingin ng matulis at nasa harapan niya ang kanyang mga
brasong parang niyayakap ang sarili niya.
“Pumasok ka na nga!
Gusto mo talagang dito sa kalsada magpractice ng sayaw?” ang tanong ko sa
kanyang natatawa. Para kasi siyang batang ayaw ibigay ‘yung lollipop na nasa
bibig niya. At kapag pinilit uli siyang ibigay ‘yung lollipop niya,
sisimangutan ka lang niya...
...ANG CUTE NIYA!!!
“Nananadya ka rin
ano. Bakit sa lahat ng mga kanta na sasayawan niyo, bakit HABANERA pa? Bakit
classical music ‘yung tugtog niyo eh karaniwang Sway o ibang mga modern na
kanta ang ginagamit sa International Dances, lalo na kung chacha o tango?” ang
tanong niya sa aking nakapamewang.
“...Ganon ba?”
Ahhhhhh, oo nga pala. Eh malay ko, eh sa iyon ang trip ng prof ko eh. Maski rin
naman ‘yung ibang mga group, hindi modern ‘yung kanta. ‘Yung isa ngang group,
ang napuntang kanta eh Bor...Por Una...Bor Ina...Por Ina Cabasa...Ah basta!
Kung saang mang kalawakan nanggaling ‘yang kanta na ‘yan, HINDI KO ALAM.
Pero syempre, nagresearch
ako kung ano ‘yung Habanera. Mahirap na, mamaya magmukha na namang akong alila
sa harap ng taong ito dahil wala akong kaalam-alam sa mga pinagsasabi niya.
Wahahahaha!!! Syempre hindi ako papatatalo, ngayon pang nalalamangan ko
siya...Wahahaha!!! No way...
“...Chong, ano ba ‘yung Habanera?” ang tanong
kong kunwari’y nahihiya.
SYEMPRE!!! Kailangan
ko pa ring magmukhang walang alam tungkol sa kantang iyon. Baka mamaya sabihin
niya nananadya ako at ako talaga ‘yung pumili nung kantang iyon kahit na wala
naman talaga akong naintindihan doon sa kanta. Eh French kaya ‘yung kanta! Oh
Spanish yata! Ah basta! Sandali...
...ano naman bang
problema kung Habanera ang sasayawan namin???...
Pumikit na lamang
siya at umiiling ng nakangising halatang nawawalan na ng pasensiya. Baka mamaya
humaba bigla ang braso niya at dumapo sa pisngi ko ang kamay niya.
Parang dapat yata
hindi ko na siya tinanong. Parang ginalit ko lang siya, haha. At parang mas
lalo akong nagmukhang bobo sa paningin niya. Kunsabagay, dati na rin naman
akong ganoon sa paningin niya. Pero, bumabawi na nga ako eh, naiisahan ko na
siya. Uulanin na naman ako niyang ng scientific terms at trivias dahil sa
ginawa ko...
...Pero okay lang, as
long na siya ang gumagawa noon, mananatiling parang sunod-sunod na kill sa DOTA
ang pakiramdam ko. Mananatili akong nakatingin sa kanya ng nakangiti habang
pinapangaralan niya ako habang kumukurap ng buong pag-iingat at pagtitimpi,
habang nakangiti siya ng napakaganda sa akin. Hindi ako magsasawang makinig sa
kanya, kahit na puro trivias at katarayan ang maririnig ko sa kanya...
...Teka, kung
saan-saan na akong napunta, eh, hinihintay ko nga ‘yung sagot niya...
“...Sigurado ka bang
hindi mo alam kung ano ‘yung Habanera? Sigurado ka bang hindi mo alam na isa
‘yung classical music. Sabihin mo nga, ilang araw mo ng ini-stalk ‘yung profile
ko sa Facebook at nalaman mong classical music lang ang pinapakinggan kong
kanta? Ha, ano?” ang sabi niyang nanggagalaiti. Kunsabagay, what’s new. Lagi
naman siyang ganon...
Oh, talaga? Classical
music lang ang pinapakinggan niya? Teka ano ba ‘yun? Sabi niya classical music
‘yung Habanera, edi ibig sabihin ba noon kapag hindi mo na maintindihan ‘yung
kanta, classical na kaagad? Ganon ba ‘yun? Edi ‘yung “Sorry, Sorry” at “Bingol,
Bingol” ng mga K-pop, eh, classical? Parang malabo naman...Tae naman eh...Bakit
hindi ko naisipang i-search kung ano ‘yung classical music? Naman eh, mukha na
naman akong tanga nito eh.
“...Sandali Chong,
ayan ka na naman eh. Hindi ko naman ini-stalk ‘yung profile mo, ni hindi ko nga
tinitingnan ‘yun eh. Sa tingin mo talaga titingnan ko ‘yun. Syempre hindi, eh
hindi lang naman sa’yo umiikot ang buhay ko...” ang sabi kong maangas sa kanya.
Syempre!!! Maangas naman talaga ako. Akala naman ng taong ito, siya lang talaga
ang iniikutan ng mundo ko na kahit profile niya bawat segundo kong titingnan.
Kapal talaga ng taong...Talagang inaangasan ko, dahil kailangan niyang maniwala
sa sinasabi ko, kahit na alam kong...kahit na...kahit...
...alam kong halos
matunaw na ang monitor ko sa Facebook profile niya...
“...Eh kung
sinusungalngal kaya kita ngayon...” ang sabi niyang nakanguso.
Tae naman eh, sige na
nga...
“OO NA!!! OO NA!!!
Lagi kong tinitingnan ‘yung profile mo,
lalo na noong hindi tayo magkasama, nung halos dalawang buwan tayong
nag-iiwasan...”
“...Tingnan mo. Tapos
sasabihin mong hindi lang sa akin umiikot ang buhay mo. Kapal...”
“Teka, hindi pa ako
tapos. Eh hindi ko naman makita ‘yung profile mo kase...”
“...Kase ano?”
“...Kase...Kase
nakaprivate ‘yung profile mo...” ang sabi kong nahihiya habang iniiwas ang
tingin sa kanya.
Takte!!!
Pagtatatwanan na naman ako ng taong ito eh!!! Dapat talaga hindi ko na lang
sinabi, dapat pinanindigan ko na lang ‘yung angas ko. Mas nagmukha akong tanga
dahil tinitingnan ko ‘yung profile niya kahit wala naman ang mapala. Tingnan
mo, hahagalpak na naman ‘to sa kakatawa sa akin. Shet!!! Bwisit talaga...
...Pero hindi siya
tumawa...
“...Ah...ganon
ba...”ang sabi niya habang iniiwas niya ang kanyang tingin na parang nag-iisip.
“...Bakit hindi ko alam ‘yun...”
Napatitig na lang ako
sa kanya. Hindi mo talaga alam kung anong gagawin at kung anong magiging
reaksiyon ng taong ito.
“Tsaka ’yung prof
namin ang pumili ng kanta kada grupo. Eh sa amin niya naibigay ‘yang Habanera
eh. Hindi ko naman sinadya ‘yun. Tsaka lahat ng grupo classical music ang
tugtog. Teka, classical music yata...kasi hindi ko alam ‘yung mga kanta tsaka
kakaiba ‘yung mga title. ‘Yung isang grupo nga, ‘yung napunta sa kanila eh ‘yung...Bor
Ina Caba...Caba...”
“...Por Una
Cabeza...” ang sagot niya sa aking nakasimangot.
“...Ah, oo...Por Una
Cabesa nga...” Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Hindi ko alam, para
kasing palagi ko na lang siyang ginagalit. Ganon pa rin ang tindig niya,
nakayakap sa kanya ang kanyang mga braso habang hindi nakatingin sa akin.
Nakakunot ang kanyang mga kilay at kitang-kita ko sa mata niya ang pag-aalala.
Parang dati, lagi lang siyang poker face, pero ngayon, laging nakakunot ang noo
niya, at feeling ko, ako ang palaging may gawa noon. Haaayyy, malay ko!! Minsan
nga lang kami magkasama, actually ngayon nga lang uli matapos ng halos dalawang
buwan, tapos ganito pa.
Pero bakit hindi rin
ako magalit? Bakit hindi ko magawang sumuko? Bakit hindi ko magawang bumitaw?
Kung sa ibang babae lang siguro ‘to baka naghiwalay na kaming dalawa, pero
bakit kay Chong, hindi ko magawa? Bakit parang ayaw ko siyang nasasaktan? At
parang mas nasasaktan ako kapag ako ang nakakasakit sa kanya. Oo sige, pwera na
lang ‘yung kahapon, lambingan lang naman ‘yun. Oh sige na ulit, paglalambing ko
lang sa kanya ‘yun. Pero kapag nagagalit ko siya, kapag napapasigaw ko siya,
pakiramdam ko nanliliit ako, pakiramdam ko ang sama ko sa kanya...
“...Chong, hindi ko
naman talaga sinasadya eh, hindi ko naman talaga sinadyang mapunta sa amin
‘yung Habanera. Seryoso, ‘yung prof talaga namin ang pumili sa mga kantang
‘yun. Ni hindi ko man nga maintindihan ‘yung kanta eh, kaya paano ko sasadyain
‘yun. Ngayon ko nga lang napakinggan ‘yun eh. Pero kung ayaw mong maniwala at
sa tingin mo, eh, sinadya ko talaga ‘tong mga ito, edi sorry. Sorry. Basta ‘wag
ka ng magalit. Sorry talaga, hindi ko naman talaga sinasadya eh...”
Tiningnan na lang
niya ako ng patagilid habang nakapa-krus pa rin ang mga braso niya. Tiningnan
niya akong nakataas ang kanyang kanang kilay na parang nagtatanong, habang
kumukurap ng buong ingat na dati niyang ginagawa...
...mukhang gumana ang
paghingi ko ng tawad ah...
“...ANG DRAMA MO...”
ang sabi niyang nagmamasungit.
Takte, seryoso ‘yung
‘sorry’ na ‘yun ah, seryoso ‘yun eh. Tapos ganon lang isasagot niya!!! Busit!!!
“OO NA! Oo na!
Madrama na kung madrama, basta pumasok ka na dito para makapag-umpisa na
tayo...”
“...Ayoko nga.
Andiyan ‘yung pamilya mo sa loob tapos magsasayaw tayo sa loob ng bahay na
iyan? Anong tingin mo sa akin, BALAHURA?” ang sabi niyang nandidilat ang mga
mata.
“Wala sila dito.
Nakipagdate si Fred. Sila Papa at Mama, umalis para asikasuhin ‘yung business
namin. Kaya walang dahilan para maging BALAHURA ka...”
“...Kahit na! Nasa
teritoryo mo kaya ako ngayon. Sa tingin mo naman, hindi ko alam kung anong
binabalak mo kapag nasa kwarto mo na tayo? Sa tingin mo naman maniniwala ako sa
’yong pagsasayaw lang ang gagawin natin
doon? Eh kung ginigilitan kaya kita ngayon...”
Napahalakhak na
lamang ako.
“Hahahahaha!!! Ang
paranoid mo Chong!!! Hahaha!!!”
Bigla siyang humarap
sa akin ng nakapamewang. “Ano?” sabay pagtaas ng kilay niya.
“Anong ano?” ang
tanong ko sa kanyang nagtataka.
“Ano ‘yung itinawag
mo sa akin, kani-kanina lang?” saka niya ibinaling sa kaliwa ang kanyang ulo
habang nakatingin pa rin sa akin. Para siyang kakain ng tao sa asal niya.
“Anong itinawag ko
sa’yo?”
Pero kumurap lang uli
siya ng dahan-dahan at tiningnan uli ako ng napakalamig.
“...Ahhhh...’yun ba?
‘Yung paranoid ba?” ang sabi kong natatawa.
Saka niya muling
ikrinus ang kanyang mga brasong nakayakap sa kanya.
“...Sus, eh paranoid
ka naman talaga. Ngayon ka lang ba nasabihan na ‘paranoid’ kang tao?” ang pang-aalaska ko sa kanya.
“...Kung paranoid man
ako, iyon ay dahil may dahilan ako para maging paranoid, lalo na kung katulad
mo lahat ng tao sa mundo...” ang sabi
niyang nandidilat...”
Teka, teka, ano na
naman ba ang iniisip ng taong ito?
“Ay naku,
Chong...tigilan mo na nga. Hindi naman kita gagahasain doon. Kung gagahasain
kita, dapat dinala na kita sa motel at doon tayo nag-praktis, diba. Tsaka may
kasunduan tayo diba. Kaya hinding-hindi ko gagawin ‘yun...” ang sabi kong
panatag sa kanya. Kung bakit nasabi ko ‘yun sa harap niya ng panatag at tapat,
at ng walang halong angas at yabang, hindi ko rin rin alam...
Tiningnan lang niya
ako ng pailalim.
Hay naku! Ang tigas
talaga ng ulo ng taong ito!
“Oh sige na, ilalabas
ko na ‘yung laptop at speaker at dito na tayo magpraktis ng napaka-‘sensual’ na
sayaw...” saka ko siya ningisan na parang nang-iinis.
Pero nanatili lang
siyang nakatayo ng matatag habang tinitingnan ako ng pailalim.
Edi ibigay ang gusto
niya!!! Gusto niyang magpraktis ng tango at chacha sa labas ng bahay namin, edi
gawin!!! Arte, para namang hindi ko alam na nagpapakipot lang siya, pero ang
totoo, gusto rin niyang pumasok sa loob ng bahay namin...Edi iyan, sa labas
kami sumayaw! Bakit ako mahihiya, eh magaling rin naman akong sumayaw.Oo,
magaling ako, magaling. Magaling, magaling nga!!! Wala rin naman masyadong makakakita sa amin,
dahil madalas na katulong lang naman ang lumalabas sa mga bahay sa subdivision
namin...Akala naman niya uurungan ko siya. Eh hindi naman kami aabot sa ganitong
katagal kung uurong ako. Hindi yata pwede ‘yun. Bakit ko siya uurungan, eh akin
siya...
...Teka, ano lang
‘yung sinabi ko kanina?...
...At teka,NASAAN SI
CHONG!!!...
Dali-dali kong
inilapag sa kalsada ‘yung dala kong laptop at speakers. Putik, bakit bigla
siyang nawala! Saan nagsulpot ‘yun? Tarantado, ‘wag niya sabihing hindi na siya
susunod sa napag-usapan namin. Taydana, righteous ah, nakakainis!!!
Ipinasok ko muna
‘yung mga dala kong gamit sa porch namin at saka ako nag-iikot para hanapin ang
taong ‘yun. Tiningnan ko sa paligid.
Wala. Tiningnan ko sa mga bahay. Wala. Tiningnan ko sa guardhouse. Wala.
Tining ko sa ilalim ng lupa. Wala rin. Tinanong ko na ‘yung guard kung nakita
nilang lumabas ‘yung kasama ko kaninang lalaking naka-light blue na shirt, pero
wala daw silang nakitang ganon.
Tae, naman oo.
Nag-effort pa akong, pumorma, magpabango tapos ganito lang ang mapapala ko.
Bwisit!!!
Nanghihina ko na lang
na ipinasok ‘yung laptop at spekers sa loob ng bahay. Para akong patay na
sobrang bigat ng mga hakbang. Ang aga ko kayang gumising para lang makapaghanda
at makarating ng maaga para mauna ako sa kanya. Naghintay pa ako ng trenta
minutos sa harap ng campus, akala ko late siya. ‘Yun pala, tinatawanan na niya
ako sa malayuan. Gago. Sadista. Bwisit.
Haaay!!! Pero bakit
hindi ako magalit. Bakit imbis na magalit, nanghihina pa ako. Haaayyy, buhay!!
Buhay nga naman, parang LIFE!!!
Haaay!!! Ang bigat ng
paa ko!!! Kung kasama ko lang sana sa pag-akyat si Chong, hindi ako manghihina
ng ganito... Kung nakikita ko lang siyang umaakyat sa handan na ito, hindi
magiging malamlam ang mga tingin ko... Haaayyy!!! Chong!!! Tae ka talaga!!!
Kailan ba ako magagalit sa mga pinag-gagagawa mo!!!
“Oh, Sir Fonse,
andiyan na pala kayo, kanina pa naghihintay sa inyo ‘yung kaibigan niyo...” ang
pagbati sa akin ni Manang Elsa matapos niyang lumabas mula sa salas.
Nahinto ang paa ko sa
unang step ng hagdan...
“..Ano po, Manang...”
ang sabi kong nagtataka. Wala naman akong inimbitang mga kaibigan eh. Kahit na
may nag-aaya, iniwasan ko muna kasi alam kong magpapractice kami ni Chong...
Eh sino ‘tong
sinasabi ni Manang...
Mula sa salas,
lumabas ang isang lalaking naka-light blue na shirt...
Tae, kung saan-saan
ko siya hinanap, tapos nanadito lang pala siya. Halos manglagkit na ako, sa
kakahanap sa kanya sa tirik na araw, tapos sinusubukan lang pala niya ako.
Gusto talaga ng taong ito na nahihirapan ako eh. Tae talaga, oo. Makaganti
nga...
“Ah, manang...hi-ndi
ko po siya kilala. Bakit po kayo nagpapasaok ng kung sino-sino dito...” ang
painosente kong sagot kay Manang.
Biglang napatining si
Manang Elsa kay Chong. Biglang napataas ang kilay ni Chong.
“Ah, ganon ba...sorry
po, Manang Elsa, mukhang mali po ako ng bahay na pinasukan. Oh sige po mauna na
ako...” ang sabi niyang nakangiti. Saka siya naglakad papunta sa pinto...
Wala ‘yan, titigil
din ‘yan. Marerealize rin niyang, malaki ang mawawala sa kanya kung hindi niya
itutuloy ‘yung pagtuturo sa akin ng sayaw...
...Saka niya pinihit
‘yung knob ng pinto...
Wala nga iyan. ‘Yan
pa, eh napapangako na sa akin ‘yan. Syempre, hindi niya ‘yun sisirain. Itututro
niya sa akin ‘yung steps ng sayaw...
...Saka niya binuksan
‘yung pinto ng ma-unlock ito...
Pigilan mo ‘yung
sarili mo...pigilan mo ‘yung sarili mo...pigilan mo ‘yung sarili mo...
...At saka
unti-unting humakbang papalabas sa pinto...
“UY!!! JOKE LANG!!!
‘WAG KANG UMALIS!!!”
Bwisit! ‘Yung pride
ko, oo!!! ‘YUNG PRIDE KO!!!
Biglang napangisi si
Manang Elsa. “Pagpasensiyahan niyo na po si Sir, mapagbiro lang po talaga
iyan...” ang sabi niya kay Chong.
Humakbang papalapit
sa hagdan si Chong. “Ah, opo, alam ko naman po ‘yun...” ang sabi niyang
nakangiti rito.
ANG CUTE NIYA!!!
Saka niya ibinaling
sa akin ang kanyang ulo ng hindi gumagalaw ang katawan at tiningnan ako ng
pailalim na parang papatay.
Napaiwas ako ng
tingin sa kanya.
“Ahhhh, sige po
Manang, aakyat na po kami sa kwarto ko, magpapraktis pa po kami...”
“Ah sige,
sir...Dadalhan ko na lang po kayo ng miryenda mamaya...”
“Sige po...” ang
pagpapa-alam ni Chong.
“Ah iho, ikaw na ang
magpasensiya sa alaga ko ah, makulit lang talaga iyan, pero mabait din ‘yan,
kaya pagpasensiyahan mo na iyan ha. Mabait talaga ang batang iyan...” ang
malambing na bilin ni Manang.
Si Manang na ang
nagpalaki sa akin. Actually, sa aming dalawa ni Fred, at simulaiyon ng mga
babay pa lang kame. Siya na rin ang naging pangalawa naming magulang, lalo na’y
madalas na wala si Mama sa bahay, at mas madalas na wala sa bahay si Papa. Sa
kanya ko na rin nasasabi minsan ‘yung mga problema ko...
...pero hindi pa ang
problema ko tungkol kay Chong...
“ ‘Ill try po...” ang
malumanay nitong sagot. Tae, akala ko aayon siya sa sinabi ni Manang na mabait
ako. Kinontra pa niya.
“Oh, sige, umakyat na
kayo, at nang maaga kayong matapos sa pagpapraktis...”
Ibinaling ni Chong
ang tingin niya sa harapan niya, di bale sa gilid ko. “Hindi halata...” ang
bulong niya sa akin, at saka umakyat sa hagdan.
“Hindi talaga halata,
dahil nanggagaling sa loob ang kabutihan ko...” ang sabi ko sa kanyang parang
anghel habang hinahabol siya paakyat.
“Well, it doesn’t
manifet either...” ang sabi niyang malumanay.
Tae niya.
Hindi naman sa
pagmamayabang, kahit na talagang nagmamayabang ako, pero malaki talaga ang
bahay namin. Nasa loob ito ng malaking subdivision, at karamihan sa mga
nakatira dito ay may malalaking kumpanya sa Makati. Wala ka yatang bahay na
makikita ditong mas maliit pa sa 250 square meters. At itong bahay namin eh,
400 square meters lang naman. Pinaghalong Greco-Roman at modern ‘yung style ng
bahay, kaya maganda talaga. Sa labas pa lang ‘yun ng bahay, at mas mamangha ka
sa loob. Pagkapasok na pagkapasok mo sa bahay namin, sasalubong sa’yo ang isang
malaking chandelier. Magugulat ka na lang na nasa 10 square meters na foyer ka
na namin. Andoon din ang two way stairs namin papuntang second floor. Kung
maglalakad ka sa hallway sa ilalim ng hagdan, makakarating ka sa salas na open
mula sa second floor. Salas ang tawag ko doon pero great room o di kaya
vestibule daw ang tawag doon. Kung titingnan mo parang mansion sa astig ang
bahay namin. Kaya siguro nag-desisyon na rin akong mag-civil, kasi
manghang-mangha ako sa bahay namin...
...At alam ko ring
‘yung ang nakikita ni Chong....
“Hindi mo man lang ba
sasabihing manghang-mangha ka sa bahay namin...” ang sabi ko sa kanyang
nagmamayabang. Kanina pa kasi siya tingin ng tingin sa kaliwa at kanan, mula sa
mga painting, sa gallery hanggang sa mga sculpture, mula chandelier hanggang sa
salas. At minsan nahuhuli ko siyang nakanganga, halatang manghang-mangha.
“Kailangan ko pa bang
sabihin na mukha kang tao, kahit na halata naman descendant ka ng mga unggoy...”
ang sabi niyang iritado.
Natameme ako.
“Sobrang init naman
ng ulo mo...” Umuboako para alisin ang
bara sa lalamunan ko dahil magyayabang na naman ako sa kanya. “Oh andito na
tayo...” saka ko pinihit ang doorknob papasok sa kwarto ko.
At muli, tumambad sa
kanya ang napakagar...
“...Oh tama na, ‘wag
mo ng idescribe sa utak mo ang NAPAKAGANDA mong kwarto dahil kitang-kita ko
kung gaano kaganda ito...” ang sabi niya sa akin habang nakangiti ng
sarkastiko.
Jackpot...bwisit...
“Eto naman, pinag-alala
mo na nga ako, tapos ganyan mo pa ako tratratuhin...”
“’Wag ka ng magdrama,
iplay mo na ‘yung Habanera at ng makapagsimula na tayo...” ang sabi niyang
seryoso.
“Hindi ba muna tayo
manonood?” Binuksan ko ang HD TV ko, para makita naman niya, kahit na hindi ako
nagyayabang, totoo! “...Hindi mo ba vinideohan ‘yung sayaw, eh paano niyan...”
“’Wag ka ngang
pa-inosente. Pasasaan pa’t magpapaturo ka pa sa akin ng sayaw. Lalo lang hahaba
‘yung oras ng pagtagal ko dito. At pwede ba, ‘wag ka ng magyabang at hindi lang
naman ikaw ang HD TV sa Pilipinas...” Hinubad niya ang sapatos niya kasabay ng
medyas niya. Para talaga siyang sasayaw kasi nagstretching pa siya. “Bilisan
mo! Kung mas komportable kang sumayaw ng walang sapin sa paa, hubarin mo na
‘yang sapatos at medyas mo...”
“Opo...” ang sabi
kong tila nagdadabog. Matapos kong alisin ang dapat alisin eh lumapit na ako sa
kanya.
“Oh, ganito. ‘Yung
mga steps lang muna ‘yung ituturo ko, without music. Kabisaduhin mo na, isang
beses ko lang ituturo ‘yan...”
“Grabe ka naman! Sa
tingin mo talaga makakabisado ko ‘yan sa isang pasada lang?” ang sabi kong
nagulat.
“Hindi pa ako tapos.
Pagkatapos, susubukan na natin habang may kasabay na kanta, ‘yung Habanera, at
isang ulit pa. Sumatutal, tatlong ulit, tatlong ulit lang, walang labis...”
Ikinumpas niya ‘yung kamay ng pa cross, pag-eemphasize niya na wala talagang
lalabis.
“...Bakit ‘walang
kulang’?” ang tanong kong nagtataka.
“Pake mo? Bilisan mo
na...” ang sabi niyang nakakunot ang noo.
“Game!”Nakangiti kong
sagot sa kanya. Pero inismiran lang niya ako.
“Oh, ako ‘yung
lalaki, ikaw ‘yung babae...”
“Teka, teka, ano?”
Ano ‘yung pinagsasabi niya? Anong siya ‘yung lalaki, tapos ako ‘yung babae? Eh
siya ‘tong bak...bak..ba...ah basta!!!
“’Yung mga steps ng
babae ang isasayaw mo sa test niyo. Hindi mo pa ba alam?” ang sagot niyang
sarkastiko.
Gumuho ang mundo ko.
“Bakit? Bakit ako
‘yung babae? Nagbibiro ka ba?”
“Hindi ako palabirong
tao, CARL...”
“Eh kahit na, hindi
ko naman alam kung kailan ka nagbibiro o hindi...”
“Eh di sinasabi ko na
sa’yo ngayon, hindi ako nagbibiro, ikaw talaga ang sasayaw sa parte na babae sa
test niyo...”
Wala akong nagawa
kundi manghina at umastang parang nagdadabog.
“And one thing more,
alam mo ba kung sino ang ka-partner mo?” Saka siya ngumiti at itinaas ang
kanang kilay na parang napakamalas kong tao. At mukhang napakamalas ko ngang
tao dahil hindi siya ngingiti ng ganoon kung hindi.
Lalo na lang umubok
ang naumbok ko ng likod sa darating pang kamalasan ng buhay ko. “Sino?”
“...’Yung group
leader niyo, ‘yung BAKLANG sinasabi mong lagi kang pinag-iinitan kaya sinasabi
mong malamang, eh. May GUSTO sa iyo...” ang sabi niyang habang nakatuon
patagilid ang ulo niya sa akin.
“ANO!!!!!” Putik
naman oo!!! Bakit siya pa? Eh, tsatsansingan ako ng baklang iyon eh!!! Buti
sana kung si Chong, eh alam ko namang hindi niya gagawin ‘yun! Pero si George,
na mas malandi pa sa kiti-kiti sa pakikitungo sa iba, habang sa akin eh parang
bakal sa tigas akong pinag-iinitan...PUTIK!!! Langit ang araw na iyon sa kanya,
habang ako eh nasa impyerno!!!
“At ‘wag ka pang
mabibigla ah...kase...may step na bubuhatin ‘yung mga babae ng mga lalaki...at
sa crotch hahawakan ‘yung mga babae, at ‘yung mga gaganap na babae...”
“HA!!!!!” Puta!!!
BAKIT MAY CROTCH-GRABBING!!! Iyon ang unang pagkakataon na mamomolestiya ako!!!
Taydana naman oo!!! Ang swerte ng baklang iyon!!! Puta!!! Halatang plinano
lahat ng iyun eh...
...Pero ibig sabihin,
may crotch-grabbing din na magaganap ngayon sa pagitan namin ni Chong...
Naughty...
“Pero nagjojoke lang
‘yung sinabi ko....” ang sabi niyang nakasimangot at masama ‘yung ngiti.
Nahalata niya yata ‘yung ngiti sa labi ko ng maisip kong maghahawakan kami ni
Chong...
...At nawala rin ang
ngiti ko...
“Pero malay mo, mas
matindi pa sa crotch-grabbing sa pagitan ninyo ni George...” ang sabi niyang
halata kong nakangiti dahil sa boses niya habang lumalakad patalikod sa akin.
“Teka, nagseselos ka
ba?” ang tanong ko sa kanya kahit na alam ko namang ang sagot eh hindi.
“Ang dami mong
satsat, BILISAN MO NA!!!”
Napabilis ang lapit
ko sa kanya.
“Gayahin mo lang
‘yung gagawin ko, kung kaliwang paa ang ihahakbang ko, kaliwang paa din ang
ihahakbang mo. Para sa intro lang ‘to ah...”
“Oo na po, bilisan na
natin...” Lumapit ako sa kanya ng napakalapit at saka ko hinawakan ‘yung kanan
niyang kamay at ‘yung likod niya.
“Oh, anong ginagawa
mo?” ang tanong niya sa aking nakunot ang noo.
“Bakit, magsisimula
na tayo diba?” Tae nito, gusto niyang bilisan pero ang daming arte! Ano ba
talaga? (sabay imaginary kamot sa ulo...)
“Intro pa lang tayo,
excited lang na magdikit ‘yung mga katawan natin...”
“Ay, ganoon ba...”
Napahiya ako.
“Lumayo ka, doon sa
dati mong pwesto...” saka niya itinuro ang lugar kung saan dapat ako.
“Nakaka-isa ka na ah, alalahanin mo may kasunduan tayo...”
Ha?
“Anong sinasabi mo?”
Kunwari hindi ko alam, pero alam ko naman talaga, ‘yun ay ‘yung paghawak ko sa
kamay niya kanina.
“Gusto mong i-untog
kita sa isa sa pader ng napakaganda mong kwarto para maalala mo ang dapat
maalala?” ang sagot niyang kalmante, pero nadidinig mo pa rin ang sarkasmo.
Napangiti na lang
ako.
“Ah ‘yun ba?” ang
pa-insonte kong sagot. “...Pwede na rin namang magdikit ‘yung balat natin eh.
Tsaka hindi naman tayo naghawak kamay dahil naghoholding hands tayo, naghawak
kamay tayo dahil nagsasayaw tayo...” saka ako ngumiti ng hindi nakikita ang mga
ngipin, ng nakangisi.
“Bangasan kita eh!”
Jackpot!!! Maraming
‘hawakan ng kamay’ ang magaganap ngayon...
“Oh, ito na...”
Inihakbang niya ang kanan niyang paa ng buong ingat, ng buong ganda, parang
ballerinang sumasayaw. “...Another step, pero kaliwang paa, papuntang kanan...”
Pagkatapos ay iglinide niya ang kanan niyang paa. “...Oh, isang palakpak...”
Pak!
(excerpts of the song
and its meaning, italized)
Love is a rebellious
bird
that nobody can tame,
and you can call him
quite in vain,
because it suits him
not to come.
“Gayahin mo ako, ‘wag
ka lang nakatanga riyan!!!”
Bigla akong nagising.
Hindi ko namalayan, nanonood na lang pala ako sa kanya, manghang-mangha at gandang-ganda
sa sobrang graceful niyang paggalaw. Ang galing niyang sumayaw, mapapatanga ka
na lang kung makikita mo siya. Bawat galaw niya kalkulado, parang ribbon na
tinangay ng hangin sa sobrang amo at ganda. Basta hindi ko maipaliwanag sa
sobrang ganda...
“Ah, oo...sige...”
“...oh, ganoon uli, pero papuntang kaliwa, at
isang step lang, glide, tapos palakpak...”
Pak!
“Puro ganito lang ba ‘iyung step?” ang tanong
atat-atat, atat-na atat ng magdikit ang katawan natin.
“How I wish... pero
hindi...” ang sabi niyang nakakunot ang kilay. “Oh ganoon uli, papuntang
kanan, isang step, glide, palakpak...”
Pak!
Nothing helps,
neither threat nor prayer.
One man talks well,
the other silent;
But it’s the other
that I prefer.
He says nothing, but
he pleases me.
“Oh ganun uli,
papuntang kaliwa...”
“Ang tagal naman...”
ang pagdadabog ko. Kanina pa kami glide ng glide ng glide ng glide, walang
katapusang glide...
Saka ko hinakbang ang
kaliwa kong paa at iglinide ang kanang kong paa at...
Bigla niyang inistump
‘yung kanan niyang paa pagkaglide ng kaliwa niya. Halos mapatalon ako sa gulat
dahil wala akong kalatuy-latoy kumilos. Gusto ko na talagang makarating sa
dance proper!!!
Pero andoon na pala
kami...
L’amour! L’amour!
L’amour! L’amour!
( Oh, love! Love!
Love! Love!)
“Oh eto na ‘yun...” Namalayan ko na lang na
hawak na niya ang kamay ko. Habang ang mga dibdib at tiyan namin ay magkadikit,
ang mga mukha naman namin ay...ay...ay...magkalayo. Nakatingin kasi siya sa
kanan, at nakatuon papalayo sa akin ang mukha niya.
Biglang siyang
humarap sa akin ng nanggagalaiti ang mukha. “Gago! Not to close, sayaw ‘tong
ginagawa natin, hindi porn!”
“Ikaw kaya ‘tong
humila sa akin. Hindi ko naman alam na ito na pala ‘yung dance proper...” ang
sabi ko habang nanatiling nakahawak ako ng mahigpit sa mga kamay niya.
“Eh kung ayusin mo
kaya ‘yang tindig mo at galaw mo. Para kang hindi kumain ng tatlong araw!!!”
Edi inayos ko ‘yung
tindig ko! Stomach in. Chest out.
“Good...” Tae, hindi
na nga nagdikit ‘yung mga katawan namin.
“Oh, ihahakbang ko
‘yung kanan kong paa paatras, ikaw ihahakbang mo ‘yung kanan mong paa paabante.
Tatlong malalaking hakbang, tapos dalawang maliit. Okay...” ang sabi niyang
nakangiti at malambing at nakatingin sa akin.
“Sige, basta sinabi
ko...” ang sabi ko sa kanyang nakangiti.
Bigla niyang iniwas
ang tingin niya at tumingin na naman
palayo sa akin. Weird.
Love is a gypsy’s
child,
It has never known
the law;
If you love me not,
then I love you;
If I love you, you’d
best beware! (You’d best beware!)
Saka ko inihakbang
ang kanan kong paa, malaking hakbang. Isa pang malaking hakbang, pero sa
kaliwang paa. At isa pa, sa kanan uling paa. Dahan-dahan. Pinong-pinong. Parang
mga totoong mananayaw. Parang mga ibong nagliligawan. Isang mabagal at maliit
na hakbang sa kaliwa. Hawak ko ang kanan niyang kamay, at hawak niya ang kaliwa
ko. Isa uling hakbang sa kanan. Buong pag-iingat. Parang tumigil ang oras.
Parang tumigil ang lahat ng tao sa kanilang ginagawa. Parang huminto ang mundo
ng iba, habang ang mundo ko naman ay umiiikot sa taong pinagtuunan ko ng aking
mata...
...kay Chong...
But if I love you,
If I love you, you’d
best beware!
“TUMINGIN KA SA KANAN
MO, PAPALAYO SA AKIN!!!” Bilang siyang sumigaw.
Tae naman eh,
nagiging poetic na ako ‘no!!! Bwisit!!!
“Oh, sorry!!!”
Humingi na lang ako ng tawad. Pero sa pabirong paraan, ‘yung parang galit pa,
dahil parang galit rin naman siya.
Inirapan lang niya
ako. “Oh, Pagkatapos nung limang hakbang na iyon, iikot ka habang hawak pa rin
kita sa kanang kamay. Isang mabagal at graceful na ikot ‘yun ah. Tapos
maghahawak kamay tayo, dalawang kamay...”
Umikot ako habang
parang nagtitip-toe na humahakbang. Malay ko, kanina nangunguluntoy ako, pero
bigla akong naging energetic. At saka kami naghawak kamay...
“Oh gayahin mo
ako...”
Inihakbang niya
pagilid sa kaliwa ang kanan niyang paa habang umiikot ang kaliwa. Pagkatapos ay
ang kaliwa naman, pakanan. Buong gilas. Graceful. Parang pagsayaw ng mga
halaman at mga bulaklak sa saliw ng hanging bumubulong ng pag-ibig. Saka namin
inilapat ang kanan naming paa sa sahig, itinikwas ito pataas. Pagkatapos
ay iniunat at inihakbang namin ito
paatras, at nagkalayo ang mga halos dikit naming mga katawan, habang ang kanang
kamay ay nakataas at ang kaliwa ay naka arkong parang may niyayakap...
...At ginagawa ko
‘yun habang nakatingin sa kanyang mga mata, sa mga maamo, mapungay, at maganda
niyang mga mata...
The bird you hoped to
catch
Beat its wings and
flew away...
“...’YUNG STEPS ANG
PAGTUUNAN MO NG PANSIN!!!” Muli siyang sumigaw. Tae, lagi niya akong nahuhuli.
“Bakit, hindi ba
kapag mga ganitong sensual ang sayaw, at sensual ang tugtog, dapat laging may
eye contact ang magkapartner para talaga feel mo ‘yung sayaw...”
“WOW! At alam mo na
ba lahat ng steps para sabihin ‘yan. Eh ang dami mo na kayang mali...”
Nabilaukan naman ako.
“Oh sige na!”
Umikot kami na ang
kanang kamay ay nasa harap, paarko, habang ang kaliwa ay nasa likod, paarko
rin. Saka ako umikot ng mabilis habang siya ay nasa kanan ko...
...At bigla niyang
hinawakan ang kaliwa kong kamay...
“Oh umikot ka,” ang
sabi niyang matigas. “...di bale magiging magkatalikod ang pwesto natin...”
At ‘yun nga ang
nangyari. Umikot ako, at ng hawak na niya ang kaliwa kong kamay at magkatalikod
na kami...
...hinawakan niya ako
sa bewang...
Love stays away, you
wait and wait;
When least expected,
there it is!
Napangiti ako.
“Uy, tsansing...” ang
sabi kong natatawa habang nakatingin sa kanya patagilid.
“Oo, tsansing ‘to,
talagang makakatsansing si George sa’yo sa Lunes...” ang sabi niyang
nandidilat.
Pinaalala pa niya.
Bwisit.
“Uy, Chris,
tinitigasan ka ‘no...” saka ko idinikit ‘yung puwet ko sa harapan niya.
“Gago...” saka niya
kinurot ang tagiliran ko.
“Aray!!!”
“Ulitin mo pa...”
Hinawakan ko ang
kamay niyang nasa bewang ko.
Naramdaman ko.
Tinitingnan niya ako. Tinitingnan niya ako ng may pagtataka.
“Bakit? Hindi ba
ganito naman talaga ito...” ang sabi ko sa kanyang nakangiti ng buong aliwalas.
“Sigurado ka bang
hindi mo pa alam ‘tong sayaw, ha...”
“Oo nga, syempre,
saan ko ilalagay ‘tong kamay ko, alangan namang ihawak ko rin sa kaliwa mo,
diba...” ang sabi ko sa kanyang maangas.
Natigilan siya.
All around you,
swift, swift,
It comes, goes, then
it returns...
“Oh, step forward mo ‘yung kanan, then
dalawang maliit ng hakbang sa forward ‘yung kaliwa.” Saka naman namin ginawa
ang step sa kaliwang paa. Pagkatapos ay itinaas namin ang kanan naming paa at
iglinide ito pakanan.
Marami sa mga steps
na iyan ang hindi naman talaga niya sinabi ng detalyado, pero hindi ko alam
kung paano ko nagawa. Parang sumunod na lang ang katawan ko sa galaw ng katawan
ni Chong. Parang nagkaintindihan kaming ganito ang dapat naming gawin, kahit na
malimit mag-usap, kahit na puro tinginan at iwasan ng tingin, kahit puro siya
iwas sa akin...
...Siguro’y mga puso
namin ang nag-usap...
“Harap sa akin...”
Humarap ako sa kanya
pagkaglide ko...
...At hindi
inaasahang talagang nagdikit ang mga katawan namin. Ang aming dibdib, ang aming
tiyan, ang aming mga braso, ang aming mga hita, ang mga mukha na lang namin ang
hindi nagdidikit. Dahil sa pagod, hinihingal akong tumitig sa kanya, sa kanyang
mata, sa kanyang pisngi, sa kanyang ilong, sa kanyang mga labi, sa kabuuan ng
kanyang mukha. Bitbit ng malalim kong paghinga ang pagtataka kung bakit ako
napatitig sa kanya ng ganoon, kung bakit ko nararanasan ang ganitong kalituhan.
Lalong dumiin, dumiin ng may pag-aalaga ang hawak ko sa kanyang likod. Hinagod
ko ito pababa hanggang sa kanyang bewang, hanggang sa itaas ng kanyang puwet,
habang ang kanyang kamay na rin ay sumama pababa sa akin bewang. Maski sa mukha
niya ay nakita ko ang kalituhan, ang kaamuan, habang tinitingnan niya ang aking
mga mata, ang aking mga pisngi, ang aking ilong, ang aking mga labi...
“Gusto mong putulin
ko ‘yan...” ang sabi niyang matigas at nandidilat.
You think you hold it
fast, it flees,
You think you’re
free, it holds you fast.
Akala ko ba nalilito
siya at puno ng kaamuan ‘yung mukha niya. Badtrip naman oo, nagiging poetic na
naman ako eh!!!
Pero teka, ano ‘yung
puputulin niya...
“Anong puputulin mo?”
ang pagtataka ako. Saka siya tumingin sa ibaba.
Tumigas ‘yung ari ko!
At nakadikit pa ang matigas kong ari sa ari! niya!!
Bakit hindi siya
tinigasan...Tae naman oo...
Dali-dali kong inalis
sa pagkakadiin ang katawan namin. “Sorry,” ang di ko mapakaling sagot sa kanya.
Inirapan lang niya
ako.
L’amour! L’amour!
L’amour! L’amour!
( Oh, love! Love!
Love! Love!)
“Oh, dalawang
malalaki at mabagal na steps lang ‘to...” ‘Yun ang ginawa namin. Pagkatapos ay
inihakbang namin palikod ‘yung kaliwa naming paa at saka parang ikinaladkad ang
kanan naming paa. Tatlong beses. Step. Drag. Step. Drag.
“Tango steps na ‘to,
Ikaw lang ang halos gagalaw...” Inunat namin ang kamay namin paharap sa isa’t
isa. Step. Close. Step. Palapit sa kanya. Saka ko kinalas ang kaliwa kong kamay
at nag-basic steps papunta sa gilid niya ng nakatakilod. Mabagal. Sabay sa
bagal ng kanta. Sensual. Damang-dama ko ang pagdikit ng mga balat namin dahil
sa bagal ng kanta. Mainit. Damang-dama ko rin ang mainit na hininga ni Chong na
kumikiliti sa leeg ko.
Love is a gypsy’s
child,
It has never known
the law;
If you love me not,
then I love you;
If I love you, you’d
best beware! (You’d best beware!)
Step. Close. Step.
Mabagal. Sensual. Ngayon nama’y sana kaliwa niya ako.
“Tutal naman sabi mo
sensual ‘yung kanta, tikwasan mo ‘yung bewang mo kapag gigilid ka...” ang sabi
niyang walang tono ang boses.
“Pwede bang sa actual
na lang iyon. Gusto mong manood?” ang tanong ko sa kanyang masigla.
“’Wag na. Ayokong
masuka kapag crotch grabbing part na. Lalamasin ni George ang yaman mo!
Wahaha!” Bigla siyang tumawa na parang baliw. Kanina lang walang sigla, tapos
bigla siyang gaganyan para pagtawanan lang ako...
“Oh, sige...basta
‘wag mo ng ipaalala...” Ako naman ang nawalan ng sigla. “Teka, bakit nga pala
ang galing mong sumayaw?”
“Member ako ng dance
troupe noong high school...”
“Oh, talaga, eh
bakit...”
“Nawawala ka na sa
steps!!!”
But if I love you,
If I love you, you’d
best beware!
“Ihakbang mo ‘yung
left mo habang hawak ko pa rin ‘yung kaliwa mong kamay. Tapos ihakbang mo
patalikod, papuntang left ‘yung right foot mo, pacross sa left mo...”
Saka ko hinakbang ang
kanan ko, hawak pa rin ang kamay niya. Ang kanan ko naman ang icrinoss ko sa
kaliwa, pero sa harap dumaan.
“Tapos, umikot ka...”
At umikot ako. Pagkatapos ay tumigil kami ng magkatalikod, lumiyad ng kaunti sa
kanan, habang nakataas ang magkahawak naming kaliwang kamay...
...At ang kanan niya
ay nasa ilalim ng dibdib ko...
“Uy, tsansing
again...” ang nangingiti kong sabi.
“Hawakan mo ‘yung
kanan kong kamay, TARANTADO!”
Edi hinawakan ko.
“Patapos na ‘to...”
Ganoon uli ang step.
Pero papuntang kanan. Step. Cross. Step. Cross. Habang magkahawak ang kamay
namin. Habang tumigil ang oras. Habang bumagal ang mundo.
“Pagka-ikot mo,
lalayo ka sa akin, pero magkahawak pa rin ang kamay natin...”
Nagkalayo kami.
Bumalik sa dating bilis ang oras. Bumalik sa dating kilos ang mundo.
Love is a gypsy’s
child,
It has never known
the law;
If you love me not,
then I love you;
If I love you, you’d
best beware! (You’d best beware!)
“Ikot papunta sa
akin...” At muli nagdikit ang aming katawan. Sumayaw ang mga halaman sa saliw
ng ha...
“Ikot uli...” Saka
ako umikot uli papunta sa kaliwa niya, magkahawak pa rin ang kaliwang kamay.
“Tae, puro ganito na
naman ba uli...” Puro naman ako ikot eh , nahihilo na ako. Walang katapusang
ikot. Tarantadong George ‘yun, ano bang gusto niyang gawin sa akin...
Saka ako umikot uli,
at sa pagkakataong ito...
...Talagang
magkadikit na ang mga katawan namin, ang aming dibdib, ang aming tiyan, ang
kabuuan ng aming mga katawan. Parang dagat at araw na naghahalikan sa papatapos
na araw. Parang mga bundok at ulap na nagmamahalan...
Nakayakap sa aking
likod ang ang kanyang kanang kamay. Pagpisil na may pagmamahal. Habang ang
kaliwa niya at ang kanan ko ay magkahawak...
“Ihawak mo sa kanan
kong balikat ‘yang kaliwa mong kamay!”
But if I love you,
If I love you, you’d
best beware!
Damang-dama ko ang
init ng kanyang katawan. Ang init ng aming mga katawan. Nagsalo iyon kasabay ng
malalim at mabagal naming paghinga, ng mga hiningang nagsasabing alipinin mo
ako, ikaw ang ligaya ko. Dama namin ang tibok ng puso ng bawa’t isa, kapwa
mabilis, kapwa di mapakali, kapwa di masabi ang damdaming gustong iparating.
“Itikwas mo ‘yung
kaliwa mong paa...” Nabigla ako. Biglang kong naitaas ang kaliwa kong paa. At
pagkatapos...
...Bigla siyang
lumiyad pababa habang unti-unting nagkakalayo ang aming mga katawan...
...Nanatili siyang
nakahawak sa bewang ko. Lalong dumiin ang pagkakahawak niya. Maski sa
pagkakahawak niya sa aking kanang kamay...
...Nakatuon sa kanan
pababa ang ulo ko. Bigla akong nadala sa gulat ng ginawa niya. Habang dama kong
ang tagiliran ko ay malapit sa ari niya, unti-unti itong nasasagi ng di
sinasadya kapag ako’y humihinga, humihinga ng malalim. Maski siya’y humihinga ng malalim, dama ko sa
hininga niyang dumadampi sa aking leeg...
...At unti-unti kong
inangat ang aking ulo, unti-unting nagkatapat ang aming mga mukha. Ang
magandang hubog ng kanyang kilay, ang kanyang mga magaganda at malamlam na mga
mata, ang kanyang di katangusan ngunit magandang ilong, ang kanyang matatabang
pisngi, ang kanyang makapal, mapupula at nakabuka ng kaunting mga labi...
...Lalong humigpit
ang kapit ko sa kanyang balikat, maski sa kanyang kamay na umaalalay sa akin...
Maski siya ay tila
nalilito. Palipat-lipat ang tingin. Sa aking mga pisngi, sa aking matangos na
ilong, sa aking makakapal na kilay, sa aking manipis ang mamula-mulang mga
labi, sa aking singkit na mga mata. At palipat-lipat niya ng tingin, lalong
lumalalim ang kanyang paghinga, lalong umiinit...
...Lalong humigpit
ang kanyang hawak sa aking bewang, humigpit ng may pagmamahal...
If you love me not,
then I love you;
If I love you, you’d
best beware! (You’d best beware!)
Magkadikit ang aming
mga katawan, ang aming mga mata, ang aming kaluluwa, mga labi na lamang ang
hindi nagdidikit sa amin...
Unti-unti, may
pag-iingat, dahan-dahan kong inilapit ang aking labi sa kanyang labi. Marahan,
kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat at pagkalito, pero bakas din
ang pagpapa-ubayang angkinin ko ang labi niya...
Sa kanyang mga mata
lang ako nakatingin. Unti-unti. Maski mga mata niya’y sa akin lang nakatuon.
Dahan-dahan. Ang mga labi nami’y magsasalo na. May pag-iingat. Hindi namin
maipaliwanag ang aming nadarama...
At
ngayon...nagdikit...
But if I love you,
If I love you, you’d
best beware!
“Okay, tapos na ‘yung
sayaw...” saka niya binitawan ang pagkakahawak sa aking bewang maski sa akin
kamay. Nahulog ako. Nauntog ang ulo ko sa sahig, habang ‘yung mga binti ko ay
nakabaluktot na natumba.
“ARAY!!!”
Pero dali-dali niya
lang kinuha ang sapatos kasama ng kanyang medyas. Pinihit ng madali ang
doorknob, at nagmamadali umalis.
“Ser, ano pong
nangyari sa kaibigan niyo...” ang tanong ni Manang Elsa. Magdadala sana siya ng
meryenda para sa amin ni Chong.
Pero hindi ko siya
sinagot. Nakangiti lang ako. Nakangiting parang baliw habang hinihimas-himas
ang ulo kong nauntog. Parang nawala lahat ng sakit ng maalala ko lahat ng
nangyari.
...Kaya pala ‘walang
lalabis’, pero hindi niya sinabing ‘walang kukulang’...
Pero, sandali...
“TEKA!!! HINDI PA
TAYO NAGPAPRAKTIS NG MAY KASAMANG KANTA!!!!!!”
No comments:
Post a Comment